- president rodrigo roa duterte wagi sa giyera...

12
1 DUTERTE WAGI SA GIYERA NARCO-POLITICS WINASAK: TAON 1 BLG.1 AGOSTO 19-31, 2016 COPYRIGHT © PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE GEN. BATO BINAGO ANG IMAHE NG PNP! MGA ADIK SA SHOWBIZ KAYA N’YO BANG HULAAN? ‘We will not stop until the last drug lord, the last financier and the last pusher have surrendered or been put behind bars.’ - President Rodrigo Roa Duterte KONTRA DROGA! MGA NASA LISTAHAN NAGRE-REPORT NA SA PNP!

Upload: lehuong

Post on 30-Jan-2018

343 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

BALITA AGOSTO 19-31, 2016 1

DUTERTEWAGI SA GIYERA

NARCO-POLITICS WINASAK:TAON 1 BLG.1 AGOSTO 19-31, 2016 COPYRIGHT © PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

GEN. BATO BINAGOANG IMAHE NG PNP!

MGA ADIK SA SHOWBIZ KAYA N’YO BANG HULAAN?

‘We will not stop until the last drug lord, the last

financier and the last pusher have surrendered or

been put behind bars.’ - President Rodrigo Roa Duterte

KONTRA DROGA!

MGA NASA LISTAHANNAGRE-REPORT NA SA PNP!

Page 2: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

OPINYONAGOSTO 19-31, 20162

Malinaw at kasalukuyang

panganibNoon pa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami siyang babaguhin sa mga bagay na nakasanayan na natin. At ngayon nga, itinaya niya ang buhay at posisyon para sa kanyang krusada laban sa mga sindikatong nasa likod ng paglaganap ng droga dahil aniya ay kailangang mapigilan ang paglaganap ng narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong umaani ng batikos at papuri

mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.

NAG-IBA ang sitwasyon sa

Pilipinas matapos mahalal bilang bagong Pangulo si President Rodrigo Roa Duterte. Hindi pa man siya nauupo sa puwesto ay nagsimula na ang Philippine National Police sa pagtupad sa kanyang pangunahing pangako sa mga botante sakaling maupo siya sa puwesto—ang tibagin ang malalang problema sa droga sa buong bansa.

Nasa 1/5 ng mga barangay sa buong bansa ang apektado ng problema sa droga ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na kanilang inilabas noong February 2015.

Ang Metro Manila ang nangunguna sa mga rehiyon kung saan talamak ang paggamit ng droga, at nasa 92% ng mga barangay rito ang may drug-related cases.

Ang methamphetamine hydrochloride o shabu ang kadalasang ginagamit ng mga adik. Kung minsan naman ay marijuana. Sa mga mas nakaaangat ang kalagayan sa lipunan ay mga recreational o party drugs naman ang kanilang ginagamit sa mga sosyal na pagtitipon gaya ng ecstasy, cocaine at ephedrine.

Noong 2014, 89% nang nasabat na droga ng mga awtoridad ay shabu, at 8.9% ay marijuana. Mapapansin na mababa ang 2.1% na gumagamit ng party drugs dahil bihirang mahuli ang mga gumagamit nito sapagkat bukod sa may pera na ay may impluwensya rin at kayang bayaran ang sinumang makahuhuli sa kanila.

Noong 2012 ay nagpahayag na ang United Nations World Drug Report na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bahagdan sa paggamit ng shabu sa East Asia.

Kalimitang mga sindikato na binubuo ng mga Chinese ang nag-oorganisa at nagtutustos sa operasyon ng shabu sa Pilipinas batay sa ulat ng State department na kanilang inilabas noong 2012.

Dahil sa “geographic location” ng ating bansa na pulu-pulo at madaling mapasok ng sasakyang dagat mula sa ibang bansa ay naging major hub o transhipment point ang Pilipinas ng droga sa Southeast Asia. Ito

rin ang dahilan kung bakit maraming Pinoy ang ginagamit ng mga sindikato sa pagdadala ng shabu sa ibang bansa.

Nakakapasok ang shabu sa Pilipinas na karaniwang nagmumula sa Japan, China at Korea bagaman at marami ring laboratoryo o “meth labs” sa bansa na nagma-manufacture nito.

Ang problema ng bansa sa droga ay pinangangambahan na rin maging ng Catholic Bishops' Conference of

the Philippines. Noong July 2015 ay naglabas ang CBCP ng pastoral letter at tinalakay ang nasabing social menace.

Sa loob ng isang buwan na panunungkulan ni PRRD ay marami ng drug users at pushers ang natumba. Binatikos ng iba’t ibang sektor ang PNP dahil sa umano’y kawalan ng due process sa “pagpapatahimik” sa mga pinaghihinalaang pusher. Nang magtagal, ginawang isyu ang anggulong maliliit lang

na tulak ang kayang kantiin ng kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force noong Hulyo 5 ay tinukoy na ni PRRD ang mga opisyal ng PNP na sangkot sa illegal drug trade—sina PNP Deputy Director General Marcelo Garbo Jr., former National Capital Region Police Office Chief Director Joel Pagdilao, Western Visayas Regional Director Chief Superintendent Bernardo Diaz, Quezon City Police District Director Chief Superintendent Edgardo Tinio at Retired Police General Vicente “Vic” Loot.

Natigil na ang haka-haka ng publiko na maliliit na drug offenders lang ang babanggain ni PRRD. Higit kailanman, noon din naramdaman kung gaano siya kaseryoso sa pagsugpo sa droga.

Noong Agosto 8 ay tinukoy naman niya ang mga government officials na kinabibilangan ng mga huwes, kongresista, opisyal ng militar at pulisya na sangkot din sa illegal drug trade.

Sinabi niya na ang mga tinukoy niyang personalidad na sangkot sa droga ay pwedeng magsampa ng reklamo sa korte pero madiin ang kanyang dagdag na pahayag na, "My mouth has no due process.”

Pinanindigan din niya ang ginawang paglalabas ng nasabing listahan dahil mayroon umano siyang sinumpaang tungkulin sa kanyang mga kababayan na ipaaalam niya sa mga ito ang paglaganap ng "narco-politics" sa ating bansa.

Umabot sa halos 158 opisyal ang nasa listahan na kanyang binasa sa publiko.

Ginagamit ng Pangulo

ang kapangyarihan ng kanyang posisyon ngunit alam niya kung hanggang saan ang limitasyon. Sa kabila ng mabigat na panganib sa pagbangga sa salot na sindikato ng droga, patuloy siyang naninimbang sa karapatang pantao, kung malalabag nga ito. Pero malinaw din sa isip niya na dapat todo protektado ang mga mamamayan.

Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 800 katao na ang napatay mula nang paigtingin ang kampanya laban sa droga. Bukod sa mga opisyal na nasa kanyang listahan ay may ibang kusa nang sumuko. Ang ilang nasa listahan ay tumanggi naman sa anila ay maling akusasyon na nakasisira sa kanilang pangalan at reputasyon.

Ngunit hindi madali ang paglaban sa sindikato ng droga. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay may mga maiimpluwensyang drug lord na nagbabayad sa ilang media company para hadlangan ang kampanya ni PRRD laban sa illegal drugs lalo pa sa mga darating na panahon ay mas malalaking pangalan pa ang isasapubliko ng Pangulo.

Kinilala na nila sa Cabinet meeting ang mga prominenteng lokal na opisyal at drug lords na nagbabayad sa mga taga-media.

Madalas nating marinig kay PRRD ang “narco-politics.” Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Sa narco-politics, ang pera na nagmumula sa illegal drug trade ay ginagamit para pondohan ang pagtakbo sa halalan ng mga kandidato. Kapag naupo sila sa puwesto, sila ang nagiging protektor ng mga nasa likod ng sindikato ng droga.

(Sundan sa pahina 3)

LATHALAIN

Page 3: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

BALITA AGOSTO 19-31, 2016 3

(Mula sa pahina 2)Sa ilang

pagkakataon, sila na rin mismo ang kumakandidato at nagkakaroon ng puwesto sa gobyerno kaya hindi napipigilan ang paglaganap ng droga.

Dahil kay PRRD ay nahubaran sa ating harapan ang mga narco-politicians. Lagi niyang sinasabi noong panahon ng kampanya at hanggang ngayon na darating ang panahon na ang Pilipinas ay matutulad sa Colombia na pinatatakbo na ang kanilang pamahalaan ng mga sindikato.

Nakikita at nadarama na natin ang katotohanan ng kanyang mga sinabi.

