pumarito ka, sumunod ka sa akin— para sa primary

214
BAGONG TIPAN 2019 Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin— Para sa Primary Pamumuhay, Pagkatuto, at Pagtuturo ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Upload: khangminh22

Post on 09-Jan-2023

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

PUM

AR

ITO K

A, SU

MU

NO

D K

A SA

AK

IN—

PAR

A SA

PRIM

AR

Y: BA

GO

NG

TIPAN

2019BAGONG TIPAN 2019

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin— Para sa PrimaryPamumuhay, Pagkatuto, at Pagtuturo ng Ebanghelyo ni Jesucristo

I

BAGONG TIPAN 2019

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin— Para sa PrimaryPamumuhay, Pagkatuto, at Pagtuturo tungkol sa Ebanghelyo ni Jesucristo

Inilathala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw Salt Lake City, Utah

© 2019 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ng karapatan ay nakalaan. Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang- ayon sa Ingles: 2/17 Pagsang- ayon sa pagsasalin: 2/17 Pagsasalin ng Come, Follow Me—For Primary: New Testament 2019 Tagalog 14718 893

Mga NilalamanIkaw ay Isang Guro ng mga Bata . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .VPaggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . VIKaragdagang Resources sa Pagtuturo sa mga Bata . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . VIIIPagtugon sa mga Pangangailangan ng Nakababatang mga Bata . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . IXIsang Huwaran sa Pagtuturo. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . XIDisyembre 31–Enero 6: Responsibilidad Natin ang Ating Sariling Pagkatuto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .1Enero 7–13: Mateo 1; Lucas 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .5Enero 14–20: Lucas 2; Mateo 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .9Enero 21–27: Juan 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13Enero 28–Pebrero 3: Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 17Pebrero 4–10: Mateo 4; Lucas 4–5. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 21Pebrero 11–17: Juan 2–4 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25Pebrero 18–24: Mateo 5; Lucas 6 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 29Pebrero 25–Marso 3: Mateo 6–7 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 33Marso 4–10: Mateo 8–9; Marcos 2–5 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37Marso 11–17: Mateo 10–12; Marcos 2; Lucas 7; 11 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41Marso 18–24: Mateo 13; Lucas 8; 13 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 45Marso 25–31: Mateo 14–15; Marcos 6–7; Juan 5–6. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 49Abril 1–14: Mateo 16–17; Marcos 9; Lucas 9 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53Abril 15–21: Pasko ng Pagkabuhay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 57Abril 22–28: Mateo 18; Lucas 10 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 61Abril 29–Mayo 5: Juan 7–10 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 65Mayo 6–12: Lucas 12–17; Juan 11 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 69Mayo 13–19: Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 73Mayo 20–26: Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 77Mayo 27–Hunyo 2: Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 25; Marcos 12–13; Lucas 21 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 81Hunyo 3–9: Juan 13–17. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 85Hunyo 10–16: Mateo , 26; Marcos 14; Lucas 22; Juan 18. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 89Hunyo 17–23: Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 93Hunyo 24–30: Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 97Hulyo 1–7: Mga Gawa 1–5 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 101Hulyo 8–14: Mga Gawa 6–9 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 105Hulyo 15–21: Mga Gawa 10–15 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 109

Hulyo 22–28: Mga Gawa 16–21 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 113Hulyo 29–Agosto 4: Mga Gawa 22–28 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 117Agosto 5–11: Mga Taga Roma 1–6 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 121Agosto 12–18: Mga Taga Roma 7–16 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 125Agosto 19–25: I Mga Taga Corinto 1–7 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 129Agosto 26–Setyembre 1: I Mga Taga Corinto 8–13 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 133Setyembre 2–8: I Mga Taga Corinto 14–16. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 137Setyembre 9–15: II Mga Taga Corinto 1–7 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 141Setyembre 16–22: II Mga Taga Corinto 8–13 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 145Setyembre 23–29: Mga Taga Galacia. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 149Setyembre 30–Oktubre 13: Mga Taga Efeso . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 153Oktubre 14–20: Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 157Oktubre 21– 27: I at II Mga Taga Tesalonica . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 161October 28–Nobyembre 3: I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 165Nobyembre 4–10: Mga Hebreo 1–6 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 169Nobyembre 11–17: Mga Hebreo 7–13 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 173Nobyembre 18–24: Santiago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 177Nobyembre 25–Disyembre 1: I at II Ni Pedro . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 181Disyembre 2–8: I–III Ni Juan; Judas. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 185Disyembre 9–15: Apocalipsis 1–11 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 189Disyembre 16–22: Pasko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 193Disyembre 23–29: Apocalipsis 12–22 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 197

Huwag mag- atubiling iakma ang iskedyul para sa mga araw ng Linggo na hindi nagdaraos ng regular na mga miting ang Simbahan. Halimbawa, maaari mong ituro ang mga outline para sa dalawang linggo sa isang lesson sa araw ng Linggo kapag nagdaraos ng mga ward o stake conference o paglalaan ng templo. Maaari mo ring iakma ang iskedyul ng pag- aaral kung ang Pasko ng Pagkabuhay at Pasko sa inyong lugar ay ipinagdiriwang sa mga petsa na iba sa mga nakalista sa resource na ito.

V

Ikaw ay Isang Guro ng mga BataTinawag ka ng Diyos upang turuan ang Kanyang mga anak sa paraan ng Tagapagligtas. Ikaw ay itinalaga sa tungkuling ito sa pamamagitan ng awtoridad ng Kan-yang banal na priesthood. Kahit na ikaw ay isang guro na walang karanasan, kapag ikaw ay namumuhay nang karapat- dapat, nananalangin araw- araw, at nag- aaral ng mga banal na kasulatan, pagkakalooban ka ng Diyos ng impluwensya at kapangyarihan ng Espiritu Santo (tingnan sa 2 Nephi 33:1).

Ang mga ipinagkatiwala sa iyo ay mga anak ng Ama sa Langit, at alam Niya kung ano ang kailangan nila at kung paano sila tulungan. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, gagabayan ka ng Diyos sa iyong paghahanda at habang nagtuturo ka. Ihahayag Niya sa iyo kung ano ang dapat mong sabihin at dapat mong gawin.

Sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay, ang mga natata-nging batang ito ay patuloy na natututo ng impormas-yon, bumubuo at naghahasa ng kanilang mga opinyon, at gumagawa at nagbabahagi ng mga natutuklasan. Ito ay lalong totoo sa ebanghelyo, sapagkat ang mga bata

ay handa at sabik na matutuhan ang mga simpleng katotohanan nito. Ang kanilang pananampalataya sa mga espirituwal na bagay ay matibay at dalisay, at naki-kita nila ang bawat sandali bilang isang sandali ng pag-katuto. Handa silang gawin ang mga natututuhan nila, kahit na hindi pa kumpleto ang kanilang pang- unawa. Ganito dapat ang paraan nating lahat sa pangtanggap ng ebanghelyo. Tulad ng itinuro ni Jesus, “Sinomang hindi tumanggap ng kaharian ng Dios na gaya ng isang maliit na bata, ay hindi siya papasok doon sa anomang paraan” (Lucas 18:17).

Ang tungkulin na turuan ang mga bata ay isang banal na pagtitiwala. Normal lamang na madama na mara-ming gagawin kung minsan. Ngunit alalahanin na tinawag ka ng iyong Ama sa Langit, at hindi ka Niya pababayaan. Ito ay gawain ng Panginoon, at habang naglilingkod ka “na may buong puso, kakayahan, pag- iisip at lakas” (DT 4:2), pag- iibayuhin Niya ang iyong mga kakayahan, kaloob, at talento, at ang iyong paglilingkod ay magpapala sa buhay ng mga batang iyong tinuturuan.

VI

Paggamit ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa PrimaryPaghahandang Magturo sa PrimaryAng tahanan ang dapat na maging sentro ng pagkatuto ng ebanghelyo. Ito ay totoo para sa iyo at para sa mga batang tinuturuan mo. Habang naghahanda kang mag-turo, magsimula sa pagkakaroon ng sarili mong mga karanasan sa mga banal na kasulatan. Magaganap ang pinakamahalaga mong paghahanda kapag hinangad mo ang inspirasyon ng Espiritu Santo.

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay mahalagang bahagi rin ng iyong paghahanda. Tutulungan ka nitong magkaroon ng mas malalim na pag- unawa sa mga alituntunin ng doktrina na matatagpuan sa mga banal na kasulatan.

Sa inyong paghahanda, darating sa iyo ang mga ideya at impresyon tungkol sa mga batang iyong tinuturuan. Matatanggap mo ang kaalaman tungkol sa paraan kung paano ang mga alituntunin sa mga banal na kasu-latan ay magpapala sa kanilang buhay. Papatnubayan ka na bigyan sila ng inspirasyon na tuklasin ang mga alituntuning iyon habang natututo sila para sa kani-lang sarili at sa kanilang pamilya mula sa mga banal na kasulatan. Tandaan na maging sensitibo sa mga bata

na ang mga sitwasyon ng pamilya ay maaaring hindi nakasusuporta sa regular na pag- aaral ng pamilya.

Mga Ideya sa PagtuturoHabang naghahanda kang magturo, maaari kang magtamo ng karagdagang inspirasyon sa pamamagi-tan ng pagsisiyasat sa mga outline sa resource na ito. Huwag isipin na ang mga ideyang ito ay sunud- sunod na mga hakbang, kundi sa halip ay mga mungkahi para magkaroon ka ng sariling inspirasyon. Kilala mo ang mga batang ito, at kilala din sila ng Panginoon—alam din Niya kung ano ang mga pangangailangan nila at kung ano ang kaya nilang maunawaan. Ipaaalam Niya sa iyo ang pinakamahuhusay na paraan para turuan at pagpalain ang mga bata.

Marami kang magagamit na mga sanggunian sa iyong paghahanda, kabilang na ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang mga magasin ng Simbahan. Para sa karagdagang impor-masyon tungkol sa mga ito at iba pang sanggunian, tingnan ang “Mga Karagdagang Sanggunian sa Pagtu-turo ng mga Bata.”

VII

PAGGAMIT NG PUMARITo KA, SUMUNoD KA SA AKIN—PARA SA PRIMARy

Ilang Bagay na Dapat Tandaan• Ang mga magulang ang may pangunahing res-

ponsibilidad na magturo sa kanilang mga anak. Bilang guro, may mahalagang responsibilidad kang suportahan, hikayatin, at patatagin ang pag- aaral ng ebanghelyo sa tahanan. Maging sensitibo sa mga bata na ang mga magulang ay hindi nagtuturo ng ebanghelyo sa kanilang tahanan. Isama ang lahat ng bata sa mga talakayan ng ebanghelyo anuman ang sitwasyon sa kanilang tahanan.

• Ang pag- uulit- ulit ay mabuti. Mas epektibong natututunan ng mga bata ang mga katotohanan ng ebanghelyo kapag ang mga katotohanang ito ay paulit- ulit na itinuturo sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Kung nakita mong epektibo sa mga bata ang isang aktibidad sa pag- aaral, isiping ulit- ulitin ito, lalo na kung mga batang musmos ang iyong tinuturuan. Maaari mo ring rebyuhin ang isang aktibidad mula sa nakaraang lesson.

• Nais ng Ama sa Langit na magtagumpay ka bilang guro. Naglaan Siya ng maraming resources na tutulong sa iyo na magtagumpay, kabilang na ang mga teacher council meeting. Sa mga miting na ito, maaari kang sumangguni sa iba pang mga guro tungkol sa anumang hamon na maaari mong kaha-rapin. Maaari mo ring talakayin at praktisin ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo.

• Kung ikaw ay nagtuturo ng mga batang musmos at nangangailangan ng karagdagang tulong, tingnan ang “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Batang Musmos” sa resource na ito.

• Kabilang sa resource na ito ang mga outline para sa bawat linggo ng taon maliban sa dalawang Linggo kung kailan idinaraos ang pangkalahatang kum-perensya. Sa mga Linggo na hindi idinaraos ang Primary dahil sa mga stake conference o iba pang dahilan, maaaring magpatuloy ang mga pamilya sa pagbabasa ng Bagong Tipan sa tahanan ayon sa nakaiskedyul sa outline. Para manatiling nasa isked-yul ang iyong klase sa Primary, maaari mong lakta-wan ang isang lesson o pagsamahin ang dalawang lesson. Upang maiwasan ang kalituhan, maaaring ipaalam ng mga Primary president sa mga guro ang tungkol sa mga pagbabagong ito nang maaga.

VIII

Karagdagang Resources sa Pagtuturo ng mga BataAng lahat ng resources na ito ay maaaring matagpuan sa LDS.org at sa Gospel Library app.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at PamilyaMaaari mong iakma ang anumang aktibidad sa resource na ito para magamit sa iyong mga klase sa Primary. Kahit ginagamit ng mga magulang ang mga aktibidad na ito sa kanilang mga anak sa tahanan, ang pag- uulit ay maaaring maging kapaki- pakinabang na paraan para matulungan ang mga bata na matuto. Maaaring gustong sabihin sa iyo ng mga bata kung paano nila ginawa ang mga aktibidad kasama ang kani-lang pamilya at kung ano ang natutuhan nila.

Masdan ang Inyong mga Musmos: Manwal sa NurseryMarami sa mga paksang itinuro sa manwal ng nurse-ry ang katulad sa mga ituturo mo sa Primary. Lalo na kung nagtuturo ka ng mga batang musmos, isipin na tingnan ang manwal ng nursery para sa mga karagda-gang awitin, kuwento, aktibidad, at crafts.

Mga magasin na Friend at LiahonaAng mga magasin na Friend at Liahona ay may mga kuwento at aktibidad na maaaring maidagdag sa mga alituntunin na iyong itinuturo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Mga Himno at ang Aklat ng mga Awit PambataAng sagradong musika ay nag- aanyaya ng Espiritu at nagtuturo ng doktrina sa paraan na madali itong matandaan. Bukod sa mga naka- print na bersyon ng Mga Himno at ng Aklat ng mga Awit Pambata, maaari kang makakita ng mga audio at video recording ng maraming himno at mga awiting pambata sa music.lds.org o sa LDS Music App.

Mga Kuwento sa Bagong TipanAng Mga Kuwento sa Bagong Tipan (2005) ay makaka-tulong sa mga bata na matutuhan ang mga doktrina at

mga kuwento na nasa Bagong Tipan. Mahahanap mo din ang mga video ng mga kuwentong ito sa mediali-brary.lds.org.

Media LibraryAng mga ipinintang larawan, video, at iba pang media ay makakatulong sa iyo at sa mga bata na mailarawan sa isip ang doktrina at mga kuwento sa Bagong Tipan. Bisitahin ang medialibrary.lds.org para ma- browse ang koleksiyon ng Simbahan ng mga media resource, kabilang na ang Bible Videos series, na nagpapakita ng mga pangyayari sa Bagong Tipan.

Sining ng EbanghelyoAng mga ipinintang larawan ay makakatulong sa mga bata na mailarawan sa isip ang doktrina at mga kuwen-to sa Bagong Tipan. Maraming larawan na magagamit ninyo sa klase ang matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, at sa medialibrary.lds.org.

Mga Tulong sa Lesson para sa Pagtuturo sa mga BataMaaari mong makita sa lds.org/children/resources ang isang indeks ng mga artikulo sa magasin, mga aktibi-dad, at media sa iba’t ibang paksa ng ebanghelyo.

Tapat sa PananampalatayaKung kailangan mo ng karagdagang tulong para mau-nawaan ang mga pangunahing alituntunin na ituturo mo sa mga bata, isiping tingnan ang Tapat sa Pananam-palataya (2004). Ang reperensyang ito ay nagbibigay ng mga simpleng paliwanag tungkol sa mga paksa ng ebanghelyo, na nakalista nang paalpabeto.

Pagtuturo sa Paraan ng TagapagligtasMatutulungan ka ng sangguniang ito para matutuhan at maipamuhay mo ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ni Cristo. Ang mga alituntuning ito ay tinatala-kay at pinapraktis sa mga teacher council meeting.

IX

Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Batang MusmosAng mga batang musmos ay handa at sabik na matu-tuhan ang ebanghelyo kung ituturo ito sa paraang mauunawaan nila. Kung nagtuturo ka ng mga batang musmos, isaalang- alang ang mga aktibidad na ito na makakatulong sa kanila na matuto (ang ilang nakata-tandang mga bata ay maaaring makinabang din sa mga aktibidad na ito):

• Pakinggan o isadula ang isang kuwento. Gustung- gusto ng mga bata ang mga kuwento—mula sa mga banal na kasulatan, mula sa inyong buhay, mula sa kasaysayan ng Simbahan, o mula sa mga maga-sin ng Simbahan. Humanap ng mga paraan para maisali sila sa pagkukuwento. Maaari nilang itaas ang mga larawan o bagay, idrowing ang kanilang mga naririnig, isadula ang kuwento, o tumulong na isalaysay ang kuwento. Tulungan ang mga bata na makilala ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa mga kuwentong ibinabahagi ninyo.

• Magbasa ng isang talata sa banal na kasulatan. Maaaring hindi pa ganoon kagaling bumasa ang mga batang musmos, ngunit maaari mo silang isali sa pag- aaral ng mga banal na kasulatan. Maaaring kailanganin mong pagtuunan ang isang talata, pina-kamahalagang kataga, o salita. Habang binabasa mo nang malakas ang isang talata sa banal na kasu-latan, maaari mong patayuin o pagtaasin ng kamay ang mga bata kapag narinig nila ang isang partikular na salita o parirala na nais mong pagtuunan ng

pansin. Maaaring kaya na rin nilang magsaulo ng maiikling kataga ng banal na kasulatan kung uulitin nila ang mga ito ng ilang beses. Kapag naririnig nila ang salita ng Diyos, madarama nila ang Espiritu.

• Maging aktibo. Dahil madalas ay puno ng enerhiya ang mga bata, magplano ng mga paraan upang sila ay makagalaw—pagmamartsa, paglukso, paglun-dag, pagbaluktot, paglalakad, at iba pang mga pagkilos na nauugnay sa alituntunin o kuwento na iyong itinuturo. Maaaring maging epektibo rin ang mga galaw na ito sa sama- samang pagkanta ninyo.

• Tingnan ang isang larawan o manood ng video. Kapag nagpapakita ka sa mga bata ng mga larawan o video na may kaugnayan sa isang alituntunin ng ebanghelyo o kuwento sa mga banal na kasulatan, bigyan sila ng mga tanong para matulungan silang matuto mula sa kanilang nakikita. Halimbawa, maa-ari mong itanong, “Ano ang nangyayari sa larawan o video na ito? Ano ang nararamdaman mo tungkol dito?” Ang Biblevideos.lds.org, medialibrary.lds.org, at children.lds.org ay magagandang lugar para hanapan ng mga video.

• Umawit. Ang Mga Himno at mga awit mula sa Aklat ng mga Awit Pambata ay mabisang nagtuturo ng mga doktrina. Gamitin ang indeks ng mga paksa sa likod ng Aklat ng mga Awit Pambata para mahanap ang mga kantang nauugnay sa mga alituntunin ng ebanghelyo na itinuturo mo. Tulungan ang mga

X

PAGTUGoN SA MGA PANGANGAILANGAN NG MGA BATANG MUSMoS

bata na iugnay ang mensahe ng mga awitin sa kani-lang buhay. Halimbawa, maaari kang magtanong tungkol sa mga salita o parirala sa mga titik ng awit. Bukod sa pag- awit, makagagawa ang mga bata ng mga kilos na babagay sa mga awitin o pakikinggan lamang ang mga awitin bilang background music habang ginagawa nila ang iba pang mga aktibidad.

• Magbahagi ng mga karanasan. Ang mga maibaba-hagi ng mga batang musmos ay hindi kasindami ng maibabahagi ng nakatatandang mga bata, pero kung bibigyan ninyo sila ng mga partikular na pat-nubay, maibabahagi nila ang kanilang mga nadara-ma at karanasan tungkol sa natututuhan nila.

• Lumikha. Ang mga bata ay makabubuo, makapag-dodrowing, o makapagkukulay ng isang bagay na may kinalaman sa kuwento o alituntunin na natutu-tuhan nila. Hikayatin silang iuwi sa kanilang tahanan ang mga nilikha nila at ibahagi ito sa mga miyembro ng pamilya para matulungan ang mga bata na maa-lala ang natutuhan nila.

• Makibahagi sa mga object lesson. Ang isang sim-pleng object lesson ay makakatulong sa mga bata na maunawaan ang isang alituntunin ng ebang-helyo na mahirap maunawaan. Kapag gumagamit ng mga object lesson, maghanap ng mga paraan para makilahok ang mga bata. Mas marami silang matututuhan mula sa isang karanasan na may interaksyon kaysa sa panonood lamang ng isang demonstrasyon.

• Magdula- dulaan: Kapag isinasadula ng mga bata ang isang sitwasyong malamang na mararanasan nila sa totoong buhay, mas mahusay nilang mau-unawaan kung paano naaangkop ang mga alituntu-nin ng ebanghelyo sa kanilang buhay.

• Ulitin ang mga aktibidad. Maaaring kailangang marinig ng mga bata ang mga konsepto nang mara-ming beses para maunawaan ang mga ito. Huwag matakot na ulitin nang madalas ang mga kuwento o mga aktibidad, kahit na sa iisang lesson pa ito mangyari. Halimbawa, maaari mong ibahagi ang isang kuwento sa banal na kasulatan nang ilang ulit sa iba’t ibang paraan sa oras ng lesson—pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagbubuod gamit ang iyong sariling mga salita, pagpapalabas ang video,

pagpapatulong sa mga bata na magkuwento, pag-papasadula sa kanila ng kuwento, at iba pa. Kung ang isang aktibidad na ginamit sa klase ay inuulit din sa bahay, ang pag- uulit ay makakatulong sa mga bata na matuto at makaalala.

• Makipag- interaksyon sa iba. Ang mga bata ay umu-unlad sa kanilang kakayahang makisalamuha at madalas na natutuwang matuto at maglaro kasama ang kanilang mga kaibigan. Lumikha ng mga pagka-kataon para sila ay makapagbahagi, magsalitan, at magtulungan habang sila ay natututo.

• Makibahagi sa iba- ibang mga aktibidad. Ang mga bata ay karaniwang madaling mainip, at magkakaiba ang kanilang estilo sa pag- aaral o pagkatuto. Guma-mit ng iba’t ibang aktibidad, at pagtuunan ng pansin ang mga palatandaan na ang bata ay kailangan nang magpalit ng gawain. Halimbawa, maaaring kailanganin mong mas madalas na pagsalit- salitin ang mga tahimik at masisiglang mga aktibidad.

Bahagi ng iyong tungkulin bilang isang guro ng mga batang musmos—bukod sa pagtuturo ng mga alitun-tunin ng ebanghelyo—ay ang tulungan ang mga bata na matutong makibahagi nang angkop sa isang klase sa Simbahan. Halimbawa, maaaring kailangan nilang matutuhan ang tungkol sa paghahalinhinan, pagba-bahagi, paggalang sa iba, at iba pa. Ang ilang guro ay lumilikha ng mga tsart na mayroong mga takdang- gawain para sa bawat bata para makilahok sila sa klase sa isang partikular na paraan (tulad ng pagsambit ng panalangin, paghawak ng larawan, o pamimigay ng mga papel). Maaaring mabago ang mga takdang- gawain linggu- linggo. Matutulungan nito ang mga bata na maghalinhinan at magpokus sa angkop na pag- uugali sa silid- aralan.

Ang mga bata—lalo na ang mga musmos—ay madalas na nakikinabang sa isang regular at hindi pabagu- bagong iskedyul. Dahil madaling mainip ang mga batang musmos at kung minsan ay nahihirapang mag-pokus sa buong oras ng klase, pinakamainam kung sa iskedyul ay may madalas na transisyon mula sa isang uri ng aktibidad tungo sa iba pa. Halimbawa, ang kara-niwang iskedyul ng iyong klase ay maaaring kabilangan ng paminsan- minsang pahinga para maglaro, magkulay ng larawan, kumanta ng isang awitin, at iba pa.

XI

Isang Huwaran sa PagtuturoSa sangguniang ito, makikita mong inuulit ang sumu-sunod na huwaran sa bawat outline: mag- anyayang magbahagi, ituro ang doktrina, at maghikayat ng pag- aaral sa tahanan. Sa maraming pagkakataon, habang nagtuturo ka, ang mga bahagi ng huwarang ito ay maaaring magkasabay o maiba ang pagkakasunud- sunod. Halimbawa, isipin na ang pagbabahagi ay isang oportunidad para ituro ang doktrina, at ang pagtuturo ng doktrina ay dapat kabilangan ng mga paanyayang magbahagi. Gayundin, ang paghihikayat ng pag- aaral sa tahanan ay maaaring maganap sa buong talakayan sa klase. Hayaang likas na maganap ang mga pagkaka-sabay na ito, habang sinusunod ang mga pahiwatig ng Espiritu upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang iyong tinuturuan.

Mag- anyayang Magbahagi

Bilang bahagi ng bawat klase, anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga nadarama, ideya, at karanasan tungkol sa mga alituntunin na nasa outline. Ang kanilang mga komento ay maaaring kabilangan ng mga naranasan nila sa pag- aaral sa tahanan. Maaari mo ring rebyuhin ang natutuhan nila noong nakaraang

linggo at itanong kung paano ito nakaimpluwensya sa buhay nila.

Ituro ang Doktrina

Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang doktrina na ituturo mo sa mga bata. Isipin ang mga talata sa banal na kasulatan, siping- banggit, karanasan, katanungan, at iba pang sanggu-nian na maaari mong ibahagi para tulungan ang mga bata na matuto at kumilos ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo. Maghanap ng malikhaing mga paraan upang maging kapana- panabik para sa kanila ang mga natututuhan nila.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Dahil ang tahanan ang sentro ng pag- aaral ng ebang-helyo, isa sa iyong mga layunin bilang guro sa Primary ay ang maghikayat ng pag- aaral sa tahanan. Paano mo matutulungan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila sa klase? Paano mo mahi-hikayat ang mga bata at ang kanilang mga magulang na patuloy na matuto sa bahay mula sa Bagong Tipan?

1

DISYEMBRE 31–ENERO 6

Responsibilidad Natin ang Ating Sariling PagkatutoHabang binabasa mo ang mga banal na kasulatan sa outline na ito, itala ang anumang espirituwal na impresyong natatanggap mo. Mapapansin mo na bawat outline sa manwal na ito ay may gawain para sa mga batang musmos at nakatatandang mga bata, ngunit maaari mong iangkop ang anumang gawain para sa inyong klase.

Mag- anyayang Magbahagi

Sa simula ng bawat klase, bigyan ang mga bata ng mga pagkakataon na ibahagi ang kanilang natututuhan tungkol sa ebanghelyo. Halimbawa, sa linggong ito, maaari mo silang anyayahang magbahagi ng paborito nilang kuwento tungkol kay Jesucristo.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

Gusto ni Jesucristo na sumunod ako sa Kanya.Magbabasa kayo ng mga bata ng maraming kuwento mula sa buhay ni Jesucristo ngayong taon. Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang dahilan kung bakit pinag- aaralan natin ang mga kuwentong ito ay para mas masunod natin ang perpektong halimbawa ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin ang paanyaya ng Tagapagligtas na “Puma-rito ka, sumunod ka sa akin,” na nasa Lucas 18:22. Maglaro ng isang laro kung saan ang isang bata ay gagawa ng isang kilos at pagkatapos ay sasabihin

sa ibang mga bata na, “Halikayo, sumunod sa akin.” Hikayatin ang ibang mga bata na gayahin ang kilos.

• Magpakita ng mga larawan ng mga taong sumusu-nod sa Tagapagligtas sa iba’t ibang paraan, noong panahon ng Kanyang mortal na ministeryo at sa ating panahon. Makakakita ka ng mga larawan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo o sa mga magasin ng Simbahan. Maaari mo ring ipapanood ang video na “Maging Ilaw ng Sanglibutan” (LDS.org). Sabihin sa mga bata na tukuyin kung paano sumusunod ang mga tao sa Tagapagligtas.

• Tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga bagay na ginagawa nila para sundin ang Tagapagligtas. Maaaring makapagbigay sa kanila ng ilang ideya ang pagkanta ng “Hanapin si Cristo Habang Bata,” Aklat ng mga Awit Pambata, 67. Sabihin sa kanila na magdrowing ng mga larawan ng kanilang sarili na ginagawa ang mga bagay na ito.

Ang mga banal na kasulatan ay totoo.Ang mga bata ay maaaring magkaroon ng patotoo na ang mga banal na kasulatan ay totoo kahit bago pa sila matutong magbasa. Habang pinag- aaralan ninyo ng mga bata ang mga banal na kasulatan ngayong taon, matutulungan mo silfang malaman sa kanilang sarili na ang mga banal na kasulatan ay totoo.

2

DISyeMbRe 31–eNeRo 6 

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi tungkol sa paboritong regalong natanggap nila sa kanilang kaarawan o sa ibang mga okasyon. Magdala ng kopya ng mga banal na kasulatan na nakabalot na parang regalo, pabuksan ito sa isang bata, at mag-patotoo na ang mga banal na kasulatan ay regalo sa atin ng Ama sa Langit.

• Magpakita sa mga bata ng ilang aklat na naglalaman ng mga kathang- isip na kuwento, at tanungin sila tungkol sa kanilang mga paboritong kuwento. Ipaki-ta sa kanila ang mga banal na kasulatan, at magpa-totoo na ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng salita ng Diyos para sa atin at nagsasalaysay ng tungkol sa mga tao na talagang nabuhay at mga pangyayari na talagang naganap.

• Ibahagi ang mga mensahe sa II Kay Timoteo 3:15 at Moroni 10:3–5, at tulungan ang mga bata na ulitin ang ilang kataga. Tulungan silang maunawaan na maaari nilang malaman sa kanilang sarili na ang mga banal na kasulan ay totoo.

• Magtago ang isang larawan ng Tagapagligtas, at magbigay ng mga clue sa mga bata para tulungan silang mahanap ito. Tulungan ang mga bata na maunawaan kung paano makakatulong ang pag-sasaliksik sa mga banal na kasulatan para makilala si Jesucristo. Bigyan ang mga bata ng pagkakataon na maghalinhinan sa pagtatago ng mga larawan at pagbibigay ng mga clue para sa iba pang mga bata.

• Sama- samang kantahin ang “Hanapin si Cristo Habang Bata” at “Babasahin, Uunawain, at Mana-nalangin,” Aklat ng mga Awit Pambata, 66- 67, at tulungan ang mga bata na lumikha ng mga kilos na nauugnay sa mga salita. Ibahagi sa mga bata ang isa o dalawa sa iyong mga paboritong banal na kasulatan, at sabihin sa kanila kung paano mo nalaman na ang mga banal na kasulatan ay totoo. Kung ang mga bata ay may paboritong banal na kasulatan o kuwento sa mga banal na kasulatan, anyayahan silang magbahagi.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

Nais ni Jesucristo na pag- aralan ko ang tungkol sa Kanya at sumunod sa Kanya.Isipin kung paano mo nakilala si Jesucristo. Ano ang magagawa mo upang matulungan ang mga bata na pag- aralan ang tungkol sa Kanya at sundin Siya?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi tungkol sa isang malapit na kaibigan na kakilala nila at ipali-wanag kung paano nila naging kaibigan ang taong ito. Basahin at talakayin ang Juan 5:39 at Juan 14:15 upang makahanap ng mga paraan na maaari nating madamang malapit tayo kay Jesus. Hilingin sa mga bata na magbahagi ng mga pagkakataon na naram-daman nilang malapit sila sa Kanya.

• Maglakad- lakad kayo ng iyong klase sa paligid ng meetinghouse. Sabihin sa mga bata na itaas ang kanilang kamay kapag nakakita sila ng isang bagay sa kanilang paglalakad na nagpapaalaala sa kanila ng isang paraan na masusunod nila ang Tagapaglig-tas (tulad ng baptismal font o ng isang larawan).

• Sama- sama ninyong kantahin ng mga bata ang “Magsisunod Kayo sa Akin,” Mga Himno, blg. 67. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang mga pagkakataon na sinunod nila ang halimbawa ng Tagapagligtas.

Kaya kong pag- aralang mag- isa ang mga banal na kasulatan.Sa pagbabasa mo ng mga banal na kasulatan sa mga bata at pagtatanong sa kanila, maaari mong mapalago ang tiwala sa sarili ng mga bata na kaya nilang matuto mula sa mga banal na kasulatan at makahanap ng mga kayamanan ng kaalaman.

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin nang malakas ang Juan 5:39 at ang Mga Gawa 17:10–11, at itanong sa mga bata kung ano ang natutuhan nila tungkol sa kung paano pag- aralan ang mga banal na kasulatan.

3

RESPoNSIBILIDAD NATIN ANG ATING SARILING PAGKATUTo

• Pumili ng ilang simple at makapangyarihang talata mula sa Bagong Tipan, isulat ang bawat isa sa isang pirasong papel, at itago ang mga papel. Gumawa ng mga clue na magtuturo sa mga bata sa isang “treasure hunt” sa loob ng silid o gusali ng simba-han kung saan matatagpuan ang mga banal na kasulatang ito. Kapag nahanap na nila ang bawat talata sa banal na kasulatan, talakayin kung ano ang kahulugan ng talata at kung bakit maihahalintulad ito sa isang kayamanan.

• Magbahagi ng ilang talata sa banal na kasulatan na itinatangi mo at ipaliwanag kung bakit makahulugan ang mga ito sa iyo. Bilang isang klase, gumawa ng listahan ng mga itinatanging talata na natatagpu-an ng mga bata sa Bagong Tipan sa taong ito—sa bahay o sa Primary.

• Magkaroon ng talakayan sa mga bata kung bakit kung minsan ay mahirap basahin ang mga banal na kasulatan. Sabihin sa mga bata na magbigay ng payo sa isa’t isa tungkol sa pag- aaral ng mga banal na kasulatan. Sabihan din silang magbahagi ng anumang positibong karanasan nila sa mga banal na kasulatan.

• Tulungan ang mga bata na gumawa ng mga sim-pleng kalendaryo na maaari nilang gamitin upang markahan kung gaano kadalas nilang binabasa ang mga banal na kasulatan. Makapagpapaalaala sa kanila ang mga kalendaryong ito na basahin ang mga banal na kasulatan araw- araw.

Kailangan ko ng sariling patotoo.Kakailanganin ng mga batang tinuturuan mo ang sarili nilang patotoo upang manatiling malakas ang kanilang

pananampalataya kapag dumating ang mga paghihi-rap. Ano ang magagawa mo upang mahikayat sila na malaman ang katotohanan sa kanilang sarili?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibahagi ang kuweto ng sampung dalaga (tingnan sa Mateo 25:1–13; tingnan din sa “Kabanata 47: Ang Sampung Dalaga,” Mga Bagong Tipan, 118–20). Ita-nong sa mga bata: Bakit gaya ng mga lampara ang ating mga patotoo? Bakit mahalaga na magkaroon ng sarili nating patotoo?

• Talakayin kung ano ang magagawa natin upang mapalakas ang ating mga patotoo. Para sa mga ide-ya, anyayahan ang mga bata na saliksikin ang Juan 7:17 at Moroni 10:3–5. Anyayahan silang magbahagi ng mga bagay na nalalaman nilang totoo.

• Sabihin sa mga bata na tulungan kang sulatan ang mga building block ng mga katagang naglalarawan ng mga bagay na ginagawa natin upang palakasin ang ating mga patotoo, katulad ng pagdarasal. Sabi-hin sa mga bata na bumuo ng isang istraktura na sumisimbolo sa isang patotoo gamit ang mga block.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Paano mo mahihikayat ang mga bata at kanilang mga magulang na pag- aralan ang Bagong Tipan sa taha-nan? Halimbawa, maaari mong hikayatin ang mga bata na isaulo ang isang banal na kasulatang tinalakay ninyo sa klase (maaaring makatulong ang paghahati ng mga talata ng banal na kasulatan sa maiikling parirala) at ibahagi ang talata sa kanilang pamilya.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoIangkop ang mga aktibidad ayon sa edad ng mga batang iyong tinuturuan. Ang mga batang musmos ay kailangan ng mas detalyadong mga paliwanag at matuto mula sa iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo. Habang tumatanda ang mga bata, mas marami na silang maibabahagi at maaaring mas mahusay nang magbahagi ng kanilang mga ideya. Bigyan sila ng mga pagkakataong magbahagi, magpatotoo, at lumahok, at magbigay ng tulong kung kinakailangan. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Sinisikap kong tularan ang Panginoong Jesus;

Nais ni Jesucristo

na sumunod tayo sa

Kanya (Lucas 18:22).

Sinisikap kong umibig at

maglingkod nang puspos,

Sinisikap kong tularan.

Ito ang turo ni Jesus.Sinisikap kong tularan

sa salita at kilos.

(Tingnan sa “Sinisikap Kong Tularan si Jesus,” Aklat ng m

ga Awit Pambata, 40–41.)

5

ENERO 7–13

Mateo 1; Lucas 1“Mangyari sa Akin ang Ayon sa Iyong Salita”

Magsimula sa pagbabasa ng Mateo 1 at Lucas 1. Makakatulong ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo. Kung kailangan mo ng karagdagang tulong sa pagtuturo sa mga batang musmos, tingnan ang “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Batang Musmos” sa simula ng resource na ito.

Mag- anyayang Magbahagi

Paupuin nang pabilog ang mga bata, at pagkatapos ay hilingin sa isang bata na magbahagi ng isang bagay na natutuhan niya mula sa mga banal na kasulatan sa linggong ito, o sa iba pang pagkakataon. Ang batang iyon ay maaaring magpagulong ng bola sa isa pang bata o ituro ang isa pang nasa bilog, na siya namang susunod na magbabahagi.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 1:18–25; LUCAS 1:26–38

Ibinalita ng mga anghel ang pagsilang ni Jesus.

Bawat isa kina Maria at Jose ay binisita ng isang anghel na nagbalita tungkol sa pagsilang ni Jesus. Ang mga karanasang ito ay makakatulong sa mga bata na makita kung gaano kahalaga ang pagsilang ni Cristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga magulang ng isang bata na pumunta sa klase na nakabihis bilang sina Maria at

Jose. Sabihin sa kanila na ibahagi ang kanilang kara-nasan tulad ng nakatala sa Mateo 1:18–25 at Lucas 1:26–38.

• Ikuwento ang tungkol sa mga anghel na nagpakita kina Maria at Jose, ayon sa nakatala sa mga talatang ito. (Tingnan din sa “Kabanata 2: Si Maria at ang Anghel” and “Kabanata 4: Si Jose at ang Anghel,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 8–9, 12.) Maaari mong ipakita ang larawan na nasa outline sa ling-gong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Sabihin sa mga bata na muling ikuwento ang istorya sa iyo.

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga lara-wan ng mga kuwentong matatagpuan sa Mateo 1:18—25 at Lucas 1:26–38.

LUCAS 1:5–20, 57–63

Sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga panalangin.

Marahil ay maraming taon nang ipinagdarasal nina Zacarias at Elisabet na magkaroon sila ng anak. Kalaunan ay sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng anak na si Juan Bautista. Paano mo magagamit ang kuwentong ito upang ituro sa mga bata na sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin?

6

eNeRo 7–13 

Mga Posibleng Aktibidad

• Sa sarili mong mga salita, ibahagi ang kuwento mula sa Lucas 1:5–20, 57–63. Maaari mong ulitin ang kuwentong ito nang ilang beses. Atasan ang mga batang gumaganap sa papel bilang anghel, si Zacarias, at si Elisabet at isadula ang kuwento. Bigyang- diin na sinagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin nina Elisabet at Zacarias, at magbahagi ng isang karanasan kung saan sinagot ng Ama sa Langit ang iyong panalangin.

• Gamitin ang “Nakayuko,” Aklat ng mga Awit Pamba-ta, 18, o ang isa pang awitin upang ituro sa mga bata kung paano manalangin. Maaari din ninyong sama- samang kantahin ang “Panalangin ng Isang Bata,” Aklat ng mga Awit Pambata, 6–7. Sa tuwing kinakanta ng mga bata ang mga salitang “manala-ngin” o “panalangin,” sabihin sa kanila na yumuko at humalukipkip.

• Hilingin sa bawat bata na gumawa ng mga kilos na kumakatawan sa bagay na ipinagdarasal nila. Pahulaan sa ibang mga bata kung ano ang kinaka-tawan ng mga kilos. Makakakita sila ng mga ideya sa pahina ng aktibidad ngayong linggo.

LUCAS 1:31–35

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Si Jesucristo ang Anak ng Ama sa Langit at ni Maria. Ano ang magagawa mo upang matulungan ang mga bata na matuto pa ng tungkol sa Kanya?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na sinabi ng anghel kay Maria na tatawagin ang sanggol na Anak ng Diyos (tingnan sa Lucas 1:35). Tulungan ang mga bata na ulitin ang pangungusap na “Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.” Tulungan ang mga bata na maunawaan kung sino ang mga magulang ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapadrowing sa kanila ng mga larawan ng sarili nilang mga magulang. Sa paggawa nila ito, sabihin sa kanila na si Jesus ay may mga magulang rin—si Maria at ang Ama sa Langit. Bukod dito, hinilingan si Jose na protektahan at alagaan si Jesus noong nabubuhay Siya sa lupa.

• Magpatotoo na dahil si Jesus ang Anak ng Diyos, maaari Siyang mamatay para sa ating mga kasala-nan at mabuhay na muli. Ipakita ang mga larawan ng Pagpapako sa Krus at Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesus (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 57, 59).

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 1:18–25; LUCAS 1:5–37

Walang imposible sa Diyos.

Ang pagsilang nina Jesus at Juan Bautista ay naging posible sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang pag- aaral tungkol sa mga himalang ito ay maka-pagpapalakas ng pananampalataya ng mga bata na may kapangyarihan ang Diyos na gumawa ng mga himala sa kanilang buhay.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sa pagbabasa ninyo ng mga bata ng Mateo 1:18–25 at Lucas 1:5–37, tanungin ang mga bata ng tulad ng “Ano ang sasabihin mo kung ikaw si Maria?” o “Ano ang mararamdaman mo kung ikaw si Zacarias?”

• Gamit ang simpleng pananalita, ikuwento ang pag-silang nina Juan Bautista at Jesucristo. Sabihin sa mga bata na itaas ang kanilang kamay kapag narinig nila ang isang bagay na tila imposible kung wala ang kapangyarihan ng Diyos. Ano pang mga kuwen-to ang maaaring ibahagi ng mga bata kung saan gumawa ang Diyos ng isang bagay na tila imposible?

• Tulungan ang mga bata na maisaulo ang Lucas 1:37. Para magawa ito, maaari mong isulat sa pisara ang talata at sabihin sa mga bata na bigkasin ito ng ilang beses. Pagkatapos ng bawat pagbasa, magbu-ra ng isang salita.

MATEO 1:21–25; LUCAS 1:30–35, 46–47

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Si Jesucristo ang Anak ng Ama sa Langit at ni Maria. Paano mo matutulungan ang mga bata na matutuhan ang katotohanang ito?

7

MATeo 1; LuCAS 1

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin ang mga bata na basahin ang Lucas 1:30–35, na inaalam ang mga sagot sa mga tanong na: “Sino ang ina ni Jesus?” at “Sino ang Ama ni Jesus?” Tulungan silang maunawaan na si Jesucristo ang tanging tao na ang pisikal na ama ay ang Ama sa Langit (tingnan din sa 1 Nephi 11:18–21).

• Habang binabasa mo ang mga talatang ito, sabihin sa mga bata na hanapin ang mga pangalan o titulo ni Jesucristo. Ano ang ibig sabihin ng mga panga-lang ito, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol kay Jesus?

• Ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo, at anyayahan ang mga bata na magbahagi rin ng kanilang patotoo.

LUCAS 1:5–25, 57–80

Dinidinig at sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin ko.

Sinasagot ng Diyos ang mga panalangin ngunit hindi palaging sa paraan na inaasahan natin. Paano mo magagamit ang tala tungkol kina Zacarias at Elisabet para maituro sa mga bata ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Itanong sa mga bata kung ano ang sasabihin nila sa isang taong nanalangin para sa isang pagpapala

ngunit hindi pa ito natatanggap. Sabihin sa kanila na pag- isipan ang tanong na ito habang sama- sama nilang binabasa ang Lucas 1:5–25, 57–80. (Tingnan rin sa “Kabanata 1: Sina elisabet at Zacarias” at “Kabanata 3: Isinilang si Juan bautista,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan 6–7, 10–11.) Ano ang maaaring sabihin nina Zacarias at Elisabet sa isang taong nakadaramang hindi sinasagot ang kanyang mga panalangin?

• Bago ang lesson na ito, anyayahan ang ilang bata na magbahagi sa klase ng mga karanasan kung kailan sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang mga panalangin. Magbahagi ng isang pagkakataon na nadama mong sinagot ang inyong panalangin sa paraang hindi mo inaasahan.

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng isang pag-kakataon kung kailan sinagot ng Ama sa Langit ang kanilang panalangin—lalo na ang sarili nilang pana-langin. Ipabahagi sa kanila sa klase ang kanilang mga iginuhit.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang mga larawan na iginuhit nila at pagkatapos ay hilingin sa kanilang mga kapamilya na ibahagi ang mga pagka-kataong sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga batang musmos na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Upang matulungan ang mga batang musmos na matuto mula sa mga banal na kasulatan, pagtuunan ang isang talata ng banal na kasulatan o kahit ang isang pangunahing kataga lamang. Maaari mong sabihin sa mga bata na tumayo o itaas ang kanilang kamay kapag narinig nila ang salita o katagang iyon. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 21.)

Sinasagot ng Ama sa Langit ang aking mga dalangin (Lucas 1:5–20, 57–63).Kulayan at gupitin ang mga larawan. Pagkatapos ay iayos ang mga ito sa dalawang grupo:

mga bagay na pinasasalamatan natin at mga taong maipagdarasal natin.

9

ENERO 14–20

Lucas 2; Mateo 2Naparito Kami upang Siya’y Sambahin

Magsimula sa pagbabasa ng Mateo 2 at Lucas 2. Makakatulong ang outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para maunawaan mo ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N D I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na sabihin sa iyo kung ano ang naaalala nila tungkol sa pagsilang ni Cristo. Ano ang kanilang paboritong bahagi ng kuwento?

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

LUCAS 2:1–14

Isinilang si Jesus.

Nilisan ni Jesus ang Kanyang tahanan kung saan kapi-ling Niya ang Ama sa Langit para isilang sa lupa upang maging ating Tagapagligtas. Paano mo matutulungan ang mga bata na maalala ang kuwento ng pagsilang ni Cristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sa pagbabasa mo ng kuwento ng pagsilang ni Cristo, sabihin sa mga bata na isadula nila ang

kuwento o gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito. Tingnan din ang “Kabanata 5: Isinilang si Jesucristo,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 13–15.

• Kung mayroon ka, magdala ng isang Nativity set o belen at sabihin sa mga bata na ilagay ang mga piraso sa tamang lugar habang ikinukuwento mo sa kanila ang pagsilang ni Jesucristo. Maaari ka ring magpakita ng larawan ng pagsilang ni Jesucristo (tingnan halimbawa ang outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Ituro ang iba’t ibang tao sa Nativity at anyayahan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa bawat tao.

• Kantahin nang sabay- sabay ang mga paboritong kanta ng mga bata tungkol sa pagsilang ni Jesus. Sa paggawa nito, humanap ng mga pagkakataong magpatotoo tungkol sa Tagapagligtas at anyayahan ang mga bata na ibahagi kung bakit mahal nila si Jesus.

Sam

bahi

n Na

tin S

iya n

i Dan

a M

ario

Woo

d

10

eNeRo 14–20 

MATEO 2:1–12

Kaya kong magbigay ng mabubuting handog kay Jesus.

Binigyan ng mga Pantas na Lalaki ng kaloob na ginto, kamangyan, at mira si Jesus. Paano mo magagamit ang kuwentong ito para ituro sa mga bata na kaya rin nilang magbigay ng mga regalo kay Jesus—tulad ng pagmamahal, paglilingkod, at pagsunod?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita ng larawan ng mga Pantas na Lalaki habang nirerebyu ninyo ng mga bata ang kuwen-tong matatagpuan sa Mateo 2:1–12.  

• Ibalot na parang regalo ang mga larawan o bagay na sumisimbolo sa mga regalong maaari nating ibagay kay Jesus. Sabihin sa mga bata na tulungan kang buksan ang mga regalo at talakayin kung paano nating ibinibigay ang mga regalong ito sa Tagapagligtas.

• Tulungan ang bawat bata na gumuhit o isulat ang listahan ng mga regalong maibibigay nila kay Jesus, tulad ng “pagiging mabuting kaibigan” o “pananala-ngin.” Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kani-lang listahan sa klase at pumili ng isa na gagawin nila sa linggong ito.

LUCAS 2:40–52

Minsa’y naging musmos si Jesus tulad ko.

Ang pag- aaral tungkol sa pagiging bata ng Tagapaglig-tas ay maaaring makatulong sa mga batang tinuturuan mo na maiugnay ang kanilang sarili sa Kanya. Tanungin ang mga bata kung ano ang maaari nilang matutuhan mula sa mga talatang ito tungkol sa kung paano sila maaaring maging katulad ni Jesus ngayon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isa sa mga kabataan sa ward na bumisita sa klase at ibahagi ang kuwento tungkol kay Jesus na nagtuturo sa templo noong siya ay bata pa.

• Malayo pa bago ang araw ng klase, hilingin sa ilang bata na magdala ng sarili nilang mga litrato noong

sanggol pa sila para ibahagi sa klase. Itanong sa kanila kung paano sila lumaki. Ibahagi ang ilan sa mga paraan ng paglaki ni Jesus (tingnan sa Lucas 2:40, 52). Kantahin ninyo ng mga bata ang “Minsa’y Naging Musmos si Cristo,” Aklat ng mga Awit Pamba-ta, 34, o isa pang awitin tungkol sa Tagapagligtas.

• Basahin ang Lucas 2:52 at ipaliwanag ang kahulu-gan ng “karunungan” at “pangangatawan.” Maaari mong hilingin sa mga batang gumawa ng mga kilos na magpapakita ng kahulugan ng pag- unlad sa karunungan at sa pagbibigay- lugod sa Diyos at sa ibang tao. Halimbawa, maaari silang umarte na nag-babasa ng isang aklat o tumutulong sa isang taong nangangailangan.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

LUCAS 2:1–21; MATEO 2:1–2

Ipinropesiya ng mga sinaunang propeta ang pagsilang ng Tagapagligtas.

Inabangan ng mga propeta at mga mananampalataya sa loob ng maraming siglo ang pagsilang ng Tagapag-ligtas. Ang pag- unawa sa katotohanang ito ay makaka-tulong sa mga bata na magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa buhay at misyon ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin sa mga bata na magbahagi tungkol sa mga bagay na inaabangan nila, tulad ng isang birthday o holiday. Ipabasa sa mga bata ang Helaman 14:2–5 upang makita ang isang bagay na inaabangan ng mga propeta.

• Sama- samang basahin ang ilang propesiya tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas (tingnan sa Isaias 7:14; 9:6; 1 Nephi 11:18; Helaman 14:5). Tulungan ang mga bata na ilista ang mga detalyeng nilalaman ng mga propesiyang ito at hanapin ang katuparan ng mga ito sa Lucas 2:1–21 at Mateo 2:1–2.

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng isang lara-wan ng pagsilang ni Cristo at ibahagi kung bakit sila nagpapasalamat na isinilang si Jesus.

11

LuCAS 2; MATeo 2

LUCAS 2:40, 52

Minsa’y naging musmos si Jesus tulad ko.

Tulad ni Jesus, ang mga batang tinuturuan mo ay may mahalagang misyong dapat paghandaan. Ano ang maaari nilang matutuhan mula sa halimbawa ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na pakinggan ang mga bagay na ginawa ni Jesus habang binabasa mo ang Lucas 2:40, 52. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga paraan na sila ay lumago mula nang maliliit pa sila. Ibahagi ang iyong sariling karanasan sa pag- aaral ng ebanghelyo nang paunti- unti; pagkatapos ay ibigay ang iyong patotoo.

• Gumawa ng mga aktibidad na nagpapakita ng mga parirala sa Lucas 2:40, 52. Halimbawa, maaari mong sukatin ang taas ng bawat bata (“lumalaki [si Jesus] sa . . . pangangatawan”) o ipabahagi ang kanilang paboritong banal na kasulatan (“lumakas [sa espiri-tu]”). Tulungan ang mga bata na gumawa ng isang talaan ng mga paraan na sila ay lumalaki at ibahagi ito sa kanilang pamilya.

• Matapos pag- aralan ang Lucas 2:40, 52, sabihin sa mga bata na ibahagi kung ano sa palagay nila ang pagkatao ni Jesus noong Siya ay kaedad nila. Paano kaya Niya tinrato ang Kanyang ina? Ang Kanyang mga kapatid?

LUCAS 2:41–52

Maaari kong tularan ang halimbawa ni Jesus.

Kahit binatilyo pa lamang, tinuruan ni Jesus ang mata-tanda sa templo. Tulad nito, ang mga bata sa iyong klase ay maraming maituturo sa mga nasa paligid nila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isang bata na maghandang ibuod ang kuwento sa Lucas 2:41–52. upang matulungan ang mga bata na maunawaan ang kuwento, ituro ang kahulugan ng “[gawain ng Ama]”. Halimbawa, maaari mong sabihin sa mga bata kung ano ang trabaho mo o ng iyong mga magulang. Ano ang naging trabaho o “gawain” ni Jose, ang tatay ni Jesus sa lupa? (tingnan sa Mateo 13:55). Ano ang gawa-in ng Kanyang Ama sa Langit? (tingnan sa Lucas 2:46–49; tingnan rin sa Moises 1:39).

• Sama- sama ninyong basahin ng mga bata ang Lucas 2:46–49 at itanong, “Paano ginagawa ni Jesus ang ‘gawain ng Kanyang Ama’?” Tulungan ang mga batang ilista o idrowing sa pisara ang mga paraan na makakatulong sila sa gawain ng Ama sa Langit.

• Upang matulungan ang mga bata na lumago ang kanilang tiwala sa sarili na maituturo rin nila ang ebanghelyo gaya ni Jesus noong Siya ay bata pa, tulungan silang magturo ng isang tuntunin mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ituro sa kanilang pamilya ang isang bagay na natutuhan nila tungkol sa pagsilang ni Cristo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoAng mga bata ay mausisa at natututo sa maraming paraan. Nagiging masaya ang pag- aaral ng mga bata sa pamamagitan ng mga bago at iba’t ibang mga karanasan. Gamitin ang mga aktibidad na tumutulong sa kanilang kumilos, gamitin ang lahat ng kanilang mga pandama, magsiyasat, at sumubok ng mga bagong bagay. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Naparito kam

i upang sambahin Siya (Lucas 2; M

ateo 2).

13

ENERO 21–27

Juan 1Nasumpungan Namin ang Mesiyas

Habang binabasa mo ang Juan 1, itala ang mga espirituwal na impresyong natatanggap mo. Ang outline sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang kabanatang ito. Ang sumusunod na mga iminumungkahing aktibidad ay maaaring magbigay sa iyo ng mga ideya kung paano tutulungan ang mga bata na matutuhan ang mga alituntunin sa Juan 1. Ang mga aktibidad para sa nakatatandang mga bata ay maaaring iangkop, kung kinakailangan, para sa mga batang musmos.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol kay Jesus, maaari mong ipakita ang mga larawan Niya habang tinutupad ang ilan sa Kanyang mga tungkuling inilarawan sa Juan 1. Pagka-tapos ay hilingin na ilarawan nila kung ano ang naga-ganap (tulad ng paglikha ng daigdig o pagtuturo ng ebanghelyo).

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

JUAN 1:1–2

Namuhay si Jesus sa piling ng Ama sa Langit bago Siya isinilang.

Itinuro ni Juan na nabuhay si Jesucristo na kasama ng Diyos bago ang Kanyang mortal na buhay. Namuhay rin tayo sa piling ng Diyos bago tayo isinilang (tingnan sa “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,”

Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129). Paano mo ituturo sa mga bata ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipaliwanag na ang katagang “ang Verbo” sa Juan 1:1 ay tumutukoy kay Jesus. Basahin nang malakas ang talata, at sabihin sa mga bata na sabihin ang “Jesus” sa tuwing babasahin mo “ang Verbo.” Bingo Ipali-wanag na nabuhay si Jesucristo sa piling ng Ama sa Langit bago Siya pumarito sa daigdig.

• Ituro sa mga bata na nanirahan din tayong kasa-ma ang Diyos bago tayo pumarito sa lupa. Maaari mong gamitin ang “Pambungad: Ang Plano ng Ating Ama sa Langit,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan,1–5; o Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay Bago Pa ang Buhay na Ito,” scriptures.lds.org.

• Anyayahan ang isang magulang na magdala ng isang sanggol sa klase, at gamitin itong pagkakataon upang ituro na namuhay tayo sa langit sa piling ng Ama sa Langit bilang mga espiritung anak bago tayo isinilang.

14

eNeRo 21–27 

JUAN 1:3

Nilikha ni Jesus ang lahat ng bagay.

Maraming bata ang likas na nagagalak na mapaligiran ng mga nilikha ng Panginoon. Ang kaalaman tungkol sa pagiging Tagapaglikha ni Cristo ay makakatulong para madagdagan ang kanilang paggalang sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin ninyo ng mga bata ang Juan 1:3, at ipakita ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Tulungan ang mga bata na isaulo ang katagang “ang lahat ng bagay ay ginawa [ni Jesucristo].”

• Dalhin ang mga bata sa labas para maglakad- lakad. Isa- isang bigyan ng pagkakataon ang mga bata para ilarawan ang mga nilikhang nakikita nila, at sabihin sa kanilang hulaan kung ano ang inilalarawan.

• Sabihin sa mga bata na mag- isip ng mga paraan kung paano maaalagaan ang mga nilikha ng Diyos na nasa kanilang paligid (halimbawa, pagiging mabait sa mga hayop).

JUAN 1:35–51

Kaya kong anyayahan ang iba na lumapit kay Jesucristo at matuto mula sa Kanya.

Naglalaman ang Juan 1 ng mga tala ng mga disipulo na nag- anyaya sa mga tao na “magsiparito at makita” na si Jesus ang Anak ng Diyos. Kahit ang mga batang musmos ay kayang tularan ang halimbawang ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ilarawan kung paano itinuro ni Juan kay Andres ang tungkol kay Jesus, at kung paano naman itinuro ito ni Andres kay Pedro (tingnan sa Juan 1:35–42). Ibahagi kung paano mo nalaman ang tungkol sa Simbahan, o anyayahan ang isang bagong miyem-bro na ibahagi kung paano niya natutuhan ang tungkol sa Simbahan.

• Ibahagi ang kuwento ng paanyaya ni Felipe kay Natanael na “pumarito ka at tingnan mo” ( Juan 1:43–51). Itago ang larawan ni Jesus sa isang kahon,

at anyayahan ang isang bata na “pumarito ka at tingnan mo” ito at pagkatapos ay sabihin sa iba pang mga bata ang tungkol sa nakita niya.

• Pakulayan sa mga bata ang pahina ng aktibidad sa linggong ito, at hikayatin silang gamitin ito para anyayahan ang isang tao na matuto ng tungkol kay Jesus.

• Hilingin sa isang bata na magbahagi tungkol sa isang pagkakataon na siya ay nagbahagi ng isang bagay, gaya ng laruan o regalo sa isang tao. Paano natin maibabahagi ang ebanghelyo? Isalaysay ang isang kuwento ng isang bata na nagbahagi ng ebanghelyo sa isang kaibigan, tulad ng kuwento ni elder M. Russell ballard tungkol kay Joshua (“Pag- follow Up,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 78–81).

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

JUAN 1:1–5

Namuhay si Jesus sa piling ng Ama sa Langit bago Siya isinilang.

Bago pa man Siya isinilang, ginampanan ni Jesucristo ang mahahalagang papel sa plano ng Ama sa Langit. Habang binabasa mo ang Juan 1:1–5, ano ang hina-hangaan mo sa mga ginawa ni Jesus sa premortal na mundo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Itanong sa mga bata kung may nalalaman sila tung-kol sa ginawa ni Jesus bago Siya isinilang. Sabihin sa kanila na hanapin ang mga sagot sa Juan 1:1–5. Maaaring makatulong ang pagtingin sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Juan 1:1–5 (sa Gabay sa mga banal na Kasulatan).

• Ibahagi sa mga bata ang “Pambungad: Ang Plano ng Ating Ama sa Langit,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 1–5. Itanong sa mga bata kung ano ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo.

• Anyayahan ang ilang bata na maghandang ipakita o ilarawan sa klase ang isang bagay na ginawa nila. Magpakita ng mga larawan ng ilan sa mga nilikha ng Panginoon, at gamitin ang Juan 1:3 para ipaliwanag na nilikha ni Jesus ang lahat ng bagay.

15

JuAN 1

JUAN 1:4–9

Si Jesucristo ang aking ilaw.

Ang simbolismo ng liwanag ay makakatulong sa mga bata na maunawaan ang Tagapagligtas at ang Kanyang ebanghelyo. Paano mo mahihikayat ang mga bata na hanapin ang liwanag ng Tagapagligtas kapag ang mun-do ay tila madilim?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa mga bata ang Mga Awit 27:1; Juan 1:4–9; Mosias 16:9; at Doktrina at mga Tipan 39:1–2, na hinahanap ang mga kataga na magkakapareho sa mga banal na kasulatang ito. Paanong tulad ng isang ilaw si Jesucristo?

• Magpakita ng larawan ng Tagapagligtas at ng ilang bagay na nagbibigay ng liwanag, gaya ng flash-light. Paano naging katulad ng mga bagay na ito si Jesucristo? Paano natin maibabahagi ang Kanyang liwanag sa iba? Sama- samang kantahin ang “Tang-law ko ang Diyos,” Mga Himno, blg. 49, o isa pang awiting tungkol sa liwanag ng ebanghelyo.

• Itanong sa mga bata kung ano ang ginagawa nila kapag sila ay nasa kadiliman at natatakot. Magpa-totoo na maaari silang bumaling palagi sa Tagapag-ligtas kapag sila ay natatakot.

JUAN 1:35–51

Bilang isang tagasunod ni Jesucristo, inaanyayahan ko ang iba na sumunod sa Kanya.

Isipin kung paano ninyo magagamit ang mga halim-bawa sa Juan 1:35–51 para hikayatin ang mga bata na anyayahan ang iba na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na saliksikin ang Juan 1:35–51 para makita ang mga bagay na sinabi ng mga tao para anyayahan ang iba na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas. Pagpraktisin sila ng mga maaari nilang sabihin para anyayahan ang isang kaibigan na malaman ang tungkol sa Kanya.

• Sabihin sa mga bata na gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito para makagawa ng isang imbitasyong maaari nilang ibigay sa isang kaibigan o kapamilya para malaman pa ang tungkol kay Jesucristo.

• Bigyan ang mga bata ng pagkakataon na sabihin sa klase ang tungkol sa isang bagay na gustung- gusto nila. Tulungan ang mga bata na makita na ang pag-babahagi ng ebanghelyo ay katulad ng pagbabahagi ng mga ibang bagay na gustung- gusto natin.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na anyayahan ang isang taong mahal nila na malaman pa ang tungkol kay Jesucristo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga bata na maisalarawan ang kuwento sa kanilang isip. Humanap ng mga paraan upang makagawa ng imahe ng kuwento, kabilang na ang paggamit ng sining ng ebanghelyo, mga drowing, video, puppet, o dula- dulaan.

Natagpuan namin ang Mesiyas (Juan 1).Gumawa ng “pop- up” invitation para anyayahan ang isang kaibigan na matuto tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagdalo sa simbahan, sa family home evening, o sa isang binyag.

Matuto tungkol kay Jesucristo

Para kay: Inaanyayahan kita sa:

Mula kay:

Fold

AFold A

Fold B

Fold B

Gupitin sa linyaTupiin sa tulduk- tuldok na linya

Matuto tungkol kay Jesucristo

17

ENERO 28–PEBRERO 3

Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3“Ihanda Ninyo ang Daan ng Panginoon”

Habang binabasa mo ang tungkol kay Juan Bautista at sa binyag ni Jesucristo, itala ang anumang espirituwal na impresyong natatanggap mo. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga banal na kasulatan na ito, at tutulungan ka nitong suportahan ang personal na pag- aaral na ginagawa ng mga miyembro ng inyong klase.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Para mabigyan ang mga bata ng mga pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila, magpakita ng larawan ni Jesucristo na binibinyagan, at sabihin sa kanila na sabi-hin sa iyo kung ano ang nangyayari sa larawan at ano ang nadarama nila tungkol sa pagpapabinyag.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 3:13–17

Maaari akong magpabinyag tulad ni Jesus.

