sining vi 4th rating

Upload: michael-joseph-santos

Post on 16-Jul-2015

351 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: 1. Naipamamalas ang kakayahan sa pagmamasid at pagpapahalaga sa magagandang bagay at kapaligiran 2. Nabibigyan ng pansin ang magagandang bagay sa likas na kapaligiran II. Paksang Aralin Likas na Kapaligiran, TX p. 162 Kagamitan: Mga larawan ng likas na kapaligiran III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang mga larawang iginuhit ng mga bantog na Pilipinong pintor. B. Panlinang na Gawain 1. Tawagin ang pansin ngmga bata sa kalikasang ipininta ni Fernando Amorsolo. 2. Itanong: Anu-ano ang mga bagay na nakikita sa likas na kapaligiran ang ipininta ni Fernando Amorsolo? Anu-ano pa ang makikita natin sa likas na kapaligiran? C. Gawaing Pansining: 1. Sabihin: Ang lahat ng mga bagay sa mga likas na kapaligiran ay lalang at kaloob ng Panginoong Diyos upang ating pagyamanin, pahalagahan at pangalagaan. Ngayon ay guguhit tayo ng isang bagay sa likas na kapaligiran. Natatandaan pa ba ninyo ang mga pamantayan sa paggawa? 2. Ibigay sa mga bata ang sipi ng mga pamamaraan at subaybayan sila sa paggawa. Likas na Kapaligiran ( Puno at Halaman sa Paaralan) Mga Kagamitan: papel, karton na patungan ng gawa, lapis at "water color" Pamamaraan: 1. Magmasid sa loob ng bakuran ng paaralan at pumili ng isang dako sa likas na kapaligiran na tumatawag sa iyong pansin. 2. Ihanda ang mga kagamitan at iguhit ang napiling tanawin. 3. Kulayan ng "water color" at patuyuin. 4. Lagyan ng pamagat. D. Pagpapahalaga:

1. Itanong: Anu-anong bagay sa likas na kapaligiran ang iginuhit mo? Bakit ito ang napili mo? Anong mga elemento ng sining ang taglay ng tanawing iginuhit mo?

IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Gumawa ng isang album na binubuo ng mga larawan ng mga likas na Kapaligiran. Sulatan ang ilalim ng mga larawan ng maikling paliwanag tungkol sa kagandahan ng likhang sining na makikita sa bawat isa.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Natutukoy ang kagandahan ng likas na kapaligiran tulad ng kabundukan, burol, dalampasigan, dagat, ilog, batis, talon at kabukiran II. Paksang Aralin Likas na Kapaligiran Kagamitan: Mga larawan ng likas na kapaligiran III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang mga larawang iginuhit ng mga bantog na Pilipinong pintor. B. Panlinang na Gawain 1. Ipakita sa mga bata ang larawan ng kabundukan, burol, kapatagan, dalampasigan, dagat, ilog, batis, talon at kabukiran 2. Pag-usapan ang kagandahan ng likas na kapaligiran 3. Itanong ang mga elemento ng sining na taglay ng bawat isa. C. Gawaing Pansining: Likas na Kapaligiran ( Puno at Halaman sa Paaralan) Mga Kagamitan: papel, karton na patungan ng gawa, lapis at "water color" Pamamaraan: 1. Magmasid sa loob ng bakuran ng paaralan at pumili ng isang dako sa likas na kapaligiran na tumatawag sa iyong pansin. 2. Ihanda ang mga kagamitan at iguhit ang napiling tanawin. 3. Kulayan ng "water color" at patuyuin. 4. Lagyan ng pamagat. D. Pagpapahalaga: 1. Itanong: Anong mga elemento ng sining ang taglay ng tanawing iginuhit mo? Paano ka makatutulong upang mapanatiling maganda ang likas na kapaligiran?

IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan:

Magdala ng larawan ng mga bagay na gawa ng tao tulad ng kabayanan, pamilihan, plasa, simbahan, tulay at jeep. Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: 1. Nabibigyang pansin ang mga magagandang bagay sa kapaligirang gawa ng tao 2. Napahaha1agahan ang kagandahan ng mga bagay na gawa ng tao sa sariling pamayanan tulad ng kabahayan, pamilihan, plasa, palaruan, simbahan, tulay at jeep II. Paksang Aralin Kapaligirang.Gawa ng Tao TX p. 164 Kagamitan: Mga larawan ng mga bagay na gawa ng tao tulad ng kabahayan, pamilihan, pIasa, palaruan, simbahan, tulay at Jeep III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang likas na kapaligiran at ang kagandahang taglay nito. 2. Itanong: Anu-ano ang mga magagandang bagay sa likas na kapaligiran ng ating pamayanan? Anu-anong mga elemento ng sining ang taglay ng mga ito? B. Panlinang na Gawain 1. Itanong: Anu-ano ang mga magagandang bagay na gawa ng tao sa ating pamayanan? 2. Ipakita sa mga bata ang mga larawan ng magagandang bagay na gawa ng tao. 3. Itanong: Bakit kailangan pang gumawa ng mga bagay na ito ang tao? Anu-anong magagandang bagay ang ginawa ng tao upang maging maginhawa at mapabilis ang kanyang kilos? Paano inaayos ng tao ang kanyang tirahan? Ano ang ginagawang pang-akit upang maraming tao ang pumunta sa "Shopping Centers" at "Malls"? Paano pinagaganda ang mga pIasa, simbahan at tulay? Ano ang sinasakyan mo para makarating ka sa iba't ibang lugar sa pamayanan ? C. Paglalahat: 1. Itanong: Anu-ano ang magagandang bagay sa kapaligiran na gawa ng tao? Bakit kailangan pa niyang gawin ang mga ito? Anu-anong mga elemento ng sining ang matatagpuan sa mga bagay na gawa ng tao? Magbigay ng mga halimbawa. D. Paglalapat: 1. Ipagawa sa mga bata ang sumusunod. a. Masdan ang sariling pamayanan. Kumuha ng papel at panulat at gumawa ng talaan ng mga magagandang bagay na gawa ng tao. b. Sa dakong kanan ay isulat ang mga elemento ng sining na taglay ng bawat isa.

c. Gumuhit ng jeep o gusali mula sa imahinasyon, Gamitin ang midya na makapagpapakita ng mga elemento ng sining. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Gumawa ng isang album ng mga larawan ng kalikasan na gawa ng tao. Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: 1. Natatalakay ang mga elemento ng sining na taglay ng mga bagay na gawa ng tao gaya ng linya at hugis ng mga bahay at gusali, at hugis at kulay ng mga sasakyan 2. Nakalilikha ng isang "mural" ng kapaligirang gawa ng tao. II. Paksang Aralin Kapaligirang.Gawa ng Tao (Paglikha ng Mural) Kagamitan: Mga larawan ng mga bagay na gawa ng tao tulad ng kabahayan, pamilihan, plasa, palaruan, simbahan, tulay at Jeep III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Itanong: Anu-ano ang magagandang bagay sa kapaligiran na gawa ng tao? Bakit ginagawa ng tao ang magagandang bagay na ito? B. Panlinang na Gawain: 1. Itanong/Sabihin: Tayo ngayon ay gagawa ng mural. Ano ang mural? Ano ang dapat tandaan upang maging madali ang paggawa ng mural? 2. Pangkat-pangkatin ang mga bata. 3. Pag-usapan ang mga pamantayan sa paggawa ng mural. C. Gawaing Pansining: 1. Ipabasa sa mga bata ang tsart ng pamamaraan sa paggawa ng mural. Mural ( Kapaligirang Gawa ng Tao) Mga Kagamitan: pintura - 3 pangunahing kulay, pliti at itim o "water color" pinsel, lapis at isang malaking papel Pamamaraan: 1. Makisali sa isang pangkat. 2. Pag-usapan kung anong bagay sa kapaligirang gawa ng tao ang iguguhit. 3. Pag-isipan kung paano paghahalu-haluin ang mga kulay ng pintura o "water color" . 4. Pagtulung-tulungang gawin ang mural. D. Paglalahat: 1. Itanong:

