navorregie.weebly.com  · web viewnalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito....

36
Aralin 2: Ang Mundo ng Komunikasyon sa mga Pilipino Ang tiyak na pundasyon ng mabuting komunikasyon ay kung mararamdaman ng bawat tao na siya ay natatangi at mahalag. Anonymous Pokus: 1. Nauunawaan ang kalikasan at kahulugan ng komunikasyon 2. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga sitwasyon sa komunikasyon 3. Nailalahad ang mga sitwasyong napapanood o napakikinggan tungkol sa komunikasyon 4. Nakabubuo ng mga panibagong sitwasyon sa komunikasyon 5. Nalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito Pag-usapan Natin Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang literaturang pangwika na nababasa sa iba’t ibang aklat. Ang penomenang ito ay naghuhudyat sa atin na hindi mapasusubalian sa mundong ito, hindi natin maiiwasan ang komunikasyon. Ang komunikasyon ay nabuo ayon sa pakikisalamuha o pakikipag- ugnayan natin sa ating kapwa na iba’t ibang tradisyon, ugali, karanasan, at paniniwala. Ang transakyong ito ay nagmulat sa iba’t ibang iskolar para palawigin at palawakin ang pag-aaral tungkol dito – hudyat na ang pangyayari sa buhay pag- inog ng mundo ay dinamilp at nagiging komplikado ayon sa hinihingi ng ating panahon. Sa bahaging ito, ipaliliwanag ang kalikasan at kahulugan ng komunikasyon bilang aplikasyon sa mga tatalakaying paksa sa mga susunod na aralin. 2.1 ANG KALIKASAN AT KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON Ang nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon. Ang pagtinign sa mga billboards panonood ng telebisyon, pagbukas ng Facebook para basahin ang nakasulat sa post ng kaibigan o kakilala, gayundin ang pagkokomento rito, pagkindat at pagsabi ng “Mahal kita” sa napupusuan ay bahagi ng tinatawag nating komunikasyon. Ang komunikasyom ay nagmula sa Latin na communicare, na ibig sabihin ay maging komon o magbahagi”. Ito ay isang proseso ng pagbuo at paggamit ng kahulugan batay sa impluwensya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap. Ayon sa pag-aaral ng grupo nina Josefina Mangahis, tagapangulo ng De La Salle University, ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok na gamit ang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood. Proseso ito dahil nagpapahiwatig ng mga mensahe na napapahayag ng mga kahulugang nakapabalot at nakapaloob sa isang sistema ng signipikasyon o signification. Ang sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng signifier at ng

Upload: others

Post on 02-Apr-2021

27 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Aralin 2: Ang Mundo ng Komunikasyon sa mga Pilipino

Ang tiyak na pundasyon ng mabuting komunikasyon ay kung mararamdaman ng bawat tao na siya ay natatangi at mahalag.

Anonymous

Pokus:1. Nauunawaan ang kalikasan at kahulugan ng komunikasyon2. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga sitwasyon sa komunikasyon3. Nailalahad ang mga sitwasyong napapanood o napakikinggan tungkol sa komunikasyon4. Nakabubuo ng mga panibagong sitwasyon sa komunikasyon5. Nalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito

Pag-usapan Natin

Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang literaturang pangwika na nababasa sa iba’t ibang aklat. Ang penomenang ito ay naghuhudyat sa atin na hindi mapasusubalian sa mundong ito, hindi natin maiiwasan ang komunikasyon. Ang komunikasyon ay nabuo ayon sa pakikisalamuha o pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa na iba’t ibang tradisyon, ugali, karanasan, at paniniwala. Ang transakyong ito ay nagmulat sa iba’t ibang iskolar para palawigin at palawakin ang pag-aaral tungkol dito – hudyat na ang pangyayari sa buhay pag-inog ng mundo ay dinamilp at nagiging komplikado ayon sa hinihingi ng ating panahon. Sa bahaging ito, ipaliliwanag ang kalikasan at kahulugan ng komunikasyon bilang aplikasyon sa mga tatalakaying paksa sa mga susunod na aralin.

2.1 ANG KALIKASAN AT KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Ang nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon. Ang pagtinign sa mga billboards panonood ng telebisyon, pagbukas ng Facebook para basahin ang nakasulat sa post ng kaibigan o kakilala, gayundin ang pagkokomento rito, pagkindat at pagsabi ng “Mahal kita” sa napupusuan ay bahagi ng tinatawag nating komunikasyon. Ang komunikasyom ay nagmula sa Latin na communicare, na ibig sabihin ay maging komon o magbahagi”. Ito ay isang proseso ng pagbuo at paggamit ng kahulugan batay sa impluwensya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.

Ayon sa pag-aaral ng grupo nina Josefina Mangahis, tagapangulo ng De La Salle University, ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok na gamit ang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood. Proseso ito dahil nagpapahiwatig ng mga mensahe na napapahayag ng mga kahulugang nakapabalot at nakapaloob sa isang sistema ng signipikasyon o signification. Ang sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng signifier at ng signified. Arbitraryo ang ugnayan ng signifier at signified kung kaya’t iba-iba ang mga pahiwatig ng wikang ginagamit sa komunikasyon tulad ng suot, damit, hitsura, tindig, kilos, gawi, at iba pang nagpapahayag ng mga mensaheng nababasa at nauunawaan ng tao.

2.2 MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili. Bawat isa sa atin ay bahagi ng komunikasyon dahil ang mundo ay nangangailangn ng pakikibahagi sa isa’t isa. Kung paano tinitingnan ang iyong sarili ay malaking bagay kung paano ka makikipagtalastasan o makipagkomunikasyon. Bawat indibidwal ay nabubuhay sa patuloy na nagbabagong mundo ng karanasan na ikaw ang sentro. Ito ay walang tigil na daloy ng salitang pumupulupot, dayagonal na estruktura na gawaing sosyal (Shotter, 2000, p. 199(nabanggit ito sa biblio: ))

Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao. Sa prinsipyong ito, naaaplay ang “No man is an island.” Ipinapakita rito na ang bawat isa sa atin ay kumilios sa ating mga tungkulin (roles) ayon sa inaasahan o ekspektasyon ng iba. Bumubuo tayo ng sariling imahe batay sa mga taong pinaniniwalaan at kung paano ka nila inuuri ayon sa sistemang kinabibilangan. Halimbawa nito ang tungkulin bilang anak sa tahanan, estudyante sa paaralan, at kaibigan sa kinabibilangang pangkat.

Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon. Sa komunikasyon, mahalagang matutuhan na ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal (relational) na dimesyon. Kapag sinabihan ka ng guro ng “Tumayo,” ang salitang ito ay nakapaloob sa pangnilalaman na nagsasaad ng pagpapahayag ng pag-utos. Ang pagsasagawa ng kilos mula rito ayon sa intension ng guro, at kung paano mo ito nabigyang-kahulugan batay sa persepsyon mo, ay naghuhudyat na nagawa ang relasyong dimensyonal.

Page 2: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Kaungnay nito, si Watzlawick et al (nabanggit ito sa biblio: )) (1967), ang nagsabi na kapag ikaw ay nakikipagkomunikasyon, awtomatikong inuugnay mo na agad ang iyong sarili sa kanila. Ipinaliwanag din niya na kapag ang salita ay nasa anyong isinasagawa sa pagpapadala ng impormasyon, ito ay isang pangnilalamang antas (content level). Kung paano naiuugnay naman ang mensahe nito sa lipunan at personal ay nagiging relasyonal na antas naman ito (relational level) ito.

Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil nakapaloob dito ang iba’t ibang aspeto ng mensahe – ang berbal, di-berbal at pag-uugali nito; ang pagpili ng lugar at tsanel na gagamitin gayundin ang perspektiba o relasyon sa pagitan ng tagapagdala (sender) at ng awdyens; ang mga katangian ng awdyens; at ang sitwasyon kung saan nagaganap ang komunikasyon. Ang pagbabagong magaganap sa mga baryabol na ito ay makaaapekto sa proseso ng komunikasyon.

Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo. Lahat ng komunikasyon ay nagpapakilala ng paggamit ng simbolo, paksang mayroon na sa mahabang tadisyon sa kasaysayan ng ating disiplina (Saussure, 1910/1993), isang lingguwista. Ang simbolo ay isang bagay o ideya na ang kahulugan ay mas komplikado sa kung paano ito tingnan. Sinasabi na ito ay arbitraryong representasyon ng ideya, konsepto, bagay, tao, relasyon, kultura, kasarian, at lahi. Halimbawa nito ay ang hugis ng puso na simbolo ng pag-ibig at bituin sa balikat ng isnag marino na sumisimbolo sa kapangyarihan at ranggo. Kasama rin sa Simbolo ang kilos, tunog, larawan logo, marka, at iba pang bagay na kumakatawan maliban sa sarili. Sa komunikasyon, ang simbolo at tanda o sign ay magkaiba. Ang tanda ay teknikal na nagpapakita ng sanhi ng ugnayan sa isang bagay. Halimbawa, usok ang tanda na may apoy; ang basng kalsada ay tanda na umulan.

Ang komunikasyon ay nangangailang ng kahulugan (meaning). Sa komunikasyon, mahalaga ang gamit ng mga simbolo para makabuo ng kahulugan. Subalit ang isang simbolo ay maaaring magbago pa ulit ng panibagong kahulugan kung isasama ito sa ibang simbolo. Halimbawa, ang konsepto ng ‘kaligayahan’ ay maaring maipahayag sa salitang “Masaya ako” o sa pamamagitan ng pagthumbs-up o kaya naman ay pagwagayway ng watawat at pagtalon nang mataas kapag nanalo sa patimpalak.

Ang komunikasyon ay isang proseso. Ang komunikasyon ay isang proseso dahil ito ay isang aktibidad (activity), pagpapalitan (exchange) ng mga set na pag-uugali o behavior na hindi nagbabago ang produkto. Ito rin ay binubuo ng hindi lamang isang proseso kundi marami pang proseso na kinasasangkutan ng tagapagdala (sender) at tagatanggap (receiver). Isang halimbawa nito ay ang pagtiyak ng tagapagdala, mga salita o simbolong gagamitin, paano ito maiintindihan, at ano ang reaksyon ng tagapagtanggap sa mensahe. Halimbawa, sa pagbibigay ng talumpati, hindi lamang ang katotohanan o kaalaman (facts) ang ibibigay (representasyunal), kundi pati ang pagpili ng mga katotohanan o kaalamang ito na gagamitin sa presentasyon upang mas magiging kawili-wili sa awdyens (presentasyunal).

2.3 KOMPONENT NG KOMUNIKASYON

Mga Tao. Mahalagang component ng komunikasyon ang tao dahil sila ang tumatayo bilang tagapgdala (sender) at tagatanggap (receiver) ng mensahe. Ang tagapagdala (sender) ang nagsasagawa ng pagbibigay o pagsisimula ng pagpapadala ng mensahe (enkowd) na bibigyang-kahulugan (dekowd) ng tagatanggap (receiver) ayon sa inaasahan o layunin ng mensahe nito.

Mensahe. Ito ay berbal o di-berbal na porma ng ideya, naiisip, o nararamdaman ng isang tao (tagapagdala o sender) na nais makipagtalastasan o makipag-ugnayan sa isang tao o pangkat ng tao. Ang mensahe ang nilalaman ng interaksyon na kung saan nakapaloob ang simbolo (salita o parirala) na ginagamit para ipahayag ang ideya, gayundin ang kilos ng katawan, pisikal na kontak, tono ng boses, at iba pang di-berbal na koda. Ang mensahe ay maaaring nag-uugat sa intensyonal at relatibong maikli at madaling maintindihan o kaya’y mahaba at komplikado.

Midyum/Tsanel. Ang mensaheng nabuo ng tagapagdala sa tagatanggap (receiver) sa pamamagitan ng instrument o midyum tulad ng radio, telebisyon, cellphone, email, mga larawan, at iba pang katulad nito. Sa harapang komunikasyon (person-to-person communication), naipadala ang mensahe gamit ang tsanel na sound at light waves upang Makita at marinig ka ng tagatanggap.

Pidbak. Bahagi ito ng sitwasyong komunikasyon kung saan magsasagawa ng berbal o di-berbal na sagot ang tagatanggap (receiver) sa pinanggalingan ng mensahe (sender).

Ingay. Ang ingay ay isang sagabal sa pagpapadala o enkowd at pagbibigay kahulugan o dekowd ng mensahe. Tinutukoy na ingay rito ay maaaring pisikal o sikolohikal. Pisikal na ingay ito kung may suliranin sa pandinig, malalakas na tunog sa kapaligiran, gambala sa paningin tulad ng dumi sa ngipin, gayundin ang espasyo kung gaanokalapit ang kausap. Ang sikolohikal naman ay ang mga gumagambala na nagaganap o nagyayari sa isipan ng tao tulad ng wala sa katinuan sa pag-iisip o may dala-dalang problema sa pamilya, relasyon, at trabaho. Nakaaapekto ang ingay dahil nakahahadlang ito upang matanggap, mabigyang-kahulugan o magbigay ng pidbak hinggil sa mensahe.

Page 3: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Koda. Ito ay sistemang pagkakaayos ng mga simbolong ginagamit upang makabuo ng mga kahulugan sa kaisipan ng tao o pangkat ng tao. Ang mga salita, parirala, at pangungusap ay nagiging “simbolo” na ginagamit upang magdala ng imahen, ideya, at naiisip sa utak ng ibang tao. May dalawang koda ang ginagamit sa komunikasyon: (1) Kodang Berbal kapag nakapaloob ang mga simbolong gamit sa wika tulad ng pagkakaayos ng mga pangungusap. (2) Kodang Di-Berbal naman kapag nakapaloob ang mga nonoral na koda tulad ng kilos ng katawan, espasyo, oras, pananamit, at iba pang palamuti. Kasama rin sa kodang di-berbal ang punto, haba, intonasyon, bilis, antala ng mga tunog na nabubuo ng mga salita o mas kilala ito bilang paralanguage.

2.4 TATLONG PARAAN NG KOMUNIKASYON

Komunikasyon bilang Aksyon. Sa paraang ito, ang pinagmulan ng mensahe(sender) ay naghahatid ng mensahe na maaaring natanggap ng tagatanggap(receiver). Halimbawa nito ay ang pagpapadala ng simpleng text ni Sophia kay Matteo subalit hindi nabasa ang mensahe. Sa ganitong paraan, mahirap makita na ito ay isang komunikasyon dahil walang nakabasa, subalit mayroong ‘pagtatangka o attempt’ na naganap para magsagawa ng komunikasyon.

Komunikasyon bilang Interaksyon. Sa paraang ito, nagkaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang indibidwal. Halimbawa nito sa ibinigay na sitwasyon tungkol sa pagpapadala ng text message ni Sophia, nagtangkang basahin na ni Matteo ang mensahe, subalit hindi ito nagreply o tumugon dito. Ang pagpapalitang ito ay isang representatibo ng mas tipikal na persepsyon ng komunikasyon.

Komunikasyon bilang Transaksyon. Ito ang tipikal na ibinibigay na kahulugan ng mga awtor sa komunikasyon. Sinasabing sa komunikasyonh ito, naisagawa ang paraang pagbabahagian ng kahulugan at unawaann sa pagitan ng isa o maraming indibidwal. Sa ibinigay na halimbawa tungkol sa nagtetext, nagawa nang replyan ni Sophia na nagpapakita ng nagkaroon ng transaksyon sa pamamagitan ng tagapagdala (sender) at tagatanggap (receiver).

2.5 URI NG KOMUNIKASYON SA KONTEKSTO

Ang komunikasyon ay nagaganap sa isang konteksto-isang set ng sitwasyon o pagkakataon na nagaganap sa dalawang magkaibigan, pangkat ng tao at iba pang may kaugnayan sa bilang isang tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe. Narito ang iba’t ibang uri ng komunikasyon ayon sa konteksto.

Komunikasyong intrapersonal. Ito ay proseso ng komunikasyon na ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang. Halimbawa nito ay ang pagkunot ng noo sa napakinggan o napanood na balita sa telebisyon at pagtawa ng mag-isa dahil naalala ang masayang karanasan kasama ang mga kaibigan noong nasa elementarya.