Maitatanong natin ngayon: Ilan na lang kaya sa mga nakaupo sa pamahalaan ang hindi sangkot sa sindikato ng droga? Ilan kaya sa mga ibinoto natin ang pinondohan ng perang galing sa pinagbentahan ng bawal na gamot na sumira sa isang indibidwal o sa kanyang pamilya?

Laganap ang krimen kahit saan. Bago naupo si PRRD ay nakakatakot lumabas ng bahay dahil hindi mo alam kung anong panganib ang naghihintay sa iyo saan ka man pumunta.

Totoong nakakagulantang ang mapanood sa balita na may mga pinatay na pusher na hindi na dumaan sa due process. Pero sabi nga ng dating prime minister ng Singapore na si Lee Kuan Yew, “In criminal law legislation, our priority is the security and well-being of law-abiding citizens rather than the rights of the criminal to be protected from incriminating evidence.”

May mga magulang o kamag-anak ng mga involved sa droga na nagsasabing maliitan lang naman ang raket ng anak o kapatid, pero naisip ba nila kung gaano

karaming buhay ang sinira ng kanilang “maliit na raket”?

May mga aminadong pusher na nagsasabing nagawa lang daw nila iyon dahil sa hirap ng buhay. Kailan pa naging solusyon sa kahirapan ang pagtutulak ng droga?

Walang matataas na opisyal ng pamahalaan, pulisya, militar at hudikatura na aamin na sangkot sila sa narco-politics. Sa ngayon ay mas pinaniniwalaan ng publiko ang mga pahayag ni PRRD.

At nagtatanong ang marami: Ano ang ginawa ng mga nakaraang administrasyon laban sa droga bago natin nakilala

ang probinsyanong si Digong?

Maihahalintulad natin ang mga nagaganap sa ating bansa ngayon sa sitwasyon sa pelikulang “Ma’ Rosa” ni Brillante Mendoza. Buong pamilya ay nasisira dahil sa droga. Gumamit ka o magbenta, taglay mo na ang anay nito.

Kamakailan ay tinukoy rin ni PRRD si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at ang anak nito na si Kerwin na sangkot sa illegal drug trade. Nakabibigla ang naging pahayag ng mayor na tanggap niya kahit mapatay ng mga awtoridad ang kanyang anak kung hindi ito

susuko—at nilinis naman ang kanyang pangalan. Iniligtas ang kanyang sariling leeg kahit masakripisyo ang buhay ng sariling dugo at laman.

Mahaba pa ang laban ni PRRD para mailigtas ang Pilipinas sa kamay ng narco-politicians na ginagamit na kasangkapan ang mga mahihirap at inosenteng mamamayan sa paglulublob sa mga ito sa kamandag ng droga para manatili sila sa puwesto at kapangyarihan. Ito ang malinaw at kasalukuyang panganib sa ating panahon.

MATAGAL nang kakilala ni

Presidente Rodrigo Duterte si Sec. Jun Evasco, Cabinet Secretary ngayon ng administrasyon. Si Sec. Evasco ang unang nagisip kung paano kakausapin ang dating Mayor ng Davao para ito ay mapapayag na tumakbo bilang pangulo ng bansa.

Wala naman silang ambisyon o plano talaga pero may ambisyon ang taumbayan na nakita ni Sec. Evasco. Ayon pa kay Sec. Evasco, kung mahihikayat ng mamamayan na tumakbo bilang presidente ang dating Mayor ng Davao ay dapat ng pagplanuhan ang kampanya lalo na sa usaping budget. Bago ang 2016 Presidential Elections, nabanggit ni Sec. Evasco na ang krusada laban sa droga, kriminalidad at kurapsyon ni PRRD ay nag-umpisa noong pumutok ang angilan

KRUSADANG SA BAYAN NAGMULA

ng administrasyon ni dating pangulong Noynoy Aquino at ilang senador na sangkot sa PDAF, sa manipulasyon ni Janet Lim Napoles.

Sabi raw ni Digong noon, bakit bangayan nang bangayan ang mga mambabatas at ang palasyo sa awayan sa pork barrel samantalang ang kanilang mga probinsiya sa Visayas at Mindanao ay sagad sa hirap at kapos sa infrastructure projects.

Malinaw na walang napupuntahang maayos ang bilyones na nakukuha sa pork barrel kundi nakukulimbat lamang ng ilang mga nagdaang

halal ng bayan. Dito nagsimula ang krusada nila.

Federalism ang nakikitang sagot ni Digong para mabago ang sistema ng gobyerno.

Sa paglilibot naman nila para tingnan kung gusto ng tao ang bagong sistema na ipinanukala, lumitaw na marami ang gustong tumakbo sa pagka president ang dating mayor ng Davao City at hindi nila iniintindi kung ano ang mensaheng hatid nito ukol sa Federalism.

Kasabay nito ay lumitaw din ang iba pang malalang problema na dinaranas ng mga tao. Isa na

rito ang problema sa pinagbabawal na gamot, na nabulgar kay Digong na sangkot ang ilang mga mayor, congressman, hanggang sa mga barangay chairman.

Isa pang problema na kinakailangan pagtuunan ng pansin ay ang mga politikong corrupt.

Kaya nabuo sa diwa ng dating alkalde na tatlo ang dapat unahing lutasin kung ang bayan natin ay paunlarin. Ibagsak ang droga, corruption at kriminalidad bago baguhin ang sistema ng pamahalaan.

Ito raw ang naging krusada nila mula nang manawagan na ang maraming Pilipino na tumakbo si Mayor Rody Duterte.

Ngayong pangulo na siya ay pinangangatawan niya ang pangakong wakasan ang mga problema na dala ng mga salot ng lipunan.

KRIMEN KUMOKONTI NA - SEC. MARTIN ANDANAR

Cabinet Sec. Jun Evasco

PCO Sec. Martin Andanar at PNP Chief Gen. Ronald Dela Rosa

INANUNSYO ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na bumababa na

ang crime rate sa bansa.“Patuloy na umaani ng positibong resulta ang

kampanya kontra droga at krimen ng kasalukuyang administrasyon. Isang buwan matapos umupo sa Malacañang si Presidente Rodrigo Roa Duterte, bumagsak ang crime incident mula sa 50,817 nung Hulyo 2016 kumpara sa 56,339 na insidente ng krimen nung Hulyo 2015, base ito sa talaan ng Philippine National Police,” ayon kay Andanar sa panayam niya sa Radyo Ng Bayan noong Agosto 14.

Ang index crimes ay nagtala ng 31% decrease, mula sa 17,105 na krimen noong July 2015, bumagsak ito sa 11,800 ngayong July 2016. Ang index crimes ay murder, homicide, physical injury, at rape.

"Patunay ito na ang matapang na solusyon at mabilis na aksyon ng ating Pangulo ay hindi lamang slogan. Ito ay isang pagbabagong mararamdaman ng lahat ng Pilipino saan mang sulok sila ng bansa,” ani Andanar.

Bumaba rin ang crimes against property sa 4,476 incidents o 40.3 %, ang crimes against persons ay bumaba ng 13.82 % o 829 incidents kumpara sa nakaraang taon.

Page 4: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

OPINYONAGOSTO 19-31, 20164

KAMPANYA KONTRA DROGA, PARANG DAVID VS. GOLIATH SA pananaw ng lahat ng Pilipino, bago naging Presidente si dating

Mayor Rodrigo Roa Duterte, ang problema ng Pilipinas sa droga ay katumbas ng higanteng si Goliath.

Kaya ba hinayaan na lang na makapaghari ang mga drug lord dahil ang akala nila ay hindi sila kayang matibag dahil sa kanilang lakas at laki?

Sa kanyang panahon ay kinakitaan ng tapang si David. Sa panahong wala ng gustong lumaban at sumusuko na lang ang kanyang mga kapwa api, buo ang loob na sinabi niya na siya na lang ang makapagtutumba sa higanteng si Goliath.

Ang totoo kasi, hindi lang tapang ang mayroon si David. Higit pa roon ay mautak siya.

Sa ating panahon, ang bidang si David ay katumbas ni Presidente Duterte. Matalino si Digong dahil nakikita niya ang kahinaan ng higanteng kalaban kahit malaking tingnan ang mga sindikato ng droga sa Pilipinas.

