july 2014

Upload: los-banos-times

Post on 10-Oct-2015

476 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

NewsLB LGU, mga brgy, CSOs nagsanaybilang kaagapay na mamamahayag ng LBTimesLB to have simple celebration of Bañamos FestivalLBCNHS ipinagdiwang ang Buwan ng NutrisyonOSCA hinikayat ang senior citizens na magparehistroKASAMA nagsagawa ng buwanang pulongLBCNHS nagbukas ng klase para sa SPEDBatong Malake senior citizens hold mid-year general assemblyDILG trains CSOs, youth as membersof poverty reduction action teamOMA staff deputized as quarantine inspectorsDILG trains CSOs, youth as membersof poverty reduction action teamPinsala ng Bagyong Glenda sa mga mangingisda umabot sa 55M -MFARMCFeatureSocial Media: Nagsilbing tulay para mabuo ang samahan ng mga PWDKapaTatak Elbi: Mang Torio of Brgy. BayogColumnNu Wave Farmer: Timi James ManchingUlat Bayan: Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Gaano nga ba kahanda ang Los Baños sa mga sakuna?

TRANSCRIPT

  • VOLUME XXXIVIssue 6

    JULY 2014Serving Los Baos and nearby communitieswww.lbtimes.ph

    LB to have simple celebration of Baamos Festival OSCA hinihikayat ang senior citizens na magparehistro

    LB LGU, mga brgy, CSOs nagsanay bilang kaagapay na mamamahayag ng LBTimes

    by Delfin Laforteza, Municipal Information Officer

    ni Zenaida Escobin ng Office of the Senior Citizens Affairs

    ni Ricarda Villar

    Itutuloy sa pahina 2

    Itutuloy sa pahina 3

    Los Baos will celebrate a two-day Baamos Festival with austere but meaningful activities on September 17 and 20. The Baamos steering committee headed by Mayor Caesar P. Perez decided to have a very simple celebration due to moral and financial considerations brought about by Typhoon Glenda. The celebration will start with a civic

    Bukas na ang pagpaparehistro ng mga senior citizen o residente ng Los Baos na may edad na 60 pataas. Ang pagpapatala ay isinasagawa sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa lumang munisipyo. Matapos magparehistro ay bibigyan ng senior citizen ID at booklet para sa diskwento ang mga residente. Narito ang mga kailangan upang makakuha ng ID:

    1. community tax certificate o sedula (sa kasalukuyang taon)

    2. 4 na piraso ng 1 x 1 na larawan 3. katibayan ng edad (sertipiko ng

    kapanganakan o anumang valid government ID)

    4. Sinagutang application form

    Nagsama-sama ang 17 na kinatawan ng ibat-ibang opisina ng lokal na pamahalaan ng Los Baos kasama ang civil society organizations (CSOs) at mga kinatawan ng mga barangay ng Batong Malake, Mayondon, at Putho-Tuntungin noong ika-26 ng Hulyo sa ginanap na buong araw na pagsasanay ng Los Baos Times sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangkaunlaran sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baos.

    Ang pagsasanay na pinamagatang Training on News Writing and Photojournalism ay isa sa mga hakbang ng Department of Development Journalism sa pagpapalaganap ng pangkaunlarang pamamahayag. Layunin din ng pagsasanay na mahikayat ang ibat-ibang opisina ng munisipyo na maging bahagi ng Los Baos Times bilang mga kaagapay na mamamahayag.

    Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaagapay na tagapagbalita mula sa mga ahensya at barangay, higit na mapapabilis

    Libre!

    Bahagi ng pagsasanay ang pagsulat ng balita ng mga kalahok tungkol sa proyekto o gawain ng kani-kanilang mga ahensya o barangay. Ang kanilang mga sinulat ay mababasa sa isyung ito ng Los Baos Times. (Larawang kuha ni JMSMaloles)

    parade on the morning of September 17 followed by a program to commemorate the towns 399th Foundation Day. The Barangay Night will cap the first day of celebration. Meanwhile, an evening concert will be staged on September 20, which will be followed by a grand revelry.

    LBCNHS ipinagdiwang ang Buwan ng Nutrisyonnina Mariedel Sarmiento, Mika Joy Villanueva, Teodorico Jeramie Luzon, at Anne Bernadette Aspiras ng Los Baos Community National High School

    Nagsagawa ng programa ang mga guro at estudyante ng Los Baos Community National High School (LBCNHS) para ipagdiwang ang Buwan ng Nutrisyon na may temang Kalamidad Paghandaan; Gutom at Malnutrisyon Agapan noong ika-28 ng Hulyo.

    Nagkaroon ng ibat-ibang paligsahan na tumulong upang mapaunlad ang mga kakayahan ng bawat estudyanteng may angking kagalingan pagdating sa asignaturang Technology and Livelihood Education (TLE). Pinarangalan din ang mga nagwaging mga mag-aaral na lumahok sa ibat-ibang kumpetisyon.

  • 2 LOS BAOS TIMES

    KASAMA nagsagawa ng buwanang pulong

    LBCNHS nagbukas ng klase para sa SPED

    LB LGU, mga brgy, CSOs...nina Ma. Emily Alforja, pangulo ng Kapisanan ng mga Samahan sa Malinta at Leonida Meneses, ang kanilang kalihim

    ni Andrea Alforja at Rosita Emergo, mga guro ng Los Baos Community National High School

    Ang Kapisanan ng mga Samahan sa Malinta (KASAMA) ay nagsagawa ng pulong noong ika-12 ng Hulyo para sa mga miyembro. Ang pulong ay isinasagawa tuwing ikalawang sabado ng bawat buwan.

