october - november 2011 newsletter issue of the clsu collegian

16
BALITA OPINYON LATHALAIN ISPORTS TUMANGGAP ang mga manunulat ng CLSU Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Central Lu- zon State University ng 15 parangal, kabilang na ang apat na parangal sa group category sa ginanap na ika-11 Regional Higher Education Press Confer- ence (RHEPC) sa Microtel Inns and Resort, Caba- natuan City, Nueva Ecija nitong Nobyembre 16-18. Nagwagi sina Mariell Kule humataw sa 11 th RHEPC KULE / Pahina 12 IPINAGDIWANG ng College of Educa- tion (CEd) katuwang ang CEd Student Council (CEdSC) at mga student organization ang World Teachers’ Day upang magbigay pugay sa mga guro nitong Oktubre 5. Sa temang “My Teacher, My Hero”, isinagawa ang iba’t ibang gawain katulad ng film showing tungkol sa mga guro; exhibit ng mga produktong gawa ng mga Teachers’ Day ipinagdiwang HRM Dept. isinagawa ang 2nd Asian and Western Cuisine/ Pahina 11 Para sa Infirmary / Pahina 3 Nagtatanong lang po / Pahina 6 Isports Editorial: Laban ng lakas, galing at isip / Pahina 14 Ni Van Allen Lumandas Programa ng USSC inilatag sa 1st CLSU-CSBO Conference Istorya sa pahina 7 TEACHER’S/ Pahina 12 Lunduyan ng kagitingan at likas na yaman / Pahina 8-9 ‘Hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre’ - CEGP CLSU/ Pahina 12 END Impunity! We will never forget Nov. 23 – Ito ang mga salitang naka- sulat sa mga placard ng mga mag-aaral ng Cen- tral Luzon State Univer- sity sa kanilang kampanya na tapusin ang kultura ng kawalang pagkaparusa sa bansa nitong Nobyembre 23. Kasabay rin ng nasabing kampanya ay ang pag- alaala sa ikalawang taon ng Maguindanao massa- cre kung saan 32 mama- mahayag ang pinaslang. Nagsimula ang programa sa pagsisindi ng mga kan- dila at pag-aalay ng dasal para sa mga biktima ng nasabing massacre na gi- nanap sa CLSU main gate. Umikot sa buong unibersidad ang grupo ng mga mag-aaral at kawani ng CLSU ang ‘We will never forget Nov.23’ - CLSUans Ni Mariell Anne Salatamos WE WILL / Pahina 12 HUWAG makalimot. Panawagan ito ng Col- lege Editors Guild of the Philippines (CEGP), ang pinakamalawak at pinaka- matandang alyansa ng mga estudyanteng manunulat sa Pilipinas, bilang pag- gunita sa Maguindanao massacre na dinaluhan ng mga publikasyon mula sa Luzon na ginanap sa Di- oko Resort and Buerfly Farm, San Pablo City, La- guna nitong Oktubre 22-26. Kinondena ng CEGP ang mabagal na pag-usad ng hustisya para sa na- sabing massacre kung saan 32 peryodista ang pinatay noong Nobyembre 23, 2009. Pinahayag din ng mga mi- yembro ng nasabing organ- isasyon ang kanilang pagla- ban sa kultura ng impunity sa bansa kung saan ang mga peryodista ay humaharap sa iba’t ibang uri ng paglabag sa kanilang karapatang pantao. HUSTISYA. Ito ang naging tema ng mga placard na dala ng mag-aaral ng CLSU sa isang picket na ginanap bilang paggunita sa Maguindanao Massacre. Ni Mariell Anne Salatamos PASASALAMAT. Iginawad nina PhilFIN Treasurer, UPV Dean of College of Fisheries, Ocean Studies Carlos C. Baylon (kaliwa), CLSU President Ruben Sevilleja (ikalawa mula kaliwa), at PhilFIN President and UPV Chancellor Minda J. Forma- cion, (ikalawa mula kanan) ang Certificate of Appreciation kay Dr. Eleazar (kanan). Tignan ang artikulo sa pahina 12.

Upload: kenneth-fronda-antolin

Post on 29-Nov-2014

438 views

Category:

Documents


21 download

TRANSCRIPT

BALITA OPINYON LATHALAIN ISPORTS

TUMANGGAP ang mga manunulat ng CLSU Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Central Lu-zon State University ng 15 parangal, kabilang na ang apat na parangal sa group category sa ginanap na ika-11 Regional Higher Education Press Confer-ence (RHEPC) sa Microtel Inns and Resort, Caba-natuan City, Nueva Ecija nitong Nobyembre 16-18.

Nagwagi sina Mariell

Kule humataw sa 11th RHEPC

KULE / Pahina 12

I P I N A G D I W A N G ng College of Educa-tion (CEd) katuwang ang CEd Student Council (CEdSC) at mga student organization ang World Teachers’ Day upang magbigay pugay sa mga guro nitong Oktubre 5.

Sa temang “My Teacher, My Hero”, isinagawa ang iba’t ibang gawain katulad ng film showing tungkol sa mga guro; exhibit ng mga produktong gawa ng mga

Teachers’ Day ipinagdiwang

HRM Dept. isinagawa ang 2nd Asian and Western Cuisine/ Pahina 11

Para sa Infirmary / Pahina 3

Nagtatanong lang po / Pahina 6

Isports Editorial: Laban ng lakas, galing at isip / Pahina 14

Ni Van Allen Lumandas

Programa ng USSC inilatag sa 1st CLSU-CSBO Conference Istoryasa pahina 7

TEACHER’S/ Pahina 12

Lunduyan ng kagitingan at likas na yaman / Pahina 8-9

‘Hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre’ - CEGP

CLSU/ Pahina 12

END Impunity! We will never forget Nov. 23 – Ito ang mga salitang naka-sulat sa mga placard ng mga mag-aaral ng Cen-tral Luzon State Univer-

sity sa kanilang kampanya na tapusin ang kultura ng kawalang pagkaparusa sa bansa nitong Nobyembre 23.

Kasabay rin ng nasabing kampanya ay ang pag-alaala sa ikalawang taon

ng Maguindanao massa-cre kung saan 32 mama-mahayag ang pinaslang.

Nagsimula ang programa sa pagsisindi ng mga kan-dila at pag-aalay ng dasal para sa mga biktima ng

nasabing massacre na gi-nanap sa CLSU main gate.

Umikot sa buong unibersidad ang grupo ng mga mag-aaral at kawani ng CLSU ang

‘We will never forget Nov.23’ - CLSUansNi Mariell Anne Salatamos

WE WILL / Pahina 12

HUWAG makalimot.Panawagan ito ng Col-

lege Editors Guild of the Philippines (CEGP), ang pinakamalawak at pinaka-matandang alyansa ng mga estudyanteng manunulat sa Pilipinas, bilang pag-gunita sa Maguindanao massacre na dinaluhan ng mga publikasyon mula sa Luzon na ginanap sa Di-oko Resort and Butterfly Farm, San Pablo City, La-guna nitong Oktubre 22-26.

Kinondena ng CEGP ang mabagal na pag-usad ng hustisya para sa na-sabing massacre kung saan 32 peryodista ang pinatay noong Nobyembre 23, 2009.

Pinahayag din ng mga mi-yembro ng nasabing organ-isasyon ang kanilang pagla-ban sa kultura ng impunity sa bansa kung saan ang mga peryodista ay humaharap sa iba’t ibang uri ng paglabag sa kanilang karapatang pantao.

HUSTISYA. Ito ang naging tema ng mga placard na dala ng mag-aaral ng CLSU sa isang picket na ginanap bilang paggunita sa Maguindanao Massacre.

Ni Mariell Anne Salatamos

PASASALAMAT. Iginawad nina PhilFIN Treasurer, UPV Dean of College of Fisheries, Ocean Studies Carlos C. Baylon (kaliwa),CLSU President Ruben Sevilleja (ikalawa mula kaliwa),at PhilFIN President and UPV Chancellor Minda J. Forma-cion, (ikalawa mula kanan) ang Certificate of Appreciation kay Dr. Eleazar (kanan). Tignan ang artikulo sa pahina 12.

aong 2008 nang ilinabas ang Memorandum No. 09-11-2008 (2) kung saan ilinagay ang buong ko-

munidad ng CLSU sa isang malawakang kampanya ng “No ID, No Entry”. Ang layunin ng nasabing kampa-nya na maiwasan ang mga insidenteng nagaganap sa loob ng unibersidad at upang maprotektahan ang se-guridad at interes ng mga taong bumubuo sa CLSU.

Subalit tatlong taon matapos ang nasabing kam-panya, nasaan na ang CLSU sa usapin ng kalig-tasan ng mga taong dito na halos naninirahan?

Sa isang malawak na unibersidad tulad ng CLSU, ang pag-monitor sa mga taong pumapasok sa loob ay isang malaking pagsubok kung saan mahahamon ang dedi-kasyon ng administrasyon at ng University Security Force (USF) sa pangangalaga ng kanilang mga nasasakupan.

