pmt krudo
TRANSCRIPT
James Matthew Mirafl or
Presen tasyon para sa
Pagkakaisa ng Mga Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Marso 31 , 2009
Ang Krisis ng Industriya ng Langis sa Pilipinas at Mga
Solusyon
Ang Downstream Oil Industry
Ang Dominasyon ng Petron at Shell
Ang Caltex bilang Distributor
Dominasyon ng Tatlong Oil Retailer
Pagtaas ng Presyo ng Langis sa World
Market at mga Epekto nito
Industriya ng Langis sa Pilipinas
Industriya ng Langis sa Pilipinas
Ang Downstream Oil Industry sa Pilipinas ay may apat na bahagi:
-----1. Importasyon ng krudo (crude oil)2. Pagpoproseso at pagiimbak ng intermediate
at refined na krudo sa mga refineries3. Distribusyon ng krudo sa ibat-ibang bulk
plants o depot Tankers/barges para sa Petron at mga news players Batangas-Manila pipeline para sa Caltex at Shell
Industriya ng Langis sa Pilipinas
4. Pagdadala ng refined na krudo mga retain outlets at industrial consumers sa pamamagitan ng mga tank trucks.
Sa kaso ng liquefied petroleum gas (LPG), ginagamit ang specialized bulk tankers/lorries sa transportasyon papuntang refilling plant kung saan inilalagay ang LPG sa mga cylinders at dinedeliver sa mga dealer/retail outlets para sa household at commercial use.
Industriya ng Langis sa Pilipinas
Halaw sa DoE: December 2006 issued COC (Certificate of Compliance)
Dominasyon ng Petron at Shell
Ang downstream oil industry ng Pilipinas ay deregulated na simula 1998 at dinodomina ng dalawang (2) malalaking oil refining at marketing ng kumpanya, ang Petron at Pilipinas Shell.
Ang Petron ay dating pag-aari ng pamahalaan, nasa kontrol ng Philippine National Oil Company (PNOC), isang state-owned enterprise, na ngayo’y ganap ng pribatisado.
Ang Pilipinas Shell naman ay subsidiary ng Royal Dutch Shell.
Caltex, isa na lamang distributor
Ang pangatlong oil refiner at marketer, ang Caltex Philippines Inc., ay kinonvert na ang kanilang 86,500 bbl/d refinery at ginawa na itong import terminal noong 2003.
Ang Caltex ay isa na lamang marketing and distributing company sa pangalang “Chevron”, pero Caltex pa rin ang bitbit nitong brand name.
Dominasyon ng Tatlong Oil Retailer
Ang Petron ay may isang 180,000 bbl/d refinery at humigit-kumulang 1,200 gasoline stations sa buong Pilipinas;
Ang Pilipinas Shell ay may isang 110,000 bbl/d refinery at humigit-kumulang 800 istasyon;
Ang Caltex/Chevron ay may 2 import terminal, at humigit-kumulang 850 retail gas stations.
Pagtaas ng Presyo ng Langis sa Merkado
Patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa world market.
Malaki ang epekto nito sa Pilipinas, dahil bagamat di naman ganun kabilis ang paglaki ng ating iniimport, napakabilis ng perang ginagastos natin para maka-import.
Buti na lang, pababa na ang paggamit natin ng langis sa power generation.
0
10
20
30
40
50
1970 1972 1974 1976 1978 1980 1982 1984 1986 1988 1990 1992 1994 1996 1998 2000 2002 2004
No
min
al D
oll
ars
per
Bar
rel
Official Price of Saudi Light Refiner Acquisition Cost of Imported Crude Oil (IRAC)
1
2 3
4
5
67
8 9
10
11
12 13
14
15
16
17
1819
20
21
22
2324
25
26
27
28
2930
31
32
33
34
35
36 37
3839 40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
5253
54
55
5657
58
5960
61
62 63
64
65
6658
67
68
69
Source: EIA
1973 Arab Oil Embargo
Iranian Revolution; Shah Deposed
Iran-Iraq War Begins
Gulf War Ends
Asian economic crisis; oil oversupply;
Presyo per bariles ng Langis na Ini-import ng Pilipinas (dolyar)
73.9667.46
52.53
24.54 25.36
29.25
37.54
0.00
10.00
20.00
30.00
40.00
50.00
60.00
70.00
80.00
2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007
Oil Import
0.00
1.00
2.00
3.00
4.00
5.00
6.00
7.00
8.00
2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007
in b
illi
on
do
llar
s
0.00
20.00
40.00
60.00
80.00
100.00
120.00
in m
illi
on
bar
rels
Value
Volume
Mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market kaysa sa laki ng ini-import natin.
