banghay aralin sa araling panlipunan 4

15
Malamasusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I. Mga Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1.) Naibibigay ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan. 2.) Nakagagawa ng pamantayan sa pagsusunod-sunod ng mga kagustuhan ayon sa kahalagahan. 3.) Naiuugnay ang kagustuhan sa suliranin ng kakapusan sa buhay na nararanasan ng tao. II. Paksang Aralin 1.) Paksa: Kagustuhan at Pangangailangan 2.) Batayang Aklat: Ekonomiks May Akda: Evelina M. Viloria Nilda B. Cruz Julia D. Rillo Alice L. Lim Pahina: 79-88 3.) Kagamitan: Cartolina Aklat ng Ekonomiks Pentelpen Pisara III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A) Panimulang Gawain Pagsasaayos ng mga upuan Pagdarasal Pagbati B) Pagganyak

Upload: nette-capistrano-tolentino

Post on 01-Dec-2015

5.458 views

Category:

Documents


100 download

DESCRIPTION

lesson plan

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

Malamasusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

I. Mga Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.) Naibibigay ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan.2.) Nakagagawa ng pamantayan sa pagsusunod-sunod ng mga kagustuhan ayon sa

kahalagahan.3.) Naiuugnay ang kagustuhan sa suliranin ng kakapusan sa buhay na nararanasan ng tao.

II. Paksang Aralin

1.) Paksa: Kagustuhan at Pangangailangan2.) Batayang Aklat: Ekonomiks May Akda: Evelina M. Viloria Nilda B. Cruz Julia D. Rillo Alice L. Lim Pahina: 79-883.) Kagamitan: Cartolina Aklat ng Ekonomiks Pentelpen Pisara

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaralA) Panimulang Gawain Pagsasaayos ng mga upuan Pagdarasal Pagbati

B) Pagganyak Bago ang lahat, nais kong malaman kung sinu-sino ang may mga cellphone sa inyo. Yung touchscreen.

Tatawag ng dalawa hanggang tatlong estudyante para tumayu at sagutin ang alinman sa mga katanungan:

Magtaasan ng mga kamay ang may mga cellphones na touchscreen)

(Tatayo ang estudyanteng natawag at sasagutin ang katanungan)

Page 2: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

1.) Habang hinahawakan mo iyang cellphone mo, pwede mo bang sabihin kung kailangan mo ba talaga yan? Bakit? Okay salamat!

2.) Anu sa tingin mo, pangangailangan mo o kagustuhan mo ang magkaroon ng ganyang cellphone?

Okay salamat!

Mamaya ay maliwanagan tayo kung anu-ano ang magiging basihan upang masabi natin ang tama at posibleng kasagutan.

C) Paglalahad

Nayong umaga ay pag-aaralan natin ang tungkol sa Kagustuhan at Pangangailangan ng tao. At ang ating layunin sa pag-aaral ay

upang:

Maibibigay natin ang pagkakaiba ngkagustuhan sa pangangailangan.

Makagagawa tayo ng pamantayan sa pagsusunod-sunod ng mga kagustuhan ayon sa kahalagahan.

Maiuugnay natin ang kagustuhan sa suliranin ng kakapusan sa buhay na nararanasan ng tao.

- Sir kailangan ko po ang cellphone ko upang mapanatili ang komunikasyon naming ng papa/ mama ko na nasa malayong lugar!

- Sir pangangailangan, kasi may mga importanteng mensahi akong hinihintay tulad nalang sa scholarship ko syempre kailangan kong ma inform.

Page 3: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

D) Malayang Talakayan

Magsimula tayo sa kahulugan ng mga salita:

Anu ba ang ibig sabihin ng Pangangailangan?

Hmm tama kaya? Ating alamin

(ayun sa aklat ng Ekonomiks)

Ito ang mga bagay na dapat mayroon ang tao. At ito ay ang Damit, Bahay, Tirahan

Tama ang sinabi nyo, galing!

Ito ang mga bagay na pawang pangunahing kailangan ng tao na alinman dito ang mawala ay maaaring maging sanhi ng pagkasakit na maaaring mauwi sa kamatayan ng tao.

Nagkakaiba ang pangangailangan ng tao batay sa kapaligiran, sitwasyon at kita nito. Anu naman ang Kagustuhan?

Okay tingnan natin ang kanyang kahulugan.

Ito ang mga bagay na nakakatulong sa tao upang mapagaan ang kanyang buhay.

Mga bagay na kadalasan nagdudulot ng kasiyahan sa tao. At ibig sabihin nito ang pagkakaroon nyo ng cellphones ay kagustuhan lamang.

Eh paano kaya itong halimbawa ko: Junk food? Diba pagkain sya?Anu ang sagot nyo?Tumpak! Galing mo

Sir pagkainbahay at damit

Sir ito ang mga bagay na hindi talaga kailangan ng tao

Pagkain nga sya sir pero hindi naman talaga sya kaylangan ng tao. Nagbibigay saya lng sya

Page 4: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

Madalas ang kagustuhan raw ng tao ang nagdudulot ng kasamaan sa katawan. Pwede ba kayong magbigay ng halimbawa?