Sabi noon ni David, iisa lang ang mata ni Goliath, ang laki laki pa! Kayang-kaya mapuntirya ng maliit na bala ng tirador. Nakatayo pa noon si Goliath sa mataas na talampas. Kaya sa kaunting panggulat, kung madudulas ito, ang bigat na rin nito ang magpapahamak sa pagbagsak ng higante. Alam natin na ang maliit ay mas maliksi kaysa sa malaki, kaya nga may kasabihang nakapupuwing ang maliit.

Tingnan ninyo ngayon kung gaano katalino ang ating Presidente. Ang malaking mata ng problema sa droga ay katumbas ng sentrong operasyon ng drug lords. Kumbaga’y maikukumpara ang higanteng sindikato nila— na kinabibilangan ng mga taong gobyerno—sa malaking mata ni Goliath.

Ang maliliit na bato na magagamit na pantirador sa matang ito ay ang small-time pushers. Ginamit ni David ang bigat ni Goliath para ito bumagsak at matigbak.

Nagagamit din ngayon ng PNP ang mumunting tulak na nagsisilbing batong pambulag sa higanteng sindikato ng droga.

Kaya ang mabigat nilang operasyon ay unti-unting dumudulas ngayon sa kamay ng kapanalig na nating mga awtoridad.

Samahan natin si David sa kanyang laban kay Goliath. Be a partner for change!

Ang MULA SA MASA, PARA SA MASA ay inilalathala ng Presidential Communications Office na may tanggapan sa: 3rd Floor, Philippine Information Agency,Visayas Avenue, Diliman, Quezon CityAng lahat ng nilalaman ng pahayagang ito ay hindi maaaring gamitin ng sinuman sa anumang porma nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Telephone number: (02)920-4336Email: [email protected]: Balitang PRRD

PRRD ALA HENERAL LUNA

THIS is my first column, obviously,

kasi ito rin ang maiden issue ng “Mula sa Masa, Para sa Masa” na pahayagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte o PRRD, so I will explain briefly kung ano ang ibig sabihin ng “PTK”.

Wala lang naman. Parang pinaikling “pitik” dahil pipitikin natin sa pitak na ito ang damdamin at diwa ng mga mamamayan na ngayon ay “partners for change” na ng ating pamahalaan.

‘Yun lang po.Now, I hate

comparisons (gano’n?). But, folks... really, we have to condition ourselves for the real change that we are longing and praying for. Eh, si PRRD ang pinili natin na mamuno sa pagbabago, let’s push him sa kabayanihang ganito.

Pamilyar kayo sa sikat na sikat na movie na “Heneral Luna”, di ba? Kasi sa social media ito nai-push nang todo kaya pumatok sa takilya.

Pero ang mas tumatak sa netizens after watching the movie ay may bayani

pala tayo na parang si PRRD na taya-buhay kung ipaglaban ka pero huwag ka namang oogag-ogag.

Si Heneral Antonio Luna ay mainitin ang ulo, but the only reason for his anger is seeing other Filipinos not burning with equal love for the country. Pinagsasasampal niya ang ilang nasa Gabinete ni Hen. Emilio Aguinaldo dahil obvious na mga tuta sila ng Kano.

Sina PRRD at Heneral Luna ay may taglay na wisdom na hindi basta-basta mapapantayan. Pareho kasi silang may proper education. Doktor si Tonyboy at abogado naman si Rodyboy. (Naku! Parehong mahahabang assignments at puyatan sa mga kursong ‘yan, ‘Tol).

Pareho silang matapang. Aba’y si Heneral Luna, pumisil ng “egg balls” ng duwag na tinyente ng mga kawal. Si PRRD, ang sabi sa mga dyaryo, nanutok ng “egg balls” ng smoker in public place. Ang dalawang leader na ito ay tunay na kabilib-believa-balls!

Parehong nag-aral sa Ateneo sina PRRD at Heneral Luna, hence, ang breeding sa pagkabata pa lamang ay

independent minded at marunong mag-rectify ng pagkakamali.

Kaya kahit Mason si Heneral Luna, hindi basta-basta sumusunod sa utos ng Freemasons. Eh, si PRRD, abogado pero hindi basta yumuyuko sa pressure from human rights advocate. Alam nila pareho ang kahulugan ng calculated risk for the sake of their beloved Philippines.

Ang titinik nila kahit na hindi naman sila fish!

Noong unang alukin si Heneral Luna na sumapi sa rebolusyon ay tumanggi siya pero ikinulong pa rin. Kaya noong makalaya ay binawi niya ang pasya, pinagbuti pa ang pakikipaggiyera sa mga kalaban para sa ating kalayaan.

Sabi naman ng ayaw ring maging pangulo noon na si PRRD, ang modern war na papasukin niya ay against drugs, criminality and corruption. Kaya malamang na rito siya makukulong, but so be it para lumaya tayo sa fears and insecurities.

“My only redemption is for the next president to see the light of the day and say, ‘At least, the nation was left a little bit stronger than it was before me.’

(Sundan sa pahina 5)

Pabs2016

FRANCO2016

Page 5: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

BALITA AGOSTO 19-31, 2016 5

SA panahon ngayon ay wala sigurong

aamin kung sino sa atin ang adik sa bawal na gamot. Delikado ngayon ang mga adik, lalo na ang mga pusher. Mabuti pa ay ibahin na lang natin ang tanong. Gawin nating bakit may nagiging adik?

Ang paliwanag dati ay kulang sa moral principle ang mga ganitong tao. Mababa raw ang moralidad. Pero sa kalaunan ay hindi na naging sapat ang ganitong paliwanag. Napag-alaman na mas kumplikadong isyu ang drug addiction na nangangailangan ng siyentipikong paliwanag.

Ayon sa Learning Theory of Addiction na binanggit ni Dr. Nigel Barber sa Psychology Today noong August 28, 2013 ay natututunan ang addiction. Sumubok minsan at naligayahan o nakadama ng pleasure kaya inulit-ulit na hanggang sa hindi

na mapigilan. Binabago nga kasi ng drugs ang ating utak. Mismong utak at hindi lang ang takbo ng utak.

Bakit naman may tumitikim? Kung alam nilang masama at sinubukan pa nila, hindi ba kasalanan na nila iyon?

Puwede natin itong sabihin sa isang tao kung tuwid siyang mag-isip. Kaso, ang mga taong sumusubok nito ay parang hindi tuwid mag-isip o nahihirapang mag-isip ng tama. Ayon sa TheJenniferAct.com, mga taong may problema sa pag-iisip ang naaakit sumubok ng drugs. Gusto lamang ng mga taong ganito na maibsan ang sakit o problema na kanilang nadarama.

Ang mental illness anila ay isang bagay na nakakatakot para sa taong dumaranas nito kaya natatakot silang pumunta sa doktor o makipag-usap sa kanilang pamilya.

Ayon sa artikulong “9 Reasons Why People Use Drugs and Alcohol” na lumabas

sa nasabing website noong May 12, 2011 ay inaakala ng mga taong ito na makakatulong ang drugs para maibsan ang stress na kanilang nadarama. Sabihin pa, kapag mahirap ang buhay ay nakaka-stress talaga. Kung minsan naman ay may mga taong gumagamit ng drugs para makalimutan ang mga mapapait na karanasan o trauma. Ang mga trauma na nangyari noong bata pa ay hindi nawawala at nadadala sa pagtanda.Hindi nila alam na lalong nagiging malubha ang

kanilang sitwasyon dahil sa drugs. Ang iba raw naman ay nababagot sa buhay nila. Ito iyong mga tao na walang iniintindi sa buhay at may pera kaya sumusubok mag-droga para magkaroon

ng thrill sa buhay nila. Iyon ang simula hanggang sa maging adik na.

Peer pressure ang isa pang itinuturong dahilan ng drug addiction. Maraming kabataan ang gustong maging “in” sa kanilang grupo. Kung gumagamit ng drugs ang kanyang barkada, malamang na mahikayat siya na gumamit na rin dahil gusto niyang maging “in”. Kung lumaki ang isang bata na nakikita niyang gumagamit ng droga ang

kanyang mga magulang, lalong malaki ang tsansa na maging drug addict din siya dahil iisipin niya na ok lamang gumamit ng drugs dahil nakikita niya iyon sa mga magulang niya.

May teorya tungkol sa drug addiction na tinatawag na “Disease Model of Addiction”. Ang drug addiction ay itinuturing na sakit. Halimbawa ay tinawag itong “complex disease” ng National Institute on Drug Abuse sa Amerika. Ang iba naman ay tinatawag itong “brain disease.” Ayon naman sa manunulat na si Lecia Bushak ay isa itong “complicated affliction.” Mayroon din itong relapse na maihahalintulad sa heart disease, diabetes at asthma. Sa teoryang ito ng drug addiction, sinasabi na may mga tao talaga na biologically vulnerable sa drug addiction bago pa man sila gumamit ng drugs.