Komunikasyong interpersonal. Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng hindi bababa sa dalawang tao sa isang sitwasyon. May dalawang sabset ang komunikasyong interpersonal – ang dynamic at small-group communication.

Ang dyadic na komunikasyon ay nagaganap sa dalawang tao tulad ng interbyu at usapan ng mag-asawa o magkasintahan, di kilalang tao, o kaibigan.

Ang komunikasyong small-group ay nagaganap kapag ang proseso ng paggamit ng mensahe ay makabuo ng kahulugan sa isang maliit na pangkat ng tao tulad ng nagaganap sa pag-uusap ng pamilya habang kumakain, pangkat ng mga relihiyon, at mga kaklaseng nagrerebyu para sa pagsusulit.

Komunikasyong Pampubliko. Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe kung paano nakabubuo ng kahulugan sa isang sitwasyon. Kung saan ang simpleng pinagmulan (source) ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap (number of receivers) na nagbibigay ng di-berbal at minsan ay tanong-sagot na pidbak. Sa Komunikasyong pampubliko, ang pinanggalingan (source) ay umaangkop ng mensahe sa awdyens bilang pagtatangkang makuha ang pinakamataas na kaalaman at partisipasyon. Karaniwang nagaganap ang komunikasyong ito sa open forum, talakayan sa klase, misa, at pagtitipon ng iba’t ibang sector.

Komunikasyong Pang-masa (Mass Communication). Ito ay proseso ng paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa isang namamagitan (mediated) na sistema sa pagitan ng tagapagpadala patungo sa malaking bilang ng di nakikitang tagatanggap. Tinawag na “masa” dahil ang mensahe ay naililimbag sa mga pahayagan, napanood sa telebisyon, o napakikinggan sa radio. Halimbawa nito ang palabas sa telebisyon, nagmumula sa signal sa broadcast studio patungo sa satellite o cable system bilang paraan ng distribusyon.

Komunikasyong Computer Mediated. Nakabilang dito ang komunikasyon pantao at impormasyon ibinabahagi sa pamamagitan ng communication networks. Sa komunikasyong ito, nangangailangan ng digital literasi ang isang tao – may abilidad na makahanap, makaebalweyt, at magamit ang impormasyon na makikita sa kompyuter. Ang email messages, discussion group thread (Skype at iba pang ginagamit sa teleconferencing), instant message sa cellphone, at pagbuo ng mga

Page 4: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

eb page at sites ay nagsisilbing mensahe habang ang tao ay patuloy na nagseserbisyo bilang tagapagdala(source) at tagatanggap (receiver) ng mga mensahe. Isa pang sikat na halimbawa nito ang social media katulad ng Facebook at Twitter.

2.6 KOMUNIKASYON AYON SA INTENSYON

Mayroong mga uri ng komunikasyon na dapat maunawaan ang isang mag-aaral ng wika.

1. Tagumpay na Komunikasyon. Sa uring ito, maayos na naipada at nabigyang-kahulugan ang mensahe ayon sa inaasahang kahulugan o layunin nito.

2. Miskomunikasyon. Intensyonal na naipadala ang mensahe sa tagatanggap subalit nagkaroon ng suliranin o problema sa pagkakaunawa o interpretasyon dito.

3. Aksidental na Komunikasyon. Walang intensyong ipadala ang mensahe ng tagapagpadala (sender) subalit nagbigyang interpretasyon ito ayon sa nararamdaman nito. Halimbawa nito ang laging paghikab ng mga mag-aaral sa loob ng klase habang nagaganap ang talakayan.

4. Tinangkang Komunikasyon. Intensyonal na ipinapadala ang mensahe subalit hindi ito nabigyang-kahulugan ng tagatanggap. Halimabwa nito ang pagtext ng girlfriend na makipagkita ng alas-2 ng hapon sa isang restawran para pag-usapan ang namumuong hidwaan dahil sa third party. Kung saan kinondisyon na ng babae na kapag hindi sumipot ang kanyang boyfriend, hudyat na ito ng hiwalayan. Sa sitwasyong ito, hindi nga nabasa ng kanyang boyfriend ang text message.

5. Walang Tangkang Komunikasyon. Isa sa pinakadelikadong uri ng komunikasyon ang sitwasyong hindi intensyonal na ipadala ang mensahe subalit nabigyang-kahulugan ito nang di-wasto. Halimbawa nito ang pagngiti ng babae habang naglalakad (di intensyong sumagi lamang ang magandang nangyayari sa buhay niya) sa pangkat ng mga lalaking nag-iinuman, ngunit ang pangkat ng mga lalaki ay napakahulugang ito na may nais o inaakit sila nito.

2.7 ANG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO (COMMUNICATIVE COMPETENCE).

Kaugnay sa pagtalakay ng komunikasyon, malaking pagkakataon na maunawaan ang iba’t ibang kakayaha na nakapaloob sa kakayahang komunikatibo. Ang pagkatuto sa mga kakayahan ay daan para matutuhan nating magsuri at mag-analisa ng mga nagaganap sa ating wika at lipunan.

Ang kakayahang komunikatibo ayon sa sosyolingguwista na si Dell Hymes (1976, 1972), ay isang aspeto na nagbibigay sa atin ng abilidad upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob ng ispesipikong konteksto. Tinitingnan din ito bilang relatibo, hindi absolute o ganap, at nakabatay sa kooperasyon ng lahat ng mga sangkot na partisipant. Sa kompitens na ito, nangangailangan ng sensitibiti sa dayalekto o rehistro at kaalaman sa mga kultural na reference tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang popular, istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

Hinahati ng manunulat na si James Cummin ang kakayahang komunikatibo bilang CALP (Cognitive Academic Language Proficiency) at BICS (Basic Interpersonal Communicative Skills). Ang CALP ay isang dimension ng kakayahan na kung saan ang mag-aaral ay kayang imanipula at magbigay – repleksyon sa mababaw na mukha/antas ng wika sa labas ng madaliang kontekstong interpersonal tulad ng mga nagaganap sa klase. Halimbawa ay ang pagsagot sa pagsusulit sa loob ng klase ang pokus sa porma ng wika. Ang BICS naman ay isang kakayahang natatamo mula pa lamang sa pagkabata upang maisagawa ang pagpapalitang interpersonal o komunikatibong pagpapalitan tulad ng kuwentuhan ng mga barkada o usapan ng pamilya habang namamasyal.

Sa pag-aaral ng kakayahang komunikatibo, isinasaalang-alang ang kategorya nito: (1) kakayahang gramatikal/lingguwistik at kakayahang diskurso na tumatalakay sa lingguwistikang repleksyon; habang ang (2) kakayahang sosyolingguwistiks at kakayahang estratedyik/pragmatic naman ay para sa komunikasyong repleksyon.

Kahalagahan ng Kakayahang Komunikatibo

Mga dahilan kung bakit kailangang may kasanayang komunikatibo:

1. Maipakita ang kalidad ng kakayahang akademik sa gawain.2. Makaimpluwensya ng isipan ng iba at matularan ang sariling ideya, paniniwala, at pagpapahalaga (value).3. Mapaglingkuran ang kapwa at mapatunayan ang tunay mong hangarin at layunin sa anumang Gawain.4. Maging maligaya.5. Magkaroon ng magandang relasyon at pakikipagkapwa-tao.6. Makabuo ng kredibilidad.

2.8 ANTAS NG PORMALIDAD SA PAKIKIPAGTALASTASAN O KOMUNIKASYON

Page 5: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Si Martin Joos (1967) sa aklat ni Brown (2000) na Principles of Teaching and Learning ay naghanda ng mga payak na klasipikasyon ng mga estilong pagsasalita na ginagamit bilang pamantayan ng formality o pormalidad.

1. Oratorial o Frozen Style. Kadalasan itong ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng awdyens. Mahusay na pagpaplano kaugnay sa mga salitang gagamitin, intonasyon, gayundin sa iba pang mga mapanghikayat na paraan ng pagsasalita, ang mga kailangan sa estilong ito.

