rizalekturo - si rizal at ang tula-vim nadera

80
Si Rizal at ang Tula Vim Nadera

Upload: myrizal150

Post on 30-Nov-2015

1.005 views

Category:

Documents


25 download

DESCRIPTION

Powerpoint presentation by Mr. Vim Nadera during Rizalekturo workshop on August 24, 2013.

TRANSCRIPT

Si Rizal at ang Tula

Vim Nadera

 

TANONG: Makata rin ba si Jose Rizal?

SAGOT: Makata na, kritiko pa.

 

Siya ang kauna-unahang Filipino, o indio, na nagbigay ng lektura hinggil sa tugma’t

sukat noong Abril 1887.

Ito ang papel niyang binasa sa Sociedad Etnografica de

Berlin.

 

Ito ang unang pagsusuri ng isang Filipino

sa pagtula sa Filipinas.

Sumunod siya sa yapak ng

mga makabuluhang kritiko ng pagtulang Tagalog ang mga

misyonerong sina Fray Gaspar de San Agustin, Fray Francisco Bencuchillo,

at Fray Joaquin Correa.

Gayunman, sa loob ng isang napaikling panayam, napakaikli

dahil kulang diumano ang kaniyang kaalaman (“mis debiles

conocimientos”), ay marami siyang naidagdag na obserbasyon bukod sa nakapagdulot ng koreksiyon sa

pag-aaral ng mga naturang banyagang kritiko.

 

 

Pinamagatang Tagalische Verskunt sa wikang Aleman,

ito isinalin niyang Arte metrica del tagalog.

ARTE METRICA DEL TAGALOG

Ang sabi ng iba, masarap tumulaAng sabi ni Rizal, kumporme sa tula;May tula-tulaan, may tunay na tula,Ang gusto n’yang tula: may sukat at tugma.Ang sabi ng iba, marasap magsukat,Ang sabi ni Rizal, kumporme sa sukat;May pantig na dose, may linya na apatAng gusto n’yang sukat: tulad kay Balagtas.Ang sabi ng iba, masarap tumugmaAng sabi ni Rizal, kumporme sa tugma;Patinig na tugma, katinig na tugma,Ang gusto n’yang tugma: may lakas at hina.Ang sabi ng iba, masarap sumulatAng sabi ni Rizal, kumporme sa sulat;May nakakatawa, may nakakaiyak,Ang gusto n’yang sulat: daig pa ang tabak!

Tugma(patinig)

MALUMAYasawabana  

MALUMIasiwapana 

MABILISsawa (python)

balbakwa

MARAGSAsawa (fed up)

tuwa 

A

Tugma(patinig)

MALUMAYdami

kabibe 

MALUMIkuliti 

MABILISdumi

MARAGSAkiliti

 

E/I

Tugma(patinig)

MALUMAYtubo (pipe)

suso (breast)

MALUMItubo (profit) paso (burn)puso (heart)

 MABILIS

ubotubo (sugarcane)

MARAGSAhubo

suso (escargot)paso (flowerpot)puso (boiled rice)

 

O/U

Katinig(a. Malakas)

poottalostalopbilogsahodSampaloc

pook

xerox

loob

molotov

O/U

Phuketpuwit

puwespawisAziz

hanepIhiptariff

Itnegdilig

DepEdidlip

Balic-balickropektapikTaufiqHendrix

GuiebdibdibLiv

E/I

alatahasulapbalagpaladAlakIraq

alabLav

A

TSZ

FP

GDCKQX

BV

Katinig(a. Mahina)

kahoyow !motorbagoongibonalimuomalkoholO/U

yeheyewsaliw

paderbeddengbelenehemkahelE/I

arayarawradardalangulanulambagalA

YWRNGNML

SUKATTaludtod

1.     DALAWAHAN (pareado)

e.g. KASABIHAN

Colang palar na bongcaui

Lapatin ma,i, di mangyari.

SUKATTaludtod

2.       TATLUHAN (terceto)

e.g. OYAYI

 

Ang Ina mo, i, uala pa,

Nupol na nang sampaga

Isasabog sa alta.

SUKATTaludtod

3.         APATAN (cuarteto) e.g. KORIDO

Bunso co Bernardo ay sino pa baga Magmamana nitong reino nang España Sinong sasalinan nang cetro,t, corona Cundi icao bunso ngayo,i, aalis ca.

SUKATTaludtod

4.      LIMAHAN (quintilla) e.g. PASYON

Umulan man sa bundok Huwag sa dakong laot, Aba si Kasampalok, Nanao nang di ko loob Walang baon na kumot.

SUKATTaludtod

5.     ANIMAN (sexteto) e.g. AWITING BAYAN

  Inday, Inday, sa Balitaw

Batang nabalian, kahoy na sariwa: Saging na nilaga, Kinuha sa lungga, Binabad sa suka Panggamot sa sikmura.

SUKATPantig

1.      PIPITUHIN

e.g. Tanaga (ni Ildefonso Santos)

 

Palay siyang matino. Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo – Nagkabunga ng ginto!

SUKATPantig

2.   WAWALUHIN e.g. Ang Paggising ni Lope K. Santos

Kudyapi ang nakaparis Na sa dingding isinabitDatna’t panawan ng lamig;Nang kunin ka ng gagamitAng bagting mo’y walang tinigSa daliring nagnginginig.

SUKATPantig

1. LALABINDALAWAHING

APAT-APAT-APAT

e.g. Ang Buhay ni Lope K. Santos

Mainggitin./ Maparangya./ Mapalalo.

