filipinosapilinglarang (teknikal-bokasyunal)

29
Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal) Unang Markahan Linggo 2-3 Modyul 2: Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin 12

Upload: others

Post on 05-Oct-2021

211 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

Filipino sa Piling Larang(Teknikal-Bokasyunal)

Unang MarkahanLinggo 2-3

Modyul 2: Iba’t ibang Uring Teknikal at Bokasyunal

na Sulatin

12

Page 2: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

Filipino – Baitang 12Self-Learning Module (SLM)Unang Markahan – Modyul 12: Iba’t ibang uri ng Teknikal Bokasyunal na SulatinEdisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailanganmuna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kungito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapanay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na itoay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga itoupang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mgatagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit malibansa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mgaito.

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of KoronadalTelefax: (083) 2288825/ (083) 2281893E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulManunulat: Liza Marie C. FlorescaEditor: Joseph T. BaluyaTagasuri: Imelda VillanuevaTagaguhit: Liza Marie C. FlorescaTagalapat:Cover Art Designer: Ian Caesar E. FrondozaTagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director

Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional DirectorRommel G. Flores, CESO VMario M. Bermudez, CESO VIGilbert B. Barrera – Chief, CLMDArturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMSPeter Van C. Ang-ug – REPS, ADMLeonardo Mission – Subject Area SupervisorJuliet F. Lastimosa - CID ChiefSally A.Palomo - EPS In Charge of LRMSGreogorio O. Ruales - ADM CoordinatorLelita A. Laguda – Subject Area Coordinator

Page 3: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

12Filipino sa Piling Larang(Teknikal-Bokasyunal)

Unang MarkahanLinggo 2-3

Aralin 2: Iba’t ibang Uri ngTeknikal at Bokasyunal na

Sulatin

Page 4: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

2

Paunang SalitaPara sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang _Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode(ADM) Modyul para sa araling Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal naSulatin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mgaedukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, anggurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayangitinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay atmalayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mgakasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mgapangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahongito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan atitala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilangsariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin atgabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob samodyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)Modyul ukol sa Iba’t ibang Uri ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sapamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo naikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mgakaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay aynakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa GuroIto'y naglalaman ng mga paalala,panulong o estratehiyang magagamit sapaggabay sa mag-aaral.

Page 5: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

3

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layuninnitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sapagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mgadapat mong matutuhan sa modyul.

Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kungano na ang kaalaman mo sa aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang lahat ngtamang sagot (100%), maaari monglaktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aralupang matulungan kang maiugnay angkasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ayipakikilala sa iyo sa maraming paraan tuladng isang kuwento, awitin, tula, pambukasna suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maiklingpagtalakay sa aralin. Layunin nitongmatulungan kang maunawaan ang bagongkonsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para samalayang pagsasanay upang mapagtibayang iyong pang-unawa at mga kasanayan sapaksa. Maaari mong iwasto ang mga sagotmo sa pagsasanay gamit ang susi sapagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan opupunan ang patlang ng pangungusap otalata upang maproseso kung anongnatutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulongsa iyo upang maisalin ang bagong kaalamano kasanayan sa tunay na sitwasyon orealidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa omasukat ang antas ng pagkatuto sapagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

4

KaragdagangGawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyongpanibagong gawain upang pagyamanin angiyong kaalaman o kasanayan sa natutuhangaralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot salahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumangmarka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay napapel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaingnapapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid osino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Lagingitanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ngmakahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sakaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

5

Alamin

Magandang araw sa iyo kaibigan.Halina’t lumayag at sabay nating tuklasin at lawakan pa ang iyong kaalaman

tungkol sa Teknikal Bokasyunal na Sulatin na nauuri sa: Manwal Liham Pangnegosyo Flyers/Leaflets Promo Materials Deskripsiyon ng Produkto Feasibility study Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produkto Naratibong ulat Deskripsiyon ng Produkto Paunawa/babala/anunsiyo Menu ng pagkain

Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang pinakamahalagang kasanayangpampagkatutuo na :

Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)a. Layuninb. Gamitc. Katangiand. Anyoe. Target na gagamit

Linggo4-6

Pagkatapos ng aralin, inaasahang matamo ng mga mag-aaral ang mgasumusunod na layunin:

1. Naiisa ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin2. Natutukoy ang kahulugan ng iba’t ibang teknikal at bokasyunal na sulatin.3. Nakikilala ang kabisaan ng bawat teknikal bokasyunal na sulatin

Page 8: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

6

Subukin

Bago tayo tuluyang mapadako sa ikalawang yugto ng ating talakayan tungkol

sa iba’t ibang uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin, subuking sagutin ang paunang

gawain na siguradong bubusog sa iyong isipan.

A. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.Isulat ang sagot sa espasyo bago ang bilang.

1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.3. Iisa lamang ang pormat ang ginagamit sa pagsulat ng liham.4. Isa sa mga uri ng liham ay ang liham-pangnegosyo.5. Sinasalamin ng mga promosyonal na kompanya ang branding.6. Ginagawa ang promo upang makaakit ng mga potensiyal na kostumer.7. Sa dekripsiyon ng produkto, nabibigyang impormasyon ang mga mamimili tungkol

sa produkto.8. Maikling sulatin ang deskripsiyon ng produkto para sa pagbebenta ng mga

produkto.9. Promo material ang nakahihikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o

serbisyo.10. Nagbibigay impormasyon din ang promo materials sa mga mamimili.

B. Punan ang mga salungguhit ng angkop na mga titik (2puntos bawat isa)

11. F__ __ __ IB__ __I__ Y __T__D__ (TLSIAE YUS)12. D__ __UM__N__ __S__ON (KOTEYA)13. N__R__ __IB__ __G U__A__ (ANAO TL)14. P__ __N__W__ , __ABA__A, A__U__S__Y__ (AAUA, LBA, NION)15. M__N__ NG P__G__A__N (UE AKI)

Page 9: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

7

Aralin

1Iba’t ibang Uri ng Teknikalat Bokasyunal na Sulatin

Balikan

Nasagot mo na ba ang ating Subukin? Nahirapan ka ba? Huwag mag-alalamuli nating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraan.

Naalala mo pa ba ang teknikal bokasyunal na sulatin? Ano kaya angkaugnayan nito sa kasalukuyang aralin?Natalakay na ang mga halimbawa ngteknikal bokasyunal na sulatin, ngunit may mga tumpak na aralin kaugnay rito.

Marami ka pang malalaman tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal na sulatinsa pagtalakay natin ng aralin na ito.

Maaaring ikonsidera ang iilang katanungan upang maging bukas ang iyongisipan sa daloy ng ating talakayan.Ano-anong uri ng sulating teknikal ang iyong naisagawa noong ikaw ay nasaikasampung baiting.

Isulat at banggitin ang iilan sa mga ito:____________________________________________________________________________________________________________________________________

Ano-ano ang mga paraang iyong isinaalang-alang upang hindi ka nahirapan sapaggawa nito? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 10: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

8

Tuklasin

Tiyak na kagigiliwan mo ang mala-larong panimulang gawain na hatid sa iyo

ng bagong aralin. Mas mapapatingkad pa sa tulong nito ang iyong kaalaman upang

masimulang maunawaan ang bagong talakayan.

Panimulang Gawain: Scrambled Letter – Buuin ang mga titik hanggang

makuha ang tamang salita na may kaugnayan sa panibagong aralin. (Isulat ang

sagot sa papel, 2 puntos bawat isa)

1. LAWMNA _______________________________

2. MIHLA NAPGGENYSOO _______________________________

3. SFLREY SLTEFAEL _______________________________

4. OPMOR SMLATRIEA _______________________________

5. KRIPYONDES GN TODUPROK_______________________________

Bago natin simulan ang malayang talakayan, nais kong pumili ka ng

dalawang salitang iyong nabuo at bigyan ito ng sariling kahulugan. Maaaring ito

ay may kaugnayan sa dati mong alam o sa iyong mga nabasa.