Oktubre 2008 nang sunud-sunod na puwersahang sini-ra ang mga parke ng ilang fraternity at soror-ity sa loob ng kampus. Isang miyembro ng Tau

Alpha Upsilon ang namataan ng isang security guard na sinisira ang parke ng Gamma Kappa Rho. Bukod sa paninira sa parke, napag-alam ding ang lalaking na-huli ay hindi mag-aaral ng CLSU bagkus ay residente ng kalapit na barangay ng CLSU na Brgy. Bagong Sikat.

Nobyembre 2009 nang nagsampa ang isang estudyante ng College of Education ng saligang sumbong laban sa isang guro ng Filipino Department sa salang forcible abduc-tion with attempted murder. Sinabi ng biktima na dinukot siya sa College of Veterinary Science and Medicine (CVSM).

At nito lamang nakaraang semester, isang mag-aaral ng

EDITORYAL

Ligtas pa ba tayo?

CVSM ang muntikang magahasa sa may Lingap Kalikasan.Ang mga nasabing insidente ay patunay na ang CLSU ay

hindi pa lubusang handang mapangalagaan ang seguridad ng mga mag-aaral at mga miyembro ng komunidad nito. Ipinahihiwatig lamang nito na ang programa ukol sa seguri-dad ng unibersidad ay parang marupok na tulay – mukhang matibay subalit kapag itinapak mo na ang iyong mga paa ay guguho. At wala ka nang magagawa kundi maging biktima.

Ito na ang sitwasyon sa ating unibersidad. Marami na ang nahuhulog at nagiging biktima. Hihintayin pa kaya ng administrasyon at ng USF na dumating ang panahon na ang mga insidente at krimen ay mang-yayari mismo sa kanilang harapan bago sila matauhan?

“As usual hindi maayos. Ga-graduate na kami’t lahat , hindi pa rin nag-improve.” - BSChem 4“Matagal at mabagal. Pangit ‘yong enrolment. Kulang sa computers at wala rin kasing nag-aayos sa pila.” -Reymel, CFY

“Hindi naging maganda ang proseso. Wala pa ring pinagbago.” - Gian, ABDevCom 2-1

“Hindi organized. May binibigay ngang number pero hindi naman nasusunod. Hindi rin lahat ng steps nasunod. Naging problema rin ang cases ng may mga no grades. Sana sa susunod lahat ng grades handa na. -Hannah, BSBio 1-1

SABI

NILA “Organized naman. Kaso may medyo kabagalan.” -Mary Grace, BSFT4

“Hindi rin organized. Hindi napaghandaan nang maayos.” -Rox, BSIT 2-1

Tinanong namin ang mga estudyante hinggil sa kung ano ang masasabi nila sa naging sistema ng enrolment ngayong semestre.

tinipon ni Kevin Estigoy

T

Mariell Anne Salatamos

Carmel Bernadette Laturnas

Editor-in-chief

Associate Editors

Managing EditorFrancis Kenneth CuaresmaKing Ardee Miguel

Kenneth Antolin

Kevin Estigoy

Lyndon Macanas

Opinion Editor/Layout artist

Sports Editor/Layout artist

Feature Editor

News Editor

Mark Lyndon AntaranAldrin de Leon

Head Cartoonist

Roy ConcepcionCartoonist

Joden Sumeldan Circulations

Edwin Respicio, Chary BaniquedSenior Staff Writers

For comments and/or suggestions, please contact us at CLSU Collegian Office Student Union Building, CLSU, Science City of Munoz, Nueva Ecija or email us at

[email protected] or vist our website at www.clsu-collegian.net

OPINYON2 CLSU COLLEGIAN Oktubre - Nobyembre 2011

Cristine Joy Ramos, Paul John Villamor, Van Allen Lumandas, Ellaine Aquino, Chelsea Sarmiento, Karina Yvonne Pascua

Probationary Writers

e would like to respond to a letter published by the Collegian in its July- September, 2011 is-

sue. The letter was written by Ms. Angelie Policarpio who cited her complaints against the staff of the CLSU Hospital. She alleged therein that inappropriate treat-ment was administered on her patient whose identity we shall not divulge in order to protect his/ her privacy.

Although no formal complaint has been filed up to present, the administrators of the CLSU Hospital initi-ated an investigation on the case being questioned to verify the veracity of Ms. Policarpio’s accusations. We summoned the physician and nurses who were on duty when the said patient was brought to the hospital. After a thorough inquiry, we learned that the patient was at-tended properly and that the management protocol for his/ her condition as diagnosed by the physician was fol-lowed. If there was a problem with the management, it would be the fact that the companions of the patient re-fused to believe the rationale of the therapeutic interven-tions that were done. No amount of explanation would a p p e a s e their panic b e c a u s e most of them were under the i n f l u e n c e of alcohol.

We will not discuss the details of the case here de- spite the fact that it is crucial in proving that no error was done. As medi-cal practi- tioners, we took an oath not only to cure but also m a i n t a i n c o n f i d e n - tially of all our cases. It c e r t a i n l y is improper and unethical to bring a case out into open without the patient’s permission. Instead, we welcome a dialogue between the patient with his/ her parents and the hospital staffs because we believe that this is the best venue where we can fully address their concerns.

The CLSU Hospital has our primary concern the health and well- being of our constituents, especially the students. Inspite, of the modest budget allotted for our operation, we strive hard to meet the standard of excellence set by the Department of Health (DOH), the Philippine Health Insurance Corporation (PHIC), and the Philippine Hospital Association (PHA) of which we are a duly licensed and an accredited member of. The hospital staff that go on duty are all licensed by Profes-sional Regulation Commission (PRC) and are in good standing with their own particular associations such as the Philippine Medical Association (PMA), Philip-pine Nurses Association (PNA), etc.. we attend train-

This letter was sent by Dr. Alvin P. Flores, director of the Univer-sity Health Services, in response to the letter of Ms. Angelie Policarpio

published in the July-Sep-tember 2011 issue of the

CLSU Collegian.

ang bumalik ang isa naming manunulat

mula sa CLSU Hospital upang ibigay ang sulat na naglalaman ng aming paghingi ng permiso upang sumailalim sa medical check-up para sa isang kompeti-syon na aming sasalihan, dali-dali niyang sinabi sa akin na raw siya tinuruan ng isang staff doon hinggil sa “responsible journalism”. Ang naging puno’t dulo nito ay ang liham na ipinadala ng isang mag-aaral sa CLSU Collegian na amin namang

inilathala. Ang nasabing li-ham ay naglalaman ng isang pangyayari kung saan ang isang mag-aaral na hindi makahinga ay dinala ng kan-yang mga kasama sa ospital.

Kinabukasan, nagpunta kami sa ospital upang is-agawa ang aming check-up. Kinausap ko ang isang nurse roon upang ipaalam na kami ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na ilathala naman ang kanilang panig sa nasabing isyu. Napatango na lamang ako at nanahimik nang ang isinagot ng nurse ay “May sulat na ata silang ginawa… Degrading kasi iyong sinu-lat… kakasuhan yata iyong nagsulat. Hindi ko alam”.

Dahil sa pangyayaring ito, may ilang bagay akong

gustong bigyan ng punto.Una, gusto ko pong

itanong kung ano ang definisyon ng “responsible journalism” na tinutukoy ng mga staff ng infirmary? Ang inilathala po naming sulat ay isang letter to the editor na ipinadala ng isang mag-aaral. Napag-usapan namin nang nakaraang semestre na hihingan na lamang ang ospital ng kanilang sagot sa nasabing sulat na siya rin naman naming ilalathala. Ang hakbangin pong ito ay aming isinagawa upang re-

sponsableng magampanan ang aming responsibilidad bilang mga manunulat.

Pangalawa, ayon sa inyo, degrading ang isinulat ng mag-aaral sa letter to the editor. Ano po ba ang mas malaking isyu, ang medical malpractice o ang degrading na sulat na sinabi ninyo? Ano po ba ang mas ma-halaga, buhay o pangalan?

At pangatlo, kakasuhan po ninyo ang mag-aaral, sa anong kadahilanan? Sa pagsasabi ng totoo o sa paggamit niya ng kani-yang freedom of speech? Kung ang isang tao pala ay maaring makasuhan dahil siya ay malaya, nakatata-kot nang maging malaya.

Hindi ko po kinakampi-

INBOX

N

W

INBOX / Page 6BITTER / Pahina 4

. . . karamihan sa mga taong nakapaloob sa ating institusyon ay laging naghah-anap ng papuri subalit hindi handang tu-manggap ng mga pagpuna sa pagkakamali.

OPINYON 3CLSU COLLEGIANOktubre - Nobyembre 2011

Para sa Infirmary

ung online na sana ang enrolment, siguradong

isang araw pa lang, lahat ng estudyante ay enroled na.