    Ang KASAMA ay binubuo ng anim na ibat-ibang grupo mula sa bawat purok ng Malinta at may kanya-kanyang opisyales. Sa kasalukuyan, mayroong 300 na miyembro ang KASAMA. Bukod sa pagkakaroon ng opisyales, bumuo din ang grupo ng pangkalahatang konseho at nagbalangkas ng mga alituntunin.

    Pitong mag-aaral, limang lalaki at dalawang babae, ang bumubuo sa Special Education (SPED) class ng Los Baos Community National High School (LBCNHS) para sa taong 2014-2015.

    Mula sa Los Baos at karatig bayan, ang mga mag-aaral ay tinuturuang bumilang,

    E D I T O R I A L S TA F FRicarda Villar Editor-in-ChiefJoyce Marie Maloles Associate EditorRicarda VillarLayout Artist

    Rosa Pilipinas F. FranciscoAdviser

    The Los Baos Times is produced by the students and staff of the Department of Development Journalism

    at the UP Los Baos College of Development Communication. No part of this paper may be

    reproduced or distributed in any form or by any means stored in a database or retrieval system without

    prior consent. All rights reserved.

    The Los Baos Times is located at Rm. 201 B, Department of Development Journalism,

    College of Development Communication, University of the Philippines Los Baos

    College, Laguna

    Tel. No.: (049) 536-2511 local 401 or 410Email: [email protected]

    Website: http://lbtimes.ph

    NEWS

    Layunin ng grupo na magkaroon ng livelihood program upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga nanay at miyembro ng grupo. Ilan sa mga nagawang aktibidades ng KASAMA ang proyektong paghahalaman at ang pamimigay ng school supplies sa mga mag-aaral na anak ng miyembro.

    Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Ma. Emily P. Alforja, kasalukuyang pangulo ng KASAMA sa numero 0930-800-0274 o kay Konsehal Allan Bienes, namamahala sa livelihood program ng Malinta, sa numerong 0918-302-5747.

    ang pagbabalita sa mga mamamayan ng Los Baos ukol sa ibat-ibang proyekto at gawain ng ibat-ibang opisina at ahensya ng gobyerno.

    Layon din ng Los Baos Times na makapag-ulat ang mismong mga residente ng Los Baos tungkol sa mga isyu at pangyayari sa kanilang komunidad. Ang pagbabahagi ng lokal na pananaw sa mga isyu sa komunidad ang isa sa mga pangunahing prinsipyo ng Los Baos Times bilang isang pahayagang pang-komunidad.

    Mababasa sa pang-Hulyong isyu ng Los Baos Times ang mga ulat na inihanda ng mga nakibahagi sa pagsasanay. Ang ginanap na training ay una sa dalawang bahaging pagsasanay para sa mga kaagapay ng mamamahayag ng Los Baos Times.

    Ang mga bagong kaagapay na mamamahayag ay sina Martin Imatong mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office; Maria Carlyn Medel ng Municipal Agriculture Office; Antonio Alcantara at Arlene Domingo ng Municipal Environment and Natural Resources Office; Leovina De Castro mula sa Municipal Nutrition Action Office; Delfin Laforteza ng Municipal Information Office; Nannet Royena Saldaa para sa Gender and Development Office; Elaine Fatima Bautista at Joana Paula Garcia mula sa Municipal Health Office; Jeanette Talag, Lorelie Liwanag, at Lenie Bonapos ng Los Baos Federation of Persons with Disabilities, Inc.; Karen Joy Brinas mula sa Municipal Planning and Development Office; Rhodora Lagman para sa Brgy. Tuntungin-Putho; Ma. Theresa Caringal ng Brgy. Mayondon; at Konsehal Florentino Montemayor, Jr. ng Brgy. Batong Malake.

    CORRECTIONS: In the Photo News section of the June 2014 issue, the place of residence of chess whiz Michael Jako Concio Jr. was incorrect. Jako lives in Brgy. Mayondon, not Brgy. Anos.

    Mula sa pahina 1

    Ang mga nakibahagi at nakapagtapos sa pagsasanay ay tumanggap ng sertipiko mula sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baos sa ilalim ng Kolehiyo ng Komunikayong Pangkaunlaran at tinanghal na mga partner ng pahayagan bilang kaagapay na mamamahayag. (Larawang kuha ni JAraneta)

    Andrea Alforja Ma. Emily Alforja Anne Bernadette Aspiras Karen Brinas Francisco Carandang Ma. Theresa Caringal Johanna Marie Drece Rosita Emergo Zenaida Escobin Jabez Joshua Flores Delfin Laforteza Joie April Lanuzga Yunika Ysa Lasic Cherry Mae Linao Lorelie Liwanag Nannet Saldaa Teodorico Jeramie Luzon Leonida Meneses Florentino Montemayor Jr. Mariedel Sarmiento Avygael Timanil Mika Joy VillanuevaWriters

    bumigkas, at maging responsableng indibidwal. Tinuturuan din silang makihalubilo sa ibang mag-aaral. Malaya nilang ipinahahayag ang mga bagay na nais nilang gawin sa patnubay ng kanilang guro na si Gng. Reah V. Barbosa.

  • 3LOS BAOS TIMES

    Batong Malake senior citizens hold mid-year general assemblyby Florentino Montemayor Jr, councilor at Brgy. Batong Malake

    One hundred twenty (120) of the 430 members of the Brgy. Batong Malake Senior Citizens Association (BMSCA) gathered for their mid-year General Assembly at the Brgy. Batong Malake covered court last July 12.