Maramdami’t/ kung gasinong /di-mabiro.

Alanganin:/ tila lantad,/ tila tago.

Nakikitang/ kumikilos,/ di-mahipo.

SUKATPantig

4. LALABINDALAWAHING ANIM-ANIM

e.g. Jocelynang Baliuag

 

Pinopoong sintal niring kaluluwa,

Nakakawangis mo’yl mabangong sampaga;

Dalisay sa linis,l dakila sa ganda,

Matimyas na bukall ng madlang ligaya.

SUKATPantig

5. LALABINGWALUHIN e.g. Anak ni Eba ni Marta Martin Martinez  Kung pagsaulan kong/ basahin sa diwa/ ang

matandang aklat Ang nababasa ko’y/ ang bakas ng luhang/ sa daho’y

pumatak Bawat kabanata/ ng kasaysayan ko/ ay luhang taganas Ang nahahalaw ko/ sa aking kahapong/ sa luha’y

nalagmak.

MGA PILING TULA NI RIZAL

Sa Birheng Maria(salin ni Virgilio S. Almario)

Maria, matamis na payapa’t alòSa dalitang mortal! Bukal ka ng batisNa biyaya’t tulong na di napapatidUpang lupa nami’y lumusog pang lalo. Mula sa dambanang kay taas kay layò, Dinggin at mahabag sa aking hinagpis!Kupkupin ng iyong balabal ng rikitIgkas ng tinig kong mistulang palaso.  

 Ikaw ang Ina ko, Maria ng tibay,Ikaw ang búhay ko, kuta kong magalíng,Timon ko sa dagat ng lupit at lumbay. Kung bisyo’y magsugid na ako’y sugurin,Kung lupigin ako nitóng kamatayan,Sakloluhan ako’t pighati’y pawiin. 

Sa Filipinas(Salin ni Virgilio S. Almario)

May init at ganda ng huring sagrado, May lamyos at linis ng unang silahisKapagka namurok ang ulap sa langit, Himbing ang diyosa ng lupaing Indio.

Hinahagkan-hagkan ang sakong at kuko Ng bulâ ng dagat—sabík at tahimik;May dunong Kanluran ang ngiting matamis,Sa ubaning Polo ang bordadong belo.

  Musa ko, masigla’t may lambing pang taglay,

Awitan s’yang tila Ondina’t Nayadas;Alay ko sa kanya ang palad ko’t búhay.

Lunting mirto, liryo, at purpurang rosas,

Iputong sa kanyang noong kay dalisay,

Artistas! Purihin itong Filipinas!

Sa Kabataang FilipinoSalin ni Virgilio S. Almario

Lema—Sumupling ka, O! kiming bulaklak!

Taas ang noong kinís,Kabataang Filipino! Ito’y arawPara lalong rumikitAng talinong marangal,Magandang pag-asa ng aking bayan! Bangon, dakilang henyo,At sa marangal na muni’y tigibin,At isúlong nang todo,Mas mabilis sa hanginTungo l’walhati ang birheng isipin.

Sa Kabataang Filipino

Dalhin ang maliwanagNa sining at agham sa paglalaban,Kabataan, iwasakSa kadenang makapalAt tali sa henyong pampanulaan. Tingnan, may sonang initSa lumang dilim; koronang EspanyolNa napuspos ng rikitAt kamay na marunong,May handog sa lupang Indio sumibol.

Ikaw, na umimbulogSa bagwis ng malusog na pantasya,Pa-Olimpong kilos,Ang tula’y ipanatang Masarap kaysa nektar at ambrosya;

Sa Kabataang FilipinoIkaw, tugtuging banal,Karibal ni Filomena sa lamyos,Na sa himig sabayanKung gabing mairog,Ibsan ang mortal ng parusang kirot; Ikaw, na pumipintigSa tigas ng bato ang mapag-isipan At may henyong marikitAng malusog na kamaySa pagtatatak ng kawalang-hanggan; At ikaw, may engkantoNi Febo, mahal ni santong Apeles,At may damit ng mundo,Ang pinsel mo’y magmadyikAt isalin sa mga basyong sahig;

Sulong! Henyo mo’y alabSa ipuputong na koronang lawrel,Ang trompang tagahudyat Ng Fama’y tatagintingSa pangalang dapat na tingalain. Araw, araw ng tuwa,Mutyang Filipinas, sa lupain mo!Sa basbas ng bathala,Masuyong sumaiyoAng mabuting palad at konsuwelo.

Sa Kabataang Filipino

Hiling Nilang Tumula Ako(Salin ni Virgilio S. Almario)

IHiling niláng papintigin ko ang liraNa matagal nang napipi at nasirà,Wala kahit isang notang nakakapâ…At di ako pasiglahin nitóng Musa!Nanlalamig siya’t utal ang kaparaPag pinilit ng isip kong makibagay,Pag natuwa, tawa’y pakunwari lámangKatulad ng pakunwari ring paghibik,Dahil ako’y nag-iisang nahahapisAng isip ko’y walang búhay at pandamdam.

IIMay panahon, oo, ito ay totoo…Ngunit iyon ay matagal nang nawala,Noong ako’y tinatawag na makataNg malayaw na kaanak at katoto.Ngunit ngayon, alaala lámang nitóKung sakali ang mumunti’t natitiraAt katulad ng buhat sa isang pistaNa may himig na munti man ay matamis Na naiwan at inampon sa pakinigMula ingay ng tumugtog na orkesta.