Power Generation by Source (Gwh) in percent
0
10
20
30
40
50
60
1996 1997 1998 1999 2000 2001 2002 2003 2004 2005
Oil-Based
Bagamat lumiliit, malaking bahagi pa rin ng gine-generate nating kuryente ay galing sa langis (10.86% noong 2005).
Ang US stock market at Industriyal na
Aktibidad sa Estados Unidos
Ang Krisis Pampinansya at mga Epekto
Ang Pandaigdigang Krisis at ang Pagbagsak ng Presyo ng Langis
Ang US stock market at Industriyal na Aktibidad sa Estados Unidos
Ang Krisis Pampinansya at mga Epekto
Sa pagbagsak ng mga investment houses, stock market, at nasyunalisasyon ng mga bangko sa Amerika, umalagwa ng husto ang krisis pampinansya sa Estados Unidos at sa buong mundo.
Nawalan ang US ng 533,000 trabaho noong Nobyembre 2008, ang pinakamalaking buwanang tanggalan mula pa noong 1974. Biglaang tumaas ang unemployment rate mula 6.5% tungong 6.7%.
Sa pagbagsak ng consumption rate sa Amerika, bumagsak ang kita sa exports ng mga naglalakihang bansa tulad ng Alemanya at Tsina.
Balik sa lebel ng 2004
RA 8180 at Deregulasyon ng Industriya ng
Langis
RA 8479, kapalit ng RA 8180
Ano nga ba ang deregulasyon?
Ang Deregulasyon ng Industriya ng Langis
RA 8180 at Deregulasyon ng Industriya
Ang deregulasyon ng downstream oil industry ay nagsimula noong Abril 1996 sa pagpasa ng Republic Act (RA) No. 8180.
Ngunit noong Nobyembre ng 1997, dineklara ng Korte Suprema na unkonstitusyonal ang batas na ito dahil sa mga probisyon sumasagka ito sa prinsipyo ng malayang kumpetisyon: Minimum inventory requirement (40 na araw na
supply) Mataas na taripa sa imported na refined petroleum
products (7% ad valorem tax) kumpara sa imported crude oil (4%)
Ilang probisyon sa pagpepresyo.
RA 8479, kapalit ng RA 8180
Humabol ang administrasyong ramos, at noong Pebrero 1998, inaprubhan nito ang RA 8479, ang ikalawa at pinaleng batas sa deregulasyon.
Inayos ang mga probisyong unkonstitusyonal at hinabaan ang transition period sa limang buwan.
Binigyang kapangyarihan ng DoE na itakeover ang alin sa mga industriya ng langis.
Ano nga ba ang deregulasyon?
Sinisiguro ng RA 8479 na: Hindi na makikialam ang gobyerno sa presyo,
pag-import, pag-export ng langis o ano mang produktong petrolyo.
Hindi na rin makikialam ang gobyerno sa pagtatayo ng mga retail outlet (gasoline station), storage depot, ocean-receiving facilities, at refineries ng langis.
Bibigyan lamang ng notice ang DoE at dapat sumunod sa zoning law ng mga LGU na tatayuan nito.
Ano nga ba ang deregulasyon?
Maari na ring mag-import ng langis ng hindi humihingi ng permiso sa pamahalaan.
May desisyon ang mga bumibili ng langis kung kanino bibiling supplier, sa dayuhan man o lokal na kumpanya.
Halimbawa na lang, kung dati ang tanging supplier ng National Power Corporation (NPC) lang ay ang Petron, pagkatapos ng 1998, kahit sino ay pwede na. Mas bumili na ang NPC sa Unioil sa mas murang halaga.
Ano nga ba ang deregulasyon?
Ginagawang “depoliticized” ng deregulasyon ang pagtatakda ng presyo ng langis – ibig sabihin, tanging batas na lamang ng merkado ang nagtatakda ng presyo.
Babasagin rin daw ng deregulasyon ang monopoloyo at kartel sa langis dahil hahayaan ng makapasok ang mga bagong player.
Petron: Ang Umpisa
RA 8479, kapalit ng RA 8180
Unti-unting Pribatisasyon ng Petron
Ang San Miguel at Petron
Ang PNOC-EDC at ang mga Lopez
Ang Pribatisasyon sa Industriya ng Langis
Pagtanggal sa Ngipin ng Taong-bayan
Sa isang deregulated na merkado lalong kailangan ang isang oil supplier na kontrolado ng gobyerno, para disiplinahin ang mga pribadong kumpanya na maaaring bumuo ng mga kartel.
