unang markahan modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/fil-10-q1...unang markahan-modyul...

21
Filipino Unang Markahan – Modyul 2 Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari 10

Upload: others

Post on 27-Feb-2021

165 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Filipino Unang Markahan – Modyul 2

Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang

Aksyon, Karanasan at Pangyayari

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.

Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga

maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang

bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na

ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa

paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda

ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas 2020

Department of Education- Region VII

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: 520-3216 – 520-3217; SDS Office: (032) 255-6405; ASDS Apao: (032) 236-4628

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Noeme Batoctoy, Juvelyn I. Puzon

Tagasuri : Ruel C. Arranchado

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province

Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

ii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Filipino 10

Unang Markahan – Modyul 2

Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang

Aksyon, Karanasan at Pangyayari

iii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Paunang Mensahe

Para Sa Mga Guro o Facilitator:

Para lugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul para sa mga Akdang Pampanitikang Mediterranean.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay

at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang

pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at

kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala

ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-

aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

ukol sa Mga Akdang Pampanitikang Mediterranean. Ang modyul na ito ay ginawa bilang

tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral

habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga

makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

iv

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin

sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo

sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,

tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa

aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan

ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong

pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi

sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata upang maproseso

kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa

tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang

antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang

kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o

kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga

gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o

paglinang ng modyul na ito.

Alamin

Subukin

Balikan

Tuklasin

Suriin

Pagyamanin

Isaisip

Isagawa

Tayahin

Karagdagang Gawain

Susi sa Pagwawasto

v

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o

sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa

mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga

kompetensi. Kaya mo ito!

Para sa Guro

Mahalagang magamit ng mga bata

ang magalang na pananalita sa pang –

araw - araw na buhay lalo na sa pagbati,

paghingi ng pahintulot, at pagtatanong ng

lokasyon ng lugar. Maaaring ito’y kanilang

simulan sa tahanan, paaralan at sa mga

kaibigan. Responsibilidad nating mga guro

na ituro sa ating mga mag – aaral ang mga

ito.

vi

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Panimula

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/

myth at alamat? Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat

ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyusan noong unang

panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Ang salitang

mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang

kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha

ng tunog sa bibig. Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng

marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang

maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng

mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na

puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,

kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng

lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani,

tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may

kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang

naglalahad ng mga tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at

sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa

kuwentong- bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa

ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at

Mindanao.

May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa

kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng

malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina

Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao

sa mundo. (kinuha mula sa Filipino10 Learning Material)

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay F10PS-Ia-b-

64

• Nagagamit nang wasto ang gamit ng pandiwa (aksyon, karanasan at pangyayari)

sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan;

sa pagsulat ng paghahambing;

sa pagsulat ng saloobin;

sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at

isinulat na sariling kuwento

1

ALAMIN

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:

1. nakilala ang angkop na gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan at pangyayari.

2. natutukoy ang angkop na gamit ng pandiwang gagamitin sa pangungusap sa

pagpapahayag ng opinyon/mensahe.

3. maayos at malinaw na naipapahayag ang saloobin sa mga katanungan mula sa

paksang tinalakay

JIGSAW PUZZLE (https://www.bookwidgets.com/a/widgets)

I. Panuto: May mga bilang ang bawat piraso ng larawan. Upang mabuo

mo ito, ayusin o buuin ito ayon sa tamang pagkakasunod- sunod

ng bilang. Isulat sa kwaderno o sa sagutang papel ang naging

tugon.

1._____________________________

Aralin

2

Nagagamit nang wasto ang

gamit ng pandiwa (aksiyon,

karanasan at pangyayari)

SUBUKIN

1

3

4

6

5 9

2 8

7

1

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

2. _______________________

PAGPAPALIWANANG

II. Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong at ipaliwanag ang

inyong naging tugon. Isulat sa inyong kwaderno o sa

sagutang papel.

1. Kilala mo ba ang nasa mga larawan? Ano ang pagkakatulad ng

dalawang magkapares sa larawan?

2. Ano ang meron sa ibang mag- asawa na wala sa kanila at mahalaga ba

ito?

3. Bakit mahalaga sa mag- asawa ang magkaroon ng anak? Ipaliwanag

ang iyong saloobin.