Paano mo magagamit ang mga salaysay tungkol sa binyag ni Jesus para matulungan ang mga bata na maghandang magpabinyag?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang kuwento tungkol sa binyag ng Tagapag-ligtas (tingnan sa Mateo 3:13–17; tingnan din sa “Kabanata 10: bininyagan si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 26–29). ulitin ng ilang beses ang kuwento at anyayahan ang mga bata na ibahagi ang mga detalye na naaalala nila. Ipaliwanag na si Jesus ay bininyagan sa pamamagitan ng paglulubog ng isang may awtoridad ng priesthood.

• Ipakita ang larawan ng pagpapabinyag ni Jesus at ang pahina ng aktibidad sa linggong ito. Sabihin sa mga bata na tukuyin ang mga pagkakatulad ng dalawang larawan.

• Maaari mong talakayin ang mga pangakong gagawin ng mga bata sa kanilang pagpapabinyag (tingnan sa Mosias 18:8–10; DT 20:37; Tapat sa Pananampala-taya, 8). Tanungin sila kung alin sa mga bagay na ito ang ginagawa na nila.

• Anyayahan ang isang miyembro ng bishopric na sabihin sa mga bata ang tungkol sa magiging interbyu sa kanila sa binyag bago sila binyagan.

Stai

ned-

glas

s win

dow

sa N

auvo

o Illi

nois

Tem

ple,

ni T

om H

oldm

an

18

eNeRo 28–PebReRo 3 

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Pagbibinyag,” Aklat ng mga Awit Pambata, 54–55. Isiping hilingin sa isang batang nakakaalam ng kanta na pamunuan ang iba pang mga bata sa kanilang pag- awit.

Matutularan natin ang halimbawa ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapabinyag.

MATEO 3:11, 16

Tinutulungan ako ng Espiritu Santo.

Bukod sa paghahanda para sa binyag, naghahanda rin ang mga bata na matanggap ang kaloob na Espiritu Santo. Paano mo sila matutulungan?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gamitin ang Mateo 3:11, 16 para ituro sa mga bata na ang Espiritu Santo ay bumaba kay Jesus nang Siya ay binyagan (nagpakita ang isang kalapati bilang tanda na ito ay nangyari). Ipakita ang lara-wang Ang Kaloob na Espiritu Santo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 105), at ipaliwanag na tinatang-gap natin ang kaloob ng Espiritu Santo kapag tayo ay kinumpirma.

• Magdala ng isang kahon na naglalaman ng mga bagay na tulad ng larawan ni Jesus, isang kompor-tableng kumot, at kompas. Sabihin sa mga bata na pumili ng isang item at pagkatapos ay ibahagi kung paanong ang bawat item ay naging simbolo ng isang paraan na makakatulong sa atin ang Espiritu Santo—nagpapatotoo Siya tungkol kay Jesus, pina-panatag tayo (tingnan sa Juan 15:26), at ipinapakita sa atin ang tamang daan (tingnan sa 2 Nephi 32:5).

• Ibahagi ang sarili mong mga karanasan ng pagtang-gap ng tulong mula sa Espiritu Santo.

• Anyayahan ang mga bata na pakinggan ang mga paraan na tinutulungan tayo ng Espiritu Santo habang kinakanta nila ang “Ang Espiritu Santo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 56.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 3

Ako ay pinagpala sa pamamagitan ng mga ordenansa ng Aaronic Priesthood.

Si Juan Bautista ay nagtaglay ng Aaronic Priesthood, kaya’t ito ay isang magandang pagkakataon para turuan ang mga bata tungkol sa Aaronic Priesthood at tulungan silang malaman ang mga pagpapala at kapangyarihang dumarating kapwa sa mga lalaki at babae sa pamamagitan ng priesthood na ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na ilista ang mga tungkulin ng Aaronic Priesthood, gamit ang Doktrina at mga Tipan 20:46, 58–60; 84:111. Ipaliwanag na ang mga priest sa Aaronic Priesthood ay maaaring “magbinyag, at pangasiwaan ang sakramento.” Ang mga priest, teacher, at deacon ay “magtutu-ro, at mag- aanyaya sa lahat na lumapit kay Cristo” (DT 20:46, 59). Sabihin sa mga bata na tingnan sa Mateo 3 ang mga halimbawa ng pagtupad ni Juan sa mga tungkuling ito. Paano nating lahat aanyaya-han ang iba na lumapit kay Cristo, tulad ng ginawa ni Juan?

• Magdispley ng ilang larawan ng pagsasagawa ng mga ordenansa ng binyag at ng sakramento ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 103, 108). Talakayin kung paano tayo inihahanda ng mga ordenan-sang ito na tanggapin si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad- sala.

• Sabay- sabay na basahin ang Doktrina at mga Tipan 13:1, at ipaliwanag na ipinanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kay Joseph Smith. Itanong sa mga bata kung paano sila napagpala ng pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood.

19

MATeo 3; MARCoS 1; LuCAS 3

MATEO 3:13–17; LUCAS 3:2–18

Kaya kong tuparin ang aking mga tipan sa binyag.

Ang salaysay tungkol sa binyag ni Jesus ay isang magandang pagkakataon para tulungan ang mga bata na rebyuhin ang kanilang mga tipan sa binyag at muling mangako na tuparin ang mga ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin sa dalawang bata na basahin ang Lucas 3:7–9, 15–17, na ang isa ay binabasa ang mga salita ni Juan Bautista at ang isa naman ay binabasa ang mga nalalabing salita. Pagkatapos ng bawat talata, tumigil sandali at ipaunawa sa mga bata kung ano ang kahulugan ng talata.

• Rebyuhin ang mga tipan na ginawa ng mga bata sa binyag na matatagpuan sa Mosias 18:8–10 at Doktrina at mga Tipan 20:37. (Tingnan din sa Tapat sa Pananampalataya, 7–12.) Sabihin sa mga bata na isulat ang mga reperensya na ito sa pahina ng aktibidad sa linggong ito.

• Maghanda ng ilang pares ng mga kard na may magkakaparehong kataga o larawan na kumakata-wan sa mga tipan sa binyag. Itaob ang mga kard. Sabihin sa mga bata na sila ay isa- isang magbaba-ligtad ng dalawang kard na kailangang magkapares. Kapag magkapares ang naibaligtad na kard ng isang bata, anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga paraan na natupad nila ang tipang nakasaad sa kard.

• Ibahagi kung paano ka napagpala ng pagtupad mo sa iyong mga tipan sa binyag.

MATEO 3:11, 16

Magagabayan ako ng Espiritu Santo.

Pinag- aaralan ng mga bata kung paano kilalanin at sundin ang patnubay ng Espiritu Santo. Paano mo sila matuturuan na ang pagtupad sa kanilang mga tipan sa binyag ang tutulong sa kanilang maging karapat- dapat sa pagtanggap ng patnubay na ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Papiliin ang bawat bata mula sa sumusunod na mga talata at ipaliwanag kung paano nangungusap sa atin ang Espiritu Santo: Doktrina at mga Tipan 6:23; 8:2–3.

• Ipabasa sa isang bata ang Mateo 3:11. Ano ang pagkakapareho ng Espiritu Santo sa apoy? Halim-bawa, ang apoy ay nakakapanatag at nagbibigay ng liwanag na gagabay sa atin (tingnan sa Juan 15:26; 2 Nephi 32:5).

• Sabihin sa mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at ibuka ang kanilang mga kamay. Pagkata-pos ay dahan- dahang ipadama sa kanila ang isang balahibo o isang panali. Sabihin sa kanila na sabihin sa iyo kung nadama nila ito. Ano ang itinuturo ng aktibidad na ito tungkol sa pagkilala sa mga pahiwa-tig ng Espiritu Santo?

• Sabihin sa mga bata na magbahagi ng mga naging karanasan nila sa Espiritu Santo. Bakit nakakatulong ang pagtupad sa ating mga tipan upang magkaroon ng patnubay ng Espiritu Santo?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na magtanong sa kanilang mga magulang o sa iba pang miyembro ng pamilya tungkol sa kanilang binyag.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoHangarin na makatanggap ng sariling inspirasyon. Huwag gawing mga panuto ang mga outline na ito na kailangan mong sundin habang ikaw ay nagtuturo. Sa halip, gamitin ang mga ito bilang mga ideya na magbibigay- daan sa pagkakaroon mo ng sariling inspirasyon habang pinagninilayan mo ang mga pangangailangan ng mga batang tinuturuan mo. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7.)

(Mateo 3:13–17)

Maa

ari a

kong magpabinyag tulad ni Jesus.

21

PEBRERO 4–10

Mateo 4; Lucas 4–5“Sumasa Akin ang Espiritu ng Panginoon”

Simulan ang iyong paghahanda para sa lesson na ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng Mateo 4 at Lucas 4–5. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N D I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na ipasa ang larawan ni Jesus mula sa isang bata papunta sa susunod. Habang hawak ng isang bata ang larawan, anyayahan siyang magbahagi ng isang bagay na ginawa ni Jesus noong narito Siya sa lupa.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 4:1–11; LUCAS 4:1–13

Kaya kong piliin ang tama tulad ni Jesus.

“Hindi magkakasala” ang mga batang musmos (DT 29:47). Gayunman, ang tungkol sa paglaban ni Jesus sa mga tukso ni Satanas ay makahihikayat sa mga bata na magsimulang piliin ang tama ngayon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ikuwento ang tungkol sa mga panunukso kay Jesus sa Mateo 4:1–11. (Tingnan din sa “Kabanata 11: Tinukso si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 30–31.) Sa angkop na mga bahagi ng kuwento, ita-nong, “Ano sa palagay ninyo ang gagawin ni Jesus?”

• Magdispley ng larawan ni Jesucristo, at pagkatapos ay magbigay ng mga opsiyon na maaaring piliin ng isang batang musmos. Para sa bawat mabuting pagpili, sabihin sa mga bata na humakbang palapit sa larawan. Para sa bawat maling pagpili, sabihin sa mga bata na humakbang palayo sa larawan.

• Tulungan ang mga bata na matutuhan ang mga salita sa awit na “Piliin ang Tamang Landas,” Aklat ng mga Awit Pambata, 82–83, gamit ang mga larawan, bagay, o iba pang visual aid na tumutugma sa mga titik.

LUCAS 4:18–19

Si Jesucristo ang aking Tagapagligtas.

Nakalista sa Lucas 4:18–19 ang mga aspeto ng misyon ni Jesus. Paano mo matutulungan ang mga bata na pahalagahan ang mga ginawa Niya para sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin sa mga bata ang Lucas 4:18–19, at ipaliwa-nag ang mga dahilan kung bakit ipinadala sa mundo si Jesus (para magturo, magbigay ng kapanatagan, at pagalingin ang mga tao). Ibahagi kung paano Niya ito ginawa para sa iyo.

Nagt

agum

pay s

i Cris

to La

ban

kay S

ata-

nas,

ni R

ober

t T. b

arre

tt

22

PebReRo 4–10 

• Sabihin sa ilang bata na magkunwaring nalilito, nalulungkot, o maysakit. Sabihin sa ibang mga bata na isadula kung ano ang magagawa nila para tulu-ngan sila. Patotohanan na pumarito si Jesucristo para magturo, magbigay ng kapanatagan, at pagalingin tayo, at na dapat nating sundin ang Kanyang halimbawa.

• Magpakita ng mga larawan ni Jesus na tinutupad ang mga aspeto ng Kanyang misyon (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo), at sabihin sa mga bata na ilarawan ang ginagawa ni Jesus. Magpakita rin ng mga larawan ng mga taong nagsisikap na maging katulad ni Jesus (makikita mo ang ilan sa mga magasin ng Simbahan).

• Isulat sa mga piraso ng papel ang mga pangungu-sap na nagsisimula sa “Nang dahil kay Jesucristo” (tulad ng “Nang dahil kay Jesucristo, maaaring magkasama ang aking pamilya magpakailanman”). Pakuhanin ng isang piraso ng papel ang bawat bata, at tulungan silang basahin ang pangungusap.

MATEO 4:18–22; LUCAS 5:1–11

Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na maging “mga mamamalakaya (mangingisda) ng mga tao.”

Ang panawagan ng Tagapagligtas na, “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalaka-ya ng mga tao” (Mateo 4:19), ay angkop sa lahat ng tao, kabilang na ang mga bata.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa dalawang bata na magkunwaring sina Simon Pedro at Andres habang binabasa mo ang Mateo 4:18–22. Tulungan ang mga bata na tukuyin kung ano ang isinuko o tinalikuran ng mga taong ito para makasunod kay Jesus.

• Sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagkukuwen-to ng mga nasa talatang ito gamit ang larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumu-nod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.

• Sama- samang kantahin ang “Susundin Ko ang Plano ng Diyos,” Aklat ng mga Awit Pambata, 86. Ano ang matututuhan natin mula sa awit na ito tungkol sa pagsunod kay Jesucristo?

• Gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito at talakayin ninyo ng mga bata kung paano sila maaaring maging “mga mamamalakaya ng mga tao” sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesus. Maaari mo ring ipalaro ang matching game: gumupit ng dala-wang kopya ng bawat isda, ilapag ito nang pataob at sabihin sa mga bata na isa- isang baligtarin ang mga ito para mahanap ang kapares.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 4:1–11; LUCAS 4:1–13

Ipinakita sa akin ni Jesus ang halimbawa sa pamamagitan ng paglaban sa tukso.

Maging si Jesucristo ay tinukso ni Satanas, ngunit hindi Siya nagpatangay sa tukso. Paano mo matutulungan ang mga bata na tularan ang Kanyang halimbawa?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gumawa ng tsart sa pisara na may nakasulat na Mga Tukso ni Satanas at Mga Tugon ni Jesus. Tulu-ngan ang mga bata na punan ang tsart gamit ang Mateo 4:1–11 at Lucas 4:1–13. Tanungin ang mga bata kung paano nila matutularan ang halimbawa ni Jesus.

• Sumulat ng ilang sitwasyon kung saan maaaring matukso ang isang bata na gawin ang mali. Papiliin ng isa ang isang bata, at talakayin sa klase kung paano nila malalabanan ang tukso sa sitwas-yong iyon.

MATEO 4:1–2

Ang pag- aayuno ay makakatulong para madama kong malapit ako sa Ama sa Langit.

Bago nagsimula sa Kanyang ministeryo, si Jesus ay nag- ayuno at “nanalangin sa Diyos” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 4:2). Tulungan ang mga bata na makita kung paano sila mabibigyan ng espirituwal na lakas ng pag- aayuno at matutulungan nitong mapalapit sa Ama sa Langit.

23

MATeo 4; LuCAS 4–5

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa nang malakas sa isang bata ang Mateo 4:1–2. Ipabatid na sa mga rebisyon sa mga talatang ito sa Pagsasalin ni Joseph Smith, nalaman natin na pumunta sa ilang si Jesus upang “makasama ang Diyos” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 4:1). Ano ang ginawa ni Jesus para “makasama ang Diyos”? Ibahagi kung paano nakatulong sa iyo ang pag- aayuno upang mas mapalapit ka sa Ama sa Langit.

• Anyayahan ang mga bata na nakapag- ayuno na noon na magbahagi ng kanilang mga karanasan. Paano nila ipapaliwanag ang pag- aayuno sa isang tao na hindi pa kailanman nakapag- aayuno?

• Magsulat ng mga tanong sa mga piraso ng papel tungkol sa pag- aayuno (tulad ng bakit, kailan, o paano tayo nag- aayuno), at ilagay ang mga ito sa isang mangkok. Sabihin sa mga bata na kumuha ng isang tanong at subukang sagutin ito. Anong mga karanasan ang maibabahagi mo o ng mga bata tungkol sa pag- aayuno?

LUCAS 4:16–22, 28–30

Si Jesucristo ang aking Tagapagligtas.

Pagnilayan kung paano pinagpala ng Tagapagligtas ang buhay mo. Paano mo matutulungan ang mga bata na lalong pahalagahan ang Kanyang impluwensya sa kanilang buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihan ang isang bata na dumating sa klase na handang ibuod ang Lucas 4:16–30. Maaaring maka-tulong ang paggamit ng “Kabanata 17: Ang mga Galit na Tao sa Nazaret,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 42–43.

• Basahin nang malakas ang Lucas 4:18 habang sumasabay sa pagbasa ang mga bata. Sabihin sa kanila na ilista ang mga bagay na sinabi ng Taga-pagligtas na dahilan ng Kanyang pagparito. Sabihin sa mga bata na magbigay ng mga pagkakataon nang ginawa ni Cristo ang mga bagay na ito, sa mga banal na kasulatan man o sa kanilang buhay.

MATEO 4:18–22; LUCAS 5:1–11

Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na sumunod sa Kanya at maging “mga mamamalakaya ng mga tao.”

Mayroong maraming paraan para makasunod ang mga bata sa Tagapagligtas at maging “mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Paano mo sila tutulungang makita na maaari silang maging mabubuting implu-wensya sa iba?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa mga bata ang Mateo 4:18–22 at Lucas 5:1–11. Paano tumugon ang mga disipulo ni Jesus sa Kanyang panawagang sumunod sa Kanya? Ano ang magagawa natin para matularan ang kanilang halimbawa?

• Ipakita sa mga bata ang ilang mga kagamitan sa pangingisda o isang larawan ng mangingisda. Ano ang ibig sabihin ng maging “mga mamamalakaya ng mga tao”? Anong mga kagamitan ang mayroon tayo upang tulungan tayong maging mga mamamalaka-ya ng mga tao?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila tungkol sa pagiging mamamalakaya ng mga tao.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMaaaring makilala ng mga bata ang impluwensya ng Espiritu. Ituro sa mga bata na ang nadarama nilang kapayapaan, pagmamahal, at kagalakan kapag nagsasalita o kumakanta sila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ay nagmumula sa Espiritu Santo. Ang damdaming ito ay maaaring magpalakas ng kanilang patotoo.

Inaanyayahan tayo ni Jesus na maging mga mamamalakaya ng mga tao (Mateo 4:18–22; Lucas 5:1–11).

Sa isdang walang nakadrowing, magdrowing o sumulat ng isang paraan na magiging mamamalakaya ka ng mga tao.

25

PEBRERO 11–17

Juan 2–4“Kinakailangan Ngang Kayo’y Ipanganak na Muli”

Nagsisimula ang iyong paghahanda sa pagtuturo sa pagbasa ng Juan 2–4. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito, at mabibigyan ka ng outline na ito ng mga ideya sa pagtuturo.

Mag- anyayang Magbahagi

Hikayatin ang mga bata na ibahagi ang kanilang natu-tutuhan at nararanasan sa pamamagitan ng pagtata-nong sa kanila kung ano ang ginawa nila kamakailan para maging “mga mamamalakaya ng mga tao” (Mateo 4:19). Maaaring kailangan mong rebyuhin sa kanila ang lesson noong nakaraang linggo.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

JUAN 3:1–10

Kailangan kong mabinyagan at makumpirma para makabalik sa piling ng Ama sa Langit.

Ang mga batang tinuturuan mo ay naghahandang gawin ang mahahalagang hakbang para muling maka-piling ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagpa-pabinyag (ipanganak ng tubig) at pagpapakumpirma (ipanganak ng espiritu). Paano mo sila matutulungang maunawaan ang kahalagahan ng dalawang ordenan-sang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang kuwento tungkol sa pagtuturo ni Jesus kay Nicodemo. Ipangako sa mga bata na kapag sila ay nabinyagan, ipagkakaloob sa kanila ng Ama sa Langit ang kaloob na Espiritu Santo.

• Gamitin ang Juan 3:5 at ang pahina ng aktibidad sa linggong ito para ituro na kailangan nating mabin-yagan at makumpirma para muling makapiling ang Ama sa Langit.

• Tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang gina-gawa kapag naghuhugas sila ng kamay. Ipakita ang larawan ng Batang Babaeng Binibinyagan (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 104), at tulungan ang mga bata na ihambing ang paghuhugas ng ating mga kamay sa tubig sa pagiging espirituwal na malinis sa pamamagitan ng binyag.

JUAN 3:16

Mahal ako ng Ama sa Langit kaya ibinigay Niya sa akin ang isang Tagapagligtas.

Paano mo matutulungan ang mga bata na matutuhan ang mahalagang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na kumpletuhin ang mga pangungusap na katulad nito: “Dahil mahal ako ng

26

PebReRo 11–17 

aking mga magulang, sila ay. . . .” basahin ang Juan 3:16. Pagkatapos ay tulungan ang bawat bata na ulitin ang Juan 3:16, na pinapalitan ang salitang “sanlibutan” ng kanyang sariling pangalan, at sabihin sa mga bata na pakinggan kung ano ang ginawa ng Ama sa Langit dahil mahal Niya tayo. Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga larawan ng mga bagay na tutulong sa kanila na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila (tulad ng pamilya, kalikasan, mga banal na kasulatan, at iba pa). Sabihan sila na ibahagi ang kanilang mga drowing sa isa’t isa.

• Ipataas sa mga bata ang isang larawan ni Jesus sa tuwing aawitin nila ang “Anak” sa “Isinugo, Kanyang Anak,” Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21.

JUAN 4:5–15

Si Jesucristo ang aking “tubig na buhay.”

Naranasan na ng mga bata sa iyong klase ang mau-haw. Paano mo magagamit ang karanasang iyon para tulungan ang mga bata na maunawaan kung gaano kalaki ang pangangailangan natin sa tubig na buhay na ipinagkakaloob ni Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gamitin ang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para ikuwento ang tungkol kay Jesus at sa babae sa tabi ng balon. Hilingin sa mga bata na ulitin ang kuwento.

• Magpakita ng isang baso ng tubig, at tanungin ang mga bata kung ano ang mangyayari kung nauuhaw tayo at walang laman ang baso. Ibuod nang maikli ang Juan 4:5–15, at magpatotoo na si Jesucristo at ang Kanyang ebanghelyo ay nagbibigay- buhay sa ating espiritu, tulad ng tubig na nagbibigay- buhay sa ating katawan.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

JUAN 2:1–11

Kaya kong igalang ang aking ina tulad ng ginawa ni Jesus.

Sa kasalan sa Cana, sinabi ni Maria kay Jesus na nau-bos na ang alak. Ayon sa Pagsasalin ni Joseph Smith, tumugon si Jesus sa Kanyang ina sa pagtatanong ng, “Babae, ano ang nais ninyo na gawin ko para sa inyo? iyon ay gagawin ko” ( Juan 2:4, talababa a sa LDS na biblia). Si Jesus ay isang halimbawa kung paano dapat tratuhin ng mga bata ang kanilang mga ina.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa mga bata ang Juan 2:1–11 at sabihin na magsalitan sila sa muling pagkukuwento ng mga bahagi nito gamit ang sarili nilang mga salita.

• Sabihin sa mga bata na ilista ang mga tulong na maaaring kailanganin ng kanilang ina. Pagpraktisin sila ng maaari nilang sabihin sa kanya gamit ang mga salita ni Jesus: “Ano ang nais ninyo na gawin ko para sa inyo?”

• Anyayahan ang ilang mga nanay na bumisita sa inyong klase at ipabahagi sa kanila ang ginagawa ng kanilang mga anak para ipakita ang paggalang sa kanila.

JUAN 3:1–8

Ang pagpapabinyag at pagpapakumpirma ay tulad ng pagsilang na muli.

Kapag bininyagan tayo, na tinatawag ni Jesus na “ipa-nganak ng tubig,” tumatanggap tayo ng kapatawaran sa ating mga kasalanan at tayo ay “makapapasok sa kaharian ng Diyos” ( Juan 3:5). Paano mo matutulungan ang mga batang tinuturuan mo na maunawaan ang kahulugan ng ipanganak na muli?

Mga Posibleng Aktibidad

• Paghalu- haluin ang mga salita ng Tagapagligtas sa Juan 3:3 at ipaayos ang mga ito sa mga bata ayon

27

JuAN 2–4

sa tamang pagkakasunud- sunod. Paano naging katulad ng pagpapabinyag at pagpapakumpirma ang pagkapanganak na muli?

• Magdispley ng larawan ng isang bagong silang na sanggol at ng isang taong binibinyagan at kinukum-pirma (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 104 at 105). Paano tayo maihahalintulad sa isang bagong silang na sanggol matapos tayong mabinyagan at makumpirma? (tingnan sa Juan 3:3–5).

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga ala-ala ng kanilang binyag. basahin ang Mosias 18:8–10 at Doktrina at mga Tipan 20:37 para marebyu ang tipan sa binyag. Ituro sa mga bata na ang taimtim na pakikibahagi ng sakramento sa bawat linggo ay isang paraan upang maipagpatuloy natin ang proseso ng pagsilang na muli.

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang Saligan ng Pananampalataya 1:4.

JUAN 3:16–17

Mahal ako ng Ama sa Langit kaya isinugo Niya ang Kanyang Anak.

Paano ninyo matutulungan ang mga bata na malaman na ang pagpapadala kay Jesucristo sa lupa ay pagpapa-kita ng pagmamahal ng Ama sa Langit?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpadrowing sa mga bata ng isang larawan ng paborito nilang regalo at ng tao na nagbigay sa kanila ng regalo. Pagkatapos ay ipabasa sa isang bata ang Juan 3:16. Anong regalo ang ibinigay sa atin ng Ama sa Langit? Paano nakikita ang Kanyang pagmamahal sa kaloob na ito?

• Sabihin sa mga bata na pakinggan ang sagot sa tanong na, “Bakit ipinadala sa atin ng Ama sa Langit si Jesucristo?” habang kinakanta nila ang “Isinugo, Kanyang Anak,” Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21.

JUAN 4:6–23

Iniaalok sa akin ni Jesucristo ang “tubig na buhay.”

Tulad ng paggamit ni Jesus ng tubig para turuan ang babae sa Samaria, maaari mo ring gamitin ang tubig para turuan ang mga bata kung bakit kailangan natin ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Bigyan ang mga bata ng maiinom na tubig, at sabihin sa kanila na magbahagi ng mga karanasan nang sila ay nauhaw. Pag- usapan kung ano ang pakiramdam na sa wakas ay makakuha ng maiinom na tubig.

• Sumulat ng mga pangungusap na magbubuod ng kuwento ng babae sa tabi ng balon, at sabihin sa mga bata sa tumingin sa Juan 4:6–23 upang ilagay ang mga pangungusap sa tamang pagkakasunud- sunod. Ang ang gustong ituro ni Jesus sa babae?

• Magdrowing sa pisara ng isang tasa ng tubig at isang bukal o ilog. Hilingin sa mga bata na magsabi ng mga bagay na, tulad ng isang tasa ng tubig, ay makapagbibigay sa atin ng panandaliang kasiyahan. Ano ang mga bagay na tulad ng “tubig na buhay” na maaaring makapagbigay sa atin ng kasiyahan magpakailanman?

• Isulat sa pisara ang Paano nagiging katulad ng tubig ang ebanghelyo? Sabihin sa mga bata na isipin kung paano nila sasagutin ang tanong na ito habang binabasa nila ang Juan 4:6–23.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Isiping hilingin sa mga bata na magbigay ng maiinom na tubig sa mga miyembro ng kanilang pamilya pag-dating nila sa bahay. Habang ginagawa nila ito, maaari nilang ibahagi kung ano ang natutuhan nila tungkol sa tubig na buhay.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoGamitin ang mga pahina ng mga aktibidad. Habang kinukumpleto ng mga bata ang mga pahina ng aktibidad, gamitin ang oras para rebyuhin ang mga alituntunin mula sa lesson.

Kailangan akong mabinyagan at m

akumpirm

a para makabalik sa piling ng D

iyos (Juan 3:1–8).

“Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu,

ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios” (Juan 3:5).

29

PEBRERO 18–24

Mateo 5; Lucas 6“Mapapalad Kayo”

Simulan sa pagbabasa ng Mateo 5 at Lucas 6. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na magbahagi ng tungkol sa isang bagay na ginawa nila sa linggong ito para ibahagi ang liwanag ng Panginoon sa isang tao.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 5:9

Kaya kong maging isang tagapamayapa.

Ang mga batang tinuturuan mo ay maaaring magka-roon ng makapangyarihang impluwensya sa tahanan kapag pakikitunguhan nila nang may pagmamahal at kabaitan ang iba.

Posibleng mga Aktibidad

• Basahin ang Mateo 5:9 sa mga bata, at ipaliwanag na ginagawang payapa ang anumang lugar ng isang tagapamayapa, saan man sila naroroon. Magbahagi

ng ilang kathang- isip na mga sitwasyon, at tulungan ang mga bata na tukuyin kung ang mga tauhan ay mga tagapamayapa.

• Anyayahan ang ilang magulang ng mga bata na bumisita sa inyong klase at ibahagi ang mga pagkakataon na naging tagapamayapa sa kanilang tahanan ang kanilang mga anak.

• Isulat sa mga piraso ng papel ang ilang mahihirap na sitwasyon na maaaring harapin ng mga bata (halimbawa, pag- aaway ng mga kapatid dahil sa isang laruan). Anyayahan ang bawat bata na kumu-ha ng isang piraso ng papel. Habang binabasa mo ang mga sitwasyon, sabihin sa kanila na ibahagi kung paano sila magiging isang tagapamayapa sa sitwasyong iyon.

MATEO 5:14–16

Nais ni Jesus na maging ilaw ako sa iba.

Ang mga batang musmos ay maaaring magkaroon ng makapangyarihang impluwensya sa kabutihan sa iba. Paano mo sila mahihikayat na paliwanagin ang kani-lang ilaw?

Serm

on sa

Bun

dok,

ni Jo

rge

Cocc

o

30

PebReRo 18–24 

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita sa mga bata ng ilang bagay na nagbibi-gay ng liwanag, kabilang na ang isang larawan ng mga bata. basahin ang Mateo 5:14–16, at sabihin sa mga bata na lahat tayo ay may ilaw o liwanag sa ating kalooban. Paano natin magagamit ang ating ilaw upang maakay ang iba patungo sa Diyos?

• Buksan ang flashlight para magbigay ng liwanag sa paligid ng silid. Paano tayo natutulungan ng ilaw? Paano tayo maaaring maging ilaw ng sanglibutan? Takpan ang flashlight. Ano ang nangyayari kung hindi natin ibabahagi ang ating ilaw o kung itatago natin ito?

• Itago ang flashlight sa kuwarto, at patayin ang mga ilaw. Sabihin sa mga bata na subukang hanapin ito. Rebyuhin ang Mateo 5:15, at pag- usapan kung bakit hindi natin dapat itago ang ating liwanag.

• Itutok ang flashlight sa dingding, at sabihin sa mga bata na sundan ng kanilang mga mata ang liwanag. Gamitin ang liwanag para ituon ang kanilang mga mata sa larawan ng Tagapagligtas. Hilingin sa mga bata na ibahagi kung paano tayo maaaring maging ilaw na gagabay sa iba patungo kay Jesucristo.

• Tulungan ang mga bata na hanapin at kulayan ang mga nakatagong kandila sa pahina ng aktibidad sa linggong ito.

• Sabayan ang mga bata sa pag- awit ng “Isang Sinag ng Araw,” “Magliwanag,” o “Tila ba Ako’y Isang Tala,” Aklat ng mga Awit Pambata, 38–39, 96, 84.

MATEO 5:44–45

Nais ni Jesucristo na mahalin ko ang lahat ng tao.

Maaari nang magsimulang magpakita ng pagmamahal ang mga batang musmos, kahit na hindi tama ang pagtrato sa kanila ng kanilang mga kaibigan o kapatid. Habang binabasa mo ang Mateo 5:44–45, isipin kung paano maiaangkop ang mga turo ng Tagapagligtas sa mga batang tinuturuan mo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Bigkasing muli ang Mateo 5:44 gamit ang mga salita at sitwasyon na mauunawaan ng mga bata at

makakaugnay sila. Hilingin sa mga bata na mag-bahagi ng mga pagkakataon nang nagpakita sila ng pagmamahal sa isang tao kahit mahirap itong gawin. Ano ang naramdaman nila sa ganitong mga karanasan?

• Kantahin ninyo sa klase ang “Palaging Sasamahan Ka,” Aklat ng mga Awit Pambata, 78–79. Ano ang natutuhan natin mula sa kantang ito tungkol sa pagmamahal sa iba?

• Bigyan ang mga bata ng mga hugis pusong papel na may mga salitang “Ipapakita ko ang aking pagma-mahal sa lahat ng tao.” Sabihin sa kanila na lagyan ng dekorasyon ang mga puso at ilagay ang mga ito sa kanilang mga tahanan bilang paalala na mahalin ang iba.

• Tulungan ang mga batang matutunan ang mga sen-yas para sa awitin na “Mahalin ang Bawat Isa,” Aklat ng mga Awit Pambata, 74, tulad ng nakamungkahi sa Children’s Songbook.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 5:3–12

Maaari akong maging maligaya kapag ipinamumuhay ko ang mga itinuro ni Jesus.

Habang binabasa mo ang Mateo 5:3–12, ano ang mga salita at parirala na naging kapansin- pansin sa iyo? Paano pagpapalain ng mga turong ito ang buhay ng mga batang tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Lumikha ng isang tsart sa pisara na may dalawang hanay, na may nakasulat na Mapapalad ang . . . at Pagpapala. Sabihin sa mga bata na hanapin sa Mateo 5:3–12 kung sino ang sinabi ni Jesus na mapapalad at ang mga pagpapalang ipinangako Niya sa kanila.

• Isulat ang bawat isa sa mga katangian at ang kau-kulang pagpapala mula sa mga talatang ito sa mga kard, at sabihin sa mga bata na pagtugmain ang mga katangian at ang mga pagpapala. Sabihin sa

31

MATeo 5; LuCAS 6

mga bata na pumili ng isa sa mga katangian sa mga talatang ito na nais nilang taglayin.

MATEO 5:9, 21–24, 38–47

Kaya kong maging isang tagapamayapa.

Itinuro ni Jesus na ang mga tagapamayapa ay tatawa-ging mga anak ng Diyos. Paano mo mahihikayat ang mga bata na maging mga tagapamayapa?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa isang bata ang Mateo 5:9. Pagkatapos ay itanong: Ano ang isang tagapamayapa? Ano ang mga paraan na maaari tayong maging mga tagapa-mayapa sa ating pamilya at mga kaibigan? (Para sa ilang ideya, tingnan sa mga talata 21–24, 38–47.)

• Hilingin sa bawat bata na mag- isip ng isang sitwas-yon na kailangan ang tulong ng isang tagapama-yapa. Ano ang gagawin ng isang tagapamayapa sa ganitong sitwasyon?

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga pagkakataon na nagpakita sila ng pagmamahal sa isang tao, kahit na ang tao ay naiiba sa kanila o mahirap mahalin.

MATEO 5:14–16

Ang aking halimbawa ay maaaring maging ilaw ng iba para sumunod kay Jesus.

Isipin ang mga bata na tinuturuan mo habang bina-basa ninyo ang mga talatang ito. Ano kaya ang mga

mensahe ng Panginoon para sa mga bata sa tala-tang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na maisaulo ang Mateo 5:16. Isulat ang talata sa pisara. basahin ito nang ilang beses na binubura ang ilang salita sa bawat pagkakataon. Matapos maisaulo ng mga bata ang talata, maaari rin ninyong kantahin ang “Magliwa-nag,” Aklat ng Awit Pambata, 96.

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga bagay na nagbibigay sa atin ng liwanag. Basahin ang Mateo 5:14–16. Tanungin sila kung bakit nais ni Jesus na maging ilaw tayo ng sanlibutan.

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga bagay na magagawa nila para maging ilaw sa iba.   Anyaya-han ang dalawang bata na magharapan, at sabihin sa isa na pangitiin ang isa pa nang hindi siya hina-hawakan. Pag- usapan ang kapangyarihang mayroon ang mga bata para maghatid ng kaligayahan sa iba.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hamunin ang mga bata na sa linggong ito ay magha-nap ng isang tao na tagapamayapa. Sa simula ng klase sa susunod na linggo, anyayahan sila na ibahagi kung sino at ano ang nakita nila.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga bata na maging aktibo. “Kapag nagtuturo ka sa mga bata, hayaan mo silang bumuo, magdrowing, magkulay, magsulat, at lumikha. Ang mga bagay na ito ay higit pa sa masasayang aktibidad—mahalaga ang mga ito sa pagkatuto” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).

Nais ni Jesus na m

aging ilaw ako sa iba (M

ateo 5:14–16).H

anapin ang 15 nakatagong kandila.

33

PEBRERO 25–MARSO 3

Mateo 6–7“Sila’y Kaniyang Tinuruang tulad sa may Kapamahalaan”

Magsimula sa pagbabasa ng Mateo 6–7 na iniisip ang mga batang tinuturuan mo. Anong mga mensahe mula sa mga kabanatang ito ang kailangan nilang marinig? Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay maaaring makatulong na magbigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo kung kinakailangan.

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng ginawa nila nitong nakaraang linggo para maging ilaw o halimbawa sa isang tao.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 6:5–13

Kaya kong manalangin sa aking Ama sa Langit tulad ng ginawa ni Jesus.

Ang mga bata ay maaaring matutong manalangin sa pamamagitan ng pakikinig sa mga panalangin ng iba. Paano mo sila matutulungang matuto mula sa panala-ngin ni Jesucristo sa mga talatang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Rebyuhin ang mga turo ni Jesus tungkol sa pana-langin na matatagpuan sa Mateo 6:5–13. Maaari mong gamitin ang “Kabanata 20: Nagturo si Jesus Tungkol sa Panalangin,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 51–52.

• Gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito upang matulungan ang mga bata na maalala ang iba’t ibang bahagi ng panalangin.

• Bakatin ang kamay ng bawat bata sa isang piraso ng papel. Pag- usapan kung ano ang dapat nating gawin sa ating mga kamay at braso habang nag-darasal tayo. Sa bawat pagbakat, isulat ang ilang bagay na ginagawa natin para ipakita ang pagpipi-tagan kapag nagdarasal tayo (halimbawa, pagyuko ng ating mga ulo, pagpikit ng ating mga mata, at iba pa).

• Tulungan ang mga bata na gumawa ng isang poster o tsart na makakatulong sa kanila na manalangin sa umaga at gabi, at sabihin sa kanila na ibahagi ang mga ito sa kanilang pamilya.

• Umawit kayo ng mga bata ng isang kanta na tungkol sa panalangin (tulad ng “Nakayuko,” Aklat ng mga Awit Pambata, 18), at patotohanan ang kapang-yarihan ng panalangin. Maaari mo ring ipabaha-gi sa mga bata ang kanilang mga karanasan sa panalangin.

MATEO 7:12

Dapat kong pakitunguhan ang iba ayon sa pakikitungong gusto kong gawin ng iba sa akin.

Ang turo ni Jesus sa Mateo 7:12—kilala rin bilang Golden Rule o Ginintuang Aral—ay nagbibigay ng sim-pleng gabay kung paano pakitunguhan ang iba. Ano

Jesus

Teac

hing

the P

eopl

e by t

he S

eash

ore,

ni Ja

mes

Tiss

ot

34

PebReRo 25–MARSo 3 

ang makakatulong sa mga batang tinuturuan mo para maipamuhay ang alituntuning ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin ang Mateo 7:12, at sabihin ito gamit ang mga simpleng salita na mauunawaan ng mga bata. Tulungan ang mga bata na mag- isip ng ilang mga paraan kung paano makukumpleto ang pangu-ngusap na gaya ng sumusunod: “Gusto ko kapag ginagawa ng iba ang a a               para sa akin.” Pagkatapos ng bawat pangungusap, sabihin sa kani-la na uliting kasama mo ang, “Kaya dapat gawin ko rin ang a a               sa iba.”

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Mahalin Bawat Tao, Sabi ni Cristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 39, at gumawa ng mga simpleng galaw na akma sa awitin. Tanungin ang mga bata kung ano ang natu-tuhan nila tungkol sa kung paano tayo dapat maki-tungo sa iba batay sa halimbawa ng Tagapagligtas.

• Sabihin sa mga bata na ilista ang mabubuting bagay na ginawa sa kanila ng kanilang mga magulang o ng iba pang mga miyembro ng pamilya. Basahin ang Mateo 7:12, at sabihin sa mga bata na ilista ang mabubuting bagay na magagawa nila para sa kanilang pamilya.

MATEO 7:24–27

Makapagtatayo ako ng matibay na pundasyon sa pamamagitan ng pagsunod kay Jesus.

Ang paggamit ng talinghaga ng Tagapagligtas tungkol sa pagtatayo ng bahay sa buhangin o sa isang bato ay maaaring maging di- malilimutang paraan para turuan ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng pagsasabu-hay ng ating mga natututuhan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Ang Matalino at ang Hangal,” Aklat ng mga Awit Pambata, 132, at gumawa ng mga galaw na akma sa mga salita.

• Gamitin ang Mateo 7:24 para ituro ang mga pagka-kaiba ng matalino at ng hangal. Sabihin sa mga bata na magkunwaring nagtatayo sila ng bahay. Paano tayo magiging tulad ng matalinong tao?

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga lara-wan ng talinghaga tungkol sa matalino at sa hangal.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 6–7

Ang Sermon sa Bundok ay naglalaman ng mga mensahe para sa akin.

Ang mga kabanatang ito ay maraming mensaheng ang-kop sa mga batang tinuturuan mo. Basahin ang mga ito na iniisip ang mga bata. Ano ang pinakatumatatak sa iyo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipaalala sa mga bata na napag- aaralan na nila ang itinuro ni Jesus sa Sermon sa Bundok. Anong mga katotohanan ang naaalala nila na napag- aralan nila noong nakaraang linggo?

• Isulat sa pisara ang ilang mga kataga na mula sa Sermon sa Bundok at ang ilang kataga na hindi nag-mumula sa mga banal na kasulatan. Sabihin sa mga bata na tukuyin kung aling mga kataga ang mula sa Sermon sa Bundok at ibahagi ang natutuhan nila mula sa mga ito.

• Pumili ng ilang talata mula sa Mateo 6–7 na sa tingin mo ay magiging makabuluhan sa mga bata. Isulat ang mga reperensyang banal na kasulatan sa mga kard, at itago ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa buong silid. Ipahanap ang mga ito sa mga bata, basahin ang mga talata, at ipaliwanag sa kanila kung bakit mahalaga ang mga turong ito sa kanila.

• Magbahagi ng isang paboritong talata mula sa Mateo 6–7, at ipaliwanag kung bakit mo ito gusto. Kung mayroon din nagugustuhang talata ang mga bata, sabihin sa kanila na ibahagi kung bakit nila ito gusto at kung ano ang natutuhan nila mula rito.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Sinisikap Kong Tularan si Jesus,” Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41, at ihinto ang pag- awit kapag dumating kayo sa isang parirala na may kaugnayan sa isang alituntuning itinuturo sa Mateo 6–7 (tulad ng “maglingkod ng puspos”). Tulungan ang mga bata na gumawa ng

35

MATeo 6–7

mga pag- uugnay sa mga bagay na kanilang natutu-tuhan mula sa mga kabanatang ito.

MATEO 6:5–13; 7:7–11

Pakikinggan at sasagutin ako ng Ama sa Langit tuwing ako ay nagdarasal.

Habang pinag- aaralan mo ang Mateo 6:5–13; 7:7–11, ano ang nadarama mong kailangan maunawaan ng mga bata tungkol sa panalangin?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin nang malakas ang Mateo 6:9–13 at pagkatapos ay ilista ang mga bagay na binanggit ng Tagapagligtas sa Kanyang panalangin. Paano natin masusundan ang Kanyang halimbawa kapag nananalangin tayo?

• Kantahin ninyo ng mga bata ang isang awitin tung-kol sa panalangin, tulad ng “Naisip Bang Manala-ngin?” Mga Himno, blg. 82. Tulungan ang mga bata na saliksikin ang mga titik upang malaman ang dahilan kung bakit tayo nagdarasal at ang mga pag-papalang nagmumula sa panalangin.

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang Mateo 7:7 sa pamamagitan ng paglalaro ng tulad ng sumu-sunod: Bibigkasin ng isang bata ang unang salita o parirala at pagkatapos ay ihahagis niya ang bola sa isa pang bata na bibigkas naman ng susunod na salita o parirala.

• Sabihin sa mga bata na isadula ang Mateo 7:9–10 gamit ang simpleng props. Hilingin sa mga bata na ibahagi kung ano ang itinuturo nito sa kanila tung-kol sa panalangin.

• Magbahagi ng isang karanasan na nasagot ang inyong mga dalangin.

MATEO 6:19–21

Kaya kong magsikap para sa walang hanggang mga kayamanan sa halip na makalupang mga kayamanan.

Paano mo matutulungan ang mga batang tinuturuan mo na mas pahalagahan ang mga bagay na walang- hanggan kaysa sa mga makamundong bagay?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng isang kahon ng mga “kayamanan” na puno ng mga bagay o larawan na kumakatawan sa mga bagay na pinahahalagahan ng mundo—halimbawa, salapi o mga laruan. Basahin nang sabay- sabay ang Mateo 6:19–21, at pagkatapos ay sabihin sa mga bata na tulungan kang mag- isip ng mga kayamanan sa langit na maaaring ihalili sa mga makamundong bagay na nasa kahon.

• Sabihin sa mga bata na tukuyin o idrowing ang ilang bagay na magagawa nila para “[makapag- ipon] . . . ng mga kayamanan sa langit” (Mateo 6:20).

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang kanilang mga paboritong aral mula sa Sermon sa Bundok.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoSikaping unawain ang mga miyembro ng inyong klase. Kilalanin ang mga batang tinuturuan mo. Maaaring kailangang baguhin ang mga ideya sa mga outline na ito para matugunan sa pinakamahusay na paraan ang mga pangangailangan ng inyong klase. Maaari mong pag- aralan ang lahat ng aktibidad na nakalista sa outline na ito, hindi lamang ang mga aktibidad na itinalaga para sa mga edad ng mga batang tinuturuan mo, para makahanap ng mga ideya para sa inyong klase. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7.)

Maaari akong magdasal sa aking Ama sa Langit tulad ng ginawa ni Jesus (Mateo 6:5–13).Kulayan ang mga larawan sa bilog. Gupitin ang bilog at arrow, at ikabit ang arrow

sa gitna ng bilog. Ipaikot ang arrow sa bilog para matutuhan ang mga bagay na ginagawa at sinasabi natin kapag nagdarasal tayo.

amen.

Sa pangalan ni Jesucristo,

Hin

ihili

ng k

o po

. . .

Salamat po . . 

.Mahal na Ama sa Langit,

37

MARSO 4–10

Mateo 8–9; Marcos 2–5“Pinagaling Ka ng Iyong Pananampalataya”

Magsimula sa pagbabasa ng Mateo 8–9 at Marcos 2–5. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na magkuwento tungkol sa pag-sasagawa ng mga himala ni Jesus (tingnan ang listahan ng mga himala sa outline sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Maaari ka ring magpakita ng kaugnay na mga larawan (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 40, 41 o sa LDS.org).

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 8–9; MARCOS 2; 5

Si Jesus ay may kapangyarihang gumawa ng mga himala.

Habang binabasa mo ang tungkol sa mga himala ng pagpapagaling ng Tagapagligtas, pagnilayan kung aling mga himala ang ibabahagi. Paano mo matutulungan ang mga batang iyong tinuturuan na maunawaan ang papel ng pananampalataya sa mga himala na ginawa ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ikuwento ang salaysay tungkol sa lalaking lumpo sa Marcos 2:1–12. Para sa tulong, tingnan ang “Kabanata 23: Ang Lalaking Hindi Makalakad,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 57–58. Sabihin sa mga bata na hindi makalakad ang lalaking lumpo. Tulu-ngan silang malaman na ang taong ito ay pinagaling at pinatawad ng Tagapagligtas.

• Sabihin sa mga bata na magkunwaring sila ay “nag-bangon” tulad ng anak na babae ni Jairo habang binabasa mo ang Marcos 5:22–23, 35–43. Tulungan silang maunawaan na ginawang posible ni Jesus na magkaroon tayo ng buhay na walang- hanggan.

• Basahin ang Marcos 5:34. Tulungan ang mga bata na maisaulo ang mga katagang “Pinagaling ka ng pananampalataya mo,” marahil sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang salita sa bawat bata at pagsa-sabi sa mga bata na bigkasin nila ang mga salita sa tamang pagkakasunud- sunod. Mayroon ba silang kakilalang napagaling sa kanilang karamdaman?

Kaga

linga

n sa

Kan

yang

mga

Pak

pak n

i Jo

n M

cNau

ghto

n

38

MARSo 4–10 

• Sabihin sa mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at makinig habang binabasa mo ang Mateo 9:27–30. Kapag binabasa mo na ang pagpapagaling ni Jesus sa lalaking bulag, sabihin sa mga bata na imulat ang kanilang mga mata. Ano kaya ang mada-rama ng mga bata kung pinagaling sila ni Jesus?

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng isang pagkakataon nang sila ay nagkasakit. Ikuwento ang mga salaysay tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa maysakit, at magpatotoo na ang kapangyarihan ni Jesus ay makapagpapagaling at magpapala sa atin kapag tayo ay nagdarasal at tumatanggap ng mga basbas ng priesthood. Ipaliwanag na bagama’t kung minsan ay hindi ibinibigay ng Panginoon ang hinahangad nating mga himala, mahal Niya tayo at nalalaman Niya ang ating mga pangangailangan. Ipagkakaloob Niya sa atin ang kapanatagang kaila-ngan natin.

MARCOS 4:35–41

Kapag natatakot ako o nasa panganib, matutulungan ako ni Jesus na makadama ng kapayapaan.

Ang tala tungkol sa pagpapahupa ni Jesus ng bagyo ay makakatulong sa mga bata na malaman na mabibigyan Niya sila ng kapayapaan kapag sila ay natatakot.

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na magkunwari na nasa isang barko sila habang binabasa mo ang Marcos 4:35–41. (Tingnan din sa “Kabanata 21: Inutusan ni Jesus ang Hangin at mga Alon,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 53.) Sabihin sa mga bata na ilarawan kung ano ang madarama nila kung naroon sila. Kailan nakadama ng takot ang mga bata? Paano sila napanatag?

• Anyayahan ang mga bata na gumawa ng mga tunog ng bagyo at tumigil kapag mayroong nagsabi ng “Pumayapa, tumahimik ka.” Magpatotoo na tulad ng pagbibigay sa atin ng kapayapaan ni Jesus kapag mayroong bagyo sa labas, mabibigyan Niya rin tayo ng kapayapaan sa ating puso kung hindi mabuti ang nararamdaman ng ating kalooban.

• Mag- isip ng mga galaw na angkop para sa ikatlong talata ng “Ang mga K’wento Kay Jesus,” Aklat ng mga Awit Pambata, 36.

Christ Stilling the Storm, ni Robert T. Barrett

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MARCOS 2; 5

Si Jesus ay makagagawa ng mga himala sa aking buhay kung mananampalataya ako sa Kanya.

Maraming himala ang ginawa ni Jesus sa Kanyang mortal na ministeryo. Paano mo matutulungan ang mga bata na malaman na nangyayari ang mga hima-la ngayon?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na pumili ng isa sa mga sumusunod na himala na kanilang babasahin at idodrowing: Marcos 2:1–12; Marcos 5:22–23, 35–43; o Marcos 5:24–34. Sabihin sa mga bata na ipaliwa-nag ang kanilang mga idinrowing sa klase. Ano ang natututuhan nila tungkol kay Jesus mula sa mga kuwentong ito?

• Sabihin sa mga bata na iarte ang kanilang nadara-ma kapag sila ay maysakit, nalulungkot, natatakot, o nag- aalala. Paano tayo matutulungan ni Jesus kapag ganito ang ating mga nadarama? Magpatotoo na matutulungan ni Jesus ang mga bata sa lahat ng sitwasyong ito.

39

MATeo 8–9; MARCoS 2–5

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan nang sila o ang isang kakilala nila ay tumanggap ng basbas ng priesthood. Paano napa-galing o napagpala ang taong iyon?

MATEO 8–9; MARCOS 2; 5

Maipapakita ko ang pagmamahal sa ibang tao tulad ng ginawa ni Jesus.

Si Jesus ay nagpakita ng malaking pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapagaling ng mga maysakit at nahihirapan. Pagnilayan kung paano mo maituturo sa mga bata na magpakita ng habag sa mga taong nangangailangan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Pumili ng isa o higit pang mga himala ni Jesus na rerebyuhin mo sa mga bata, tulad ng mga nasa Marcos 2:1–12; Marcos 5:22–23, 35–43; o Marcos 5:24–34. Sabihin sa mga bata na magbahagi ng tungkol sa isang pagkakataon na tumulong sila sa isang taong nangangailangan at kung ano ang nadama nila.

• Bingo

• Ipaalala sa mga bata na ang pagtulong sa kapwa ay bahagi ng kanilang mga tipan sa binyag (tingnan sa Mosias 18:8–10; Alma 34:28).

MATEO 8:23–27; MARCOS 4:35–41

Kapag natatakot ako o nasa panganib, matutulungan ako ni Jesus na makadama ng kapayapaan.

Kailangang malaman ng mga bata na mabibigyan sila ng kapayapaan ng Tagapagligtas kapag nahaharap sila sa mga unos ng buhay—ngayon at sa hinaharap.

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin sa isa sa mga bata na gamitin ang Marcos 4:35–41 at ang larawang Pinahuhupa ni Jesus ang Bagyo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 40) para isalaysay ang kuwento tungkol sa pagpapahupa ni Jesus ng bagyo. Sabihin sa mga bata na ilarawan kung ano ang madarama nila kung naroon sila.

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan kung saan ay nadama nila ang kapaya-paan matapos manalangin para humingi ng tulong. Ipaalala sa kanila na ang kapayapaang ito ay nag-mumula sa Tagapagligtas.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Guro, Bagyo’y Nagngangalit,” Mga Himno, blg. 60. Sabihin sa mga bata na bumulong kapag inaawit ang “Pumayapa.”

• Bigyan ang bawat bata ng papel na ulap ng ulan, at sabihin sa kanila na isulat dito ang isang pagsubok na maaaring maranasan ng isang tao. Ilagay ang lahat ng mga ulap sa pisara, tinatakpan ang isang larawan ng Tagapagligtas. Anyayahan ang isang bata na tanggalin ang isa sa mga ulap at magmung-kahi ng mga paraan na makakatulong tayo sa isang tao na may ganoong pagsubok sa paghahanap ng kapayapaan. Kapag naalis na ang lahat ng ulap, magpatotoo tungkol sa kapangyarihan ng Tagapag-ligtas na pahupain ang mga bagyo sa ating buhay.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Tulungan ang mga bata na isulat ang paglilingkod na gagawin nila para sa isang tao sa linggong ito.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoAng mga bata ay aktibo. Kung minsan ay madarama mo na ang sigla ng mga bata ay nakagagambala sa pag- aaral. Ngunit maaari mong magamit ang likas nilang sigla sa pamamagitan ng pag- anyaya sa kanila na isadula ang isang kuwento o gumawa ng mga galaw para sa mga pangyayari sa isang awitin o banal na kasulatan. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25.)

Si Jesus ay may kapangyarihang m

agsagawa ng m

ga himala na nagpapala sa akin

(Mateo 8–9; M

arcos 2; 5).Kulayan ang m

ga larawan, at pagkatapos ay tupiin ang pahina sa tulduk- tuldok na m

ga linya. Buksan at isara ang m

ga tupi para ipakita ang pagpapagaling ni Jesus sa anak na babae ni Jairo.

TupiinTupiin

41

MARSO 11–17

Mateo 10–12; Marcos 2; Lucas 7; 11“Ang Labindalawang Ito’y Isinugo ni Jesus”

Habang binabasa mo ang Mateo 10–12; Marcos 2; at Lucas 7; 11, tatanggap ka ng mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na tutulong sa iyo na maghanda. Ang mga pahiwatig na ito, kasama ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong sa iyong paghahanda.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Hikayatin ang mga bata na ibahagi kung paano nila pinapanatiling banal ang araw ng Sabbath.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 10:1–10

Tinawag ni Jesus ang Labindalawang Apostol at binigyan sila ng kapangyarihan na gawin ang Kanyang gawain.

Alam ba ng mga batang tinuturuan mo na mayroon tayong Labindalawang Apostol ngayon? Paano mo magagamit ang mga talatang ito upang turuan sila tungkol sa kahalagahan ng mga makabagong Apostol at kung ano ang ipinagagawa sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang Mateo 10:1–10 gamit ang mga simpleng salita. (Tingnan ang Inoordenan ni Cristo ang mga Alagad, Aklat ng Sining ng ebanghelyo, blg. 38.)

Ipaliwanag na tinawag ni Jesus ang mga Apostol para tulungan Siyang itayo ang Kanyang Simbahan.

• Sabihin sa mga batang bilangin ang mga Apostol sa larawang Inoorden ni Cristo ang mga Alagad (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 38) at sa larawan ng kasalukuyang Korum ng Labindalawang Apostol (tingnan sa LDS.org o sa isang isyu ng pangkalaha-tang kumperensya ng Ensign o Liahona). Ipaliwanag na mayroon tayong Labindalawang Apostol ngayon, tulad noong panahon ni Jesus.

• Itago ang mga larawan ng mga makabagong Apos-tol sa paligid ng silid (para sa mga larawan, tingnan sa huling isyu ng pangkalahatang kumperensya ng Ensign o Liahona). Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga larawan, at magsabi sa kanila nang kaunti tungkol sa bawat Apostol.

• Sabihin sa isang bata na hawakan ang isang lara-wan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labin-dalawang Apostol. Sabihin sa bata na akayin ang iba pang mga bata sa paligid ng silid papunta sa isang larawan ni Jesus. Magpatotoo na ang mga propeta at mga apostol ay umaakay sa atin patungo kay Jesucristo.

• Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mga Apostol ng Panginoon.

42

MARSo 11–17 

MATEO 11:28–30

Tutulungan ako ni Jesus kapag lumapit ako sa Kanya.

Makadarama ng kapanatagan ang mga bata sa kaala-mang tutulungan sila ni Jesus sa kanilang mga pasanin kapag lumapit sila sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Mateo 11:28–30 at magpakita ng lara-wan ng mga bakang may pamatok sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Ipaliwanag na mas mabigat ang mahihila ng mga bakang may pamatok kaysa sa mahihila ng mga magkahiwalay na baka. Magpatotoo na kapag tayo ay malungkot, nag- aalala, o natatakot, maaari nating hanapin si Jesus at tutulungan Niya tayo.

• Ipabuhat sa isang bata ang isang mabigat na bagay. Kapag nahihirapan na siya, mag- alok ng tulong. Paano tayo tinutulungan ni Jesus na gawin ang mahihirap na bagay? Nadama na ba ng mga bata ang Kanyang tulong?

MATEO 12:1–13

Kaya kong panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Ano ang ilang masasayang paraan na maituturo mo sa mga bata ang tungkol sa araw ng Sabbath at kung bakit natin ito pinananatiling banal?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin nang malakas ang Mateo 12:10–13. Sabi-hin sa mga bata na tumayo at umupo sa tuwing sasabihin mo ang “Sabbath,” at ipaulit sa kanila ang mga katagang “Matuwid [ang] gumawa ng mabuti sa sabbath” (Mateo 12:12). Ano kaya sa palagay nila ang ibig sabihin nito?

• Magpakita ng isang kalendaryo sa mga bata at lagyan ng highlight ang araw ng Sabbath para sa kanila. Ano ang mga ginagawa natin sa ibang mga araw ng linggo? Ano ang maaari nating gawin sa araw ng Sabbath upang maging naiiba ito sa ibang araw? (tingnan sa Isaias 58:13–14).

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mabu-buting bagay na maaari nilang gawin sa araw ng Sabbath (tingnan ang pahina ng aktibidad sa ling-gong ito).

• Hikayatin ang mga bata na gumawa ng mga galaw na tutulong sa kanilang maalaala ang mga paraan para maghanda para sa Sabbath habang inaawit nila ang “Sabado,” Aklat ng mga Awit Pambata, 105.

• Gumuhit ng mga mata, tainga, bibig, at kamay sa pisara. Itanong sa mga bata kung ano ang magagawa ng bawat isa sa mga bahaging ito ng ating katawan para panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO10:1–10; MARCOS 3:13–19

Matuturuan ako ng Labindalawang Apostol tungkol kay Jesus.

Paano makakatulong sa mga bata ang pag- aaral tung-kol sa Labindalawang Apostol sa panahon ni Cristo para mas maunawaan kung ako ang ginagawa ng Labindalawang Apostol ngayon?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawan ng mga Apostol noong panahon ni Jesus, at sa ating panahon (tingnan sa Inoorden ni Cristo ang mga Alagad, Aklat ng Sining ng Ebang-helyo, blg. 38, at sa huling isyu ng kumperensya sa mga magasin ng Simbahan). Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 10:1–10 at Marcos 3:14–15 upang malaman kung ano ang mga ginagawa ng mga Apostol.

• Anyayahan ang ilang bata na maghandang magba-hagi sa klase ng kuwento ng isa sa mga nabubu-hay na Apostol. Paano tayo tinutulungan ng mga nabubuhay na Apostol na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

• Isulat ang mga pangalan ng mga Apostol sa moder-nong panahon sa mga piraso ng papel. Sabihin sa mga bata na itugma ang pangalan ng bawat Apostol sa kanyang larawan (LDS.org). Maaaring ulitin ang aktibidad na ito nang ilang beses.

43

MATeo 10–12; MARCoS 2; LuCAS 7; 11

• Magbahagi sa mga bata ng ilang halimbawa ng patotoo ng mga makabagong Apostol tungkol kay Cristo (tingnan ang huling mensahe sa pangkala-hatang kumperensya o “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2).

• Tulungan ang mga bata na maisaulo at maunawaan ang Saligan ng Pananampalataya 1:6.

MATEO 11:28–30

Tutulungan ako ni Jesus kapag lumapit ako sa Kanya.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawa-an na bibigyan sila ng Tagapagligtas ng kapahingahan mula sa mga hamon sa kanilang buhay kapag lumapit sila sa Kanya?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng isang pagkakataon na sila ay nag- alala o nabalisa tungkol sa isang bagay. Sabihin sa kanila na maghanap ng payo sa Mateo 11:28–30 na makakatulong sa kanila sa mga katulad na sitwasyon.

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga lara-wan ng mga ginagawa nila para lumapit kay Jesus at matuto mula sa Kanya. Ang ikaapat na saligan ng pananampalataya ay makapagbibigay sa kanila ng mga ideya.

MATEO 12:1–14

Ang Sabbath ay isang araw para gumawa ng mabubuting bagay na mas naglalapit sa akin sa Diyos.

Ang mga batang tinuturuan mo ay mapapalakas kung bibigyan mo ng diin ang mga layunin at pagpapala ng pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isang bata na umarte bilang ang lalaking ang kamay ay pinagaling ng Panginoon (tingnan sa Mateo 12:10–13). Iinterbyuhin naman siya ng isa pang bata tungkol sa kanyang karanasan.

• Sama- samang basahin ang Mateo 12:12. Ano ang ilan sa mabubuting bagay na magagawa natin kapag Sabbath? Sabihin sa mga bata na idrowing ang kanilang mga ideya sa pahina ng aktibidad sa linggong ito, gupitin ang mga piraso, at magsalitan sa pagbuo ng mga puzzle nang sama- sama.

• Magtago ng mga larawan ng mga taong gumagawa ng mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal para sa Ama sa Langit sa araw ng Sabbath. Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga larawan at ibahagi kung paano nagpapakita ng ating pagmamahal sa Diyos ang paggawa ng mga bagay na nasa mga larawan.

• Bigyan ang bawat bata ng isang bag na pupunuin nila ng mga ideya tungkol sa mabubuting bagay na ginagawa sa araw ng Sabbath. Makakakita sila ng ilang ideya sa “Paggalang sa Araw ng Sabbath” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, 30–31.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang mga ideya kung paano panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoHikayatin ang pagpipitagan. Ipaunawa sa mga bata na ang isang mahalagang aspeto ng pagpipitagan ay ang pag- iisip tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaari mong ipaalala sa mga bata na maging mapitagan sa pamamagitan ng pagkanta nang mahina o paghimig ng isang awit o pagpapakita ng isang larawan ni Jesus.

