filipino 8 epiko
TRANSCRIPT
EPIKOIto ay isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipag-laban ng isa o grupo ng tao laban sa kanilang mga kaaway.
EPIKOIto ay karaniwang nagtataglay ng mga mahiwaga o mga di-kapani-paniwalang mga pangyayari o tauhan. Ito ay karaniwang kuwento ng paglalakbay at pakikipag-digma
EPIKOAng epiko ay karaniwang may haba mula 1,000 hanggang 5,000 na linya kaya’t kapag itinanghal ito ay maaaring abutin ng ilang oras o minsan tumatagal ito ng ilang araw
EPIKO• Bidasari – Epiko ng Maranao• Ibalon – Epiko ng Bikol• Tuwaang – Epiko ng mga
Bagobo• Parang Sabir – Epiko ng mga
Moro• Biag ni Lam-Ang – Epiko ng
mga Ilokano
ELEMENTO NG EPIKO:Tauhan – Ito ay nagbibigay-buhay sa epiko. Karaniwang nagtataglay ng kapangyarihanTagpuan – Ito ang nagbibigay-linaw sa paksa, banghay at tauhan. Ito din ang lugar o panahon na kinikilusan ng tauhan
ELEMENTO NG EPIKO:Banghay – Ito ay pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko. Ito ay pwede maging payak o komplikado.Matatalinghagang Salita – Ito ang mga salitang hindi lantaran ang kahulugan
KATANUNGAN:Bakit kaya may taglay na supernatural na kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa epiko?
PAGPAPALAWAK NG PAKSAIto ay isang gawaing na sumusukat o nagpapakita kung gaano kalawak ang kaalaman ng isang tao patungkol sa isang ispesipikong bagay.