    BMSCA members reviewed the basic policies of RA 9994, or the Expanded Senior Citizens Act, and amended the policies of the Damayan Fund, a death benefit project. The gathering also served as venue for updating the members on the pension scheme of the Department of Social Welfare and Development as well as the plans for offering free Zumba

    and ballroom dance sessions for all interested BMSCA members.

    The assembly was highlighted by a dozen raffle contests to add color and entertainment for the elderly. Brgy. Chairman Janos S. Lapiz graced the event and delivered an inspirational message. The attendance for this years mid year assembly was lower compared with the average 250 attendees during past assemblies. The low member turnout was attributed to heavy downpour experienced days before the assembly.

    COMMUNITY POSTS

    COMMUNITY POSTSKasalang Bayan 2014

    Inaanyayahan ng Gender and Development Office

    (GAD) ang mga nagnanais na makasal ng libre na ma

    kipag-

    ugnayan sa kanilang tanggapan bago mag Setyembre

    30,

    2014.

    Upang makasama sa Kasalang Bayan, magdala ng

    katunayan o sertipiko na walang kakayahang pinansiy

    al

    mula sa punong barangay kung saan nakatira at katuna

    yan

    o sertipiko na walang kakayahang pinansiyal mula sa

    namumuno ng Lokal na Department of Social Welfare

    and

    Development (DSWD). Ang Kautusan Blg. 2013-2140

    ay

    nagtatakda ng pagsasagawa ng Kasalang Bayan tuwing

    buwan ng Disyembre at Pebrero ng kada taon. Ito ay

    pinagtibay noong Hulyo 29, 2013.

    Ang GAD ay matatagpuan sa 2nd floor New Municip

    al

    Building. Maaaring tumawag sa (049) 530 2818 local

    202 o

    mag-text kina Bb. Nannet 0999 393 6707 at Bb. Arline

    0926

    361 9271. (Nannet Saldaa)

    Libreng Bakuna Laban sa TigdasMagsasagawa ang Municipal Health

    Office ng libreng bakuna laban sa tigdas para sa lahat ng batang may edad limang taon pababa sa Setyembre 1-30, 2014. Maaaring dalhin ang batang nabakunahan na o hindi pa. Para sa schedule ng bakuna sa inyong purok, makipag-ugnayan sa inyong health center o sa pinakamalapit na vaccination post. Mayroon ding libreng bakuna laban sa polio.

    Ang bagong dump truck ng Brgy. Mayondon ay nagam

    it na sa

    paghahakot ng mga basura at clearing operations mata

    pos manalasa ang

    Bagyong Glenda. Ang dump truck ay nabili mula sa is

    ang milyong pondo

    ng Brgy. Mayondon bilang bahagi ng proyekto ng kon

    seho ng barangay.

    Bahagi ng ruta ng trak ang Dangka St., Antipaz, at mg

    a lugar na hindi na

    naaabot ng garbage trucks ng munisipyo. Araw-araw

    na maghahakot ang

    dump truck ng Brgy. Mayondon. (Ma. Theresa Caring

    al)

    Dump truck ng Mayondon, dumating na

    Ayon sa RA 9994, o ang Expanded Senior Citizens Act, ang benepisyo ng pagkakaroon ng senior citizen ID ay ang mga sumusunod:

    20% diskwento sa mga gamot na may prescription o reseta ng doktor

    5% diskwento sa mga farm commodities at basic necessities (nakasaad ang listahan sa booklet na ibinibigay ng OSCA kasama ng ID)

    Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa tanggapan ng OSCA sa numerong 530-9143.

    DILG trains CSOs, youth as members of poverty reduction action teamby Karen Brinas of the Municipal Planning and Development Office

    Twenty-four (24) representatives of civil society organizations (CSOs) and seven youth leaders from the 14 barangays of Los Baos took part in the the Los Baos Poverty Reduction Action Team Civil Society Organization (LBPRAT-CSO) training workshop held on June 27-28 at the Los Baos municipal bulding.

    The training-workshop, organized by the Department of Interior and Local Governmet (DILG) Regional Office, gathered the representatives of different CSOs and youth leaders to identify

    the problems they encounter and to determine how best to address these concerns. After their training-workshop, the different CSO representatives presented and discussed their identified concerns and their recommendations and suggestions to Los Baos Mayor Caesar Perez.

    The problems identified by the participants are related to the environment, the youth, and also the needs of persons with disabilities (PWDs), and the senior citizens.

    Mula sa pahina 1

    OSCA hinikayat ang...

    OMA staff deputized as quarantine inspectorsby Maria Carlyn E. Medel from the Office of the Municipal Agriculturist

    Six personnel of the Office of the Municipal Agriculturist (OMA) were recently deputized as Domestic Plant Quarantine Inspector of the Bureau of Plant Industry, effective June 19. The OMA staff members were trained at the Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center in Lipa City, Batangas on June 5.

    The new DPQIs include Fe M. Banasihan, Municipal Agriculturist; Cheryll L. Gonzales; Andrei A. Fabella; Jose Dennis B. Carreon; MMinerva Rodriguez; and Maria Carlyn E. Medel They were tasked to help regulate and prevent the spread of coconut scale insect in Region 4A. The quarantine inspectors will take turns in manning the plant quarantine checkpoint located across the new municipal building of Los Baos on weekedays with the representatives from the Philippine National Police Los Baos and Philippine Coconut Authority.