Ang Sabbath ay araw para gawin ang mabubuting bagay na mas naglalapit sa akin sa Diyos (Mateo 12:10–12).

Drowingan ang espasyo sa ibaba ng isang mabuting bagay na magagawa mo sa araw ng Sabbath. Gupitin ang mga piraso ng puzzle, at saka mo buuin ang puzzle.

AkingPANANATILIHING BANAL ANG ARAW NG SABBATH.

45

MARSO 18–24.

Mateo 13; Lucas 8; 13“Ang May mga Pakinig Upang Ipakinig, ay Makinig”

Ang mga talinghaga ay mga simpleng kuwento na maaaring maging kaakit- akit sa mga bata. Ang outline na ito at ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na gamitin ang mga talinghaga ng Tagapagligtas upang ituro ang mahahalagang katotohanan sa mga bata.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Magdala ng ilang bagay na makakatulong sa mga bata na maalala ang ilan sa mga talinghaga sa Mateo 13, tulad ng isang binhi, perlas, o isang kahon ng kayama-nan. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang naaalala nila tungkol sa mga talinghaga.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 13:1–23

Kailangan kong maghanda para matutuhan ang mga turo ni Jesus.

Maaaring hindi maunawaan ng mga batang musmos ang lahat ng mga simbolismo sa talinghaga ng mang-hahasik, ngunit maaari nilang matutuhan ang mga payak na katotohanang itinuturo nito. Paano mo sila matutulungang mas maunawaan kung paano maiha-halintulad ang talinghagang ito sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdispley ng iba’t ibang uri ng lupa (o larawan ng lupa) habang ibinubuod mo ang Mateo 13:3–8. Bigyan ang bawat bata ng isang binhing itatanim sa lupa. Itanong sa mga bata kung ano ang magagawa natin para tulungang lumaki ang ating mga binhi. Ipaliwanag na ang pagkakaroon ng pananampa-lataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay isang paraan para tulungan ang ating “binhi” ng patotoo na lumago.

• Gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito para tulungan ang mga bata na maunawaan na ang inilalarawan ng bawat uri ng lupa sa Mateo 13 ay nagtuturo tungkol sa ating mga puso. Itanong sa mga bata kung anong uri ng puso ang nais ni Jesus na magkaroon sila para matutuhan ang Kanyang mga turo.

• basahin ang Mateo 13:9, 15, at anyayahan ang mga bata na ituro ang iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan kapag narinig nila itong binanggit. Paano natin magagamit ang mga bahagi ng katawan na ito para matutuhan ang mga turo ni Jesus?

46

MARSo 18–24. 

MATEO 13:24–30, 36–43, 47–48

Nais ng Ama sa Langit na piliin ko ang tama.

Ang ilan sa mga talinghaga ni Jesus ay nagtuturo na ihihiwalay ng Diyos ang masasama mula sa mabu-buti sa mga huling araw. Paano mo magagamit ang mga talinghaga para hikayatin ang mga bata na piliin ang tama?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na isadula ang talinghaga tung-kol sa trigo at mga pangsirang damo (tingnan sa Mateo 13:24–30). Ipaliwanag na ang trigo ay suma-sagisag sa mga tao na pumipili ng tama, at ang mga pangsirang damo (mga nakapipinsalang damo) ay kumakatawan sa mga taong hindi pumipili ng tama. Balang- araw, titipunin ng Ama sa Langit ang mabu-buting tao para mamuhay sa Kanyang piling.

• Magkuwento ng ilang simpleng kuwento tungkol sa mga batang gumagawa ng mga pagpili. Hilingin sa mga bata na sabihing “pagpili ng trigo” kapag ang mga bata sa kuwento ay pumili ng tama at “pagpili ng pangsirang damo” kung gumawa ng maling pag-pili ang mga bata.

• Magdala ng mga larawan ng mga tangkay ng trigo, at sabihin sa mga bata na magdrowing sa mga larawan ng ilang paraan na maaari silang maging mabuti.

• Lumikha ng isang laro kung saan pagtutugmain ng mga bata ang mga detalye mula sa talinghaga ng manghahasik at ang kahulugan nito sa Mateo 13:18–23.

MATEO 13:44–46

Ang pagiging miyembro ko sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang kayamanan.

Paano mo magagamit ang matalinghagang paglalara-wan ng kayamanan at mahahalagang perlas para tulu-ngan ang mga bata na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging kabilang sa Simbahan ni Cristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magtago ng mga larawan ng baul ng kayamanan at ng isang perlas sa silid, at ipahanap ang mga ito sa mga bata. Gamitin ang mga larawan upang matulungan kang ituro ang tungkol sa mga taling-haga sa Mateo 13:44–46. Ano ang ibibigay ng mga bata para magkaroon ng isang magandang perlas o kayamanan sa bukid? Ipaliwanag na kung minsan ay kailangan nating isuko ang isang mabuting bagay kapalit ng isang bagay na mas mainam. Sabihin sa mga bata kung bakit mahalaga ang ebanghelyo sa iyo.

• Maglagay sa isang kahon o baul sa ilang bagay o larawan na kumakatawan sa “mga kayamanan” sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, tulad ng mga templo o Aklat ni Mormon. Papiliin ang bawat bata ng isang bagay o larawan at ipabahagi sa kanila kung bakit ito maitu-turing na isang kayamanan.

• Sama- samang kantahin ang “Ang Simbahan ni Jesucristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 48, at hilingin sa mga bata na pakinggan ang mga pag-papalang nagmumula sa pagiging miyembro ng Simbahan. Patotohanan ang mga pagpapalang naranasan mo dahil sa pagiging miyembro mo sa Simbahan.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 13:1–23

Kailangan kong ihanda ang aking puso para matutuhan ang mga turo ni Jesus.

Paano mo matutulungan ang mga bata na malaman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malambot at handang puso para maturuan sila ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Atasan ang bawat bata na basahin ang tungkol sa isa sa apat na uri ng lupa sa Mateo 13:4–8. Sabihin sa kanila na hanapin at ibahagi ang nangyayari sa mga binhi sa uri ng lupa na binasa nila. Paano natu-tulad sa iba’t ibang uri ng lupa ang ating mga puso? (tingnan sa Mateo 13:19–23).

47

MATeo 13; LuCAS 8; 13

• Bigyan ang bawat bata ng dalawang buto o binhi, at sabihin sa kanila na itanim ang kanilang binhi sa malambot na lupa at sa isang bunton ng mga bato. Aling binhi ang mas malamang na lumaki? Paano tayo makasisiguro na ang ating puso ay tulad ng malambot na lupa upang matanggap natin ang mga turo ng Tagapagligtas?

• Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 13:9–17. Gumuhit ng isang mata, tainga, at puso sa pisara. Paano natin ginagamit ang mga bahagi ng katawan na ito para matutuhan ang mga turo ni Jesus?

MATEO 13:24–30, 36–43

Maaari kong piliin ang tama kahit hindi ito ginagawa ng mga nakapaligid sa akin.

Kapag binabasa mo ang mga talatang ito habang iniisip ang mga bata, anong mga impresyon ang dumarating sa iyo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na idrowing ng iba‘t ibang pangyayari sa talinghaga tungkol sa trigo at mga pangsirang damo na matatagpuan sa Mateo 13:24–30, at ibahagi sa klase ang kanilang mga drowing. Sabihin sa kanila na gawing pamagat ng mga drow-ing ang interpretasyon ng talinghaga na matatag-puan sa Mateo 13:36–43. Ipaliwanag na ang mga pangsirang damo ay mga damong nakapipinsala.

• Kung maaari, magdispley ng larawan ng trigo at ng mga pangsirang damo. Ipaliwanag na ang trigo at mga pangsirang damo ay magkasamang lumalaki hanggang sa katapusan ng mundo. Itinuturo nito sa atin na namumuhay tayo nang kasama ang mabu-buti at masasama sa ating paligid, at dapat tayong maging maingat na piliin ang tama. Sabihin sa mga

bata na ibahagi kung paano nila nakikilala ang pag-kakaiba sa pagitan ng mabuti at masama.

MATEO 13:44–46

Ang pagiging miyembro ko sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang kayamanan.

Nakikita ba ng mga batang tinuturuan mo na ang pagi-ging miyembro nila sa Simbahan ay isang kayamanan? Marahil ay makakatulong sa kanila ang talinghaga sa Mateo 13:44–46.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 13:44–46 sa kanilang sarili at ibahagi ang mga talinghaga sa sarili nilang mga salita sa isa pang miyembro ng klase.

• Gumupit ng ilang bilog na kumakatawan sa mga barya, at ilagay ang mga ito sa isang kahon ng kaya-manan. Pakuhanin ng isang barya ang bawat bata at ipadrowing o ipasulat dito ang isang bagay na gustung- gusto nila sa pagiging miyembro ng Simba-han. Hilingin sa mga bata na ibahagi kung ano ang isinulat nila sa kanilang barya.

• Anyayahan ang isang miyembro ng ward na ibahagi sa mga bata ang kanyang kuwento ng pagbabalik- loob at sabihin kung ano ang isinakripisyo niya para maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ituro sa kanilang pamilya ang tungkol sa isa sa mga talinghaga na natutuhan nila sa Primary.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoGustong ibahagi ng mga bata ang mga natututuhan nila. Bagama’t bata pa sila, mapapalakas ng mga bata ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Hikayatin silang ibahagi sa kanilang pamilya ang mga bagay na natututuhan nila sa Primary. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas 30.)

Kailangan ay handa akong matutuhan ang mga turo ni Jesus (Mateo 13:1–23).Kulayan ang bawat bahagi ng larawan habang binabasa mo ang talinghaga ng manghahasik

sa Mateo 13:1–8. Itugma ang mga pusong nasa lupa sa mga interpretasyon sa susi.

Susi

Narinig ang salita ng Diyos pero hindi naunawaan (Mateo 13:19).

Narinig ang salita ng Diyos pero nagdamdam (Mateo 13:20–21).

Narinig ang salita ng Diyos pero naging makamundo (Mateo 13:22).

Narinig ang salita ng Diyos at naunawaan ito (Mateo 13:23).

49

MARSO 25–31

Mateo 14–15; Marcos 6–7; Juan 5–6“Huwag Kayong Mangatakot”

Habang naghahanda kayong magturo mula sa Mateo 14–15; Marcos 6–7; at Juan 5–6, hanapin ang mga mensahe na mahalaga sa buhay ng mga batang tinuturuan mo. Ano sa palagay mo ang makakatulong sa kanila na maunawaan ang mga mensaheng ito? Ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng ilang ideya.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipakita ang larawan ni Jesus na naglalakad sa tubig (tingnan ang outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya), at sabihin sa mga bata na ibahagi ang nalala-man nila tungkol sa kuwento.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

JUAN 5:1–9

Nalalaman ni Jesucristo kung ano ang pangangailangan natin at matutulungan Niya tayo.

Habang binabasa mo ang tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa lalaki sa tabi ng tangke ng Betesda, pagnilayan kung paano mo matutulungan ang mga bata na makita kung ano ang itinuturo ng kuwento tungkol sa kabai-tan, pagmamahal, at iba pang mga katangian ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

• Gamitin ang larawang Pinagagaling ni Cristo ang Maysakit sa Betesda (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 42) para ikuwento sa mga bata ang nasa Juan 5:1–9. Sabihin sa mga bata na kunwari ay sila ang taong pinagaling ni Jesus. Ano ang madarama nila kapag sila’y pinagaling ni Jesus?

• Sabihin sa mga bata na tukuyin ang ilang bagay na mahirap para sa kanila o nagpapalungkot sa kanila. Ibahagi sa kanila ang isang panahon sa iyong buhay na nakatanggap ka ng tulong mula sa Tagapaglig-tas sa isang mahirap na pagsubok. Magpatotoo na alam ni Jesus ang tungkol sa lahat ng ating mga problema at nais Niya tayong tulungan.

MATEO 14:13–21

Tinutularan natin ang halimbawa ni Jesus kapag tayo ay mabait sa iba.

Ang isang paraan na ipinakita ni Jesus ang pagmama-hal Niya sa Kanyang mga alagad ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila nang magutom sila. Paano mo

Paka

inin

Sila

, ni Jo

rge

Cocc

o

50

MARSo 25–31 

matutulungan ang mga bata na paglingkuran ang iba tulad ng ginawa ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita sa mga bata ng isang basket at ilang tinapay habang ikinukuwento mo ang nasa Mateo 14:13–21. Ipaliwanag na kahit na sinubukan ni Jesus na magpunta sa bundok para mapag- isa, gusto ng mga tao na makalapit sa Kanya. Ibahagi ang iba pang mga bahagi ng kuwento sa mga bata, at sabi-hin sa kanila na pakinggan kung ano ang ginawa ni Jesus para magpakita ng kabaitan at pagmamahal sa kanila.

• Sabihin sa mga bata na magbahagi ng mga paraan kung saan ang isang tao ay naging mabait sa kanila. Ano ang magagawa nila sa linggong ito para maging mabait sa iba? Para sa bawat sagot nila, magdrow-ing sa pisara ng isang tinapay o isda. Sabihin sa mga bata na kapag ginagawa nila ang mga bagay na ito, sinusunod nila ang halimbawa na ipinakita ni Jesus noong pinakain Niya ang limang libong taong nagugutom.

MATEO 14:22–33

Ang pagsampalataya kay Jesucristo ay makakatulong sa atin na huwag matakot.

Nagpakita si Pedro ng malaking pananampalataya noong siya ay naglakad sa tubig papunta kay Jesus. Ano ang mga aral na maaaring makuha ng mga bata sa kuwentong ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawang Naglalakad si Jesus sa Tubig (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 43) habang ikinukuwento mo ito sa sarili mong mga salita. Isiping gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito para matulungan ang mga bata na maikuwento rin ito sa iyo. Maaari ka ring magdala ng isang maliit na mangkok ng tubig at sabihin sa mga bata na magkunwaring “naglalakad” ang kanilang mga daliri sa ibabaw ng tubig.

• Pagkatapos ay hilingin sa kanila na ikuwento kung kailan sila nakadama ng takot at ibahagi kung ano ang nakatulong sa kanila. Tulungan silang makita na ang pananampalataya kay Jesucristo ay tumutulong sa atin na madaig ang takot.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

JUAN 5:17–47

Itinuturo ni Jesucristo sa atin ang tungkol sa Ama sa Langit.

Paano makakatulong ang mga turo ni Jesus tungkol sa Kanyang Ama para matutuhan ng mga bata ang tung-kol sa Ama sa Langit?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gumawa ng dalawang set ng magkakaparehas ng kard na may nakasulat na mga salitang gina-mit ni Jesus upang ituro ang tungkol sa Ama sa Langit sa Juan 5, tulad ng sinisinta, buhay, at mga gawa (tingnan sa Juan 5:20, 26, 36). Itaob ang mga kard, at sabihin sa mga bata na magbaligtad ng tig- dadalawang kard. Kapag nakapagbaligtad ng magkaparehas na kard, basahin ang talata na naglalaman ng salita, at itanong sa mga bata kung ano ang itinuturo sa atin ng salita tungkol sa Ama sa Langit.

• Ipabasa sa mga bata ang Juan 5:30, at pagkatapos ay kumpletuhin ang pangungusap na: “Hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kun-di . . .” Paano sinunod ni Cristo ang kalooban ng Kanyang Ama sa Langit? Paano natin masusunod ang kalooban ng Ama sa Langit?

JUAN 6:5–14

Ang ating mga munting handog ay makagagawa ng kaibhan.

Isang batang lalaki ang nagbigay ng tinapay at isda na ginamit ni Jesus para pakainin ng limang libong tao. Paano mo matutulungan ang mga bata na tinuturuan mo na makita kung paano sila makakatulong sa gawain ng Panginoon?

51

MATeo 14–15; MARCoS 6–7; JuAN 5–6

Mga Posibleng Aktibidad

• Hati- hatiin ang ilang biskwit o piraso ng tinapay sa mga bata. Tulungan silang isipin kung gaano kalaki ang pulutong ng limang libong tao. Ano kaya ang pakiramdam ng magpakain ng ganoon karaming mga tao na may lilimang tinapay lamang at dala-wang isda?

• Anyayahan ang isang bata na isalaysay sa sarili niyang mga salita ang kuwento ng pagpapakain ng limang libong tao. Paano tayo magiging tulad ng batang lalaki sa Juan 6:9? Sabihin sa mga bata na gumuhit ng mga tinapay at mga isda sa papel at isu-lat sa mga ito ang ilang bagay na maibibigay nila sa Panginoon para tulungan Siya sa Kanyang gawain.

• Bigyan ang mga bata ng isang puzzle na bubuuin. Ano ang mangyayari kung nawawala ang isa sa mga piraso ng puzzle? Ipaliwanag na tayo ay parang isa sa mga piraso ng puzzle—lahat tayo ay may isang bagay na makakatulong sa buhay ng iba. Paano nakakatulong ang mga bata sa kanilang mga pamil-ya o sa klase?

Mahimalang pinakain ni Jesus ang 5,000 tao mula sa limang piraso ng tina-pay at dalawang isda.

MATEO 14:22–33

Ang pagsampalataya kay Jesucristo ay makakatulong sa atin na huwag matakot.

Malaki ang kinalaman ng pananampalataya at takot sa kuwento ng paglalakad nina Jesus at Pedro sa ibabaw ng dagat. Anong mga aral ang matututuhan ng mga bata sa kuwentong ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Sabihin sa mga bata na hanapin ang talata sa Mateo 14 na nagpapaliwanag sa larawan.

• Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga palatan-daan na nagpapakita ng pananampalataya at ang mga palatandaan na nagpapakita ng takot habang binabasa nila ang Mateo 14:22–33. Ano ang ibig sabihin ng manampalataya kay Jesucristo? Paano natin mapapalitan ng pananampalataya ang takot?

• Sabihin sa mga bata na kunwari ay naroon sila at mayroong kamera nang lumakad sa ibabaw ng dagat sina Jesus at Pedro. Anong eksena ang pipiliin nilang kuhanan ng larawan at bakit? Imungkahi na saliksikin nila ang Mateo 14:22–33 para sa mga ideya. Sabihin sa kanilang idrowing ang larawan ng eksena na pinili nila, ibahagi ang kanilang lara-wan, at ipaliwanag kung bakit nila pinili ang ekse-nang iyon.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Kung ginawa ng mga bata ang pahina ng aktibidad sa linggong ito, hikayatin silang gamitin ito para ituro sa kanilang pamilya ang mga natutuhan nila ngayon.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMag- anyayang magbahagi. Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang mga ideya, damdamin, at karanasan. Makikita ninyo na madalas ay mayroon silang mga simple ngunit malalim na pananaw.

Matutulungan ako ni Jesucristo na hindi m

atakot (Mateo 14:22–33).

Gupitin ang laraw

an ni Pedro, at saka ito idikit sa isang patpat. Hiw

aan ang tulduk- tuldok na linya sa larawan. Isingit si Pedro sa

hiwa at igalaw

siya nang pataas at pababa habang nagkukuwento ka tungkol kina Jesus at Pedro na naglalakad sa tubig.

Pedro

53

ABRIL 1–14

Mateo 16–17; Marcos 9; Lucas 9“Ikaw ang Cristo”

Habang nagninilay sa mga kabanatang ito sa Bagong Tipan at nakikinig sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, magtuon sa mga mensaheng sa pakiramdam mo ay kailangan ng iyong klase.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Kung ang mga bata sa iyong klase ay nakinig o nanood ng pangkalahatang kumperensya, anyayahan silang ibahagi ang isang bagay na narinig o nakita nila.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 16:13–17

Maaari akong magkaroon ng patotoo na si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Isipin kung paano mo magagamit ang patotoo ni Pedro at ang sagot ni Jesus para turuan ang mga bata kung ano ang isang patotoo at mahikayat sila na hangarin na magkaroon ng sarili nilang patotoo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na pakinggan kung ano ang sinabi ni Pedro habang binabasa mo ang Mateo 16:15–17. (Tingnan din sa “Kabanata 32:

Pinatotohanan ni Pedro si Cristo,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 76–77.) Ipaliwanag na si Pedro ay nagbabahagi ng kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo. Muling basahin ang mga talata. Bingo Sa pagkakataong ito ay sabihin sa mga bata na pakinggan kung sino ang nagsabi kay Pedro na si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

• Magpatotoo tungkol kay Jesucristo, at ipaliwanag kung paano mo ito natanggap. Sabihin sa mga bata na hangarin na magkaroon ng sarili nilang patotoo mula sa Ama sa Langit.

MATEO 16:15–19

Ibinibigay ni Jesucristo sa mga propeta at mga apostol ang mga susi ng priesthood para mamuno sa Kanyang Simbahan.

Inihambing ng Tagapagligtas ang paghahayag sa isang bato, at sa mga susi naman inihambing ang awtoridad ng priesthood. Paano ninyo magagamit ang pagha-hambing na ito upang matulungan ang mga bata na magkaroon ng pananampalataya sa mga namumuno sa Kanyang Simbahan?

The T

rans

figur

atio

n, n

i Car

l Hei

n-ric

h Bl

och

54

AbRIL 1–14 

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita sa mga bata ng isang malaking bato habang binabasa mo sa kanila ang Mateo 16:18. Ulitin ninyo ng mga bata ang mga katagang “sa iba-baw ng batong ito ay itatayo ko ang aking [Simba-han],” na may kasamang mga galaw na tutugma sa mga salita. Ipaliwanag na ang Simbahan ay nakata-yo sa “bato” ng paghahayag.

• Ipakita sa mga bata ang ilang susi at sabihin kung para saan ang mga susi. Ipaliwanag na tinanggap nina Pedro at ng iba pang mga Apostol ang mga susi ng priesthood mula kay Jesus. Ang mga susing ito ang “nagbubukas sa nakakandadong” mga pag-papala para sa atin at nagbubukas ng daan tungo sa langit. Halimbawa, ang mga susi ng priesthood ay nagtutulot sa atin na mabinyagan at tumanggap ng sakramento. Bigyan ng mga susing gawa sa papel ang mga bata, at ipasulat sa kanila ang ilang pagpapala na “nakakandado na mabubuksan” ng mga susi ng priesthood.

• Magpakita ng larawan ng Pangulo ng Simbahan, at magpatotoo na taglay niya ang lahat ng susi ng priesthood ngayon tulad ni Pedro noon.

MATEO 17:19–20

Makagagawa ng mga himala ang aking pananampalataya.

Noong binabasa mo ang pangako ni Jesus na ang pananampalataya na tulad ng isang butil ng binhi ng mostasa ay makapaglilipat ng isang bundok, anong mga impresyon ang natatanggap mo tungkol sa mga batang tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na magpalitan sa pagguhit ng malalaking bundok at maliliit na binhi sa pisara habang binabasa mo sa kanila ang Mateo 17:19–20. Ipaliwanag na ang mga bundok na kailangan nating ilipat ay karaniwang ang mga bagay na tila mahi-rap para sa ating gawin. Ano ang ilang bagay na maaaring parang bundok para sa atin? Gamitin ang pahina ng aktibidad sa linggong ito upang tulungan ang mga bata na mag- isip kung paano

makakatulong sa kanila ang pananampalataya na gawin ang bagay na nais ng Diyos na gawin nila.

• Ilagay ang larawan ng isang bundok sa isang panig ng silid, at isulat dito ang mga salitang gaya ng takot, pagdududa, o pag- aalala. Sabihin sa mga bata na tukuyin ang ilang bagay na magagawa nila upang magkaroon ng higit na pananampalataya kay Jesucristo. Hayaan ang bawat batang magmumung-kahi ng isang bagay na ilipat ang bundok papunta sa kabilang panig ng silid. Basahin ang Mateo 17:19–20, at patotohanan ang kapangyarihan ng pananampalataya sa iyong buhay.

• Hilingin sa mga bata na kantahin ang “Pananalig,” Aklat ng mga Awit Pambata, 50– 51, at pagkatapos ay bigyan ang bawat bata ng isang binhing maiuuwi sa bahay. Sabihin sa kanila na itanim ang binhi at ilagay ito sa isang lugar kung saan mapapanood nila ang paglago nito upang tulungan silang maalala na manampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 16:13–17

Ang isang patotoo tungkol kay Jesucristo ay dumarating sa pamamagitan ng paghahayag mula sa langit.

Paano makakatulong sa mga bata ang patotoo ni Pedro sa Mateo 16:13–17 na mapalago ang kanilang mga patotoo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang sasa-bihin kapag may nagtanong sa kanila ng, “Sino si Jesus?” Sabihin sa mga bata na basahin ang Mateo 16:13–17 upang malaman kung paano sinagot ni Pedro ang tanong na iyon. Paano siya nagkaroon ng patotoo kay Jesus? Ano ang magagawa natin para mapalakas ang ating mga patotoo?

• Tulungan ang mga bata na ihambing ang mga para-an ng pag- alam natin sa mga espirituwal na kato-tohanan sa mga paraan ng pag- alam natin sa iba pang mga katotohanan. Halimbawa, paano natin malalaman kung gaano katangkad ang isang tao o

55

MATeo 16–17; MARCoS 9; LuCAS 9

kung ano ang klima? Paano natin malalaman na si Jesucristo ang Anak ng Diyos?

• Magpatotoo tungkol kay Jesucristo, at hamunin ang mga bata na magkaroon o palakasin ang kani-lang patotoo.

MATEO 16:15–19

Ang Simbahan ni Jesucristo ay pinamumunuan ng mga taong mayhawak ng mga susi ng priesthood.

Ang pag- aaral ng Mateo 16:15–19 ay makapagpapata-tag ng pananampalataya ng mga bata na Ang Simba-han ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay pagpapanumbalik ng mismong Simbahan na itinatag ni Jesus noong nabubuhay Siya sa lupa.

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat ang Mateo 16:19 sa pisara ngunit huwag isulat ang ilang salita, tulad ng salitang “mga susi.” Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga nawawa-lang salita.

• Rebyuhin ang impormasyon tungkol sa mga susi ng priesthood sa Tapat sa Pananampalataya, 202–03. Ano ang mga susi ng priesthood? Paano natutulad ang mga susi ng priesthood sa tunay na mga susi?

• Tulungan ang mga bata na ilista sa pisara ang mga taong may mga susi ng priesthood. (Mayroong nakalista sa Tapat sa Pananampalataya, 203, na maaaring makatulong sa kanila.) Anyayahan ang isang tao sa inyong ward na mayhawak ng mga susing ito na magsalita sa klase kung bakit mahala-ga ang mga susi ng priesthood.

• Itago ang ilang susi (o mga larawan ng susi) sa paligid ng silid, at anyayahan ang mga bata na

hanapin ang mga ito. Matapos mahanap ang bawat susi, tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga biyaya na tinatamasa natin dahil sa mga susi ng priesthood (halimbawa, walang- hanggang pamilya, binyag, at sakramento).

LUCAS 9:28–36

Si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Ang Pagbabagong- Anyo ni Cristo ay isa sa ilang pagka-kataon sa mga banal na kasulatan kung kailan narinig ang tinig ng Diyos Ama na nagpapatotoo tungkol sa Kanyang Pinakamamahal na Anak. Ang pag- aaral ng mga talang ito kasama ang mga bata ay makapagpapa-lakas ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga lara-wan ng Pagbabagong- Anyo ni Cristo, na matatagpu-an sa Mateo 17:1–9. Sabihin sa kanila na ipaliwanag ang kanilang mga iginuhit sa isa’t isa. (Tingnan din sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya.)

• Bigyan ang mga bata ng oras upang pagnilayan kung ano ang itinuturo sa kanila ng kuwentong ito tungkol kay Jesucristo. Ipasulat sa kanila sa pisara ang mga naiisip nila. Anyayahan ang ilang bata na ibahagi kung paano nila nalaman na si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na itanong sa kanilang mga magu-lang o iba pang miyembro ng pamilya kung paano sila nagkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoGumamit ng musika. Ang mga awitin sa Primary at ang mga himno ay makakatulong sa mga bata sa lahat ng edad na maunawaan at maalala ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Ang pagkanta ay maaari ring makapagpanatili sa mga bata na aktibong makilahok sa isang learning experience. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 22.)

Binhi ng pananampalataya kay Jesucristo

Ang ating pananampalataya ay maaaring gumawa ng mga himala (Mateo 17:19–20).Kulayan ang mga larawan ng mga bagay na magagawa mo sa tulong ng pananampalataya. Magdrowing

sa bilog na walang laman ng isang bagay na magagawa mo sa tulong ng iyong pananampalataya.

57

ABRIL 15–21.

Pasko ng Pagkabuhay“Saan Naroon, oh Kamatayan, ang Iyong Pagtatagumpay?”

Gamitin ang iyong oras sa mga bata upang tulungan silang makita na ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang panahon upang magalak sa Tagapagligtas at palalimin ang kanilang pasasalamat sa Kanyang sakripisyo. Ang mga ideya sa outline na ito ay maaaring iangkop para matulungan kayong magturo sa mga bata anuman ang edad nila.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad- sala, maaari kang magpakita ng mga lara-wan ng Tagapagligtas sa Getsemani, sa krus, at pag-katapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag- uli (tingnan ang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56, 57, 58, 59, at 60).

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

Si Jesucristo ang aking Tagapagligtas.Habang binabasa mo ang tungkol sa Pagbabayad- sala ni Jesucristo, isiping mabuti kung paano mo matu-tulungan ang mga bata na madama kung gaano sila kamahal ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ituro sa mga bata na dahil lahat tayo ay nagkakasa-la, hindi tayo makababalik sa Diyos kung wala ang isang Tagapagligtas na nagdusa para sa ating mga kasalanan. Maaari tayong iligtas ni Jesucristo mula sa ating mga kasalanan kung tayo ay magsisisi. Magpakita ng isang salamin, at sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagtingin dito. Habang ginagawa ito ng bawat bata, sabihing, “Mahal na mahal ni Jesus si [pangalan ng bata], at maaari Niyang iligtas si [pangalan ng bata].”

• Ipakita ang larawang Nananalangin si Jesus sa Getsemani (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56) habang ikinukuwento mo ang tungkol sa pagdu-rusa ni Jesus sa Getsemani para sa mga kasalanan ng sanlibutan (tingnan sa Mateo 26:36–46; Lucas 22:39–44). Ipaliwanag na dahil sa Kanyang pagdu-rusa, maaari tayong mapatawad kapag gumagawa tayo ng mga maling pagpili. Maaari mo ding gamitin ang “Kabanata 51: Nagdusa si Jesus sa Halama-nan ng Getsemani,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 129–32.

58

AbRIL 15–21. 

• Sama- samang awitin ang “Aking Nadarama ang Pag- ibig ni Cristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43. Anong mga salita sa awitin ang naglalarawan ng pagmamahal ng Tagapagligtas? Itanong sa mga bata kung paano nila matutulungan ang iba na madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas.

Dahil nabuhay na mag- uli si Jesus, ako ay mabubuhay na muli!Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan na dahil kay Jesucristo, tayo at ang ating mga mahal sa buhay ay mabubuhay na mag- uli balang- araw?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ituro sa mga bata ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay gamit ang mga larawan ni Cristo sa Getsemani, sa krus, at pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag- uli, na matatagpuan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (blg. 56, 57, 58, 59, at 60), at sa full- page na larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Ipahawak sa ilang bata ang mga larawan habang isinasalaysay mo ang kuwen-to. Ikuwento sa mga bata ang tungkol sa ilang tao na nakakita kay Jesus matapos Siyang mabuhay na mag- uli, tulad ni Maria (tingnan sa Juan 20:1–18) o ni Tomas (tingnan sa Juan 20:24–29).

• Alamin kung alam ng mga bata kung bakit natin ipi-nagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay. Ipaliwanag na sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin ang pinakamahalagang araw sa kasaysayan—ang araw na nabuhay na mag- uli si Jesucristo. Itanong kung gusto ng sinumang bata na ibahagi kung ano ang ginagawa ng kanilang pamilya para alalahanin ang Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesucristo.

• Ipaliwanag na ang kahulugan ng nabuhay na mag- uli ay ang mabuhay na muli pagkatapos nating mamatay. Magpatotoo na dahil kay Jesucristo, tayo ay mabubuhay na mag- uli—mabubuhay tayong muli pagkatapos nating mamatay, at hindi na tayo mamamatay muli.

• Gumamit ng guwantes para turuan ang mga bata na lahat tayo ay may katawan (na kinakatawan ng guwantes) at espiritu (kinakatawan ng kamay). Kapag namatay tayo, ang ating espiritu ay patuloy na mabubuhay, pero hindi ang ating mga kata-wan. Kapag tayo ay nabuhay na mag- uli, ang ating espiritu at katawan ay magsasamang muli. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na isuot at hubarin ang guwantes.

• Sama- samang kantahin ang isang awitin para sa Pasko ng Pagkabuhay, tulad ng “Si Jesus ba ay Nag-bangon?” o “Si Jesus ay Nagbangon,” Aklat ng mga Awit Pambata, 45, 44, at ipakita sa mga bata ang larawan ni Jesus nang Siya ay nabuhay na mag- uli (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 59, 60, 61).

• Magdispley ng isang larawan ng isang taong alam mo na namatay na. Ibahagi ang iyong patotoo na siya ay mabubuhay na mag- uli dahil sa Pagbabayad- sala at Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesucristo.

•   bingo Ang mga karagdagang mensahe tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay ay matatagpuan sa mormon.org/easter.

He is Risen, ni Greg Olsen

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

Si Jesus ay nagdusa para sa akin sa Getsemani at sa krus.Habang pinag- aaralan mo ang Pagbabayad- sala ng Tagapagligtas, pagnilayan kung paano mo matutu-lungan ang mga bata na matutuhan at maalala na si Cristo ay nagdusa sa Getsemani at sa krus para sa kanilang mga kasalanan, karamdaman, at kalungkutan.

59

PASKo NG PAGKABUHAy

Mga Posibleng Aktibidad

• basahing kasama ng mga bata ang Lucas 22:39–44 at ang mga piling talata mula sa Mateo 27:29–50. Sabihin sa kanila na hanapin ang mga salitang makakatulong sa kanila na maunawaan ang narana-san ng Tagapagligtas sa Getsemani at sa krus.

• Tulungan ang mga batang makabisado ang ikatlong saligan ng pananampalataya. Magpatotoo na si Jesucristo ay may kapangyarihang magligtas sa atin mula sa kasalanan at sa kamatayan.

• Tulungan ang mga bata na maghanda ng maikling mensahe tungkol sa Pagbabayad- sala ni Jesucristo na maaari nilang ibahagi sa iba. Hikayatin sila na isama ang isang talata sa banal na kasulatan at ang kanilang patotoo sa kanilang mensahe. Kung kailangan nila ng dagdag na tulong, maaari nilang basahin ang “Pagbabayad- sala ni Jesucristo” sa Tapat sa Pananampalataya (111–118).

Dahil namatay at nabuhay na mag- uli si Jesus, ako ay mabubuhay na muli.Balang- araw ay mararanasan ng mga batang tinutu-ruan mo ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay, kung hindi pa nila ito naranasan. Ipaliwanag na dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag- uli, tayong lahat ay mabubuhay na mag- uli.

Mga Posibleng Aktibidad

• Idispley ang Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 57, 58, at 59, at sabihin sa mga bata na itugma ang

mga larawan sa sumusunod na mga talata: Mateo 27:29–38, 59–60; Juan 20:10–18.

• Sabihin sa mga bata na basahin ng bawat isa ang “Pagkabuhay na Mag- uli” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at magsulat sila ng mga tanong tungkol sa nabasa nila. Bigyan ang mga bata ng oras na magtanong sa isa’t isa at sama- samang maghanap ng mga sagot.

• Tulungan ang mga bata na tingnan ang indese ng mga paksa ng Aklat ng mga Awit Pambata para maghanap ng isang awit na gusto nilang matutunan tungkol kay Jesucristo o sa Pagkabuhay na Mag- uli. Sama- samang kantahin nang ilang beses ang awitin. Itanong sa mga bata kung ano ang natutuhan nila mula sa awiting ito.

• Bago magsimula ang klase, anyayahan ang ilang bata na maghandang ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa Pagbabayad- sala at Pagkabuhay na Mag- uli ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga bata na isulat ang kanilang patotoo na ibabahagi nila sa tahanan.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Upang matulungan ang mga bata na ibahagi ang natu-tuhan nila sa kanilang pamilya, hikayatin silang kuman-ta ng isang awitin tungkol kay Jesucristo sa kanilang tahanan ngayong linggo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMakikinabang ang mga bata sa pag- uulit. Huwag matakot na ulitin ang aktibidad ng maraming beses, lalo na sa mga batang musmos. Ang pag- uulit ay makakatulong sa mga batang tinuturuan mo na makaalala.

Dahil si Jesus ay nabuhay na m

ag- uli, mabubuhay akong m

uli (Juan 20:11–29).Kulayan at gupitin ang m

ga drowing sa ibaba. Ilagay ang ginupit na laraw

an ni Jesucristo sa ibabaw ng isa pang ginupit na laraw

an at idikit ang m

ga ito sa gitna. Iikot ang bilog habang tinatalakay mo kung paano nakita ni M

aria Magdalena (Juan 20:11–18),

ng mga disipulo (Juan 20:19–23), at ni Tom

as (Juan 20:24–29) si Jesus matapos Siyang m

abuhay na mag- uli.

Sino ang nakakita sa nabuhay na m

ag- uling Jesucristo?

61

ABRIL 22–28

Mateo 18; Lucas 10“Anong Aking Gagawin Upang Magmana ng Walang Hanggang Buhay?”

Anong mga katotohanan sa Mateo 18 at Lucas 10 ang kailangang matutuhan ng mga bata? Makinig sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo habang binabasa mo ang mga kabanatang ito. Matutulungan ka ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya na maunawaan ang doktrina, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya kung paano ituro ang mga katotohanang ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na ibahagi kung paano nila ipinag-diwang ang Pagbabayad- sala ni Cristo nitong Pasko ng Pagkabuhay.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 18:21–35

Nararapat na palagi kong patawarin ang iba.

Habang binabasa mo ang Mateo 18:21–35, isipin ang sarili mong mga karanasan sa pagpapatawad at kung ano ang dapat malaman ng mga bata tungkol sa alitun-tuning ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin ang Mateo 18:21, at anyayahan ang mga bata na sabihin ang “Pinatatawad kita” nang pitong

beses. Itanong, “Sapat na ba ang magpatawad ng pitong beses?” basahin ang talata 22 at ipaliwa-nag na nais ni Jesus na piliin natin ang palaging magpatawad.

• Ikuwento ang talinghaga tungkol sa walang- awang alipin (tingnan sa Mateo 18:23–35). Kung kinaka-ilangan, ipaliwanag na kapag ang isang tao ay may ginawang isang bagay na hindi maganda sa atin, marahil ay makadarama tayo ng galit o lungkot sa simula. Ngunit ang pagpapatawad ay nangangahu-lugan na muli tayong makadarama ng kapayapaan. (Maaari kang makadama ng pahiwatig na tulungan ang mga bata na maunawaan na kung may isang tao na nananakit sa kanila, kailangan nila itong sabi-hin sa kanilang mga magulang o isa pang pinagka-katiwalaang matanda.)

• Isulat sa pisara ang Pinatatawad kita, at sabihin sa mga bata na makakatulong ang mga salitang ito na gawing masasayang sandali ang malulungkot na pagkakataon. Magdrowing ng malungkot na mukha sa pisara, at magbigay ng ilang halimbawa ng mga bata na nagpapatawad sa isa’t isa. Pagkatapos ng

The G

ood

Sam

arita

n, n

i Dan

Bur

r

62

AbRIL 22–28 

bawat halimbawa, anyayahan ang isang bata na gawing masaya ang isang malungkot na mukha.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Ama, Ako’y Tulu-ngan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 52. Patayuin sila kapag narinig nila ang salitang tulungan. Ibahagi ang iyong patotoo na tutulungan tayo ng Ama sa Langit na patawarin ang iba.

LUCAS 10:25–37

Itinuro sa akin ni Jesus na ituring kong kapwa ang lahat ng tao at mahalin sila.

Ang talinghaga ng mabuting Samaritano ay isang di- malilimutang kuwento na maaaring magpakita sa mga bata kung sino ang ating kapwa. Mag- isip ng mga paraan para mahikayat mo ang mga bata na “humayo . . . at gayon din ang gawin” (Lucas 10:37).

Mga Posibleng Aktibidad

• Tanungin ang bawat bata, “Sino ang iyong kapwa?” Ipaliwanag na itinuro ni Jesus na ang simumang nangangailangan ng ating tulong ay ang ating kap-wa, kahit na hindi malapit ang kanyang tirahan, at dapat nating tratuhin nang may pagmamahal ang taong iyon.

• basahin ang Lucas 10:25–37 habang isinasadula ng mga bata ang talinghaga tungkol sa mabuting Samaritano, na naghahalinhinan sa pagganap sa iba’t ibang tauhan. Pagkatapos ng bawat pagsasa-dula, hilingin sa kanila na ibahagi kung paano sila maaaring maging tulad ng mabuting Samaritano.

• Sumulat ng ilang halimbawa ng mga sitwasyon kung saan ang isang tao ay nangangailangan ng tulong, at itago ang mga papel sa paligid sa silid. Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga papel at ipaliwanag kung paano sila magpapakita ng kabaitan sa tao sa sitwasyong iyon.

• Awitin ninyo ng mga bata ang “Mahalin Bawat Tao, Sabi ni Cristo” at “Sa Akin Nagmumula ang Kaba-itan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 39, 83. Gawing magkakapares ang mga bata, at anyayahan ang bawat pares na mag- isip ng ilang paraan na maka-pagpapakita sila ng pagmamahal o kabaitan sa iba. Sabihin sa bawat pares na ibahagi sa klase ang mga naisip nila.

• Ipasulat sa mga bata sa maliliit na piraso ng papel ang mga paraan na makapagpapakita sila ng pag-mamahal sa iba. Gumawa ng kadenang papel gamit ang maliliit na piraso ng papel na ito at hikayatin ang mga bata na isabit ang kadenang papel sa kanilang mga tahanan, kung saan ito ay makapag-papaalaala sa kanila na maging mabait.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 18:21–35

Patatawarin ako ng Ama sa Langit kung patatawarin ko ang iba.

Habang lumalaki ang mga bata, maaaring nagiging mas mahirap ang pagpapatawad. Ang talinghaga tungkol sa walang- awang alipin ay maaaring maging isang di- malilimutang paraan para ituro sa kanila na nais ng ating Ama sa Langit na patawarin natin ang lahat.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Mateo 18:23–35 sa mga bata; ipaliwa-nag na ang panginoon o hari ay kumakatawan sa Ama sa Langit, ang alipin ay kumakatawan sa atin, at ang kapwa alipin ay kumakatawan sa mga taong nagkakasala sa atin. Itanong sa mga bata, “Kailan kayo nahirapang patawarin ang isang tao? Paano ninyo inalis ang mga sama- ng- loob? Kailan mo kinai-langan ng kapatawaran sa mga maling pagpili?”

• Isulat sa pisara ang mga multiplication problem na 70 × 7, at tulungan silang i- solve ito. Ipabasa sa isang bata ang Mateo 18:21–22, at ipaliwanag na ginamit ni Jesus ang numerong ito upang ituro sa atin na dapat tayong magpatawad palagi.

• Bigyan ang lahat ng papel, at sabihin sa mga bata na magdrowing ng larawan ng isang batang hindi mabait sa ibang bata. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na makipagpalitan sila ng papel sa kanilang katabi at iguhit sa likod ng bagong papel ang isang paraan na maipapakita nila ang pagpapatawad sa iba.

63

MATeo 18; LuCAS 10

• Sabihin sa mga bata na tulungan kang mag- isip ng ilang situwasyon kung saan maaaring kailanganin ng isang tao na patawarin ang ibang tao. Sabihin sa mga bata na isadula kung paano nila maipapakita ang pagpapatawad sa ganoong mga sitwasyon.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Ama, Ako’y Tulu-ngan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 52. Tulungan ang mga bata na maunawaan ang bawat linya ng awitin at kung ano ang itinuturo nito tungkol sa pagpapa-tawad sa iba.

LUCAS 10:30–37

Kaya kong mahalin at paglingkuran ang iba, lalo na ang mga nangangailangan.

Pagnilayan ang mga pagkakataon sa iyong buhay na naging isang “mabuting Samaritano” ang isang tao sa iyo. Paano mo mahihikayat ang mga bata na maging “mabubuting Samaritano” sa iba?

Mga Posibleng Aktibidad

• Bigyan ang bawat bata ng iguguhit na eksena sa talinghaga ng mabuting Samaritano. Sabihin sa kanila na iayos sa tamang pagkakasunud- sunod ang kanilang mga larawan at gamitin ang mga ito para isalaysay ang kuwento.

• Ipaliwanag sa mga bata na labis na namumuhi ang mga Judio sa mga Samaritano na kapag naglalakbay sila mula Jerusalem patungong Galilea, sila ay lumi-lihis o umiikot sa labas ng Samaria upang maiwa-san ang pakikisalamuha sa sinumang Samaritano.  Bakit ginamit ni Jesus ang isang Samaritano bilang halimbawa ng kabutihan sa talinghagang ito? Ano ang itinuturo sa atin ng kuwentong ito tungkol sa pagtulong sa iba na nangangailangan? (Tingnan din sa Mosias 4:16–22.)

• Sabihin sa mga bata na magbahagi ng isang kara-nasan kung kailan naging tulad ng isang mabuting Samaritano ang isang tao sa kanila.

• Hamunin ang mga bata na magtakda ng mithiin na maging tulad ng mabuting Samaritano sa ling-gong ito. Halimbawa, may kilala ba silang maysakit o nalulungkot? o isang tao na hindi regular na nagsisimba? Itanong sa mga bata kung paano nila matutulungan ang taong iyon.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamil-ya ang kanilang mithiin na maging tulad ng mabuting Samaritano sa linggong ito.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTuruan ang mga bata na magtala ng mga impresyon. Kung matututuhan ng mga bata ang gawi ng pagtatala ng mga impresyon, tutulungan sila nitong kilalanin at sundin ang Espiritu. Maitatala ng mga bata ang mga impresyon sa pamamagitan ng pagmamarka ng mga banal na kasulatan, pagdodrowing ng mga larawan, o paggawa ng mga simpleng journal entry.

Ipinapakita ko ang aking pagmam

ahal sa Ama sa Langit kapag

nagpapakita ako ng pagmam

ahal sa iba (Lucas 10:25–37).Kulayan at gupitin ang view

finder at ang strip ng larawan. G

umaw

a ng dalawang

hiwa sa tulduk- tuldok na m

ga linya ng viewfinder. Ipasok ang strip ng laraw

an sa view

finder habang nagkukuwento ka tungkol sa M

abuting Samaritano.

Samaritano

LevitaSaserdote

65

ABRIL 29–MAYO 5

Juan 7–10“Ako ang Mabuting Pastor”

Habang binabasa mo ang Juan 7–10, isipin mo ang mga batang tinuturuan mo. Marami sa mga ideya para sa mas malalaking bata sa outline na ito ay maiaangkop sa mga batang musmos, o vice versa.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na magbahagi ng isang bagay na ginawa nila noong nakaraang linggo para maging tulad ng mabuting Samaritano.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

JUAN 7:14–17

Ang pagsunod sa mga kautusan ay tutulong sa akin na malaman na ang mga ito ay totoo.

Itinuro ni Jesus na maaari tayong magkaroon ng patotoo sa mga katotohanang ibinahagi Niya kapag ipinamumuhay natin ang mga ito. Paano mo magaga-mit ang salaysay na ito upang maturuan ang mga bata na ang kapayapaang nadarama natin kapag sinusunod natin ang mga kautusan ay tumutulong sa atin na malaman na ito ay totoo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang Juan 7:17 gamit ang mga salitang nau-unawaan ng mga bata. Tulungan silang malaman na ang pagsunod sa mga kautusan ay tumutulong sa atin na mapalapit kay Jesucristo, marahil sa pamamagitan ng sama- samang pagkanta ng “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” o “Piliin ang Tamang Landas,” Aklat ng mga Awit Pambata, 68–69, 82–83. Sabihin sa mga bata na pakinggan kung paano tayo pagpapalain kapag sinusunod natin ang mga kautusan.

• Magbahagi ng isang karanasan kung saan natutu-nan mo na ang isang kautusan ay mula sa Diyos dahil ipinamuhay mo ito, tulad ng pagbabayad ng ikapu o pagpapatawad sa isang taong hindi mabait. Sabihin sa mga bata na umisip ng isang karana-san nila nang sinunod nila ang isang kautusan. Itanong, “Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong sumunod?”

• Piliin ang ilan sa mga kautusan at gumuhit ng dala-wang set ng mga simpleng larawan na kumakata-wan sa bawat utos. Itaob ang lahat ng mga larawan sa sahig at sabihin sa mga bata na maghalinhinan sa pagbaligtad ng mga magkakapareha na mga kautusan. Patotohanan ang kahalagahan ng mga kautusan at kung paano napalakas ng pagsunod sa mga ito ang iyong patotoo.

He T

hat I

s with

out S

in, n

i Liz

Lem

on S

wind

le

66

AbRIL 29–MAyo 5 

JUAN 8:29

Sinunod ni Jesus ang Kanyang Ama.

Palaging ginagawa ni Jesucristo ang mga bagay na ikinalulugod ng Kanyang Ama sa Langit. Paano mo matutulungan ang mga bata na makahanap ng mga paraan para matularan ang Kanyang halimbawa?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na ulitin ang sinabi ni Jesus tungkol sa Ama sa Langit sa Juan 8:29: “Ginagawa kong lagi ang sa kaniya’y nakalulugod.” Sabihin sa kanila na magbahagi ng mga bagay na ginawa ni Jesus na nagpasaya sa Ama sa Langit. Ipakita sa kanila ang ilang larawan mula sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo para bigyan sila ng mga ideya.

• Tanungin ang mga bata kung ano ang nagpapasaya sa kanila. Pagkatapos ay itanong sa kanila kung ano ang magagawa nila sa linggong ito para pasayahin ang isang kapamilya o kaibigan. Sabihin sa mga bata na magdrowing ng mga larawan nila na ginagawa ang mga aktibidad na iyon. Iuuwi nila ang mga lara-wan para mapaalalahanan sila.

• Anyayahan ang isang magulang ng isa sa mga bata na magbahagi ng isang karanasan kung saan guma-wa ang kanyang anak ng isang bagay na nagpaliga-ya sa kanya. Sabihin sa bata na ibahagi kung ano ang naramdaman niya.

JUAN 10:1–18

Kilala at mahal ako ni Jesus.

Ang talinghaga ng mabuting pastol ay makakatulong sa mga bata na maunawaan na minamahal sila at nakiki-lala sila ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na magdrowing ng isang larawan na kumakatawan sa isang bagay sa taling-haga ng mabuting pastol, tulad ng tupa, isang tulisan, o isang lobo. basahin ang Juan 10:1–18 sa mga bata, at sabihin sa kanila na itaas ang kanilang mga larawan kapag narinig nilang binabasa mo ang tungkol sa iginuhit nila. Ipaliwanag na tulad ng paggabay at pagmamahal ng “mabuting pastol” sa kanyang kawan, mahal tayo ni Jesus at ginagabayan

Niya tayo pabalik sa Kanya. Gayakan ang isa sa mga bata na parang isang pastol, at sabihin sa mga bata na ibahagi kung paanong si Jesus ay tulad ng isang pastol sa atin.

• Ipakita ang larawan ni Jesus at ng mga tupa sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumu-nod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Paano natin malalaman na mahal ni Jesus ang mga tupa? Paano natin masasabi na mahal ng mga tupa si Jesus?

• Tulungan ang mga bata na gawin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

JUAN 7:14–17

Ang pagsunod sa mga kautusan ay tutulong sa akin na malaman na ang mga ito ay totoo.

Ikaw at ang mga batang iyong tinuturuan ay maaaring nagkaroon na ng mga karanasan kung saan ipinamu-muhay ninyo ang mga katotohanan ng ebanghelyo at nalaman na ang mga ito ay totoo. Paano mo magaga-mit ang mga karanasang ito sa iyong pagtuturo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat ang bawat talata ng Juan 7:14–17 sa iba’t ibang piraso ng papel at idispley ang mga ito nang hindi magkakasunud- sunod. Sabihin sa mga bata na pagsunud- sunurin ang mga ito at tingnan sa Juan 7:14–17 kung sila ay tama. Sabihin sa mga bata na magpartner- partner at ibahagi sa kanilang partner ang mga nauunawaan nila sa bawat talata. Paano nakatulong sa kanila ang pagsunod sa mga utos para malaman na totoo ang mga kautusan?

• Magbigay ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan na nagpapakita kung paano pinagpala ang mga tao dahil ipinamuhay nila ang mga kato-tohanan ng ebanghelyo, tulad ni Daniel (tingnan Daniel 6) o si Nephi (tingnan sa 1 Nephi 3–4).

• Ilang araw bago magsimula ang klase, anyaya-han ang isa sa mga bata na isulat ang isang

67

JuAN 7–10

pagkakataon nang siya ay nagkaroon ng patotoo tungkol sa isang kautusan sa pamamagitan ng pag-sasabuhay nito. Sa oras ng klase, sabihin sa bata na ibahagi ang isinulat niya.

JUAN 8:31–36

Ang katotohana’y magpapalaya sa atin.

Habang tumatanda ang mga bata, may makakasalamu-ha silang mga tao na naniniwala na ang pamumuhay ng ebanghelyo ay pumipigil sa tao. Paano mo magaga-mit ang Juan 8:31–36 upang malabanan ang ganitong mga sinasabi?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na basahin ang Juan 8:31–36 at ibahagi kung ano sa palagay nila ang ibig sabi-hin ng maging isang alipin ng kasalanan. Paano tayo natutulungan ng mga turo ni Jesus na maging malaya?

• Sabihin sa isang bata na ibuhol ang isang lubid, bandana, o kurbata sa iyong braso nang hindi gaanong mahigpit upang ipakita kung paano tayo natatali sa kasalanan kapag paulit- ulit natin itong ginagawa nang hindi nagsisisi.

• Magpakita ng isang kandado para kumatawan sa kasalanan at isang susi para kumatawan sa paraan kung paano tayo pinalalaya ng mga katotohanan ng ebanghelyo. Halimbawa, ang kaalaman tungkol sa Pagbabayad- sala ng Tagapagligtas ay makapagbibi-gay sa atin ng kalayaan na magsisi at mapatawad sa ating mga kasalanan. o ang malaman ang tungkol sa Salita ng Karunungan ay makapagbibigay sa atin ng kalayaan na umiwas sa adiksyon.

JUAN 10:1–18

Si Jesus ay tulad ng isang pastol para sa atin.

Habang pinag- aaralan ninyo ang talinghaga ng mabu-ting pastol, alamin ang mga katotohanang nagtuturo tungkol sa ating kaugnayan sa Tagapagligtas. Paano mapagpapala ang mga bata ng kaalaman ng mga kato-tohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat ang mabuting pastol at nagpapaupa sa pisara. Ipaliwanag na ang nagpapaupa ay isang tao na binabayaran upang gawin ang isang trabaho nang dahil sa pera. Sabihin sa mga bata na ilista ang mga pagkakaiba na makikita nila sa Juan 10:1–18 sa pagitan ng mabuting pastol at ng nagpapaupa. Bakit gugustuhin mong tularan ang mabuting pastol at hindi ang nagpapaupa?

• Magdrowing o magpakita ng isang larawan ng isang pintuan. Sama- samang basahin ang Juan 10:7–9, at itanong sa mga bata kung paanong si Jesus ay tulad ng isang pintuan. Ayon sa talata 9, anong mga pagpapala ang dumarating sa mga “pumapasok” sa pintuan? Paano tayo makakapasok sa pintuan na inilaan ni Jesucristo para sa atin?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Tulungan ang mga bata na mag- isip ng isang kautu-san na masusunod nila nang mas lubusan. Sabihin sa kanila na subukang sundin ang utos na ito sa susunod na linggo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMagtanong ng mga binigyang- inspirasyong tanong. Magtanong ng mga bagay na nag- aanyaya sa mga batang tinuturuan mo na gumawa nang higit pa sa pag- uulat lamang ng mga katotohanan. Sa halip, hikayatin silang ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa mga katotohanan ng ebanghelyo. Halimbawa, kung ang tinatalakay mo ay tungkol sa mga kautusan, maaari mong hilingin sa mga bata na ibahagi kung paano sila napagpala ng pagsunod sa mga utos.

Kilala at mahal ako ni Jesus (Juan 10:1–18).Kulayan at gupitin ang mga larawan. Kulayan ang magkabilang braso ni Jesus at tupiin ang mga ito para mahawakan Niya ang tupa.

69

MAYO 6–12

Lucas 12–17; Juan 11“Makipagkatuwa Kayo sa Akin, Sapagka’t Nasumpungan Ko na ang Aking Tupang Nawala”

Basahin nang may panalangin ang Lucas 12–17 at Juan 11, na hinahanap kung paano ka makakatulong sa mga batang tinuturuan mo na maunawaan ang mga katotohanan sa mga kabanatang ito at madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipaalala sa mga bata ang ilan sa mga talinghaga at mga kuwento na nasa Lucas 12–17 at Juan 11, at sabihin sa kanila na pumili ng isa at idrowing ito.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

LUCAS 15

Nais ng ating Ama sa Langit na makabalik sa Kanya ang lahat ng Kanyang mga anak.

Maaaring may ilang bata sa iyong klase na hindi regular na dumadalo sa Primary. Paano mo mahihikayat ang mga batang tinuturuan mo na tulungan sila nang may pagmamahal?

Mga Posibleng Aktibidad

• Bigyan ang isang bata ng barya, ang isa pang bata ng larawan ng isang tupa, at ang isa pang bata ng

larawan ng alibughang anak (LDS.org). Isalaysay ang tatlong talinghagang matatagpuan sa Lucas 15 at sabihin sa mga bata na itaas ang kanilang mga bar-ya o larawan kapag binanggit mo ito. Maaari mong anyayahan ang mga bata na muling isalaysay ang mga talinghaga sa isa’t isa sa sarili nilang mga salita.

• Hilingin sa mga bata na ibahagi ang isang pagka-kataon na nawalan sila ng isang bagay. Ipaliwanag na ang mga tao ay maaaring maging espirituwal na naliligaw kapag hindi nila nararamdaman ang pag-mamahal ng Diyos o kapag tumalikod sila sa Kanya. Magpatotoo na itinuturo ng mga talinghagang ito na nais ng Diyos na tulungan natin ang mga taong naliligaw na makabalik sa Kanya.

• Sabihin sa mga bata na isipin ang iba pang mga batang hindi dumadalo sa Primary. Tulungan silang sumulat para anyayahan ang mga batang ito na dumalo sa Primary o sa isang aktibidad ng Primary. Paano pa natin matutulungan ang mga batang ito na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila?

The P

rodi

gal S

on, n

i Liz

Lem

on S

wind

le

70

MAyo 6–12 

LUCAS 17:11–19

Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagpapasalamat para sa aking mga pagpapala.

Paano mahihikayat ng kuwento tungkol sa sampung ketongin ang mga bata na maging mapagpasalamat?

Mga Posibleng Aktibidad

• Isalaysay ang kuwento tungkol sa sampung keto-ngin na pinagaling ni Jesus. Ipakita ang larawan na nasa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at sabihin sa mga bata na bumilang hang-gang sampu sa kanilang mga daliri. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na itiklop ang siyam na mga daliri nila para ipakita ang isang ketongin na nagpasala-mat kay Jesus. Kailan nagpasalamat ang mga bata sa isang kaibigan o mahal sa buhay?

• Sabihin sa bawat bata na iarte ang isang bagay na ipinagpapasalamat niya at sabihin sa iba pang mga bata na hulaan kung ano ito. Sabihin sa mga bata na magbahagi ng mga paraan na maipapakita natin sa Ama sa Langit na tayo ay nagpapasalamat para sa ating mga pagpapala.

JUAN 11:1–46

Naniniwala tayo na si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Si Marta, na kapatid ni Lazaro, ay nagsabi kay Jesus: “Sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Diyos” ( Juan 11:27). Ang kuwento nina Maria, Marta, at Lazaro ay magpapalakas ng patotoo ng mga bata kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang kuwento tungkol sa pagpapabangon ni Jesus kay Lazaro mula sa mga patay (tingnan din sa “Kabanata 43: Muling binuhay ni Jesus si Lazaro,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 107–9) at magpakita ng isang patay na sanga at isang buhay na halaman. Magpatotoo na dahil sa kapangyarihan ni Jesucristo, ang mga tao na namatay ay mabubuhay na mag- uli at mabubuhay magpakailanman.

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang mga katagang sinabi ni Jesus kay Marta: “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan” ( Juan 11:25). Ipaliwanag na dahil sa Pagkabuhay na Mag- uli ng Tagapagligtas, makikita nating muli ang mga mahal natin sa buhay na namatay.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

LUCAS 15

Matutulungan ko si Jesus na mahanap ang Kanyang nawawalang mga tupa.

Maaaring hindi nalalaman ng mga bata na may iba pang mga bata sa klase na hindi nakakadalo sa Prima-ry. Paano mo sila mahihikayat na tulungan ang mga batang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Atasan ang bawat bata na basahin nang tahimik ang alinman sa talinghaga ng nawawalang tupa o talinghaga ng nawawalang piraso ng pilak, na mata-tagpuan sa Lucas 15:1–10 at ibahagi ang natutu-han nila.

• Isulat sa pisara ang mga pangalang ito: ama, panganay na anak at nakababatang anak. Ipakita ang video na “The Prodigal Son” (LDS.org) at i- pause ito paminsan- minsan para maisulat ng mga bata sa pisara ang mga nadarama ng mga taong nakasulat sa pisara.

• Hilingin sa isang bata na umalis sa silid habang itinatago ng ibang mga bata ang barya o papel na tupa. Sabihin sa mga bata na bumalik at hanapin ang barya o ang tupa. Ipaalala sa mga bata na ang mga tao ay maaaring maligaw sa mga pagpapala ng ebanghelyo. Anyayahan sila na magmungkahi ng mga paraan na makakatulong sila sa mga taong tulad nito. Kasama ng mga bata, awitin ang “Nasa Puso ng Pastol,” Mga Himno, blg. 134, at magpa-totoo tungkol sa kagalakang nadarama kapag ang mga tao ay bumabalik sa Diyos.

• Ipaliwanag na ginamit ni Jesus ang nawawalang tupa, ang nawawalang barya, at alibughang anak upang ilarawan ang mga taong “naliligaw” dahil

71

LuCAS 12–17; JuAN 11

wala sa kanila ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Sabihin sa mga bata na isipin ang iba pang mga batang hindi dumadalo sa Primary. Paano pa natin matutulungan ang mga batang ito na madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanila?

LUCAS 17:11–19

Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagpapasalamat para sa aking mga pagpapala.

Ang kuwento tungkol sa sampung ketongin ay maa-aring maging isang mabuting paraan upang hikayatin ang mga bata na magpasalamat sa Ama sa Langit para sa kanilang mga biyaya.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang kuwento tungkol sa sampung ketongin. Paano pinagpala ang ketongin na nagpasalamat dahil sa kanyang pagiging mapag-pasalamat? Bakit mahalagang pasalamatan ang Diyos para sa ating mga pagpapala?

• Anyayahan ang mga bata na ilista ang mga bagay na pinasasalamatan nila na nagsisimula sa bawat titik ng kanilang mga pangalan.

• Sabihin sa mga bata na magsulat ng maiikling sulat ng pasasalamat sa Ama sa Langit para sa mga pagpapalang ibinibigay Niya sa kanila. Maaari nilang isabit ang maiikling sulat sa kanilang mga higaan para mapaalalahanan silang magpasalamat kapag nagdarasal sila.

JUAN 11:1–46

Naniniwala tayo na si Jesucristo ang Anak ng Diyos.

Paano mo magagamit ang kuwento nina Maria, Marta, at Lazaro para tulungan ang mga batang malaman, tulad ni Marta, na si Jesus “ang Cristo, ang anak ng Dios”? ( Juan 11:27).