2. Deliberative Style. Ginagamit naman ang estilong ito sa tiyak na bilang ng awdyens na hindi kinakailangan ng mataas na antas na pormalidad gaya ng nauna. Kadalasan itong isinasagawa sa loob ng klasrum o mga forum.

3. Consultative Style. Ito ang tipikal na pakikipagdiyalogo. Kailangan dito ang pormalidad sa pananalita sa pamamagitan ng pagiging mapili sa mga salitang gagamitin. Kadalasan itong masasaksihan sa opisina at mga miting.

4. Casual Style. Ang estilong ito ay higit na makikita sa usapan ng dalawang magkaibigan o kaya naman ay usapan sa pagitan ng magkakapamilya. Hindi gaanong binibigyang-pansin dito ang pormalidad ng pakikipagsalitaan.

5. Intimate Style. Tinataya sa estilong ito ang pagkawala ng anumang uri ng mga inhibidyon sa pakikipagsalitan. Nagaganap naman ito sa pagitan ng malapit na kaibigan, kapamilya, o karelasyon kung saan inihahayang ang sarili sa iba.

Page 6: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Paunlarin Natin

A. Sipat-salita

Hanapin at alamin ang kahulugan ng dalawampung (20) salita na nakapaloob sa word search.

K O M P L I K A D O T M I Y DO I N T R A P E R S O N A L JM H S L E N A S T J T M R Q QU N U N O Y I S N E M I D X XN O H P I N T E R A K S Y O NI Y A L A D A P G A P A G A TK S Q I D G E G B B S N N C LA K O Q N R G D U I B C O T AS A Z C S G I N M L V H Y H BY S J O O P A B A T U C S T RO N N O T O O Y H T F H K H EN A O K I L B U P M A P A Q BL R P R O S E S O D O G O K IX T J B S Y Z H B E R B A L DO B I T A K I N U M O K A T A

B. Tanong-sagot

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang komunikasyon? Bakit mahalaga ang komunikasyon?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Paano nakabubuo ng kahulugan ng komunikasyon?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Paano nakaaapekto ang kultura sa isang komunikasyon?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano ang berbal at di-berbal na koda? Ipaliwanag ang bawat isa.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Sinasabi na sa komunikasyon, mensahe ang ipinapadala at hindi kahulugan? Tama ba ito? Ipaliwanag.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano-ano ang kalakasan at di-kalakasan na uri ng komunikasyon sa konteksto? Ipaliwanag.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Maglahad ng iba’t ibang sitwasyong pisikal at sikolohikal na ingay na naranasan sa buhay. Paano nakaaapekto ito sa komunikasyon?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 7: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

8. Maari ba na ang isang simbolo ay makabuo ng maraming kahulugan? Patunayan ang iyong sagot.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Ano ang kakayahang komunikatibo? Ano ang iba’t ibang uri ng kakayahang komunikatibo?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Bakit mahalaga ang kakayahang komunikatibo? Iugnay ito sa sitwasyong Pilipino.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Iugnay Natin

1. Bumuo ng collage ayon sa natutuhan “Kalikasan at Kahulugan ng KOmunikasyon ng mga Pilipino”. Masusing ipaliwang ang nilalaman ng collage at tukuyin ang mga natutuhang konsepto na naiugnay sa nagawang sining.

2. Pumili ng kuwentong nais basahin sa Wattpad at bumuo ng simpleng analisis sa laman nito.

Gawin Natin

1. Bumuo ng jingle na may kinalaman sa komunikasyon at lapatan ito ng aksyon. Isagawa ito sa klase.

2. Magsagawa ng Telephone Game o Pass the Message sa klse at alamin ang mga natutuhan at iba pang nadiskubreng konsepto o aral sa larong ito. Bumuo muli ng panibagong talakayan para sa panibagong pag-aaral hinggil sa mga kakailanganin pang talakayin sa komunikasyon. Mula rito, bumuo ng simpleng konseptong papel kaugnay sa nagaganap na mga pangyayari sa lipunan o kulturang Pilipino.

Pagnilayan Natin

a. Mag-isip ng mga pangyayaring nagaganap o naganap sa mga sumusunod at talakayin ito sa loob ng kahong inihanda. Mula rito, magkaroon ng repleksyon kung nakabubuti o hindi nakabubuti ito sa pinag-aralan sa komunikasyon.

Pamagat ng kuwento sa Wattpad

Mga tauhan Siping pangyayari sa mga naganap sa kuwentong

Kaugnayan ng siping pangyayari sa paksa ng komunikasyon

Mga reaksyon hinggil sa maikling kuwentong

Page 8: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Repleksyon

Repleksyon

Repleksyon

Rubik

Pangkat: _______________________________________________________________ Petsa: ___________________________Taon/Trak/Istrand: _______________________________________________________ Marka: ___________________________

Deskripsyon Bahagdan Marka

Nilalaman Nakapaloob dito ang paksa ng jingle, nilalaman at kaugnayan nito sa sitwasyon 50%

PresentasyonNakapokus ang paglalahad sa tamang gamit ng tono, timing, at koyograpi sa sa sinasambit ng bibig

40%

Gamit ng Wika Naipakita ng jingke ang husay sa paggamit ng Wikang Filipino ayon sa tatas at gamit nito 10%

KABUUAN 100%

Mga pangyayari sa Tahanan

Pangyayaring Panlipunan

Pangyayayring Panlipunan

Page 9: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Subukin Natin

Pangalan: Petsa:Taon/Trak/Istrand: Guro:

I. Basahin at tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Proseso ng pagbuo at paggamit ng mesahe upang makabuo ng kahulugan batay sa impluwensya ng mga partilular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag-uusap.

A. Diskurso B. KomunikasyonC. Interpersonal D. Interkultural

2. Kodang nakapaloob ang mga simbolong gamit sa wika tulad ng pagkakaayos ng mga pangungusao at salita.A. Significant B. Di-BerbalC. SIgnifier D. Berbal

3. Nagmuka ang salitang komunikasyon sa salitang latin na ito na ibig sabihin ay “ibahagi”.A. communis B. communalC. communi atus D. communicare

4. Kontekstong komunikasyon na ang mensahe at kahulugan dito ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang.A. Intrapersonal B. PampublikoC. Interpersonal D. Pang-masa

5. Intensyonal na naipadala ang mensahe sa tagatanggap subalit nagkaroon ng suliranin o problema sa pagkakaunawa o interpretasyon dito.

A. Tagumpay na Komunikasyon B. Tinangkang KomunikasyonC. Miskomunikasyon D. Aksidental na Komunikasyon

6. Prinsipyo ng komunikasyon dahil ito ay isang aktibiti at pagpapalitan (exchange) ng mga set na pag-uugaliu o behavior na hindi nagbabago ang parodukto.

A. Simbolo B. KahuluganC. Produkto D. Proseso

7. Sa pamamagitan nito naipapadala ang mensaheng nais ohatid ng tagapagdala sa tagatanggap.A. Oras B.C. Ingay D. Tao

8. Ang kakayahang komunikatibo ay isang aspeto na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob ng ispesipikong konteksto. Ito ay ayon kay_______.

A. Saussure B. HymesC. Watzlawick D. Duck at Mc Mahan

9. Naging mahalaga ang gamit ng mga simbolo para makabuo nito.A. Mensahe B. PrisipyoC. Kahulugan D. estruktura

10. Walang intensyong ipadala ang mensahe ng tagapagpadala subalit nabigyang interpretasyon ito ayon sa nararamdaman ng tagatanggap.

A. Tagumpay na Komunikasyon B. Tinangkang KomunikasyonC. Miskomunikasyon D. Aksidental na Komunikasyon

11. Ito ay instrument o midyum na ginagamit sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.A. Dinamiko B. ProduktoC. Wika D. Nilalaman

12. Ito ay abilidad na makahanp, makaebalweyt, at magamit ang impormasyon na makikita sa kompyuter para sa isang komunikasyong kompyuter.

