clsu collegian newsletter issue for february 2013 - june 2013

20
www.facebook.com/CLSUCollegian.Official Pebrero 2013 - Hunyo 2013 1 www.collegian.clsu.edu.ph Pebrero 2013 - Hunyo 2013 Tomo XLX Blg. 1 Populasyon ng CLSU tumaas ng 9.55% Miyembro: College Editors Guild of the Philippines sundan sa pahina 16 Isang bagong kasaysayan sa CLSU, Belacha napiling VP ng NEB-PJMA ni Van Alen Lumandas CVSM nanguna sa 2013 NVAT ni Kenneth Antolin Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Nagtala si Voltaire John P. Belacha ng isang bagong kasaysayan sa CLSU mata- pos siyang mapili bilang isa sa labindalawang estudyante na bumubuo sa National Ex- ecutive Board ng Philippine Junior Marketing Association (PJMA). Uupuan ni Belacha ang ika- lawang pinakamataas na pwesto o ang Executive Vice President and COO ng nasabing aso- ni Kenneth Antolin Tumaas ng 9.55% o katumbas ng 1,083 ang bilang ng mga mag-aaral ng CLSU ngayong taon kumpara sa nakalipas na 2012. Base sa datos ng Office of Admission (OAd) nitong Hu- nyo 27, mayroong 11,336 es- tudyante ang opisyal na na-en- roll (officially enrolled) na mas Pinatunayang muli ng College of Veterinary Med- icine (CVSM) ang kanilang pagiging Center of Excel- lence pagdating sa Veter- enary Medicine. Sinungkit ng tatlong 2nd year BS Animal Husbandry students ang una, ikalawa, at ikatlong pwesto sa katatapos na National Veterinary Admis- sion Test (NVAT) na ginanap sa Benguet State University ni- tong Abril 6. Kinabibilangan ito nina Alvin John Oliveros, unang pwesto; Razy Mark Sanchez, ikalawang pwesto at; Leynard Marvin Santos, ikatlong pwes- to, ayon sa inilabas na resulta ng nasabing pagsusulit noong Mayo 3. sundan sa pahina 15 malaki kaysa sa 10,253 noong nakaraang taon. Sa datos na ito, hindi pa kasama ang bilang ng mga es- tudyante mula sa CLSU Science High School, tatlong laboratory schools at Agricultural Science and Technology School. Ang paglobong ito ng popu- lasyon ng unibersidad ay bunsod ng pagpasok ng higit 3,200 na mga first year na pumasa sa Col- lege Admission Test kasama ang mga napailalim bilang proba- tionary status dahil sa presiden- tial discretion. Ang College of Fisheries ang may pinakamalaking ba- hagdan ng pagtaas ng bilang ng estudyante na 24.83% habang sinundan ito ng College of Agri- culture na mayroong 17.61% na pagtaas. Ang College of Veterinary Science and Medicine ay may iti- naas na 10.70% habang 9.47% naman sa sundan sa pahina 14 Belacha LIPAD PA. Kasabay ng paggunita ng ika-106 na pagkakatatag ng CLSU, sama-samang nagpalipad ng mga lobo ang mga matataas na opisyales sa pangunguna ni president Ruben C. Sevilleja (gitna) kasama ang ibang mga empleyado ng pamantasan. (Litrato mula sa PAO) Student Union Building, CLSU, Science City of Munoz, Nueva Ecija

Upload: kenneth-fronda-antolin

Post on 29-Oct-2015

257 views

Category:

Documents


18 download

DESCRIPTION

This is the CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013.Medium: Filipino

TRANSCRIPT

Page 1: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 1www.collegian.clsu.edu.ph

Pebrero 2013 - Hunyo 2013Tomo XLX Blg. 1

Populasyon ng CLSU tumaas ng 9.55%

Miyembro: College Editors Guild of the Philippines

CollegianCLSU

sundan sa pahina 16

Isang bagong kasaysayan sa CLSU, Belacha napiling VP ng NEB-PJMA

ni Van Alen Lumandas

CVSM nanguna sa 2013 NVAT

ni Kenneth Antolin

Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University

Nagtala si Voltaire John P. Belacha ng isang bagong kasaysayan sa CLSU mata-pos siyang mapili bilang isa sa labindalawang estudyante na bumubuo sa National Ex-ecutive Board ng Philippine Junior Marketing Association (PJMA).

Uupuan ni Belacha ang ika-lawang pinakamataas na pwesto o ang Executive Vice President and COO ng nasabing aso-

ni Kenneth Antolin

Tumaas ng 9.55% o katumbas ng 1,083 ang bilang ng mga mag-aaral ng CLSU ngayong taon kumpara sa nakalipas na 2012.

Base sa datos ng Office of Admission (OAd) nitong Hu-nyo 27, mayroong 11,336 es-tudyante ang opisyal na na-en-roll (officially enrolled) na mas

Pinatunayang muli ng College of Veterinary Med-icine (CVSM) ang kanilang pagiging Center of Excel-lence pagdating sa Veter-enary Medicine.

Sinungkit ng tatlong 2nd year BS Animal Husbandry students ang una, ikalawa, at ikatlong pwesto sa katatapos na National Veterinary Admis-sion Test (NVAT) na ginanap sa Benguet State University ni-tong Abril 6.

Kinabibilangan ito nina Alvin John Oliveros, unang pwesto; Razy Mark Sanchez, ikalawang pwesto at; Leynard Marvin Santos, ikatlong pwes-to, ayon sa inilabas na resulta ng nasabing pagsusulit noong Mayo 3.

sundan sa pahina 15

malaki kaysa sa 10,253 noong nakaraang taon.

Sa datos na ito, hindi pa kasama ang bilang ng mga es-tudyante mula sa CLSU Science

High School, tatlong laboratory schools at Agricultural Science and Technology School.

Ang paglobong ito ng popu-lasyon ng unibersidad ay bunsod ng pagpasok ng higit 3,200 na mga first year na pumasa sa Col-lege Admission Test kasama ang mga napailalim bilang proba-tionary status dahil sa presiden-tial discretion.

Ang College of Fisheries ang may pinakamalaking ba-hagdan ng pagtaas ng bilang ng estudyante na 24.83% habang sinundan ito ng College of Agri-culture na mayroong 17.61% na pagtaas.

Ang College of Veterinary Science and Medicine ay may iti-

naas na 10.70% habang 9.47%

naman sa

sundan sa pahina 14Belacha

LIPAD PA. Kasabay ng paggunita ng ika-106 na pagkakatatag ng CLSU, sama-samang nagpalipad ng mga lobo ang mga matataas na opisyales sa pangunguna ni president Ruben C. Sevilleja (gitna) kasama ang ibang mga empleyado ng pamantasan. (Litrato mula sa PAO)

Student Union Building, CLSU, Science City of Munoz, Nueva Ecija

Page 2: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

2 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU BALITA

“Improve services.”Ito ang saad ng napiling

bagong university librarian na si Ms. Nuelah F. San Juan na dat-ing head ng technical services cataloguer ng University Library na epektibong nagsimula nitong Hunyo 13 para sa taong panu-ruan ng 2013-2014.

Nagtapos sa Saint Louis University si San Juan sa kur-song Bachelor of Science in Education , major in Library Science at Master in Library Sci-ence naman sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman.

Plano ng 48-anyos na si San Juan na lalong pag-ibayuhin ang dating nasimulan ng nakaraang librarian na si Mrs. Zoraida Bar-tolome.

“To improve the book col-lection, library materials and the physical arrangements of the li-brary”, saad niya. “In the future, air-conditioning of each library sections.”

Batid din ng kasalukuyang kumukuha ng doctor’s degree in Education Management na si San Juan na hindi sapat ang pambili ng mga libro at ang mainit na temperatura ng natur-ang gusali.

“Hindi enough ang pam-bili ng books at mainit sa loob”, saad niya. “Kaya ibinaba namin ang ilang tables na nasa taas.”

“Books that are needed by the students can be made avail-able especially foreign books na napakamahal ng presyo,” pani-niguro ni San juan.

Binanggit din ng bagong librarian na magdadagdag ng bagong electric fans.

Samantala, nilinaw ni San Juan na maaari ng pumasok ang mga estudyanteng naka-shorts ngunit ito pa rin ay base sa dis-cretion ng nagbabantay.

“Papapasukin na ang mga naka-shorts, pero hindi ang mga nakasuot ng indecent dress like spaghetti dress sa babae at sando para sa lalaki,” saad niya. “Pero nakabase pa rin iyan sa discretion ng nagbabantay.”

Hinikayat din ni San Juan ang mga estudyante na kapag may problema ay lumapit la-mang sa kanya para maaksyu-nan ang mga ito.

“Improve services” -San Juanni Kenneth Antolin

Naglaan ng P2 Milyon si Dr. Ruben C. Sevilleja, presi-dente ng CLSU, na pondong galing sa Commission on Higher Education (CHED) para sa ipinagawang Speech Laboratory.

“The president told us (the college) that there is a grant com-mission and the department has been set aside a portion of this fund from CHED”, pahayag ni Prof. Adelina B. Soriano, chair-person ng English and Humani-ties department.

Dagdag pa ni Soriano, nag-kakahalaga ng P1.1M ang na-sabing gusali, samantalang P9M naman ang inilaan para sa mga kagamitan nito kabilang na ang

mga headsets para sa 30 booths at teacher’s console.

Ipinatayo ang gusaling ito upang magamit sa pagsasalita ng-wikang Ingles sa mga dayuhang mag-aaral ng unibersidad.

“This building is for the stu-dents of CLSU, then we have English 105-Speech Communi-cation, ABLL students and of course for the other colleges that are in need of that,” sabi ni So-riano.

Karagdagan dito ay para sa mga mag-aaral na kumukuha ng Voice and Diction at Public Speaking subjects.

“Grateful ako to the presi-

P2M inilaan sa Speech laboratoryni Josh Ann Marie Aguilar

Limang bagong Cer-tified Public Accountants (CPA) ang nakapasa at bumuo sa 38.46% passing rate ng CLSU sa katatapos na CPA Licensure Board Examination nitong Mayo 2013.

Sina Sharmaine Cabanting, Robelyn Collado, Roxanne Ra-mos, Romelaine Santiago, at

Mark Anthony Tangonan ang pinalad na pumasa sa 13 na ku-muha ng pagsusulit mula sa Col-lege of Business Administration and Accountancy kumpara sa nakaraang taon na 24 na nakapa-sa sa 27 na sumubok.

“Mababa ngayon ang pass-ing rate ng CLSU kung iku-kumpara [sa] last year passing rate dahil ang basehan ay ang

national passing rate na mababa din sa ngayon,” sabi ng Chair ng Department of Accountancy na si Mrs. Nancy Mulles. “So far ito na ang pinakamababang rating ng national for five years.”

Umabot ng 1,553 ang bi-lang ng nakapasa sa 5,665 na nagtangka at may 27.41 % ang national passing rate sa nasabing eksaminayon.

“Pero always above the na-tional ang CLSU dahil kumpa-ra sa ibang school CLSU pa rin ang palaging nangunguna since then sa CPA board exam” dag-dag pa ni Mulles.

Inaasahang humigit ku-mulang 50 ang muling susubok sa darating na CPA board exam sa darating na Oktubre ngayong taon.

5 gradweyt ng CLSU pumasa sa May 2013 CPA licensureni Elaine Aquino

sundan sa pahina 3

San JuanGusali ng Speech Laboratory

Page 3: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 3www.collegian.clsu.edu.ph BALITA

Inilipat na sa Regional Science Training Center (RSTC) building ang De-partment of Mathematics and Physics (DMP) mula sa College of Arts and Sci-ences( CAS) main building.

Ito ay dahil sa lumalak-ing populasyon ng naturang kolehiyo ayon kay Dr. Renato Reyes, dekano ng CAS.

Agad ipinalipat ang DMP nitong Pebrero 1 nang malaman na sakop ng CAS ang RSTC ang paliwanag ni Reyes. Idinagdag pa niya na mas magaganda at malalaki ang mga laboratoryo at iba pang pasilidad sa RSTC, na maaaring magamit ng Physics Department kaya doon niya ito ipinalagay.