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat sa pisara ang ilang pangungusap na sinabi ng mga tao sa Juan 11. Sabihin sa mga bata na hulaan kung sino ang nagsabi ng bawat pahayag, at sabihin sa kanila na saliksikin ang Juan 11 upang tingnan kung tama ang kanilang mga hula. Ano ang mada-rama nila kung sila si Jesus, Marta, Maria, o Lazaro? Paano makakatulong sa atin ang paniniwala kay Jesus kapag tayo ay nalulungkot o natatakot?

• Basahin ang patotoo ni Marta na matatagpuan sa Juan 11:20–27. Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga salita at kataga na nagpapakita na si Marta ay may pananampalataya. Paano tayo magkakaroon ng pananampalataya kapag nahihirapan tayo?

• Tulungan ang mga bata na maisaulo ang Juan 11:25. Ipaliwanag na ang lahat ng tao ay mabu-buhay na mag- uli, ngunit tanging ang mabubuti ang makatatanggap ng buhay na walang- hanggan at muling makakapiling ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Bigyan ang mga bata ng ilang papel o isang maliit na notebook na maaari nilang gamitin upang isulat o idrowing ang mga bagay na ipinagpapasalamat nila sa buong linggo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoAng pag- uulit ang susi sa pagkatuto. Ang mga bata ay nakikinabang sa pakikinig sa mga alituntunin ng ebanghelyo o paggawa ng isang aktibidad nang maraming beses. Subukang ulitin ang mga aktibidad sa iba’t ibang paraan.

Matutulungan ko si Jesus na hanapin at ibalik ang Kanyang naw

awalang tupa (Lucas 15).

Tulungan ang pastol na hanapin ang kanyang nawaw

alang tupa, ang babae na hanapin ang kanyang naw

awalang barya, at ang am

a na hanapin ang kanyang nawaw

alang anak.

73

MAYO 13–19

Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18“Ano pa ang Kulang sa Akin?”

Basahin ang Mateo 19–20; Marcos 10; at Lucas 18, na isinasaisip ang mga batang tinuturuan mo. Itala ang anumang pahiwatig na natatanggap mo. Ang iyong paghahanda ay tutulong sa iyo na maituro sa mga bata kung ano ang kailangan nilang malaman mula sa mga kabanatang ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa klase ang isang bagay na gustung- gusto nila tungkol sa kanilang pamil-ya. Maaari mo ring hilingin sa mga magulang ng mga bata na magbigay ng mga larawan ng kanilang pamilya para magamit ng mga bata sa pagbabahagi sa klase.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MARCOS 10:6–8

Nais ng Ama sa Langit na magpakasal tayo sa templo at magkaroon ng walang- hanggang pamilya.

Paano makikinabang ang mga batang tinuturuan mo mula sa kaalaman tungkol sa doktrina ng walang- hanggang kasal? Maaaring makatulong ang pagbasa ng “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129).

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Marcos 10:6–8 sa mga bata, at idispley ang larawan ng isang mag- asawa. Sabihin sa mga bata na ituro ang lalaki at ang babae kapag narinig nilang binasa mo ang mga salitang lalake at babae. Ipaliwanag na nilayon ng Ama sa Langit na mag-pakasal sa isa’t isa ang isang lalaki at isang babae (tingnan sa Genesis 1:27–28).

• Magdispley ng mga larawan ng isang pamilya at isang templo. Ipaliwanag na nais ng Ama sa Langit na mabuklod tayo sa ating pamilya sa templo para makasama natin sila magpakailanman. Maging sen-sitibo sa mga bata na ang mga magulang ay hindi pa nabubuklod.

• Kantahin ang “Isang Masayang Pamilya,” Aklat ng mga Awit Pambata, 104. Anyayahan ang mga bata na ituro ang kanilang sarili kapag kinanta nila ang “ako,” at “tayo.” Maaaring ulitin ang aktibidad na ito ng ilang beses. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang mga nakakatuwang bagay na nagawa nila sa kanilang pamilya. Bakit sila nagpapasalamat para sa kanilang pamilya?

74

MAyo 13–19 

• Kantahin ang isang awitin tungkol sa templo o mga pamilya, tulad ng “Templo’y Ibig Makita” o “Mag- anak ay Magsasamang Walang Hanggan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 99, 98. Pahawakan sa mga bata ang mga larawan ng templo o mga pamilya, at sabihin sa kanila na itaas ang kanilang mga larawan kapag kinanta nila ang “templo” o “pamilya.” Bakit mahala-gang makasal sa templo?

Ang walang- hanggang kasal ay bahagi ng plano ng Diyos.

MARCOS 10:13–16

Nais ni Jesus na lumapit sa Kanya ang maliliit na bata para mabasbasan Niya sila.

Ang ulat na ito ay nagbibigay ng pagkakataon para mai-padama sa mga bata kung gaano sila kamahal ni Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sa sarili mong mga salita, ibahagi ang kuwento sa Marcos 10:13–16. Kailan nadama ng mga bata ang pagmamahal ni Jesus para sa kanila? Magpatotoo sa mga bata na mahal sila ni Jesus at nais Niyang pagpalain sila.

• Ipakita ang larawang Si Cristo at ang mga Bata (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 47). Ipaliwanag na kung nais nating maging tulad ng mga batang nakau-po sa tabi ni Jesus, kailangan nating sundin ang Kanyang mga utos at mahalin Siya at ang ibang tao. Ano ang maaaring gawin ng mga bata para maging tulad ng mga batang nakaupo sa tabi ni Jesus?

• Sabihin sa mga bata na idrowing ang kanilang sarili na binabasbasan ni Jesus (tingnan sa Marcos 10:16).

MARCOS 10:17–22

Kung susundin natin ang mga kautusan, tatanggap tayo ng buhay na walang- hanggan.

Itinuro ni Jesus sa mayamang binata na upang mag-tamo ng buhay na walang- hanggan—ang buhay na mayroon ang Ama sa Langit—dapat niyang sundin ang mga kautusan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin sa mga bata ang kuwento tungkol sa maya-mang binata sa Marcos 10:17–22. (Tingnan din sa “Kabanata 42: Ang Mayamang binata,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 105–6, o sa kaugnay na video sa LDS.org.) Sabihin sa kanila na pakinggan kung ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng binata at kung paano tumugon ang binata.

• Magsalaysay ng isa o higit pang mga kuwento tung-kol sa mga anak na humihingi ng payo o direksyon mula sa kanilang mga magulang ngunit hindi ito sinusunod. Ano ang ilang bagay na ipinagagawa sa atin ng Ama sa Langit? Ano ang nadarama natin kapag sinusunod natin ang Kanyang mga kautusan?

• Magbahagi ng iyong mga karanasan nang maka-tanggap ka ng mga personal na pahiwatig na gawin ang isang bagay para maging mas mabuti.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MARCOS 10:6–8

Nais ng Ama sa Langit na magpakasal tayo sa templo at magkaroon ng walang- hanggang pamilya.

Ang mga bagay na itinuro ni Jesus tungkol sa kasal ay makakatulong sa mga bata kapag nahaharap sila sa salungat na mga mensahe sa mundo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa isa sa mga bata na basahin nang mala-kas ang Marcos 10:6–8. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng mangunyapit ay “manatili” o “manangan nang mahigpit” sa isang bagay. Bakit mahalaga na

75

MATeo 19–20; MARCoS 10; LuCAS 18

ang mga mag- asawa ay nagkakaisa, nagmamahalan, at nagtutulungan sa isa’t isa?

• Ibahagi ang sumusunod na pahayag mula sa “Ang Mag- anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” at tulungan ang mga bata na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng: “Ang kasarian ay mahalagang katangian ng ating premortal, mortal, at walang- hanggang identidad at layunin.”

• Hilingin sa mga bata na tulungan kang mag- isip ng mga sagot sa mga tanong na tulad ng “Bakit maha-laga ang pamilya sa Simbahan?” o “Bakit mahalaga para sa iyo na makasal sa templo?” Sama- samang awitin ang “Mag- anak ay Magsasamang Walang Hanggan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 98. Ibahagi sa mga bata ang iyong patotoo tungkol sa walang- hanggang kasal at pamilya. Anyayahan din silang ibahagi ang kanilang mga patotoo.

• Anyayahan ang bawat isa sa mga bata na basahin ang isang banal na kasulatan mula sa listahang ito: Marcos 10:6–8; I Mga Taga Corinto 11:11; DT 42:22; 131:1–4; at Moises 3:18, 21–24. Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa kasal?

MARCOS 10:17–22

Matutulungan ako ni Jesus na malaman ang kailangan kong gawin upang umunlad.

Hinanap ng mayamang binata si Jesus at tumanggap ng partikular na tagubilin na sadyang para sa kanya. Paano mo mahihikayat ang mga bata na humanap ng katulad na patnubay sa kanilang sariling buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na maghanap ng isang talata sa Marcos 10:17–22 na nagpapaliwanag sa larawan na nasa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Ipaliwanag na ang payo na ibinigay ni Jesus sa binata ay personal, at tayong lahat ay makaka-tanggap ng personal na patnubay mula sa Pangino-on sa pamamagitan ng Espiritu.

• Sama- sama ninyong basahin ang Marcos 10:17–22. Sabihin sa mga bata na isulat sa pisara ang mga utos na sinabi ng Tagapagligtas na dapat sundin ng mayamang binata (tingnan sa talata 19). Ano pa ang kailangan niyang gawin? (tingnan sa talata 21). Hikayatin ang mga bata na isipin ang mga bagay na maaaring kailangan nilang simulang gawin o itigil na gawin para mas masunod si Jesus. Ano ang ilang paraan para malaman natin kung ano ang nais ipagawa sa atin ni Jesus?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na sabihin sa kanilang mga pamilya kung bakit sila nagpapasalamat para sa kanila, marahil sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling liham na maibibigay sa kanilang mga magulang o sa pagba-bahagi ng kanilang patotoo tungkol sa mga pamilya sa family home evening.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoBigyang- pansin ang mga bata. Paano tumutugon ang mga bata sa iyong klase sa mga aktibidad sa pag- aaral? Kung sila ay tila hindi interesado, maaaring oras na para subukan ang iba pang aktibidad o maglakad- lakad sandali nang tahimik. Sa kabilang banda, kung napapansin mong nawiwili ang mga bata at natututo sila sa isang bahagi ng aralin, huwag mapilitang gawin ang susunod na aktibidad para lamang matiyak na naituro mo ang lahat ng materyal ng aralin.

Nais ni Jesus na lum

apit sa Kanya ang maliliit na bata para m

abasbasan Niya sila (M

arcos 10:13–16).D

rowingan ang m

ukha ng mga bata sa laraw

an at kulayan ito.

77

MAYO 20–26

Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12‘Narito, ang Iyong Hari ay Pumaparito’

Habang binabasa mo ang Mateo 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; at Juan 12, bigyang pansin ang mga impresyong natatanggap mo mula sa Espiritu Santo. Tingnan sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Batang Musmos” sa simula ng manwal na ito para sa mga bagay na dapat mong isaisip habang itinuturo mo ang mga alituntuning ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipakita ang larawan mula sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at anyayahan ang mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa nangyayari sa larawan.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

LUCAS 19:1–10

Kilala ako ng Ama sa Langit at ni Jesus sa pangalan.

Habang binabasa mo ang tungkol sa pakikipag- ugnayan ng Tagapagligtas kay Zaqueo, anong mga mensahe ang sa tingin mo ay magpapala sa mga bata na tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawang nasa simula ng outline na ito. Tulungan ang mga bata na kilalanin si Zaqueo at sabihin ang kanyang pangalan. Gumawa ng mga galaw na magagawa ng mga bata habang ikinu-kuwento mo ang tungkol kina Zaqueo at Jesus—halimbawa, pagtingkayad para makakita kahit na maraming tao o pagkukunwaring umaakyat sa isang puno. Ipaliwanag na nakita ng Tagapagligtas si Zaqueo at tinawag ito sa kanyang pangalan. Mag-patotoo na kilala ng Tagapagligtas ang bawat isa sa mga bata at nalalaman ang kanilang mga pangalan.

• Magdala sa klase ng isang picture frame, o guma-wa ng isa mula sa papel. Sabihin sa mga bata na isa- isang hawakan ang frame na itinatapat ito sa kanilang mukha habang sinasabi ng klase na “Kilala ng Ama sa Langit at ni Jesus si [pangalan ng bata].”

• Sabihin sa mga bata na isa- isang magkunwaring umaakyat ng puno na gaya ni Zaqueo. Ipasabi sa klase ang “Kilala ng Ama sa Langit at ni Jesus si [pangalan ng bata].”

Zacc

haeu

s in

the S

ycam

ore T

ree,

ni

Jam

es T

issot

78

MAyo 20–26 

• Sama- samang kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos,” Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3, at tulungan ang mga bata na pakinggan ang mga bagay na tutu-long sa kanila na malaman na mahal sila ng Ama sa Langit.

MATEO 21:12–14

Ang templo ay isang banal na lugar.

Ang iyong patotoo sa templo ay makakatulong sa mga batang tinuturuan mo na maunawaan na ang templo ay isang banal na lugar.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawang Nililinis ni Jesus ang Templo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 51), at isalay-say ang kuwento na nakatala sa Mateo 21:12–14. Tulungan ang mga bata na hanapin ang mga pera at mga hayop sa larawan. Pagkatapos ay talakayin kung bakit gusto ng Tagapagligtas na umalis sa tem-plo ang mga mamamalit ng salapi at ang mga taong nagbebenta ng mga hayop.

• Ipakita ang mga larawan ng mga templo (halim-bawa, tingnan ang Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, 117–21), at ipabahagi sa mga bata kung ano ang nararamdaman nila kapag nakikita nila ang templo. Sabihin sa mga bata na ang mga nararamdamang iyon ay ang Espiritu Santo na nagsasabi sa atin na ang templo ay isang espesyal na lugar. Sabihin sa mga bata na kumilos tulad ng gagawin nila kung nasa loob sila ng templo. Halimbawa, maaari silang magsalita nang pabulong at umupo nang may pag-galang. Sama- samang kantahin ang “Templo’y Ibig Makita,” Aklat ng mga Awit Pambata, 99, at hikayatin ang mga bata na mithiin na makapasok sa templo balang araw.

MATEO 21:28–32

Maaari akong maging masunurin.

Nais ng Ama sa Langit na maging masunurin tayo. Ang talinghaga ng dalawang anak na lalaki ay isang pagka-kataon upang ituro ang kahalagahan ng pagsunod.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdrowing ng larawan ng dalawang anak na lalaki sa pisara, at gamitin ang mga drowing habang isinasalaysay mo ang talinghaga sa Mateo 21:28–32. Sinong anak ang gumawa nang tama sa huli? Sabihin sa mga bata na tukuyin ang mga bagay na magagawa nila para maging masunurin sa tahanan. Sabihin sa kanila na idrowing ang kanilang sarili na ginagawa ang isa sa mga bagay na iyon.

• Ipabahagi sa mga bata ang mga karanasan nila kung saan ay naging masunurin sila sa kanilang mga magulang o sa ibang tagapag- alaga o lider. Paano sila pinagpala sa pagiging masunurin? Paano sila magiging mas masunurin sa hinaharap?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

LUCAS 19:1–10

Kapag hinahanap ko ang Tagapagligtas, Siya ay natatagpuan ko.

Maaari mong gamitin ang kuwento tungkol kay Zaqueo upang matulungan ang mga bata na mag- isip ng mga bagay na maaari nilang gawin para mapalapit sa Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Lucas 19:1–10, na humihinto pagkata-pos ng ilang mga talata para talakayin ang natutu-tuhan natin tungkol kay Zaqueo. Ano ang ginawa ni Zaqueo para makita niya ni Jesus? Paano siya tumu-gon nang sabihan siya ni Jesus na bumaba mula sa puno? Magpabahagi sa bawat bata ng isang dahilan kung bakit gusto nilang makita si Jesus. Kung pumunta ang Tagapagligtas sa inyong lungsod, ano ang gagawin mo para maghanda?

• Sabihin sa mga bata na mag- isip ng mga taong alam nila na tulad ni Zaqueo na maaaring naghahanap sa Tagapagligtas. Itanong sa mga bata kung ano ang maaari nilang gawin para tulungan ang iba na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas.

79

MATeo 21–23; MARCoS 11; LuCAS 19–20; JuAN 12

• Hikayatin ang mga bata na magbahagi ng mga kara-nasan kung saan ay nadama nilang nalalaman ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang tungkol sa kanila at na minahal Nila sila.

MATEO 21:12–14

Ang templo ay isang banal na lugar na dapat kong igalang.

Paano makakatulong sa iyo ang salaysay tungkol sa paglilinis ng Tagapagligtas sa templo para maituro sa mga bata ang tungkol sa kabanalan ng mga templo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa mga bata ang Mateo 21:12–14. Ipakita ang larawang Nililinis ni Jesus ang Templo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 51), at itanong sa kanila kung anong talata ang ipinapakita sa larawan. Sabi-hin sa kanila na magdrowing ng mga larawan ng maaaring hitsura ng templo bago at matapos itong linisin ni Jesus.

• Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang naram-daman nila nang sila ay pumasok sa loob ng isang templo, bumisita sa bakuran ng templo, o tumingin sa mga litrato ng mga templo. Ano ang nakatulong sa kanila na malaman na ang templo ay isang sagra-dong lugar?

• Anyayahan ang isa o higit pang mga kabataan na magsalita sa klase kung paano sila naghanda na makapasok sa templo. Kung nakapunta na sila sa templo, hilingin na magsalita sila tungkol sa nadama nila noong naroon sila.

• Gupitin ang larawan ng isang templo para maging mga piraso ng isang puzzle, at bigyan ang bawat bata ng isang piraso. Sabihin sa mga bata na isulat

sa likod ng kanilang piraso ng puzzle ang isang bagay na magagawa nila para maghanda sa pag-pasok sa templo. Habang nagbabahagi ang bawat bata ng isang ideya, idagdag ang kanyang piraso sa puzzle.

MATEO 23:25–28

Kailangan kong maging mabuti sa aking mga kilos at mga hangarin.

Itinuro ni Jesus sa mga eskriba at mga Fariseo ang tungkol sa kahalagahan ng tunay na pamumuhay ng ebanghelyo—hindi lamang para magkunwaring maba-it. Ano ang makakatulong sa mga bata na maunawaan ang katotohanang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Habang binabasa mo ang Mateo 23:25–28 sa mga bata, isiping ibahagi ang kahulugan ng mapagpa-imbabaw mula sa Bible Dictionary [Diksiyonaryo ng Biblia]: “Isang taong nagkukunwaring relihiyoso.” Bakit masamang maging isang mapagpaimbabaw?

• Magpakita sa mga bata ng isang tasa na malinis sa labas ngunit marumi sa loob para makatulong na mailarawan ang metapora sa Mateo 23:25. Paano natin matitiyak na malinis at dalisay ang ating kalooban?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Tulungan ang mga bata na pumili ng isang alituntunin o gawain sa klase na ibabahagi nila sa kanilang pamilya sa tahanan o bahay.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoSuportahan ang mga magulang ng mga bata. “Ang mga magulang ang pinakamahahalagang guro ng ebanghelyo para sa kanilang mga anak—nasa kanila kapwa ang pangunahing responsibilidad at ang pinakadakilang kapangyarihang impluwensyahan ang kanilang mga anak (tingnan sa Deuteronomio 6:6–7). Habang tinuturuan mo ang mga bata sa simbahan, mapanalanging [hanapin ang mga paraan para] masuportahan ang mga magulang sa kanilang mahalagang tungkulin” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).

Ang templo ay isang sagradong lugar (Mateo 21:12–14).

81

MAYO 27–HUNYO 2

Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 25; Marcos 12–13; Lucas 21“Ang Anak ng Tao ay Paparito”

Pag- isipang mabuti kung ano ang kailangang matutunan ng mga batang tinuturuan mo mula sa Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 25; Marcos 12–13; at Lucas 21. Huwag mag- atubiling iangkop ang mga ideya para sa mas malalaking bata sa outline na ito para sa mga batang musmos at vice versa.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Magpakita ng isang larawan na may kaugnayan sa isa sa mga kuwentong babasahin sa linggong ito (tulad ng larawan tungkol sa sampung dalaga mula sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Ipabahagi sa mga bata ang nalalaman nila tungkol sa kuwento.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

JOSEPH SMITH—MATEO 1:31

Bago bumalik si Jesus, ang ebanghelyo ay ipapangaral sa buong daigdig.

Sinabi ni Jesus na bago Siya bumalik, ang ebanghel-yo ay ipapangaral sa buong daigdig. Ang mga bata ay makakatulong sa pagtupad ng propesiyang ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita ng isang mapa, globo, o larawan ng daig-dig (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 3) at tulungan ang mga bata na sabihing, “Ang Ebang-helyong ito . . . ay ipangangaral sa buong daigdig” ( Joseph Smith—Mateo 1:31 ). bakit nais ng Diyos na marinig ng lahat ng Kanyang mga anak ang Kanyang ebanghelyo?

• Pagmartsahin ang mga bata sa kanilang lugar habang sabay- sabay ninyong kinakanta ang “Nais Ko nang Maging Misyonero” at “Tinawag upang sa Diyos Maglingkod,” Aklat ng mga Awit Pambata, 90, 95. Anyayahan ang mga full- time o kakauwi lang na mga missionary na ibahagi ang kanilang mga kara-nasan sa pagbabahagi ng ebanghelyo at tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga paraan para maibahagi nila ang ebanghelyo.

MATEO 25:14–30

Magagamit ko ang mga kaloob na ibinigay sa akin ng Diyos.

Natutuklasan ng mga batang musmos ang kanilang mga kaloob at kakayahan. Tulungan silang maunawaan

Ang

Ikala

wang

Pag

parit

o, n

i Har

ry

Ande

rson

.

82

MAyo 27–HuNyo 2 

na ang mga kaloob at kakayahang ito ay nagmumula sa Ama sa Langit.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng ilang barya na magagamit habang ikinukuwento mo ang talinghaga ng mga talento na nasa Mateo 25:14–30. Maaari mong hilingin sa tatlong bata na maging kinatawan ng tatlong alipin. Ipaliwanag na noong panahon ni Jesus, ang talento ay tumutukoy sa pera, ngunit ngayon, ang talento ay maaaring tumutukoy ito sa ating mga kaloob at kakayahan.

• Hilingin sa mga bata na magbahagi tungkol sa mga paraan na tinutulungan sila ng kanilang mga magu-lang, kapatid, guro, o kaibigan. Anong mga kakaya-han ang taglay ng mga taong ito na tumutulong sa kanilang maglingkod sa iba?

• Magsulat ng mga munting liham sa mga bata na nagsasabi sa bawat isa sa kanila ng tungkol sa mga kaloob o kakayahang napansin mong taglay nila. Balutin ang bawat munting liham na tulad ng isang regalo at sabihin sa mga bata na buksan ang kani-lang “mga kaloob.” Hikayatin sila na pagbutihin pa ang kanilang mga kaloob at gamitin ang mga ito sa paglilingkod sa iba.

MATEO 25:31–46

Gusto ni Jesus na paglingkuran ko ang iba.

Naglilingkod tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga taong naka-paligid sa atin. Kahit na ang mga batang musmos ay makapaglilingkod sa iba.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang mga talinghaga sa Mateo 25:34–46. Tulungan ang mga bata na maunawaan na kapag naglilingkod tayo sa iba, pinaglilingkuran natin si Jesucristo.

• Itaas ang larawan ng isang bata sa iyong klase na may larawan ni Jesus na nakatago sa likod nito. Ano ang magagawa natin para paglingkuran ang batang ito? Alisin ang larawan ng bata at ipaliwanag na

kapag pinaglilingkuran natin ang isa’t isa, pinagliling-kuran natin si Jesus.

• Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng mga larawan ng kanilang sarili na naglilingkod sa iba sa mga paraang inilarawan ng Tagapagligtas sa Mateo 25:35–36. Pahulaan sa ibang mga bata kung ano ang ginagawa nila.

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan kung saan ipinakita ng isang tao ang mala- Cristong paglilingkod sa kanila o sa kani-lang pamilya.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

JOSEPH SMITH—MATEO 1:31

Bago bumalik si Jesus, ang ebanghelyo ay ipangangaral sa buong daigdig.

Maaaring tumulong ang mga batang tinuturuan mo na ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga pagpapalang natanggap o tatanggapin nila dahil sila ay mga miyembro ng Simbahan ni Cristo. Sama- samang basahin ang Joseph Smith—Mateo 1:31, at itanong sa mga bata kung paano pagpa-palain ng ebanghelyo ang mga anak ng Diyos sa buong mundo.

• Ipakita sa mga bata ang isang mapa ng mundo o ng inyong bansa, at tulungan silang tukuyin ang ilang lugar kung saan nangaral ng ebanghelyo sa isang mission ang isang kapamilya o kaibigan.

• Hilingin sa ilang bata na dumating sa klase na han-dang ibahagi kung paano ipinakilala ang ebanghel-yo sa mga miyembro ng kanilang pamilya o kanilang mga ninuno. Kung maaari, hilingin sa isang tao sa ward na naglingkod sa isang full- time mission na magbahagi ng isang karanasan sa pangangaral ng ebanghelyo.

• Hilingin sa bawat bata na isulat ang pangalan ng isang tao na maaari nilang kausapin tungkol sa

83

JoSePH SMITH—MATeo 1; MATeo 25; MARCoS 12–13; LuCAS 21

ebanghelyo o anyayahan sa simbahan. Hilingin din sa mga bata na ilista ang mga bagay na magagawa nila para maging mga missionary ngayon.

MATEO 25:1–13

Responsibilidad ko ang sarili kong pagbabalik- loob sa ebanghelyo.

Itinuturo ng talinghaga ng sampung dalaga na hindi natin maaaring iasa sa iba ang ating pagbabalik- loob sa ebanghelyo. Paano mo matutulungan ang mga bata na panagutan ang kanilang sariling pagbabalik- loob?

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin sa isang bata at sa isa sa kanyang mga magulang na dumating na handang magbahagi kung paano nila natutuhan sa bahay ang tungkol sa talinghaga ng sampung dalaga sa linggong ito.

• Magdrowing ng isang lampara sa pisara, at sulatan ito ng patotoo. Bigyan ang bawat bata ng isang papel na tulad ng hugis ng mga patak ng langis, at sabihin sa bawat bata na isulat dito ang isang bagay na gagawin niya para lalong magbalik- loob sa ebanghelyo. Idikit ang kanilang mga patak sa pisara sa paligid ng lampara.

• Sabihin sa mga bata na tulungan kang ilista ang mga bagay na dapat gawin upang maghanda para sa isang espesyal na bisita. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay na ito sa mga paraan ng ating espirituwal na paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

• Sa limang piraso ng papel, isulat ang mga bagay na hindi maaaring hiramin. Sa lima pang piraso ng papel, isulat ang mga bagay na maaaring hiramin. Balasahin ang mga piraso ng papel, at sabihin sa

mga bata na igrupo ang mga piraso ng papel ayon sa dalawang grupong ito. Sama- samang basahin ang Mateo 25:1–13. bakit mahalagang hindi natin iasa sa iba ang ating pagbabalik- loob sa ebanghelyo?

MATEO 25:14–46

Sa Huling Paghuhukom, mag- uulat tayo sa Panginoon tungkol sa ating buhay.

Matapos ang Pagkabuhay na Mag- uli, hahatulan tayo ng Diyos batay sa ating pagsunod sa Kanyang mga kautusan at pagtanggap ng nagbabayad- salang sakri-pisyo ng Tagapagligtas. Ang talinghaga ng mga talento at ang talinghaga ng tupa at mga kambing ay nagtutu-ro sa atin tungkol sa Huling Paghuhukom na ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa kalahati ng klase ang Mateo 25:14–30 at sa natitirang kalahati ang Matthew 25:31–46. Sabi-hin sa mga grupo na isadula ang mga talinghaga sa klase.

• Ipabasa ang Mateo 25:35–36 sa mga bata bilang makakapares at ipalista sa kanila ang mga bagay na magagawa nila upang ipakita ang kanilang pagma-mahal kay Jesucristo.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang mga paraan para maging mas mahuhusay silang missionary at pag- usapan sa kanilang pamilya ang tungkol sa mga tao na maaari nilang bahaginan ng ebanghelyo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoPakinggan o isadula ang isang kuwento. Dahil gustung- gusto ng mga bata ang mga kuwento, humanap ng mga paraan para maisali sila sa mga kuwento sa banal na kasulatan na ibinabahagi mo. Maaari silang humawak ng mga larawan o bagay, magdrowing ng mga larawan ng kuwento, magsadula ng kuwento, o tumulong na isalaysay ang kuwento. Ulitin ang mga kuwento para tulungan silang malaman ang mahahalagang detalye at mga turo ng ebanghelyo.

Katapusan

Simula

Nais ng Tagapagligtas na ibahagi ko ang ebanghelyo (Joseph Smith—Mateo 1:31).

Maibabahagi ng mga bata sa buong mundo ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagpapakita

ng pagmamahal at kabaitan, pag- anyaya sa isang tao na pumunta

sa simbahan, paglilingkod sa iba, at pamimigay ng Aklat ni Mormon.

Kulayan ang mga puso para ipakita ang landas ng batang babae habang

ibinabahagi niya ang ebanghelyo sa kanyang kaibigan.

85

HUNYO 3–9

Juan 13–17“Magsipanatili Kayo sa Aking Pagibig”

Ipagdasal na malaman ang mga pangangailangan ng mga batang iyong tinuturuan habang binabasa mo ang Juan 13–17. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong sa iyo upang maunawaan ang doktrina at magbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo sa mga bata sa iyong klase.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Para matulungan ang mga bata na ibahagi sa tahanan ang kanilang natututuhan, magpasa ng isang pusong papel at anyayahan ang bawat bata na ibahagi ang isang bagay na ginagawa niya para ipakita ang pagma-mahal sa iba kapag siya na ang may hawak sa puso.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

JUAN 13:1–17

Gusto ni Jesus na paglingkuran ko ang iba.

Ang kuwento ni Jesus na hinuhugasan ang mga paa ng Kanyang mga Apostol ay isang halimbawa ng mapag-pakumbabang paglilingkod. Paano mo mahihikayat ang mga bata na tularan ang halimbawa ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gamitin ang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya para matulungan kang isalay-say ang kuwento sa Juan 13:1–17. Sabihin sa mga bata na tukuyin ang mga detalye mula sa kuwento na nasa mga larawan.

• Magpakita ng mga larawan ni Jesus na naglilingkod sa iba (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo o sa mga magasin ng Simbahan para sa mga ideya). Pagsalit- salitin ang mga bata sa paghawak ng mga larawan habang isinasalaysay mo ang mga kuwento sa larawan (maaari mo silang patulungin sa pagku-kuwento kung kaya na nila).

• Itanong sa mga bata kung ano ang nararamdaman nila kapag tinutulungan sila ng iba. Ipadrowing sa mga bata ang mga paraan na masusundan nila ang mga halimbawa ni Jesus ng paglilingkod sa iba.

In R

emem

bran

ce o

f Me,

ni W

alte

r Ran

e

86

HuNyo 3–9 

JUAN 13:34–35; 14:15

Maipapakita ko ang aking pagmamahal para kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawa-an na ang pagsunod ay palatandaan na mahal nila si Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Bigyan ang bawat bata ng isang papel na puso na lalagyan ng dekorasyon. Sabihin sa kanila na itaas ang kanilang puso tuwing kakantahin nila ang salitang “pag- ibig” sa “Mahalin Bawat Tao, Sabi ni Cristo” at “Mahalin ang Bawat Isa,” Aklat ng mga Awit Pambata, 39, 74.

• Tulungan ang mga bata na maisaulo ang Juan 14:15 sa pamamagitan ng pagtataas ng kanilang mga papel na puso kapag sinasabi nila ang, “Kung ako’y inyong iniibig,” at ang isang larawan ng mga tapyas na bato kapag sinasabi nila ang, “Ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.”

• Sabihin sa mga bata na magsalitan sa pag- arte ng isang kabaitan na magagawa nila para sa isang tao para ipakita ang kanilang pagmamahal kay Jesus. Pahulaan sa iba pang mga bata ang ginagawa nila.

• Ipagawa sa mga bata ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito.

JUAN 14:26–27; 15:26; 16:13–14

Tinutulungan ako ng Espiritu Santo na mas mapalapit kay Jesus.

Bagama’t hindi pa natatanggap ng mga batang tinu-turuan mo ang kaloob na Espiritu Santo, kaya na nilang matutuhan ngayon kung paano gumagana ang kapangyarihan ng Espiritu Santo sa kanilang buhay.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawang Ang Huling Hapunan (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 54). Ipaliwanag sa mga bata na sa Huling Hapunan, itinuro ni Jesus sa Kan-yang mga disipulo ang tungkol sa Espiritu Santo.

• Sabihin sa mga bata na ilagay ang kanilang mga kamay sa tapat ng kanilang puso at sa kanilang ulo.

Buksan ang mga banal na kasulatan sa Doktrina at mga Tipan 8:2 at ipaliwanag na ang Espiritu Santo ay maaaring makipag- usap sa atin “sa [ating] isipan at sa [ating mga] puso,” o sa pamamagitan ng ating mga iniisip at nadarama.

• Patayin ang mga ilaw at itaas ang isang larawan. Pagkatapos ay tapatan ng ilaw ng flashlight ang lara-wan. Itanong sa mga bata kung paano naihahalintu-lad ang flashlight sa Espiritu Santo.

• Kasama ang mga bata, kantahin ang “Ang Espiritu Santo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 56, sa “marahan at banayad na tinig.” Sabihin sa kanila na pakinggan ang mga bagay na ginagawa ng Espiritu Santo.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

JUAN 13:34–35; 14:15; 15:10–14

Maipapakita ko ang aking pagmamahal para kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan.

Habang binabasa mo ang mga talatang ito sa iyong personal na pag- aaral, isipin ang mga batang tinutu-ruan mo. Paano sila mapagpapala kapag naunawaan nila na ang pagsunod ay tanda ng pagmamahal nila sa Tagapagligtas?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na maisaulo ang Juan 13:34–35. Ang isang paraan para magawa ito ay ang pagkanta ng “Mahalin ang Bawat Isa,” Aklat ng mga Awit Pambata, 74, at tulungan ang mga bata na matutuhan ang mga galaw na para dito.

• Sabihin sa mga bata na isulat sa pisara ang mga paraan na ipinakita ni Jesus na minamahal Niya tayo. Maaari mong ipakita ang mga larawan mula sa buhay ng Tagapagligtas para matulungan sila (para sa mga ideya, tingnan ang Aklat ng Sining ng Ebang-helyo). Paano natin maipakikita ang pagmamahal sa iba tulad ng ginawa Niya? Sabihin sa bawat bata na tumayo at magbahagi ng isang bagay na magagawa niya para maipakita ang “[pagmamahalan] sa isa’t isa” ( Juan 13:34).

87

JuAN 13–17

• Ipabasa sa isang bata ang Juan 14:15. Isa- isang paguhitin ang mga bata ng mga larawan na nagpa-pakita na sinusunod ng isang tao ang isang kautu-san. Huhulaan ng iba kung ano ang iginuguhit niya. Para sa mga halimbawa ng mga kautusan, tingnan ang Para sa Lakas ng mga Kabataan. Bakit isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa Tagapag-ligtas ang pagsunod sa mga kautusan?

JUAN 14:26; 15:26; 16:13

Ang Espiritu Santo ang gumagabay, umaalo, at nagpapatotoo ng katotohanan.

Ngayong marami na sa mga bata ang tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo, paano mo sila matutulungan na mas maunawaan ang mga papel na ginagampanan ng Espiritu Santo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Pagpartnerin ang mga bata at ipabasa sa magkaka-pares ang sumusunod na mga talata: Juan 14:26; 15:26; at 16:13. Sabihin sa kanila na hanapin ang mga salitang nagtuturo sa kanila kung ano ang ginagawa ng Espiritu Santo. Isulat sa pisara ang mga salita.

• Magbahagi ng karanasan kung saan ang Espiritu Santo ay ginabayan ka, inalo ka, nagbabala sa iyo o nagpatotoo sa iyo tungkol sa katotohanan. Anyaya-han ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan nila sa Espiritu Santo. Paano ko nakilala ang implu-wensya ng Espiritu Santo?

• Ipaguhit sa bawat bata ang kanyang mukha sa isang papel na supot. Tapatan ang mga supot ng ilaw ng flashlight, na kumakatawan sa Espiritu Santo. Pagkatapos ay lagyan ang mga supot ng mga bagay

na haharang sa ilaw, tulad ng bandana o tisyu, para ituro na ang ating mga maling pagpili ay maglilimita sa impluwensya ng Espiritu Santo sa ating buhay. Sabihin sa mga bata na alisin ang bandana o tisyu mula sa kanilang mga supot na kakatawan sa pagsisisi.

JUAN 15:1–8; 17:3

Nais ng Ama sa Langit at ni Jesus na makilala ko Sila.

Pagpapalain mo ang buhay ng mga bata magpaka-ilanman sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdispley ng isang halaman habang nagsasalitan ang mga bata sa pagbabasa ng mga talata sa Juan 15:1–8. Paano natutulad sa isang puno ng ubas si Jesucristo? Paano tayo katulad ng mga sanga? Ano ang magagawa natin upang maging malapit sa Tagapagligtas?

• Basahin nang malakas ang Juan 17:3. Itanong sa mga bata kung ano ang mga ginagawa nila para makilala ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ibahagi kung paano mo Sila kinikilala.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na magtanong sa isang kapamilya kung ano ang magagawa nila para mapag-lingkuran ang kapamilyang ito. Sa klase sa susunod na linggo, bigyan ng oras ang mga bata na ibahagi ang kanilang ginawa.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoIakma ang mga aktibidad. Kung nagtuturo ka ng mga batang musmos, maaari kang makahanap ng mga karagdagang ideya sa bahagi ng outline na ito para sa nakatatandang mga bata na maaari mong iakma para sa iyong klase. Gayundin, ang mga aktibidad para sa mga batang musmos ay maaaring iangkop sa pagtuturo ng nakatatandang mga bata.

Maglagay ng m

aliit na item, tulad ng m

unggo, sa simula ng landas. Isulat ang m

ga bilang na 1, 2, at 3 sa magkakahiw

alay na papel at ilagay ang m

ga ito sa isang lalagyan. Pumili ng isang papel m

ula sa lalagyan at iabante ang item ayon sa bilang ng m

ga puwang

na nasa papel. Kapag humantong ang item

sa , m

agsabi ng isang kautusan na kaya mong sundin (tingnan sa Juan 14:15).

Kapag humantong ang item

sa , m

agsabi ng isang paraan para magpakita ng pagm

amahal sa iba (tingnan sa Juan 13:34–35).

Simula

Ipinapakita ko ang aking pagmam

ahal kay Jesucristo sa pam

amagitan ng pagsunod sa Kanyang m

ga utos (Juan 13:34–35; 14:15; 15:10–14).

89

HUNYO 10–16.

Mateo 26; Marcos 14; Lucas 22; Juan 18“Huwag ang Ayon sa Ibig Ko, Kundi ang Ayon sa Ibig Mo”

Habang binabasa mo ang Mateo 26; Marcos 14; Lucas 22; at Juan 18, hanapin ang mga alituntunin na nadarama mong kailangang maunawaan ng mga bata.

T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipakita ang mga larawan ng mga pangyayari sa mga kabanatang ito, tulad ng Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 54, 55 at 56, at ipalarawan sa mga bata ang nang-yayari sa mga larawan.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MARCOS 14:22–25; LUCAS 22:19–20

Ang sakramento ay tumutulong sa akin na isipin si Jesus.

Tulungan ang mga bata na maunawaan na ang pakiki-bahagi sa sakramento ay isang pagkakataon para isipin si Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang salaysay tungkol sa pagpapakilala ni Jesus ng sakramento. Maaari mong gamitin ang “Kabanata 49: Ang unang Sacrament,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 124–26. Tulungan ang mga bata na maunawaan na inaalaala natin si Jesucristo sa oras ng sakramento.

• Itanong sa mga bata kung nalalaman nila kung ano ang kinakatawan ng tinapay at tubig. Ipaliwanag na ang mga sagisag na ito ay tumutulong sa atin na maalala na si Jesus ay namatay para sa atin at nag-bangon mula sa mga patay. Ipakita ang isang piraso ng tinapay at isang baso ng tubig habang tinutu-lungan mo ang mga bata na maisaulo ang mga katagang “Sa pagalaala sa [Kanya]” (Lucas 22:19).

• Sabihin sa mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at isipin ang isang taong mahal nila, at pagka-tapos sabihin sa kanila na magkuwento sa iyo tung-kol sa taong iyon. Sabihin sa kanila na muling ipikit ang kanilang mga mata, isipin ang Tagapagligtas, at pagkatapos ay ibahagi ang mga bagay na nalalaman nila tungkol sa Kanya. Hikayatin sila na isipin si Jesus sa oras ng sakramento bawat linggo.

• Anyayahan ang mga bata na ipakita kung ano ang maaari nilang gawin para maalala si Jesus at maging mapitagan sa oras ng sakramento.

• Tulungan ang mga bata na gumawa ng buklet na inilalarawan sa pahina ng aktibidad sa linggong ito. Imungkahi na gamitin nila ito para matulungan silang isipin si Jesus sa oras ng sakramento.

• Tulungan ang mga bata na humanap sa ilang maga-sin ng Simbahan ng mga larawan ni Jesus at lumik-ha ng isang collage na matitingnan nila habang nasa sacrament meeting.

And

It W

as N

ight

, ni B

enja

min

M

cPhe

rson

90

HuNyo 10–16. 

MATEO 26:36–46

Nagdusa si Jesus para sa akin dahil mahal Niya ako.

Isipin kung paano mo matutulungan ang mga bata na madama ang pagmamahal ni Jesus para sa kanila habang tinatalakay ninyo ang kuwento tungkol sa Kan-yang pagdurusa sa Getsemani.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na isipin ang isang pagkaka-taon na sila ay nalungkot o nasaktan. Kung naa-angkop, anyayahan ang ilang bata na magbahagi. Ipakita ang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Ipaliwanag na nadama ni Jesus, sa paraang hindi natin lubos na nauunawaan, ang lahat ng sakit at lungkot na nadama ng lahat ng tao. Ibig sabihin nito matutulungan Niya tayo kapag tayo ay nalulungkot, nasasaktan, o balisa.

• Awitin ninyo ng mga bata ang “Aking Nadarama ang Pag- ibig ni Cristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 42- 43. Anyayahan sila na ibahagi kung paano nila nadarama ang pagmamahal ni Jesus.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MARCOS 14:22–24

Ang sakramento ay tumutulong sa akin na maalala si Jesucristo at ang Kanyang sakripisyo para sa akin.

Paano mo matutulungan ang mga bata na magkaroon ng mas makabuluhang karanasan sa sakramento?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagbabasa ng mga talata sa Marcos 14:22–24 (tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith, Marcos 14:20–24 [sa Gabay sa mga banal na Kasulatan]) at Doktrina at mga Tipan 20:75–79. Ano ang mga salita at ideya na magkatulad sa dalawang ito?

• Itanong sa mga bata kung ano ang mga ginagawa nila para matulungan silang isipin si Jesus habang

nasa sakramento. Tulungan silang hanapin ang mga banal na kasulatan o mga salita sa mga himno ng sakramento na maaaring basahin sa oras ng sakramento, at ilista ang mga ito sa isang kard na maaaring tingnan ng mga bata sa susunod na makikibahagi sila ng sakramento. Kantahin ang ilan sa mga awiting ito kasama ang mga bata (tingnan sa Mga Himno, blg. 87–117).

• Isulat sa pisara ang mahahalagang parirala mula sa mga panalangin sa sakramento, at tulungan ang mga bata na maisaulo ang mga ito. Ano ang kahulu-gan ng mga pariralang ito? Bakit tayo nagpapasala-mat na napapanibago natin ang ating mga tipan sa binyag sa bawat linggo?

• Anyayahan ang isang mayhawak ng Aaronic Priest-hood na ikuwento sa mga bata ang tungkol sa kan-yang mga karanasan sa paghahanda, pagbabasbas, o pagpapasa ng sakramento. Ano ang nakakatulong sa kanya na maghanda sa paggawa nito? Ano ang nararamdaman niya habang ginagawa niya ito? Paano napapaalaala sa kanya ng tinapay at tubig ang Tagapagligtas?

• Hilingin sa mga bata na nabinyagan na ibahagi ang mga naaalala nila tungkol sa kanilang binyag. Ano ang naramdaman nila? Anong mga tipan ang ginawa nila? (tingnan sa Mosias 18:8–10). Sabihin sa kanila na kapag tumatanggap tayo ng sakra-mento tuwing Linggo, ito ay parang pagpapabin-yag na muli—maaari tayong mapatawad sa ating mga kasalanan, at tayo ay nagpapanibago ng ating mga tipan.

MATEO 26:36–42

Sa Getsemani, dinala ni Jesucristo sa Kanyang sarili ang aking kasalanan at pasakit.

Ang kaalaman tungkol sa ginawa ni Jesus para sa atin sa Getsemani ay makakatulong sa mga bata na magsisi sa kanilang mga kasalanan at bumaling sa Tagapaglig-tas kapag nakararanas sila ng mahihirap na pagsubok.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa mga bata ang Mateo 26:36–42, na hinahanap ang mga salita o kataga na naglalarawan

91

MATeo 26; MARCoS 14; LuCAS 22; JuAN 18

ng nadama ni Jesus sa Getsemani. Ano ang narara-nasan noon ni Jesus na naging dahilan kung bakit ganito ang Kanyang nadama? Bigyan ang mga bata ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang damdamin tungkol kay Jesus at sa Kanyang sakripisyo para sa atin.

• Sabihin sa mga bata na ibahagi ang isang pagka-kataon na sila ay nalungkot o nasaktan. Itanong sa kanila kung mayroon silang kakilala na nakara-nas din ng ganoon. Ipaliwanag na sa Getsemani, nadama ni Jesus ang lahat ng pasakit at lungkot na nadama ng lahat ng tao. Ginawa Niya ito para mapanatag Niya tayo kapag kailangan natin ng kapanatagan (tingnan sa Alma 7:11–12).

• Bigyan ang isang bata ng patpat na mas mahaba kaysa sa lapad ng pintuan ng silid- aralan, at sabihin sa kanya na hawakan ito nang pahalang habang sinusubukang lumakad papasok sa pinto. Ipaliwa-nag na ang patpat ay kumakatawan sa ating mga kasalanan, na pumipigil sa atin na makapasok sa kaharian ng Diyos. Kunin ang patpat para ipakita na inako ni Jesus sa Kanyang sarili ang ating mga kasalanan para maaari tayong mapatawad kapag tayo ay nagsisi.

LUCAS 22:39–44

Masusundan ko ang halimbawa ni Jesus sa pamamagitan ng pagiging masunurin sa Ama sa Langit.

Ipinakita ni Jesus ang pagsunod sa Ama nang sabihin Niyang, “Huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo” (Lucas 22:42). Paano mo matutulungan ang mga bata na matuto mula sa halimbawa ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakabisa sa mga bata ang katagang “Huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo” (Lucas 22:42) at talakayin ang kahulugan nito. Ano ang

maaari nating gawin upang sundin ang kalooban ng Ama sa Langit?

• Tulungan ang mga bata na tukuyin ang ilang utos na nasunod na nila. Itanong: Anong mga pagpapa-la ang tinanggap ninyo sa pagiging masunurin sa Ama sa Langit, kahit na napakahirap nito? Anyaya-han silang ibahagi ang kanilang mga karanasan at patotoo.

LUCAS 22:41–43

Makatatanggap ako ng tulong kapag nagdarasal ako.

Nang magdasal si Jesus sa Getsemani, nagpakita ang isang anghel para palakasin Siya. Nauunawaan ba ng mga batang tinuturuan mo na makapagdarasal din sila sa Ama sa Langit na palakasin sila?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ikuwento sa mga bata ang nasa Lucas 22:41–43 (marahil sa pamamagitan ng paggamit ng “Kaba-nata 51: Nagdusa si Jesus sa Halamanan ng Get-semani,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 129–32. Ipaliwanag na noong nanalangin si Jesus, ipinadala ng Ama sa Langit ang isang anghel para palakasin Siya. Sino ang ipinapadala ng Ama sa Langit para palakasin tayo?

• Ipakita ang larawan ng anghel na pumapanatag kay Cristo sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at magbahagi ng isang karanasan kung saan nadama mong pinalakas ka ng Ama sa Langit.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na ibahagi sa kanilang pamilya ang mga gagawin nila sa oras ng sakramento para maalala si Jesus.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMagpatotoo sa iyong klase. Ang patotoo ay maaaring maging kasing simple ng, “Alam ko na mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa inyo” o “Maganda ang aking pakiramdam kapag natututo ako ng tungkol kay Jesucristo.”

Tinutulungan ako ng sakramento na isipin si Jesus (Marcos 14:22–25).Kulayan ang mga larawan. Gupitin sa paligid ang solidong parihaba, at saka ito tupiin sa

tulduk- tuldok na mga linya para makagawa ng isang buklet na magkakasunod ang mga pahina.

Ang Sakramento

Pinasimulan ni Jesus ang sakramento sa Kanyang mga Apostol.

Maaari kong isipin si Jesus sa oras ng sakramento.

Maaari akong makinig habang binibigkas ang mga panalangin sa sakramento.

Tumatanggap tayo ng sakramento ngayon tulad ng itinuro ni Jesus noong panahon Niya.

1

2

4

3

93

HUNYO 17–23

Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19“Naganap Na”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbabasa ng Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; at Juan 19. Mapanalanging hangarin na maunawaan ang mga pangangailangan ng mga bata.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipahawak sa bawat bata ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Habang hawak ang larawan, ang bawat bata ay makapagbaba-hagi ng isang bagay na alam niya tungkol sa paraan ng pagkamatay ni Jesus.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 27:11–66; LUCAS 23; JUAN 19

Dahil namatay si Jesus para sa akin, ako ay maaaring mabuhay na mag- uli.

Maaaring mabalisa ang mga batang musmos sa mga salaysay tungkol sa Pagpapako kay Jesus sa krus. Ang “Kabanata 52: Ang mga Paglilitis kay Jesus” at “Kabana-ta 53: Ipinako si Jesus sa Krus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 133–38, ay isang magandang halimbawa kung paano mo maaaring maisalaysay ang kuwentong ito sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa

mga Indibiduwal at Pamilya habang ikinukuwento mo ang tungkol sa paglilitis, Pagpapako sa Krus, at paglilibing kay Jesus (tingnan din sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 57 at 58). Ipabahagi sa mga bata ang mga nalalaman nila tungkol sa mga pangyaya-ring ito. Bigyang- diin na sa ikatlong araw, si Jesus ay nabuhay na mag- uli, na ibig sabihin ay muli Siyang nabuhay.

• Sabihin sa mga bata na tukuyin ang ilang bagay na ginagawa ng mga magulang nila para sa kanila na hindi nila magagawa para sa kanilang sarili. Ipakita ang isang larawan ng Tagapagligtas. Ipaliwanag na dahil kay Jesus, tayo ay maaaring mabuhay na mag- uli—isang bagay na hindi natin kayang gawin sa ating sarili.

• Ipakita ang larawan ng isang taong kakilala mo na namatay na. Magpatotoo na dahil kay Jesus, ang taong iyon ay mabubuhay muli.

MATEO 27:26–37; LUCAS 23:34

Mapapatawad ko ang iba tulad ng ginawa ni Jesus.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawa-an kung paano patatawarin ang mga hindi mabubuti, tulad ng ginawa ni Jesus?

Ecce

Hom

o, n

i Ant

onio

Cise

ri

94

HuNyo 17–23 

Mga Posibleng Aktibidad

• Ilarawan kung gaano kasama ang mga sundalo kay Jesus (tingnan sa Mateo 27:26–37), at pagkatapos ay basahin ang Lucas 23:34. Ipaliwanag na kapag pinatawad natin ang iba, inaalis natin ang ating mga sama- ng- loob sa kanila at nagpapakita ng pagmamahal.

• Magbahagi ng mga sitwasyon kung saan ang isang tao ay nagsasalita o gumagawa ng isang bagay na hindi mabuti. Sabihin sa mga bata na ipakita kung paano nila patatawarin ang taong iyon.

• Isulat sa pisara ang mga salita o parirala mula sa “Ama, Ako’y Tulungan,” Aklat ng mga Awit Pamba-ta, 52. Ipakanta sa mga bata nang ilang ulit ang awi-tin, na binubura ang ilang salita sa bawat pagkanta hanggang sa matutuhan nila ang buong awitin. Ayon sa mga awiting ito, sino ang dapat nating patawarin? Sino ang makakatulong sa atin kapag mahirap gawin ang pagpapatawad?

• Saliksikin ang huling isyu ng Friend o Liahona para maghanap ng kuwento tungkol sa isang batang nagpatawad ng isang tao. Ibahagi ang kuwentong ito sa mga bata.

LUCAS 23:32–33, 39–43

Dahil si Jesus ay nagdusa at namatay para sa akin, ako ay maaaring magsisi at mapatawad.

Bagama’t ang mga batang wala pang walong taong gulang ay wala pang pananagutan, mahalaga para sa kanila na magsimula nang pag- aralan ngayon kung paano pagsisihan ang mga maling pasiyang ginaga-wa nila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang Lucas 23:32–33, 39–43, at ituro ang dala-wang magnanakaw sa larawan 57 sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo. Ipaliwanag na noong pinagtawanan ng unang magnanakaw ni Jesus, inamin naman ng pangalawang magnanakaw na siya ay nagkamali—nagsisimula na siyang magsisi.

• basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:16 sa mga bata. Bakit nagdusa si Jesus para sa atin?

• Ipaliwanag na matutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na itama ang ating mga kasalanan at pagkakamali at makatanggap ng kapatawaran.

• Magpalagay sa mga bata ng mga marka ng chalk o yeso sa pisara na kakatawan sa mga maling pagpili. Pagkatapos ay ipabura sa kanila ang pisara para ilarawan ang pagsisisi. Ipakita ang isang larawan ng Tagapagligtas, at magpatotoo na maaari tayong magsisi dahil sa Kanya.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 27:11–66; LUCAS 23; JUAN 19

Si Jesus ay namatay para sa akin dahil mahal Niya ako.

Bakit ka nagpapasalamat na namatay si Jesucristo para sa iyo? Isipin kung paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan ang kahalagahan ng sakripisyo ng Tagapagligtas para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ilista ang mahahalagang pangyayari mula sa Mateo 27:11–66 (para sa mga tulong sa paggawa nito, tingnan ang “Kabanata 52: Ang mga Paglilitis kay Jesus” at “Kabanata 53: Ipinako si Jesus sa Krus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 133–38). Sabihin sa mga bata na pag- aralan ang mga talatang ito at ayusin ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud- sunod.

• Bingo Bingo Bakit handang magdusa si Jesus para sa atin?

• Ipabasa sa isang bata ang Mateo 27:54., at sabihin sa mga bata na magbahagi ng mga bagay tungkol kay Jesus na makakatulong sa kanila na malaman na Siya ang Anak ng Diyos.

• Itanong sa mga bata kung ano ang natutuhan nila tungkol sa Pagpapako sa Krus sa “Masdan N’yo ang Anak ng Diyos,” Mga Himno, blg. 113, o isa pang himnong pangsakramento.

95

MATeo 27; MARCoS 15; LuCAS 23; JuAN 19

MATEO 27:26–37; LUCAS 23:34

Mapapatawad ko ang iba tulad ng ginawa ni Jesus.

Kung minsan ay mahirap patawarin ang iba. Ang mga batang tinuturuan mo ay pagpapalain kapag sila ay sumunod sa halimbawa ng Tagapagligtas at nagpata-wad sa lahat.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagbabasa ng tungkol sa mga kawal na masama kay Jesus sa Mateo 27:26–37 at pagpapatawad ni Jesus sa kanila sa Lucas 23:34. Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Jesus? 

• Isulat sa pisara ang Ano ang maaari mong gawin para patawarin ang isang taong hindi mabait sa iyo? Isa- isang pasulatin ng kanilang mga ideya sa pisara ang mga bata, tulad ng Ipagdasal na magkaroon ng mabuting nadarama para sa taong ito o Isipin ang isang mabuting katangian ng taong ito.

• Sabihin sa mga bata na gumuhit ng mga sitwas-yon kung saan hindi mabait ang isang tao at kung paano nila patatawarin ang taong ito. Ipabahagi sa kanila sa klase ang kanilang mga iginuhit.

LUCAS 23:32–33, 39–43

Dahil si Jesus ay nagdusa at namatay para sa akin, ako ay maaaring magsisi at mapatawad.

Ang lesson na ito ay isang magandang pagkakataon para magpatotoo na dahil kay Jesucristo, maaari nating pagsisihan ang ating mga kasalanan at mapatawad.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa isang bata ang Lucas 23:32–33, 39–43. Ipaliwanag na ang dalawang taong kasama ni Jesus na nakapako sa krus ay mga magnanakaw. Paano ipinakita ng isa sa mga magnanakaw na siya ay nagsisimula nang magsisi?

• Isulat ang sumusunod na pangungusap sa pisara, na ginagawang patlang ang mga nakahilig na salita: “Ako ay maaaring mapatawad kapag ako ay nagsisi dahil sa Pagbabayad- sala ni Jesucristo.” Bigyan ang mga bata ng mga clue para tulungan silang punan ang mga patlang.

• Ipahawak sa isang bata ang isang supot, at punan ito ng maliliit na bato habang nagsasabi ang ibang mga bata ng mga maling pasiya na maaaring magawa ng isang tao. Tulungan ang mga bata na ihambing ang supot sa espirituwal na pasanin na dinadala natin kapag nagkakasala tayo. Bakit katu-lad ng pag- aalis ng bato sa supot ang pagsisisi?

• Gamitin ang artikulong “Maaari Kang Magsisi at Magpatawad” (Liahona, Ago. 2015, 75) para ituro sa mga bata kung paano magsisi.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na mag- isip ng isang taong kailangan nilang patawarin at magpasiya na gawin ang isang bagay para ipakita sa taong iyon na siya ay pinatawad na nila.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMatutong kilalanin ang mga paghahayag. Ang paghahayag ay kadalasang dumarating nang “taludtod sa taludtod” (2 Nephi 28:30), hindi nang minsanan. Sa iyong pagdarasal at pagninilay sa mga banal na kasulatan at sa outline na ito, makikita mong ang mga ideya at impresyon ay maaaring dumating anumang oras at kahit saan—habang papunta ka sa trabaho, gumagawa ng mga gawaing- bahay, o nakikipag- ugnayan sa pamilya at mga kaibigan.

Pinasan ang Krus ni Jesus

Ipinako sa Krus si Jesus

Nagdalamhati

Hinatulan si Jesus

Ipinako sa Krus

Inaliw si Maria

Inilibing si Jesus

Jose ng Arimatea

Mateo 27:57–60

Juan Juan 19:25–27

Maria, Ina ni Jesus

Juan 19:25

Dalawang Magnanakaw

Mateo 27:44

Mga Kawal

Mateo 27:27–35

Simon

Mateo 27:32

Pilato M

ateo 27:1–2, 11–24

Dahil nam

atay si Jesus para sa akin, maaari akong m

abuhay na mag- uli (M

ateo 27:11–66; Juan 19).Basahin ang m

ga banal na kasulatan at gumuhit ng m

ga linya para itugma ang m

ga tao sa ginawa nila noong m

ga huling oras ni Jesus sa lupa.

97

HUNYO 24–30

Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21“Siya’y Nagbangon”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbabasa ng Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; at Juan 20–21. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong sa iyo na pumili ng mga alituntunin sa mga kabanatang ito na magiging makabuluhan sa mga bata sa iyong klase.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ang pagtingin sa isang larawan ay makakatulong sa mga bata na maalala ang mga bagay na natutuhan nila sa bahay o sa iba pang lugar. Marahil ay maaari mong ipakita ang larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indi-biduwal at Pamilya at hilingin sa mga bata na ibahagi ang nalalaman nila tungkol sa kuwento na ipinapakita sa larawan.

Ituro ang DoktrinaMga Batang Musmos

MATEO 28; MARCOS 16; LUCAS 24; JUAN 20:1–23

Tulad ng nangyari kay Jesus, muli akong mabubuhay matapos na ako ay mamatay.

Ang Pagbabayad- sala ni Jesucristo, kabilang na ang Kanyang Pagkabuhay na Mag- uli, ay ang pinakamaha-lagang pangyayari sa kasaysayan, at ito ang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano. Habang binabasa mo ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag- uli, pagnilayan kung paano mo tutulungan ang mga bata na mapala-kas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ikuwento ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesus sa sarili mong mga salita. Sabihin sa mga bata na isa- isa nilang isalaysay muli sa iyo ang kuwento. Maaari kang sumangguni sa “Kabana-ta 54: Nagbangon si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong

Feed

My S

heep

, ni K

amille

Cor

ry

98

HuNyo 24–30 

Tipan, 139–44. Ipaliwanag na nang mamatay si Jesus, humiwalay ang Kanyang Espiritu sa Kan-yang katawan. Noong Siya ay nabuhay na mag- uli, ang Kanyang Espiritu at Kanyang katawan ay muling nagsama.

• Anyayahan ang ilang miyembro ng ward na guma-nap bilang mga sundalo, mga anghel, Maria Mag-dalena, Pedro, Juan, mga disipulo, at Tomas at ikuwento ang nasaksihan nila matapos ang Pagka-buhay na Mag- uli ni Jesus.

• Bingo Magpatotoo na ang bawat tao ay mabubuhay na mag- uli balang- araw. Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga patotoo.

• Isipin na sama- samang kantahin ang “Si Jesus ba ay Nagbangon?” at “Sa Kanyang Pagbabalik,” Aklat ng mga Awit Pambata, 45, 46. Sabihin sa mga bata na isipin kung ano kaya ang pakiramdam na makita ang nabuhay na mag- uling si Jesus. Ipabahagi sa klase ang kanilang mga iniisip.

JUAN 20:24–29

Kaya kong manampalataya kay Jesucristo kahit na hindi ko Siya nakikita.

Isipin kung paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan ang kahulugan ng pananampalataya at kung paano nila maipapakita ang kanilang pananampa-lataya sa Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang kuwento tungkol sa karanasan ni Tomas sa Juan 20:24–29. Isalaysay muli ang kuwento kalaunan sa aralin, ngunit sa pagkakataong iyon ay sabihin sa mga bata na ibigay ang ilang detalye.

• Magpakita ng isang kahon na may isang bagay sa loob na hindi nakikita ng mga bata, at ilarawan ang bagay sa mga bata. Itanong sa kanila kung nanini-wala sila na ang bagay ay nasa loob talaga ng kahon at bakit. Pagkatapos ay ipakita sa kanila ang bagay, at ipaliwanag na ang pananampalataya ay pani-niwala sa mga bagay na hindi natin nakikita. Ang pinakamahalaga sa lahat ng pananampalataya na magkakaroon tayo ay ang pananampalataya kay Jesucristo.

JUAN 21:15–17

Maipapakita ko ang pagmamahal ko para kay Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

Paano mo mahihikayat ang mga bata na mahalin at tulungan ang mga nasa paligid nila?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Juan 21:15–17. Hindi ninais ni Jesus na gugulin ni Pedro ang lahat ng kanyang panahon sa pangingisda. Sa halip, gusto niya na ibahagi ni Pedro ang ebanghelyo at anyayahan ang lahat na lumapit sa Kanya. Bigyan ang bawat bata ng papel na tupa, at sabihin sa kanila na isulat dito ang isang bagay na magagawa nila para tumulong na mapa-kain ang mga tupa ni Jesus.

• Hilingin nang maaga sa ilang bata na ibahagi ang mga bagay na ginagawa nila para mahalin at pag-lingkuran ang iba, o mga paraan na napaglingkuran sila ng iba.

• Isulat ang pangalan ng bawat bata sa iyong klase sa mga piraso ng papel na hugis ng tupa, at ikalat ang mga tupang ito sa palibot ng silid. (Isama ang mga pangalan ng mga bata na hindi dumadalo nang regular.) Sabihin sa mga bata na tipunin ang mga tupa sa pamamagitan ng paghahanap ng tupa na may nakasulat na pangalan nila. Ano ang magagawa natin para paglingkuran ang sinumang nawawalang tupa na maaaring kilala natin?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO 28; MARCOS 16; LUCAS 24; JUAN 20:1–23

Dahil si Jesus ay nabuhay na mag- uli, ang bawat isa ay mabubuhay na mag- uli.