Katakataka, apat na taon ko na rito sa unibersidad ngunit wala pa ring ipinag-bago ang mga senaryo tu-wing enrolment. Nagmim-istulang sinehan ang mga opisina ng College Regis-trar, Office of Admission at maging ang gusali ng Administration. Mahaha-bang pila. Tensiyonado ang mga estudyante, baka kasi maabutan ng cut-off. Kasi naman, sa bawat isang es-tudyante yata ay aabutin pa ng limang minuto hanggang sampung minuto para lang maproseso ang kanilang mga trial forms. Sobrang ba-gal ng usad ng enrolment. Kailan kaya mapabibilis ito? Kailan kaya ito mababago? Kapag inabot na ng 200 taon ang unibersidad na ito?

Naalala ko ‘yong room-mate ko noon sa pa-seminar ng Europian Union na nag-aaral sa Polytechnic Univer-sity of the Philippines (PUP). Sabi niya sa akin kahit gabi puwedeng mag-enrol doon sa unibersidad nila. Natawa lang ako, at kung adik lang ako, sigurado nasuntok siya. Kasi naman, sino ba naman ang makapagpapa-enrol ng gabi? Hindi ba? ‘Yon pala’y online ang mode of enrolment sa kanila. High-tech ‘di ba? Walang mahahabang pila. Walang singitang nagaga-nap. At ang pinakamaganda roon, walang binabayarang late registration na kung tu-

tuusin ay hindi naman ta-laga kasalanan ng mga es-tudyante kung bakit hindi sila nakapagpa-enrol agad.

“P12.00 per unit”. Ito ‘yong sabi ng roommate ko nang tanungin ko s’ya kung magkano ang per unit sa kanila dahil nga sa pagiging online nila sa pag-e-enrol. Natahimik ako. Namangha. Kasi halos sampung beses

ang per unit dito sa CLSU. Pero kahit ganoon kaliit ang binabayaran nila – wala pang P2,000 kung enroled, ay on-line pa rin ang enrolment nila. Nakabibilib! Nanganga-hulugan ito na hindi ganoon kamahal ang gagastusin sa pagsasagawa ng online en-rolment. Itong CLSU kaya? Kailan? Kapag umabot na sa P200 ang per unit dito?

Kung patuloy na magig-ing ganito ang sistema tu-wing enrolment, tiyak mal-aking halaga ang malilikom na galing sa late registration na hindi ko alam kung saan napupunta. Basta ang alam ko, ginagamit iyon para sa pagproseso ng mga papel ng mga huling nag-enrol. Iyon ang alam ko, hindi ko alam kung ganoon din ang naisip mo. Kung saan o ano pa man iyon, bakit hindi na lang ilaan ang nalilikom dito para sa pagpapatu-

pad ng online enrolment?Hindi naman kaya baka

hirap lang ang unibersidad sa pagsasagawa nito? Pero, kung hirap sila sa pagpa-patupad o pagsasagawa ng online enrolment, bakit hindi sila makipagtulungan sa IT Depatment? Tama! Taong 2002 pa nang magkaroon ng Bachelor of Science in In-formation Technology dito, pero hindi pa ba sapat ang limang taong palugit para sana mapagplanuhan at maisagawa iyon? Hindi ba dapat mas high-tech na? Sa bagay, sa tuwing enrolment ay nagkakandasira ang mga kompyuter at lagi pang na-

tatapat sa kasagsagan ng en-rolment na nagiging dahilan ng pagtagal at pag-extend nito kung minsan. Hindi ko sinisisi ang IT, ipinakikita ko lang ang dapat sana’y kinalalagyan na ng sistema

ng enrolment – ang pagig-ing online nito sa kabila ng patuloy na paglago ng mga makabagong teknolohiya.

Nakagawa na ng internet site para sa CLSU. Mayroon pa ngang online viewing of grades (daw). Kaya tama lang na hanapin ng mga estudyante ang online enrol-ment. Tama lang na mag-expect nito lalo’t 104 na taon nang nag-e-exist ang CLSU. Panahon na para umalin-sabay sa takbo ng makaba-gong teknolohiya. Palitan na ang makalumang sistema.

Nakatutuwa dahil tila magkakonekta ang napaka-laking karatula na nakaba-landra sa gilid ng main gate. Ang sabi, “CLSU, where dif-ference is created”. Ang gal-ing ‘di ba? Pati sa sistema ng pag-e-enrol akmang-akma!

Sana sa susunod na taon ay iba na. Palitan na ng bagong sistema. Sana sa susunod na taon ay online na. Iwas pila. Tipid oras. Tipid gastos. Walang ab-erya. Walang late registra-tion. Maayos. Higit sa lahat komportable at mabilis! Kaya dapat ay online na.

DapatOnline na!

Kaya tama lang na hanapin naming mga es-tudyante ang online enrolment. Tama lang na mag-expect nito lalo’t 104 na taon nang

nag-e-exist ang CLSU.

bakit hindi matapus-tapos ang mga isyung sumasak-mal sa ating unibersidad ay dahil karamihan sa mga ta-ong nakapaloob sa ating in-stitusyon ay laging naghah-anap ng papuri subalit hindi naman handa tumanggap ng mga pagpuna sa pagkaka-mali. Karamihan ay nagha-hanap ng paraan upang parangalan subalit ayaw ilapag ang mga paa sa lupa.

Napakalaki ng problema sa kakitiran ng ating pang-unawa sapagkat hindi ang isyu ang ating binibigyan

K

han ang nagsulat ng liham. Subalit lalong hindi ko po kinakampihan ang paraan ng pagsagot ng ospital sa isyu. Bago po sana ninyo binalak na kasuhan ang nagsulat (ituloy man ninyo o hindi ang planong ito) ay inalam man lamang sana ninyo ang puno’t dulo ng isyu. Inalam man lamang sana ninyo kung alin sa mga akusasyon ang totoo at alin ang hindi. Kung totoo ito, ano naman ang inyong plano upang maituwid ang mali?

Isa sa mga problema kung

BITTER ... pahina 3

BITTER / Pahina 5

4 CLSU COLLEGIAN Oktubre - Nobyembre 2011OPINYON

a halos apat na taon ko sa unibersidad na

ito at sa Kolehiyo ng Sin-ing at Agham, ang enrol-ment sa semestreng ito na siguro ang pinakamahi-rap at pinakanakabubu-wisit ko nang naranasan.

***‘Pag ba kayo nagbaban-

tay, dapat late entrance na? hindi ba puwedeng maaga rin kayo pumasok para maaga ring masimulan? Ba-tid naming hindi biro ang magboluntaryong tumulong sa enrolment, ngunit hindi rin naman biro ang pumila ng alas sais ng umaga para lamang maagang makapag-enrol at hindi maabutan ng nakapanlulumong ‘cut-off’.

Hindi namin kayo inuu-tusang pumasok ng kas-ing aga ng sa amin; kasi hindi nga naman pala kayo nakikipag-unahan gaya na-min, pero sana man lang ay matuto kayong makiayon sa dapat sana’y alas-otsong simula ng enrolment, hindi ‘yong alas nuebe na kayo darating kung kailan ang pila ng kukuha ng assessment form ay hanggang NATO na.

Pag ba araw na ng enrol-ment, dapat saka palang bibili ng papel? Hindi ba puwedeng bago ang na-sabing araw ay mayroon na

kayong nakahanda at na-kasasapat na suplay? Isang napakalaking pamuwisit sa aming mga pipila ng pag-kahaba-haba para lamang malaman sa bandang huli na wala pala kaming form na makukuha dahil naubu-san kayo ng papel. Iyon na-man po ay obligasyon ninyo na siguraduhing mayroon at makasasapat sa mga es-tudyante ang mga kagami-tang esensyal sa enrolment.

Bukod sa nakasasaga-bal sa oras ay nakaiirita pang malaman na may-roon palang mangilan-ngi-lang estudyante na hindi ninyo nai-record ang pag-papa-assess dahilan para umulit sila ng pila! Isang

napakalaking kapabayaan. Nakaabot sa amin ang hi-

naing ng isang estudyante na hindi ninyo nai-record ang assessment. Sa loob ng CAS little theater ay ipinaki-ta niya ang kanyang trial form upang makuha na ang dapat sana’y nai-print na niyang assessment form, sa tinagal tagal ay saka niya la-mang napagalaman na hindi pala nai-record ang kanyang assessment noong nakaraang araw. Sa halip na muli siyang pumila sa labas ay sa loob na lamang niya plinanong uli-tin ang proseso na pinagda-anan naman na niya; para sa akin ay tama naman iyon sa-pagkat ang inyong kapabay-aan ay hindi na niya kasala-nan. Nasumpungan siya ng security guard sa ganitong akto at sinabihan na du-maan raw sa tamang pros-eso ang mga mag-aaral na

naniningit; maayos niyang ipinahayag ang nangyari sa kanya, ngunit sa halip na maunawaan ng security guard ang kanyang pinagda-anang kamalasan ay sinabi-han pa ito na hindi niya raw dapat pinaabot sa ganoong punto hanggang sa nanakot na nga ang nasabing guard na ipahohold raw ang enrol-ment pag hindi sila umalis—nakatatawa, ngunit totoong nangyari. Isang napakalak-

ing biro na hindi nanaisin ng sinuman na maranasan.