Ngunit kasabay ng Deregulasyon, mas tatanggalan pa ng ngipin ang pamahalaan sa pamamagitan ng pribatisasyon ng Petron.
Petron: Ang Umpisa
Ang Petron Corporation ay nagsimula noong 1973 bilang marketing arm ng Philippine National Oil Company (PNOC) na pagmamayari ng pamahalaan.
Nakikipagkumpetensya ito sa mga dayuhang kumpanya ng langis gaya ng Pilipinas Shell and Caltex at iba pang kumpanyang umalis din sa bansa kinalaunan, ang Esso, Filoil (umalis noong 1973), Getty (1980), at Mobil (1983).
Unti-unting Pribatisasyon ng Petron
Noong 1993, ibinenta ng Petron ang 40% nito sa Arabian American Oil Company (ARAMCO) na itinatag ng Standard Oil of California (SOCAL) at Texas Corporation (TEXACO) noong 1930s.
20% naman nito ay ibinenta sa pribadong sector sa pamamagitan ng Initial Public Offering (IPO).
Noong Marso 2008, ibinenta ng ARAMCO sa lahat ng shares (40%) nito sa SEA Refinery Holdings noong Marso 2008, isang kumpanyang pag-aari ng Ashmore Group. Kasabay nito, nagpakita ng interes ang pamilyang
Gokongwei na bilin ang lahat ng shares ng pamahalaan noong Mayo ng 2008.
Unti-unting Pribatisasyon ng Petron
Nakabili pa ng 11% ang SEA Refinery, ito ay pagkatapos magkaroon ng tender offer sa iba pang mga stockholder, kaya naging 51% na ang kontrolado ng Ashmore.
Noong Disyembre 2008, binili na ng Ashmore ang lahat ng shares ng PNOC.
91% ng Petron ay sa Ashmore na, samantalang may 9% pa ang ibang stakeholder na naka-IPO.
Ang San Miguel at ang Petron
Biglaan, ibinenta ng Ashmore ang 51% nitong hawak-hawak na shares sa San Miguel Corporation ni Danding Cojuangco, kaya may natira ulit na 40% sa Ashmore.
Ito ay matapos maitatag ang San Miguel Energy, isang dibersipikasyon ng mga investments ng kumpanya.
Matatandaang nakikipag-girian din ang San Miguel sa kontrol para sa Meralco, na siyang dating kontrolado ng mga Lopez ngunit ngayon ay hawak na ni Pangilinan.
Ang PNOC-EDC at mga Lopez
Kung ang Petron ay nasa kamay na ni Cojuangco, ang PNOC-EDC ay nasa mga Lopez na. Naungusan ang San Miguel sa pagbili ng 60% share ng gobyerno sa PNOC-EDC.
Ito ay matapos nilang makabili ng mga geothermal plants at hydro-electric plants. Matatandaang malaki ang kinikita ng Lopez sa pagpwersa sa
Meralco na bumili sa mga planta nito dahil sa walang cross-ownership provision ang EPIRA.
Ngayon, nahirapan silang panghawakan ang Meralco dahil sa mga investments nila sa power generation, bilang mga capital-intensive industries, ay nagbunga ng malalaking mga pagkakautang.
Hindi Magkakaroon ng Kumpetisyon
Hindi epektibo ang deregulasyon
Walang proteksyon ang mamamayan sa
pagtaas ng presyo ng langis.
Bakit Mali ang Deregulasyon at Pribatisasyon?
Hindi magkakaroon ng kumpetisyon
Ang industriya ng langis ay isang likas na monopolyo dahil sa napakalaking kapital na kailangan para rito.
Kakaunti lamang ang makakapasok, at ang mga makakapasok ay kailangang bumawi ng malaki.
Kaya kahit na magkaroon pa iilang dagdag na player, ang resulta lamang ay oligopolyo, at sa huli, kartel.
Hindi epektibo ang deregulasyon.
Hindi nagkaroon ng kumpetisyon, hindi pumasok ang mga malalaking player na maaring bumasag sa Petron-Shell-Caltex kartel. Hindi bumaba ang presyo ng langis.
Hindi mali ang pagpasok ng mga mamumuhunan sa industriya ng langis, kung mayroong regulasyon ang pamahalaan sa presyo at dami ng kinakalakal na langis.
Walang proteksyon ang mamamayan sa pagtaas ng presyo
ng langis.
Kahit pa hindi tumutubo ang mga mananatiling mga industry player, wala ring insentibo ang mga itong protektahan ang mga konsumer sa panahong napakabilis ng pagtaas ng presyo ng langis dahil malulugi ang mga ito.