Samantala, pumalit na-

man sa dating kinalalagyan ng DMP ang Psychology De-partment na mayroon ng psy-chometric lab, experimental lab at lecture room.

Bukod dito, isinalaysay ng dekano ang iba pang mga proyekto gaya ng pagkakal-agay ng mga CCTVs para sa seguridad at ang lahat ng silid-aralan sa kolehiyo ay gagawing multimedia lecture room na tulad ng sa Biology Depart-ment.

“We are promoting ex-cellence in this campus at dapat lang kasi nasa academic institution tayo,” diin ni Reyes. “We are supposed to promote excellence, excellence not only in teaching but excellent ka, halimbawa, sa facilities at faculties.”

DMP inilipat sa RSTC buildingni Josh Ann Marie Aguilar

Umukit ng kasaysayan si Dr. Romeo S. Gundran, dekano ng College of Veterinary Sci-ence and Medicine bilang kauna-unahang Outstanding Profesional of the Year sa la-rangan ng Veterinary Medicine ng CLSU sa kakatapos na 2013 Philippine Regulation Commis-sion Awards.

Sa temang “PC C.A.R.E.S for Nation Building and Competitive-ness”, ginanap ang naturang pag-

Dekano ng CVSM pinarangalan ng PRCKauna-unahan sa kasaysayan ng VetMed CLSU

ni Van Alen Lumandas

paparangal nitong Hunyo 20 sa Fi-esta Pavilion, Manila Hotel kasabay ng 40th Founding Anniversary at Professional Regulation week ng naturang ahensya.

Kinilala si Dr. Gundran kasama ang iba pang mga prope-syonal sa iba’t ibang mga larangan dahil sa mga natatanging katan-giang kanilang ipinamalas sa kani-kanilang mga propesyon.

Binubuo ng walong miyem-bro ang panel of judges na pawang

mga kasapi ng Philippine Veteri-nary Medical Association (PVMA) at pinili ang mga nominees base sa mga natanggap nilang PVMA Dis-tinguished Professional Award.

Kasama sa mga nominado ay ang mga iba’t ibang mga propesyu-nal sa larangan ng Veterinary Medi-cine na galing sa iba’t ibang paman-tasan at kolehiyo sa bansa.

“It’s an added prestige and honor for the college being the dean, at the same time, for the uni-

versity ,” saad ni Gundran. Bukod sa iginawad na plaque

of recognition ng PRC, nakatang-gap din si Gundran ng P5,000 mula sa Program on Awards and Incen-tives for Service Excellence Com-mittee ng CLSU.

Pumangatlo ang CLSU Reserve Officer Training Corps (ROTC) unit sa nag-daang Regional Annual Ad-ministrative Tactical Inspec-tion na ginanap sa CLSU Oval nitong Pebrero 28.

Nagtala ng 97.61% ang CLSU na nagdala sa ikatlong puwesto, samantalang nan-guna ang Tarlac College of Agriculture(TCA) na may 98.2%, habang pumapangalawa ang Bulacan Agricultural State Colleges (BASC) na nakalikom ng 97.7%.

Umani rin ng ibat-ibang parangal ang yunit sa nasabing’ inspeksyon. Nailuklok sila sa

CLSU ROTC pumangatlo sa RAATIni ElLaine Aquino

dent kasi naalala niya na kailangan magset aside at sa CHED for giv-ing us the fund”, wika niya. “And kay dean who is very supportive to us (department), and to God.”

“Masaya ako kasi, dahil may speech lab na tayo, mas mae-en-

hance na at madedevelop yung skills natin sa pagsasalita ng Eng-lish”, pahayag ni Geraldine A. Valdez, ABLL2. “Saka magiging training ground na rin natin yun para mapractice natin ang pagsa-salita sa harap ng maraming tao.”

P2M inilaan ...mula sa pahina 2

Gundran

ikalawang puwesto sa Adminis-trative Aspect na may iskor na 98.61%, maging sa Ceremonial Parade at Method of Instruc-tion na may 98.34% at 99.33% ayon sa pagkakasunod.

Samantala, tinanghal muli ang yunit na may outstand-ing performance sa isinaga-wang pagsusulit sa MS 31 at 32 (100%), MS 41 at 42 (100%), MS 1 at 2 (100%) at DRRO/First Aid Demonstration (99%)

Mula sa isang dekadang paghahari ng CLSU-ROTC mula 2002 hanggang 2012 sa RAATI, nakilala ang yunit sa pagkakaroon ng mahabang

PAGTATAPOS. Kasalukuyang nakikinig ang mga estudyanteng ito habang nagbibigay ng mensahe si president Ruben C. Sevilleja sa tau-nang Graduation Ceremony ng CLSU-ROTC.(Litrato mula sa CERDS)

sundan sa pahina 14

Page 4: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

4 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU OPINYON

CLSU Collegian

Ang paglalagay ng dalawang pedestrian lanes o zebra strips sa Maharlika Hi-way harap ng maingate ay nagpapahiwatig na wala ng saysay ang CLSU overpass. Muli nang dadami ang aksidenteng mai-tatala.

Pinasinayaan noong Nobyembre 16, 2009 dito sa CLSU ang kauna-unahang overpass sa Nueva Ecija sa layuning maiwasan ang dumaraming bilang ng mga aksidenteng naitala ng pulisya sa mga na-kalipas na taon. Hiniling ito sa pamunuang panlalawigan ng nasabing probinsya nang sa gayo’y hindi maging biktima ang mga mag-aaral ng CLSU. Ngunit nakalulungkot, pinatay ng mga zebra strips ang layunin nito.

Makikita ang mga strips mga 10 metro mula sa ilalim ng overpass at mga nasa 40 metrong layo naman ang isa pa. Kung pagmamasdang mabuti, mali ang paglalagay ng mga ito lalo’t mayroong overpass na nakatayo sa hindi kalayuan mula rito. Ano ang maaaring maging re-sulta?

Imbes na aakyat sa halos apat na metrong taas ng overpass, mau-udyukang tumawid ang mga estudyante gamit ang mga strips. Bakit? Dahil wala pang 20 hakbang ang gugulin nila para maisakatuparan ang pagtawid kumpara sa nakapapagod na paghakbang sa overpass.

Dahil dito, muling nagkaroon ng posibilidad na tumaas ang bi-lang ng naitatalang aksidente sa hi-way. Sa mga blotter reports na aming nakalap mula sa University Security Force (USF), lumilitaw na mayroong 10 aksidente ang naitala nito lamang nakalipas na apat na buwan at karamihan sa mga ito ay dulot ng banggaan ng mga sasaky-an. Nakalulungkot ngunit ang ilan sa mga biktima ay hindi nagawang makaligtas. Isa nga itong nakaaalarmang sitwasyon!

Samantala, tama ang pagtawid sa daanan gamit ang strips. Kaya walang dahilan ang sinomang naatasan na magbantay para hulihin ang mga hindi tumatawid gamit ang overpass. Ang strips, gaya ng over-pass, ay dinesenyo para tawiran ng mga tao. Kaya maliwanag na ile-gal ang panghuhuli ng mga naatasang security guards sa mga nakikita nilang tumatawid gamit ang strips. Kung gayon, ano pang saysay ng overpass kung mayroong mga strips na ito? Ano pa nga ba talaga ang gamit nito kung bawal din naman palang tumawid gamit ang puting guhit na ito?

Isa ngang malaking kalituhan ang strips para sa aming mga es-tudyante. Kung tatawid ba kami gamit ang strips, nakasisiguro ba kaming hindi kami huhulihin ng USF o sinumang naatasan na naka-bantay doon na silang magpapataw ng kaparusahan? Malinaw na wala silang karapatang manghuli.

Hindi rin magkasuwato ang ipinaskil na isang ordinansa na nag-babawal tumawid sa hi-way bagkus ay gamitin ang overpass. Pero ka-musta nga ang napakaputing strips na inilagay katabi ng overpass? Anong saysay nito?

Maliwanag na mayroong mali sa mga bagay na ito. Mukhang na-liligaw ang strips na ito. Mas kailangan itong ilagay sa loob mismo ng CLSU at hindi sa hi-way na kung saan hindi malinaw kung ilan nga ba ang katamtamang bilis ng isang sasakyan.

Para magkaroon ng kalinawan, kinakailangan ang isang masusing pag-aaral. Kailangan itong aksyunan ng nasa awtoridad para lubos na magamit ang overpass. Kailangan itong masusing pag-isipan.

Pag-isipan

Editoryal

Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist | Van Alen N. Lumandas: Associ-ate editor | Karina Yvonne D. Pascua: Managing editor | Ellaine M. Aquino: Opinion editor | Paul John P. Villamor : Sports editor | Prince Jerson M. Senorin: News editor |

Jessa M. Rarama: Feature editor | Christopher E. Narne: Cartoonist |King Philip Briitanico, Ramon Rarama, Lorelyn Casita, Ruwan

Weerakkody, Josh Ann Marie Aguilar, Jose Carlo Alarilla:Probationary staffers

Patnugutan ng unang semestre A.Y. 2013-2014

Dahil sa mga dumaraming katanungan ng mga mag-aaral ng ating pamantasan ay minabuti ng pahayagang ito na maglaan ng es-pasyo upang magbigay kasagutan sa mga katanungang naglalaro sa inyong mga isipan.

Karamihan sa mga estudyante sa ating unibersidad ay nag-tatanong kung saan nga ba napupunta ang kanilang binabayaran na Development Fee. Saan nga ba napupunta ito?

Para sa ating kaalaman, ang kabuuan ng perang nakolekta mula sa Development Fund para sa Academic Year 2012-2013 ay umabot ng P8,426,984.

Ayon kay Ginang Loreta L. Gavina, Senior Administrative As-sistant I ng Accounting Office ay hinahati sa tatlo ang Development Fund na nakokolekta bawat semestre. Una, ang 10% ang napupunta sa Office of the President, ikalawa, ang 30% naman ay nakalaan para sa Student Development Fund at ikatlo, ang pinakamalaking porsyento ay napupunta sa Office of the Vice President for Aca-demic Affairs.

Ang pera na nakalaan para sa Student Development Fund (SDF) noong nakaraang taon ay umabot ng P1,436,040.30 at P1,092,054.90 naman ng ikalawang semestre . Ginugol ang pondo para sa Training, Intramural-Inter-Collegiate, Other MOOE-Financial Assistance, General Services, Other Supplies and Materials at Lantern Parade na umabot ng P1,839,714.9. Ang natirang P950,020.30 mula sa SDF ay nakalaan pa rin para sa mga estudyante at kanilang mga proyekto.

Saan nga ba?ni Jessa M. Rarama

Page 5: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 5www.collegian.clsu.edu.ph OPINYON

Kaunting Konsensya

Kenneth F. [email protected]

ROAD RUNNER

“Hindi humahaba ang kalsada sa tuwing umuulan.”

Panahon na ng tag-ulan. Panahon na ng basang lansan-gan. Siyempre pa, lalakas ang kita ng mga NATO drivers.

Sa kasalukuyan, umabot na sa humigit 11,000 ang bi-lang ng estudyante ng CLSU. Isang indikasyon na madaming pasahero ngayong panahon ng tag-ulan. Mahirap nga namang mabasa lalo na kung papasok ka pa lamang sa klase.

Ngunit nakalulungkot, tila umaabuso ang ilang NATO drivers sa kasagsagan ng mat-inding pangngailangan ng mga estudyante sa kanila, maging ng mga ilang guro pa nga, lalo na sa mga panahong mapan-ganib at malakas ang pagbuhos ng ulan.

Kamakailan lamang ay isang estudyante ang nagrekla-

mo, (bagamat hindi na ito bago sa pandinig ko) sa paniningil sa kanya ng sobra sa nararapat lamang na pamasahe. CLSU hanggang Bagong Sikat ay siningil umano siya ng nagka-kahalaga ng P50. Kung iisipin, sobra-sobrang pamasahe pap-untang Cabanatuan City.

