hekasi 6 dlp 30 - mga patakaran at programang pangkabuhayan ng pamahalaan

Upload: neri-tamayo-dizon

Post on 25-Feb-2018

338 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    1/10

    HEKASI

    6666Module 30

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    2/10

    31

    Magandang araw sa iyo! Alam kong mas lalo kang gaganahang

    pag-aralang mabuti ang modyul na ito dahil may kinalaman ito sa

    programang pangkabuhayan ng pamahalaan. Nais mo bang makibahagi

    sa layunin ng pamahalaan? Gumawa ka ng paraan!

    - Sistema ng Patubig National Irrigation Administration (NIA)

    - National Food Authority (NFA)- Livelihood Multi-Purpose Loan- Pagtatayo ng mga Kooperatiba- Wastong Paggamit ng yamang-Likas

    Mga Dapat Matutuhan

    Sa Mag-aaral

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    3/10

    32

    Panuto: Piliin sa loob ng parihaba ang tamang sagot.

    1. Pinananatili ang establisadong presyo ng mga butil ng bigas, mais pati

    asukal. _________________

    2. Sistema ng patubig para sa magsasaka. ____________

    3. Isang samahang pinasisimulan ng isang grupo ng mga tao para sa

    Kabutihan at kaunlaran ng kanilang kabuhayan. _____________

    4. Isang uri ng pagpapaunlad ng ekonomiya na hindi nakapipinsala sa

    Kalikasan.

    5. Hinihikayat ang mga maliliit na namumuhunan na magkaroon ng

    sariling industriyang kanilang pagkakakitaan sa mga pamayanangrural.

    Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan

    Ng Pamahalaaan

    Subukin Natin

    - NFA- Sustainable development- NIA- Kooperatiba- Livelihood Multi-Purpose Loan

    Pag-aralan Natin

    Ang kaalaman sa agham at paggamit ng teknolohiya ay solusyon sa

    maraming suliranin ng bansa. Dapat maramdaman ng mga

    mamamayan na sila ang pinakamahalagang yaman ng bansa at ang

    pamahalaan ay nagsisikap na paunlarin ang kanilang kalagayan.

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    4/10

    33

    National Irrigation Administration (NIA)

    Ang sistema ng patubig ay isa sa mga proyekto ng pamahalaan

    para sa mga magsasaka. Layunin nito na magkaroon ng regular na

    panustos ng tubig ang mga sakahan upang hindi mahinto ang pagtatanim

    ng palay kahit hindi panahon ng tag-ulan.Ang Pilipinas ay isang bansang umaasa sa agrikultura. Hindi

    lamang sa pagmamay-ari ang tuon ng pansin ng programa sa reporma sa

    lupa kundi sa pagpaparami ng ani ng mga lupang pansakahan.

    Ang San roque Multi-porpose Dam na itinayo sa pagitan ng

    Benguet at Pangasinan sa Luzon at itinuturing na pinakamalaki sa buong

    Asia ay hindi lamang libu-libong ektarya ng lupang pansakahan sa

    Rehiyon I at Rhiyon II

    National Food Authority (NFA)

    Ang ahensya na nangangasiwa ng sapat na pagkain (cereal) ng mga

    mamamayan at nagtataguyod ng pagpapalago ng industriya ng mga butil

    ay ang National Food Authority (NFA). Pinananatili ng NFA ang

    establisadong presyo ng mga butyl ng bigas at mais pati asukal.

    Bukod sa butil, nagsisilbing ahensya rin ang NFA para makapag-

    ugnayan sa mga suppliers at outlets ng mga pagkain tulad ng sardines,

    kape, gatas, panlutong langis, at iba papng basic commodities sa

    mababang halaga.

    Livelihood Multi-purpose Loan

    Ito ang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pagkakataon sa

    maliliit na mga mamumumuhunan. Hinihikayat ang mga maliliit na

    mamumuhunan na magkaroon ng sariling industriya na kanilang

    pagkakakitaan sa mga pamayanang rural. Sa paraang ito, maraming tao

    ang nagkakaroon ng hanapbuhay.

    Pagtatayo ng mga Kooperatiba

    Ang kooperatiba ay isang samahan na pinasisimulan ng isanggrupo ng mga tao para sa kabutihan at kaunlaran ng kanilang kabuhayan.

    Ito ay pag-aari at pinamamahalaan ng mga kasapi. Ang mga kasapi ang

    siyang pumipili ng kanilang mga pinuno mula rin sa kanilang mga

    kasama. Ang anumang pakinabang ng kooperatiba sa pagpapautang ay

    hinahati sa mga kasapi nito.

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    5/10

    34

    Wastong Paggamit ng Yamang-likas

    Ang ating pambansang produksyon ay batay sa wastong paggamit

    ng mga lupain. Habang lumalaki ang populasyon, lumiliit ang lupaing

    tinatamamnan. Marami ng lupaing agrikultural ang nawala at ginamit sapabahay, komersiyo, at industruya.

    Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa yamang-lupa kundi

    mayaman in sa yamang-tubig at yamang-mineral.

