elemento ng tula

23

Upload: kaira-go

Post on 24-May-2015

39.522 views

Category:

Education


66 download

TRANSCRIPT

Page 1: Elemento ng tula
Page 2: Elemento ng tula

isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,

hinango sa guniguni, pinararating sa ating

damdamin, at ipinahahayag sa pananlitang may angking

aliw-iw

Page 3: Elemento ng tula

Mga Elemento ng Tula

Page 4: Elemento ng tula

•Sukat

•Saknong

•Tugma

•Kariktan

•Talinhaga

Page 5: Elemento ng tula

SUKAT Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

halimbawa:

isda – is da – ito ay may dalawang pantig

is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Page 6: Elemento ng tula
Page 7: Elemento ng tula

2. Lalabindalawahin – hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y

hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat

Page 8: Elemento ng tula

3. lalabing-animin –

hal. Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa a paligid

Page 9: Elemento ng tula

4. Lalabingwaluhin –

hal. Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may

bakod pang kahoy na malabay

Page 10: Elemento ng tula

Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay may sesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.

Halimbawa:

Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw

Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin

Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga

panaginip

Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig,

Pg-ibig!

Page 11: Elemento ng tula

Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones. Ito ang tinatawag na Haiku, na may limang pantig lamang sa loob ng isang saknong at Tanaga na may pitong pantig sa loob ng isang saknong.

Page 12: Elemento ng tula

Saknong

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet 6 linya - sestet

3 linya - tercet 7 linya - septet

4 linya - quatrain 8 linya - octave

5 linya – quintet

Ang couplets, tercets at quatrains ang mada-

las na ginagamit sa mga tula.

Page 13: Elemento ng tula

TUGMA

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Page 14: Elemento ng tula

MGA URI NG TUGMA

1.Tugma sa patinig (Ganap)

hal. Mahirap sumaya

Ang taong may sala

hal. Kapagka ang tao sa saya’y nagawi

Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Page 15: Elemento ng tula

Para masabing may tugma sa patinig,

dapat pare-pareho ang patinig sa loob

ng isang saknong o dalawang magkasu-

nod o salitan.

hal. a a a

a a b

a b a

a b b

Page 16: Elemento ng tula

2. Tugma sa katinig (Di-ganap) a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t

hal. Malungkot balikan ang taong lumipas

Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y

hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay

Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Page 17: Elemento ng tula

KARIKTAN

Kailangang magtaglay ang tula ng

maririkit na salita upang masiyahan

ang mambabasa gayon din mapukaw

ang damdamin at kawilihan.

Halimbawa:

maganda – marikit

mahirap - dukha o maralita

Page 18: Elemento ng tula

TALINHAGA Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

Hal: nag-agaw buhay

nagbababnat ng buto

Page 19: Elemento ng tula
Page 20: Elemento ng tula

1. MALAYANG TALUDTURAN

• Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang anUmang naisin ng sumusulat.

• Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla

Page 21: Elemento ng tula

2. TRADISYONAL NA TULA

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan.

Page 22: Elemento ng tula

3. May sukat na walang tugma

4. Walang sukat na may tugma

Page 23: Elemento ng tula

MGA KATUTUBONG TULA

• DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang

• TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

•  • DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng

walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan