teses

32
EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG UUGALI /ASAL AT PAG-AARAL NG HIGHER SCHOOL NG UMAK SA UNIVERSIDAD NG MAKATI TAONG AKADIMIKO 2013-2014 Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino 6 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik) MELBE B.TEMPORADA K12-37A

Upload: rose-ann-arevalo

Post on 23-Oct-2015

177 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG UUGALI /ASAL ATPAG-AARAL NG HIGHER SCHOOL NG UMAK

SA UNIVERSIDAD NG MAKATITAONG AKADIMIKO 2013-2014

Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino 6

(Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)

MELBE B.TEMPORADA K12-37A

ENERO ,2014

DAHON NG PAG-PAPATIBAY

Ang pamanahong papel na ito ay iniharap sa koliheyo ng sining agham departamento ng Filipino na may pamagat na “ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG -UUGALI /ASAL AT PAG-AARAL NG MGA MAG AARAL NG MGA MAG-AARAL NG HIGHER SCHOOL NG UMAK SA UNIVERSIDAD NG MAKATI TAONG 2013-2014”.Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang Filipino 6 ( Pagbasa at Pagsulat ) tungo sa pananaliksik sa Unibersidad ng Makati Higher School ng UMAK.

MELBE B. TEMPORADA K12-37

Tinanggap at iniharap sa Departamento ng Filipino kolehiyo ng

sining at agham Universidad ng Makati at binigyan ng kaukulang

markang

_____________________

Panel 1 Panel 2

G.Jioffre A. Acopra

Guro sa Filipino

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Malaki na nga ang inunlad ng teknolohiya. Mas nagiging moderno na ang lahat

at hindi maikakailang lumalawak na ang ating kaalaman tungkol sa mundo at ito

ay dahil sa modernong panahong kinabibilangan natin ngayon.  Kahit saan tayo

lumingon, halos lahat may dalang gadgets, lahat ay nakikisabay sa uso. Talaga

ngang nabago na ng teknolohiya ang ating mundo at kasabay nito ang malaking

pagbabago ng mga kabataan. Malaki ang pagkakaiba ng ugali ng mga kabataan

noon at ngayon. Maaaring dahil ito sa pagkakaroon ng malawak na pagkakataon

upang maipakita at maipakilala ang sarili sa pamamagitan ng

teknolohiya. Nagiging madali na kasi ang pagkuha sa mga bagay-bagay. Kahit

na sabihin nating sa paggawa nito ay mas magagarantisadong tama ang mga

sagot sa naturing na takdang-aralin, Isa pa sa tuwing napapagod na sa

pagkopya ng mga aralin sa klase, pinipicturan na lamang ito sa halip na tapusin

ang kanilang pagsusulat. Isang simple at nakakatuwang halimbawa na

nagpapakita ng ang isang simpleng bagay ay hindi pa natin nagagawa ng

maayos. Dahil nagiging dependent na tayo sa teknolohiya. Maaari naman itong

gamitin ngunit sana ay wag nating iasa dito ang lahat ng ating mga

gawain.” Mukhang naaapektuhan na rin tayo ng mga di kaaya-ayang ugali ng

mga banyaga na natututunan lang naman natin dahil sa internet.

Ayon kay Emilbertillo (Feb. 2011) Tungkulin ng mga kabataan ang mag-

aral.Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu

halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang

magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-

aaral. Sa kabilang banda, maaari silang magpatuloy sa paggawa sa tulong ng

kanilang “kaibigan” at “kaagapay” sa lahat ng posibleng oras at pagkakataon, at

ito ay ang teknolohiya. Ayon kay Junalyn (2011) Ang mabuting naidudulot ng

teknolohiya ay ang madaling makatapos sa mga gawain subalit ang masamang

dulot nito ay hindi kayo tinutulungan nito para magsikap sa sarili mo ang

ginagamit mo di na umaasa na lang sa iba. Ang teknolohiya ay hindi lang

nakakatulong nakakadulot din ito ng mga polusyong nakakaapekto sa ating

kalikasan. Kung hindi ito gagamitin ng tama mas malaki ang posibilidad na mas

malaki ang masamang epekto nito kaysa sa mabuti.Ayon kay Galleon (2012)