IIIKatulad ko ay halamang kasusuplingAt kaagad na binunot sa Silangan,Doo’y tila panaginip ang mabúhayDoo’y tila may pabango ang bukirinO, Bayang di malilimot hanggang libing!Doon ako tinuruan sa pag-awitNg masayáng mga ibon pagtiririt;Mga busay sa maghapong paghalakhak,At maalab na pagbulong niyong dagatSa baybaying namamagâ sa pag-ibig.

IVKahit noong panahon ng kamusmusanHabang ako’y may ngiti sa araw niya,Ang dibdib ko’y kumukulo’t namumuláPagkat pugad ng bagsik ng isang bulkan;Kung makata ako noon, may pananawNa sa tulong ng tula ko, kahit pilit,Masabi ko sa hanging napakabilis::”Lumipad ka, ngalan niya’y ipagbantogAwitin s’ya sa lahat ng dako’t pookMula lupa, at saanman, hanggang langit.!”

Hiling Nilang Tumula Ako

VNgunit siya’y iniwan ko! Ay, tahanan,Isang punòng ginahasa at natuyot,Di na ngayon inuulit, sinasagotAng pahatid kong awiting luma’t taal!Tinawid ko ang lawak ng karagatanSa hangaring mabago ang aking palad,Kay baliw ko! Ni di nasok sa hinagapNa sa halip na mabuti ang sapitin,Kamatayan, masasamâng pangitain,Ang tinanggap na pabuya mulang dagat.

VIAng lahat ng magaganda kong ilusyon,Ang lunggati, kasiglahan, at pag-ibigAy naiwan sa lilim ng sintang langitNg mabango at magandang lupang iyon.Kayâ puso’y huwag ninyong hingan ngayonNg taludtod ng pag-ibig, dahil patay,At sa gitna ng disyertong walang-hangganNaglalakad ako dito’y walang imik,Nadaramáng kaluluwa’y tigib hapis,At ang diwa’y tinakasan na ng malay.

Hiling Nilang Tumula Ako

SA MGA BULAKLAK NG HEIDELBERG(Salin ni Virgilio S. Almario)

Hayo kayó sa bayan ko, hayo, mga banyagang bulaklak,inihasik ng biyahero sa gilid ng munting daan,at sa lilim ng asul na langitna tanod sa mga mahal koay isalaysay ang pananaligna dalá ng peregrino mulang lupang tinubuan!Hayo kayó at sabihin…at sabihing nang ibukásnang marahan ng liwayway ang kalis n’yosa tabi ng nagyeyelong Neckar,nakita ninyo’t katabi siyang lubhang matahimik,iniisip ang lupaing palagiang may tagsibol.

Sa mga bulaklak ng Heidelberg

At sabihing kapag ang liwaywayna nagnanakaw sa inyong samyoay nagbulong ng maharot na awitin ng pag-ibig,ibinubulong-bulong din niyaang awitin ng pag-ibig sa wika n’yang katutubo;na kapag kinumutan ng arawang taluktok ng Koenigsthul sa pang-umagang bulawan,at sa bisa ng init na angkinpinasigla ang bukirin, kagubatan, at ang dawag, nagpupugay naman siya sa araw na sumisikat, nagliliyab sa taluktok ng bundok ng kanyang bayan!

At isalaysay ninyo ang arawnoong ipunin n’ya kayó sa tabi ng nilalandassa may gitna ng ruwina ng feudal na kastilyo,sa mga pampangin ng Neckar, o sa gubat na malilim,isalaysay ang sabi sa inyonoon, kung paanong anung ingat,sa loob ng isang aklat na luma na’t lubhang gasgasay inipit ang mabango at maselan n’yong talulot.

Sa mga bulaklak ng Heidelberg

Dalhin, dalhin, O, mga bulaklak!pag-ibig sa ‘king mga pag-ibig,kapayapaan sa bansa at masupling nitóng bukid,mga birtud sa babae, sa lalaki’y pananalig, at kalusugan sa mga anakna nilukob ng tahanan ng ninuno’t sakdal-linis.

Pagsapit ninyo doon sa pampang,itinatak ko sa inyong halikay kaagad na ilagak sa bagwis ng mga simoy upang ito ay pumailanglangat mahagkan ang lahat kong sinasamba’t iniibig!

Sa mga bulaklak ng Heidelberg

Sa mga bulaklak ng Heidelberg

At, ay! pagdatal, mga bulaklak,makikimkim pa marahil ang kulay na matitingkad,ngunit kapag napawalay sa lupaing iniibigat inutangan ng inyong buhay,maglalaho din ang halimuyak;dahil samyo’y diwang hindi makapagpapalit-langitni lilimot sa silahis na sumaksi sa pagsilang.

Awit ni Maria ClaraSalin ni Virgilio S. Almario

Kay tamis mabúhay sa sariling bayanLahat kaibigan sa silong ng araw,Búhay kahit simoy na buhat sa parang,Aliw ang mamatay, umibig ay banal.

Awit ni Maria Clara

May sarili ka bang bayan?Dahil ako’y nalulumbay,Huwag akong hahanapanNg bayan kong akin lámang!

 Maalab na halik sa labì’y kasaliwMagmula sa dibdib ng ina paggísing;Ang hanap ng bisig siya ay yapusin,At napapangiti ang matá pagtingin.

Awit ni Maria Clara

May ina ka bang nagmahal?Dahil ako’y nalulumbay,Huwag akong hahanapanNg ina kong aking lámang!

