primaryang halalan ng california - ca.gov

64
Primaryang Halalan Martes, Hunyo 7, 2022 Bukas ang Mga Lugar ng Botohan mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan! BUMOTO NANG LIGTAS CALIFORNIA Makakatanggap ang bawat rehistradong botante sa California ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa Primaryang Halalan. Magsisimula ang mga opisyal ng halalan sa county na magpadala ng mga balota sa pamamagitan ng koreo sa o bago ang Mayo 9. Magbubukas ang mga kahong hulugan sa Mayo 10. Magkakaroon ng mga opsyon para sa personal na pagboto sa lahat ng county. Matuto pa sa loob. Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante Sertipiko ng Pagiging Tama Ako, si Shirley N. Weber, ang Kalihim ng Estado ng Estado ng California, ay nagpapatunay, sa pamamagitan nito, na ang impormasyong nakapaloob dito ay ihaharap sa mga manghahalal ng Estado ng California sa Primaryang Halalan na isasagawa sa buong Estado sa Hunyo 7, 2022, at na ang patnubay na ito ay wastong inihanda alinsunod sa batas. Saksihan ang aking kamay at ang Dakilang Selyo ng Estado sa Sacramento, California, ngayong ika-14 na araw ng Marso, 2022. Shirley N. Weber, Ph.D. Kalihim ng Estado Puwede kayong humingi ng mga karagdagang kopya ng Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa opisyal ng halalan sa inyong county o pagtawag sa (800) 339-2957.

Upload: khangminh22

Post on 20-Mar-2023

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Primaryang Halalan Martes, Hunyo 7, 2022

Bukas ang Mga Lugar ng Botohan mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan!

BUMOTO NANG LIGTAS CALIFORNIAMakakatanggap ang bawat rehistradong botante sa California ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa Primaryang Halalan. Magsisimula ang mga opisyal ng halalan sa county na magpadala ng mga balota sa pamamagitan ng koreo sa o bago ang Mayo 9.

Magbubukas ang mga kahong hulugan sa Mayo 10.

Magkakaroon ng mga opsyon para sa personal na pagboto sa lahat ng county.

Matuto pa sa loob.

Opisyal na Patnubay na Impormasyon

para sa Botante

Sertipiko ng Pagiging Tama

Ako, si Shirley N. Weber, ang Kalihim ng Estado ng Estado ng California, ay nagpapatunay, sa pamamagitan nito, na ang impormasyong nakapaloob dito ay ihaharap sa mga manghahalal ng Estado ng California sa Primaryang Halalan na isasagawa sa buong Estado sa Hunyo 7, 2022, at na ang patnubay na ito ay wastong inihanda alinsunod sa batas. Saksihan ang aking kamay at ang Dakilang Selyo ng Estado sa Sacramento, California, ngayong ika-14 na araw ng Marso, 2022.

Shirley N. Weber, Ph.D. Kalihim ng Estado

Puwede kayong humingi ng mga karagdagang kopya ng Opisyal na Patnubay na Impormasyon para sa Botante sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa opisyal ng halalan sa inyong county o pagtawag sa (800) 339-2957. ★★

2

BATAS SA MGA KARAPATAN NG

BOTANTEIKAW AY MAY MGA SUMUSUNOD NA KARAPATAN:

1 Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante. Ikaw ay karapat-dapat bumoto kung ikaw ay:

• isang mamamayan ng U.S na naninirahan sa California

• hindi kukulangin sa 18 taong gulang• nakarehistro kung saan ka kasalukuyang

naninirahan• hindi kasalukuyang gumugugol ng panahon sa

piitan ng estado o pederal dahil sa pagkakahatol sa isang krimen, at

• hindi kasalukuyang ipinansiya ng isang hukuman bilang walang kakayahan ang isipan para bumoto

2 Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante kahit na ang iyong pangalan ay wala sa listahan. Ikaw ay boboto gamit ang isang pansamantalang balota. Ang iyong boto ay ibibilang kung ang mga opisyal sa mga halalan ay nagpasiya na ikaw ay karapat-dapat bumoto.

3 Karapatang bumoto kung ikaw ay nakapila pa nang magsasara ang mga lugar ng botohan.

4 Karapatang magpatala ng isang lihim na balota nang walang gumagambala sa iyo o nagsasabi sa iyo kung sino o ano ang iboboto.

5 Karapatang kumuha ng bagong balota kung nagkamali ka, kung hindi mo pa naipapatala ang iyong balota. Magagawa mong:

Humingi sa opisyal sa mga halalan sa isang lugar ng botohan ng isang bagong balota,Palitan ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa opisina ng halalan, o ng isang bagong balota sa isang opisina sa mga halalan, o sa iyong lugar ng botohan, o Bumoto gamit ang isang pansamantalang balota.

6 Karapatang humingi ng tulong sa pagpapatala ng iyong balota mula sa sinumang pipiliin mo, maliban sa iyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon.

7 Karapatang ihulog ang iyong kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa alinmang lugar ng botohan sa California.

8 Karapatang kumuha ng mga materyal sa halalan sa isang wikang iba sa Ingles kung may sapat na bilang ng mga tao sa iyong presinto ng pagboto na nagsasalita ng wikang iyon.

9 Karapatang magtanong sa mga opisyal sa halalan tungkol sa mga pamamaraan ng paghalal at subaybayan ang proseso ng halalan. Kung hindi masagot ng taong tinanong mo ang iyong mga katanungan, dapat silang magpadala sa iyo ng tamang tao para sa sagot. Kung ikaw ay nakakaabala,maaari silang tumigil sa pagsagot sa iyo.

10 Karapatang iulat ang anumang labag sa batas o madayang gawain sa halalan sa isang opisyal sa mga halalan o sa opisina ng Kalihim ng Estado.

Sa web sa www.sos.ca.govSa pamamagitan ng telepono sa (800) 339-2957Sa pamamagitan ng email sa [email protected]

KUNG NANINIWALA KA NA PINAGKAITAN KA NG ALINMAN SA MGA KARAPATANG ITO, TAWAGAN ANG KOMPIDENSIYAL NA

NAKAHANDANG LINYA SA BOTANTE NG KALIHIM NG ESTADO SA (800) 339-2957.

TALAAN NG MGA NILALAMAN PAHINA

3

MGA PAHAYAG NG KANDIDATO 11

IMPORMASYON NG BOTANTEBatas sa Mga Karapatan ng Botante 2Mga Resulta ng Halalan 3Mga Nangungunang Tagaambag sa Mga Kandidato ng Estado 3Dalawang Tagisan sa Senado ng U.S. sa Balota 3Liham Mula sa Kalihim ng Estado 4Mas Maraming Araw, Mas Maraming Paraan ng Pagboto sa VCA 5Bumoto nang Ligtas sa Mga Lokasyon ng Maagang Pagboto 6Hanapin ang Inyong Lugar ng Botohan o Sentro ng Pagboto 6Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong Araw 6Nasaan ang Aking Balota? 7Mga Balotang May Bayad nang Selyo 7Impormasyon Tungkol sa Mga Pahayag ng Kandidato 8

Mga Tip para sa Mga Botanteng Miyembro ng Militar at ang mga Nasa Ibang Bansa 53Pagpaparehistro ng Botante 54Impormasyon sa Pagiging Pribado ng Pagpaparehistro ng Botante 54Tingnan ang Inyong Katayuan Bilang Botante Online 54Bago sa Pagboto? 55Abiso sa Pangangampanya 56Abiso sa Katiwalian sa Proseso ng Pagboto 57Mga Halalan sa California 58Mga Katungkulan sa Halalan sa County 59Pansamantalang Pagboto 60Tulong sa Mga Botanteng May Mga Kapansanan 61Bumoto nang Ligtas Gamit ang Inyong Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo 62Mga Petsang Dapat Tandaan 63

Gustong ninyong makita ang mga resulta ng Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022 pagkatapos magsara ang botohan nang 8:00 p.m.? Pumunta sa website ng Mga Resulta ng Halalan ng Kalihim ng Estado ng California sa electionresults.sos.ca.gov.

Simula sa Hunyo 7, ia-update ang website ng Mga Resulta ng Halalan nang 8:00 p.m., at pagkatapos nito, araw-araw nang 5:00 p.m. habang binibilang ng mga county ang mga natitirang balota.

Ipo-post ang mga opisyal na resulta ng halalan sa Hulyo 15, 2022, sa sos.ca.gov/elections.

Mga Nangungunang Tagaambag sa Mga Kandidato ng EstadoKapag sinuportahan o tinutulan ng isang komite (isang tao o grupo ng mga taong tumatanggap o gumagastos ng pera para sa layunin ng pag-impluwensiya sa mga botante na sumuporta o tumutol sa mga kandidato) ang isang kandidato at nakalikom ito ng hindi bababa sa $1 milyon, dapat iulat ng komite ang nangungunang 10 tagaambag nito sa Komisyon sa mga Makatarungang Gawaing Pampulitika ng California (FPPC). Dapat i-update ng komite ang listahan ng nangungunang 10 kapag may anumang pagbabago.

Makikita ang mga listahang ito sa website ng FPPC sa http://www.fppc.ca.gov/transparency/top-contributors.html.

Para masaliksik ang mga kontribusyon sa kampanya para sa mga kandidato, bisitahin ang website ng Kalihim ng Estado sa powersearch.sos.ca.gov.

Dalawang Tagisan sa Senado ng U.S. sa BalotaMagkakaroon ang katungkulan ng Senado ng U.S. ng DALAWANG magkahiwalay na tagisan sa balota para sa Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022. Puwede kayong bumoto sa dalawa.

Ang unang pag-tatagisan ay ang regular na halalan para sa buong 6 na taong termino sa katungkulan na magsisimula sa Enero 3, 2023 (buong termino).

Ang pangalawang pag-tatagisan ay isang espesyal na halalan para sa pagba-bakante, dahil pansamantalang uupo ang kasalukuyang nasa katungkulan sa isang nabakante, para sa natitirang bahagi ng termino na matatapos sa Enero 3, 2023 (hindi kumpleto/hindi pa natatapos na termino).

4

Kalihim ng EstadoKapwa Californian,

Ang California ay nananatiling isang halimbawa sa iba pang bahagi ng bansa pagdating sa pagsasagawa ng ligtas na halalan, sa pagtutuon nito sa mga karapatan sa pagboto, at sa pakikibahagi ng botante. Gusto kong pasalamatan ang napakaraming bumotong mga taga‑California itong mga nakaraang halalan. Gusto ko ring batiin ang mga taong posibleng bumoto sa unang pagkakataon sa Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022. Sa pakikibahagi ninyo natitiyak na patuloy ang pagsagana ng demokrasya sa estado.

Ang Patnubay na Impormasyon para sa Botante na ito ay makakatulong sa inyong gumawa ng mga may‑kabatirang pasya at maghanda para sa Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022. Kasama sa mga sumusunod na pahina ang mga huling araw para sa halalan, impormasyon sa pagpaparehistro ng botante, mga pahayag ng kandidato, inyong mga karapatan bilang botante sa California, at iba pang kapaki‑pakinabang na impormasyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa halalan, puwede kayong bumisita sa vote.ca.gov o tumawag nang toll‑free sa (800) 339‑2957.

Mga Bagong Linya ng Distrito—Ang Primaryang Halalan ng California sa Hunyo 7, 2022 ang inyong kauna‑unahang pagkakataon para bumoto ng mga kandidato sa bagong gawang Distrito sa Kongreso, Asembleya ng Estado, Senado ng Estado, Lupon ng Pagpapantay, Pagsubaybay ng County, at mga Konseho ng Lungsod. Hangga't hindi pa umuupo ang mga bagong halal na opisyal pagkatapos ng Pangkalahatang Halalan sa Nobyembre 2022, mananatiling may bisa ang mga kasalukuyang hangganan ng distrito, at patuloy na ikakatawan ng mga nahalal nang opisyal na nasa mga katungkulang iyon ang mga constituent. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga bagong linya ng distrito, bisitahin ang website ng opisina ng inyong lokal na halalan.

Permanente na Ngayon ang Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo—Kasunod ng tagumpay nito sa Pangkalahatang Halalan noong 2020 at ang Halalan sa Pagpapaalis sa Katungkulan sa Gobernador ng California noong 2021, isinabatas ng Lehislatura ang AB 37 na tumitiyak na magpapadala sa bawat aktibong rehistradong botante ng balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo na may opsyong ibalik ang balota sa pamamagitan ng koreo, sa isang ligtas na kahong hulugan, o nang personal. Anumang opsyon ang piliin ninyo, tandaan na lagdaan ang inyong balota bago ninyo ito ibalik!

Subaybayan ang Inyong Balota—Huwan na pagtakhan kung mabibilang ang inyong boto. Masusubaybayan ninyo ang inyong balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa pag‑papalista sa WheresMyBallot.sos.ca.gov para makatanggap ng mga alerto sa katayuan nito sa pamamagitan ng text, email, o tawag.

Mas Maraming County na May Batas sa Pagpili ng Botante—Nagdadagdag ang California ng 13 pang mga county na may Batas sa Pagpili ng Botante (VCA) para sa 2022 na 27 na sa kabuuan. Bukod pa sa pangkalahatang pagboto sa pamamagitan ng koreo, nag‑aalok ang mga county na may VCA ng mas maraming araw at paraan para bumoto nang personal. Para sa karagdagan pang impormasyon, bumisita sa sos.ca.gov/elections/voters‑choice‑act.

Gumawa ng Planong Bumoto—Mahalagang bumoto. Subali't para makaboto, kailangan ninyong gumawa ng plano. Boboto ba kayo sa pamamagitan ng pagsasauli ng inyong nalagdaang balota na nakapaloob sa ibinigay na sobre? Ihuhulog ba ninyo ito sa isang sentro ng pagboto o kahong hulugan? O boboto ba kayo nang personal sa isang lugar ng botohan o sentro ng pagboto sa komunidad? Saliksikin ang inyong mga opsyon at magplano na ngayong araw na ito!

Salamat sa pagiging mahalagang bahagi ng proseso ng ating demokrasya!

5

Mas Maraming Araw, Mas Maraming Paraan ng Pagboto sa Batas sa Pagpili ng Botante ng California

Bumoto nang personal nang hanggang 10 araw bago ang Araw ng Halalan• Alameda

• Amador

• Butte

• Calaveras

• El Dorado

• Fresno

• Kings

• Los Angeles

• Madera

• Marin

• Mariposa

• Merced

• Napa

• Nevada

• Orange

• Riverside

• Sacramento

• San Benito

• San Diego

• San Mateo

• Santa Clara

• Santa Cruz

• Sonoma

• Stanislaus

• Tuolumne

• Ventura

• Yolo

Sa California, awtomatiko kayong makakatanggap ng balota bago ang bawat halalan. Ang pagtira sa isang county na may Batas sa

Pagpili ng Botante (VCA) ibig sabihin mas marami ang mga opsyon pagdating sa pagboboto.

Bumoto sa pamamagitan ng koreo:

Ibalik ang inyong balota sa pamamagitan

ng koreo agad na matanggap ninyo ito!

Gumamit ng drop box hulugan:

Ibalik ang inyong balota sa isang ligtas na lokasyon ng hulugan nang hanggang 28 araw bago ang halalan.

Bumoto nang personal:• Bumoto nang personal

saanman sa county nang hanggang 10 araw bago ang halalan.

• Magparehistro para bumoto at bumoto sa parehong araw.

• Ihulog ang inyong balota.

Bumisita sa CAEarlyVoting.sos.ca.gov o tumawag sa (800) 339-2957 para matuto pa.

VCA.SOS.CA.GOV

6

BUMOTO NANG LIGTAS sa Mga Lokasyon ng Maagang Pagboto

Isa o higit pang mga lokasyon ng maagang pagboto ang magbubukas sa maraming county bago ang halalan sa Hunyo 7, 2022. Mag-aalok ang mga lokasyon ng pagboto ng pagpaparehistro ng botante, mga pamalit na balota, madaling magamit na makina sa pagboto, at tulong sa wika.

Maaari kayong makatulong na panatilihing ligtas ang mga lokasyon ng pagboto para sa mga botante at mga manggagawa sa halalan sa dalawang paraang ito:

1 Hindi na kailangang pumila.Maaari ninyong ibalik ang mga nakumpleto nang balota sa pamamagitan ng koreo nang hindi nangangailangan ng selyo, sa ligtas na drop box ng balota, o sa lokasyon ng pagboto. Magkakaroon ng mga hiwalay na pila ang mga lokasyon ng pagboto para sa mga botanteng maghuhulog ng kanilang mga nakumpleto nang balota.

Maghanap ng malapit na drop box o lokasyon ng maagang pagboto sa caearlyvoting.sos.ca.gov o vote.ca.gov.

2 Bumoto nang maaga.Kung personal kayong pupunta sa isang lokasyon ng pagboto, pumunta bago ang Araw ng Halalan. May isa o higit pang lokasyon ng pagboto na magbubukas sa maraming county bago ang Araw ng Halalan.

Ang mga tanggapan sa halalan ay magsisimulang magpadala ng mga balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa mga botante ng California bago lumipas ang Mayo 9, 2022. Ang mga balotang ibabalik sa pamamagitan ng koreo ay dapat malagyan ng tatak bago lumipas ang Hunyo 7, 2022; ang mga balotang ibabalik sa isang ligtas na drop box ng balota ay dapat madeposito bago mag-8:00 p.m. sa Hunyo 7, 2022.

Hanapin ang Inyong Lugar ng Botohan o Sentro ng PagbotoAng mga lugar na botohan at sentro ng pagboto ay itinatakda ng mga opisyal ng halalan ng county. Hanapin ang address ng inyong lugar ng botohan o maghanap ng mga lokasyon sa sentro ng pagboto sa Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng county na inyong natanggap sa pamamagitan ng koreo ilang linggo bago mag-Araw ng Halalan.

Maaari din kayong bumisita sa website ng Kalihim ng Estado sa vote.ca.gov o tumawag sa toll-free na Hotline Para sa Botante sa (800) 339-2957.

Maaari din kayong mag-text ng “Vote” sa GOVOTE (468683) para makita ang lokasyon ng inyong lugar ng botohan o ng pinakamalapit na sentro ng pagboto.

Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong ArawNakalimutan ba ninyong magparehistro o i-update ang inyong pagpaparehistro ng botante? Walang problema! Maaari kayong magparehistro para bumoto at bumoto hanggang 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan sa opisina ng halalan ng inyong county o sa anumang sentro ng pagboto o lugar ng botohan sa inyong county. Tinatawag na May-kondisyong Pagpaparehistro ng Botante ang prosesong ito, na karaniwang tinatawag na Pagpaparehistro ng Botante sa Parehong Araw. Ganito ito ginagawa:

1. Bumisita sa opisina ng halalan sa inyong county, isang sentro ng pagboto, o lugar ng botohan sa inyong county na makikita sa inyong Patnubay na Impormasyon para sa Botante ng county sa vote.ca.gov.

2. Kumumpleto ng kard sa pagpaparehistro ng botante o online na aplikasyon.

3. Ipatala ang inyong balota sa opisina ng halalan sa inyong county, sa sentro ng pagboto, o lugar ng botohan.

4. Kapag naiproseso na ng opisyal ng halalan sa inyong county ang inyong pagpaparehistro at natukoy na kwalipikado kayo, irerehistro kayo para bumoto, at bibilangin ang inyong balota.

Para matuto pa tungkol sa pagpaparehistro ng botante sa parehong araw, bumisita sa sos.ca.gov/elections/voter-registration/same-day-reg.

7

Ang pagsubaybay ng inyong balota —sa oras na naipadala, natanggap, at nabilang—

ay higit na masmadali na.

WheresMyBallot.sos.ca.gov

Ang Kalihim ng Estado ng California ay nag-aalok na ngayon sa mga botante ng paraan para masubaybayan at makatanggap ng mga abiso sa katayuan ng kanilang balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo. Nagbibigay-daan ang “Nasaan ang Aking Balota?” sa mga botante na malaman kung nasaan ang kanilang balota, at ang katayuan nito, sa bawat hakbang. Mag-palista sa WheresMyBallot.sos.ca.gov.

Kapag nag-palista kayo sa “Nasaan ang Aking Balota?” makakatanggap kayo ng mga awtomatikong update kapag ang opisina ng halalan ng inyong county ay:

• Magpadala sa pamamagitan ng koreo ng inyong balota.

• Matanggap ang inyong balota.

• Bilangin ang inyong balota.

• Makakita ng isyu sa inyong balota.

Ang mga botanteng magpapalista sa WheresMyBallot.sos.ca.gov maaaring piliin na tanggapin ang mga awtomatikong update sa pamamagitan ng:

• Email

• Text Message (SMS)

• Tawag

Mga Balotang May Bayad nang Selyo“Walang Selyo, Walang Problema”—Ang lahat ng balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa California na may mga kasamang sobre para sa pagbabalik ay may bayad nang selyo, para matiyak na libre at madali ang pagboto para sa lahat ng botante sa California. Matapos ninyong punan ang inyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo, ilagay ito sa sobre para sa pagbabalik, isara ng mabuti ang sobre, lumagda sa nakalaang linya, at ilagay ito sa mailbox. Puwede rin ninyong ihulog ang inyong balota sa ligtas na kahong hulugan, lugar ng botohan, sentro ng pagboto, o opisina ng halalan sa county bago lumipas ang 8:00 p.m. sa Hunyo 7, 2022.

8

Impormasyon Tungkol sa Mga Pahayag ng KandidatoAng patnubay para sa botanteng ito ay may mga kasamang pahayag ng kandidato mula sa Senado ng Estados Unidos at mga kandidato para sa pambuong-estadong katungkulan na naaayon sa saligang-batas na nagsisimula sa pahina 11 ng patnubay na ito.

Senado ng U.S.Magkakaroon ang katungkulan ng Senado ng U.S. ng DALAWANG magkahiwalay na pagtatagisan sa balota para sa Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022. Puwede kayong bumoto sa dalawa.

Ang unang tagisan ay ang regular na halalan para sa buong 6 na taong termino sa katungkulan na magsisimula sa Enero 3, 2023 (buong termino).

Ang pangalawang tagisan ay isang espesyal na halalan para sa pagbabakante, dahil pansamantalang uupo ang kasalukuyang nasa katungkulan sa isang bakante, para sa natitirang bahagi ng termino na matatapos sa Enero 3, 2023 (hindi kumpleto/hindi pa natatapos na termino).

Ang mga kandidato ng Senado ng U.S. ay puwedeng bumili ng espasyo para sa kanilang pahayag ng kandidato sa patnubay para sa botanteng ito. Samantala, may ilang mga kandidatong pinipiling huwag bumili ng espasyo para sa pahayag.

Para sa pinal na sertipikadong listahan ng mga kandidato, na dapat naisapinal pagkatapos ilathala ang patnubay na ito, pumunta sa vote.ca.gov.

Senado ng U.S. (buong termino)Akinyemi Agbede DemokratikoDaphne Bradford Walang Kinakatigang

PartidoJames P. Bradley RepublikanoJames “Henk” Conn BerdeJon Elist RepublikanoPamela Elizondo BerdeEleanor Garcia Walang Kwalipikadong

Kinakatigang PartidoYvonne R. Girard RepublikanoDon J. Grundmann Walang Kwalipikadong

Kinakatigang PartidoMyron L. Hall Republikano

Deon D. Jenkins Walang Kinakatigang Partido

Sarah Sun Liew RepublikanoRobert George Lucero, Jr. RepublikanoMark P. Meuser RepublikanoDan O’Dowd DemokratikoAlex Padilla DemokratikoJohn Thompson Parker Kapayapaan at KalayaanEnrique Petris RepublikanoDouglas Howard Pierce DemokratikoObaidul Huq Pirjada DemokratikoChuck Smith RepublikanoCarlos Guillermo Tapia RepublikanoTimothy J. Ursich DemokratikoCordie Williams Republikano

Senado ng U.S. (hindi kumpleto/hindi pa natatapos na termino)Daphne Bradford Walang Kinakatigang

PartidoJames P. Bradley RepublikanoJon Elist RepublikanoYvonne R. Girard Republikano

Myron L. Hall RepublikanoMark P. Meuser RepublikanoDan O’Dowd DemokratikoAlex Padilla DemokratikoTimothy Ursich, Jr. Demokratiko

Mga Pambuong-estadong Katungkulan ayon sa Saligang-batasKasama sa batas ng California ang mga boluntaryong limitasyon sa paggastos para sa mga kandidatong tumatakbo para sa katungkulan sa estado na pinipiling panatilihin ang kanilang mga gastos sa kampanya nang mas mababa sa mga tinukoy na halagang dolyar. Ang mga kandidato para sa pambuong-estadong katungkulan ayon sa saligang-batas ay puwedeng bumili ng espasyo para sa pahayag ng isang kandidato (na hanggang 250 salita) sa patnubay para sa botante na ito kung tatanggapin nila ang mga limitasyon sa boluntaryong paggasta.

Ang mga limitasyon sa boluntaryong paggasta para sa mga sumusunod na katungkulan para sa Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022 ay:

• Gobernador—$9,728,000

• Tenyente Gobernador, Kalihim ng Estado, Tagakontrol, Ingat-Yaman, Pangkalahatang Abugado, Komisyoner ng Insurance, at Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo—$6,485,000

• Miyembro ng Lupon ng Pagpapantay—$1,621,000

9

Sa mga sumusunod na listahan ng kandidato, ang asterisk (*) ay tumutukoy sa isang kandidato sa pambuong-estadong katungkulan na naaayon sa saligang-batas na tumanggap sa mga limitasyon sa boluntaryong paggasta sa kampanya ng California at samakatuwid may opsyong bumili ng espasyo para sa pahayag ng kandidato sa patnubay para sa botante na ito. (Ilang kwalipikadong mga kandidato ang pumipiling huwag bumili ng espasyo para sa pahayag ng kandidato.)

Para sa pinal na sertipikadong listahan ng mga kandidato, na dapat naisapinal pagkatapos ilathala ng patnubay na ito, pumunta sa vote.ca.gov.

