paghahambing tula
DESCRIPTION
tulaTRANSCRIPT
TULA
PANULAAN=POETRY
TULA=POEM
http://www.loewe.com/international/foundation/poetry.html
ANG TULA!
BOW!Sir What is Tooola?!
TULA
“Ang tula ay masining na pagpapahayag ng
matatayog na kaisipan at marubdob na
damdamin ng manlilikha o makata.”
Naiiba ang tula sa anyong tuluyan sapagkat
pasaknong ang paraan ng pagkakasulat nito na
binubuo ng mga taludtod, na kapag binibigkas ay
may aliw-iw o indayog upang maipadama ang
damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang
manunulat/makata.
KINILALA SA KASAYSAYAN
Kilala mo ba ang nagsabing:
“Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan?”
Walang iba kundi ang ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal. Sa kanyang panahon,
nalalagay sa kapahamakan ang mga tao dahil sa
mapang-abusong kamay ng mga Kastila.
Tunghayan natin ang makabayang tula na isinulat
niya.
SAAN NAGMULA ANG TULA
Salin ito ng tulang “A La Juventud Filipina” na
sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas
noong siya’y labingwalong taong gulang. Ang
tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa
timnpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng
Liceo Artistico Literario, samahang binubuo ng mga
taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga
Kastila’t katutubo ang lumahok na sa paligsahan
nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga
kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob
dito ang unang gantimpala.
Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang
pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming
makabansa. Hinihimok niya ang kabataang
Pilipino upang mamukadkad at linangin ang
kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag
itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong
Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit
banggitin.
Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay
bayan ng mga Pilipino at ang salitang
“Pilipino” ay unang ginagamit upang
tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas,
hindi ang mga kastilang ipinanganak sa
Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.
SA KABATAAANG PILIPINOni Dr. Jose Rizal
Itaas ang iyong noong aliwalas
ngayon, Kabataan ng aking pangarap!
ang aking talino na tanging liwanag
ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!
Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan
magitang na diwang puno sa isipan
mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay
at dalhin mo roon sa kaitaasan.
Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliwna mga silahis ng agham at siningmga Kabataan, hayo na't lagutinang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan ang putong na lubhang makinangsa gitna ng dilim ay matitiganmaalam na kamay, may dakilang alaysa nagdurusa mong bayang minamahal.
Ikaw na may bagwis ng pakpak na naiskagyat na lumipad sa tuktok ng langitpaghanapin mo ang malambing na tinigdoon sa Olimpo'y pawang nagsisikip.
Ikaw na ang himig ay lalong mairogTulad ni Pilomel na sa luha'y gamotat mabisang lunas sa dusa't himuntokng puso at diwang sakbibi ng lungkot
Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihanmatigas na bato'y mabibigyang-buhaymapagbabago mo alaalang taglaysa iyo'y nagiging walang kamatayan.
Ikaw, na may diwang inibig ni Apelessa wika inamo ni Pebong kay rikitsa isang kaputol na lonang maliitginuhit ang ganda at kulay ng langit.
Humayo ka ngayon, papagningasin mo
ang alab ng iyong isip at talino
maganda mong ngala'y ikalat sa mundo
at ipagsigawan ang dangal ng tao.
Araw na dakila ng ligaya't galak
magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas
purihin ang bayang sa iyo'y lumingap
at siyang nag-akay sa mabuting palad.
Kung susuriin…
Bawat panitikan ay may kinabibilangang
panahon na siyang nagpapamalas sa
hangarin ng isang bansa. Ang mga
panitikang ito ay nagtataglay ng iisang
paksa na makatutukoy sa
pangangailangan ng bayan. Ganyan
kahalaga ang panitikan. Ganyan kahalaga
ang tula.
TUNGHAYAN NAMAN NATIN
ANG ISANG MAKABAGONG
TULA
Silang Mapapalad
ni: Kiko Manalo
Mapapalad ang mga walang pangarap
Dahil hindi nila kailangang hagilapin,
Ang mga “x” ni Math
Na kaytagal nang hinahanap
Hindi pa rin mahagilap.
Mapalad ang mga walang pangarap,
‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan
Kung ano ang kahulugan
Ng Statistics at Trigo
Sa buhay ng tao.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpasya,
Kung ano ang pipiliin
Aklat ba o DOTA,
Facebook ba o Algebra.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpumilit,
Na magsalita ng English,
At dila’y mamilipit
Kapag kausap si Masungit.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga bayani ng bayan
At magkakasalungat na istorya,
Sa libro ng akademya.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Ng mga uno at dos,
Sa ilang gurong nakasentro
Sa pagtitinda ng tocino.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Ng matataas na grado,
Sa nanay at tatay,
Na umaasang ang buhay,
Ay maiaahon ng mahinusay...
Silang mapapalad...
PAGHAMBINGIN ANG
DALAWANG TULA
TULA NOON
(A LA JUVENTUD FILIPINA)
TULA NGAYON
(Silang Mapapalad)
Naunawaan ba ang gawain?
Paghambingin ang dalawa
sang-ayon sa:
Estruktura
Mensahe
Panahong pinagmulan