banghay aralin sa araling panlipunan vi
TRANSCRIPT
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 1/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 2/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VI
I. Mga Tiyak LayuninA. Nakatutukoy ng mga tungkulin ng bawat sangay ng pamahalaan;
B. Nakakikilala ng mga katangian ng bawat pinuno ng bawat sangay ng
pamahalaan; at
C. Naipakikita ang pagkakaisa sa pangkatang gawain.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas
B. Mga Sanggunian:
Avelino, Norma C., et. al. (2007). Yaman ng Pilipinas 6. EdCrisch International,
Inc.: Lungsod ng Makati, Maynila, pp. 91-95.Avelino, Norma C., et. al. (2007). Yaman ng Pilipinas 6, Manwal ng Guro.
EdCrisch International, Inc.: Lungsod ng Makati, Maynila, pp. 85-88.
Mendoza, Laura Z., et. al. (2010). Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 6.
Rex Bookstore, Inc.: Sampaloc, Maynila, pp. 157, 168, 170, 171-173.
C. Mga Kagamitang Pampagtuturo: manila paper, worksheet, mga larawan
ng mga opisyales ng pamahalaan, computerized na mga babasahin sa bawat
sentro
D. Pagpapahalagang Pangkatauhan: Pagkakaisa sa Pangkatang Gawain
E. Paraan ng Pagtuturo: Interest Learning Center
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Itanong: Anu-ano ang mga katangian ng isang demokratikong
pamahalaan?
2. Pagganyak
Tingnan ang mga larawan na nakapaskil sa pisara. Kilala niyo ba sila? Sinu-
sino ang mga nasa larawan?
Ngayon, tayo’y maglalaro ng “Sino Siya?”
Narito ang mga panuntunan kung paano natin ito gagawin.a. Ilalarawan ko sa inyo ang titulo o tungkulin ng opisyal ng pamahalaan
na aking hinahawakan.
b. Kapag alam ninyo ang sagot, pakitaas lang ng inyong kanang kamay.
Kung sino ang aking ituturo ay siya lamang ang maaaring makasagot.
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 2
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 3/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
Halimbawa ng mga Larawan:
Pres. Noynoy Aquino Vice Pres. Jejomar Binay Sen. Miriam Defensor-Santiago Sen.
Manuel Villar
Chief Justice Ma. Lourdes Serano Cong. Arthur Defensor Jr. Sen. Franklin Drilon Sen. Loren
Legarda
B. Panlinang na Gawain
1. Introduction of Centers
Ngayon, ating pag-aaralan ang sistemang pampamahalaan ng Pilipinas
at ang tatlong sangay nito. Alam naman natin na ang sistemangpampamahalaan ng Pilipinas ay Pampanguluhan at ang tatlong sangay ng
ating pamahalaan ay Tagapagpaganap, Tagapagbatas at Tagahukom. Ating
pang alamin kung anu-ano ang mga ito at kung anu-ano ang mga
mahahalagang ginagampanan ng mga ito sa ating pamahalaan.
Mayroon tayong anim na mga sentro. Ang sentro 1-A at sentro 1-B ay
tungkol sa Unang Sangay ng Pamahalaan o ang Tagapagpaganap o Executive
Branch. Ang sentro 2-A at sentro 2-B naman ay tungkol sa Ikalawang Sangay
ng Pamahalaan o ang Tagapagbatas o Legislative Branch at ang sentro 3-A at
sentro 3-B naman ay tungkol sa Ikatlong Sangay ng Pamahalaan o
Tagahukom o Judiciary Branch.Ang mga sentro 1-A, 2-A at 3-A ay nasa harap ng classroom at ang
mga sentro 1-B, 2-B at 3-B ay nasa likurang bahagi ng classroom.
2. Orientation of the Centers
Bawat grupo ay magtatalaga ng kani-kanilang lider at secretary. Ang
lider ang siyang magtatalaga ng gawain ng bawat miyembro ng grupo
samantalang ang secretary naman ang siyang hahawak ng worksheet ng
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 3
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 4/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
grupo at siya rin ang naatasang sumulat ng napagkasunduang sagot ng
grupo. Nararapat na ang bawat miyembro ng grupo ay may kani-kaniyang
obserbasyon.3. Working in the Centers
Ang listahan ng inyong mga ka-pangkat at nakapaskil sa pisara. Aking
tatawagin ang lider ng bawat pangkat.