  • 4 LOS BAOS TIMES FEATURE

    kapa

    social medianagsilbing tulay para mabuo ang samahan ng mga PWD

    Kamangha-mangha naman talaga sa tuwing siya ay nakikitang kumikilos. Tila ba may kapangyarihan na tanging sa kaniya lamang. Kahit anong paggaya pa ang gawin ng iba, hindi pa rin siya mapapantayan. Kung ilalarawan, iisa lang ang kayang maibigay. Superhero. Isang superhero na may suot ng mahiwagang kapa, simbolo ng kanyang busilak na kalooban.

    Napapawi niya ang sakit at hapdi sa damdamin. Isa siyang jacket. Kahit gaano pa kalamig ang turing ng lahat sa iyo, sasalubungin ka pa rin niya ng isang mainit at mahigpit na yakap.

    Disyembre 2013 nang magsimula ang ideya ng pagpapalaganap sa pagpapahalaga sa komunidad ng mga may kapansanan o persons with disabilites (PWD) sa Los Baos. Sa tulong ng social media na Facebook ay nabuo ang Los Baos Federation of Persons with Disabilities, Inc. (LBFPWD) sa pamamahala ni Lorelie M. Liwanag, ang pangulo ng Barangay Anos Association of PWD at kasalukuyang kalihim ng LBFPWD, Inc.

    Layunin ng Facebook group (http://goo.gl/15t13D) na ipamulat ang mga proyekto at kakayanan ng LBFPWD. Makikita sa Facebook group ang ibat-ibang mga gawain ng LBFPWD katulad ng mga livelihood programs ng mga barangay at mga kasalukuyang nangyayari sa samahan.

    Sinimulan din ang paggamit ng social media upang hikayatin ang ibang may kapansanan mula sa ibat-ibang lugar sa Laguna na ipakita at palaganapin

    nina Avygael Timanil at Cherry Mae Linao ng Los Baos Community National High School

    ni Lorelie Liwanag, kalihim ng Los Baos Federation of Persons with Disabilities, Inc.

    ang kanilang kakayanan. Ito ay upang maipamalas sa iba na ang mga may kapansanan ay parte din ng komunidad.

    Sa kasalukuyan, ang Facebook group ng federation ay may mga aktibo ding miyembro galing sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Sila ay may mga kapansanan ding nais magbahagi ng kanilang karanasan.

    Noong Pebrero 2014 nabuo ang proyekto para sa mga amputees o may mga putol na paa. Nabigyan sila ng panibagong pag-asa na muling makalakad sa pamamagitan ng mga prosthetics sa tulong ng School of Prosthetics and Orthotics, University of the East Ramon Magsaysay Medical Center at sa tulong ni Louie Golla, isang kilalang babaeng rider na polio victim.

    Bunga ang gawaing ito ng maayos na komunikasyon at koneksyon ng mga may kapansanan. Naging tulay ang social media na Facebook para sa mga

    gawaing ito. Naging tulay din ito upang maipakita at maipadama ang pagtutulungan at pagpapahalaga kahit nasaan mang bahagi ng mundo.

    Ang kapansanan ay hindi hadlang sa pagkamit at pagtupad sa mga pangarap, ano man o gaano man kahirap ang buhay. Pananalig, tiwala, determinasyon at positibong adhikain ang kailangan upang maibahagi sa lahat ang kahalagahan ng may mga kapansanan.

    Makibahagi sa mga proyekto ng LBFPWD at ibahagi sa Facebook group ang inyong mga karanasan bilang isang may kapansanan. Makipag-ugnayan kay Jeanette Ilagan-Talag, kasalukuyang pinuno ng LBFPWD, sa mga numerong 0936-347-1973. Maaari ding bumisita sa kanilang tanggapan sa Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) na nasa lumang munisipyo ng Los Baos at hanapin si Lorelie Liwanag (0915-584-8844).

    Siya ang tunay na panyo. Kaya nyang punasan ang luha sa tuwing umiiyak at kaya nyang pawiin ang simangot sa mukha sa pamamagitan lamang ng isang matamis na ngiti.

    Higit sa lahat, isa syang balikat na maaaring sandalan sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras ng kapighatian. Sa kanya, ramdam ang pagiging ligtas at payapa. Para syang alak dahil sa tapang, lakas, at tatag ng loob niya. Tila wala siyang pagod sa lahat ng gawain. Mapa-karpintero, tubero, guro o nars man ay kayang gampanan. Kung tutuusin ay dinaig pa niya sila Superman,

    Batman, Spiderman, Iron Man, at Wonder Woman sa taglay niyang pambihirang puso at saloobin.

    Nag-iisa lang sya at walang kapalit. Saan mang panig ng mundo makarating, tanging sa piling nya lang matatamasa ang kakaibang pag-aaruga at pagmamahal. Walang sinuman ang makakalimot sa kanya. Magkaroon man ng sariling pamilya o hanggang sa pagtanda, mananatili pa rin sa pusot isipan ang pagkalinga ng nag-iisang superhero ng ating buhay. Parati syang may suot na kapa, at ang tawag sa kanyay INA.

  • 5LOS BAOS TIMES

    his leadership with great dedication and commitment. Mang Torio takes pride that he gave his best in his decades service as FARMC president.