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at

gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa

pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel

at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng

nararapat na marka.

1

3

2 7

6

8

4

5

3

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

PAGPIPILI-PILI

I.Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong at isulat ang mga naging

tugon sa kwaderno.

1. Diyos ng kalawakan at panahon, kinikilalang hari ng mga diyos.

a. Apollo b. Neptune c. Jupiter d. Pluto

2. Tinuturing na diyosa ng kagandahan.

a. Psyche b. Venus c. Athena d. Juno

3. Kung si Cupid ay diyos ng pag- ibig sino naman si Psyche?

a. kagandahan b. kaluluwa c. karunungan d. katusuhan

4. Ang nagsabing “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.”

a. Cupid b. Psyche c. Venus d. Proserpine

5. Saang bansa nagmula ang kwentong Cupid at Psyche?

a. Norway c. Espanya b. Rome, Italy d. England

6. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?

a. dahil kinuha ni Psyche si Cupid sa kanya

b. dahil sa kagandahan ni Psyche nakalimutan na siyang sambahin at

alayan ng mga kalalakihan

c. dahil mas pinaboran ng mga diyos at diyosa si Psyche

d. dahil mas makapangyarihan si Psyche kaysa sa kanya

7. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na

suliranin sa kaniyang buhay?

a.pagiging gahaman sa kayamanan

b.kawalan ng tiwala sa kanyang asawa

c.pagseselos na wala sa lugar

d.pagbigay ng mamahaling bato sa kanyang mga kapatid

8. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging

manugang si Psyche?

a. dahil susunod na si Psyche sa kanyang mga gusto

b. dahil napagtanto niyang mahal talaga ng kanyang anak si Psyche

c. dahil naging katulad na din niyang diyosa si Psyche

d. dahil napamahal na sa kanya si Psyche

BALIKAN

4

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

9. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi

mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”

a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.

b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.

c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.

d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

10. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal

batay sa mitong Psyche at Cupid?

a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.

b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal

niya kay Cupid.

c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang

magpakamatay sa labis na pagsisisi.

d.Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano

makaligtas sa halimaw na asawa.

Sinasabing ang anak ang siyang biyaya ng Maykapal sa magulang, kaya

gayun nalang ang pagnanais ng mag- asawang Wigan at Bugan na

magkaroon ng anak. Basahin natin ang kanilang kuwento.

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño

Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang

si Wigan. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi

pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga panalangin!”

Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-

momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”

TUKLASIN

5

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan

na magtungo sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan,

pupuntahan ko ang mga diyos na sina Ngilin, Bumakker, Bolang at ang

diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong,

dumaan sa Poitan, nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan.

Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating niya ang lawa sa Ayangan.

Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta

Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng

lalamon sa akin, sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.”

Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot, Bugan,” wika ng nito. “Sige

magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga

diyos. Narating niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang

buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya. “Ako si Bugan ng

Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng

aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “Hindi

kita maaaring kainin sapagka’t napakaganda mo.”

Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa

tahanan ng kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng

kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating at nagwika “Pakiusap, kainin mo

na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang mabuhay pa

kung hindi ako magkakaroon ng anak.”

Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita.

Napakaganda mo. Halika muna sa aking tahanan at kumain; bago mo

ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos saluhan ang pating sa

hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay

narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at iba

pang mga diyos. Labis siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa

labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos. Lingid sa kaniyang

kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay

upang hanapin ang pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang

5

6

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

magandang babae na nakaupo sa kanyang lusong. “Ano’ng ginagawa mo

dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.

“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami

nagkakaroon ng anak ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.

“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin

natin si Ngilin at kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.

Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong

baboy, manok at kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon

ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak,

masaganang ani at pamumuhay.”

Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa

ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.

Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang

mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan

ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.

Mga Hamon sa Pag- unawa:

Panuto: Isulat ang inyong mga naging tugon sa iyong kwaderno o sa

sagutang papel.

1. Sino sina Wigan at Bugan batay sa mitong Ifugao?

2. Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay? Bakit?

3. Ano ang kultura ng mga Pilipino na masasalamin sa mitolohiyang

ito?

