rizal sa dapitan

26
Free Powerpoint Templates Page 1 Rizal sa Dapitan 1892-1896

Upload: nicoloi-calarion

Post on 05-Dec-2014

18.894 views

Category:

Education


56 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 1

Rizal sa Dapitan

1892-1896

Page 2: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 2

Simula ng Destiyero sa Dapitan• Dinala si Rizal sa Dapitan ng barkong

Cebu• Dala rin nya ang sulat mula kay P. Pablo

Pastells para kay P. Antonio Obach• Nilalaman ng sulat ang mga kondisyon

para maaaring manirahan si Rizal sa kumbento

Page 3: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 3

Tatlong Kondisyon

• 1. “Na ipahahayag ni Rizal sa madla ang kanyang mga pagkakamaling may

kinalaman sa relihiyon, at gagawa siya ng pahayag na magpapakitang siya ay isang

maka-Espanyol at laban sa rebolusyon”

Page 4: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 4

• 2. “Na makikibahagi siya sa mga ritwal at seremonya ng simbahanat

mangungumpisal ng kanyang nakalipas.”

• 3. “Na mula ngayon ay kikilos siya bilang huwarang sakop ng Espanya at isang

lalaki ng relihiyon.”

Page 5: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 5

Simula ng Destiyero sa Dapitan• Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mga

kondisyon at nanirahan sa bahay ni K. Carnicero, ang kanyang bantay.

• Hinanga ni Carnicero si Rizal at binigyan siya ng mga kalayaan

• Sa bahagi ni Rizal, sinulat niya ang A Don Ricardo Carnicero noong Agosto 26, 1892

sa kaarawan ng kapitan.

Page 6: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 6

Nanalo sa Loterya sa Maynila• Dumating ang barkong Butuan sa Dapitan

noong Setyembre 21, 1892• Sinalo ito ni K. Carnicero at inutos rin niya

ang buong bayan magtipon sa dalampasigan

• Walang opisyal ang sakay ng barko ngunit dala nito ang magandang balita

Page 7: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 7

Nanalo sa Loterya sa Maynila• Tiket sa Loterya blg. 9736 na pag-aari nina

K. Carnicero, Rizal at Francisco Equilor ay nanalo ng P20,000

• Napunta kay Rizal ang P6,200• Inilaan niya ang P2,000 para sa ama at

P200 para kay Basa at ang natira ay ipinangbili niya ng lupang sakahan sa

Talisay

Page 8: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 8

Ang Debate nina Rizal at Pastells

• Nagsimula ito nang magpadala si Pastells ng aklat ni Sarda na may kasamang payo para kay Rizal

• Ang debate ay napapaloob sa apat na liham ni Rizal at ang mga sagot ni Pastells

• Ayon kay Rizal, ang pansariling paghuhusga ay biyaya mula sa Diyos

Page 9: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 9

• Ayon kay Pastells, ang paniniwala sa Diyos ay higit pa kaysa anumang bagay.

Kailangan ng tao ng patnubay ng Panginoon.

• Nanatiling mabuting magkaibigan sina Rizal at Pastells

• Binigyan si Rizal ng sipi ng Imitacion de Cristo ni P. Tomas Kempis at niregalo niya

si Pastells ng rebulto ni San Pablo

Ang Debate nina Rizal at Pastells

Page 10: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 10

Hamon ni Rizal sa Duelo sa Isang Pranses

• Si G. Juan Lardet ay bumili ng troso sa lupa ni Rizal

• Nagsulat ng liham si Lardet kay Antonio Miranda

• Ipinakita ni Miranda kay Rizal ang sulat• Kinausap ni Carnicero si Lardet na huwag

tanggapin ang hamon ni Rizal

Page 11: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 11

Si Rizal at si P. Sanchez• Siya lamang ang paring Espanyol na nagtanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal

• Hindi makumbinsi si Rizal sa mga debate nila ukol sa teolohiya

• Sa kaarawan ng prayle, niregaluhan siya ni Rizal ng manuskritong Estudios sobre la

lengua tagala (Mga Pag-aaral hinggil sa Wikang Tagalog)

