detalyadong banghay aralin sa filipino

Upload: edison

Post on 07-Mar-2016

1.857 views

Category:

Documents


96 download

DESCRIPTION

detalyadong araling sa filipino

TRANSCRIPT

Detalyadong Banghay Aralin saFilipino 2

I.LayuninSa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:A.natutukoy ang dinaramdam o mensahing ibig ipaalam ng mga hayop;B.naibibigay ang ibat-ibang huni o ingay na nagagawa ng hayop;C.nabibigyang halaga at nauunawan ang anu mang uri ng huni ng mga hayop atD.nakapagsasalita nang maliwanag.

II.Paksang AralinA.Paksa: Pagtukoy sa dinaramdam o mensahing ibig ipaalam ng mga hayop.B.Sangunian: Landas sa Wika at Pagbasa pahina 9-12.C.Kagamitan: Plaskard, mga larawan at libroD.Pagpapahalaga: Pagunawa sa dinaramdam na mensahing nais iparating ng mga hayop sa tao.E.Integrasyon: Science and Health at Values Education

III.Pamamaraan

Gawaing Pang-GuroGawaing Pang-Magaaral

A.Panimulang Gawain1.Pambungad na PanalanginBago po tayo magsimula sa ating aralin magsitayo po muna tayo para sa ating panalangin.

Magandang umaga/hapon sainyong lahat.2.Pagtala ng LibanNgayon naman leder pakitsek po kung sinu-sinu ang mga liban para sa araw na ito.

3.Pagtala ng Takdang-AralinNgayon naman ay tingnan natin kung sinu-sino ang nagsipag-gawa ng takdang aralin. Mga leder pakiwasto naman po ng mga takdang aralin ng inyong mga ka-grupo.

B.Balik-AralNgayon naman po bago tayo magsimula sa ating bagong paksa balikan muna natin an gating paksa kahapon.Ganito ang gagawin natin hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay magbibigay ng pangalan ng hayop at ang pangalawang grupo naman ang magbibigay ng huni o tunog ng hayop.Nauunawaan po ba ng lahat?Unang Grupo.a.bakab.manokc.baboyd.kambinge.ibonMagaling mga bata, talagang alam na alam na ninyo ang mga huni ng ibat-ibang hayop.

C.Pagganyak Sinu-sino po ba sa inyo ang may alagang hayop sa bahay?

Magaling!Anu-ano naman po ang napapnsin ninyo kung sila ay nagugutom?Magaling!

D.Paglalahad ng PaksaNgayon naman alamin natin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. At ito ay ipapakita ko sa inyo sa papamagitan ng mga larawan o aktwal na sitwasyon.Tumingin at makinig kayo ng mabuti.Maliwanag po ba?

1. bisiro 4. naligaw 2. nasalubong 5. naraanan 3. sariwa 6. damo

E.Pagtalakay sa PaksaBakit kaya nawala si Bisiro?Para malaman natin ang sagot basahin natin ang kwentong Naligaw si Bisiro.

Kailangan ko po ng isang magaaral na siyang mangunguna sa pagbabasa dito sa unahan.Sino ang gusto?Magaling halos lahat sainyo ang gusto magbasa, ngunit isa lang po ang dapat magbasa sa unahan. Mayroon pa naman po kayong susunod na pagkakataon at sisiguraduhin kung lahat kayo ay mabibigyan ng pagkakataong magbasa dito sa unahan.Malinaw po ba mga bata?Liza, ikaw ang magbasa. Basahin mo nang malakas ang kwentong Naligaw si Bisiro at pagkatapos ay paguusapan natin ang kwento.

Malinaw po ba?Bago po ang lahat, ano po ba ang dapat ninyong gawin diyan sa upuan habang may nagbabasa sa unahan?Magaling!Handa na po ba kayo?

Makinig nang mabuti.

Magaling Liza,malinaw ang pagkakabigkas mo ng mga salita.Oh! Naunawaan po ba ninyo ang kwento?

