filipino 4

3
Ikahon ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap. 1. Masigabong pinalakpakan si Kesz dahil sa kanyang mga nagawa. 2. Siya’y malugod na binati ng miyembro ng media sa kanyang pagbabalik. 3. Masayang nagpaliwanag si Kesz tungkol sa kanyang tinanggap na premyo. 4. Nakinig nang tahimik ang lahat sa kanyang paliwanag. 5. Mainit na tinanggap ng mga Pilipino ang tagumpay ng dating batang kalye. 6. Ang anumang gawain ay dapat gawin nang buong puso. 7. Malungkot niyang inalala ang kanyang pinagdaanang buhay. 8. Mahusay magpagaling sa mga sugat ng puso ang pagmamahal. 9. Siya ngayon ay tumutulong nang bukal sa loob. 10. Taimtim na nagdasal ang lahat para sa kanyang tagumpay. Bilugan ang pinakaangkop na pang-abay na pamaraan sa panaklong. 1. Ang bawat tao ay may galing na dapat linangin nang (mainit, mabuti, mabilis). 2. May mga tulad ni Kesz na bata pa ay (mahusay, masigabo, mapilit) nang magturo sa iba. 3. Ang mga eskultor naman ay (matiyagang, mainit, magalang) bumubuo ng mga likhang-sining gaano man katagal ang paggawa nito. 4. (Masarap, Mapagmahal, Mainit) na pagtanggap ang ibinibigay sa mga eskulturang ito. 5. Isa si Guillermo Tolentino sa mga lumilok ng mga obrang (mabusising, masigabong, mahirap) pinapalakpakan ng madla. 6. Si Liza Macuja ay (mahusay, mabilis, malakas) sumayaw ng ballet kaya tinawag siyang prima ballerina. 7. Si Manny Paquiao naman ay (masinop, mainit, magaling) magboksing kaya tinawag na Pambansang Kamao. 8. Kilala naman si Henry Sison, isang Pilipinong (masarap, masinop, malinis) magluto kaya’t 9. (maganang, magandang, mahirap) kumakain ang kanyang mga ipinagluluto. 10. (Mahusay, Masinop, Mabilis) umawit si Lea Salonga kaya’t hinahangaan siya sa buong mundo. Ikahon ang mga pang-abay na pamanahon sa pangungusap. 1. Maagang nagising ang pamilya nina Aris at Anton. 2. Tuwing Sabado naglilinis sila ng buong bahay. 3. Nag-aalmusal na sila sa ikaanim ng umaga. 4. Maya-maya pa’y abala na ang lahat sa paglilinis. 5. Habang naglilinis ang mag-aama ay namalengke si Nanay at dumating ng ikawalo ng umaga.

Upload: kathrina-ann-nagayo

Post on 17-Feb-2016

329 views

Category:

Documents


17 download

TRANSCRIPT

Page 1: Filipino 4

Ikahon ang pang-abay na pamaraan sa bawat pangungusap.

1. Masigabong pinalakpakan si Kesz dahil sa kanyang mga nagawa.2. Siya’y malugod na binati ng miyembro ng media sa kanyang pagbabalik.3. Masayang nagpaliwanag si Kesz tungkol sa kanyang tinanggap na premyo.4. Nakinig nang tahimik ang lahat sa kanyang paliwanag.5. Mainit na tinanggap ng mga Pilipino ang tagumpay ng dating batang kalye.6. Ang anumang gawain ay dapat gawin nang buong puso.7. Malungkot niyang inalala ang kanyang pinagdaanang buhay.8. Mahusay magpagaling sa mga sugat ng puso ang pagmamahal.9. Siya ngayon ay tumutulong nang bukal sa loob.10.Taimtim na nagdasal ang lahat para sa kanyang tagumpay.

Bilugan ang pinakaangkop na pang-abay na pamaraan sa panaklong.

1. Ang bawat tao ay may galing na dapat linangin nang (mainit, mabuti, mabilis).2. May mga tulad ni Kesz na bata pa ay (mahusay, masigabo, mapilit) nang magturo sa iba.3. Ang mga eskultor naman ay (matiyagang, mainit, magalang) bumubuo ng mga likhang-sining

gaano man katagal ang paggawa nito.4. (Masarap, Mapagmahal, Mainit) na pagtanggap ang ibinibigay sa mga eskulturang ito.5. Isa si Guillermo Tolentino sa mga lumilok ng mga obrang (mabusising, masigabong, mahirap)

pinapalakpakan ng madla.6. Si Liza Macuja ay (mahusay, mabilis, malakas) sumayaw ng ballet kaya tinawag siyang prima

ballerina.7. Si Manny Paquiao naman ay (masinop, mainit, magaling) magboksing kaya tinawag na

Pambansang Kamao.8. Kilala naman si Henry Sison, isang Pilipinong (masarap, masinop, malinis) magluto kaya’t9. (maganang, magandang, mahirap) kumakain ang kanyang mga ipinagluluto.10.(Mahusay, Masinop, Mabilis) umawit si Lea Salonga kaya’t hinahangaan siya sa buong mundo.