Kapag ba late enrollee ibig sabihin hindi na talaga ninais mag-enrol noong mga nakaraang araw? Hindi ba puwedeng hindi niyo lang talaga sila kinayang i-accommodate lahat? Pag late enrollee ka may karag-dagan na agad na P300 sa iyong tuition. P300 lamang iyon ngunit kung tutuusin ay napakabigat na noon sa ibang mag-aaral lalong lalo na sa mga estudyanteng dumaan naman sa tamang proseso at umayon sa na-sabing araw ng kanilang enrolment ngunit hindi niyo lamang talaga kinayang asi-kasuhin sapagkat kulang tayo sa kagamitan, kulang sa tao, at kulang sa tiyaga.

Napakadaming estudy-ante ang pumila ng maaga at umasang makapag-e-

enrol sila sa oras ngunit dahil sa napakaraming sagabal at hindi maayos na sistema ay napagabu-tan ng ‘cut off’, ang iba pa nga ay inabot na ng ilang araw bago makapag-enrol.

Ang hirap isipin na nagpa-fine ang ilan ng hindi naman nila kasalan dahil pagku-kulang naman talaga ito ng mga namamalakad. Sana’y sinabi ninyo na hindi ninyo kaya ng kayo lang, baka tu-mulong pa kami sa inyo!

Hindi ko matatanggap kung sasabihin ninyong mahirap ang inyong sit-wasyon, dahil nahirapan rin naman ang mga es-tudyanteng nag-enrol sa napakarami at napakaha-habang pila habang kayo ay nakaupo lamang. Hindi ko matatanggap kung sas-abihin ninyong napapagod din kayo dahil kakaunti lamang kayong gumalaw at namalakad noong enrol-ment, dahil maaari naman kayong humingi ng tulong sa napakaraming council at organization sa kolehiyo.

Ang sistema ng ating en-rolment ay hindi naman sana magiging ganoon kapangit kung alam lamang ng mga namamalakad nito na ay-usin ang kanilang mga tra-baho. Hindi man tayo katu-lad ng ibang paaralan na computerized at isang swipe mo lamang ay enrolled ka na, makararaos naman sana kung tayo alam lamang ng lahat na gampanan ng maay-os ang kanilang tungkulin.

Puchu PuchungEnrolment

Kapag ba late enrollee ibig sabihin hindi na talaga ninais mag-enrol noong mga nakara-ang araw? Hindi ba pwedeng hindi ninyo lang talaga sila kinayang i-accommodate lahat?

S5CLSU COLLEGIANOktubre - Nobyembre 2011

BITTER ... pahina 4

ng panahon kung hindi upang gantihan ang taong nagsusulong ng isyu. Na-kalulungkot subalit un-ang nakikita ang bulok na sanga bago bigyang pan-sin ang inuuod na ugat.

Kung uunahin po sana ninyo ang ugat bago kayo umakyat sa sanga, makikita ninyo na sa ugat nagsimula ang lahat.

OPINYON

amu’t saring salawikain ang nabuo sa isipin nila Pepe at Nene sa pagpasok ng ikalawang semestre at sa pag-

daan ng mga buwan na nagbigay daan upang mabuo ang mga katanungan para sa kanilang kabutihan at karapatan.

ami ang nagtanim ngunit iba ang umani.Napag-alaman namin ang anomalyang pag-aani ng

isang propesor ng College of Engineering sa mga pinag-sunugan ng kilay at pinaghirapang proyekto’t panana-liksik ng kanyang mga estudyante. Ayon sa aming na-kapanayam, ipinangalan niya umano sa kanya ang mga proyekto upang sa kanya mapunta ang credit sa mga ito. Tikom na lamang ang bibig ng ilan sa kanila dahil sa takot na hindi sila ipasa ng sakim na propesor ; at sa pangamba na ito ang maging dahilan upang hindi sila makapagtapos.

Nararapat po bang anihin ang mga bun-gang hindi naman po sa iyo? Ang tulad nito’y pagnanakaw at mas malala pa sa buwakaw.

atas na mala-pugon, ningas-kugon.Taos ang pagsunod ng mga pamilihan at tindahan

sa loob ng unibersidad nang unang ipatupad ang Com-prehensive Environmental Management Plan (CEMP) na nagsasaad sa pagbabawal nang paggamit ng mga plastic. Ngunit bakit ang patakarang ito ay hindi na ngayon sinusunod ng karamihan. Talamak na muli ang paggamit ng mga plastic bag sa old market at maging sa marketing. Kinalimutan na yata nila ang batas na ito.Bakit hindi ito aksyunan agad ng administrasyon? Ang mga tindero’t tindera lamang po ba ang mga nagninin-gas-kugon o maging ang CEMP na ito na sa simula lang?

bod ang tiyaga, walang nilaga.Hindi na iba sa atin ang proseso ng enrolment

taun-taon. Hindi na rin bago sa paningin natin ang ma-habang pila dahil sa mabagal na sistema nito. At mas lalong hindi na iba sa atin ang mga kapwa natin estudy-ante na tinitiis ang gitgitan at gutom maka-enrol lang.

Dahil sa patuloy na gawi ng ganitong proseso, ang mga estudyante na dapat ay makae-enrol na sa loob ng iskedyul na nakalaan sa kanila ay hindi man lamang nakapag-as-sess nang araw na iyon. Wala man lamang silang napala sa kabila ng pagtitiis nilang hindi kumain at patitiyaga sa paghihintay ng matagal. Hindi lamang iyon, karamihan sa kanila ay nagdusa, na imbis na iyong pang-tuition na ibabayad na nila ay nakaltasan pa sa ipinamasahe nila pabalik. Idadagdag pa ang bigat ng late enrolment fee na sana’y pambili na ng ulam ng kanilang mga magulang.

Ganito na lamang po ba ang proseso at siste-ma taun-taon? Maisip sana natin ang pagtitiis at ti-yaga ng mga estudyante na nauuwi lang sa wala.

K

S

B

U

Nagtatanong lang po...ings and seminars regularly to harness our skills and equip ourselves with a continuing medical educa-tion. This is not to say that we are perfect organiza-tion because we may and commit mistakes. We do not close our doors to valid complaints and sugges-tions that are directed to us because these will guide us in providing better services to our constituents.

Ms. Policarpio’s letter being published by the Colle-gian without verifying its validity is irresponsible in a way because it put the CLSU Hospital to trial by publici-ty. Ms. Policarpio’s words were cutting, harsh, and swift to pass judgement at something she obviously has very little knowledge of. You allowed her to her own diagno-sis and management for everyone to read but you did not bother to ask a medical practitioner what the truth to the matter is. The freedoms the press in this instance was used in order to tarnish the reputation of an insti-tution such as the CLSU Hospital and insult the people serving therein. It would have been prudent if both sides of the story were presented to the reading public.

The CLSU Hospital has been called a name, a stig-ma which cannot seem to grow out- “infirmatay”. Students pass it on among themselves, have it printed in their publication, or just casually blurt it out to our face, without considering that people working in the CLSU Hospital are also human beings with feelings. We are always open to serve, day and night even on weekends, on Christmas Day and New Year’s Eve, braving the storm or heavy downpour, sometimes even if we ourselves do not feel well. We relieve your pains, open your lungs for breathing, hydrate you when you lose fluids, deliver your babies, soothe your febrile bodies, institute emergency measures and prefer complicated patients to more capable hos-pitals. We do this job not so much for the pay, but for its nobility. We are not begging for any appre-ciation but spare us from further insult and ridicule.

We appeal to our students, faculty and staff to ap-proach us if they have problems with the way they have been treated in the hospital. This will give us a better chance to explain ourselves and correct mistakes if there are any. Let us not resort to name calling as it is never beneficial to anyone concerned. As a major of the auxiliary services of CLSU, we continue to play a vital role in the university’s mission and vision particularly on the health aspect. We need everyone’s support in or-der for us to move forward and meet the challenges of a fast growing medical arena. In all humility we admit that although we sometimes have shortcomings, we have always served with good intentions and to the best of our abilities. A good doctor and patient relationship is built on trust and respect. This is the foundation that will sustain us in our daily undertakings to promote the health and well- being of everyone in our university.

INBOX ...from Page 5

6 CLSU COLLEGIAN Oktubre - Nobyembre 2011OPINYON

Ni King Ardee Miguel

BALITA 7CLSU COLLEGIANOktubre - Nobyembre 2011

DINALUHAN ng mga estudyante ng unibersi-dad ang paglalatag ng mga aktibidad ng University Supreme Student Council (USSC) ngayong semestre sa 1st CLSU-CSBO (Collegiate Student Body Organiza-tion) Conference na ginanap sa University Auditorium nitong Nobyembre 15.