    As head of FARMC from 2001-2011, Mang Torio shared the challenges that FARMC has encountered. He identified transparency in project funds and the lack of commitment of authorities to prioritize FARMC projects as some of the issues their organization dealt with. Mang Torio continued to push for the government to finance projects that would really address the problems of the fisherfolk. With hindsight, he also explained that funds should be directly given to FARMC. Dapat maiderekta na sa panguluhan para sila na ang mamahagi. Kasi nga nauubos yung pera,

    hindi na nakakarating sa lahat, eh dapat nalalaan iyon para sa mga tunay na pangangailangan ng mga mangingisda, Mang Torio esplained.

    Looking back, Mang Torio shared that that most memorable part of his life would be being entrusted with a barangay councilor position. It brings Mang Torio great honor having earned the trust of their barangay despite his humble profession.

    Gaining lessons from the waters and his years with FARMC, Mang Torio continues to serve his community with dedication and commitment, unwavering despite the challenges that came his way.

    THE MULCHING MATSINGNu Wave Farmer: Timi James Manching by Jabez Joshua Flores

    Do not let your degree define what you have to do in life. Defying all odds and going against conventional wisdom, traditional learning, and standard collegiate expectations; Timi James Manching transplanted his introverted computer science skills to the liberating fields of the organic farm where the birds sing joyfully and the smell of sweet basil becomes one with the wind.

    I met Timi in 2011 during the height of Cafe Antonio Sessions. At that time, we were both involved in this tight-knit community of indie musicians based in Los Baos. He was playing violin and singing back-up vocals for the band, Pathway.

    A BS Computer Science student at the University of the Philippines Los

    Baos, 23-year-old Timi revealed to me his interest in organic agriculture while I was enrolled in the first offering of the Organic Agriculture course at the UP Open University. Prior to that conversation, I had no idea that he was interested in growing vegetables and living a sustainable and simple life.

    At times we would sit in my porch, have lemongrass tea and talk about his dreams of becoming an urban gardener. In response, I would share my learnings from organic agriculture and permaculture. His eagerness to learn gave me hope for the younger generation. I could sense that he would be a good example to his peers in the campus.

    Its about systems thinking. Thats what attracted me to farming, specifically permaculture design. Because thats what we study in computer science, its all about systems, Timi told me while we were making seedling flats out of used pallets and listening to music at Kainos Farm.

    At present, Timi actively participates in farming chores with Tara Farms in Bay on Tuesdays; a couple of organic gardens in Los Baos on Wednesdays; and in Kainos Farm on Thursdays and Fridays. He also joined me last June for a Bamboo Training Workshop conducted by Cabiokid Foundation in Laur, Nueva Ecija together with our friends from Transition Community Initiative

    Jabez Flores is an organic farmer and permaculture designer for Kainos Farm in Calamba, Laguna. He maintains his own garden in Los Baos called Daang Kalabaw Community Garden.

    He finished BA Sociology at UP Los Baos in 2007; Certificate in Organic Agriculture at UPOU in 2012; Basic Permaculture Design at Cabiokid Foundation, Nueva Ecija in 2014; and is currently taking up his masters in Environment and Natural Resources Management specializing in Upland Resources Management at UPOU. He also teaches Personal Entrepreneurial Development at UPOU.

    To know more about what Jabez is up to, visit his blog www.organicbackyardthinking.blogspot.com and https://www.facebook.com/jabez.flores/about.

    The Mulching Matsing is a column dedicated to encouraging the community members, especially the youth, to engage in organic farming.

    COLUMN

    Philippines and Good Food Community. After that, our group of Nu Wave Farmers, also called The Mulching Matsing, was invited for the Luntiang Lunes segment of Oras na Pilipinas at 702 DZAS.

    Though Im delayed [in college], at least I discovered during my long stay here what I really want to do with my life. When I graduate, I will work in the farm.

    Now thats a dream worth pursuing!

    Mang Torio...Continued from page 8Pinsala ng Bagyong Glenda

    sa mga mangingisda umabot sa 55M -MFARMCulat ni Francisco Carandang, pangulo ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council

    Ayon sa tala ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC), umabot sa mahigit PhP 55 milyon ang halaga ng nasalanta o napinsalang palakaya sa mga barangay ng Tadlac, Bangbang, Malinta, Mayondon, at Bayog. Ang datos ay nakabase sa resulta ng isinagawang panayam sa mga mangingisda sa mga naturang lugar. Bukod sa mga nasirang fish cage, fish pen, at baklad, nasira din ang kanilang mga bangka.

    Sa ngayon, balik sa simula at patuloy na bumabangon ang mga naapektuhang mga mangingisda.

  • 6 LOS BAOS TIMES

    Pag may mga paparating na ganyan, nag-iimbak na ako ng pagkain at tubig.- Romil Alfoja, Batong Malake

    Inaayos muna yung mga gamit.Nag-meeting muna kami kung ano dapat ang gawin pag may parating na sakuna. Yung disaster team kumbaga ay pinaghahanda. Tapos pinag-aabiso kami sa mga tao na may paparating na bagyo. Sa bahay naman, nag-iimbak naman kami ng pagkain. Para kung sakaling malakas ang bagyo, may makakain kami.- Pamela de Vera, Brgy. Timugan

    Naghahanda ng mga gamit sa bahay, mga pagkain. Tapos lalagyan ko na ng mga tali yung sa taas ng yero.- Sonny Espedido, Brgy. MayondonPag may bagyong parating, syempre iingatan natin yung mga gamit dyan. Mag-iipon na ng tubig at magcha-charge na ng mga cellphones pati mga rechargeable flashlights. Tsaka isipin mo na kung malapit ka sa baha para madali kang makapaglikas. Pag malapit naman sa bundok, landslides at mga puno ang pag-iingatan.- Jason Gubaton, Sta Rosa. Alaminos Laguna