Page 12: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 12

Pagkatagpo sa Espiya ng Prayle

• “Pablo Mercado” – nagpapakita na kamag-anak raw siya ni Rizal

• Nahalataan ni Rizal ang impostor• Sinumbong niya ito sa kay K. Juan Sitges

• Inimbestiga ni Anastacio Adriatico• Florencio Namanan ang tunay na

pangalan ng lalaki at siya’y inupahan ng mga paring Rekoleto

Page 13: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 13

Manggagamot sa Dapitan• Inoperahan ni Rizal ang mata ng kanyang

ina. Tagumpay ang operasyon ngunit nagka-impeksyon dahil sa katigasan ng

ulo ng ina. Nakakakita na rin ang ina dahil sa husay ni Rizal bilang manggagamot

• Don Ignacio Tumarong, isang Ingles at Don Florencio Azacarraga – mga

mayayamang pasyente ni Rizal

Page 14: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 14

Mga Proyekto ni Rizal sa Dapitan

• Patubig• Pinaalis ang mga latiang sanhi ng malaria

• Sistemang Pang-ilaw• Pagpapaganda ng Dapitan (plasa)

Page 15: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 15

Rizal Bilang Guro• Nagkaroon siya ng 21 na estudyante

• Hindi sila nagbabayad ng matrikula kundi nagtatrabaho sila para kay Rizal sa

kanyang mga proyekto• Tinuruan ang mga ito magbasa, magsulat,

mga wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal,

kalikasan, mga moral at gymnastics

Page 16: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 16

Kontribusyon sa Agham

• 203 species ang kanyang nadiskubre• Draco rizali (lumilipat na butiki)

• Apogonia rizali (maliit na uwang)• Rhacophorus rizali (kakaibang palaka)

Page 17: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 17

Sining• Altar ng Mahal na Birhen para sa mga

Madre ng Kawanggawa• “Paghihiganti ng Ina” – Asong pumapatay

ng buwaya• Rebulto ni P. Guerrico

• “Ang Batang Babae ng Dapitan”• Kahoy na lilok ni Josephine Bracken

• Rebulto ni San Pablo

Page 18: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 18

Pagsasaka• 16 na ektarya ng lupa sa Talisay

• Kakaw, kape, tubo, niyog at punong namumunga – mga panananim nya

• Bumili ulit ng lupain hanggang nagkaroon siya ng 70 ektaryang lupa na may 6000 puno ng abaka, 1000 puno ng niyog, at

maraming punong namumung, tubo, mais, kape at kakaw

Page 19: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 19

Rizal Bilang Negosyante• Pakikipagsosyo kay Ramon Carreon sa

industriya ng pangingisda, kopra at abaka• Sa isang pagkakataon, nakapagluwas siya

ng 150 paldo ng abaka• Nagtayo ng pagawaan ng apog

(limestone)• Itinayo ang Asosasyong Kooperatiba ng

mga Magsasaka ng Dapitan

Page 20: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 20

“Mi Retiro”• Hinilingan ni Dona Teodora si Rizal na

sumulat ng tula• Ang tula ay ukol sa payapa niyang buhay

bilang desterado at ipinadala noong Okt. 22, 1895

Page 21: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 21

Si Rizal at Josephine Bracken

• Josephine Bracken – Irlandes, 18 taong gulang

• Nagkita habang ginagamot si Taufer• Hindi pinayagan makasal hangga’t walang

permiso sa Obispo ng Cebu• Pinahayag sa harap ng Diyos na sila ay

kasal

Page 22: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 22

Rizal at ang Katipunan• Ipinadala ni Andres Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela upang maipaalam ang balak

ng Katipunan• Sakay si Valenzuela sa barkong Venus at

nagsama ng isang bulag upang hindi mahalataan

Page 23: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 23

Rizal at ang Katipunan• Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mapahangas na balak ni Bonifacio

• Ayon sa kanya – (1) hindi pa handa ang taumbayan at (2) kailangan pang

mangalap ng pondo at armas bago maging handa sa isang rebolusyon

Page 24: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 24

Nagprisintang Doktor ng Militar sa Cuba

• Inialay ang serbisyo para maging doktor-militar sa Cuba kung saan may kaguluhan• Sumulat kay Gob. Hen. Ramon Blanco

• Pinayagan siya

Page 25: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 25

Paalam, Dapitan• Sumakay sa barkong Espana kasama si

Josephine, Narcisa, Angelica (anak ni Narcisa), tatlong pamangkin na lalake, at

anim na estudyante• Funeral March ni Chopin – tinugtog na

musika bilang pamamaalam

Page 26: Rizal sa dapitan

Free Powerpoint Templates Page 26

Salamat sa inyong pakikinig!