Ang mga estudyante noon ay hirap upang matapos ang mga proyektong

kailangan pang isangguni sa libro, ngayon aba! Sosyal na,karamihan ng

proyekto ay computerize na at hango pa sa internet. Di na rin kaiba ang mga

gadget kagaya ng laptop di lang sa mga guro kundi sa ilang mga mag-aaral na

rin Salamat sa teknolohiya, ngayon ay batid natin na marami nang mga kabataan

ang masuhaw sa kaalaman at minsan ay nais maging imbentor. Di-maliparang

uwak ang lawak ng kanilang isipan sa kagustuhang makatuklas ng mas high-

tech na kagamitan na syang aalalay sa kanila sa mga gawaing mahirap tapusin o

di kaya ay mapagkunan ng paglilibangan nila dahil sa paggiging sapat ng

relasyon napakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda Ayon kay

Kraut at kanyang mga kasamahan (1998) sa isang longitudinal na pag-aaral sa

73 pamilya nalaman nila na ang paggamit ng enternet ay may kinalaman sa

pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

Ayon sa teknolohistang pinoy (2008) Maraming tao ang kadalasang nagtatalo

kung ang teknolohiya nakakabuti ba o nakakasama.? Marami ang naniniwala na

ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang

pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot

sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga pananaw na ito ay tama, subalit,

kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay

nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa ating

mga Pilipino kung paano natin ito gamitin.

Napili ko ang paksa na ito .Dahil sa tingin ko ang mga mag-aaral ngayon ay

nabago ang pag uugali dahil sa ibat-ibang mga teknolohiya na dumarating sa

ating bansa.Sa halip na sa library pupunta ang mga mag-aaral tuwing may

takdang aralin Pero dahil sa ibat-ibang mga teknolohiya na mayron sa ating

bansa.Naging madali sa mga mag aaral ang paggawa ng mga kung ano –anong

mga takdang aralin na mayron sila .Maraming uri ng mga website ang pweding

puntahan ang mga mag-aaral kaya marami din silang oras pagdating sa mga

maaari pa nilang pweding gawin gamit ang tecknolohiya. Ngunit dahil na rin sa

mga ibat-ibang uri ng teknolohiya na mayroon sa ating bansa Marami ang mga

magulang ang namomroblema sa kanilang mga anak .Dahil sa hindi na

nakakapag aral ng mabuti ang kanilang mga anak.Dahil sa pagkahilig sa mga

ibat-ibang uri ng mga teknolohiya mas nauna ang ibang gawain kaysa sa pag –

aaral .Kaya ang teknolohiya pag nasubrahan ay maaring makakasama sa pag –

aaral ng mga kabataan.

2. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang Pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang" ANG

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG -UUGALI /ASAL AT PAG-

AARAL NG MGA MAG AARAL NG MGA MAG-AARAL NG

HIGHER SCHOOL NG UMAK SA UNIVERSIDAD NG MAKATI

TAONG 2013-2014". Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak

na katanungan.

1. Anu-ano ang mga pangkaligirang baryabol ng mga respodente?

a. edad

b. kasarian

c. buwanang budget

2. Anu-ano ang mga makabagong gadget na ginagamit ng mga respondente?

3. Ano ang epekto ng ,mga gadget na ito sa asal at pag-uugali ng mga

respondente sa kanilang pag-aaral?

3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga

mababangit na tao.

Sa mga mag-aaral –Dito malalaman sa pamamagitan ng mga mananaliksik kung

paano naaapektuhan ang pag-uugali ng mga kabataan pati na rin ang kanilang

kalusugan Dahil sa mga makabagong teknolihiya At kung ano-ano pang mga uri

ng gudjet..na nakakaapekto sapag-uugali nila.

Sa mga mag-aaral na hindi pa naaapektuhan ang kanilang pag-uugali ay

malaman ng mahalaga na kahit na sila ay mayroong mga makabagong

gudjet ay nakakapag-aral parin ng mabuti. At nagagamit ng tama ang

gadget na mayron sila at hindi sa masama.

4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa “ANG EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA

PAG –UUGALI /ASAL AT PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL NG HIGHER

SCHOOL NGUMAK SA UNIVERSIDAD NG MAKATI TAONG 2013-

2014”.Bilang isa sa mgapangangailangan ng Asignaturang Filipino6 saklaw Ang

pag-aaral na ito ang pagsususri sa mga personal at pang kaligirang variable

tulad ng Edad, kasarianbuwanang kita.

1. Epekto at asal na maaaring maging daan ng kanilang pagbabago sa kanilang

pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga personal at pang kaligirang variable tulad

ng .Edad,kasarian ,buwanang kita,

2. Epekto at pag-aaral na maaring maging daan ng kanilang pagbabago sa

kanilang pag-aaral.