Ang mga pangkat 1-A, 2-A at 3-A ay pupunta sa mga sentro sa harap
ng pisara samatalang ang mga pangkat 1-B, 2-B at 3-B ay pupunta sa mga
sentro sa likurang bahagi ng classroom.
Ang mga pangkat 1-A at 1-B ay mag-uumpisa sa Tagapagpaganap
samantalang ang mga pangkat 2-A at 2-B ay mag-uumpisa sa Tagapagbatas
at ang mga pangkat 3-A at 3-B naman ay mag-uumpisa sa Tagahukom.
Matapos ang walong minutong time allotment, ang bawat pangkat ay
gagalaw pa-kanan. Ang proseso ay magpapatuloy hanggang ang lahat ng
mga sentro ay madaanan.
Worksheet:Kwalipikasyon,Tungkulin at
Kapangyarihan
Tagapagpaganap
Tagahukom Tagapagbatas
Kapangyarihan Kinatawan SenadorEdad
Edukasyon
Pagkamamamayan
Paninirahan saPilipinasMga Tungkulin atKapangyarihan
1.2.3.4.5.6.7.8.
1.2.3.4.5.6.7.8.9.
1.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagtatalakay
Base sa inyong nalaman sa mga sentro at gamit ang inyong
worksheet, narito ang ilang mga katanungan.
a. Ano ang sistemang pampamahalaan ng ating bansa?
b. Ilang sangay nahahati ang pamahalaan ng Pilipinas?
c. Anu-ano ang mga tatlong sangay na ito?
d. Sino ang humahawak ng kapangyarihang tagapagpaganap?
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 4
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 5/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
e. Anu-ano ang mga tungkulin at kapangyarihan ng tagapagpaganap?
f. Anu-ano ang mga kwalipikasyon ng pagiging Pangulo ng Pilipinas?
g. Sinu-sino ang mga katulong ng Pangulo ng bansa sa pagpapatupad ngmga batas?
h. Paano nakaaapekto ang layo ng lugar sa pagpapatupad ng Pangulo ng
mga batas?
i. Sa tingin mo, anu-ano ang mga batas na ipinatupad ng ating pangulo sa
kasalukuyan na nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa?
j. Sang-ayon ka ba kung ipasasailalim ng ating pangulo ang ating bansa sa
Batas Militar? Ano sa tingin mo ang magiging epekto nito sa lipunan?
k. Sinu-sino ang mga nagsisilbing tagapagpaganap sa pamahalaang lokal?
l. Sino naman ang humahawak ng kapangyarihang tagapagbatas?
m. Ano ang mga tungkulin ng mga tagapagbatas?
n. Anu-ano ang mga kwalipikasyon ng pagiging senador ng bansa?
pagiging kongresista?
o. Sinu-sino naman ang mga tagapagbatas sa pamahalaang lokal?
p. Kung ang mga tagapagbatas ay gagawa ng isang batas para sa kanilang
sariling interes, ano kaya ang magiging epekto nito sa pag-uugali ng
mga Pilipino?
q. Sinu-sino naman ang mga humahawak ng kapangyarihang tagahukom?
r. Anu-ano ang kwalipikasyon ng pagiging miyembro ng Korte Suprema?
s. Anu-ano ang mga kapangyarihan ng Korte Suprema?
t. Anu-ano ang mga pagbabago sa sistemang pampahalaan ng Pilipinas,
noon at ngayon?u. Ano ang ginagampanan ng wika sa sistemang pampamahalaan ng
Pilipinas?
2. Paglalahat
a. Ilarawan ang sistemang pampamahalaan ng bansa.
b. Anu-ano ang mga sangay ng pamahalaan ng bansa?
c. Sinu-sino ang mga namumuno sa bawat sangay?
d. Anu-ano ang kani-kanilang tungkulin?
