araling panlipunan vi

7

Click here to load reader

Upload: catherinerenante

Post on 19-Jul-2016

312 views

Category:

Documents


29 download

TRANSCRIPT

Page 1: Araling Panlipunan Vi

Pangalan: ____________________________ Petsa: _______________ Taon/Seksyon:_________________________ Guro: _______________

ARALING PANLIPUNAN

Grade VI Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ang pinakamalaking anyo ng lupa sa mundo ay ang

A. kontinente C. ilog B. kapatagan D. kipot

2. Ano ang hangganan ng pinakahilangang hangganan ng pahilis na sinag ng araw at ng sonang gitnang latitude.

A. Tropiko ng Kanser C. Kabilugang Antartiko B. Tropiko ng kaprikornyo D. Kabilugang Arktiko

3. Ito’y guhit na patayo sa gitna ng globo. Hinahati nito ang mundo sa silangan at kanlurang hating globo.

A. Ekwador C. Parallel

B. Prime Meridian D. International Dateline

4. Ano ang magiging bunga ng pagkakahilig ng mundo ng 23 ½ sa sarili nitong aksis?

A. pare-parehong panahon

B. laging mainit ang panahon C. nagkakaroon ng iba’t-ibang panahon sa iba’t-ibang lugar

D. pantay-pantay na panahon 5. Anong pahalang na guhit ang humahati sa mundo sa dalawang magkasinglaking

bahagi?

A. Ekwador C. International Dateline B. Prime Meridian D. Polo

6. Ang mababang latitude ay may 2 panahon sa loob ng isang taon samantalang ang gitnang latitude ay may 4 na panahon sa loob ng isang taon. Ipinahihiwatig nito na

______. A. nagbabago ang panahon kapag umiikot ang mundo sa aksis

B. nagbabago ang oras kapag umiikot ang mundo sa aksis. C. nagbabago ang panahon kapag umiikot ang mundo sa araw

D. nagbabago ang panahon at posisyon ng mundo habang umiikot sa araw 7. Kung buwan ng Disyembre ang mga taong namamasyal kung gabi ay nagsusuot ng

makapal na damit dahil sa _____?

A. mataas ang temperatura C. mababa ang temperatura B. katamtaman ang temperatura D. mainit ang temperatura

Page 2: Araling Panlipunan Vi

8. Alin ang maaabot ng diretsong sikat ng araw sa buong taon?

A. mababang latitude C. gitnang latitude

B. mataas na latitude D. lahat ng uri ng latitude 9. Nakita ng mga Espanyol ang angking talino ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan

at pamamahayag. Sinuportahan ito ng mga Dominikanong prayle kaya nagtayo ng pambansang palimbagan sa San Miguel Manila. Ano ang kauna-unahang aklat na

nalimbag? A. Christiana en Lengua Española y Tagala

B. El Hogar C. Del Superior Gobierno

D. La Esperanza 10. Anu-anong pagkain ang natutunan ng mga Pilipino sa mga Espanyol na kinakain

magpahanggang ngayon?

A. keso, tocino, torta, longanisa B. noodles, pancit, siomai, champoy C. mansanas, ubas, peras, cake

D. kamote, kangkong, saluyot, sitaw

11. Bago dumating ang mga mananakop ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Alin ang higit na naglalarawan ng kalakalan ng mga unang Pilipino?

A. Pakikipagpalitan ng mga paninda sa kababayan at dayuhang nangngalakal.

B. Pagpapagawa ng mga mahahalagang kalakal sa mga lokal na negosyante. C. Pag-angkat ng mga paninda mula sa mga dayuhan. D. Pagluluwas ng mga kalakal sa karatig bansa.

12. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na sagrado ang kanilang kapaligiran at may

mga elementong dapat nilang sambahin at igalang. Paano nila ito isinagawa? A. Nagtatanim sila ng iba’t-ibang pananim upang lumago ang kapaligiran.

B. Ipinagbabawal ang paghuli sa mga hayop upang hindi ito maubos. C. Nagsasagawa sila ng ritwal sa pamamagitan ng pag-aalay

D. Tahimik silang namumuhay sa kanilang barangay. 13. Bakit umaasa ang mga unang Pilipino sa kalikasan at kapaligiran?

A. Upang matustusan ang kanilang pangangailangan para mabuhay.

B. Upang maibahagi ang labis na yaman sa mga karatig-bansa C. Upang maging mabilis ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay D. Upang magkaroon ng kalayaan sa buhay

Page 3: Araling Panlipunan Vi

14. Bakit kailangang magpalipat- lipat ang mga sinaunang tao?

A. Dahil kailangan nila ng mapagkukunan ng pagkain B. Dahil inaaway sila ng kanilang kapitbahay.

C. Dahil sila ay may utang D. Dahil maingay sa kanilang lugar.

15. Noong unang panahon ang mga unang Pilipino ay nagtatag na pamayanan sa iba’t-ibang lugar. Ano ang isinaalang-alang sa pagpili ng pamayanan?

A. likas na yaman C. ligtas sa mabangis na hayop B. ligtas sa panganib D. ligtas sa masamang ispiritu

16. Siya ang pangulo na nagpalit ng Pamahalaang Parliamentarya o sa pampanguluhan.

Programa niya ang nagpapasagana sa ani ng palay at papalawak ng reporma sa lupa. A. Ferdinand E. Marcos C. Corazon D. Aquino

B. Diosdado Macapagal D. Fidel V. Ramos

17. Pinagtuunan niya ng pansin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagiging matalinong mamamayan at may damdaming nasyonalismo. Ang pangunahing programa ng kanyang rehimen ay ang Pilipino Muna.