3. Ano-ano ang mga makabagong ginagamit ng mga respondente?

4. Ano ang epekto ng mga gadjet na ito sa Asal at pag-uugali ng mga respondent

sa kanilang pag-aaral

Mas lalo pang nilimitahan ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagpili ng

mga respondente ng mag-aaral ng Higher School ng UMAK na kumukuha ng

kursong Information Technology Taong Akademiko 2013-2014.

Katuturan ng mga Termino

Ang mga terminong ito ay makatutulong sa mga mambabasa upang

maunawaan nila ang tungkol dito .Nanggaling ang mga salita sa

deksyunaryo at iba pa.

Mananaliksik

Tinutukoy rito ay ang mga mag – aaral na nagsasagawa ng pananaliksik bilang isang pangangailang pang akademiko.

Pamanahong – papel

ay tumutukoy sa pagsulat ng awput ng isang semestrang pag –aaral at pananaliksik ng isa o pangkat ng mga mananaliksik ito ay karaniwang tinatawag ng term paper.

Teknolohiya

-  isa sa mga kahulugan ang pagsulong at pag lapat ng mga Kasangkapang

makina ,kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng

mga suliranin ng tao (wikipedia)

Website

- minsan may kapital na titik (W) ay isang koleksiyon ng mga pahinang

Web, na tipikal na karaniwan sa isang partikular na pangalan ng dominyo o sub-

domain sa World wide Web sa Internet. (wikipedia)

Internet

- ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng publiko sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa

pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na

Internet Protocol ( wikianswers)

Mga ibat ibang uri ng gadjets

Tablet

- Ito ay isang computer sa anyo ng isang pad / board na madalas nasa 7

inc o10 incpahilis ang laki .Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng ibat-ibang klase

ng pag-press o swipe sa screen. (gadjetguideph.blogspot.com)

Kompyuter o Computer 

- ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprogram

upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga

operasyong aritmiteko o lohikal. (wikipedia)

Cellphone

- Isang instrumento na ginagamit para makapagtext at makatawag.

Depende sa unit, may iba iba pang features ang cellphone gaya nga mp3 player,

camera atbp. (wikianswers)

Laptop

- ay isang uri ng computer or kagamitan na maaring dalhin kahit saan dahil maliit lang ito at maaring gamitin habang nakapatong sa hita. (wikianswers)

Ipod

- ay tatak ng mga nabibitbit na media player na ginawa at ipinagbibili

ng Apple. Inilunsad ito noong  2001. Mga manunugtog ng tinig ang mga

kagamitang sakop ng iPod, na idinisenyo sa palibot ng gulong na kliniklik sa

gitna – bagaman mayroon ding mga butones ang iPod shuffle. (wikipedia)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LETERATURA

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng pananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

descriptive – analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag –

aaral na ito ang mga Preferensya ng mga Piling mag-aaral sa Universidad ng

Makati Hinggil sa pag-uugali dahil sa ibat-ibang uri ng mga teknolohiya. Bilang

isang palarawan at mapanuring pananaliksik, inalam din dito ang mga personal

at pagkaligirang varyabol ng mga respondente at sinuri at pinaghambing ang

pagkakaugnay ng varyasyon ng mga iyon sa mga Piling mag-aaral ng Higher

School sa Universidad ng Makati Hinggil saibat-ibang mga gadjet na mayron

sila..

2. Mga Respondente

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng

Higher School Ng Umak Sa Universidad Ng Makati Taong Akadimiko 2013-

2014.

Sa kasalukuyan may limampo (50) mag-aaral ng paaralang ito ang aking

nagawan ng survey.pito (7) dito ay ang korsong Web Development ng K12 apat

napu’t tatlo (43) dito ay korsong Peace Administration ng k12.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente ng Higher School ng University of

Makati.

Babae 37

Lalaki 13

Kabuuang Dami 50

3. Instrumento ng Pampananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang Sarvey – Kwestyuneyr na

naglalayong makapangalap ng mga datos ang mga Preferensya ng mga Piling

mag-aaral sa Universidad ng Makati hinggil sa pag-uugali dahil sa teknolohiya.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga informasyon ang mga mananalisik sa

pamamagitan ng pagkuha ng informasyon gamit ang internet.

