marxismo at wika

3
Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw? 1 | CAPELLAN, FRANCES LEANA L. / FIL 40 / UP- DILIMAN / SUMMER0708 Sinasalamin ng wika ang kultura, at naipapahayag ang kultura sa pamamagitan ng wika. Ang wika ng anumang lipunan, sapagkat malayang naiimpluwensyahan ng ibang wika at kultura ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gayundin naman, walang kulturang puro kung kaya’t mamalas sa wika ang mga pagbabago. Sa patuloy na pagsusulat sa kasaysayan ng tao, ang kanyang lipuna’y patuloy rin sa pagbabago--- kasabay ng kaniyang wika at kultura na siyang nagbibigay-saysay sa pisikal niyang pag-iral. Hindi maaaring paghiwa-hiwalayin ang tatlong konseptong kinakatawan ng wika, kultura at lipunan. Kung susuriin ang lipunan ayon sa Marxistang Pananaw, makikitang ang kasaysayan ng anumang lipunan ay kasaysayan ng tunggalian ng mga uri. Ibig sabihin, umiinog ang mga pangyayaring natatala sa kasaysayan batay sa mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng mga uri sa lipunan. Ayon sa pananaw ni Karl Marx, ang pagbabago ng kasaysayan at kaisipan ng tao ay nakasalalay sa mga kalagayan ng produksiyon na nasasalamin sa tunggalian ng mga uri sa lipunan. Ang tinutukoy na tunggalian ng mga uri ay ang labanan ng kasalukuyan at hinaharap na naghaharing uri. Ang produksiyon, na siyang nagbibigay ng mga materyal na pangangailangan ng tao, ang pangunahing elemento ng ating kasalukuyang lipunan. Samakatuwid, ang uri ng produksiyon ng mga pangangailangan ang batayan ng mga institusyon sa lipunan. Malungkot mang aminin, patuloy na nananalasa ang konseptong isiniwalat noon ni Karl Marx. Hindi ko kinakailangang maging dalubhasa sa kasaysayan upang makita ang malinaw na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa isang lipunang kapitalista 1 , diyos ang turing sa mga nagmamay-ari ng makinarya ng produksiyon. Ang mga taong bumubuo sa isang kapitalistang lipunan ay nahahati sa dalawang uri: ang mga burgis, o iyong mga taong hindi na nangangailangang magtrabaho sapagkat mayroong na silang higit pa sa sapat na kayamanan at mayroong mga taong nagtatrabaho para sa kanila ; at ang mga tinatatawag na proletaryo, o iyong mga taong ang tanging kakayahan ay ang kanilang manwal na paggawa. DIAGRAM 1. ANG TRIYANGULO NI KARL MARX 1 Ang lipunang kapitalista, ayon sa pananaw na diyalektika (pagsusuri ng kasaysayan batay sa mga pangyayari sa lipunan) ni Karl Marx, ay ang antas ng lipunang ating kinabibilangan sa ngayon. Tinatawag itong kapitalista sapagkat naka-sentro sa produksyon ang klasipikasyon ng uri ng mga tao.

Upload: frances-leana-capellan

Post on 12-Nov-2014

3.842 views

Category:

Documents


17 download

TRANSCRIPT

Page 1: Marxismo at Wika

Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?

1 | C A P E L L A N , F R A N C E S L E A N A L . / F I L 4 0 / U P - D I L I M A N / S U M M E R 0 7 0 8

Sinasalamin ng wika ang kultura, at naipapahayag ang kultura sa pamamagitan ng wika. Ang wika ng anumang lipunan, sapagkat malayang naiimpluwensyahan ng ibang wika at kultura ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gayundin naman, walang kulturang puro kung kaya’t mamalas sa wika ang mga pagbabago. Sa patuloy na pagsusulat sa kasaysayan ng tao, ang kanyang lipuna’y patuloy rin sa pagbabago--- kasabay ng kaniyang wika at kultura na siyang nagbibigay-saysay sa pisikal niyang pag-iral.