Umulan man o umaraw, dapat ay ganoon padin ang sin-gil sa pamasahe. Labindalawa-ng piso kapag isa ang sakay, P9 kapag dalawa, at P8 kapag tatlo ang sakay. Bakit? Dahil unang una, hindi humahaba ang kal-sada kapag umuulan. Hindi rin lumalakas ang konsumo ng gasolina kapag malamig ang panahon o basa ang kalsada. Samakatuwid nga, walang da-hilan para itaas ang singil ng pamasahe sa kahit anong uri pa ng klima.

Nakapagtataka din na pai-ba-iba ang singil ng ilang driver

ng NATO. Mayroong sisingi-lin ka ng P20 kapag papuntang Marketing, ngunit galing ka lang sa USSC building. May-roon namang mababait na P18 balikan mula CEn papuntang marketing.

Samantala, mayroong mga driver na nagsasauli pa nga ng mga gamit kapag na-kaiiwan ang estudyante sa loob ng kanilang tricycle. Ngunit nakalulungkot na mayroong iba na sinisikmura ang katiting na halaga kapalit ng kanilang dignidag at reputasyon.

Isa pang problema bukod sa iregularidad sa paniningil ng pamasahe ay ang kwestyunab-leng pamimili ng isasakay. Kawawa ang mga nakatira sa dulong bahagi ng unibersidad. Kawawa ang mga mag-aaral ng College of Agriculture at College of Fisheries. Kung napagkaitan man sila ng mati-nong kalsada, sana naman, huwag silang pagkaitan ng maayos na serbisyo ng tricycle lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Mayroon pa, ilan ba ta-

sundan sa pahina 6

Nagtatanong lang poNitong mga nakalipas na semestre, inulan ng pagpuna ang ka-

kaibang istilo ng dentista ng CLSU infirmary. “Multi-tasking”! Kasi habang may estudyante na nagpapalinis ng ngipin ay maya’t mayang nagte-text o tumatawag pa nga. ‘Yung ideya na habang nagre-reply o sumasagot siya sa cellphone ay nakanganga ang pasyente na kulang nalang ay malunok ang mga likidong naipon sa kanilang bunganga. Tama po kaya na sa panahon ng serbisyo ay nagte-text o tumatawag kayo? Ito po kaya ang tamang panuntunan na sinusunod ninyo? Hindi naman po masamang mag-text o tumawag kapag nasa trabaho paminsan-minsan, ngunit sa kasagsagan ng paglilinis ng ngipin na kung saan 360 degrees na nakanganga ang bunganga ng pasyente. Ganoon po ba talaga ang tamang istilo habang may pasyente? Alam po ba ninyo na nasa kasagsagan kayo ng serbisyo? Alam po ba ito ng pamunuan ng ospital?

****Nitong mga nakalipas na linggo, isang estudyante ang nagrekla-

mo sa isang NATO driver dahil sa sobrang paniningil ng pamasahe. Sinabi ng estudyante na siningil siya ng P50. Siya ay galing sa CLSU patungong Bagong Sikat. Hindi naman po siguro magkasinglayo ang Cabanatuan at Bagong Sikat para singilin ang estudyante ng ganoon kalaki. Alam po kaya ito ng presidente ng unibersidad? E ang pres-idente ng NATO? Umaaksyon po ba kayo sa ganitong usapin? O aaksyunan po ba kaya ninyo ito?

***Noon pa man ay mayroon nang multa ang mga nahuhuling mag-

pasa ng kanilang Form 6 sa kanilang mga guro. Mayroon pa ngang kapag absent ka sa first day of class ay magmumulta ka! Nito lamang ay naging usap-usapan ang paniningil ng P10 (P50 pa nga!) kung ikaw ay nahuli sa pagpasa ng iyong Form 6. Ngunit, bakit kailangang mag-bayad ng kaukulang multa para rito? Ano po ang basehan ninyo sa paniningil nito? Saan po ninyo ito ginagastos? Alam po kaya ito ng nasa awtoridad? Nasa regulasyon o polisiya po kaya ito ng unibersi-dad?

***Normal na lang na makakakita ng mga estudyante (lalo na ang

mga First year) na madaming uri ng libro ang kanilang hawak. Bawat isa ay nauubligang bumili dahil nakalagay sa loob ng bawat libro ang mga takdang aralin at ilang pagsusulit. Nakatutuwa ngunit hindi pwe-deng ipa-xerox ang bawat pahina na naglalaman ng mga nasabing pagsusulit na kung titignan ay halos Xerox-quality din naman ang bawat kopya ng ilang libro. Ano po bang mas mahalaga? Ang sagot na ipapasa ng mag-aaral o ang kalidad ng papel na pinilas sa librong pagkamahal mahal na dapat ay may pilas din para tanggapin po ninyo?

***Inaabot na ng gabi ang mga estudyante sa pag-uwi dahil na rin sa

kanilang mga klaseng umaabot ng 7pm - 9pm. Ngunit kapansin-pan-sin ang tila aandap-andap na mga liwanag sa mga kalsada sa loob ng CLSU. Napakadilim at sadyang mapanganib. Hindi po kaya pwedeng gawing maliwanag ang mga ilaw na mga nakakabit sa bawat sidewalks at pathways sa loob ng unibersidad? Kailan po kaya magliliwanag ang mga daanan sa mga kalimitang dinadaanan ng mga estudyante? Kailan magiging ganap na street lights ang street lights?

Page 6: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

6 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU OPINYON

Sabi NilaTinanong namin ang ilang mag-aaral ng CLSU kung ano ang masasabi nila

tungkol sa polisiya na pagtatanggal sa mga propesor na walang Masters Degree, sabi nila…

Mas maganda ito para mapataas pang lalo ang standard ng university natin. --- Mer, CEn

Roadrunner ...mula sa pahina 5laga ang maaaring kapasidad ng isang tricycle bawat byahe? Base sa impormasyong nakalap ko, pinakamarami na ang tat-long sakay bawat byahe. Pero nakalulungkot, madami padin ang nagsasakay ng apat pataas na mga pasahero. Ang resulta? Nag-uumapaw na tricycle na ku-lang nalang ay maupo sa gawing manibela ang driver at uupuan pa ang bubungan nito.

Nakalulungkot ngunit sa dinami dami ng mga pasahero ay nakukuha pang maging gahaman ng ilang driver. Maaaring ida-hilan ninyo na ipinipilit ng mga estudyanteng ito dahil sa sila ay mga magkakaibigan o magkaka-tropa. Pero malinaw na sa gay-ong mga kalagayan, kayo po na mga driver ang mas nakaaalam ng tama at mali. Hindi po masa-mang sumuway at ipatupad ang

protokol ng NATO, minsan ang nagpapahirap ay ang suwayin ang sariling kagustuhan. Ano po bang mas mahalaga? Ang seguri-dad ng estudyante o kapakanan ng inyong bulsa?

Totoo na madami pang bagay ang kapansin-pansin sa unibersidad, lalong higit ang bawat pag-uugali at serbisyo ng ilang empleyado ng unibersidad. Maaaring wala na tayong (mga estudyante) magagawa dito pero nakasisiguro ako na mababago din ito balang araw. Marahil mas makabubuting ituring na mga sariling kamag-anak na lamang nila ang bawat pinaglilingkuran nila. Ituring ng bawat empleya-do partikular ng mga driver ng NATO na kamag-anak nila ang kanilang sakay sa bawat byahe nila nang sa gayo’y magkaroon ng kaunting konsensya.

Estudyante lang po kami!

Van Alen N. Lumandas [email protected]

UNDERSCORED“Bakit po ba sila aalis?”“Bakit po ba magtatang-

gal ng guro ang CLSU?“Paano naman po yung

magagaling na teachers na walang master’s degree?”

Ang mga ito ay iilan la-mang sa mga tanong ng mga estudyante maging ng mga alumni ng CLSU sa loob ng ilang buwan sa bali-balitang pagtatanggal ng mga gurong walang Master’s (MS) Degree. Maging ang publikasyong ito ay naglathala ng isang edito-ryal patungkol sa isyung ito. Marami ang naging reaksyon na negatibo na naririnig at makikita maging sa mga social networking sites gayundin ang mga haka-hakang may kinala-man ito sa mainit na pulitikang nagaganap sa pamantasan. Kaya upang maliwanagan ang lahat, isa-isahin natin ang mga

dahilan kung bakit at paano nagdesisyon ang pinakama-mahal nating pamantasan ukol sa usaping ito. Ito ay ayon sa isang fakulti ng CAS na aking napagtanungan.

Una, ang mga guro sa State Universities and Col-leges (SUCs) at Local College and Universities (LCUs) ayon sa Resolution No. 1200638 ng Civil Service Commis-sion (CSC) ay kinakailangan makakuha ng “master’s degree in the area of specialization” dahil ito ang minimum re-quirement upang patuloy si-

lang makapagturo.Pangalawa, bilang isang

SUC, kinakailangang ipatupad at tumalima ng CLSU sa pata-karang ito.

Pangatlo, bilang konsid-erasyon, patuloy pa ring pina-hintulutan ang ating mga guro na walang MS Degree na mag-turo at binigyan ng palugit na

limang taon upang tapusin nila ito. Noong 2008, pinaalahanan ang ating mga guro na tapusin na ang kanilang MS Degree. Ngayong taon ay ang pangli-mang taon na palugit na ib-inigay ng pamantasan kasabay ang pag-aaplay ng CLSU para sa isang institutional accredi-tation. Kung kaya ang mga gurong hindi natapos ang MS Degree ay kinakailangan ng tanggalin noong April 30.

Kabilang ako sa maaram-ing estudyante na nagtaka at naguluhan. Ngunit naintindi-

“Magkakaroon kaya ng sapat na karunungan ang mga estudyante sa pagtuturong hi-law kumpara sa pagtuturong pinanday na ng maraming

taon ng karanasan?”

sundan sa pahina 7

Kinalap ni King Philip Britanico

Nawala na yung mga magagaling na teacher, lalo sa course namin. Dapat hinayaan na lang sila kahit mag-retire man lang --- Chel, CAS

Malaki yung epekto dahil sa department namin, kulang na kulang kami ng maayos at magagaling na guro, lalo na at bago ang kurso namin, nawala ang mga magagaling. --- Karen, CAS

Kung iyon ang nararapat, bakit hindi? Mga estudyante din naman ang makikinabang. --- Marlon, CEd

Mas maganda siguro kung hahayaan nalang nila hang-gang magretiro, madami na ding mga experience sa pagtuturo ‘yung mga ibang natanggal. Sayang. --- Jenny, CAg

Sa palagay ko hindi magandang master’s degree ang base-han. Kasi madaming propesor ang hindi nagtuturo, minsan nga lang kung magturo sa isang buwan! Sila dapat ang tang-galin at hindi ang mga mahuhusay na bachelor’s degree pero daig pa ang doctor’s degree kung magturo. --- Ann, CBAA

Nakalulungkot nga ‘yun. Pero syempre pa wala na tayong magagawa kasi natanggal naman na. Pero sana din pati mga manyak, bastos, tamad, at mga manghuhulang propesor eh ali-sin na din. Mas lalong maganda ‘yun! --- Lea, CHSI

Page 7: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 7www.collegian.clsu.edu.ph OPINYON

Fishball

Paul John P. [email protected]

TAKEDOWN

“Kagaya ng mataas na ebal-wasyon ninyo sa kagandahan ay gayundin sana ang taas ng inyong tingin sa nilalamanlan.”

Ipagpalagay na ikaw ay naatasang mag-evaluate nang press releases ng dalawang magkaibang publikasyon na kung saan ang isa ay nakalatha-la lamang sa simpleng coupon bond na xerox copy at yung isa ay makulay at maganda ang packaging, alin sa dalawa ang bibigyan mo ng mataas na evaluation? Malamang sa malamang , alam ko na ang tu-matakbo sa isip mo.

Natural at alam kong alam mo yan kaibigan na mas iaangat mo ang publikasyong naglabas ng makulay at magan-dang packaging kumpara sa na-ka-xerox copy lang na malabo at maitim-itim pa ang dating ng mga litrato ng bawat artikulo. Totoong mabisa ang tinatawag nilang ‘aesthetic appeal’ at nai-ibang packaging upang halina-

hin ang ating mga mata, ngunit bago ka siguro magbitaw ng komento lalung lalo na kapag iyo na itong isasapubliko, mas mainam siguro at maaari mo pang maipayo sa iba ang mga katagang ‘read before you speak’ at ‘going beyond the limits’.

