grade 8 filipino

47
MODYUL 1 : SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYON I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Aralin 1.1 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaῆol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 1.1 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan; Aralin 1.2 – Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, 1

Upload: olaybar-eso

Post on 08-Sep-2015

2.447 views

Category:

Documents


158 download

DESCRIPTION

hhh

TRANSCRIPT

MODYUL 1 : SALAMIN NG KAHAPON

BAKASIN NATIN NGAYON

I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG

Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Espaol, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon.

II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO

Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito.

Aralin 1.1 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo

Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan

(Salawikain, Sawikain at Kasabihan)

b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing

Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat

Mina ng Ginto - Alamat ng Baguio

b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at

Panlunan

Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko

Tuwaang Epiko ng mga Bagobo

b. Wika: Pang-abay na Pamaraan

Aralin 1.2 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaol

Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo

b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag

Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag

ng Emosyon o Damdamin

Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay

Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal

b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Aralin 1.3 Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon

Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku

b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa

Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento

Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo

b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Aralin 1.1 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang

bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga

Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan

noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura

ng lahing ating pinagmulan;

Aralin 1.2 Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan,

duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga

Espaol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong

maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang

panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito;

Aralin 1.3 Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at

maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon

upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang

ito sa ating bansa.

III. INAASAHANG MGA KASANAYAN

Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa modyul na ito.

MODYUL 1 : Salamin ng Kahapon

Bakasin Natin Ngayon

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-unawa sa Napakinggan

Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/

matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/

diskursong pinakinggan

Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging maka

totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong

bibigyang- diin o halaga sa napakinggan

Nakikinig nang may pag-unawa upang:

mailahad ang layunin ng napakinggan

masagot ang mga tiyak na tanong

maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay

ng mga pangyayari

masuri ang sanhi at bunga ng mga

pangyayari

mapatunayan ang kawastuan ng mga

impormasyon batay sa sariling karanasan

Pagsasalita

Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang

panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng

pasalitang komunikasyon tulad ng:

dalawang Uri ng paghahambing

mga Pang-abay

pamanahon

panlunan

pamaraan

mga eupemistikong pahayag

matatalinghagang pahayag

Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong:

nagpapaliwanag

nangangatuwiran

nagsasalaysay

naglalarawan

Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin

at saloobin na may kaugnayan sa paksa

Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap

na nagbibigay-pahiwatig

Pag-unawa sa Binasa

Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito:

karunungang-bayan

alamat

epiko

karagatan

duplo

tula

sanaysay

tula

maikling kuwento

Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian ng mga tauhan sa akda

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa

sa pamamagitan ng:

pagkilala sa kahulugan ng mga salita

kasingkahulugan at kasalungat

na kahulugan

talinghaga

pagbibigay ng hinuha batay sa:

mga ideya/pangyayari sa akda

dating kaalaman kaugnay sa binasa

pag-uugnay ng akda sa:

sarili

kapaligiran

ibang tao

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/

teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin na

may akda

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin

sa mga akdang pampanitikan

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang

akda/teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at

bunga ng mga pangyayari

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa

mapanuring pagbasa ng akda/teksto

nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto

nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan

o ideyang nakapaloob sa akda/teksto

Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari

sa pamamagitan ng:

pagpili ng lohikal na wakas

paggawa ng sariling wakas

pagbabago ng wakas

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin

sa mga akdang pampanitikan

Pagsulat

Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan

at opinyong nakapaloob sa teksto kung:

totoo o hindi totoo

may pagbabatayan o kathang-isip lamang

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa

akda/tekstong binasa at ng:

pamantayang pansarili o sariling karanasan

pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin

Nagagamit ang ibat ibang teknik sa pagpapalawak ng

paksa:

paghahawig o pagtutulad

depinisyon

pagsusuri

Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata

sa pamamagitan ng isang:

kaakit-akit na pahayag

anekdota

serye ng tanong

Nakasusulat ng talata na :

binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan

nagpapakita ng bahagi nito:

simula

gitna

wakas

Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang

impresiyon sa pamamagitan ng :

pagbubuod

makabuluhang obserbasyon

pangunahing kaisipan

pantulong na kaisipan

Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa

ibat ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay

Nagagamit ang ibat ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa tulad ng :

depinisyon

paghahalimbawa

pagsusuri

paghahawig o Pagtutulad

sanhi at bunga

Tatas

Naipapamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan

sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo

Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood,

napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy)

Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa

komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan,

at pagkakataon

Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa

ay may kabuluhan at kredibilidad

Pakikitungo sa Wika at Panitikan

Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo

At pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong

napanood, nabasa, o napakinggan

Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga gramatika /retorika at ibat ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral

Estratehiya sa Pag-aaral

Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin

Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng

pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda

Pananaliksik

Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon

sa pamamaraang:

tuwiran

di-tuwiran

Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula

sa ibat ibang pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom

na impormasyon sa pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang

sanggunian sa aklatan/internet

Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na impormasyon

Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto upang iyong malaman kung alin sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali. Huwag kang mabahala kung may mga naging sagot kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito upang maiwasto ang mga ito.