Gobernador Ronald A. Anderson* RepublikanoHeather Collins BerdeShawn Collins* RepublikanoBrian Dahle* RepublikanoAnthony “Tony” Fanara* DemokratikoSerge Fiankan* Walang Kinakatigang

PartidoJames G. Hanink* Walang Kwalipikadong

Kinakatigang PartidoRon Jones RepublikanoJenny Rae Le Roux* RepublikanoDavid Lozano* RepublikanoDaniel R. Mercuri* RepublikanoGavin Newsom DemokratikoCristian Raul Morales* RepublikanoRobert C. Newman, II* Republikano

Armando “Mando” Perez-Serrato* DemokratikoLuis Javier Rodriguez* BerdeWoodrow “Woody” Sanders, III Walang Kinakatigang

PartidoReinette Senum* Walang Kinakatigang

PartidoFrederic Schultz Walang Kinakatigang

PartidoMichael Shellenberger Walang Kinakatigang

PartidoLonnie Sortor RepublikanoAnthony Trimino* RepublikanoJoel Ventresca* DemokratikoMajor Williams* RepublikanoLeo S. Zacky* RepublikanoBradley Zink* Walang Kinakatigang

Partido

Tenyente Gobernador Mohammad Arif* Kapayapaan at

Kalayaan David Fennell* RepublikanoDavid Hillberg* Walang Kinakatigang

PartidoEleni Kounalakis* DemokratikoJeffrey Highbear Morgan* Demokratiko

William Cavett “Skee” Saacke* DemokratikoClint W. Saunders RepublikanoAngela E. Underwood Jacobs Republikano

Kalihim ng Estado Rob Bernosky RepublikanoGary N. Blenner* BerdeMatthew D. Cinquanta* Walang Kinakatigang

PartidoRachel Hamm* Republikano

James “JW” Paine RepublikanoRaul Rodriguez, Jr. RepublikanoShirley N. Weber* Demokratiko

Tagakontrol Lanhee Chen* RepublikanoMalia M. Cohen* DemokratikoRon Galperin* Demokratiko

Steve Glazer* DemokratikoLaura Wells* BerdeYvonne Yiu* Demokratiko

Ingat-yaman Meghann Adams* Kapayapaan at

Kalayaan Andrew Do* Republikano

Jack M. Guerrero* RepublikanoFiona Ma* Demokratiko

Pangkalahatang Abugado Rob Bonta* DemokratikoEric Early* RepublikanoNathan Hochman* Republikano

Dan Kapelovitz* BerdeAnne Marie Schubert* Walang Kinakatigang

Partido

10

Komisyoner ng Insurance Vinson Eugene Allen* DemokratikoGreg Conlon RepublikanoVeronika Fimbres* BerdeRobert Howell* RepublikanoNathalie Hrizi* Kapayapaan at

Kalayaan

Jasper “Jay” Jackson* DemokratikoRicardo Lara* DemokratikoMarc Levine* DemokratikoRobert J. Molnar* Walang Kinakatigang

Partido

Lupon ng Pagpapantay Distrito 1 Jose S. Altamirano* DemokratikoTed Gaines* Republikano

Braden Murphy* DemokratikoNader Shahatit* Demokratiko

Lupon ng Pagpapantay Distrito 2 Michela Alioto-Pier* DemokratikoSally J. Lieber* Demokratiko

Peter Coe Verbica* Republikano

Lupon ng Pagpapantay Distrito 3 Y. Marie Manvel Walang Kinakatigang

PartidoJohn Mendoza DemokratikoTony Vazquez Demokratiko

Lupon ng Pagpapantay Distrito 4 Denis R. Bilodeau* RepublikanoDavid B. Dodson* DemokratikoRandell R. Economy* RepublikanoMatthew Harper* Republikano

John F. Kelly* RepublikanoErik Peterson* RepublikanoMike Schaefer* Demokratiko

Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo Marco Amaral* Di-partidistaJoseph Guy Campbell Di-partidistaLance Ray Christensen Di-partidistaJim Gibson* Di-partidista

Ainye E. Long Di-partidistaTony K. Thurmond* Di-partidistaGeorge Yang* Di-partidista

Para sa mga layunin ng patnubay na ito, ang mga kandidatong nakalista bilang “Walang Kinakatigang Partido” ay maaaring pinili ang opsyong iyon, o walang pinili noong nagparehistro para bumoto. Ang mga kandidatong nakalista bilang “Walang Kwalipikadong Kinakatigang Partido” ay may isinaad na kinakatigang partido na hindi kasalukuyang kwalipikado sa California noong nagparehistro sila para bumoto.

Mga Pahayag ng Kandidato | 11

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—BUONG TERMINO

• Nanunungkulan bilang isa sa dalawang Senador na kumakatawan sa mga interes ng California sa Kongreso ng Estados Unidos.• Nagmumungkahi at bumoboto sa bagong pambansang mga batas.• Bumoboto sa mga pagkumpirma ng mga pederal na hukom, Mahistrado ng Korte Suprema ng U.S., at maraming

pagtatalaga ng presidente sa mataas na antas sa mga pangsibilyan at pangmilitar na katungkulan.• Sisimulan ang 6 na taong termino ng panunungkulan sa Enero 3, 2023.

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Douglas Howard Pierce | DEMOKRATIKO

Kumusta Botante ng California para sa 2022! Isang malaking karangalan sa akin ang maging inyong Senador sa Estados Unidos para sa California, na siyang patas na kakatawan sa lahat ng mga Californian. Napatunayan ko na, sa aking 25 taon na espesyalisasyon sa paghahanap ng mga nawawalang bata at ng mga nasa hustong gulang, na poprotektahan ko ang lahat ng 45 milyong tao sa California. Sa aking karera binigyan ko ng boses ang mga biktimang hindi na ulit makakapagsalita. Ang California ay binubuo ng mga taong may iba't ibang pinagmulan na mula sa iba't ibang sulok ng mundo, at patas kong papakitunguhan at bibigyan ng access sa maginhawang buhay ang bawat isa, habang pinoprotektahan ko ang mga bata, nakatatandang mga mamamayan, at ang mga dehado sa lipunan nang may napakataas na antas ng proteksyon, paggalang at malasakit sa kanilang buhay. Krimen—Mabigat at Mabilis na Paghahatol ng Hukom. Tagapagpatupad ng batas—Binibigyan ang lahat ng mga Californian ng pinagkakatiwalaang proteksyon ng Pulisya. Tubig—Nagdaragdag ng 50% pang storage ng tubig, agarang pagpapatupad ng mga desalination water plant sa ating baybayin ng California. Mga Nakatatandang mga Mamamayan—Medikal na pangangalaga at proteksyon. Edukasyon—Access sa pagkatuto para sa pinakamagandang trabaho. Militar at Mga Beterano—Medikal na pangangalaga at rehabilitasyon. Imigrasyon—Legal na Daan para maging mamamayan ng Amerika. Kaligtasan ng border para sa ating bansa. Mga Bata—dulutan ng pundasyon para sa pamumuno. Kawalan ng Tirahan—ihihinto habambuhay. Ang ating North American Continent—Ang aking plano para sa Mexico at mga Central American. Manufacturing—ibalik sa California. Taos-puso kong ipinagpapasalamat ang kumpiyansa ninyo sa akin sa pagsasaalang-alang sa aking ikatawan kayo bilang Senador ng California sa Estados Unidos. Nangangako akong sundin ang mga karapatan ayon sa saligang-batas ng mga tao sa napakagandang golden state ng California, at ng Estados Unidos. Ipinagmamalaki ko na maging Amerikano! Douglas Howard Pierce www.PierceSenate.comP.O. Box 17814, Beverly Hills, CA 90209Tel: (202) 424-3469 | E-mail: [email protected] | PierceSenate.com Twitter: pierceussenate.com

Obaidul Huq Pirjada | DEMOKRATIKO

Website: https://sites.google.com/view/obaidul-huq-pirjada

38 Zabila St., Rancho Mission Viejo (RMV), CA 92694Tel: (949) 292-5257 | E-mail: [email protected] sites.google.com/view/obaidul-huq-pirjada | Facebook: Obaidul Pirjada

12 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—BUONG TERMINO

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

John Thompson Parker | KAPAYAPAAN AT KALAYAAN

Ang kapitalismo ay nagbibigay-daan sa mga nangunguna sa negosyo na palalain ang krisis sa kalusugan, kahirapan, panggigipit, pagbabago ng klima, at giyera para kumita. Mga tao dapat ang magkontrol sa pagmamay-ari sa produksyon at pananalapi. Ang kampanyang ito para sa senado ay tungkol sa pagbuo ng sosyalimong sistema na pagbabago. Iboto ang Left Unity Slate.

4167 S. Harvard Blvd., Los Angeles, CA 90062Tel: (323) 899-2003 | E-mail: [email protected] JohnParkerforUSSenate.org | Facebook: socialist4senate | Twitter: @TubmanCenterLA Instagram: socialist4senate

Alex Padilla | DEMOKRATIKO

Kasabay ng pagharap ng California sa maraming emergency mula sa mga wildfire, Covid, at kawalan ng tirahan at krisis sa pabahay, pumunta ako sa Senado ng U.S. para ipaglaban ang California. Ilang araw pa lang ako sa katungkulan, umaksyon na ako para maisabatas ang Plano sa Pagsagip ng Americano (American Rescue Plan), makasaysayang package ng tulong sa panahon ng Covid na naghatid ng napakahalagang pondo para sa mga bakuna, suporta para sa malilit na negosyo, resource para ligtas na makapagbukas ang mga paaralan, at direktang tseke ng tulong sa mga pamilya. Nakapagtabi rin ako ng mahigit sa isang bilyong dolyar para tugunan ang kawalan ng tirahan at pagiging abot-kaya ng pabahay sa California. Lumaban din ako para matiyak na kasama sa Batas sa Investment sa Imprastruktura at Mga Trabaho (Infrastructure Investment and Jobs Act) ang aking pagbabatas at mga priyoridad: pagpapatatag sa grid ng kuryente, bawasan ang banta ng mga wildfire, paggamit ng kuryente sa mga school bus para mabawasan ang emisyon ng carbon, at pagpapadali sa access sa malinis na tubig. Ngayong isinabatas na ito ni President Biden, nagpapasok na ito ng bilyun-bilyong dolyar sa California—hindi lang sa pamamagitan ng pag-aayos nga mga kalsada at tulay, kung hindi pati na rin sa pamamagitan ng paggawa ng mga trabahong may magandang sahod dito sa ating bayan. Pero hindi doon nagtatapos ang mga dapat gawin. Nagsisikap akong alisin ang filibuster, na isang luma nang panuntunan ng Senado na gumawa ng partidistang gridlock at pumipigil sa Senado na makapaghatid ng higit pang progreso para sa mga Amerikano. Bilang ang kauna-unahang Latino na kakatawan sa California sa Senado ng U.S, hindi ko kakalimutan kung saan ako nanggaling. Ipinagmamalaki kong maging anak ng mga imigrante at ng California. Nakamtan ko na ang California Dream. At hangad kong gawing posible ang pangarap na iyon para sa lahat. Ikararangal kong matanggap ang inyong suporta.

777 S. Figueroa Street, Suite 4050, Los Angeles, CA 90017E-mail: [email protected] | alex-padilla.com | Facebook: alexpadilla4ca Twitter: @AlexPadilla4CA | Instagram: @alexpadilla4ca

Mga Pahayag ng Kandidato | 13

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—BUONG TERMINO

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Chuck Smith | REPUBLIKANO

Dapat pamahalaan ang Amerika alinsunod sa Saligang-batas, Para sa Mga Tao, at Ng Mga Tao. Isa akong Marine Veteran sa Vietnam, Retiradong Tagapagpatupad ng Batas, Propesyonal, at Makabayan. Isa rin akong Kristiyano, at naniniwala akong gusto akong gamitin ng Panginoon para Ibalik sa Kabanalan muli ang Amerika.

Tel: (279) 203-5982 | E-mail: [email protected] chucksmithforussenate.com | Facebook: chucksmithforussenate2022

Akinyemi Agbede | DEMOKRATIKO

Sagipin ang Amerika!!! Kailangang sagipin ang Amerika mula sa pagbagsak nito. Kaya naman ang paghalal kay Dr. Akinyemi Agbede para sa Senado ng Estados Unidos ang sagot.

1439 N. Highland Avenue, #254, Los Angeles, CA 90028 Tel: (213) 509-7673 | E-mail: [email protected] drakinyemiagbedeforunitedstatessenate2022.com

14 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—BUONG TERMINO

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Cordie Williams | REPUBLIKANO

Ako si Dr. Cordie Williams. Isa akong asawa, ama, Marine Veteran, at doktor. Noong sinimulan ng pamahalaan ang pagtugon nito sa COVID sa unang bahagi ng 2020, naramdaman kong nalabag ang mga karapatan ng mga Amerikano. Alam kong kailangan kong maging lider na siyang titindig at magsasalita. Pinulot ko ang megaphone at sinimulan kong magsalita para ipagtanggol ang kalayaan sa buong California. Ilang taon akong nakipaglaban sa Marines para maging malaya ang Amerika at para protektahan ang bawat isa sa ating mga buhay mula sa mga kaaway sa labas at loob ng bansa. Noong 1998, ako'y nag-sumpa na suportahan at ipagtanggol ang Saligang-batas. Hindi nagtapos ang aking panunumpa nang umalis ako sa Marines. Tumatakbo ako para sa Senado ng U.S. dahil sinisira ng mga karerang pulitika ang California Dream sa pamamagitan ng pag-papalit nito sa isang hindi na makilalang third world na bansa. Pero naniniwala pa rin ako sa American dream dahil nakamtan ko na ito. Sa pamamagitan ng aking matatag na pananampalataya, pagtataguyod ng pamilya, paglilingkod sa Bansa, at karanasan sa negosyo, nasaksihan ko na ang kadakilaan ng Bansang ito. Naniniwala ako sa aking kaibuturan na sa pamamagitan ng limitadong pamahalaan, personal na pananagutan, at indibidwal na kalayaan, kakayanin natin at ating isasauli ang niloloob ng Amerika. Bilang inyong susunod na Senador ng U.S., ako'y magiging isang malakas na tagapagtaguyod ng personal at medikal na kalayaan, pagbabalik sa mga karapatan ng magulang, at oportunidad sa ekonomiya. Nagpapakumbaba akong lumalapit sa inyo para hingin hindi lang ang inyong boto kung hindi pati na rin ang inyong tiwala. Hayaan niyo akong gawin ang ginagawa ng isang Marino, ang ipaglaban kayo. Bumisita sa www.cordie4senate.com para malaman pa ang tungkol sa aming kampanya at saan ang aking kinatatayuan sa mga isyu.

1818 Marron Road, #103, Carlsbad, CA 92008E-mail: [email protected] | cordie4senate.com | Facebook: cordie4senate Twitter: @drcordiew | Instagram: @drcordiewilliams

Walang Isinumiteng

Larawan

Don J. Grundmann | WALANG KWALIPIKADONG KINAKATIGANG PARTIDO

Sa aking kampanya para sa katinuan ng aking pag-iisip, ang aking karanasan at mga kwalipikasyon ay: hindi epektibo ang mga nakakalasong pekeng bakuna, at hindi napipigilan ng mga ito ang hawahan o transmisyon. Mahigit isang milyong pinsala sa VAERS. Brandon Pollet. Michael Granata. Ang Vaxeed.org ay dinodokumento ang agaran at pangmatagalang debilitasyon. Ang publiko ang mga guinea pig. Walang pakinabang/kalokohan ang pagsusuot ng mask bilang pangontra sa virus. Ang pagbabakuna ng mga bata ay isang krimen. Ang Covid ay isang biological warfare laban sa sangkatauhan. Pinapatay kayo ng mga bakuna (sistematikong pamamaga) at ginawa ng inyong Diyos ang immune system. Patatagin ito sa pamamagitan ng mga natural na pamamaraan. Ako ang tagapangulo ng Partido ng Saligang-batas ng California at ang gumawa sa “Contract with California” (na nasa Fight-the-Power.org at CPofCA.org); pati sa NationalStraightPrideCoalition.org (Normal, Natural, Healthy, Sane); ArrestBiden.org; TheyAreAttackingTheChildren.org; StopNumber24.org; HarrisIsAHouseNegro.org; CandleCrusade.org; IAmADomesticTerrorist.org. Gawing pambansa ang Reserba ng Pederal. Makakuha ng perang nakuha sa tapat/totoong pera, permanenteng napakagandang kasaganaan para sa lahat, at huwag nang magpaalipin sa pribadong banking cartel ng Pederal. Tingnan ang HenryMakow.com. 2 kasarian lamang. Walang transgender, ang mayroon lang ay mga problemadong tao na may sira sa ulo. Ipagbawal ang pagbabalda at ang pag-iindoktrina sa mga bata. Ae911truth.org. Ang “Pagbabago ng Klima” ay isang malaking kasinungalingan—masyado silang duwag para makipagdebate. Humindi sa pekeng “97% agham” ni Homer Simpson. Hindi babagsak ang kalangitan. Ang eleksyon noong 2020 ay ninakaw ng Deep State pati ng napakatiwaling media na magnanakaw sa lahat ng halalan sa hinaharap. White Supremacy = banta sa pampublikong kalusugan ng Planned Parenthood. Pumatay ito ng 20 milyon + mga black; tingnan ang BlackGenocide.org. Lason sa kaluluwa ng lahat = galit/poot sa mga magulang = pagbagsak ng sarili at lipunan. Panlunas = FHU.com. Gamitin para labanan ang Mass Formation Psychosis/Social Engineering. Palayain ang naloko ng Deep State na si Sirhan Sirhan. Ibasura ang mapanirang Kalokohan na Green New Deal. Isulong ang nuclear fusion.2010 El Camino Real, #351, Santa Clara, CA 95050Tel: (510) 895-6789 | E-mail: [email protected] | fight-the-power.org

Mga Pahayag ng Kandidato | 15

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—BUONG TERMINO

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Eleanor Garcia | WALANG KWALIPIKADONG KINAKATIGANG PARTIDO

Nahalal na pinuno ng Sosyalistang Partido ng Mga Manggagawa. Matagal nang nagtatrabaho sa industriya: aerospace, copper, tela. Lumalaban para pagtibayin ang mga unyon, para sa pagtaas ng cost-of-living, kontrol ng mga manggagawa sa produksyon, partido sa lakas-paggawa. Isinusulong ang mga ipinaglalaban ng unyon para sa mas mataas na sahod, abot-kayang pabahay, childcare na kinakailangan sa pagsisimula ng pamilya; akseso sa pagplano ng pamilya, pag-aampon, ligtas na pagpapalaglag. Pinoprotesta ang mga giyera ng Washington. Para saklawin ng tulong ng pamahalaan ang mga gastusin sa produksyon sa kabukiran, kabayaran sa mga Black na magsasaka para sa nandidiskriminang pagkawala ng lupa. Aktibo sa pagdepensa sa sosyalismong rebolusyon ng Cuba, laban sa pag-embargo ng US. Tinutuligsa ang mga anti-Semitic na pag-atake, dinedepensahan ang karapatan ng Israel. Amnestiya para sa mga hindi nakadokumentong manggagawa. Nagbibigay-kaalaman sa pagpapalit sa pag-iral ng kapitalista nang para sa pamahalaan ng mga manggagawa at magsasaka.

2826 S. Vermont Ave., Suite 1, Los Angeles, CA 90007Tel: (323) 643-4968 | E-mail: [email protected] themilitant.com

Mark P. Meuser | REPUBLIKANO

Sa pulitika, puro salita, pero mas mahalaga ang ginagawa kaysa sa sinasabi. Bilang isang abugado, napunta na ako sa front line ng pakikipaglaban para mapanatili ang ating mga karapatan ayon sa saligang-batas sa nakalipas na dalawang taon. Nang ipasara ng Gobernador ang mga lugar ng pagsamba, nakipaglaban ako para sa ating mga pananampalataya sa relihiyon sa First Amendment. Nang ipasara niya ang mga paaralan, ipinaglaban ko ang edukasyon ng mga kabataan. Nang subukan ng Presidente na puwersahin ang mga negosyong bakunahan ang mga empleyado, ipinaglaban ko ang ating medikal na kalayaan. Bilang inyong Senador, dadalhin ko ang aking laban para sa inyong mga karapatan ayon sa saligang-batas mula sa hukuman patungo sa Kapitolyo. Ang hindi nahalal na mga burukrata sa Washington, D.C. ang hindi dapat may nasasabi sa buhay kaysa sa inyo. Lalaban ako para mas makontrol ninyo sa lokal ang edukasyon ng inyong anak. Dumarami ang krimen at hindi ligtas ang tao sa ating mga lungsod. Kapag tumatanggi ang mga pulitiko na magpatupad ng mga batas, lumalakas ang loob ng mga kriminal. Lalaban ako para matiyak na ligtas ang ating mga kalye. Kailangan nating balansehin ang ating badyet at tapusin ang lumalaganap na inflation. Dapat nating pigilan ang mga pulitiko sa pagsasabi sa atin kung ano ang kinakailangan at hindi kinakailangan. Ipaglalaban ko ang karapatan ninyong maghanapbuhay. Dapat managot ang mga nagbigay-daan sa pandemyang dulot ng Covid-19 na nagresulta sa mga sagabal na lockdown. Ang natatanging espesyal na grupo ng interes ko ay kayo. Lagi kong lalabanan para protektahan ang ating mga anak, ang ating komunidad, at ang ating pamumuhay.

9070 Irvine Center Drive, #150, Irvine, CA 92618Tel: (209) 763-8737 | E-mail: [email protected] | markmeuser.com Facebook: markpmeuser/ | Twitter: @markmeuser | Instagram: markmeuser

16 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—BUONG TERMINO

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

James “Henk” Conn | BERDE

Isa akong social worker na may puso para sa mga tao at planeta. Pagtugon sa pagbabago ng klima gamit ang isang Green New Deal. Paggawa ng mga solusyon para mawakasan ang institusyonal na kahirapan at kawalan ng katarungan batay sa lahi. Pagsuporta sa panlahat na pangangalagang pangkalusugan at paglaban sa kasakiman ng mga korporasyon.

Tel: (714) 594-9703 | E-mail: [email protected] | www.henk4senate.com Facebook: @Henk4senate (Henk4USSenate) | Twitter: @Henk4Senate Instagram: @Henk4senate | Iba pa: YouTube: Henk4Senate 2022 Ballotpedia: James_Henry_Conn

Mga Pahayag ng Kandidato | 17

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSENADO NG ESTADOS UNIDOS—HINDI KUMPLETO/HINDI PA NATATAPOS NA TERMINO

• Nanunungkulan bilang isa sa dalawang Senador na kumakatawan sa mga interes ng California sa Kongreso ng Estados Unidos.• Nagmumungkahi at bumoboto sa mga bagong pambansang batas.• Bumoboto sa mga pagkumpirma ng mga pederal na hukom, Mahistrado ng Korte Suprema ng U.S., at maraming

pagtatalaga ng presidente sa mataas na antas sa mga pangsibilyan at pangmilitar na katungkulan.• Tatapusin ang natitira sa kasalukuyang termino na matatapos sa Enero 3, 2023.

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Alex Padilla | DEMOKRATIKO

Ikinararangal kong maging ang kauna-unahang Latino na kakatawan sa California sa Senado ng U.S. Bilang inyong itinalagang Senador, determinado akong tumupad sa responsibilidad na ipinagkatiwala sa akin ng mga tao ng California. Ipinagmamalaki kong maging anak ng mga imigrante at isang mapagmataas na anak ng California. Ilang dekadang nagtrabaho ang aking ama bilang short order taga-luto, at naglinis ng mga bahay ang aking ina. Sa isang henerasyon, ang aking pamilya'y nagsimula sa paghanda ng mainit na makakain at paglinis ng mga bahay hanggang sa paglingkod sa Senado ng Estados Unidos. Nakamtan ko ang California Dream. At hangad ko na gawing posible ang pangarap na iyon para sa lahat. Pinalala ng nakaraang dalawang taon ang malalim na hindi pagkakapantay-pantay na siyang tumulak para hindi maabot ang pangarap na iyon para sa marami. Ang mga taong katulad ng aking mga magulang— mga domestikong manggagawa, mga nagtatrabaho sa restawran, at mga nagtatrabahong pamilya—ang pinaka-nahirapan sa panahon ng COVID. Kapag ang nakakaraming kaso ng COVID ay nagpapahirap sa mga komunidad ng mga Latino at mga Itim na komunidad at naaapektuhan ang kanilang kakayahang magtrabaho o pumasok sa paaralan, mahalaga ang pag-rerepresentasyon. Sa Senado, lalaban ako para protektahan ang mga nagtatrabahong pamilya. Lumalaban ako para padaliin ang akseso sa pangangalagang pangkalusugan, tulungan ang mga maliliit na negosyong manatiling nakabukas, at patakbuhin ang ating ekonomiya para sa lahat. Itutuloy ko ang laban para sa reporma sa imigrasyon at sa pagpoprotekta ng ating planeta mula sa pagbabago ng klima. Mangyaring samahan ako sa pagprotekta ng California Dream. Ikararangal kong matanggap ang inyong suporta.