4. Batay sa iyong nabasa, masasabi mo bang may impluwensiya na

ang mga mitolohiya ng mga taga-Rome sa, mga mitolohiya ng

Pilipinas? Pangatuwiranan ang sagot?

5. Paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa

mitolohiyang “Cupid at Psyche” at “Nagkaroon ng Anak sina Wigan

at Bugan”. Sagutin sa tulong ng dayagram.

Pagkakatulad

d

Pagkakaiba Pagkakaiba

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Alam mo ba na….

iba’t iba ang gamit ng pandiwa? Ginagamit ito sa pagpapahayag ng

aksiyon, karanasan, at pangyayari.

GAMIT NG PANDIWA

1. Aksiyon, Kilos o Galaw

Kapag nagpapahayag ng aksiyon, kilos, o galaw ang pandiwa, lagi

itong may aktor o tagaganap ng aksiyon, tao man o bagay.

SURIIN

• Ang anak ay biyaya ng magulang gayundin sila sa atin. Hindi tayo makakapili kung sino ang maging magulang natin gayundin sila.

• Isang tunay, totoo at tapat ang pagmamahal ng magulang sa anak. Hindi man sila perpektong magulang gayundin ang anak.

• Tandaan gaya ng pagprotekta ng Panginoon sa kanyang mga anak gayundin ang mga magulang sa kanilang mga anak.

• Hindi mapapantayan ang kanilang pagmamahal gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin.

• Sa mga sakunang hindi natin inaasahan gaya ng naranasan natin na pandemic ay isa lang ang dapat tandaan maging mapagmatyag, sundin ang sinasabi ng gobyerno at bilang isang Pilipino kahit natatakot ay sinusubukan pa ring harapin ang mga pagsubok sa tulong ng Panginoon na magbibigay sa atin ng lakas.

• Kasama na sa ating kinagisnan ang mga paniniwala ng ating mga ninuno, mahalaga lang pagtibayin at huwag kalimutan ang pagka- Pilipino at ipagpapatuloy natin na alagaan at pagyamanin pa ang sariling atin

lalo na ang wika natin.

a. Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng mga diyos. b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.

si Psyche Tumalim

a

Naglakba

y Pandiwa si Bugan Aktor

AKSIYON may aksiyon ang

pandiwa kapag may

aktor o tagaganap ng

aksiyon/kilos.

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

2. Karanasan

Nagpapahayag ng damdamin o saloobin. May tagadanas ang

damdamin o saloobin na inihuhudyat ng pandiwa

3. Pangyayari

May ipinahihiwatig na naaapektuhan ng naturang proseso o

pangyayari na karaniwang hindi sinadya o binalak. Tatawaging

“tagatanggap” ng proseso (o pangyayari) ang bagay na

naaapektuhan

Tandaan:

e. Sumasaya ang mukha ni Venus sa nakikita niya sa paligid. f. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

Sumasaya ni Venus Naluno

d ang mga tao Pandiwa Aktor

PANGYAYARI

ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

PORMULA NG PANDIWA AYON SA GAMIT

PANDIWA Tagagawa ng kilos AKSIYON

Damdamin KARANASAN

Resulta PANGYAYARI

PANDIWA

PANDIWA

si Bumabacker ang lahat

c. Tumawa si Bumabacker sa paliwanag ni Bugan. d. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.

Tumawa Nalungkot

Pandiwa Aktor

KARANASAN

nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil

dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.

Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon.

Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

9

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

(Mga pangungusap ay kinuha mula sa Filipino 10 Learning Material)

Pagsasanay 1: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang

papel. Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay

ginamit bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari.

______1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang

pagmamahal kay Cupid.

______ 2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.

______ 3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang

lumayo na lamang.

______ 4. Umibig ang lahat ng kakabaihan kay Bantugan.

______ 5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni

Venus kay Psyche.

______6. Patuloy na naglakbay si Bugan upang makita ang mga diyos.

______7. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.

______8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan

na puno.

______9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.

______10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.

PAGKURO- KURO

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Kung ikaw si Bugan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa dahil sa

hindi pagkakaroon ng anak? Bakit?

2. Sa iyong palagay tama ba ang pagpapakamatay dahil lamang sa hindi

nabiyayaan ng anak? Pangatwiranan ang sagot.