Bakit dapat bigyang pansin ang magagandang bagay sa kapaligirang gawa ng

tao? D. Pagpapahalaga: 1. Itanong: Anu-ano ang mga nilalaman ng mural na iyong ginawa? Anu-anong kulay ang iyong ginamit? Madali ba ninyong natimpla ang mga ito? Madali ba ninyong natapos ang mural? Bakit? Magkuwento tungkol sa mural na inyong ginawa. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Ano ang kailangan nating gawin upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran sa pamayanan? Bakit kailangang panatilihin ang kagandahan ng pamayanan? Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Napahahalagahan ang mga bagay na bumubuo ng likas na kapaligiran II. Paksang Aralin Pangangalaga sa Kagandahan ng Sariling Pamayanan TX p. 167 Kagamitan: Mga larawan ng likas na kapaligiran III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang magagandang kapaligiran sa pamayanan. 2. Pahalagahan at pasalamatan ang Panginoong Diyos sa pagbibigay sa atin ng magandang kapaligiran. B. Panlinang na Gawain 1. Itanong: Ano ang kailangan nating gawin upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran sa pamayanan? Bakit kailangang panatilihin ang kagandahan ng pamayanan? Paano ka makatutulong upang mapaganda ang sariling pamayanan? C. Gawaing Pansining: 1. Ganyakin ang mga bata upang makaguhit ng larawan na nagpapakita ng pangangalaga sa kagandahan ng sariling pamayanan. 2. Bigyan sila ng laya sa paggamit ng nais nilang midya sa pagguhit. 3. Tumawag ng mga bata na makapagbibigay ng maikling kuwento tungkol sa kanilang iginuhit IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Anu-anong mga bagay na bumubuo ng likas na kapaligiran ang nakikita sa ating pamayanan? Paano natin pangangalagaan ang mga ito? Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Nakasasali sa pangkat sa pagbuo ng poster na nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran para sa kagandahan ng sariling pamayanan tulad ng a. Pangangalaga sa mga puno at halaman b. Pangangalaga sa mga ilog c. Pangangalaga sa yaman ng karagatan II. Paksang Aralin Pangangalaga sa Kapaligiran para sa Kagandahan ng Sariling Parnayanan, TX p. 168 Kagamitan: Mga larawan ng likas na kapaligiran III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain/Pagbabalik-aral: 1. Pag-usapan ang mga bagay na bumubuo sa likas na kapaligiran tulad ng mga puno at halarnan sa paaralan, mga ilog at mga yaman ng karagatan. 2. Pangkat-pangkatin ang mga bata at bigyan sila ng kalayaan na maisakatuparan ang sumusunod na gawain. B. Panlinang na Gawain: 1. Pag-usapan kung ano ang poster, ang mga katangian nito at saan ginagarnit ito. 2. Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayang dapat sundin sapaggawa. C. Gawaing Pansining: 1. Ipabasa at ipagawa sa mga bata ang sumusunod: Poster (Pangangalaga sa Kapaligiran) Mga Kagamitan: "craypas" o krayon isang buong kartolina "marking pen" Pamamaraan: 1. Makisali sa isang pangkat at talakayin kung paano mapapangalagaan ang kapaligiran para sa kagandahan ng sariling parnayanan. Maaari kang marnili sa mga sumusunod na paksa: a. pangangalaga sa mga puno at halarnan ng paaralan b. pangangalaga sa mga ilog c. pangangalaga sa mga yarnan ng karagatan 2. Pag-usapan kung paano ilalarawan sa "poster" ang pangangalaga sa kapaligiran at kung anuanong mga kataga ang ilalagay bilang pagbibigay-diin sa paksa

