pang-uri (all about pang-uri)
TRANSCRIPT
Ano ang Pang-uri?
• Ang pang-uri mga salitang nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
• Ito ay ginagamit na panuring sa pangngalan at panghalip, at ginagamit din bilang pangngalan.
Panuring ng Pangngalan
Halimbawa:
• Mararangal na tao ang pinagpapala.
• Kahanga-hanga si Helen sa kanyang likhang kamay.
Panuring sa Panghalip
• Sila ay matatapang at makikisig na mandirigma.
• Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
Pang-uri bilang Pangngalan
• Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.
• Ang sinungaling ay kakambal ng magnanakaw.
1.ma-
Unlaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat. Karaniwang marami ang isinasaad ng salitang-ugat.
mapera matao mabato
2. mapag-
Unlaping nagsasaad ng ugali.
mapagbiro mapagtawa mapaglakad
1. an~ –han• Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng
isinasaad ng salitang-ugat nang higit sa karaniwang dami, laki, tindi, tingkad, atbp.
malakihan pangahan duguan
2. ma-… -in/-hin
Nagsasaad ng pagtataglay, sa mataas na antas, ng isinasaad ng salitang-ugat.
maramdamin maawain mairugin
1. Payak
- ito’y binubuo ng mga salitang-ugat lamang
halimbawa:
berde, luntian, asim, galit
2. Maylapi
- ito’y mga salitang-ugat na kinakabitan ng ma panlaping ka, ma-in, ma-hin, mala, kasing, kasim, atbp
Halimbawa:
malasutla, mapusok, kaibigan, kasimputi
3. Inuulit
- ito’y binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng buong salita o bahagi ng salita
Halimbawa:
pilang-pula, bungang-buga, oras-oras, galit nagalit
4. Tambalan
- ito’y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal
Halimbawa:
ngiting-aso, pugad-birhen,
Kapit-tuko, hilong-talilonga
Uri ng Pang-uri1. Palarawan
-naglalarawan at nagsasaad ng hugis, kulay, anyo at katangian.
Halimbawa:• Malasutla ang kanyang kutis.• Malaki ang eskwelahan na kanyang
pinapasukan.
2. Pamilang
-nagsasaad ng tiyak o di-tiyak na bilang.
Halimbawa:• Maraming tao ang nagtitipon sa plaza ngayon.• Kakarampot na asukal lamang ang kanyang
binili.
a) Patakaran
-mga likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang.
Halimbawa:
labing-apat walo tatlo
b) Panunuran
-nagsasaad ng ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga bagay o bilang.
Halimbawa:
ikasampu pang-anim ika-walo
c) Pamahagi
-ginagamit sa pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati sa kabuuan.
Halimbawa:
sangkatlo kalahati sangkapat
d) Palansak
-nangangahulugang minsanan, maramihan, at langkay-langkay ang bilang.
Halimbawa:
libu-libo miya-milya
e) Patakda
-nagsasaad ng tiyak na bilang, hindi mababawasan, o madaragdagan man, eksakto ang bilang nito.
Halimbawa:
pipito aapat tatatlo
Kailanan ng Pang-uriI. Isahan- tumutukoy sa iisang inilalarawan.
• Maputi ang kulay ng balat ni Sarah.
II. Dalawahan- higit sa iisa ang inilalarawan.• Parehong maputi ang kulay ng balat nina Sarah
at Leila.
III. Maramihan- higit pa sa dalawa ang inilalarawan.• Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni
Sarah.
Hambingan ng Pang-uri
Hambingan – ang tawag sa pang-uri kung naipakikita ang pagkukumpara. Maaaring itong lantay, pahambing, o pasukdol.
1. Lantay
- walang paghahambing ang naipapakita o walang pagkukumpara, binubuo lamang ito ng salitang ugat
Halimbawa:
Dalisay ang pagmamahal ng binatang iyan sa kanya.
Malambing makipagkwentuhan ang dalawang iyo.
2. Pahambing
- paghahambing ito ng dalawang bagay, tao, pook o pangyayari
Halimbawa:
Higit na masarap magluto ang aking ina kaysa kay Aling Letty.
Mas matalino si Jelai kay Judith
3. PASUKDOL
- nangangahulugang pamumukod ng katangian sa iba o sa lahat. Nilalapian ng “pinaka”, “napaka”, “ubod”, atbp upang matukoy ang pamumukod ng katangian sa iba.
halimbawa:
Ubod ng tamis ang binili niyang pakwan.
Napakagandang tanawin ang inilarawan ng mga turista.