Malaki ang maitutulong ng mga kapamilya sa isang

kadugo o kaibigan nila na may tendency na gumamit ng drugs para makaiwas ito na tuluyang malulong. Kung sa palagay nila ay baka sa droga ito kumapit para pansamantalang makalimot sa problemang dinadala, maging support group sila para makumbinsi ito na huwag sirain ang buhay, o kaya ay samahan sa mga ahensya ng pamahalaan na handang tumulong gaya ng Department of Social Welfare and Development. Kung may kakayahang pinansyal naman, agapan na mabigyan ng professional help.

Mababawasan ang pagdami ng mga adik, bukod sa kampanyang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung magiging instrumento tayo na ang mga taong malalapit sa atin ay makakaiwas sa kanilang unang tikim at kaway ng makasalanang droga.

(Emmanuel Camara)

SINO SA INYO ANG ADIK?

Maybe he would pardon me but if not, I would rot in jail,” ayon kay PRRD.

Aguy, so sad naman!Their nonconformist

persona is what our country needs.

Ang gusto ni Heneral Luna, reform without the need for revolution towards independence. May puso rin siya, ‘Tol, para sa lahat ng civilian na madadamay. He wanted to protect the properties of the so-called indios na mawawasak lang sa giyera.

Luna also saw that no revolution would succeed without the necessary preparations. Kaya he appointed loyal men sa kanyang cavalry at tinuruan/sinanay sila

ng old guards of the revolution.

Preparation ba ‘kamo? Noong tumakbo si PRRD as mayor of Davao City in 1988, troublemakers ang image ng New People’s Army (NPA) sa kanilang siyudad. This was due to the killings perpetrated by the Sparrow Units. It was the period when the Alsa-Masa phenomenon also surged, ang sumikat na grupo na itak lang ang armas pero may mga anting-anting daw. Kumakain sila ng laman-loob ng kanilang pinapatay na kalaban. Yuck!

PRRD distanced himself sa dalawang panig. Ang puso niya ay para sa masa talaga. Ayaw niya

sa troublemakers na Sparrow Units pero ayaw niya ring kunsintihin ang Alsa-Masa na lalo pang naghasik ng terror sa civilian.

Instead, ang preparation sa war tactic ni Heneral Luna ang ginawa rin ni Mayor Rody noon. Cleverly, he appointed as deputy mayors the representatives of Lumads and Moros from the Davao City government.

Parehong ayaw magpatangay sa agos because both have the strong persona of a nonconformist.

Kaya nga sa laban ni PRRD sa droga ngayon, walang teka-teka. Sumuko na sila and be a partner for change talaga!

(Mula sa pahina 4) PRRD unang Pangulo na direktang tumukoy sa mga taga-gobyerno na involved sa droga!BUONG tapang na

pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagbisita sa Naval Forces Eastern Mindanao noong August 7 ang mga pulitiko, hukom, pulis, alkalde, kongresista at mga militar na sangkot sa ilegal na droga.

Ilan sa mga nabanggit ay kanyang personal na kaibigan ngunit hindi umano siya matitinag para pangalanan ang mga ito.

Aniya, siya lamang ang kauna-unahang presidente na gumawa

nito dahil kinakailangang malaman ng mga tao kung ano ang nangyayari sa bayan. Trabaho umano niya na pangalagaan ang bawat Pilipino kung kaya’t hindi siya natatakot na makulong.

Binigyang-diin ng Pangulo na sa kasalukuyan ay may kabuuang 600,000 nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na droga ang natukoy na ng pulisya, kabilang na ang mga tagapamahalaan.

Sumuko naman ang ilan sa mga

nabanggit sa listahan kinabukasan, August 8, sa Camp Crame habang suspendido naman ang lahat ng aktibong opisyal ng pulisya mula sa kanilang serbisyo.

Sinabi ng Pangulo na ang lahat ay isasailalim sa paglilitis upang mapatunayan ang paratang. Sinigurado naman niya na sususpindihin ang sinumang opisyal ng pamahalaan na mapapatunayan na sangkot sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

(Angela Sagales)

Page 6: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

OPINYONAGOSTO 19-31, 20166

na nalulong sa drogaMgacelebrity

BATA, matanda, malakas o mahina, sikat o di kilala, lahat sila ay walang kalaban-laban pag naging sugapa sa droga. Kayamanan, katanyagan at higit sa

lahat ay pangalan—ang mga ito ang mga winasak ng salot na gamot sa hanay ng maraming hinahangaan ninyong artista.

SOBRANG SEKSI NA BEAUTY QUEEN NATUYOT SA DROGA!

KILALA n’yo naman siguro

‘yung isang beauty queen na nakapareha pa ng pinakasikat na action star sa pelikulang Pilipino? Hindi lang maganda, sobrang seksi pa, kaya maraming

naghangad na maging kasintahan niya. Pero ang naging boyfriend niya ay isang athlete na foreigner.

Noong nalulong na sa droga ang beauty queen-turned-actress ay nawalan na rin siya ng hiya. Ang manager niyang gay

ang nagkuwento na kapag nagse-sex sila ng foreigner na athlete ay nakabukas na lang ang mga bintana at pinto ng kuwarto.

Umabot ang pagkalulong niya sa droga sa puntong wala na rin siyang takot.

Naputol ang lahat

ng kahibangan niya nang mahuli siya sa immigration na may dalang shabu. Ang ending, nawalan siya ng career at nang huling makita sa bansang tinitirhan niya, nalalagas na ang lahat ng ngipin niya dahil sa droga.

DATING CHILD STAR NASIRA DAHIL SA BISYO!SIKAT na sikat

naman ang lalaking ito noong kanyang kabataan. Yumaman siya at nang sumapit sa awkward stage ng edad ay huminto na sa showbiz. Noong nagbinata at nagbalik sa pelikula ay napatropa sa mga adik. Doon nasayang ang pangarap ng kanyang ama na makapagtapos sana

siya ng pag-aaral. Nabulgar ang

lahat tungkol sa kanyang pagdodroga nang mahuli siya. Napurnada ang kanyang pagbabalik showbiz dahil sa stigma ng bawal na droga.

Ngayon ay hiwalay na sa asawa ang aktor na ito dahil hindi rin nakatagal ang misis sa kanyang bisyo.

PREMYADONG AKTRES NAWALA ANG KINANG NANG

MATUTONG HUMITHIT!

ANG babaeng ito ay parang ginto kung

ihahanay sa mga kapwa aktres. Maningning ang kanyang pangalan. Hindi lamang sa larangan ng pag-arte kundi pati sa pagkanta.

Marami siyang naging kapareha na hindi nasisiyahan sa kanyang pagkakalulong sa droga, hanggang sa may mas bata na naging karelasyon ang aktres. Doon siya naging mas talamak sa paggamit ng bawal na gamot.

Hindi niya rin iniwan ang karelasyong sinasabing bad influence sa kanya. Kaya siya ang iniwan

ng manager na totoong nagmamalasakit sana na magbago siya.

In fairness, pagbalik niya sa Pilipinas ay may nagtiwala pa ring producer sa kanya. Pero malamlam na ang kinang ng kanyang bituin.

May mga pagkakataong nakikita siya ngayon sa sugalan naman.

Hay naku! Iniwasan nga niya ang droga, pumasok pa rin sa ibang bisyo.

Aguy! Nag-aaksaya pa rin ng pera at panahon ang aktres na ito.

‘Di ba naman?

MAHUSAY NA SINGER KUMUPAS ANG GALING NANG MAGING ADIK!

ANG Fil-Am na ito ay sumikat dahil sa husay sa pagkanta at naging komedyante

sa isang number one TV station noon. Kasama niya ang mga respetadong aktor sa sitcom nila noon.

Dahil ang isa sa mga aktor na kasama niya ay nasa pulitika na rin noon, nagalit ang aktor-pulitiko sa pagdodroga ng singer-turned-comedian, kaya nasibak sa show ang naging adik na ito. Ang kanyang pangalan ay may kinalaman sa itim at ang sikat niyang kanta ay may kinalaman sa black.

Magda-jack en poy pa ba tayo para mahulaan kung sino siya?