F.Pangwakas na Gawain

Sabihin ninyo kung ano ang damdaming nais ipahayag ni Bisiro sa kanyang tagapag-alaga. Magaling! Mahalaga ba si Bisiro sa kanyang taga-pagalaga? Bakit kaya mahalaga si Bisiro kay Lito? Nauunawaan ba ni Lito si Bisiro? Sa papaanong paraan? Magaling.Para sa inyong pangkatang-gawain. Hahatiin ko kayo ulit sa dalawa. Ang unang pangkat ay magpapakita ng larawan ng hayop. Ang pangalawang pangkat naman ang magbibigay ng huni o tunog ng hayop at pahuhulaan sa unang pangkat kung anu ang nais ipahiwatig ng tunog ng hayop.Malinaw po ba mga bata?At ako naman ang magtatala ng inyong iskor.Unang Pangkat1.

Nauuhaw2.

Nagugutom3.

Natutuwa/nagagalak4.

Pagod na pagod5.

Natatakot

Magaling! Nagenjoy po ba kayong lahat?

Ngayon naman, ibigay ninyo ang nararamdaman ng mga sumusunod na hayop batay sa huni/tunog na ipinaririnig nila.

Malinaw po ba mga bata?

Unang hayop, asong tumatahol.

Magaling mga bata!

Ano naman ang ibig ipahiwatig ng ibong umaawit?

Magaling!

Ano naman ang ibig ipahiwatig ng kalabaw na unga-ng-unga?

Magaling!

Ngayon, alam na ninyo kung anu-ano ang ibig ipahiwatig ng mga huni o tunog ng mga hayop?

G.PaglalahatAnu-ano ang mga ibat-ibang huni o tunog na nagagawa ng mga ibat-ibang hayop? Sagutin ninyo ito ng ginagaya ang huni o tunog ng ibat-ibang hayop.

Anu-ano naman ang kadalasang mensahe o nararamdaman ng mga hayop?

Magaling mga bata!

H.PaglalapatPangkatang Gawain:

Mga bata, magkakaroon tayo ngayon ng pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang isang pangkat ay magbibigay ng pangalan ng hayop na nais nilang pabigyan ng huni o tunog sa ikalawang pangkat.At ang ikalawang pangkat ang magbibigay ng tunog o huni ng hayop na ibibigay ng unang pangkat.

Maliwanag po ba ang lahat?

Magaling!

Lahat ay tatayo at manalangin.Sa ngalan ng ama ng anak.

Magandang umaga/hapon din po maam.

Leder ang magtsetsek ng attendance.

Mga leder ang magwawasto ng takdng aralin.

Opo maam.Pangalawang Grupo.Maa! maa!Tiktilaok!Oink! oink!oink!Meeeheeee! meeeheee!Twit! Twit! Twit!

Hahayaang magbahagi ng kwento ang mga magaaral tungkol sa kanilang mga alagang hayop sa bahay.

Maam, kadalasan po ay maingay sila.

Opo.

Lahat ay nagkatinginan at nakikinig sa ginagawa at sinasabi ng guro.

Maam! Lahat ay nakataas ang kamay.

May isang magaaral ang magbabasa ng kwento.

Opo maam.

Opo, Maam.

Opo.

Maam makikinig po ng mabuti.

Opo, handa na po.

Lahat ay makikinig.

Naligaw si BisiroIsang araw, kasama ng kanyang ina si Bisiro. Naghahnap sila ng sariwang damo.

Maa! Maa! Maa! Ingay, maaari po bang pumunta ako sa dako roon? Nakita ko po kasi na sariwa ang damo roon, sabi ni Bisiro.O sige Bisiro. Huwag ka lamang lalayo. Baka maligaw ka, sabi nang kanyang ina.

Napunta si Bisiro sa lugar na maraming damo. Napalayo siya sa kanyang ina.Napunta si Bisiro sa lugar na hindi niya alam at hindi na rin niya alam ang daan pauwi sa kanyang ina.

Naku! Wala na si Inay. Naligaw na yata ako. Maa! Maa! Maa! ani ni Bisiro.

Walang sumasagot sa kanya. Sa paglalakad, nasalubong niya si Muning.