    Nag-aayos, naghahanda. Katulad halimbawa ng pagkain. Tapos mga gamit, yung mga pangangailangan. Tapos pag kailangan na, ililikas sa magandang lugar ang aking pamilya.- Ronel Carandang, Brgy. Paciano Rizal, Bay

    ..Noong Bagyong Glenda, three days nagkaroon ng shortage - walang gasoline, kerosene o LPG. Bumibili na agad ako ng kalahating kaban ng bigas, syempre pagkain muna. Minsan katulad nyan, parating palang yung Bagyong Henry, kasunod ni Bagyong Glenda, nagkaroon ng panic buying. Nagkaubusan ng paninda, ultimo manok at karne sa palengke.- Nilo Lapid, Brgy. Batong Malake

    Nagcha-charge na ako ng mga gadgets tulad ng cellphone. Pati yung mga flashlights para pag nawalan ng kuryente, may magagamit ako.- Paulo de Jesus, Brgy. Batong Malake

    Kailangan lang updated sa balita sa TV at internet para habang maaga, alam ko kung kelan hindi lalabas or papasok sa trabaho.- Arjay Machete, Brgy. Batong Malake

    If affected ang area ay magstock ng food. Tapos dapat mayroong kahit radyo man lang or flashlight. Yung radyo ay for communication like updates sa landslides or sa bagyo. Yung flashlight naman, since nasa bukid kami, kailangan sya if mag-brownout.- Carlo Dennis Soza, Brgy. Batong Malake

    Galing ako sa mataas na area kaya di pa ko nakakaranas na talagang masalanta. Pero kapag may mga sakuna namang nangyayari, naghihintay ako ng balita sa radyo kung may pasok o wala.- Jose Lorenzo Pangan, Brgy. Batong Malake

    Anu-ano ang iyong mga ginagawang paghahanda kapag may paparating na bagyo?

    ANONG MASASABIMO?

    Anong uri ng mga sakuna ang karaniwan sa Los Baos?Karaniwan ang baha dala ng labis na tubig ulan at malakas na hangin dahil sa bagyo. Pinakamatindi ang tubig baha na may kasama pang agos dulot ng Bagyong Milenyo. Matindi rin ang idinulot na malakas na hangin ng Bagyong Glenda noong Hulyo 16, 2014.

    Sa nakaraang bagyong Glenda, paano naihanda ang mga residente ng Los Baos?Maagap na nakipagtalakayan ang ating mga pinunong barangay upang malagay sa ligtas na katatayuan ang mga residente ng Los Baos at upang mailikas sa mga evacuation centers ang mga taong nasa delikadong lugar.

    Nagtulong-tulong ang mga volunteers, pulis, bumbero, mga empleyado mula sa action center, kahanayan ng Los Banos health centers at social workers upang mabigyan ng kaukulang serbisyo ang mga residente ng Los Baos.

    Ano ang ginagawa ng MDRRMO upang maihanda ang Los Baos at ang mga residente nito sa anumang uri ng sakuna?Maraming ginagawa at gagawin pa ang MDRRMO tungkol sa bagay na ito. Ilan dito ay ang mga sumusunod: 1. pagtatalaga ng 4.6 hektarya ng lupa sa Brgy. Maahas upang

    gawing relocation site para sa mga taga Los Baos na nangangailangan ng ayuda;

    2. pagdeklara ng mga lugar na mapanganib sa paninirahan, pagtatayo ng gusali, panunuluyan at pangangalakal; pagbibigay ng tamang aral at kumpletong kaalaman sa bawat barangay ukol sa mga uri ng sakuna, paano ito maaagapan at mapaghahandaan;

    3. pagsasagawa ng mga workshop, simulation, at drills sa mga pamilya at pamunuan ng bawat barangay upang maging handa sa oras ng pangangailangan at;

    4. pagbabalangkas at pagpaparami ng mga kagamitang pangsagip at panglunas at ng mga pangunahing pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

    Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng MDRRMO sa ibat-ibang ahensya at pamunuan upang higit na maunawaan ang mga bagay patungkol sa sakuna at upang patuloy na magkaroon ng mga bagong kaalaman at kasanayan.

    Ano ang inyong maipapayo sa mga residente ng Los Baos upang higit na maging handa para sa oras ng sakuna?1. Alamin o suriin ang kahinaan at ito ang unang pagsumikapang

    mapagbuti at mapalakas.2. Bawasan ang mga labis na sanga at dahon ng mga puno.3. Linisin ang anumang maaaring makabara at makasira sa daluyan

    ng tubig bago ang tag-ulan.

    ULAT BAYANMUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (MDRRMO)Kaugnay ng National Disaster Preparedness Month, ating alamin mula kay G. Martin Imatong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kung paano pinaghahandaan ng Los Baos ang pagdating ng mga sakuna at panananalasa ng masamang panahon nang maiwasan o mapababa ang kasiraang dulot ng mga ito sa mga ari-arian at residente ng Los Baos.

    Itutuloy sa pahina 7Mul

    a sa

    mga

    pan

    ayam

    ni C

    risp

    in M

    ahri

    on A

    baca

    n

  • 7LOS BAOS TIMES

    Ano ang tinatawag na disaster o kailan tinatawag na disaster ang isang pangyayari?Sa kalikasan, natural na gumuguho ang lupa at ang mga ilog ay natural na umaapaw periodically. Kapag naman may bagyo, natural na ang coastal areas ay pinapasok ng tubig dagat. Nagiging disastrous o mapaminsala ang mga pangyayaring ito kapag maraming buhay, pag-aari o infrastructure ang naaapektuhan o nasasalanta.