BEAUTY QUEEN BUMATAK MUNA BAGO

NAGING PREACHER!ANG aktres na ito ay

dating beauty queen pero ngayon ay hindi na siya visible sa showbiz kundi aktibo na lang sa pangangaral tungkol sa masamang dulot ng droga.

May karapatan naman si Ate. Kasi siya mismo ay galing din sa pagdudurog. Marami siyang naging tropa na sangkot sa paggamit ng ecstacy at shabu, at na-enjoy niya talaga ang bisyong ito. Gaya ng maraming kuwento, natatauhan lang ang mga talamak at sugapa sa droga kapag

nahuhuli na. Alam n’yo naman

siguro na nahuli rin siya sa airport, at mula noon ay ipinangako niya na magbabagong buhay na siya. Tinupad naman ng beauty queen/actress na ito ang pangako. Always caring na siya ngayon sa mga alam niyang kabataang nalilihis ng landas at volunteer na rin siya sa pagpi-preach against drugs. At least, maganda naman ang ginagawa ng babaeng ito na tawagin natin sa pangalang “Always Cares”.

AGOSTO 19-31, 20166

Sinu-sino sila

CArtoon

s b

y o

lraC &

PABS

Page 7: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

BALITA AGOSTO 19-31, 2016 7

na nalulong sa drogacelebrity

BATA, matanda, malakas o mahina, sikat o di kilala, lahat sila ay walang kalaban-laban pag naging sugapa sa droga. Kayamanan, katanyagan at higit sa

lahat ay pangalan—ang mga ito ang mga winasak ng salot na gamot sa hanay ng maraming hinahangaan ninyong artista.

KonsehalaKAYA NAGING PAGALA-GALA!

nagdroga

ITO ang malala. Mahusay siyang stage actress at sumikat nang husto sa isang sitcom sa

sikat ding TV station. Dahil respetado siya ay nakapasok hanggang sa pulitika. Marami naman siyang nagawa sa kinabibilangan niya noon na konseho. Pero noong nasa huling termino na si Konsehala ay pumutok na ang isyu na lulong pala siya sa droga.

May mga pagkakataon na nakikita siyang aligaga sa kanilang barangay. Kung minsan

daw ay parang napa-praning nang wala namang dahilan. Kaya nagtataka ang constituents at napapatanong: “Anyare?”

Hindi na nakabalik sa pulitika noong balakin niyang tumakbong muli dahil nahuli siyang minsan sa kanila mismong barangay at kumalat na adik pala si Konsehala. Sinayang niya ang lahat ng pagkakataon dahil sa pagkakalulong sa droga.

Clue? Siya si Consehalang Aligaga!

NAG-END ANG BUHAY NANG MAGING PUSHER!

NAKU, kung inabutan ninyo ang panahon na kasikatan pa ng aktor na ito na guwapung-guwapo na, action star na at dramatic actor din ay tiyak na magwa-water-water kayo sa kanya. Sa sobrang kasikatan, lalaki’t babae ay humanga sa kanya.

Noong una ay nadidismaya lang ang mga showbiz friends ng action star

dahil nalululong ito sa casino. Pero kalaunan ay nilalayuan na siya ng mga kaibigan dahil involved na rin siya sa droga. May tsismis na hindi lang siya basta adik kundi naging tulak na rin.

Sa bahay nga niya ay maraming nakakabit na CCTV sa paligid, kaya lahat nang pumapasok ay namumukhaan niya muna. Sabagay, kahit wala na siya sa movies

PREMYADONG AKTORay nahilig siya nang husto sa audio visual gadgets. Panay ang kalikot niya kapag sabog sa kanyang recorded videos.

Dumating ang pagkakataon na hindi na siya nagpepelikula pero lagi pa ring nadadyaryo dahil sa balitang sangkot siya sa drug dealings.

Ang ironic, hindi siya nakukulong sa droga pero minsan ay

may nagdemandang babae mula sa Norte na ni-rape raw niya. Pansamantalang nakulong si Kuya, pero nakalaya rin.

Ang pinakapangit na balita, inatake siya sa puso dahil sa drug overdose. Wala pa siyang singkuwenta anyos noon.

Sino siya? Siya ang action star

na mahilig sa “Audio Visual.”

ACTOR NANG-RAPE NANG MA-HIGH, SYUT SA BILIBID!ANG celebrity na

ito ay hindi pa rin nakakaalis sa dilim ng kanyang pagkakalulong sa bawal na gamot. Sikat siya noon at ang kapareha niya ay isang aktres na naging beauty queen din. Nagkaroon sila ng mga pelikula at maraming fans ang kanilang tandem.

Dahil terror ang nanay ng aktres at palaging kontra sa aktor, inisip ng marami na kontrabida lang si mother dahil totoong nagmahalan na

ang solo niyang anak na babae at ang aktor na katambal nito.

Pero meron palang katwiran ang nanay dahil wala palang mararating ang anak niya sa aktor na napatunayang lulong sa bawal na gamot. Naghiwalay ang aktor na adik at ang aktres na naging beauty queen. Nawalan ng career ang aktor at nang muling mapabalita ang kanyang pangalan, siya ay pinagbintangang

nanggahasa raw ng anak ng kanyang live-in partner.

Sabi ng actor ay hindi raw siya rapist at hindi raw siya nagsisinungaling. Pero nadiin pa rin siya sa kaso dahil ibinulgar ng anak ng live-in partner niya na nagsa-shabu ang dating

aktor sa tuwing hahalayin siya nito.

Nakakulong pa rin ngayon ang aktor at paminsan-minsan nga ay humihingi pa rin siya ng tulong pinansyal sa dating aktres.

Sino siya? Ah, basta! Di Daw Siya

sinungaling!

ACTION STAR NA NA-PARDON NAGING TULAK KAYA MAAGA RING NAG-GOODBYE WORLD!

ANG pinaka-classic na example kung bakit

hinding-hindi tayo dapat tumikim ng bawal na gamot ay ang kuwentong ito ng isang aktor na napakahaba ang naging byahe sa ligaw niyang landas.

Kasikatan niya noon bilang isang action star. Meron namang pelikulang ginagawa ang girlfriend

niyang bomba star sa hiwalay na production outfit. Minsan habang hinihintay niya ang kanyang girlfriend na matapos sa shooting, nakita niya na may kaaway itong lalaki.

Ang lugar ng shooting ay tambayan din ng katropa ng action star na mga aktor din. Ang isa ay sidekick sa movies at ang

isa ay stuntman. Nang sitahin ng

action star ang lalaking umaaway sa bomba star, nagkabantaan na magbabarilan sila. Pumasok ang lalaki sa kanyang kotse at tinawag naman ng action star ang dalawang katropa na meron na noong mga hawak na de-sabog.

Nang ilabas ng lalaki

ang Armalite sa kotse at pinutukan ang action star, gumanti ang stuntman at patay ang lalaking naka-Armalite. Ang ending, nakulong ang sidekick at ang action star. Nakalibre ang stuntman dahil hindi naman kilala kaya walang nakapagtsutso kung sino siya.

Lumipas ang panahon at sumikat ang anak ng action star bilang isang singer. ‘Yun din ang panahon na pinalaya na ang sidekick at ang

action star. Nakabalik sila sa pelikula at naghi-hit ang kanilang movies. Pero may isang sikat na dancer na balitang lulong sa droga ang kinasama ng bagong layang action star.

Doon na nagsimulang lumabas ang mga isyu na nalulong na rin sa droga ang action star na ama ng sikat na singer. Dumating ang hindi kanais-nais na pagkakataon. Pinagbibintangan ang

action star na nagtutulak na ng droga at sangkot sa sindikato ng credit card swindling.

Isang umaga, ibinalita ng mga alagad ng batas na napatay nila ang aktor dahil nanlaban daw nang tinutugis nila at nakuhanan ng libu-libong shabu sa minamanehong sasakyan.

Ang mahabang biyahe ng action star sa ligaw na landas ay sa kamatayan nagwakas. Sino siya? Eh, di... hulaan n’yo na lang!

AGOSTO 19-31, 2016 7

Sinu-sino sila?

LAYOUT B

Y Z

AI &

TRIS

HA

Page 8: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

OPINYONAGOSTO 19-31, 20168 BALITA

INFORMATION, EDUCATION, AND COMMUNICATION CAMPAIGNS (Edukasyon Kontra Droga; Drug-Free Teen Life; etc.)