777 S. Figueroa Street, Suite 4050, Los Angeles, CA 90017E-mail: [email protected] | alex-padilla.com | Facebook: alexpadilla4ca Twitter: @AlexPadilla4CA | Instagram: @alexpadilla4ca

Mark P. Meuser | REPUBLIKANO

Sa pulitika, mura ang pag-sasalita, subalit mas malakas ang sinasabi ng gawa kaysa sa salita. Bilang isang abugado, napunta na ako sa front line ng pakikipaglabanan upang mapanatili ang ating mga karapatan ayon sa saligang-batas sa nakalipas na dalawang taon. Nang ipinasara ng Gobernador ang mga lugar ng pagsamba, nakipaglabanan ako para sa ating mga pananampalataya sa relihiyon sa First Amendment. Nang ipinasara niya ang mga paaralan, ipinaglaban ko ang edukasyon ng ating mga kabataan. Nang subukan ng Presidente na puwersahin ang mga negosyong bakunahan ang mga empleyado, ipinaglaban ko ang ating kalayaang-medikal. Bilang inyong Senador, dadalhin ko ang aking laban para sa inyong mga karapatan ayon sa saligang-batas mula sa hukuman patungo sa Kapitolyo. Ang mga hindi nahalal na mga burukrata sa Washington, D.C. dapat wala nang dapat pang masasabi sa larangan ng inyong buhay kaysa sa inyo. Lalaban ako nang mabigyan kayo ng mas may kontrol sa lokal na edukasyon ng inyong anak. Dumarami ang krimen at ang mga tao ay hindi ligtas sa ating mga lungsod. Kapag tinatanggihan ng mga pulitiko na magpatupad ng mga batas, lumalakas ang loob ng mga kriminal. Lalaban ako para matiyak na ligtas ang ating mga lansangan. Kailangan nating balansehin ang ating badyet at tapusin ang pag-aalagwa ng inflation. Dapat nating itigil na ang mga pulitiko sa pagsasabi sa atin kung sino ang mahalaga at kung sino ang hindi. Ipaglalaban ko ang inyong karapatan na maghanapbuhay. Ang mga nagpagana sa pandemyang dulot ng Covid-19 at ang nagresultang mga nakakasagabal na lockdown ay kinakailangang may pananagutan. Ang natatanging espesyal na interes na grupo ko ay kayo. Lagi kong ipaglalaban na protektahan ang ating mga kabataan, ang ating kapitbahayan, at ang ating uri ng pamumuhay.9070 Irvine Center Drive, #150, Irvine, CA 92618Tel: (209) 763-8737 | E-mail: [email protected] | markmeuser.com Facebook: markmeuser/ | Twitter: @markmeuser | Instagram: markmeuser

18 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

• Bilang punong opisyal na tagapagpaganap ng estado, nagbabantay sa halos lahat ng mga departamento at ahensiya ng estado, at nagtatalaga sa mga hukom.

• Nagpapanukala ng mga bagong batas, nag-aapruba o nagbebeto ng batas, at isinusumite ang taunang badyet ng estado sa Lehislatura.• Nagpapagalaw at nagdidirekta sa mga mapagkukunan ng estado sa panahon ng mga emerhensiya.

Luis Javier Rodriguez | BERDE

Ako ang inyong kandidato para sa lipunan, kapaligiran, ekonomiya, at katarungan sa kalusugan, na ineendorso ng partidong Berde, Kapayapaan at Kalayaan, Katarungan, at Left Unity Slate, kabilang ang mga iba pa. Kailangan natin ng dinamikong pagbabago sa kung paano tayo mag-isip, kumilos, at mamahala. Panahon na para itigil ang pagputol sa mga sanga at pumunta sa ugat. Panahon na para ayusin ang mga mapagkukunan para matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao at tapusin na ang kahirapan. Ako ay para sa pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan na may isang tagabayad; abot-kayang ligtas na pabahay; Green New Deal para matugunan ang pagbabago ng klima; libreng de-kalidad na edukasyon; sining sa bawat kapitbahayan; pagwawakas sa maramihang pagbibilanggo at mga nakamamatay na kasanayan ng pulisya; paggamot ng kalusugan ng pag-iisip at adiksyon kapag hiniling; patas at pantay-pantay na halalan na may magkakatugmang representasyon; sahod sa trabahong sapat para mabuhay, mga karapatan ng manggagawa, at pangkalahatang batayan na kita. Mula sa pagiging teenager na maraming problema hanggang sa pagiging tagapag-tatag ng para sa malalim na pagbabago sa lipunan, buong buhay akong naghanda para sa pagsubok na ito. Ako ay nagtrabaho na sa planta ng asero at trabahador sa konstruksyon. May nilabanan na akong malalaking mga laban ng unyon. 50 taon akong nagtrabaho para sa mga nagrerebeldeng kabataan, ang mga walang tirahan, ang mga nasa bilangguan, ang mga hindi nakadokumento, at mga Indigenous People. Isa akong manunulat at makata, may-akda ng 16 na aklat, at kasamang nag-tatag ng isang masiglang healing arts center at tindahan ng libro. Handa na kong mangarap at isakatuparan ang mga pangako ko. Samahan ako sa pagbuo ng bagong California para sa sama-samang pag-unlad.P.O. Box 328, San Fernando, CA 91341Tel: (818) 898-0013 | E-mail: [email protected] | Luis4governor.org Facebook: LJR2022campaign | Twitter: @Luis4Governor Instagram: Ljr4Governor | Iba pa: TikTok: @Luis4Governor

Armando “Mando” Perez-Serrato | DEMOKRATIKO

Proklamasyon sa California—Mga minamahal kong mga taga-California, nakikiisa ako nang walang pagkukunwari at walang panghuhusga sa inyong mga pinagdaraanan, pagluluksa, at kawalan ng kasiguraduhan. Magbibigay-liwanag ang ating mga dasal at pakikiramay sa inyong magiting na pagdadalo na ang inyong mga sakripisyo ay tuluyang pinararamdam ang ating pagkakaisa para sa kaginhawaan ng pag-asa. Ipinagdarasal ko sa ating Ama sa Langit na magbigay-liwanag sa mga kahirapan sa mundo, bawasan ang inyong inaraw-araw na pagpapako sa krus at ganap na maibangon ang ekonomiya para sa ating Amerikanong Pamilya—Ito ang Daan. Mag-donate ngayon sa Apple Cash, Venmo, GooglePay, CashApp sa 714-448-0044 o magpadala ng tseke/money order sa address sa ibaba, na nakapangalan kay: Armando Perez. Salamat sa aking mga magulang na sina Consuelo at Melchor Perez para sa habambuhay na pagsisikap at dedikasyon para makapagbigay ng pagkakataong magtagumpay.

19092 E. Center Ave., Orange, CA 92869-4209Tel: (714) 448-0044 | E-mail: [email protected] MandoCaliforniaGovernor.GoDaddySites.com | Twitter: @Mando4G | Iba pa: #VoteMando

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Mga Pahayag ng Kandidato | 19

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

Reinette Senum | WALANG KINAKATIGANG PARTIDO

Isa akong ika-4 na henerasyong Californian na dalawang ulit nang naging mayor at miyembro ng konseho ng lungsod sa Nevada City, California, at halos 20 taon nang nakikibahagi sa pagbuo ng komunidad. Tumatakbo ako bilang gobernador ng California nang walang kinakatigang partido dahil imposibleng maglingkod sa mga tao at sa isang partido ng sabay. Simula noong pasya ng Korte Suprema noong 2010, Citizens United v. FEC, ang ating halalan ay pinapatakbo ng malalaking donor at korporasyon. Nawala na ang tunay na representasyon sa kasalukuyang pamamalakad ng pulitika at ang pagboboto sa pula/asul ay ginagarantiya ang halos walang pinagkaiba. Ginawa ko ang Kontrata sa Mga Taga-California (Contract With Californians), na isang blueprint ng pag-asa at pagkilos, upang bigyang-kapangyarihan ang lahat ng mga taga-California na itatag muli ang ating mga buhay at ng ating estado. Batay ito sa prinsipyo ng ika-7 Henerasyon—“Ang bawat pasyang ating gagawin ngayon ay dapat makabubuti sa pitong henerasyon mula ngayon"—na inimpluwensiya ng 6 Nations of the Iroquois Confederacy, na siyang nagbigay rin ng inspirasyon sa ating Saligang-batas sa US. Pinagtahi-tahi ng aking Kontrata sa Mga Taga-California (CWC) ang mga pinakamahuhusay na solusyon sa ekonomiya, lipunan, at konserbasyon batay sa matagumpay na modelong programa sa kabuuan ng California. Panahon nang ating bitiwan ang pagkakadibisyon sa pulitika, para ituon natin ang ating atensyon sa iisang layunin, sa kinabukasan ng mga anak ng ating mga anak, at lumayo sa mapanirang tilapon nito. Natukoy ko na ang pinakamalaking mga banta sa California at ibinago ko upang maging malalaking oportunidad ang mga ito; pagbuo muli ng ating topsoil/ populasyon ng pollinator, pagpapalawak sa regenerative na agrikultura at bangko ng imprastraktura ng California, pagprotekta sa bodily autonomy, pagtiyak na malinis ang kapaligiran, pagbabalik sa utos ng batas, pagbabawas ng krimen, matalino na paglalaan ng tubig, pagtatakda ng paraan para masukat ang pamunuan ng California, at pagwawakas ng ating krisis sa kapakanan ng tao; kawalan ng tirahan.1127 11th Street, Suite 210, Sacramento, CA 95814Tel: (916) 706-2677 | E-mail: [email protected] | electreinette.com Facebook: reinette senum | Twitter: @ReinetteSenum | Instagram: reinettesenum2.0 Iba pa: thefoghornexpress.com

Anthony Trimino | REPUBLIKANO

Si Anthony Trimino ay ang CEO ng isa sa mabibilis na lumalagong pribadong kumpanya sa Amerika. Isa rin siyang apo ng imigrante na tumakas sa komunistang Cuba para abutin ang American dream. Isang pangarap na sa palagay niya ay unti-unti nang namamatay rito sa California. Ipapanumbalik ni Anthony ang pangako ng kalayaan para sa ating mga anak, para sa ating mga pamilya at para sa ating hinaharap. Ang paghalal kay Anthony ay makakatiyak na mayroon tayong mga diskarte sa patakaran na uunahin ang pamilya na nakabatay sa kanyang matatag na pundasyon ng pananampalataya. Poprotektahan niya ang ating mga anak, poprotektahan ang ating mga negosyo, poprotektahan ang ating karapatang sumamba at magsisikap para mapalaya ang California mula sa mga kamay ng tusong pamahalaan—nang tuluy-tuloy.

874 Spectrum Center Dr., Irvine, CA 92618E-mail: [email protected] | anthonytrimino.com | Facebook: Anthony Trimino Twitter: @TeamTrimino | Instagram: @Atrimino, @teamtrimino

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

20 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

Robert C. Newman, II | REPUBLIKANO

Isang lingkod-bayan hindi pulitiko, mga kwalipikasyon: AA, BA (zoology/chemistry), MA (theoretical/experimental), Ph.D. (nananaliksik ng klinikal na sikolohiya, mga siyentipikong lathalain). Kasal nang 61 taon, may 2 anak at 2 apo. Lumipat mula sa Michigan papuntang San Diego, California (1944) kung saan naglingkod ang aking ama sa Hukbong-dagat. Ako ay Maka-Diyos, may pagpapahalaga sa buhay, tradisyonal na kasal, Saligang-batas ng U.S. at Estado, Panig sa pangalawang Susog, militar, legal na imigrasyon, agrikultura, maliit na negosyo, mga trucker; Pagpili ng Paaralan, isang makabayang nagbibigay-pugay sa mga beterano. Mataas ang antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, mararahas na krimen, at buwis sa California; ang mga paaralan sa California ang ilan sa pinakamasama sa ating Bansa. Ang nakakabaldadong pagre-regulasyon na kapaligiran ay pinapatay ang mga negosyo. Aking bibigyang-diin ang limitadong pamahalaan, indibidwal na responsibilidad, at Soberanya ng Estado, na magsusulong na: Buksan ang California, taasan ang inuuwing sahod, itabi ang mga pensyon, ibalik ang mga paaralan sa lokal na kontrol, magtalaga sa mga magsasaka ng mas maraming tubig, bawasan ang buwis, at bawasan ang mga regulasyon. Ako'y may kaalaman sa patakaran ng tubig, may makatotohanang mga solusyon ako sa pamamahala ng tubig habang pinoprotektahan ang salmon at trout at mayroong makatuwirang mga solusyon sa kawalan ng tirahan at mga problemang dulot ng sunog.

P.O. Box 12043, San Bernardino, CA 92423-2043Tel: (840) 888-9488 | E-mail: [email protected] | Newman4governor.com

Jenny Rae Le Roux | REPUBLIKANO

Si Jenny Rae Le Roux ay isang may-ari ng negosyo, ina, at negosyanteng bubuhay ulit sa California Dream. Dati, pumupunta ang mga tao sa California para sa kalayaan at kasaganahan. Ngayon, tumatakas na ang mga taga-California sa bangungot; pagtaas ng mga bilihin, kakulangan ng pabahay, nakakadurog na buwis, at paparaming krimen. Ang mga paaralan ay nagkukulang sa pagtutupad. Napakatindi ng mga sunog, kakaunti na lang ang tubig, at hindi maaasahan ang kuryente. Sa ilalim ng pamumuno ni Jenny Rae, makikilala ulit ang California sa paglutas ng malalaking mga problema sa halip na nagpapaalis ng mga tao ito. Bilang babaeng negosyante, babawasan niya ang mga regulasyon at bayarin para bigyan-daan ang inobasyon at maghatid ng mga bagong trabaho. Bilang ina na may mga anak sa pampublikong paaralan, bubuo si Jenny Rae ng sistema ng edukasyong kikilalanin sa buong mundo—na may mga makabagong programa sa inhinyerya, wika, negosyo, at bokasyon. Bilang may-ari ng sakahan, papagandahin niya ang ating imprastruktura—magdudulot ng tubig na higit pa sa kinakailangan, kuryente, kalsada, at pabahay upang paganahin pa ang pag-unlad. Sinasabi ng ilan na imposibleng baguhin ang California—pero iyon ay dahil hindi pa nila nakikita ang nakikita ni Jenny Rae. Nagawa na ni Jenny Rae ang imposible noon. Tinatanggap niya ang mga responsibilidad at nagbibigay ng mga resulta. Nagpapatakbo siya ng mga organisasyon kung saan mahalaga ang mga resulta. Nagpapalago siya ng mga startup para maging pandaigdigang negosyo ang mga ito sa pamamagitan ng pagpaliit sa mga gastusin at paghihimok ng pagbabago. At nagagawa niya ang lahat ng ito habang nagpapalaki ng isang pamilya. Bilang Gobernardor, gagawin niya ang dati na niyang ginagawa: sundin ang mga datos sa mga sentido kumon na solusyon. Bilang taga-labas, kikilos siya para sa inyo: lahat ng mga taga-California. At bilang ina, naniniwala siya na ang mga bata sa California ay nararapat lang na magkaroon ng mas-mabuti: nararapat sila sa isang malaya at masaganang kinabukasan. Panahon na para mangarap ulit, California. Bumisita sa www.JennyRaeCA.com para matuto pa.1095 Hilltop Drive, Suite 277, Redding, CA 96003Tel: (949) 345-0105 | E-mail: [email protected] | jennyraeca.com Facebook: JennyRaeCA | Twitter: JennyRaeCA | Instagram: JennyRaeCA Iba pa: TikTok: JennyRaeCA | YouTube: JennyRaeLeRouxCA

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Mga Pahayag ng Kandidato | 21

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

Serge Fiankan | WALANG KINAKATIGANG PARTIDO

Ginamit ng ating pamunuan ang pandemyang COVID-19 para gawing diktaturya ng big pharma ang estado. Naging negosyo na ang pulitika. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na naririnig ang boses ng mga tao sa ating pamahalaan. Nangangako akong unahin ang kapakanan ng mga tao at tanggihan ang mga pinansyal na kontribusyon sa kampanya mula sa mga korporasyon at Komite sa Pagkilos sa Politika (PACs). Ito ay nang malaman ng mga taga-California na kinakatawan ko ang kanilang interes. Bilang inyong gobernador, babaguhin ko ang status quo at tutugunan ko ang mga totoong problemang ating kinakaharap sa pamamagitan ng nasusukat na mga pagkilos.

4101 Dublin Blvd.,Suite F538, Dublin, CA 94568E-mail: [email protected] | sergefiankan2022.com

James G. Hanink | WALANG KWALIPIKADONG KINAKATIGANG PARTIDO

Makalipas ang 43 taon dito, kilalang-kilala ko na ang California. Kinakatawan ko ang Amerikanong Partido ng Pagkakaisa, at isinusulong ko ang pagkakaisa, decentralism, kalayaan sa pananampalataya, at mga tungkulin ng konsensiya—ang bawa't isa para sa ikabubuti ng nakakarami. Ang priyoridad ko ay ang legal na kilalanin ang dignidad ng buhay sa bawat yugto. Nararapat sa mga kababaihan ang higit pa kaysa sa pagpapalaglag lamang; ang mga pumapanaw ay kinakailangan nating dulutan ng pangangalaga, hindi tiket para magpakamatay. Kailangan nating pahalagahan ang kontribusyon ng mga imigrante. Ipagtatagumpay ko ang pagiging patas sa pabahay, mga paaralan, at lugar ng trabaho, habang sinusuportahan ang dagdag na pagmamay-ari ng bahay, sapat sa pamumuhay na sahod, abot-kayang pag-alaga ng bata, at responsableng pamamahala sa ating mga likas na yaman. Bisitahin kami sa solidarity-party.org.

443 West Hillsdale Street, Inglewood, CA 90302Tel: (310) 671-4412 | E-mail: [email protected] | ca.solidarity-party.org Facebook: Hanink for Gov

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

22 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

Joel Ventresca | DEMOKRATIKOHindi na-kokorap-Independyente-Berniecrat-Demokratiko. Paparating na ang Bagong Pamumunong Magdudulot ng Pagkakaiba at Pundamental na Pagbabago. Mula 1995 bilang tagapagsulong ng kapayapaan sa San Francisco, walang takot akong nakipaglaban sa Pinakatiwaling Makina sa Amerika na nagkamal ng hindi masukat na kapangyarihan at kayamanan, nandaya sa sistema ng ekonomiya at pulitika para mas payamanin ang napakayayaman na, at nagdulot ng malalawak na pag-uusig sa kriminal. 34 Taong Mahusay na Premyadong Serbisyo sa Publiko: Administrador, at Eksperto sa Panganib sa Kaligtasan at Seguridad, at Taga-analisa na nagtayo sa nangunguna sa industriyang Lungsod at County ng San Francisco International Airport upang maging napakalakas na ekonomiya na nagdudulot ng 300,000 trabaho taun-taon (1987–2018); Punong Katuwang at Espesyalista sa Pagtanda ng Kagawaran, Komisyon ng Pagtanda ng Lungsod at County ng San Francisco (1981–1984). Dating Mga Posisyon sa Pamumuno na Malaki ang Epekto: 2021 Pinakakwalipikadong Demokratikong Kandidato para sa Pagkagobernador sa California; 2019 Pumangalawa sa Partido Demokratiko para sa Pagka-mayor ng San Francisco; Komisyonado ng Kapaligiran ng Lungsod at County ng San Francisco; Presidente, Koalisyon para sa Mga Kapitbahayan sa San Francisco; Tagapagpaganap na Miyembro ng Lupon, Internasyonal na Unyon ng Mga Nagseserbisyong Empleyado; Matagumpay na Taga-organisa ng Komunidad na kilala sa buong bansa. Edukasyon: Tinuruan ng Heswita; Pagkadalubhasa sa Public Administration, Unibersidad ng San Francisco. Mga Katangian ayon sa Media: “bayani”; “hindi tiwali”; “matapang”; “matatag”; “may prinsipyo”; “matapat”; “liberal”; “makakaliwa”; “maunawain”; “malawak ang kaalaman.” Pamilya: Anak ng pambihirang ina at Italian-American na guro ng agham; Nagpakasal sa isang Asian-American na imigrante; May relasyon sa mga lumagda sa Deklarasyon ng Kalayaan at Saligang-batas. Makabagong Patas na Oportunidad para Magtagumpay ang Lahat na Plataporma: Magpatupad ng libreng, pangkalahatang, de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan, edukasyon mula prekindergarten-hanggang-kolehiyo, pangangalaga ng bata at pagsasanay sa trabaho na ganap na pinopondohan ng mayayamang mga indibidwal at korporasyon, kita sa pamahalaan, at mga manggagawang matataas na sahod. Itaas ang minimum na sahod sa $18.50-bawat-oras. Wakasan ang kawalan ng tirahan at kahirapan. Paatrasin ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa ekonomiya. Alisin ang kapangyarihan sa nangungunang 1% ng mga piling tao sa ekonomiya. Bigyang-lakas ang mga hindi marahas na mga kilusan ng mamamayan. Magbuo ng patas, kumportable, at masaganang California para sa lahat. Bilang prominenteng, popular na 99% gumagawa ng pagbabago para sa interes ng publiko Inklusibong-Populist-Progresibo-Demokratiko na nakatanggap ng mahigit sa 297,000 boto sa mga halalan sa California, mamumuno ako bilang ang pinakaepektibong progresibong gobernador ng Amerika.3934 Ortega Street, San Francisco, CA 94122-3944Tel: (415) 941-7945 | E-mail: [email protected] | joelventresca.com

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Leo S. Zacky | REPUBLIKANOwww.LeoZacky.com. Malinaw na ang mga tao sa estado at bansang ito ayaw na ang mga karerang pulitika sa pamahalaan. Gusto natin ng mga taong tunay na nakakakilala sa estadong ito at may karanasan sa kung ano ang dahilan kung bakit ang ating estado ang panglimang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo. Bilang isang isinilang at lumaki sa Los Angeles at karamihan sa aking personal at propesyonal na buhay ay sa Central Valley iyon ang isinasabuhay ko. Bilang Bise Presidente ng Zacky Farms, nauunawaan ko ang iba't ibang pangangailangan ng California, ng mga negosyo rito, at ang mga kakulangan nito. Alam ko ang kailangan at kung paano maibibigay sa California ang kailangan nito para magtagumpay. Bilang miyembro ng lupon ng California Poultry Federation personal kong nasaksihan kung paanong pansariling walang kakayahang interes lang at kung gaano katiwali ang karamiham sa mga nasa katungkulan sa kasalukuyan, dahil saksi tayong lahat sa kanilang kabiguan. Nasa sa ating lahat ang manindigan at gawin ang pagbabagong ibig nating makita sa California. Tumatakbo ako hindi para makilala o magkapera, o magkaroon ng mga espesyal na pribilehiyo, dahil wala akong kilalang mas may kakayahan, hindi tiwali, at nakatuon sa pag-aayos ng California. Mayroon akong mga solusyon sa tagtuyot, kawalan ng tirahan, mga wildfire, at mataas na presyo ng mga pang-araw-araw na pamumuhay. Pag-iisahin ko ang mga makakaliwa at makakanan para maharap ang ating mga hamon at ilagay tayo na makapaghanda para sa hinaharap. Hindi ito tungkol sa mga demokratiko o republikano; tungkol ito sa California. Magkakasama tayong lahat dito. Lahat tayo ay nasa isang team, ang Team California! Kailangan nating magtulungan para maabot ang layuning ito.149 S. Barrington Ave., Los Angeles, CA 90049Tel: (310) 357-5167 | E-mail: [email protected] | leozacky.com Facebook: LeoZackyForGov | Twitter: @LeoSZacky | Instagram: @LeoZackyForGovernor Iba pa: Gab: @LeoZacky, gab.com/LeoZacky

Mga Pahayag ng Kandidato | 23

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

Brian Dahle | REPUBLIKANO

Kung sawa na kayo sa kabiguan ng pamunuang sumisira sa California, samahan ako sa laban para maibalik ang California sa tamang daan. Lalaban ako para paatrasin sa dati ang mga patakarang hindi pinag-isipang nagpalaya ng libu-libong kriminal mula sa bilangguan at ibinalik sila sa ating mga komunidad. Makakaasa kayong tatanggihan ko ang mga batas na magbibigay-daan sa mga kriminal na magnakaw nang walang hinaharap na pananagutan. Bilyun-bilyon na ang ginastos ng estado sa mga walang matirahan, subalit mas lalo pang lumala ang problema ng California. Asahan niyo ako na lilinisin ang problema. Mga taga-California nagbabayad ng pinakamataas na upa at buwis sa gasolina sa bansa. Ang mga kabayaran sa kuryente ang ilan sa pinakamataas sa bansa. Ang mataas na presyo ng mga pang-araw-araw na pamumuhay sa California ay naglalagay ng malaking pabigat sa mga nagtatrabaho at sa mga retirado. Halos imposible na para sa mga batang nasa hustong gulang ang makabili ng bahay. Lalaban ako para maging mas abot-kaya ang California para sa mga pamilya. Ang estado ay nagsayang ng bilyun-bilyon sa mga mapanlokong mga benepisyo para sa nawalan ng trabaho. Milyun-milyon ang na-scam ng mga kriminal na nasa mga bilangguan ng estado! Samantala, mga nagsisikap, mga matapat na tao na napilitang nawalan ng trabaho dahil sa mga pag-shutdown na dulot ng COVID-19 kinakailangang maghintay nang ilang buwan para sa tulong. Hindi ba't panahon na para panagutin ang administrasyon? Isa akong may-ari ng negosyo at magsasaka na mag-lulutas ng krimen, ayusin ang problema sa kawalan ng tirahan, at pabababain ang mga buwis. Lalaban ako para ibalik ang bilyun-bilyong sobrang buwis sa mga nagbabayad ng buwis at hindi sayangin sa ilan pang hindi napapamahalaan nang tama, nabigong mga program. Lalabanan ko ang mga mapagkunwaring nag-atas sa atin na magsuot ng mask habang sila ay hindi. Samahan ako sa aking laban para ayusin ang California.

briandahle.com

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Mariana B. Dawson | WALANG KINAKATIGANG PARTIDO

F sa lahat ng pulitiko.

marianadawsonforgovernor.com | Facebook: marianadawsonforcaliforniagovernor Twitter: MarianaDawsonCA

24 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOGOBERNADOR

Daniel R. Mercuri | REPUBLIKANO

Tayo ay soberanya, hindi mga serf, na may mga karapatang ibinigay ng Diyos at pinoprotektahan ng saligang-batas. Ako'y kasapi sa halalan na ito upang wakasan ang pagsiil ng ating kalayaan at ilagay ang mga lumalabag sa isinumpa sa kulungan! Kasama si Hesus bilang ang aking pundasyon, ibabalik ko ang pananagutan sa ating pamahalaan, ang Diyos balik sa ating bansa, at ihinto na ituring ang estado bilang negosyo na nang-aalipin ng mga taga-Californian upang makamit ang palabis na kita.