Binigyang pansin sa

maghapong seminar ang nilalaman ng konstitusy-on ng CSBO; paghahanda ng unibersidad para sa Grand Lantern Parade sa Disyembre 14 at mga pro-gramang naisagawa ng mga Student Council ni-tong nakaraang semestre.

Kasunod nito ang pa-glalabas ng iskedyul sa mga inaasahang gawain ng USSC sa ikalawang semestre kabi-lang ang 2nd Big-In Leader-

Programa ng USSC inilatag sa 1st CLSU-CSBO Conference

Ni John Paul Villamor

ISINA-ENTABLADO ng mga mananayaw ng Mae-jo University (MJU) mula sa Chiang Mai, Thailand ang kanilang kultura sa isang pagtatanghal kasama ang Gintong Ani Philip-pines at Student Cultural Society sa CLSU Audito-rium nitong Oktubre 12.

Naglalayon ang pag-tatanghal na maipak-ita ang kultura, liriko at sayaw ng Thailand

LUMAHOK ang dalawa-ng patnugot ng CLSU Colle-gian sa 2nd European Union (EU) Seminar-workshop for Campus Journalists sa Uni-versity of the Philippines Hotel, Diliman, Quezon City nitong Oktubre 27-28.

Kasama ang piling 46 na campus editors sa buong bansa, sinanay sila Mark Lyndon Fuentes-Antaran (patnugot ng isports) at Kenneth Antolin (patnugot ng opinyon) sa foreign af-fairs reporting na nakatuon sa EU dito sa Pilipinas.

Tinalakay nila G. Julian Vassallo, political counsel-lor ng EU-Philippines, at G. Senen Perlada, direc-tor ng Bureau of Export Trade Promotion, ang re-lasyon ng EU sa Asya at ang relasyong pangkal-akalan ng EU sa Pilipinas ayon sa pagkakasunod.

Samantala, tumang-gap ng tropeo at 500 euro ang sumulat ng lathalaing “Priceless Ticket of Sharing” sa kompetisyon ng pagsu-lat ng lathalain para sa EU.

MJU nagkonsiyerto sa CLSU2 patnugot ng Kule lumahok sa 2nd EU Seminar-WorkshopNi Mark Lyndon Antaran

at maging ng Pilipinas.Ayon kay Dr. Zenaida

M. Serna, alumni relations director, naging matagump-ay ang konsyerto dahil sa suportang ibinigay ng mga estudyante, mga guro at mga kawani ng CLSU.

Sinabi rin niyang binabalak nilang mag-padala ng mga delegadong mananayaw sa MJU para sa kaparehong konsyerto sa darating na Pebrero.

Ang mga delegado ng

Ni Lyndon Macanas

MJU / Pahina 11

Ilan pa sa mga naging aktibidad ang pagbisita ng mga delegado sa National Meat Inspection Office at Department of Agricul-ture kung saan tinalakay ang Trade Relations Tech-nical Assistance Project 2 na sinusuportahan ng EU.

Isa sa mga nagbigay kaalaman tungkol sa foreign affairs reporting si Manule Mogato, Reuters journalist.

Binigyang-diin ni B. Thel-ma Gecolea, public affairs officer ng EU-Philippines, ang layunin ng seminar na magbigay kaalaman sa mga estudyanteng manunulat tungkol sa EU na matagal nang tumutulong sa bansa.

Ang EU ay organ-isasyon ng 27 nagkakai-sang bansa sa Europa at nagpapaabot ng tulong sa maraming bansa sa Asya kabilang ang Pilipinas.

“Hindi karaniwan ang foreign affairs reporting sa mga campus writers kaya na-katulong talaga ang semi-nar,” ani Antolin matapos ang seminar na inorganisa ng Aventcom Group Inc.

ship, CLSU Student Confer-ence, Congress of Campus Leaders, at Career Path and Development Program for Freshmen Students.

Pormal na nanumpang

muli sa katungkulan ang mga bagong opisyal ng USSC kasama ang kabubuo pa lamang na University Block President Council (UBPC) at block officers.

ISA PA. Idinaos ang renewal of oaths ng USSC officers sa pangungu-na ng kanilang chairperson na si Zadieshar G. Sanchez (dulong kan-an) sa ginanap na 1st CLSU-CSBO Conference nitong Nobyembre 15.

Oktubre - Nobyembre 2011LATHALAIN8-9

a bungad pa lamang ay mababanaag na

ang nakalatag na mahabang kapatagan ng lalawigan na nasa gitnang bahagi ng Luzon. Nagniningning ang mga ginintuang butil na malapit nang anihin, animo’y nan-gungusap at kumakaway ng pag-anyayang maligay-ang pagdating sa lalawigan ng Nueva Ecija. Bukod sa mga likas na yaman na tumutulong sa pagpapalayan, hitik din sa mga tala ng kagitingan at kasaysayan ang malawak na kapatagang tinaguriang “Rice Granary of the Philip-pines.” Mula sa Norte, nariyan ang Pantabangan Dam. Sinimulan itong buuin ng taong 1971 at matapos ang anim na taon, nasilayan na ng mga mamamayan ang

pagbubukas nito. Mula sa itaas ay makikita mo ang malawak na katubigan na kinubkob ng mga malalak-ing kabundukan. Ang dam na ito ang nagpapatubig sa 350,000 hektarya ng palay-ang inaanihan ng mahigit isang milyong toneladang palay taun-taon, ito ang nagsu-supply ng Hydro electric power na siyang pinangagalingan ng kury-ente. Mula sa tarangkahan ay matatanaw ang 1.61 kilometro ng dam na may taas na 107 metro. Sa bayan naman ng San Isidro na noo’y kabisera ng Nueva Ecija ay nag ugat ang pag-aalsa laban sa mga mananakop na kastila na tinawag na Unang Sigaw ng Nueva Ecija, ito’y pinangu-nahan ni Mariano Llanera na noo’y Kapitan Municipal

ng bayan ng Cabio. Mahigit kumulang tatlong libong mga rebelde ang nakiisa at nakipaglaban para sa kanilang karapatan. Suot ang pulang pa-nyo, bitbit ang maliliit na bandilang pula at itim, taas nuong nag martsa ang mga rebelde upang kubkubin ang kabisera. Tuwing sasapit ang ika-24 ng Hunyo, sinong hindi mawiwili sa taunang pagdi-riwang ng Taong Putik sa Baranggay Bibiclat bayan ng Aliaga? Mga taong nababal-utan ng makakapal na putik sa kanilang buong katawan at nagsusuklob ng mga bugkos ng tuyong dahon ng saging o mga baging. Sa pagsalubong sa bu-kang liwayway ay nagsisi-labasan sa lansangan ang

Lunduyan W kagitingan at likas na yaman:

SNi Kevin david Estigoy

Oktubre - Nobyembre 2011

yanismo. Ang “Araquio” ay isang dulang nagpapakita ng paglaganap ng Kristi-yanismo, inilalarawan nito ang digmaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Moro. Ang mga pangunahing tauhan dito ay sina Reyna Elena at Haring Constantino mula sa mga Krsitiyano, at sina Erdaliza at Emperador mula sa Moro. Sa Lungsod Agham na-man ng Muñoz, nag-iisang lungsod agham sa buong Pilipinas, ay matatag-puan ang mga ahensya na nagsusulong ng pagtuklas ng agham at teknolohiya upang mapagyaman ang agrikultura at pangingisda. Nandirito ang mga pam-bansang ahensya sa Kaga-waran ng Pagsasaka tulad ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Philip-

mga deboto, nanghihingi ng limos at mga kandila upang ialay sa altar. Ito ay bilang pagalala sa ginawang kabutihan ni Juan Bautista, kasabay noon ay ang pagdaraos ng misang pambayan. Halina’t tunghayan ang pagtatanghal ng mga mamamayan sa katimu-gang bahagi ng lalawigan na binubuo ng mga bayan ng General Tinio, Jaen at Peñaranda. Ang “Araquio” ay pinaniniwalaang isa sa pinakamatandang palabas, tinatayang 125 taon na itong itinatanghal; ito ay maiha-halintulad sa “sarzuela o komedya” noong panahon ng kastila. Ginamit ito ng mga kaparian upang mag-ing mabisang kasangkapan sa pagpapalawak ng Kristi-

pine Center for Posthar-vest Development and Mechanization (PhilMech), Philippine Carabao Center (PCC) at Bureau of Fisher-ies and Aquatic Resources (BFAR); dito rin sa Muñoz matatagpuan ang mahigit isang daan taon nang muog ng edukasyong pang agri-kultura—ang Central Luzon State University; institusyon na naghahatid ng dekalidad na pagtuturo at kahanga-hangang paghubog at paghanda sa kanilang mga mag-aaral. Ito ang lalawigan ng Nueva Ecija--malawak na palayan, magagandang tanawin, makasaysayang lu-gar at malaking puwersa sa pagpapaunlad ng kanayu-nan at kabuhayan; lunduy-an ng agham at teknolohiya para sa makabago at masa-ganang agrikultura.

