banghay aralin: ang guryon at pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay

7
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7 Taong Akademiko 2013 – 2014 Ikaapat na Markahan I. Layunin a. Natutukoy ang aral na nais ipahiwatig ng tula b. Nakapagbibigay ng bagay na maaaring ihalintulad sa buhay ng tao c. Naiisa-isa ang mga katangian at elemento ng tula d. Natutukoy ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay e. Nagagamit ang isang salita sa magkaibang pangungusap bilang pang- abay at bilang pang-uri f. Nakasusulat ng suring-akda ng maikling kwento II. Paksang Aralin a. “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos (Tula) b. Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay III.Pamamaraan PAGBASA A. Talasalitaan Panuto:Suriin ang mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1.Nagkiling ang mga poste ng ilaw dahil sa napakalakas bugso ng bagyo. 2.Kaya ka napapabuyong makipag-away dahil naniniwala ka kaagad sa mga sabi-sabi. Hindi mo muna inaalam kung totoo. 3.Marupok na ang lubid na nakatali sa bangka kaya nalagot ito nang humampas ang malakas na alon. 4.Pinagbubutihan niya ang lahat ng kanyang ginagawa dahil ayaw niyang madaig siya ng iba. 5.Nakipagdagitan ang agila sa ibong napadpad at lumapit sa kanyang pugad. B. Pagganyak Ipapanood sa mga estudyante ang video ng isang episode ng Good News (GMA 7), “Mga Larong Pinoy, Muling Binubuhay”. http://www.youtube.com/watch?v=PPSZCbVjs0Y Itanong sa klase ang mga sumusunod:

Upload: florencio-munar-bernabe

Post on 21-Oct-2015

3.455 views

Category:

Documents


46 download

DESCRIPTION

Filipino 7

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay aralin: Ang Guryon at Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7Taong Akademiko 2013 – 2014 Ikaapat na Markahan

I. Layunin

a. Natutukoy ang aral na nais ipahiwatig ng tulab. Nakapagbibigay ng bagay na maaaring ihalintulad sa buhay ng taoc. Naiisa-isa ang mga katangian at elemento ng tulad. Natutukoy ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abaye. Nagagamit ang isang salita sa magkaibang pangungusap bilang pang-abay at bilang pang-urif. Nakasusulat ng suring-akda ng maikling kwento

II. Paksang Aralin

a. “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos (Tula)b. Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

III.Pamamaraan

PAGBASA

A. Talasalitaan

Panuto:Suriin ang mga pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Nagkiling ang mga poste ng ilaw dahil sa napakalakas bugso ng bagyo.2. Kaya ka napapabuyong makipag-away dahil naniniwala ka kaagad sa mga sabi-sabi.

Hindi mo muna inaalam kung totoo.3. Marupok na ang lubid na nakatali sa bangka kaya nalagot ito nang humampas ang

malakas na alon.4. Pinagbubutihan niya ang lahat ng kanyang ginagawa dahil ayaw niyang madaig siya ng

iba.5. Nakipagdagitan ang agila sa ibong napadpad at lumapit sa kanyang pugad.

B. Pagganyak

Ipapanood sa mga estudyante ang video ng isang episode ng Good News (GMA 7), “Mga Larong Pinoy, Muling Binubuhay”. http://www.youtube.com/watch?v=PPSZCbVjs0Y

Itanong sa klase ang mga sumusunod:

1. Alin sa mga larong ito ang naranasan niyong laruin?2. Ano ang mabuting idudulot ng mga ito sa mga kabataan?3. Paano nila binuhay ang larong pinoy? Ano ang kanilang dahilan upang gawin ito?

C. Pagbasa ng Aralin

Ipabasa ang tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso O. Santos at sagutan ang mga tanong sa pahina 2.

Page 2: Banghay aralin: Ang Guryon at Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

D. Pagtatalakay sa aralin

1. Itanong sa klase ang sumusunod: a. Sino ang nagsasalita? Sino ang kanyang kinakausap?b. Tungkol saan ang sinasabi niya? Bakit niya pinapangaralan ang anak?c. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagpapalipad ng guryon?d. Bakit dapat maging maingat sa pagpapalipad nito?e. Saan itinulad ang guryon? Anong mga katangian ng mga ito ang

nagkakatulad?f. Magsama-sama ang mga magkakagrupo. Pag-usapan ang mga kaisipang

ipinapahayag bawat saknong. Bibigkasin ng pangkat sa harap ng klase ang saknong na ibinigay sa kanila at ipaliliwanag ang kaisipan nito.