2828 Cochran St., #117, Simi Valley, CA 93065Tel: (805) 428-5315 | E-mail: [email protected] Danielforcalgovernor.com | Facebook: DanielMercuriforCAGov | Twitter: Dan_Mercuri Instagram: danielmercuriforcagovernor Iba pa: YouTube: channel/UCy-bRErDbiJtjVEtk8VdKLg (Daniel Mercuri for Governor)

Cristian Raul Morales | REPUBLIKANO

Tumatakbo ako bilang Gobernador ng California para ikatawan ang boses ng mga tao bilang Gobenador ng California, na nagsusulong sa mga manggagawa. Me postulo para Gobernador de California para representar las voces del pueblo como Gobernador de California, abogando por la clase trabajadora. Mababago natin ang California nang magkakasama para sa lahat ng boses. Podemos cambiar California juntos para todas las voces. Sana'y makuha ko ang inyong boto. Salamat at pagpapala sa lahat. Espero ganar su voto. Gracias y Dios te bendiga. Kailangan na nating tumigil. Nosotros necesitamos parar. #LaborCleansing. cmoralesforcagovernor.com

3025 Artesia Blvd., #37, Torrance, CA 90504Tel: (310) 292-7180 | E-mail: [email protected] | CMoralesforcagovernor.com Facebook: CMoralesCAGov | Twitter: CMoralesCAGov | Instagram: CMoralesCAGov Iba pa: LinkedIn: CMoralesCAGov | Gettr: CMoralesCAGov | YouTube: CMoralesCAGov TikTok: CMoralesCAGov | Rumble: CMoralesCAGov | Gab: CMoralesCAGov Truth Social: CMoralesCAGov | Parler: CMoralesCAGov

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

TENYENTE GOBERNADOR

• Sumasalo sa katungkulan at mga tungkulin ng Gobernador sa kaso ng impeachment, kung bawian ng buhay, bumitiw sa tungkulin, matanggal sa katungkulan, o pagkawala sa estado.

• Nagsisilbing presidente ng Senado ng Estado at may boto para magdeklara ng panalo mula sa tablang bilang.• Tagapangulo sa Komisyon para sa Pag-unlad ng Ekonomiya; isang miyembro ng Komisyon ng Mga Lupain ng Estado, at

ng Konseho ng Proteksyon ng Karagatan; at kabilang sa mga lupon ng mga sistema ng unibersidad ng California.

William Cavett “Skee” Saacke | DEMOKRATIKO

Asawa, Ama, Abogado sa Paglilitis sa loob ng 25 taon, www.skee4gov.com

4645 Larwin Ave., Cypress, CA 90630Tel: (714) 875-5130 | E-mail: [email protected] | skee4gov.com Facebook: skee.saacke | Twitter: #skee4gov | Instagram: skee4gov Other: LinkedIn: skee4gov | TikTok: skee4gov | Snapchat: skee4gov | YouTube: skee4gov

David Fennell | REPUBLIKANO

Alam ni David Fennell kung paano ayusin ang Sacramento! Kapag pinili ninyo akong maging Tenyente Gobernador, agad kong tututukan ang: 1) Mga trabaho kung saan umaalis ng estado at ang mga tumataas na gastos. 2) Krimen at seguridad. 3) Maling pamamahala sa yamang lupa na humahantong sa sunog sa kagubatan at kakulangan ng tubig ng mga magsasaka. Bilang isang matagal nang taga-California na lumaking Katoliko sa pamayanan ng pangingisda at pagsasaka ng Half Moon Bay, na nakagawa ng 5+ paglalakbay sa lahat ng 58 county ng California, masakit sa akin na makita kung gaano ang pagdurusa ng ating mga kapwa taga‑California sa mahirap na panahong ito. Gayunpaman, nasaksihan ko rin ang isang bagong umuusbong na pag-asa na nagmumula sa ating mga looban ng lungsod hanggang sa pamayanan na lupang sakahan na may pagnanais na magdala ng pagbabago sa mga tagabantay at bagong pamumuno para magabayan ang California sa ating susunod na antas ng kadakilaan na makakamit lamang sa pamamagitan ng isang bagong Tenyente Gobernador. Napagtanto ng iilan lamang na ang Tenyente Gobernador ay hindi lang ang Pangulo ng Senado ng Estado nguni't nangunguna o nanunungkulan din sa pinakamaimpluwensyang pang-ekonomiya, pang-akademiko, pangkalakalan, pang-emerdensya, pangkapaligiran at sa paggamit ng lupa na mga lupon ng Estado. Bilang inyong Tenyente Gobernador, tatalakayin ko ng harap-harapan ang pinakakritikal na mga isyu ng California sa pamamagitan ng pagsulat ng bagong plano sa paglago ng ekonomiya gamit ang ating ayon sa saligang-batas at legal na kapangyarihan bilang Tagapangulo ng Komisyon ng California para sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya. Ang aking napag-daanang karanasan sa negosyo at pagpapaunlad ng ekonomiya kasama ng aking pagkakahalal bilang Tagapangulo ng Konseho sa Pagpigil ng Krimen sa looban ng lungsod ay nagbibigay sa akin ng karanasang kailangan para mapamunuan ang California sa mas mataas na antas. Samahan ninyo ako! Ang pinakamagandang mga araw ay ating nang hinaharap! Pagpalain ng Panginoon ang California!500 Capitol Mall, Suite 2350, Sacramento, CA 95814Tel: (916) 307-6918 | E-mail: [email protected] | fennellforcalifornia.com Facebook: FennellForCalifornia | Twitter: DavidFennell | Instagram: fennellforcalifornia

Mga Pahayag ng Kandidato | 25

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATO

David Hillberg | WALANG KINAKATIGANG PARTIDO

Gaya mo rin, kinukuwestiyon ko ang direksyong pinagdadalhan sa atin ng ating mga pinuno sa Sacramento. Tulad niyo, mayroon din akong mga alalahanin tungkol sa pagkawala ng ating mga pagka-libre, kalayaan at kabuhayan. Kailangan nating makabalik sa daan na isinasapriyoridad muna ang pamilya, babaan ang mga buwis, magkaroon ng mga karapatan para sa mga magulang, wastong pamamahala, ligtas na mga kapitbahayan, edukasyon ukol sa pagpili ng paaralan, para mabigyan ang lahat ng kalamangan tungo sa pangarap ng California. Tayo ay isang multikultural na estado na dapat igalang, protektahan at bigyan ng pinakamahusay na trabaho at mga oportunidad na pang-edukasyon na hindi naibigay ng ating mga pinuno ng gobyerno sa mga mamamayan nito. Pahayag ng mga kuwalipikasyon; LASD, USBP, Aviation units, SAG & AFTRA Presidential Candidate 2009, United States Army Aviation. Dating Kandidato sa pagpapaalis sa katungkulan sa Gobernador. www.davidforLtGov.com

P.O. Box 9977, Fountain Valley, CA 92728Tel: (714) 580-7486 | E-mail: [email protected] | davidforLtGov.comFacebook: davidhillberg

Mohammad Arif | KAPAYAPAAN AT KALAYAAN

Ang ekonomiya at pamahalaan ng California ay dapat maglingkod sa mga taong nagtatrabaho, hindi lang sa mayayaman. Ang hahalal ng mayayamang mga developer at ang kanilang mga tagasuporta ay nagdadala ng mga kita para sa mayayaman, hindi ng pabahay para sa mga ordinaryong tao. Kapayapaan, hustisya, mga karapatang pantao. Sinusuportahan ko ang Left Unity Slate. Mga tao ang kapangyarihan.

720 W. Sixth St., #Z-116, Corona, CA 92882Tel: (949) 490-9637 | E-mail: [email protected] | mohammad4california.com

26 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOTENYENTE GOBERNADOR

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Jeffrey Highbear Morgan | DEMOKRATIKO

Ako ay isang Katutubong Taga-California na ipinanganak sa Santa Cruz, at isang Katutubong Amerikano na may mga konserbatibong mga hinahalagahan. Nagsimula ang aking karera bilang isang software engineer sa Silicon Valley noong dekada 1990, kabilang ang mga tungkulin bilang isang negosyante at iba pang mataas na posisyon ng pamumuno sa high-tech. Bilang Tenyente Gobernador, tututukan ko ang pagpapalago ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagtugon sa kawalan ng tirahan, krimen at pagbibigay ng mga insentibo para sa maliliit na negosyo; pagpapabuti ng pag-akseso at pagiging abot-kaya ng ating mga Unibersidad sa California; at pagpoprotekta ng ating kapaligiran.

E-mail: [email protected] | highbear.vote

Eleni Kounalakis | DEMOKRATIKO

Ako ay pinarangalan at nagpakumbaba na maglingkod bilang inyong Tenyente Gobernador habang tayo ay nagtutulungan para harapin ang mga mahihirap na panahong ito. Bilang Tenyente Gobernador, miyembro ako ng lahat ng tatlong namamahala na lupon para sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad ng California. Nilabanan ko ang pagtaas ng matrikula at sinuportahan ko ang mga inisyatiba para madagdagan ang pag‑aakseso sa kolehiyo para magkaroon ng pagkakataon ang mga henerasyon ng kinabukasan na makamit ang California Dream. Para matugunan ang ating kakulangan sa pabahay, inaprubahan ng ating mga lupon ang higit sa 30,000 bagong mga kama sa ating mga pampublikong kampus sa unibersidad. Habang hinaharap ng ating estado ang mga makasaysayang sunog at tagtuyot, ipinagmamalaki kong pinamunuan ang delegasyon ng California sa Kumperensya ng Pagbabago ng Klima ng United Nations para ipakita ang inobasyon ng ating estado at hikayatin ang mundo na agresibong labanan ang mga mapinsalang epekto ng pagbabago ng klima. Bilang Tagapangulo ng Komisyon sa Mga Lupain ng Estado, pinangasiwaan ko ang pagsasara ng mga balon ng langis sa baybayin ng California at tumulong na matiyak na walang itatayong bagong offshore na industriya ng langis. Habang inaatake ang mga karapatan ng mga kababaihan sa buong bansa, ipinaglaban ko ang mga bagong batas sa California para protektahan ang mga kababaihan mula sa sekswal na pag‑atake atparamihin ang makaka‑akseso sa pang‑reproduktibong opsyon. Bilang ambasador ng ekonomiya ng California, nakatuon ako sa paglikha ng mga trabahong may magandang suweldo para sa mga taga-California. Iyon ang dahilan kung bakit pinangunahan ko ang mga delegasyon sa Mexico, India, at Armenia para tumuon sa pakikipagtulungan kaugnay ng kapaligiran at pagpapaunlad ng ekonomiya. Ipinagmamalaki ko ang aming trabaho sa ngayon, ngunit marami pa kaming natitirang dapat gawin. Ikararangal kong matanggap ang inyong suporta at boto.

2443 Fillmore St., #300, San Francisco, CA 94115Tel: (415) 857-0921 | E-mail: [email protected] | eleniforca.com Facebook: EleniKounalakis | Twitter: @eleniforca | Instagram: @eleniforca

Mga Pahayag ng Kandidato | 27

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOTENYENTE GOBERNADOR

28 | Mga Pahayag ng Kandidato

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOKALIHIM NG ESTADO

• Bilang punong opisyal ng mga halalan ng estado, sumusubaybay sa mga halalan sa buong estado, at naghahatid sa publiko ng kampanya at nagbabantay sa impormasyong pinansyal.

• Nagpapanatili ng ilang partikular na paghahain sa negosyo, pinapatunayan ang mga tatak, pinangangasiwaan ang mga pampublikong notaryo, at nagbibigay-kakayahan sa mga ligtas na kreditor na protektahan ang kanilang mga pinansyal na interes.

• Pinipreserba ang kasaysayan ng California sa pamamagitan ng pagkuha, pangangalaga, at pagbabahagi ng mga makasaysayang yaman ng estado.

Rachel Hamm | REPUBLIKANO

Tumatakbo ako bilang Kalihim ng Estado ng California upang dagdagan pa ang katumpakan, pananagutan at kalinawagan ng sistema ng halalan sa California. Kapag ako ay nahalal, makikipagtulungan ako sa mga opisyal ng halalan mula sa buong estado para gawing Gold standard ang California para sa libre, patas, at tapat na halalan. Tingnan ang RachelHammSoS.com para sa higit pang impormasyon.

655 Minnewawa Ave., #2866, Clovis, CA 93612Tel: (559) 593-8288 | E-mail: [email protected] | rachelhammsos.com Facebook: tinyurl.com/wezh8uhr | Twitter: RachelHammSOS | Instagram: therachelhamm

Gary N. Blenner | BERDE

Pagod ka na ba sa gobyerno na nakikinig lamang sa mga interes ng mayayaman kaysa sa mga nagtatrabaho? Ang sagot ay ayusin ang ating sistema ng halalan at palawakin ang demokrasya. Proporsyonal na Representasyon. Ranked Choice Voting. Pampublikong pagpopondo ng mga kampanya. Tapusin ang corporate personhood. Iboto ang Left Unity Slate sa ika-7 ng Hunyo!

E-mail: [email protected] | Facebook: Gary Blenner For California Secretary of State

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

Shirley N. Weber | DEMOKRATIKO

Hinihingi ko ang inyong boto para magpatuloy sa paglilingkod bilang Kalihim ng Estado ng California. Ginugol ko ang aking karera sa pakikipaglaban para sa hustisyang panlipunan at panlahi at pagpapalawak ng access sa balota sa bawat karapat-dapat na taga-California, at nagdala ng halos 50 taong karanasan bilang propesor, tagapagtaguyod, at mambabatas sa trabaho. Noong 2021, pagkatapos ng pagkakaisa na makumpirma bilang Kalihim ng Estado na may dalawang partidong suporta, pinangasiwaan ko ang isang ligtas, secure, at walang putol na halalan sa buong estado na may record na partisipasyon. Nagtrabaho din ako para gawing permanente ang unibersal na pagboto sa pamamagitan ng koreo. Kung mahalal, gagawin ko ang sumusunod: (1) ia-upgrade ang ating mga patakaran sa cybersecurity para matiyak na ang ating mga halalan ay protektado mula sa mga pagtatangka na pahinain ang ating mga demokratikong proseso, (2) pahuhusayin ang transparency sa ating mga halalan, lobbyist registration, at sistema ng pagpinansya sa kampanya, (3) palalakasin at palalawakin ang matagumpay na mga reporma na humantong sa pagtatala ng turnout ng mga botante noong 2020 at 2021, at (4) patuloy na patitibayin ang reputasyon ng California bilang isang pambansang pinuno sa pagpapalawak ng mga karapatan sa pagboto. Ang aking mga magulang ay pinagkaitan ng karapatang bumoto sa Jim Crow South kung saan ako ipinanganak, at pumunta sa California para maghanap ng mas magandang buhay. Sila ay nagbigay inspirasyon sa aking paggalang at pangako sa demokrasya mula sa isang murang edad, kabilang ang pagpapatakbo ng isang lugar ng botohan mula sa aming sala sa South Los Angeles. Kaya ang laban para protektahan ang karapatang bumoto at palawakin ang access sa balota ay personal sa akin. Hindi ako aatras at hindi ko kayo pababayaan. Iboto si Dr. Shirley N. Weber bilang Kalihim ng Estado. Bumisita sa www.drshirleyweber.com para sa higit pang impormasyon.

E-mail: [email protected] | drshirleyweber.com | Facebook: ShirleyWeber4SOS Twitter: @DrWeber4CA

Mga Pahayag ng Kandidato | 29

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOKALIHIM NG ESTADO

30 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOTAGAKONTROL

• Bilang punong opisyal sa piskal ng estado, nagsisilbi siyang accountant at bookkeeper ng lahat ng pampublikong pondo ng estado.

• Pinangangasiwaan ang sistema ng pagpapasahod ng estado at ang mga batas sa hindi nakuhang ari-arian at nagsasagawa ng mga pagsusuri at pagsisiyasat sa mga pagpapatakbo ng estado.

• Naglilingkod sa Lupon ng Pagpapantay, Lupon ng Pagkontrol, at iba pang lupon at komisyon.

Laura Wells | BERDE

Buwisan ang mga ubod ng yaman; pigilan ang mga bilyonaryo na bilhin ang media at mga pulitiko. Ipatupad ang pamumuhunan ng pampublikong bangko sa California hindi sa Wall Street. Gamitin ang tubig sa matalino na paraan, hindi kailanman sa fracking. Gastusin ang pera sa mga mahalagang bagay, makabuluhang trabaho na hindi makakasira sa planeta, at hindi sa pagpapakulong ng mga tao sa isang hindi makatarungang sistema. Para makatipid ng pera at makasagip ng buhay, may mga solusyon sa mga problema sa pangangalagang pangkalusugan, ekonomiya, edukasyon, at kapaligiran, pero hindi ito ipapatupad ng mga pulitiko na tinustusan ng mga bilyonaryo at korporasyon. Kung mananalo sila, matatalo naman kayo. Mayroon kaming mga alternatibo sa dalawang partidong sistema: iboto ang LeftUnitySlate.org.

484 Lake Park Ave., #272, Oakland, CA 94610Telepono: (510) 788-1441 | E-mail: [email protected] | LauraWells.org Facebook: laura.wells.33633 | Twitter: LauraWellsCA

Yvonne Yiu | DEMOKRATIKO

Bilang Tagakontrol ng Estado, gagamitin ko ang aking 25 taong karanasan sa pinansyal para magsilbi bilang tagapagbantay ng piskal ng California, pangangalagaan ang inyong mga dolyar sa buwis, gagawin ang mga pag-audit ng estado para hanapin at alisin ang mga inaaksaya ng gobyerno, at gagamitin ang teknolohiya para mapahusay ang kalinawan. Dumayo ang aking pamilyang manirahan sa U.S. mula sa Hong Kong noong ako ay 16 na taong gulang, pagkatapos ng pagkamatay ng aking ama. Dahil sa pagsusumikap, nakakuha ako ng degree sa Economics mula sa UCLA, isang MBA mula sa Loyola Marymount University at binigyang-pagkilala bilang Sertipikadong Propesyonal sa Regulasyon at Pagsunod mula sa Wharton Business School sa University of Pennsylvania. May hawak akong 12 securities (stocks) na lisensya mula sa Federal Industry Regulatory Authority (FINRA). Pagkatapos magtrabaho sa ilan sa mga nangungunang kumpanya sa pananalapi ng ating bansa, nagbukas ako ng sarili kong kumpanya ng pamumuhunan na may higit sa $1 bilyon na mga asset. Nagpasya akong gamitin ang aking karanasan sa pananalapi para matulungan ang aking lokal na komunidad. Bilang Alkalde ng Monterey Park, tinustusan kong muli ang mga bono ng lungsod, at nakatipid ng mahigit $55 milyon at nagbigay ng proteksyon sa mga pampublikong pensiyon ng empleyado. Bilang Tagakontrol, gagawin ko ang sumusunod 1) Pangangalagaan ang mga pananalapi ng California sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroong pananagutan at kalinawan, 2) Magsasagawa ng mga pag-audit ng estado para matuklasan at maalis ang mga inaaksaya ng gobyerno, at 3) Bubuo ng mga programa para tulungan ang mga tao na makamit ang seguridad sa ekonomiya at matapos ang hindi pagkakapantay-pantay sa kabuhayan. Bilang ina ng tatlong anak na lalaki, palagi akong lalaban para sa ating mga pamilya. Hindi ako isang tipikal na politiko na tumatakbo para sa mas mataas na katungkulan. Isa akong repormista at ako ang tanging kandidato na may pinag-aralan, background at karanasan sa parehong pampubliko at pribadong sektor para mapabuti ang pananalapi ng California, matiyak ang mga maayos na pamumuhunan at matipid ang pera ng mga nagbabayad ng buwis.728 W. Edna Place, Covina, CA 91722E-mail: [email protected] | YvonneYiu.com | Facebook: YvonneYiu4CA Twitter: @YvonneYiu4CA | Instagram: YvonneYiu4CA | Iba pa: TikTok: YvonneYiu4CA YouTube: channel/UCz9OLztUAUmW_enQ0g24BAQ

Steve Glazer | DEMOKRATIKO

Si Senador Steve Glazer ang pinakamahigpit na tagapagbantay ng pananalapi ng Lehislatura. Sa Komite ng Badyet ng Senado at Komite ng Lehislatibong Pag-audit, ipinakita niya ang integridad, pagkaindependiyente, at lakas ng loob na manindigan sa mga espesyal na interes. Hinarap ni Senador Glazer ang gun lobby, sumulat ng batas na nagsara ng mga kakulangan tungkol sa mga armas sa pag-atake. Nakipaglaban siya sa malalaking kumpanya ng pananalapi para mapanalunan ang kauna-unahang Truth-In-Lending Law ng bansa na nagpoprotekta sa maliliit na negosyo. Pinanagot niya ang PG&E sa pagpapasimula ng mga malalaking sunog at nilabanan ang Big Tobacco para ipagbawal ang mga produkto na naka-tutok sa ating mga anak. Nang mawalan ng kontrol ang transit system (BART) ng Bay Area, matagumpay na nakipaglaban si Senador Glazer para makagawa ng isang independiyenteng Inspector General na magpapanagot sa sistema. Bilang Tagakontrol, si Senador Glazer ay magiging isang patas, walang kinikilingan at walang pag-aalinlangan na tagapagtaguyod para matiyak na makukuha ng mga tao ng California ang halaga ng kanilang pera mula sa ating pamahalaan. Io-audit niya ang bilyun-bilyong ginagastos ng California para sa mga nawalan ng tirahan para malaman kung saan napunta ang pera at kung paano gagawing mas makabuluhan ang kapupuntahan ng ating mga dolyar. Sisiguraduhin niyang babayaran ng mga korporasyon ang mga buwis na kanilang inutang at poprotektahan ang mga pondo ng pensiyon at ang seguridad sa pagreretiro na ibinibigay nila para sa milyun-milyong manggagawa. Io-audit pa ni Senador Glazer ang mismong mga pulitiko—ang kanilang mga account sa paglalakbay at paggasta. Bilang panghabambuhay na tagapagtaguyod ng kapaligiran, poprotektahan ni Senador Glazer ang ating pinagkakatiwalaang mga pampublikong lupain at dalampasigan. Hindi siya tumatanggap ng mga regalo o paglalakbay mula sa mga espesyal na interes. Ang kanyang rekord ang mismong magsasabi ng mga nagawa. Siya ang nag-iisang kandidato para sa Tagakontrol na mapagkakatiwalaan nating babantayan tayo. Pakiboto: Senador Steve Glazer bilang Controller. www.SenatorGlazer.com21C Orinda Way, #111, Orinda, CA 94563Telepono: (925) 386-6530 | E-mail: [email protected] | SenatorGlazer.com Facebook: SenatorGlazer | Twitter: @Steve_Glazer

Ron Galperin | DEMOKRATIKO

Ang Tagakontrol ng Lungsod ng Los Angeles na si Ron Galperin ay ang Chief Financial Officer ng pangalawang pinakamalaking lungsod ng bansa, na nangangasiwa sa $11 bilyon na badyet at payroll para sa mahigit na 40,000 empleyado. Bilang anak ng mga imigrante at ang unang LGBTQ na halal na opisyal sa buong lungsod ng Los Angeles, si Ron ay may mga kinahahalagahan at karanasang makakapagpabuti sa California para sa ating lahat. Isang may karanasang abogado at dating may-ari ng maliit na negosyo, sinikap ni Ron na panagutin ang mga pulitiko para sa bilyun-bilyong hindi epektibong paggasta para sa mga nawalan ng tirahan. Si Ron ang kandidato na nakagawa ng trabaho ng Tagakontrol. Kaya naman inendorso siya ng kasalukuyang Tagakontrol ng Estado na si Betty Yee at dating tagakontrol ng Estado na si John Chiang. Bilang Tagakontrol ng Lungsod, pinangunahan ni Ron ang mga pag-audit para matiyak na ang mga ibinabayad na dolyar na buwis ay ginagastos nang patas, malinaw at epektibo. Bilang ama ng kambal, gumawa si Ron ng isang equity index fund na nagmamapa sa mga komunidad na hindi nakakakuha ng kanilang patas na parte at binawi ang mahigit sa $100 milyon para sa imprastraktura. Bilang Tagakontrol ng Estado, pananatilihin ni Ron na tapat ang ating estado at ang mga lokal na pamahalaan, at titiyakin ang maayos na pinansyal na kalagayan ng lahat ng taga-California, hindi lang ng mayayaman at may maayos na katayuan. Pananagutan niya ang mga espesyal na interes ng korporasyon na hindi nagbabayad ng kanilang patas na parte sa mga buwis at ipaglalaban niya ang pangangalagang pangkalusugan, ating kapaligiran, edukasyon, seguridad sa pagreretiro at ang abot-kayang pabahay na kailangan ng California. Sa ika-5 pinakamalaking ekonomiya sa mundo, na may taunang badyet na mahigit sa $260 bilyon, kailangan ng California si Ron Galperin, na may integridad, karanasan, at kredibilidad para pangalagaan ang mga dolyar ng nagbabayad ng buwis.