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong – papel na ito ay isang panimulang pag – aaral lamang

at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis

at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa

pag – aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na

pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng

bawat aytem sa kwestyuneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid,

pagta – tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga

mananaliksik. Dahil limampo (50) ang mga respondente na aming nakuha sa

bawat mag-aaral ng Higher School sa Universidad ng Makati ang mga

mananaliksik ay kinailangang mag kompyut ng mga porsyento upang malaman

ang kanilang tunay na dami.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag – aaral na ito ang mga sumusunod na datos at

informasyon.

Sa pag – aaral ng mananaliksik sa Pamanahong – papel ay may

kaugnayan sa kanilang kasalukuyang pamumuhay. Karamirahan ng sumang –

ayon o pumili nang may sariling cellphone ay limampo (50%) porsyento labinlima

(15%) ang mayroong sariling laptop dalawa (2%). Ang mayrong sariling ipod

walo dito ang may sariling computer (8%) at labintatlo (13%). Din dito ang may

sariling tablet.

Samakatuwid magkakaiba ang mga porsyentong aking nakalap sa

kabuuang isang limampo (50%) o apat na put apat (44%) respondenteng mag-

aaral ang. Mas pinili ang gudjet na cellphone kaysa sa ibang mga gadjet. Ang

mananaliksik ay nag sarvey tungkol sa kasalukuyang buwanang budjet ng mga

mag-aaral dito sa Universidad ng Makati at ang lumabas sa aking pagsusuri ay

ang pinakamalaking nagsabi ng halagang labin tatlong libo (13,000) ay isa (1%)

sa limampong (50%) mag-aaral lamang.at anim (6%) nagsabi ng pinakamaliit na

buwanang budjet nila na nagkakahalaga lamang ng dalawang daang piso (200)

pito (7%) naman ang hindi nagsabi ng kanilang buwanang dudjet.

DISTRIBUSYON NG MGA MAG-AARAL SA HIGHER SCHOOL SA

UNIVERSIDAD NG MAKATI

50%

15%

2

13%

8%

GRAFT 1

CELLPHONELAPTOPIPODTABLETSARILING KOMPYUTER

Sa graft na ito makikita na mas marami ang may cellphone .Makikita na

limampong porsyento (50%) ang may sariling cellphone..Labinlimang porsyento

(15%) ang may loptop.walong porsyento (8%) naman ang may sariling

computer .labingtatlo porsyento (13%) naman ang may gadjet na tablet tablet.at

dalawa (2%) dito ang may gadjet na ipod.

Hinggil naman sa suliranin ng mga respondente ay may mga sumagot na hindi

naapektuhan ang kanilang pag-uugali sa kabila nitong mga gadjet na mayron

sila. Makikita sa kabilang pahina ang datos na nakalap ng mananaliksik.

DISTRIBUSYON NG MGA MAG-AARAL SA HIGHER SCHOOL SA

UNIVERSIDAD NG MAKATI HINGIL SA KANILANG MGA SAGOT SA KUNG

NAKAKATULONG BA SA KANILANG PAG-AARAL ANG MGA GADJET NA

MAYRON SILA

GRAFT 2

OO HINDI

32%

5%

12%

1%

LALAKIBABAE

Makikita dito ang sumagot ng oo ay labintatlong porsyento (13%) ng lalake at

tatlomput pitong porsyento (30%) naman sa babae ang sumagot ng hindi.sa

makatuwid mas mataas ang porsyento ng mga babaeng sumagot ng oo

nakakatulong ito sa kanilang pag-aaral .kaysa sa mga lalake.

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE NA SUMAGOT BATAY SA KUNG

NABAGO BA ANG KANILANG PAG- UUGALI DAHIL SA GADJET NA

MAYRON SILA

GRAFT 3

OO

HINDI

14%

23%

7% 8%LALAKIBABAE

Makikita sa chart na ito ang mga mag-aaral na sumagot ng oo labinlimang (15%)

porsyento ng mga lalake ang sumagot ng oo tatlumput pito (37%) naman ng mga

babae ang sumagot ng hindi .

DISTRIBUSYUN NG MGA RESPODENTE NA SUMAGOT KONG

NAWAWALAN BA SILA NG ORAS SA PAG-AARAL DAHIL SA TEKNOLOHIYA

GRAFT 4

OO

HINDI

6%

31%

2%

11%

BABAELALAKI

Makikita ditto na tatlumput pitong porsyento (37%) sa mga babae ang sumagot n

goo.at labintatlong porsyento (13%) sa mga lalake ang sumagot ng hindi sila

nawalan ng oras sa pag-aaral kahit na sila ay mayroong mga ganitong gadjet..