A. Estratedyik na kakayahan B. Digital na literasiC. Pangnilalamang antas D. Relatibong dimensyon

Page 10: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

13. Dimension ng kakayahang komunikatibo kung saan ang mag-aaral ay kayagn imanipula at magbigay-repleksyon sa mababaw na mukha/ antas ng wika sa labas ng madaliang kontekstong interpersonal

A. BICS B. BICLAC. CALP D. CALLA

14. Ito ay uri ng ingay na tumutukoy sa mga suliranin sa pandaigdig, malalakas na ingya at ilaw sa kapaligiran, gayundin ang espasyo kapag kausap.

A. Pisikal na ingay B. Sikolohikal na ingayC. Relasyonal na ingay D. Pangnilalamang ingay

15. Ito ang tawag sa mga di-berbal na kodang tumutukoy sa kilos ng katawan, espasyo, oras pananamit at iba pang palamuti sa katawan.

A. Berbal B. NonoralC. Immoral D. Amoral

II. Basahin at suriing mabuti kung tama o mali ang isinasaad ng una t ikalawang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang tamang letra ng sagot sa patlang.

A. Tama ang dalawang pahayag C. Tama ang una, Mali ang ikalawang pahayag

B. Mali ang dalawang pahayag D. Mali ang una, tama ang ikalawang pahayag

__________ 1. (1) Bahagi n gating buhay ay ginugugol sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.

(2) Masasabi natin na ang ito ay isa ng natural na pangyayari sa ating buhay.

__________ 2. (1) Ang di-berbal na komunikasyong ginagawa sa ating pakikisalamuha ay nakatutulong upang mas maunawaan ang mensaheng nais iparating.

(2) Hindi kailangang pag-aralan ang mga si-berbal na kilos na ating ginagawa sa araw-araw dahil ito ay katanggap-tanggap sa iba’t ibang kultura.

__________ 3. (1) Ang komunikasyon ay likas na nagaganap sa tao gamit ang simbolong berbal at di-berbal

(2) Masasabi rin natin na hindi nagaganap ang komunikasyon sa karaniwang hayop dahil tayo ay tinaguriang ‘higest form of animal’.

__________ 4. (1) malaking bahagi ng komunikasyon ang paggamit ng simbolo sa berbal at di-berbal aspeto.

(2) Sa bawat simbolo, maaaring makabuo ng iba’t ibang kahulugan ayon sa pananaw ng tumitingin dito.

__________ 5. (1) Hindi kailangang pag-aralan ang komunikasyon dahil ito ay natural na simula ng tayo ay pinanganak.

(2) Pinag-aralan lamang ang komunikasyon dahil ito ay natural na simula ng tayo ay pinanganak.

__________ 6. (1) Laging matagumpay na komunikasyon ng mga taong hindi naniniwala sa kanilang sarili

(2) ang miskomunikasyon ay nangyari lamang kapag pinagpipilitan ng isang tao ang kanyang paniniwala sa isang taong may ibang kultura at tradisyon.

__________ 7. (1) Walang kinalaman ang kakayahan ng isnag tao sa peformans nito sa paggamit ng wika pagdating sa komunikasyo.

(2) May kakayahang komunikatibong magaganap pa rin kahit hindiito pag-aralan at gamitin.

Page 11: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

__________ 8. (1) Ang pagpapaunlad sa komunikasyon ay nagbubukas sa atin upang magkaroon ng maayos na kinabukasan.

(2) Ang komunikasyon ay nanggaganap sa kahit anong antas ng iyong pinag-aralan.

__________ 9. (1) Bilang mag-aaral, inaasahang matututuhan ang maging maoanuri sa mga kilos at sinasabi ng taong nakakasalamuha o kabilang sa komunikasyon.

(2) Laging tatandaan ng isang mag-aaral na ang bawat sambit ng salita gayundin ang maling kilos sa isang kultura ay magdadala ng positibong pananaw sa taong kausap.

__________ 10. (1) ang isnag komunikasyon ay kumakatawan sa mga bagay na nagaganap sa ating mundo o kaya’y nagpapakita ng pananaw ng isang tagapagsalita tungkol sa isang bagy.

(2) Ang isang komuniksyon ay kumakatawan sa katotohanan (fact) bilang presentasyon ng ideya bilang pananaw, at kasabay nito may nakatagong layunin ito na hindi nakikita ng isang tagapakinig.

Page 12: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Aralin 3: Kakayahang Lingguwistika ng mga Pilipino

Ang wika ang pinakamalawak at inklusibong sining na alama natin, isang malabumdok at di kilalang gawa ng walang malay na henerasyon.

Edward Sapir

Pokus1. Nagagamit ang mga kakayahang lingguwistika sa iba’t ibang sitwasyon2. Nakalilikha ng poster ayon sa kakayahang lingguwistika3. Natukoy ang mga angkop na salita at pangungusap ayon sa tekstong paksang tinalakay4. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag sa midya5. Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng kalagyang pangwika sa lingguwistikang paraan

Paghandaan Natin

SURIING-TITULO

Mula sa panimulang talakayan sa kabuuan ng kakayahang komunikatibo, suriin ang bawat pangungusap at alamin ang mga si-wasting gamit ng salita o istraktura ng bawat pangungusap.

Katanungan:

1. Ano-ano ang problema ng bawat karatula? Isa-isahan.2. Paano mo ito nalaman na mali sa pangungusap o pahayag na ibinigay?3. May mga sinunod ka bang tuntunin upang malamang mali sa pahayag? Ibigay ang bawat isa.

Dalawang bangkay, pinatay daw sa Cavite

Tumakbo ng mabilis ang magsasaka daw dahil sa magandang balita sa

kanya.

Sunud-sunod sa Pilipinas na tagulan ang mangyayari ngayong Mayo.

Isanlibong piso pa din ang natanggap nang magsasaka sa kanilang produkto.

Mayroon namang maglalaro ng basketball sa plasa namin.

Page 13: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Pag-usapan NatinAng kakayahang gramatikal/lingguwistik ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntuini ng ponolohiya,

morpolohiya, sintaks, at semantics. Ito ay ayon kina Michael Merill Canale at Swains sa aklat na Dual Language Instruction. Tumatalakay ito sa ugnayan ng mga lingguwistikang koda(linguistic codes) sa isang wika. Sa kakayahang ito, binbigyang-pokus lamang ang antas ng pagsusuri s hanggang sa antas ng pangungusap lamang. Ito rin ay isang payak na kompitens na sinasabing mental grammar ng isang indibidual, ang di konsyis na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika.

Mahalagang salij sa pag-aaral ng kakyahang ito ay ang gramatika. Ang gramatika ay tungkol sa tuntunin ng wastong paggamit ng mga bantas, salita, bahagi ng pananalita, pagbuo ng mga parirala, sugnay, at pangungusap. Kabuuan ng mga tuntunin ang gramatika kaya nagging gabay naman ito sa pagbuo ng mga pangungusap at organisasyon ng mga talata. Pinag-aralan sa gramatika ang morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita; sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ponolohiya o wastong pagbigkas; semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din sa gramatika ang pagsulat o pananalitang paghahambing sa wastong paggamit ng mga salita, parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong balangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at palaugatan ng mga salita.

3.1 PONOLOHIYAAng Ponolohiya ay makaagham na pag-aaral sa mga tunog. Ang kaalaman sa ponolohiya ng isang nagsasalita ay

nakatutulong upang makabuo ng maayos na usapan o tukoy ang makabuluhan at di makabuluhang tunog na ginagamit niya sa kanyang wika. Dito rin pinag-aaralan ang wastong pagbigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema. Sa pnolohiya, inaasahang isaalang-alang ang mga slik tulad ng (1) ang pinaggagalingan ng enerhiya o laks, (2) ang artikulador o kumakatal na bagay, at (3) resonador o palatunugan.

Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa makabuluhang tunog na nangangahulugan na maaring makapgpabago ng kahulugan ng isang salita. Ang ponema ay binubuo ng dalawampu’t isang ponema. Limang (5) patinig /a, e, i, o, u/ at labing-anim (16) na katinig /p,b,t,d,k,g,m,n, ŋ, h, s,l,r,’,y,w/. Ang ponemang /ŋ/ ay kumakatawan sa titik na /ng/ habang ang /’/ naman ay isang impit na tunog (glottal stop) o saglit na pagpigil sa hangin. Halimbawa nito ay /ba:ga’/ sa /bagah/,/ tu:boh/ sa /tu:bo’/, o /kitah/ sa /ki:ta’/

Mga Ponemang Katinig

PARAAN NG ARTIKULASYON

PUNTO NG ARTIKULASYON

Labi Ngipin Gilagid Ngalangala GlottalPalatal VelarPasarawalang tunogmay tunog

pb

td

kg

Pailongmay tunog m n nPasutsotmay tunog s hPakatalmay tunog lMalapatinigmay tunog r y w

Mga Ponemang Patinig

HARAP SENTRAL LIKODMataas i uGitna e oMababa a

Diptonggo. Ito ay mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/ na magkasama sa isang patinig.

ay Bahayey reyna

oy kahoyuy aruyaw bahawiw agiwow wow

Page 14: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Klaster. Ito ay tinatawag ding kambal katinig dahil sa binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.

grasa klase tsampoybraso prinsesa tsinelastraysikel nars glosaryokard dyanitor platogrupo Kristo

Pares-minimal. Ito ay mga salitang halos magkatunog subalit magkaiba ng kahulugan. Pares-minimal din ang isang salita kung may iisang kaligiran maliban sa iisnag ponema.

pala-bala misa-mesa kawa-gawasabi-labi pantay-panday tila-telasama-sana irog-ilog alok-alogyari-wari

Digrapo. Ito ay may tunog na /ŋ/ na binubuo ng dalawang katinig na NG o [en-ji]. Ito ang dahilan kung bakit sa alpabetong Filipino ay may ganitong letra dahil sa katangian ng wikang may ganitong tunog sa unahan n gating mga salita.

ngipin ngayon banga ngitibango langit nguso

Ang ponemang suprasegmental ay yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.

Sa halip, kinakatawan ito ng mga notasyon ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Kabilang ditto anf tono, punto, intonasyon, at hinto at diin.

Tono. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig na nakapagpapabago ng kahulugan. Nakukuha ang mensahe ayon sa boses ng tagapagsalita kung nangangaral, naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos. Kaugnay din sito ang wastong pagbigkas ng mga salita sa paraang pagtaas ng tinig ayon sa binibigyang diin ng tagapagsalita.

Diin o Stress. ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig na binibigyang-diin.

Haba. Tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng mga salita na may pantig o katinig.

Hinto o Tigigl. Tumutukoy naman sa saglit na paghinto sa pagsasalita na maaaring panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap, o pangmatagalan bilang hudyat ng pagtatapos ng pangungusap, o pangmatagalan bilang hudyat ng pagtatapos ng pangungusap. Sa paraang pagsulat, sumisimbolo ito sa kuwit(,) o kaya’y tuldok (.). Sa bahaging ito, gumagamit ng isang pahilis na guhit (/) para sa pansamantalang paghinto habang dalawang pahilis na paghinto naman (//) para sa pagtatapos ng pahayag.

3.2 MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit nay unit ng isang salita o morpema. Halimbawa ng morpena ay ang madamo na binubuo ng panlaping (o maaring tawaging close class, function, o bound morphemes) na [ma] + [damo] (na tinatawag namang open class, content, o free morphene) na nangangahulugang “maraming damo”. Binubuo rin anf morpolohiya ng dalawang bahagi: morpemang may kahulugan leksikal kapag anf salita ay pangnilalaman tulad ng mga kongkreto o abstraktong pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay na nagsasaad ng paran ng pagkilos, panahon, at lugar at iba pa. Ang morpemang pangkayarian naman ay binubuo ng mga kataga o salitang walang kahulugan. Tungkulin nitong mag-ugnay ng mga leksihal na morpema para magkaroon ng makahulugang pangungusap. Narito ang halimabaw.

[Nagbabasa ng mga mensahe sa Facebook si Katrina]

Sa ibinigay na halimbawa, ang morpemang leksikal ay nagbabasa, mesahe, Facebook, Katrina, habang ang morpemang pangkayarian naman ay ng, mga, si.

Mga Pagbabagong Morpoponemiko

1. AsimilasyonAng mga pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito ay sakop

ang asimilasyon. Isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, ŋ/ ang ginamit batay sa kung ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas ng salita. May dalawang uri ng asimilasyon: (1) asimilasyong parsyal at (2) asimilasyong ganap.

Page 15: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Ang karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /ŋ/ sa pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog ay tinatawag na asimilasyong parsyal o di-ganap. Ang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog. Bukod ditto ay wala nang ibang pagbabagong nagaganap.

Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ at ito’y ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /ŋ/. Pansining iisa ang punto ng artikulasyon ng /p,b,m/. Ang huling ponemang /ŋ/ ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.

Mga halimbawa:Sa asimilasyong ganap,

[pang-]

[pang-]

+

+

palakasan

Bata

=

=

pampalakasan

pambataAng /-ng/ na sinusundan ng p o b,ito ay nagiging m

[pang-]

[pang-]

+

+

Dilig

Lakad

=

=

pandilig

panlakad

Ang /-ng/ ay sinusundan ng d, l, r, s, tito ay nagiging t

bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa puntong artikulasyon na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.

Mga halimbawa:[pang-] + pasok = pampasok = pamasok[pang-] + tukod = pantukod = panukod

May mga salitang maaaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang isinasama sa pagbubuo ng salita

Mga halimbawa:[pang-] + kuha = pangkuha

panguha[pang-] + tabas = pantabas panabas

Yaong hindi ginagamitan ng asimilasyong ganap:[pang-] + bansa = pambansa

(hindi pamansa)[pang-] + luto = panluto

(hindi panuto)

2. Pagpapalit ng PonemaMay mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita. Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit diin.

/d/ /r/Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang

huling ponema ng unlapi.

Mga halimbawa:ma- + damot = maramotma- + dumi = marumi

May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.

lapad + -an = lapadan laparan

Page 16: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

tawid + -in = tawidin tawirin

Bagamat opsyonal ang pagpapalit, higit na gamitin ang anyong may /r/ sapagkat higit na naaayon ito sa likas na hilig ng rao nag awing lalong madali para sa kanya ang pagbigkas.

Samantala, sa halimbawang ma- + dunong = madunong~marunong

Mapapansing maaaring magkapalitan ang /d/ at /r/. (Ang simbolong ~ ay ginamit upang ipakita na ang dalawang ponema ay maaaring magkapalitan.)

Pansinin na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap kapag ito’y nakapagitan sa dalawang patinig. Bagamat maaring gamitin ang alinman sa mga salitang madunong at marunong, higit na palasak ang ikalawang anyo sapagkat ito ang lalong magaan at madulas bigkasin.

May mangilan-ngilang pagkakataon na ang nabubuong mga salita ay magkakaiba ng kahulugan, tulad ng maramdamin (full of feeling), at maramdamin(sensitive). Sa mga ganitong halimbawa, hindi masasabing maaring magkapalitan ang /d/ at /r/.

/h/ /n/

Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/.Halimbawa:

Tawa + -han = tawahan tawanan

/o/ /u/

Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng mga salita.

Halimbawa:dugo + -an = duguan

3. MetatesisKapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay

nagkakapalit ng pusisyon.Halimbawa:

-in + lipad = nilipad-in + yaya = niyaya

Kung sabagay, may gumagamit din ng linipad at yinaya ngunit higit na gamitin ang nilipad at niyaya.May mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng pusisyon ng dalawang ponema.Halimbawa:

atip + -an = atipan aptan

tanim + -an = taniman tamnan

4. Pagkakaltas ng PonemaNagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.

Halimbawa:takip + -an = takipan

takpansara + -an = sarahan

sarhan

5. Paglilipat-diinMay mga salitang nagbabago ng diin kapag nilapian. Maaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling

pantig o maaring malipat ng isang pantig patungong unahan ng salita.

Halimbawa:basa + -hin = basahin

Page 17: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

ka- + sama + -han = kasamahanlarô -an = laruán (lugar)

3.3 KAYARIAN NG MGA SALITA

May iba’t ibang kayarian ang mga salita. At batay sa kayarian, ang mga salita ay mauuri sa (1) payak, (2) inuulit, (3) maylapi, at (4) tambalan.