1. ____________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

2. ____________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Page 11: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

9

Suriin

Handa ka na bang tunghayan ang bagong araling ating gagalugarin? Halina’t

samahan mo ako at marami ka pang matututuhan tungkol dito.

Uri ng Teknikal Bokasyunal na SulatinMahalagang bahagi ng industriya ang teknikal bokasyunal na sulatin dahil ito

ay nagbibigay ng mahahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga

produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Ang iilan sa mga uri nito ay ang mga

sumusunod:

1. MANWAL – naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang

produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng

naglilinaw sa proseso, estruktura at iba pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa

mga magbabasa nito.

Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong

magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa.

Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na

makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.

Maaari rin namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang

manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon,

gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng pangangailangan. Dagdag pa

rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks ang mga manwal.

2. LIHAM PANGNEGOSYO - na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at

pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga

bahagi gaya ng ulong sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng

liham, bating pangwakas at lagda.

Nakatuon ang liham pangnegosyo sa mga transaksyon sa pangangalakal

katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at

liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.

Isang pormal na sulatin, higit na pormal kaysa sa isang personal na sulat.

Saklaw nito ang paghahanap ng trabaho, paghingi ng impormasyon, pagtugon sa

mga tanong o paglilinaw, promosyon ng mga ibinebenta o serbisyo, pagkalap ng

Page 12: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

10

pondo, pagrehistro ng mga reklamo, pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng

mga patakaran o sitwasyon atbp.

3. FLYERS / LEAFLETS - kalimitang ipinamumudmod ito upang makahikayat

sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay

impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung

sinomang makababasa ng mga ito.

Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa.

Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials

ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o ang mga batayang

impormasyong may kinalaman dito.

Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na

makita ang biswal na Kapansin- pansin din ang pagiging tiyak at direkta ng mga

impormasyong nakasulat sa mga ito. katangian ng isang produkto, makulay rin ang

mga ito na posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o

susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami.

Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa

mga taong nasa likod ng pagbuo ng mga nasabing materyales gayundin ang

kanilang logo.

May mga pagkakataon ding pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba

pang pakulo sa paglikha ng mga flyers at promo materials upang higit na tumatak sa

mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang

produkto o serbiyo. Makikita ito halimbawa sa kanilang mga tag line.

4. PROMO MATERIALS - makakatawag-pansin sa mga nakakakita nito,

nakakamit ang layunin nitong makapagbigay impormasyon hinggil sa isang produkto

at makahikayat ng mga taong tatangkilik sa mga produkto. Importante ang disenyo,

konsepto, at tekstong nakapaloob sa gagawing promotional material. Nakaaapekto

ito sa pagpukaw ng atensiyon at sa magiging dating at tatak ng mga ito sa mga

makakakita.

Ito ang mga materyales na ginagamit sa mga promo ng produkto. Ginagamit

ito upang itanyag at ipakilala ang binibentang produkto at mas lalong tangkilikin ng

mga mamimili. Sa paraang ito, mas lalong nagiging sikat ang kanilang binebenta at

gayundin napatataas ang kita sa pamamagitan ng pagkuha ng interes ng mga

mamimili.

Page 13: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

11

5. DESKRIPSIYON NG PRODUKTO - Sadyang mahalaga ang wasto at

sapat na pagpapakilala at pagbibigay-katangian sa isang produkto o serbisyo bago

ito tangkilin ng isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang matatagpuan ang ganitong

paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang

babasahin tungkol dito. Tiyak, wasto at makatotohanan ang inaasahang deskripsyon

sa isang produkto. Marapat ding madali itong maunawaan ng mga ibig tumangkilik

dito sapagkat ito ang maaaring magtakda kung ito ba ay tatangkilikin o hindi.