Ngiyaw! Ngiyaw! Ngiyaw! Kumusta ka? Tila nagiisa ka kaibigang Bisiro?

Maa! Maa! Maa! Nawawala ako. Nakita mo ba ang nanay ko?

Hindi, sige uuwi na ko. Baka kasi hinahanap na ako ng nanay ko

Patuloy sa paglalakad si Bisiro. Nasalubong niya si Bantay.

Kaw! Kaw! Kaw! nagiisa ka yata Bisiro? Kumusta na? Matagal na tayong hinda nagkikita.

Maa! Maa! Maa! Naligaw ako. Hindi ko na alam ang pauwi sa amin! Tulungan mo ako.

Sige, sasamahan kita sa paguwi

Sa paglalakad ng dalawa, naraanan nila si tsonggo.

kra! kra!kra! tela naligaw kayong dalawa.Nakita mo ba ang nanay ko?Sinamahan ko si Bisiro pauwi sa kanilaMaya-maya, narinig nila na may tumatawag kay Bisiro.Bisiro! Bisiro! Bisiro! Nasan ka?Tuwang-tuwa na hinahanap ni Bisiro ang naghahanap sa kanya.Sumigaw siya ng malakas.

Maa! Maa! Maa! Narito akoNakita niya si Lito, ang nagaalaga sa kanya at tumuturing sa kanya ng kaibigan.Hay salamat! Nakita rin kita, Bisiro akala ko mawawalan na ako ng matalik na kaibigan. Halika umuwi na tayo.

Opo.

Maam, si Bisiro ay gustong magpasalamat sa kanyang taga-pagalaga dahil hindi siya nito pinabayaang mawala nang tuluyan.

Opo.

Dahil si Bisiro lamang ang tinuturing nitong matalik na kaibigan.Opo.Dahil hindi nito pinabayaan na mawala si Bisiro ng tuluyan.

Opo, malinaw po.

Pangalawang Pangkat

Maa! Maa!

Meow! Meow! Meow!

Oink! Oink! Oink!

Meehee! Meehee! Meehee!

Aaw! Aaw! Aaw!

Opo.

Opo, Maam.

Maam, maaring siya po ay nagugutom, natatakot o nagbibigay po ng babala na mayroong tao sa labas ng bahay.

Maaaring ang ibon po ay Masaya at nagaganyak sa kanyang mga inakay.

Maam, maaring siya po ay gutomAt pagod sa maghapong araro sa bukid o kaya naman po ay uhaw na uhaw.

Opo.

Sasagutin habang ginagawa ang huni o tunog ng mga alam nilang hayop.

Maam kadalasan po ay nagugutom, Masaya, natutuwa, natatakot o nagbibigay pa nang babala sa kanilang mga tagapag-alaga.

Maliwanag po Maam.

Lahat ay abala sa pangkatang gawaing ibinigay ng kanilang guro.

IV.Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Tuwing umaga, naririnig mo ang tilaok ng alaga mong tandang. Ano ang dapat mong gawin?a.bubugawin ang tandangb.maghahanda sa pagpasok sa paaralanc.kukunin at hihimasin

2.E-e-e-e-e-k! E-e-e-e-e-k! ang sabi nang baboy, ito ay;a.inaantokb.nagugutomc.nasisiyahan

3.hoy! Baka! Bakit ka moo ng moo? Ito ay ______.a.nasisiyahanb.natutuwac.nauuhaw

4.Hiii! Hiii! Ang huni ng kabayo na nasa loob ng kwadra. Ito ay _________.a.nagagalitb.nagugutomc.nauuhaw

5.Meehee! Meehee! Kambing na nasa gitna ng gubat na malayo sa ilog, ito ay?a.Natatakotb.Nauuhawc.nagagalit

V.Takdang Aralin

Gayahin ang huni o tunog ng mga sumusunod na hayop at ipakita sa sunod na araw.1.Manok na nangingitlog2.Baboy na gutom na gutom3.Mga palakang busog sa ulan at tubig4.Huni ng ibong masayang umaawit5.Unggoy na nagugutom