3. PaglalapatPanuto: Isulat sa loob ng balloon ang mga gawain ng bawat sangay ng
pamahalaan na nasa ibaba.
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 5
Tagapaghuko Tagapagbata Tagapagpagana
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 6/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ ____________________________ _____________ _____________
a. Pag-aralan at rebisahin ang hatol
b. Ipatupad ang mga batas
c. Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng hukuman
d. Disiplinahin ang mga hukom
e. Humirang ng mga kagawad ng gabinete
f. Gumawa ng mga batas
g. Pagtibayin ang badyet
h. Ipatupad ang Batas Militar
i. Ipawalang bisa ang mga batas
4. Pagpapahalaga
Ano kaya sa tingin ninyo ang naging puhunan ninyo sa pagsagawa
nang mabuti sa nakaraang pangkatang gawain?
Sang-ayon ba kayo na ang pagkakaisa ay susi sa kaunlaran ng mga
Pilipino? Bakit? Sa anong paraan mo maipapakita ang iyong pakikiisa?
Anu-ano ang mga programa ng pamahalaan na masasabi mong ika’y
nakiisa sa pagsulong ng kaunlaran ng bansa?
IV. Pagtataya
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.
1. Ang sistemang pampamahalaan ng ating bansa ay ____________________.
a. parliamentaryo
b. pampanguluhan
c. federal
d. unitaryo
2. Ang sangay ng ating pamahalaan na pinamumunuan ng pangulo ng bansaay ______.
a. tagapagpaganap
b. tagapagbatas
c. tagapaghukom
d. wala sa mga nabanggit
3. Ang sangay na pinamamahalaan ng Korte Suprema at mababang hukuman
ay tinatawag na ________________.
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 6
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 7/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
a. tagapagpaganap
b. tagapagbatas
c. tagapaghukomd. wala sa mga nabanggit
4. Ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas ay ang
_______________.
a. Korte Suprema
b. Pulisya
c. Kongreso
d. Malacañang
B. Panuto: Isulat sa chart ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang mga
namumuno at ang bahaging ginagampanan ng bawat isa. Itala ang mga
gawain ng bawat sangay ng pamahalaan na di bababa sa tatlo.
V.
Takdang Aralin
Panuto: Itala sa assignment notebook ang pangalan ng ating kasalukuyang:
1. Tagapagpaganap2. Tagapaghukom (Punong Mahistrado)
3. Tagapagbatas (12 senador) at (lahat na kinatawan sa lungsod at
probinsiya ng Iloilo)
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 7
Sangay ng Pamahalaang
•
•
•
•
•
•
•
•
•
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 8/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
APPENDIX
Unang Sangay ng Pamahalaan: Tagapagpaganap o Executive Branch
(Sentro 1-A at 1-B)
Ang pangulo ng Pilipinas ang siyang tagapagpaganap at puno ng bansa. Siya
ang commander-in-chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the
Philippines. Tungkulin niya’t kapangyarihan na pamahalaan at kontolin ang mga
kagawarang tagapagpaganap, mga kawanihan at tanggapan.
Tungkulin din niyang ipatupad ang lahat ng mga batas; hirangin ang mga
karapat-dapat sa tungkulin; makipagkontrata at managot ng mga pag-utang sa
labas ng bansa; pumasok sa kasunduang pambansa o kasunduang pandaigdig;
iharap sa kongreso ang pambasang badyet; ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o
alinmang bahagi nito; at magkaloob ng kapatawaran sa nagkasalang nagpakabuti.
Dalawa ang lupong tagapayo ng pangulo: ang sanggunian ng estado at
gabinete. Ang sanggunian ng estado ay binubuo ng mga pinunong pambayan at
mga pribadong mamamayang hinirang ng pangulo. Ang gabinete ay binubuo ng
mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap.Ang nais maging pangulo ng bansa ay dapat katutubong ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas. Siya rin ay dapat na apatnapung taong gulang man
lamang sa araw ng halalan. Dapat na siya’y nakababasa’t nakasusulat; rehistradong
botante; at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng labimpitong taon bago sumapit ang
araw ng eleksyon.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang pangulo ng Pilipinas ay tuwirang
inihahalal ng taong bayan para sa terminong anim na taon na walang muling
paghahalal. Pinaniniwalaang sapat na ang anim na taon upang matapos ng isang
pangulo ang kanyang mga programa at proyekto para sa sambayanan.
