1st generation modules - version ... filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang...
Post on 22-Oct-2020
5 views
Embed Size (px)
TRANSCRIPT
1
Senior High School
Kuwarter 1 - Modyul 2
Mga Konseptong Pangwika
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1S T G
EN ER
AT ION
MO DU
LE S -
VE RS
ION 2.0
2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaang-
kin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Marianne Y. Monzolin
Editor: Lorna P. Almirante
Tagasuri: Dr. Clavel D. Salinas
Marivic M. Yballe (Moderator)
Tagaguhit: Marianne Y. Monzolin
Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent
Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief
Dr. Novie O Mangubat SGOD Chief
Mr. Isaiash T. Wagas LR Focal Person
Dr. Clavel D. Salinas EPS for SHS
Lorna P. Almirante Evaluator
Inilimbag sa Pilipinas ng :
Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon VII, Sangay ng Cebu Province
Office Address IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City 6000 Cebu
Telephone Number: (032) 520-3216 – 520-3217
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1S T G
EN ER
AT ION
MO DU
LE S -
VE RS
ION 2.0
3
KUWARTER 1 — Modyul 2
Mga Konseptong Pangwika
ni:
MARIANNE Y. MONZOLIN
SHS Teacher II
Juan Pamplona National High School
Tabuelan, Cebu
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1S T G
EN ER
AT ION
MO DU
LE S -
VE RS
ION 2.0
4
Panimula
Sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum, ang Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay itinuturing na isa sa mga Core Sub-
jects para sa Senior High School. Binibigyang pokus dito ang pag-aaral tungkol sa
pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng wikang
Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.
Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon kung saan na-
harap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagi-
tan nito, maaaring maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa ba-
hay lamang.
Hangad ng gumawa na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay maihatid sa
mga kabataang mag-aaral ang kinakailangang kaalaman upang matugunan ang
hinihingi ng asignaturang ito. Inaasahan na makaaangkop ang modyul na ito sa pan-
gangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan sa paggamit
ng wika sa pasalita at pasulat na pakikipagtalastasan na isinasaalang-alang ang
mga tuntunin at pagbaybay ng mga salita sa Filipino.
Sa ikalawang linggo ay matutunghayan ang mga Konseptong Pangwika kung
saan mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga maha-
halagang kaisipan na magsisilbing gabay sa lubusang pag-unawa sa wika. Ang lu-
busang pag-unawa tungkol sa wika ang magsisilbing tulay tungo sa paglinang ng
kakayahang komunikatibo ng mga kabataang mag-aaral. Mahalagang malinang ang
kakayahan ng mga kabataan sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghul-
ma sa kanilang pagkatao tungo sa malayang pagpapahayag ng kaisipan, adhikain,
damdamin at saloobin.
Inaasahang magsisilbing tanglaw ang modyul na ito upang magiging madali,
epektibo, at kapaki-pakinabang ang pagkatuto sa asignaturang ito.
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1S T G
EN ER
AT ION
MO DU
LE S -
VE RS
ION 2.0
5
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:
Dito inilalatag ang mga layuning inaaasahang matatamo sa
pagtatapos ng modyul. Matatamo lamang ito gamit ang
iba’ibang pamamaraan sa pagtuturo tungo sa pagkatuto
Ito ang bahagi kung saan tinataya ang kakayahan at kaala-
man ng mga mag-aaral sa mga araling dapat niyang matutu-
han at kung alin ang dapat pang palawakin at linangin
Ito ang mga gawaing sinubok ang dating kaalaman ng mag-
aaral bilang panukat sa kanilang natutuhan
Sa bahaging ito, sinusubok ang mapanuring pag-unawa ng
mga mag-aaral sa asignatura sa pamamagitan ng paglatag
ng mga gawain
Dito itinatampok ang paksa ng araling tatalakayin upang ma-
linang ang kasanayan ng mga mag-aaral
Sa bahaging ito, ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa
tungkol sa paksang tinalakay
Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-
isipan ang kabuluhan ng mga kaalamang natamo bago
magpatuloy sa susunod na bahagi
Sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mag-aaral sa kabuuan
ng aralin
Ito ang mga gawaing hahamon sa mga mag-aaral na ilapat
ang kanilang natutunan sa mga aktuwal na sitwasyon o ma-
katotohanang konteksto.
Dito tinataya ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral
kaugnay sa kabuuang araling tinalakay.
Ito ang mga karagdagang babasahin o gawain na magpapa-
lawig sa talakayan na susubok at hahasa sa tibay ng pag-
unawa ng mga mag-aaral. Maaari itong nakalimbag o mula
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1S T G
EN ER
AT ION
MO DU
LE S -
VE RS
ION 2.0
6
Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot na hinihingi sa bawat
bilang.
1. Ano ang pinagkakaiba ng monolingguwal sa monolingguwalismo?
A. ang monolingguwal ay tumutukoy sa tao habang ang monolingguwalismo ay para sa
bansa
B. Ang monolingguwal ay para sa mga guro at ang monolingguwalismo ay para sa paar-
alan
C. Walang pinagkaiba ang dalawa
D. Wala sa nabanggit
2. Ibigay ang tamang paglalarawan sa bilingguwalismo.
A. ito ay ang tawag sa wika
B. Ito ang tawag sa paggamit ng wika
C. Ito ang tawag sa paggamit ng maraming lengguwahe o wika
D. Ito ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lengguwahe o wika
3. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng
dalawang wika o diyalekto nang may ___
A. Kaalaman
B. Kasipagan
C. Kahusayan