Likas sa mga bata na mag- isip kung ano ang mangya-yari kapag tayo ay namatay na. Isipin kung paano mo maituturo ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag- uli sa paraang mapapatatag ang kanilang pananampalataya.

99

MATeo 28; MARCoS 16; LuCAS 24; JuAN 20–21

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na ipikit ang kanilang mga mata at isipin na sila ay nakaupo sa tabi ng libingan ni Jesus habang binabasa mo ang Juan 20:1–17 o ibuod ang kuwento ng Kanyang Pagkabuhay na Mag- uli (tingnan din sa “Kabanata 54: Nagbangon si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 139–44. Ano kaya ang pakiramdam ng makita ang nabuhay na mag- uling Tagapagligtas?

• Sabihin sa bawat bata na pag- aralan ang mga karanasan ng isang tao na nakakita sa nabuhay na mag- uling Tagapagligtas at ibahagi sa klase ang natutuhan niya.

JUAN 20:24–29

Kaya kong manampalataya kay Jesucristo kahit na hindi ko Siya nakikita.

Ano ang ginagawa ng mga batang tinuturuan mo para palakasin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo? Paano mo sila matutulungan?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa ilang bata na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Juan 20:24–29.  

• Isulat ang bawat salita sa katagang “Mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisam-palataya” sa magkakahiwalay na piraso ng papel. Sabihin sa mga bata na ayusin ang mga salita sa tamang pagkakasunud- sunod. Sabihin sa kanila na magbahagi ng mga karanasan kung saan nadama nila ang pagmamahal ng Tagapagligtas kahit hindi nila Siya nakita.

• Magpadrowing sa mga bata ng mga bagay na maga-gawa nila para palakasin ang kanilang pananam-palataya. Habang nagdodrowing sila, ibahagi ang mga bagay na ginawa mo para palakasin ang iyong pananampalataya kay Jesucristo.

JUAN 21:1–17

Maipapakita ko ang pagmamahal ko kay Jesus sa pamamagitan ng pagpapakain sa Kanyang mga tupa.

Maaaring makaimpluwensya nang malaki ang mga bata sa mga nakapaligid sa kanila. Paano mo sila mahi-hikayat na palakasin ang iba sa ebanghelyo?

Mga Posibleng Aktibidad

• bago basahin nang sama- sama ang Juan 21:1–17, itanong sa mga bata kung nangisda na sila noon. Ano ang mga naranasan nila? Itanong kung mayro-ong nakahuli ng “[maraming] mga isda” ( Juan 21:6).

• basahin ang Juan 21:15–17, ngunit palitan ang pangalan ni Simon ng mga pangalan ng mga bata. Sino ang mga tupa ni Jesus? Paano natin pakakainin ang Kanyang mga tupa?

• Magbahagi ng isang simpleng meryenda sa mga bata. Habang kumakain sila, itanong sa kanila kung bakit katulad ng pagpapakain sa kanila ang pagba-bahagi ng ebanghelyo.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito para ituro sa kanilang pamilya ang tungkol sa huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMag- follow- up sa mga paanyayang kumilos. Kapag inanyayahan mo ang mga bata na kumilos ayon sa natutuhan nila, mag- follow up sa iyong paanyaya sa susunod na klase. Ito ay nagpapakita sa mga bata na mahalaga sa iyo kung paano pinagpapala ng ebanghelyo ang kanilang buhay. Habang ibinabahagi nila ang kanilang mga karanasan, mapapalakas sila at magtutulungan sa isa’t isa na ipamuhay ang ebanghelyo.

Dahil si Jesus ay nabuhay na m

ag- uli, lahat ng tao ay mabubuhay na m

ag- uli (Mateo 28; M

arcos 16; Lucas 24; Juan 20).

Simula

12

34

5

6

789

Kumpletuhin ang m

aze na nagpapakita ng m

ga kaganapan sa huling linggo ni Jesus. Kapag naabot m

o ang bawat num

ero, basahin ang nangyari sa lugar na iyon sa listahan sa ibaba:

1. Pumasok sa Jerusalem

(Juan 12:12–18).2. N

ilinis ang templo (M

arcos 11:15–18).3. D

umalo sa H

uling Hapunan (M

arcos 14:22–25).4. N

agdusa sa Getsem

ani (Mateo 26:36–46).

5. Hum

arap sa paglilitis (Lucas 23:1–10).6. H

inampas at kinutya (Juan 19:1–12).

7. Ipinako sa krus (Juan 19:15–22).8. Inilibing (Juan 19:38–42).9. N

abuhay na mag- uli (M

ateo 28:1–10).

101

HULYO 1–7.

Mga Gawa 1–5“Kayo’y Magiging mga Saksi Ko”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbasa sa Mga Gawa 1–5. Mapanalanging hangarin na maunawaan ang mga pangangailangan ng mga batang tinuturuan mo. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya at ang outline na ito ay makakatulong din sa iyo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Isulat ang Sino ako? sa pisara. Magbigay ng ilang paha-yag tungkol kay Pedro at tanungin ang mga bata kung sino ang tinutukoy sa mga pahayag. Ano pa ang alam nila tungkol kay Pedro?

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA GAWA 1:1–11

Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga propeta at apostol.

Ang pag- aaral kung paano pinamunuan ng Tagapag-ligtas ang Kanyang Simbahan noong unang panahon sa pamamagitan ng mga apostol ay makakatulong sa mga bata na magkaroon ng patotoo tungkol sa mga propeta at apostol sa ating panahon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang buong- pahinang larawan sa outline para sa linggong ito ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Tanungin ang mga bata kung bakit sa palagay nila nakatingala ang mga lalaki sa langit. Ibuod ang kuwento mula sa Mga Gawa 1:1–11. Tingnan din sa “Kabanata 55: Pinamunuan ng mga Apostol ang Simbahan,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 145–47, o ang katumbas na video (LDS.org).

• Habang tinitingnan ng klase ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumu-nod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, sabihin sa isang bata na magtaas ng isang larawan ng kasalukuyang mga Apostol. Sino ang namumuno sa Simbahan kapag wala si Cristo sa lupa? Paano nila pinamumunuan ang Simbahan?

• Maglaro ng pagtutugma gamit ang dalawang set ng mga larawan ng mga buhay na Unang Panguluhan at Labindalawang Apostol. Kapag may napagtugma, sabihin ang pangalan ng Apostol o Pangulo at mag-sabi ng isang bagay tungkol sa kanya.

Araw

ng

Pent

ecos

tes,

ni S

idne

y Kin

g

102

HuLyo 1–7. 

• Sa likod ng isang larawan ni Jesus, magdikit ng mali-liit na larawan ng mga bagay na maaaring ituro ng isang propeta, tulad ng binyag o templo. Bigyan ng pagkakataon ang bawat bata na tingnan ang isa sa mga larawan at sabihin sa klase na “Tinuturuan tayo ng propeta tungkol sa [paksang nasa larawan].”

MGA GAWA 3:1–10

Maaaring pagpalain ng Ama sa Langit ang iba sa pamamagitan ko.

Ano ang magagawa mo para matulungan ang mga bata na matukoy ang mga paraan na mapagpapala nila ang mga nakapaligid sa kanila? Tulungan silang matuto mula sa halimbawa nina Pedro at Juan na pinagaling ang lalaking lumpo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na gumawa ng mga galaw na tugma sa kuwento sa Mga Gawa 3:1–10, gaya ng pagsahod ng kanilang mga kamay para humingi ng pera at paglukso sa tuwa. Paano pinagpala ng Ama sa Langit ang lalaking hindi makalakad?

• Magdala ng isang bag na may mga larawang kuma-katawan sa mga paraan na mapagpapala at mapag-lilingkuran natin ang iba. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpili ng mga larawan mula sa bag at pagbabahagi kung paano nila mapagpapala ang iba sa gayong paraan.

• Hilingin sa mga bata na magbahagi ng isang pagka-kataon na tinulungan nila ang isang tao.

MGA GAWA 5:1–11

Kaya kong maging matapat.

Ipinamuhay ng mga sinaunang Kristiyano ang isang uri ng batas ng paglalaan para mapangalagaan ang mga maralita. Ibinenta ng mga may- ari ang kanilang lupa at ibinigay ang pera sa mga Apostol para ipamahagi sa mga Banal ayon sa kanilang mga pangangailangan. Sina Ananias at Safira ay hindi naging tapat sa kanilang kontribusyon, sa pag- aakalang maaari nilang dayain ang mga lingkod ng Panginoon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na isadula ang kuwento nina Ananias at Safira. Ipaliwanag na kahit hindi tayo mamamatay kapag nagsinungaling tayo, ipi-napakita ng kuwentong ito kung gaano kahalaga sa Ama sa Langit ang maging matapat.

• Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagiging matapat, tulad ng “I Believe in Being Honest” (Children’s Songbook, 149). Ipaunawa sa mga bata na bahagi ng pagiging matapat ang palaging magsabi ng totoo at hindi pagkuha ng mga bagay na pag- aari ng ibang tao.

• Gumamit ng mga paper- bag puppet para isadula ang mga simpleng sitwasyon kung saan ang isang tao ay matapat at di- matapat. Patayuin ang mga bata kung ang tao ay matapat o paupuin sa sahig kung ang tao ay di- matapat.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA GAWA 1:8, 22–26

Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga propeta at apostol.

Mauunawaan ng mga batang tinuturuan mo na ang Simbahan ng Tagapagligtas ngayon ay pinamu-munuan ng mga propeta at apostol, tulad noong unang panahon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat sa pisara ang Paano pinamumunuan ni Jesucristo ang Simbahan kapag wala Siya sa lupa? Sabihin sa mga bata na hanapin ang mga sagot sa tanong habang binabasa mo ang mga salita ng Tagapagligtas sa mga Apostol sa Mga Gawa 1:8.

• Sama- samang basahin ang Mga Gawa 1:22–26. Bilang isang klase, tukuyin kung paano tumawag ng bagong Apostol ang mga Apostol.

• Hilingin nang maaga sa isang bata at sa kanyang magulang na magbasa tungkol sa isang bagong tawag na Apostol (marahil ay sa LDS.org). Sabihin sa bata na ibahagi sa klase ang natutuhan niya at,

103

MGA GAwA 1–5

kung maaari, ang sinabi ng Apostol tungkol sa kan-yang tungkulin sa una nitong mensahe sa pangkala-hatang kumperensya.

MGA GAWA 3:1–10

Pinagpapala ng Ama sa Langit ang iba sa pamamagitan ko, kahit hindi ako mayaman.

Paano mo maituturo sa mga bata na mapagpapala nila ang iba, kahit wala silang “pilak at ginto”? (Mga Gawa 3:6). Paano mo maipapakita sa kanila ang mga opor-tunidad na maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa isang bata ang Mga Gawa 3:1–10 habang isinasadula naman ng ibang mga bata ang kuwento. (Para sa tulong, tingnan din sa “Kabana-ta 56: Pinagaling ni Pedro ang Isang Lalaki,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 148–49, o ang katumbas na video sa LDS.org.) Sa anong paraan naging mas malaki ang pagpapalang natanggap ng lalaking ito kaysa sa perang hiningi niya?

• Magpasa ng isang supot ng mga barya. Habang hawak ng mga bata ang supot o bag, itanong sa kanila kung ano ang mabibili nila sa perang iyon. Pagkatapos ay kunin ang supot o bag ng mga barya at itanong sa mga bata kung anong mga pagpapala ang hindi nila mabibili. Anyayahan silang magbahagi kung paano nila mapaglilingkuran ang isang tao nang hindi gumagamit ng pera (Mga Gawa 3:6).

MGA GAWA 2:36–47

Pinatototohanan ng Espiritu Santo sa puso ko ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

Kapag natututuhang kilalanin ng mga bata kung paano nangungusap sa kanila ang Espiritu Santo, mahihikayat silang makinig at kumilos ayon sa inspirasyong nata-tanggap nila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Mga Gawa 2:36–37. Ano ang pakiramdam kapag may sinasabi ang Espiritu Santo sa ating puso?

• Bilang isang klase, gumawa ng isang poster na may mga salitang Ano ang gagawin natin? sa itaas. Idisp-ley ang poster bawat linggo, at magdagdag ng mga paraan na makakapamuhay ang mga bata ayon sa natututuhan nila sa lesson sa bawat linggo.

• Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mabubu-ting bagay na ginawa ng mga tao matapos silang mabinyagan sa Mga Gawa 2:41–47. Anong mabu-buting bagay ang magagawa natin upang ipakita na nagpapasalamat tayo sa kaloob na Espiritu Santo na tinanggap natin noong binyagan tayo?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na magplano ng isang paraan na mapaglilingkuran nila ang Ama sa Langit sa pama-magitan ng pagtulong sa isang miyembro ng kanilang pamilya sa linggong ito.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoIsaulo ang isang talata ng banal na kasulatan. Pumili ng isang talata sa banal na kasulatan na sa palagay mo ay makakatulong sa mga bata sa klase mo, tulad ng Mga Gawa 2:38 o Mga Gawa 3:19, at tulungan silang isaulo ang isang parirala mula sa banal na kasulatan. Ang mga visual aid, kumpas ng kamay, o galaw ng katawan ay makakatulong din sa mga bata na magsaulo ng mga talata sa banal na kasulatan.

Pinamum

unuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pam

amagitan

ng mga propeta at m

ga apostol (Mga G

awa 1:1–11).

Kulayan ang mga laraw

an. Magdrow

ing ng isang buhay na propeta o apostol sa puwang, at

isulat ang kanyang pangalan sa ilalim ng kanyang laraw

an. Gupitin sa labas na m

ga guhit, at itupi ang m

ga patayong tuwid na linya nang papunta sa harap at papunta sa likod.

JesucristoApostol Pedro

Joseph Smith

105

HULYO 8–14.

Mga Gawa 6–9“Ano ang Nais Ninyong Ipagawa sa Akin?”

Magsimula sa pagbasa sa Mga Gawa 6–9. Ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito. Maaaring iakma ang mga aktibidad para sa nakababatang mga bata sa outline na ito para sa nakatatandang mga bata, at vice versa.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Isulat ang ilan sa mga pangalan ng mga tao mula sa Mga Gawa 6–9 sa pisara—tulad halimbawa nina Saulo o Esteban. Ipabahagi sa mga bata ang mga nalalaman nila tungkol sa mga taong ito.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA GAWA 6–7

Kaya kong sundin si Jesucristo sa pamamagitan ng paninindigan sa tama.

Ano ang maaaring matutuhan ng mga bata mula kay Estaban tungkol sa pagiging mga alagad ni Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na lumikha ng mga galaw para sa isang awitin tungkol sa pagpili ng tama, tulad ng “Ang Tama’y Ipaglaban” (Aklat ng mga Awit

Pambata, 81). Gamitin ang Mga Gawa 7:51–60 sa pagkukuwento sa mga bata kung paano nagturo si Esteban tungkol kay Jesucristo, kahit na nagalit nang husto ang mga pinunong Judio dahil dito (tingnan din sa “Kabanata 57: Pinatay ng Masasamang Tao si Esteban,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 150–51, o ang katumbas na video sa LDS.org). Paano nanindi-gan si Esteban sa tama?

• Bigyan ang mga bata ng ilang sitwasyon kung saan ang mga bata ay kailangang pumili sa pagitan ng tama o mali. Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila para manindigan sa tama.

MGA GAWA 8:26–39.

Hinihikayat ako ng Espiritu Santo na ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

Sinunod ni Felipe ang mga pahiwatig ng Espiritu at tinulungan ang lalaking Etiope na nahihirapang una-wain ang mga banal na kasulatan. Anong mga aral ang maituturo ng kuwentong ito sa mga batang tinuturu-an mo?

Mam

uhay

Naw

a Ta

yo n

ang

Gayo

n, n

i Sa

m L

awlo

r

106

HuLyo 8–14. 

Mga Posibleng Aktibidad

• Kumuha ng dalawang upuan upang lumikha ng isang karwahe. Hilingin sa dalawang bata na umupo sa karwahe, ang isa ay kakatawan kay Felipe at ang isa naman ay sa lalaking Etiope. Pagkatapos ay isa-laysay kung paano tinuruan ni Felipe ng ebanghelyo ang lalaking mula sa Ethiopia.

• Naramdaman mo na bang sinabi sa iyo ng Espiri-tu Santo na ibahagi ang ebanghelyo sa isang tao, katulad ng naranasan ni Felipe sa Mga Gawa 8:29? Ibahagi ang iyong karanasan sa mga bata.

MGA GAWA 9:1–20

Kapag nagkakamali ako, inaanyayahan ako ng Ama sa Langit na magsisi at magbago.

Nang sabihin ni Jesus kay Saulo na tumigil sa pang- uusig sa Simbahan ng Panginoon, agad na nagsisi si Saulo at nagbago. Paano matutulungan ng salaysay na ito ang mga batang tinuturuan mo na hangaring magbago kaagad kapag nagkamali sila?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang kuwento tungkol sa pagbabalik- loob ni Saulo, na matatagpuan sa Mga Gawa 9:1–20 (tingnan din sa “Kabanata 59: Nalaman ni Saulo ang Tungkol kay Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 154–55, o ang katumbas na video sa LDS.org).

• Ilista o magdala ng mga larawan ng mga bagay na nagbabago, tulad ng butete na nagiging palaka, o mga puno sa iba’t ibang panahon. Paano nagbago si Saulo nang dalawin siya ni Jesucristo?

• Magdrowing sa pisara ng isang sangang- daan. Sabi-hin sa mga bata na magbanggit ng mga pangalan ng lugar na gusto nilang bisitahin, at isulat ang mga ito sa itaas ng isang daan. Ano ang mangyayari kung pumunta tayo sa maling landas? Paano naihahalin-tulad ang pagsisisi sa pagbalik sa tamang landas?

• Hilingin sa mga bata na ulitin ang sinabi ni Saulo sa Panginoon: “Ano ang nais ninyong ipagawa sa akin?” Ano ang nais ng Panginoon na gawin natin?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA GAWA 6–7

Ako ay magiging isang saksi ni Jesucristo.

Paano ninyo matutulungan ang mga batang inyong tinuturuan na matuto mula sa halimbawa ni Esteban sa pagtayo bilang saksi ni Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ninyo ng mga bata ang Mga Gawa 6:5–15 at 7:51–60. Paano naging isang saksi ni Jesucristo si Esteban? Anyayahan ang isa o mahigit pang mga bata na magkunwaring sila si Esteban at ibahagi ang kanilang mga paniniwala at bakit.

• Sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagbasa ng Mga Gawa 6:3–10, hinahanap ang mga katangian ni Esteban na tumulong sa kanya na maglingkod.

• Sabihin sa mga bata na tulungan kang mag- isip ng mga sitwasyon kung saan sila ay makatatayo bilang mga saksi ni Jesucristo at ng Kanyang ebanghelyo. Tulungan silang isadula ang ilan sa mga sitwasyong ito. Hilingin sa mga bata na basahin ang Mosias 18:9. Ipaliwanag na ang pagiging isang saksi ni Jesucristo ay kasama sa mga pangakong ginawa natin sa binyag.

• Isulat ang mga pangalang Esteban at Felipe sa pisa-ra. Sa ilalim ng pangalan ni Esteban, isulat ang mga paraan na maaari tayong maging halimbawa sa iba. Sa ilalim ng pangalan ni Felipe, isulat ang mga para-an na maaari nating ibahagi sa iba ang ebanghelyo. Paano nakakatulong sa atin ang pagiging mabuting halimbawa ng isang disipulo ni Jesucristo para mai-bahagi ang ebanghelyo?

MGA GAWA 8:5–24

Ang priesthood ay isang walang katumbas na kaloob ng Diyos.

Ikinakalat ni Satanas ang mensahe na nagdudulot sa atin ng kaligayahan ang mga materyal na bagay. Paano mo magagamit ang kuwento ni Simon para tulungan

107

MGA GAwA 6–9

ang mga bata na pahalagahan ang mga espirituwal na bagay tulad ng priesthood at mga pagpapala nito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang kuwento ni Simon, na matatagpuan sa Mga Gawa 8:5–24 (tingnan din sa “Kabanata 58: Si Simon at ang Priesthood,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 152–53, o ang katumbas na video sa LDS.org). bakit hindi natin matatanggap ang priest-hood sa pamamagitan ng pagbili nito? Paano talaga tinatanggap ng isang tao ang priesthood? (tingnan sa Saligan ng Pananampalataya 1:5).

• Bigyan ang mga bata ng pera- perahan, at mag-displey ng mga larawan ng mga bagay na mabibili ng pera. Itanong sa mga bata kung magkano sa kanilang pera- perahan ang ibibigay nila para sa mga bagay na ito. Pagkatapos ay magpakita ng mga lara-wan ng sakramento, isang templo (kumakatawan sa mga pagpapala ng templo), binyag, at iba pang mga pagpapalang natatanggap natin sa pamamagitan ng priesthood. Ipaliwanag na ang mga kaloob na ito ng Diyos ay walang katumbas at hindi mabibili ng salapi.

MGA GAWA 9:1–20

Kapag nagkakamali ako, inaanyayahan ako ng Ama sa Langit na magsisi at magbago.

Nang sabihin ni Jesus kay Saulo na tumigil sa pang- uusig sa Simbahan ng Panginoon, agad na nagsisi si Saulo at nagbago. Paano matutulungan ng salaysay na ito ang mga batang tinuturuan mo na hangaring magbago kaagad kapag nagkamali sila?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na itupi ang isang papel sa gitna. Ipasulat sa kanila ang Bago sa isang kalahati at Pagkatapos sa isa pang kalahati. Basahin ninyo ng mga bata ang Mga Gawa 8:1–3; 9:1–2; at 9:17–22, na naghahanap ng mga salita o pariralang naglala-rawan kay Saulo bago at pagkatapos niyang makita ang Panginoon.

• Anyayahan ang isang miyembro ng ward na ibahagi ang kuwento ng kanyang pagbabalik- loob at kung paano nagbago ang kanyang buhay nang maging miyembro siya ng Simbahan, gaya ng pagbabago ng buhay ni Saulo.

• Magdrowing ng isang “daan patungong Damasco” sa pisara. Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Gawa 9:6, 11, 18, 20–22, na hinahanap ang ginawa ni Saulo para magsisi at bumaling kay Cristo, at isulat ang mga ginawa niya sa daan. Ano ang natututuhan natin mula kay Saulo kung paano tayo magiging mas katulad ni Cristo?

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang paborito nilang bahagi sa kuwento ng pagbabalik- loob ni Saulo at ipakita ang kanilang drowing sa klase.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na ikuwento sa kanilang pamil-ya ang kanilang paboritong aktibidad sa klase ngayon at kung ano ang natutuhan nila rito.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga bata na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Maaaring hindi pa gaanong magaling bumasa ang nakababatang mga bata, ngunit maaari mo pa rin silang gawing interesado sa pag- aaral ng mga banal na kasulatan. Halimbawa, maaari mong basahin ang isang talata at anyayahan silang tumayo o magtaas ng kamay kapag narinig nila ang isang partikular na salita o parirala na nais mong pagtuunan (tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 20).

Kapag ako ay nagkakamali, inaanyayahan ako ng Ama sa Langit na magsisi at magbago (Mga Gawa 9:1–20).

Kulayan ang mga larawan at gupitin ang mga ito. Idikit nang magkatalikod ang mga larawan sa isang patpat para makagawa ng isang papet. Gamitin ang papet para isalaysay ang kuwento ng pagbabalik- loob

ni Saulo. Ipaliwanag na matapos ang kanyang pagbabalik- loob, si Saulo ay nakilala bilang si Pablo.

Saulo Pablo

109

HULYO 15–21

Mga Gawa 10–15“Lumago ang Salita ng Diyos at Dumami”

Simulan ang paghahanda mong magturo sa pagbasa sa Mga Gawa 10–15. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Para maibahagi ng mga bata ang kanilang natututuhan at nararanasan, maaari kang magpabahagi sa kanila ng mga bagay na ginagawa nila para ipakita na naniniwala sila kay Jesucristo.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA GAWA 10:34–35

Mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak.

Ang isang pangunahing doktrinang mauunawaan kahit ng maliliit na bata ay na lahat ay anak ng Diyos at na mahal Niya ang lahat ng Kanyang anak.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawang Si Cristo at ang mga Bata sa Buong Mundo (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 116) habang binabasa mo ang Mga Gawa

10:34–35. Ipaliwanag na noong panahon ni Pedro, naniwala ang ilang tao na ilang grupo lang ng mga tao ang mahal ng Diyos, ngunit nalaman ni Pedro na mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak, at nais Niyang matutuhan nilang lahat ang ebanghelyo.

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang kanilang sarili. Ibahagi ang iyong patotoo na mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa kanila at lahat ng Kan-yang anak, anuman ang kanilang hitsura o saan man sila nagmula.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang isang awitin tung-kol sa pagmamahal sa iba—halimbawa, “Palaging Sasamahan Ka” (Aklat ng mga Awit Pambata, 78–79). Anyayahan silang magbahagi ng mga paraan na makakapagpakita sila ng pagmamahal sa lahat—kahit sa mga taong naiiba sa kanila—tulad ng gina-wa ni Jesus.

• Hilingin nang maaga sa mga magulang ng bawat bata na magbahagi ng ilang kahanga- hangang kata-ngian ng kanilang anak. Ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase, at magpatotoo na mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa mga bata.

110

HuLyo 15–21 

• Isa- isang ituro ang bawat bata at sabihing, “Mahal ng Ama sa Langit si [pangalan].” Hayaang mag-halinhinan ang mga bata sa pagturo sa isa’t isa at pagsasabi ng katagang ito.

MGA GAWA 11:26

Ako’y isang Kristiyano dahil naniniwala at sumusunod ako kay Jesucristo.

Maaaring alam ng mga batang tinuturuan mo na ang mga miyembro ng Simbahan ay kadalasang tinatawag na mga Mormon dahil naniniwala tayo sa Aklat ni Mor-mon, ngunit alam ba nila na tayo ay mga Kristiyano rin dahil naniniwala tayo kay Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Mga Gawa 11:26 sa mga bata. Ipaliwa-nag na ang isang taong naniniwala at sumusunod kay Jesucristo ay tinatawag na Kristiyano, kaya tayo’y mga Kristiyano.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang “Ang Simbahan ni Jesucristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 48). Paano tayo dapat kumilos sa simbahan, sa paaralan, at sa bahay dahil tayo’y mga alagad ni Jesucristo at nabi-bilang sa Kanyang Simbahan?

• Hayaang kulayan ng mga bata ang badge sa pahina ng aktibidad para sa linggong ito at isuot ito pauwi.

MGA GAWA 12:1–17

Dinirinig at sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin.

Ang salaysay ng pagpapalaya ng anghel kay Pedro mula sa bilangguan ay mabisang nagtuturo na sinasa-got ng Ama sa Langit ang mga dalangin.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na isadula ang salaysay ng pagpapalaya kay Pedro mula sa bilangguan sa Mga Gawa 12:1–17 habang ibinubuod mo ang kuwento. Paano sinagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin ng mga taong nagdarasal para kay Pedro?

• Kumanta ng isang awitin tungkol sa panala-ngin—halimbawa, “Nakayuko” (Aklat ng mga Awit Pambata, 18)—at gumawa ng mga aksyon para

matututuhan ng mga bata kung paano manalangin. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga halimbawa ng mga bagay na mapapasalamatan nila sa Ama sa Langit at mahihiling sa Kanya sa panalangin.

• Magpakita ng mga larawan ng mga taong nagda-rasal (tingnan, halimbawa, sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 111 at 112) habang nagbabahagi ka ng isang karanasan na sinagot ng Ama sa Langit ang iyong mga dalangin.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA GAWA 10:34–35; 15:6–11

“Hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao.”

Kailangang maunawaan ng mga batang tinuturuan mo na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak, anuman ang hitsura nila, saan man sila nakatira, o ano mang mga pagpapasiya ang ginagawa nila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Itanong sa mga bata kung masasabi nila kung anong klaseng tao ang isang tao sa pagtingin lang sa kanila o paghula kung saan sila nagmula. Ayon sa Mga Gawa 10:35, paano nalalaman ng Diyos kung ang isang tao ay “kalugodlugod sa kaniya”?

• basahin ang Mga Gawa 10:34–35; 15:6–11 sa mga bata. Ipaliwanag na noong panahon ni Pedro, nani-wala ang mga Judio na hindi tinanggap ng Diyos ang mga taong hindi Judio (ang mga taong ito ay tinata-wag noon na mga Gentil). Ngunit itinuro ng Diyos kay Pedro na mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak, kapwa mga Judio at Gentil. Sama- samang kan-tahin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3). Anyayahan ang mga bata na palitan ng pangalan nila ang salitang ako.

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng isang bagay na natatangi tungkol sa isang tao sa klase. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pahayag na “Hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao” ay na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang anak, at dahil

111

MGA GAwA 10–15

mahal Niya sila, gusto Niyang marinig ng lahat ng Kanyang anak ang ebanghelyo.

MGA GAWA 11:26

Ang Kristiyano ay isang taong naniniwala at sumusunod kay Jesucristo.

Paano mo maipapaunawa sa mga bata na makikita sa kanilang mga salita at kilos na sila ay Kristiyano?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Gawa 11:26; 3 Nephi 27:3–8; at Doktrina at mga Tipan 115:4. Isulat ang Kristiyano sa pisara at salunggu-hitan ang bahaging tumutukoy kay “Cristo.” Ipaba-hagi sa mga bata kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng maging Kristiyano.

• Magpabanggit sa mga bata ng iba’t ibang grupong kinabibilangan nila, tulad ng kanilang pamilya o klase sa Primary. Anyayahan silang ibahagi kung bakit sila nagpapasalamat na maging Kristiyano at makabilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Paano natin maipapakita sa iba na tayo’y mga Kristiyano?

• Magdispley ng ilang bagay o larawan na kumakata-wan sa mga katotohanang natatangi sa Simbahan ni Jesucristo, tulad ng larawan ng isang priesthood blessing. Papiliin ang isang bata ng isa sa mga bagay o larawan at ipalarawan sa kanya kung paano ito naging pagpapala sa ating Simbahan. Ipaliwanag na bagama’t ang mga Kristiyano sa buong mundo ay kasapi sa maraming iba’t ibang simbahan, tayo’y kabilang sa iisang Simbahang itinatag ni Jesucristo sa lupa.

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang mga bagay na magagawa nila para maging tunay na mga Kristiyano.

MGA GAWA 12:1–17

Kapag nagdarasal ako nang may pananampalataya, sasagot ang Ama sa Langit.

Pagnilayan ang mga pagkakataon na nasagot ng Ama sa Langit ang iyong mga dalangin. Paano mo magaga-mit ang mga karanasang ito para ituro sa mga bata na diringgin at sasagutin ang kanilang mga dalangin sa Kanyang sariling paraan at panahon?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na isadula ang kuwen-to ng pagpapalaya ng anghel kay Pedro mula sa bilangguan sa Mga Gawa 12:1–17 habang ikinuku-wento mo ito sa sarili mong mga salita.

• Itanong sa mga bata kung ano sa palagay nila ang ibig sabihin ng “maningas na dumalangin” (Mga Gawa 12:5). Paano nasagot ang mga dalangin ng mga tao? Sabihin sa mga bata na magbahagi ng mga karanasan kung saan sinagot ng Ama sa Langit ang isang personal na panalangin o panalangin ng pamilya. Maaari ka ring magbahagi ng isang karanasan na sinagot Niya ang iyong panalangin sa paraang naiiba sa inaasahan o nais mo. Magpa-totoo na mahal tayo ng Diyos, at sasagutin Niya ang ating mga dalangin sa paraan at takdang panahong pinakamainam para sa atin.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Bigyan ang mga bata ng mga larawan o bagay na idi-displey sa bahay nila na magpapaalala sa mga miyem-bro ng pamilya na sama- samang manalangin.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMagpatotoo tungkol sa mga ipinangakong pagpapala. Kapag inanyayahan mo ang mga bata sa Primary na ipamuhay ang isang partikular na alituntunin, ibahagi ang mga pangakong ginawa ng Diyos sa mga sumusunod sa alituntuning iyon. Halimbawa, mapapatotohanan mo ang mga ipinangakong pagpapalang natanggap mo nang humingi ka ng mga sagot sa pamamagitan ng panalangin.

Ako ay isang Kristiyano dahil ako ay naniniwala at sumusunod kay Jesucristo (Mga Gawa 11:26).

Gupitin at kulayan ang bilog. Sulutan ito ng tali para maisuot bilang kuwintas, o isuot ito bilang badge.

Jesucristo

Kabi

lang ako sa Ang Simbahan ni

ng mga Banal sa mga Hulin

g Ara

w

113

HULYO 22–28.

Mga Gawa 16–21“Kami’y Tinawag ng Dios upang sa Kanila’y Ipangaral ang Evangelio”

Matapos basahin ang Mga Gawa 16–21, isipin kung paano makakatulong ang mga pahiwatig ng Espiritu at mga ideya sa outline na ito sa paghahanda mo ng lesson. Sumangguni sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Nakababatang mga Bata” sa manwal na ito para sa karagdagang tulong.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na sabihin sa iyo kung paano katulad ni Pablo ang mga missionary ngayon. Itanong, “Naibahagi na ba ninyo ang ebanghelyo sa iba?”

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA GAWA 16:25–34

Nagtuturo ang mga missionary sa mga tao tungkol kay Jesus.

Alam ba ng mga batang tinuturuan mo kung ano ang ginagawa ng mga missionary? Paano mo maipapauna-wa sa mga bata na maibabahagi nila ang ebanghelyo sa iba?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na isadula ang Mga Gawa 16:25–34 habang ibinubuod mo ang salaysay

tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo nina Pablo at Silas sa bilangguan (tingnan din sa “Kabanata 61: Sina Pablo at Silas sa Bilangguan,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 158–60, o ang katumbas na video sa LDS.org). Ipaliwanag na tinuturuan din ng mga missionary ngayon ang mga tao tungkol kay Jesus at tinutulungan silang maghandang mabinyagan.

• Gumawa ng mga missionary name tag na maika-kabit ng mga bata sa damit nila, at tulungan silang isulat ang pangalan nila sa mga tag. Turuan ang mga bata ng mga simpleng pahayag ng doktrina na maibabahagi nila sa iba, tulad ng “Ang Diyos ang ating mapagmahal na Ama sa Langit,” “Nangungu-sap ang Diyos sa pamamagitan ng isang buhay na propeta,” o “Si Jesucristo ang ating Tagapagligtas.”

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga detalye tungkol sa isang taong kilala nila na nasa misyon. Maaari silang magdrowing ng isang larawan o sumulat ng maikling mensahe para ipadala sa isang missionary.

114

HuLyo 22–28. 

MGA GAWA 17:10–12

Pinatototohanan ng mga banal na kasulatan ang Ama sa Langit at si Jesucristo.

Bagama’t maaaring hindi pa marunong magbasa ang ilan sa mga batang tinuturuan mo, matutulungan mo silang matutuhang mahalin ang mga banal na kasula-tan at makita kung paano pinatototohanan ng mga ito ang Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Maglagay ng ilang kopya ng mga banal na kasulatan sa paligid ng silid, at ipahanap ang mga ito sa mga bata. Tulungan ang isa sa mga bata na basahin ang pariralang “Siniyasat [nila] araw- araw ang mga kasulatan” (Mga Gawa 17:11). Anyayahan ang mga bata na ituro ang bawat araw sa isang linggo sa kalendaryo habang sinasabayan ka nilang bigkasing muli ang pariralang ito.

• Para maituro sa mga bata na pinatototohanan ng mga banal na kasulatan ang Ama sa Langit at si Jesucristo, tulungan silang buksan ang isang kabanata sa mga banal na kasulatan, tulad ng Mga Gawa 17 o 18, at hanapin doon ang mga salitang Diyos o Panginoon. Maaari mong markahan ang mga salitang ito para mas madaling mahanap ng mga bata ang mga ito. Tuwing makikita nila ang isa sa mga salitang ito, anyayahan silang magbahagi ng isang bagay na alam nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

MGA GAWA 17:22–31

Ako ay anak ng Diyos.

Sa Areopago (Mars’ Hill), itinuro ni Pablo ang mahaha-lagang katotohanan tungkol sa likas na katangian ng Diyos, pati na ang mga katotohanan na tayo ay Kan-yang mga anak at na “hindi siya malayo sa bawa’t isa sa atin” (Mga Gawa 17:27). Paano mo matutulungan ang mga bata na mapalapit sa Ama sa Langit?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ulitin ang parira-lang “Tayo nga’y lahi ng Dios” (Mga Gawa 17:29), at ipaliwanag na ang ibig sabihin ng lahi ay anak.

Magpatotoo sa bawat bata, nang paisa- isa, na siya ay anak ng Diyos. Itanong sa kanila kung ano ang nadarama nila kapag naririnig nila na sila ay anak ng Diyos. Anyayahan silang ibahagi ang nadarama nila tungkol sa kanilang Ama sa Langit.

• Magpakita ng mga larawan ng mga bata na kasama ang kanilang pamilya (kung maaari, gamitin ang mga larawan ng mga bata sa klase mo). Ipaliwanag na tayo ay mga anak ng ating ina’t ama, at lahat tayo ay mga espiritung anak ng ating mga Magulang sa Langit.

• Kumanta ng isang awitin tungkol sa Ama sa Langit, tulad ng “Aking Ama’y Buhay” (Aklat ng mga Awit Pambata, 8). Sa tulong ng mga bata, sumulat ng mga salita o magdrowing ng mga larawan sa pisara na kumakatawan sa mga bagay na natututuhan natin tungkol sa Ama sa Langit mula sa awitin.

• Basahin sa mga bata ang mga salitang ito mula sa Mga Gawa 17:27: “Hindi siya malayo sa bawa’t isa sa atin.” Magkuwento tungkol sa mga pagkakataon na nadama mo na malapit ka sa Ama sa Langit, at anyayahan ang mga bata na gawin din iyon.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA GAWA 16:14–15, 25–34; 18:7–8, 24–28

Maaari akong maging missionary ngayon.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maging katulad ni Pablo at ibahagi sa iba ang natututuhan nila tungkol sa ebanghelyo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Gawa 16:14–15, 25–34; 18:7–8, 24–28 at ilista ang mga taong binahaginan ng ebanghelyo nina Pablo at Apolos. Pagkatapos ay anyayahan silang ilista ang mga taong mababahaginan nila ng ebanghelyo. Hayaan ang mga bata na isadula kung paano sila maaaring magkuwento sa mga taong ito tungkol kay Jesucristo o aanyayahan silang magsimba. Maaari mo ring anyayahan ang mga bata na isulat ang

115

MGA GAwA 16–21

kanilang patotoo tungkol sa isang katotohanan ng ebanghelyo sa mga taong ito.

• Anyayahan ang kasalukuyang mga full- time mis-sionary, returned missionary, o ward missionary na bumisita sa klase at magkuwento ng mga karanasan nila sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Hikayatin ang mga bata na magtanong kung paano nila maibaba-hagi ang ebanghelyo sa iba.

MGA GAWA 17:2–4, 10–12; 18:28

Pinatototohanan ng mga banal na kasulatan si Jesucristo.

Pinatototohanan ng lahat ng propeta si Jesucristo. Paano mo matuturuan ang mga bata na hanapin Siya sa mga banal na kasulatan, kahit hindi binabanggit ang Kanyang pangalan?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa mga bata ang Mga Gawa 17:2–4, 10–12; 18:28, at anyayahan silang hanapin ang pagkakatu-lad ng mga talatang ito. Ayon sa mga talatang ito, ano ang nakatulong sa mga tao na maniwala sa ebanghelyo ni Jesucristo?

• Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang paborito nilang kuwento tungkol kay Jesus na natutuhan nila mula sa mga banal na kasulatan ngayong taon. Sa mga piraso ng papel, isulat ang mga reperensya sa banal na kasulatan na nagtuturo tungkol sa Taga-pagligtas, at itago ang mga ito sa paligid ng silid. Pagkatapos ay anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga ito. Tulungan ang mga bata na hanapin ang mga reperensyang makikita nila, at ipabahagi sa kanila sa isa’t isa ang itinuturo ng bawat talata tungkol kay Jesus.

• Magpatulong sa mga bata na gumawa ng simpleng tsart na maaari nilang markahan kapag may nabasa

o nalaman sila tungkol kay Jesus mula sa mga banal na kasulatan. Idispley ito bawat Linggo sa buong taon, at tulungan ang mga bata na hanapin ang mga lugar sa mga banal na kasulatan na nagtuturo tungkol kay Jesus.

MGA GAWA 17:22–31

Ako ay anak ng Diyos.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maalala na sila ay anak ng Diyos?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita sa mga bata ang isang bato, at ipaliwanag na noong panahon ni Pablo, sumasamba ang mga tao sa mga diyos na yari sa bato at iba pang mga materyal. Ipabasa sa mga bata ang Mga Gawa 17:27–29. Ano ang nalalaman natin tungkol sa Diyos mula sa mga talatang ito? Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng lahi ay mga anak. Itanong sa mga bata kung ano ang pakiramdam nila nang malaman nila na sila ay anak ng Diyos.

• Ipabasa sa mga bata ang Mga Gawa 17:27. Anyaya-han ang mga bata na magdrowing ng mga larawan tungkol sa paraan na maaaring “maapuhap” o mahanap nila ang Diyos. Kailan nila nadama na “hindi [Siya] malayo sa [kanila]”?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na maghanap ng isang talata sa banal na kasulatan sa linggong ito na nagtuturo tungkol kay Jesucristo (maaari nila itong gawin sa kani-lang personal na pag- aaral o sa pag- aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan). Sa susunod na linggo, anyayahan silang ibahagi ang kanilang natuklasan.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga bata na maging mas mabubuting mag- aaral. Ang layunin mo sa pagtuturo sa mga bata ay hindi lang para ibahagi ang katotohanan sa kanila. Dapat mo rin silang tulungang matutong umasa sa sarili sa paghahanap ng katotohanan. Halimbawa, sa halip na magkuwento lang sa mga bata tungkol sa pangangaral ni Pablo sa Areopago, maaari kang magplano ng mga aktibidad, tulad ng mga iminungkahi sa outline na ito, na tutulong sa kanila na matuklasan mismo ang mga katotohanan sa kuwentong ito.

Ako ay anak ng Diyos (M

ga Gaw

a 17:22–31).G

upitin ang dalawang m

ahabang parihaba at iteyp ang mga ito para m

akagawa ng

isang mahabang strip. Itupi ang m

ga itim na linya nang papunta sa harap at papunta

sa likod na tulad ng isang accordion para makagaw

a ng isang maliit na buklet.

Ako ay anak ng Diyos,

Dito’y isinilang,

Handog sa ‘kin ay tahana’t

Mabuting m

agulang.

Akayin at patnubayanSa tam

ang daan.Turuan ng gagaw

in,N

ang S’ya’y makapiling.

Iteyp dito

Iteyp dito

117

HULYO 29–AGOSTO 4

Mga Gawa 22–28“Ministro at Saksi”

Habang binabasa mo ang mga salaysay mula sa ministeryo ni Apostol Pablo sa Mga Gawa 22–28, maghanap ng mga alituntunin na magiging makabuluhan sa mga batang tinuturuan mo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Magpakita ng mga larawan ng piitan, bangka, at ahas. Anyayahan ang mga bata na ikuwento ang anumang alam nila tungkol kay Pablo na may kaugnayan sa mga larawang ito.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA GAWA 23:10–11

Ang Ama sa Langit at si Jesus ay nagmamalasakit sa akin at tutulungan ako sa oras ng mga paghihirap.

Makakatulong ang pag- aaral kung paano tinulungan ng Tagapagligtas si Pablo para malaman ng mga bata na nagmamalasakit sa kanila ang Ama sa Langit at si Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibahagi ang kuwento sa Mga Gawa 23:10–11 nang dumalaw ang Tagapagligtas kay Pablo sa bilanggu-an. Magbahagi ng isang pagkakataon na nagkaroon

ka ng pagsubok at tumanggap ng patnubay at kapa-natagan mula sa Diyos. Magpabahagi sa mga bata ng mga pagkakataon na nadama nila na pinanatag sila ng Diyos.

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang sinabi ni Jesus kay Pablo: “Laksan mo ang iyong loob.” Magpaisip sa mga bata ng isang taong mahihikayat nila na lakasan ang kanyang loob—marahil ay isang taong nalulungkot o nag- aalala.

MGA GAWA 26:1–29

Maibabahagi ko ang aking patotoo sa iba.

Ang pagrerepaso ng patotoo ni Pablo kay Haring Agri-pa ay makakatulong sa mga bata na matutong magba-hagi ng alam nilang totoo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng isang korona sa klase at ipasuot ito sa isang bata na magkukunwaring si Haring Agri-pa. Anyayahan ang isa pang bata na tumayo sa harapan ng hari para katawanin si Pablo habang ibinubuod mo ang patotoo ni Pablo at ang reaksyon ni Haring Agripa, na matatagpuan sa Mga Gawa

118

HuLyo 29–AGoSTo 4 

26:1–29 (tingnan sa “Kabanata 63: Tinapos ni Pablo ang Kanyang Misyon,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 162–66, o ang katumbas na video sa LDS.org). Ipaliwanag na maibabahagi natin ang ating patotoo sa iba, tulad ng ginawa ni Pablo.

• Sabihin sa mga bata na makinig habang kinakanta o binabasa mo ang isang awitin tungkol sa patotoo, tulad ng talata 2 ng “Patotoo” (Mga Himno, blg. 79) o “Aking Ama‘y Buhay” (Aklat ng mga Awit Pamba-ta, 8). Anyayahan ang mga bata na magtaas ng kamay kapag may narinig sila na mapapatotohanan nila. Maaari mong kantahin ang awitin nang ilang beses; anyayahan ang mga bata na sabayan ka sa pagkanta kapag pamilyar na sila sa mga titik nito. Magpabahagi sa kanila ng ilang bagay tungkol sa ebanghelyo na alam nilang totoo.

• Gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito para matulungan ang mga bata na makapag- isip ng isang bagay na maaari nilang sabihin kapag sila ay nagpapatotoo. Anyayahan silang magbahagi ng patotoo sa isang kapamilya.

MGA GAWA 27

Binabalaan ako ng mga propeta kapag may panganib.

Isipin kung paano maituturo sa mga bata ng salaysay tungkol sa pagkawasak ng barkong sinakyan ni Pablo na nakikita ng mga propeta ang mga panganib na hindi natin nakikita.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magkunwari na naka-sakay sila ng isang barkong nawasak sa gitna ng bagyo. Basahin ang babala ni Pablo sa mga tao, na matatagpuan sa Mga Gawa 27:9–10, at ikuwento na nawasak ang barko dahil hindi sila nakinig sa kanyang babala (tingnan sa mga talata 11, 39–44). Magpakita ng larawan ng Pangulo ng Simbahan. Anong mga babala ang ibinibigay niya sa atin?

• Maglagay ng ilang larawan o bagay sa paligid ng silid na kumakatawan sa mga bagay na naituro ng mga propeta na gawin natin, tulad ng pagsisimba o pagpapabinyag. Bilang isang klase, lumakad sa

paligid ng silid, tumigil sa bawat larawan o bagay para pag- usapan kung paano nakakatulong sa atin ang pagsunod sa mga turo ng propeta para manati-li tayong ligtas.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA GAWA 23:10–11; 27:18–26; 28:1–6

Kapag nahaharap ako sa mga paghihirap, hindi ako pinababayaan ng Diyos.

Sa lahat ng pagsubok na naranasan ni Pablo, kasama niya ang Panginoon. Paano mo matutulungan ang mga bata na maihalintulad ang mga karanasan ni Pablo sa kanilang buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gamit ang Mga Gawa 23:10, ipaliwanag na si Pablo ay ibinilanggo dahil tinuruan niya ang mga tao tungkol kay Jesus. Pagkatapos ay basahin ninyo ng mga bata ang Mga Gawa 23:11. Paano magagawa ni Pablo na “laksan [ang kaniyang] loob” kahit nasa bilangguan siya?

• Isulat sa pisara ang Mga Gawa 23:10–11; Mga Gawa 27: 18–26; at Mga Gawa 28:1–6. Magpakita ng lara-wan ng piitan, barko, at ahas, at anyayahan ang mga bata na repasuhin ang mga talatang ito at itugma ang mga ito sa mga larawan. Sa bawat isa sa mga talang ito, paano ipinakita ng Panginoon kay Pablo na Siya ay kasama niya?

• Anyayahan ang isang tao mula sa ward na mag-bahagi ng isang karanasan na nakasama niya ang Panginoon sa oras ng paghihirap. Marahil ay maa-aring ikaw o ang mga bata naman ang magbahagi ng mga karanasan.

MGA GAWA 26:1–29

Buong tapang kong mapapatotohanan si Jesucristo.

Ang katapangan ni Pablo sa pagbabahagi ng kanyang patotoo ay makakatulong na maging matapang ang mga bata kapag nagbabahagi ng kanilang patotoo.

119

MGA GAwA 22–28

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Gawa 26:1–29 at hanapin ang ilang katotohanan ng ebanghelyo na itinuro ni Pablo kay Haring Agripa. Bakit kaya maaaring nakakatakot para kay Pablo na ibahagi ang mga bagay na ito sa harap ng hari? Anyayahan ang mga bata na ilista ang ilang alituntu-nin ng ebanghelyo na alam nilang totoo. Magpaisip sa kanila ng isang taong kilala nila na kailangang makarinig ng kanilang patotoo tungkol sa mga kato-tohanang ito.

• Anyayahan ang mga bata na gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito sa pagsulat ng isang bagay na maaari nilang sabihin sa kanilang patotoo.

MGA GAWA 27

Binabalaan ako ng mga propeta kapag may panganib.

Maaaring pakinggan ng mga bata ang mga mensahe ng mga makabagong propeta at kilalanin ang kanilang mga babala. Paano mo matutulungan ang mga bata na matutong makinig sa mga babalang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Gupit- gupitin ang isang pirasong papel na hugis- barko para maging puzzle. Anyayahan ang mga bata na isulat ang mga babala ni Pablo sa Mga Gawa 27:9–11 sa mga piraso ng papel at pagkatapos ay buuin ang puzzle. Bakit hindi nakinig ang mga tao kay Pablo? (tingnan sa talata 11). Anyayahan ang mga bata na basahin ang mga talata 18–20 at 40–44 para malaman kung ano ang nangyari dahil dito. (Ipaliwanag na dahil sumunod ang mga tao sa payo ni Pablo kalaunan na manatili sa barko, walang

namatay nang mawasak ang barko; tingnan sa mga talata 30–32.) Ano ang matututuhan natin mula sa karanasang ito tungkol sa pagsunod sa propeta?

• Magdala ng mensahe ng Pangulo ng Simbahan sa pinakahuling kumperensya at ibahagi sa mga bata ang anumang mga babala o payo na ibinigay niya. Anyayahan ang mga bata na mag- isip ng mga para-an na masusunod nila ang propeta.

• Paano naging katulad ng lalaking may largabista ang mga propeta?

• Isulat ang ilang aktibidad na magagawa ng mga bata na magpapaalam sa kanila tungkol sa mga tungkulin ng isang propeta—halimbawa, “Basahin ang Doktrina at mga Tipan 21:4–7” o “Kantahin ang ‘Sundin ang Propeta’” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59, o gumamit ng isa pang awitin tungkol sa mga propeta). Isabit ang listahan ng mga aktibidad sa labas ng silid- aralan, at anyayahan ang isang bata na tumayo sa may pintuan at isa- isang basahin ang mga aktibidad sa iba pang mga bata, na hinahaya-ang matapos nila ang aktibidad bago basahin ang isa pa. Ipaliwanag na tulad ng isang bata na naka-pagbigay ng direksyon sa iba, itinuturo sa atin ng propeta kung ano ang gustong ipagawa sa atin ng Diyos. Ipabahagi sa mga bata ang natutuhan nila tungkol sa mga propeta mula sa mga aktibidad.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Ipagamit sa mga bata ang natutuhan nila tungkol kay Pablo para hikayatin ang kanilang pamilya na pag- aralan ang pinakahuling mensahe ng propeta at talaka-yin kung paano nila masusunod ang payo niya.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoIpagamit ang mga pandamdam. “Karamihan sa mga bata (at matatanda) ay higit na natututo kapag ginagamit ang maraming pandamdam. Maghanap ng mga paraan upang matulungan ang mga bata na gamitin ang kanilang mga pandamdam na paningin, pandinig, at panghipo habang nag- aaral sila. Sa ilang sitwasyon, maaari ka pa ngang makahanap ng mga paraan para maisali ang kanilang mga pandamdam na pang- amoy at panlasa!” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).

Maibabahagi ko nang buong tapang ang aking patotoo tungkol kay Jesucristo (Mga Gawa 26:1–29).

Nagpatotoo si Pablo kay Haring Agripa. Isulat o idrowing ang iyong patotoo sa kahon.

121

AGOSTO 5–11

Mga Taga Roma 1–6“Kapangyarihan ng Diyos [tungo sa Kaligtasan]”

Anong mga pahiwatig ang natatanggap mo habang binabasa mo ang Mga Taga Roma 1–6? Ang mga pahiwatig na ito ay maaaring makatulong sa iyo na pumili mula sa sumusunod na mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang ginawa nila bilang tugon sa anumang mga imbitasyong ibinigay mo sa kanila sa lesson noong nakaraang linggo. Halimba-wa, nagkuwento ba sila sa kanilang pamilya tungkol sa pagkawasak ng barko na nakalarawan sa Mga Gawa 27 at sa pagsunod sa propeta?

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA TAGA ROMA 1:16–17

Maipapakita ko ang pananampalataya ko kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya.

Itinuro ni Pablo na ang ebanghelyo ay may kapangya-rihang maghatid ng kaligtasan sa lahat ng nabubuhay sa pamamagitan ng pagsampalataya kay Jesucristo. Paano mo matutulungan ang mga bata na ipakita ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo sa pamama-gitan ng pagsunod sa Kanya?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na hanapin ang Roma sa mapa. Ipaliwanag na ang aklat ng mga taga- Roma ay naglalaman ng isang sulat ni Pablo sa mga Banal sa Roma para ipaunawa sa kanila ang mga alituntu-nin ng ebanghelyo tulad ng pananampalataya.

• Basahin ang Mga Taga Roma 1:17 sa mga bata, at tulungan silang isaulo ang mga katagang “Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.” Maaari mong atasan ang bawat bata ng isang salita sa parirala at ipabigkas ang salitang iyon sa kanila kapag itinuro mo sila. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng pariralang ito ay na dapat tayong mabuhay nang may pananampalataya kay Jesucristo bawat araw. Alam ba ng mga bata kung ano ang pananampala-taya? Magpakita ng larawan ni Jesucristo at ipaliwa-nag na naniniwala tayo na Siya ay totoo kahit hindi pa natin Siya nakikita. Ito ay pananampalataya—paniniwala sa isang bagay kahit hindi pa natin ito nakikita.

• Ipaliwanag na nagpakikita tayo ng pananampalata-ya kay Jesucristo sa pagsunod sa Kanya. Magtago sa paligid ng silid ng mga larawan ng mga tao na ginagawa ang ipinagagawa sa atin ni Jesus. Hayaang

122

AGoSTo 5–11 

maghalinhinan ang mga bata sa paghahanap at paglalarawan sa mga larawan. Ano ang magagawa natin para masunod si Jesus?

• Piringan ang isa sa mga bata, at gabayan siya pata-wid sa kabilang panig ng silid patungo sa isang lara-wan ni Jesus. Bigyan ng ganitong pagkakataon ang bawat bata. Ipaunawa sa mga bata na dapat nilang sundin ang mga turo ni Jesus tulad ng pagsunod nila sa paggabay mo.

MGA TAGA ROMA 6:1–11

Ang pagpapabinyag ay parang pagpapanibagong- buhay ng isang tao.

Ang mga batang tinuturuan mo ay naghahandang mabinyagan. Ano ang matututuhan nila tungkol sa binyag mula sa tagubilin ni Pablo na “[lumakad] sa panibagong buhay”?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ulitin ang mga kata-gang “[Lumakad] sa panibagong buhay” (Mga Taga Roma 6:4). Ipaliwanag na kapag tayo ay bininyagan, pinatatawad tayo sa ating mga kasalanan. May pagkakataon tayong sumulong sa pamamagi-tan ng paggawa ng mabubuting pasiya, pagsisisi kapag nagkakamali tayo, at pagsisikap na maging higit na katulad ni Jesus. Gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito para ituro sa mga bata na tinutulungan tayo ng pagpapabinyag na magpanibagong- buhay.

• Sabihin sa mga bata ang nadama mo nang binya-gan ka, at anyayahan silang ibahagi ang kanilang naranasan nang dumalo sila sa isang binyag. Anyayahan silang idrowing ang kanilang sarili na binibinyagan sila sa hinaharap at ibahagi kung ano ang magagawa nila para makapaghanda sa kani-lang binyag.

• Kantahin ninyo ng mga bata ang isang awitin tung-kol sa binyag, tulad ng “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pambata, 53). Ano ang natututuhan natin tungkol sa binyag mula sa awiting ito?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA TAGA ROMA 1:16–17

Maipapakita ko ang pananampalataya ko kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya.

Itinuro ni Pablo na ang ebanghelyo ay may kapangya-rihang maghatid ng kaligtasan sa lahat ng nabubuhay sa pagsampalataya kay Jesucristo. Pananampalataya ang unang alituntunin ng ebanghelyo. Ginaganyak tayo nitong sundin ang mga kautusan. Paano mo mas mai-papaunawa sa mga bata ang pananampalataya?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipahanap sa isang bata ang Roma sa mapa. Ipau-nawa sa mga bata na sa susunod na ilang linggo, matututo sila mula sa mga sulat ni Pablo sa mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang lugar, simula sa kanyang sulat sa mga taga- Roma.

• Isulat ang teksto mula sa Mga Taga Roma 1:16 sa pisara, na pinapalitan ng mga patlang ang ilang salita. Ipahanap sa mga bata ang talata sa banal na kasulatan at papunan ang mga patlang. Ituro ang pariralang “Hindi ko ikinahihiya ang evangelio [ni Cristo],” at anyayahan ang mga bata na ibahagi kung ano ang kahulugan ng katagang ito sa kanila.

• Anyayahan ang isang bata na basahin nang malakas ang Mga Taga Roma 1:17, at hilingin sa ibang mga bata na pakinggan ang isang salitang inuulit. Ano ang ibig sabihin ng “[mabuhay] sa pamamagitan ng pananampalataya”? Tulungan ang mga bata na makahanap ng isang kahulugan ng pananampala-taya sa isang resource na tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pananampalataya,” scriptures.lds.org. Paano maiiba ang buhay natin kung wala tayong pananampalataya kay Jesucristo?

• Magpakita ng isang halaman at isang binhi sa mga bata, at itanong kung paano natin matutulungang maging isang halaman ang isang binhi. Ipaliwanag na kapag itinanim at diniligan natin ang isang binhi, ipinapakita natin na sumasampalataya tayo na lala-go ito. Paano natin ipinapakita na sumasampalataya

123

MGA TAGA RoMA 1–6

tayo kay Jesucristo? Isiping kantahin ang isang awitin tungkol sa pananampalataya, tulad ng “Pana-nalig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 50), bilang bahagi ng aktibidad na ito.

MGA TAGA ROMA 3:23–24

Kailangan nating lahat si Jesucristo para mapatawad tayo sa ating mga kasalanan.

Nais ni Pablo na maunawaan ng mga taga- Roma na ang kaligtasan ay dumarating lamang sa pamama-gitan ni Jesucristo at ng Kanyang biyaya. Pagnilayan kung paano mo maituturo ang katotohanang ito sa mga bata.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isa sa mga bata na basahin ang Mga Taga Roma 3:23–24. Ano ang iniisip ng mga bata na itinuturo sa atin ng mga talatang ito? Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “biyaya” sa talata 24 ay kaloob na pagmamahal at awa ng Tagapagligtas, na gina-gawang posible na mapatawad tayo sa ating mga kasalanan.

• Magsabit ng isang pagkain o larawan sa mataas na bahagi ng dingding o sa ibang lugar na hindi maa-abot mag- isa ng mga bata. Hayaan silang subukang abutin ito, at ihambing ito sa itinuturo ni Pablo sa Mga Taga Roma 3:23. Pagkatapos ay tulungan silang maabot ito. Ano ang nagawa ng Tagapagligtas para sa atin na hindi natin magagawa para sa ating sarili? Anyayahan ang mga bata na ibahagi kung ano ang nadarama nila tungkol sa Tagapagligtas kapag iniisip nila ang nagawa Niya para sa kanila.

MGA TAGA ROMA 6:1–11

Ang pagpapabinyag ay parang pagpapanibagong- buhay ng isang tao.

Itinuro ni Pablo na ang binyag ay simbolo ng kamata-yan at Pagkabuhay na Mag- uli ni Cristo. Simbolo rin ito

ng “kamatayan” ng ating pagiging makasalanan at pag-bangon para “[makalakad] sa panibagong buhay” (Mga Taga Roma 6:4). Pinaninibago natin ang ating pangako na magpanibagong- buhay tuwing nakikibahagi tayo ng sakramento.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isang bata na basahin ang Mga Taga Roma 6:3–6. Ano ang sinabi ni Pablo na “kawangi-san ng” binyag?

• Talakayin kung paano isinisimbolo ng binyag ang kamatayan at pagkabuhay na mag- uli. Bakit ang kamatayan at pagkabuhay na mag- uli ay mabu-buting simbolo ng nagaganap kapag binibinya-gan tayo?

• Sama- samang basahin ang mga panalangin sa sakramento (tingnan sa DT 20:77, 79). Ipaalala sa mga bata na kapag tumatanggap tayo ng sakramen-to, nagpapanibago tayo ng ating pangako noong binyagan tayo na susundin natin si Jesucristo. Paano tayo natutulungan ng sakramento na “[maka-lakad] sa panibagong buhay”?

• Anyayahan ang mga bata na gumawa ng mga poster na nagpapakita kung ano ang ibig sabihin sa kanila ng “[makalakad] sa panibagong buhay.” Maa-aring isabit ng mga bata ang mga ito sa kuwarto nila para maalala nilang gumawa ng mabubuting pasiya.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na hilingin sa mga miyembro ng kanilang pamilya na ipaalam sa kanila kapag nakikita nila na gumagawa ang mga bata ng isang bagay na nagpapakita ng pananampalataya.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoPalakasin ang tiwala ng mga bata sa sarili. Para mapalakas ng mga bata ang kanilang tiwala sa sarili na matututuhan nilang mag- isa ang ebanghelyo, purihin sila kapag nakikibahagi sila sa klase.

Ang pagpapabinyag ay katulad ng pagkakaroon ng panibagong buhay (Mga Taga Rom

a 6:1–11).Kulayan at gupitin ang m

ga larawan sa ibaba. Ikabit ang laraw

an ng tubig sa maliit na tuldok sa gitna ng pirasong hugis

bilog. Paikutin ang bilog para ipakita kung paano tayo nagkakaroon ng panibagong buhay kapag tayo ay bininyagan.

Ang pagpapabinyag ay katulad ng pagkakaroon ng panibagong buhay.

(Mga Taga Roma 6:1–11)

125

AGOSTO 12–18

Mga Taga Roma 7–16“Daigin Mo ng Mabuti ang Masama”

Habang binabasa mo ang Mga Taga Roma 7–16, itala ang anumang impresyong natatanggap mo kung paano mo maituturo sa mga bata ang mga katotohanan sa mga kabanatang ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Itanong sa mga bata kung may ikinuwento sila sa kanilang pamilya tungkol sa natutuhan nila sa Primary noong nakaraang linggo. (Maaari mong kailanganing repasuhin nang kaunti ang lesson noong nakaraang linggo.) Kung mayroon, ano ang ikinuwento nila?

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA TAGA ROMA 8:35–39

Mahal ako ng aking Ama sa Langit.

Paano mo magagamit ang mga salita ni Pablo para ituro sa mga bata na palagi silang mamahalin ng Ama sa Langit?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang pariralang “[Walang] makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Diyos” (Mga Taga Roma 8:39). Para mailarawan ang katotohanang ito, ipako ang dalawang tabla nang magkadikit, at sulatan ang isa ng “tayo” at ang isa pa ng “pag- ibig ng Diyos.” Hayaang tingnan ng mga bata kung mapaghihiwalay nila ang mga tabla.

