bayan ni felipe: una at huling episodyo ng kalayaan

2
1 sa 2 Tema: Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng PagkaPilipino Bayan ni Felipe: Una at Huling Episodyo ng Kalayaan ni Jonathan Vergara Geronimo “Kung may sariling wika ang isang bansa, mayroon din itong kalayaan..dahil ang tao’y malaya kung siya’y nakapag-iisip nang malaya.” -Simoun sa El Filibusterismo Sa bayan ni Felipe, ako’y lumaki. May kapuluang magulo at tinagpi-tagpi, sambayanang sira-sira at gumuho. Sinumpang lipunan na watak-watak, hinagupit ng delubyo… Anila’y sa alikabok ni Bathala sumilang. Sa banggaan ng mga teorya, malayang nagkamalay. Sabi-sabi sa utak ng alamat, nabuhay. Ngunit ako’y namulat sa kasaysayan... Mga magnanakaw! Minsan, may barkong dumaong, naligaw, sa tahimik na tribo, katutubong pamumuhay. Sibilisasyon na likas ay mayaman at sa dahas na dumating, dumatal: ninuno ko’y nabuwal. Mga bayani’y sinilang, nagbuwis ng buhay Nilagot ang tanikalang alipin at mapanghalay Sandaling ang pakpak ko’y iwinagayway Kaysarap damhin ng tagumpay Subalit, maikli at pansamantala lamang. Mailap ang ngiti sa labi ng inang bayan, sa kamay ng traydor muling ninakawan. Binaluktot ang dila ng wika’t kalakaran. Muling ibinilanggo sa sistemang kolonyal. Kinano ang diwa, kinanong kamalayan! At nagbuno ang mestiso’t sakang. Madugong giyera ang muling nasaksihan! Punit-punit na kasarinlan ang namahay. Sining ng pagtuligsa’y nakilala’t tinanghal. Sumiklab ang ningas, bagong tunggalian! Ngayo’y narito, muling hinagkan, mapait na bisig ng nagbalat-kayong kaaway. Edukasyon, mga base at kulturang liberal daw, limos na sandata at gobyernong utusan! Dayuha’y panginoon, ang diyos ng utang!

Upload: jonathan-vergara-geronimo

Post on 18-Apr-2015

205 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

Ang tulang ito ay bilang pagtatangka ng makata na isalin ang kaisipan para sa kasalukuyang tema sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na "Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino"

TRANSCRIPT

Page 1: Bayan ni Felipe: Una at Huling Episodyo ng Kalayaan

1 sa 2

Tema: Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng PagkaPilipino

Bayan ni Felipe: Una at Huling Episodyo ng Kalayaan ni Jonathan Vergara Geronimo

“Kung may sariling wika ang isang bansa, mayroon din itong kalayaan..dahil ang tao’y

malaya kung siya’y nakapag-iisip nang malaya.”

-Simoun sa El Filibusterismo Sa bayan ni Felipe, ako’y lumaki. May kapuluang magulo at tinagpi-tagpi, sambayanang sira-sira at gumuho. Sinumpang lipunan na watak-watak, hinagupit ng delubyo… Anila’y sa alikabok ni Bathala sumilang. Sa banggaan ng mga teorya, malayang nagkamalay. Sabi-sabi sa utak ng alamat, nabuhay. Ngunit ako’y namulat sa kasaysayan... Mga magnanakaw! Minsan, may barkong dumaong, naligaw, sa tahimik na tribo, katutubong pamumuhay. Sibilisasyon na likas ay mayaman at sa dahas na dumating, dumatal: ninuno ko’y nabuwal. Mga bayani’y sinilang, nagbuwis ng buhay Nilagot ang tanikalang alipin at mapanghalay Sandaling ang pakpak ko’y iwinagayway Kaysarap damhin ng tagumpay Subalit, maikli at pansamantala lamang. Mailap ang ngiti sa labi ng inang bayan, sa kamay ng traydor muling ninakawan. Binaluktot ang dila ng wika’t kalakaran. Muling ibinilanggo sa sistemang kolonyal. Kinano ang diwa, kinanong kamalayan! At nagbuno ang mestiso’t sakang. Madugong giyera ang muling nasaksihan! Punit-punit na kasarinlan ang namahay. Sining ng pagtuligsa’y nakilala’t tinanghal. Sumiklab ang ningas, bagong tunggalian! Ngayo’y narito, muling hinagkan, mapait na bisig ng nagbalat-kayong kaaway. Edukasyon, mga base at kulturang liberal daw, limos na sandata at gobyernong utusan! Dayuha’y panginoon, ang diyos ng utang!

Page 2: Bayan ni Felipe: Una at Huling Episodyo ng Kalayaan

2 sa 2

Ilang henerasyon pa ang gugugulin sa salat na kahulugan ng kalayaan natin! Ilang panahon pa ang iinog sa tulin sa kapos na kasaysayang bulag at sinungaling! Bilanggo ang lahat, ang lahat ay alipin! Huwag kaming patuloy na lupigin! Huwag kaming patuloy na alipinin! Huwag kaming tuluyang biguin sa pangarap ng kinabukasan: sariling bayan ay mapasaamin! Sayang! Kasarinlang ipinaglaban, ngayo’y nagluluksa’t nagdaramdam, bigo sa katwira’t paninindigan ng iilan, ginapos ng limot ang tapang at dunong, paglayang sa halagang dolyar isinuko. Pagkakagulo, pagguho, pagguho, pagkakagulo Bayang apoy, kidlat, bagyo’t delubyo! Hindi marinig ang tinig ng saklolo, saanmang dako’y gugulong ang mga bato! Nasusunog, nagliliyab, nalulunod ang bayan ko! Ay, mahabang alpombra’t mesa, sa serbesa ng dugo, nagdiriwang sila! Ay, magarbo’t dumaragsang handa, bundat na dayuha’t pulitiko, nagsasayaw pa! K to 12 pala, Aha, diktang Amerikanista! Itong wika nga’y bisig at lakas Sa pagsasatinig nitong daing at aklas. Itong wika nga’y kalasag at armas Sa edukasyong hasik ay matalas Itong wikang Filipino sa pagsasariling hangad. Bayan ni Felipe, ika’y nasaan? Bayang inalipin, ginahasa’t nilustay! Bayang pinilipit ang tatak at kulay! Likumin, likumin ang alabok ng nakaraan, sa guho’y itindig ang minimithing kalayaan. Bayang Pilipinas itanghal nang ganap, magkaisa, magkaisa’t sariling diwa’y ipalaganap. ‘pagkat bayang Pilipinas…alipin ka, hanggang kailan?