Balikan natin ang isinu-lat ko sa unang talata nang artikulong ito na ikaw ay pag-palagay na mag-eevaluate, ito kasi ay batay sa totoong se-naryo. Kasalukuyang idinad-aos noong nakaraang taon ang ika-49 na Intramurals sa ating unibersidad na kung saan ay nakatutok ang mga mag-aaral ng CLSU sa eksena na kinau-ugnayan ng kanilang mga si-

nusuportahang kolehiyo, ang iba’t-ibang college-based pub-lications maging ang CLSU Collegian ay kapit-na-kapit sa pinakaaabangang aktibidad na ito sa unang semestre. Dahilan sa nakagawian na at maliit lang kasi ang nilalaan para sa intrams special issues, xerox copy lang

na may 7-8 pahina lamang ang pinamimigay ng CLSU Kule. Bilang sentral na publikasyon ng CLSU, hindi maikakaila na wala kami sa paglutang ng ganda ng ibang press releases ng mga college-based pubs na bukod sa maganda sa paningin ay talaga namang kaakit-akit.

Paunmahin po sa aming panig, gayundin sana kayo sa amin. Di naman lingid sa kaala-man nating mga mag-aaral na dalampu’t dalawang piso at singkwenta sentimos lamang ang natatanggap ng aming pub-likasyon na kapag pinagsama-sama ay nasa humigit-kumulang dalawang daan libong piso kada semestre. Malaking numero

Underscored ...mula sa pahina 6han ko ang sitwasyon ng mala-man at maipaliwang sa akin ito ng mabuti. Sa pagtatanong na-min sa ibang guro ukol sa isyung ito, sa kasamaang palad, imbes na ganitong sagot ang kanilang ibigay, wala kaming natanggap na kongkretotong paagpapali-wanag. Ilan sa kanila ay hindi daw masyadong alam iyon. Sabi ng isa naming pinagtanungan, policy is policy daw at wala na tayong magagawa. Iyon na nga po, wala na tayong magagawa. Ang punto lamang po namin ay bakit ang ibang mga guro ay hindi maipaliwanag ng mabuti sa estudyante ang isyu at bakit hindi man lamang ito ipinaalam at ipi-naliwanag ng mga nakatataas sa

aming mga estudyante? Kailan-gan po bang ilihim sa amin ito? Oo nga pala, mga estudyante lang naman po kasi kami at hindi naman ganoon kahalaga ang am-ing mga saloobin at magiging reaksyon. Nakakahiya naman po sa inyo. Ipagpatuloy lamang po ninyo yan.

Ang pagtatanggal sa mga gurong Bachelor’s Degree la-mang ang tinapos at ang pag-tanggap sa mga may MS Degree ay makapagpapataas ng “kalidad ng edukasyon” sa CLSU ngunit magkakaroon kaya ng sapat na karunungan ang mga estudyante sa pagtuturong hilaw kumpara sa pagtuturong pinanday na ng maraming taon ng karanasan?

Kinalap ni King Philip Britanico

ilan lamang ito sa mga maaaring maging katanungan natin.

“Sa totoo lang, puro black eye nga ang tinatamo ng Philip-pine boxing sa ngayon,” ayon sa ating boxing analyst na si Atty. Ed Tolentino.

Malaki naman ang tiwala ni Tolentino at sa iba pang mga Pilipinong boksingero na makakabawi pa ang mga ito sa mga susunod na sabak. “No-body is a champion forever. Down the road, ipapasa ni Man-ny Pacquiao, ipapasa ni Nonito Donaire ang kanilang trono, ko-rona sa succeeding Pinoy fight-ers,” dagdag pa ni Tolentino

Sadyang may mga pagka-kataon na tayo’y masadlak sub-

alit hindi nito ibig sabihin na kumupas na ang husay ng isang manlalaro.

Gayunpaman, magwagi man o mabigo ang ating mga atleta nagsislbi pa rin silang mga bayani ng ating henera-syon dahil sa kanilang dedi-kasyon lakas ng loob at pagma-mahal sa ating bayan, na walang takot irepresenta ang ating bansa para patunayan na tay-ong mga Pilipino ay hindi pa-pahuli at patuloy pa rin nilang pinakikilala ang Pilipinas bilang perlas ng silangan na may mga manlalarong maipagmamalaki sa larangan ng isports at dapat na kilalanin bilang mga world class champions.

Spasmodic ...mula sa pahina 18

sundan sa pahina 17

Isa ka bang makata? Hilig mo ba ang sumulat ng tula, maikling kwento, prosa at sanaysay?

Kung OO, ito na ang pagkakataon mo! Maging bahagi ng Genre, ang opisyal na pampanitikang aklat ng CLSU Collegian.

Lahat ng likha ay dapat tumalakay at may kilalaman sa salitang KAMANDAG.

Isumite ito sa opisina ng CLSU Collegian o sa CLSU Collegian offical FB page. Ilakip ang pangalan at pirmahan.

ISANG PAANYAYA

Page 8: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

8 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU

Sa isang unibersidad gaya ng CLSU, ang isang katulad niya na may kapansanan ay hindi karaniwan sa paningin ng karamihan. Nakatatawag-pansin ang kanyang kalagayan dahil imbis na sakay ng isang pampasadang sasakyan gaya ng mga karaniwang estudyante na pumapasok araw-araw, siya ay lulan ng isang silyang de gulong.

Pamilya

Simula ng siya ay ipinanganak, dala na niya ang kanyang ka-pansanan na ayon sa mga doktor ay walang lunas. Maituturing na isang kalbaryo para sa karamihan ang pagkakasadlak sa ganitong uri ng sitwasyon. Mga mapanuring tingin at mga bulung-bulungan mula sa mga taong nakapaligid ang karaniwang mararanasan.

Ika-pito sa walong magkakapatid at ang tanging anak na lalaki sa pamilya nina G. Josefino Tabing, isang Mechanical Supervisor sa isang Engineering Company at Gng. Leonila Tabing na isang butih-ing asawa at ina. Malaking bahagi ng oras ng kanyang papa ay naituon nito sa kanyang trabaho subalit hindi ito nagkulang sa mga payo at suporta para sa kanya.

Malaking porsyento rin ng kanyang lakas ng loob ay nagmumula sa kanyang mga kapatid na tumutulong sa kanyang moral at pinan-siyal na pangangailangan. Subalit ang isa sa mga taong nais niyang pasalamatan ay si Enzo Lapurga.

Dalawampu’t isang taong gulang, mabuting kapitbahay, mapag-malasakit sa kapwa at isang matalik na kaibigan si Enzo. Sa sampung taon bilang magkaibigan ay masasabing kilala na nila ng lubusan ang isa’t isa. Si Enzo ang nagsisilbing mga paa para sa kanya simula ng tu-mungtong siya sa kolehiyo. Sa araw-araw niyang pagpasok sa pamantasan ay kaagapay niya si Enzo na matiya-gang naghihintay at umaalalay sa kanya.

Edukasyon

Siya ay nakapagtapos mula sa Gui-mba East Central School, kung saan ginugol niya ang kanyang buhay bi-lang isang pangkaraniwang bata. Sub-alit hindi tulad ng karanasan ng ibang mga batang pumapasok sa paara-lan, siya ay makikita lamang na masayang pinanunuod sa hindi kalayuan ang kanyang mga

LATHALAIN

kamag-aral habang ang mga ito’y masaya na naglalaro at masiglang nagtatakbuhan.

Ngunit sa kabi-la ng kanyang ka-lagayan, itinu-turing niyang isa itong m a s a y a n g parte ng k a n y a n g b u h a y kung saan itinaya niya ang anim na taon sa elementarya. Mapalad siyang na-katagpo ng mga matutulungin at maaalahaning mga kaklase at mga guro na umunawa sa kanyang sitwasyon.

Isang guro ang tumatak sa kanyang murang isipan. Si Ginang Belinda Dionisio, ang kanyang butihing titser sa ika-apat na baitang na nagsilbing isa sa kanyang mga inspirasyon upang magpatuloy sa kanyang pag-aaral at sa buhay.

Kinahiligan niya ang History at Science. Naging aktibo rin siya sa paglahok sa mga Quiz Bees dahil na rin sa lubos-lubos na suporta at tiwalang nagmula sa kanyang pamilya, mga guro at mga kaklase. Umakyat siya sa entablado na puno ng galak at isa sa mga nagkamit ng karangalan nang sila ay nagsipagtapos sa elementarya.

“Ibang-iba ang hayskul,” tugon nito nang ta-nungin ang kanyang persepsyon bago tumung-tong sa bagong kabanata ng kanyang edukasyon.

Hindi na siya naging aktibo sa mga aktibidades kumpara noong siya’y nasa elementarya sapag-kat nakita niya ang lumalawak na kompetisyon

s a kanyang paaralan. Nagkaroon siya ng mga

butihing kaibigan nang siya ay nasa high school

at hindi nakaranas ng anumang uri ng pang-aalipusta

mula sa mga tao sa paligid niya.

Sa loob ng dalawang taon na inilagi niya sa Our

Lady of the Sacred Heart College, natu-

tunan niyang mag-adjust sa mga sitwasyon

na nangangailangan ng pasensya at un-

“Kailangan sa akin na may disability, gumawa ng statement sa ibang tao na mayroon akong ibubuga, na hindi dapat ako

ma-bully kasi alam ko ‘yung mga rights ko.”o0o

Si Reginald kasama si Enzo

Page 9: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 9www.collegian.clsu.edu.ph

awa. Hindi maiiwasan ang mga pagkakataon kung saan mas pinipili na lamang niya na hindi na sumama sa mga lakad ng kanyang mga kabarkada dahil ninais niyang huwag maging pabigat sa ibang tao.

Labag man sa kanyang kalooban ay kinailangan niyang humin-to sa pagsisimula ng kanyang ikatlong taon sa sekondarya dahil sa pagkakaroon niya ng Third Degree Pressure Ulcer dala na rin ng kanyang matagalang pag-upo sa silya de gulong.

Sa mga panahong ito ay naramdaman niya ang isang matinding depresyon, hindi dahil sa pagkakaroon ng isang kapansanan niyang kinalakhan kundi sa panghihinayang na siya’y mapag-iiwanan ng kanyang mga kamag-aral at kaibigan.

Sa loob ng isang taon ay nag-aral siya sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) na isang programa ng ating gobyerno na tumutulong sa mga estudyanteng hindi nagkaroon ng pagkakataon na tapusin ang sekondarya dahil sa mga kanya-kanyang kadahilanan. Buong taon ay pinadadalhan siya ng mga modules at activities bi-lang habol sa mga panahon na dapat ay nagugol sa ikatlo at ika-apat na taon. At noong Disyembre 2012 ay kumuha siya ng Accredita-tion and Equivalency Test , isang malaking pagsusulit upang maka-tanggap ng high school diploma sa pagtatapos ng taong panuruan.

Sa tatlong daan na nagsipagtapos sa ALS ay isa siya sa mga es-tudyanteng may ngiti sa mga labi habang iniaabot ang kanilang mga diploma nitong Marso 26.

Ang pagpasok sa kolehiyo ay isang panibagong hamon para sa kanya, isang bagay na kung tutuusin ay hindi madali para sa bawat mag-aaral. Higit ang bigat na kanyang daranasin kumapara sa mga estudyanteng walang kapansanan ngunit ang kaniyang pagpupursigi at dedikasyon sa pag-aaral ang kanyang pinanghahawakan upang patuloy na harapin ang mga pagsubok na darating sa kanyang buhay bilang isang estudyante sa isang pamantasan tulad ng CLSU.

Pangarap

Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang papa na siyang nag-udyok sa kanya upang mangarap maging isang Engineer. Subalit in-iurong niya ito sapagkat isina-alang-alang niya ang kanyang kapasi-dad laban sa kanyang kagustuhan. Ayon sa kanya, mas mapapanatag siya sa pagkuha ng Business Course dahil hindi lubos na kinakailan-gan ang mga pisikal na aktibidades. At mula rito, nabuo ang kanyang pangarap na maging isang Certified Public Accountant (CPA).