VI. YUGTO NG PAGKATUTO

ALAMIN

Nais mo bang mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng panitikan ng ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung paano napanatili at napaunlad ang ating panitikan sa kabila ng pananakop ng ibat ibang dayuhan sa ating bayan.

Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Espaol, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang mga ito, alamin muna natin kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Simulan na natin.

GAWAIN 1: LARAWAN NG NAKALIPAS

Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na pinagdaanan ng ating panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat panahong nagdaan? Itala ang iyong sagot sa loob ng banner.

Sagot:

I. Panahon ng mga Katutubo

_______________________________________________

_________________________________________________

II. Panahon ng mga Espaol

______________________________________________________________________________________________

III. Panahon ng mga Hapones

__________________________________________________________________________________________________

Marahil ay nabuo na sa iyong isipan ang saklaw na mga aralin sa modyul na ito. Bago ka pumunta sa susunod na gawain, nais ko munang malaman ang iyong pananaw tungkol sa panitikan.

GAWAIN 2: IPABATID SA BAWAT LETRA

May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa salitang panitikan.

P-

A-

N-

I-

T-

I-

K-

A-

N-

Ang sagot mo sa mga naunang gawain ay makatutulong upang mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahong sakop ng modyul na ito. Iminumungkahi ko na sa sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyongsagot, nang sa gayoy maiwasto natin kung mayroon ka mang mga maling konsepto tungkol sa mga paksang tatalakayin. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral.

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na binanggit ko na sa panimula pa lamang. Sa pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang ilang araling panggramatika tulad ng Mga Uri ng Paghahambing, Pang-abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan, Eupemistikong Pahayag, Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin, at Pagtukoy ng Pangunahin at Pantulong na Kaisipan sa Isang Sanaysay. At bilang patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng awtentikong pagkatuto na iyong magagamit bilang isang responsableng mamamayan sa iyong bayang sinilangan.

Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 1.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.

ARALIN 1.1: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon?

Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para sa atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan .

Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili at pag-unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa susunod na henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay mauunawaan mo sa pag-aaral ng araling ito.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain na iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.

II. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito

Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito.

ARALIN 1.1 : PANAHON NG KATUTUBO

Aralin 1.1.1 a.Panitikan : Karunungang bayan

( Salawikain , Sawikain, at Kasabihan )

b.Wika : Dalawang Uri ng Paghahambing

Aralin 1.1.2 a. Panitikan : Alamat

Mina ng Ginto - Alamat ng Baguio

b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan

Aralin 1.1.3 a. Panitikan : Epiko

Tuwaang - Epiko ng mga Bagobo

b.Wika : Pang-abay na Pamaraan

III. Mga Inaasahang Kasanayan

Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito.

Aralin 1

Panahon

ng

Katutubo

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Pag-unawa sa Napakinggan

Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto /diskursong pinakinggan

Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di- makatotohanan ng mga punto/ argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan

Nakikinig nang may pag-unawa upang:

mailahad ang layunin ng napakinggan

masagot ang mga tiyak na tanong

maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay

ng mga pangyayari

Pagsasalita

Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika

na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng:

dalawang uri ng paghahambing

mga pang-abay na:

pamanahon

panlunan

pamaraan

Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong:

nagpapaliwanag

nangangatuwiran

nagsasalaysay

naglalarawan

Pag-unawa sa Binasa

Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa mga katangian nito

Pagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian mga

tauhan sa akda

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:

pagkilala sa kahulugan ng mga salita

kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan

talinghaga

pagbibigay ng hinuha batay sa:

mga ideya/pangyayari sa akda

dating kaalaman kaugnay sa binasa

pag-uugnay ng akda sa:

sarili

kapaligiran

ibang tao

Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/

teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may

akda

Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin

sa mga akdang pampanitikan

Pagsulat

Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan,

at opinyong nakapaloob sa teksto kung:

totoo o hindi totoo

may pagbabatayan o kathang-isip lamang

Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/

tekstong binasa at ng:

pamantayang pansarili o sariling karanasan

pamantayang galling sa ibang tao o sa ibang babasahin

Nagagamit ang ibat ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:

paghahawig o pagtutulad

depinisyon

pagsusuri

Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata

sa pamamagitan ng isang:

kaakit-akit na pahayag

anekdota

serye ng tanong

Nakasusulat ng talata na :

binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan

nagpapakita ng bahagi nito:

simula

gitna

wakas

Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresyon

Sa pamamagitan ng :

pagbubuod

makabuluhang obserbasyon

Tatas

Naipapamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan

sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo

Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon

Pakikitungo sa Wika at Panitikan

Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at

pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong

napanood,nabasa, o napakinggan

Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga

aralin sa gramatika /retorika at ibat ibang uri ng pambansang

panitikang saklaw ng pag-aaral

Estratehiya sa Pag-aaral

Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng

angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin

Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral

Pananaliksik

Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa

pamamaraang:

tuwiran

di-tuwiran

Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula

sa ibat ibang pagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga

impormasyon sa pananaliksik

IV. Konseptuwal na Balangkas

Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano mo ang iyong mga gawain.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

A. Panitikan

-Tuwaang

Epiko ng mga Bagobo

B. Wika

-Pang-abay na

Pamaraan

A. Panitikan

-Salawikain

-Sawikain

-Kasabihan

B. Wika

Dalawang Uri ng

Paghahambing

Paghambing

A. Panitikan

-Mina ng Ginto

Alamat ng Baguio

B. Wika

-Pang-abay

( Pamanahon at

Panlunan )

Alamat

Epiko

Karunungang -bayan

Nananabik ka na ba sa gagawin mong pag-aaral? Marahil ay iniisip mo na ang mga gawain na iyong isasakatuparan sa modyul na ito. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng panimulang pagtataya na susubok sa iyong kaalaman sa mga araling pampanitikan at panggramatika na saklaw ng kabuuan ng araling ito.