• Ilabas ang mga bata para madama nila ang sikat ng araw, o magpakita ng larawan ng araw. Paano naging katulad ng pagmamahal ng Ama sa Langit ang araw ? Ipakita sa kanila na kahit malayo ang araw, maipadarama nito sa atin ang init. Madarama natin ang pagmamahal ng Ama sa Langit sa lahat ng oras, kahit hindi natin Siya kapiling nang perso-nal. Maaari din ninyong sama- samang kantahin ang “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17).

MGA TAGA ROMA 10:17

Dumarating ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos.

Kapag naririnig ng mga bata ang salita ng Diyos at pinakikinggan itong mabuti, lalago ang kanilang pana-nampalataya sa Diyos. Paano mo maipapaunawa sa kanila ang kahalagahan ng pakikinig sa salita ng Diyos?

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin ang Mga Taga Roma 10:17 sa mga bata, at magpakita sa kanila ng mga larawan ng mga sit-wasyon kung saan maririnig nila ang salita ng Diyos (tulad ng pag- aaral ng mga banal na kasulatan ng pamilya, simbahan, o pangkalahatang kumpe-rensya; tingnan sa pahina ng aktibidad para sa

126

AGoSTo 12–18 

linggong ito). Itanong sa mga bata kung kailan nila narinig ang salita ng Diyos.

• Magkuwento tungkol sa isang batang nakikinig sa salita ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Habang nagku-kuwento ka, unti- unting hipan ang isang lobo para kumatawan sa paglago ng pananampalataya ng isang bata tuwing nakikinig siya ang salita ng Diyos.

• Para maipaunawa sa mga bata na maaaring lumago ang kanilang pananampalataya, tulungan silang kantahin ang “Pananalig” (Aklat ng mga Awit Pambata 50–51). Habang kumakanta sila, pagkunwariin silang mga binhi sa pamamagitan ng pagyuko. Tuwing kakantahin nila ang salitang pananalig, patayuin sila nang kaunti tulad ng isang lumalagong halaman.

• Itago sa loob ng silid- aralan ang isang set ng mga banal na kasulatan, isang larawan ng Pangulo ng Simbahan, at isang kopya ng magasing Liahona. Ipahanap sa mga bata ang mga bagay na ito at ipa-bahagi kung paano ginagawang posible ng bawat isa na marinig natin ang salita ng Diyos.

MGA TAGA ROMA 16:1–4

Mapapasalamatan ko ang mga taong tumutulong sa akin.

Nagpasalamat si Pablo sa mga taong tumulong sa kan-ya. Matutulungan mo ang mga bata na pansinin ang mabubuting bagay na ginagawa ng iba para sa kanila at alalahaning pasalamatan sila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipaliwanag na pinasalamatan ni Pablo ang tulong sa kanya ng babaeng si Febe at ng mag- asawang sina Prisca at Aquila (tingnan sa Mga Taga Roma 16:1–4). Magpadrowing sa mga bata ng mga larawan ni Pablo at ng tatlong taong ito habang ibinabahagi mo ang mga salita at parirala mula sa mga talatang ito.

• Anyayahan ang bawat bata na magbahagi ng isang magandang bagay na ginawa ng isang tao para sa kanya kamakailan. Tulungan ang mga bata na guma-wa ng mga thank- you card para sa mga taong iyon.

• Tulungan ang mga bata na matutong magpasala-mat sa iba’t ibang wika. Makakatulong ang kantang “Mga Bata sa Buong Daigdig,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 4–5).

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA TAGA ROMA 8:16–18

Nais ng Ama sa Langit na maghanda akong tanggapin ang lahat ng mayroon Siya.

Ginagawang posible ng plano ng Ama sa Langit na maging katulad Niya tayo at manahin natin ang lahat ng mayroon Siya. Ang katotohanang ito ay makahihi-kayat sa mga batang tinuturuan mo na mas tapat na ipamuhay ang ebanghelyo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Mga Taga Roma 8:16–18. Ano ang natututuhan natin mula sa mga talatang ito kung sino tayo at ano ang maaari nating marating? Ipaliwanag na ang “tagapagmana” ay isang taong nagmamana, o tumatanggap, ng kung anong mayroon ang kanyang mga magulang. Isulat sa pisara ang Ano ang kailangan nating gawin upang magmana ng lahat ng mayroon ang ating Ama sa Langit? Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagsunod, tulad ng “Susundin Ko ang Plano ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 86–87), na naghahanap ng mga sagot. Anong iba pang mga sagot ang maiisip ng mga bata?

• Hilingin sa mga bata na isipin ang isang hari na gustong pamahalain ang kanyang mga anak sa kanyang kaharian balang- araw. Ipaliwanag na ang Ama sa Langit ay parang isang hari, at tayo ay Kanyang maharlikang mga anak. Maaari mong ikuwento ang anak ni Haring Louis XVI ng France, na matatagpuan sa mensahe ni Sister elaine S. Dalton na “Alalahanin Kung Sino Kayo!” (Ensign o Liahona, Mayo 2010, 121). Paano nakakatulong sa atin ang pag- alaala na tayo ay mga anak ng Ama sa Langit at isinilang upang maging katulad Niya balang- araw para tayo mamuhay nang matwid dito sa lupa? (Para sa iba pang impormasyon, tingnan sa Tapat sa Pananampalataya, 20–22)

127

MGA TAGA RoMA 7–16

MGA TAGA ROMA 10:17

Dumarating ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos.

Maraming oportunidad ang mga bata na makinig sa salita ng Diyos. Ipakita sa kanila kung paano mapa-palakas ng pakikinig sa salita ng Diyos ang kanilang pananampalataya.

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat ang sumusunod na pangungusap sa pisara: nanggagaling sa , at sa pamamagitan ng . Papunan sa mga bata ang mga patlang matapos nilang basahin ang Mga Taga Roma 10:17. Magbahagi ng pagkakataon na may nagturo ng isang katotohanan ng ebanghelyo na nagpalakas sa iyong pananampalataya—marahil ay maaari mong ibahagi ang isang paboritong talata sa banal na kasulatan o sipi mula sa pangkalahatang kumperensya. Anyayahan ang mga bata na magba-hagi ng kanilang sariling mga karanasan.

• Isulat sa ilang baso ng tubig ang mga bagay kung saan natin matatagpuan ang salita ng Diyos (tulad ng mga banal na kasulatan, mga miting sa simba-han, at pangkalahatang kumperensya). Talakayin kung paano pinalalakas ng salita ng Diyos ang ating pananampalataya habang ibinubuhos mo ang laman ng bawat baso sa isang lalagyang may naka-sulat na “Pananampalataya.”

• Bigyan ang isang bata ng larawan ng Tagapagligtas na pinagagaling ang isang tao nang hindi ipinapaki-ta ang larawan sa ibang mga bata. Sabihin sa bata na magbigay ng mga clue para mahulaan ng ibang

mga bata kung ano ang ipinapakita sa larawan. Paano natin maibabahagi sa iba ang alam natin tungkol sa Tagapagligtas para manampalataya sila sa Kanya?

MGA TAGA ROMA 14:10, 13

“Huwag . . . tayong mangaghatulan pa sa isa’t isa.”

Kapag nakikihalubilo ang mga bata sa mga ibang gumagawa ng mga pasiya na naiiba sa kanila, maaari silang matuksong humatol. Isipin kung paano maka-katulong ang tagubilin ni Pablo sa mga taga- Roma na maiwasan ang gayong paghatol.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isang bata na basahin ang Mga Taga Roma 14:10, 13. Ipabilang sa ibang mga bata kung ilang beses ginamit ni Pablo ang salitang hatol. Ano ang ibig sabihin ng hatulan ang isang tao? Bakit ba natin dapat iwasang hatulan ang iba?

• Magpakita ng larawan ng isang tao, at itanong sa mga bata kung ano ang alam natin tungkol sa taong ito sa pagtingin lang sa larawan. Ano ang ilang bagay na hindi natin alam tungkol sa kanya? Bakit ang Panginoon ang pinakamainam na humatol sa taong ito? (tingnan sa I Samuel 16:7).

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Papiliin ang mga bata ng isang aktibidad na ginawa ninyo bilang isang klase at ipagawa iyon sa mga bata sa kanilang pamilya. Sabihin sa kanila na sa susunod na linggo ay maikukuwento nila ang kanilang ginawa.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoGawing interesado ang mga bata sa mga talakayan tungkol sa ebanghelyo. Maaaring kailanganin mong mag- isip ng malikhaing mga paraan para gawing interesado ang nakababatang mga bata sa mga talakayan tungkol sa ebanghelyo. Kung minsa’y makakagawa ka ng isang bagay na kasingsimple ng pag- anyaya sa mga bata na maupo nang pabilog sa sahig sa halip na sa kanilang upuan.

Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig ng salita

ng Diyos (Mga Taga Roma 10:17).Kulayan at gupitin ang mga larawan at ang

lalagyan. Itupi ang lalagyan sa tulduk- tuldok na linya, at iteyp o i- stapler ang maiikling gilid. Ipasok sa lalagyan ang mga larawan ng mga paraan na naririnig natin ang salita ng Diyos.

Ang pananam-palataya ay

nanggagaling sa pakikinig ng salita ng Diyos.

(Mga Taga Roma 10:17)

129

AGOSTO 19–25

I Mga Taga Corinto 1–7“Kayo’y Mangalubos sa Isa Lamang”

Maipapaalam sa iyo ng Espiritu Santo kung anong mga alituntunin ng ebanghelyo sa I Mga Taga Corinto 1–7 ang makakatulong sa mga batang tinuturuan mo. Habang binabasa mo nang may panalangin ang mga kabanatang ito, itala ang mga kaisipan at damdaming dumarating sa iyo mula sa Espiritu.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ilang araw bago ang klase, anyayahan ang isa o mahigit pang mga bata na maghanap ng isang talata sa I Mga Taga Corinto 1–7 na maibabahagi nila sa klase. Maaari mong anyayahan ang kanilang mga magulang kung kailangan.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I MGA TAGA CORINTO 2:11–14

Tinuturuan ako ng Espiritu Santo ng mga katotohanan ng ebanghelyo.

Isa sa mga tungkulin ng Espiritu Santo ang ituro sa atin ang katotohanan. Anong mga karanasan ang maibaba-hagi mo sa mga bata para maipaunawa ito sa kanila?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita ng mga bagay o larawan na kumakata-wan sa mga paraan na matututo tayo tungkol sa mundo (tulad ng paaralan, aklat, o cell phone). Ano ang matututuhan natin sa paggamit ng mga bagay

na ito? Ipaliwanag na sa I Mga Taga Corinto 2:11, 14, itinuro ni Pablo na matututo lamang tayo tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, ang Espiritu Santo. Ano ang magagawa natin upang matutuhan ang “mga bagay ng Dios”?

• Ipalakpak ang inyong mga kamay habang sinasam-bit ninyo ang bawat pantig sa pangungusap na “Tinuturuan tayo ng Espiritu Santo ng katotohanan.” Ipapalakpak sa mga bata ang kanilang mga kamay at ipaulit ang pangungusap. Magbahagi sa mga bata ng isang karanasan kung kailan ipinaalam sa iyo ng Espiritu Santo na ang isang bagay ay totoo.

• Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa Espiritu Santo, tulad ng “Ang Espiritu Santo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 56). Tulungan ang mga bata na maghanap ng mga salita at parirala sa awitin na nagtuturo kung paano nangungusap sa atin ang Espiritu Santo at ano ang itinuturo Niya sa atin.

I MGA TAGA CORINTO 3:10–11

Si Jesucristo ang aking pundasyon.

Ang mga bata ay naglalatag ng pundasyon ng kanilang patotoo, at matutulungan mo silang magtayo ng mati-bay na pundasyon kay Jesucristo.

Corin

to, S

outh

ern

Gree

ce, a

ng F

orum

an

d Ci

vic C

ente

r, la

rawa

ng ip

inin

ta

ni B

alag

e Ba

logh

/www

.Arc

haeo

logy

Illu

stra

ted.

com

130

AGoSTo 19–25 

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Mga Taga Corinto 3:11 sa mga bata, at ipaliwanag na si Jesucristo ang ating pundasyon. Ipakita sa mga bata ang ilang larawan ng mga bagay na maaari tayong magkaroon ng patotoo, kabilang na ang isang larawan ni Jesucristo. Tulungan silang ayusin ang mga larawan para ang larawan ni Jesus ang nasa pinakailalim, tulad ng isang pundasyon, at ang iba pang mga larawan ang “nakatayo” sa ibabaw ng pundasyon ng patotoo sa Kanya.

• Gumawa ng mga galaw para sa awiting “Ang Matali-no at ang Hangal” (Aklat ng mga Awit Pambata, 132), at kantahin ninyo ng mga bata ang awitin. Bigyan ang bawat bata ng isang bato na may nakasulat na “Si Jesucristo ang aking pundasyon.” Ipauwi sa kanila ang mga bato para maipaalala sa kanila ang kanilang natutuhan.

• Magpakita ng mga larawang nagpapakita ng ilan sa mga paborito mong kuwento sa buhay ng Tagapag-ligtas, at hilingin sa mga bata na sabihin sa iyo kung ano ang nangyayari sa mga larawan. Hayaang isa-laysay nila ang ilan sa mga paborito nilang kuwento tungkol kay Jesus. Magpatotoo na si Jesucristo ang pundasyon ng iyong pananampalataya.

I MGA TAGA CORINTO 6:19

Ang aking katawan ay tulad ng isang templo.

Paano mo matutulungan ang mga bata na pahalaga-han ang kanilang katawan bilang kaloob mula sa Diyos at magkaroon ng mas malaking pagnanais na alaga-an ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita sa mga bata ng mga larawan ng templo (tingnan ang outline para sa linggong ito sa Pumari-to Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya), at basahin ang mga salitang ito mula sa I Mga Taga Corinto 6:19: “Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” Ipaunawa sa mga bata na nais ng Ama sa Langit na panatilihin nating malinis at banal ang ating katawan, tulad ng isang templo.

• Magdispley ng larawan ng isang bata, at paligiran ito ng mga larawan ng mga bagay na nakakabuti

sa ating katawan at mga bagay na nakakasama. Anyayahan ang mga bata na maghalinhinan sa pagtukoy sa mga bagay na nakakabuti at pag- aalis sa mga bagay na nakakasama.

• Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa mga katawan, tulad ng “Ulo, Balikat, Tuhod, at Paa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 129), at itanong sa mga bata kung bakit sila nagpapasalamat para sa kanilang katawan.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I MGA TAGA CORINTO 1:23–25

Mas matalino ang Diyos kaysa sa tao, at nagpapakita ako ng tunay na karunungan kapag naniniwala ako sa Kanyang mga turo.

Malalaman ng mga batang tinuturuan mo—kung hindi pa nila alam—na ang ilang tao ay nagtuturo ng mga bagay na salungat sa karunungan ng Diyos. Ang pag- aaral ng I Mga Taga Corinto 1:23–25 ay magpapau-nawa sa mga bata na ang Diyos ay mas matalino kaysa sa tao.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang I Mga Taga Corinto 1:23–25, at tulungan ang mga bata na hanapin ang mga salitang karunungan at kamangmangan. Ipali-wanag na maraming taong nag- akala na ang mga turo ni Pablo ay kamangmangan, ngunit ipinaliwa-nag ni Pablo na ang paniniwala sa ebanghelyo ni Cristo ang tunay na karunungan. Bakit katalinuhan ang maniwala sa itinuturo ng Diyos?

• Tulungan ang mga bata na isadula kung paano sila tutugon sa mga taong nag- aakala na ang mga turo ng Simbahan ay “kamangmangan”—mga turong tulad ng paniniwala sa Tagapagligtas, pagsunod sa Word of Wisdom, o pagsunod sa batas ng ikapu. Halimbawa, maaari nilang patotohanan ang mga pagpapalang nagmumula sa pagsunod sa mga turong ito.

• Magbahagi ng isang karanasan kung kailan ina-kala ng iba na ang iyong mga paniniwala ay

131

I MGA TAGA CoRINTo 1–7

kamangmangan, o magbahagi ng isang halimba-wa mula sa mga banal na kasulatan. Maaari bang magbahagi ng mga karanasang katulad nito ang mga bata? Paano tayo matutulungan ng I Mga Taga Corinto 1:25 na manatiling tapat kahit sinasabi ng iba na kamangmangan ang ating mga paniniwala?

I MGA TAGA CORINTO 2:11–14

Tinuturuan ako ng Espiritu Santo ng mga katotohanan ng ebanghelyo.

Paano mo maipapaunawa sa mga bata na kailangan nila ang Espiritu Santo para maunawaan ang “mga bagay ng Dios”?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ilista ang mga paraan na natututo tayo tungkol sa mundo—halimbawa, mga aklat, paaralan, at internet. Pagkatapos ay sama- samang basahin ang I Mga Taga Corinto 2:11–14. Ano ang itinuturo ng mga talatang ito kung paano natin natututuhan ang “mga bagay ng Dios”?

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng isang pagkakataon na nadama nila ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo, na tinatawag ding “Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:11–14). Maaaring kasama sa mga pagkakataong iyon ang oras na sila ay nasa simbahan, nagdarasal, o nagbabasa ng mga banal na kasulatan. Ipaunawa sa kanila na itinuturo sa kanila ng Espiritu Santo ang katotohanan, tulad ng inilarawan ni Pablo.

• Anyayahan ang bawat bata na basahin ang isa sa mga talatang ito: I Mga Taga Corinto 2:11–14; 1 Nephi 10:17; Moroni 10:3–5; at Doktrina at mga Tipan 8:2–3. Ipakuwento sa mga bata ang natutu-han nila mula sa mga talatang ito kung paano tayo tinuturuan ng Espiritu Santo. Hikayatin silang isulat ang mga reperensyang ito sa margin ng kanilang mga banal na kasulatan.

I MGA TAGA CORINTO 6:19–20

Dapat kong igalang at panatilihing banal ang aking katawan.

Ang pag- unawa na ang ating katawan ay kaloob mula sa Ama sa Langit ay makakatulong sa mga bata na panatilihing sagrado ang kanilang katawan, kahit natu-tukso silang gawin ang kabaligtaran nito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng isang nakabalot na regalo na may mga larawan ng isang bata at isang templo sa loob nito. Anyayahan ang mga bata na basahin ang I Mga Taga Corinto 6:19–20 at hulaan kung ano ang nasa loob ng regalo. Hayaang buksan nila ang regalo at talakayin kung paano naging katulad ng templo ang ating katawan.

• Kausapin ang mga bata kung paano natin dapat tratuhin ang isang templo. Kung ang ating katawan ay tulad ng mga templo, paano natin dapat tratuhin ang ating katawan? Makakatulong ang pagkanta o pagbabasa ng mga titik ng isang awitin tungkol sa mga templo, tulad ng “Ang Diyos sa Akin ay Nag-bigay ng Templo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 73), para masagot ang tanong na ito. Kapag nagkaka-mali tayo, paano natin malilinis na muli ang ating “mga templo”?

• Sama- samang basahin ang bahaging pinamagatang “Kalusugang Pisikal at Emosyonal” sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (2011, 25–27). Anyayahan ang mga bata na ilista sa pisara ang payong makikita nila tungkol sa pangangalaga sa ating katawan.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamil-ya ang isang awiting kinanta nila sa klase at kung ano ang natutuhan nila mula roon.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMagpatotoo tungkol kay Jesucristo. Ang isa sa pinakamahahalagang bagay na magagawa mo bilang guro ay magpatotoo tungkol kay Jesucristo. Mapapalakas nito ang patotoo ng mga bata at maipapadama ang pagmamahal ng Tagapagligtas sa kanila.

Ang aking katawan ay

katulad ng templo

(I Mga Taga Corinto 6:19).

Magdrow

ing ng larawan ng

iyong katawan sa espasyo sa

ibaba. Itupi ang larawan sa m

ga tulduk- tuldok na linya upang

ipakita kung paano naging katulad ng tem

plo ang iyong katawan.

133

AGOSTO 26–SETYEMBRE 1

I Mga Taga Corinto 8–13“Kayo Nga ang Katawan ni Cristo”

Habang binabasa mo I Mga Taga Corinto 8–13, makinig sa mga pahiwatig ng Espiritu kung paano ituturo ang mga alituntunin sa mga kabanatang ito. Tandaan na alinman sa mga ideya sa aktibidad na ito ay maaaring iangkop para sa nakatatanda at nakababatang mga bata.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sabihin sa mga bata na magbahagi ng isang bagay na ginawa nila sa sacrament meeting ngayon para isipin nila si Jesus.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I MGA TAGA CORINTO 10:13

Tutulungan ako ng Ama sa Langit na gumawa ng mabubuting pasiya.

Hindi palaging madaling piliin ang tama, ngunit tutulu-ngan tayo ng Ama sa Langit na gumawa ng mabubu-ting pasiya.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Mga Taga Corinto 10:13 sa mga bata, na inaanyayahan silang tumalikod sa iyo kapag nari-nig nila ang mga salitang “tuksuhin” o “tukso.”

• Lumikha ng maliliit na stop sign para sa mga bata. Magsalaysay ng ilang maiikling kuwento tungkol

sa mga tao na malapit nang magkamali ng pasiya. Habang nakikinig ang mga bata, anyayahan silang itaas ang kanilang stop sign kapag nagkakamali ng pasiya ang tauhan sa kuwento. Ano kaya ang tamang ipasiya? Magpatotoo na tutulungan sila ng Ama sa Langit na piliin ang tama.

• Magpakita ng larawan ni Jesus at kumanta kayo ng mga bata ng isang awitin tungkol kay Jesucristo, tulad ng “Sinisikap Kong Tularan si Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41). Paano nakakatulong sa atin na gumawa ng mabubuting pasiya ang pag- alaala kay Jesus? Magpakita ng iba pang mga larawan ng mga tumutulong sa atin na gumawa ng mabubuting pasiya, tulad ng mga magulang o mga banal na kasulatan. Itanong sa mga bata kung ano ang nakakatulong sa kanila na gumawa ng mabubu-ting pasiya.

I MGA TAGA CORINTO 12:4, 7–11

Biniyayaan ako ng Ama sa Langit ng mga espirituwal na kaloob.

Binigyan ng Ama sa Langit ng mga espirituwal na kaloob ang lahat ng Kanyang anak. Anong mga espi-rituwal na kaloob ang nakikita mo sa mga batang tinuturuan mo?

134

AGoSTo 26–SeTyeMbRe 1 

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang I Mga Taga Corinto 12:7–11, at tukuyin ang mga espirituwal na kaloob na binanggit ni Pablo. Tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga galaw na babagay sa mga kaloob na ito ng Espiritu, at gamitin ang mga galaw para maalala ng mga bata ang mga kaloob.

• Ipadrowing sa mga bata ang paboritong kaloob na natanggap nila. Ipaliwanag na ang Ama sa Langit ay nagbibigay sa atin ng mga espirituwal na kaloob upang patatagin ang ating pananampalataya at tulungan tayong pagpalain ang iba.

• Sumulat ng isang bagay para sa bawat bata, na nag-lalarawan ng isang espirituwal na kaloob na nakita mo sa kanya (o maaari mong anyayahan ang mga magulang na isulat ang mga ito). Ibalot ang maiik-ling sulat na ito na parang mga regalo. Pabuksan sa mga bata ang kanilang regalo, at tulungan silang basahin ang kanilang mga espirituwal na kaloob.

I MGA TAGA CORINTO 13:1–8

Maaari kong mahalin ang iba.

Itinuturo ng mga banal na kasulatan na ang pag- ibig sa kapwa- tao ay ang “dalisay na pag- ibig ni Cristo” (Moro-ni 7:47). Paano mo matutulungan ang mga bata na magkaroon at magpahayag ng pagmamahal na katulad ni Cristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Mga Taga Corinto 13:8 at Moroni 7:47, at tulungan ang mga bata na ulitin ang pari-ralang “Ang pag- ibig sa kapwa- tao ay ang dalisay na pag- ibig ni Cristo.” Magpakita ng mga larawan ng pagiging mapagmahal at mabait ni Jesus, at itanong sa mga bata kung paano Siya nagpakita ng pagma-mahal sa iba (tingnan ang Aklat ng Sining ng Ebang-helyo para sa mga ideya).

• Pumili ng isang bata na tatayo sa harapan ng klase. Itanong sa bata kung paano niya paglilingkuran ang isang tao sa klase. Ipaliwanag na ito ay isang paraan na maipapakita natin ang pag- ibig sa ating kapwa. Anyayahan ang ibang mga bata na maghalinhinan sa pagpapakita ng pag- ibig sa kapwa.

• Kumanta kayo ng mga bata ng isang awitin tungkol sa pagmamahal sa iba, tulad ng “Mahalin Bawat Tao, Sabi ni Cristo” o “Mahalin ang Bawat Isa” (Aklat ng mga Awit Pambata, 39, 74). Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang tao (tulad ng isang magu-lang, guro, o kaibigan), at ipabahagi sa mga bata kung paano nila maaaring paglingkuran ang taong iyon. Anyayahan ang mga bata na mag- isip ng isang taong maaari nilang paglingkuran at sumu-lat o magdrowing ng isang larawan na ibibigay sa taong iyon.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I MGA TAGA CORINTO 10:13

Tutulungan ako ng Ama sa Langit na paglabanan ang tukso.

Ang mga pangako sa talatang ito ay makapagbibigay ng tiwala sa mga bata na tutulungan sila ng Ama sa Langit kapag sila ay natutukso.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang I Mga Taga Corinto 10:13 nang pares- pares at ipabuod ang talata sa sarili nilang mga salita. Magpabahagi sa mga bata ng isang karanasan kung saan tinu-lungan sila ng Ama sa Langit na iwasan o labanan ang tukso. Ano ang magagawa natin para umasa sa Ama sa Langit kapag tayo ay natutukso?

• Isulat sa mga piraso ng papel ang mga tuksong maaaring kinakaharap ng mga bata ngayon. Anyaya-han ang bawat isa sa mga bata na pumili ng isang papel at ibahagi kung ano ang ibinigay ng Ama sa Langit para tulungan tayong iwasan o labanan ang mga tuksong ito. Para sa ilang ideya, sama- samang basahin ang Alma 13:28–29.

I MGA TAGA CORINTO 11:23–29

Sa oras ng sakramento, mapag- iisipan ko kung paano ko sinusunod ang Tagapagligtas.

Ang sakramento ay may dagdag na kahalagahan para sa mga batang nabinyagan na. Tulungan silang ituring

135

I MGA TAGA CoRINTo 8–13

ang sagradong ordenansang ito na isang pagkakataon para “siyasatin” o suriin ang kanilang sarili at magpani-bago ng kanilang pangakong maging tapat sa Tagapag-ligtas (I Mga Taga Corinto 11:28).

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa sa isang bata ang I Mga Taga Corinto 11:28. Ano ang kahulugan ng “siyasatin” ang ating sarili bago tumanggap ng sakramento? Magpaisip sa mga bata ng ibang mga taong nagsisiyasat o nanunuri sa mga bagay- bagay, tulad ng mga doktor, detektib, o siyentipiko (halimbawa, sinusuri ng mga doktor ang ating katawan kung may mga sugat o sakit na kailangang pagalingin). Ano ang itinuturo sa atin ng kanilang trabaho kung paano natin dapat suriin ang ating sarili kapag nakikibahagi tayo sa sakramento?

• Magpalista sa mga bata ng mga bagay na mapag- iisipan nila kapag nakikibahagi sila ng sakramento. Anyayahan silang gamitin ang kanilang listahan bilang paalala na suriin ang kanilang sarili sa oras ng sakramento.

I MGA TAGA CORINTO 12:4, 7–12, 31; 13:1–8

Ako ay may mga espirituwal na kaloob.

Itinuro ni Pablo na ang mga kaloob ng espiritu “sa bawa’t isa ay ibinibigay” (I Mga Taga Corinto 12:7). Ang alituntuning ito ay makakatulong sa mga bata na magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili, lalo na kapag ginagamit nila ang kanilang mga kaloob upang pagpa-lain ang iba.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipasulat sa mga bata sa pisara ang mga espirituwal na kaloob na mahahanap nila sa I Mga Taga Corinto 12:7–11; 13:2. Anyayahan silang maghanap ng iba

pang mga kaloob na binanggit sa Moroni 10:8–18 at Doktrina at mga Tipan 46:13–26. Ibahagi sa kanila ang ilang iba pang mga espirituwal na kaloob na binanggit ni elder Marvin J. Ashton: “Ang kaloob na humiling; ang kaloob na makinig; . . . ang kaloob na umiwas na makipagtalo; . . . ang kaloob na hangarin yaong matwid; ang kaloob na huwag humatol; ang kaloob na umasa sa patnubay ng Diyos; . . . ang kaloob na pagmalasakitan ang iba; . . . ang kaloob na mag- alay ng panalangin; ang kaloob na mag-bahagi ng makapangyarihang patotoo” (“There are Many Gifts, ” Ensign, Nob. 1987, 20). Anyayahan ang mga bata na magsalita tungkol sa mga espirituwal na kaloob na nakikita nila sa isa’t isa.

• Bago magklase, itanong sa mga magulang ang mga kaloob na nakikita nila sa kanilang mga anak, o pag- isipan mo mismo ang kanilang mga kaloob. Sabihin sa mga bata ang mga kaloob na ito, at pahulaan sa kanila kung sino ang batang may gayong kaloob. Anyayahan ang mga bata na sumulat ng isang paraan na magagamit nila ang kanilang kaloob para pagpalain ang isang tao sa buong linggong ito.

• Magbahagi ng iba’t ibang sitwasyon kung saan maaaring gamitin ng mga tao ang isang espiritu-wal na kaloob na binanggit sa I Mga Taga Corinto 12:7–10. Anyayahan ang mga bata na tukuyin ang mga espirituwal na kaloob na maaaring gamitin sa bawat sitwasyon.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang mga espirituwal na kaloob sa kanilang pamilya at itanong sa mga miyembro ng kanilang pamilya kung ano ang kanilang mga kaloob.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMagbigay ng mga paanyayang gumagalang sa kalayaan. Kapag inanyayahan mo ang mga bata na kumilos ayon sa natututuhan nila, mag- isip ka ng mga paraan para maigalang ang kanilang kalayaan. Sa halip na anyayahan silang gawin ang isang partikular na bagay, isiping anyayahan silang mag- isip ng sarili nilang mga paraan para maipamuhay ang natutuhan nila.

Magagawa kong mahalin ang iba (I Mga Taga Corinto 13:1–8).Pumili ng tatlong magkakaibang kulay. Kulayan ng isang kulay ang lahat ng hugis na naglalaman

ng bilog, lahat naman ng naglalaman ng hugis parisukat ay kulayan ng isa pang kulay, at kulayan ng pangatlong kulay ang lahat ng mga hugis na naglalaman ng tatsulok.

137

SETYEMBRE 2–8

I Mga Taga Corinto 14–16“Ang Dios ay Hindi Dios ng Kaguluhan, Kundi ng Kapayapaan”

Habang binabasa mo ang I Mga Taga Corinto 14–16, ipapaalam sa iyo ng Espiritu Santo kung ano ang ituturo sa mga bata sa iyong klase. Repasuhin ang outline na ito para sa iba pang mga ideya.

Mag- anyayang Magbahagi

Maaari mong simulan ang lesson para sa linggong ito sa pagbasa nang malakas sa I Mga Taga Corinto 14:26. Ipaliwanag na kapag nagtitipun- tipon tayo sa Simbahan, mapapatibay (o mapapatatag at matutulu-ngan) natin ang iba kapag nagbabahagi tayo. Ano ang maibabahagi ng mga bata para patibayin ang isang tao sa klase ngayon?

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I MGA TAGA CORINTO 15:12–22

Maaari kong makapiling ang Ama sa Langit kapag namatay ako dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag- uli.

Paano mo maituturo sa mga bata sa iyong klase na dahil si Jesucristo ay nabuhay na mag- uli ay maaari tayong mabuhay na muli?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ulitin ninyo ng mga bata nang ilang beses ang sumusunod na parirala: “Kay Cristo ang lahat ay bubuhayin” (I Mga Taga Corinto 15:22). Magpakita ng isang larawan ng nabuhay na mag- uling Taga-pagligtas (tingnan sa outline para sa linggong ito

sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Ipaliwanag na tayong lahat ay mamamatay balang- araw, ngunit dahil si Jesus ay nabuhay na mag- uli, tayong lahat ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay.

• Gumamit ng isang object lesson na tulad nito upang ituro ang Pagkabuhay na Mag- uli: Magpakita sa mga bata ng isang jacket, na kumakatawan sa ating pisikal na katawan. Kapag buhay tayo, ang ating espiritu ay nasa ating katawan, at nakakagalaw ang ating katawan (isuot ang jacket). Kapag namatay tayo, lilisanin ng ating espiritu ang ating katawan, at hindi makakagalaw ang ating katawan (alisin ang jacket at ipatong ito sa mesa o silya para sumagisag sa isang katawan na walang espiritu). Kapag tayo ay nabuhay na mag- uli, bumabalik ang ating espiritu sa ating katawan (muling isuot ang jacket), at hindi na sila muling naghihiwalay. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagsuot at paghubad ng jacket habang ipinaliliwanag ng isa pang bata kung ano ang mangyayari kapag tayo ay nabuhay na mag- uli.

I MGA TAGA CORINTO 15:29

Maaari akong mabinyagan para sa mga taong namatay na.

Makapaghahanda na ang mga batang tinuturuan mo na makapasok sa templo at mabinyagan para sa mga patay kapag sila ay 12 taong gulang na. Binanggit ni Pablo ang mahalagang doktrinang ito sa kanyang sulat sa mga taga- Corinto.

138

SeTyeMbRe 2–8 

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na umisip ng mga bagay na hindi nila magagawa para sa kanilang sarili (tulad ng pagbuhat sa isang mabigat na bagay o pag- abot sa isang bagay na nasa mataas na istante). Sino ang tumutulong sa kanila na gawin ang mga bagay na ito? Magpakita ng larawan ng isa sa iyong mga ninu-no na namatay nang hindi nabibinyagan. Ikuwento sa mga bata ang taong ito, at ipaliwanag na hindi siya mabibinyagan nang walang tulong ng isang tao sa lupa.

• Itanong sa mga bata kung mayroon silang mga miyembro ng pamilya na nakapunta na sa tem-plo para magsagawa ng mga binyag para sa mga patay. Magpakita ng mga larawan ng isang bautis-muhan sa templo. Alam ba ng mga bata kung ano ang nangyayari dito? Ipaliwanag na maaari tayong binyagan sa templo para sa mga taong pumanaw nang hindi nabinyagan. Pagkatapos ay maipapa-siya ng mga taong iyon kung tatanggapin nila ang pagbibinyag.

I MGA TAGA CORINTO 15:40–41

Nais ng Ama sa Langit na makapiling ko Siya sa kahariang selestiyal.

Paano mo maituturo sa mga bata ang tungkol sa mga kahariang selestiyal, terestriyal, at telestiyal? Maaaring makatulong ang mga aktibidad na ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat sa pisara ang selestiyal, terestriyal, at telestiyal. Tulungan ang mga bata na matutong sabihin ang mga katagang ito.

• Magpakita ng mga larawan ng araw, buwan, at mga bituin. Alin ang pinakamaningning ang liwanag? basahin ang I Mga Taga Corinto 15:40–41 sa mga bata (tingnan din sa Pagsasalin ni Joseph Smith, 1 Mga Taga- Corinto 15:40, Gabay sa mga banal na Kasulatan). Ipaliwanag na ang araw, buwan, at bituin ay kumakatawan sa mga kahariang matitirhan natin matapos tayong mabuhay na mag- uli. Sa kahari-ang selestiyal, maaari nating makapiling ang Ama sa Langit.

• Magdrowing ng araw sa pisara at maglagay ng maliliit na piraso ng papel, o mga baitang, sa sahig patungo sa araw. Bawat papel ay maaaring kuma-tawan sa isang bagay na kailangan nating gawin upang makapasok sa kahariang selestiyal (tingnan sa DT 76:50–53). Hayaang magbahagi ang mga bata ng mga ideya at paakyatin sa mga baitang patungo sa kahariang selestiyal.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I MGA TAGA CORINTO 15:12–22

Dahil kay Jesucristo at sa Kanyang pagkabuhay na mag- uli, ako ay mabubuhay na mag- uli.

Nauunawaan ba ng mga batang tinuturuan mo ang kahalagahan ng Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesucristo? Maaaring makatulong ang mga ideyang ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na maghalinhinan sa pag-basa sa mga talata sa I Mga Taga Corinto 15:12–22, na hinahanap ang mga sagot sa tanong na “Ano kaya ang mangyayari kung walang pagkabuhay na mag- uli?”

• Anyayahan ang mga bata na isadula kung paano ipaliliwanag ang pagkabuhay na mag- uli sa isang tao. Para sa mga ideya, tingnan sa mensahe ni Tho-mas S. Monson na “Mrs. Patton—Ang Karugtong ng Kuwento” (Ensign o Liahona, Nob. 2007, 21–24). Tingnan din ang video na “Until We Meet Again” (LDS.org). Magpatotoo tungkol sa Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesucristo.

I MGA TAGA CORINTO 15:12–13, 20–22, 29

Maaari akong maghandang makapunta sa templo upang mabinyagan para sa mga patay.

Kapag 12 taong gulang na ang mga bata, maaari silang tumanggap ng temple recommend at magsagawa ng mga binyag para sa mga patay sa templo. Paano mo sila matutulungang maghanda?

139

I MGA TAGA CoRINTo 14–16

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Mga Taga Corinto 15:29. Ano ang ginagawa ng mga Banal noong panahon ni Pablo na ginagawa rin natin ngayon?

• Itanong sa mga bata kung bakit tayo nagpapabinyag para sa mga patay. Kung kailangan, ipaliwanag na marami sa ating mga ninuno ang hindi nagkaroon ng pagkakataong mabinyagan at makumpirma sa buhay na ito. Sa templo, maaari tayong mabinyagan at makumpirma para sa kanila.

• Ilang araw bago magklase, hilingin sa isang magu-lang ng isa sa mga bata na pumunta na handang ibahagi sa klase ang kanyang family tree, o mag-kuwento tungkol sa isang ninuno. Maaari ka ring magbahagi tungkol sa iyong sariling mga ninuno.

• Anyayahan ang isang miyembro ng bishopric na magbahagi ng ilang bagay na magagawa ng mga bata para maging karapat- dapat na pumasok sa templo. Itanong sa mga bata kung ano ang maga-gawa nila para maalalang gawin ang mga bagay na ito. Isulat ang kanilang mga ideya sa pisara. Anyaya-han silang magtakda ng mithiin na magpunta sa templo balang- araw.

I MGA TAGA CORINTO 15:40–41

Matapos akong mabuhay na mag- uli, maaari akong manirahan sa kahariang selestiyal.

Para maituro sa mga taga- Corinto ang tungkol sa mga katawang matatanggap natin sa Pagkabuhay na Mag- uli, binanggit ni Pablo ang tatlong antas ng kaluwalhati-an: selestiyal, terestriyal, at telestiyal.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Mga Taga Corinto 15:40- - 41 at anyayahan ang mga bata na idrowing ang araw, buwan, at bituin sa pisara. Ipatukoy sa mga miyem-bro ng klase kung anong uri ng nabuhay na mag- uling katawan ang kinakatawan ng bawat drowing.

• Sama- samang kumanta ng isang awitin tungkol sa mga templo, tulad ng “Ang Diyos sa Akin ay Nagbi-gay ng Templo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 73). Ano ang itinuturo sa atin ng awiting ito tungkol sa pag-hahandang mamuhay sa kaluwalhatiang selestiyal?

• Ipaliwanag na nagkaroon ng pangitain si Joseph Smith kung saan nakita niya ang tatlong kahariang tumutugma sa mga uri ng katawan na inilarawan ni Pablo. Tulungan ang mga bata na hanapin ang mga parirala mula sa Doktrina at mga Tipan 76:50–53, 70; 76:71–79; 76:81–82 na naglalarawan sa tatlong kahariang ito.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na magpakuwento sa kani-lang mga magulang tungkol sa isa sa kanilang mga ninuno. Maaari nilang ikuwento ito sa klase sa susunod na linggo.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoHikayatin ang mga bata na magtanong. “Sikaping ituring na mga oportunidad ang [mga tanong ng mga bata], hindi mga panggagambala o sagabal sa lesson mo. . . . Ang gayong mga tanong ay magbibigay sa iyo ng mahahalagang kabatiran tungkol sa iniisip ng mga bata, mga problema nila, at paano sila tumutugon sa mga bagay na natututuhan nila. Ipaalam sa kanila na ang mga sagot sa kanilang mga tanong ay matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga buhay na propeta.” (Pagtuturo ayon sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26).

Pagkatapos ng aking muling pagkabuhay, ako ay maaaring mamuhay sa kahariang selestiyal (I Mga Taga Corinto 15:40–41).

Idrowing ang sarili mo o ang iyong pamilya sa

Kahariang Selestiyal

Kahariang Terestriyal

Kahariang Telestiyal

141

SETYEMBRE 9–15

II Mga Taga Corinto 1–7“Kayo’y Makipagkasundo sa Dios”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbasa sa II Mga Taga Corinto 1–7. Ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya ay magpapaunawa sa iyo sa mga kabanatang ito, at ang outline na ito ay makapagbibigay sa iyo ng mga ideya sa pagtuturo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Maaaring may naisulat na ang ilan sa mga bata sa iyong klase ngayong linggo tungkol sa kung paano naging mabuting halimbawa ng isang disipulo ni Jesucristo ang isang miyembro ng pamilya. Kung naga-wa nila ito, sabihan sila nang maaga na ibahagi ang sulat nila sa klase. o hilingin sa mga bata na magbaha-gi ng ibang bagay na natutuhan nila.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

II MGA TAGA CORINTO 1:3–4

Inaaliw ako ng Ama sa Langit, at maaari kong aliwin ang iba.

Paano mo mabibigyan ng tiwala ang mga bata na aali-win sila ng Ama sa Langit? Paano mo sila mahihikayat na aliwin ang iba?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng mga bagay sa klase na nagbibigay ng ginhawa o aliw, tulad ng kumot o benda. Itanong sa mga bata kung ano ang nakakaaliw sa kanila kapag sila ay nalulungkot o natatakot o may iba pang mga problema. basahin ang II Mga Taga Corinto 1:3–4 sa mga bata, at ipaliwanag na “kapighatian” ang isa pang tawag sa mahihirap na problema. Magbahagi ng ilang paraan kung saan naaliw ka ng Ama sa Langit, at patototohanan na aaliwin din Niya ang mga bata.

• Magpakita ng mga larawan ng mga taong binibin-yagan (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 103 at 104) habang binabasa mo ang II Mga Taga Corinto 1:4 at Mosias 18:8–9 sa mga bata. Ipa-liwanag na sa binyag ay nangangako tayong aliwin ang iba. Paano natin masusunod ang payo ni Pablo na “[aliwin] ang nangasa anomang kapighatian”?

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang kanilang sarili na tumutulong sa isang taong nangangaila-ngan. Hayaang ipaliwanag nila kung paano nakaka-aliw o nakakaginhawa sa iba ang paggawa ng mga bagay na ito.

142

SeTyeMbRe 9–15 

II MGA TAGA CORINTO 2:7–8, 10

Maaari kong patawarin ang ibang tao.

Pumili mula sa sumusunod na mga aktibidad—o mag- isip ng sarili mong mga aktibidad—para mapalakas ang pagnanais ng mga bata na patawarin ang iba.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipaliwanag sa mga bata na nais ni Pablo na patawa-rin ng mga Banal sa Corinto ang isang taong nag-kasala. basahin ang II Mga Taga Corinto 2:7–8, 10, at anyayahan ang mga bata na ilagay ang kamay nila sa dibdib tuwing maririnig nila ang mga salitang patawarin at pinatatawad.

• Anyayahan ang mga bata na isadula kung paano sila maaaring tumugon sa mga sitwasyon na may nagawa ang isang tao na masakit sa damdamin. Hayaan silang maghalinhinan sa pagsasabi ng “Sori” at “Pinatatawad kita.” Paano natin maipapaalam sa mga tao na pinatatawad natin sila? Ipaliwanag na maaaring ang isang paraan ay “papagtibayin ninyo ang pag- ibig,” o magpakita ng pagmamahal sa kanila (II Mga Taga Corinto 2:8).

II MGA TAGA CORINTO 4:1–2

Naniniwala ako sa pagiging matapat.

Itinuro ni Pablo na ang mga lingkod ni Cristo ay hindi nagsisinungaling sa iba—“tinanggihan [nila] ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago.” Pagnilayan ang mga paraan na mapapalakas mo ang pagnanais ng mga bata na maging matapat sa lahat ng bagay.

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang pariralang “Naniniwala kami sa pagiging matapat” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). Isulat ang pariralang ito sa mga pulseras na yari sa papel na madedekoras-yunan at maisusuot ng mga bata pauwi. Ipaliwanag na ang ibig sabihin ng maging matapat ay magsabi ng katotohanan.

• Ipataas ang kamay ng mga bata kapag may sinabi kang totoo at ipababa ito kapag may sinabi kang hindi totoo. Gumawa ka ng simple ngunit malilinaw na pahayag, gaya ng “Linggo ngayon” o “Tatlo ang

ilong ko.” Ulitin nang ilang beses ang aktibidad, na hinahayaang maghalinhinan ang mga bata sa pag-sasabi ng mga bagay na totoo at hindi totoo. Bakit makabubuti ang maging matapat?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

II MGA TAGA CORINTO 1:3–4

Inaaliw ako ng Ama sa Langit, at maaari kong aliwin ang iba.

Ang pag- alaala kung paano sila naaliw ng Diyos ay makahihikayat sa mga bata na aliwin ang iba.

Mga Posibleng Aktibidad

• Habang binabasa mo ang II Mga Taga Corinto 1:3–4, hilingin sa mga bata na pakinggan ang sagot sa tanong na “Ano ang ginagawa ng Diyos para sa atin?” Tulungan ang mga bata na maglista ng mga paraan na inaaliw tayo ng Diyos. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasan noong sila ay nalulungkot o nag- aalala o natatakot at inaliw sila ng Diyos.

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga paraan na maaari nating aliwin ang iba. Bigyan sila ng oras na mag- isip ng isang taong kilala nila na nangangailangan ng aliw at magplano kung paano tutulungan ang taong iyon.

II MGA TAGA CORINTO 2:5–11

Maaari kong patawarin ang iba.

Maaaring mahirap patawarin ang iba kapag sinasaktan nila ang damdamin natin. Ngunit makadarama ng pag-mamahal, kapayapaan, at kaligayahan ang mga batang tinuturuan mo kapag natuto silang magpatawad.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na may isang taga- Corinto na nagkasala at “nagdulot ng pighati” sa mga Banal (tingnan sa II Mga Taga Corinto 2:5). Ipasaliksik sa mga bata ang II Mga Taga Corinto 2:7–8 para alamin kung ano ang gustong ipagawa ni Pablo sa mga Banal.

143

II MGA TAGA CoRINTo 1–7

• Magbahagi ng isang karanasan na pinatawad mo ang isang tao—o pinatawad ka ng isang tao—at kung ano ang pakiramdam mo pagkatapos.

II MGA TAGA CORINTO 5:6–7

Ako ay “[lumalakad] sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.”

Isipin kung paano mo mahihikayat ang mga bata na sundin ang mga utos ng Diyos kahit hindi nila nakikita kaagad ang mga pagpapalang gusto nila.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ninyo ng mga bata ang II Mga Taga Corin-to 5:6–7 at Alma 32:21, at ipahanap sa kanila ang mga salita at pariralang nakakatulong na bigyang- kahulugan ang pananampalataya. Hilingin sa kanila na isulat sa papel ang kanilang kahulugan, basahin ito nang malakas, at idikit ang mga ito sa pisara.

• Piringan ang isa sa mga bata, at hilingin sa ibang mga bata na bigyan siya ng direksyon para mata-pos niya ang isang gawain tulad ng pagtatayo ng tore gamit ang blocks, pagbubuo ng isang puzzle, o paglakad papunta sa kabilang panig ng silid. Paano ipinauunawa sa atin ng aktibidad na ito ang kahu-lugan ng “nagsisilakad . . . sa pananampalataya” sa Diyos?

• Magbahagi ng isang karanasan na kinailangan mong manampalataya sa Diyos. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng anumang mga karana-san nila sa paglakad nang may pananampalataya.

II MGA TAGA CORINTO 7:8–11

Inaakay akong magsisi ng kalumbayang mula sa Diyos.

Likas sa mga bata ang mahiya o mapahiya kapag nahuli silang gumagawa ng mali. Tulungan silang matukoy ang kaibhan ng damdaming ito sa kalumbayang mula sa Diyos, na humahantong sa tunay na pagsisisi.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipaliwanag na sa II Mga Taga Corinto 7:8–11, tinukoy ni Pablo ang dati niyang sulat sa mga Banal, na buong tapang na nagbababala sa kanila tungkol sa kanilang mga kasalanan. Sama- samang basahin ang mga talatang ito. Bakit masaya si Pablo na nalung-kot ang mga Banal? Ipaliwanag na ang ganitong klaseng kalumbayan ay tinatawag na kalumbayang mula sa Diyos.

• Papikitin ang mga bata at ipaisip sa kanila ang isang pagkakataon na nakagawa sila mali at sumama ang pakiramdam nila dahil dito. Anyayahan silang itanong sa kanilang sarili, “Bakit sumama ang paki-ramdam ko?” Isulat sa pisara ang ilang dahilan kaya sumasama ang pakiramdam ng mga tao matapos makagawa ng mali, tulad ng “Natakot ako na baka ako parusahan” o “Nahiya ako sa iisipin ng mga tao sa akin” o “Alam kong nabigo ko ang Ama sa Langit.” Alin sa mga sagot sa pisara ang “kalumbayang mula sa Dios”? Bakit mas mabuti ang kalumbayang mula sa Diyos kaysa iba pang klaseng kalungkutan na madarama natin matapos tayong gumawa ng mali?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Sabihin sa mga bata na maaari nilang ibahagi ang isa sa mga aktibidad sa klase ngayon sa kanilang pamilya sa bahay, marahil ay sa family home evening.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMagdispley ng isang talata sa banal na kasulatan Pumili ng isang talata sa banal na kasulatan na makabuluhan para sa iyo at idispley ito sa klase mo kung saan madalas itong makikita ng mga bata. Marahil ay maaaring maghalinhinan ang mga bata sa pagpili ng isang talata sa banal na kasulatan na ididispley.

Naniniw

ala ako sa pagiging matapat (II M

ga Taga Corinto 4:1–2).Pagsunud- sunurin ang m

ga larawan sa pam

amagitan ng paglalagay ng bilang sa m

aliliit na kahon na nasa sulok. Ibahagi ang kuw

ento sa isang tao, at sabihin kung bakit mahalagang m

aging tapat at patawarin ang iba.

1

145

SETYEMBRE 16–22

II Mga Taga Corinto 8–13“Iniibig ng Dios ang Nagbibigay na Masaya”

Ang pinakamahuhusay mong ideya sa pagtuturo sa mga bata sa klase mo ay darating kapag mapanalangin mong pinag- aralan ang II Mga Taga Corinto 8–13 na nasasaisip sila. Ang iba pang mga ideya sa pagtuturo ay matatagpuan sa outline na ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ang isang magandang paraan para maanyayahang magbahagi ang mga bata ay ipaalala sa kanila ang isang bagay na ipinagawa mo sa kanila sa isang nakaraang lesson. Ipabahagi sa kanila ang kanilang mga karanasan.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

II MGA TAGA CORINTO 9:6–7

Maaari akong magbigay nang masaya sa mga taong nangangailangan.

Palaging mabuti ang maglingkod sa iba, ngunit mas mabuti ang maglingkod nang masaya. Isipin kung ano ang makahihikayat sa bawat bata na “[magbigay] nang masaya.”

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ulitin ang pariralang “Iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya” (II Mga

Taga Corinto 9:7). Ano ang kahulugan ng “nagbi-bigay na masaya”? Magpakita ng larawan ng isang masayang mukha at isang malungkot na mukha, at itanong sa mga bata kung alin dito ang mukhang nagbibigay nang masaya.

• Sama- samang kantahin nang ilang beses ang isang awitin tungkol sa paglilingkod, tulad ng “Kung Tayo’y Tumutulong” (Aklat ng mga Awit Pambata, 108). Sa unang pagkakataon, pakantahin nang masaya ang mga bata; pagkatapos ay ipakanta ang awitin sa kanila nang may iba’t ibang damdamin o saloobin, tulad ng malungkot, pagod, galit, o takot. Ipaalala sa mga bata na nais ng Ama sa Langit na tumulong tayo sa iba nang masaya. Pagkatapos ay kantahing muli ang awitin nang masaya.

• Bigyan ang mga bata ng mga larawan ng mga naka-ngiting mukha. Ipataas sa kanila ang kanilang lara-wan kapag narinig nila ang mga salitang pagngiti o ngumiti habang kinakanta nila ang “Mga Ngiti” (Aklat ng mga Awit Pambata, 128). Maaari din nilang gawin ito sa mga larawan ng malulungkot na mukha at sa mga salitang nakasimangot at magsimangot. Sabihin sa mga bata na ang nakasimangot na mukha ay hin-di masaya; ang isang paraan para maging masaya

146

SeTyeMbRe 16–22 

at makapaglingkod sa iba ay ngumiti at tulungang ngumiti ang iba.

• Magplano ng isang aktibidad ng klase na makapag-lingkod sa isang tao, tulad ng isang bata na hindi dumadalo sa Primary o isang miyembro ng ward o kapitbahay na nangangailangan. Maaari kang bumi-sita sa bahay ng taong ito, gumawa ng maiikling sulat ng kabaitan o magdrowing ng mga larawan, o maghanda ng pagkaing mapaghahati- hatian.

• Anyayahan ang bawat bata na magplano ng isang masayang paglilingkod para sa isang miyembro ng kanyang pamilya. Sa lesson sa susunod na linggo, ipabahagi sa kanila ang kanilang ginawa.

II MGA TAGA CORINTO 12:7–10

Laging sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin, ngunit hindi Niya palaging ibinibigay ang lahat ng aking hinihingi.

Ang karanasan ni Pablo sa pagdarasal na alisin ang kanyang “tinik sa laman” ay itinuturo sa atin na kung minsa’y ipinapakita ng Diyos ang pagmamahal Niya sa atin sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa atin ng gusto natin.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita sa mga bata ang isang halamang may tinik (o isang larawan nito). Tulungan silang wariin kung ano ang pakiramdam ng magkaroon ng tinik sa kanilang balat nang matagal. Ibuod ang II Mga Taga Corin-to 12:7–10 para sa mga bata, gamit ang salitang nauunawaan nila. Ipaliwanag na ang “tinik sa laman” ni Pablo ay isang pagsubok, tulad ng isang pisikal na kahinaan. Kahit hiniling ni Pablo sa Diyos na alisin ang pagsubok, hindi ito inalis ng Diyos. Sa halip, itinuro ng Diyos kay Pablo na ang mga pagsubok ay makakatulong sa atin na matutong magpakumbaba at magtiwala sa Kanya. Pagkatapos ay mapapalakas tayo ng Diyos.

• Magpatotoo na alam ng Ama sa Langit ang pinaka-mainam para sa atin, at ibibigay Niya ang kailangan natin, kahit naiiba ito sa iniisip nating kailangan natin. Maaari ka ring magbahagi ng isang karana-san na sinagot ang iyong mga dalangin sa paraan

o panahon na iba sa inaasahan mo. Maaari ding makatulong ang kuwentong “Huwag Kalimutang Ipagdasal si Erik” (Liahona, ene. 2017, 36–37).

• Kantahin ninyo ng mga bata ang isang awitin tungkol sa pagmamahal ng Ama sa Langit, tulad ng “Panalangin ng Isang Bata” (Aklat ng mga Awit Pambata, 6–7). Itanong sa mga bata kung ano ang sasabihin nila sa isang taong nag- iisip kung pina-kikinggan at sinasagot ng Ama sa Langit ang mga dalangin. Muling kantahin ang awitin, at ipaliwanag ang mga linya na naglalarawan sa nadarama ng Ama sa Langit para sa atin.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

II MGA TAGA CORINTO 9:6–9

Maaari akong magbigay nang masaya sa mga taong nangangailangan.

Nais ni Pablo na hikayatin ang mga Banal na magbigay ng kanilang kasaganaan upang matulungan ang mahi-hirap. Paano mo gagamitin ang kanyang mga salita para hikayatin ang mga bata na maglingkod sa iba?

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat ang mga salita ng II Mga Taga Corinto 9:7 sa pisara, na iniiwang blangko ang mahahalagang salita. Anyayahan ang mga bata na hulaan kung ano ang mga salitang nawawala. Pagkatapos ay ipaba-sa sa kanila ang talata sa mga banal na kasulatan para mapunan ang mga patlang. Ano ang ibig sabihin ng magbigay nang “mabigat sa loob, o dahil sa kailangan”? Ano ang kahulugan ng “nagbibigay na masaya”?

• Anyayahan ang mga bata na tulungan kang magha-nap ng mga larawan ng Tagapagligtas na nagliling-kod sa iba (may ilan nito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya). Tanungin sila kung ano ang nakikita nila sa mga larawan na nagpapaalam sa kanila na naglingkod si Jesus sa iba nang may pagmamahal. Magtakda ng isang mithiin bilang isang klase na sumagot ng oo kapag hiniling ng mga miyembro ng pamilya o ng ibang mga tao na maglingkod tayo sa darating na

147

II MGA TAGA CoRINTo 8–13

linggo, tulad ng pagtulong sa mga gawaing- bahay o pangangalaga sa iba.

• Tulungan ang mga bata na dekorasyunan ang malili-it na bato. Anyayahan silang ibulsa ang mga “bato ng paglilingkod” ngayong linggo para maalala nila na maglingkod nang masaya sa iba.

• Tulungang makabuo ang mga bata ng mga bagong taludtod sa isang awitin tungkol sa paglilingkod, tulad ng “Masayang Gawin” (Aklat ng mga Awit Pam-bata, 129), na nagtuturo na masaya ang maglingkod sa iba sa iba’t ibang paraan.

II MGA TAGA CORINTO 12:7–10

Laging sinasagot ng Ama sa Langit ang mga panalangin, ngunit hindi Niya palaging ibinibigay ang lahat ng aking hinihingi.

Hiniling ni Pablo sa Diyos na alisin ang kanyang kahina-an, ngunit alam ng Diyos na ang kahinaan ni Pablo ay gagawin siyang mapagkumbaba at malakas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na pagkumparahin ang II Mga Taga Corinto 12:9–10 at eter 12:27. Anong mga salita o parirala ang inuulit? Ano ang itinuturo ng mga talatang ito? (Maaari mong kailanganing

ipaliwanag na ikinumpara ni Pablo ang hamon niya sa isang tinik sa kanyang balat.) Ano ang itinuro ng Diyos kay Pablo tungkol sa mga pagsubok?

• Anyayahan ang mga bata na ilista ang ilang pagsu-bok na dinaranas ng mga tao sa buhay. Tulungan silang isipin kung paano maaaring matuto ang isang tao sa mga pagsubok na ito at mapagpala dahil dito.

• Basahin ninyo ng mga bata ang “Lagi bang Sasagu-tin ng Ama sa Langit ang Aking mga Dalangin?” (Lia-hona, ene. 2017, 69). Magpabahagi sa mga bata ng mga karanasan na ipinagdasal nila ang isang bagay at hindi nila natanggap ito. Ipabahagi sa kanila ang natutuhan nila mula sa kanilang mga karanasan. Maaaring may maibahagi ka ring sariling mga kara-nasan. Magpatotoo na palaging sinasagot ng Ama sa Langit ang ating mga panalangin sa paraan at sa panahon na lubos na magpapala sa atin.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na magbigay nang masaya sa kanilang tahanan sa linggong ito at pumasok sa klase sa susunod na linggo na handang iulat kung paano sila naglingkod sa isang taong nangangailangan.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoLunasan ang mga kaguluhan nang may pagmamahal. “Kung minsan, kumikilos ang isang bata sa mga paraan na nagugulo ang pag- aaral ng iba sa klase. Kapag nangyari ito, maging matiyaga, mapagmahal, at maunawain tungkol sa mga hamong maaaring kinahaharap ng bata. . . . Kung ang batang nanggugulo ay may espesyal na pangangailangan, kausapin ang ward o stake disability specialist o bumisita sa disabilities.lds.org para malaman kung paano mo higit na matutugunan ang mga pangangailangang iyon” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 26).

Magagaw

a kong magbigay nang m

asaya sa mga taong nangangailangan (II M

ga Taga Corinto 9:6–7).M

aghanap ng hindi kukulangin sa 12 pagkakaiba sa pagitan ng mga laraw

an ng isang masayang

nagbibigay at ng isang hindi masayang nagbibigay na nasa ibaba.

149

SETYEMBRE 23–29.

Mga Taga Galacia“Magsilakad Kayo Ayon sa Espiritu”

Habang binabasa mo ang Mga Taga Galacia, ano ang mga impresyon mo tungkol sa kailangang matutuhan ng mga bata sa iyong klase?

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Bigyan ang mga bata ng ilang minuto upang idrow-ing ang isang bagay na natutuhan nila mula sa isang talakayan nila sa tahanan o sa simbahan kamakailan tungkol sa ebanghelyo. Kolektahin ang mga drowing, at pahulaan sa mga bata kung ano ang isinasagisag ng bawat drowing.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA TAGA GALACIA 5:22–23

Ang Espiritu Santo ay tumutulong na makadama ako ng pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan.

Maaaring madama ng mga batang musmos ang implu-wensya ng Espiritu. Ihahanda sila nitong maghangad ng impluwensya ng Espiritu Santo habang nabubu-hay sila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdispley o magpakita ng mga larawan ng ilang klase ng prutas, at ipalarawan sa mga bata kung ano ang lasa ng bawat prutas. Ipaliwanag na tulad ng mga prutas na may iba’t ibang lasa, madarama natin ang Espiritu Santo sa iba’t ibang paraan, tulad ng pagmamahal at kapayapaan. Ipalarawan sa kanila kung ano ang pakiramdam kapag nariyan ang Espiritu Santo.

• Basahin ninyo ng mga bata ang Mga Taga Galacia 5:22–23, at ipaliwanag ang mga salita na maaaring hindi pamilyar sa kanila. Anyayahan ang bawat bata na pumili ng isang bunga ng Espiritu na binanggit sa mga talatang ito at ikuwento ang isang pagkakataon na naranasan niya ang bungang iyon ng Espiritu. Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng mga simpleng larawan ng kanilang mga karanasan.

MGA TAGA GALACIA 6:2

Nais ni Jesucristo na tulungan ko ang mga nangangailangan.

Ang tagubilin sa Mga Taga Galacia 6:2 ay katulad ng turo ni Alma sa Mosias 18:8 sa mga tao na malapit nang mabinyagan. Samantalahin ang pagkakataong ito

150

SeTyeMbRe 23–29. 

para tulungang maghanda ang mga bata para sa mga tipan sa binyag.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita ng larawan ng isang batang binibinya-gan (tulad ng nasa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 104). Itanong sa mga bata kung ano ang ginaga-wa ng bata. Ipaliwanag na kapag tayo ay bininyagan, gumagawa tayo ng mga tipan, o pangako. Basahin ang Mga Taga Galacia 6:2 o Mosias 18:8 para tulu-ngan ang mga bata na matutuhan ang isa sa mga bagay na ipinapangako nating gawin: magpasan ng pasanin ng isa’t isa. Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng mga larawan ng mga paraan na matutulungan nila ang ibang may mga pasanin.

• Basahin sa mga bata ang pariralang ito mula sa Mga Taga Galacia 6:2: “Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa’t isa.” Para mailarawan ang kahu-lugan nito, ipabuhat sa isa sa mga bata ang isang mabigat na bagay. Pagkatapos ay tumawag ng isang boluntaryo para tulungan ang bata na buhatin ang bagay na iyon. Ipaliwanag sa mga bata na maraming bagay na parang pabigat, tulad ng sakit o lungkot o lumbay. Ano ang maaari nating gawin para tulungan ang isang tao na may ganitong uri ng pasanin?