Ang mga punong tagapagpaganap ng mga pamahalaang lokal ay ang Kapitanng Barangay, Alkalde, Bise Alkalde ng lungsod o bayan, Gobernador at Bise
Gobernador ng lalawigan, at mga opisyal ng rehiyon.
Ikalawang Sangay: Tagapagbatas o Legislative Branch
(Sentro 2-A at 2-B)
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 8
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 9/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng
tagapagbatas. Ang paggawa, pagsusog, at pagwawalang-bisa ng mga batas ang
pangunahing gawain o kapangyarihan nito. Binubuo ng dalawang kapulungan angKongreso – ang Mataas na Kapulungan o Senado at ang Mababang Kapulungan o
Kapulungan ng mga Kinatawan.
Ang nais maging senador ay dapat na katutubong ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas. Siya rin ay tatlumpu’t limang taong gulang man lamang
sa araw ng halalan; nakakabasa’t nakasusulat; rehistradong botante; at naninirahan
sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon bago sumapit ang araw ng eleksyon.
Ang nais maging kinatawan o kongresista naman ay dapat may mga
katangiang tulad ng sa senador maliban na 25 taong gulang sa halip na 35 taong
gulang at isang taong paninirahan sa Pilipinas sa halip na dalawang taon.
Ang iba pang tagapagbatas ay nasa pamahalaang lokal tulad ng
Sangguniang Panlalawigan para sa lalawigan, Sangguniang Bayan o Lungsod para
sa bayan o lungsod, at Sangguniang Pambarangay para sa barangay.
Pangatlong Sangay: Tagapaghukom o Judiciary Branch
(Sentro 3-A at 3-B)
Ang Korte Suprema at mababang korte ang bumubuo ng kapangyarihang
panghukuman. Ang hukuman ang nagpapasya upang mapangalagaan ang mga
karapatan, buhay, at ari-arian ng bawat tao. Ang katarungan ay sinisikap ibigay sa
dapat tumanggap nito.
Ang nais maging kasapi ng Korte Suprema ay dapat na apatnapung taonggulang man lamang; at katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas. Siya
rin ay naging hukom ng isang hukuman o nagpraktis bilang abogado sa Pilipinas sa
loob ng 15 taon o mahigit pa; at may subok na kakayahan, kalinisan ng budhi,
katapatan, at malayang pag-iisip.
Kapangyarihan ng Korte Suprema na magtalaga ng mga pansamantalang
hukom sa mga mababang hukuman. Tungkulin din nito na humirang ng lahat ng
mga pinuno at kawani ng mga hukuman ayon sa batas ng serbisyo sibil; magkaroon
ng superbisyon sa lahat ng mga hukuman at sa mga tauhan ng mga ito; disiplinahin
ang mga hukom ng mga mababang hukuman o iatas ang kanilang pagkatiwalag sa
tungkulin; at iatas ang pagbabago ng lugar ng paglilitis upang maiwasan angpagbabago ng pagpapairal ng batas.
Dagdag pa, tungkulin din ng Korte Suprema na gumamit ng orihinal na
hurisdiksyon sa usaping may kinalaman sa mga ambassador at iba pang mga
ministro; muling pag-aralan, rebisahin, baligtarin, o pagtibayin ang pag-apela sa
isang kaso; magtakda ng mga alintuntunin tungkol sa pangangalaga at
pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyunal; at lumikha at pangasiwaan ang
isang Judicial at Bar Council.
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 9
7/21/2019 Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan VI
http://slidepdf.com/reader/full/banghay-aralin-sa-araling-panlipunan-vi 10/10
West Visayas State UniversityCollege of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General EducationPEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)Page 10