V. Panimulang Pagtataya

A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: Karunungang-bayan

Salamin ng Pagka-Pilipino. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo

ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10 puntos)

RUBRIK

PAMANTAYAN

Mahusay (5)

Kainaman (3)

Mahina (1)

Kaisahan

Tiyak ang pag-talakay sa paksa

Hindi masyadong tiyak ang pag-talakay sa paksa

Hindi natalakay nang wasto ang paksa

Kaugnayan

Angkop ang pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap

Hindi masyadong angkop ang pag-uugnay-ugnay sa mga pangungusap

Walang pag-uugnay-ugnay sa mga pangungusap

Kalinawan

May pokus/ tuon sa ideyang nais ipa- batid

Hindi masyadong nakapokus sa ideyang nais ipabatid

Walang pokus/tuon sa ideyang nais ipabatid

B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang Ang Alamat ng Kasoy.

Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan

sa pagbuo. (10 puntos)

MGA PAMANTAYAN:

Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang

mga pangyayari.

Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan

ng mga pangyayari.

Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng

mambabasa.

Ang Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot.

"Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan."Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto.

"Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?"

"Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito."

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.

C. Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong.Isaalang-alang

sa pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan

at pamaraan.Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel.

(10 puntos)

HANDIONG

Epiko ng Bicol

Salin sa Tagalog ni (J. Arrogante)

VIII

Ang Kabikolan ay isang lupain

Patagang mayaman sa mga baybayin

Sa buong daigdig pinakamarikit

Sagana sa butil, aming nakakamit.

IX

Si Baltog ang lalaking kauna-unahang

Naninirahan sa dakilang patagan

Nagmulang Botavara,

Lahing di- nakikita.

X

Nang itoy kaniyang masukol,

Sa sibat itoy nasapol

At sa brasong Herkules sa lakas

Ang panga ng hayop ay nangagkapilas.

XI

Bawat pangay sukat

Sa habang sandipa

Dalawang katlo ang mga pangil

Nang tanganan ng kaniyang sibat.

XII

At siyay umuwi sa kanilang lupain

Ang dalawang pangay kaniyang binitin

Sa puno ng isang talisay

Sa Tondo, malapit sa bahay.

Ang ginawa mong pagsagot sa panimulang pagtataya ay makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 1.1 Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.

VI.Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng Katutubo.

Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman.

GAWAIN 1.1.1.a : TUGON SA PAGKATUTO

Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di- sumasang-ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA.

ANTICIPATION-REACTION GUIDE

Bago Bumasa

Mga Pangungusap

Pagkatapos Bumasa

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Ang damdamin, saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Kailanman, hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di -sumasang-ayon

Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Espaol ay mayaman na sa panitikan.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Bago pa man dumating ang mga Espaol ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Ang epiko, alamat, at mga karunungang-bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Espaol.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Napatunayan ng mga Espaol na ang ating mga ninuno ay hindi mahilig sa tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Ang panitikan ay hindi sumasalamin sa panahon kung kailan isinulat.

Sumasang-ayon

Di- sumasang-ayon

Matapos mong masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling iyong pag-aaralan?

GAWAIN 1.1.1.b : LIKAS-KATUTUBO

Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Espaol . Gawin sa sagutang papel.

Negrito Ma Malay MALAY

Espaol Arabe ARABE

ARABE

Amerikano

Indones

Nakatutuwang isipin na nagawa mong sagutin ang gawain. Ngayon, iyo namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang inambag na naging tulay upang masilayan natin ang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng lahi na ating pinagmulan.

GAWAIN 1.1.1.c : I-Q NEK

Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

nobela

maikling kuwento

Karagatan

Pasyon

awiting-

bayan

alamat

Moro-moro

korido

Haiku

tanaga

mito

epiko

dula

Timpalak

Palanca

komiks

magasin

salawikain

dulang panradyo

Blog

duplo

palaisipan

kasabihan

sawikain

Bugtong

tulang dula

pelikula

dulang pantelebisyon

Sarsuwela

Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.

Paunlarin

Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala natin nang ganap ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng mga karunungang-bayan ( salawikain, sawikain/kawikaan , at kasabihan ), alamat at epiko. Nakikita at nasasalamin sa panitikan ang kalinangan ng isang lahi. Nakikita sa mga nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, at mithiin ng isang bansa.

Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain sa bawat bahagi ay masasagot mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Mapauunlad mo rin ang iyong mga kaalamang panggramatika. Mauunawaan mo kung bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na gramatika/retorika sa mga araling pampanitikan. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa bahaging ito. Una nating tatalakayin ang tungkol sa mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan gayundin, ang dalawang uri ng paghahambing.

Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ating mga karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga karunungang-bayan ng ating panitikan. Tuklasin natin kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa sumusunod na pahayag.

1. Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong naisulat ito sapagkat ________________________________________________________________________________________________________

2. Upang maging malinaw ang pag-unawa sa salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan kailangang ____________________________________________________

____________________________________________________

Bigyan mo ng pansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon? Sa iyong palagay, ano ang naging gabay at patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng pamumuhay? Nakatulong kaya ang mga karunungang bayan?

Kinuha sa :

Tama! Payak ang pamumuhay noon ng mga sinaunang Pilipino. Sa kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya at payapa. Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga karunungang-bayan.

Sa bahaging ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Espaol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa ibat ibang panahon.

Sa Aking Mga Kabata

ni Jose P. Rizal

Kapagka ang baya'y sadyngumiibigSa kanyng salitng kaloob ng langit,Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharin, At ang isng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salit Mahigit sa hayop at malansng isd,Kay ang marapat pagyamaning kus Na tulad sa inng tunay na nagpal.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Ingls, Kastil at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tumingn Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawal'y dinatnan ng sigw Ang lunday sa law nong dakong una

GAWAIN 1.1.1.d : PAGLINANG SA TALASALITAAN

Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

maalam

kahulugan:_________

1. 2.

kabagay

kahulugan: ____________ ___________________________

naggawad

kahulugan: _________

sigwa

kahulugan:_________

2. 4.

lunday

kahulugan:_____________ __________________

5.

Palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa tulong ng mga angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito.

GAWAIN 1.1.1.e: SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA

1.Suriin ang tula . Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad ang

tiyak na kaisipan na nais nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel.Gayahin

ang pormat.

Sa Aking Mga Kabata

KASABIHAN

______________________________

___________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________

KAISIPAN

3. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang

tula ikaw bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang mga gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang kasabihan bilang karunungang- bayan ay kinapapalooban ng mensahe na magagamit sa buhay. Gayundin naman ang iba pang karunungang-bayan tulad ng salawikain at sawikain/ kawikaan. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon.

ALAM MO BA NA...

KARUNUNGANG-BAYAN

Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago

dumating ang mga Espaol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at

kasabihan.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang

nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may

sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Mga Halimbawa:

Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan

Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan

A wattu langan a kuruga mariga Ing taung mapibabata

Tattolay nga minagimamma . Dasan na ing sablang buring na

(Ibanag) (Pampango)

Walang gawaing mahirap Ang taong matiyaga

sa taong matiyaga. natutupad ang ninanasa.

Sawikain Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng

pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang

maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis

samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko,

patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda

ang paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:

parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan

malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang itoy hindi

gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos ,

ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Mga Halimbawa:

Tulak ng bibigKasama sa gayak

Kabig ng dibdib.Di kasama sa lakad.

Utos na sa pusaUbos-ubos biyaya

Utos pa sa daga Bukas nakatunganga

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat.

1. Ang magtanim ng hangin, 4. Maitim ang gilagid.

bagyo ang aanihin.

2. Itaga mo sa bato. 5. Ang taong walang kibo

nasa loob ang kulo.

3. Kasama sa gayak, 6. Ubos-ubos biyaya,

di kasama sa lakad. bukas nakatunganga.

Salawikain

Sawikain

Kasabihan

1.

2.

1.

2.

1.

2.

Madali mo bang nakilala ang salawikain, sawikain at kasabihan? Nakilala mo ba ang mga ito dahil sa taglay nilang mga katangian? Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga ito, makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol dito.

4. Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat.

karunungang bayan

salawikain

sawikain

kasabihan

Malakas ang loob,

Mahina ang tuhod

Kahulugan:

______________________________

Itaga mo sa bato

Kahulugan:

______________________________

Taong nanunuyo,

Dala-dalay bukayo

Kahulugan: ________________________________

5. Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

A, B, C Katangian ng bawat

isa

D- Pagkakatulad ng tatlo

Sa tulong ng mga gawain na inilaan ng araling ito ay maaari mo nang maisantabi ang maling pag-unawa sa salawikain, sawikain, at kasabihan.Ngayon ay nagawa mong paghambingin ang salawikain, sawikain at kasabihan.

Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao, bagay , pangyayari, ideya at iba pa, kailangan ang isang maayos na paghahambing ? Ang araling ito ay naglaan ng mga gawain upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa paghahambing.

6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng paghahambing. Isulat sa papel ang sagot.

Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon.

Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.

Pagkatapos mong sagutan ang gawain, nadagdagan ba ang iyong kaalaman sa ating araling panggramatika . Sa araling ito , malalaman mo kung paano susuriin ang antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA

MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1. Paghahambing na magkatulad

Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na

katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping

kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay

ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho.

2. Paghahambing na di-magkatulad

Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.

May dalawang uri ito:

2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang tulad ng

lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino

2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa

pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at

di-hamak.

Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika,

subukin mong maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito.

7. Itala mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa tulong ng mga salita/ pahayag na ginagamit sa paghahambing.