    Sinusuportahan ng ating bansa ang isang uri ng pagpapaunlad ng

    ekonomiya na hindi nakapipinsala sa kalikasan. Tinatawag itong

    sustainable development. Ito ay isang sistema ng pagpapaunlad sa

    ekonomiya ng bansa. Dapat pangalagaan at gamitin nang wasto ang mga

    yamang-likas ng bansa para sa susunod na salinlahi.

    Kabilang sa mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan aymay kinalaman sa patubig, pagkain, kooperatiba, at likas na yaman.

    Ang kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa ay nakasalalay sa

    patuloy na paglinang at paggamit ng mga likas na pinagkukunang-

    yaman.

    Ang pamahalaan ay naglunsad ng mga patakaran at programa parasa kaunlaran ng kabuhayan ng mga mamamayan.

    Pagtatalakay

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    6/10

    35

    Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa uri ng mga gawaing

    pangkabuhayang nagaganap sa isang bansa. Maaring hatiin sa tatlong

    uri ang mga gawaing pangkabuhayan: produksyon, distribusyon, at

    paggamit ng mga produkto at serbisyo. Kapag mabilis ang

    produksyon at paggamit ng mga produkto at serbisyo,

    nangangahulugan ito ng pag-angat ng kabuhayan ng isang bansa.

    1-3. Anu-ano ang tatlong uri ng mga gawaing pangkabuhayan?

    4-6. Saan ginagamit ang mga lupaing agrikultura na nawala?

    Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

    1. Bakit mahalaga ang sistema ng patubig sa isang bansangagrikultura tulad ng Pilipinas?

    2. Bukod sa pagkaing butil, ano pa ang ibinibigay na tulong ng NFAsa mga mamamayan?

    3-4. Ano ang kooperatiba? Ano ang layunin ng kooperatiba?

    5. Bakit mahalaga ang mga yamang-likas? Ano ang dapat gawin sa

    mga likas na yaman?

    Gawin Natin

    Mga Dagdag na Gawain

    Tandaan Natin

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    7/10

    36

    Sabihin kung nagpapahayag ng katotohanan o opinion lamang.Halimbawa: May malaking epekto ang yamang mineral sa

    suliraning pang-ekonomiya. (katotohanan)

    Masaya ang mamamayang kumikita. (opinyon)

    1. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural.2. Ang wastong paggamit ng yamang-likas ay pakikinabang nang

    matagal ng mamamayan nito.

    3. Itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang

    kanyang mamamayan.4. Higit na pinagtuunan ng pamahalaan ang mga nagmamay-ari ng

    lupang sakahan kaysa magasasaka.

    5. Sa mga bahagi ng Pilipinas na maulan hindi na kailangan ngsistema ng patubig.

    6. Ang NFA ay nagsisilbing ahensya para sa establisadong presyo ngmga butil lamang.

    7. Ang kooperatiba ay maaaring itayo ng isang indibidwal na maysapat na talino at kakayahan.

    8. Ang multi-purpose loan ay para sa isang livelihood project sa mga

    pook na rural.9. Habang lumalaki ang populasyon, lumiliit ang lupang tinatamnan.10.Ang NFA ay nagsisilbi sa mga mamamayan sa panahon sa

    panahaon ng emerhensiya at kalamidad.

    Sariling Pagsusulit

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    8/10

    37

    Kung nakakuha ka ng iskor na walo hanggang sampu, binabati kita dahil

    magaling ka! Kung mas mababa pa sa pito, basahing muli ang modyul.

    ISKOR:

    ____________________

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    9/10

    38

    Subukan Natin

    1. NFA2. NIA3. Kooperatiba4. sustainable development5. Livelihood Multi-Purpose Loan

    Gawin Natin

    1. Produksyon2. Distribusyon3. Paggamit ng mga produkto at serbisyo4. Pabahay5. Komersyo6. Industriya

    Mga Dagdag na Gawain

    1. Kailangan ang regular na panustos ng tubig ang mga

    sakahan upang hindi mahinto ang pagtatanim ng palaykahit hindi panahon ng tag-ulan.

    2. Nakikipag-ugnayan sa mga suppliers at outlets ng mgapagkain tulad ng sardines kape, gatas, at iba pang basic

    commodities sa mababang halaga.

    3-4. Isang samahan na pinasisimulan ng isang grupo ng mgatao para sa kabutihan at kaunlaran ng kanilang

    kabuhayan.

    5. Dapat pangalagaan at gamitin nang wasto ang mgayamang-likas para hindi ito maubos at mawala upang

    may magagamit ang susunod na henerasyon.

    Gabay sa Pagwawasto

  • 7/25/2019 Hekasi 6 DLP 30 - Mga Patakaran at Programang Pangkabuhayan Ng Pamahalaan

    10/10

    39

    Sariling Pagsusulit

    1. Katotohanan2. Katotohanan3. Katotohanan

    4. Opinyon5. Opinyon6. Opinyon7. Opinyon8. Katotohanan9. Katotohanan10.Opinyon