777 Figueroa St., Suite 4050, Los Angeles, CA 90017Telepono: (818) 351-9672 | E-mail: [email protected] | RonForCalifornia.com Facebook: Ron4CA | Twitter: Ron4CA | Instagram: RonGalperin

Mga Pahayag ng Kandidato | 31

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOTAGAKONTROL

Lanhee Chen | REPUBLIKANO

Ang Tagakontrol ng Estado ay dapat na independiyenteng tagapagbantay ng pananalapi ng California, na magtitiyak na matalinong ginagastos ang ating pera. Hindi ganoon ang nangyari. Nagsasayang ng bilyun-bilyong dolyar bawat taon ang Sacramento. Hangga't ang mga Tagakontrol ay galing sa parehong partido ng mga pulitiko na nagsusulat ng mga tseke, sila ay magiging mga rubber stamp, na nag-aabot ng bahagya hanggang sa walang pananagutan. Ang ating susunod na Tagakontrol ay dapat maghatid ng kalinawan para sa bawat dolyar na ginagastos ng California, magdemanda ng mga resulta, at lumaban para sa inyo, ang mga nagbabayad ng buwis. Bilang Tagakontrol, pipilitin ko ang mga pulitiko sa Sacramento na sagutin ang mahihirap na tanong tungkol sa $20 bilyon na mga benepisyo sa kawalan ng trabaho na ipinadala sa mga nahatulang kriminal at mga manloloko, ang bilyun-bilyong ginastos bawat taon sa kawalan ng tirahan na may malungkot na mga resulta, at ang kakulangan para sa isang detalyadong accounting para sa $300 bilyong mga tsekeng isinusulat ng ating estado taon-taon. Ang aking mga karanasan sa paggawa ng patakaran, negosyo, at pagtuturo sa Stanford University ay naghanda sa akin na maging isang independiyenteng boses bilang susunod na Tagakontrol ng California. Naglingkod ako sa mga Democrat at Republican na presidente at nakipagtulungan sa mga tao mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay para harapin ang malalaking problema, tulad ng pangangalaga ng Social Security at paggawang mas abot-kaya ang pangangalagang pangkalusugan. Ako ay anak ng mga imigrante na lumaki sa Southern California, nag-aral sa aking lokal na pampublikong mataas na paaralan, at nagpatuloy para makakuha ng mga degree mula sa Harvard, kabilang ang isang law degree at isang Ph.D. Itinuturing na namin ng aking asawa at mga anak ang Bay Area bilang aming tahanan. Mahal ko ang ating estado, ngunit hindi maaaring patuloy na sayangin ng Sacramento ang ating pinaghihirapang naipon na pera. Kailangan nating maging mas matalino sa paggastos. Titiyakin ko na magagawa natin ito.P.O. Box 390575, Mountain View, CA 94039-0575Telepono: (650) 485-1652 | E-mail: [email protected] | chenforcalifornia.com Facebook: ChenforCalifornia | Twitter: lanheechen | Instagram: lanheechen Iba pa: YouTube: chenforcontroller2022

Malia M. Cohen | DEMOKRATIKO

Ang California ay dapat maging isang lugar kung saan ang lahat ay makakahanap ng magandang trabaho at abot-kayang pabahay. Para sa napakaraming taga-California, ang mga pangarap na ito ay mahirap maabot. Ang ating krisis sa paggawang abot-kaya ng mga bagay ay nagreresulta sa higit na kawalan ng tirahan at lumalalang hindi pagkakapantay-pantay. Kailangan natin ng mga lider na haharap sa mga problemang ito nang direkta. Inialay ko ang aking karera sa pagseserbisyo sa publiko, na nakatuon sa maayos na paggamit ng ating mga pampublikong dolyar para sa bawat isa sa atin. Bilang Tagapangulo ng Lupon ng Pagpapantay ng Estado, nagtatrabaho ako para magbigay ng kaluwagan sa buwis para sa mga taga-California na naghihirap mula sa pandemya, habang pinapanagot ang mga korporasyon sa pagbabayad ng kanilang patas na parte. Itinigil ko rin ang maaksayang paggasta at naglunsad ng Property Tax Modernization Initiative para matiyak na pinangangasiwaan ng estado ang mga buwis sa ari-arian nang mas mahusay at patas. Sa Lupon ng Mga Superbisor ng San Francisco, pinangunahan ko ang mga pagsisikap na alisin ang pondo ng pensiyon ng lungsod mula sa mga fossil fuel, pinangasiwaan ang pagpapatibay ng $11 bilyong badyet bilang Tagapangulo ng Komite ng Badyet at Pananalapi, at nakipaglaban para taasan ang minimum na sahod. Ang aming kampanya ay sinusuportahan ng mga lider at nagtatrabahong tao sa itaas at ibaba ng California, mula sa Tagakontrol ng Estado na si Betty Yee hanggang sa Mga Nars, Mga Guro, at NARAL Pro-Choice California. Kapag nahalal, isa ako sa mga unang nagtatrabahong ina ng estado na magsisilbi bilang CFO, isang mahalagang karanasan habang ang ating estado ay nahaharap sa mga kakulangan sa pangangalaga sa bata at labis na pang-negosyong pag-lilipat ng mga nagtatrabahong magulang. Hindi ako aatras sa malalaking laban, lalo na sa paglaban sa mga makasaysayang hindi pagkakapantay-pantay, mga pag-atake sa kalayaang pang-reproduktibo, at isang tumitinding krisis sa kawalan ng tirahan, nang tinitiyak na ang ating mga dolyar sa buwis ay isinasaalang-alang at pinakikinabangan ng lahat. www.MaliaCohen.us248 3rd Street, #437, Oakland, CA 94607Telepono: (415) 326-4510 | E-mail: [email protected] | maliacohen.us | Facebook: maliacohen Twitter: @mc4controller | Instagram: malia.cohen

32 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOTAGAKONTROL

INGAT-YAMAN

• Bilang bangkero ng estado, pinapamahalaan ang mga pamumuhunan ng estado, at pinangangasiwaan ang pagbebenta ng mga bono at tala ng estado.

• Manunungkulan sa maraming komisyon, karamihan ay nauugnay sa merkado ng mga bono.• Binabayaran ang mga pondo ng estado kapag ginastos ng Tagakontrol at iba pang mga ahensya ng estado.

Meghann Adams | KAPAYAPAAN AT KALAYAAN

Tapusin ang Kahirapan sa California! Pondohan ang mga paaralan, pabahay at pangangalagang pangkalusugan. Iboto ang Left Unity Slate.

2969 Mission Street, San Francisco, CA 94110Tel: (415) 821-6171 | E-mail: [email protected] | Adams4Treasurer.com

Jack M. Guerrero | REPUBLIKANO

Bumoto para sa pananagutan ng pamahalaan! Naghahatid si Jack Guerrero ng natatanging kumbinasyon ng karanasan sa pampubliko at pribadong sektor. Ang karanasan ni Jack bilang Alkalde, Miyembro ng Konseho, Sertipikadong Pampublikong Tagatuos, nakapagtapos ng ekonomiks sa Stanford, MBA sa Harvard, propesyunal na ingat-yaman, at tagapayo sa mga kumpanya ng Fortune 500—tinatatag siya bilang kandidatong may parehong karanasan sa pagiging Ingat-yaman at may rekord ng serbisyo sa publiko ng paglaban para sa mga nagbabayad ng buwis at mamamayang nagtatrabaho. Hindi natatakot si Jack na hamunin ang uri ng panlipunan. Bilang Alklalde ng kanyang pinaglakihang lungsod, nakipagtulungan si Jack sa Tagakontrol ng California para ilantad ang milyun-milyong dolyar na ginagastos nang labag sa batas at nasasayang. Bilang dating tagasuri ng pensiyon at guro ng istatistika sa unibersidad, nauunawaan ni Jack ang tindi ng pananagutan ng estado sa hindi napopondohang pensiyon na nasa humigit-kumulang $1 trilyon, na nagiging banta sa katatagan ng pinansyal ng estado! Ilalantad ni Jack ang hindi tamang pamamahala ng walang pakundangang mga politiko. Poprotektahan ni Jack ang mga ari-arian ng estado, aalisin ang pandaraya, at isusulong ang mga patakaran na ang mga mamamayan ang inuuna.

Tel: (323) 821-2670 | E-mail: [email protected] | jack4treasurer.com Facebook: Jack Guerrero CPA for California Treasurer | Twitter: @guerrero_cpa

Mga Pahayag ng Kandidato | 33

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATO

Fiona Ma | DEMOKRATIKO

Tatakbo ako para muling mahalal bilang Ingat-yaman ng Estado dahil ang pagbawi ng ekonomiya ng California ay nangangailangan ng isang napatunayang tagaresolba ng problema na may track record sa paggawa ng mga bagay-bagay. Patuloy akong lalaban para sa mga tao ng ating mahusay na estado sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga pabahay, mga paaralan, mga ospital, imprastraktura, mga unang rumeresponde, proteksyon sa kapaligiran, green energy at transportasyon. Sa aking unang termino, muli naming pinondohan ang mga bono ng estado para makatipid ang mga nagbabayad ng buwis ng higit sa $5 bilyon sa susunod na 20 taon. Pinuri ng mga mambabatas mula sa magkabilang partido ang aming pangangasiwa sa mga pondo ng COVID-19 na nakahadlang sa potensyal na panloloko at pang-aabuso sa daan-daang milyong dolyar. Noong nakaraang taon, nagproseso kami ng $3.2 trilyon sa mga transaksyon sa bangko at pinangasiwaan ang isang rekord na surplus ng badyet na $85 bilyon na napunta sa paggawa ng mga bagong trabaho sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga makabagong proyekto. Inaprubahan namin ang marami pang abot-kayang mga yunit ng pabahay kaysa dati sa kasaysayan ng aming estado at pinalaki ang ating programang unang pagkakataon sa pagbili ng bahay para sa mga pamilya at beterano. Nakatulong kami sa mas maraming taga-California na makaipon para sa mga programa sa kolehiyo/aprenticeship at pagreretiro. Ngayong taon, ilulunsad natin ang CalKIDS para tulungan ang ating mga anak na bumuti sa pamamagitan ng pagpaparami ng makaka-akseso sa mas mataas na edukasyon. Naging Sertipikadong Pampublikong Tagapagtuos ako simula noong 1992, at mayroong B.S. sa Pagtutuos, M.S. sa Pagbubuwis at MBA sa Pananalapi. Mayroon akong kaalaman at karanasan sa pananalapi para matiyak na ang California ay nananatiling isang pang-ekonomiyang powerhouse habang umuusad patungo sa isang mas sustenable at abot-kayang kinabukasan para sa lahat ng residente sa buong estado. Ipagpapatuloy ko ang pangangasiwa ng ating mga dolyar na buwis, matalinong pamumuhunan, at titiyaking makikipagtulungan ang pamahalaan sa pananagutan at katapatan. Ikararangal kong matanggap ang inyong boto. Salamat.

1032 Irving Street, #908, San Francisco, CA 94122E-mail: [email protected] | FionaMa.com | Facebook: CA.Fiona | Twitter: @FionaMa Instagram: fionamacpa

34 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOINGAT-YAMAN

PANGKALAHATANG ABUGADO

• Bilang punong opisyal ng batas ng estado, tinitiyak na naipapatupad ang mga batas ng estado at sinisiyasat ang mga mapanloko o ilegal na mga aktibidad.

• Namumuno sa Kagawaran ng Hustisya, na nagbibigay ng mga legal na serbisyo sa pamahalaan ng estado at kumakatawan sa estado sa mga sibil at kriminal na mga kaso sa hukuman.

• Binabantayan ang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas, kabilang ang mga abugado at mga siyerip ng distrito ng county.

Eric Early | REPUBLIKANO

Bilang abugado sa loob ng 30 taon na nagpapatakbo ng isang law firm na kilala sa buong bansa at kinilala bilang isa sa mga nangungunang abugado ng America, na lumaban at nanalo sa mga demanda para sa napakaraming mga taga-California, nakatanggap ng mga pangunahing pag-endorso, at hindi pa nakapagtrabaho sa pamahalaan, katangi-tangi akong kwalipikado na protektahan ang lahat ng mga taga-California mula sa isang bigong pamahalaan na ginawang Paraiso ng Mga Kriminal ang California. Isa akong asawa, ama, at anak ng isang Marino. Dapat nating gawing ligtas ang California para sa lahat ng mga mamamayan anuman ang kanilang lahi, mga paniniwala, at mga kulay. Bilang Pangkalahatang Abugado, isasa-una ko muna ang mga taong sumusunod sa batas, lalaban para itakda ang piyansa para ihinto ang mga “smash and grab” na mga sanggano sa paglaya, kikilos para itigil ang mapangahas na batas na pumapayag sa pagnanakaw ng $950 nang walang parusa, ihinto ang pagkakabakante ng ating mga bilangguan, susuportahan ang mga matatapang na lalaki at babae ng tagapagpatupad ng batas, alisin ang mga prosekusyon sa kamay ng mga balasubas na mga Abugado ng Distrito na mahilig sa mga kriminal, at ilipat ang mga walang tirahan sa mga pasilidad na may mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip at pagpapayo sa droga. Bilang kandidato ng America First, magpoprotekta ako laban sa lumalagong banta ng mga Sosyalista/Komunista, suportahan ang ating karapatan sa Second Amendment, at imbestigahan ang katiwalian sa pamahalaan at sa halalan. Poprotektahan ko ang mga magulang mula sa isang pamahalaang sumusubok na kontrolin kung paano natin pinapalaki ang ating mga anak at lalaban ako para ihinto ang mga paaralan mula sa: (1) mga araling pinaghihiwalay ang mga bata ayon sa lahi, (2) pagtuturo sa mga bata na magalit sa America; (3) pagtuturo ng mga sekswal na tahasang paksa sa mga batang-bata; at (4) pagpuwersa ng mga pang-eksperimentong bakuna sa mga bata. Kailangan nating maging matapang at hindi maging tama sa larangan ng pulitika. Kailangan natin ng pagbabago sa California. #VoteEarlyforEarly.P.O. Box 29028, Los Angeles, CA 90029Tel: (833) 374-2422 | E-mail: [email protected] | ericearlyforca.com Facebook: ericearlyforca | Twitter: @EricEarly_CA | Instagram: ericearly_

Anne Marie Schubert | WALANG KINAKATIGANG PARTIDO

Kailangan ng California ng tunay na tagausig para maging Pangkalahatang Abugado. Ako iyon. 30 taon na akong nagtatrabaho bilang Abugado ng Distrito, at inialay ko na ang buhay ko para panatilihing ligtas ang ating mga komunidad. Ang aking pagnanasa sa hustisya ang nagtulak sa akin para maging pambansang lider sa pagpapasimula ng inobatibong paggamit ng DNA sa paglutas ng mga krimen. Ganito ko pinamunuan ang aking opisina para matukoy at masakdal ang Golden State Killer. Ngayon gusto kong dalhin ang parehong pagnanasang ito para ihinto ang kaguluhan sa krimen at kawalan ng tirahan na nakakaapekto sa mga komunidad sa buo nating estado. Hindi ako isang politiko—binigay sa atin ng mga politiko ang kaguluhang ito—isa akong tagausig. Ibabalik ko ang pananagutan sa ating sistema ng hustisya sa krimen. Talamak ang krimen at paggamit ng droga sa populasyon ng walang tirahan, at bigo ang mga karerang politiko na ayusin ang krisis na ito. Dapat ay dinadamayan nating tiyakin na nabibigyan ang mga walang tirahan ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip at rehabilitasyon sa droga, subali't kailangan din nating magdemanda ng pananagutan sa sinumang gagawa ng krimen. Babaligtarin ko ang patakaran ng Opisina ng Pangkalahatang Abugado na sumusuporta sa maagang pagpapalabas ng mga marahas na kriminal ng mga mapoot na krimen, sekswal na krimen, pagtatrapiko ng tao, karahasan sa bahay, at krimen na nauugnay sa paggamit ng baril. Para sa mga dahilang ito, lubos akong sinusuportahan ng mga kalalakihan at kababaihan ng pagpapatupad ng batas bilang kanilang pinili para sa Pangkalahatang Abugado. Alam nila na walang pagod akong magtatrabaho para sa inyo upang Pahintuin ang Kaguluhan. Ikararangal kong matanggap ang inyong boto.1415 L Street, Suite 430, Sacramento, CA 95814E-mail: [email protected] | annemarieforag.com Facebook: SchubertforAttorneyGeneral | Twitter: @SchubertForAG | Instagram: @annemarieforag

Mga Pahayag ng Kandidato | 35

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATO

Nathan Hochman | REPUBLIKANO

Tingin mo ba ay mas ligtas ka ngayon kumpara sa nakalipas na 2, 4, 6, o 8 taon? Tumatakbo ako para sa Pangkalahatang Abugado ng California dahil naniniwala ako na ang sagot para sa lahat ng taga-California ay “Hindi.” Sa pamamagitan lamang ng bagong pamunuan na tayo'y makakaasa na lutasin ang pinakamahihirap na mga problema ng ating estado: pagtaas ng krimen na nagbabanta sa ating mga pamilya at komunidad, wala-sa-kontrol na kawalan ng tirahan, at epidemya sa fentanyl at droga na kumukuha ng higit pang buhay ng mga taga-California araw-araw. Mai-aabot ng aking pinagdaanan, karanasan, ang pagiging independente, at makatuwirang mga patakaran ang bagong pamunuan at mababalik ang kaligtasan bilang pangunahing karapatan sa bawat taga-California. Matapos akong magtapos sa Stanford Law School at sa pagiging-klerk mula sa isang pederal na hukom, sinimulan ko ang aking karera bilang isang pederal na tagausig—na nagdadala ng hustisya sa mga kriminal tulad ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan, mga nagtutulak ng narkotiko, marahas na mga miyembro ng gang, at mga nagpaparumi sa kapaligiran. Pagkatapos nito ay naglingkod ako bilang Katuwang na Pangkalahatang Abugado ng Departamento ng Hustisya ng United States, itinalaga ng Pangulo at nagkaisang nakumpirma ng Senado ng U.S. Sa pagsubaybay sa Dibisyon ng Buwis, pinangunahan ko ang isang team ng mahigit 350 abugado at matagumpay na nagdala ng mga kaso sa buong bansa. Sa California, patuloy akong nakipaglaban sa katiwalian bilang Pangulo ng Komisyon sa Etika ng Lungsod ng Los Angeles. Sa pribadong sektor, nagkaroon ako ng reputasyon bilang isa sa mga nangungunang abugado sa hustisya sa krimen ng bansa, na nagtatanggol sa mga karapatan sa saligang-batas ng mga indibidwal laban sa labis na pangangasiwa ng pamahalaan. Nagpapasalamat ako sa suporta ng dalawang-partidistang koalisyon ng mga tagausig, mga opisyal sa pagpapatupad ng batas, at nahalal na mga lider, kasama sina dating Abugado ng Distrito Jackie Lacey at Steve Cooley. Ikararangal kong matanggap ang inyong boto. Mangyaring makipag-ugnayan sa akin kung may mga tanong kayo sa:

E-mail: [email protected] | NathanHochman.com | Facebook: /NathanHochmanAG Twitter: @NathanHochmanAG | Instagram: @nathanhochmanforag

Rob Bonta | DEMOKRATIKO

Bilang inyong Pangkalahatang Abugado at punong opisyal ng pagpapatupad ng batas, Iumalaban ako para protektahan ang mga karapatan at kaligtasan ng lahat ng taga-California. Sa ilalim ng aking pamumuno, pinaigting ng Departamento ng Hustisya ang mga pinagsisikap para labanan ang krimen at maalis ang mga ilegal na baril sa mga lansangan. Uusigin ko ang mga taga-gawa ng mga ghost gun at aalisin ko ang mga baril sa kamay ng mga kriminal at nang-aabuso sa tahanan. Naglunsad ako ng mga bagong espesyal na team sa pag-iimbestiga para arestuhin ang mga nag-tatrapiko ng sex, at aalisin ko ang mga kriminal na street gang sa buong estado. Naghatol ako ng mga sintensya sa felony sa isa sa mga pinakamalaking organisadong retail theft bust sa kasaysayan ng California, at nakikipagtulungan ako sa mga lokal na ahensya sa pagpapatupad ng batas para mapataas ang pagpopondo ng mga programa sa papupulisya sa komunidad, pag-uusig ng mga mararahas na krimen at mga diskarte sa pag-iwas ng krimen tulad ng paggamot sa pagkakalulong at kalusugan ng pag-iisip. Nakikipaglaban ako sa hukuman para protektahan ang mga karapatan sa saligang batas ng mga taga-California. Nagmumuno ako ng isang pambansang koalisyon ng Mga Pangkalahatang Abugado para depensahan ang karapatan ng mga kababaihan na piliin at itaguyod ang Roe v. Wade. Naglunsad din ako ng una-sa-bansang pagsisikap para matiyak na ang bawat tao—anuman ang kanilang lahi o kita—ay patas na natatrato ayon sa batas. Sa aking tagubilin, naglunsad ang Departamento ng Hustisya ng mga pagsisikap upang panagutin ang mga malalaking nagdudumi ng kapaligiran at mga kumpanyang parmasista dahil sa paglabag sa batas ng California. Ikinararangal kong makuha ang suporta ng Planned Parenthood at mga nars, guro, bumbero, at tagapagtaguyod sa gun safety ng California. Itinuro sa akin ng aking mga magulang na ang pagtulong sa iba ang pinaka-mataas na udyok ng damdamin. Bilang inyong Pangkalahatang Abugado, ikinararangal kong maglingkod sa California at ikararangal ko ring makuha ang inyong boto. www.robbonta.comP.O. Box 6495, Alameda, CA 94501Tel: (213) 566-2494 | E-mail: [email protected] | RobBonta.com | Facebook: @RobBonta Twitter: @RobBonta | Instagram: @RobBonta

36 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOPANGKALAHATANG ABUGADO

Dan Kapelovitz | BERDE

Isa akong abugado sa kriminal na depensa at karapatan ng mga hayop. Bilang Pangkalahatang Abugado, lalaban ako para matapos ang maramihang-pagpapakulong, ireporma ang sistema ng hustisya sa krimen, panagutin ang mga corporate polluter, at agresibong ipatupad ang batas na ang layunin ay protektahan ang mga hayop, ang mga karapatan sa kapaligiran at karapatang sibil.

7119 W. Sunset Blvd., #999, West Hollywood, CA 90046Tel: (323) 839-6227 | E-mail: [email protected] | kapelovitz.com Twitter: @kapelovitz4ag

Mga Pahayag ng Kandidato | 37

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOPANGKALAHATANG ABUGADO

38 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOKOMISYONER NG INSURANCE

• Pinamumunuan ang Kagawaran ng Seguro, na nagpapatupad sa mga batas sa seguro ng California at naglalapat ng mga regulasyon upang maipatupad ang mga batas.

• Nagbibigay ng lisensya, kumokontrol, at nagsusuri sa mga kumpanya ng seguro.• Sinasagot ang mga tanong at mga reklamo ng publiko tungkol sa industriya ng seguro.

Marc Levine | DEMOKRATIKO

Humaharap ang California sa isang krisis sa merkado ng seguro na nakakasama sa mga tunay na tao. Handa akong gawin ang katungkulan ng Komisyoner ng Insurance kung ano ang nararapat na maging—isang makapangyarihang pwersa na nagpapanagot sa mga kumpanya sa seguro at nagpoprotekta sa mga mamimili. Sa aking dekada sa Lehislatura ng Estado, hindi ako natakot na kalabanin ang espesyal na interes ng mga negosyo—mula sa industriya ng seguro hanggang sa Big Oil, kumpanya sa pangangalagang pangkalusugan, big tech, at ang NRA—para protektahan ang ating mga komunidad, kapaligiran, at mamimili. Nag-alok ako ng mga seryosong solusyon para sa krisis sa seguro, tulad ng paggawa ng bagong awtoridad sa seguro para sa mga wildfire, na nakamodelo sa Awtoridad sa Lindol ng California, para mabawasan ang mga paggasta at gawing matatag ang merkado. Nag-akda ako ng lehislasyon para magarantiya ang seguro sa malalaking sunog sa mga may-ari ng bahay na itinayong mas-matibay ang kanilang mga bahay laban sa mga malalaking sunog, para hindi na matanggihan ng mga kumpanya ng seguro ang daan-daang mga taga-California. Titiyakin ng aking plano sa etika na kapag ako'y naging Komisyoner ng Insurance, makikipagtransaksyon ang mga kumpanya sa seguro at ang aking opisina sa kalinawan ng araw. Pipilitin ko na ang mga kumpanya sa seguro na maging malinaw tungkol sa kanilang kontribusyon sa pagbabago ng klima. Gagawa ako ng panukalang-batas ng mga karapatan para sa mga mamimili upang protektahan ang karapatan sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat. May epilepsy ang aking anak at may Parkinson’s ang aking ama, kaya personal sa akin ang pangangalagang pangkalusugan. Aking pinagmamalaki ang pag-endorso sa akin ng Kapisanan ng Mga Nars ng California. Kailangan natin ng panibagong pamamaraan: panagutin ang mga kumpanya ng seguro, walang salungatan ng interes, at ang pinakamatataas lamang na etikal na pamantayan. Ang mga ito ay napakahirap na mga isyu, subali't makakagawa ng tunay na pagkilos ang isang may dedikasyong Komisyonado ng Seguro upang magkaroon ng pagbabago araw-araw para sa mga taga-California. www.MarcLevine.org

20 Galli Drive, Suite A, Novato, CA 94949Tel: (415) 488-6051 | E-mail: [email protected] | marclevine.org | Facebook: marclevineca Twitter: @marclevine | Instagram: marclevine

Ricardo Lara | DEMOKRATIKO

Bilang inyong Komisyoner ng Insurance, pangunahin kong priyoridad ang pagprotekta sa mga mamimili. Maging ako'y tumitindig para sa mga nakaligtas sa malaking sunog o tumutulong sa mga taga-California na maibalik ang kanilang pera kapag labis na naningil ang mga kumpanya ng seguro sa panahon ng pandemya, naniniwala ako na kailangan ng mga mamimili ang isang taong papanig sa kanila. Kaya papapanagutin ko ang mga tagaseguro at titiyakin ko ang patas at mapag-kumpitensyang merkado para mapababa ang mga presyo. Personal na akong nakipag-kita sa libo-libong mga tao sa dose-dosenang county na naapektado ng mga malaking sunog para direktang mapakinggan ang mga nakaligtas. Bilang resulta, sumasagawa ako ng mga aksyon ng nakatataas para mag-atas ng mga diskwento sa seguro para sa mga mas ligtas na bahay at nag-isponsor ng pagbabatas upang mapahusay ang proseso para makatanggap ng mga benepisyo ang mga nakaligtas. Ang mga aksyon na ito ay napreserba ng seguro para sa higit na 3 milyong mga taga-California. Sa panahon ng kasagsagan ng pandemya, nagbabayad ang mga nagmamaneho sa California ng buong presyo ng seguro sa sasakyan kahit wala naman sila sa kalsada. Ito ang dahilan kung bakit ko dinirekta ang mga kumpanya ng seguro na magbigay ng kaluwagan sa premium, kung saan nakatipid ang mga nagmamaneho sa California ng mahigit $2 bilyon. Kinakampeon ko rin ang pag-aakseso para sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan—na nagtataguyod para sa panibago at inobatibong mga ideya tulad ng Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan ng Magulang para magbigyang-daan ang mga may polisa ng seguro na isama ang kanilang matatandang magulang sa kanilang mga plano sa kalusugan. Mananatili akong nasa inyong tabi, lalaban para sa mas patas na merkado ng seguro, titindig para sa mga nakaligtas sa mga natural na sakuna, at magbabalik ng pera sa inyong mga bulsa—kung saan ito nabibilang. Ikinararangal kong makuha ang suporta ng Mga Propesyonal na Bumbero ng California, tagapagtaguyod ng mga mamimili, mga nars, at mga guro. Ikararangal kong matanggap ang inyong boto. www.RicardoLara.com555 Capitol Mall, Suite 400, Sacramento, CA 95814Tel: (916) 442-2952 | E-mail: [email protected] | RicardoLara.com Facebook: RicardoLara4CA | Twitter: @RicardoLara4CA

Veronika Fimbres | BERDE

Nars. Black na Trans Woman. Nag-iisang nagbabayad sa pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan.

