dapitan edited[1]

Download Dapitan Edited[1]

Post on 28-Nov-2014

195 views

Category:

Documents

1 download

Embed Size (px)

TRANSCRIPT

PATRIOTISMO AT DAPITAN 1890-2000Ang Himay-Malay sa Paglaya: Pagtitistis ng Kamalayan sa Kasaysayang Pilipino (Pagbangon ng Sugatang Katawan at Paghilom sa Nasalatantang Kaakuhan)

ni Ernesto R. Gonzales, Ph.D. (Maharlikang Filipino)

I. PAUNANG BAHAGIAng Panimula Likas sa pagkatao ang pagpapahalaga sa pagmamahal sa pamilya, lipunan, bansa at buong sangkalupaan. Hindi na kailangang ituro ang mga ito sapagkat lumalabas at lumalabas na parang tubig sa paghahanap ng mababang kalawaan. At kung ang tubig na ito ay ikulong man sa dam, sasapit at sasapit ang takdang panahong ang kapangyarihang naipon ng tubig na ito ay gagamitin upang bigyang-liwanag ang kabahayan, patakbuhin at paunlarin ang lahat ng industriya ng sambayanan at tuloy bigyang kapangyarihan na humabi ng isang tunay na kalayaan at kasaganaan. Sa kabilang dako, ito rin ang kalagayan na maaring gumawa ng isang kababalaghan sa buong bayan na kung saan ang kapangyarihang ding ito ang magdulot ng malawakang kapinsalaan sa Sambayanan. Kung ang kalawaan ng katubigan ay ang Patriotismo ng Bayan, ang Moralidad naman ang susi upang ang kapangyarihang ito ay maayos na magamit tungo sa tunay na kalayaan, kasaganaan at katahimikan ng buong Bayan. Sa pag-aaral ng kasaysayan sa maraming bansa bago naging isang ganap na sibilisadong estado, halos lahat ay dumaan sa isang malawakang Digmaang Sibil upang makapagtayo ng isang tunay na malayang sambayanan. Ang Digmaan ay sumasabog na parang salot sa sambayanan kapag ang moralidad ng patriotismo ay nadadaig ng kalaban ng pagmamahalan. Kapag nawala na ang moralidad ng sambayanan, naaagnas din ang pagmamahalan sa loob ng pamilya, lipunan at Sambayananan. At kapag naagnas na ang pagmamahalan ng Sambayanan, nawawala na rin ang paggagalangan at alinlanganan, at pulos kawalanghiyaan at kasakiman ang nakakapanaig sa buong bayan. Humanda ka na sapagkat nalaalapit na ang Pandemonyo ng Bayan! Kaya ngat ang pinakaugat sa mga ito ay ang kaugnayan ng Diyos at Tao ay kailangang mapagtibay sa larangan ng konsiyensya at pagmamahalan. Ito ang lubos na pangangailangan ng Sambayanang Pilipino ngayon. Ang Kulturang Pilipino na likas na maka-Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan ay nasa kaloob-looban ng kaluluwa ng bawat isang Pilipino. Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang tunay na People Power ay umusbong sa lipunang Pilipino na ngayon ay ginagamit sa mga sistema ng pulitika sa buong sanlibutan upang maigupo kung mayroong malawakang panlilinlang sa Sambayanan. Ito ang

1

pagmamahal o moralidad ng patriotismo na nagbubunsod ng katahimikan sa likod ng Pandemonyo sa malawakang kalagayan ng buong sambayanan. Lalabas at lalabas nang mulit muli ang People Power habang mayroong kasakiman, kasinungalingan at pagwawalanghiya sa isang Bansa na ang Dangal ay nagmumula sa Maykapal. Napakatagal nang panahon ang lumipas mula ng isilang ang Patriotismo ng mga Pilipino, laban sa Espanya (300 daang taon), Amerikano (100 daang Taon), Hapones (3 taon), EDSA UNO, (4 na araw) [note to ERG: start of struggle was 11 years;build-up of momentum was about three years or starting right after Aquino