3. Pagtulung-tulungang gawin ang poster sa isang buong cartolina. Maaari kayong gumamit ng krayon o craypass. C. Pagpapahalaga: 1. Anong paksa ang binibigyang diin ng inyong "poster"? 2. Anu-anong pamamaraan ngpangangalaga at pagpapaganda sa kapaligiran ang inilahad ninyo? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano ninyo ipinakita ang inyong pagtutulungan sa paggawa ng poster Anu-anong mga kataga ang inyong inilagay upang matawag ang pansin sa paksa? Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Nakasasali sa pangkat sa pagpapakita ng simpleng dula na may malikhaing kagamitan (costumes and headdress) tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran II. Paksang Aralin Mga halimbawa ng "headdress" at kasuotan para sa dula-dulaan Kagamitan: Malikhaing Kagamitan Para sa Simpleng Dula TX p. 169 III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila inilahad ang kanilang mga katungkulan sa pagpapanatiling malinis ng kapaligiran at pamayanan sa pamamagitan ng poster. B. Panlinang na Gawain 1. Sabihin/ltanong: Ang pangangalaga sa kapaligiran ay maliwanag na nailahad ninyo sa pamamagitan ng poster. Maaari rin ninyong mailalahad ang inyong mga nais ipahatid sa pamamagitan ng duladulaan C. Gawaing Pansining: Malikhaing Gawain (Pangangalaga ng Kapaligiran) 1. Makisali sa isang pangkat at bumuo ng simpleng dula tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. 2. Pag-usapan ang gagamiting malikhaing kagamitan at kung paano gagawin ang mga ito. 3. lhanda ang mga kagamitan at pagtulung-tulungang gawin. 4. Ipakita ang simpleng dula sa harap ng klase. IV. Pagtataya: Gabayan ang mga bata sa paggawa ng dula-dulaan upang maging makabuluhan at matagumpay ang kanilang pagtatanghal. V. Kasunduan: Paano ninyo naipamalas ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga kagamitan? Anong aral ang iniwan ng inyong dula-dulaan? Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Nakasasali sa pangkat sa pagpapakita ng simpleng dula na may malikhaing kagamitan (costumes and headdress) tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran II. Paksang Aralin Mga halimbawa ng "headdress" at kasuotan para sa dula-dulaan Kagamitan: Malikhaing Kagamitan Para sa Simpleng Dula III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Itanong: Anu-ano ang mga inilagay ninyo sa poster na nakahihikayat sa mga nakababasa upang makiisa sa inyo sa pagpapanatiling maganda ng pamayanan? B. Panlinang na Gawain 1. Sabihin/ltanong: Anu-ano ang dapat ninyong ihanda upang makapagpakita ng dula-dulaan? Anu-anong mga likhang kasuotan sa ulo, sa katawan at mga bisig ang maaari ninyong gawin? 2. Ihanda ang mga bata para sa susunod na gawain. Pangkat-pangkatin sila at ibigay ang kard ng mga pamamaraaang susundin. C. Gawaing Pansining: Malikhaing Gawain (Pangangalaga ng Kapaligiran) 1. Makisali sa isang pangkat at bumuo ng simpleng dula tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. 2. Pag-usapan ang gagamiting malikhaing kagamitan at kung paano gagawin ang mga ito. 3. lhanda ang mga kagamitan at pagtulung-tulungang gawin. 4. Ipakita ang simpleng dula sa harap ng klase. D. Pagpapahalaga: 1. Itanong: Ano ang pamagat ng inyong dula-dulaan? Anu-anong malikhaing kagamitan ang ginamit ninyo? Angkop ba ang mga ginawa ninyong kagamitan sa dula-dulaang itinanghal? IV. Pagtataya: Gabayan ang mga bata sa paggawa ng dula-dulaan upang maging makabuluhan at matagumpay ang kanilang pagtatanghal.

V. Kasunduan: Magdala ng larawan ng mga selebebrasyon at mga gawaing bayan. Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Naipagmamalaki ang ilang selebrasyon o gawaing pambayan tulad ng Panahon ng Pagtatanim, Fiesta ng Bayan, Pasko at Bagong Taon. II. Paksang Aralin Mga Selebrasyon o Gawaing Bayan TX p.171 Kagamitan: Mga larawan ng selebrasyon at mga gawaing bayan. III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila nagamit ang mga kaalaman sa paggawa ng mga likhang sining para sa simpleng dula. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa mga pagdiriwang at gawaing pambayan. 2. Itanong: Paano ipinagdiriwdng ng mga taga-bukid ang panahon ng pagtatanim? Paano nila sinasabayan ng pagsasaya ang kanilang paggawa? Anu-ano ang iba pang mga ipinagdiriwang sa pamayanan? Paano ipinagdiriwang ang Pistang Bayan? Sinu-sino ang mga nangangasiwa sa Pistang Bayan? Anu-ano ang mga gawain kapag may Pistang Bayan? Paano ipinaaalam sa mga tao ang mga gawain kapag may Pistang Bayan? C. Pagpapahalaga: 1. Itanong: Pinanatili mo ba ang kalinisan ng iyong paligid habang gumagawa? Natapos mo ba ang iyong ginagawa sa tamang oras?