Lunduyan W kagitingan at likas na yaman:

Ni Kevin david Estigoy

CLSU COLLEGIAN

Oktubre - Nobyembre 2011LATHALAIN10gayon, sa paglabas ko sa CLSU at sa pagharap ko

sa reyalidad ng mundo, baun-baon ko ang mga ‘di matatawarang kaala-man at karunungan na natamo ko sa pamantasang ito.” Ito ang isa sa mga huling salitang iniukit ni Simon Al-cantara, dating associate editor ng CLSU Collegian, sa kanyang huling kolum sa nasabing publikasyon. Makalipas ang lima’t kalahating taong pagkikipagbuno sa unibersidad bilang mag-aaral ng College of Fisher-ies at manunulat ng CLSU Collegian, sa wakas, inihakbang na ni Simon ang kanyang mga paa sa kalagitnaan ng CLSU Graduation Site upang tanggap-in ang kapirasong papel na magsisil-bing susi sa pagbukas ng panibagong yugto sa kaniyang buhay. Sa kanyang paglalakbay patungo sa reyalidad ng buhay, ang mga titik at mga salitang binigyang buhay ay pat-uloy na magsisilbing bakas na minsan – sa kalagitnaan ng hirap at pagod ay may isang manunulat na patuloy na ginagamit ang pluma upang mailabas ang katotohan, na sa apat na sulok ng opisina na puno ng mga manunulat na tanging kape ang nagsisilbing enerhi-

ya sa magdamagang puyatan ay may isang manunulat na nagbibigay saya sa mga kasamahan. Dahil sa kanya, ang mapait na kape ay nahaluan ng tamis ng halakhakan. “Isa siya sa mga pinakamagagaling na manunulat ng kanilang panahon sa Kule. Bukod pa doon, kapag kasama mo siya, kahit anong pagod mo mawawala dahil nakatutuwa siyang kasama,” ani King Ardee Miguel, kasalukuyang associate editor ng Kule. Sa buong panahon ng kanyang pamamalagi sa CLSU bilang mag-aaral, nanatili si Simon na nag-iisang manunulat ng Kule na nagmula sa College of Fisheries. “Ikaw naman, ano ang iyong ga-gawin pagkatapos mo sa kolehiyo?” ang katanungan na minsang nang bumuhay sa inaantok at pagod na mga manunulat Kule sa kanilang presswork. Habang pilit nilalabanan ang antok at binubuhay ang aandap-andap nang mga diwa ang katanungang ito hinggil sa hinaharap at pangarap ay nagsilbing palaisipan lalo na sa mga manunulat na malapit nang iwanan ang unibersidad na kanilang pinag-

Umpisa ng panibagong yugto

seserbisyuhan. Bilang graduate ng BS in Fisheries, pinaplano ni Simon na magtrabaho sa Pilipinas sa loob ng limang taon at pagkatapos ay muling mag-aral para sa kanyang masters degree. Isa rin sa kanyang mga pangarap ay ang makapagtayo ng fisheries-related busi-ness katulad ng grow-out farm, hatchery at native fish restaurant. Sa paghawak ni Simon sa kan-yang diploma at pagtahak sa buhay sa labas ng unibersidad, maiiwan niya ang publikasyon na itinuring siyang pamilya at inspirasyon ng mga nakababatang manunulat. Iiwanan niya ang publikasyon ng mga samu’t saring ala-ala na magpapatawa at magpapaluha sa mga taong naging parte ng kanyang buhay kolehiyo. Wala namang permanente sa mundo. Ang lahat ay nagbabago – ang lahat ay patuloy na umiikot. Subalit sa pag-ikot at pagbabago ng mundo at ng mga taong namumuhay dito, may mga ala-ala na mananatili sa isip at puso ng mga taong naging bahagi ng ugnay-ugnay na buhay ng bawat isa.

“N

Simon G. Alcantara

Isang

mahusay

na m

anunu

lat

Isang

maaasah

ang ka

ibigan

Isang

mabutin

g mam

amaya

n...

Ni Mariell Anne Salatamos

BALITACLSU COLLEGIANOktubre - Nobyembre 2011 11CLSU COLLEGIAN 11

PINANGUNAHAN ng Department of Hotel and Restaurant Management at mga estudyante ng BS Hotel and Restaurant Man-agement (BSHRM) ang 2nd Asian and Western Cuisine Tilapia Festival and Cultur-al Presentation upang ipaki-lala ang kultura at ipatikim ang mga lutuin ng iba’t ibang bansa na ginanap sa Alvarez Activity Cen-ter nitong Septyembre 23.

Mga lutuin mula sa Ja-pan, USA, Cuba, China, Malaysia, Pilipinas, Indo-nesia, Polynesia, Argen-tina, Singapore, Thailand, Mexico, Spain, India, Ko-rea at Vietnam ang inihan-da ng mga estudyante ng BSHRM kung saan gina-mit nila ang tilapia bilang pangunahing sangkap.

Ang mga recipe ng mga pagkaing inihanda sa festival ay mababasa sa librong Asian and West-ern Tilapia Cuisine (Ti-lapia recipes from East and West) na isinulat ni Prof. Dana G. Vera Cruz.

Bukod sa iba’t ibang lutuin, naghanda rin ang mga estudyante ng tradisyunal na sayaw ng mga piling bansa.

Kasama ang program-ang ito sa taunang ga-wain ng College of Home Science and Industry na nagsimula sa pamumuno ni Dr. Hilaria T. Cuares-ma, dekana ng kolehiyo.

ISINAGAWA ng College of Agriculture (CAg) ang taunang product exposition na naglalayong pagyamanin ang kakayahan sa pagnen-egosyo ng mga estudyan-teng kumukuha ng asigna-turang HRM 205, Agri 120 at Eco 205 na ginanap sa CAg Entrepreneurial Labo-ratory nitong Oktubre 7.

Ipinakita ng mga piling mag-aaral mula sa CAg, College of Home Science and Industry at College of Veterinary Science and Medicine ang mga produkto sa temang, “Starting Small Business towards Entrepre-neurial Success: Think, In-novate, Create and Assist”.

Ayon kay Prop. Pablo J. Rafael Jr, department chair ng CAg Agri-Business, hindi madaling humanap ng tra-baho kaya hinihikayat nila ang mga mag-aaral na bu-muo ng sarili nilang negosyo.

“When you put a busi-ness, you can help im-prove the quality of your life and your community

HRM Dept. isinagawa ang 2nd Asian and Western CuisineNi Roy Concepcion

MJU ... pahina 7

GINANAP ang Philippine Fisheries Institutions Net-work (PhilFIN) Fisheries Re-search Forum 2011 noong

as well,” ani Prop. Rafael. “Everything exists in

the market. The importance of this product expo is to help to students to devise a product that will be suc-cessful someday. We like to inculcate in every students’ mind that CSR (Corporate Social Responsibility) is one of their primary obligations to the society,” dagdag niya.

CAg nagdaos ng product expo

Ni Chelsea Sarmiento

Setyembre 22-23 ,2011.Inorganisa ito ng Phil-

FIN sa pakikiisa ng Uni-versity of the Philippines Visayas , Central Luzon State University at Bureau of Agricultural Research- Department of Agriculture.

“We are happy as local organizing committee sa successful sya. The forum was supported by large people- private industry, government agency and academe that are involved in fisheries”, ani Dr. Apo-linario Yambot, dean ng College of Fisheries (CF).

Nagkaroon ng pagtalakay sa kani-kanilang mga pan-analiksikang mga piling tag-apagsalita mula sa Taiwan at iba pang mgakalapit-bansa.

Nilahukan ito ng 42 magtatapos na mag-aaral ng College of Fisheries.

“Magandang opportuni-ty sa mga students to inter-act with other fisheries insti-tution”, ani Jordan Villeza, 4th year student ng CF.

PhilFIN Fisheries Forum 2011 ginanapNi Cristine Joy Ramos

CLSU COLLEGIAN

MJU ay pinangunahan ni Prop. Arkom Kanjana-phachot, vice president for special affairs, kasama niya ang 26 na manan-

ayaw at mga opisyal ng naturang unibersidad.

Nagkaroon ang CLSU ng Memorandum of Agreement sa MJU noong taong 2002.

INDAK. Magiliw na sumasabay sa saliw ng musika ang Gintong Ani-Philippines at Student Cultural Society kasama ang mga ma-nanayaw ng Maejo University sa isang pagtatanghal ng kultura sa CLSU Auditorium nitong Oktubre 12. (Litrato kuha mula sa www.clsu.edu.ph)

BLOCK BUSTER. Pumatok padin sa takilya ang Administration building kahit pa man tapos na ang enrolment matapos itong dumugin ng mga late enrolees.