Nakatutulong din ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y

limitasyon ng isang bagay gayundin kung paaano ito gagamitin nang tama.

Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng isang indibiduwal sa patuloy na

pagkatuto kung kaya’t lagi tayong handa sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman.

Mas madaling matutunan ang iba’t ibang bagay kung may akses sa mga materyales

na nagtuturo kung paano gawin ang isang bagay o produkto.

Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang

bagay. Nakalagay rin ang mga ispesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at

magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa.

Maaari ring maglagay ng mga larawan ng ginagawa sa bawat hakbang para

sa mga mambabasa upang makita ang dapat na kalabasan sakaling gagawin nila ito.

Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at maging angkop

ang kinakalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga

ito upang higit na madali para sa mga tao ang sumusunod sa mga hakbang na

nakasaad dito.

Pagyamanin

B. Pagkilala: Punan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang sagotsa papel. (2 puntos bawat isa)

1-2. Ang ___________ ay naglalaman ng mga detalyeng nagsisilbing gabay

sa mga magbabasa nito.

Page 14: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

12

3-4. Matatagpuan sa ____________ ang ganitong paglalarawan sa pabalat,

sa website ng gumawa nito o kaya’y sa iba pang babasahin tungkol dito.

5-6. Nakaaapekto ang ______________ sa pagpukaw ng atensiyon at sa

magiging dating at tatak ng mga ito sa mga makakakita.

7-8. Hindi maligoy ang pagkakasulat ng ___________ at dahil dito nagiging

impormatibo sa mga mambabasa.

9-10. Isang pormal na sulatin ang _____________ at higit na pormal kaysa sa

isang personal na sulat.

Isaisip

I -A. Ano-ano ang unang lima sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

B. Para saan kinakailangang gamitin ang bawat isa?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

C. Anong katangian ang magkakatulad sa lahat ng nabanggit na teknikal bokasyunal

na sulatin?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

D. Para kanino ang teknikal bokasyunal na sulatin?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Page 15: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

13

Isagawa

Bago pa man napag-aralan ang iba’t ibang uri ng teknikal bokasyunal na

sulatin, alam kong may dati ka nang alam tungkol dito at mas naliwanagan pa dahil

sa ginawang malayang talakayan. Ngayon, para mas lalong maunawaan pa ang

aralin, nais kong sagutin mo ang sumusunod.

Pagsulat ng Sanaysay: Bumuo ng maikling sanaysay tungkol sa karanasan

sa pagsulat ng 3 sa mga uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. (Maaring gumamit ng

isang malinis na papel)

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Aralin

2Iba’t ibang Uri ng Teknikalat Bokasyunal na Sulatin

Balikan

Naalala mo pa ba ang naunang limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?

Ito ay ang karugtong ng nakaraan aralin na mas lalong mapaiigting ang iyong

kaalaman tungkol dito.

Nauna nang tinalakay ang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin. May

kahirapan pa bas a pag-unawa ko ano talaga ang kahulugan nito?

Page 16: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

14

Ngayon, ito na ang huling yugto ng aralin tungkol sa uri ng teknikal

bokasyunal na sulatin. Tiyak na madaragdagan pa ang iyong dating kaalaman

tungkol sa araling ito. Ihanda ang sarili at muli nating lalakbayin ang mundo ng

teknikal bokasyunal na sulatin.

Alin sa mga naunang uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin na nakatawag sa iyo

ng pansin? Bakit?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Ano-ano pa ang nais mong matutuhan sa panibagong aralin?

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Tuklasin

Huwag na nating patagalin pa, halina’t ating tuklasin ang pangalawang yugto

ng ating aralin. Magiging mas kapanapanabik at makulay ang karugtong ng aralin na

ito na tiyak na maikikintal sa iyong isipan.

Uri ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin (karugtong ng nakaraang aralin)

6. FEASIBILITY STUDY - Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o

proyekto, nagsasagawa muna ng feasibility study ang mga tagapagtaguyod

nito. Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang

isang planong gawain.

Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang

pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita. May mga espesipikong

bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat, pangalan

ng gumawa, abstrak, buod o executive summary, panimulang pagtalakay sa

mga detalye at datos ng proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.

Page 17: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

15

Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay matatagpuan

dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa proyekto o pangunahing

paksang ginagawan ng pag-aaral. Kalimitan itong ginagamit sa

pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at

teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga larangan.

Dagdag pa rito, detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong

nilalaman ng isang feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang

kahihinatnan ng isang negosyo o gawain. Karaniwan ding nilalakipan ng mga

apendise ang ganitong sulatin na maaaring maging sanhi upang lalo pang

maging malaman ang isang feasibility study.

Samantala, nakababasa rin tayo ng mga narrative report. Mula sa

pangalan nito, ito ay isang ulat sa paraang naratibo o pasalaysay.

Kadalasang makakakita ng narrative report mula sa iba’t ibang ahensya o

kumpanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa isang gawain o kaya’y

mahalagang pangyayari sa isang organisasyon o institusyon.

Dahil naratibo ang pagbuo nito, mahalaga ang kronolohiya upang higit

na makita ang kaisahan, kaugnayan at lohika ng mga pangyayari. Maaari rin

nitong lamanin ang mga nakamit, napagtagumpayan, gayundin ang naging

kalakasan o kahinaan ng isang ahensya o samahan. Makatutulong din ang

ganitong uri ng ulat at dokumentasyon bilang sanggunian para sa mga

gawain at tunguhin ng institusyon sa hinaharap.

7. Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay/ produktoAng deskripisiyon ng produkto → ay isang maikling sulatin na

ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto par sa isang

negosyo .kinakailangan ang paglalarawan sa mga produkto upang magimg

kaakit-akit at maibenta ito sa mga target ng awdiyens o mamimili.

Mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan

impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit,

estilo , presyo at iba pang produkto nais mong ibenta .Sa gayong

paraan,nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na magdesisyon kung

bibilhin o tatangkilihin ang produkto o hindi mahalaga rin ang deskripsyon ng

produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang

pangangailangan.

Page 18: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

16

Mahalaga rin ito sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil

napakalakas ng kompetisyon iba`t-ibang kompanya.Sa modernong

panahon,hindi na tamang mga boutique o mga pisikal ng estruktura ng mga

tindahan ang gumagawa ng deskripsyon ng produkto,dati inilagay lamang sa

mga magasin. Laganap na rin ang online store na totoong may mas mahigpit

na kumpetisyon ,dahi mas malawak ang maaaring marating ng produktong at

mas maraming potensyal na kliyente kaya mahalaga na sa dinami-dami ng

produkto nakalagay sa iba`t ibang online shop ay maging natatangi ang

produkto ng isang negosyante para ito ay mas mapansin at maibenta

Nagtataglay ng mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng

isang bagay. Isinusulat muna upang maging gabay sa kung paano gagawin o

bubuuin ang isang bagay o produkto. Nangangailangang panatilihin ang

kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang

makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.

Kinakailangang maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal

na anyo ng produktong ginagawa

Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa

mga hakbang na nasa dokumentasyon. Pormal ang paggamit ng wika sa

pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto at

inaasahang payak malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang

upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa.

Kalikasan ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o

produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang. Nakalagay ang

mga ispesipikong gamit na kinakailangan. May larawan ng ginagawa sa

bawat hakbang

8. Naratibong ulatAng naratibong ulat ay kailangan sa iba't ibang larangan. Ito ay isang

dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang

kronolohikal. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na

nagsasalaysay ng kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga

pangyayaring may simula, gitna, at wakas.

Page 19: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

17

Ayon kina Onega at Landa (1996), ang naratibo ay isang

representasyon ng serye ng mga pangyayari. Kailangang tandaan na sa

isang naratibong ulat, may isinalaysay o ikinukuwento kaya ang sumusulat

nito ay kailangang may ideya ng banghay o pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari.

Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring

magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman

nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat. Natural na

pagkukuwento ang tono ngunit isinasaalang-alang pa rin ang paggamit ng

tamang mga salita.

9. Paunawa/babala/anunsiyoAng Anunsiyo - Sinusulat ang anunsiyo upang makapagbigay at

makapagbahagi ng impormasyon. Sa pagsulat ng anunsiyo, ipinapaalam ng

isang tao ang isang balita para sa mga kasama sa negosyo o sa mga

katrabaho, gayundin sa mga tagatangkilik ng negosyo o sa mga partikular na

tao o sektor na maapektuhan ng anunsiyong kaugnay sa trabaho.

Ilan sa mga paksa ng anunsiyo sa trabaho ay tungkol sa: bagong

negosyo, tindahan, o sangay ng opisina, bagong lokasyon ng negosyo,

pagtatanggal sa trabaho o pagbabawas ng tauhan, pagbubukas para sa

pagtanggap ng mga bagong empleyado, masamang panahon o plano kapag

may di inaasahang sitwasyon, labis na badyet o plano ng kompanya sa

pagtitipid, anibersaryo ng negosyo o kompanya, mga pagbabago sa

patakaran o halaga ng bayarin, plano ng pamunuan kapag may welga,

pagpapalit ng pangalan ng negosyo, programa sa drug testing, pagpapatigil

sa pagtanggap ng bagong empleyado (freeze hiring).

Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na

mamakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao. Maaari din itong

isang panawagan sa ilang importanteng gawain o aktibidad.

Ang mga paalala at babala - ay kadalasang bahagi ng pagsulat ng

instruksiyon. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating

karaniwang ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance,

mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo.

Page 20: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

18

Ang babala (warning) - ay isang instruksiyon na inilalagay upang

makaiwas na masaktan ang tagapangasiwa (operator) at/o maiwasan ang

pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon. Nagbibigay ng

espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring makasakit o

makapahamak sa mambabasa.

Isang uri ng babala ang paunawa (caution). Dito, ang instruksiyon ay

para sa tagapagsagawa at tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-iingat na

akma sa ilalim ng partikular na sirkumtasiya upang maiwasan ang pagkasira

ng kagamitan.

Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na

nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit

upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.

Hindi ginagamit ang paalala upang magbigay ng impormasyong

kaugnay sa kaligtasan ng mga tagapagsagawa o sa pagkasira ng kagamitan.

10. Menu ng pagkain – Katangian At Kalikasan Ng Menu Ng Pagkain

ang mahusay na pagkakaayos ang mga ito batay sa uri ng pagkain, kung ito

ba ay pampagana, sabaw, kanin, panghimagas, ulam na gawa sa karne, isda

gulay o kung ito’y mga inumin. Nakalagay din sa menu ang halaga ng bawat

isa upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o kaya’y ng abot-

kaya para sa kanila. Kung minsa’y mayroon ding kaunting paglalarawan sa

mga pagkaing nakalagay sa isang menu upang magka-ideya ang mga

mambabasa tungkol sa mga ito. May ibang menu rin namang nagtataglay ng

larawan ng mga pagkain o inumin.

Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na

bahagi ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip

upang higit na maging katakam-takam para sa mga makakakita. Iniisa-isa rin

ang mga sangkap na kinakailangan kung saan nakalagay din ang hinihinging

sukat o dami para sa bawat isa. Detalyado ang pagkakasulat ng mga ito

sapagkat dito nakasalalay ang kalalabasan ng lulutuin.

Kasunod nito, iniisa-isa rin ang bawat hakbang na kailangang sundin

sa pagluluto. Tiyak at malinaw ang pagkakalahad sa bawat proseso upang

masigurado ang tamang timpla, itsura at lasa ng lutuin. Sadyang mahalaga

ang tiyak na paglalahad ng mga sangkap at proseso ng pagluluto sapagkat ito

Page 21: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

19

ang susundin ng mga mambabasang ibig sumubok sa pagluluto ng ng mga

ito. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang

matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.