Tanging pamahalaan lamang ang maaaring magkaroon ng interes na panatilihing mababa ang presyo ng langis dahil tanging pamahalaan lamang ang maaaring managot sa mamamayan.
Regulasyon ng Domestic Downstream Oil Industry
Pagbasura sa E-VAT sa langis
Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace-
setter
Pagbasura sa Oil Deregulation Law
Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF)
ayon sa orihinal nitong konsepto
Pagtalaga ng isang
“Consumer Price Buffer Fund”
Pangmadaliang Panukala
Pagtanggal ng E-VAT sa Langis
Ang lahat ng pagbubuwis sa langis, dahil ito ay isang mahalagang production input, ay magkakaroon ng epekto sa presyo ng ibang mga bilihin (cost-push type inflation).
Alam natin na ang isang “flat-rate indirect consumption tax” sa langis ang dahilan sa “windfall” na kita ng gubyerno sa tax noong nakaraang taon. Nakakatawang sitwasyon na malaking pakinabang para sa
Malacañang ang pahirap para sa sambayanan.Dahil sa E-VAT, nagkakaroon ng excuse ang
pamahalaan na huwag ng habulin ang mga tax evader at huwag ng palakasin pa ang pagbubuwis sa repatriation ng tubo ng mga dayuhang korporasyon sa langis. Mas madali daw kasi sa consumer tax.
Solusyon: Bagong Tax Structure sa Langis
Ang solusyon: mas episyenteng pagbubuwis sa mga kumpanya ng langis.
Leakage at tax evasion, hindi tax structure o tax regime ang pundamental na dahilan ng di-mabisang paniningil ng buwis
Ang isang pinatatag na sistema ng pagbubuwis sa korporasyon sa downstream oil industry ay di nangangahulugang paghadlang sa tubo sa retail oil industry, dahil may umiiral at lumalagong merkado ng langis sa bansa.
Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace-setter
Dapat ay wakasan na ang pribatisasyon ng Petron sa pagbawi ng PNOC shares mula sa kamay ng Ashmore at ng San Miguel
Sa pagbabalik ng kontrol sa pamahalaan sa Petron, dapat gamitin ang Petron bilang “pace-setter” na syang magbibigay ng pinakamagandang kalidad ng gasolina sa pinakamurang presyo para magtalaga ng standard sa merkado at disiplinahin ang industriya.
Kailangan ng isang kumpanya sa industriya na ang motibasyon ay hindi tubo kundi ang pagmamaximize ng social welfare. Ngunit kailangan pa ring financially viable para magtagal.
Pagbasura sa Oil Deregulation Law
Ang Republic Act No. 8479, na siyang ng dahilan ng deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon sa downstream oil industry, ay nagbunga lamang ng matataas na presyo ng langis, mas mataas pa nga kaysa sa presyo sa world market. Isa pa, ipinilit lang naman sa atin ito ng International monetary Fund (IMF) bilang conditionality para sa 1994 Extended Arrangement ni Ramos.
Pagkakaroon ng Oil Regulatory Commission (ORC) – na syang magbabantay sa totoong presyo ng landed oil ng mga kumpanya. Dapat mayroon itong quasi-judicial powers para magkaroon ng ligal na basehan ang mga desisyon nito and prosecutory powers para magkaroon ng ngipin.
Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) ayon sa orihinal nitong
konsepto
Ang orihinal na OPSF, itinalaga ng Presidential Decree (PD) 1956 ay para sa i-minimize ang pagbabago ng presyo at hindi para saluhin ang presyo para sa consumer. Pwersahin ang mga kumpanyang mas maliit ang landed
cost ng krudo na subsidize ang mga kumpanyang mahal ang nabibili. Kaya naman ang itinawag dito ay Oil Industry Equalization Fund (OIEF).
Equalization fund laban sa epekto ng “Predatory Pricing” – ito ay para mahadlangan ang plano at tanggalin ang excuse ng mga kumpanyang pataasin ang presyo para maggayahan ang iba.
Pondo para akitin ang mga maliliit na mamumuhunang lokal para magtaya sa domestikong industriya ng langis at imaksimisa ang bentahe ng liberasisasyon
Pagtalaga ng isang “Consumer Price Buffer Fund”
Isang anyo ng sosyalisadong subsidyo sa, dapat magtatag ang pamahalaan ng isang Consumer Prices Buffer Fund, na pinopondohan hindi ng VATkundi sa inaasahang tubo ng mga kumpanya ng langis at pinatakarang mga buwis.
Ang assumption dito ay, merong isang Petrong pagaari ng pamahalaan na nagmamaksimisa ng social welfare at hindi ng tubo.