BALITA12 CLSU COLLEGIAN Oktubre - Nobyembre 2011CLSU COLLEGIAN

Editor-in-chief ng CLSU Collegian, ng ikalawang pwesto sa news writing (English) at ika-pito sa copy-reading and headline writ-ing (English); Carmel Ber-nadette Laturnas, associate editor, ng ika-tatlong pwesto sa development communi-cation writing (Filipino) at ika-siyam sa opinion writ-ing (Filipino); King Ardee Miguel, associate editor, ika-

apat sa poetry writing (Filipi-no); Mark Lyndon Antaran, sports editor, unang pwesto sa sports writing (English), development communica-tion writing (English) at ikalawa sa highest individual pointer; Kenneth Antolin, opinion editor, unang pwesto sa sports writing (Filipino) at ika-anim sa photojour-nalism (Filipino); Aldrin de Leon, head cartoonist, ika-lima sa editorial cartooning

KULE ... pahina 1

and Livelihood Educa-tion (TLE) major at Exten-sion Education (ExEd); at pagsusulat sa freedom wall.

“Ang layunin ng activ-ity na ito ay parangalan ang mga nagawa ng ating mga guro sa pamamagi-tan ng pagkilala sa kanila

(English); at Edwin Respicio, senior staff writer, ika-sampu sa news writing (Filipino).

“Ang mga parangal na aming natanggap ay bunga ng pagbabahagi ng kaala-man at pagsanay sa amin nila Sir Ben Domingo at Sir Regidor Gaboy at su-porta mula sa mga staff ng Collegian,” ani Antaran.

Nakuha ng grupo ang un-ang pwesto sa Best in Edito-rial page at Best in Opinion

page. Ikalawa naman sa Best in Literary page at ikaapat sa Best in DevCom page.

Ang mga nagsipagwagi ay kakatawan sa Region III sa gaganapin na Luzon-wide Higher Education Press Conference sa Pebrero.

Inorganisa ng Associa-tion of Tertiary School Pa-per Advisers of Region III ang RHEPC na may temang, “Transformative press and the Filipino Character”.

TEACHERS’ ... pahina 1

upang pagpasalamat sa kanila,” ani Darhyl Cacan-anta, presidente ng CEdSC.

Nagtapos ang selebra-syon sa pagbibigay ng re-galong tasa at bulaklak sa mga matataas na opisyal at guro ng pamantasan.

CLSU ... pahina 1

kanilang kampanya sa kabila ng pagpigil ng mga guwardiya ng Univer-sity Security Force (USF).

Ayon sa isang guwardiya ng USF, hindi raw maaar-ing umikot ang grupo ayon sa kanilang sulat kay Dr. Ruben Sevilleja, pangulo ng CLSU, sila ay magpipicket lamang sa CLSU main gate.

Ito naman ay mariing

tinutulan ng mga mag-aaral na dumalo sa nasa-bing kampanya sapagkat ayon sa kanila, karapatan nila na lumakad sa bu-ong unibersidad na gina-rantiyahan ng artikulo III seksyon 4 ng konstitusyon ng Pilipinas kung saan ang mga mamamayan ng bansa ay may freedom of speech.

WE WILL ... pahina 1

Nakapaloob ang nasa-bing paggunita sa Lunduy-an 2011, ang taunang pagtiti-pon at seminar ng mga estudyanteng manunulat na may temang “The Writers’ Sanctuary is the People”.

Naglayon ang gawain na maiugnay ang pansaril-ing ideolohiya at panini-

wala ng mga estudyanteng manunulat sa sitwasyon at hinaing ng masa.

“Naging produktibo ang pagdalo namin sa Lunduy-an 2011. Bukod sa nakasama namin ang mga manunulat mula sa iba’t ibang pub-likasyon at maging malapit sa kanila, nagkaroon kami ng

tiyansang linangin ang am-ing husay sa pagsusulat at paninindigan sa mga bagay na nakaaapekto sa ating li-punan. Nakapagmulat ito at marami talaga akong natutunan,” ani Carmel Ber-nadette Laturnas, associaate

editor ng CLSU Collegian.Dumalo sa nasabing

pagtitipon ang mga patnu-got ng CLSU Collegian na sina Mariell Anne Salata-mos, Carmel Bernadette Lat-urnas at King Ardee Miguel.

WAGI. Muling humablot ng mga puwesto ang mga manunulat ng CLSU Collegian na lumahok sa katatapos na 11th Regional Higher Education Press Conference nitong Nobyembre 16-18 na ginanap sa Microtel Inns and Suites, Cabanatuan City.

KOMIKSCLSU COLLEGIANOktubre - Nobyembre 2011 13SURPRISE ni ALDR IN DE LEON

CHEESE IT

KOMIKS IN 3D

ENROLMENT BLUES

PART 2

ni ALDR IN DE LEON

ni ALDR IN DE LEON

ni ROY CONCEPCION

ni ROY CONCEPCION

ISPORTS14 CLSU COLLEGIAN Oktubre - Nobyembre 2011

uli na namang magtatagisan ng galing sa isports ang 13 unibersidad at kolehiyo para makuha ang kampe-

onato na mahigpit na hawak ng Bulacan State University sa maraming taon ang taunang State Universities and Colleges (SUC) III Olympics sa Tarlac State University sa Disyembre 16-21.

Kaugnay nito, sinimulan na ng CLSU ang ‘training camp’ 60 araw bago ang palaro. Marami na ring ‘tune-up games’ ang nilahukan ng iba’t-ibang koponan ng ating unibersidad.

Noong nakaraang taon, nalaglag ang CLSU sa ikawalong pwesto mula sa ika-apat na pwesto noong SUC III Olympics 2009 na isinagawa rito sa unibersidad. Taong 1994 pa nang huling magkampeon ang CLSU sa nasabingpalaro.

Tulad ng pang-araw-araw nating pamumuhay, ang pag-katalo at pagkapanalo sa isports ay nagsisimula sa isip ng bawat manlalaro. Nagsisimula ang pakikibaka ng bawat manlalaro sa kanyang sarili—sa kanyang isipan.

Karaniwan, ang nagtatanggol na kampeon ang nagdudu-lot ng kaba sa mga katunggali nito lalo na sa mga hindi pa sanay sa mataas na antas ng kumpetisyon. Kung namayani ang kaba ng manlalaro, nawawala ang kumpiyansa niyo sa sarili at natatalo na siya kahit hindi pa nagsisimula ang la-ban. Mabisang gamot dito ang mainit na suporta mula sa

ISPORTS EDITORYAL

Laban ng lakas,galing, at isip

Bumandera ang husay ng BS Business Adminis-tration 1-7 matapos ma-naig sa Pep Squad Com-petition na ginanap sa Gymnatorium noong Ok-tubre 12.

“Isinapuso kasi namin ‘yung praktis. Kahit min-san ay niloloko namin, de-sidido kaming manalo,” ani Thea Faye Bautista dating BSBSA1-7.

Kinapos naman sa paghataw ang BS Fisher-ies 1-1 at BS Biology-1 at nagtapos sa ikalawa at ikatlong pwesto, ayon sa

kanyang mga kakampi.Sa nalalapit na palaro kung saan hindi lamang lakas at

galing sa paglalaro ang sinasanay at kinokondisyon kundi pati ang isip ng bawat manlalaro, sapat ba ang ipinapaki-tang suportang moral ng CLSU sa ating mga atleta? Nagpa-paabot ba maging ang mga estudyante ng kanilang suporta sa ating mga koponan?

Sa laro kung saan lakas, galing at isip ang puhunan, nara-rapat na bigyan ito ng atensyon. Lahat tayo ay may respon-sibilidad na magpakita ng suporta sa ating mga atleta na kakatawan sa ating unibersidad.

pagkakasunod.Lumahok din ang mga

estudyante ng ABLL-1, BSHRM-1, EN 3, S 2, S 4, at S 5.

“Pep Squad lamang ito. No throwing... bahagi ng PE 100 na hawak ko,” ani G. Jesmar Luke Bautista na nag-organisa ng natur-ang kompetisyon.

Tumanggap ng tropeo at sertipiko ang mga nanalo. Nagsilbing mga hurado ang ilang miyem-bro CLSU Gintong Ani-Philippines.

BSBA1-7 wagi sa pep squad competition

Ni Ellaine Aquino “3rd place. Kasi maganda yung team ngayon kasi may mga nadagdag at nag improve naman sila.”Bren Kristian Reyes (Football)

“1st place. Malaki ang tiyansa. Mas malakas ngayon kasi mas maraming bago.”Jay-ann Hilario (Athletics)

“3rd place. Mas lumakas yung mga players ngayon, yung support ng ISPEAR mas maganda at pag-papatakbo ni Sir Jay mas naging disiplinado players ngayon.”Roselyn Uy (Billiards)

“Matibay ang mga team games ngayon at maraming re-cruits na galing sa Pangasinan, Palarong Pambansa, CL-RAA kaya hopefully aangat. Siguro 5th place.”John Paul Toldoya (Volleyball)

“We are aiming for gold talaga. Siguro aabot tayo ng 3rd. Kakayanin natin.”Emman Paddayuman (Table Tennis)

SABI NILA... Ano ang magiging pwes-to ng CLSU sa SUC III

Olympics?Kinalap ni Prince Jerson Señorin

M

ISPORTSCLSU COLLEGIANOktubre - Nobyembre 2011 15

ung oobserbahan ang kalagayan ng

isports sa ating unibersi-dad, nakatatak na sa kai-sipan ng mga estudyante na malayo ang kakayahan ng CLSU na matinag ang paghahari ng Bulacan State University (BulSU) sa State Universities and Colleges III Olympics.