 Kay tamis mamatay kung dahil sa bayan,Lahat kaibigan sa silong ng araw;Lason kahit simoy para sa sinumangWalang bayan, walang ina’t minamahal.

Sa aking . . .

Musa’y di na tinatawag;di na uso pati lira,walang makatang lilingap;kabataan pag nangarapinspirasyon nila’y iba. Ngayon ang imahinasyongsa pagtula’y pinahabi,di tatanghod sa Helicon; umoorder lang sa “gascon”ng isang tasa ng kape.

At sa halip na estropana tapat at madamdamin,tula ngayong ipabása’ymula sa aserong pluma:may patawa o pasaring. At kung noon, aking Musa,ay bukal ka ng awitingpampag-ibig, mamahinga:kailangan ko’y espada,gintong ilog, prosang asin

Dapat akong mangatwiran,magmuni’t makitunggali,at umiyak din kung minsan:ang malaki kung magmahalmalaki rin ang pighati. Wala na’ng araw ng sarap,mga araw na payapa,noong sapat ang bulaklakipampawi sa mabigatna lungkot ng aking diwa.

Umaalis isa-isa,sa tabi ko, ang mahal ko;may namatay, nag-asawa,dahil hinipo ko silá ng kamalasan kong selyo. Layas, Musa! Humarayang maganda’t ibang pook!sa bayan ko ang biyaya’ylawrel na may tanikala,templong karsel ng paglimot.

Sa aking . . .

Kung masamâ at mahalayang pagsikil sa totoo,di ba’t lalong kabaliwangtanggalin ang kalayaan,pigilan ka sa píling ko? At paano kang aawitkung tadhana’y magsiyasat?Kung may unos sa paligid?Kung may inang nagigipitat hanap ang mga anak?

At ano ang itutugtogkung taghoy lang ang bumalikat wala nang mapakilos?Kung ang mundo’y nakalubogSa hinaing at hinagpis?  Para ano, kung nakinigay kritiko’t mapanduro?Diwa’y tuyo, dila’y manhid,Wala nang pusong ang pintigkasabay ng aking puso?

Sa aking . . .

Bayaan nang mapahimbingAng pandamá sa paglimot.Mas mainam doon! Aliwko ay ligtas sa tagintingng tugmaang marurupok. Tulad ng túlog sa pusodng halimaw sa abismo,ihimlay ang mga kirot,kapritso ko’t mga irogna ang puntod ay dibdib ko

Batid kong di naghahanapang lahat mong pagbibigay,edad iyon ng bulaklaksa panganay na pagliyagat walang ulap ng búhay. Lumipas na’ng mga taonnang mag-alab ang noo kosa halik mong nag-aapoy.Lumamig nang halik iyonAt nalimot ko na ito!

Sa aking . . .

Sa aking . . .

Ngunit hintay ka, ibigay,ibigay sa gintong tinigna lagi kong nahihintay,ang awit sa nalulumbayat hámon sa manlulupig.  

Ngunit bumalik ka, imahinasyong sagrada,upang itong guniguni’y muling painitin pag lanta na ang diwa, balî na ang espada,at di ako namatay para sa bayang giliw;handugan mo ako ng kudyaping nagdurusana may elehiyang lumilindol sa bagting,para patamisin ang luha ng aking lupa,palubagin ang ingay ng kanyang tanikala.

At kung magtagumpay naman sa koronang lawrelang aming sikap, magkaisa ang aking bayan,tumanghal na reyna nitóng sonang Silanganin,isang putîng perlas na hinango sa putikan,bumalik ka na rin, at ihimig nang matagintingang isang sagradong imno ng manigong búhay,at kami ay tila korong aawit pasagotkahit nása ilalim ng hinimlayang puntod.

Sa aking . . .

Awit ng BiyaheroSalin ni Virgilio S. Almario

Dahong tuyo’t pasuling-suling nang lipadKung saanman maitaboy ng buhawing malulupit;Isang gayong hampaslupa ang b’yahero,Walang Norte, walang diwa, walang bayan ni pag-ibig. Ang ligaya’y masikap na hinahanapAt ligaya’y lagi namang mabilis na tumatakas:Umuuyam na anino sa lunggati…!Dahil dito, biyahero’y tumawid ng mga dagat! Tulak-tulak ng kamay na walang-awa,Dapat siyang maglagalag at lumaboy kahit saan;Walang dalá kundi mga alaala—Ng iilang minamahal, ng masayáng isang araw.

Awit ng Biyahero

Isang puntod kung sakali sa disyerto’ngMakikita, at ampunang matamis na’t mapayapa,Nalimot ng bayan niya’t ng daigdig…Mamahinga nang tahimik, sa parusa’y makawala! Inggit sila sa kawawang biyaheroKapag siya’y tumatawid nang mabilis sa daigdig…Ay! di nilá batid na ang kaluluwaNiya’y basyo hanggang ubod, walang lamang ni pag-ibig.

Babalik ang peregrino sa bayan n’ya At marahil ay babalik sa tahanang sinisinta,At makikita’y niyebe at ruwina,Mga mahal na naglaho, mga puntod, at wala na. Magpatuloy, biyahero, sa landas mo,Manatiling estranghero sa sarili’t sintang bayan;Pabayaan ang pag-awit ng pag-ibigSa kanilang maligaya, humayo ka’t magpaalam. Humayo ka, biyahero! H’wag lilingon,At huwag kang malulungkot sa pamuling pag-alis mo,Pigilin din, biyahero, ang pighati,Tinatawanan ng mundo ang kirot ng ibang tao.

