sining ng pagsasalaysay

23
Sining ng Pagsasalaysay Pagpapakilala sa Pagsasalaysay Ms. Caṅieso, Casipe, Casuyon, Cayanan and Chavez

Upload: kasandra-casuyon

Post on 12-Jan-2017

1.201 views

Category:

Education


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Sining ng pagsasalaysay

Sining ng Pagsasalaysay

Pagpapakilala sa PagsasalaysayMs. Caṅieso, Casipe, Casuyon,

Cayanan and Chavez

Page 2: Sining ng pagsasalaysay

Pagsasalaysay

• ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari.

• May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat.

• Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.

Page 3: Sining ng pagsasalaysay

Pagsasalaysay

• Ito ay palasak at madalas gamitin.

• Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento.

• Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay.

Page 4: Sining ng pagsasalaysay

Pagpili ng Paksa

• Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang pagkakaroon ng magandang pamagat.

• Ito ang unang bagay na nakapupukaw sa interes ng mga mambabasa. May mga katangian dapat taglayin ang isang kaakit-akit at mabuting pamagat.

Page 5: Sining ng pagsasalaysay

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na

napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.

2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.

Page 6: Sining ng pagsasalaysay

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.

Page 7: Sining ng pagsasalaysay

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:

5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.

Page 8: Sining ng pagsasalaysay

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong paraan na pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay o magasasalaysay.

Page 9: Sining ng pagsasalaysay

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.

Page 10: Sining ng pagsasalaysay

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at iba pa.

4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng

isang salaysay.

Page 11: Sining ng pagsasalaysay

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

Page 12: Sining ng pagsasalaysay

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-

panabik at napapanahon.

2. Mahalaga ang paksa o diwa

3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari

4. Kaakit-akit na simula.

5. Kasiya-siyang wakas

Page 13: Sining ng pagsasalaysay

Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento1. Simula

2. Tunggalian

a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento

b. Tauhan laban sa sarili

c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan

Page 14: Sining ng pagsasalaysay

Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento3. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.

4. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa bahaging kasukdulan. dahan - dahang bumababa ang pananabik ng mambabasa.

Page 15: Sining ng pagsasalaysay

Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento

5. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin ipinapahayag ang mahalagang kaisipan o mensahe sa kwento.

Page 16: Sining ng pagsasalaysay

MGA URI NG SALAYSAY

1. Kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw, pananalita at

kaisipan ng isang tauhan.

2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na pinangyarihan sa kwento.

3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang makabuluhang

pangyayari at kalagayang ginagalawan ng mga tauhan.

Page 17: Sining ng pagsasalaysay

MGA ANYO NG SALAYSAY

1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa

pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.

2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng

pananalitang matalinhaga.

Page 18: Sining ng pagsasalaysay

MGA ANYO NG SALAYSAY

3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang itanghal.

4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.

Page 19: Sining ng pagsasalaysay

MGA ANYO NG SALAYSAY

5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari

6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.

Page 20: Sining ng pagsasalaysay

MGA ANYO NG SALAYSAY

7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula simula hanggang kamatayan.

8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.

Page 21: Sining ng pagsasalaysay

MGA ANYO NG SALAYSAY

9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

Page 22: Sining ng pagsasalaysay
Page 23: Sining ng pagsasalaysay