BILANG NG ACTIVITIES AT SESSIONS

PAG-AARI NG GOBYERNO

PAG-AARI NG PRIBADONG

SEKTOR

11

1427

BILANG NG BENEPISYARYO/

ATTENDEES 3,585

ANG KUWENTO SA KUWENTA: Bilang ng mga nahuli at SUMUKO

MGA PROGRAMA BAGO O KAPAG NALULONG SA ILEGAL NA DROGA

LABANG DU30 KONTRA ILEGAL NA DROGA

TINURUAN tayo na ang pagbibilang ay nagsisimula sa isa, tapos dalawa, tapos tatlo.

Ngunit kapag binilang natin, simula sa isang drug pusher, hindi lang dalawa tapos tatlong tao ang kasunod na malululong sa droga. Hindi lang apat o limang pamilya ang masisira. Hindi lang anim o pitong buhay ang masasayang. Walang katapusan ang ating magiging pagbibilang.

Ayon sa huling datos mula sa PDEA, may 1.8 milyong Pilipino ang gumagamit ng bawal na gamot. Maaaring sabihin na katumbas na rin ito ng 1.8 milyong pamilya na tuluyan ng nawalan ng isa sa kanilang mga anak. Kaya siguro gayun na lamang ang pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang ama ng ating bansa, para sugpuin ang paglaganap ng ilegal na droga at tapusin ang di na mabilang-bilang na trahedyang dulot ng paggamit nito.

SUMUKO

PUSHER 34,763USER 519,480

554, 243 NAARESTOMINAnMANANG

KABAHAYAN7,418 309,734

Source: Philippine National Police- Public Information Office (PNP-PIO)

SA dinami-rami ng mga estatistika,

mga numerong nagbibigay ng kuwenta sa kuwento ng isinasagawang kampanya kontra droga, marahil ay kailangan nating muling matutong magbilang. Magsimula tayo sa isa— isang adhikain na wakasan ang matinding kapit ng ilegal na droga sa ating lipunan para sa kapakanan ng nag-iisa nating bansa at sa kinabukasan ng ating darating pang mga salinlahi.

SOURCE: PNP Anti-Illegal Drugs Group

REHABILITATION CENTER

SOURCE: DANGEROUS DRUGS BOARD/ AS OF AUG.9, 2016

IBA PANG EPEKTO NG KAMPANYA KONTRA DROGA71

12 16 161

ANG MGA NUMERO NI DIGONG

JULY 2015CRIME RATE

JULY 2016

56,339 50,817Source: PNP-PIO

PINAKAMATANDANG NAGING PANGULO NG PILIPINAS

years old

MindanaoanPresident

sa mga dating pangulo ang nanggaling sa Luzon at 3mula sa Visayas

TH MILLIONpresident (sumunod kay dating pangulong Benigno Aquino III)

bilang ng botanteng inihalal siya sa pagkapangulo na may terminong 2016-2022

Ni MICHELLE NABRE/ VIRNARD GABISON

ST

(AS OF AUG. 14, 2016)

( JULY 1- AUG. 3, 2016)

NAIDMC REPORT AUG 14 2016

NATIONAL ANTI-ILLEGAL DRUGS MONITORING CENTER

NO. OF OPERATIONS CONDUCTED

DRUG PERSONALITIES

5,422KILLED

ARRESTED592

8,332

OPLAN TOKHANG

Page 9: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

BALITA AGOSTO 19-31, 2016 9

ANG Santacruzan sa atin ay masaya. Pero sa Tanauan,

Batangas ito ay naging kahiya-hiya. Mayroon kasing dapat madala.

Ang maingay na “Walk of Shame” ng kanilang mayor na si Antonio Halili ay naghahanay ng mga nadakip na drug addict at drug pushing suspects para malantad sila sa publiko. Pinalalakad sila sa kalsada para makilala ng mga tagaroon at iwasan nang walang madamay pa sa problemang ito sa droga.

Umalma ang Commission On Human Rights (CHR) sa istilong ito ng alkalde at may nilalabag daw si Mayor Halili. Pero ang katuwiran ng alkalde, ang pinasasali niya sa parada ay tiyak na may matibay na ebidensyang sangkot nga sa droga.

Ito raw ang kanyang paraan para ipadama sa kanyang

MGA ‘REYNA MARIJUANA’ AT ‘CONSTANTINO SHABU’nasasakupan na mananatii ang kaayusan at malalayo sila sa marami pang kriminalidad.

Sa isang panayam kay Winnie Monsod, tahasang sinabi ni Halili sa harap ng isang taga-CHR na kung siya ang masusunod ay dapat buwagin na ang komisyon.

Hindi raw siya titigil sa kanyang istilo alang-alang sa kanyang mga constituents. Kaya ang huli nilang ginawa sa Tanauan ay ang “Flores de Pusher” na ang mga tumayong Reyna Elena at Constantino ay hindi magarang kuwintas ang sukbit kundi mga karatulang nagsasabing, “Ako ay pusher, huwag tularan” habang bumibida sila sa parada.

Noong una itong mabalita ay hindi pa pangulo si Pres. Rodrigo Duterte. Pero nagparating na siya noon ng pasabi na handa siyang sumuporta sa krusada ni Mayor Halili kontra sa salot na droga.

HABANG isa-isang winawalis ni Pres.

Rodrigo Duterte ang drug lords at mga galamay nila, umu-ugong naman ang ingay ng human rights group na ayaw ng aksyong nagagawa ng Philippine National Police (PNP). Panatilihin daw ang due process dahil bawal ang extra judicial killings na tila ibinibintang sa pangulo ang mga pagkamatay ng drug suspects.

Humingi kami ng panayam kay Department of Interior and Local Governemnt (DILG) Sec. Ismael Sueno para ipaliwanag ang isyung ito.

Ayon kay Sec. Sueno, “Ang mandato niya ay magtulungan tayong lahat to eradicte ang problema natin sa drugs, corruption and criminalities. Primary objective niya ito in running the government.

“Noong pinangalanan niya ang mga general na involved sa drugs, todo suporta kami. Naghanap kami ng cases to be filed

HINDI TOTOO NA HE ALLOWS EXTRA JUDICIAL KILLINGS -- DILG SEC. SUENO

against these generals and itong huli, mayors ang congressmen naman ang pinangalanan. Ang jurisdiction namin ay past mayors and current who came, appeared, and denied their involvement.

“I asked them if they are willing to be investigated. They agreed. They signed waiver so we can look into their

assets, bank accounts, incomes, and businesses. All of them signed naman sa waiver. We are now busy preparing for the investigation. We also asked the help of NBI and PDEA to finish the investigation.

“Ang gusto naman ng presidente na to follow the rule of law. May due process sa investigation

kasi hindi naman gusto ng presidente na maging diktador siya.

“We are fine tuning the concept of “Masa masid’. Ito ‘yung empowering the barangay people and integrating all groups, volunteer organizations, that will help us in anti-drugs, anti-corruption and anti-criminality campaign. “Ang mga nag-surrender,

these group of volunteers will also help in the rehabilitation ng mga 600,000 na ngayon na nag-surrender. Baka abutin ng one million surenderees,” ayon sa puno ng DILG.

Walang duda kay Sec. Sueno na may puso ang pangulo para sa lahat. Hindi siya ang taong tapang lang at tapang. Tunay ang kanyang pahayag noong eleksyon na may tapang at malasakit siya para sa kapwa.

“Binabasa niya ang listahan ng drug personalities, he came upon names na kaibigan niya, saka tumulong talaga sa kanya. Napahinto siya, ‘I am the President of the Philippines. I have to do my job,’ sabi niya.

“If he is the father of the nation he has to correct erring members of the family, members of the nation. So alam n’yo, may puso din siya, hindi siya mamamatay-tao! ‘Yung sinasabi niya na magpapapatay ako ng hundred thousand, he is just trying to impress a message ba, sa mga tao, na ‘wag kayong mag-indulge sa droga kasi

masama yan. I will do everything to eliminate itong drug pero hindi ‘yung sinasabi na extra-judicial killings.

“He is also bothered by some killings na hindi kagagawan ng pulis natin. Maybe ito ‘yung ibang killing na kagagawan ng drug lords na pinapatay nila ‘yung assets nila para hindi makapagsumbog,” dagdag pa ng sekretaryo.

Kung papansinin daw naman ay hindi pa nakaupo ang pangulo noong magsimula ang patayan.

“Ito ‘yung mga hindi nakakabayad [sa drug lords] kaya pinapapatay. So hindi totoo na he allows extra-judicial killings”.