IV. Pagtataya: Ganyakin ang mga bata na gumawa ng isang paglalagom sa natutunang aralin. V. Kasunduan: Gumawa ng isang album na binubuo ng mga larawan ng ilang selebrasyonng ipinagdiriwang sa ating bansa. Sulatan ang ilalim ng mga larawan ng maikling paliwanag kung kailan, saan at kung bakit ito ipinagdiriwang. Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Nakalilikha ng poster o patalastas tungkol sa selebrasyon o gawaing pambayan II. Paksang Aralin Mga Selebrasyon o Gawaing Bayan Kagamitan: Mga larawan ng selebrasyon at mga gawaing bayan. III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila nagamit ang mga kaalaman sa paggawa ng mga likhang sining para sa simpleng dula. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa mga pagdiriwang at gawaing pambayan. 2. Itanong: Paano ginagawa ang patalastas? Ano ang nilalaman ng patalastas? Paano nakatatawag ng pansin ang isang patalastas? Magbigay ng halimbawa ng patalastas

C. Gawaing Pansining: 1. Sabihin: Ngayon ay gagawa ka ng isang patalastas at magagamit mo ang iyong kaalaman sa mga elemento ng sining. Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? Patalastas (Isang Selebrasyon) Mga Kagamitan: Papelo "cartolina, pangkulay, "marking,pen", lapis at ruler Pamamaraan: 1. Ipagpalagay mong ikaw ay kasapi ng isang samahan at ikaw ay naatasang gumawa ng isang patalastas na ipapaskil sa "bulletin board" ng barangay. 2. Ipaaalam mo sa madla ang gagawing pagtatanghal, palaro o sayawan sa barangay. 3. Gamitin mo ang iyong pagkamalikhain at simulang gawin ang poster na may patalastas. D. Paglalahat: 1. Itanong: Nakatatawag pansin ba ang iyong poster? Naunawaaan ba ang mensahe na nais mong ipahatid?

Poono mo nagawa ang mga ito? Saan mo maaaring ipaskil ang ginawa mong "poster"?

IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Anu-anong mga midya ang maaari mong gamitin sa paggawa ng patalastas? Ano ang gagawin mo upang makatawag pansin ang patalastas na iyong gagawin?

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

SINING VIDate: ___________

I. Mga Layunin: Nakalilikha ng isang "Card" para sa Pasko, BagongTaon at Araw ngmgaPuso II. Paksang Aralin Card" para sa Isang Okasyon Kagamitan: Nilikhang "card" para sa isang okasyon III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa paggawa ng patalastas 2. Itanong: Ano ang patalastas? Kailan kayo gumagawa ng patalastas? Paano ka makagagawa ng patalastas? Anu-anong mga midya ang maaari mong gamitin? Ano ang gagawin mo upang makatawag pansin ang patalastas? B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang iba't ibang okasyon. 2. ltanong: Paano mo inaala-ala ang iyong mga kaibigan at mga mahal sa buhay kapag Pasko, Bagong Taon o Araw ng mga Puso (Valentine's Day)? Saan ka kumukuha ng card? C. Gawaing Pansining: 1. Sabihin: Ang pagbibigay ng card" lalo na kung binibili ay karaniwan. Subukin naman natin ngayon ang gumawa ng card". Sa palagay mo kaya ay lalong masisiyahan ang iyong pagbibigyan kapag kayo ang gumawa ng card"? Bakit? 2. Ipabasa nang tahimik sa mga bata ang mga pamamaraan sapaggawa. Card Sabihin: Marami ka nang natutuhang midya at mga pamamaraan sa paggawa ng mga likhang sining. Sa pagkakataong ito ay gagawa ka ng card" na maibibigay mo sa iyong magulang o kapatid. Pamamaraan: 1. Isipip mo kung ano ang larawang angkop sa pagdiriwang at pagbating dapat isulat. 2. Iplano kung anong midya ang gagamitin at kung paano iaayos ang larawan at pagbati na

ilalagay sa "card". 3. Ihanda ang mga kagamitan at simulang gawin ang "card" hanggang matapos. D. Paglalahat: 1. Itanong: Nasiyahan ka ba sa natapos mong card? Para saang pagdiriwang ang "card" na ginawa mo? Para kanino ang "card"? Anong midya ang ginamit mo? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa ng card upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Pag-aralang mabuti ang mga natutuhan sa bawat aralin at humanda sa isang pagsusulit.

Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________