3. Bilang isang magulang balang araw o bilang isang kabataan paano mo

maprotektahan ang iyong pamilya kung may sakunang mangyari na

di mo inaasahan gaya ng pandemic na nangyari sa buong mundo?

Anu-ano ang iyong mga hakbang at dapat gawin para maging handa?

PAGYAMANIN

ISAISIP

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

4. Sa kasalukuyan marami na ang mag- asawang nagkakahiwalay at isa

sa mga dahilan nito ay hindi makakabigay ng anak ang kanilang

kapares, sa iyong pananaw sapat ba ito na dahilan na mawala ang

pagmamahal at maging sanhi ng hiwalayan?

5. Paano magagamit ang pandiwa sa pagsasalaysay ng mito o ng kauri

nito?

JUMBLED LETTERS

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang pangungusap at Isaayos ang mga

nakahalong titik (jumbled letters) upang mabuo ang sagot.

1. Dumaan si Bugan sa ANTIOP.

2. Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong BOBAY,

KONAM at LAKAWAB.

3. DA- UB ang ritwal na ginagawa uoang magka-anak.

4. Habang naghihintay si Bugan ay humiga muna siya sa SULONG.

5. Sa NGAYAKIN nakatira sina Bugan at Wigan.

6. Sinaluhan ni Bugan ang PINGAT.

7. Nakakita siya ng buwaya sa DAGUL.

8. Sa NAYANGA siya nakakita ng igat.

9. Ang MAMMO ang nginunguya ng mga matatanda sa Ifugao.

10. Pumunta si Bugan sa YONGIB ng sinimulan niya ang paglalakbay.

ISAGAWA

TAYAHIN

Magsagawa ng isang panayam sa isang lolo o lola sa inyong pamilya o komunidad.

Magpakuwento sa kanila ng mga mito (o iba pang kauri nito). Isulat at isalaysay muli ang

mito ayon sa iyong pagkakaunawa. Sikaping isaalang-alang ang iba’t ibang gamit ng

pandiwa upang mailahad nang malinaw ang mga pangyayari sa mito. Salungguhitan ang mga

pandiwa at isulat sa ibaba ng salaysay. Tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang mga ito.

11

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

II. Panuto: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel.

Isulat sa inyong papel kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit

bilang AKSIYON, KARANASAN o PANGYAYARI.

__________1. Naglakbay si Ethan patungong Israel.

__________2. Sumisigla ang paligid sa tuwing ikaw ay nakangiti.

__________3. Labis na nagdusa ang mga Pilipino sa kamay ng dayuhan.

__________4. Ginamit ni Rhylle ang lahat ng kanyang lakas upang maisalba

ang kanyang kasintahan sa tiyak na kapamahamakan.

__________5. Nasira ang bahay ng dahil sa malakas na lindol.

__________6. Nalumbay si Ana sa balitang nasagasaan ang kanyang alagang aso.

__________7. Umasa ang lalaki sa pangako ni Vina.

__________8. Hindi nakuntento si Alma sa ginawa niyang pagmamalupit kay

Aime.

__________9. Nabalisa si Aling Lea matapos malamang naaksidente ang

kanyang asawa.

__________10. Nagpakalasing si Zeke dahil sa problemang dinadala.

Panuto: Pipili ng isang tanong, sagutin at ipaliwanag ang inyong napili.

Gumawa ng isang slogan gamit ang pandiwa bilang AKSIYON.

Batay sa naunawaan mong mensahe mula sa mitolohiyang

“Nagkaroon ng anak sina Wigan at Bugan” paano mo ito maiuugnay

sa iyong sarili, lipunan, pamilya at pamayanan. Gamit

ang grapikong presentasyon.

Gumawa ng isang awit gamit ang pandiwa bilang KARANASAN.

Gumawa ng sariling tig-dadalawang halimbawa ng Aksiyon,

Karanasan, at Pangyayari at ipaliwanag.

pamilya lipunan

pamayanan

KARAGDAGANG GAWAIN

MENSAHE

sarili

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Rubriks para sa Gawain:

Krayterya at

lebel

Pinakamahusay

(5pts.)

Mahusay

(4pts.)

Di- gaanong mahusay

(3pts.)

Tamang

paglahad ng

impormasyon.