Ang pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan

_________________________________________________________________________________

Ang pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan

______________________________________________________________________________

__________________________

Bago tayo magpatuloy, balikan mo muna ang iyong mga sagot sa naunang mga gawain at ihambing mo ang iyong mga naging sagot sa daloy ng talakayan sa bahaging ito. Ano sa mga ideya mo ang tama? Ano naman ang hindi tama at dapat na iwasto?

GAWAIN 1.1.1.f : Pag - Sa Sa Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa

Salawikain, Sawikain, at Kasabihan )

Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa kasalukuyang panahon. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging ito.

A. Salawikain

Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-akda upang bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating.

Nakikita ang butas ng karayom,

Hindi ang butas ng palakol

Mayroon pang taong

Sobrang palapuna at palapintasin,

Sa mukha ng kapway

Nakikikita agad ang dumi o dusing;

Munting kapintasan

Ng kapwa niya taong laging pinapansin

Ang kamalian niyat

Mga kasamaan ay ayaw aminin.

Dungis sa mukha moy pahirin mo muna

Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz

Panuto: Bumuo ka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot sa tanong blg. 1.

1. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel.

B. Kasabihan

Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala. Bigyan mo ng pansin ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan.

Sa pagdamay ay no.1Matalas makiramdamAng sakit sa kalingkingan Ay sakit ng buong katawanKung di kaya ng nag-iisaPagtulungan nating dalawa

Ang bayanihan spirit ay taglay ng bawat isa

Marunong lumingon

Sa pinanggalingan

Ang utang na loob

Hindi nalimutan

Walang puwang sa isip mo

Ang crab mentalidad

Hindi naiinggit

Kapwa Pinoy man Ay umunlad

Bahagi ng awit na Positibong Kasabihan ni Ser Jess Torres

2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa: batay sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa hinalaw na awit . Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Kasabihan mula sa awit

_______________________________

_______________________________

Nasaliksik na pangyayari:

_______________________________

_______________________________

Kasabihan mula sa awit

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Nasaliksik na pangyayari:

__________________________________________________________________

C. Sawikain/Kawikaan

Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan, naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na gawain sa p. 41.

Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita

makilala para kang hinipang lobo.

Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa

kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo

ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

Ang lakas ng dating mo.

Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sayo?

Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa

klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya

mo ang kursong pinangarap mo.

Joan: Heto ngat patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang

kursong noon pay hinangad ko na.

Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo

makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa

butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan.

Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging magaan ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong pamagat para sa talata.

4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang

kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan.

Karunungang-bayan

Kahalagahan

Salawikain

Sawikain

Kasabihan

Matapos mong sagutin ang mga gawain, nakaramdam ka ba ng pagmamalaki bilang isang Pilipino? Masasabi mo bang may kalinangan na ang ating lahi bago pa man tayo sakupin ng mga Espaol? Paano mo pahahalagahan ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan na minana mo pa sa ating mga ninuno?

Pagkakataon mo na upang ilahad ang iyong pananaw sa kahalagahang hatid ng karunungang-bayan sa mga kabataan sa kasalukuyan. Naniniwala ako na mapaninindigan mo ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin na iyong natutuhan sa aralin.

GAWAIN 1.1.1. g : PAGTALUNAN NATIN, PUNTO SA PUNTO

. Ilahad ang iyong panig sa paksa. Subuking gamitin ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Isulat ang sagot sa papel.

KARUNUNGANG- BAYAN: MABISA PA RING GAMITIN BILANG PATNUBAY O GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON

Naipakita mo sa gawaing ito ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan sa kabataang Pilipino. Malaki ang maiaambag mo sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating matandang panitikan kung ang mga ito ay magagamit mo sa iyong buhay.

GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN

Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag na panig na ginawa sa GAWAIN 1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito.

REPLEKSIYON

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN 1.1.1.i : DUGTUNGAN TAYO

Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang konsepto sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya na nakapaloob sa kahon.

1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang - bayan sapagkat ________________________________________________________________________________________________

2. Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa kasalukuyan dahil ________________________________________________________________________________________________

3. Sa tulong ng mga karunungang-bayan, naging malinaw sa akin ang ________________________________________________

Kaya ipinagmamalaki ko ___________________________

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon pagkatapos, gawin mo ang Inaasahang Produkto para sa araling ito

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa ibat ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya sa sumusunod na pamantayan:

RUBRIK

PAMANTAYAN

LUBOS NA KATANGGGAP-TANGGAP

(5)

KATANGGAP-TANGGAP

(3)

MAHINA

(1)

Organisasyon

Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan

May ilang teksto at larawan na wala sa lugar

Nakalilito ang pagkakaayos ng teksto at mga larawan

Kalidad ng mga Larawan

Klaro at tama ang perspektibo

May ilang larawan na di klaro o tama ang perspektibo

Karamihan sa mga larawan ay di klaro o Malabo ang perspektibo

Dibuho

Kaakit-akit ang brochure dahil tama ang kombinasyon ng kulay, estilo, laki ng font at pagkakaayos ng teksto at larawan

Medyo kaakit-akit ang brochure kahit ay ilang maling kombinasyon na makikita sa brochure

Di- gaanong kaakit-akit ang brochure dahil kitang-kita ang maling kombinasyon ng larawan, estilo, font at teksto

Gamit ng Karunungang- bayan

Mabisa ang pagkakagamit ng karunungang -bayan sapagkat

Nakatulong ito upang maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino

Di masyadong mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang- bayan dahil di gaanong naipakita ang kultura at tradisyong Pilipino

Di mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang -bayan sapagkat halatang pilit ang pagpapakita ng kultura at tradisyong Pilipino

Nakatulong ba nang malaki ang mga kaalamang natutuhan mo sa kabuuan ng aralin sa pagbuo ng Inaasahang Produkto? Higit pa sa mga kaalaman, konsepto at ideyang natutuhan mo sa bahaging ito ng modyul, inaasahan ko na maisasabuhay mo ang mga aral na nakapaloob sa ating mga karunungang-bayan.