MGA TAGA GALACIA 6:7–9

Ang ating mga kilos, kapwa mabuti at masama, ay may mga bunga.

Mahalagang maunawaan ng mga bata na ang ating mga pagpapasiya ay may mga bunga. Magagamit mo ang Mga Taga Galacia 6:7–9 para ilahad ang katotoha-nang ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdispley ng isang binhi at isang gulay. Basahin ang Mga Taga Galacia 6:7–9 sa mga bata. Pagkun-wariin ang mga bata na nagtatanim ng isang binhi kapag narinig nila ang salitang “ihasik.” Pagkunwari-in sila na namimitas ng gulay mula sa isang hala-man kapag narinig nila ang salitang “aanihin.”

• Magpakita sa mga bata ng ilang klase ng gulay, at tulungan silang makita ang mga buto ng bawat isa. Ilagay ang mga buto sa isang lalagyan, at hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpili ng isa

at pagsasabi kung anong gulay ang tutubo kung itatanim nila ito. Tulungan silang makita na tulad ng sa mga binhing itinatanim natin nakasalalay kung anong gulay ang aanihin natin, sa mga pagpapasiya natin nakasalalay kung anong mga bunga at pagpa-pala ang matatanggap natin sa huli.

• Gumawa ng isang linya sa sahig gamit ang teyp. Maglagay ng isang masayang mukha at isang malungkot na mukha sa magkabilang dulo ng linya. Anyayahan ang isang bata na tumayo sa gitna ng linya, at hayaang magbanggit ang ibang mga bata ng mga pagpapasiyang hahantong sa kaligayahan o kalungkutan (maaari mong kailanganing magbigay ng ilang halimbawa). Sa bawat pagpapasiya, sabihin sa bata sa gitna na lumakad papunta sa masayang mukha o sa malungkot na mukha. Ulitin nang ilang beses ang aktibidad, at hayaang maghalinhinan ang iba pang mga bata sa pagtayo sa teyp.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA TAGA GALACIA 5:1

Pinalalaya tayo ni Jesucristo.

Iniisip ng ilang tao na nililimitahan ng ebanghelyo ni Jesucristo ang kanilang kalayaan. Pagnilayan kung paano mo maipapakita sa mga bata na, sa kato-tohanan, ito ay nagpapalaya mula sa kasalanan at kamatayan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Taga Galacia 5:1. Sa anong mga paraan tayo pinalalaya ni Jesucristo para makabalik tayo sa Ama sa Langit? Magpakita ng mga larawan ng pagdurusa ni Jesus sa Getsemani at ng Kanyang Pagkabuhay na Mag- uli upang maipaunawa sa mga bata kung paano tayo pinalaya ni Jesus mula sa kasalanan at kama-tayan (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56, 59).

• Sama- samang awitin at repasuhin ang mga titik ng isang awitin tungkol sa Tagapagligtas, tulad ng “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78). Magpahanap sa mga bata ng mga salita sa awiting ito na naglalarawan ng mga paraan na

151

MGA TAGA GALACIA

mapapalaya tayo ni Jesucristo mula sa espirituwal na pagkaalipin.

MGA TAGA GALACIA 5:22–23

Kung ako ay “[lalakad ayon] sa Espiritu,” matatamasa ko ang “bunga ng Espiritu.”

Paano mo matutulungan ang mga bata na malaman kapag nadarama nila ang Espiritu Santo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Bigyan ng isang piraso ng papel na hugis- prutas ang bawat bata, at ipahanap sa mga bata ang “bunga ng espiritu” na nakalista sa Mga Taga Galacia 5:22–23. Anyayahan silang isulat ang isa sa mga bunga sa harap ng kanilang papel at isang salita na kabalig-taran ang kahulugan sa likod ng papel. (Ipaunawa sa kanila ang mga salitang hindi pamilyar sa kanila.) Anyayahan silang ibahagi ang kanilang mga bunga sa klase.

• Anyayahan ang mga bata na magbasa tungkol sa bunga ng espiritu sa Mga Taga Galacia 5:22–23 at sumulat o magdrowing ng larawan ng isang pag-kakataon na tinulungan sila ng Espiritu Santo na madama ang isa sa mga bungang iyon. Ipabahagi sa kanila ang kanilang kuwento o larawan sa isa pang tao sa klase. Bakit mabuting paraan ang paggamit ng bunga para maunawaan natin kung paano tayo iniimpluwensyahan ng Espiritu?

MGA TAGA GALACIA 6:7–9

Ang ating mga kilos, kapwa mabuti at masama, ay may mga bunga.

Ipaunawa sa mga bata na kung minsa’y dumarating kaagad ang mga bunga ng ating pag- uugali at kung

minsan nama’y dumarating “sa kapanahunan” o sa takdang panahon nito (talata 9).

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Mga Taga Galacia 6:7–9. Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng sim-pleng mga larawan kung saan itinatanim ng isang tao ang buto ng isang prutas at nag- aani ng ibang prutas. Bakit imposible itong mangyari? Bakit ito kasing- imposible ng paggawa ng mga maling pasiya at pagdanas ng mga positibong bunga?

• Bilang isang klase, gumawa ng isang maze na kaga-ya ng nasa pahina ng aktibidad para sa linggong ito. Anyayahan ang mga bata na mag- isip ng iba pang mga salita maliban sa mga nasa maze na kumaka-tawan sa mabubuting damdaming nagmumula sa Espiritu Santo o sa masasamang pagpapasiya na maaaring magtaboy sa Kanya. Talakayin ang mga bunga ng mga pagpapasiyang naisip nila.

• Anyayahan ang mga bata na ilista ang ilan sa mga pagpapalang inaasam nilang matanggap mula sa Ama sa Langit. Tulungan silang mag- isip ng “mga binhi” na kailangan nilang itanim upang “anihin” ang mga pagpapalang ito.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na antabayanan ang mabu-buting resulta, o “bunga,” na dumarating dahil sa mabubuting desisyong ginagawa nila sa linggong ito. Sabihin sa kanila na sa susunod na linggo ay maibaba-hagi nila ang kanilang mga karanasan.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoIangkop ang mga aktibidad sa edad ng mga bata. Bigyan ang mga bata ng pagkakataong lumahok, ngunit tandaan na magkakaiba ang kakayahan nilang gawin iyon ayon sa kanilang edad at kahustuhan ng isip. Maaaring kailanganin ng nakababatang mga bata ng higit na paggabay at patnubay. Habang tumatanda ang mga bata, mas marami silang maiaambag at maaaring mas mahusay nang magbahagi ng kanilang mga ideya. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Ang Espiritu Santo ay tumutulong sa akin na madama ang pagmamahal, kagalakan, at kapayapaan (Mga Taga Galacia 5:22–23).Hanapin ang daan patungo sa dulo sa pamamagitan ng pagsunod sa

mga bunga ng Espiritu at hindi sa mga gawa ng laman.

Kagandahang- loob

Kagalakan

Inggit

Kapayapaan

Galit

Poot

Pananampalataya

Karumihan

Pagmamahal

Pakikipag- away

153

SETYEMBRE 30–OKTUBRE 13

Mga Taga Efeso“Sa Ikasasakdal ng mga Banal”

Habang pinag- aaralan mo ang Sulat sa mga Taga Efeso, isipin ang mga alituntuning maaari mong bigyang- diin para pagpalain ang mga batang tinuturuan mo. Itala ang anumang mga ideyang naiisip mo habang nagbabasa ka.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na pumila sa isang linya. Sabihin sa nasa unahan ng pila na magbahagi ng isang bagay na natutuhan niya kamakailan sa pag- aaral ng mga banal na kasulatan ng kanilang pamilya, sa Primary, o sa ibang lugar. Ipaulit sa kasunod na bata sa pila ang ibinahagi ng naunang bata at pagkatapos ay magdagdag ng isang bagay na natutuhan niya. Ulitin ito hanggang sa magkaroon ang bawat bata ng pagka-kataong magbahagi.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA TAGA EFESO 2:19

Ang mga miyembro ng Simbahan ay dapat maging magkakaibigan at “mga kababayan.”

Ang mga bata ba sa klase mo ay mas parang “mga taga ibang lupa (dayuhan)” o “mga kababayan” sa isa’t isa at

sa iba pang mga miyembro ng ward? Ipaunawa sa kani-la na bagama’t may mga pagkakaiba tayo, tinutulungan tayo ng Tagapagligtas na magkaisa at magmahalan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Maglagay ng larawan ng Tagapagligtas sa gitna ng silid. Anyayahan ang mga bata na tumayo sa iba’t ibang bahagi ng silid para kumatawan sa “mga taga ibang lupa” o “mga dayuhan.” Habang binabasa mo ang Mga Taga Efeso 2:19, anyayahan silang lumapit sa larawan ni Cristo hanggang sa magkatabi- tabi sila. Sabihin sa kanila na habang lumalapit tayo sa Tagapagligtas, maaari tayong magkaisa bilang mag-kakaibigan at “mga kababayan.”

• Maghanap ng mga larawan ng mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at itago ang mga ito sa paligid ng silid. Maglagay ng larawan ng Tagapag-ligtas sa harap ng silid. Anyayahan ang iyong klase na magpares- pares na parang mga missionary at maghalinhinan sa paghanap sa larawan ng isang “taga ibang lupa” para itabi sa larawan ng Tagapag-ligtas. Ipaunawa sa kanila na kapag nabinyagan ang mga tao, nagiging bahagi sila ng ating pamilya sa Simbahan, o ng “sangbahayan ng Dios.” Paano natin

154

SeTyeMbRe 30–oKTubRe 13 

matutulungan ang isang bagong salta na madama na siya ay tanggap?

MGA TAGA EFESO 6:1–3

Nais ng Ama sa Langit na sundin ko ang aking mga magulang.

Habang binabasa mo ang Mga Taga efeso 6:1–3, mag- isip ng mga paraan na maipapaunawa mo sa mga bata kung bakit mahalagang sundin ang kanilang mga magulang.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Mga Taga efeso 6:1 sa klase, o tulu-ngan ang isa sa mga bata na basahin ito. Sabihin sa kanila na magsadula ng mga pagkakataon na sinunod nila ang kanilang mga magulang. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi sila sumunod?

• Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagsunod, tulad ng “Susunod Ako” (Aklat ng mga Awit Pambata, 71). Tumigil pagkatapos ng unang linya, at magpabanggit sa isang bata ng isang bagay na ipinagagawa sa kanya ng kanyang magulang; pagkatapos ay tapusin ang pag- awit. Ulitin ito nang ilang beses para magkaroon ng pagkakataon ang iba pang mga bata.

• Magbahagi ng isang karanasan kung saan sinunod mo ang iyong mga magulang at napagpala ka. o magkuwento tungkol kay Chloe mula sa mensahe ni Sister Carole M. Stephens na “Kung Ako’y Inyong Iniibig, Tutuparin Ninyo ang Aking mga Utos” (Ensign o Liahona, Nob. 2015, 118–20).

MGA TAGA EFESO 6:10–18

Maaari akong protektahan ng baluti ng Diyos.

Paano mo maipapaunawa sa mga bata na ang pag-gawa ng mabubuting bagay ay parang pagsusuot ng baluti?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita ng larawan ng isang taong nakasuot ng baluti, tulad ng nasa pahina ng aktibidad para sa linggong ito o sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga

Indibiduwal at Pamilya. Habang ibinubuod mo ang Mga Taga efeso 6:10–18, ipakita sa mga bata kung paano pinoprotektahan ng iba’t ibang parte ng baluti ang iba’t ibang parte ng katawan. (Tingnan sa “Ang Buong Baluti ng Diyos,” Liahona, Hunyo 2016, 24–25.)

• Magdala ng ilang bagay sa klase na maaaring kumatawan sa mga parte ng baluti na binanggit sa Mga Taga efeso 6:14–17 (halimbawa, isang sumbre-ro o apron), o gumawa ng mga simpleng parte ng baluti mula sa papel. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagsusuot ng “baluti.” Talakayin ang ibig sabihin ng maprotektahan mula sa kasamaan at kung paano sila mapoprotektahan ng pagsusuot ng bawat parte ng baluti. Paano natin isinusuot ang baluti ng Diyos? (halimbawa, sa pamamagitan ng pag- aaral ng mga banal na kasulatan, paglilingkod sa iba, pagdarasal, pagsunod, at iba pa).

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA TAGA EFESO 2:13–19

Tayo ay mga magkababayan sa sambahayan ng Diyos.

Lumalakas ang mga bata kapag may mabubuti silang kaibigan sa ebanghelyo. Paano mo sila matutulungang magkaroon ng mas mabubuting pagkakaibigan sa isa’t isa?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Mga Taga Efeso 2:19, at talakayin kung ano ang kahulugan ng maging taga ibang bayan o dayuhan. Magbahagi ng isang karanasan na nadama mo na para kang taga ibang bayan o dayuhan at ipinadama sa iyo ng isang tao na tanggap ka at kabahagi. Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga karanasang tulad nito. Ano ang magagawa natin para maging “mga kaba-bayan” sa halip na mga dayuhan? May mga bata ba sa klase mo na hindi madalas dumalo, marahil ay dahil pakiramdam nila ay mga dayuhan sila? Tulungan ang mga bata na makabuo ng plano para maipadama sa mga miyembro na sila ay tanggap at minamahal.

155

MGA TAGA EFESo

• Para matulungan ang mga batang tinuturuan mo na mas mapalapit sa isa’t isa, sumulat ng ilang tanong sa pisara na magtutulak sa kanila na magba-hagi ng isang bagay tungkol sa kanilang sarili, tulad ng Kailan nasagot ang isang panalangin mo? o Ano ang paborito ninyong gawin ng pamilya mo? Hatiin ang mga bata nang magkakapares, at anyayahan silang tanungin ang isa’t isa. Ano ang natutuhan nila tungkol sa isa’t isa?

MGA TAGA EFESO 6:1–3

Nais ng Ama sa Langit na sundin at igalang ko ang aking mga magulang.

Mag- isip ng mga paraan na maipapaunawa mo sa mga bata kung bakit mahalagang sundin ang kanilang mga magulang.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahing mag- isa ang Mga Taga efeso 6:1–3 at tukuyin ang mga pariralang namumukod- tangi sa kanila. Anyayahan silang iba-hagi ang mga pariralang ito at kung bakit sa palagay nila ay mahalaga ang mga pariralang ito.

• Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng mga halimbawa ng mga tao sa mga banal na kasulatan na sinunod at iginalang ang kanilang mga magu-lang, tulad ng Tagapagligtas (tingnan sa Lucas 2:42–52), ni Ruth (tingnan sa Ruth 1), o ni Nephi (tingnan sa 1 Nephi 3:1–8). bakit mahalagang sun-din at igalang ang ating mga magulang?

• Bigyan ang bawat bata ng isang papel na may nakasulat na salitang igalang sa itaas. Talakayin ang kahulugan ng salitang ito. Anyayahan ang mga bata na sumulat o magdrowing sa kanilang papel ng isang bagay na magagawa nila para ipakita na iginagalang nila ang kanilang mga magulang.

MGA TAGA EFESO 6:10–18

Maaari akong protektahan ng baluti ng Diyos mula sa kasamaan.

Habang binabasa mo ang Mga Taga efeso 6:10–18, isipin ang ilan sa mga espirituwal na panganib na kina-kaharap ng mga bata at kung paano mo sila mapapala-kas laban sa mga ito.

Mga Posibleng Aktibidad

• Habang binabasa ng isang bata ang Mga Taga Efeso 6:10–18, ipalista o ipadrowing sa isa pang bata sa pisara ang binanggit na mga parte ng baluti. Bakit mahalaga ang baluti sa isang digmaan? Paano natin maisusuot ang ating espirituwal na baluti araw- araw?

• Atasan ang bawat bata na idrowing at pangalanan ang isang parte ng baluti na inilarawan sa Mga Taga efeso 6:14–17. Paano kaya tayo mapoprotektahan ng mga parteng ito ng baluti laban sa kasamaan? Ano ang ipinapangako ng Panginoon sa mga nagsu-suot ng buong kagayakan ng Diyos? (tingnan sa Mga Taga efeso 6:13). Ano ang ibig sabihin ng “mangaka-tagal sa araw ng masama”?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na antabayanan sa linggong ito ang isang tao na maaaring nakadarama na siya ay isang dayuhan. Hamunin sila na gumawa ng isang bagay para tulungan ang taong iyon.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga batang musmos na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Para matulungan ang mga batang musmos na matuto mula sa mga banal na kasulatan, magtuon sa iisang talata ng banal na kasulatan o kahit isang mahalagang parirala lamang. Maaari mong anyayahan ang mga bata na tumayo kapag narinig nila ang isang partikular na salita o parirala. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Pinoprotektahan ako ng baluti ng Diyos m

ula sa kasamaan (M

ga Taga Efeso 6:10–18).Kulayan, gupitin, at dam

itan ng baluti ng Diyos ang batang lalaki o batang babae. H

abang idinidikit mo ang baw

at piraso ng baluti, talakayin kung ano ang kinakataw

an ng bawat piraso (tingnan sa M

ga Taga Efeso 6:10–18).

157

OKTUBRE 14–20.

Mga Taga Filipos; Mga Taga Colosas“Lahat ng Bagay ay Aking Magagawa [sa pamamagitan ni Cristo] na Nagpapalakas sa Akin”

Basahin ang Mga Taga Filipos at Mga Taga Colosas na iniisip ang mga batang tinuturuan mo. Maghangad ng inspirasyon kung paano ituturo sa kanila ang mga alituntunin sa mga sulat na ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Itanong sa mga bata kung ano ang ginawa nila nitong nakaraang linggo para tulungan ang isang taong nangangailangan ng isang kaibigan, tulad ng tinalakay sa klase noong nakaraang linggo.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA TAGA FILIPOS 1:3- 4; MGA TAGA COLOSAS 1:3, 9

Mahal ako at ipinagdarasal ng mga pinuno ng Simbahan.

Madalas simulan ni Pablo ang kanyang mga sulat sa pagpapahayag ng pagmamahal sa mga miyembro ng Simbahan at pagsasabi sa kanila na ipinagdarasal niya sila. Isipin kung paano mo maipapaunawa sa mga bata na mahal sila ng kanilang mga pinuno ng Simbahan.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin nang malakas ang Mga Taga Filipos 1:3–4 at Mga Taga Colosas 1:3, 9, at pahalukipkipin at payukuin ang mga bata tuwing maririnig nila ang

mga salitang pananalangin, idinadalangin, at daing. Ipaliwanag na ipinagdasal ni Apostol Pablo ang mga miyembro ng Simbahan, tulad ng pagdarasal ng ating mga pinuno ng Simbahan para sa atin ngayon.

• Magpakita ng larawan ni Jesucristo, at magbahagi ng mga halimbawa ng pagdarasal Niya para sa isang tao (tingnan sa Lucas 22:32; 3 Nephi 19:21, 23). Ano ang hiniling ni Jesus nang ipagdasal Niya ang iba?

• Tulungan ang mga bata na ibigay ang pangalan ng ilan sa kanilang mga pinuno ng Simbahan, tulad ng Primary president, bishop, at Pangulo ng Simbahan. Ipaliwanag na hinihiling ng mga pinunong ito sa Ama sa Langit na pagpalain ang mga bata at tulu-ngan silang mamuhay nang matwid. Isiping sabihin sa mga bata ang sinasabi mo kapag ipinagdarasal mo sila.

MGA TAGA FILIPOS 4:4, 8

Maaari akong magalak sa Panginoon.

Hinikayat ni Pablo ang mga Banal na magalak—kahit naharap sila sa mahihirap na pagsubok at si Pablo mis-mo ay nakakulong. Paano mo maipapakita sa mga bata na ang pamumuhay ayon sa ebanghelyo ay nagdudu-lot ng kagalakan?

158

oKTubRe 14–20. 

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin sa mga bata na pakinggan ang isang inulit na salita habang binabasa mo ang Mga Taga Filipos 4:4. Hilingin sa mga bata na ipakita sa iyo kung ano ang maaari nilang gawin kapag sila ay nagagalak. Ipaunawa sa kanila na ang ibig sabihin ng “manga-galak . . . sa Panginoon” ay maging masaya dahil nasa atin ang ebanghelyo at dahil mahal tayo ni Jesucristo.

• Magdala ng mga bagay o larawang kumakatawan sa mga bagay na makakatulong sa iyo na “[magalak] sa Panginoon.” Maaari kang magdala ng isang magan-dang likha ng Diyos o isang larawan ng templo, ng nabuhay na mag- uling Tagapagligtas, o ng isang pamilya. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpili ng isang larawan o bagay, at pagkatapos ay sabihin sa kanila kung bakit ito nagpapasaya sa iyo. Anyayahan silang magbahagi ng mga bagay na nagpapagalak sa kanila sa Panginoon.

• Sama- samang basahin ang Mga Taga Filipos 4:8, at tulungan ang mga bata na umisip ng mga bagay na akma sa mga paglalarawan sa talata (tingnan din sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13). bigyan ang mga bata ng mga piraso ng papel at ipadrowing sa kanila ang mga larawan ng mga bagay na ito para matulungan silang “isipin” ang mga bagay na inilara-wan ni Pablo.

MGA TAGA COLOSAS 1:23; 2:6–7

Ang aking pananampalataya ay dapat na “na[ka]ugat” kay Jesucristo.

Kung maitatatag ng mga bata ang kanilang buhay at pananampalataya sa Tagapagligtas, makakaya nilang tiisin ang mga unos ng buhay.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawan ng isang puno mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang binabasa mo ang mahahalagang parirala mula sa Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7. Ano ang mangyayari sa punong ito kung dumating ang bagyo at walang matitibay na ugat ang puno? Hayaang tumayo ang mga bata at magkunwaring isang puno na may

mahihinang ugat sa gitna ng unos at pagkatapos ay isang puno na may matitibay na ugat. Paano tayo matutulungan ng pananampalataya sa Taga-pagligtas na maging katulad ng isang puno na may matitibay na ugat?

• Anyayahan ang isang bata na magdrowing ng isang puno sa pisara. Magpabanggit sa mga bata ng ilang bagay na magagawa nila para “nakaugat” sila kay Jesucristo. Tuwing bumabanggit ng isang bagay ang isang bata, anyayahan siyang magdagdag ng isang ugat sa drowing.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA TAGA FILIPOS 4:4–13

Kung sumasampalataya ako kay Jesucristo, maaari akong maging masaya kahit sa mga oras ng paghihirap.

Dumanas ng maraming pagsubok si Pablo, ngunit masaya siya dahil sumampalataya siya kay Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipawari sa mga bata na sila ay nasa bilangguan, tulad ni Apostol Pablo nang sumulat siya sa mga taga- Filipos. Basahin ninyo ng mga bata ang Mga Taga Filipos 4:4–13 at ipahanap sa kanila ang sumu-sunod na mga salita: mangagalak, kapayapaan, masiyahan. Bakit nagalak at napayapa si Pablo kahit nasa bilangguan siya? Tulungan ang mga bata na hanapin ang mga salitang Panginoon, Dios, at Cristo sa mga talata. Ipaunawa sa kanila na nagalak si Pablo dahil sa pananampalataya niya kay Jesucristo.

• Anyayahan ang mga bata na tulungan kang kum-pletuhin ang mga pangungusap na tulad ng mga sumusunod: Maaari pa rin akong makakita kahit sa dilim kung ako ay may     . Maaari pa rin akong makadama ng lamig kahit nasa labas ako sa kainitan ng araw kung ako ay may     . Maaari pa rin akong magalak kahit sa mga oras ng paghihirap kung ako ay     . Tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga paraan na magagalak sila kay Jesucristo kapag nahihirapan sila. Maaari silang kumanta ng isang himno, magbasa ng isang

159

MGA TAGA FILIPoS; MGA TAGA CoLoSAS

paboritong talata sa banal na kasulatan, magling-kod sa isang tao, o mag- alay ng pasasalamat sa panalangin. Ano ang iminumungkahi sa Mga Taga Filipos 4:4–13? Ibahagi sa mga bata ang ilang himno o talata sa banal na kasulatan na tumutulong sa iyo na magalak sa mga oras ng paghihirap.

MGA TAGA FILIPOS 4:8

Maaari kong isipin ang mga bagay na totoo, tapat, at dalisay.

Ang mga bata ay kadalasang lantad sa mga bagay na masama at marumi. Matutulungan mo silang magha-ngad ng mga bagay na nakasisigla at marangal.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipabasa nang malakas sa isang bata ang Mga Taga Filipos 4:8 habang hinahanap ng iba ang mga salita sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:13 na kapa-reho o kahalintulad nito. Anyayahan ang isang tao na isulat ang mga salitang ito sa pisara. Magbigay ng mga simpleng kahulugan ng mga salitang ito at sabihin sa mga bata na itugma ang mga kahulugan sa mga salita. Bakit dapat nating “isipin” ang mga bagay na ito? Paano natin maaaring “hangarin” ang mga ito?

• Magpabanggit sa mga bata ng mga bagay na tumu-tugma sa mga paglalarawan sa Mga Taga Filipos 4:8. Anyayahan silang ilista sa buong linggong ito ang anumang mapansin nila na tumutugma sa mga paglalarawang ito. Hikayatin silang dalhin ang kanilang listahan sa Primary sa susunod na linggo at ibahagi ang nakita nila.

MGA TAGA COLOSAS 1:23; 2:6–7

Ang aking pananampalataya ay dapat na “na[ka]ugat” kay Jesucristo.

Sinusubukan ni Satanas na pahinain ang pananam-palataya ng mga bata sa pamamagitan ng mga tukso at maling doktrina. Paano mo mahihikayat ang mga bata na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas upang sila ay “hindi makilos sa pagasa sa evangelio”?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng mga larawang kumakatawan sa mga katotohanang nala-man nila sa Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7. Hayaang ibahagi nila ang kanilang mga larawan sa klase at ipaliwanag ang mga katotohanang kinakatawan ng kanilang mga larawan.

•   Ano ang ilang tukso at maling doktrina sa mundo ngayon na makapagpapahina sa ating pananampa-lataya? Ano ang magagawa natin para mapalakas ang ating pananampalataya upang tayo ay “nangau-ugat” kay Jesucristo?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamil-ya ang natutuhan nila tungkol sa pagiging “na[ka]ugat” kay Cristo. Maaari nilang gamitin ang pahina ng aktibi-dad para sa linggong ito o ang isang talata sa banal na kasulatan na binasa nila sa klase ngayon.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMausisa ang mga bata at natututo sila sa bago at iba’t ibang mga karanasan. Gamitin ang mga aktibidad na tumutulong sa mga bata na kumilos, gamitin ang lahat ng kanilang pandama, magsiyasat, at sumubok ng mga bagong bagay. Makakatulong ang mga mungkahi sa “Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Nakababatang mga Bata” sa simula ng resource na ito. (Tingnan din sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Kapag nakasalig ang aking pananampalataya kay Jesucristo, matutulungan Niya akong gumawa ng mabubuting pasiya (Mga Taga Colosas 1:23; 2:6–7).

Kulayan ang larawan. Tuntunin ang mga landas mula sa mga larawan ng mabubuting pagpili hanggang sa dulo ng kanilang mga ugat.

Jesucristo

161

OKTUBRE 21–27

I at II Mga Taga Tesalonica“Huwag Kayong Madaling Makilos sa Inyong Pagiisip, at Huwag Din naman Kayong Mabagabag”

Habang binabasa mo nang may panalangin ang I at II Mga Taga Tesalonica na iniisip ang mga bata, makikita mo ang mga alituntuning kailangan nilang maunawaan.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Sa lesson noong nakaraang linggo, inanyayahan mo ba ang mga bata na ipamuhay ang natutuhan nila sa anumang paraan? Hayaang gamitin ng mga bata ang unang ilang minuto ng klase sa linggong ito upang ibahagi ang kanilang mga karanasan.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I MGA TAGA TESALONICA 5:1–6

Kapag sinusunod ko ang mga utos ng Diyos, magiging handa ako para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Matutulungan tayo ng payo ni Pablo na maging handa at maantabayanan ang dakilang araw na iyon ng muling pagparito ng Tagapagligtas sa lupa.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isang ina na ikuwento kung ano ang pakiramdam ng maghintay sa pagsilang ng kanyang anak nang hindi nalalaman kung kailan talaga ito isi-silang. basahin ang I Mga Taga Tesalonica 5:2–3, at sabihin sa mga bata na muling paparito si Jesucristo sa mundo, ngunit walang nakakaalam kung kailan mismo—tulad ng hindi alam ng isang ina kung kailan isisilang ang kanyang anak.

• Magpakuwento sa mga bata ng isang pagkakata-on na naghanda sila para sa isang paglalakbay o kaganapan. Ano ang ginawa nila para makapag-handa? Magdala ng isang maleta o bag at hayaang magkunwari ang mga bata na nag- eempake upang maghanda para sa isang paglalakbay o kaganapan. Ipaliwanag na naghahanda tayo para sa muling pag-parito ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagdarasal, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagsunod sa propeta, at pamumuhay nang matwid bawat araw. Magpadrowing sa mga bata ng mga larawan kung paano nila ito magagawa at ipasok ang mga ito sa maleta.

162

oKTubRe 21–27 

• basahin ang I Mga Taga Tesalonica 5:6 sa mga bata at ipaliwanag na kung hindi tayo naghahanda para sa muling pagparito ni Jesus, para tayong nakatu-log at hindi tayo magiging handa para sa Kanya. Anyayahan ang mga bata na magkunwaring natu-tulog. Ipaliwanag na kung naghahanda nga tayo, para tayong gising at naghihintay sa Kanya. Anyaya-han silang gumising. Sama- samang awitin ang “Sa Kanyang Pagbabalik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47).

II MGA TAGA TESALONICA 2:1–3

Itinuro ni Pablo na magaganap ang apostasiya bago muling pumarito si Jesucristo.

Ang Simbahang itinatag ni Jesucristo ay nag- apostasiya kalaunan, na ibig sabihin ay binawi sa mundo ang awtoridad ng priesthood at ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Ipinropesiya ni Pablo na ang apostasiyang ito, o “pagtalikod sa katotohanan,” ay mangyayari bago sumapit ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga Posibleng Aktibidad

• Matapos ninyong basahin ng mga bata ang II Mga Taga Tesalonica 2:3, magtayo ng isang tore gamit ang plastic cups o blocks. Sabihin sa mga bata na ang plastic cups o blocks ay kumakatawan sa maha-halagang bahagi ng tunay na Simbahan, tulad ng mga katotohanan ng ebanghelyo, priesthood, mga pagbubuklod sa templo, at mga propeta. Pagkama-tay ni Pablo at ng iba pang mga Apostol, naglaho ang mga bagay na ito, at nawala sa lupa ang tunay na Simbahan sa loob ng maraming taon. Anyayahan ang isang bata na itumba ang tore, at ipaliwanag na ito ay tinatawag na Apostasiya o “pagtaliwakas.” Nang ibalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan, tinawag itong Pagpapanumbalik. (Tingnan sa “Apos-tasiya,” Tapat sa Pananampalataya, 4–5.)

• Magdispley ng Aklat ni Mormon at ng mga larawan ng propeta at ng isang templo. Anyayahan ang mga bata na sabihing “Apostasiya” kapag itinago mo ang mga bagay na ito sa isang bag at “Pagpapanumba-lik” kapag inilabas mo ang mga ito.

• Kumanta ng mga awitin na nagtuturo ng mga katotohanang binawi noong panahon ng Apostasiya at ipinanumbalik sa ating panahon, tulad ng “Ako ay Anak ng Diyos,” “Ang Simbahan ni Jesucristo,” at “Templo’y Ibig Makita” sa (Aklat ng mga Awit Pamba-ta, 2–3, 48, 99).

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I MGA TAGA TESALONICA 5:1–6

Kapag sinunod ko ang mga utos ng Diyos, magiging handa ako para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo.

Ang payo ni Pablo ay makakatulong sa atin na maging handa at antabayanan ang dakilang araw na iyon na muling paparito ang Tagapagligtas sa lupa.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isang bata na basahin ang I Mga Taga Tesalonica 5:1–6 habang tahimik na suma-sabay ang iba pang mga bata. Matapos basahin ang bawat talata, ipabuod sa isang bata kung ano sa palagay niya ang sinasabi sa talata. Maa-ari mong ipaliwanag na ang ibig sabihin ng “ang araw ng Panginoon” ay ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Itanong sa mga bata kung bakit ikinu-kumpara ang Ikalawang Pagparito sa isang magna-nakaw sa gabi o sa isang babaeng manganganak?

• Sabihin sa mga bata na magkunwaring bibisita ang Tagapagligtas sa klase ninyo anumang oras nga-yon. Paano natin maihahanda ang ating silid- aralan sa Kanyang pagbisita? Tulungan ang mga bata na umisip ng mga bagay na magagawa natin upang ihanda ang ating sarili para sa araw ng pagbabalik ni Jesucristo. Halimbawa, maaari tayong magsi-si, magpatawad, pag- igihin ang mga pakikipag- ugnayan natin sa ating pamilya, sundin ang propeta, at tuparin ang ating mga tipan. Hikayatin ang mga bata na pumili ng isang bagay na gagawin nila upang maihanda ang kanilang sarili na tanggapin ang Tagapagligtas sa Kanyang Pagparito.

163

I AT II MGA TAGA TeSALoNICA

II MGA TAGA TESALONICA 2:1–3

Itinuro ni Pablo na magkakaroon ng apostasiya bago muling pumarito si Jesucristo.

Kung nauunawaan ng mga bata na ang Simbahan ni Jesucristo at ang Kanyang ebanghelyo ay binawi sa lupa noong panahon ng Malawakang Apostasi-ya, mas lilinaw sa kanila ang pangangailangan sa Pagpapanumbalik.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isa sa mga bata na basahin ang II Mga Taga Tesalonica 2:1–3. Ayon sa mga talatang ito, ano ang kailangang mangyari bago sumapit ang “kaarawan ng Panginoon,” na ibig sabihin ay ang Ika-lawang Pagparito? Alam ba ng sinuman sa mga bata ang kahulugan ng “pagtaliwakas”? Siguruhing nau-unawaan ng mga bata na ang ibig sabihin nito ay Malawakang Apostasiya, na naganap nang mamatay na ang mga Apostol ng Tagapagligtas. Maaari mong ibahagi ang impormasyon mula sa “Apostasiya,” Tapat sa Pananampalataya, 4–5.

• Tulungan ang mga bata na ilista sa pisara ang ilan sa mga katotohanan at pagpapalang tinatamasa natin dahil sa ebanghelyo. (Maaaring isama sa ilang halimbawa ang templo, mga propeta, ang priest-hood, at ang kaloob na espiritu Santo.) Isa- isang burahin ang mga nakalistang ito, at itanong sa mga bata kung paano maiiba ang kanilang buhay kung wala ang mga ito. Ipaliwanag na ang mga katoto-hanang ito ay naglaho noong panahon ng Malawa-kang Apostasiya. Bakit mahalagang ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa sa mga huling araw? Anyayahan ang mga bata na “ipanumbalik” o muling isulat ang mga katotohanan at pagpapala sa pisara.

II MGA TAGA TESALONICA 3:7–13

Nais ng Ama sa Langit na magtrabaho ako.

Paano mo maipapakita sa mga bata na ang pagta-trabaho ay isang pagpapala, hindi isang bagay na dapat iwasan?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na maghalinhinan sa pag-basa sa mga talata mula sa II Mga Taga Tesalonica 3:7–13 at hanapin ang mga problemang kinakaha-rap noon ng mga Banal. Bakit nais ng Ama sa Langit na magtrabaho tayo? Ano ang mangyayari kung hindi tayo natutong magsikap? Hayaang maghalin-hinan ang mga bata sa pag- akto ng mga simpleng gawain habang hinuhulaan naman ng iba pang mga bata ang ginagawa nila.

• Anyayahan ang mga bata na magkuwento ng isang pagkakataon na nagsikap silang gawin ang isang gawain, proyekto, o mithiin. Ano ang pakiramdam nila sa kanilang sarili nang matapos sila? Ano ang ibig sabihin ng “huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti”? (II Mga Taga Tesalonica 3:13).

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na sabihin sa isang kapamilya o kaibigan ang isang dahilan kung bakit sila nagpa-pasalamat na mayroon tayong ebanghelyo sa lupa ngayon (makakatulong ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito na maalala nila ito).

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoSuportahan ang mga magulang ng mga bata. “Ang mga magulang ang pinakamahahalagang guro ng ebanghelyo para sa kanilang mga anak—nasa kanila kapwa ang pangunahing responsibilidad at ang pinakadakilang kapangyarihang impluwensyahan ang kanilang mga anak (tingnan sa Deuteronomio 6:6–7). Habang tinuturuan mo ang mga bata sa simbahan, mapanalanging maghanap ng mga paraan na masuportahan ang mga magulang sa kanilang mahalagang tungkulin” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).

A P O S TA S I Y A

Itinuro ni Pablo na magaganap ang Apostasiya bago ang Ikalaw

ang Pagparito ni Jesucristo (II M

ga Taga Tesalonica 2:1–3).Kulayan at gupitin ang m

ga bahagi ng ruleta. Ilagay ang piraso na may m

undo sa itaas, at pagkabitin ang dalawang piraso

sa gitna. Gam

itin ang ruleta upang ipakita kung paanong ang mga tem

plo, propeta, at awtoridad ng priesthood na nasa

mundo sa Sim

bahan noon ay nawala sa panahon ng Apostasiya, at ipinanum

balik sa lupa sa ating panahon.

165

OKTUBRE 28–NOBYEMBRE 3

I at II Kay Timoteo; Kay Tito; Kay Filemon“Ikaw ay Maging Uliran ng mga Nagsisisampalataya”

Pag- aralan nang may panalangin ang I at II Kay Timoteo; Kay Tito; at Kay Filemon upang malaman kung paano mo magagamit ang mga sulat na ito para turuan ang mga bata sa katuwiran (tingnan sa II Kay Timoteo 3:16).

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Hilingin sa mga bata na magkuwento tungkol sa isang tao na naging “uliran ng mga nagsisisampalataya” sa kanila. Ano ang ginagawa nila upang maging mabubu-ting halimbawa sa iba?

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I KAY TIMOTEO 3:1–2; KAY TITO 1:7–9

Pinamumunuan ng mga bishop ang ward bilang mga lingkod ng Diyos.

Tinuruan ni Pablo sina Timoteo at Tito tungkol sa kaha-lagahan ng mga bishop. Paano mo maituturo sa mga bata kung ano ang ginagawa ng bishop? (Ang branch president ay maikukumpara sa isang bishop.)

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdrowing ng isang simpleng larawan ng inyong bishop sa pisara. Ipabanggit sa mga bata ang ilang

bagay na alam nila tungkol sa bishop. Ano ang hitsura niya? Ano ang ginagawa niya? Paano niya pinagpapala ang ward? (Maaari mong mahanap ang ilang katangian ng isang bishop sa I Kay Timoteo 3:1–2 at Kay Tito 1:7–9.) Habang ibinabahagi ng mga bata ang kanilang mga ideya, isulat ang mga ito sa mga piraso ng papel at ipalagay sa mga bata ang mga ito sa pisara sa tabi ng drowing.

• Isulat ang mga tungkulin ng bishop sa mga piraso ng papel—tulad ng pagtanggap ng mga ikapu at handog- ayuno, pagbibigay ng mga calling, pag- interbyu sa mga miyembro, pagtulong sa mga maralita at nangangailangan, at pagdarasal para sa iba. Ilagay ang mga papel na ito sa isang mang-kok, at anyayahan ang bawat bata na pumili ng isa. Pagkatapos ay tulungan ang bata na isadula ninyo ang mga tungkuling ito. Magpatotoo na ang inyong bishop ay tinawag ng Diyos.

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang bishop na naglilingkod sa mga miyembro ng ward. Imung-kahi na ibigay nila ang drowing nila sa kanya para pasalamatan siya. Ano ang magagawa natin para tulungan siya?

166

oKTubRe 28–NobyeMbRe 3 

I KAY TIMOTEO 4:12

Bawat miyembro ay maaaring maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.”

Ano ang magagawa mo para mahikayat ang mga bata na magtiwala sa kanilang kakayahang maging mga “uliran ng mga nagsisisampalataya”?

Mga Posibleng Aktibidad

•  Sabihin sa mga bata na sundan ang halimbawa mo sa pamamagitan ng paggaya sa ginagawa mo. Hayaang maghalinhinan ang mga bata na pamu-nuan ang klase sa paggaya sa kanilang ginagawa. basahin ang I Kay Timoteo 4:12, at itanong sa mga bata kung ano ang magagawa nila upang maging mabubuting halimbawa sa iba.

• Magbahagi ng isang karanasan na sinubukan mong maging isang magandang halimbawa sa isang tao o naging mabuting halimbawa sa iyo ang isang tao. Ipaunawa sa mga bata na kapag sila ay mabubuting halimbawa, matutulungan nila ang kanilang mga kapamilya at kaibigan.

II KAY TIMOTEO 3:14–17

Ang mga banal na kasulatan ay tutulong sa akin na malaman ang katotohanan.

Kung matutulungan mo ang mga bata na matutong mahalin ang mga banal na kasulatan, mapagpapala mo ang kanilang buhay sa darating na mga taon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita ng isang set ng mga banal na kasulatan, at tulungan ang mga bata na maging pamilyar sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng mga pahina ng pamagat ng Biblia, Aklat ni Mor-mon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas. Anyayahan ang isang bata na hawakan ang mga aklat na ito habang binabasa mo ang II Kay Timo-teo 3:15–17. Ipaliwanag na inutusan na ng Ama sa Langit ang mga propeta sa buong kasaysayan na isulat ang mga katotohanang inihahayag Niya sa kanila. Malalaman natin ang mga katotohanang ito kapag binasa natin ang mga banal na kasulatan.

• Magpakuwento sa mga bata tungkol sa pinakama-halaga nilang pag- aari. Ano ang ginagawa nila rito? Hayaan silang maghalinhinan sa paghawak sa mga banal na kasulatan at maingat na pagbubuklat ng mga pahina. Saan natin ginagamit ang mga banal na kasulatan? Bakit ba natin dapat pangalagaan nang husto ang mga ito? Tulungan ang mga bata na lumikha ng mga aksyong aakma sa mga awitin tungkol sa mga banal na kasulatan, tulad ng “Baba-sahin, Uunawain, at Mananalangin” o “Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66, 62).

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I KAY TIMOTEO 4:12

Maaari akong maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.”

Medyo bata pa si Timoteo para maging isang pinu-no ng Simbahan, ngunit gustong ipaalam sa kanya ni Pablo na maaari siyang maging isang halimbawa. Matutulungan mo ang mga batang tinuturuan mo na magkaroon ng tiwala sa kanilang kakayahang magpaki-ta ng mabuting halimbawa.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang I Kay Timoteo 4:12, at sabihin sa mga bata na hanapin ang anim na paraang sinabi ni Pablo na maaari tayong maging “uliran ng mga nagsisisampalataya.” Gawing pares- pares ang mga bata, at anyayahan ang bawat pares na mag- isip ng isang sitwasyon na maaari silang maging uliran ng mga nagsisisampalataya. Sabi-hin sa kanila na isadula ang kanilang sitwasyon sa buong klase.

• Itanong sa mga bata kung gusto nilang magbahagi ng anumang karanasan kung kailan nagsikap silang maging mabuting halimbawa sa iba. Sabihin sa kanila kung paano sila naging uliran ng mga nagsisi-sampalataya sa iyo at kung ano ang napansin mong ipinapakita nila na mabubuting halimbawa sa iba.

167

I AT II KAy TIMoTeo; KAy TITo; KAy FILeMoN

I KAY TIMOTEO 6:7–12

Dapat kong mahalin ang mga bagay na walang- hanggan nang higit kaysa pera.

Sa daigdig na mas lalong nagiging materyalistiko, paano mo mapapanatili ang tuon at pagmamahal ng mga bata sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ikuwento kung ano ang bibilhin nila kung nasa kanila ang lahat ng pera sa mundo. Anyayahan ang isang bata na basahin ang I Kay Timoteo 6:7–12, at ipabuod sa iba pang mga bata ang itinuro ni Pablo kay Timoteo tungkol sa pera. Pagkatapos ay anyayahan ang mga bata na muling basahin ang mga talata, na hinahanap ang mga bagay na binanggit ni Pablo na mas mahalaga kaysa pera.

• Maglatag ng mga larawan ng mga makamundong bagay (tulad ng pera, mga laruan, o libangan) at ng mga bagay na walang- hanggan (tulad ng mga pamil-ya o templo). Anyayahan ang mga bata na igrupo ang mga larawan sa dalawang pangkat—mga bagay na mas naglalapit sa atin kay Cristo at mga bagay na maaaring makagambala sa pagtutuon natin kay Cristo kung mas mamahalin natin ang mga ito kaysa sa Kanya. Bakit “pag- ibig sa salapi [ang] ugat ng lahat ng uri ng kasamaan”?

II KAY TIMOTEO 3:14–17

Ibinigay sa atin ng Ama sa Langit ang mga banal na kasulatan upang maipaalam sa atin ang katotohanan at kamalian.

Maaaring maranasan ng mga bata ang mga pagpapala ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Habang tinuturuan mo ang mga bata tungkol sa mga banal na

kasulatan, humanap ng mga paraan para mahikayat silang magkaroon ng magagandang karanasan sa salita ng Diyos.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang II Kay Timoteo 3:15–17. Magdala ng isang larawan na nagpapakita ng isang kuwento mula sa bawat isa sa apat na pamantayang banal na kasulatan, at ilagay ang mga larawan sa isang kahong may takip. Anyayahan ang ilang bata na pumili ng isang larawan at isalaysay ang kuwento. Itanong sa mga bata kung may maibabahagi pa sila tungkol sa aklat na iyon ng banal na kasulatan. Paano “makapag[pa]padunong sa [atin] sa ikaliligtas” ang mga banal na kasulatan?

• Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang paborito nilang talata o karanasan kung kailan nakatulong sa kanila ang isang katotohanan sa mga banal na kasulatan. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong talata o karanasan.

• Ipabasa sa isang bata ang Moroni 10:4–5. Ano ang ipinangako ni Moroni sa mga talatang ito? Itanong sa mga bata kung ano na ang nagawa nila para magkaroon ng patotoo na ang mga banal na kasula-tan ay totoo. Anyayahan silang magbasa o makinig sa mga banal na kasulatan nang regular.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamil-ya ang natutuhan nila tungkol sa mga banal na kasula-tan at maghanap ng isang talata sa banal na kasulatan na maibabahagi nila sa klase sa susunod na linggo (sa tulong ng kanilang mga magulang, kung kailangan).

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoIakma ang mga aktibidad para matugunan ang mga pangangailangan. Sa halip na ituring ang mga outline na ito na mga tagubilin na kailangan mong sundin, pagkunan ito ng mga ideya na maghihikayat sa sarili mong inspirasyon habang pinagninilayan mo ang mga pangangailangan ng mga batang tinuturuan mo. Maaari mong iakma ang mga aktibidad para maturuan ang mga bata anuman ang kanilang edad.

Ang mga banal na kasulatan ay tutulong sa akin na m

alaman ang katotohanan (II Kay Tim

oteo 3:15–17).Kulayan at gupitin ang m

ga aklat ng banal na kasulatan. Sumulat o m

agdrowing ng isang katotohanan o paboritong kuw

ento mula sa baw

at aklat sa blangkong bahagi nito. Itupi sa gitna ang baw

at aklat at butasan ang sulok para maitali ang m

ga aklat na ito nang magkakasam

a.

ANG

BANAL N

A BIBLIA

ANG

DO

KTRINA

AT MGA

TIPAN

ANG

AKLAT NI

MO

RMO

N

ANG

MAH

A-LAGAN

G PERLAS

169

NOBYEMBRE 4–10

Mga Hebreo 1–6Si Jesucristo, “ang Gumawa ng Walang Hanggang Kaligtasan”

Anong mga katotohanan ang nakikita mo sa Mga Hebreo 1–6 na inspirado kang ituro sa mga bata? Pagtuunan ng pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na dumarating habang ikaw ay naghahanda, at tiyaking itala ang mga ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Tinanggap ba ng mga bata ang paanyaya sa katapusan ng lesson noong nakaraang linggo na maghanap ng isang talata sa banal na kasulatan na maibabahagi nila? Kung gayon, bigyan sila ng oras para ibahagi ito. Kung hindi, tulungan silang mag- isip ng isang bagay na natu-tuhan nila kamakailan mula sa mga banal na kasulatan na maibabahagi nila.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA HEBREO 1:2–10; 2:8–10, 17–18.

Ako ay naniniwala kay Jesucristo.

Ang mga talatang ito ay makakatulong sa mga bata na matuto pa tungkol kay Jesucristo at mapalakas ang kanilang kaugnayan sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad

• Gamit ang sarili mong mga salita, isulat sa mga piraso ng papel ang mga katotohanan tungkol kay

Jesucristo na nakikita mo sa Mga Hebreo 1:2–10; 2:8–10, 17–18, at itago ang mga ito sa paligid ng silid. Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga piraso ng papel. Tulungan silang basahin ang mga katotohanang nakasulat sa mga papel, at pag- usapan kung ano ang ibig sabihin ng mga katotohanang ito. Kung kailangan, ipaliwanag na si Jesus ay tinatawag na Anak ng Diyos dahil ang Ama sa Langit ang ama kapwa ng Kanyang Espiritu at ng Kanyang katawan.

• Ipasa- pasa ang isang larawan ng Tagapagligtas, at hayaang ibahagi ng bawat bata kung bakit siya nag-papasalamat para kay Jesucristo habang hawak niya ang larawan.

MGA HEBREO 3:8

Nais ng Ama sa Langit na “huwag [nating] papagmatigasin ang [ating] mga puso.”

Ang Mga Hebreo 3 ay nagbibigay ng mga halimbawa ng mga Israelitang pinatigas ang kanilang puso at tinanggihan ang mga pagpapala ng Panginoon. Isa rin itong babala sa ating lahat na huwag nating patigasin ang ating puso.

Balsa

mo

sa G

alaa

d, n

i Ann

e He

nrie

170

NobyeMbRe 4–10 

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng isang espongha (o bimpo) at isang bato sa klase. Anyayahan ang mga bata na hipuin ang mga bagay at ilarawan kung ano ang pakiramdam nila nang hipuin nila ang mga ito. Maglagay ng ilang patak ng tubig sa bawat bagay, at ipaliwanag na mas maraming tubig ang nasisipsip ng espongha kaysa sa bato. Ipaliwanag na kailangang malambot ang ating puso at hindi matigas para matanggap natin ang mga katotohanan ng ating Ama sa Langit sa ating puso.

• Gumupit ng hugis- puso mula sa isang malambot na materyal, tulad ng tela, at mula sa isang mas matigas na materyal, tulad ng karton. Sabihin sa mga bata na kapag nakikinig at sumusunod tayo ay malambot ang ating puso at kapag hindi tayo naki-kinig at sumusunod ay matigas ang ating puso. Sa sarili mong mga salita, magbahagi ng ilang halimba-wa mula sa mga banal na kasulatan ng mga taong may malambot na puso o matigas na puso (tulad nina Nephi, Laman at Lemuel [1 Nephi 2:16–19], Pablo [Mga Gawa 9:1–22] o Joseph Smith [Joseph Smith—Kasaysayan 1:11–20]). Habang ibinabahagi mo ang bawat halimbawa, anyayahan ang mga bata na ituro ang malambot na puso o matigas na puso.

MGA HEBREO 5:4

Ang mga priesthood holder ay tinawag ng Diyos.

Ang Mga Hebreo 5:4 ay isang mahalagang talata dahil nililinaw nito na ang mga priesthood holder—at ang iba pang mga naglilingkod sa Simbahan—ay kailangang tawagin ng Diyos.

Mga Posibleng Aktibidad

• Basahin ang Mga Hebreo 5:4 sa mga bata. Hilingin sa isang priesthood holder na ipaliwanag kung ano ang priesthood at ibahagi ang kanyang karanasan sa pagtanggap ng priesthood.

• Tulungan ang mga bata na isaulo ang mga parirala mula sa ikalimang saligan ng pananampalataya. Magpatotoo na ang mga taong tinawag upang

gawin ang gawain ng Diyos ay tinawag ng Diyos sa pamamagitan ng paghahayag.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA HEBREO 1:2–10; 2:8–10, 17–18

Ako ay naniniwala kay Jesucristo.

Ang Sulat sa mga Hebreo ay isinulat upang palakasin ang pananampalataya ng mga Banal na Hebreo kay Jesucristo. Ganito rin ang magagawa nito para sa mga batang tinuturuan mo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Iatas sa bawat bata ang ilang talata sa Mga Hebreo 1:2–10; 2:8–10, 17–18, at anyayahan ang mga bata na hanapin sa mga talatang iyon ang mga katotoha-nan tungkol kay Jesucristo. Hayaang ibahagi o isulat nila sa pisara ang mga nakita nila. Ano pa ang alam natin tungkol kay Jesucristo? Maaaring makakita ang mga bata ng ilang ideya sa mga awiting tulad ng “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78) o “Isinugo, Kanyang anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21).

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang sarili nila na kasama ang kanilang mga magulang. Ipabahagi sa kanila kung ano ang magkapareho sa kanila ng kanilang mga magulang. Ipaliwanag na nang sabihin sa Mga Hebreo 1:3 na si Jesucristo ang “tunay na larawan ng kaniyang pagka- Dios,” ang ibig sabihin nito ay na si Jesus at ang Ama sa Langit ay magka-pareho ng mga katangian. Magpatotoo na natututo tayo tungkol sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng pag- aaral tungkol kay Jesucristo at pagsunod sa Kanya.

• Tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga taong maaari nilang bahaginan ng kanilang patotoo tung-kol kay Jesucristo. Isiping anyayahan sila na magsa-nay sa pagbabahagi kung ano ang sasabihin nila sa mga tao tungkol kay Jesus.

171

MGA HebReo 1–6

MGA HEBREO 3:7–19

Para matanggap ang patnubay at mga pagpapala ng Ama sa Langit, kailangang huwag nating “papagmatigasin ang [ating] mga puso.”

Sa Mga Hebreo 3, ginamit ang kuwento ng mga Isra-elita sa ilang upang ituro ang kahalagahan ng hindi pagpapatigas ng ating puso. Paano mo magagamit ang kuwentong ito para maituro sa mga bata ang alituntu-ning ito?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na mag- isip ng matitigas at malalambot na bagay. (Maaari kang magdala ng ilang halimbawang maipapakita sa kanila.) Sama- samang basahin ang Mga Hebreo 3:8. Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng matigas na puso? Bakit nais ng Diyos na magkaroon tayo ng malambot na puso?

• Sa sarili mong mga salita, ibahagi ang kuwento ng mga Israelita na pinatigas ang kanilang puso laban sa Panginoon sa ilang (tingnan sa Mga Bilang 14:1–12; Mga Hebreo 3:7–19). Hayaang isadula ng mga bata ang kuwento. Ano ang mangyayari kung patitigasin natin ang ating puso laban sa Panginoon at sa Kanyang ebanghelyo?

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mateo 13:15; Mga Hebreo 3:15; Mosias 11:29; at Moises 6:27. Ipadrowing sa kanila sa pisara ang mga bahagi ng katawan na binanggit sa mga talatang ito. Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng espirituwal na mahihinang tainga, bulag na mga mata, at matitigas na puso? Paano tayo makasisiguro na ang ating mga tainga, mata, at puso ay handa nang tumang-gap ng mga pagpapala ng Diyos?

MGA HEBREO 5:1–4

Ang mga priesthood holder ay tinawag ng Diyos.

Ang Mga Hebreo 5 ay nagbibigay ng pagkakataong talakayin kung ano ang priesthood—ang kapangyari-han at awtoridad na kumilos sa ngalan ng Diyos—at kung paano ito natatanggap. Maaaring makatulong ito lalo na sa mga kabataang lalaki na naghahandang maorden sa priesthood.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawang Binibigyan ng Priesthood ni Moises si Aaron (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 15) habang binabasa ng isang bata ang Mga Hebreo 5:4. Maaaring makatulong na ipaliwanag na dahil si Aaron ang unang taong nagtaglay ng Aaro-nic priesthood, ipinangalan ito sa kanya. Tulungan ang mga bata na isipin ang mga tungkulin ng mga Aaronic Priesthood holder (tulad ng pagbibinyag, pagbabasbas at pagpapasa ng sakramento, at pag- anyaya sa iba na lumapit kay Cristo).

• Tulungan ang mga bata na mag- isip ng iba’t ibang paraan na tumatanggap ng awtoridad ang mga tao. Halimbawa, paano tumatanggap ng awtoridad ang isang guro, doktor, o lider sa pulitika? Paano ipinagkakaloob ng Diyos ang Kanyang awtoridad? Anyayahan ang mga bata na pag- isipan ang tanong na ito habang binabasa nila ang Mga Hebreo 5:4 at ang ikalimang saligan ng pananampalataya.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang isang talata sa banal na kasulatan, awitin, o aktibidad na natutuhan nila sa klase ngayon sa kanilang pamilya sa isang family home evening.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMaaaring madama ng mga bata ang impluwensya ng Espiritu. Ituro sa mga bata na ang nadarama nilang kapayapaan, pagmamahal, at kagalakan kapag nagsasalita o kumakanta sila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo ay nagmumula sa Espiritu Santo. Ang mga damdaming ito ay maaaring magpalakas sa kanilang patotoo.

47

565758

59

60

61

62

Naniniwala ako kay Jesucristo (Sa Mga Hebreo 1:2–10; 2:8–10, 17–18).Magsimula sa bilang 1 at pagdugtung- dugtungin ang mga tuldok ayon sa pagkakasunud- sunod ng

bilang. Kulayan ang larawan at isulat ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo sa mga linya sa ibaba.

Ang Aking Patotoo Tungkol Kay Jesus_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

1

37

54

55

53

48

38

3536

534

39

5249

3213

41

5150

40

3312

11

1096

7 8

3114

42

3015

43

29

1617

28

44

18

1920

2122

27

45

26

23

2425

46

2

43

173

NOBYEMBRE 11–17.

Mga Hebreo 7–13“Dakilang Saserdote ng mga Bagay na Darating”

Habang pinag- aaralan at pinagninilayan mo ang outline na ito, bigyang- pansin ang mga pahiwatig na natatanggap mo tungkol sa mga batang tinuturuan mo. Tutulungan ka ng Espiritu na makahanap ng mga mensahe para sa kanila sa Mga Hebreo 7–13.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipabahagi sa mga bata ang mga ginagawa nila at ng kanilang mga pamilya para matutuhan ang ebanghel-yo sa tahanan. Anyayahan silang ibahagi ang ilan sa kanilang mga paboritong karanasan sa pag- aaral ng ebanghelyo sa kanilang pamilya.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MGA HEBREO 7:1–6

Matutulungan tayo ng priesthood sa maraming paraan.

Ang Mga Hebreo 7:1–6 ay makapagbibigay ng pagkaka-taon na ituro sa mga bata ang mga pagpapala ng priesthood.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipaliwanag nang kaunti kung sino si Abraham, at pagkatapos ay gamitin ang Mga Hebreo 7:1–6 at

Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 14:36–40 (sa Gabay sa mga banal na Kasulatan) para ituro na si Abraham ay nagbayad ng ikapu kay Melquise-dec. Ipaliwanag na hawak ni Melquisedec ang mas mataas na priesthood, na siyang kapangyarihan ng Diyos na ibinigay sa tao sa lupa, at ginamit niya ito para basbasan si Abraham. Maaaring matuwa ang mga bata sa pagsasadula ng kuwento nang may simpleng props, tulad ng korona at isang sobre ng ikapu.

• Anyayahan ang isang Aaronic at isang Melchize-dek Priesthood holder na bumisita sa klase at sabihin sa mga bata kung paano nila nagamit ang priesthood para basbasan ang iba. Pagkatapos ay ipakita sa mga bata ang mga larawan ng iba’t ibang ordenansa ng priesthood (halimbawa, tingnan sa mga larawan 103–8 sa Aklat ng Sining ng Ebanghel-yo). Tulungan ang mga bata na malaman kung aling priesthood ang kailangan para sa bawat ordenansa at ibigay ang larawang iyon sa angkop na priest-hood holder.

Bina

basb

asan

ni M

elchi

zede

k si A

bram

, ni

Wal

ter R

ane.

174

NobyeMbRe 11–17. 

MGA HEBREO 11:1- 32

Ang pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na hindi natin nakikita.

Kahit hindi nila nakikita ang Ama sa Langit at si Jesucristo o nararanasan ang lahat ng pagpapala ng ebanghelyo, maaaring magkaroon ng pananampalata-ya ang mga batang tinuturuan mo sa pamamagitan ng pag- aaral mula sa mga halimbawa sa Mga Hebreo 11.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdispley ng isang larawan ni Jesus. Maglagay sa paligid ng silid ng ilang bagay na kumakatawan sa “mga katibayan” na Siya ay totoo kahit hindi natin Siya nakikita (tulad ng mga banal na kasulatan, isang larawan ng Unang Pangitain, at isang larawan ng mundo). Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga item, at pagkatapos ay ibahagi sa kanila kung paano tayo tinutulungan ng bawat item na manampalataya na si Jesus ay buhay.

• Magdala ng isang electric fan, at hayaang magha-linhinan ang mga bata sa pagdama sa paghihip ng hangin ng electric fan sa kanilang mukha. Ituro sa kanila na hindi natin nakikita ang hangin, ngunit nadarama natin ito. Gayundin, hindi natin nakikita ang Ama sa Langit at si Jesucristo, ngunit nadarama natin ang Kanilang pagmamahal at nananampalata-ya tayo na Sila ay totoo.

• Magkuwento tungkol sa isa o mahigit pang mga tao na binanggit sa Mga Hebreo 11:4–32. Isiping gami-tin ang Mga Kuwento sa Lumang Tipan (tingnan sa mga kabanata 4–6, 8–10, 15–17, 23, at 28). Ano ang ginawa ng mga taong ito upang ipakita na nanam-palataya sila sa isang bagay na hindi nila nakikita? Magbahagi ng ilang pagpapalang natanggap mo dahil sa iyong pananampalataya.

MGA HEBREO 13:5- 6

Tutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at hindi Nila tayo pababayaan kailanman.

Anong mga pagsubok ang maaaring nararanasan ng mga bata? Paano kaya makakatulong sa kanila ang mensahe ng Mga Hebreo 13:5–6?

Mga Posibleng Aktibidad

• Repasuhin ang ilang kuwento sa Bagong Tipan na natutuhan ng mga bata ngayong taon kung saan tinulungan ng Tagapagligtas ang iba, tulad noong pagalingin Niya ang lalaking lumpo (tingnan sa Lucas 5:18–26) o pakainin ang 5,000 (tingnan sa Mateo 14:15–21). Tulungan ang mga bata na matu-tuhan ang pariralang “Ang Panginoon ang aking katulong” (Mga Hebreo 13:6).

• Anyayahan ang mga bata na idrowing ang isang pagkakataon na natakot sila. Basahin ang Mga Heb-reo 13:5–6 sa kanila, at magpatotoo na tutulungan tayo ng Ama sa Langit at hindi tayo pababayaan kailanman. Tulungan ang mga bata na gumupit ng mga pusong papel na sapat ang laki para matakpan ang mga drowing. Ano ang ilang bagay na tumutu-long na mas mapalapit tayo sa Ama sa Langit? Isulat ang ilan sa mga bagay na ito sa mga puso.

• Ituro sa mga bata ang ikalawang talata ng “Pangino-on, sa Aki’y Sabihin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 75). Ayon sa awitin, anong tulong ang matatanggap natin kapag malapit sa atin ang Ama sa Langit at si Jesucristo? Magkuwento tungkol sa isang pagkaka-taon na malapit sa iyo ang Ama sa Langit at tinulu-ngan ka Niya.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MGA HEBREO 7:1–4

Ang karapat- dapat na mga priesthood holder ay sumusunod sa Tagapagligtas.

Paano mo magagamit ang mga talatang ito para mai-paunawa sa mga bata na ang mga may priesthood ay kailangang maging matapat at maglingkod sa iba tulad ng ginawa ng Tagapagligtas?

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na ilista ang mga bagay na alam nila tungkol sa dalawang kahanga- hangang priesthood holder na sina Abraham at Melquisedec. Makakahanap sila ng tulong sa Mga Hebreo 7:1–4; Abraham 1:1–2; at Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 14:25–40 (sa Gabay sa mga banal na

175

MGA HebReo 7–13

Kasulatan). Anong mga katangiang katulad ng kay Cristo ang taglay ng kalalakihang ito na nakatulong sa kanila na igalang ang priesthood?