“Gusto ko talaga makapasok ng Accountancy. Yung hindi ako magshi-shift ng Manangement. Makapasa ng board at magtatra-baho. ‘Pag my sarili na akong pera ay magtatayo ako ng sarili kong negosyo, ” tugon nito sa tanong tungkol sa kanyang mga hangarin sa buhay.

atsiReginaldo0o

ng silyang de gulongAng istorya sa likod

Isinulat nina Jessa M. Rarama at Karina Yvonne O. Pascua

Nais din niyang ibigay lahat ng kagustu-han ng kanyang pamilya sa sarili niyang sikap at pagtitiyaga.

“Huwag manghus-ga ng basta-basta. Kasi hangga’t hindi pa nila nakikita na walang kay-ang patunayan ang isang tao, hindi dapat nang-huhusga dahil sa pisikal [na anyo],” ang mensahe niya sa lahat ng estudy-anteng nakararanas ng pang-aapi.

Pinatunayan niya na ang pagkakaroon ng ka-pansanan ay hindi had-lang upang magkaroon ng isang normal at ma-sayang buhay. Hindi rin ito dahilan upang siya ay tumigil sa pag-abot sa kanyang mga panga-rap. Dahil para sa kanya, hindi ang pagkakaroon ng kapansanan ang prob-lema bagkus ay kung paano tingnan ang pag-kakaroon ng kapansanan.

Kasama ng mga ta-ong nagmamahal at patu-loy na sumusuporta sa kanya, si Reginald Tabing ay patuloy na sasabay sa gulong ng buhay lulan ng kanyang silyang de gulong. Si Reginald ay sumasalamin sa isang tao na puno ng pag-asa na sa kabila ng isang mabigat na pasanin ay hindi tumi-tigil sa pag-usad patungo sa kanyang inaasam na tagumpay.

"Huwag manghusga ng basta-basta. Kasi hangga't hindi pa nila nakikita na walang kayang patunayan ang isang tao, hindi

dapat nanghuhusga dahil sa pisikal [na anyo]."

Si Reginald habang nakaupo sakay ng silya de gulong kasama si Enzo

Page 10: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

10 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSULATHALAIN

University of the Filipinas. Bangko Sentral ng Filipinas. Filipinas Airlines. Filipinas Daily Inquirer. Republika ng Filipinas. Filipinas kong mahal. Finoy ako, Finoy tayo (?!). It’s more fun in the Filipinas. Ano pa?

Isang malaking kontrober-siya ngayon ang naging kapasi-yahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na ibalik ang ‘Fili-pinas’ bilang opisyal na pangalan ng ating bansa.

Sa isang resolusyon na pin-irmahan ni Virgilio S. Alma-rio, tagapangulo ng KWF, at ng kanyang mga kagawad noong ika-12 ng Abril 2013, nasasaad na pinapipigil ang paggamit ng ‘Pilipinas’ “upang mapalaganap ang opisyal at modernisadong ka-tawagan ng bansa na kumikilala sa kasaysayan at pag-unlad ng pagk-abansa nito.”

Nakasaad din sa resolusyon ang unti-unting pagbabago sa iba’t ibang mga kasangkapan at entidad na may tatak na ‘Pilipinas’ tungo sa ‘Filipinas’. Ngunit hindi naman ito magiging sapilitan “lalo sa mga entidad na naitatag sa panahong wala pang ‘F’ sa al-pabetong Filipino.”

Ang kapasiyahang ito ng KWF ay naging dahilan ng pag-batikos mula sa iba’t ibang mga sektor sa lipunan lalo na sa mga kilalang social networking site ngayon. Mayroon namang mga gumawa ng katatawanan ukol dito sapagkat ang salitang ‘Filipinas’ ay

nagpapakilala sa mga kababaihan sa ating bansa (e.g.University of the Filipinas).

Filipinas, Philippines, Pilipi-nas. Ayon sa artikulo ni Almario sa Dyaryo Filipino noong 1992, sinabi niya na ang pagkakaroon ng tatlong pangalang ito ang sinto-mas ng ating pambansang pagka-lito. Napili niya ang una sapagkat ito raw ang orihinal na pangalang ibinasbas sa ating bansa.

‘Filipinas’Noong Nobyembre 1542,

pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos ang isang expedisyon patungong Spice Islands sa si-langan. Matapos niyang makarat-ing sa Mindanao noong Pebrero 1543, nagtungo naman siya sa isla ng Samar at Leyte na kalaunan ay tinagurian niyang ‘Las Islas Feli-penas’ bilang pagkilala kay Prin-sipe Felipe na anak ni Haring Car-los I ng Espanya. Ito ay nabago na lamang sa ‘Filipinas’ sa nakara-ang tatlong siglo na paninirahan ng mga Espanyol sa ating bansa.

‘Philippines’Walang pagtatala na nagsasa-

bi kung kailan unang ginamit ang salitang ‘Philippines’. Lumaganap na lamang ito mula nang angki-nin ng mga Amerikano ang ating bansa sa pamamagitan ng Treaty of Paris noong ika-10 ng Disy-embre 1898. Ang salitang ito ay nagmula naman sa pangalang Philip na katumbas ng Felipe sa Espanyol.

Bagamat sa internasyonal na pagkakakilala sa atin sa pangalang ito, ayon kay Almario, ito pa ang unang kailangang mabura sapag-kat ito ay tatak ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa.

Tumutol naman ang karami-han sa mga netizens sa argumen-to niyang ito at nagsabi na maging ang ‘Filipinas’ ay naging tatak din ng pananakop ng mga Espanyol.

‘Pilipinas’Ayon kay Almario, lumitaw

lamang ang ‘Pilipinas’ nitong bungad ng ika-20 siglo bilang pagpapalaganap ng mga ma-

nunulat sa lumang abakadang Ta-galog na walang titik F. Ang sali-tang ito ay Tagalog na salin mula sa ‘Filipinas’ na, ayon sa mga netizens, sumasagisag sa kagustu-han nating magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.Tungo sa modernisasyon

Ang pagiging modernisado ng ating alpabeto ang isa sa mga naging pangunahing dahilan ng KWF para ibalik sa ‘Filipinas’ ang pangalan ng ating bansa. Ngunit minsan, ang pagsunod sa daloy ng modernisasyon ay nagiging da-hilan din ng pagkalimot natin sa ating kultura at pagkakakilanlan. Ang paggamit ng titik F sa ‘Filipi-nas’ ay nangangahulugan ng pag-sunod sa daloy ng modernisasyon at maging sa pagkilala sa orihinal na pangalan ng ating bansa. Sa kabilang banda, ang paggamit ng ‘Pilipinas’ ay nangangahulugan ng ating kagustuhan na kumawala sa gapos ng kolonyal na nakaraan at sa kagustuhan na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.

Sa ngayon, wala pang nagig-ing desisyon si pangulong Benig-no S. Aquino III ukol sa isyung ito. Ito ay mandato ng KWF. Ngunit sa bandang huli, sina Nene at Pepe pa rin ang toto-ong nakaaalam kung saan ang kanilang lupang sinilangan.

Filipinas mula sa mga Es-panyol, Philippines mula sa mga Amerikano, Pilipinas mula sa mga Pilipino—saan ka?

Filipinas: Ang bagong

Ferlas ng Silangan?Isinulat ni Prince Jerson Señorin

Page 11: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 11www.collegian.clsu.edu.ph

Naloko na ni Ramon D. Rarama

Palipas oras ni Ramon D. Rarama

Matinong kausap ni Ramon D. Rarama

Mag-aaral ni Ramon D. Rarama

Grades ni Ramon D. Rarama

May talento ka ba

sa pagsusulat? sa pagguhit?

sa paglalapat? sa pagkuha ng litrato?

Kung meron, ISA ka sa hinahanap namin!

Ang publikasyong ito

ay magsasagawa ng

Qualifying Examination sa darating na

Hulyo 22 - 26, 9AM - 6PMsa opisina

ng CLSU Collegian, Student Union Building

tapat ng Lagoon at

katabi ng Alumni Building.

Ano pang hinihintay mo? Huwag nang

magpatumpik-tumpik pa, SALI NA! at maging kaisa namin

sa malawakang pagbabalita at pamamahayag ng samu’t saring usapin

sa loob at labas ng unibersidad!

Para sa higit pang impormasyon, kontakin lamang sa alinmang numerong ito:

0935-175-09200926-845-13130905-938-3190

Psst... ihinto mo muna ang iyong pag-iyak sa

katatawa! Basahin mo muna ‘to!

KomiksMasaya ni Ramon D. Rarama

Page 12: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

12 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU

Bawat pihit at bawat konting paggalaw ng ibat ibang bahagi ng iyong katawan ay may katumbas na dahilan at ibig sabihin.Pag pintig ng puso para sa pag ma-mahal, pag iling ng ulo para sa pagtanggi,pag taas ng dalawang kilay para sa pag sang ayon, ngiti para sa kasiyahan , pag tulo ng luha para sa sakit na nararamda-man at hikab para sa pagpupu-nyagi at pag titiis hindi lamang para sa iyong sarili kundi sa mga taong higit na umaasa sa iyo.

Isang taon nalang mag-tatapos na ko,isang taon na-lang makakatulong na ko,isang taon nalang mapag aaral ko na si Nene,isang taon nalang hindi na maghihirap si inay, isang taon nalang may maipag mamalaki na ko sa ama kong nang iwan sa amin,isang taon nalang sana…pero tila bakit ang isang taong iyon ay di na dadating pa? Gani-to naba kasama ang humikab sa loob ng klase? Para palabasin ka at wag pakuhanin ng pagsusulit?

Ganito naba ang nagagawa ng pag hikab para makita ko ang sarili kong nakakulong sa isang rehas na kinakalawang?

Tanda ko ang mga araw na na nag pupuyat ako na mag lako ng kung ano-ano sa lansangan may maipang baon lamang,may maibayad lamang sa librong gin-to ang halaga at may maitulong man lang sa kapatid at ina kong mahina na.Araw ng pag susulit noon, medyo huli na kong naka-pasok, bukod sa sumasakit ang ulo ko dahil sa ilang araw naring pag pupuyat makumpleto lang ang kulang ko sa matrikula upang makakuha ng pagsusulit, kumak-alam pa ang sikmura ko dahil mula kagabi wala pa kong nailal-aman dito.Ilang minuto lang nag-simula narin.Di ko mapigilan ang pag hikab ko…antok na antok na ko, di ko namalayang kinakausap pala ako ng guro namin, marahil sa gutom,pagod at antok di ko siya napansin bagkus humikab pa ako sa harap niya. Nagalit

siya! Sa pag kakataong iyon narinig ko siya.

“Lumabas ka sa loob ng silid na ito! “ umaalingaw-ngaw na sigaw niya.Nagulat ako, biglang nawala ang an-tok ko.

“Pano po itong exam ko?” di nyo-“ di niya ko pinatapos bag-kus kinuha niya ang sa-gutang papel ko at pi-nunit sa harap ng mga kaklase ko.

“Umalis kana kung ayaw mong ipa-hila pa kita mula sa upuan mo!, Mag exam

Kaman o hindi sa tingin mo makakapag tapos ka? Sa tingin mo ba ipapasa ko ang isang tu-lad mong bastos?! Wala karin naman kakayahang mabayaran ang matrikula mo! Isang kahid isang tuka na nga lang nagagawa mo pang pumasok!”. Unti unt-ing nag dilim ang paningin ko! Pakiramdam ko wala na kong kilala! Hawak ko ng mahigpit ang panulat ko.Di kona alam pa ang mga sumunod na nangyari pero nakita kong duguan ang palad ko,rinig ko ang hiyawan ng mga nasa paligid ko at naramdaman kong may mga kalalakihang ku-muyog sa akin! Walang sawa nila ko hinagupit ng kung ano-anong bagay…wala sa isip ko ang galos ,ang pasa at sakit ng katawan na mararamdaman ko dahil inii-sip ko palang ang mga nabasag na pangarap ko para sa kapatid kong gustong makapag aral , ang ina kong nag kanda kuba-kuba na para lang matulungan akong makapag tapos, ay nasasaktan na ko, mas masakit malamang hindi ko na sila matutulungan pa kumpara sa mga sugat na na-tatamo ko.Nakita ko nalamang ang sarili kong hinihila papasok sa rehas habang tinatawanan ng mga animo’y mga nanonood sa nagpapatawang payaso.