1. Payak. Ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita. Halimbawa: labis, payapa, dilim, lingcod.

2. Maylapi. Ito ay salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Halimbawa nito ay umalis, magtakbuhan, tinulungan, pinaglaruan, at nagsitulungan. Ang paglalapi ay ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay nagkakaroon ng iba’t ibang anyo at kahulugan sa pamamagitan ng iba’t ibang panlapi. Maaring ang panlapi ay nasa anyong unlapi (naligo, maglaba), gitlapi (sinundo, sumulat), hulapi (sabihan, utusan), kabilaan (kasayahan, kapayapaan), at laguhan (isinakatuparan)

3. Tambalan. Ito ay mg salitang pinagsama para makabuo ng isang salita. May dalawang pangkat ang tambalang salita:

a. Mga tambalang salitang nananatili ang kahulugan. Sa uring ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay hindi nawawala. Walang ikatlong kahulugang nabubuo. Halimbawa: bahay-kubo, anak-pawis, pamatid-uhaw.

b. Mga tambalang salitang nagkakaroon ng kahulugang iba sa isinasaad ng mga salitang pinagsama. Sa uring ito, ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama. Halimbawa nito ay bahaghari at hampaslupa. Ito ay isinusulat ng walang gitling sa gitnang dalawang salita.

4. Inuulit. Inuulit anf salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. At batay sa kung ano pang bahagi ng salita ang inuulit, may dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit: (a) pag-uulit ng ganap, at (b) pag-uulit na di-ganap o parsyal.

a. Pag-uulit na Ganap. Sa uring ito ay inuulit anf buong salitang-ugat. May mga salitang nagbabago ng diin kapag inuulit, mayroon namang nananatili ang diin. Halimbawa nito ay gabi-gabi, isa-isa, dahan-dahan

b. Pag-uulit na Di-Ganap. Tinatawag na di-ganap o parsyal ang pag-uulit ay bahagi lamang ng salita. Maaring unang pantig lamang ang inuulit. Halimbawa nito ay ang sumusunod:

pag-uulit ng Patinig(P) iiyak, uuwi, aakyatPag-uulit ng Katinig-Patinig-Katinig (KPK) sasayaw. Lulundag, susuntokpag-uulit ng unang dalawang pantig ngunit sa ikalawa, ang inuulit lamang ay ang unang KP kung kayarian ay KPK Bali-baliko, himu-himutok

Pag-uulit gamit ang salita ay dadalawahing pantig at kung nasa banghay na panghinaharap, ang inuulit ay ang buong salita. Ngunit kung ang salita ay binubuo ng higit sa dalawang pantig, ang inuulit lamang ay ang unang dalawang pantig. At kung ang kayarian ng ikalawang pantig ay KPK, ang inuulit lamang ay ang unang KP.

tatakbo-takbo, sasama-sama, Hahangos-hangos

Pag-uulit kapag ang salita ay may unlapi, o gitlapi o hunlapi, ang inuulit ay yaon lamang salitng-ugat. Hindi isinasama sa pag-uulit ang panlapi.

umuuwi-uwi, maluluto-luto, sabay-sabayan

may mga salitang maylapi na ang inuulit ay isa sa mga pantig ng panlapi. May mga panlaping ang inuulit ay ang ikalawang pantig, mayroon naman ang inuulit ay ang ikatlong pantig.

magsasa-pagong, magpapakabuti, magsisipag-pakasipag

1.4 SINTAKSAng sintaks ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng

kawastuhan ng isang pangungusap. Ang pangungusap ay binubuo ng morpema, ngunit ang pakahulugan sa pangungusap ay higit pa sa kabuuan ng kabuuan ng mga morpema.

Halimbawa:Pinatawag ng nanay ang bata.Pinatawag ang nanay ng bata.

Page 18: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Makikita na ang dalawang pangungusap ay may magkatulad na bilang ng morpema subalit may magkaibang kahulugan. Sa sintaks, binibigyang-halaga ang tuntunin ng paggamit ng morpema gayundin kung saan ipinupuwesto kasama ang iba pang lipon ng mga salita.

May iba’t ibang tuntuning dapt matandaan ang mag-aaral ng wika sa paraan ng pagbubuo ng isang pangungusap para sa maayos at maliwanag na pagpapakahulugan.

Bahagi ng Pangungusap

Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa. Malaking sangkap ang pangungusap sa pagbuo sa pasalita at pasulat na paraan ng komunikasyon gayundin kung paano matutuhunan ang tamang pagbuo ng maayos na pangungusap.

May dalawang bahagi ang isang pangungusap: Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap habang ang panaguri naman ang nagsasabi tungkol sa paksa. Sa kontekstong Filipino, isa sa mga nakasanayan natin sa pasalitang anyo ng pangungusap tulad ng Naglalaba si Sophia ngayon ng kanyang damit, subalit sa pagsulat na paraan, ginagawa nating Si Sophia ay naglalaba ng kanyang damit ngayon, dahil sa ipinapatern natin an gating paraan ng pagsulat sa kanluraning sintaks gayundin ang mga guro ay sinanay tayo sa ganitong paraan. Sa usaping kayarian ng pangungusap, tandaan natin na mas sinusunod na ang karaniwang ayos sa pasalita at pasulat na paraan kaysa kabalikan o di-karaniwan.

KaraniwanPanaguri + PaksaUmalis ako papuntang SM.

Kabalikan o Di-KaraniwanPaksa + ay + PanaguriAko ay umalis papuntang SM.

Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa

Pag-aralan ang mga salita sa ibaba.Nanay!Aray!Sulong!

Lumilindol!Magandang umaga.May sunog!

Masasabi ba nating pangungusap ang mga ito? Ayon sa mga lingguwista, ito ay mga pangungusap na sambitlang may patapos na himig sa dulo. Naipahayag ng nagsasalita ang isang diwa o kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap.

Inilahad sa ibaba ang iba pang uri ng pangungusap na walang paksa.

Ang eksistensyal ay mga pangungusap na nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa. Halimbawa nito ay may at mayroon.

May koryente na sa bahay.

Ang pahanga naman ay nagpapahayag ng damdamin ng pakamangha o panghanga sa isang tao, bagay, o lugar.Kayganda pala talaga ng dalampasigan sa Puerto Galera.

Ang pamanahon naman ay nagsasaad ng pagbati at paggalang ng bahagi ng kulturang Pilipino.

Mano po.Salamat po.Tao po.

Ang modal naman ay nagsasad ng pagkagusto, pagkainis, o pagkaibig.

Gusto kong mag-Facebook.

Page 19: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Ang phenomenal ay pandiwang banghay na binubuo ng –um– na nagsasaad ng pangyayari sa kalikasan, walang simuno o panaguri ang mga sumusunod na pangungusap.

Umuulan kagabi. Lumilindol kahapon.

May mga pangungusap ding nagpagpapahayag ng pagkayag o pagyaya.

Halika na. Tayo na.

Ang Ka-Pandiwa na nagsasaad ng katatapos na kilos.

Kakakain lang niya ng mais.

Kakatapos lang niyang uminom ng sabaw ng buko.

Ang pangungusap na nag-uutos na binubuo ng basal na pandiwa o maylapi na sinusundan ng panghalip na mo o pang-abay.

Buksan mo.Sige pa.Kunin mo.

Pagpapalawak ng Pangungusap

Narito ang mga paraan upang mapalawak ang pangungusap.

Paggamit ng Ingklitik sa Pagpapalawak ng Pangungusap

Ang mga ingklitik o paningit ay mga katagang pang-abay na isinasama sa pangungusap upang higit na makapagpalinaw, magkaroon ng panibagong kahulugan, o magbigay-diin sa pahayg na nais iparating sa kausap o mambabasa. Narito ang mga halimbawa ng ingklitik o pangingit:

ba na din/rin sanakasi naman ho tuloykaya nga lamang/lang yatadaw/raw pa manpo pala muna

Masaya rin ang nagging bakasyon naming sa Laguna.

Mapupunang ang lahat ng ingklitik sa mga halimbawang pangungusap ay may tiyal na posisyon sa pangungusap. Karaniwang kasunod ang ingklitik ng salitang binibigyang-diing salita tulad ng mga pariralang pandiwa, pangngalan, panghalip, pang-uri, at iba pa.