Suriin

A. Tukuyin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa uri ng teknikal bokasyunal

na sulatin. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

1. Mainam na sundin ang bawat impormasyong nakasaad sa menu upang

matamo ang akmang kalalabasan ng anumang nais lutuin.____________________

2. Nakalahad sa isang resipi ang paraan na kadalasang nasa itaas na bahagi

ang pangalan ng lutuin at kalimitan ding may larawan itong kalakip upang higit na

maging katakam-takam para sa mga makakakita.____________________________

3. Ang paalala (note) ay ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na

nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong gumagamit upang

maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.______________________________

4. Nagbibigay ng espesyal na atensiyon ang babala sa anumang maaaring

makasakit o makapahamak sa mambabasa.________________________________

5. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating karaniwang

ginagamit para sa mga manwal, mga assembly at maintenance, mga polyeto, at

mga korespondensiyang pangnegosyo.______________________

6. Ang anunsiyo ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na

makakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.________________

7. May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na

lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive

summary.___________________________________________________________

8. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang

feasibility study dahil nakatutulong ito upang makita ang kahihinatnan ng isang

negosyo o gawain.____________________________________________________

Page 22: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

20

9. Ang pagsulat sa paraang naratibo o ang pagsulat na nagsasalaysay ng

kwento ay pinakaakma sa mga ulat na may mga pangyayaring may simula, gitna, at

wakas.______________________________________________________________

10. Mahalaga ang diskripsiyon ng produkto upang mabigyan impormasyon

ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at iba

pang produkto nais mong ibenta._________________________________________

11. Ang gamit ng wika sa naratibong ulat, bagaman pormal, ay maaaring

magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit hindi naman nila

dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat.___________________________

12. Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa

mga hakbang na nasa dokumentasyon.____________________________________

13. Kalikasan ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o

produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang._____________________

14. Isang uri ng babala ang paunawa (caution).________________________

15. Ang anunsiyo ay maaaring isang panawagan sa ilang importanteng

gawain o aktibidad._________________________________________________

Pagyamanin

B. Pagkilala: Punan ng mga angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang

ideya ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa papel. (2 puntos bawat isa)

1-2. Ang ____________ ay maaaring isang panawagan sa ilang

importanteng gawain o aktibidad.

3-4. Kalikasan ng isang _____________ sa paggawa ng isang bagay o

produkto ang may sinusunod na proseso o mga hakbang.

5-6. Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ng pagsunod sa

mga ___________ na nasa dokumentasyon.

Page 23: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

21

7-8. Ang gamit ng wika sa ________________, bagaman pormal, ay

maaaring magaan upang gawing mas komportable sa mambabasa ngunit

hindi naman nila dapat maramdaman na napakaimpormal ng ulat.

9-10. Mahalaga ang ________________ upang mabigyan impormasyon

ang mamimili tungkol sa mga benepisyo, katangian, gamit, estilo , presyo at

iba pang produkto nais mong ibenta.

11-12. Detalyado ang pagtalakay sa mga impormasyong nilalaman ng isang

____________________ dahil nakatutulong ito upang makita ang

kahihinatnan ng isang negosyo o gawain.

13-14. May mga espesipikong bahagi ang isang ______________ katulad na

lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive

summary.

15-16. Ang ____________ ay nagbabahagi ng mahalagang impormasyon na

mamakapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao.

17-18. Ang instruksiyon ay pangkahalatang tawag sa mga sulating

karaniwang ginagamit para sa mga _____________, mga assembly at

maintenance, mga polyeto, at mga korespondensiyang pangnegosyo.

19-20. Ang _____________________ ay ginagamit upang tukuyin ang mga

aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at makatutulong sa taong

gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.

Page 24: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

22

Isaisip

II – A. Sumulat ng maikling sanaysay at gawing gabay ang mga katanungang nasa

ibaba. Isulat ang sagot sa papel.