Hindi maaaring paghiwa-hiwalayin ang tatlong konseptong kinakatawan ng wika, kultura

at lipunan. Kung susuriin ang lipunan ayon sa Marxistang Pananaw, makikitang ang kasaysayan ng anumang lipunan ay kasaysayan ng tunggalian ng mga uri. Ibig sabihin, umiinog ang mga pangyayaring natatala sa

kasaysayan batay sa mga pangyayaring nagaganap sa pagitan ng mga uri sa lipunan. Ayon sa pananaw ni Karl Marx, ang pagbabago ng kasaysayan at kaisipan ng tao ay nakasalalay sa mga kalagayan ng produksiyon na nasasalamin sa tunggalian ng mga uri sa lipunan. Ang tinutukoy na tunggalian ng mga uri ay ang labanan ng kasalukuyan at hinaharap na naghaharing uri. Ang produksiyon, na siyang nagbibigay ng mga materyal na pangangailangan ng tao, ang pangunahing elemento ng ating kasalukuyang lipunan. Samakatuwid, ang uri ng produksiyon ng mga pangangailangan ang batayan ng mga institusyon sa lipunan.

Malungkot mang aminin, patuloy na nananalasa ang konseptong isiniwalat noon ni Karl Marx. Hindi ko kinakailangang maging dalubhasa sa kasaysayan upang makita ang malinaw na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa isang lipunang kapitalista1, diyos ang turing sa mga nagmamay-ari ng makinarya ng produksiyon. Ang mga taong bumubuo sa isang kapitalistang lipunan ay nahahati sa dalawang uri: ang mga burgis, o iyong mga taong hindi na nangangailangang magtrabaho sapagkat mayroong na silang higit pa sa sapat na kayamanan at mayroong mga taong nagtatrabaho para sa kanila ; at ang mga tinatatawag na proletaryo, o iyong mga taong ang tanging kakayahan ay ang kanilang manwal na paggawa.

DIAGRAM 1. ANG TRIYANGULO NI KARL MARX

1 Ang lipunang kapitalista, ayon sa pananaw na diyalektika (pagsusuri ng kasaysayan batay sa mga pangyayari sa lipunan) ni Karl Marx, ay ang antas ng lipunang ating kinabibilangan sa ngayon. Tinatawag itong kapitalista sapagkat naka-sentro sa produksyon ang klasipikasyon ng uri ng mga tao.

Page 2: Marxismo at Wika

Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?

2 | C A P E L L A N , F R A N C E S L E A N A L . / F I L 4 0 / U P - D I L I M A N / S U M M E R 0 7 0 8

L I P U N A N

Mula sa popular na triyanggulo ni Marx, makikita ang pagkakahati ng mga tao sa lipunan. Nasa base ng triyanggulo ang mga proletaryo sapagkat higit silang nakakarami at nasa tuktok naman ang mga burgis na kakaunti sa populasyon. Maaari ring suriin ang triyanggulo sa paraang simbolikal. Nasa itaas ang mga burgis sapagkat sila ang itinuturing na ‘nakatataas’ sa lipunan. Sa gitna nila ay ang mga tinatawag na petit-bourgeoise, ang mga taong mayroong sapat na ari-arian at/o kayamanan upang maipaikot ang sirkulasyon ng kanilang pera subalit kinakailangan pa ring magtrabaho upang mapanatili ang kanilang kalagayan. Halimbawa, ang isang dentista, bagaman mayroong mga ‘tauhan’ ay kinakailangang manatiling nagtatrabaho kung hindi ay mawawalan siya ng pera na kailangan niya upang mabuhay ng maluwag.

Sa pagtingin sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan sa pananaw na marxista, makikitana magkakadugtong ang tatlo:

DIAGRAM 2. ANG UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA NA PUMAPALOOB SA LIPUNAN

Ang iba’t ibang uri ng mga tao ay umiiral sa lipunan. Samakatuwid, ang mga tao (na

bumubuo sa lipunan) ang gumagawa ng kanilang sariling wika at kultura. Malinaw na ang tunggalian ng mga uri sa lipunan ay pinapaigting ng wika, nararamdaman at nasasalamin sa kultura at muli, patuloy na bininigyang-saysay ng lipunan.