Tama ang sinabi mo! Mga palamuti ay isa sa mga yun

Sabi dito maaaring raw matugunan ang pangangailangan ngunit ang kagustuhan ay hindi sa pagkat walang katapusan ang kagustuhan ng tao. Kasi pag nakuha muna raw yung gusto mo ay may sisibol nanamang panibagong gusto hanggang tuloy tuloy nayan.

Naalala nyo pa ba si Abraham H. Maslow?

May mga teorya ng Pangangailangan at isa ang teorya nya doon kung saan ay inuri nya ang pangangailangan ng tao, ayon sa kanya, may mga baitang ang ating mga pangangailangan kung saan may mga pangunahin at hindi pangunahin.

1.) Baitang ng Pangangailangan

Panga- ngailanga- ng maitupad ang kaganapang pagkatao pangangailangan na mabigyan ng atensyon, pagkilala ng ibang tao

pangangailangan na makisalamuha,makisapi,

magmahal Pangkaligtasan Pisyolohikal

Ang una ay:

(Mag-iisip ang mga estudyante)

Mga Chinese products sir na hindi masyadong inuusisa ng mabuti bago gamitin

Yes sir!

Page 5: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

1) Pisyolohikal- ( pangunahing

pangangailangan )

2) Pangkaligtasan- (seguridad,

kaayusan)

3) Pagmamahal- (pag-aaruga,

pakikisalamuha)

4) Pagpapahalaga- (hinahanap ang

mataas na pagtingin ng kapwa bilang

tanda ng paggalang nila sayo)

5) Pagpapatupad ng kaganapang

pagkatao- (mithiin, ambisyon)

Ito rin ang pinakamataas na baiting sa

pangangailangan ng tao.

Natutukoy ang mga pangunahing

pangangailangan sa layuning manatiling

buhay at malusog ang ating katawan upang

makagawa, makakilos at makibahagi sa

mga Gawain sa lipunan.

2.) Batayan ng Kaunlarang Panlipunan

Ayon kay Michael Todaro, isang ekonomista, may tatlong pangunahing kanais nais na katangian ang maunlad at progresibong bayan.

Una, sagana sa material na bagay.

Ikalawa, malawak ang kalayaan ng mga mamamayan.

Page 6: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

Ikatlo, mataas ang antas ng dignidad ng tao.

Ayon sa pananaw na ito, umuusbong ang mga pangangailangan at hilig ng tao na sinasagot at tinutugunan upang makamit ang mga ito.

Dapat sagana sa material na bagay na nagbibigay kasiyahan sa mga mamamayan nito upang mabuhay nang matiwasay sa loob ng kanilang pamayanan. May mga institusyong pampubliko rin na nagbibigay ng mga serbisyong tulad ng edukasyon, kalusugan, transportasyon, tubig, elektrisidad at iba pa. Dahil dito, nagiging ligtas sa pagkagutom, karamdaman, sa pabago-bagong panahon, at mapaminsalang kapaligiran ang mga mamamayan.

Tanong, ano ang pagkakaiba ng teoryang ito sa teorya ni maslow?Ganito,

Kung kanina, sa baiting ng pangangailangan ni Maslow ay nakapokus sa isang tao ito naman ay sa lupinan ng mamamayan. Dito ipinaliliwanag na umusbong ang pangangailangan upang makamit ang tatlong katangian sa pagunlad ng bayan.

Maliwanag na ba?

3.) Batayang Empirikal

Nagpapaliwanag sa mga

pangangailangan ng tao. Ayon ito sa

pagsusuri ng mga mananaliksik tungkol sa

mga katangian at palatandaang maaaring

sumukat ng mga kagalingang panlipunan at

kalidad ng pamumuhay. Ito ay itinuturing

sir ano nga ba ang pagkakaiba ng teoryang yan sa teorya ni maslow?

Yes sirMaliwanag na po

Page 7: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

na mahalagang mithiin at layunin ng isang

masaganang pamumuhay. Gagawa ng mga

paraan ang mga tao at mga institusyon nito

upang matugunan ang mga panlipunang

layunin.

Pamantayan sa pagsusunod-sunod ng

mga kagustuhan.

Dahil hindi maaaring mapagbigyan ang

lahat ng kagustuhan ng tao, kailangang

pumili ng mga bagay na nais matugunan.

Talagang maraming kagustuhan ang tao na

hindi nya kayang makamtan dahil sa

pagiging limitado ng kanyang kita. Sa

gayon, kinakatawan ng kita ang kakayahang

bumili ng kalakal at paglilingkod.

Oo nga naman, pag kaunti lng ang kita mo

syempre kaunti lng din ang mabili mo.

Hindi ba?

Hindi madali ang pagpili ng kalakal o

serbisyo na tutugon sa kagustuhan o

pangangailangan ng tao kaya kailangang

matiyak kng alin ang pinakakapaki-

pakinabang hindi lng para sa isang tao

kundi para rin sa karamihan.