at EDSA DOS (3 araw). Ngayon halos 3,000 Pilipino araw-araw ang nagpupumilit na makalabas ng Bansa upang humanap ng bagong buhay at kabuhayan sa ibang bayan. Ang karamihan sa mga ito na pauna nang nakaranas mabuhay sa napakalayong nga bansang mayaman, ay marubdob at patibay ng patibay ang damdaming babalik din ako sa aking Bayang Sinilangan. Matapos matugunan ang pangangailangan ng katawan sa mga mabubuting materiyal na bagay at nabigyang-ginhawa ang kani-kanilang minamahal na pamilya at kasambahay, lalabas at lalabas din ang matimyas na pagmamahal sa Inang Bayan. Kung papaanong ang patriotismo ng bayan ay sistematikong ipininid ng mga may malasakit sa kapakanan at kayamanan ng Bayan, sa mahabang panahong ito, patuloy, araw-araw ang bumabalong na katubigan ng patriotismo ng buong sambayanan.assassination!]

Kalunos-lunos ang kalagayang pambansa, nakalugmok sa dusa ang milyunmilyong mamamayan. Nasaan ka, Basilio ng Inang Bayan?O, Inang Bayan na mistulang isang kinawawang Sisa ng iilang mga mandarambong sa kasalukuyan ng ating sambayan. Patriotismo ng Isang Pilipino Sa aking paglayo, sa inakalang paglaya, Dalumat sa sukdulang kaapihan sa sariling bayan. Sa walang-sawang pagyurak sa iyong dangal at kagandahan Sa paghimaymay ng daang taon na inalisan ka ng malay. At pilit hinahanap sa labas ng kaloobansa labas ng Bansa, Sa aking paglayo ay lalo ka lamang pumipintig Ng dalisay na pag-ibig sa aking dibdib. At sa aking pagtanaw sa buong kalawakan Pilit ginagagap ang talulot mong taglay Upang sa kaginsa-ginsay bigyan buhay Kamalayan mong namamatay Dahil sa imbi at walang-tapos na pagyurak sa dangal ng Dambanang Bayan na ibinaon sa lusak. O, Bayang sakbibi sa hampas ng alon ng buhay Winawasak, bundok at dagat may rikit na taglay Mailap ang sagot sa aking kamalayan 2

Hanggang saan, hanggang kailan dapat na magdusa Ang milyun-milyon kaluluwa na lubos ang kabanalan? Ang bayang nasadlak sa kalapastanganan ng iilan lamang O, aking pinakamamahal na Bayan!

Ang Pandemonyo ng Bayan. Halos lahat naman ng yumaman sa Pilipinas ay hinahakot ang kayamanan palabas ng Sambayanang Ekonomiya upang dalhin sa mga mauunlad at mayayamang bansa. (space) Ang resulta nito ay ang unti-unting pagkaubos ng mga kailangang pondong nasyonal upang unti-unting mapaunlad ang kabuhayan ng buong sambayanan. Iisa lang ang kadahilanan kung bakit ang mga yumaman na ito sa Pilipinas ay wala ni katiting na hangaring mapaunlad ang kabuhayan ng sambayanan. Wala silang patriotismo. Wala silang pagmamahal sa bayan. Subalit, bakit sila pa ang binibigyan ng maganda at malakas na poder ng bayan. Ang maaring makagawa at makaepekto sa kabuuang kalagayan ng bayan ay ang mga halal ng sambayanan yaong mga pinagkatiwalaan ng bayan na mamuno sa kanila, yaong mga pinagkatiwalaan na magdala ng kapangyarihan at kayamanan ng Ssambayanan. Noong huling pulong ng Pondong Pinoy na nilahukan ng libo-libong lider ng Simbahang Katoliko, lumalabas na ang sistema ng pulitika ng bansa ang siya mismong nagtulak sa atin upang malugmok sa putikan ng kahirapan. Ngayon, mayroong humigit-kumulang limang milyong Pilipinong nagdaranas ng papalubhang paghihikahos sa buhay; walang hanapbuhay, walang pinag-aralan, walang matirhang bahay, walang makain, walang nadaramang dangal, wala nang pag-asa sa buhay. Mapupuna na yaong mga lubhang nanghina ay pumailanlang na sa kawalan ng malay. Ang kawalang-malay sa ganitong katayuan sa buhay ang nagiging solusyon ng iba upang maibsan man lamang ang kanilang matinding kinasadlakang hirap sa buhay. Ito ang mga tinatawag na napupwerang mga miyembro ng lipunang Pilipino. Ang karaniwang turing sa kanila ngayon ay maralitang tagalunsod o urban poor. Kasama rin sa mga naghihirap na ito ang maraming pamilya na natutong mabuhay mula sa basura ng lipunang nagsadlak sa kanila sa ganitong uri ng pamumuhay. Sa kabuuan, ang mga mahihirap na Pilipino ay humigit kumulang ay 40% ng mahigit 80 milyong Pilipino ngayon. Samantalang yaon namang namumuno sa bayan na pinagkatiwalaan ng kapangyarihan at kaban ng bayan natutukso sa tawag ng karangyaan ng buhay kung kayat kahit ipagkanulo pa ang sambayanang dapat pagsilbihan ng tapat sa panunungkulan. Yaon namang mga biniyayaan ng Diyos at Estado na magtamasa ng limpak-limpak na kayaman ng bayan ay patuloy namang inilalabas na haplit ang kanilang kinitang kayaman sa loob ng Filipinas imbis na ipasok na muli upang mapalago ang kayamanan ng bayan. Kawalan ng konsiyensiya kung ano ang epekto