554 Monterey Blvd., #2, San Francisco, CA 94127-2418Tel: (415) 524-9880 | E-mail: [email protected] | Veronika4CA.com Twitter: @Veronika4CA

Nathalie Hrizi | KAPAYAPAAN AT KALAYAAN

Pangangalagang pangkalusugan para sa lahat! Alisin ang mga kumpanya ng seguro. Iboto ang Left Unity Slate.

2969 Mission Street, San Francisco, CA 94110Tel: (415) 821-6171 | E-mail: [email protected] | Hrizi4Commissioner.com

Mga Pahayag ng Kandidato | 39

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOKOMISYONER NG INSURANCE

Robert Howell | REPUBLIKANO

Ang pagboto kay Robert Howell ay nangangahulugan na mas maayos at mas abot-kayang rata ng seguro para sa mga taga-California. Ang pagboto kay Robert Howell ay maalis ang politika sa pagbabayad ng iyong kuwenta sa seguro na nagreresulta sa patas at pantay-pantay na pagtrato para sa lahat ng taga-California. Ipinangako niyang hindi siya tatanggap ng mga politikal na donasyon mula sa kumpanya ng seguro. Bilang inyong susunod na Komisyoner ng Insurance ng California, magsisilbi si Robert Howell bilang inyong personal na tagasubaybay na nagbabantay laban sa pagwawaldas, panloloko, at pang-aabuso sa pagtaas ng mga premium. Tumitindig si Robert Howell kasama Ninyo . . . Ang Mga Tao. Hindi siya isang ahente ng seguro, hindi siya isa pang madayang politiko na naghahanap ng mas mataas magpasweldo na katungkulan. Nag-aalala siya na umaalis ang daan-daang libung katao sa Golden State dahil sa mataas na halaga ng pamumuhay at dahil sa sira, ang hindi tumutugong burokrasya ng estado. Malalim ang kanyang pag-aalala tungkol sa libo-libong biktima ng malaking sunog, pati na rin sa mga milyon-milyong mga tao na ngayon ay hindi nakakakuha ng saklaw na seguro para sa sunog. Si Robert Howell ay personal na may-ari at nagpapatakbo ng isang kumpanya ng electronika sa Silicon Valley. Inempleyado niya ang dose-dosenang mabubuting tao, gumagawa ng napakagandang mga produktong yaring-America at may namumukod-tanging track-record sa kaligtasan. Naniniwala si Robert Howell sa mga tradisyonal na pagpapahalaga ng America: personal na kalayaan, pagsisikap at ang pagiging tapat sa ating Bansa. Bilang isang asawa, ama, at lolo, nauunawaan ni Robert Howell na binabayaran ninyo ang sarili ninyong daan, naglalaro ayon sa mga panuntunan, at mayroon rin kayong pinapahalagahang pamilya na dapat protektahin. Iluklok natin itong “Reagan Republican” na ito magtrabaho para sa lahat ng mga taga-California. Mangyaring iboto si Robert Howell para Komisyoner ng Insurance ng California.

Tel: (408) 596-9869 | E-mail: [email protected] | electroberthowell.com

Vinson Eugene Allen | DEMOKRATIKO

Minamahal na California, bilang African American na may-ari ng negosyo na nanalo ng World Humanitarian Award, nagpakain at nagsuri sa COVID ng libo-libong tao sa panahon ng pandemya, kasama ang maraming negosyo at agarang pangangalaga sa Southern California, ang pagtindig para sa integridad at pagiging patas ay nagiging bahagi na ng iyong karakter. Nagiging iyong kaibigan ang mga hamon. Nagiging iyong guro ang mga pagkabigo. Matagumpay akong nakagawa ng marka sa komunidad sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng seguro. Nauunawaan ko ang mga may seguro at ang mga kumpanya ng insurance. Isa akong tunay na lider sa California. Nagpatakbo na ako ng maraming negosyo sa loob ng higit 20 taon. Ang aking pinaka layunin, “Matulungan ang aking komunidad!” Ang pagbibigay ng lahat ng aking makakaya para makatulong na magtagumpay ang iba ang aking epekto sa komunidad. Layunin ko para sa Katungkulan ng Komisyoner ng Seguro na maging boses para sa mga tao. Lilimitahan ko ang puwang sa pagitan ng mga hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga saklaw at benepisyo. Personal kong tutugunan ang mga isyu ng mamimili at makikipagtulungan sa mga carrier ng seguro para sa patas na solusyon sa mga hindi pinagkakaunawaan. Hayaan ninyong magsalita para sa akin ang aking trabaho. Sama-sama tayo sa pandemyang ito. Taos-puso, Dr. Vinson Eugene Allen

701 East 28th Street, Suite 401, Long Beach, CA 90806Tel: (310) 386-6404 | E-mail: [email protected] | electDrAllen2022.com Facebook: Elect Dr. Allen for Insurance Commissioner 2022 | Twitter: @drallenLA Instagram: drallenLA | Iba pa: LinkedIn: Dr. Eugene Allen

40 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOKOMISYONER NG INSURANCE

Jasper “Jay” Jackson | DEMOKRATIKO

Kapag nahalal ako bilang inyong Komisyoner ng Insurance, layunin kong maghatid ng de-kalidad, malinaw, at mabilis na serbisyo sa mga tao ng California. Ipinapangako kong subaybayan ang Departamento sa propesyonal pero sensitibong paraan. Ipinapangako kong isasagawa ang paglilisensya, regulasyon, at pagsusulit ng mga kumpanya ng seguro nang walang kinikilingan. Ipinapangako kong magsagawa ng mga naaaksesong paghaharap sa publiko para madulutan ng edukasyon ang mga mamimili tungkol sa kanilang mga karapatan, habang bumubuo din ng mga inobatibo at naaangkop na network na idinisenyo para magpanatili ng tuloy-tuloy na daloy ng impormasyon sa pagitan ng departamento at kumpanya ng seguro na sinusubaybayan nito. Panghuli, magpapatupad ako ng mga batas ng estado hinggil sa seguro—na magtitiyak na isasapriyoridad ang mga pangangailangan ng mga tao. Salamat sa inyong suporta, Jasper J. Jackson

1930 Wilshire Blvd., Suite 1004, Los Angeles, CA 90057Tel: (213) 273-3391 | E-mail: [email protected]

Mga Pahayag ng Kandidato | 41

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOKOMISYONER NG INSURANCE

42 | Lupon ng Pagpapantay ng Mga Distrito

LUPON NG PAGPAPANTAY NG MGA DISTRITO NG CALIFORNIA

Distrito 1Distrito 2Distrito 3Distrito 4

DelNorte

SiskiyouModoc

HumboldtTrinity

ShastaLassen

Mendocino

Plumas

ButteGlennNevada

Placer

Sutte

r

SonomaNapa

Colusa

AlpineEl Dorado

Sacram

ento

Lake

SolanoMarin

ContraCosta

SanJoaquin

Alameda

Amador

Calavera

s

San Francisco

San Mateo

Santa Cruz

Tuolumne

Merced

Mariposa

Madera

Stanisla

us

Fresno

Monterey

Mono

Tulare

Inyo

Kings

Kern

San Bernardino

Santa Barbara

Ventura Los Angeles

Riverside

San Diego Imperial

Orange

Sierra

Tehama

Yuba

Yolo

SantaClara

SanBenito

San LuisObispo

Mga County sa Bawat Lupon ng Pagpapantay ng Distrito

Distrito 1Alpine, Amador, Butte, Calaveras, Colusa, El Dorado, Fresno, Glenn, Inyo, Kern, Kings, Lassen, Madera, Mariposa, Merced, Modoc, Mono, Nevada, Placer, Plumas, Sacramento, San Bernardino, San Joaquin, Shasta, Sierra, Siskiyou, Solano, Stanislaus, Sutter, Tehama, Tulare, Tuolumne, Yolo, Yuba

Distrito 2Alameda, Contra Costa, Del Norte, Humboldt, Lake, Marin, Mendocino, Monterey, Napa, San Benito, San Francisco, San Luis Obispo, San Mateo, Santa Barbara, Santa Clara, Santa Cruz, Sonoma, Trinity, Ventura

Distrito 3Los Angeles

Distrito 4 Imperial, Orange, Riverside, San Bernardino,

San Diego

Mga Pahayag ng Kandidato | 43

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

Naglilingkod sa Lupon ng Pagpapantay, ang inihalal na komisyon sa buwis ng estado, na:• Nagtatasa sa ari-arian ng mga kinokontrol na mga railroad at partikular na pampublikong utilidad, at nagtatasa at

nangongolekta sa buwis sa kotse sa pagdaan sa pribadong railroad.• Pinapamahalaan ang mga gawain sa pagtatasa ng 58 tagatasa ng county ng estado.• Nagtatasa at nangongolekta sa buwis ng inuming alak, at kasamang namamahala sa buwis sa mga taga-seguro.

DISTRITO 1

Walang Isinumiteng

Larawan

Nader Shahatit | DEMOKRATIKO

Kumplikado ang mga buwis. Kailangan natin ng lupon ng mga propesyonal sa buwis, hindi mga politiko para sa karera. Inaarmasan natin ang mga buwis para parusahan ang inobasyon; sa halip na bigyan ng insentiba ang mga negosyo para lumago. Asahan ninyo ako para itaguyod ang proposisyon 13. Bilang Tagapayo sa Buwis sa loob ng lampas tatlong dekadang karanasan, buong paggalang kong tinatanggap ang oportunidad na makuha ang inyong boto, anuman ang inyong kagustuhang politikal.

28793 Beattie St., Highland, CA 92346Tel: (909) 936-0515 | E-mail: [email protected] | shahatit4BOE2022.com

Jose S. Altamirano | DEMOKRATIKO

Buong pagpapakumbaba kong hinihiling ang inyong boto para katawanin kayo sa Lupon ng Pagpapantay. Sa loob ng halos 32 taon, nagtrabaho ako sa Pondo sa Pagbabayad ng Seguro ng Estado ng California (California State Compensation Insurance Fund), tumutulong sa mga may-ari ng patakaran sa kanilang mga pangangailangan sa seguro sa bayad ng manggagawa, una bilang Underwriting Manager, at pagkatapos ay Assistant Program Manager, Interim VP ng Customer Service Center, at pinakamakailan bilang Business Services Operations Manager. Bawat isa sa mga tungkuling iyon tinuruan ako sa espesyal na uri ng serbisyo-publiko at tiwala sa publiko kapag nauugnay ang mga pera ng mga nagbabayad ng buwis. Naging bahagi ako ng aking komunidad bilang Komisyonado ng Lungsod ng West Sacramento, bilang Tagapangasiwa ng Lupon ng Tagapayo sa Kalusugan ng Komunidad ng UC Davis at bilang isang Miyembro ng Lupon ng Sacramento Cottage Housing Inc., isang non-profit na tumutulong sa mga indibidwal at pamilya na magtransisyon mula sa kawalan ng tirahan patungo sa tuluyang pagsa-sarili. Naging kamangha-manghang paglalakbay ang aking edukasyon. Ipinagmamalaki kong maging produkto ng Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng L.A. Noong 1994, lumipat ako sa Northern California kung saan natapos ko ang AA/AS mula sa Sierra College, ang aking B.S. in Applied Economics mula sa Unibersidad ng San Francisco, at ang aking MBA sa Finance mula sa Drexel University. Natutunan ko sa aking pamilya at sa aking buhay ang personal na kodigo ng mga etika na nakabatay sa mga katangian ng pagiging patas, pantay-pantay, at inklusibo. Bilang unang Hispaniko na naglingkod sa Ika-1 Distrito, handa akong dalhin ang kaparehong pangako at dedikasyon sa paglilingkod sa lahat ng nagbabayad ng buwis. Muli kong hinihingi ang inyong suporta at ang inyong boto para kay Jose Altamirano, Lupon ng Pagpapantay, Ika-1 Distrito.P.O. Box 981266, West Sacramento, CA 95798-1266Tel: (916) 295-4810 | Twitter: @altamiranoJSA | Instagram: altamirano4BOE

44 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

DISTRITO 1

Braden Murphy | DEMOKRATIKO

Ipinagmamalaki kong isa akong middle-class na asawa at ama sa apat na anak. Bagama't nagbibigay ang mga buwis sa ari-arian ng mahalagang pondo sa pamahalaan, lubos na tinatamaan ng sistema ng buwis sa ari-arian ang middle-class at pinipigilan ang mga tao sa pagmamay-ari ng bahay. Naniniwala akong panahon na para pagbayarin ang malalaking korporasyon ang kanilang patas na bahagi at ibalik ang pagiging patas sa sistema ng buwis sa ari-arian sa California. Pakiusap na iboto ninyo ako nang maipaglaban ko kayo.

E-mail: [email protected] | Bradenforboe.com

DISTRITO 2

Sally J. Lieber | DEMOKRATIKO

Ako si Sally Lieber. Isa akong walang korporasyong kandidato na tumatakbo para tumindig para sa inyo sa Lupon ng Pagpapantay. Sinusubaybayan ng Lupon ang mga buwis sa ari-arian at iba pang kita para sa ating Estado. Madalas isa itong lugar kung saan nalulunod ng mga interes na malaking pera ang mga tinig ng mga karaniwang mga taga-California. Hindi dapat ganoon. Makikipaglaban ako para matiyak na naririnig ang mga tao araw-araw; na patas ang sistema ng ating buwis at pantay-pantay para sa mga may-ari ng bahay, mga nangungupahan, mga taong may kapansanan, maliit na negosyo, at mga community of color; na binabayaran ng mga utility at iba pang interes na malaking pera ang kanilang patas na bahagi; at kumikilos ang bawat ahensya ng estado para labanan ang pagbabago ng klima. Ipinapakita ng aking mga nakamit sa katungkulan sa publiko na mahalaga sa akin ang mga tao. Sa Asembleya ng Estado ng California, nag-akda ako ng batas na nagtaas ng minimum na sahod, gumawa ng bagong mga proteksyon sa kalikasan, at gumawa ng higit pa sa makukuhang pagugol para sa mga iskolar sa CalGrant sa mga karapat-dapat na mag-aaral sa kolehiyo. Bilang Miyembro ng Konseho at Alkalde ng Lungsod ng Mountain View, tumulong ako sa pagtayo ng abot-kayang pabahay para sa mga guro; pinigilan ang Big Tobacco sa pag-advertise malapit sa mga paaralan; nagbukas ng bagong childcare at serbisyo para sa nakakatanda para sa mga manggagawang pamilya; at nagsikap para matiyak ang mga karapatan ng kabataan sa mga bahay ampunan. Ako lamang ang tanging kandidato sa eleksyong ito na mayroong balanseng badyet at ang nagtanggal ng mga hindi kinakailangang paggasta sa antas ng estado at lokal na pamahalaan. Ipinagmamalaki ko na ang aking trabaho sa Lehislatura ng Estado ay nagkaroon ng 100% pambuong buhay na pagsusuri mula sa Sierra Club, Samahan ng Mga Botante sa Konserbasyon ng California (California League of Conservation Voters), Kongreso ng mga Senior ng California (Congress of California Seniors), Pederasyon ng Mga Mamimili ng California (Consumer Federation of California), Equality California, at Planned Parenthood. Ngun't ang alam kong pinakamahalagang tatak ng pag-aapruba ay nagmumula sa inyo. Buong paggalang kong hinihingi ang inyong boto.

P.O. Box 9980, San Jose, CA 95157Tel: (408) 591-5340 | E-mail: [email protected] | votesally.org

Peter Coe Verbica | REPUBLIKANO

Si Peter Coe Verbica ay isang ikalimang henerasyong taga-California, na nalaman ang kahalagahan ng matipunong etika sa trabaho sa kanyang paglaki sa isang bakahan. Nahubog sa negosyo, real estate, batas, at bilang isang Certified Financial Planner®, dinadala niya ang kanyang malawak na propesyonal na karanasan sa Lupon ng Pagpapantay, na nagsusubaybay sa 58 tagatasa ng county na tumitimbang ng halaga at nagbubuwis ng ari-arian sa buong California. Sa kasalukuyan ay naglilingkod siya bilang Managing Director sa Silicon Private Wealth and Viant Capital. Nauunawaan ni Peter na ibig ng mga taga-California ang mga trabahong mataas ang sweldo, ligtas na kapitbahayan, pabahay sa mga guro at mga first-responder, at mataas na kalidad na paaralan. Bilang isang boluntaryo, aktibong sinuportahan ni Peter ang mga paaralan, kalalakihan at kababaihan sa serbisyo ng military, ballet para sa kabataan, ang symphony, kulturang Asian-American, at Mga Parke ng Estado ng California, kasama ang Henry Coe State Park, na ipinangalan sa kanyang lolo sa tuhod. Bilang ama ng apat na anak na babae, kung saan nagsilbi sa US Navy ang panganay, naniniwala si Peter sa serbisyo sa kapwa Komunidad at Bansa. Dati siyang Tagapamahala ng Komite sa Pangangalaga sa Military (Military Care Committee), na nagbigay ng daan-daang pakete ng pangangalaga sa mga US sailor at mga Marino. Nagtapos siya sa Bellarmine, Santa Clara University, at MIT. Nailathala na ang mga akda niya sa mahigit 40 anthology. Bilang dating Pangulo ng Kongreso ng Mga Republikano ng California (California Congress of Republicans), bahagi si Peter Coe Verbica ng bago at inklusibong CAGOP—na pinamumunuan ng Latina na si Jessica Patterson. Miyembro siya ng Saint Francis Episcopal Church. Naniniwala si Peter sa malinaw, mabisa, at patas na pamamaaraan sa pamamahala at magdadala siya ng sariwang perspektiba sa 143 taong gulang na katungkulang ito. Para sa karagdagan pang impormasyon pumunta sa www.peterverbica.com.

160 Lakeview Dr., Felton, CA 95018Tel: (408) 832-3030 | E-mail: [email protected] | peterverbica.comFacebook: Peter Coe Verbica Lupon ng Pagpapantay, Distrito 2, 2022

Mga Pahayag ng Kandidato | 45

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

46 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

DISTRITO 2

Michela Alioto-Pier | DEMOKRATIKO

Ako si Michela Alioto-Pier at buong galang kong hinihiling na katawanin kayo sa Lupon ng Pagpapantay. Ako ay may-ari ng isang maliit na negosyo, tagapagtaguyod ng mga karapatan ng may kapansanan, at ina sa tatlo kong anak. Gusto kong tulungan ang mga taga-California na makabangon mula sa COVID-19 at matiyak ang matibay na pundasyon sa pananalapi para sa ating kinabukasan. Mula ako sa isang pamilya ng mga imigrante na nagtrabaho sa baybayin ng San Francisco at hanggang sa baybayin ng Northern California. Ngayon, bilang isang nagtatanim ng ubas sa Napa Valley, nakita ko mismo ang mga epekto ng pandemya ng COVID-19 at ng mga sunog dala ng global-warming. Magsisikap ako para labanan ang mga ito at ang iba pang mga hamon sa kapaligiran ng California, ekonomiya at mga pamilya. Bilang dalawang terminong miyembro ng Lupon ng Mga Superbisor ng San Francisco (San Francisco Board of Supervisors) aking binigyan-diin ang paglago ng trabaho at pag-unlad ng ekonomiya. Itinatag ko ang Opisina sa Epekto sa Ekonomiya ng San Francisco (San Francisco’s Office of Economic Impact), binuo ang unang Plano sa Stimulus sa Ekonomiya ng Lungsod at inilunsad ang isang Programa sa Biotech na Pagbubukod sa Buwis sa Sweldo at Film Rebate, na gumawa lahat ng libo-libong bagong trabaho. Bilang Deputadong Tagapayo sa Domestikong Patakaran sa White House para kay Pangalawang Pangulong Al Gore, nagpayo ako tungkol sa mahahalagang pederal na inisyatiba sa teknolohiya, pagpaparami ng trabaho, edukasyon, kapaligiran at karapatan ng mga may kapansanan. Bilang inyong boses sa Lupon ng Pagpapantay, titiyakin ko na ang ating mga programa sa buwis sa ari-arian ay patas at pantay-pantay. Titiyakin ko na matatanggap ng Estado ng California ang mga kinakailangang kita para matugunan ang maraming hamon na ating haharapin sa kinabukasan, nang walang abala sa mga indibidwal, maliliit na negosyo, at mga pamilya. Sinusuportahan ng mga lider sa California tulad ni U.S. Senator Dianne Feinstein at Ingat-yaman ng Estado Fiona Ma ang aking kandidatura. Samahan kami!

150 Post Street, #405, San Francisco, CA 94108E-mail: [email protected] | michelaaliotopier.com

Mga Pahayag ng Kandidato | 47

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

DISTRITO 3

WALANG PAHAYAG NG KANDIDATO PARA SA LUPON NG PAGPAPANTAY

SA DISTRITO 3 ANG ISINUMITE

DISTRITO 4

Randell R. Economy | REPUBLIKANO

Lumalaban ako para gawing mas mabuti ang California buong buhay ko. Bilang investigative journalist, tumulong ako sa pagbubulgar ng pinakamalaking iskandalo ng katiwalian sa kasaysayan ng Los Angeles County, na humantong sa kriminal na pagkakasakdal sa apat na miyembro ng opisina ng Tagatasa na nagresulta sa pagkakatipid para sa mga nagbabayad ng buwis ng milyon-milyong dolyar. Tumindig ako laban kay Gobernador ng California Gavin Newsom noong naglingkod ako bilang Nakakataas na Tagapayo at Opisyal na Tagapagsalita para sa kamakailang kampanya sa pag-recall. Nagsagawa ako ng higit sa 2,500 panayam sa media na nagbubulgar ng kanyang mga malalang mga patakaran habang walang pagkukubli siyang kumakain sa isa sa mga pinakamahal na restawran sa planeta. Lubos kong pinapahalagahan ang ating estado at bilang inyong kinatawan sa Lupon ng Pagpapantay magsisikap ako para unahin ang kapakanan ng mga nagbabayad ng buwis ng California. Nauubos lang ang mga badyet ng pamilya dahil sa hyperinflation. Sinira na ng mga radikal na politiko ang California Dream. Hihinto na ito ngayon. Sinusuportahan ko ang mga lokal na negosyo. Sinusuportahan ko ang Pagtulong sa Pandemya para sa mga negosyong nasira ng Mga Politikal na Lockdown. Ipinanganak ako sa Hawthorne, California noong 1960 sa isang ospital ng komunidad na tinatawag na Holly Park. Apo rin ako ng isang kamanghamanghang Greek na imigrante na nagpunta sa Amerika noong 1900 para “Isakatuparan ang American Dream.” Ang buhay ko ay isang malawak na pagsasanay hanggang sa puntong ito, at handa na ako ngayon na gawing mas may pananagutan ang pamahalaan ng California sa lahat ng tao. Samahan ako, at oo, tunay na tungkol sa ekonomiya ang kampanyang ito! Randy Economy www.Economy4BOE.com

69766 Via Del Norte, Cathedral City, CA 92234Tel: (562) 743-0882 | E-mail: [email protected] | Economy4BOE.com Twitter: @EconomyRadio

Mike Schaefer | DEMOKRATIKO

Ako si Mike Schaefer, “The Equalizer.” Ipinagmamalaki kong maglingkod bilang inyong Inihalal na Nagbabayad ng Buwis Tagapagtaguyod at Pangalawang Tagapangasiwa ng Lupon ng Pagpapantay ng Estado ng California. Ang 10 milyon sa inyo, sa aking mga nasasakupan, sa mga county ng San Diego, Orange, Riverside, Imperial, at San Bernardino, ang umaasa sa akin na paglingkuran kayo bilang tagapagsubaybay na piskal ng estado gamit ang aking mga responsibilidad sa pagsubaybay para sa ating $77 bilyon na sistema sa buwis sa ari-arian, na nagpopondo ng mga paaralan at serbisyo ng lokal na pamahalaang inaasahan ninyo. Nang inihalal ninyo ako noong 2019, ako ang naging pinakamatandang baguhang opisyal ng saligang-batas sa kasaysayan ng estado. Noong tumama ang pandemya, nakipagtulungan ako kay Gobernador Newsom para pasimulan ang isang Kautusan ng Tagapagpaganap na tumulong sa maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagpapahinto sa mga deadline sa multa para sa mga property tax statement na tumulong sa mga negosyong makaagapay sa mahirap na mga panahong ito. Nakitulong ako sa pamumuno ng 50-kataong pambuong estadong COVID-19 Task Force na gumawa ng mga inobatibong solusyon sa buwis para protektahan ang Prop 13, mga beterano, mga indibidwal, mga pamilya, at mga nakakatanda. Karanasan at Edukasyon: Degree sa Pagnenegosyo mula sa UC Berkeley at law degree mula sa Georgetown University. Imbestigador at Manunuri sa Pananalapi para sa Komisyon ng Mga Seguridad at Palitan ng U.S. (U.S. Securities and Exchange Commission) sa Washington, D.C. Nagsimula ang aking legal na karera sa opisina ng Abugado ng Lungsod ng San Diego, bago pumasok sa pribadong pangangatawan at naging tagapagtaguyod ng patas at pantay-pantay na batas sa halalan. Inendorso nina State Controller Betty Yee, State Treasurer Fiona Ma, at ng Demokratikong Partido ng California, ang aking muling pagkakahalal. Karangalan kong makuha ang inyong boto at patuloy ang pakikipaglaban para sa hustisya sa buwis at pagkakapantay-pantay na pumoprotekta sa inyong pinaghirapang dolyar ng buwis. Bisitahin ang www.MikeFightsForUs.comTel: (858) 264-6711 | E-mail: [email protected] | MikeFightsForUs.com Facebook: BoEMemberSchaefer