Awit ng Biyahero

Retiro Ko (sa aking ina)Salin ni Virgilio S. Almario

Sa malapad na baybaying pino’t pilì ang buhanginAt paa ng isang bundok na lungtian hanggang tuktok,Itinanim ko ang kubong kahit munti ay malilimHábang hanap sa dawagang matahimik at taimtimAng pahinga sa diwa ko’t pampayapa sa himutok. Marupok ang atip-pawid at ang sahig na kawayan;Mga biga at haligi’y magaspang na punongkahoyHindi bale, tiyak namang itong aking munting bahayNakahimlay sa kandungan nitóng bundok na eternalAt may awit at oyayi araw-gabi ang pag-alon.

Ang batis na umaapaw, mulang gubat ng aninoPadausdos ng batuhan, mairog na naglilinis,At ang dulot na pagdaloy sa kawayang mga túboAy may likhang mga himig kung magdamag na serenoAt may nektar na dalisay kapag araw na mainit. Kung aliwalas ang langit, may bukal na masunuringAng kudyaping mahiwaga’y walang tigil tinutugtog;Ngunit ulan pag dumatal, ang pangahas na damdami’ySusugod sa bato’t bangin, puro ingay, bulâ, angil,At sarili’y umuungol na sa dagat dinudurog. Ang kahol ng mga aso, tiririt ng mga ibon,At kalaw na namamaos dito’y aking naririnig;Walang hambog na nilikha, kapitbahay na matutol Na hahadlang sa isip ko’t sa landas ko ay lalaboy;Gubat lámang at ang dagat ang sa aki’y nakaligid.

Retiro Ko (sa aking ina)

Dagat, dagat na ang lahat! Napakalawak na lakasNaghahatid ng atomo mula pulông malalayò;Sinusuyo niya ako kung umaga’y bumubukad,At kung hapong bigong-bigo’t pananalig ay bumagsak,Umaalon niyang hapis sumisigid sa ’king puso. Misteryo ito kung gabi! Lawas nitóng nagniningningMay latag na libo-libong kumikislap na liwanag;Sariwa ang bawat simoy, kalawaka’y mabituin,Ibinubulong ng alon sa nakikinig na hanginAng salaysay na nawala sa panahon ng bagabag. Diumano, itong mundo sa umagang magsimula Isang unang halik-araw ang nagpaalab sa dibdib,Noong angaw na nilikha ang lumitaw mulang wala,At tumahan sa abismo’t tugatog na kumalinga,At sa lahat ng lupalop na tumatak itong halik.

Retiro Ko (sa aking ina)

Nang ang simoy ay magpuyos sa magdamag na madilim,At ingay ng mga alon ay mauwi sa pag-iyakTumawid sa himpapawid ang taghoy na malalagim,Tila koro, mga tinig ng dalangin, dumadaing,Tinig niláng, noong araw, nangalunod daw sa dagat. Sakâ ito umalingaw sa tuktok ng kabundukan,Sumuray ang mga punò nang paroon at parito;Mga alaga’y umungol, yumanig ang kalaliman,Anang mga espiritung patungo sa kapatagan,May tawag ang mga patay sa pista ng mga multo. At sumipol, at sumipol itong gabing nangangamba;Mga asul, berdeng ningas ang sumilakbo sa dagat;Kapayapaa’y bumalik nang dumating ang umagaAt mabilis, isang bangkang mangingisda’y sumalunga,Sa pagal na mga alon ay pamuling nakitalad.

Retiro Ko (sa aking ina)

Gayon lagi ang araw ko sa retirong hinantungan,Pagkatapos na itakwil ng tinahanan kong mundo;Pambihira ang palad ko, at salamat sa Maykapal:Tila ako munting batong ang pangarap ay lumot langMalayò sa mga bigat ng tungkuling dinalá ko.  Nabubúhay na kapíling ang gunitang mga irogNaririnig pag binigkas ang kanilang mga ngalan;Nangamatay na ang ilan, at ang iba’y nakalimot;Bagaman, ano’ng halaga?...Gunita ko’y pampalusog At walang makaaagaw sa akin ng nakaraan. Tila ito kaibigang di kaylanman magtataksilNa palaging sumusuyo sa puso kong nahahapis,Na bantay at nagdarasal kung may gabing mahilahil,Kasáma ko, sa destiyero at sa dampa ay kapíling,At kung pawang duda lámang ang laman ng pananalig.

Retiro Ko (sa aking ina)

Nananalig pa rin ako, umaasa sa umagangMananaig ang Idea sa kapangyarihang brutal, Pagkatapos ng digmaan at mahabàng pagdurusa,Isang tinig na manigo’t mas malakas, mas masayá Kaysa akin ang huhusay na awitin ang tagumpay. Nakikita ko ang langit na maningning at dalisayTulad noong magsimula ang aking unang ilusyon,Nadaramá ko ang halik sa noo kong nagkauban Ng simoy ding nagpainit sa dugo kong kabataanNg simoy na nagpaningas sa pangangarap ko noon.  Nalalanghap ko ang simoy na marahil ay tumahakSa bukid at mga ilog ng bayan kong sinilangan;Nais marahil ibalik ang lahat kong inilagak:Mga halik at pighati ng ‘sang táong sakdal-taas,Mga lihim na matamis ng ‘sang tibok na birhinal.