• Ipabasa sa mga bata ang Mga Hebreo 7:1–2 at ipahanap ang mga titulong ginamit para ilarawan si Melquisedec. Paano ipinapaalala sa atin ng mga titulong ito si Jesucristo? Tulungan silang mag- isip ng mga paraan kung saan si Jesus ay isang “Hari ng kapayapaan.” May kilala ba silang iba pang mga priesthood holder na halimbawa rin ng pagsunod sa Tagapagligtas?

• Magbahagi ng isang karanasan kung saan tinulu-ngan ka ng isang matwid na priesthood holder na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Tulungan ang mga bata na isipin kung paano sila napagpala ng pagli-lingkod ng priesthood.

MGA HEBREO 11

Ginagantimpalaan ng Ama sa Langit ang mga sumasampalataya.

Ang Mga Hebreo 11 ay naglalaman ng maraming halimbawa ng mga taong pinagpala nang kumilos sila nang may pananampalataya. Alin sa mga kuwento ang lubos na magbibigay- inspirasyon o makakatulong sa mga batang tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ilista sa pisara ang mga bagay na natutuhan nila tungkol sa pananampala-taya sa Mga Hebreo 11:1–3, 6. bigyan ang bawat isa sa mga bata ng pangalan ng isang taong binanggit sa Mga Hebreo 11, at ipabasa sa kanila ang mga talatang may kaugnayan sa taong iyon. Sabihin sa kanila na magbigay ng mga clue tungkol sa taong ito para mahulaan ng ibang mga bata kung sino siya. Paano nagpakita ng pananampalataya ang mga taong ito, at paano sila ginantimpalaan ng Ama sa Langit? (Para sa mga larawan ng mga taong ito, ting-nan sa bahagi ng Lumang Tipan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo).

• Matapos basahin ang ilan sa matatapat na halim-bawa sa Mga Hebreo 11, pasulatin ang mga bata tungkol sa isang taong kilala nila na nagpakita ng pananampalataya. Anyayahan ang ilang bata na ibahagi ang kanilang mga halimbawa sa klase.

MGA HEBREO 12:5–11

Pinarurusahan ng Panginoon ang mga minamahal Niya.

Maipapaunawa ng mga talatang ito sa mga bata na itinatama sila ng Ama sa Langit, ng kanilang mga magu-lang, at ng iba pa dahil mahal sila nila at gusto nilang matuto sila mula sa kanilang mga pagkakamali.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Mga Hebreo 12:5–11, at ipahanap sa mga bata ang mga dahilan kung bakit tayo pinarurusahan (itinatama o dinidisiplina) ng Ama sa Langit. Ano ang itinuturo nito sa atin kung bakit itinatama ng mga magulang sa lupa ang kanilang mga anak? Paano tayo dapat tumugon sa mapagmahal na pagtatama?

• Magbahagi ng mga halimbawa ng mga tao sa mga banal na kasulatan na pinarusahan ng Panginoon at nagsisi (halimbawa, tingnan sa 1 Nephi 16:25–27; eter 2:13–15). bakit sila magagandang halimbawa ng mga alituntunin sa Mga Hebreo 12:5–11?

• Matapos basahin ang Mga Hebreo 12:5–11, anyaya-han ang mga bata na sumulat ng ilang bagay na sisikapin nilang tandaan kapag itinatama sila sa kanilang mga pagkakamali.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na sumulat o magdrowing ng isang larawan kung ano sa tingin nila ang pinakama-halagang bagay na natutuhan nila sa klase. Hikayatin silang ibahagi sa kanilang pamilya ang natutuhan nila.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoGamitin ang mga pahina ng aktibidad. Habang kinukumpleto ng mga bata ang mga pahina ng aktibidad sa oras ng klase, gamitin ang oras para repasuhin ang mga alituntunin mula sa lesson.

Ang pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na hindi natin nakikita (Sa Mga Hebreo 11:1–32).Kulayan ang mga larawan, at gumamit ng gunting para gupitin ang mga hugis sa solidong itim na linya. Itupi sa tulduk- tuldok na linya, at idikit o iteyp ang mga tab para makagawa ng isang cube. Ihagis ang cube at ibahagi kung paano nagpakita ng pananampalataya ang tauhan sa kuwento na nasa itaas ng cube. Kung ang salitang Pananampalataya ang nasa itaas, ibahagi kung paano mo maipapakita ang iyong pananampalataya sa Diyos.

Moises (Exodo 14)

Pader ng Jerico (Josue 6:1–20)Sara (G

enesis 21:1–8)

Abraham (Genesis 22:1–14) Noe (Genesis 6–8)

Ang PANANAM-PALATAYA

ay paniniwala sa mga bagay na hindi

natin nakikita.

177

NOBYEMBRE 18–24.

Santiago“Maging Tagatupad Kayo ng Salita, at Huwag Tagapakinig Lamang”

Ang Sulat ni Santiago ay naglalaman ng maraming katotohanan na maaaring magpala sa mga batang tinuturuan mo. Sundin ang Espiritu para malaman kung aling mga katotohanan ang ibabahagi mo sa kanila. Maaari ding makatulong ang mga ideya sa outline na ito.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na magbahagi sa pamilya nila ng isang alituntunin ng ebanghelyo na naaalala nilang natutuhan nila sa nakalipas na linggo o mula sa klase nila sa Primary noong nakaraang Linggo. Matapos magbahagi ang bawat bata, anyayahan ang isa pang bata sa klase na ibuod ang mga ibinahagi.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

SANTIAGO 1:5–6

Maaari kong hilingin sa Ama sa Langit na tulungan akong malaman kung ano ang totoo.

Ipaunawa sa mga batang tinuturuan mo na makakahi-ngi sila ng karunungan sa Ama sa Langit. Ang paggawa

nito ay magpapala sa kanila nang malaki kapag mayro-on silang mahihirap na tanong.

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na matutuhan ang pari-ralang “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios” (Santiago 1:5). Paano tayo nagtatanong sa Diyos? Paano Niya tayo sinasagot?

• Magpakita ng isang larawan ng Unang Pangitain (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 90), at ibahagi kung paano nahikayat ng pagbasa sa Santiago 1:5 si Joseph Smith na hilingin sa Ama sa Langit na tulungan siya sa isang tanong (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–15). Ibahagi ang iyong patotoo na sinasagot ng Diyos ang mga panala-ngin, at patotohanan na maaaring manalangin sa Kanya ang mga bata kapag mayroon silang mga tanong. Hayaang idrowing ng mga bata ang larawan ni Joseph Smith na binabasa ang Santiago 1:5 at nagdarasal sa Ama sa Langit.

Si Ab

raha

m sa

Kap

atag

an n

g M

amre

, ni

Gran

t Rom

ney C

laws

on

178

NobyeMbRe 18–24. 

SANTIAGO 3:1–13

Maaari akong magsalita ng magagandang bagay.

Tulad ng pinatotohanan ni Santiago, ang matutong magsabi ng mabubuting bagay lamang sa iba ay makakatulong sa atin na maging katulad ni Jesucristo (tingnan sa Santiago 3:2).

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng matamis at maasim na pagkain para ipatikim sa mga bata. Ipaunawa sa kanila na dapat nating gamitin ang ating dila para magsabi ng mga bagay na matamis (o mabuti) at hindi magsabi ng mga bagay na maasim (o masama) (tingnan sa Santiago 3:10). Tulungan silang mag- isip ng mga halimbawa ng magagandang bagay na masasabi natin sa iba.

• Bigyan ang bawat bata ng simpleng drowing ng isang taong nagsasalita. Anyayahan ang mga bata na itaas ito kapag may sinabi kang magandang bagay na magagawa ng ating dila (tulad ng magsabi ng totoo, purihin ang iba, at alukin ng tulong ang isang tao) at ibaba ito kapag may sinabi kang isang bagay na hindi dapat gawin ng ating dila (tulad ng magsinungaling, insultuhin ang ibang tao, at tumangging sundin ang magulang).

• Pagtibayin ang mensahe ng Santiago 3:1–13 sa sama- samang pagkanta ng isang awitin tungkol sa pagiging mabait, tulad ng “Sa Akin Nagmumula ang Kabaitan” (Aklat ng mga Awit Pambata, 83). Imungka-hing gumawa ang mga bata ng “garapon ng kabai-tan” na malalagyan nila ng maliliit na bato o ng iba pang maliliit na bagay tuwing may sinasabi silang magandang bagay sa isang tao.

SANTIAGO 5:7–11

Ang ilan sa mga pagpapala ng Diyos ay nangangailangan ng tiyaga.

Ang tiyaga ay hindi palaging likas na dumarating, lalo na sa mga bata. Isipin kung paano mo magagamit ang payo ni Santiago para matulungan ang mga batang tinuturuan mo na matutong magtiyaga.

Mga Posibleng Aktibidad

• Tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga pagkakataon na kinailangan nilang maghintay para sa isang bagay na talagang gusto nila. Ipaliwanag na ang paghihintay para sa isang bagay na gusto natin nang walang reklamo ay tinatawag na pagiging matiyaga.

• Ibuod ang Santiago 5:7 sa sarili mong mga salita, at magpakita ng larawan ng isang buto o binhi. Bakit natin kailangan ng tiyaga kapag nagpapalago tayo ng mga halaman? Ano ang mangyayari kung sinubukan nating bunutin ang binhi para lumago ito nang mas mabilis? Magpatotoo na maraming pagpapala ang Diyos para sa atin, ngunit ang ilan dito ay nangangailangan ng tiyaga.

• Ibahagi ang kuwento ni Job, na binanggit sa San-tiago 5:11 bilang isang halimbawa ng pagtitiyaga (tingnan sa “Kabanata 46: Job,” Mga Kuwento sa Lumang Tipan, 165–69). Paano pinagpala si Job dahil sa kanyang pagtitiyaga?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

SANTIAGO 1:5–6

Ipapaalam sa akin ng Ama sa Langit ang katotohanan kung hihingi ako ng tulong sa Kanya.

Bagama’t parang musmos pa ang mga tinuturuan mo, ilang taon lang ang kabataan nila kay Joseph Smith nang basahin niya ang Santiago 1:5 at mahikayat siyang lumapit sa Ama sa Langit sa panalangin. Isipin kung paano mo mapapatatag ang pananampalataya ng mga batang tinuturuan mo na tutulungan sila ng Diyos kapag nagkukulang sila sa karunungan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Hilingin sa mga bata na ikuwento sa iyo ang Unang Pangitain ni Joseph Smith sa sarili nilang mga salita (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:5–19. Paano nakatulong ang Santiago 1:5 kay Joseph? Tulungan ang mga bata na mag- isip ng mga halim-bawa ng ibang mga tao sa mga banal na kasulatan na nakatanggap ng sagot sa kanilang mga dalangin

179

SANTIAGo

(tulad ni Nephi [1 Nephi 11:1–6] at ng kapatid ni Jared [eter 2:18–3:9]). Ano ang ilang bagay na maa-ari nating hilingin sa Ama sa Langit sa panalangin?

• Basahin ninyo ng mga bata ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–14. Anyayahan ang mga bata na hanapin ang mga bagay na ginawa ni Joseph para makatanggap ng mga sagot sa kanyang mga tanong. Paano natin masusundan ang halimbawa ni Joseph Smith kapag mayroon tayong mga tanong?

SANTIAGO 1:22–27; 2:14–26

“Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.”

Paano mo maipapakita sa mga bata ang koneksyon ng kanilang pinaniniwalaan sa kanilang ginagawa?

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita sa mga bata ang isang flashlight na walang baterya, isang lapis na walang tasa, o isang bagay na walang silbi o “patay.” Ipabasa sa mga bata ang Santiago 2:14–17. Paano inilalarawan ng mga bagay na ito ang katotohanan sa mga talatang ito?

• Anyayahan ang mga bata na tahimik na basahin ang Santiago 1:22–27; 2:14–26. Pagkatapos ay anyayahan silang ibahagi kung ano ang magagawa nila para ipakita na sila ay mga tagatupad ng salita. Halimbawa, may kilala ba silang isang taong maysa-kit o nag- iisa na maaari nilang bisitahin, o maaari ba nilang ipasiya na higit pang pagsilbihan ang kanilang pamilya? Maaari mo ring ipaalala sa kanila ang mga salitang maaaring narinig nila sa sacrament meeting ngayon. Paano tayo magiging mga tagatupad ng mga salitang ito?

SANTIAGO 3:1–13

Maaari kong kontrolin ang mga bagay na sinasabi ko.

Ang mga salitang sinasabi natin sa isa’t isa ay maaaring parang hindi mahalaga, ngunit tulad ng pinatotoha-nan ni Santiago, maaari itong magkaroon ng malaking impluwensya, sa kabutihan o kasamaan.

Mga Posibleng Aktibidad

• May isang tao ba sa ward, marahil ay isa sa mga batang tinuturuan mo, na nakapag- alaga na ng mga kabayo o may alam sa mga bangka? Maaari mo siyang anyayahang magbigay ng mga ideya tungkol sa mga turo ni Santiago sa Santiago 3:3–4 tungkol sa paggamit ng mabubuting salita, o magbigay ng ilang sarili mong ideya. Ano ang natututuhan natin tungkol sa pagkontrol sa ating dila mula sa mga halimbawang ito?

• Anyayahan ang mga bata na basahin ang Santiago 3:1–13 at idrowing ang isang bagay na makikita nila na nagtuturo tungkol sa pagkontrol sa ating dila. Bigyan sila ng oras na ibahagi ang kanilang larawan at ang natutuhan nila.

• Matapos repasuhin nang sama- sama ang Santiago 3:1–13, repasuhin ang mga pamantayan sa panana-lita na nasa Para sa Lakas ng mga Kabataan (20–21). Tulungan ang mga bata na mag- isip ng isang bagay na maaari nilang gawin para mapaganda ang para-an ng pakikipag- usap nila sa iba, at hikayatin silang magtakda ng mga personal na mithiin.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na magtanong sa Ama sa Langit sa panalangin o sikaping maging mas matiyaga sa darating na linggo. Ipabahagi sa kanila ang kanilang karanasan sa susunod na klase.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTulungan ang mga bata na maging aktibo. “Kapag nagtuturo ka sa mga bata, hayaan mo silang bumuo, magdrowing, magkulay, magsulat, at lumikha. Ang mga bagay na ito ay higit pa sa masasayang aktibidad—mahalaga ang mga ito sa pagkatuto” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).

Magagawa kong magsalita nang may kabaitan (Santiago 3:1–13).Para makagawa ng isang papet, gupitin ang solidong itim na linya. Itupi nang papunta sa likod ang kaliwa at kanang panig ng pahina sa mga linya 1 at 2. Pagkatapos ay itupi ang mga linya 3, 4, at 5 nang papunta sa likod at papunta sa harap na gaya ng nakasaad sa ibaba para makagawa ng isang papet ng batang lalaki o batang babae. Sa blankong espasyo na nasa loob ng bibig ng papet, isulat ang magagandang bagay na maaari mong sabihin sa iba. Ipasok ang iyong mga daliri sa mga bukas na dulo, at gamitin ang papet sa pagpapraktis ng pagsasalita ng mababait, totoo, at nakapagpapasiglang mga bagay.

linya 3 linya 3

linya 4

linya

1

linya

2linya 4

linya 5 linya 5

181

NOBYEMBRE 25–DISYEMBRE 1

I at II Ni Pedro“Nangagagalak na Totoo na May Galak na Di Masayod at Puspos ng Kaluwalhatian”

Simulan ang pag- aaral mo ng I at II Ni Pedro sa panalangin. Tandaan na ang pinakamainam mong paghahandang magturo ay magmumula sa mga karanasan mo sa personal na pag- aaral at pag- aaral ng inyong pamilya.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Idispley ang larawang nasa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at anyayahan ang mga bata na ikuwento sa iyo ang isang bagay na alam nila tungkol kay Pedro. Ipaalala sa kanila na si Pedro ang pinuno ng Simbahan nang mabuhay na mag- uli si Jesus, at ipaliwanag na ang I Ni Pedro at II Ni Pedro ay mga sulat niya sa mga miyembro ng Simbahan sa kan-yang panahon.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I NI PEDRO 1:6–7; 3:14

Maaari akong maging masaya kahit sa gitna ng mga paghihirap.

Isipin kung paano mo maituturo ang mga talatang ito sa paraang makakatulong sa mga bata na bumaling sa Tagapagligtas kapag naharap sila sa mga paghihirap.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang mga pag-hihirap na tiniis ni Jesus, tulad ng maipako sa krus. Ipaliwanag na magkakaroon tayo ng mga pana-hon ng paghihirap sa ating buhay. Sama- samang basahin ang I Ni Pedro 1:6–7; 3:14, at magbahagi ng karanasan na naharap ka sa isang “pagsubok sa [iyong] pananampalataya.” o maaari mong ibahagi ang panalangin ni Propetang Joseph Smith sa Liber-ty Jail at ang pag- aliw sa kanya ng Diyos (tingnan sa DT 121:1–8; 123:17). Paano tayo tinutulungan ng pagsampalataya kay Jesus na makasumpong ng kagalakan sa mga oras ng paghihirap?

Si Joseph Smith sa Liberty Jail, ni Greg K. Olsen

Nang

anga

ral s

i Cris

to sa

Dai

gdig

ng

mga

Es

pirit

u, n

i Rob

ert T

. bar

rett

182

NobyeMbRe 25–DISyeMbRe 1 

• Sama- samang kantahin ang isang awitin na nag-tuturo kung paano makasumpong ng kaligayahan, tulad ng “Susundin Ko ang Plano ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 86–87).

I NI PEDRO 2:9–12

Nais ng Ama sa Langit na maging halimbawa ako sa iba.

Itinuro ni Pedro na tayo ang “bayan ng Dios” at na ang ating mabubuting gawa ay maaaring “[lumuwalhati sa] Dios.”

Mga Posibleng Aktibidad

• Ilarawan ang mga bagay na namumukod- tangi sa kanilang kapaligiran, o magpakita ng mga larawan ng gayong mga bagay. Halimbawa, isang templo na namumukod- tangi sa mga gusali sa paligid nito o isang bundok na nangingibabaw sa isang lambak. Ipaliwanag na kapag sinusunod natin ang mga kautusan, namumukod- tangi tayo at nakikita ng ibang mga tao ang ating mga halimbawa. Ikuwento ang ilang “mabubuting gawa” na nakita mong gina-gawa ng mga bata. Ipaliwanag na ang mabubuting gawang katulad nito ay “[lumuluwalhati sa] Dios”—nagpapadama ito sa iba ng higit na pagmamahal sa Diyos at ng hangaring maglingkod sa Kanya.

• Kumpletuhin ninyo ng mga bata ang pahina ng aktibidad. Paano niluluwalhati ng mga taong nakita nila sa larawan ang Diyos?

I NI PEDRO 3:18–20; 4:6

Natututo ang mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu tungkol sa ebanghelyo.

Nang mamatay si Jesus, nagtungo Siya sa daigdig ng mga espiritu at nagsugo ng mabubuting espiritu upang turuan ang iba pang mga espiritu na hindi pa naka-tanggap ng ebanghelyo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ikuwento sa mga bata ang isang taong kilala mo na namatay na. Ipaliwanag na kapag namatay ang mga tao, nililisan ng kanilang espiritu ang kanilang katawan at nagpupunta ito sa daigdig ng mga espi-ritu. basahin ang I Ni Pedro 3:19 at ipaliwanag na

nang mamatay si Jesus, binisita Niya ang daigdig ng mga espiritu. Doon, inutusan Niya ang mabubuting espiritu na magturo ng ebanghelyo sa iba pang mga espiritu na hindi pa nakatanggap ng ebanghelyo (tingnan sa DT 138:30).

• Maghilera ng mga upuan sa gitna ng silid upang magsilbing harang. Patayuin ang ilan sa mga bata sa isang panig para kumatawan sa mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu na hindi nabinyagan noong nabubuhay pa sila. Bigyan ang isa sa iba pang mga bata ng malaking susing papel na may nakasulat na “binyag para sa mga patay,” at ipaalis sa kanya ang harang. Pagkatapos ay ipaliwanag na ang mga miyembro ng Simbahan na edad 12  pataas ay maaaring magpunta sa templo at magpabinyag para sa kanilang mga ninuno na hindi nabinyagan habang narito sa lupa. Pagkatapos ay maaari nang tanggapin ng mga ninunong ito ang ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu.

• Tulungan ang mga bata na punan ang isang sim-pleng family tree.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I NI PEDRO 3:12–17; 4:13–14, 16

Maaari akong makasumpong ng kaligayahan at kapayapaan kahit sa oras ng mga paghihirap.

Ang mga batang tinuturuan mo ay maaaring nakara-nas na ng panunukso o pangungutya dahil sa kanilang pinaniniwalaan. Matutulungan sila ng mga talatang ito sa mga panahong iyon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ibuod ang ilang kuwento tungkol sa pag- uusig kay Jesus, o ipabasa ang mga ito sa mga bata—tingnan, halimbawa, sa Mateo 12:9–14 o Lucas 22:47–54. Itanong sa mga bata kung natudyo o nakutya na ba sila dahil sinusunod nila ang mga turo ng ebang-helyo. Pagkatapos ay sama- samang basahin ang I Ni Pedro 3:12–14; 4:13–14, 16, at ipahanap sa mga bata kung ano ang sinabi ni Pedro tungkol sa pagdurusa “dahil sa katuwiran.” Bakit maaari pa rin

183

I AT II NI PeDRo

tayong maging masaya kapag kinukutya tayo ng ibang mga tao dahil sa paggawa ng tama?

• Anyayahan ang isang miyembro ng ward na mag-bahagi ng karanasan na nakasumpong siya ng kagalakan o kapayapaan sa oras ng pagsubok, o ibahagi kung paano nakasumpong ng kapayapa-an si Propetang Joseph Smith noong siya ay nasa Liberty Jail (tingnan sa DT 121:1–8; 123:17). Paano tayo makasusumpong ng kagalakan at kapayapaan sa oras ng ating mga pagsubok?

I NI PEDRO 3:15

Dapat akong maging handa palagi na ibahagi ang ebanghelyo.

Ang mga batang tinuturuan mo ay magkakaroon ng maraming pagkakataon sa buong buhay nila na sagutin ang mga tanong ng ibang mga tao tungkol sa kanilang pananampalataya. Isipin kung ano ang magagawa mo para tulungan silang maging “[laging] handa [sa] pagsagot.”

Mga Posibleng Aktibidad

• Ikuwento ang isang pagkakataon na may nagta-nong sa iyo tungkol sa Simbahan, at ilarawan kung nadama mo na handa kang sumagot. Ipakuwento sa mga bata ang anumang mga pagkakataon na tinanong sila ng mga tao tungkol sa Simbahan. Sama- samang basahin ang I Ni Pedro 3:15. Paano natin masusunod ang payo ni Pedro sa talatang ito?

• Sa tulong ng mga bata, mag- isip ng ilang maaaring itanong ng mga tao tungkol sa mga turo ng Sim-bahan. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagpapaliwanag kung paano nila sasagutin ang mga tanong na ito upang sila ay maging “[laging] handa.”

I NI PEDRO 3:18–20; 4:6

Natututo ang mga espiritu sa daigdig ng mga espiritu tungkol sa ebanghelyo.

Ipaunawa sa mga bata na kapag namatay ang mabu-buting tao, pumupunta sila sa daigdig ng mga espiritu para ituro ang ebanghelyo sa mga taong hindi naka-tanggap nito habang narito sila sa lupa.

Mga Posibleng Aktibidad

• Idrowing sa pisara ang isang bilog na may hati sa gitna. Isulat ang Paraiso ng mga Espiritu sa isang hati ng bilog at Bilangguan ng mga Espiritu sa kabilang hati. Anyayahan ang isa sa mga bata na basahin ang I Ni Pedro 3:18–20; 4:6, (tingnan sa I Ni Pedro 4:6, Gabay sa mga banal na Kasulatan, para sa mga rebisyon mula sa Pagsasalin ni Joseph Smith). Ipaliwanag na nang mamatay si Jesus, nagtungo Siya sa paraiso ng mga espiritu. Inutusan Niya ang mabubuting espiritu roon na ituro ang ebanghelyo sa mga espiritung nasa bilangguan ng mga espiritu.

• Anyayahan ang isang magulang o nakatatandang kapatid ng isa sa mga bata na magsalita tungkol sa pagpunta sa templo at pagkumpleto ng gawain para sa isa sa kanilang mga ninuno.

• Anyayahan ang mga bata na punan ang isang sim-pleng family tree.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi ang kanilang family tree sa mga miyembro ng kanilang pamilya at hingan sila ng tulong para maragdagan ang mga pangalan dito.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoHangaring maunawaan ang mga batang tinuturuan mo. Nakikilala mo ang mga batang tinuturuan mo, kaya baguhin ang mga ideya sa outline na ito kung kailangan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Maaari mong gamitin ang alinman sa mga aktibidad na iminungkahi sa outline na ito, hindi lang ang mga isinulat para sa edad ng mga tinuturuan mo. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 7.)

Nais ng Am

a sa Langit na maging m

abuting halimbaw

a ako sa iba (I Ni Pedro 2:9–12).

Bilugan o kulayan ang mga tao na nagiging m

abubuting halimbaw

a sa iba.

185

DISYEMBRE 2–8

I–III Ni Juan; Judas“Ang Dios ay Pagibig”

Ang mga Sulat ni Juan at ni Judas ay nagtuturo tungkol sa pagmamahal at liwanag ng Ama sa Langit. Sa pag- aaral mo sa linggong ito, pagnilayan kung bakit kailangan ng mga batang tinuturuan mo ang Kanyang liwanag at pagmamahal sa kanilang buhay. Alalahaning isaalang- alang ang lahat ng aktibidad na nasa outline na ito, hindi lang ang mga nakalista para sa edad ng mga tinuturuan mo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na ibahagi kung paano nila nadama ang pagmamahal ng Ama sa Langit o kung bakit sa palagay nila ang Ama sa Langit ay tulad sa isang liwanag.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

I NI JUAN 1:5–7; 2:8–11

Ang pagsunod kay Jesus ay naghahatid ng liwanag sa buhay ko.

Paano makakatulong ang pagkukumpara ng pisikal na liwanag sa kadiliman para maituro mo sa mga bata ang liwanag na hatid ng Ama sa Langit sa kanilang buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpabanggit sa mga bata ng mga bagay na nagbi-bigay ng liwanag. Ipaunawa sa kanila ang mga paki-nabang ng liwanag, tulad ng pagtulong na lumago ang mga halaman, pagtutulot na makakita tayo, at pagbibigay ng init. Hayaang maghalinhinan ang mga bata sa pagtutok ng liwanag ng flashlight sa isang larawan ni Jesucristo habang sinasabi nilang “Ang Dios ay ilaw” (I Ni Juan 1:5). Magpatotoo na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay makapaghahatid ng liwanag sa ating buhay kapag sinunod natin ang mga kautusan.

• Padilimin ang silid- aralan, at anyayahan ang mga bata na magmungkahi ng mga paraan na maaaring magkaroon ng liwanag sa silid. Tulungan silang mag- isip ng mga paraan na maihahatid natin ang liwanag ni Jesucristo sa ating buhay. Habang ibina-bahagi nila ang kanilang sagot, pailawin ang mga flashlight o alisan ng takip ang bintana para unti- unting maragdagan ang liwanag sa silid.

Sakd

al n

a Pa

g- ib

ig, n

i Del

Par

son

186

DISyeMbRe 2–8 

I NI JUAN 4:10–11, 20–21

Naipapakita ko ang aking pagmamahal sa Diyos kapag nagpapakita ako ng pagmamahal sa iba.

Tulungan ang mga bata na makita ang kaugnayan ng pagmamahal na nadarama nila para sa Ama sa Langit sa pagmamahal na ipinapakita nila sa Kanyang mga anak.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Ni Juan 4:11 sa mga bata, at kumanta ng isang awitin tungkol sa pag- ibig ng Diyos, tulad ng “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16). Ipabahagi sa ilang bata kung paano nila nalaman na mahal sila ng Ama sa Langit. Pagkatapos ng bawat sagot, anyayahan ang mga bata na yakapin ang kanilang sarili at sabihing, “Ang Diyos ay pag- ibig, at mahal ako ng Diyos.”

• basahin ang I Ni Juan 4:21 sa mga bata. Anyayahan silang ibahagi o isadula ang iba’t ibang mga paraan na maaari silang magpakita ng pagmamahal sa isang kaibigan, gaya ng pagyakap o paggawa ng kard. Ano ang ipinadarama ng mga bagay na ito sa ating mga kaibigan? Ano ang nadarama ng Ama sa Langit kapag gumagawa tayo ng mabubuting bagay sa iba?

I NI JUAN 2:3–5; 5:3

Ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa Diyos kapag sinusunod ko ang Kanyang mga utos.

Maaaring matutuhan ng mga bata sa murang edad na ang “mga utos [ng Diyos] ay hindi mabibigat” at na ang pagsunod sa mga ito ay isang paraan para magpaha-yag ng pagmamahal sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang I Ni Juan 5:3, at sabihin sa mga bata na pakinggan kung ano ang sinasabi sa talatang ito kung paano natin maipapakita na mahal natin ang Diyos. Anyayahan ang mga bata na banggitin ang lahat ng kautusang alam nila. Ano ang nadarama ng Ama sa Langit kapag sinusunod natin ang Kanyang mga utos?

• Anyayahan ang mga bata na magdrowing ng isang larawan na nagpapakita ng isang paraan na maipa-pahayag nila ang kanilang pagmamahal sa Ama sa Langit. Halimbawa, maaari nilang idrowing ang kani-lang sarili na sumusunod sa isa sa mga kautusan. Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa pagsunod, tulad ng “Piliin ang Tamang Landas” (Aklat ng mga Awit Pambata, 82). Ano ang nadarama natin kapag sumusunod tayo?

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

I NI JUAN 2:8–11; 4:7–8, 20–21

Ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa Diyos kapag nagpapakita ako ng pagmamahal sa iba.

Paano mo maipapaunawa sa mga bata na kung mahal natin ang Diyos ay kailangan nating mahalin ang mga nasa paligid natin—pati na ang mga taong maaaring naiiba sa atin o mahirap mahalin?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sabihin sa mga bata na kunwari ay may bagong salta sa paaralan o ward nila at wala pang kakilala roon. Ano kaya ang nadarama ng taong ito? Anyaya-han ang isang bata na basahin ang I Ni Juan 4:7–8. Ano ang iminumungkahi sa talatang ito kung paano natin dapat tratuhin ang taong ito? Magbahagi ng kahalintulad na mga sitwasyon, o magpaisip sa mga bata ng mga sitwasyon kung saan maaari silang magkaroon ng mga pagkakataong magpakita ng pagmamahal.

• Ipabasa sa mga bata ang I Ni Juan 4:7–8, 20–21, at anyayahan ang bawat isa sa kanila na sumulat ng isang pangungusap na magbubuod sa iniisip nilang pinakamahalagang aral sa mga talatang ito. Matapos nilang ibahagi ang kanilang mga pangu-ngusap, maaari mong ikuwento si Chy Johnson mula sa mensahe ni brother David L. beck na “Ang Inyong Sagradong Tungkuling Maglingkod” (Ensign o Liahona, Mayo 2013, 55). Paano masusunod ng mga bata ang mga halimbawa ng mga kabataang lalaki sa kuwento na nagpakita ng pagmamahal kay Chy? Anyayahan ang mga bata na magbahagi ng iba

187

I–III NI JuAN; JuDAS

pang mga paraan na maipapakita nila ang kanilang pagmamahal sa mga nasa paligid nila.

I NI JUAN 2:3–6; 4:17–18; 5:2–5

Ipinapakita ko ang aking pagmamahal sa Diyos kapag sinusunod ko ang Kanyang mga utos.

Ang pagsunod sa mga kautusan ay mas dadali kapag nauunawaan natin ang mga katotohanang itinuro sa I Ni Juan 5:3. Paano ninyo maipapakita sa mga bata na ang mga kautusan ay hindi mga pasanin kundi mga pagkakataon para ipahayag ang kanilang pagmamahal sa Diyos?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na ilista sa pisara ang mga paraan na maipapakita nila sa Diyos na Siya ay mahal nila. Pagkatapos ay sama- samang basa-hin ang I Ni Juan 2:5–6; 5:2–5 para sa karagdagang mga ideya. Paano ipinapakita ng pagsunod sa mga kautusan na mahal natin ang Ama sa Langit?

Kahit mahirap, mapipili nating sundin ang mga kautusan.

• basahin ang I Ni Juan 4:17, at ipaliwanag sa mga bata na ang ibig sabihin ng “magkaroon ng pagka-katiwala sa araw ng paghuhukom” ay magkaroon ng tiwala at kapayapaan kapag tumayo sila sa harapan ng Diyos para mahatulan. Ano ang itinuturo ng tala-tang ito na kailangan nating gawin para magkaroon

ng ganitong tiwala? Ano ang ilang bagay na maga-gawa natin ngayon upang magkaroon ng tiwala sa harapan ng Diyos?

JUDAS 1:18–22

Maaari akong maging tapat kahit pinagtatawanan ako ng iba.

Maaaring kutyain ang mga bata dahil sa kanilang mga paniniwala o sa paraan ng kanilang pamumuhay bilang mga disipulo ni Jesucristo. Nasa mga talatang ito ang payo ni Judas kung paano manatiling tapat sa gayong mga sitwasyon.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpabahagi sa mga bata ng mga pagkakataon na pinagtawanan sila dahil sa paggawa ng tama. Anyayahan ang mga bata na basahin ang Judas 1:18–22 at hanapin kung paaano tayo mananatiling tapat kapag kinukutya o pinagtatawanan tayo. Isulat sa pisara ang matuklasan nila, at talakayin ang mga paraan na masusunod nila ang payong ito.

• Ibuod ang panaginip ni Lehi (tingnan sa 1 Nephi 8:1–35), na ipinapabasa sa ilang bata ang mga talata mula sa 1 Nephi 8:26–28, 33. Talakayin kung paano naging katulad ng mga nanlalait na binang-git ni Judas ang mga tao sa malaki at maluwang na gusali. Ano ang magagawa natin upang hindi tayo maimpluwensyahan ng mga tao na pinagtatawanan tayo o hindi sang- ayon sa ating pinaniniwalaan? (tingnan sa 1 Nephi 8:30, 33).

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na planuhing gumawa ng isang bagay para maibahagi ang kanilang liwanag sa kani-lang pamilya.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoAng mga bata ay aktibo. Kung minsan ay madarama mo na ang sigla ng mga bata ay nakagagambala sa pag- aaral. Ngunit magagamit mo ang likas na pagkaaktibo nila sa pag- anyaya sa kanila na isadula, idrowing, o kantahin ang isang alituntunin ng ebanghelyo. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25–26.)

Ang pagsunod kay Jesus ay naghahatid ng liwanag sa aking buhay (I Ni Juan 1:5–7; 2:8–11).Kulayan ang larawan ni Jesus. Ilagay ang papel sa ibabaw ng karpet o ng isang nakatuping

tuwalya, at gumamit ng isang thumbtack para butasan ang mga tuldok. Gupitin ang bilog at isabit ito sa bintana para masikatan ng liwanag at lumabas ang sinag sa mga butas.

189

DISYEMBRE 9–15

Apocalipsis 1–11“Sa Kordero ay . . . Kaluwalhatian, at Paghahari Magpakailan Kailan Man”

Maaaring mahirapan ang mga bata na unawain ang simbolismo sa Apocalipsis, ngunit may mahalagang doktrina rin sa Apocalipsis na maganda at simple.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na ibahagi kung ano ang maaari nilang madama kung nakita nila si Jesucristo sa isang pangitain. Ipaliwanag na sa aklat ng Apocalipsis, inilarawan ni Juan ang isang pangitain kung saan nakita niya si Jesus at ang maraming mahahalagang bagay tungkol sa nakaraan at sa hinaharap.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

APOCALIPSIS 3:20

Maaari kong anyayahan si Jesucristo sa aking buhay.

Ang metapora tungkol kay Jesus na nakatayo sa may pintuan at kumakatok ay magpapaunawa sa mga bata na nais Niyang mapalapit sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Ipakita ang larawan mula sa outline para sa ling-gong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. at basahin ang Apo-calipsis 3:20. Anyayahan ang mga bata na isipin na kunwari’y kumakatok si Jesus sa pinto papasok sa kanilang tahanan. Papapasukin ba nila Siya? Ano sa palagay nila ang sasabihin o gagawin Niya?

• Anyayahan ang mga bata na magkuwento sa iyo ng mga pagkakataon na naghintay silang bumisita sa bahay nila ang isang tao na kinasasabikan nilang makita. Ano ang pakiramdam ng maghintay na kumatok sa pinto ang taong iyon? Paano kung hindi nila papasukin ang taong iyon kahit kailan? Basahin ang Apocalipsis 3:20, at hayaang maghalinhinan ang mga bata sa paghawak sa larawan ni Jesus at pagkukunwaring kumakatok sa isang pinto. Maa-aring magkunwari ang iba pang mga miyembro ng klase na binubuksan ang pinto. Ano ang magagawa natin para mapalapit sa atin si Jesus, kahit hindi natin Siya nakikita? Isiping bigyan ang bawat bata ng larawan ni Jesus na maiuuwi nila sa bahay.

Ang

Mab

utin

g Pa

stol, n

i Del

Par

son

190

DISyeMbRe 9–15 

APOCALIPSIS 5:1–10

Si Jesucristo lamang ang nag- iisang karapat- dapat na maging aking Tagapagligtas.

Nalaman ni Juan sa kanyang pangitain na si Jesucristo lamang (na kinakatawan ng cordero) ang maaaring maging Tagapagligtas natin at tumupad sa plano ng Ama (na kinakatawan ng nakasarang aklat).

Mga Posibleng Aktibidad

• Bago magklase, maghanap ng mga larawang kuma-katawan sa mga pagpapalang maaaring matanggap dahil sa Pagbabayad- sala ni Jesucristo (tulad ng templo, binyag, at mga pamilya), ilagay ang mga ito sa isang aklat, at balutan ng papel o paikutan ng pisi ang aklat. Gamit ang ilang mahahalagang parirala mula sa Apocalipsis 5:1–10, ilarawan ang pangitaing nakita ni Juan. Ipakita sa mga bata ang aklat, at sabi-hin sa kanila na ang tanging paraan para mabuk-san ang aklat ay hanapin ang larawan ni Jesus na naitago mo sa silid. Kapag nakita nila ang larawan, buksan ang aklat at ibahagi sa mga bata ang mga larawan sa aklat. Magpatotoo na ang Tagapagligtas lamang ang nag- iisang may kakayahang gawing posible ang mga bagay na ito.

• Ibuod ang pangitaing inilarawan sa Apocalipsis 5:1–10, at anyayahan ang mga bata na isadula kung ano ang nadama ni Juan at ng iba pa sa iba’t ibang bahagi ng pangitain. Halimbawa, maaari silang magkunwaring umiiyak kapag walang makabukas ng aklat, o maaari silang magbunyi kapag binuksan ito ng Tagapagligtas.

APOCALIPSIS 7:9, 13–14

Tinutulungan ako ni Jesucristo na malinis mula sa kasalanan.

Nakita ni Juan ang maraming taong nakasuot ng mga damit na “pinaputi sa dugo ng Cordero” (talata 14). Isipin kung paano maipapaunawa ng pangitaing ito sa mga bata ang kahalagahan ng malinis mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Pagbabayad- sala ni Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magpakita sa mga bata ng ilang damit- pambinyag o ibang mga puting damit at isang larawan ni Jesus. basahin ang Apocalipsis 7:9, 13–14 sa mga bata, at anyayahan silang ituro ang larawan at mga damit tuwing maririnig nila ang salitang puti. Ipaliwanag na ang mga puting damit ay kumakatawan sa kalinisan at nagpapaalala sa atin na malilinis tayo ni Jesucristo mula sa ating mga pagkakamali.

• Magpakita sa mga bata ng isang pirasong puting tela, at sabihin sa mga bata na dumihan ito ng mga sulat ng bolpen o putikan ito. Ipaliwanag na pina-rurumi ng kasalanan ang ating espiritu. Magpakita ng larawan ni Jesus sa Getsemani (tulad ng Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56), itabi ang maruming tela, at magpakita ng malinis na puting tela. Mag-patotoo na sa pamamagitan ng Pagbabayad- sala ni Jesucristo, maaari tayong maging malinis.

• Kumanta ng isang awitin tungkol sa binyag, tulad ng “Sa Aking Pagkabinyag” (Aklat ng mga Awit Pamba-ta, 53), at talakayin kung paano tayo tinutulungan ni Jesus na maging malinis kapag bininyagan tayo.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

APOCALIPSIS 3:20

Maaari kong piliing gawing bahagi ng aking buhay si Jesucristo.

Paano mo matutulungan ang mga batang tinuturuan mo na buksan ang kanilang puso at buhay sa kapang-yarihan at impluwensya ni Jesucristo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na tingnan ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang binabasa mo ang Apocalipsis 3:20. Para maipakita sa kanila ang kahulugan ng larawan, anyayahan silang magpares- pares para sagutin ang mga tanong na katulad nito: Sa palagay ninyo, bakit kumakatok si Jesus sa pinto? Bakit walang hawakan sa labas ang pinto? Ano ang ibig sabihin ng papasu-kin si Jesus sa ating buhay?

191

APoCALIPSIS 1–11

• Ipasulat sa mga bata sa pisara ang iba’t ibang para-an para “[pagbuksan] ng pinto” si Jesus. Maaaring isama sa ilang halimbawa ang maglingkod sa iba, magbasa ng mga banal na kasulatan, at makibahagi ng sakramento.

APOCALIPSIS 5:1–10

Si Jesucristo lamang ang nag- iisang karapat- dapat na maging aking Tagapagligtas.

Itinuro ng pangitaing inilarawan sa Apocalipsis 5 na si Jesucristo lamang ang karapat- dapat at may kakaya-hang magsagawa ng Pagbabayad- sala at magligtas sa atin mula sa kasalanan.

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na magkuwento ng isang pagkakataon na kinailangan nila ang isang tao para gawin ang isang bagay na hindi nila magawa para sa kanilang sarili. Ipabasa sa kanila ang Apocalipsis 5:1–10 at ipahanap ang kailangang gawin na iisang tao lamang ang maaaring gumawa (ipaliwanag na ang Cordero ay si Jesucristo at ang aklat ay kumaka-tawan sa plano ng Diyos). Ano ang ginawa ni Jesus para sa atin na walang sinumang ibang maa-aring gumawa?

• Magpahanap sa mga bata ng isang himno o awiting pambata na nagpapatotoo kay Jesucristo. Ano ang itinuturo ng mga titik ng awitin tungkol kay Jesucristo? Paano nakatulad ang awiting ito ng himno ng papuri na inaawit tungkol kay Jesucristo sa Apocalipsis 5:9–10?

APOCALIPSIS 9:1–2

Matutulungan ako ng ebanghelyo na daigin ang tukso.

Ang usok na nagpadilim sa himpapawid sa Apocalipsis 9:2 ay maaaring ihalintulad sa mga tukso (tingnan sa 1 Nephi 12:17).

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdrowing ng isang araw at isang madilim na ulap, at gupitin ang mga ito. Anyayahan ang mga bata na basahin ang Apocalipsis 9:2 at 1 Nephi 12:17 at isulat sa madilim na ulap kung ano ang kinakatawan ng usok o abu- abo sa mga talatang ito. Ilagay ang madilim na ulap sa pisara, at anyayahan ang mga bata na ilista ang mga tuksong kinakaharap ng mga batang kaedad nila. Pagkatapos ay ilagay ang araw sa pisara at ipalista sa kanila ang mga kasangka-pang ibinigay sa atin ng Ama sa Langit para madaig ang kadiliman sa mundo.

• Paano matutulungan ng mga bata ang iba na nasa espirituwal na kadiliman? Anyayahan ang mga bata na ikuwento kung paano nila matutulungan ang iba na nasa espirituwal na kadiliman.

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Anyayahan ang mga bata na ibahagi sa kanilang pamil-ya ang mga paraan na maaanyayahan nila ang implu-wensya ng Tagapagligtas sa kanilang tahanan.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoMaghikayat ng pagpipitagan. Ang isang mahalagang aspeto ng pagpipitagan ay ang isipin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Maaari mong ipaalala sa mga bata na maging mapitagan sa pamamagitan ng pagkanta nang mahina o paghimig ng isang awitin o pagdispley ng larawan ni Jesus.

Magagawa kong anyayahan si Jesucristo sa aking buhay (Apocalipsis 3:20).Kulayan ang larawan, at isulat o idrowing ang mga bagay na maaari mong gawin para maanyayahan

si Jesucristo sa iyong buhay. Gupitin ang paligid ng larawan sa makapal na itim na linya, at gupitin ang mga bilog. Itupi sa tulduk- tuldok na linya, at isabit sa hawakan ng pinto sa bahay.

Mga bagay na maaari kong gawin para maanyayahan si

Jesucristo sa buhay ko:

193

DISYEMBRE 16–22.

Pasko“Mabubuting Balita ng Malaking Kagalakan”

Ang lesson na ito ay isang pagkakataon para tulungan ang mga batang tinuturuan mo na ipagdiwang ang pagsilang, buhay, at misyon ng Tagapagligtas sa Kapaskuhan. Isaisip ang ideyang ito habang naghahanda kang magturo.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Ipakita ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at anyayahan ang mga bata na ibahagi ang alam nila tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

MATEO 2:1–12; LUCAS 2:1–14

Pumarito si Jesucristo sa lupa bilang isang sanggol.

Ang kuwento ng pagsilang ni Jesucristo ay nakakawili sa mga bata. Anong mga katotohanan sa doktrina ang nakikita mo sa kuwentong ito na sa tingin mo ay dapat maunawaan ng mga bata?

Mga Posibleng Aktibidad

• basahin ang Lucas 2:1–14 sa mga bata, o ilara-wan ang mga kaganapan sa mga talatang ito sa

pamamagitan ng pagsangguni sa “Kabanata 5: Isi-nilang si Jesucristo,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 13–15. Anyayahan ang mga bata na idrowing ang mga kaganapang ito at gamitin ang mga drowing para ikuwento nila ito mismo. Bakit ka masaya na naparito sa lupa si Jesus bilang isang sanggol?

• Hilingin sa mga bata na magkuwento sa iyo tung-kol sa mga Pantas na sumunod sa bituin upang hanapin si Jesus. Kung kailangang ipaalala sa kanila ang kuwento, tingnan sa Mateo 2:1–12 o sa “Kaba-nata 7: Ang mga Pantas na Lalake,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 18. Magtago ng isang larawan ni Jesus sa silid. Magdrowing o gumupit ng isang bitu-ing papel at itaas ito sa hangin. Anyayahan ang mga bata na magkunwaring mga pantas na lalaki na may dalang mga regalo, at gabayan sila sa paligid ng silid para hanapin si Jesus. Ano ang ilang regalong maibibigay natin kay Jesus sa ating buhay ngayon?

• Kumanta kayo ng mga bata ng ilang awiting Pamas-ko, tulad ng “o Magsaya” at “Kay Tahimik ng Paligid” (Mga Himno, blg. 121, 125) o “Nagniningning ang mga Tala,” “Doon sa May Sabsaban,” at “Tahan na, Anak Ko” (Aklat ng mga Awit Pambata, 24, 26–27, 30).

Ligta

s sa

Kuwa

dra,

ni D

an B

urr

194

DISyeMbRe 16–22. 

JUAN 3:16

Ginawang posible ni Jesucristo na makapiling kong muli ang Ama sa Langit balang araw.

Nauunawaan ba ng mga batang tinuturuan mo kung bakit naparito sa lupa si Jesucristo? Maglaan ng oras para pagnilayan kung ano ang nagawa ng Tagapaglig-tas para sa iyo mismo at kung paano mo maipapauna-wa sa mga bata ang nagawa Niya para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

• Magdala ng isang nakabalot na regalo sa klase na may larawan ni Jesucristo sa loob. Lagyan ng etiketa ang regalo na may nakasulat na “Juan 3:16,” at sabihin sa mga bata na ito ay isang clue tungkol sa nilalaman ng regalo. basahin ang Juan 3:16 sa mga bata, at anyayahan silang hulaan ang nasa loob ng regalo at buksan ito. Bakit isinugo sa atin ng Diyos ang Kanyang Anak?

• Pumili ng mga larawan mula sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (tulad ng blg. 1, 30, 35–66, 84) na nagla-larawan ng ilan sa mga paraan na pinagpala ni Jesus ang ibang mga tao noong nabubuhay Siya sa lupa. Hayaang hawakan ng mga bata ang mga larawan habang ikinukuwento mo ang mga ito. Maaari kang pumili ng mga larawan na nauugnay sa mga titik ng “Isinugo, Kanyang Anak” at “Ang mga K’wento kay Jesus” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20–21, 36) at hayaang itaas ng mga bata ang mga larawan habang kinakanta nila ang mga awiting ito.

• Anyayahan ang mga bata na isalaysay ang paborito nilang kuwento tungkol kay Jesus. Pagkatapos ng bawat kuwento, tulungan ang mga bata na tapusin ang pangungusap na ito: “Si Jesucristo ay naparito sa lupa upang .” Pagkatapos ay magpakita ng mga larawan na may kaugnayan sa nagbabayad- salang sakripisyo, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag- uli ng Tagapagligtas (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 56, 57, 58, 59) at ikuwento nang kaunti ang tungkol sa mga pangya-yaring ito. Magpatotoo na naparito si Jesucristo sa lupa upang mamatay para sa atin at mabuhay na mag- uli upang makabalik tayo sa Ama sa Langit.

Getsemani, ni J. Kirk Richards

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

MATEO1:18–25; 2:1–12; LUCAS 1:26–38; 2:1–20

Pumarito si Jesucristo sa lupa bilang isang sanggol.

Paano mo matutulungan ang mga bata na magtuon kay Jesucristo sa araw ng Pasko?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang isa sa mga bata na basahin ang mga kaganapang may kaugnayan sa pagsilang ng Tagapagligtas sa Mateo 1:18–25; 2:1–12; Lucas 1:26–38; 2:1–20. Hilingin sa iba pang mga bata na maghalinhinan sa pagdodrowing sa pisara ng inila-larawan ng mga talata sa banal na kasulatan. Ano ang itinuturo sa atin ng mga kuwentong ito tungkol kay Jesucristo?

• Ipasulat sa mga bata ang anumang magagawa nila na makakatulong sa kanila na magtuon kay Jesucristo sa Kapaskuhan. Anyayahan silang ibahagi ang kanilang isinulat.

• Anyayahan ang mga bata na isulat sa ilang piraso ng papel ang mga bagay na maaari nilang gawin para makatuon sila sa Tagapagligtas sa Kapaskuhan. Ilagay ang kanilang papel sa mga supot o iba pang mga lalagyan para maiuwi ng mga bata. Maaaring ibilang sa ilang ideya ang magbasa ng mga banal na kasulatan, kumanta ng mga himnong Pamasko, at gumawa ng mga bagay na nagpapakita ng taos- pusong pagmamahal.

195

PASKo

• Kumanta ng mga awiting Pamasko tungkol sa Taga-pagligtas (tingnan sa Aklat ng mga Awit Pambata, 20–32; Mga Himno, blg. 121–131), at anyayahan ang mga bata na magbahagi ng paborito nilang linya o mga kataga mula sa mga awitin.

JUAN 3:16

Ginawang posible ni Jesucristo na makapiling kong muli ang Ama sa Langit balang araw.

Paano mo matutulungan ang mga bata na repasuhin ang natutuhan nila ngayong taon at maunawaan kung bakit kailangan nila si Jesucristo sa kanilang buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

• Isulat sa dalawang piraso ng papel ang Sino si Jesucristo? at Bakit Siya pumarito sa lupa? at idikit ang mga ito sa magkaibang dingding ng silid- aralan. Anyayahan ang bawat bata na basahin ang isa sa sumusunod na mga talata: Mateo 16:15–16; Juan

3:16; 1 Nephi 10:4; Mosias 3:8; Alma 7:10–13; 3 Nephi 27:14–15. Ipahanap sa mga bata ang mga sagot sa dalawang tanong na nasa mga dingding sa mga talatang binasa nila. Anyayahan silang isulat ang mga sagot sa mga piraso ng papel at idikit ang mga ito sa dingding sa tabi ng angkop na tanong. Paano natin maipapakita ang ating pasasalamat sa nagawa ng Tagapagligtas para sa atin?

• Anyayahan ang mga bata na ilista sa pisara ang lahat ng pangalan o titulo ni Jesus na maiisip nila. Ano ang itinuturo sa atin ng mga pangalang ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang misyon? Bakit natin kailangan si Jesucristo sa ating buhay?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na maghanap ng kahit isang paraan para mapaglingkuran ang ibang tao o mas mapalapit kay Jesucristo ngayong Pasko.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoGusto ng mga bata na ibinabahagi ang natututuhan nila. Kahit ang mga bata ay mapapalakas ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Hikayatin ang mga batang tinuturuan mo na ibahagi sa kanilang pamilya ang isang bagay na natutuhan nila sa Primary. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas 30.)

Naparito si Jesucristo sa m

undo bilang isang sanggol (Mateo 2:1–12; Lucas 2:1–14).

Kulayan at gupitin ang mga bahagi sa tagpo sa sabsaban. Itupi ang m

ga bahagi sa mga linyang tulduk- tuldok. G

amitin

ang drowing para m

akatulong sa iyo na ilagay o idikit ang mga tab sa paggaw

a ng isang tagpo sa sabsaban.

i- pastei- paste

i- paste

i- paste

i- paste

i- pas

te

197

DISYEMBRE 23–29.

Apocalipsis 12–22“Ang Magtagumpay ay Magmamana ng mga Bagay na Ito”

Habang naghahanda kang magturo, gamitin ang iyong karanasan sa personal na pag- aaral o pag- aaral ng inyong pamilya ng Apocalipsis 12–22. Ano ang namukod- tangi sa iyo? Anong mga impresyon ang natanggap mo? Alalahanin na ang iminungkahing mga aktibidad dito ay maiaangkop sa mga bata anuman ang kanilang edad.

I T A L A A N G I y o N G M G A I M P R E S y o N

Mag- anyayang Magbahagi

Anyayahan ang mga bata na ibahagi kung bakit nila gustong makapiling na muli ang Ama sa Langit. Sa buong lesson, tulungan silang hanapin ang mga bagay na magagawa nila para makapaghandang bumalik sa Kanya.

Ituro ang DoktrinaNakababatang mga Bata

APOCALIPSIS 12:7–11

Nanampalataya ako kay Jesucristo sa premortal na buhay.

Sa Digmaan sa Langit, nadaig ng matatapat na anak ng Diyos si Satanas sa pamamagitan ng “salita ng kanilang patotoo” at pagsampalataya kay Jesucristo (Apocalipsis 12:11).

Mga Posibleng Aktibidad

• Para maipaunawa sa mga bata ang ibig sabihin ng sundan ang halimbawa ng isang tao, pumili ng isang bata para maging isang “pinuno,” at ipagaya sa iba ang anumang gawin niya. Pagkatapos ay hayaan ding maging pinuno ang ibang mga bata. Basahin ang Apocalipsis 12:7–11 sa mga bata at ipaliwanag na bago tayo isinilang, pinili nating sundan si Jesus at hindi si Satanas.

• Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa premortal na buhay, tulad ng “Susundin Ko ang Plano ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 86–87). Magtanong na katulad ng, Ano ang nangyari sa langit bago tayo isinilang? Ano ang pinili nating gawin? (Tingnan din sa “Pambungad: Ang Plano ng Ating Ama sa Langit,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 1–5.)

Ang

Wal

ang-

Hang

gang

Lung

sod,

ni

Keith

Lar

son

198

DISyeMbRe 23–29. 

APOCALIPSIS 19:7

Maaari akong maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpili ng tama.

Paano mo maipapaunawa sa mga bata na ang Ikala-wang Pagparito ay magiging isang masayang kagana-pan para sa atin kung susundin natin ang mga utos ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

• Idispley ang larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at basahin ang Apocalipsis 19:7. Ipaliwanag na ang “pagkakasal ng Cordero” ay kumakatawan sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Bakit “[n]angagalak” ang mga tao? Itanong sa mga bata kung nakadalo na sila sa isang kasal. Ano ang nangyari dooon? Bakit masaya ang mga tao?

• Ibahagi sa mga bata kung bakit mo inaasam ang Ikalawang Pagparito ni Jesus. Maaari din ninyong sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa Ikalawang Pagparito, tulad ng “Sa Kanyang Pagbaba-lik” (Aklat ng mga Awit Pambata, 46–47).

• Anyayahan ang mga bata na ibahagi kung ano ang ginagawa nila para maghanda sa pagsisimba sa araw ng Linggo. Bakit natin ginagawa ang mga bagay na ito bago tayo pumunta sa Simbahan? Bakit tayo dapat maghanda para sa Ikalawang Pagparito? Sa pahina ng aktibidad ngayong linggo, hayaang idrowing ng mga bata ang magagawa nila upang makapaghanda para sa Ikalawang Pagparito.

APOCALIPSIS 21:1, 3–4, 22–27; 22:1–2

Maaari kong makapiling sa kahariang selestiyal ang Ama sa Langit at mga mahal ko sa buhay.

Sa huling dalawang kabanata ng Apocalipsis, ginamit ni Juan ang magagandang pananalita upang ilarawan ang kaluwalhatiang selestiyal na matatamasa ng mga tapat.

Mga Posibleng Aktibidad

• Hayaang idrowing ng mga bata ang punong inila-rawan sa Apocalipsis 22:2 sa pisara. Ipaliwanag na

ang punong ito ang punungkahoy ng buhay, at ang bunga nito ay kumakatawan sa pag- ibig ng Diyos (tingnan sa 1 Nephi 11:21–22). bigyan ang mga bata ng mga piraso ng papel na hugis- prutas, at anyayahan silang idrowing sa papel ang isang bagay na nagpapadama sa kanila ng pagmamahal ng Ama sa Langit. Ipaliwanag na makakapiling ng mga tapat ang Ama sa Langit sa kahariang selestiyal.

• Magbahagi sa mga bata ng ilang larawan o detalye na ginamit ni Juan upang ilarawan ang kaluwalha-tiang selestiyal (tingnan sa Apocalipsis 21:1, 3–4, 22–27; 22:1–2), at anyayahan ang mga bata na idrowing ang mga ito.

• Sama- samang kantahin ang isang awitin tungkol sa plano ng Diyos, tulad ng “Susundin Ko ang Pla-no ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 86–87). Anyayahan ang mga bata na tukuyin kung ano ang magagawa nila upang muling makapiling ang Ama sa Langit.

Ituro ang DoktrinaNakatatandang mga Bata

APOCALIPSIS 12:7–11

Nanampalataya ako kay Jesucristo sa premortal na buhay.

Ang mga batang tinuturuan mo ay nasa mundo dahil sumampalataya sila kay Jesucristo sa premortal na buhay at pinili nilang sundan Siya.

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Apocalipsis 12:7–11, at isulat sa pisara ang mga salitang dragon, pagbabaka sa langit (o Digmaan sa Langit), inihagis (o itinapon), patotoo, at Cordero. Ipabuod sa mga bata ang mga talatang ito gamit ang mga salitang nasa pisara. Ano ang natututuhan natin tungkol kay Jesucristo (ang Cordero) mula sa mga talatang ito? Ano ang natutu-tuhan natin tungkol sa mga pagpiling ginawa natin sa premortal na buhay?

• Sa pisara, gumawa ng tatlong hanay at sulatan ang mga ito ng Bago ang buhay na ito, Sa buhay na ito, at Pareho. Maghanda ng mga piraso ng papel na nag-sasaad ng mga katotohanan tungkol sa premortal

199

APoCALIPSIS 12–22

na buhay at tungkol sa mortal na buhay, tulad ng Mayroon tayong katawan, Wala tayong katawan, Nasa presensya tayo ng Diyos, Nakikipaglaban tayo kay Satanas, Nananampalataya tayo kay Jesucristo, at Sumusunod tayo sa plano ng Diyos. Hayaang magha-linhinan ang mga bata sa pagpili ng isang papel at pagpapasiya kung saang hanay ito ilalagay. Ibahagi ang tiwala mo na makakapagpatuloy ang mga bata na magpakita ng pananampalataya kay Cristo.

APOCALIPSIS 19:7–8

Maaari akong maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagpili ng tama.

Paano mo maipapaunawa sa mga batang tinuturuan mo na ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo ay magi-ging isang masayang kaganapan para sa mabubuti?

Mga Posibleng Aktibidad

• Sama- samang basahin ang Apocalipsis 19:7–8, at ipaunawa sa mga bata ang simbolismo sa mga talatang ito—ang kasal ay ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, ang Cordero ang Tagapagligtas, at ang Kanyang asawa ang Simbahan (o tayong lahat). Paano naghahanda ang mga tao para sa isang kasal? Anong mga bagay ang maaari nating gawin para mapaghandaan ang muling pagparito ng Tagapagligtas?

• Repasuhin at isaulo ninyo ng mga bata ang Sali-gan ng Pananampalataya 1:10. Ipaliwanag na ang saligang ito ng pananampalataya ay naglalarawan ng kapana- panabik at maluwalhating mga kagana-pan na mangyayari kapag muling pumarito si Jesus. Idispley ang larawan ng Ikalawang Pagparito ni Jesus sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya, at anyayahan ang mga bata

na idrowing kung ano sa palagay nila ang mangya-yari sa Ikalawang Pagparito ni Jesus.

APOCALIPSIS 21:1, 3–4, 22–27; 22:1–2, 17

Maaari kong makapiling sa kahariang selestiyal ang Ama sa Langit at mga mahal ko sa buhay.

Habang naghahanda kang magturo tungkol sa kaha-riang selestiyal, pagbulayan kung ano ang kahulugan sa iyo ng kahariang selestiyal. Paano ka makakapagpa-totoo sa mga batang tinuturuan mo?

Mga Posibleng Aktibidad

• Anyayahan ang mga bata na hanapin sa sumu-sunod na mga talata ang ilang imahe o detalyeng ginamit ni Juan upang ilarawan ang kaluwalhatiang selestiyal: Apocalipsis 21:1, 3–4, 22–27; 22:1–2. Hayaan silang pumili ng isang imahe o detalye na gusto nilang idrowing. Pagkatapos ay makakapagku-wento sila sa klase tungkol sa drowing nila. Hikaya-tin silang ipakita ang kanilang drowing sa kanilang pamilya sa bahay.

• Sama- samang basahin ang Apocalipsis 22:17, at ipaliwanag na ang kasintahang babae na nagsa-sabing “Halika” ay ang Simbahan. Ano ang gusto nating puntahan ng ibang mga taong sinasabihan natin ng “halika”? Ano ang ilang mabubuting paraan para masabihan natin ang mga tao ng “halika”?

Maghikayat ng Pag- aaral sa Tahanan

Tulungan ang mga bata na maghandang basahin ang Aklat ni Mormon sa susunod na taon sa pamamagi-tan ng pag- anyaya sa kanila na magpabahagi sa isang kapamilya o kaibigan ng isang paboritong talata o kuwento mula sa Aklat ni Mormon.

Pagpapahusay ng Ating PagtuturoTuruan ang mga bata na magtala ng mga impresyon. Kung makakagawian ng mga bata na magtala ng mga impresyon, matutulungan sila nitong kilalanin at sundin ang Espiritu. Maitatala ng mga bata ang mga impresyon sa pamamagitan ng pagmamarka sa mga banal na kasulatan, pagdodrowing ng mga larawan, o paggawa ng mga simpleng journal entry. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 30.)

Ako ay magiging handa para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo kapag pinipili ko ang tama (Apocalipsis 19:7; 11–14).

Kulayan ang larawan ni Jesucristo at ng mga taong gumagawa ng mga bagay upang makapaghanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Sa espasyo sa ibaba, magdrowing ng

isang bagay na magagawa mo upang makapaghanda para sa Kanyang muling pagdating.

Ang magagawa ko para makapaghanda

PUM

AR

ITO K

A, SU

MU

NO

D K

A SA

AK

IN—

PAR

A SA

PRIM

AR

Y: BA

GO

NG

TIPAN

2019