48 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

Matthew Harper | REPUBLIKANO

Ako si Matthew Harper, at tumatakbo ako sa Lupon ng Pagpapantay ng California. Nilagdaan ko ang Pangako na Protektahan ang Proposisyon 13. Nilagdaan ko ang Pangako na Tutulan ang Mga Pagpapataas ng Buwis. Di lamang na aking pinangakong ipaglaban ang Proposisyon 13 at tutulan ang mga pagtaas ng buwis, nguni't mayroon akong pirming rekord ng pagtupad sa mga pangakong ito bilang isang nahalal na opisyal. Nahalal ako upang maglingkod ng tatlong kumpletong termino sa Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng Huntington Beach. Pagkatapos nito ay nahalal ako upang manungkulan ng kumpletong termino sa Konseho ng Lungsod ng Huntington Beach, napiling Alkalde sa aking huling taon. Pagkatapos nito, nahalal ako para manungkulan ng dalawang kumpletong termino na kumakatawan sa baybaying Orange County sa Asembleya ng Estado ng California. Tuloy-tuloy akong nakakuha ng “A” na marka mula sa Kapisanan ng Mga Nagbabayad ng Buwis ni Howard Jarvis. Lumaki ako sa Huntington Beach at pumasok ako sa mga pampublikong paaralan. Ako at ang aking asawang si Elizabeth ay mga may-ari ng bahay sa Huntington Beach, at nagtapos kami sa Mataas na Paaralan ng Huntington Beach. Pagkatapos noon ay pumasok ako sa Unibersidad ng Southern California, kung saan nakakuha ako ng degree sa Pampubikong Patakaran at Pamamahala mula sa School of Public Administration. Tumatakbo ako dahil nasa akin ang edukasyon, karanasan, at mga kwalipikasyon para katawanin kayo nang mahusay. Naniniwala akong mahalagang maging etikal, kagalang-galang, at matapat. Tulad ninyo, patuloy akong nalulungkot sa pamahalaan ng ating estado. Kailangang mas maging mahusay ng Lupon ng Pagpapantay ng California para sa inyo, at ipinapangako kong gagawin itong mas mahusay. Hindi ko kailanman kakalimutan na Mga Tao ang dapat nasusunod. Bumoto para sa kandidatong inyong maaasahan nasiyang; lumagda sa Pangako upang Protektahan ang Proposisyon 13, lumagda sa Pangakong Tutulan ang Mga Pagpapataas ng Buwis, at patuloy na nakakuha ng “A” na marka mula sa Kapisanan ng Mga Nagbabayad ng Buwis ni Howard Jarvis. Pakimarkahan ang inyong balota ngayon at iboto si “Matthew Harper para sa Lupon ng Pagpapantay ng California.”P.O. Box 4472, Huntington Beach, CA 92605E-mail: [email protected] | VoteMatthewHarper.com

David B. Dodson | DEMOKRATIKO

Sa tatlumpung taon na karanasan sa Pagtatasa ng Buwis sa Ari-arian sa BOE at tagapamahala ng panrehiyong katungkulan ng Southern California, ako ang pinakakwalipikadong kandidato. Sinusubaybayan ng Lupon ang sistema ng Buwis sa Ari-arian ng California. Nakatuon akong gamitin ang aking karanasan sa espesyalisadong larangan na ito upang protektahan ang inyong mga karapatan, labanan ang mga pagkukulang, at lutasin ang mga hamon. Ihahatid ko ang kinakailangang pagkadalubhasa upang maayos ang mga pagbabago sa batas sa buwis. Ang tahanan ang isa sa mga iilan lamang na daan para makabuo ng yaman ang mga pamilya. Gagawa ako ng mga positibong pagbabago para tulungan ang mga taga-California. #USCG

P.O. Box 3804, Dana Point, CA 92629Tel: (949) 484-6435 | E-mail: [email protected] | DavidDodson4boe.org Facebook: DavidDodson4BOE/ | Twitter: Dodson4BOE | Instagram: dodson4boe/ Iba pa: LinkedIn: in/dodson4boe/

Mga Pahayag ng Kandidato | 49

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

DISTRITO 4

John F. Kelly | REPUBLIKANO

Minamahal na Botante, ang aking pagtuon sa inyo bilang disipulo ng sikat na tagapaglaban ng buwis na si Howard Jarvis, ng sikat na Proposisyon 13, ay ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan para patas at pantay-pantay na mapatupad ang orihinal na karta ng BOE. Ang BOE ay naging isang instrumento ng makakaliwa sa ating estado at nabahiran na ang layunin nito. Hindi kailanman umaayaw ang mga nagwawagi, at hindi kailanman nagwawagi ang mga umaayaw at dahil dito tatakbo ako ng ikatlong pagkakataon para sa BOE. Ako ay buong buhay na konserbatibong masugid. Dapat kayong nababahala sa mga karakter na Milquetoast na pakalat-kalat at nagsasabing mga tagapaglaban sila ng buwis. Ipinapangako kong maging tagapagtaguyod para sa inyo at gamitin ang katungkulang ito upang maghanap ng mga pagpapahusay sa paraan ng paglilingkod sa mga nagbabayad ng buwis. Bilang dating miyembro ng konseho, nauunawaan ko ang kahalagahan ng patas na pagtrato para sa mga tao at interes sa negosyo sa BOE. Ipinanalo ni Howard Jarvis ang krusadang ito para protektahan tayong lahat mula sa matinding pagbubuwis at pagpapasa ng Proposisyon 13. Ako lang ang tanging kandidato na sa loob ng halos apat na dekada ay nasa mga trensera bilang tagapagtaguyod na negosyanteng napapatawan ng iba't ibang obligasyon sa buwis na ipinapataw ng lehislatura ng estado. Lumaki ako sa aking sariling pagsisikap, na siyang testimonya sa aking pagpapalaki. Mababaon na sa limot ang Proposisyon 13 kung hindi mapoprotektahan ang mga retailer ng California. Buong puso kong pangako sa inyo na maging mapagtotoo, masipag, at matapat akong tagapaglingkod. Hindi ako karerang politiko. Hindi ito pansamantalang pag-hihinto tungo sa isa pang katungkulan. Salamat, John F. Kelly

325 South “C” Street, Tustin, CA, 92780Tel: (714) 510-6993 | E-mail: [email protected]

50 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOLUPON NG PAGPAPANTAY

DISTRITO 4

Mga Pahayag ng Kandidato | 51

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSUPERINTENDENTE NG PAMPUBLIKONG PAGTUTURO (DI-PARTIDISTANG KATUNGKULAN)

• Bilang puno ng mga pampublikong paaralan ng estado, nagbibigay ng tagubilin sa patakaran sa edukasyon sa mga lokal na distrito ng paaralan, at nakikipagtulungan sa komunidad ng edukasyon upang mapahusay ang pagganap sa akademiko.

• Pinamumunuan ang Kagawaran ng Edukasyon at nagpapatupad ng mga patakarang itinakda ng Lupon ng Edukasyon ng Estado.• Naglilingkod bilang isang ex-officio na miyembro ng mga namamahalang lupon ng sistema ng mas mataas na edukasyon

ng estado.

Tony K. ThurmondIkinararangal kong paglingkuran kayo bilang Superintendente ng Estado sa Pampublikong Pagtuturo sa loob ng halos apat na taon. Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, na marahil ang pinakamahirap na panahon ng ating mga buhay, pinangunahan ko ang mga pagsisikap para panatilihing bukas at ligtas ang mga paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay sa ating 1,000 distrito ng paaralan ng milyon-milyong unit ng mga computing device, personal na pamprotektang kagamitan (PPE), at paspasang COVID test. Sa ating pagsulong, pinapangunahan ko ang isang plano na kumuha ng 10,000 tagapayo sa kalusugan ng pag-iisip para tulungan ang ating mga mag-aaral na maghilom mula sa pagkagimbal na nauugnay sa pandemyang ito. Itataguyod ko ring kumuha, magpanatili, at magsuporta ng 15,000 guro para makahabol ang ating mga mag-aaral mula sa mga puwang sa pag-aaral na naranasan nila. Sa pamamagitan ng inyong suporta at isa pang apat na taon ng pag-serbisyo, kukumpletuhin ko ang aking kasalukuyang pagsisikap para magbigay ng pre-school para sa bawat 4 na taong gulang sa ating estado at pagkain para sa lahat para sa bawat nagugutom na mag-aaral sa ating mga pampublikong paaralan. Bukod pa rito, magsisikap ako para palawakin ang pagbabasa, imersyon sa dalawang wika, landas sa karera, at mga programa sa agham ng pagko-kompyuter, nang magtagumpay ang ating mga mag-aaral at makapaghanda sila para sa mga trabaho ng hinaharap. Ikakarangal kong makuha ang inyong boto at makapaglingkod muli bilang inyong Superintendente ng Estado sa Pampublikong Pagtuturo. Ikinakarangal kong maendorso ni Speaker Nancy Pelosi, Senador Alex Padilla, at ng mga Guro, mga Nars, at mga Bumbero ng California.P.O. Box 2145, Richmond, CA 94802Tel: (510) 859-3241 | E-mail: [email protected] | Tonythurmond.com Facebook: Tony.Thurmond | Twitter: @TonyThurmond | Instagram: @TonyThurmondSPI

Marco AmaralAng mga pampublikong paaralan ang pinakamahalagang institusyon sa isang demokrasya. Produkto ako ng mga pampublikong paaralan at nagtataguyod ako para sa kanila mula nung aking panahon sa University of California—Berkeley. Anak ako ng mga manggagawang imigrante mula sa Mexico. Bilang miyembro ng lupon ng paaralan, sa kasalukuyan Presidente ng Lupon ng Pinag-isang Distrito ng Paaralan ng South Bay, itinaguyod ko ang mas mga patas na sweldo sa distrito at ang mas malinaw na proseso ng pamamahala. Tumatakbo ako bilang Superintendente ng Estado para baguhin ang pampublikong edukasyon, dahil karapat-dapat para sa ating mga anak ang mas maganda. Kasama sa aking plataporma ang: 1) Pagbabayad sa mga guro ng California ang minimum na $70,000 kada taon at ang bawat klasipikadong empleyado ng minimum na $25 kada oras. 2) Ganap na pondohan ang mga paaralan para matugunan ang mga pang-akademya at pantaong pangangailangan ng bawat mag-aaral. 3) Pagiging libreng bayad sa mga pampublikong unibersidad at pagkansela ng utang na hiniram ng mag-aaral. 4) Pagtatapos ng pamantayang pagsusulit. 5) Pagpapapanagot ng mga politiko. Binibigo ng pampublikong edukasyon ang ating mga mag-aaral at komunidad, pero mayroon tayong 10 punto na platapormang dapat isaayos. Sobra na. Isa akong Independyente. Ako ay isang Guro. Ako ay Doctoral na Mag-aaral sa Edukasyon. Pananagutan ko ang aking mga mag-aaral at ang kanilang mga pamilya; sa aking mga katrabaho; sa mga pang-araw-araw na taong tulad ninyo at ng inyong pamilya. Hindi nakakayanan ng ating mga guro na tumira sa mga kapitbahayan kung saan sila nagtuturo. Ang ating mga pantulong na kawani,mga custodian, at mga nagmamaneho ng bus ay naninirahan mula tseke hanggang sa susunod na tseke. Oras nang ihinto ang paghahalal ng mga karerang politiko at mga milyonaryo para patakbuhin ang ating mga pampublikong paaralan. Sa ating pagsa-sama-sama, maibabalik natin ang publiko sa pampublikong edukasyon.1024 Imperial Beach Blvd., Imperial Beach, CA 91932Tel: (619) 410-1477 | E-mail: [email protected] | amaral4sup2022.com Facebook: Amaral4Sup2022 | Twitter: amaral4sup2022 | Instagram: amaral4sup2022

52 | Mga Pahayag ng Kandidato

Ang mga pahayag at opinyong inihahayag ng mga kandidato ay pansarili. Hindi sinuri ang mga pahayag para sa katumpakan, at hindi kinakatawan ng mga ito ang mga pananaw o opinyon ng opisina ng Kalihim ng Estado. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pahayag ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng sapalarang pagbunot. Isinumite at binayaran ng kandidato ang bawat pahayag. Puwedeng madiskwalipika mula sa paglabas sa balota ang isang kandidatong hindi nagsumite ng pahayag.

MGA PAHAYAG NG KANDIDATOSUPERINTENDENTE NG PAMPUBLIKONG PAGTUTURO (DI-PARTIDISTANG KATUNGKULAN)

George YangBigyan ng Kakayahan ang Mga Magulang. Pasiglahin ang mga mag-aaral, tulungan ang bawat mag-aaral na malaman ang kanyang hilig. Panatilihing bukas ang mga paaralan; Bumuo ng kapaligirang tumatanggap ng mga bagong inobasyon. Isa akong magulang at enhinyero. yang2022.com

1312 Madera Ave., Menlo Park, CA 94025Tel: (408) 768-6891 | E-mail: [email protected] | yang2022.com

53

Mga Tip para sa Mga Botanteng Miyembro ng Militar at ang mga Nasa Ibang BansaMas madali na kaysa sa dati ang pakikibahagi sa mga halalan ng mga taga-California na naglilingkod sa militar o naninirahan sa labas ng Estados Unidos. Nagsisimula ito kapag nagparehistro kayo upang bumoto bilang isang botanteng miyembro ng militar o nasa ibang bansa at nakatanggap ng mga materyal ng halalan sa pamamagitan ng koreo, fax, o email.

• Magsimula nang maaga. Ang huling araw ng pagpapadala ng balota ng mga opisyal ng halalan ng county sa mga botante sa military at ang mga nasa ibang bansa ay 45 araw bago ang Araw ng Halalan. Maagang magsagot ng aplikasyon sa pagpaparehistro ng botante sa RegisterToVote.ca.gov upang matiyak na matatanggap ninyo ang inyong balota bago ang Araw ng Halalan.

• Alamin ang inyong mga opsyon. Kapag nagpaparehistro upang bumoto bilang botanteng miyembro ng militar o nasa ibang bansa, maaari ninyong piliing matanggap ang inyong balota sa pamamagitan ng koreo, fax, o email. Bukod pa rito, puwede ninyong bisitahin ang website ng mga opisyal sa halalan ng inyong county para sa impormasyon tungkol sa kung paano i-download ang inyong balota at mga materyal sa halalan. Maaari ninyong ibalik ang inyong namarkahang balota sa opisyal ng halalan sa inyong county sa pamamagitan ng koreo o, sa ilang partikular na pagkakataon, sa pamamagitan ng fax. Kung nakatutugon kayo sa mga kinakailangan upang makapagbalik ng inyong balota sa pamamagitan ng fax, dapat din ninyong ipadala sa fax ang form ng Panunumpa ng Botante (makukuha mula sa opisyal ng halalan sa inyong county) na nagsasantabi ng inyong karapatan sa kumpidensyal na balota.

• Manatili na makipag-ugnayan. Minsan nagparehistro kayo bilang botanteng miyembro ng militar o nasa ibang bansa, patuloy kayong makakatanggap ng balota at mga materyal sa halalan mula sa opisyal ng halalan sa inyong county bago ang bawat halalan. Gayunpaman, kakailanganin ninyong i-update ang inyong pagpaparehistro upang bumoto kung nagbago kayo ng inyong address, ng inyong pangalan, o ng inyong kinakatigang partidong pampulitika, o kung hindi kayo lumahok sa apat na magkakasunod na pangkalahatang halalan sa buong estado. Bisitahin ang sos.ca.gov/elections/voter-registration/military-overseas-voters/ para sa higit pang mga resource sa halalan na idinisenyo para sa inyo.

Mga petsang dapat tandaan:

Mayo 23: Huling araw para magparehistro ang mga botante sa militar o sa ibang bansa upang bumoto at humiling ng balota.

Mayo 31: Huling araw ng mga botante sa militar o ibang bansa upang i-update o baguhin kung paano nila gustong matanggap ang kanilang balota.

Hunyo 7: Araw ng Halalan. Ang mga ikinoreong balota ay dapat natatakan ng koreo sa o bago ang Araw ng Halalan at dapat matanggap ng inyong opisina sa halalan ng county bago ng Hunyo 14. Ang mga ifa-fax na balota ay dapat maipadala sa opisina sa halalan ng inyong county bago ng 8:00 p.m. Pacific Daylight Time sa Araw ng Halalan.

Para sa karagdagan pang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

Kalihim ng Estado ng California

(800) 339-2957

sos.ca.gov/elections/voter- registration/military-overseas-voters/

Pederal na Programa ng Tulong sa Pagboto

(800) 438-VOTE (8683)

www.fvap.gov

54

Pagpaparehistro ng BotanteKung nakarehistro na kayo upang bumoto, hindi na ninyo kailangang muling magparehistro maliban kung magpapalit kayo ng inyong pangalan, address ng tirahan, address na pangkoreo, o kung gusto ninyong magpalit o pumili ng partidong pampulitika.

Maaari kayong magparehistro upang bumoto online sa registertovote.ca.gov o tumawag sa Kalihim ng Estadong walang bayad na Hotline ng Botante sa (800) 339-2957 upang mapadalhan kayo ng form.

Mahahanap ang mga form sa pagpaparehistro ng botante sa karamihan ng mga tanggapan ng koreo, aklatan, opisina ng pamahalaan ng lungsod at county, opisina ng halalan sa county, at sa opisina ng Kalihim ng Estado ng California

May-kondisyong Pagpaparehistro ng Botante

Sa loob ng 14 na araw bago ang Araw ng Halalan at pati sa Araw ng Halalan, maaari kayong pumunta sa opisina ng opisyal ng halalan, sa sentro ng pagboto, o sa lugar ng botohan sa inyong county upang magparehistro nang may kondisyon para makaboto, at saka bumoto. Upang matuto pa, bisitahin ang sos.ca.gov/elections/voter-registration/same-day-reg.

Impormasyon Ukol sa Pagiging Pribado ng Pagpaparehistro ng Botante Programang Ligtas sa Tahanan (Safe at Home) na Kumpidensyal na Pagpaparehistro ng Botante: Ang ilang partikular na mga botanteng humaharap sa mga sitwasyong may banta sa kanilang buhay (i.e. mga biktima ng, at nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan, panunubaybay, sekswal na pag-atake, pagbebenta ng tao, abuso sa nakatatanda/dependiyenteng nasa hustong gulang) ay maaaring maging kuwalipikado na maging isang kumpidensyal na botante kung sila ay mga aktibong miyembro ng programang Ligtas sa Tahanan. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa walang bayad na programang Ligtas sa Tahanan ng Kalihim ng Estado sa (877) 322-5227 o bisitahin ang sos.ca.gov/registries/safe-home/.

Pagiging Pribado ng Impormasyon ng Botante: Ang impormasyon sa inyong apidabit ng pagpaparehistro ng botante ay gagamitin ng mga opisyal ng halalan upang magpadala sa inyo ng opisyal na impormasyon tungkol sa proseso ng pagboto, gaya ng inyong lugar ng botohan, at ng mga panukala at kandidatong makikita sa balota. Ang pangkomersiyong paggamit ng impormasyon sa pagpaparehistro ng botante ay ipinagbabawal ng batas at itinuturing na maliit na pagkakasala. Maaaring ibigay ang impormasyon ng botante sa isang kumakandidato para sa katungkulan, isang komite sa panukalang-batas ukol sa balota, o ibang tao para sa mga layuning nauugnay sa halalan, pag-aaral, pamamahayag, pulitika, o pamahalaan, alinsunod sa mapagpapasyahan ng Kalihim ng Estado. Ang mga numero ng lisensiya sa pagmamaneho at social security, o ang inyong lagda gaya ng ipinakikita sa kard ng pagpaparehistro ng botante, ay hindi maaaring ibigay para sa mga layuning ito. Kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa paggamit ng impormasyon ng botante o kung gusto ninyong mag-ulat ng pinaghihinalaang maling paggamit ng naturang impormasyon, pakitawagan ang walang bayad na Hotline ng Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957.

Tingnan ang Inyong Katayuan Bilang Botante OnlineBisitahin ang pahina na Aking Katayuan Bilang Botante ng Kalihim ng Estado sa voterstatus.sos.ca.gov, kung saan maaari ninyong tingnan ang inyong katayuan bilang botante, hanapin ang inyong lugar ng botohan o sentro ng pagboto, at marami pang iba.

Gamitin ang Aking Katayuan Bilang Botante upang:• Tingnan kung nakarehistro kayo upang bumoto at kung ganoon nga, sa anong county• Tingnan ang inyong kinakatigang partidong pampulitika• Hanapin ang iyong lugar ng botohan o sentro ng pagboto• Alamin ang mga nalalapit na halalan sa inyong lugar• Tanggapin ang inyong Patnubay na Impormasyon para sa Botante

(VIG)ng estado sa pamamagitan ng email bago ang bawat pambuong-estadong halalan

• Alamin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa inyong opisina ng halalan sa county• Tingnan ang katayuan ng inyong pagboto sa pamamagitan ng koreo o pansamantalang balota

Pumunta sa voterstatus.sos.ca.gov upang makapagsimula.

55

Bago sa pagboto? Magsimula sa 3 madaling mga hakbang!

1. Magparehistro!Magparehistro para bumoto bago ng Mayo 23, 2022. Puwede kayong magparehistro online sa registertovote.ca.gov o humiling na magpadala sa inyo ng form sa pagpaparehistro ng botante sa pamamagitan ng pagtawag sa toll-free na Hotline sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957. Puwede rin kayong kumuha ng form sa pagpaparehistro ng botante sa opisina sa halalan, lokal na post office, o aklatan ng inyong county.

Maaari kayong magparehistro “nang may kondisyon” at bumoto (karaniwang tinatawag na Parehong Araw na Pagpaparehisto ng Botante) sa opisina ng halalan sa inyong county o sa anumang lokasyon ng pagboto pagkatapos ng 15 araw na huling araw sa pagpaparehistro ng botante. Bisitahin ang vote.ca.gov o tingnan ang pahina 6 ng gabay na ito para sa karagdagan pang impormasyon.

Kwalipikado kayong magparehistro para bumoto at bumoto sa California kung kayo ay mamamayan ng U.S., 18 taong gulang pataas sa Araw ng Halalan, kasalukuyang hindi nakapiit sa bilangguan ng estado o pederal na pamahalaan dahil sa hatol sa isang felony, at kasalukuyang hindi tinutukoy ng hukuman na may problema sa pag-iisip para bumoto.

2. Manatiling may kaalaman!Bilang nakarehistrong botante makakatanggap kayo ng dalawang resource ng impormasyon sa koreo:

• Ang gabay na ito, na may impormasyon tungkol sa mga konstitusyonal na kandidato ng Senado ng U.S. at buong estado. Upang matanggap ang inyong gabay sa ibang wika, tumawag sa (800) 339-2957 o bisitahin ang voterguide.sos.ca.gov.

• Ang Gabay na Impormasyon ng Botante ng county, na may sampol ng balota, ang lokasyon ng inyong lugar ng botohan, at iba pang nakakatulong na impormasyon.

Makikita ang karagdagang impormasyon sa website ng Kalihim ng Estado sa vote.ca.gov.

Para sa impormasyon tungkol sa mga kontribusyon sa kampanya sa estado, bisitahin ang sos.ca.gov/campaign-lobbying.

3. Bumoto!Puwede kayong bumoto sa pamamagitan ng koreo o nang personal.

Sa pamamagitan ng koreo o kahon na hulugan: Ang bawat aktibo, nakarehistrong botante sa California ay papadalhan ng balota para sa Hunyo 7, 2022, Primaryang Halalan. Ang mga balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo ay dapat may tatak ng selyo sa o bago ang Araw ng Halalan at dapat matanggap bago ang 7 araw pagkatapos ng Araw ng Halalan. O kaya, maaari ninyong personal na dalhin ang inyong balota sa anumang lugar ng botohan o lokasyon ng paghulog ng balota sa California nang 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan.

Personal: Ang mga lugar ng pagboto ay itatalaga ng mga opisyal ng halalan ng county at magbubukas nang 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan, Martes, Hunyo 7, 2022. Para bumoto nang maaga bago ang Araw ng Halalan, makipag-ugnayan sa opisina sa halalan ng inyong county (tingnan ang pahina 59 ng gabay na ito para sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng county) o bisitahin ang caearlyvoting.sos.ca.gov.

Opsyon para sa mga botanteng may kapansanan: Ang mga county ay nag-aalok ng naa-akseso na opsyon sa pagboto na tinatawag na malayuang pagaakseso sa pagboto sa pamamagitan ng koreo (RAVBM). Nagbibigay-daan ang RAVBM sa mga botanteng may mga kapansanan na matanggap ang kanilang mga balota sa tahanan at mamarkahan ang mga ito nang hindi sila tinutulungan at nang pribado bago ipadala ang mga ito pabalik sa mga opisyal ng halalan.

56

BABALA: IPINAGBABAWAL ANG PANGANGAMPANYA!PWEDENG MAGRESULTA SA MGA MULTA AT/O PAGKAKAKULONG ANG MGA PAGLABAG.