Samantala, naniniwala ka ba na mahalagang malaman ang pinagmulan ng mga bagay sa ating paligid? Naisip mo rin ba na ang mga bagay na iyong napakikinabangan sa kasalukuyan ay nagtataglay ng mga kuwento ng kanilang pinagmulan?

Ang susunod na aralin na iyong pag-aaralan ay isang akdang pampanitikan na makatutulong sa iyo upang higit mong makilala ang pinagmulan at kahalagahan ng pagsulpot ng mga bagay sa iyong kapaligiran, ang alamat. Batid ko ang iyong pananabik sa aking tinutukoy kaya maaari ka nang humakbang sa susunod na aralin para pag-aralan ito.

ARALIN 1.1.2 : ALAMAT

Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda. Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga alamat gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lunan , o pangyayari.

Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi. Matapos mong pag-aralan ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw ay inaasahang makabubuo ng informercial na nagtatampok sa kultura at tradisyong Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano kasasalaminan ng kultura, tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.

Bago mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko munang mataya ang iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan mo sa pagsagot sa sumusunod na gawain.

GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG PINAGMULAN

Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan sa tulong ng mga larawan.Subukin mong sagutin ang kasunod na mga tanong.

Ang mga larawan ay hinango sa

http://www.google.com.ph/search

a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat?

b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay?

c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan.

Nakatulong ba sa iyo ang ginawa mong pagsagot sa mga tanong upang makilala ang alamat bilang isang akdang pampanitikan? Huwag kang mag-alala, ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang pagyamanin ang iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan.

GAWAIN 1.1.2.b : WAKAS NG PINAGMULAN

Sa isang kuwento , pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan. Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito? Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Isulat ang sagot sa papel.

Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan.

Halaw sa Alamat ng Butiki

Puna: _______________________________________________________

Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging", wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal ay naging saging.

Halaw sa Alamat ng Saging

Puna: ___________________________________________________________________

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon.

Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon

Puna ______________________________________________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas?

2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng

kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan?

GAWAIN 1.1.2.c : KILALANIN ANG PINAGMULAN

Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer. Gayahin ang pormat.

ALAMAT

Nataya na natin ang iyong dating kaalaman sa paksa at alam ko na handa ka nang dagdagan pa ito sa pamamagitan ng mga gawain na batid kong makatutulong sa iyo upang malinang mo ang kinakailangang pag-unawa .Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong na magiging gabay sa iyong pag-aaral mula simula hanggang huling bahagi ng araling ito.

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga bagay sa kasalukuyan?

2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan

sa kasalukuyan? Patunayan.

3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan.

GAWAIN 1.1.2.d: TUGON MOMAHALAGANG ALAMIN

Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa sa aralin na ating pag-aaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa mga gabay na tanong upang magabayan ka sa pagpapalawak ng paksa na nasa loob ng kahon.

Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Huwag kang mag-alala kung sa tingin mo ay hindi mo nasagot nang wasto ang mga katanungan.Naglaan pa ng mga gawain ang modyul na ito upang matulungan ka sa pagkilala ng mga tamang konsepto ng aralin .

Ang bahaging ito ng aralin ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga konsepto at kasanayang dapat mong malinang sa paksa. Kailangang mapalawak at mapaunlad mo pa ang iyong dating kaalaman nang sa gayon ay mabatid mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi.

Basahin at unawain.

Mina ng Ginto

Alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.

Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang anito.

Kung nagdaraos sila ng caao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.

Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.

Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siyay malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.

Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caao.

Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caao, ang pasiya ni Kunto.

Ipinagbigay-alam sa lahat ang caao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.

Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.

Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Silay natakot.

Maya-mayay nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayoy mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.

Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.

Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.

Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.

Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.

Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nitoy hindi na maabot ng tingin ng mga tao.

Isang araw, anang isang mamamayan, kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.

Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.

Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayoy higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.

At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat ng mamamayan sa ating bansa? Maituturing mo bang yaman ng lahi ang mga alamat sa ating panitikan? Bago mo sagutin ang mga tanong, bigyan mo ng pansin ang kasunod na mga gawain upang higit mong maunawaan ang nilalaman ng binasa mong alamat.

GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN

Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa akda. Isulat sa papel ang mga sagot.

1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caao bilang parangal sa kanilang

mga anito.

Kahulugan - _______________________________________

2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa ibat ibang

anito.

Kahulugan - ______________________________________

3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.

Kahulugan - ______________________________________

4. Siyay bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.

Kahulugan - _______________________________________

5.Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.