DISTRIBUSYUN NG MGA RESPODENTE HINGIL SA KUNG PAPAANO NILA

GINAGAMIT ANG KANILANG MGA GADJETS

12%

12%

26%

GRAFT 5

TUWING MAY TAKDANG ARALIN PALAGIAN NA PAGGAMITKAPAG MAY KAILANGANG GAWIN

Makikita sa graft na ito na mas malaking porsyento ng mga mag-aaral ang

gumagamit ng kanilang mga gadjet kapag kinakailangan lamang nila ito. Sa

limampong porsyentong (50%) mga mag-aaral na sumagot Dalawamput anim

(26%) ang sumagot ng ginagamit lang nila ito kapag may kailangan.

Labindalawang porsyento (12%) dito ang sumagot ng palagian na paggamit.

Labindalawang porsyento(12%) din naman ang sumagot ng tuwing may takdang

aralin lamang nila ito ginagamit.

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag – aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga

kahandaan at damdamin sa pananaliksik ng mga mag-aaral ng higher school ng

umak sa taong akadimiko 2013-2014 .

Gamit ang disenyong descriptive – analitik, ang mananalisik ay nag

disenyo ng Sarvey Kwestyuneyr na pinasagutan sa limampung (50) respondente

ng hogher school sa Universidad ng Makati.

Napag – alaman din ng manaliksik na ang mga respondente ay mas

kontento sa kong anong mayron siya.hindi hinangad ang mas mamahaling

bagay.mas mahalaga sa kanila ang may cellphone na.kaysa mas higit pa.

Napag – alaman din sa pag – aaral na ito na ang mga respondenteng

mag-aaral ay kahit na sila ay walang mga mamahaling gadjet silay nakakapag

aral pa rin ng mabuti.

2. Kongklusyon

Batay sa mg inilahad na datos, ang mga mananalikisik ay humantong sa mga

sumusunod na kongklusyon:

A) Ang mga Respondenteng mag-aaral ay may pagkaiba-iba ang piniling mga

gadjet.

B) Kakaunti lamang ang mga pumipili na mayroon silang mga gadjet na uso

ngayon sa ating bansa.

C) Mas kakaunti lang din ng mga respondenteng mag-aaral ang malaki-laki ang

buwanang budjet.

D) Higit na mas pinili ng mga respondenteng mag-aaral ang cellphone na

gadget kaysa mas higit pa dito.

E) Mas pinili ng mga mag-aaral na respondente na gamitin sa pag –aaral ang

kanilang mga gadjet kaysa iba pang Gawain na hindi related sa takdang aralin.

F) Kasiya- siya dahil mas pinili ng mga mag-aral na hindi naapektuhan ang

kanilang pag-uugali kahit na may mga hawak man silang gadjet na nag

papainganyo sa kanila para gumawa ng ibang gawain at iba pa.

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit buong pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:

A) Para sa mga piling mag-aaral ng k12 ng Higher School ng Universidad ng

Makati. Sa mga sumagot sa survey na hindi naaapektuhan ang kanilang

pag-uugali kahit na sila ay mayroon ng mga gadjets. Sanay mapagpatuloy

niyo pa.

B) Para sa mga piling mag-aaral ng k12 ng higher school ng Universidad ng

Makati. Sanay mas mapagtuunan nyo ng pansin ang pag-aaral kaysa

mithiin nyong magkaroon ng mas magarang gadjet.

C) Para sa mga piling mag-aaral ng k12 ng Higher School ng Universidad ng

Makati. Wag sanang maging dahilan ang teknolohiya na hindi kayo

nakapag-aral ng maayos dahil sa pagkahilig niyo nito.

D) Para sa mga piling mag-aaral ng k12 ng Higher School ng Universidad ng

Makati.Sanay wag nyong gamitin ang mga masasamang natutuklasan

niyo na nakikita nyo sa enternet. Na siyang dahilan ng unti-unting

pagkasira ng iyong kinabukasan.

E) Para sa mga magulang sanay pag tuunan ng pansin ang kanilang mga

anak .Na wag mahumaling sa paggamit ng ibat-ibang uri ng mga gadjet

ang kanilang mga anak. Na maaaring makaapekto sa kanilang asal at

pag-uugali higit sa lahat pati na rin sa kanilang kalusugan.