nominal, pang-uri

50
Nominal at Ang Pagpapalawak Nito Pang-uri at Ang Pagpapalawak Nito

Upload: jean-mae-soriano

Post on 22-Jan-2017

1.730 views

Category:

Education


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: Nominal, Pang-uri

Nominal at Ang Pagpapalawak Nito

Pang-uri at Ang Pagpapalawak Nito

Page 2: Nominal, Pang-uri

Nominal at Ang Pagpapalawak Nito

Page 3: Nominal, Pang-uri

Nominal?Nangangahulugang pangngalan o anumang salitang pangngalan.

Pangngalan?-sa ingles “noun”-mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at mga

pangyayari.

Page 4: Nominal, Pang-uri

Uri ng Pangngalan

Pantangi

Pambalana

Page 5: Nominal, Pang-uri

Uri ng Pangngalan•Pantangi

-pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, gawain at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

DimpleSamsun

g

Marikina

NHALogan

Page 6: Nominal, Pang-uri

•Pambalana- balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop at pangyayari. Ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.

punobansa

lalakimesa

buhok

Uri ng Pangngalan

Page 7: Nominal, Pang-uri

Uri ng Pangngalan ayon sa konsepto

Tahas

Basal

Page 8: Nominal, Pang-uri

Uri ng Pangngalan ayon sa konsepto•Tahas

- mga pangkaraniwang pangngalang nakikita, nahahawakan, naririnig at naaamoy.

pansitpantalo

n

bulaklak

karne

gitara

Page 9: Nominal, Pang-uri

•Basal- mga pangngalang nadarama, naiisip, nagugunita o napapangarap.

pag-ibig

kahirapan

katapatan pagkakais

a

lungkot

Uri ng Pangngalan ayon sa konsepto

Page 10: Nominal, Pang-uri

Kasarian ng Pangngalan

PanlalakiDi-tiyak

Pambabae

Walang kasarian

Page 11: Nominal, Pang-uri

Kasarian ng Pangngalan•Panlalaki

- tumutukoy sa tao o hayop na lalaki.

ginoo

pari

tatay

hari

barako

Page 12: Nominal, Pang-uri

•Pambabae- tumutukoy sa tao o hayop na babae.

libay

madrereyna

binibini

inahin

Kasarian ng Pangngalan

Page 13: Nominal, Pang-uri

•Di-tiyak- maaaring tumutukoy sa lalaki o babae man.

pulis kabayo

magkaibigan

guro magulang

Kasarian ng Pangngalan

Page 14: Nominal, Pang-uri

•Walang kasarian- tumutukoy sa mga bagay, pook, pangyayari, at iba pang walang kasarian.

papel

teleponosapatos

panukat

libro

Kasarian ng Pangngalan

Page 15: Nominal, Pang-uri

Kailanan ng Pangngalan

Isahan

Maramihan

Dalawahan

Page 16: Nominal, Pang-uri

Kailanan ng Pangngalan•Isahan

-  tumutukoy sa isang tao, bagay, hayop o lugar lamang. Maaaring may SI, ANG, KAY sa unahan.

kay Tutoy

Ang bata

Si Nena

Page 17: Nominal, Pang-uri

•Dalawahan- tumutukoy sa dalawang tao, bagay, hayop o lugar.

magkapatid

magkaibigan

magkasintahan

Kailanan ng Pangngalan

Page 18: Nominal, Pang-uri

•Maramihan -  tumutukoy sa higit sa dalawang tao, bagay, hayop o lugar. Maaring may SINA, ANG MGA, NG MGA, KINA sa unahan.Kina Leah, Jobert at Calvin

magkakagrupo sila

Kailanan ng Pangngalan

Page 19: Nominal, Pang-uri

Gamit ng Pangngalan

Layon ng Pang-ukol

Simuno

Kaganapang Pansimuno

Pangngalang PamunoLayon ng Pandiwa

Pantawag

Page 20: Nominal, Pang-uri

Gamit ng Pangngalan•Simuno

-   ang pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.

Si Jona ay masipag na mag-aaral.

Ang bata ay masayang naglalaro.

Page 21: Nominal, Pang-uri

•Pantawag-ipinantatawag sa pangungusap.

Rosie, wag mong kalimutan ang iyong baon.

Anak, mag-aral ka na ng iyong leksyon.

Gamit ng Pangngalan

Page 22: Nominal, Pang-uri

•Kaganapang Pansimuno- ito ay nasa bahaging panaguri at ginagamit sa pagpapakilala ng simuno. May AY sa unahan.

Ang magkapatid ay mga estudyante ng Colegio Sto.

Domingo.Si G. Reyes ay tagapayo ng

Presidente.

Gamit ng Pangngalan

Page 23: Nominal, Pang-uri

•Pangngalang Pamuno- ginagamit na tulong upang higit na mabigyang-diin ang simuno. Ito ay bahagi pa rin ng simuno.

Sina Raymee at Raymond, mga kaibigan ko, ay mapagkakatiwalaan.

Si Raquel, ang kapatid ko, ay nasa Espanya.

Gamit ng Pangngalan

Page 24: Nominal, Pang-uri

•Layon ng Pandiwa- ginagamit na layon ng salitang kilos sa pangungusap. May NG o NG MGA sa unahan.

Naglinis ng kwarto si ate kanina.

Nagluto ng turon si nanay para sa meryenda.

Gamit ng Pangngalan

Page 25: Nominal, Pang-uri

•Layon ng Pang-ukol- ginagamit na layon ng pang-ukol sa pangungusap. May salitang SA sa unahan.