Hindi rin naman sila nagpapabaya sa sitwasyon.

“Kaya pina-activate namin itong Internal Affairs Service (IAS) sa PNP. Kung may kaduda-duda na operasyon ang PNP, dyan pumapasok ang IAS. Hindi natin hahayaan ang mga pulis na pumatay ng tao. The President is not like that. He wants to follow the rule of law. He was a prosecutor, he wants to follow due process,” pagtatapos ni Sec. Sueno.

Page 10: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

OPINYONAGOSTO 19-31, 201610

ARIES (March 21-April 19) Ngayon mangyayari ang maagap mong pagsisiyasat sa iyong sarili. Kasama na rito ang mga nakikita mo sa iyong kapwa. Magaganap din ang pagkakakilanlan at pagtanggap sa mga magaganda at hindi magagandang katangian ng iyong mga minamahal. May sorpresang darating sa weekend. Lucky numbers at color for the week ay: 20, 8, 16, 28, 21, 30 at purple.

TAURUS (April 20-May 20) May ipinagkaiba ang pakikipagkapwa-tao sa pagitan ng nakaugalian at pangangailangan. Ang pangalawang pamamaraan ay sa pamamagitan ng kapana-panabik na nadarama sa gitna ng dalawang tao. May paglalakbay na nakikita bago matapos ang buwang ito. Lucky numbers at color for the week ay: 19, 7, 10, 38, 31, 5 at white.

GEMINI (May 21-June 21) Kahit hindi gaano kahalaga, mag-iisip ka ng mga kaganapan ngayon week at ito ay may epekto para sa iyo. Mararamdaman mo ito kung paano nararamdaman ng kapwa mo. Ihanda ang iyong sarili sa anumang bagay na isisiwalat sa iyo ng minamahal. Maging maingat muna sa pera. Lucky numbers at color for the week ay: 18, 5, 12, 28, 16, 35 at maroon.

CANCER (June 22-July 22) Sa mga pagkakataon na hindi mo alam ang isang salita, binibigyan mo ito ng pakahulugan base sa konteksto ng mga salita na pumapaligid dito. Gagawin mo rin ang parehas na pangyayari sa mga taong makikita mo na sa week na ito na hindi mo kakilala. Huhusgahan mo sila base sa mga taong nakapaligid sa kanila. Konting ingat sa iyong mga kilos. Lucky

numbers at color for the week ay: 17, 7, 10, 29, 31, 22 at flesh.

LEO (July 23-Aug. 22) Iwasang magtrabaho masyado upang malinis ang kasalukuyang sitwasyon at ang paggugol para sa inaakalang magandang bukas. Nasa peligro ka ng pag-oobliga sa iyong sarili na gawin ang mga bagay na kailanman ay hindi mo ikasisiya o pakikinabangan. Chill lang. Lucky numbers at color for the week ay: 16, 4, 10, 25, 11, 35 at lilac.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) Magtatrabaho ka nang mas maigi kaysa sa iba kung makikita mong ang mga gagawin mo ay magbubunga ng maganda. Kinakailangan mo ng isang tao na tutulong sa iyo upang gumawa kasama ng isang matibay na plano—isang tao na palaging nariyan at gagabay sa ’yo sa tamang daan. Lucky numbers at color for the week ay: 15, 7, 10, 23, 11, 36 at brown.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 23) Hindi ka sigurado sa mga susunod mong gagawin. Sinasabi ng iyong pag-iisip na kinakailangan mong harapin ang iyong tungkulin. Ang pagninilay ay mahalaga sa mga puntong ito ng iyong buhay. Isang romansa ang mabubuo sa pagitan mo at ng isang balikbayan. Lucky numbers at color for the week ay: 14, 7, 14, 28, 12, 35 at ecru. SCORPIO (Oct. 24-Nov. 21) Sa mga oras na hindi mo nakukuha ang mga kasagutan na gusto mong marinig ay maaaring maging kahulugan ng pagkabigo, pagkasira o paglakas ng iyong loo na nakadepende sa iyong pananaw sa buhay. Ang susunod mong maiisip sa mga panahong ito ay: “Sige. Ako na lang ang gagawa!” And that is cool. Lucky numbers at color for the week ay: 12, 11, 10, 23, 40, 32 at apricot.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) Nakakalabo ng pag-iisip ang social

media sa tunay na kuwento ng buhay. Ang masayahin, may talento at magagandang tao na nakilala mo na minsan at iyong kinakainisan ay ang mga tao na minsan mo ring hinangaan at minahal. Matutong magmuni-muni. Lucky numbers at color for the week ay: 13, 7, 15, 29, 11, 34 at red violet.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) Nananatili ang mga uri ng sakit na nakukuha sa pinagmulang lahi. Ang mga lumot, kulisap at alingasaw ay kahalintulad ng mga sitwasyon na mapayapa. Nagsisimulang mabulok. Huwag itong hayaang mangyari. Gisingin, pagalawin at baguhin ito. May kakayahan kang maging iba sa iyong mga kamag-anak. Lucky numbers at color for the week ay: 12, 3, 10, 26, 13, 35 at light green.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) May mga tao na sasamahan ka sa iyong paglalakbay sa buhay. Ito ang direksyon na iyong sinusundan ngunit kung hindi kinakailangan ikaw ay magdadalawang-isip na puntahan. Sa buhay, kinakailangan mong makapunta sa direksyon na gusto mo sa sarili mong pagkukusa. At kaya mo naman iyon. Lucky numbers at color for the week ay: 11, 7, 5, 28, 19, 33 at sheer.

PISCES (Feb. 19-March 20) Ang mabilis na pag-ayos, kasikatan at katanyagan ang mga bagay na iyong hinahangad. Hindi dahil madaling gawin at kaakit-akit ay mali na ito. Hindi mo na kinakailangan ng anumang pagdududa dahil sadyang maabilidad ka. Ano ang importansya ng isang Virgo sa buhay mo? Pagnilayan mo ito. Lucky numbers at color for the week ay: 10, 2, 10, 28, 13, 35 at copper.SAGOT

1. Umikli ang batuta ng pulis2. Nawala ang emblem sa sumbrero ng pulis3. Nawala ang bulsa sa uniporme ng pulis4. Naiba ang puwesto ng

mga sachet5. Nagkabutas ang sando ng lalaking hinahabol ng pulis6. Nabawasan ang pawis ng lalaking hinahabol ng pulis7. Nag-iba ang puwesto ng kaliwang braso ng lalaking

hinahabol ng pulis8. Nawala ang mga linya sa pagkaripas ng takbo ng lalaking hinahabol ng pulis9. Nagkaroon ng mga galos o sugat ang lalaking hinahabol ng pulis

JOKE TIMEBabae: Magsusuot ako ng yellow.Lalaki: Magsusuot naman ako ng green.

Sa araw ng eyeball, dumating ang pangit na babae sa venue, ngunit walang naka-green.Nilapitan niya ang nag-

LIBANGAN

WAKASiisang lalaki pero naka-red.

Babae: Excuse me. Are you my textmate?Lalaki: HUH? HALLER? NAKA-GREEN BA ‘KO?

Nina JEBENZ AT OLRAC

Page 11: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

BALITA AGOSTO 19-31, 2016 11

PUSH UP PA MORE: Matapos kuhain ang mga pangalan ng mga sumukong drug dependent, sila ay inutusang mag-push up.

‘HINDI KAILANGANG MAGBUWIS NG BUHAY PARA MAGING BAYANI’

“I BECOME Chief PNP only once so I better give it all, and give it all my best shot. Itotodo ko na ito. And I swear, I will not fail you, Mr. President!” Ito ang pangakong binitiwan ni Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hepe ng Philippine National Police. Kaya naman

GENERAL BATO:

todo-bigay siya sa pagtupad sa pangako ni PRRD sa publiko na tututukan ang malalang problema ng bansa sa droga.

Nang simulan na ni Gen. Bato ang iniatang na misyon sa kanya ng Pangulo at masampulan ang mga pusher sa iba’t ibang barangay sa bansa na talagang seryoso ang PNP

sa kampanya kontra droga, maraming user at pusher ang kusang loob nang sumusuko sa mga awtoridad.

Sa pagpapatuloy ng “Oplan Tokhang” kung saan kinakatok nila ang bahay ng mga hinihinalang sangkot sa operasyon ng ilegal na droga, sa bagong datos ng Public Information Office ng PNP ay umabot na sa 120,038 sangkot sa droga ang sumuko; 112, 902 ay drug users at 7, 107 ang pusher.