Paggamit ng mga Panuring Bilang Pagpapalawak

May dalawnag kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, 1) ang pang-uro na panuring sa pangngalan o panghalip at, 2) ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Halimabawa:Batayang pangungusap:

Ang mag-aaral ay iskolar.

Pagpapalawak gamit ang karaniwang pang-uri:Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

Pagpapalawak gamit ang karaniwang panuring:Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar.

Page 20: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

Kaganapan ng Pandiwa ang tawag

sa bahagi ng panaguri na binubuo o

nagbibigay ng ganap na

kahulugan sa pandiwa at

magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin

ang pokus ng pandiwa

Semantiks ang tawag sa pag-aaral ng mga

kahulugan ng mga unit ng komunikasyon.

Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar sa pamantasan.Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.Ang matalinong mag-aaral ng kasaysayan na magaling magtalumpati ay iskolar ng pamahalaan sa pamantasan.

Pagpapalawak ng pangungusap gamit ang ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri:

Pangngalang ginagamit ang panuring:Ang mag-aaral na babae ay iskolar.

Panghalip na ginagamit na panuring:Ang mag-aaral na babaeng iyon ay iskolar

Pandiwang ginagamit na panuringAng mag-aaral na babaeng iyon na nagtatalumpati ay iskolar.

Pagpapalawak ng pangungusap gamit ang pang-abay.

Batayang pangungusap:Umalis ang mag-anak.

Pang-abay na pamanahon:Umalis kahapon ang mag-anak

Pang-abay na pamaraan:Patalilis na umalis agad ang mag-anak.

Mga Kaganapan ng Pandiwa Bilang Pagpapalawak.

Ang iba’t ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga pampalawak din ng pangungusap. Ang mga kaganapang ito ang gumagamit na rin ng tungkilon ng pang-abay. Ang mga ito ay: (1) kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa (2) kaganapang kagamitan sa kols ng pandiwa, (3) kaganapang sanhi, (4) kaganapang direksyunal, (5) kaganapang tagaganap, at (6) kaganapang layon.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa.Nagpiknik ang mga mag-anak sa tabing-dagat.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa.Sinugpo niya ang mga kulisap sa kaniyang mga pananim sa pamamagitan ng bagong gamot na ito.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi.Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang direksyunal.Tumatakbo ang criminal patungo sa liblib na pook na iyon.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagaganap ng kilos ng pandiwa.Kinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon.Namili ng mga alahas si Josepina.

Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang tagatanggap.Nagluto si Pining para sa mga bata.

1.5 SEMANTIKSAng semantics ay pag-aaral ng lingguwistikang kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at

pangungusap. Tumatalakay ito sa kahulugan ng salita sa iba pang salita, at parirala at pangungusap. Ang mga tagapagsalita ng isang wika ay may likas nang kaalaman sa salita at parirala ng kanilang wika kaya naman nagagawa nilang bigyang-kahulugan ang mga ito kung sakaling gamitin nila sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. Tinatanggap ng semantics hindi lamang ang katotohanan na ang realidad na ating ginagalawan ay likha ng wikang ginagamit kundi pati na rin ang paniwala na ang wika ay isang anyo ng

behebyor, at isang manipestasyon ng mga di-nakikitang faktor na malaki ang impluwensya sa ating

Page 21: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

May mga salitang magkasingkahulugan

ngunit may inaangkupang gamit

lamang.

pakikitungo at interaksyon sa ibang tao. Para sa isang semanticist, ang wika at kung paano ito gamitin ng tao, ay dalawang mahalagang component sa pag-unawa sa tao bilang isang nilikhang nagbibigay at lumilikha ng kahulugan, isang natatanging nilikha na may kakayahang lumikha ng kaayusan o order sa isang mundong napakagulo.

Kapag anf tagapagsalita ay gumagamit ng wika upang makalikha ng pagpapakahulugan sa isang kaganapang nangyari sa daigdig na kanilang ginagalawan, kailangang paglapatin nila ang kahulugan ng wika gaya ng pagkaalam nila sa maraming pagkakatao na ito ay lumitaw. May mga digri ng katatagan at pagkakatulad ayon sa kung paano ito ginagamit. Tulad ng sampal, isang pandiwa, na kailangang iugnay sa kamay dahil mali kung sasabihin “sinampal niya ako ng kanyang paa.” May mga salita namang maraming kahulugan, Malabo ang kahulugan, o di kaya nama’y kontorbersyal ang kahulugan, at mga salitang mayaman sa pahiwatig. (Paquito Bodayos, 2007 Metodolohiya sa Pagtuturo ng/sa Filipino)

Ang salitang matangkad ay para sa tao at hindi maaaring gamitin para sa bagay. Gayundin naman sa mga bibig at bunganga. Higit na malinaw kung sasabihin na “Ang bibig ng dalaga ay makipot” kaysa sa pahayag na “Ang bunganga ng dalaga ay makipot”. Ibig sabihin, may mga salitang magkatulad o magkapareho ang kahulugan subalit may inaangkupang gamit ito.

Denotasyon at Konotasyon

1. Denotasyon. Tumutukoy ito sa tuwiran o direktang pagtukoy sa tinatapatang bagay o mas kilalang diksyunaryong pagpapakahulugan. Sa denotasyon din nagmumula sa tinutukoy (referent) ang tinutukoy.

Halimbawa: Maliwanag ang ilaw sa kapitbahay.

2. Konotasyon. Tumutukoy naman ito sa di-tuwiran o di-direktang kahulugan sa pagtukoy sa tinatapatang bagay. Ang kahulugan ay nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.

Halimbawa: Si Alice an gaming ilaw ng tahanan. (ibig sabihin ay nanay o ina)

Page 22: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

A. Sipat-salita

Punan ng tamang kahulugan ang mga salita para mabuo ang diksyonaryo.

Semanticist leksikonLinguistic codes ponemikPolysemy pariralaLingguwistika SuprasegmentalKonteksto mental grammarKaligiran/nature linguistic performance

B. Tanong-sagot

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kakayahang lingguwistika?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang kakayahang lingguwistika?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang ponolohiya? Ano ang dalawang bahagi nito?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ano ang morpolohiya? Ano ang dalawang bahagi ng morpema?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Bakit mahalagang pag-aralan ang salitang-ugat at mga panlaping ginagamit sa isang salita?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

6. Ano ang sintaks? Ipaliwanag ang kahulugan nito.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. Dapat bang isaalang-alang sa pag-aaral ng sintaks ang gamit ng mga morpema sa pangungusap? Ipaliwanag.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8. Bakit karaniwang nagkakamali ang mga mag-aaral ng wika sa paggamit ng tamang kaayusan ng pangungusap? Ano ang kahalagahan na mabago ang pag-iisip natin tungkol dito?

Page 23: navorregie.weebly.com  · Web viewNalalaman ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at uri nito. Pag-usapan Natin. Maraming kahulugan ng komunikasyon ang nakalat sa iba’t ibang

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Bakit mahalaga ang pagpapahaba ng pangungusap sa wikang Filipino? Ipaliwanag.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Sa isang semantikang pagtalakay, maaari bang magkaroon ng salitang iisa ang ispeling subalit may magkaibang kahulugan? Magbigay halimbawa at ipaliwanag ang sagot.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Iugnay Natin

a. Narito ang mga halimbawa ng mga poster tungkol sa wika. Ilahad ang nais iparating kaugnay ng tinalakay tungkol sa kakayahang lingguwitika. Pagkatapos ay bumuo ng sariling poster na may kinalaman sa linguwistikang kakayahan.

KUMUSTAHINDI

KAMUSTAInangkin natin ang salitang ito mula sa

como esta na nagging kumusta.

Ang comadre ay nagging kumadre,hindi naman kamadre.

Huwag kalilimutan,ang bawat wika ay may

kasaysayan.

PA RIN X PARIN

dahil dalawang salitaang pa at rin.

“Umaasa pa rin akong sabihin mo, sana ako pa rin.”-Basha, One More Chance (2007)

Madali lang gawin.Bakit di natin sundin?

b.