kalikasan at kaligiran ng wika
TRANSCRIPT
KALIKASAN AT KALIGIRAN
NG WIKA
1
ALAM MO BA? Ang opisyal na estadistika tungkol sa
mga wika at diyalekto sa ating bansa ay hango sa Census of Population and Housing na isinasagawa tuwing isang dekada ng National Statistic Office.
Ayon sa datos noong 2000, may humugit –kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit sa 5.3 milyong sambahayan.
2
Ano nga ba talaga ang
WIKA?
3
EDWARD SAPIR Ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin.
4
CARROLL Ang wika ay isang
sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan na ginagamit sa komunikasyon.
5
Katangian ng Wika1. Ang wika ay isang sistema
Konsistent at sistematiko
Ponema - pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog
M/M/ A /A/A,B,D,E,G,H,I,K,L,M,N,O,P,R,S,T,U,W,Y
/A,B,D,E,G,H,I,K,L,M,N,O,P,R,S,T,U,W,Y/
6
morpema- makabuluhang pagsasama ng mga tunog.Halimbawa:
mahalako
maramdamin
7
sintaksis- makabuluhang pagsasama ng mga salita
Halimbawa: Ako ay maganda! Ang hindi marunong lumingon
sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
8
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog.
ang mga tunog ay nagagawa sa
pamamagitan ng mga sangkap sa pagsasalita
9
3. Ang wika ay arbitraryo
Arbitraryo – ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng
palatunugan, leksikal, gramatikal na istruktura
na ikinaiba sa ibang wika.
10
3. Ang wika ay arbitraryoArbitraryo – ang bawat wika ay may kani-kaniyang set ng palatunugan, leksikal, gramatikal na istruktura na ikinaiba sa ibang wika.
Ang nabuong mga salita at mga kahulugan ay pinagkasunduan ng mga taong kapangkat sa isang kultura.
11
4. Ang wika ay pantao wikang pantao na kakaiba sa wikang panghayop
naililipat o naisasalin ang kultura ng mga tao sa pamamagitan ng wikang pantao.
12
5. Ang wika ay buhaynagbabago ang kahulugan at gamit nito
6. Ang wika ay naglalarawan ng kultura ng bansaSa pamamagitan ng wika, nasasalamin ang kultura ng isang bansa
13
7. Ang wika ay naglalantad ng saloobin ng tao
Naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin sa paraang pasulat man o pasalita
14
Walong Pangunahing Wika
sa PilipinasTagalogCebuano IlokanoHiligaynonBikolSamar-Leyte o WarayPampango o KapampanganPangasinan o Pangalatok
15
Tungkulin ng Wika
16
Ayong kay Gordon Wells
• Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba – ito ay naipapakita
sa pamamagitan ng pakikiusap, pag-uutos,
pagmumungkahi, pagtanggi, pagbibigay-
babala.
17
• Pagbabahagi ng damdamin – pagpuri,
pakikiramay, paglibak, paninisi, pagsalungat,
pagpapahayag
18Ayong kay Gordon Wells
• Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon – pag-uulat, pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong
at pagsagot
19
• Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at
pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa- pagbati, pagpapakilala,
pagbibiro, pagpapasalamat,
paghingi ng paumanhin
20
• Pangangarap at paglikha –
pagkukuwento, pagsasadula, pagsasatao,
paghula
21