Retiro Ko (sa aking ina)

Nakikita ko ang buwan, tulad noong pilak lalik,Nadaramáng binubúhay ang panglaw na sinauna;Ginigísing ang sang-angaw na pangako at pag-ibig…Isang patyo, asotea, balag-baging, dalampasig,Pag-iisa at pag-asa, kasiyahang pamumulá… Mariposang nasasabik sa mailaw at marubdob,Pangarap ay ibang langit at malaking tunggaliin, Kabataan pa’y iniwan ang bayan ko’t mga irog, At lumaboy kung saanmang walang duda’t walang tákot,Nilustay sa ibang lupa ang init ng aking abril. At matapos, naglunggati ang pagál na golondrinangBalikan ang dáting pugad ng magulang at pag-ibig,Isang biglaang buhawi ang sumaklot sa pag-asa: Natagpua’y balîng bagwis at ang moog na wasak na,Nagpalit ang pananalig, mga guho ang paligid.

Retiro Ko (sa aking ina)

Itinapon sa mabatong samparan ng aking bayan,Nawasak ang hinaharap, walang lusog, walang pugad, Dumatal ka sa ‘king muli, panaginip na bulawan,Bukod-tanging mga hiyas ng buo kong pagkabúhay,Bungang-isip ng malusog at kabataang matapat. Hindi ka na tulad noong tigib apoy at adhika,Nagtatagay ng korona tungo sa inmortalidad;Waring higit ka nang seryo, ngunit ang irog mong mukha,Kahit hindi kasinsayá, kung bagaman namumutla,Nakataas naman ngayong may tatak ng pagtatapat.

Retiro Ko (sa aking ina)

May handog ka, O! ilusyon, ng kopa ng mga tuwa,At muli mong ginigísing ang nagdaang kabataan:At salamat, O buhawi! Salamat sa mapagpalàngMga simoy! Nagpaikli sa di-tiyak kong paggalàAt nagbabâ sa ‘king muli sa lupa kong tinubuan. Sa malapad na baybaying pino’t pilì ang buhanginAt paa ng isang bundok na lungtian hanggang tuktok,Nakamit ko sa bayan ko ang kanlungan anung lilimAt sa dilim ng dawagan, katahimikang taimtimNamahinga ang diwa ko’t pumayapa ang himutok.

Retiro Ko (sa aking ina)

Huling PaalamSalin ni Andres Bonifacio, 1897

Pinipintuho kong Bayan ay paalamlupang iniirog ng sikat ng araw,mutyang mahalaga sa dagat Silangankaluwalhatiang sa ami’y pumanaw. Masayáng sa iyo’y aking idudulotang lanta kong búhay na lubhang malungkotmaging maringal man at labis alindogsa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapisang alay ng iba’y ang búhay na kipkip;walang agam-agam, maluwag sa dibdib,matamis sa puso at di ikahapis. Saanman mautas ay di kailangan,sipres o laurel, liryo ma’y putungan,pakikipaghamok at ang bibitayanyaon ay gayundin kung hiling ng Bayan.

Huling Paalam

Ako’y namamatay ngayong namamalasna sa silanganan ay namamanaagyaong maligayang araw na sisikatsa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pulá kung kinakaylanganna maititina sa iyong liwayway,dugo ko’y isabog at siyang ikinangng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapol magkaisipnang kasalukuyang batà pang maliitay ang tanghalin ka at minsang masilipsa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa matá’y nunukal,Taas na ang noo’t walang kapootan,Walang bakás kunot ng kapighatianGabahid mang dungis niyang kahihiyan.

Huling Paalam

Sa kabuhayan ko ang laging gunitamaningas na aking ninanasà-nasàay guminhawa ka ang hiyaw ng diwapaghingang papanaw ngayong biglang-bigla. Ikaw’y guminhawa laking kagandahangako ay malugmok at ikaw’y matanghal,hininga’y malagot, mabúhay ka lámang,bangkay ko’y masílong sa ‘yong kalangitan.

Kung sa libingan ko’y tumubòng mamalassa malagong damo mahinhing bulaklak,sa mga labì mo’y mangyaring ilapat,sa kaluluwa ko halik ay igawad. At sa aking noo nawa’y iparamdamsa lamig ng lupa ng aking libinganang init ng iyong paghingang dalisayat simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Huling Paalam

Bayaang ang buwan sa aki’y ititigang liwanag niyang lamlam at tahimik,liwayway bayaang sa aki’y ihatidmagaláw na sinag at hanging hagibis. Kung saka-sakalîng bumabâng humantongsa krus ko’y dumapo kahit isang ibon,doon ay bayaang humuning hinahonat dalitin niya payapang panahon

Bayaan ang ningas ng sikat ng arawula’y pasingawin noong kainitan,magbalik sa langit nang buong dalisaykalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sinuman sa katotong giliwtangisan maagang sa búhay pagkitil;kung tungkol sa akin ay may manalanginidalangin Bayan yaring pagkahimbing.

Huling Paalam

Idalanging lahat yaong nangamataynangagtiis hirap na walang kapantay,mga ina naming walang kapalaranna inihihibik ay kapighatian. Ang mga nabáo’t pinapangulila,ang mga bilanggong nagsisipagdusa,dalanginan namang kanilang makitaang kalayaan mong ikagiginhawa

Ay kung sa madilim na gabing mapanglaway lumaganap na doon sa libinga’ttanging mga patay ang nangaglalamay,huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalainkaipala’y [dinig] doon ang taginting,tunog ng gitara’t salteryo’y magsaliw,ako, Bayan, yao’t kita’y aawitin.