Nalaman kong binawian na ng buhay ang guro ko.Ilang araw narin akong nanginginig sa gutom at pagal sa mga pagmam-alupit sakin ng mga kasama ko sa preso.Pero sa ilang araw na iyon di ko pa nasisilayan ang Ina ko at sa bawat araw na nagdadaan tila nawawalan na ako ng pag asang makalaya pa sa maduming presong iyon.

Dahil sa pagkalat ng

balita,Nalaman ni Ina na na-kakulong ako, Pinuntahan niya ko kasama ang kapatid kong mas payat pa sa akin na ilang araw ng di pa kumakain.Maigi nyang hin-awakan ang kamay ko, hinaplos niya ang mukha ko habang nag uunahang bumagsag ang mga luha niya.Alam kong hinahaplos niya ang mga pasa sa katawan ko, pero tila di ko ito maramdaman dahil manhid na ang mga ito.

“Aalis na kami…Tandaan mong mahal na mahal kita anak”. Iyon ang huling salitang narinig ko kay Ina.Matapos ang usapang iyon, ayaw ko mang bumalik pa muli sa tila impyer-nong silid na iyon ay wala akong magawa.Nakita kong nakangisi ang mga dimonyong nasa paligid ko…Inikutan nila ako, Maya-maya pay hinawakan ng isang barako ang dalawa kong braso, di ko magawang makapalag at isa isa ko nalamang sinalo ang mga sipa’t suntok nila.Nahintakutan ako ng may ilabas na panulat ang isa sa kanila katulad ng panulat na ginamit ko nung pagsusulit.Namanhid na ng tuluyan ang katawan ko at tanging pag pa-tak nalamang ng aking luha ang nararamdaman ko.

“Mahal na Mahal din kita Ina” Salitang di ko alam kung masasabi ko pa sa kaniya.Ka-sabay non ang pag pikit ng dalawang mata ko at pagtigil ng pagpintig ng puso ko.Na kahit sa huling pagkakataon,Ako ang tanging masama sa paningin ng iba na walang alam kundi kutyain ang mga hamak na tulad ko at mag bulag-bulagan sa tunay na katotohanan sa likod ng mga nagawa ko.

Sa Likod ng Hikab ni Toto

“Ganito na ba ang nagagawa ng paghikab para makita ko ang sarili kong nakakulong

sa isang rehas na kinakalawang?”

Isinulat ni Lorelyn Casita

Lakbay Pangarapni Lorelyn Casita

Lakad patungo kung saanLakbay sa baku-bakong daanKahit sikmuray alang laman

Pagpapatuloy nasimulang laban

Malayo si Ina’t AmaMatagal bago ko muli silang makita

Madalas mang butas itong bulsaKakayanin kahit pagal na pagal na

Pag aaralan ilan mang pahina ng libroDi iindahin ulan at bagyoLuhay pipigilang tumulo

Makatapos lamang sa kolehiyo!

Ano pa’t magwawakas din ito…Balang araw makaka apak narin ako sa entablado

Pangarap malapit ng matamoMaipagmamalaki diplomang hawak ko!

Page 13: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 13www.collegian.clsu.edu.ph CollegianPanitikaNSa Likod ng Hikab ni Toto

Bukas Paggising Ko!ni Lorelyn Casita

Kahapong ayaw ng balikanMga luha lamang na nasayang

Huwag na nga sanang ipag pilitanKahit nag mumukhang katanga tanga sa karamihan

Sino kaba para bigyang pansin ko?!Isa kalang namang hamak na tao

Kung baga wala dapat sa mundong itoDahil kapag nakikita ka…

Kasama niya!Buhay ko’y gumuguloAt puso’y gumuguho!

Ilang beses ng nag paka boboKahit na nasasaktan, ika’y patuloy na sinusuyoIlang beses naring sa pader ay iumpog ang ulo

Baka matauhan ako’t ika’y isuko!

Bibitaw,lalayo sayo!“Oo” iyon ang plano!

Bukas pag gising ko…Wala kana sa lintik na pusong ito!

Lakbay Pangarapni Lorelyn Casita

Lakad patungo kung saanLakbay sa baku-bakong daanKahit sikmuray alang laman

Pagpapatuloy nasimulang laban

Malayo si Ina’t AmaMatagal bago ko muli silang makita

Madalas mang butas itong bulsaKakayanin kahit pagal na pagal na

Pag aaralan ilan mang pahina ng libroDi iindahin ulan at bagyoLuhay pipigilang tumulo

Makatapos lamang sa kolehiyo!

Ano pa’t magwawakas din ito…Balang araw makaka apak narin ako sa entablado

Pangarap malapit ng matamoMaipagmamalaki diplomang hawak ko!

CLSU

Tunayni King Philip G. Britanico

Hindi hilig ng masa ang ganitong klaseng paksaWalang tatangkilik at wala ding dadagsa

Pero kailangan natin to para mailabas ang tunayNa ang buhay ay mahiwaga at iba't iba ng kulay

Gamitin ang regalo ng langit sa mabutiAlisin ang pinagkaiba ng itim at putiNa magkakapantay ang lahat ng uri

Ang iniidulo at tinitingala ay dapat sinusuri

Ibukas ang isip at imulat ang mataWag magbulag-bulagan, gumising ka!Habaan lang ang pangunawa at pisiSa hinaharap ay wala kang pagsisisi

Page 14: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

14 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU BALITA

Nagtala ng 56.67% pass-ing rate ang CLSU College of Engineering matapos pu-masa ang 17 gradweyt nito sa nakaraang November 2013 Civil Engineering Licensure Examination (CEnLE) na ginanap sa magkakahiwalay na examination centers sa Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Le-gazpi City at Lucena nitong Mayo 6-7.

Kabilang sina Abel Jan D. Acapuyan, Amado Reed C. Agad, Michelle B. Aquino, Tina

B. Blancas, Kyle Eduard G. Cor-tez, Ludy Marisse M. Dagdag, Saturnino R. Fabro Jr., Nico Al-drin P. Faustino, Dominick D. Gabres, Ralph Jayson A. Loto, Marijun R. Morales, Rommel M. Novesteras, Edanniel O. Pascua, Daren Derek L. Ponce, Gychelle A. Rubio, Joemar B. Sevilla, at-Gezavil E. Villegas sa listahan ng inilabas na resulta nitong Mayo 6 ng Professional Regulation Commission.

“If the CLSU passing per-centage is higher than the na-tional passing percentage then

CLSU nagtala ng 56.67% passing ratesa November 2013 CEnLE

the performance is good,” saad ni Dr. Ireneo C. Agulto, dekano ng College of Engineering.

“Makikita rin natin sa re-cords na for the past few years, approximately, 90% ng passing rate results ng CLSU ay mas mataas sa national passing rate,” dagdag pa ni Agulto.

Bahagyang naungusan ng CLSU ang national passing rate na 42.82 % lamang.

Ginanap ang Oathtaking Ceremony nitong Hunyo sa Cul-tural Center of the Philippines Complex, Pasay City.

ni King Philip G. Britanico

panahon na pagiging kam-peoon matapos manguna ng walong magkakasunod na taon sa buong rehiyon.

Bumaba ng dalawang puwesto ang ROTC na nag-silbing hamon para sa mga sususnod pa na taon.

“Dahil din sa mababang rate ng enrolees sa ROTC ng nakaraang taon kaya biglang bumaba iyong performance natin, wala din masyadong praktis dahil sa maraming programang nagawa noon sa NSTP, Ganun din sa fa-cilities at rifles, ” ayon kay Sgt. Christopher Narne na instructor ng ROTC. “Sisi-kapin namin na makuha ulit ang pagiging kampeon at para sa hamon ni Pres. Sevilleja, kailangan naming magpursigi .”

Tinatayang humigit 1000 ang bilang ng enrolee ng ROTC ngayong semester at naniniwala ang yunit na malaki ang maitutulong nito sa muling pagkuha ng trono sa susunod na RAATI.

“Sana mai-provide na yung mga facilities, kulang sa blackboard, gayon din sa fi-nancial budget at mas pagha-handaan na namin ng mas maaga,” dagdag pa ni Narne.

CLSU ROTC ...mula sa pahina 3

College of Engineering. Tumaas din ng 8.47% ang

bilang ng mga mag-aaral sa Col-lege of Arts and Sciences ha-bang 8.24% naman sa College of Business Administration and Accountancy at 7.62% naman sa College of Education.

Samantala, bumaba ng 0.21% ang bilang ng mga es-tudyante sa College of Home Science and Industry.

Base sa dekana ng OAd na

si Dr. Melissa Agulto, hindi pa ito ang pinal na bilang ng mga enrolled students ngayon dahil mayroon pang mga late enrollees at mga hindi pa opisyal na naka-babayad ng matrikula.

Sinabi rin niya na ang kumpletong bilang ng enrollees ngayong taon ay malalaman la-mang sa kalagitnaan o halos sa dulo na ng semestre.

Samantala, isiniwalat na-man ng College Testing Evalua-

tion Center director na si Prof. Milagros A. Santos na mayroong 6,466 ang kumuha ng eksami-nasyon ngayong taon kumpara sa 5,781 noong nakaraang taon at aasahan ding madadagdagan pa ang bilang ng mga ito dahil sa mga late examinees at mga iskolar na manggagaling sa ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development na kukuha pa ng eksaminasyon.

Populasyon ng CLSU ...mula sa pahina 1

WAGI. Ginawaran ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence ng Certificate of Recognition sina Rich Milton R. Dulay (ikaapat mula kaliwa); Dr. Renato G. Reyes, dekano ng College of Arts and Sciences; (gitna) at Dr. Sofronio P. Kalaw, direktor ng Center for Tropical Mushroom, Research and Development, (ikaapat mula kanan) matapos manalo ng Best Poster sa kanilang “Mycelial Growth Response and Mycoremediation Activity of Coprinus comatus on CuSO4-Contaminated Media” sa 13th National Annual Scientific Conference na ginanap sa Cebu Business Hotel, Cebu City nitong Mayo 22. Kasama sa paggagawad sina president C. Sevileja kasama ang apat ng vice presidents at ng direktor ng Research ng pamantasan. (Litrato mula sa PAO)

Psst..Basahin mo to!

PAUNAWAWalang sinumang First Year ang pina-hihintulutang sumali sa kahit anu-mang organisasyon dito sa campus.

KAPARUSAHAN:-suspensyon ng organisasyon ng sinal-ihan ng isang taon.- suspensyon ng officers at miyembro ng sinalihang organisasyon ng isang semestre.

- suspensyon sa es-tudyanteng sumali ng organisasyon ng isang semestre.

HUWAG PASAWAY!

Page 15: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 15www.collegian.clsu.edu.ph BALITA

Umakyat sa 1,121 ang bi-lang ng mga nagtapos kabi-lang ang 34 na nagtamo ng karangalan sa katatapos na 61st Annual Commencement Exercises naginanap sa Grad-uation Site nitong Abril 11.

Umabot sa libo ang bilang ng mga nagtapos dahil sa de-sisyon ng unibersidad na mag-dagdag ng populasyon ng mga freshmen na na tatanggapin sa CLSU na nagtaas ng higit 3,300 ngayong taon.

Nagsilbing guest speaker si

1,121 na mag-aaral, nagsipagtaposHon. Alberto Lina, isang Cor-porate Entrepreneur at Financial Executive na nagbigay ng inspi-rasyon sa kanyang mensahe sa mga nagsipagtapos.

Samantala, ang BS Animal Husbandry na si Marvin Bryan Salinas naman ang nanguna sa mga nagtapos bilang Magna Cum Laude ng taon na may GPA na 1.40.

Nagkamit din si Salinas ng Manny Villar Excellence Award.

Kasama sa mga nagsitapos ang unang batch ng BS Hotel and Restaurant Mangenent na may kabuuang bilang na 105, ang BS Accounting Technology na may bilang 85 at ang Master of Business Administration na nasa ilalim ng College of Busi-ness Administration and Ac-countancy.