Bumaba na rin ang bilang ng krimen matapos maupo sa puwesto si PRRD na resulta ng puspusang kampanya ng PNP Chief sa anti-drug operations.

Ayon kay PNP Director for Operations, Chief Superintendent Camilo Pancratius Cascolan ay maaari

pang bumaba ang bilang na ito sa mga susunod na buwan.

Mula 52,950 na naitala noong January 2016, ang Total Crime Volume ay bumaba ng 13% mula first quarter at second quarter ng 2016, at may naitala lang na 46,060 noong June 2016. Ayon naman sa record ng PDEA, nasa 1.8M ang mga drug addicts at drug pushers sa buong Pilipinas at nasa 600,000 na nga rito ang sumuko.

Ang “Oplan Double Barrel” ay isa ring proyekto ng PNP para tugisin ang mga drug personalities.

Para kay Gen. Bato ay hindi naman kinakailangan na magbuwis ng buhay ang isang pulis upang maging bayani.

“Bilang ama ng organisasyong ito,

nais kong makita ang marami pang mga bayaning pulis sa ating hanay. Hindi ninyo kailangang magbuwis ng buhay upang maging bayani,” mensahe niya sa pagdiriwang ng 115th Police Service Anniversary Celebration ng Police Regional Offices. Dagdag niya, “Maghandog lang kayo ng malinis at maayos na paglilingkod, pairalin ang disiplina, magpakatatag sa gitna ng unos, maging matapang sa harap ng panganib, taas-noong harapin ang anumang pagsubok at magsilbi mula sa puso. Sa ganitong paraan, nakikiisa kayo sa hanay ng ating mga bayani.”

Ipinagdiwang ng Police Regional Office ang kanilang 115 anibersaryo noong Agosto 9, 2016.

SAPAT NA PROTEKSYON PARA SA MAMAMAYAN

Pinaalalahanan din niya ang mga pulis na ipagpatuloy ang magandang serbisyo at sana ay magsilbing ehemplo sa kapwa pulis bilang patunay na ang PNP ay binubuo ng mga magigiting at magagaling na pulis at civilian employees.

Pinuri niya ang mga PNP personnel sa masigasig na pagpapatupad ng Project Double Barrel laban sa

ilegal na droga at sa puspusang pagsuyod sa mga komunidad sa pamamagitan ng Oplan Tokhang.

Sinabi pa niya na ang nasabing pagdiriwang ay higit na makabuluhan sa gitna ng pagbabago na nangyayari ngayon sa ilalim ng bagong administrasyon sa pamumuno ni PRRD.

Pagmamalaki pa niya, “Hamon ng pagbabago, pinag-ibayong serbisyo. Iyan po ang hinaharap ng PNP ngayon. Sa bagong administrasyon, nagkaroon ng panibagong sigla ang ating mga pulis sa pagpapatupad ng batas at paglilingkod sa bayan. Muling naghahari sa ating puso ang layuning bigyan ng sapat na proteksyon ang taong bayan upang manatili silang ligtas sa anumang kapahamakan.

“Let us remember, however, that this campaign is just starting. Bagama’t marami tayong naririnig na batikos sa ating ginagawa, ipagpatuloy lang natin ang kampanya basta’t ang lahat ay ginagawa natin sa ilalim ng batas at paggalang sa karapatang pantao.”

Batay sa datos, ang PNP ay may 160,000 personnel sa kasalukuyan.

(Rosalie Catacutan-Periabras)

ZUMBA RIN PAG MAY TIME: Para malibang ang mga drug dependent na sumuko ay ni-require silang mag-Zumba para pagpawisan at maging active ang katawan.

‘BATO’ SA BILIBID: Tumiklop ang mga high-profile inmates kay Gen. Bato nang ang Special Action Force na ng PNP ang mag-takeover sa pagbabantay sa Bilibid.

Page 12: - President Rodrigo Roa Duterte WAGI SA GIYERA …mmpm.news/wp-content/uploads/2017/09/MMPM-Vol-1-Issue-1.pdf · narco-politics sa ating bayan—isang sitwasyong ... rin ang dahilan

OPINYONAGOSTO 19-31, 201612

WEIGHTLIFTER HIDI DIA Z BAYANING HUWARAN

TAONG 1988, nakopo ni Arianne

‘Bong’ Co ang gintong medalya sa 1988 Summer Olympics sa Seoul, South Korea pero demonstration sport lang ang bowling noon kaya unofficial ang panalo niya sa hanay ng Olympics medal.

Kung ganoon, ang unang Pilipina na si Hidilyn Diaz ang opisyal na lumikha ng kasaysayan sa Olympics sa pagkamit niya nitong August 7, 2016 ng Silver Medal sa women’s 53-kg weightlifting division sa ginanap na Rio De Janiero Oympics sa Brazil.

Tubong Zamboanga City, si Hidilyn din ang unang Pinay na nakakuha ng medalya sa weightlifting para sa

Pilipinas.Noong 2014 unang

sumabak sa Olympics si Hidi. Hindi man siya pinalad ay hindi agad umayaw. Ayon kay Chino Trinidad, sports analyst, ang pangarap kasi ng atletang ito ay hindi lamang makatulong sa pamilya kundi maging sa mga batang atleta sa kanilang lugar.

Malaking karangalan daw ang pinaghirapan ni Hidi na medalyang pilak, ayon kay Pres. Duterte. Hudyat din daw ito na kaya talaga ng Pinoy na

masungkit ag mailap na medalyang ginto mula sa Olympics.

Kaya pagsisikapan uli ni Hidi na makarating sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa Air Force ay Airwoman 2nd class si Hidi at inihahanda na ang promotion ng kanyang ranggo.

Nagdagdag pa ni President Rodrigo

Duterte ang premyong pera para sa ating bagong bayani sa larangan ng

palakasan.

Malaking bagay rin aniya ang halagang dalawang milyong kaloob pa ng pangulo para sa kanyang pamilya. Ang additional P2 M. ay ipinalaam ni PRRD kay Hidi noong Aug. 11, 2016, kung saan nag-courtesy call ang weightlifter sa pangulo sa Presidential Guesthouse.

Sabi ni Hidi, gagamitin niya ang unang halagang limang milyong piso para sa gym sa kanilang syudad na magsisilbing sanayan ng mga batang magiging inspirado sa kanyang panalo. Magtatayo siya ng isang tunay na weightlifting gym sa Zamboanga City.

Isa siyang halimbawa ng kabayanihan sa

sports na tutularan para malayo ang

kabataan sa salot na droga.

Mabuhay ka Hidilyn!

PHELPS BUMAWI SA PAGKALUBLOB SA DROGA

HINDI lang sa ating bansa nagiging

malaking hadlang ang droga. Ang pinakasikat na swimmer na si Michael Phelps ng United States na siya ring pinakaraming medalyang nakopo sa Olympics ay minsan na ring nalagay sa alanganin ang career dahil sa bawal na substance.

Matapos siyang sumikat sa larangan ng paglangoy ay nakunan siya ng picture noong 2009 na humihitit ng marijuana. Sinuspindi siya ng tatlong buwan na makalahok sa mga kumpetisyon ng USA swimming body.

“We decided to send a strong message to Michael because he disappointed so many people, particularly the hundreds of thousands of USA Swimming member kids who look up to him as a role model and a hero. Michael has voluntarily accepted this reprimand and has committed to earn back our trust,” sabi ng kinatawan ng USA Swimming governing body.

Humingi siya ng paumanhin sa publiko at sinabing ang ginawa niya ay ‘demonstrated bad judgment’. Nangako siya na babalik sa Olympics

para ibangon ang dangal.Bumawi nga nang todo

si Phelps para patunayang dapat ituwid ang pagkakamali.

Ngayong Rio 2016 Olympics ay humakot na naman siya ng mga medalya. Sa kanyang nalalapit na pagreretiro, siya ay may kabuuang bilang na 28 na medalya sa Olympics.

Tinaguriang “final race of his career,” sumagwan si Phelps sa butterfly 4x100-meter medley relay ng winning form para italaang bagong Olympics record na 3:27.95 at sumalo ng isa pang gintong medalya.Pinasalamatan din niya ang mga kasama sa relay na sina Ryan Murphy, sa backstroke, Cody Miller sa breaststroke leg at Nathan Adrian sa freestyle.“My swimming career might be over, but I have the future ahead of me to turn the page and start whatever I want. It’s not the end of a career, it’s the beginning of a new journey.”