Huling Paalam

Kung ang libingan ko’y limot na ng lahat,at wala nang kurus at batong mábakás,bayaang linangin ng táong masipag,lupa’y asarulin at kanyang ikalat. Ang mga buto ko ay bago matunawmauwi sa wala at kusang maparam,alabok ng iyong latak ay bayaangsiya ang bahalang doo’y makipisan.

Kung magkagayon na’y aalintanahinna ako sa limot iyong ihabilinpagkat himpapawid at ang panganorin,mga lansangan mo’y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dinig mo,ilaw, mga kulay, masamyong pabango,ang ugong at awit, paghibik sa iyo,pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Huling Paalam

Bayang iniirog, sákit n’yaring hirap,Katagalugan kong pinakaliliyag,dinggin mo ang aking pagpapahimakas;diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako’y patutungo sa walang busabos,walang umiinis at berdugong hayop;pananalig doo’y di nakasasalotsi Bathala lámang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid,kapilas ng aking kaluluwa’t dibdib,mga kaibigan batà pang maliit,sa aking tahanang di na masisilip. Pagpasalamatan at napahinga rin,pa’lam estrangherang kasuyo ko’t aliw,paalam sa inyo mga ginigiliw,mamatay ay siyang pagkakagupiling.

 HULING PAALAM(Salin ni Guillermo E. Tolentino)

Paalam na, sintang Bayan, lupang kasuyo ng araw,Mutya ng dagat Silangan, aming langit na pumanaw!Malugod kong inyaalay ang amis ko’t lantang búhay,At tunay mang maluningning, mabulaklak at malabayAlay ko ri’t sa ‘yo’y handog, lumigaya ka na lamang. Sa larangan ng digmaan at madugong pagbabákaBúhay rin ng niyong iba’y buong pusong alaala;Kahit saa’y idudulot: hapis, dangal at ligaya,Sa bitaya’t kaparangan, piyapisa’t madlang dusa,Ay gayundin, kung ang bayan at tahanan ang may pita.

Ngayong ako’y mamamatay saka naman namamalasAng alindog ng liwayway sa likod ng luksang ulap;Kung pulá ang kailangang pampatingkad ng banaag,Ibubo mo ang dugo ko’t padanaking walang bawasAt iginto sa silahis ng ninitak mong liwanag. Pangarap ko noong batàng di pa halos magkamalay,Pangarap ko nang binatang ganap na sa kalusuga’yTanghalin kang isang hiyas sa dagatan ng Silangan;Matáng itim walang luha, noong taas malailaw,Walang kunot, walang mungot, walang bahid-hiyang tunay.

Panagimpan ng búhay ko, maalab kong pagnanasà,Lumusog ka! ang hiyaw ng yayaon kong abâng diwa!Anong sarap na malugmok upang ikaw’y matimawa,Mamatay nang mabúhay ka—sa langit mo’y mamayapaAt malibing ang bangkay ko sa lupa mong masanghaya!

Huling Paalam

Kung sakalîng sa puntod ko’y may mapansin isang arawNa munti’t abâng bulaklak sa naggubat na damuhan,Halikan mo, pagkat yao’y bulaklak ng aking búhay,At noo ko ang daramdam sa malamig kong libinganNg hinga mong maligamgam, ng hihip mong malumanay. Bayaan mong ako’y tingnan ng lamlam ng buwang sinag,Bayaan mong ang liwayway ay dagliang magliwanag,Bayaan mo ring humibik at umungol ang habagat;At sa dipa kung dumapo’y isang ibong mapanatag,Bayaan mong huni niyang mapayapa ang igawad. Bayaan mong ula’y tuyin ng nag-aalab na arawAt abayan ang diwa ko niyong singaw na dalisay;Bayaan mong may tumangis sa maaga kong pagpanaw;At kung hapong matahimik ng dalangi’y may mag-alayIdalangin din, O Bayan, kay Bathala yaring buhay.

Huling Paalam

Idalangin mo ang tanang namatay na kulang-pala,Yaong mga nangagtiis ng parusang walang-awa;Yaong aming mga inang sukdol pait ang pagluha,Ang ulila’t mga bao, ang bilanggong nanghihina’tIdalangin mo rin naman ang lubusan mong paglaya. At kung gabing may balot na ng karimlan ang libinga’yTangi lúmang mga patay ang doon ay naglalamay,Huwag siláng gambalain, ang hiwaga ay igálang;Kaipala’y marinig mo ang kudyaping may kundiman,Sintang Bayan, yao’y ako at kita’y inaawitan! At kapag ang libingan ko’y nalimutan na ng madlaWalang dipa, maging bato kabakasan niyong tanda,Bayaan mong bungkalin na’t isabog ng maglulupa’tAng abo ko bago sana mapabalik man sa walaSa malambot mong tuntunga’y mapalatag munang sadya.

Huling Paalam

At sa gayo’y di na ako kailangang gunitain,Ang hangin mo, ang lawak mo, ang libis mo’y babagtasin,Sa dinig mo ay magiging tinig akong naglalambing,Halimuyak at liwanag, kulay, higing, awit, daing,Ubod niring paniwala’t muli’t muling sasambitin. Aking Bayang iniirog, hapis niring kahapisan,Sinisintang Filipinas, dinggin yaring pamaalam.Iniiwan ko ang lahat: magulang ko’t kaibigan;Tutunguha’y walang api, manlulupig, mámámatay;Ang pagsamba’y di ninitil, si Bathala’ng Haring tunay. Paalam na, magulang ko’t kapilas ng kaluluwa,Kalaro ko nang musmos pa sa tahanang naparam na;Ipagpasalamat ninyo ang pagod kong nagkahangga;Paalam na, dayong tangi, aking aliw, aking sinta,Paalam na tanang mahal: mamatay ay mamahinga

