banghay aralin sa musika
TRANSCRIPT
Masusing Banghay-Aralin saMusika 4
Ikaapat na BaitangIka 18 ng Enero 2012
Vicky A. Flor G. Joel AlfareroMag-aaral Guro
I. Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral sa Ikaapat na Baitang ay maasahang
maisasagawa ang mga sumusunod na may 75 % kawastuhan:
1. Nakikilala ang mga instrumentong perkusyon na may tiyak at di-tiyak na tono;2. Napapangkat ang mga instrumentong musikal ayon sa uri ng tonog; at3. Nagagamit ang iba-ibang tunog mula sa ibat-ibang bagay sa paligid.
II. Paksa at Nilalaman:Paksa: Pagkilala sa Instrumentong PerkusyonSanggunian: Sanayang Aklat sa Musika, Sining at Edukasyong Pagpapalakas ng
katawan 4 Milagros, Refrente et. Al., p.60-63.
Kagamitan: Laptop, LCD Projector, Mga Larawan / Plaskards
III. PamamaraanA. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante
Kahapon ay napag-aralan natin ang Opotungkol sa instrumentong musikal.
Sino ang makapagbibigay ng halimbawa? gitara, piyano, organo, etc.
2. Pagganyak
Pagmasdan ang mga larawan ng instrumentong perkusyon. Anu-ano ang mga ito? tambol,maracas, etc.Paano sila pinatutunog? pagpalo, pagtapik, apgkalog
B. Paglinang na Gawain
1. PaglalahadAng mga instrumentong musikal, may tiyak na tono man o wala ay
mayroon dong timbre. Ibat ibang uri ng tunog ang ating maririnig. May mabigat, magaan, mataas, mababa, matinis, o maingay.
Ang instrumentong perkusyon ay maaaring pangkatin sa dalawa: may tiyak na tono at walang tiyak na tono.
i. Mga Instrumentong Perkusyon na May Tiyak na Tono1) Timpani 2) Saylopon / Marimba3) Chimes4) Celesta
ii. Mga Instrumentong Perkusyon na Walang Tiyak na Tono1) Tambol (Drum)2) Pompyang (Cymbals)3) Batingting (Triangle)4) Tamborin (Tambourine)5) Maracas (Maracas)
2. PagtatalakaySa lahat ng instrumentong musikal, ang
instrumentong perkusyon ang “pinakamatanda”. Ang instrumentong ito na pinatutunog sa pama-magitan ng pagkalog, pagpalo, pagtapik at pag-papatama ay nakilala at nagamit na noon pa man.
1. Anu-ano ang mga instrumentong perkusyonna may tiyak na tono? timpani, saylopon2. Anu –ano ang mga instrumentong perkusyonna walang tiyak na tono? tambol, batingting
3. Paghahalaw at PaghahambingAno ang pinagkaiba ng instrumentong may tiyak na tono sa walang tiya
na tono?
4. Paglalahat Anong instrumento ang pinatutunog sa pamamagitan ng pagkalog,
pagpalo, pagtapik at pagpapatama?
5. Paglalapat Pagsasanay 1
Punan ang wastong sagot ang talahanayan.
Mga Instrumentong Perkusyon
May Tiyak na Tono Walang Tiyak na Tono1. 1.2. 2.3. 3.4. 4.
Pagsasanay 2
Pangkatin ang mga instrumentong perkusyon ayon sa: a. Bigat at gaan ng tunogb. Taas at baba ng tunog c. Tinis at laki ng tunog
IV. Pagtataya Piliin ang tamang sagot.
1. Paano tinutugtog ang tambol?
a. Pinupukpok b. Kinakalabitc. Hinihipan
2. Paano tinutugtog ang cymbals?
a. Pinupukpokb. Kinakalabitc. Hinahampas
3. Ang maracas ay tinutugtog sa pamamagitan ng.
a. Pagkalogb. Pagkiskisc. Paghampas
4. Anong instrument ang kinikiskis?
a. Tambourineb. Castanetsc. Sand blocks
5. Aling instrument ang may tiyak na tono?
a. Tambolb. Xylophonec. Triangle
V. Takdang – AralinPag-aralan ang lunsarang awiting “Little Band.” Saliwan ito ng instrumentong
perkusyon.