3

ng kanilang ginagawang pagyurak sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng Sambayanan. Ang buong bansa ay halos magdugo na sa walang-patumanggang pagkaganid ng iilan, sukdulang pagnanakawan ang pondo ng bayan at makipagsabwatan sa malalaking negosyante at mga dayuhang mamumuhunan upang mapagsamantalahan ang Inang Bayan. Ang mga katiwaliang ito ang nagdudulot ng malawakang paghihirap at paghihikahos ng buong bayan. Dahil sa paglawak ng pagkasira ng kalikasan bunga ng imbing pagnanasa sa kayamanan na ikasasama ng iba, parami ng parami ang mga tagakanayunan, lalong lalo na yaong mga kabataan, ang natututong umalis ng kanilang sinilangang nayon at makipagsapalaran sa mga siyudad ng sambayanan (i.e. Maynila, Cebu, Davao, atbp.). Ang mga ito na hindi nagkaroon ng sapat na paghahanda upang matutunan ang pamumuhay sa lunsod, at nagigiging mga maralitang tagalunsod. Ang mga pami-pamilya na rin nila ang nagdadanas ng matinding kahirapan, kawalan ng mapagkukunan ng pang-araw-araw na kabuhayan, ang panggigipit ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, mga pulitikong ginagamit lamang ang kanilang boto tuwing mayroong eleksyon at marami pang iba. Dahil sa ganiito, ang pagkamakabayang mga Pilipino ay parang tubig na harangan man ang daraanan ay pilit na hahanap ng daan patungo sa hantungan. Ang pagkamakabayang ito ng ating Bayan ay patuloy lamang na babalong, yayabong, lalalim araw-araw, na parang napakalawak na Dam na sa pagsapit sa kasukdulan ay pilit-biglang hahanap ng daan, sukdulang wasakin ang daraanan, upang hanapin ang itinakdang tumana, ilog at kalookan, upang ang tubig ding ito ang mapagsimulan ng bagong buhay sa napakalawak na kaparangan. Ito ang mga kadahilanan kung kayat minarapat ng manunulat na ito na ayusin ang basehan ng dumadaluyong at nagpupuyos na damdamin ng sambayan na ilagay na sa kanilang mga kamay ang nararapat na pagbabago ng buong Bayan. Hindi nararapat na emosyon lamang ang ating dala-dalang kasangkapan upang ayusin ang buong bayan. Dapat na tayong matuto sa nakapanghihinayang na malaking pagkakamali matapos ang Pag-aalsang Bayan sa EDSA noong 1986. Ang Lakas ng Bayan ay hindi gaanong nagamit tungo sa tunay na pagbabago ng lipunan na dapat sanay ang nakikinabang ay ang buong bayan at di lamang ang iilan. Kung kayat ngayon, lubos ang pangangailangan ng Sambayanan na bigyan ng sapat na batayan ang pahahangad na ito sa pagb