Tama at nakakaintindi

sa kinanta at

naipaliwanag ng maayos

ang impormasyon ng

mensahe at sa awit.

Ang ibang

impormasyong

inilahad ay hindi

tugma.

Wala masyadong

impormasyong nailahad.

Pagpapaliwanag Buo ang loob na

ipaliwanag ang mensahe

ng gawain at sa pagbuo

ng awit.

Medyo kulang ang

pagpapaliwanag/

mensahe ng awit.

Hindi gaanong

naipaliwanag ang

mensahe ng gawain/

awit.

Presentasyon Organisado at may

kaayusan ang

presentasyon ng

mensahe.

Hindi gaanong

organisado ngunit

may kaayusan ang

presentasyon ng

mensahe.

Hindi masyadong

organisado at hindi

masyadong maayos ang

presentasyon ng

mensahe.

Magaling!

Binabati kita at

natapos mo ang

pag – aaral sa aralin

na ito. Sana ang

natutuhan mo

ngayon ay

gagamitin mo sa

pang - araw - araw

na buhay.

13

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

JIGSAW PUZZLE

1. 1, 4, 3, 5, 7, 2, 6, 9, 8; Heart Evangelista & Chiz Escudero;

2. 1, 2, 8, 5, 6, 4, 6, 7; Sarah Geronimo & Matteo Guidecilli

PAGPAPALIWANAG

1. Opo, mag- asawa

2. mag- asawang wala pang anak

3. Ang anak ang biyaya ng Panginoon at nagbibigay ng karagdagang kaligayahan sa mag- asawa.

PAGPIPILI-PILI

1.C 2. B 3. B 4. B 5. B 6. B 7. B 8. C 9. C 10. B

MGA HAMON SA PAG-UNAWA

1. Mag- asawang nais magkaroon ng anak.

2. Opo, dahil wala silang anak ni Wigan.

3. Paniniwala at pagpapahalaga sa pamilya.

4. Nakakaapekto ang mga paniniwala ng mga Pilipino sa mga diyos at diyosa sa mga ritwal na gawin kapag

may mga okasyon/handaan.

5. Paghahambing

Pagkakatulad

Mitolohiya

Mag- asawa

Parehong nagpapakita ng pagpapahalaga ng bawat isa

Pagmamahalan

Napagtagumpayan ang mga pagsubok upang makamit ang ninanais

Pagkakaiba

Nakikipagsapalaran si Bugan upang magkaroon ng anak.

Ipinaglaban ni Psyche ang kanyang pagmamahal kay Cupid.

Ipinapakita ni Psyche ay matatag sa kabila ng kanyang kahinaan.

Ipinipakita ni Bugan ang kanyang kahinaan ngunit sa kabila nito ay nagtagumpay pa rin siya sa kanyang

nais.

PAGYAMANIN

1. Aksiyon 6. Aksiyon

2. Karanasan 7. Karanasan

3. Karanasan 8. Aksiyon

4. Karanasan 9. Aksiyon

5. Karanasan 10. Pangyayari

PAGKUKURO- KURO

Tanggapin lahat ng sagot/tugon ng mag- aaral at ipoproseso ito ng guro kung nailahad ng tama ang mga

mensahe ng kanilang opinyon.

JUMBLED LETTERS

I. II.

1. Poitan 6. Pating 1. Aksyon 6. Karanasan

2. Baboy, Manok at Kalabaw 7. Lagud 2. Karanasan 7. Aksyon

3. Bua-ad 8. Ayangan 3. Karanasan 8. Karanasan

4. Losung 9. Momma 4. Aksyon 9. Karanasan

5. Kiyangan 10. Ibyong 5. Pangyayari 10. Pangyayari

KARAGDAGANG GAWAIN

Tanggapin ang lahat ng mga sagot/tugon ng mga mag-aaral at bibigyan ng mark ana naaayon sa binigay

na rubriks.

SUSI SA PAGWAWASTO

14

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Markahan Modyul 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-10-Q1...Unang Markahan-Modyul 2: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari Unang Edisyon,

Sanggunian

Filipino Grade 10 Learning Module

Google Internet Information tungkol sa paksa

Youtube

*http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/nagkaroon-ng-anak-sina-wigan-at-

bugan.html

Youtube

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

15

User
Version 2.0
User
DMWMark