SAAN:• Sa lugar malapit sa taong nakapila para bumoto sa kanyang balota o sa loob ng 100 talampakan mula sa pasukan ng

lugar ng botohan, curbside voting, o drop box, ang mga sumusunod na aktibidad ay ipinagbabawal.

ANO ANG MGA AKTIBIDAD NA IPINAGBABAWAL:• HUWAG utusan ang isang tao na iboto o hindi iboto ang sinumang kandidato o anumang panukala sa balota.

• HUWAG ipakita ang pangalan, larawan, o logo ng isang kandidato.

• HUWAG harangan ang daanan papunta sa o tumambay sa anumang drop box ng balota.

• HUWAG magbigay ng anumang materyales o naririnig na impormasyon na nasa panig ng o laban sa sinumang kandidato o anumang panukala sa balota malapit saan mang lugar ng botohan, vote center, o drop box ng balota.

• HUWAG magpakalat ng anumang petisyon, kabilang ang para sa mga inisyatiba, referendum, recall, o nominasyon ng kandidato.

• HUWAG mamahagi, magpakita, o magsuot ng anumang damit (mga sumbrero, damit, sign, butones, sticker) na may pangalan, larawan, logo ng isang kandidato, at/o suportahan o kalabanin ang sinumang kandidato o panukala sa balota.

• HUWAG magpakita ng impormasyon o kumausap ng botante tungkol sa pagiging kwalipikado ng botante na bumoto.

Ang mga pagbabawal sa pangangampanya na nakabuod sa itaas ay nakasaad sa Artikulo 7 ng Kabanata 4 ng Dibisyon 18 ng Elections Code ng California.

57

BABALA: IPINAGBABAWAL ANG PANDARAYA SA PROSESO NG BOTOHAN!PWEDENG MAGRESULTA SA MULTA AT/O PAGKAKAKULONG ANG MGA PAGLABAG.

ANO ANG MGA AKTIBIDAD NA IPINAGBABAWAL:• HUWAG gumawa o subukang gumawa ng panloloko sa halalan..

• HUWAG magbigay ng anumang uri ng bayad o suhol, sa anumang anyo o sa pamamagitan ng anumang paraan, para hikayatin o subukang hikayatin ang isang taong bumoto o hindi bumoto.

• HUWAG bumoto nang ilegal.

• HUWAG subukang bumoto o tumulong sa iba na bumoto kapag hindi siya kwalipikadong bumoto.

• HUWAG lumahok sa pangangampanya; kunan ng litrato o i-record ang isang botanteng papasok o palabas sa lugar ng botohan; o harangan ang pasukan, labasan, o paradahan.

• HUWAG pigilan ang karapatan ng isang tao na bumoto o pigilan ang mga botante na bumoto; iantala ang proseso ng botohan; o mapanlokong abisuhan ang sinumang tao na hindi siya kwalipikadong bumoto o hindi siya rehistradong bumoto.

• HUWAG subukang alamin kung bumoto ang isang botante sa kanyang balota.

• HUWAG magdala o sabihan ang isang tao na magdala ng baril sa lugar malapit sa lugar ng botohan na may ilang pagbubukod.

• HUWAG pumunta o sabihan ang isang tao na pumunta nang nakasuot ng uniporme ng peace officer, guwardiya, o security personnel sa lugar malapit sa lugar ng botohan na may ilang pagbubukod.

• HUWAG pakialaman o gambalain ang anumang bahagi ng sistema ng botohan.

• HUWAG i-forge, pekein, o pakialaman ang mga return sa isang halalan.

• HUWAG baguhin ang mga return sa isang halalan.

• HUWAG pakialaman, sirain, o baguhin ang anumang poll list, opisyal na balota, o lalagyan ng balota.

• HUWAG magpakita ng anumang hindi opisyal na lalagyan para sa koleksyon ng balota na posibleng manlinlang ng botante na maniwalang isa itong opisyal na kahon para sa koleksyon.

• HUWAG pakialaman ang kopya ng mga resulta ng mga pagboto.

• HUWAG manghikayat o manlinlang ng taong hindi kayang magbasa o nakatatanda na iboto o hindi iboto ang isang kandidato o panukala na kabaliktaran ng kanyang nilalayon.

• HUWAG kumilos bilang opisyal ng halalan kapag hindi ka ganoon.

HINDI pwedeng hilingin ng mga employer sa kanilang mga empleyado na dalhin ang kanilang balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa trabaho o hilingin sa kanilang empleyado na bumoto sa kanilang balota sa trabaho. Sa panahon ng pagpapasahod, hindi pwedeng magsama ang mga employer ng mga materyales na sumusubok na impluwensyahan ang mga opinyon o pagkilos sa pulitika ng kanilang empleyado.

HINDI pwedeng subukan ng mga miyembro ng lupon ng presinto na tukuyin kung paano bumoto ang isang botante sa kanyang balota o, kung matutuklasan ang impormasyong iyon, ihayag kung paano bumoto ang isang botante sa kanyang balota.

Ang mga pagbabawal sa aktibidad na nauugnay sa pandaraya sa proseso ng botohan na nakabuod sa itaas ay nakasaad sa Kabanata 6 ng Dibisyon 18 ng Elections Code ng California.

58

Mga Halalan sa CaliforniaIniaatas ng Batas sa Bukas na Primarya para sa Nangungunang Dalawang Kandidato na ilista ang lahat ng kandidato para sa isang iminumungkahi ng botante na katungkulan sa iisang balota. Kabilang sa mga iminumungkahi ng botante na katungkulan ang mga pambatasang katungkulan sa estado, katungkulan sa kongreso ng U.S., at katungkulan sa estado na naaayon sa saligang‑batas.

Sa magkaparehong bukas na primarya at pangkalahatang halalan, maaari ninyong iboto ang sinumang kandidato, anuman ang kinakatigang partido na tinukoy ninyo sa inyong form sa pagpaparehistro ng botante. Sa primaryang halalan, ang dalawang kandidatong nakatanggap ng pinakamaraming boto—maging anuman ang kinakatigang partido—ay magpapatuloy sa pangkalahatang halalan. Kung ang isang kandidato ay makakatanggap ng karamihan ng boto (hindi bababa sa 50 porsyento + 1), dapat pa ring magsagawa ng pangkalahatang halalan.

Hindi nalalapat ang sistema ng bukas na primarya ng California sa mga kandidatong tumatakbo para maging Presidente ng U.S., sentral na komite ng county, o mga lokal na katungkulan.

Ang mga isinusulat na kandidato para sa mga iminumungkahi ng botante na katungkulan ay maaari pa ring tumakbo sa primaryang halalan. Gayunpaman, makakapagpatuloy lang sa pangkalahatang halalan ang isang isinusulat na kandidato kung ang kandidato ay isa sa nangungunang dalawa na may pinakamaraming nakuhang boto sa primaryang halalan. Bukod pa rito, walang proseso ng independiyenteng nominasyon para sa isang pangkalahatang halalan.

Ina‑atas ng batas ng California na ilathala ang mga sumusunod na impormasyon sa patnubay na ito.

Mga Iminumungkahi ng Botante na KatungkulanWalang karapatan ang mga partidong pampulitika na pormal na magmungkahi ng mga kandidato para sa mga iminumungkahi ng botante na katungkulan sa primaryang halalan. Ang kandidatong iminungkahi para sa isang iminumungkahi ng botante na katungkulan sa primaryang halalan ang magiging nominado ng mga tao at hindi ang opisyal na nominado ng anumang partido sa pangkalahatang halalan. Dapat ihayag sa balota ng kandidato para sa nominasyon sa isang iminumungkahi ng botante na katungkulan ang kanyang kinakatigang kwalipikadong partido o ang kawalan niya ng kinakatigang kwalipikadong partido, ngunit ang kandidato lang ang pipili sa itatalagang kinakatigang partido, at ipapakita lang ito para sa impormasyon ng mga botante. Hindi ito nangangahulugan na ang kandidato ay iminumungkahi o inirerekomenda ng itinalagang partido, o na may ugnayan sa pagitan ng partido at kandidato, at hindi dapat ituring ang sinumang kandidatong iminungkahi ng mga botante bilang opisyal na iminumungkahing kandidato ng anumang partidong pampulitika. Sa patnubay na impormasyon sa botante ng county, maaaring ilista ng mga partido ang mga kandidato para sa mga iminumungkahi ng botante na katungkulan na nakatanggap ng opisyal na pag‑endorso ng partido.

Maaaring iboto ng sinumang botante ang kahit na sinong kandidato para sa isang iminumungkahi ng botante na katungkulan kung matutugunan ng naturang botante ang iba pang kinakailangang kwalipikasyon upang makaboto sa katungkulang iyon. Ang nangungunang dalawang makakatanggap ng pinakamaraming boto sa primaryang halalan ay magpapatuloy sa pangkalahatang halalan para sa iminumungkahi ng botante na katungkulan kahit iisa lang ang isinaad na itinalagang kinakatigang partido ng mga kandidatong ito. Walang karapatan ang anumang partido na patuluyin sa pangkalahatang halalan ang isang kandidato na nagtalaga ng kanilang partido bilang kinakatigang partido nito, maliban na lang kung ang kandidato ay isa sa dalawa sa mga may pinakamaraming boto sa primaryang halalan.

Mga Di‑partidistang KatungkulanWalang karapatan ang mga partidong pampulitika na mag‑mungkahi ng mga kandidato para sa mga di‑partidistang katungkulan sa primaryang halalan, at ang isang kandidato sa primaryang halalan ay hindi opisyal na nominado ng anumang partido para sa partikular na katungkulan sa pangkalahatang halalan. Hindi maaaring italaga ng isang kandidato para sa nominasyon sa isang di‑partidistang katungkulan ang kanyang kinakatigang partido, o ang kawalan niya ng kinakatigang partido, sa balota. Ang nangungunang dalawang may pinakamaraming boto sa primaryang halalan ay magpapatuloy sa pangkalahatang halalan para sa di‑partidistang katungkulan.

Mga Opisina ng mga Halalan sa County | 59

Mga Opisina ng mga Halalan sa CountyCounty ng Alameda(510) 272-6973www.acvote.org

County ng Alpine(530) 694-2281www.alpinecountyca.gov

County ng Amador(209) 223-6465www.amadorgov.org/government/elections

County ng Butte(530) 552-3400 o (800) 894-7761 (sa County ng Butte) www.buttevotes.net/35/Elections

County ng Calaveras(209) 754-6376 o (209) 754-6375elections.calaverasgov.us

County ng Colusa(530) 458-0500 o (877) 458-0501www.countyofcolusa.org/elections

County ng Contra Costa(925) 335-7800www.cocovote.us

County ng Del Norte(707) 465-0383 o (707) 464-7216www.co.del-norte.ca.us/departments/ clerk-recorder/elections

County ng El Dorado(530) 621-7480 o (800) 730-4322www.edcgov.us/Elections

County ng Fresno(559) 600-8683www.fresnovote.com

County ng Glenn(530) 934-6414www.countyofglenn.net/dept/elections/welcome

County ng Humboldt(707) 445-7481www.humboldtgov.org/Elections

County ng Imperial(442) 265-1060 o (442) 265-1074www.co.imperial.ca.us/regvoters

County ng Inyo(760) 878-0224https://elections.inyocounty.us

County ng Kern(661) 868-3590 o (800) 452-8683www.kernvote.com

County ng Kings(559) 852-4401www.votekingscounty.com

County ng Lake(707) 263-2372www.lakecountyca.gov/Government/Directory/ROV.htm

County ng Lassen(530) 251-8217www.lassencounty.org/dept/county-clerk-recorder/elections

County ng Los Angeles(800) 815-2666www.lavote.net

County ng Madera(559) 675-7720 o (800) 435-0509www.votemadera.com

County ng Marin(415) 473-6456www.marinvotes.org

County ng Mariposa(209) 966-2007www.mariposacounty.org/87/Elections

County ng Mendocino(707) 234-6819www.mendocinocounty.org/government/assessor-county-clerk-recorder-elections/elections

County ng Merced(209) 385-7541 o (800) 561-0619www.mercedelections.org

County ng Modoc(530) 233-6200www.co.modoc.ca.us/departments/elections

County ng Mono(760) 932-5537 o (760) 932-5530https://monocounty.ca.gov/elections

County ng Monterey(831) 796-1499 o (866) 887-9274www.montereycountyelections.us

County ng Napa(707) 253-4321www.countyofnapa.org/396/elections

County ng Nevada(530) 265-1298www.mynevadacounty.com/1847/Elections-Voting

County ng Orange(714) 567-7600www.ocvote.gov

County ng Placer(530) 886-5650 o (800) 824-8683www.placercountyelections.gov

County ng Plumas(530) 283-6256 o (844) 676-8683www.plumascounty.us/142/Elections-Division-Home

County ng Riverside(951) 486-7200www.voteinfo.net

County ng Sacramento(916) 875-6451www.elections.saccounty.gov

County ng San Benito(831) 636-4016http://sbcvote.us

County ng San Bernardino(909) 387-8300www.sbcountyelections.com

County ng San Diego(858) 565-5800 o (800) 696-0136www.sdvote.com

County ng San Francisco(415) 554-4375https://sfelections.sfgov.org

County ng San Joaquin(209) 468-8683www.sjcrov.org

County ng San Luis Obispo(805) 781-5228 o (805) 781-5080www.slovote.com

County ng San Mateo(650) 312-5222www.smcacre.org

County ng Santa Barbara(805) 568-2200 o (800) 722-8683www.sbcvote.com

County ng Santa Clara(408) 299-8683 o (866) 430-8683www.sccvote.org

County ng Santa Cruz(831) 454-2060www.votescount.us

County ng Shasta(530) 225-5730 o (888) 560-8683www.elections.co.shasta.ca.us

County ng Sierra(530) 289-3295www.sierracounty.ca.gov/214/Elections

County ng Siskiyou(530) 842-8084 o (888) 854-2000 ext. 8084www.sisqvotes.org

County ng Solano(707) 784-6675 o (888) 933-8683www.solanocounty.com/elections

County ng Sonoma(707) 565-6800 o (800) 750-8683http://vote.sonoma-county.org

County ng Stanislaus(209) 525-5200www.stanvote.com

County ng Sutter(530) 822-7122www.suttercounty.org/elections

County ng Tehama(530) 527-8190www.co.tehama.ca.us/gov-departments/elections

County ng Trinity(530) 623-1220www.trinitycounty.org/Elections

County ng Tulare(559) 624-7300http://tularecoelections.org/elections

County ng Tuolumne(209) 533-5570www.co.tuolumne.ca.us/elections

County ng Ventura(805) 654-2664www.venturavote.org

County ng Yolo(530) 666-8133 o (916) 375-6490www.yoloelections.org

County ng Yuba(530) 749-7855www.yubaelections.org

60

Pansamantalang PagbotoKung hindi nakasulat ang inyong pangalan sa listahan ng botante sa inyong lugar ng botohan o sentro ng pagboto, may karapatan kayong bumoto sa isang pansamantalang balota.

Ano ang isang pansamantalang balota?Ang pansamantalang balota ay isang regular na balotang inilalagay sa isang espesyal na sobre bago ilagay sa kahon ng balota.

Sino ang nagpapatala ng isang pansamantalang balota?Ang mga pansamantalang balota ay mga balotang ipinapatala ng mga botante na naniniwalang nakarehistro sila upang bumoto kahit na hindi nakasulat ang kanilang mga pangalan sa opisyal na listahan ng botante sa lugar ng botohan o sentro ng pagboto.

Maaaring kailanganin ng mga bumoboto na magpatala ng mga pansamantalang balota kung gusto ng botanteng bumoto nang personal sa lugar ng botohan o sentro ng pagboto, ngunit hindi nila natanggap ang kanilang balota o wala sa kanila ang balota nila.

Bibilangin ba ang aking pansamantalang balota?Bibilangin ang inyong pansamantalang balota kapag nakumpirma na ng mga opisyal ng halalan na nakarehistro kayo upang bumoto sa county na iyon at hindi pa kayo nakakaboto sa halalang iyon.

Maaari kayong bumoto sa isang pansamantalang balota sa alinmang lugar ng botohan o sentro ng pagboto sa county kung saan kayo nakarehistro upang bumoto, gayunpaman, ang mga pinaglalabanang halalan lang kung saan kayo kwalipikadong bumoto ang bibilangin.

Paano niyo malalaman ang katayuan ng inyong pansamantalang balota?

Ang bawat botanteng magpapatala ng pansamantalang balota ay may karapatang malaman mula sa opisyal ng halalan sa kanyang county kung binilang ang kanyang balota, at kung hindi, ang dahilan kung bakit hindi ito binilang.

Maaari niyong tingnan ang katayuan ng inyong pansamantalang balota sa voterstatus.sos.ca.gov.

61

Tulong sa Mga Botanteng May Mga KapansananNaninindigan ang California sa pagtiyak na makakapagtala ang bawat botante ng kanilang balota nang pribado at independiyente. Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa kung anong tulong ang iniaalok ng inyong county sa mga botanteng may mga kapansanan, pakitingnan ang Patnubay na Impormasyon sa Botante ng inyong county, o makipag-ugnayan sa opisyal sa halalan ng inyong county. Makikita ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng county sa sos.ca.gov/elections/voting-resources/county-elections-offices.

Pagboto sa Lugar ng Botohan o Sentro ng PagbotoKung kailangan ninyo ng tulong sa pagmamarka ng inyong balota, maaari kayong pumili ng hanggang dalawang tao upang tumulong sa inyo. Ang taong ito ay hindi maaaring maging:

• inyong employer o sinumang taong nagtatrabaho para sa inyong employer• ang lider ng inyong unyon ng paggawa o sinumang nagtatrabaho para sa inyong unyon ng

paggawa

Ang pagboto sa gilid ng daan ay magbibigay-daan sa inyong iparada ang inyong sasakyan nang malapit sa lugar ng botohan hangga't maaari. Dadalhan kayo ng mga opisyal ng halalan ng isang listahan na dapat ninyong lagdaan, isang balota at iba pang mga materyal sa pagboto na maaaring kailanganin ninyo, nasa gilid man kayo ng daan o nasa nakaparadang sasakyan. Makipag-ugnayan sa opisina ng halalan sa inyong county upang malaman kung maaaring bumoto sa gilid ng daan sa inyong lugar ng botohan o sentro ng pagboto. Ang lahat ng lugar ng botohan at sentro ng pagboto ay dapat na madaling mapuntahan ng mga botanteng may mga kapansanan at magkakaroon dito ng mga madaling magamit na aparato sa pagboto.

Pagboto sa TahananAng magagamit sa malayo na pagboto sa pamamagitan ng koreo (RAVBM) ay nagbibigay ng madaling opsyon para sa mga botanteng may mga kapansanan na matanggap ang kanilang mga balota sa tahanan at mamarkahan ang mga ito nang hindi sila tinutulungan at nang pribado bago ipadala ang mga ito pabalik sa mga opisyal ng halalan. Makipag-ugnayan sa inyong opisyal ng halalan sa county para sa karagdagang impormasyon.

Audio at Malaking Prenta na Mga Patnubay na Impormasyon sa BotanteMakukuha ang patnubay na ito sa mga bersyong audio at malaking prenta. Libre ding makakakuha ng patnubay sa English, Chinese, Hindi, Japanese, Khmer, Korean, Spanish, Tagalog, Thai, at Vietnamese.

Upang humiling:

Pumunta sa vote.ca.gov

Tumawag sa toll-free na Hotline para sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957

Mag-download ng audio na bersyong MP3 sa voterguide.sos.ca.gov/tl/audio

62

BUMOTO NANG LIGTAS Gamit ang Inyong Balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

Magsisimula ang mga opisina sa halalan ng pagpapadala ng mga balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo sa mga botante sa California bago ang Mayo 9, 2022. Ang mga balotang ibabalik sa pamamagitan ng koreo ay dapat malagyan ng tatak bago lumipas ang Hunyo 7, 2022; ang mga balotang ibabalik sa isang ligtas na kahong hulugan ng balota ay dapat mailagay bago mag-8:00 p.m. sa Hunyo 7, 2022.

Franklin County Elections Department 4321 Franklin Avenue Franklin, HN 99999-1234

RETURN SERVICE REQUESTED

OFFICIAL VOTE-BY-MAIL BALLOT MATERIAL

Valentina Q. Voter5678 Seventh Ave, Apt 9863 Franklin, HN 99999 –1278

Vote-by-mail Official ballot Pagboto sa pamamagitan ng Balota Opisyal na Balota

Ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay LIGTAS at MADALI.Pagkatapos markahan ang inyong mga napili sa balota:

Isara ito.Ipasok ang inyong balota sa loob ng sobre na mula sa opisina ng halalan sa inyong county.

Lagdaan ito.Tiyaking tumutugma ang lagda sa sobre ng inyong balota sa lagda sa inyong lisensiya sa pagmamaneho sa CA/ID sa estado, o ang ibinigay ninyo noong nagparehistro kayo. Paghahambingin ng opisina ng halalan sa inyong county ang mga ito upang maprotektahan ang inyong boto.

Ibalik ito.Sa pamamagitan ng koreo—Tiyaking malalagyan ng tatak ang inyong balota bago sumapit ang Hunyo 7, 2022. Hindi kinakailangan ng selyo!

OPersonal—Ihulog ang inyong balota sa ligtas na kahon na hulugan, lugar ng botohan, sentro ng pagboto, o opisina ng halalan sa county bago lumipas ang 8:00 p.m. sa Hunyo 7, 2022.

Subaybayan ito.Maaari kayong magpalista sa wheresmyballot.sos.ca.gov para sa mga alerto sa pamamagitan ng text (SMS), email, o voice call, tungkol sa katayuan ng inyong balota sa pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Magiging bukas ang mga lokasyon ng pagboto sa lahat ng county bago ang Araw ng Halalan. Mag-aalok ang mga lokasyon ng pagboto ng pagpaparehistro ng botante, mga pamalit na balota, madaling magamit na makina sa pagboto, at tulong sa wika.

63

MGA PETSANG DAPAT TANDAAN!

HUWAG KALIMUTANG BUMOTO!Bukas ang mga lugar ng botohan mula 7:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. sa Araw ng Halalan!

Mayo 9, 2022Magsisimula ang mga opisyal ng halalan ng county na magpadala ng mga balota sa pamamagitan ng koreo sa o bago ang petsang ito.

Mayo 10, 2022Pagbubukas ng mga ligtas na drop boxes ng balota para sa pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Mayo 23, 2022Huling araw ng pagpaparehistro upang makaboto. Maaari kayong magparehistro “nang may kondisyon” at bumoto sa opisina ng halalan o lokasyon ng pagboto sa inyong county pagkatapos ng huling araw sa pagpaparehistro ng botante, hanggang sa at pati na sa Araw ng Halalan.

Mayo 28, 2022Unang araw na magbubukas ang mga sentro ng pagboto sa mga county sa Batas sa Pagpili ng Botante.

Hunyo 7, 2022Araw ng Halalan!

MAYO

HUNYO

Lin Lun Mar Miy Huw Biy Sab

1 2 3 4 5 6 7

8 9 10 11 12 13 14

15 16 17 18 19 20 21

22 23 24 25 26 27 28

29 30 31

Lin Lun Mar Miy Huw Biy Sab

1 2 3 4

5 6 7 8 9 10 11

12 13 14 15 16 17 18

19 20 21 22 23 24 25

26 27 28 29 30

California Secretary of State Elections Division 1500 11th Street Sacramento, CA 95814

NONPROFITU.S. POSTAGE

PAIDCALIFORNIA SECRETARY

OF STATE

Primaryang Halalan Martes, Hunyo 7, 2022

vote.ca.gov

All California voters will receive a vote-by-mail ballot for the June 7, 2022, Primary Election. Learn more inside. English: (800) 345-VOTE (8683) TTY/TDD: (800) 833-8683

Todos los votantes de California recibirán una boleta electoral de votación por correo para las elecciones primarias del 7 de junio de 2022. Consulte más información en el interior.Español /Spanish: (800) 232-VOTA (8682)

所有加州選民都將收到郵寄的 2022 年 6 月 7 日初選選票。瞭解裡面的更多詳細資訊。中文中文 /Chinese: (800) 339-2857

कलिफोरनिया क सभी मतदाता 7 ज, 2022, पाथममक चाव क लिए डाक-दारा-मतदा मतपतर पापत करग। अदर और जाकारी पापत कर। हिनिदीहिनिदी /Hindi: (888) 345-2692

すべてのカリフォルニア州の有権者は、2022年6月7日の予備選挙の郵便による投票用紙を受け取ります。詳しくは中をご覧ください。 日本語日本語 /Japanese: (800) 339-2865

អនកបោះប ន តបៅរដឋ California ទាងអសនងទទលោនសនកប ន តបោះតាមសបតតសតរាបការបោះប ន តបឋមបៅថងៃទ 7 ខែម នា

ន 2022 ។ ខសវែងយលបខនថែមបៅខាងកនង ។ខែមែរខែមែរ /Khmer: (888) 345-4917

모든 캘리포니아 유권자는 2022년 6월 7일 예비선거에서 우편 투표지를 받게 됩니다. 자세한 내용은 안에 나와 있습니다.한국어 /Korean: (866) 575-1558

Ang lahat ng botante ng California ay makakatanggap ng balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo para sa Primaryang Halalan sa Hunyo 7, 2022. Matuto pa sa loob. Tagalog: (800) 339-2957

ผมสทธเลอกตงในรฐแคลฟอรเนยทกคนจะไดรบบตรลงคะแนนเลอกตงทางไปรษณยสำาหรบการเลอกตงขนตนวนท 7 มถนายน 2022 ดขอมลเพมเตมดานใน ภาษาไทยภาษาไทย/Thai: (855) 345-3933

Tất cả các cử tri California đều sẽ nhận được lá phiếu bầu qua thư cho Cuộc Bầu cử Sơ bộ ngày 7 tháng 6 năm 2022. Tìm hiểu thêm ở bên trong. ViệtViệt ngữngữ/Vietnamese: (800) 339-8163

 

TAGALOGOSP 22 152682