Pangkat I – saknong 1 & 2Pangkat II – saknong 3Pangkat III – saknong 4Pangkat IV – saknong 5Pangkat V – saknong 6

2. Gawaing PandalawahanAnu-ano ang mga ugali o katangian ng tao na maaaring maging pananggalang sa

pagharap sa pagsubok sa buhay? Ipaliwanag kung alin dito ang pinakamahalaga. Ipakita sa pamamagitan ng Pie Chart ang antas ng kahalagahan ng bawat katangian o ugali.

E. Enrichment Activity

Gumuhit ng larawan ng isang bagay na maaaring ihalintulad sa buhay. Ipaliwanag sa loob ng hindi bababa sa sampung (10) pangungusap kung paano ito maitutulad sa buhay. Ilagay ito sa bond paper. Pipili ng tatlong (3) estudyante na magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.

Page 3: Banghay aralin: Ang Guryon at Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

G. Pagpapahalaga

1. Iugnay sa nabasang tula ang madalas sabihin ng mga nakatatanda na “Papunta ka pa lang, pabalik na ako.”

2. Ano ang kabutihang naidudulot ng mga pagsubok sa buhay ng tao?

F. Pagpapahalagang Pampanitikan

1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasa ninyong teksto?2. Tingnan muli ang tula. Anu-ano ang mga katangiang napapansin niyo sa isang tula?

a. (persona) Sino ang nagsasalita sa tula?b. (sukat) Bilangin ang pantig sa bawat linya.c. (saknong) Ilang linya ang magkakagrupo o magkakasama sa tula?d. (tugma) Ano ang inyong napansin sa dulo ng mga linya ng tula?e. (kariktan) Pansinin ang mga salitang ginamit sa tula. Ano ang inyong masasabi?f. (talinhaga) Balikan natin ang mga kaisipang ipinahayag ng tula? Paano naipahiwatig

ang mga ito?

WIKA

A. Ipabasa sa mga estudyante ang mga sumusunod na teksto.

PUNO(Mula sa Kaibigan Po. Kwento Mo… Kwento Ko…)

Mula sa labas ng kanilang bahay ay minamasdan niyaang isang malaking punong iyon na parang kailan lang ay isang munting halaman na kasama sa kapwa halaman sa loob ng kanilang bakuran.

“Inay,ano po iyang ginagawa ninyo?” mainosenteng pagtatanong niya. “Ah, ito ba? Nilalagyan ko ng pataba itong halamang ibinigay sa akin ng Tiyang mo,” sagot ni Inay.

“Eh bakit po nilalagyan ng pataba ang mga halaman?” muli niyang pagtatanong. “Siyempre, para lumaki nang maganda at mamunga nang marami ang isang halaman, kailangan mo siyang lagyan ng pataba at alagaang mabuti.

“Ah, ganoon po ba?” Hindi man masyadong malinaw sa kanyang isipan ang isinagot ng ina dala ng kanyang kamusmusan ay tumango na lamang siya.

At magbuhat noon, araw-araw sa kanyang buhay,tuwing siya ay aalis ng bahay ay hindi niya kinakalimutang dumaan at pagmasdan ang munting halamang iyon.

Mabilis na lumipas ang panahon,ang dating munting halamang iyon ay isa nang matatag at mayabong na puno. At ang isang musmos at makulit na bata noon, ngayon ay isa nang ganap na binata.

Sa harap ng punong iyon na hitik na hitik sa bunga ay hindi niya napigilan ang pag-uunahan ng pagpatak ng kanyang luha, luhang hindi maipaliwanag. Luha ba ito ng kagalakan o kalungkutan? Tumingala siya. “Ah, naalala ko si Inay. Sa maraming taon ng kanyang paglilingkod bilang katekista, ilan ba sa mga mag-aaral na kanyang tinuruan ang ngayon ay katekista na ring tulad niya? Sa aming mga kapitbahay at kamag-anak, ilan na ba ang naakay niya sa pagsisimba at paglilingkod? Sa mga lumalapit

Page 4: Banghay aralin: Ang Guryon at Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

para humingi ng tulong at payo, na hindi naman nabigo sa kanya. Ah! Marahil hindi ko na mabibilang sa aking daliri. Bago ko malimutan, si Itay na sa kabila ng mga pasakit at luha na idinulat niya sa piling ng aking ina ay buong-pusong tinanggap muli. Ang dating magulo at walang direksyong tahanan ngayon ay isa nang munting simbahan. Tulad ng punong ito, sa patuloy at walang sawang pag-aalaga ni Inay ay walang sawa ring namunga at nagbahagi ng buhay sa iba. Si Inay, kahit wala na siya,ang binhi ng Mabuting Balita na itinanim niya sa puso ng kanyang kapwa ay patuloy sa pagyabong at pamumunga.”