Huling Paalam

 HULING PAALAM

(Salin ni Virgilio S. Almario, 2011)

Paalam na Bayang sinta, lupang kasuyo ng araw,Mutya ng Dagat Silangan, ang naglaho naming Eden,Ibibigay kong masayá ang lungkot ng lantang búhayAt kung naging mas maningning, mas sariwa’t mas makulayIhahandog ko rin sa ’yo, para sa ’yong igagalíng. Sa parang ng pagbabáka, sumusugbang tigib dusa,Handog nilá kahit búhay, walang duda, walang suway,Balewala kung saanman: sipres, lawrel, o sampaga,Bibitayan o bukirin, digmaan man o parusa,Kahit ano kung hiningi ng Bayan at tinubuan.

Mamamatay akong nítang nagkukulay na ang langitAt sa wakas dalá’y araw, sa likod ng lambong ulap; Kung dapat pang patingkarin ang umagang nalalapit,Naririto ang dugo ko, itigis sa takdang saglitAt idagdag na pangginto sa sisilay na liwanag! Pangarap ko noong halos baguntao pa ang málay,Pangarap ko nang paslit pa’y masigla na’ng pangitain,Makita ka isang araw, hiyas ng Dagat Silangan,Mataas ang noong kinís, walang luha ang pananaw, Walang kunot, ni kulubot, walang bahid mahiyain. Ginhawa ng aking búhay, pampaalab ng lunggati,Mabuhay ka! Ito’ng sigaw ng diwa kong papaalis;Mabuhay ka! Paglipad mo, O, kay tamis malupagi!Ang mamatay para sa ’yo, mamamatay nang may ngiti,Sa lupa mong engkantada’y walang-hanggan ang pag-idlip.

Huling Paalam

Kung sa rabaw ng puntod ko’y may sumupling, isang araw,Sa gitna ng damo’t yagit, kimi’t payak na bulaklak,Ilapit mo sa labì mo’t ang diwa ko’ng mahahagkan,Manunuot sa noo ko sa malamig kong libinganAng malamyos mong pagsamyo at hiningang nag-aalab. Bayaan mong yaong buwan ay magtanod nang magiliw;Bayaan mong yaong araw magpasinag nang makináng;Bayaan mong yaong simoy humibik nang mataimtim;At kung sa krus ko’y may ibong dumapo at humalimhimBayaan mong ang ihuni’y awit ng kapayapaan.  Bayaan mong init araw ay tugnawin ng pag-ulanAt wagas na ipalangit, doon taghoy ko’y iluklok;Bayaan mong may katotong itangis ang pagkamatay;At kung gabing matahimik, gunita ko’y may magdasal,Ipagdasal mo rin Bayan ang pagpíling ko sa Diyos.

Huling Paalam

Ipagdasal ang maraming namatay nang walang palad,Ang maraming nagtitiis ng parusang walang-hanggan, Ang kawawang ina naming sa dalita isinadlak,Ang ulila’t mga balo, mga piit ng pahirap,At dasalin para sa ’yo ang ganap mong katubusan. At kung gabi ay karimlang nakabálot sa puntod ko,At ang tangi, tanging bantay ay ang mga nakalibing,Huwag siláng gambalain, huwag alsan ng misteryo,Kung marinig mo ang himig ng kudyapi o salteryo,Ako iyon, Bayang sinta, para sa ’yo ang awitin. At kung puntod ko’y limót na ng lahat ng mag-aampon,Wala ni krus, kahit bato, na magamit na panandâ Bayaan mong araruhin o bungkalin ng asarol,At abo ko—bago lubos na lagumin ng panahon—Muling maging pulbong sangkap sa banig mong mapagpalà.

Huling Paalam

 At sa gayon balewalang ako’y lubos mong iwaglit,Tatawirin ko’ng lawak mo, espasyo mo’t kapatagan,Mataginting at malinaw, himig akong maririnig,Samyo, sinag, mga kulay, bulong, awit, at hinagpis,Matatag na uulitin ang diwa ng aking laban. Aking Bayang sinasamba, pasákit ng aking sákit,Ang sinta kong Filipinas, pakinggan mo ang paalam,Iniiwan ko ang lahat, magulang ko’t iniibig,Ang tungo ko’y walang abâ, berdugo’t ni manlulupig. Doon mithi’y laging buháy, doon hari ang Maykapal. Paalam na magulang ko, kapatid ko at kahinlog,Kaibigan at kalaro sa tahanang naglaho na,Pasalamat at nagwakas ang araw ng pagpapagod.Paalam na dáyong tamis, na aliw ko at inirog!Paalam na mga mahal: ang mamatay ay pahinga.

Huling Paalam

Huling PaalamBonifacio Guillermo

Pinipintuho kong Bayan ay paalamlupang iniirog ng sikat ng araw,mutyang mahalaga sa dagat Silangankaluwalhatiang sa ami’y pumanaw. Masayáng sa iyo’y aking idudulotang lanta kong búhay na lubhang malungkotmaging maringal man at labis alindogsa kagalingan mo ay akin ding handog.

Paalam na, sintang Bayan, lupang kasuyo ng araw,Mutya ng dagat Silangan, aming langit na pumanaw!Malugod kong inyaalay ang amis ko’t lantang búhay,At tunay mang maluningning, mabulaklak at malabayAlay ko ri’t sa ‘yo’y handog, lumigaya ka na lamang.