    Mayroon bang tiyak na batayan o bilang ng pinsala bago matawag na kalamidad ang isang pangyayari?Wala naman. Ngunit ang ating hangarin sa tuwing may dadaang bagyo ay walang mamamatay o walang maaapektuhan hanggat maaari. Ngunit sa ngayon, hindi pa tayo umaabot sa punto na kaya nating sabihin na zero casualty tayo tuwing may dumadaang bagyo.

    Ano ang ginagawang management patungkol sa mga sakuna?Sa management, ang first line of defense ay kaalaman tulad ng ano ang mayroon sa isang lugar o saan mapanganib ang isang lugar. Malaking tulong ang mga geohazard maps. Next, ay ang pagkakalat ng impormasyon. Ang mga geohazard maps ay ipinamigay na sa mga local government units (LGUs). Kasabay ng pamimigay ng mga mapang ito ay ang pagbibigay ng tamang impormasyon at oryentasyon sa tamang paggamit at pag-unawa sa mga mapa.

    Dahil sa mayroon ng tamang kaalaman ang mga LGUs, sila ay inatasan na isama ang patungkol sa Climate Change Adaptation (CCA) at Disaster Risk and Reduction Management (DRRM) sa kanilang development planning. Halimbawa nito ay ang paghahanda ng mga drainage system upang makayanan nito ang anumang dami ng tubig tuwing tag-ulan o ang pagpaplano kung paano magkakaroon ng sapat na tubig sa panahon ng tagtuyot. Samakatuwid, maraming dapat na

    Gaano nga ba kahanda ang Los Baos sa mga sakuna? Ating alamin mula kay Dr. Decibel Eslava mula sa School of Environmental Science and Management ng University of the Philippines Los Baos.

    Para sa mensahe, kumento, o suhestiyon na maaaring mapag-usapan sa Dito sa Laguna, tumawag o mag-text: Send LAGUNA to 0916-188-DZLB (3952) o tumawag sa 536-2433.

    Ang Dito sa Laguna ay nasa ilalim ng produksyon at pamamahala ng Department of Development Broadcasting and Telecommunication ng UP Los Baos College of Development Communication

    Ang bahaging ito ay sa produksyon ng mga sumusunod: Ma. Teresita B. Osalla (Project Coordinator); Cleofe S. Torres at Sherwin Joseph Felicidario (Program Hosts); at Ma. Teresita B. Osalla at Thaddeus Lawas (Episode Producers)

    isaalang-alang sa pagpa-plano. Sa ngayon, patuloy itong pinag-aaralan ng ating gobyerno at mga lokal na pamahalaan.

    Upang maiwasan ang pagka-putol ng daloy ng tamang impormasyon sa mga LGUs dahil sa pagpapalit ng termino, itinayo ang Disaster Risk and Reduction Management Office.

    Ano ang ginagawa upang maiparating sa iba ang konsepto ng Disaster Risk Management?Halimbawa sa mga magsasaka, mahalaga na ihanda sila sa matinding tagtuyot dahil sa kakulangan sa patubig. Kung kayat ang isang gawain ay ang pagtuturo at pagsasanay sa kanila patungkol sa right water management and practices.

    Anu-ano ang mga maaari nating gawin bilang paghahanda sa mga sakuna?Mahalaga ang komunikasyon at edukasyon sa pamilya. Makinig sa radyo o manood sa telebisyon ng mga patungkol sa pagiging handa sa mga sakuna. Dahil parte na din ng edukasyon sa paaralan ang patungkol sa CCA at DRRM, dapat na intindihing mabuti ng mga mag-aaral ang mga patungkol dito. Sa ganitong paraan, maaaring sila ang mapagkunan ng tamang kaalaman ng kanilang pamilya. Yun lamang, minsan ay mahirap kumbinsihin ang ilang may edad na upang paniwalaan ang mga natututunan ng mga bata sa paaralan.

    Isa din sa mga dapat na mapatibay sa ating kultura ay ang pag-alala sa mga nakaraang sakuna. Kultura ng mga Pilipino ang paglimot o hindi pag-uusap tungkol sa mga sakuna lalo pat kung maraming buhay ang nawala. Ngunit makakatulong kung atin itong aalalahanin upang manariwa sa ating isipan ang mga dapat na paghahanda.

    Ano ang mga praktikal na maaaring gawing paghahanda ng mga nasa tahanan?

    Makinig sa mga balita at anunsyo lalo na sa mga barangay na karaniwang naaapektuhan ng mga kalamidad gaya ng baha.

    Sumunod sa mga instruksyon. Kung pinalilikas na, maging mabilis sa pagsunod. Huwag nang hintayin ang pangyayari kung saan kailangan pang sagipin.

    Maging mapagmatyag at alerto. Alamin kung ano ang mga panganib sa lugar, kailan dapat lumikas o ano ang mga dapat gawin. Alamin din kung saan ang mga evacuation centers at mga alternatibong daan.

    Tandaan na ang kaligtasan ng sarili, pamilya, maging ng buong komunidad ay personal na desisyon. Tayo ang dapat na magdesisyon kung pipiliin natin na maging ligtas. Walang magagawa ang sinuman kung ayaw sumunod ng isang tao.

    Kung nais makipag-ugnayan kay Dr. Eslava, maari siyang puntahan sa School of Environmental Science and Management sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baos o tumawag sa numerong 536-2251.

    MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE (MDRRMO)

    Ang Dito sa Laguna ay isang programang ipinalalabas tuwing Sabado sa Community Cable Channel 8 sa ganap na ika-10 ng umaga. Laman nito ang mga magagandang kwento, masasayang karanasan, at makabuluhang mga usapan patungkol sa Laguna. Ang replay ay tuwing Lunes (2PM), Miyerkules (4PM), at Biyernes (10PM) sa parehong istasyon.

    OPINION

    4. Patibayin ang mga nakatayo lalo na ang lantad sa timog at silangan ng kabahayan at kabuhayan.

    5. Lisanin ang lugar na siguradong malapit sa sakuna at kapahamakan.

    6. Makinig sa mga patalastas, sumubaybay sa abiso, at sundin ang pakiusap ng mga may katungkulan.

    7. Sundin at tuparin ang kaalamang pangkaligtasan at kahandaan sa oras ng pangangailangan.

    8. Imungkahing maipatupad ang mga batas na iuukol sa Disaster Risk Reduction Management-Climate Change Adaptation (DRRM-CCA) na nasasaad sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP).

    9. Gawin ang mga wasto at kailangang pagsasanay ng paulit-ulit sa mga taga barangay at kapamilya.

    10. Maging mapagtanong o alamin ang mga dapat alamin patungkol sa sakuna.

    11. Makipag-ugnayan sa pamunuan ng barangay at tanggapan ng punongbayan kung kinakailangan.

    Mula sa pahina 6

  • Be a community correspondent.

    LB_Times

    [email protected]

    https://www.facebook.com/LbTimes

    Share stories from your barangay, school, and/or organization.

    Remarkable stories from the Los Baos community

    Along the coast of Brgy. Bayog resides 54-year-old Victorio Carillaga or Mang Torio to his neighbors whom he has served as a community leader for more than a decade. A husband of 27 years, father to four children, and a community leader to fisherfolk and his barangay.

    From 2001 to 2011, then 39-year-old Mang Torio took on the role as president of the Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) in their community. In the Philippines, the role of the stakeholders in the sustainable use of coastal and marine resources was recognized through the institutionalization of FARMC. FARMC enabled the community stakeholders, particularly the fisherfolk, to participate in managing the communitys natural resources.

    The FARMC community in Brgy. Bayog started in 1996. However, they gained national recognition two years later in 1998. Looking back at his decades service as FARMC president, Mang Torio shared that their initial attempts to catch illegal fishermen was his most trying experience. Back then, Mang Torio explained that mangangahig or active gear fishing, the use of electricity and poison, and suro or the use of fine mesh net - varying forms of illegal fishing - were commonly practiced. These fishing practices are in violation of Republic Act 8550 or the Philippines Fisheries Code.

    According to Mang Torio, the most difficult violators to catch were the fishermen who use electricity to fish. These fisherment stayed on the shallow parts of the lake and every time the FARMC team gets near, the violators manage to easily run away. FARMC only manages to catch small-time violators. In some cases, fishermen violators who are under the protection of influencial businessmen are handled by national agencies such as the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

    Mang Torio and the FARMC members dedicated themselves to protecting the lake resources by catching fishermen involved in illegal fishing. There were instances when they received death threats. The Los Baos

    by Johanna Marie Drece, Joie April Lanuzga, and Yunika Ysa Lasic

    Mang Torio of Brgy. BayogPhilippine National Police (PNP) assisted FARMC in settling disputes, handling evidence, and in ensuring the safety of FARMC members.

    In 2012, Mang Torio was elected as a barangay councilor in Brgy. Bayog. During the elections, an ordinary man like Mang Torio and his family was not spared from the destructive criticisms of his opponents. Hindi naging hadlang yung kasuotan ng isang tao para makatulong sa isang kapwa. Lalong hindi rin naman siguro naging hadlang ang itsura para makatulong, he said.

    He was the president of FARMC for ten years and a barangay councilor for four years but he never stopped fishing. Mang Torio learned to row and fish when he was in grade school. During his childhood, Mang Torio and his brothers went to school in the morning and accompanied their father in fishing during the evening. Mang Torio can recall days when the fish seemed to have disappeared leaving them with an empty boat in their return to the lakeshore. But there were also days of bounty when they would take home a big catch enough to last them for days. Mang Torio also shared that storms mean a big catch for independent fishermen, blessing them with a catch that can reach up to a hundred kilos of bangus or milkfish.

    Pinakamarami ang huli sa oras ng bagyo. Daang kilo ang nahuhuli. Kapag nakadaan na yung bagyo at hindi na malakas ang hangin, saka naman kami pumapalaot. Despite the bounty of their catch, the fishermen could not really

    rejoice as they knew that their catch was someone elses loss.

    The same waters that brought Mang Torios family blessings can also endanger lives with strong winds and waves. Through time, Mang Torio said that a fisherman learns to understand and respect the waters temperament. He remembered an incident from his childhood when they went to fish one evening. They were not aware that a typhoon was about to hit their barangay. The typhoon caught up with them in the middle of the lake. The strong waves rocking their boat and the winds casting water from the lake. At that moment, their only thought was returning to shore alive. Torio and his father were blessed to have survived. Other fishermen got stranded in Pulong Bay, a nearby islet and was rescued the next day.

    In 2001, Mang Torio ran as president of FARMC seeking to bring about change in his community. And for one decade, he kept the the FARMC members trust and maintained

    Continued on page 5