May 31 bilang ng nagtapos na Cum Laude at dalawa naman ay “with honors” sa nasabing okasyon.

Samantala ang mga nagkamit naman ng mga special awards ay

ang mga sumusunod: Academic Destinction- Wawie DG. Ruiz, AB Psychology at Angelica A. Buen, BS Hotel and Restaurant Management; Athletic Award - Maria Rosenda A. Abucay, BS Business Administration at Har-vey F. Gonzaga ,BSA griculture; Best Thesis Award- Rolando P. Javellonar, Doctor of Philoso-phy at Joseph Rae Ribu Alili, Doctor of Veterinary Medicine; Cultural Award- Renmar M. Dela Cruz, Doctor of Veterinary MedicineCampus Journalism Award- Aldrin P. De Leon, BS Civil Engineering; Leadership Award- Angeli Rizza S. Dela Cruz, BS in Accountancy at Loy-alty Award- Krizel Daneille DJ. Beronio, Doctor of Veterinary Medicine; Rachel Joy M. Cas-telo, BS in Accountancy;Jamila Fatima L. Saturno, Doctor of Veterinary Medicine; Michael G. Villacorta, BS in Accountancy; Allan Moore S. Cabrillas, Doc-tor of Philosophy at Emelda S. Roderos, Master in Chemistry.

ni Ellaine Aquino

CLOSING TIME. Matamang nakikinig kay president Ruben C. Sevileja ang 1,121 magsisipagtapos habang pinahahayag ang kanyang mensahe para sa kanila sa taunang Commencement Exercises.(Litrato mula sa CERDS)

CLSU ROTC ...mula sa pahina 3

Nagpaskil ang CLSU ng 97.6% passing rate kontra sa 97.2% passing rate noong na-karaang taon.

Ang taunang pagsusulit ay ginaganap upang maging base-han para sa mga nagnanais na kumuha ng kursong Doctor of Veterinary Medicine (DVM).

Ang mga hindi pinalad makapasa ay sasailalim sa pro-bationary status at kinakailan-gan nilang ipasa ang lahat ng kanilang subjects na katumbas ng 15 units upang mai-recon-sider sila.

“We are fortunate to have students like them aiming for excellence. A large percentage of the credit should go to the student for being responsible. There are some situations where we encourage them and it helps a lot,” ani Dr. Romeo Gundran, dekano ng College of Veterinary Science and Medicine.

Samantala, pumangalawa ang CLSU sa 24 na paman-tasang nag-aalok ng kursong DVM sa buong bansa kasu-nod sa University of the Phil-ippines-Los Banos na nagtala ng 100% passing rate habang ikatlong pwesto naman ang Cagayan State University na nagpaskil ng 90.3 % passing rate.

CVSM nanguna

...mula sa pahina 1

PASASALAMAT. Iginawad ni president Ruben C. Sevilleja ang Plaque of Appreciation kay Alberto D. Lina na nagsilbing panauhing tagapagsalita sa 61st Annual Commencement Exercises. (Litrato mula sa CERDS)

Psst..Basahin mo to! HUWAG

PASAWAY!

Page 16: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

16 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU

Nagsagawa ng Culmi-nating Activity ang mga estudyante ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management noong Marso 7 sa College of Home Sciences and Industry-DHM Events Place.

Ayon kay Prof. Dana G. Vera Cruz ang Depart-ment Chairperson ng Hotel and Restaurant Management, nagsagawa ang mga estudy-ante ng kanilang departamen-to ng isang exhibit.

Ang mga first year stu-dents ay nagkaroon ng exhib-it para sa kanilang asignatura na Food and Beverage, gayun din ang mga second year stu-dents sa kanilang asignatura na Bread &Pastry Techniques with a 3 ft cake at Bartend-ing-Flair tending.

Samantala, ang mga third year students naman ay nag-organisa ng nasabing event para sa kanilang subject na Events and Convention Man-agement at ang mga fourth year students naman ang na-kiisa sa mga hamon.

Ayon kay Ginang Rach-elle Soriano, ang culminating activity na ito ay makatu-tulong upang mahubog at maipakita ang mga potentials o skills ng mga estudyante.

Ang ilan sa mga features sa ikatlong HRM Skills Chal-lenge ay Cakes-On-Parade, Trilogy Desserts Challenge, Gourmet Cupcakes Chal-lenge, Flair tending: Amateur & Advanced Challenge, Table Setting Exhibits & Skirting Challenge.

Ang mga nanalo sa Skills Challenge ay magiging kina-tawan ng unibersidad para sa Skills Olympics.

BSHRM nagdaosng culminating activity

Nakiisa ang Student Cul-tural Society at Tanghalang Gagalaw sa CLSU nang ipi-nagdiwang ang Chingay Pa-rade Singapore 2013 nitong Pebrero 23-24 sa Formula One Pit Building Area.

Ang 36 na miyembro mula sa SCS at TAGA-CLSU kasama sina Dr. Elizabeth S. Suba, dekana ng Office of Student Affairs, Bb. Christine Saturno, Dr. Zenaida Serna at Prof. Jennifer T. De Je-sus, Tagapayo ng SCS ay kasama sa mahigit kumulang 20,000 kata-ong mula sa iba’t-ibang bansa ang lumahok sa pagdiriwang ng bagong taon sa Singapore.

Ipinamalas ng mga manan-ayaw ng ating unibersidad ang

kanilang galing sa iba’t-ibang mga katutubong sayaw ng mga Pili-pino.

Nahati ang pagdiriwang sa Grand Parade at Thank You Party na dinaluhan din ng Prime Minister, Cabinets, at Former Prime Minister ng Singapore.

Ayon kay Prof. Jennifer T. De Jesus, ang Chingay Parade Singapore ay ang pinakamalaking Street Dance at Float Parade sa buong Asya.

Ang ilan sa mga itinampok sa selebrasyon ay ang mga vibrant floats, dancing dragons, prancing lions, stilt walkers, wushu master, performers of different races in their traditional costumes at marami pang iba.

Bilang pakikiisa sa 2013 Chingay ParadeSCS, TAGA-CLSU lumipad sa Singapore

BALITA

sasyon sa kaunaunahang pagkakataon na mula sa CLSU at natatanging paara-lan sa labas ng Metro Ma-nila.

“I am very glad and thankful for the honor that I made for CLSU”, saad ni Belacha, nasa ika-apat na taon ng BSBA Marketing Management. “I assured ev-eryone that CLSU market-ing students will be closer to the organization.”

Mayroong 70 mag-aaral mula sa iba’t ibang uniber-sidad sa buong Pilipinas ang kabilang sa mga pinagpilian para sa mga posisyon.

Dumaan ang mga ka-lahok sa masususing pagsa-sanay, mga panayam, iskrin-ing at depensa bilang isang synergy trainee sa halos isang taon.

Kabilang sa mga pumili sa bagong mga posisyon ay ang dating mga opisyales ng naturang organisasyon at ng Philippine Marketing Assso-ciation.

“Thank you so much to the people who are always there for me; my parents, friends, Co-Synergy Train-ees, NEB-NEC12-13, class-mates, co-JMAers, school-mates, and most specially our almighty Father, I offer this for you!” saad ni Belan-cha, ang former president ng Junior Marketing Asso-ciation ng CLSU chapter. “I know that without your sup-port, I will never reach this far.”

Ginanap ang turn-over ceremony nitong Abril 27-28 sa Laiya Leisure Resort, San Juan, Batangas.

Ang PJMA ay ang Na-tional Organization of Mar-keting Students ng bansa.

Belacha napiling VP ...mula sa pahina 1

Isang estudyante ng CLSU ang namatay sa karambola ng apat na sa-sakyan sa Brgy. Malasin, San Jose City, nitong Marso 14.

Kinilala ng mga imbesti-gador ang biktima na si Neil Mark Ladores, 18, ng Brgy. Tayabo.

Sinasabing papunta si La-dores sa CLSU habang naka-sakay sa tricycle nang mabang-

PITBulls kampeon sa Night League Season 39 – 4th Kanapi Cup

ga ito ng Mitsubishi forward truck.

Nahulog si Ladores mula sa tricycle dahil sa pagkabang-ga.

Idineklarang dead on ar-rival sa district hospital si La-dores dahil sa Multiple head and body injuries

Si Ladores ay mula sa BSIT2-1 at miyembro ng BITS (Builders of Informa-tion Technology Society).

Estudyante patay sa karambolani Ruwan Weerakkody

KILATIS. Isa-isang pinagmamasdan ng mga hurado ang mga Cake na gawa ng mga estudyante ng Hotel and Restaurant Management na kalahok sa 3rd HRM Skills ChallengeM sa DHM-Multipurpose Hall.(Litrato mula sa CERDS)

Page 17: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 17www.collegian.clsu.edu.ph BALITA

Belacha napiling VP ...mula sa pahina 1

ngunit maliit pagdating sa pag-papatakbo ng isang central pub-lication na kailangang maghatid ng impormasyon sa mamamayan ng CLSU, malaki ngunit maliit pagdating sa paghahasa ng gal-ing ng mga naturang manunulat na dumadalo ng mga seminars at contests na hindi lamang para sa kasiyahan at paglilibot kundi para sa mga mag-aaral din ng CLSU upang makapaghatid sa kanila ng makinis at hitik sa im-pormasyong mga balita. Malaki ngunit maliit po talaga.

Muli, paumanhin po ang ipi-naaabot namin kakabit ng aming mga kamalian sa impormasyon kagaya na lamang ng statistical errors, pangalan ng mga nauug-nay sa artikulo, mga quotations

mula sa iniinterbyung mga tao na kinakailangan sa balita, mga litra-to at maging wrong spelling po ay di namin kinaliligtaan. Tang-gap po namin na kaya ninyong hamakin sa panlabas na anyo ang pahayagan ng ating unibersidad na akda ng mga estudyante para sa mga estudyante at iba pang kasangkot ngunit huwag naman na sanang sasagad doon sapag-kat di namin maitatanggi at sana ay bigyan nyo ng konsiderasyon ang maliit naming bilang ng mga manunulat dito sa CLSU Col-legian na kumakayod upang ka-hit papaano ay mapaglingkuran kayo ng sakto at tapat. Sa inyo na po ang pag-intindi sa aming mga kamalian at pagkukulang.

Kagaya ng mataas na ebal-

wasyon ninyo sa kagandahan ay gayundin sana ang taas ng inyong tingin sa nilalaman. Sa katunayan, dito na lamang sa Central Luzon ay isa tayo sa may mababang publication fee at di na tumaas-taas kung kaya’t limitado lamang ang galaw na-min sa pagpapaganda ng ating dyaryo.

Bilang paghahambing, ang NEUST ay may publication rate na tatlumpong piso at sa Wes-leyan University Philippines ay may walumpong piso na naka-laan para sa kanilang mother publication na kapag pinag sa-ma-sama ay nasa kulang isang milyong piso lang naman. Pawa-ng ang mga unibersidad na ito ay nakalatag sa Gitnang Luzon.

Ang pagtingin sana nating mga mag-aaral sa mga pahaya-gan sa CLSU lalu na sa CLSU Collegian ay di lamang sana sa pabalat kundi pati sa nilalaman nito. Kaibigan, sana kahit pa-paano ay nalinawan ka sa kal-agayan naming mga manunulat at pahayagang CLSU Collegian sa ating unibersidad. Nanalig akong nakabuo ka ng awra ng konsiderasyon sa iyong sarili para sa susunod na makatang-gap ka ng kopya ng Kule ay ramdam muna ang mga tao sa likod ng publikasyon na iyon ng mas lubos.Para lang kasing sa love yan, kung maraming naiinlove dahil sa love at first sight, ganun din sana sa second sight.

Takedown ...mula sa pahina 7

PITBulls kampeon sa Night League Season 39 – 4th Kanapi Cup

Nailusot nang koponan ng PITBulls ang kampe-onato matapos dominahin ang Eco-Patrollers ng Aca-cia dormitory sa pinale ng Night League Season 39 – 4th Kanapi Cup na ginanap sa Multi-Purpose Gym ni-tong Pebrero 13.