Ikahon ang mga pang-abay na pamanahon sa pangungusap.

1. Maagang nagising ang pamilya nina Aris at Anton.2. Tuwing Sabado naglilinis sila ng buong bahay.3. Nag-aalmusal na sila sa ikaanim ng umaga.4. Maya-maya pa’y abala na ang lahat sa paglilinis.5. Habang naglilinis ang mag-aama ay namalengke si Nanay at dumating ng ikawalo ng umaga.6. Nagluto si Nanay ng masarap na tanghalian para sa kanyang masipag na pamilya at kumain

sila ng ikalabindalawa ng tanghali.7. Sa hapon nagpahinga ang mag-anak.8. Sa gabi naglalaro sina Aris at Anton habang nagkukuwentuhan sina Nanay at Tatay.9. Maagang nagsitulog ang lahat.10.Sila kasing lahat ay sisimba bukas. Tunay na payapa at masaya na ang pamilya nina Aris.

Isulat sa patlang ang pang-abay na pamanahong nararapat gamitin sa bawat sitwasyong nakalahad.

1. ____________________ kumakain ng almusal ang pamilya.

Page 2: Filipino 4

Tuwing umaga Tuwing tanghali Tuwing gabi

2. ____________________ naman sila kumakain ng tanghalian.

Tuwing umaga Tuwing tanghali Tuwing gabi

3. ____________________ kumakain ng hapunan.

Tuwing umaga Tuwing tanghali Tuwing gabi

4. ____________________ lumulubog ang araw.

Sa umaga Sa tanghali Sa dapit-hapon

5. ____________________ sumisikat ang araw.

Sa umaga Sa tanghali Sa gabi

6. ____________________ nakikita ang maliwanag na buwan at mga bituin.

Sa umaga Sa tanghali Sa gabi

7. ____________________ gumigising ang mga tao upang magsimula ng bagong araw.

Sa madaling-araw Sa tanghali tapat Sa hatinggabi

8. ____________________ nararamdaman ang pinakamatinding sikat ng araw.

Sa umaga Sa tanghali Sa gabi

9. ____________________ nagsisimula ang pagpasok ng mga bata sa paaralan.

Tuwing Lunes Tuwing Biyernes Tuwing Linggo

10.____________________ nagtatapos ang klase ng mga bata sa isang linggo.

Tuwing Lunes Tuwing Biyernes Tuwing Sabado

Isulat sa linya kung ang salitang nakasalungguhit ay ginamit bilang pang-uri o pang-abay.

____________________1. Masaya ang magkakaibigan dahil nagkakasundo sila.____________________2. Si Bibig ay hindi na madalas nagrereklamo.____________________3. Masiglang gumagawa ng kani-kaniyang tungkulin ang bawat isa.____________________4. Naging malusog ang katawan ni Isko dahil dito.____________________5. Mahirap magsimula pero handa na sila sa pagbabago.____________________6. Tumutulong na ang bawat bahagi sa kanilang munting paraan.____________________7. Talagang mabuting nagkakaisa ang lahat.____________________8. Ang inggit ay tunay na nagdadala ng pagkakawatak-watak.____________________9. Maraming magkakaibigan na ang nagkasira dahil sa inggit.____________________10. Maging mabuti tayong halimbawa sa iba.Bilugan ang titik ng salitang ginamit bilang pang-abay sa bawat pangungusap.1. Talagang nagbago na ang magkakaibigan.

Page 3: Filipino 4

a. magkakaibigan b. nagbago c. talaga2. Lubhang masisipag sila sa pagtulong sa nangangailangan.

a. lubhang b. pagtulong c. masisipag3. Sila’y laging umiiwas sa anumang away o gulo.

a. away b. lagi c. umiiwas4. Magagalang silang sumagot kapag tinatanong.

a. magagalang b. tinatanong c. sumagot5. Kapag hinihingan sila ng tulong ay agad silang tumutugon.

a. agad b. tumutugon c. hiningan

Salungguhitan ang pang-abay at ikahon ang salitang inilalarawan o tinuturingan.

1. Mahirap makisama sa mga taong mareklamo.2. Sila kasi’y mabilis manghusga sa kapwa nila.3. Laging pangit ang nakikita nila sa anumang sitwasyon.4. Mahirap nang mabago ang nakaugalian.5. Talagang umaasa akong magbago sila para umayos ang ating samahan.