Kaugnayan ng kagustuhan sa suliranin

ng kakapusan:

Ang suliranin sa kakapusan ay bunga

ng maraming kagustuhan ng tao. Sa kabila

ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Yes sirHindi ka naman makakabili ng ulam o biskwit sa halagang piso

Page 8: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

Ang kakapusan ay malulunasan sa

pamamagitan ng pag una sa

pangungunahing pangangailangan o

prayoridad at hindi ang luho. Ganon din ang

bansa. Kung saan ay ang ikabubuti ng

maraming mamamayan ang dapat bigyang

pansin.

Tanong: ang kultura ba ay nakakatulong sa

pagkontrol ng kagustuhan?

Salamat!

Ang kultura ay nakakatulong

hal. Mga dapat at hindi dapat kainin ng mga

kasapi ng particular na relihiyon. Hindi ba?

Sa ganitong paraan, ang pwersa sa labas

nagkokontrol sa kagustuhan ng isang tao.

Ngunit maaari ring ang mekanismo sa

pagkontrol ay galing sa isang tao. Dito, ang

tao mismo ang magbibigay halaga sa mga

pangangailangan at hilig nya.

E.) Paglalahat

Sa kabuuan, ating natukoy ang pagkakaiba

ng kagustuhan sa pangangailangan.

Ano nga ulit ang ibig sabihin ng

Pangangailangan?

Ano pa?

Tama! Tulad ng ano?

(ang mga estudyante ay magbibigay ng mga halimbawa na maaring maisip nila)

Opo sir tama po kayo janMay alam po akong ganyang relihiyon

Sir, pangangailangan ang mga bagay na dapat ay mayroon tayo.

Sir, ang pangangailangan ay ang mga pangunahing kaylangan ng tao.

Page 9: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

Magaling!Ano naman ang ibig sabihin ng kagustuhan?Tama!

Pwede ba kayong magbigay ng halimbawa?Tama na naman! ang agling nyo!

Atin ring natalakay ang tatlong teoryang batayan ng pangangailangan. Ano-anu ang mga ito?At ano ang sinasabi sa teorya?

Tama, ano ang pangalawa?

At ang huli?

Ang galing!

F) Paglalapat

Tulad ng bahay, pagkain at damit.

Sir, kagustuhan naman ang mga bagay na nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan na kadalasan sya ring nagpapahamak sa atin.Ito yung mga bagay na nagpapagaan sa ating buhay.Hal. Cellphones, mga gamit sa bahay, sasakyan.

Teoryang Baitang ng Pangangailangan ni Abraham Harold Maslow

Ayon sa teoryang ito, ang ating pangangailangan ay nauuri. May mga pangunahin at hindi pangunahin. Ayon din dito na kapag lubos ng matugunan ang pangunahing pangangailagan ng tao ay may uusbong na namang pangalawa hanggang sa maabot ang pinakamataas na nito.

Batayang Kaunlarang Panlipunan. Ayon dito, ang pangangailangan ng mga tao sa lipunan ay uusbong para makamit ang tatlong kanais-nais na katangian ng isang bansa.

Batayang Empirical. Ito naman ay nagpapaliwanag sa mga pangangailangan at hilig ng tao ayon sa pagsuri ng mga katangian at palatandaang maaring sumukat ng kagalingan at kalidad ng pamumuhay.

Page 10: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

Bago tayo magtapos, sa tingin nyo papaano nyo matugunan ang mga pangunahing pangangailangan kng kumikita lng kayo ng sapat?

Magaling!

Bakit kailangang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao?

Tumpak!

papaano ba nakakaapekto ang kita sa pagtugon ng pangangailangan at kagustuhan ng isang tao?

Tama kayo dyan!

Maliwanag naba ang lahat?Kung wala na kayong tanong ay sagutin ang maikling pagsusulit na ito sa loob ng sampung minuto:

Paano maapektuhan ng sumusunod ang pangangailangan at kagustuhan ng tao:1) kita2) kapaligiran3) katayuan sa buhay4) hanap buhay

G) Takdang AralinSagutin ang tanung batay sa sariling pagpapahalaga:

Bilang myembro ng inyong pamilya, paano ka makakatulong sa paglutas ng inyong pampamilyang suliranin sa kakapusan?

Matutugunan ito sa pamamagitan ng paggawa ng pamantayan kung saan ay ang mga pangunahing pangangailangan ang gawing prayoridad at hindi ang luho.

Dahil ito lamang ang magpapanatili sa atin para mabuhay at makapag patuloy sa paggawa bilang isang myembro sa pagpapaunlad ng ating lipunan.

Ang kita ay isa sa mga dahilan na nag sasabi kung ano lang ang kaya nating mabiling pangangailangan o kagustuhan o serbisyo man.Kung kaya’t mahalaga na maingat tayo sa pagpili ng bibilhin. Dapat ay talagang ito ay kapakipa-kinabang sa atin.

(Ang mga estudyante ay sasagot sa maikling pagsusulit sa loob ng oras na inilaan)

Inihanda ni: Recaña, Quir Jun J.

Page 11: Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 4

BSEd 2-2 Social Studies Major