banghay aralin sa ekonomiks

Upload: mirasol-madrid

Post on 11-Oct-2015

1.024 views

Category:

Documents


25 download

DESCRIPTION

Banghay Aralin sa Ekonomiks: Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

TRANSCRIPT

Philippine Normal UniversityNational Center for Teacher EducationCollege of Teacher Development

Educational Psychology

Semi-detailed Lesson Plan on Sibika: Ekonomiks (Mga Salik na nakaaapekto sa Demand)

Submitted to: Professor Armina Mangaoil

Submitted by: Mirasol S. Madrid II-9 BS Psychology

Submitted on: October 7, 2013

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;

A. Naitatala ang mga salik na nakaaapekto sa Demand ng konsyumer sa pamilihanB. Nalalaman ang epekto ng bawat salik sa paggalaw ng kurba at talatakdaan ng demandC. Nahihinuha ang mga dahilan sa pagbabago ng presyo sa pamilihan

II. Paksa

A. Paksa: Ekonomiks Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand B. Sanggunian: Kayamanan (Ekonomiks) nina Imperial, C. et.al

III. Mga Kagamitan

Powerpoint Presentation, Laptop, LCD Projector, picture flash cards

IV. Pagganyak na Gawain

A. MotibasyonTell me, Tell me - Pagpapakita ng mga larawan ng pangunahing okasyon o selebrasyon sa ating bansaB. Pamamaraan

1. Maglalabas ng mga larawan ang guro ng mga sumusunod at ipapakita sa mga estudyante ang mga ss:

a. Bagong Taonb. Paskoc. Araw ng mga pusod. Araw ng mga pataye. Balik-eskwela2. Itatanong sa mga mag-aaral ang mga karaniwang binibili ng mga konsyumer sa tuwing nalalapit ang bawat isang selebrasyon.3. Itatanong sa mga mag-aaral ang kanilang napapansin sa presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng mga selebrasyon

V. NilalamanPagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagbabago ng kanilang demand sa isang produkto.Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa kasagutan ng mga mag-aaral, ipapakita niya ang mga salik na nakakaaapekto sa demand ng konsyumer.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand1. Okasyon Likas sa mga Pilipino ang ipagdiwang ang ibat ibang okasyon na dumarating. Bunga nito ay tumataas ang demand sa mga produkto na naaayon sa okasyong ipinagdiriwang. Halimbawa:Araw ng mga Puso bulaklak at tsokolateAraw ng mga Patay bulaklak at kandilaBagong Taon Paputok2. Populasyon Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ibig sabihin, ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang demand sa ibat ibang produkto.

3. Ekspektasyon Dahil sa mga pangyayari tulad ng kalamidad, kaguluhan o kakulangan sa pagkain ay nagkakaroon ng panic buying ang mga konsyumer sa mga pamilihan. Ito ay dahil sa espekulasyon ng konsyumer na maaaring maapektuhan ang kabuhayan ng bansa o tumaas ang presyo ng mga bilihin. Bunga nito ay ang pagtaas ng presyo dahil sa pagtaas ng demand sa bilihin.

4. Panlasa/Kagustuhan Ang pagkasawa sa isang produkto ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa demand ng konsyumer. Sa bawat paglipas ng panahon ay nagbabago ang kagustuhan o panlasa ng mga tao na nagreresulta sa pagtaas o pagbaba ng demand sa ibat ibang produkto. Dito pumapasok ang prinsipyo ng: Diminishing Utility kung saan ang kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto, ngunit kapag nagkasunod-sunod, ang karagdagang kasiyahan o Marginal Utility ay paliit ng paliit bunga ng pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto

5. Presyo ng ibang produkto mayroong tinatawag na:

a. Substitute goods- mga produkto na pamalit sa ginagamit na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ang nagtutulak sa konsyumer na humanap ng kapalit na produkto. Ibig sabihin, ang demand sa pamalit na produkto ay tumataas kapag mataas ang presyo ng produkto na dating binibili.Halimbawa:Baka BaboyButter Margarineb. Complementary goods- mga produkto na kinukonsumo ng sabay. Ang kapakinabangan ng isang produkto ay mababawasan kung gagamitin ng mag-isa. Ang pagtaas ng presyo ng isang kakomplementaryong produkto ay magiging dahilan ng pagbaba ng demand sa dalawang produkto.

6. Kita Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo. Pinagkakasya ang kinikitang salapi sa pagbili ng mga bagay na kailangang matamo. Ang pagkakaroon ng malaki o maliit na kita ng tao ay nakaaapekto sa pagtatakda ng demand. Mayroong dalawang klase ng goods na naaayon sa kita:

a. Normal Goods mga produktong tumataas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita ng tao

b. Inferior Goods mga produkto na hindi tumataas ang demand kahit tumaas ang kita ng mga tao

MATRIX

VI. Gawaing Pagkatuto

A. ActivityLights, Camera, Action! Paggawa ng Komersyal ng isang napiling Produkto na nababatay sa mga salik na nakaaapekto sa demand. B. Pamamaraan

1. Ipa-pangkat ng guro ang mga mag-aaral sa limang grupo.2. Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na mag-isip ng maikling komersyal ng isang produktong kanilang napili sa loob ng sampung minuto. Ang nilalaman ng komersyal ay nararapat na nakabatay sa mga salik na nakaaapekto sa demand.3. Ang pangunahing layunin ng komersyal ay makumbinsi ang guro na bumili ng produkto na kanilang ini-endorso.4. Matapos mag brainstorm, ang mga bawat grupo ay bibigyan ng limang (5) minuto upang ipakita ang kanilang gawa.

VII. Pagsusuri/AnalisisAng pagbabago ng demand ay sanhi ng ibat ibang salik. Ang mga salik na ito ay nakaaapekto sa pagtaas at pagbaba ng demand sa pamilihan lalong lalo na ang presyo. Ang presyo at ibang salik ng demand ay nakaaapekto sa pagbabago ng dami ng bibilhin ng konsyumer. Importante na malaman ang ibat ibang salik na ito upang malaman ng mga indibidwal ang mga posibleng dahilan ng pagbabago sa presyo ng bilihin sa pamilihan na kanyang magagamit sa pangaraw-araw na pamumuhay

VIII. PagtatayaPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga katawagan na tinutukoy. Isulat ang sagot sa patlang.Complementary GoodsPopulasyon

Diminishing Marginal UtilityInferior Goods

Substitute GoodsEkspektasyon

1. Prinsipyo na nagpapaliwanag ng unti-unting pagkasawa sa pagkonsumo ng isang uri ng produkto.2. Produkto na hindi tumataas ang demand sa mga ito kahit tumaas ang kita ng tao.3. Ito ang nagsisilbing potential market ng bansa.4. Produkto na magkasabay na kinukonsumo.5. Mga produkto na pamalit sa produkto na dati nang kinukonsumo.

IX. Takdang AralinPanuto: Sa isang buong papel, isulat at iranggo ang mga salik na higit na nakaaapekto sa pagbabago ng demand mo sa produkto. Isulat ang 1 bulang higit na nakaaapekto 23 hanggang 10, sa di-gaanong nakaaapekto sa iyo.

__1. Allowance__2. Presyo ng substitute goods__3. Nagkakaroon ng espekulasyon__4. Sumusunod sa kagustuhan ng barkada__5. Sumasabay sa dami ng bumibili ng produkto__7. Mahilig magbigay ng regalo__8. Binibili ang produktong nakasanayang gamitin__9. Gustong kumonsumo ng produktong may kakomplementaryo__10. Kalidad ng produkto ang prayoridad