Mula sa Mayor ang tulong na natanggap nang aming baranggay.

Para sa magkakapatid ang pasalubong ng tatay.

Gamit ng Pangngalan

Page 26: Nominal, Pang-uri

Kaukulan ng Pangngalan

Palayon

Palagyo

Paari

Page 27: Nominal, Pang-uri

Kaukulan ng Pangngalan•Palagyo

- kung ang pangngalan ay ginagamit na Simuno, Pantawag, Kaganapang Pansimuno, Pangngalang Pamuno

Ang panahon ngayon ay pabagu-bago.

Ama at Ina, salamat po sa pagpapa-aral sa amin.

Page 28: Nominal, Pang-uri

•Palayon - kung ang pangngalan ay ginagamit na Layon ng Pandiwa at Layon ng Pang-ukol.

Magdadala ako ng ulam bukas.Ang pagsisikap ni Gemmo ay para sa

kanyang mga magulang.

Kaukulan ng Pangngalan

Page 29: Nominal, Pang-uri

•Paari - may dalawang pangngalang magkasunod at ang pangalawang ay nagsasaad ng    pagmamay-ari.

Ang pagpapatawad ni ama ang sanhi ng aking pagbabago.

Anak ni Reynaldo si Romel.

Kaukulan ng Pangngalan

Page 30: Nominal, Pang-uri

Pang-uri at Ang Pagpapalawak Nito

Page 31: Nominal, Pang-uri

-sa ingles “adjective”-naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan

Pang-uri?

Page 32: Nominal, Pang-uri

3 Uri ng Pang-uri

Panlarawan

Pantangi

Pamilang

Page 33: Nominal, Pang-uri

Panlarawan-nagpapakilala ng hugis, anyo, uri,

laki, at kabagayan ng mga pangngalan at panghalip.

Maylapi

Tambalan

Inuulit

Payak

Page 34: Nominal, Pang-uri

Payak-salitang ugat na naglalarawan

dumi

ganda

bilog

tamis

taasbait

Page 35: Nominal, Pang-uri

Maylapi- mga salitang naglalarawan na

binubuo ng salitang-ugat at panlapiUnlapi Halimbawa

 /ka-/  kabati, kagalit, kasundo, kasayaw /kay-/  kayganda, kaysaya /ma-/  masaya, mabait, maganda /mala-/  malaanghel, malarosas /maka-/

 makabayan, makakalikasan, makatao

Page 36: Nominal, Pang-uri

Inuulit- binubuo ng mga salitang inuulit

 Ganap Di-Ganap

 sira-sira,matatamis, magaganda, maliliit, masasaya, madudumi, mabibilog

Page 37: Nominal, Pang-uri

Tambalan- salitang naglalarawan na binubuo

ng dalawang pinagsamang salita

balikbayan

bukas-palad

balat-sibuyas

Page 38: Nominal, Pang-uri

Pamilang- nagpapakilala ng bilang o

pagkasunud-sunod ng pangngalan at panghalip.

panunuranpalansak

pamahagipahalaga

patakaran/kardinal

Page 39: Nominal, Pang-uri

Panunuran-  una, ikalawa, ikatlo..

Si Andong ay ikatlo sa kanilang magkakapatid.

Page 40: Nominal, Pang-uri

Pamahagi-  kalahati, kapat (1/4)..

Isang dosenang itlog ang pinabili ni Kim.

Page 41: Nominal, Pang-uri

Patakaran/kardinal-  isa, dalawa, tatlo..

Sampung kandidato ang tumakbo bilang pangulo noong 2010.

Page 42: Nominal, Pang-uri

Palansak-  isa-isa, dala-dalawa, tatlo-tatlo..

Isa-isang nagsidatingan ang mga bisita ni Abril.

Page 43: Nominal, Pang-uri

Pahalaga-  piso, dalawang piso, limang libo,

limpak-limpak, libu-libo..

Nanalo siya ng limpak-limpak na salapi.

Page 44: Nominal, Pang-uri

Pantangi-mga pangngalang pambalana

ang ginagamit upang ilarawan ang pangngalan o panghalip.

May kaibigan akong lalaking Italiano.

Ang mamamayanang Pilipino ay masisipag.

Page 45: Nominal, Pang-uri

Antas ng Pang-uri

lantay

pasukdol

pahambing

Page 46: Nominal, Pang-uri

Lantay-isang pangngalan o panghalip

lamang ang nilalarawan

Ang presidente ay magaling.

Page 47: Nominal, Pang-uri

Pahambing- pagkukumpara ng dalawa o higit

pang pangnglan o panghalip ang ginagawa ng pahambing na pang-uri. Ito ay nahahati sa dalawa: Magkaiba at Makatulad. Sa paghahambing kalimitang ginagamit ang mga salitang: "kapwa" "magkasing-" "kasing-"

"tulad" "katulad"  "mas-kaysa"

Page 48: Nominal, Pang-uri

 Magkaiba  Magkatulad

Mas mabait ako kaysa sa iyo.

Kapwa sila magalang.

Magkasinghusay sila.

Si Josephine ay kasing bait ni Bertha.

Ang kabaitan ni Jose ay tulad ng kay Sandra.

Page 49: Nominal, Pang-uri

Pasukdol- nagpapahayag ng matindi o di-

mapantayang katangian ng pangngalan o panghalip. Kalimitan itong ginagamitan ng mga salitang:

"napaka-", "pinaka-", "ubod ng", "walang-kasing"

Page 50: Nominal, Pang-uri