Kung hindi pa rin kayanin ng taong-bayan ang presyo nito, hindi pipiliting artipisyal na ibaba ang presyo ng langis para naman hindi malugi ang Petron, bagkus ay popondohan ng pamahalaan ang bahagi ng presyo.
Supply-side Management
Pagbasura sa E-VAT sa langis
Pagbawi sa Petron at Pagtalaga sa Petron bilang Pace-
setter
Pagbasura sa Oil Deregulation Law
Pagbabalik sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF)
ayon sa orihinal nitong konsepto
Pagtalaga ng isang
“Consumer Price Buffer Fund”
Medium-term na Panukala
Sa Paggalugad ng Langis (Oil Exploration)
Optimum Linking, para sa Strategic Vertical Integration, ng Domestic Upstream and Downstream Oil Industry
Alam natin na sa ngayon, hindi sasapat ang indigenous na mga pinagkukunan ng krudo para tapatan ang ating demand kaya kailangan pa rin ng importasyon, pero dapat ay state-regulated ang upstream industry at nakataya lamang ito para sa lokal na pangangailangan.
Ang Service Contract System at production-sharing mechanisms sa ilalim ng Presidential Decree (PD) 87 ay kailangang repasuhin para siguraduhing ang makikinabang ay ang pamahalaan, ang mga komunidad at mga lokal na mamumuhunan bago ang mga dayuhang kapitalista.
Sa Industria ng Oil Importation
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng PNOC, ay dapat direktang kumukuha ng krudo, at isipin ang posibilidad ng bilateral arrangements sa mga oil exporting na mga bansa (at pag-iwas sa mga Oil TNC) at pag-diversify palayo sa Saudi Arabia (ARAMCO) and Iran (NIOC, INOC) at pakikipagusap halimbawas sa PDVSA ng Venezula. Baka pwede ang Oil to Commodity Swap.
Bakit hindi sentralisadong pagbili? Magaling ang merkado sa pagkalap ng supply para sa mga pangangailangan ng distribusyon at produksyon nito. Sa panahong paubos na ang langis (peak oil), bagamat nariyan ang pamahalaan para siguraduhin ang supply, hindi dapat hinahadlangan ang pribadong sector sa pagkalap ng krudo.
Sa Industriya ng Oil Refinery at Oil Marketing
Pag-diversify ng industriya at pag-encourage ng investments sa industriya ng langis sa pamamagitan ng bilateral na negosasyon – kailangan pa rin ito para sa technology transfer, pero kailangang aktibong pinoprotektahan ang konsyumer
Pagusporta sa mga local na mamumuhnan sa oil marketing industry (retail), para wakasan ang dominasyon ng mga dayuhang manlalaro sa industriyang ito at i-limita na lamang sila sa refinery industry.
Demand-side Management
Tigilan ang Pribatisasyon, Wakasan ang
Importasyon ng Langis para sa Kuryente
I-rationalize ang pagkonsumo ng Langis ng
Industriya ng Transportasyon
Pangmatagalang Panukala
Tigilan ang Pribatisasyon, Wakasan ang Importasyon ng Langis para sa Kuryente
Wakasan na ang pag-asa sa langis at importasyon nito para mag-generate ng kuryente (20%) sa pagpapalakas ng pag-develop at pagpondo sa indigenous sources of energy at renewable energy.
Muling buuin ang State Energy Complex na sinimulan ng panahon ni Marcos.
I-reverse/tigilan na ang pribatisasyon ng PNOC at mga departamento nito kagaya ng Petron, PNOC-EDC, at PNOC-EC
I-rationalize ang pagkonsumo ng Langis ng Industriya ng Transportasyon
Streamlining and regulasyon ng of the Road-based Transportation Industry Pag-regulate ng dami ng mga bagong motor vehicles
(produksyon at pagbenta) para i-decongest ang ating mga kalsada.
Gradual na pagphaseout sa ilang bahabi ng Public Utility Vehicle (PUV) ngunit sinisigurong may mga bagong trabaho para sa maaapektuhang manggagawa.
Pagpapabunga ng isang industriyang gumagamit ng alternatibong enerhiya para sa transportasyon (pagkakaroon ng home-grown car manufacturing kagaya ng Proton ng Malaysia) at kuryente (PNOC-Alocohol Corporation na binase sa alchogas ng Brazil)
Pagtalaga ng isang Modernisado at Episyenteng Centralized Intra-urban and Rural-to-Urban Mass Transit Systems
MABUHAY ANG MANGGAWA SA TRANSPORTASY
ON!