Nasubukan mo na bang makasulat o makagawa ng tatlo sa mga nabanggit

na uri ng teknikal bokasyunal na sulatin? Ano-ano ang mga ito? Ibahagi ang

iyong karanasan.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Isagawa

Nais kong sagutin mo ang mga katunungang mas magpapalawak pa ng iyong

kaalaman tungkol sa teknikal bokasyunal na sulatin na naunang napag-aralan noong

nakaraan.

A. Ano-ano ang sumunod na limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

Page 25: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

23

B. Ano ang nilalaman ng limang uri ng teknikal bokasyunal na sulatin?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

C. Saan at kailan kadalasang ginagamit ang bawat isa?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

D. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit ito isinusulat o isinasagawa?

__________________________________________________________________________________________________________________

Tayahin

Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng

gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang mga

sumusunod na katanungan.

A. Pagtapat-tapatin: Matatagpuan sa Hanay A ang mga konseptong

komunikasyong teknikal, samantalang sa Hanay B naman ay ang mga susing salita

na naglalarawan sa Hanay A. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa

patlang gamit ang titik lamang.

Hanay A Hanay B

____1. Ginagawa bago magtayo ng negosyo a. tiyak at malinaw____2. Isang uri ng pag-aaral b. hakbang____3. Sinusunod sa pagluluto c. komprehensibo____4. Ang pagkakalahad sa bawat proseso d. babala____5. impormasyon na makakapagbibigay e. feasibility study

ng sapat na kaalaman____6. Ang pagtalakay sa nilalaman ng f. paalala

Impormasyon____7. Hindi ginagamit upang magbigay ng g. detalyado

Impormasyon____8. Makapagbigay/makapagbahagi ng h. plano

Impormasyon____9. Ginagawa upang matiyak ang i. espisipiko

Page 26: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

24

Posibilidad na maisakatuparan ito_____10. Gamit na inilalagay kung kinakailangan j. pormal_____11. Wika sa pagsulat ng dokumentasyon k. anunsiyo_____12. Nakalahad na madalas nasa itaas ng l. note

Pangalan_____13. Tumutukoy sa item na nagbibigay m. resipe

lamang ng impormasyon_____14. Kailangang magkaroon ng ideyang n. banghay

ganito o pagkakasunod-sunod_____15. Tono ng pagkukuwento sa paggamit o. normal

ng tamang salita p. feasibility study

Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng

gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang

mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Karagdagang Gawain

Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong

naunawaan ang ating aralin, bibigyan kita ng karagdagang gawain na

siyang magpapamalas ng iyong kahusayan sa pagsulat at paglikha.

Ngayon, gumupit ka ng mga halimbawa ng limang uri ng

teknikal bokasyunal na sulatin at idikit ito sa short bond paper. Gawing

malikhain ang paggawa. Maaaring magdagdag ng maikling caption sa

bawat isa.

Isumite ito sa muli nating pagkikita.

Page 27: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

25

Susi sa Pagwawasto

.

Subukin

1.T2.T3.M4.T5.T6.T7.T8.T9.T10.T11.FEASIBILITYSTUDY12.DOKUMENTASYON13.NARATIBONGULAT14.PAUNAWA,BABALAATANUNSYO15.MENUNGPAGKAIN

Tayahin

1.E11.J

2.C12.M

3.B13.I

4.A14.N

5.K15.O

6.G

7.F

8.D

9.H

10.L

Page 28: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

26

Sanggunian

1. FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Kagamitan ng Mag-aaral

2. FILIPINO SA PILING LARANGAN TECH-VOC Patnubay ng Guro

Page 29: FilipinosaPilingLarang (Teknikal-Bokasyunal)

PAHATID-LIHAMAng Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng

Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na maypangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sabagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa MostEssential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ngEdukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawatmag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taongpanuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sapaglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naminghinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGENLearning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: [email protected]