Mismong ang direk-tor ng Institue of Sports, Physical Education and Recreation ang nagsabi na ‘given na’ na ang Bul-SU ang magkakampeon. Gaya nga ng sagot niya sa isang pnayam: ikalawang pwesto lamang ang target ng ating unibersidad.

Imposible bang ma-sungkit natin ang kampe-onato? Hanggang ikala-wang pwesto na lamang ba ang nanaisin nating makamit? Wala na bang

Baka nasa lugar ang swerte

maibibigay pang tulong at suporta ang ating uniber-sidad? Ang mga tanong na ito ay para sa mga opisyal na may hawak ng pag-asa ng kalagayan ng isports ng ating unibersidad at sa bu-ong komunidad ng CLSU na pangunahing sandigan ng bawat atleta.

********Halos dalawang dekada

na ang lumipas nang nag-kampeon ang CLSU sa SUC

III Olympics na noo’y State Colleges and Universities Athletic Association III Re-gional Meet. Taong 1994 pa ang huling kampeonato na-tin. Matapos nun ay tila na-kasakay na ating koponan sa bangkang umuugoy-ugoy at may ilang bahid ng muntik na pagkalubog.

Kung hindi man tayo ga-nun kakumpiyansa, di tulad ng nagtatanggol na kampe-on, hindi naman masamang maniwala tayo sa swerte.

Bakit? Noong huling nag-kampeon ang CLSU, gi-nanap ang palaro sa Tar-lac State Unversity na sya ring lugar na paggagana-pan ng palaro sa darating na Disyembre 16. Malay mo, malay natin, nasa TSU ang sagot kung kaya pa nating magkampeon.

********Binabati ko ang CLSU

softball women team na inungusan ang De La Sal-le University softbelles sa kanilang tune-up game.

Congratulations din sa CLSU futsal men and women team na naka-laro sa unang pagkakat-aon ang Philippine futsal team.

Good luck sa buong delegasyon ng CLSU para Sa SUC III Olympics 2011!

Nakaharap ng CLSU Fut-sal Team ang pambansang koponan ng futsal sa Rizal Memorial Sports Complex noong Octukbre 19 bilang bahagi ng walong araw na pagsasanay nito sa Maynila noong Oktubre 15-22.

Bagaman kapwa hindi nagwagi ang CLSU Futsal men at women sa nasabing paghaharap, itinuturing ito ng koponan na pangunah-ing bahagi ng kanilang pag-sasanay para sa nalalapit na State Universities and Col-leges (SUC) III Olympics sa Disyembre 16-22.

Ayon kay coach Cornelio Cruz, ito ang unang pag-

CLSU FC nakaharap ang PH Futsal Team8 araw na pagsasanay sa Maynila

kakataong nakipaglaro ang koponan ng CLSU sa na-tional team na nagpalakas sa kumpiyansa ng ating mga manlalaro.

Samantala, ilan pa sa mga nakalaro ng CLSU Team ang koponan ng Centro Escolar University, University of Santo Thomas, Polytechnic University of the Philip-pines, Perpetual Help Col-lege (main campus), Far Eastern University, South-ville Foreign University, at Alabang United Football Club

Lumahok din ang CLSU sa 1st Ilonggo United 7-a side Football Tournament sa

Ateneo de Manila Universi-ty Football Grounds na nila-hukan ng 32 koponan mula sa iba’t-ibang pamantasan at club.

Nagtapos sa ika-siyam na pwesto ang CLSU sa nasa-bing torneo, kapos ng isang panalo para makapasok sa semifinals.

Sa kanyang panayam sa CLSU Collegian, inihayag ni Cruz na matagumpay ang nasabing pagsasanay sa kabila ng kakulangan ng pondo para sa 30 manlalaro ng CLSU na at pansamanta-lang tumuloy sa Bureau of Animal Industry Dorm, Vi-sayas Avenue, Quezon City

habang nagsasanay sa ka-maynilaan.

“Well prepared na ang CLSU Football Club sa SCUAA. Exposed na sila sa different techniques of gameplay sa dami ng tune-up games, mapa-amateur at professional level of play,” ani Cruz na nagpapaabot ng pasasalamat sa tulong mula sa Petron-Muñoz, sa Muñoz Coaster, at kay Joey Ruiz.

“Prediction ko ay aabot kami sa finals ( ng SUC III Olypmics 2011), “ dagdag pa ng coach na propesor ng Biology.

Ni Mark Lyndon Fuentes-Antaran

K

CLSUCLSU

TATANGKAING sungki-tin ng CLSU ang ikalawang pwesto sa State Universi-ties and Colleges (SUC) III Olympics ngayong taon na gaganapin sa Tarlac State University (TSU) sa darating na Disyembre 16-21.

Mula sa ikawalong pu-westo noong nakaraang taon, inihayag ni Jay C. Santos, di-rektor ng Institute of Sports, Physical Education and Rec-reation (ISPEAR), na ang pinakamagandang mang-yayari para sa delegasyon ng CLSU ay ang makuha ang ikalawang puwesto.

“Hindi tayo umaasa ng over-all championship. Impo-sible at this point,” ani Santos.

“Achievable at this point ang 15 golds. Sigurado, we

Ikalawang puwesto sa SUC III Olympics balak ng CLSU

are better than three golds,” dagdag niya.

Ilan sa mga inaasahan ng unibersidad ang koponan ng softball (women), football, at futsal (men & women) na nagkaroon ng matinding karanasan sa kanilang mga naging pagsasanay.

Nagsimula ang training camp ng mga atleta noong Oktubre 15 -- 60 araw bago ang palaro. Isa sa mga naging stratehiya ng CLSU ang pagsasagawa ng maraming tune-up games at iparanas sa mga manlala-ro ang pagsasanay na ‘com-petition phase.’

Nagkaroon din ng pagsa-sanay sa mga coaches at mga pagpupulong kasama ang mga atleta para mapatibay

pa ang kanilang samahan.Ayon pa kay Santos, kai-

langan pa ng koponan ang suporta ng buong komuni-dad ng CLSU at naniniwala siya na dapat buhayin ang culture of pride sa uniber-sidad kung saan isports ang

pangunahing pagmumulan ng pride.

Humigit-kumulang 370 katao ang delegasyon ng ating unibersidad sa SUC III Olympics 2011.

Huling nagkampeon ang CLSU sa State Colleges and Universities Athletic Asso-ciation III Meet noong 1994 na ginanap rin sa TSU.

CLSU napanatili ang titulo sa SCUFAR III

Tomo XLVII Bilang 10 Oktubre - Nobyembre 2011

NAIDEPENSA ng CLSU ang kampeonato sa sports and cultural festival ng State Colleges and Universities Faculty Association Region III (SCUFAR III) na ginanap sa Tarlac State University (TSU), matapos makakuha ng 33 gintong medalya ni-tong Oktubre 24-26.

Nanguna ang koponan ng mixed softball mix at tug-of-war na humakot ng tig-10 gintong medalya.

Ibinulsa ng CLSU ang apat na gintong medalya sa mixed relay, dalawa sa bad-minton (women) at lawn ten-nis (women), tig-dalawa table tennis (men at women), at isa sa 50 m dash (men).

“We had rigid prepara-tions and full cooperation of the faculty and staff. We also had the full support of the administration,” ani Dr. Rolando Dollete, namuno sa delegasyon ng CLSU.

Inuwi ng Bulacan State University ang ikalawang puwesto na may 28 gintong medalya habang sinungkit ng TSU ang ikatlong pu-westo na may 25 gintong medalya.

Lumahok din sa palaro ang Bulacan Agricultural State College, Don Hilario Ventura Technological State University, Bataan Peninsula State University, Philippine Merchant Marine Academy,

Pampanga Agricultural Col-lege, Tarlac College of Agri-culture, Ramon Magsaysay Technological University, at Nueva Ecija University of Science and Technology.

Layon ng SCUFAR na patibayin ang samahan ng mga guro sa rehiyon. pama-magitan ng pagkakaroon ng isang sports and cultural festival na isinasagawa taun- taon.

Ni Mark Lyndon Fuentes-Antaran

Ni Joden Sumeldan

ISPISP RTSRTSCollegianCollegianCollegianCollegian

TUNE UP. Sumasabak ang CLSU Basketball team sa iba’t ibang mga unibersidad sa pamamagitan ng isang tune up game upang lalong mahasa ang kanilang galing sa paglalaro ng basketball. (Litrato kuha sa internet)