Kahulugan - ______________________________________

Batid ko na nakatulong ang mga salitang binigyan mo ng kahulugan upang iyong maunawaan ang kultura at tradisyon na mayroon ang mga Igorot. Subukin natin ang lalim ng iyong pag-unawa sa ilang mahahalagang konsepto ng akdang binasa.

GAWAIN 1.1.2.f : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA

Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa alamat.

1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Gitna

__

Wakas

Simula

2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda ? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin sa papel.

3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

BAHAGI

MAKATOTOHANAN

DI- MAKATOTOHANAN

SIMULA

GITNA

WAKAS

Sa bahaging ito, iyong napagtibay na nangingibabaw sa alamat ang mga di- makatotohanang pangyayari na nagpapaigting upang maging kapana-panabik ang kuwento na nakapaloob dito. Gayundin, sa tulong ng mga di-makatotohanang pangyayari nabubuo ang pinagmulan ng mga bagay.

4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Mina ng Ginto

____________________________________

____________

_________________________________

___________

Igorot

_____________

__________________________

Kultura

At

Tradisyon

___________

____________________

5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga Igorot. Sa iyong palagay , nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart. ( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ). Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

KULTURA NG IGOROT

Ano- ano ang mga kulturang binanggit sa akda?

Sa kasalukuyan,

nananatili pa rin ba ito?

Oo o Hindi

Patunay

Napatunayan mo sa bahaging ito na ang alamat bilang akdang pampanitikan ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito. Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain. Layon ng araling ito na mapalawak pa ang iyong kaalaman sa paksang tinatalakay . Makatutulong kung iyong babasahin at uunawain ang mahahalagang konsepto na nakatala sa loob ng kahon.

ALAM MO BA NA

Ang Alamat

Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino

bago pa dumating ang mga Espaol. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kayay tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa.

Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat.

Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.

Pagkatapos mong malaman kung ano ang alamat at mga bahagi nito, bigyan mo naman ng pansin ang mahalagang gamit ng panahon at pook . Sa iyong palagay nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Gawin mo ang mga susunod na gawain upang masagot mo nang wasto ang mahalagang tanong hinggil sa paksang ito .Isulat sa sagutang papel.

Sa bahaging ito masusukat ang iyong kasanayang panggramatika. Malalaman natin ang antas ng iyong kaalaman sa araling pangramatika na iyong pag-aaralan. Basahin mo ang bahagi ng kuwento na nasa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong .

Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namumutawi kundi isang impit na Diyos Ko!!! Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang hayaan-mo-na ang Nanay na tingin. Kasabay ng isang malalim na buntung-hininga, si Conradoy nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na.

Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang silat natagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siyay hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepey naghihirap, at saka ngayon pang si Pepey matiwasay na, salamat sa suwerong itinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka.

Halaw sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute

a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay- turing ba ito sa mga salitang nakihilig o naglalarawan?

b. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang maipabatid ang mahalagang pangyayari sa alamat? Patunayan.

c. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit?

Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong, may ideya ka na ba kung ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan upang malinaw na maipabatid ang mga pangyayari sa isang kuwento? Makatutulong sa iyo nang malaki ang mga impormasyon na nakatala sa kasunod na kahon upang ganap mong maunawaan ang araling panggramatika.

ALAM MO BA NA

PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda.

Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon

Mga halimbawa:

1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw?

2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.

3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.

4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya

at mag- ayuno.

5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.

May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa.

Mga Halimbawa:

1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng National Artist Award buhat sa Pangulo.

2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino

sa CCP.

3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay

sa mahihirap.

4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan

ni Gabriela Silang.

5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM.

Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.

Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa.

Narito ang Ilang Halimbawa:

1. sa + pangngalang pambalana

Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

2. sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao

Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at sa PNU tungkol sa wika.

3. sa + panghalip na panao

Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.

4. sa + panghalip na pamatlig

Nagluto sa ganito ang kanyang ina.

5. kay + pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.

Sa tulong ng mga nabasa mong impormasyon sa ating araling pang-gramatika, batid ko na nananabik ka nang sumagot muli sa mga gawain upang masubok ang iyong mga kakayahan.

Naglaan ng iba pang mga gawain ang modyul na ito upang ganap na mataya ang bisa ng mga konseptong iyong natutuhan .

GAWAIN 1.1.2.h : PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN

1. Balikan mong muli ang alamat na Mina ng Ginto. Sumipi ka ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

2. Mula pa rin sa alamat na Mina ng Ginto, pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at ibuod ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob dito. Gawin sa papel.

3. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang alamat? Isulat ang iyong sagot sa papel.

Malinaw na sa iyo ang gamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay tulad ng alamat, inaasahan ko na ang mga mali mong ideya ay naiwasto na.Higit sa lahat, dapat nabatid mo rin kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi. Bukod sa alamat ang isa pang matandang panitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo ay ang mga kuwentong- bayan. Tulad ng alamat, sa iyong palagay, tumutulong din ito sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi?

Sa bahaging ito , muli mong suriin kung paano nakatulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa akda.

Basahin at unawain.

NAGING SULTAN SI PILANDOK

kuwentong -bayan ng Maranaw

Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak." Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng Sultan."Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. "Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak."Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng Sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok."Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon. Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.""Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng Sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.

