humadapnon banghay aralin

3
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7 Taong Akademiko 2013 2014 Ikatlong Markahan Layunin Matukoy ang mahahalagang detalye ng akda Maisa-isa ang mga katangian ng bayani Masuri ang iba’t ibang stereotypes ng kasarian na makikita sa akda Matukoy ang kahulugan at katangian ng epiko Makapagbibigay ng kahalagahan ng epiko sa kasaysayan ng Pilipinas Makagawa ng tula mula sa konotatibong kahulugan ng isang salita at kaugnay ng mga pangyayari sa akda. Paksang Aralin Humadapnon (Buod ng isang epiko) Sanggunian: Alab 7 (Ikatlong Markahan) I. PAGBASA Pamamaraan A. Pagbabalik-aral: Denotatibo at Konotatibong Kahulugan Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang pagkakaiba ng denotatibo at konotatibo? 2. Magbigay ng halimbawa at gamitin sa pangungusap. B. Bokabolaryo Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit Laro: Hangman 1. Napakalakas ng bagyong paparating sa Pilipinas kaya naman kapagdaka’y ipinag-utos ng mga awtoridad na lumikas ang mga residente sa lugar na tatamaan nito. ___ ___ ___ ___ (AGAD) 2. Nabalani ang lahat ng kalalakihan sa angking kagandahan ni Maria. ___ ___ ___ ___ ___ ___ (NAAKIT) 3. Para akong nasa langit sa tuwing naririnig ko ang iyong malamyos na tinig. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ (MALAMBING) 4. Nanlumo ang Pangulo nang makita ang pinsalang idinulot ng bagyo. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ (NANGHINA) 5. Pinalakad mula sa Mariveles ang 70,000 sumukong Pilipino at Amerkano hanggang Camp O'Donnell, kung saan sila ipiniit. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ (IBINILANGGO)

Upload: florencio-munar-bernabe

Post on 29-Nov-2015

847 views

Category:

Documents


12 download

DESCRIPTION

Filipino 7

TRANSCRIPT

Page 1: Humadapnon Banghay Aralin

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Taong Akademiko 2013 – 2014

Ikatlong Markahan

Layunin

Matukoy ang mahahalagang detalye ng akda

Maisa-isa ang mga katangian ng bayani

Masuri ang iba’t ibang stereotypes ng kasarian na makikita sa akda

Matukoy ang kahulugan at katangian ng epiko

Makapagbibigay ng kahalagahan ng epiko sa kasaysayan ng Pilipinas

Makagawa ng tula mula sa konotatibong kahulugan ng isang salita at kaugnay ng mga pangyayari

sa akda.

Paksang Aralin

Humadapnon (Buod ng isang epiko)

Sanggunian: Alab 7 (Ikatlong Markahan)

I. PAGBASA

Pamamaraan

A. Pagbabalik-aral: Denotatibo at Konotatibong Kahulugan

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang pagkakaiba ng denotatibo at konotatibo?

2. Magbigay ng halimbawa at gamitin sa pangungusap.

B. Bokabolaryo

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit

Laro: Hangman

1. Napakalakas ng bagyong paparating sa Pilipinas kaya naman kapagdaka’y

ipinag-utos ng mga awtoridad na lumikas ang mga residente sa lugar na

tatamaan nito.

___ ___ ___ ___ (AGAD)

2. Nabalani ang lahat ng kalalakihan sa angking kagandahan ni Maria.

___ ___ ___ ___ ___ ___ (NAAKIT)

3. Para akong nasa langit sa tuwing naririnig ko ang iyong malamyos na tinig.

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ (MALAMBING)

4. Nanlumo ang Pangulo nang makita ang pinsalang idinulot ng bagyo.

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ (NANGHINA)

5. Pinalakad mula sa Mariveles ang 70,000 sumukong Pilipino at Amerkano

hanggang Camp O'Donnell, kung saan sila ipiniit.

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ (IBINILANGGO)

Page 2: Humadapnon Banghay Aralin

C. Pagganyak

Gawain: Pagsunud-sunurin ang mga larawan upang makabuo ng isang makabuluhang

kwento. Lagyan ng caption o pag-uusap ang bawat larawan.

D. Pagtatalakay

1. Tanong sa pag-unawa sa binasa

a. Ang akdang inyong binasa ay isang kabanata ng anong epiko?

b. Saan nagmula ang epikong ito?

c. Bakit naglakbay si Humadapnon?

d. Sino ang bumihag kay Humadapnon? Sa paanong paraan?

e. Bakit hindi kaagad tumulong si Nagmalitong Yawa?

2. Pangkatang Gawain

Pangkat I – Gumawa ng flow chart ng mahahalagang pangyayari sa kwento.

Pangkat II – Isulat ang mga katangian ng pangunahing tauhan sa akda.

Pangkat III – Gumawa ng alternatibong wakas at isadula ito sa klase.

Pangkat IV – (a) Anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang bayani?

Gumamit ng concept map. (b) Katanggap-tanggap ba para sa iyo ang

pagkakaroon ng mga kahinaan ng mga bayani? Bakit?

Pangkat V – (a) Isa-isahin ang mga stereotypes ng kasarian na makikita sa akda.

Punan ang talahanayan sa ibaba. (b) Sa inyong palagay, kahiya-hiya ba sa isang

lalaki ang humingi ng tulong sa babae? Talakayin ang sagot sa pamamagitan ng

isang debate. Tigdalawang argumento lamang bawat panig.

Page 3: Humadapnon Banghay Aralin

Lalaki Babae

E. Pagpapahalagang Pampanitikan

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang epiko?

2. Anu-ano ang mga tema at elemento ng epiko?

3. Ano ang naging papel ng mga epiko sa kasaysayan ng Pilipinas?

F. Enrichment Activity

Kung gagawa ka ng epiko, sino ang gagawin mong bida? Ano ang gagamitin mong tema?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

II. PAGSULAT

A. Talakayin ang katangian/elemento ng tula.

B. Papiliin ang mga estudyante ng tatlong tema mula sa Humadapnon.

C. Magbigay ng mga salitang may konotatibong kahulugan ng mga nabanggit na tema.

D. Pipili ang mga estudyante ng isang salitang gagawaan nila ng tula. Kumatha ng isang tulang

may 3 – 4 na saknong, may apat na linya bawat saknong. Gamiting pamagat ang salitang

napili. Ilagay sa isang buong papel at lagyan ng disenyo. Ang nilalaman ng tula ay dapat

may kaugnayan sa akdang binasa.