Ang lipunan, bilang isang lugar (pisikal man o konseptuwal) na kung saan ginagamit ang wika at nagtataglay ng kultura, ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga tao. Nagsisilbing ‘arena’ ang lipunan.

Sa loob ng isang lipunan ay nabibigyang-saysay ang mga tunggalian. Tingnan halimbawa sa Pilipinas, ang mga ‘burgis’ ay nanatiling ‘burgis’2 at kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng espasyong pagitan sa gitna ng mayayaman at mahihirap. Tendensiya ng mga ‘nakakataas’ na ipadama ang kanilang pag-iral at ipamalas ang kanilang katayuan sa lipunan.

2 Ang mga taong itinuturing kong burgis sa lipunang Pilipino ay iyong mga tinatawag nating ‘likas na mayayaman’. (i.e. business tycoons, philippines’ richest)

KULTURAWIKA

Page 3: Marxismo at Wika

Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?

3 | C A P E L L A N , F R A N C E S L E A N A L . / F I L 4 0 / U P - D I L I M A N / S U M M E R 0 7 0 8

Sa pamamagitan ng kagustuhang maipakita ang ‘kataasan’ ng antas, binubuo ng mga taong ito ang isang kulturang ‘nakatataas’ at gumagamit sila ng wikang magpapamalas nito.

Hindi lamang ekslusibo sa ekonomikal na pagkakahati ng lipunan ang klasipikasyon ng mga tao. Maaari ring sabihing bukod sa ekonomikal na klasipikasyon, mayroon din tayong konsepto ng ‘imahe’ na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa ibang tao na matahin ang ibang grupo. Isang mahusay na halimbawa ang mga pagkakaroon ng ‘stereotyping’ o ang pagkakaroon ng ‘tatak’ ng wika at kultura ng isang tao na siyang nagbibigay depinisyon ng kanyang katayuan sa lipunan. Kung ang ideya mo ng bakasyon ay ang mangibang-bansa, at ang konsepto mo sa ipod, laptop, at iba pang techie stuffs ay pangangailangan, o kaya’y hindi ka kumakain sa mga karinderya sa kanto—malinaw na iba ang katayuan mo sa lipunan kumpara sa mga iskwater na walang permanenteng tahanan sa siyudad at umaasa lamang sa panaka-nakang trabaho.

Sa huli, mayroong kakayahan ang wika na paigtingin ang tunggalian ng mga uri sa

lipunan. Idinidikta ng kultura at ng lipunan ang pagkakahati-hati ng mga uri, at masasalamin ito paraan ng paggamit ng wika. Mapa-wika o kultura man, ang tunggalian ng mga uri ay malinaw na umiiral sa lipunan. Makapangyarihang instrumento ang wika at kultura sa pagpapalaganap ng diskriminasyon.

Sa isang ideyal na lipunang pinapangarap ng mga sumusunod kay Marx3, ang lipunan ay nararapat mawalan ng kapintasan. Sa kanilang pananaw, nararapat na makita sa isang lipunan ang lubos na pagbibigayan na walang anumang bahid ng makasariling mithiin. Sa lipunang ito, walang pagsasamantala at paninikil kung kaya’t mawawala rin ang tunggalian ng

mga uri. Subalit sa katotohanan, habang nananatili ang paggamit sa wika at kultura upang iparamdam ang katayuan sa lipunan, at habang patuloy na pinapatakbo ang lipunan ng mga naghaharing-uri na walang konsepto ng pagkakapantay-pantay, mahihirapan ang mga nasa ibaba ng triyanggulo na gawing kwadrado ang hugis ng lipunan.

3 Ang lipunang komunista, isang lipunang walang kapintasan, ang siyang tinutukoy na ideyal na lipunan ni Karl Marx. Sa isang lipunang komunista ay makikita ang kapatiran ng sangkatauhan. Susundin nito ang prinsipyong “mula sa isa ayon sa kanyang kakayahan, para sa isa ayon sa kaniyang pangangailangan.”