Matatandaang pinayuko nang grupo ni College of Ag-riculture (CAg) standout Jer-win Undan ng Eco-Patrollers noong nakaraang Intrams ang langkay ni Adrian Gallardo nang College of Arts and Sci-ences (CAS) na bumitbit sa powerhouse selection ng PIT-Bulls upang mahiklat ang un-ang puwesto nang naturang torneo.

Sa kabilang banda, napur-nada ang pagbalik ng volleyball tourney sa 4th Kanapi Cup bunsod ng kaunting bilang ng mga teams na lumalahok dahil EMMANUEL WAING

at Mighty Jemuel Sotto ang reputasyon ng CLSU Karatedo team makaraang pagwagian ang ginto sa kata event.

Umangat sa 8 ginto-1 pi-lak-1 tanso ang naitagpi ng CLSU sa kanilang puder mula sa 2 ginto-12 pilak-3 tanso na kinamada noong nakaraang na-tional meet.

“Nasa preparation lang ang nagiging result, sa long term planning tayo dahil sa dami rin ng narecruit na student athlete at mga trainors at siyempre iyong suporta natin sa team,” bang-git ni Mr. Jay Santos,director ng ISPEAR.

Ang iba pang mga nakapag-buslo ng medalya sa nation-als ay sina Lea Prado,women’s 4x400m relay at Jackielyn Al-viar, women’s long jump na kapwa nagtapos sa ikalawang puwesto; at Rezellyn Resulta, Jonard Cabading at men’s beach volleyball team na pawang mga naluklok sa ikatlong puwesto sa karatedo, swimming, at beach volleyball ayon sa pagkakasu-nud-sunod.

sa nasiksik na mga aktibidad ng unibersidad.

“Itaas ang rate ng prizes, information campaign, encour-agement sa mga dormitories kasi yun talaga ang potentials,” saad ni Mr. Elpidio Dizon, co-ordinator ng nasabing liga ukol sa kung papaano mapapalakas ang panghihikayat sa susunod na taon.

Samantala, itinanghal na Mr. and Ms. Night League 2013 sina G. A.J. Santiago ng Alpha Phi Omega (APO) at Bb. Kaila Diaz ng Critical Hauz Internet Cafē sa opening ceremony noong Enero 16.

Ang taunang Night League ay pinasimulan ni Prof. Benito Kanapi Sr. para mag-silbing libangan ng mga mag-aaral at buong komunidad ng CLSU at mahasa ang kanilang mga potensyal sa larangan ng isports.

ni Jessa M. Rarama

Cobras ...mula sa pahina 20

ARIES TOLEDO

Page 18: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

18 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU

Ellaine M. [email protected]

SPASMODIC

World class championsSa larangan ng isports gu-

muhit sa kasaysayan ang galing ng bawat atletang Pilipino sa ating bansa. Nagsilbing taga-wagayway ng ating bandila sa tuwing paparangalan at maka-kasungkit ng mga tropeyo at medalya mula sa ibat-ibang pampalakasan. Kaya naman taas noo natin ito maipagma-malaki saan mang sulok ng mundo tayo mapadpad. Sa pamamagitan nito naging kila-la ang ating bansa.

Kapag narinig natin ang isports tunay ngang hindi pa-pahuli ang ating mga atleta, isa na rito ang dalawang hari ng Billards na sina Efren “Bata” Reyes at si Jango Bustamante na nag-uwi ng mga World Pool Titles kung saan-saang inter-national tournaments.

Mula naman sa Philip-pine National Football Team

na grupo ng mga AZKALS na sumipa ng suporta mula sa ating mga Pilipino. Pinatu-nayan ang potensyal ng mga Pinoy na makipagkompe-tensya at makipagsabayan sa malalaking bansa pagdating sa Football. Nagbigay inspi-rasyon sa iba pang mga atleta dahil sa kanilang pinakitang dedikasyon sa bawat laban.

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa eight-division world champion at pound for pound king, Manny Pacquiao na nakapagtala ng record na 54-3-2 at kilalang nagpapa-tumba hindi lamang ng mga matitinik na Mexicano mag-ing ibat-ibang lahi. Kasabay ng

ilan din sa ating mga mahuhu-say na boksingero na nagpaki-tang gilas alang-alang sa nga-lan ng ating bansa.

Alam natin na ang bok-sing ang higit na sinubaybayan ng bansa , kaya naman bawat sabak ng ating mga pambato ay talaga namang ating in-aabangan , subalit sa hindi

natin inaasahan ay dalawang magkasunod na laban ni Pac-man ang hindi niya palaring pagtagumpayan. Sa kalabang sina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez. Maging si Nonito “The Filipino Flash” Donaire laban sa katunggal-ing si Guillermo Rigondeaux para sa titulong WBO world super bantamweight belt ay hindi rin niya napanatili.

Kung ating iisipin, kumu-pas na kaya ang husay ng ating mga boksingero? Samantalang noon mga nagadaang taon ay sunud-sunod ang kanilang mga panalo. Ano na kayang nangyari sa kanila? Marahil

sundan sa pahina 7

“Kaya naman taas noo na-tin ito maipagmamalaki saan mang sulok ng mundo tayo

mapadpad.”

Naluklok sa ikaapat na puwesto ang CLSU FC (Football Club) Cobras nang kanilang maialpas ang walang bahid na rekord sa eliminasyon at magtun-go sa crossover round ng 2013 POC-PSC (Philippine Sports Commission) nation-al games (futsal event) na ginanap sa Ultra Stadium, Pasay City nitong Mayo 26 hanggang Hunyo 1.

Sumabit sa mahigpit na mga engkwentro ang top seed-ed CLSU men’s futsal team ng bracket B nang dumapa ito sa grupo ng Cavite FC, 10-6 sa semi-finals at mabitin kontra Komrads FC ng NCR, 5-4 para sa ikatlong karangalan.

Nabawian lamang ng 2012 Pilipinas Futsal Cup Grand Champion Komrads ang CLSU FC sa kanilang girian sa ikatlong puwesto makaraang una silang payukuin ng natur-ang Nueva Ecija-based foot-ballers sa elimination round, 4-2.

“Hindi namin inaasahan yun as-in pure na half-foreign line-up ng nakatapat namin sa crossovers at battle-for-third, gayunpaman nagkulang din kami sa depensa,” saad ni

CLSU futsal coach Cornelio “Conge” Francis Cruz.

Sa kabilang dako, napag-tibay ng Philippine National Futsal team ang kanilang matikas na reputasyon nang hirangin silang kampeon ng nasabing open league tourney matapos ang ginawang pagdu-rog sa kapwa bracket A semis qualifier, Cavite FC sa finale.

Kalakip ng POC-PSC national games ngayong taon, ang CLSU ay lumahok lamang sa futsal event.

Pinaghahandaan sa ngay-on ng hukbo ni coach Conge Cruz ang bakbakan sa State Colleges and Universities Ath-letic Association (SCUAA) meet na inaasahang idadaos sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), Cabanatuan City ngayong taon, kung saan sila ang naninindigang hari ng fut-sal sa nabanggit na regional competition.

Kasalukuyan din silang nageensayo para sa posibleng mga parating na laban, kabi-lang ang nalalapit na Luzon Premeire Futsal League sa kal-akhang buwan ng Septyembre 2013 na gaganapin sa Makati City.

lusot ang tatlong puntos na bentahe at selyuhan ang mau-tak na girian, 10-7 laban sa Zambales-based squad.

Sa pagkatalo na tinamo sa FC Cobras, nagtapos sa ikalawang puwesto ang Light-house Amihan FC na nagpad-er ng 12 puntos at nilikuran ng Futbulakenyos ng Bulacan sa pagtatapos ng CL Futsal League.

Ayon kay Cruz ay posi-bleng lumahok ang kauna-unahang kampeon ng CLFL sa mga papalapit na national tournaments, una na ang Pili-pinas Futsal Collegiate Cham-pions League sa Oktubre 19-20 na gaganapin sa Naga City, Camarines Sur at Pilipinas Futsal Cup-Winners’ Cup sa Subic, Zambales sa darating na Disyembre 13-14.

CLSU FC pumang-apatsa 2013 POC-PSC

CLSU FC Cobras ...mula sa pahina 20

ni Paul John P. Villamor

ISPORTS

Page 19: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

www.collegian.clsu.edu.ph

www.facebook.com/CLSUCollegian.OfficialCollegianCLSU

Pebrero 2013 - Hunyo 2013 19www.collegian.clsu.edu.phSi

pat

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap

SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIPPITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

CLSU FC pumang-apatsa 2013 POC-PSC

ISPORTS LENTE

Litrato mula sa ISPEAR

Page 20: CLSU Collegian Newsletter Issue for February 2013 - June 2013

20 Pebrero 2013 - Hunyo 2013 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

www.collegian.clsu.edu.phCollegianCLSU

ISP RTSTIKAS. Kasama ang buong CLSU Football Club Cobras, tangan ni coach Francis Cornelio Cruz ang tropeo sa 1st Central Luzon Futsal League.(Litrato mula sa ISPEAR)

CLSU FC Cobras kampeon sa 1st CLFLTumuhog lamang ng

isang talo ang CLSU Foot-ball Club (FC) Cobras, sagad na upang trangkuhan ang kampeonato sa 1st Cen-tral Luzon Futsal League (CLFL) na ginanap sa ka-lakhang parte ng Gitnang Luzon nitong Abril 7 hang-gang Hunyo 15.

Buhat sa anim na laro na sinabakan ng Cobras ay nag-paskil sila ng 15 puntos na ka-tumbas ng limang panalo na nagbigay daan sa kanila upang pangibabawan ang torneo.

Base sa tinatawag na ‘ag-gregate system’ na sinusunod sa mga European football leagues ang inilapat sa naturang kompe-

ni Paul John P. Villamor

CollegianCLSU

tisyon na kung saan ang bawat panalo ay katumbas ng tatlong puntos, isang puntos kung tabla ang laban at walang puntos na igagawad sa natalong koponan.

Tablado sa 12 puntos na naitala ang Cobras at Light-house Amihan FC ng Zambales bago magtapat ang dalawang top-runners ng liga sa kapwa

ika-anim at huli nilang duwelo na magsisilbing tie-breaker upang maigawad sa mananalo ang korona.

Rumatsada ang mga bata ni coach Francis Cornelio Cruz nang madiskartehan nilang maiukit ang mga nais nilang plays at tuluyang mai-

Cobras humakot ng 10 ginto sa 2013 NSCUAA

Humakot ng 10 ginto ang CLSU Green Cobras sa taunang National State Colleges and Universities Athletic Association (NS-CUAA) meet na ginanap sa Jose Rizal Memorial State University, Dapitan City, Zamboanga del Norte ni-tong Pebrero 17-23.

Pinangunahan ng apat na ginto na nadakip sa long jump, 400m dash, 200m dash, at 4x100m relay ni Aries To-ledo ng athletics team ang total medal tally ng CLSU, 10

ginto-13 pilak-4 tanso sa NS-CUAA.

Kaalinsabay ng mga na-kamit ni Toledo sa nationals, hinirang din ang beteranong manlalaro ng College of Arts of Sciences bilang Best Male Ath-lete of the year at Best Coach ang kanyang tagapagsanay na si Emmanuel Waing matapos upuan ng athletics team ang unang puwesto sa nakaraang SCUAA-III sa Zambales.

Umani rin ng dalawang ginto si Mandy Valdez sa triple jump at 4x100m relay at pilak

sa long jump na kanyang pinag-kampeonan noong nakaraang taon.

Sumungkit ng ginto si Ar-chieval Magtalas sa men’s 110m high hurdles habang pinuwestu-han naman ni Marlon Bernabe ang unang parangal sa men’s 4x100m relay.

Sa taekwondo, nanaig bi-lang pinakamatikas si Henezy Francisco matapos mamayani sa women’s flyweight division.

Sa kabilang banda, iniangat ng tambalang Ralph Servando

sundan sa pahina 18

sundan sa pahina 17

ni Ellaine M. Aquino

HALIMAW. Tila ninanamnam sa ere ni Aries Toledo ang rurok ng tagumpay sa kanyang pag-talon sa Long jump event. (Litrato mula sa CERDS)