Ang paggamit ng kaugnay na teksto ay makatutulong upang higit na mapagyaman ang kaalaman at kasanayan sa mga araling pampanitikan at panggramatika. Subukin mong sagutin ang mga susunod na gawain upang mapalalim mo pa ang iyong kakayahang sumuri at umunawa.

GAWAIN 1.1.2.i : PALALIMIN ANG KAALAMAN

1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong- bayan ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat ng mamamayan sa Pilipinas.

Naging Sultan si Pilandok

Kaugalian

Kultura

at

Tradisyon

Kalagayang Panlipunan

Mahusay! Madali mong natukoy ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan sa akdang iyong binasa. Marahil ay iyo nang naba- batid na sa tulong ng panitikan ay maaari mong masilip ang ating nakaraan.

2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? Bakit? Isulat sa papel ang iyong sagot.

3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga katangiang taglay ng mga ito bilang akdang pampanitikan.

ALAMAT

KUWENTONG BAYAN

Katangian

Pagkakatulad

Katangian

Mabisa mo bang napaghambing ang dalawang akdang pampanitikan ? Natitiyak kong nakatulong ang ginawa mong paghahambing upang higit mong ma-pahalagahan ang mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Katutubo.

4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, tradisyon, kaugalian o kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa

kasalukuyan. Gawin sa papel.

Alam kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang araling ito upang tumibay ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo .

Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga gawain.Ngayon, alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan mo ang sitwasyon.

Sitwasyon:

Ang araw ng pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay nalalapit na. Kaya naman bilang paghahanda, ang lahat ng punong barangay ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang mahalagang impormasyon hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay kailangang lumahok sa paligsahan sa pagbuo ng infomercial para sa paksang Bayan ko Ipinagmamalaki ko. Kaya, ikaw bilang punong barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na paligsahan. Ang pagtatanghal ng infomercial ang pinakatampok na gawain sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na iyon ay darating ang mga piling panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa ibat ibang lungsod.Ang infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.

a. Nilalaman

b. May kaugnayan sa paksa

c. Pagiging masining

d. May orihinalidad

e. Batay sa pananaliksik

f. Tapat

Natutuwa ako at nagawa mong maisakatuparan ang Inaasahang Produkto para sa araling ito. Batid ko na lahat ng konsepto sa araling pampanitikan at panggramatika na iyong natutuhan ay mananatili at mapauunlad mo pa. Ngayon, alam ko na handa ka na sa pagkilala sa bagong aralin. Subalit bago mo ito pag-aralan , subukin mo munang sagutin ang sumusunod na tanong. May paborito ka bang superhero? Anong katangian niya ang iyong nagustuhan? Maituturing mo ba siyang bayani ng iyong buhay?

Marahil ay nagtataka ka kung ano ang kaugnayan ng aking mga tanong sa susunod na araling iyong pag-aaralan. Kaya, simulan mo nang silipin ang mundo ng epiko nang sa gayoy higit mong maunawaan ang mga kaisipan/ konseptong nakapaloob dito. Huwag mong hayaang mawala ang iyong sigla sa pag-aaral dahil alam kong ang susunod na aralin ay tulad ng alamat, maipagmamalaki mo ito bilang bahagi ng panitikan ng iyong lahing pinagmulan.

Aralin 1.1.3: EPIKO

Matapos mong maunawaan ang katangian at kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino ng ilang sinaunang panitikan, sa bahaging ito ay iyong makilala ang isa pang itinuturing na maipagmamalaking matandang panitikan ang epiko. Kung nais nating mabakas ang kasaysayang may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating matagpuan muli ang ating mga sarili ay napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng pansin ang ating mga epiko. Bagamat ito ay nalikha batay sa kababalaghan at nagtataglay ng mga di- kapani-paniwalang pangyayari, kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na tunay na maipagmamalaki.

Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Sa kabuuan ng iyong pag-aaral sa araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng biopoem na nagtatanghal ng karaniwan o simpleng mamamayan na nakagawa ng kabayanihan sa kaniyang kapwa.

GAWAIN 1.1.3.a: LARAWAN NG KABAYANIHAN

Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong subukin muna ang dati mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin .

Kilalala mo ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin mo ang mga tanong tungkol sa kanila.

Ang mga larawan ay hinango sa

http://www.google.com.ph/search

a. Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan?

b. Ano ang mga katangian nila na di makikita sa karaniwang tao?

c. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit?

Alam mo ba na noon pa man ay may kinikilala na ang ating mga ninuno na tulad ng mga Pinoy Superhero sa kasalukuyan? Matatagpuan sila sa ating mga epiko. Itinuturing sila bilang mga bayani ng kani-kanilang rehiyon.

Tatalakayin sa araling ito ang mga katangian ng epiko upang iyong maunawaan ang kabisaan nito bilang akdang pampanitikan. Gayundin ang kahalagahan ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan upang maging tiyak at malinaw ang isinasaad ng kilos ng mga tauhan sa bawat pangyayari ng epiko.

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas mula noong Panahon ng

Katutubo hanggang sa kasalukuyan?

2. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo?

3. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan

sa kilos ng tauhan sa mga pangyayari sa isang epiko? Patu