Mga Tanong sa pag-unawa

a. Ano ang napansin ng anak na ginagawa ng ina?b. Bakit daw kailangang lagyan ng pataba ang halaman?c. Bakit siya naluha habang tinititigan niya ang punong hitik na hitik sa bunga? Ano

ang naipaalala nito sa kanya?d. Bakit niya nasabing ang tahanan nila ngayon ay isa nang munting simbahan?e. Saan niya naihalintulad ang puno? Paano niya ito naitulad?f. Ano ang aral na nais ipahiwatig ng teksto?

B. Pagtalakay sa Wika

Mga Gabay na Tanong

1. Ihanay ang mga salitang may salungguhit ayon sa mga inilarawan nito. 2. Paano nagkakaiba ang mga salitang inilalarawan ng mga ito?3. Alin sa mga ito ang pang-uri? Alin dito ang pang-abay?4. Paano nagkakaiba ang pang-uri at pang-abay?

C. Pagsubok

Suriin ang mga salitang may salungguhit. Tukuyin kung ito ba ay pang-abay o pang-uri at kung ano ang inilalarawan nito.

1. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nagbabasa.2. Mahirap maghanap ng trabaho sa Maynila.3. Natutulog nang mahimbing ang sanggol.4. Masipag na manggagawa si Julio.5. Mabagal tumakbo ang sinakyan kong dyip kanina.6. Ang mga kilos ng matandang babae ay marahan.7. Tumayo nang tuwid kapag inaawit ang Lupang Hinirang.8. Maayos ang pagkakasalansan ng mga aklat sa silid-aklatan.9. Maaga siyang dumarating sa paaralan.10. Magulo ang kanyang mga gamit sa kwarto.

D. Engagement Activity

Pagsama-samahin ang mga magkakagrupo. Tukuyin ang salitang maaaring ilarawan o maglarawan sa mga ibinigay na salita. Pang-abay ba ang hinihingi o

pang-uri? Ang grupong may pinakamataas na puntos ang siyang mananalo. Matapos mahulaan ang sagot ay ipagamit ang mga ito sa pangungusap.

1. akyatin, matutunan, gawin, maunawaan (mahirap)

Page 5: Banghay aralin: Ang Guryon at Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay

2. magsulat, umawit, sumayaw, tumugtog (mahusay)3. ganado, malakas, kaunti, sabay-sabay (kumain)4. mangarap, tumalon, lumipad, inihagis (mataas)5. nakatagilid, mahimbing, nakadapa, matagal (natulog)6. sumigaw, umihip, humampas, tumawa (malakas)7. sumagot, tinanggap, binati, kinausap (magalang)8. masipag, mabuti, tamad, matiyaga (mag-aral)9. tumakbo, pinaandar, maglaho, lumangoy (mabilis)10. kumain, pakinggan, magmahal, maligo (masarap)11. mabagal, sama-sama, tahimik, masaya (gumawa)12. ipinapatupad, niyakap, kumapit, itali (mahigpit)13. pabulong, malakas, maliwanag, malumanay (nagsalita)14. mahina, matalino, mabagal, mahusay (mag-isip)15. matindi, nakakatakot, madali, madalang (magalit)

D. Gawaing Pang-upuan

1. Ipasagot ang pagsasanay sa pahina 21-A ng modyul.2. Papiliin ang mga estudyante ng isang paksa. Pasulatin sila ng talata na may hindi

bababa sa sampung (10) pangungusap. Dapat ay makagamit sila ng lima o higit pang pang-abay. Isulat ito sa pahina 23 ng modyul.a. Ang pagiging responsableng user ng mga social networking sitesb. Ang mga mabuti at masamang naidudulot ng mga gadgets sa kabataanc. Ang pinakamahalagang imbensyon ng tao na nakaambag sa teknolohiya

E. Takdang Aralin

Ipasagot ang pahina 22-B ng modyul, blg. 1-5.

PAGSULAT

A. Magsaliksik ng maikling kuwento.B. Sumulat ng Suring-akda ng maikling kuwentong iyong nahanap. C. Sundin ang format na ibinigay sa inyong modyul, pahina 24-25.

hupao, 02/17/14,
Maghahanap pa po ako ng magandang kuwento.