A. Elpidio Quirino C. Jose P. Laurel

B. Corazon C. Aquino D. Carlos P. Garcia 18. Binigyan niya ng amnestiya ang mga gerilya. Pinatawad ang mga Huk sa mga

kasalanang Rebelyon, sedisyon at illegal na samahan.

A. Ramon Magsaysay C. Manuel L. Roxas B. Elpidio Quirino D. Jose P. Laurel

19. Hangad ni Roxas na mapadali ang rehabilitasyon at industriyalisasyon ng bansa sa tulong ng Estados Unidos. Nais nitong mabigyan ang mga Amerikano ng pantay na

karapatan tulad ng mga Pilipino sa paglinang at paggamit sa likas na yaman ng bansa at pangangasiwa sa sasakyang pampubliko. Ito ay tinatawag na ______

A. Pilipino Muna C. Parity Rights B. ACCFA D. PACSA

20. Pangunahing layunin niya ay ang mabigyan ng sariling lupa ang mga magsasaka at

kasanayang walang lupang sakahan. Nilagdaan niya ang Batas sa Reporma sa lupa o

Agricultural Land Reform Code.

A. Carlos P. Garcia C. Elpidio Quirino B. Manuel Roxas D. Diosdado Macapagal

Page 4: Araling Panlipunan Vi

21. Ano ang katangian ng isang mamamayan na dapat taglayin upang makatulong sa pagpapaunlad ng bansa?

A. pabaya at sakitin C. malusog at matalino

B. masipag at mayabang D. mabagal at palautos 22. Ano ang ibig sabihin ng pandarayuhan?

A. pagtungo sa ibang lugar

B. pamamasyal sa ibang lugar C. paglipat ng ibang lugar D. pagkuha ng larawan ng magagandang lugar

23. Lubhang Malaki ang populasyon sa NCR bunga ng pandarayuhan ng mga kalapit na

lalawigan ______? A. Lumiliit ang populasyon sa nilipatan

B. Nagiging Malaki ang pangangailangan sa pook na nilapatan. C. Uunlad ang ekonomiya sa loob na nilipatan

D. Nababawasan ang suliranin ukol sa populasyon sa nilipatan. 24. Mabilis ang paglaki ng populasyon ng Pilipinas. ano ang pangunahing dahilan nito?

A. pandarayuhan C. pagplano ng pamilya

B. maagang pag-aasawa D. pagkakaroon ng digmaan 25. Isa sa mga dahilan ng pagkapal ng tao o di-pantay na distribusyon ng mga tao sa

bansa ang ______

A. pagkakataon sa hanapbuhay C. pagdami ng tirahan B. kagandahan ng tanawin D. kalinisan ng pook

26.

27. Ang mga pangkat-etniko ay pangkat ng mga katutubong Pilipinong may magkatulad na pananalita, paniniwala, hanapbuhay at iba pang paraan ng pamumuhay. Sino sa mga sumusunod na pangkat etniko ang kilalang magaling sumisid ng perlas at

gumagawa rin ng vinta?

A. Badjao C. Mangyan B. Ifugao D. Waray

28. Ano ang kahulugan ng pagkakapantay-pantay upang ang lahat ng mga Pilipino ay magkaroon ng pagkakataong makapag-aral ng libre?

A. Ang mga salapi ay may pagkakataong makapag-aral B. Isinasauli sa palatuntunan ay may kapansanan lamang.

C. Makatarungan ang pamahalaan ay makatarungan sa mahirap lamang

Page 5: Araling Panlipunan Vi

D. Ang mayaman o mahirap ay pantay-pantay sa harap ng batas

29. Dahil sa mataas na bilang ng walang trabaho sa sariling bayan, ang isang bagong tapos na mag-aaral ay napipilitang umalis at lumipat ng lugar. Sa kalagayang ito, ano

ang dahilan ng pandarayuhan? A. pangkapayapaan C. panrelihiyon

B. pangkabuhayn D. pampulitika

30. Maraming batang Pilipino ang nagsipag-aaral sa ilang kolehiyo at pamantasan sa kalakhang Maynila pagkatapos ng kanilang pag-aaral sa sekondarya. Anong dahilan ng pandarayuhan ang tinutukoy sa pangungusap?

A. pangkultura C. pangkultura

B. pang-edukasyon D. pangkabuhayan 31. Ang ating bansa ay biniyayaan ng saganang likas na yaman. Sa anong yamang

mineral kilala ang Romblon?

A. ginto C. petrolyo B. chromite D. marmol

32. Tungkulin ng mga Pilipino ang tumulong sa pangangalaga ng kanyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit ng likas na yaman?

A. Paggamit ng cyanide sa pangingisda upang maraming mahuling isda. B. Pagtatanim ng mga bagong puno upang mapalitan ang mga naputol na puno.

C. Pagsunod sa pinagputulang puno upang mapadali ang pagtatanim. D. Paggamit ng pinung-pinong lambat upang mapabilis ang paghuli

33. Ano ang tawag sa enerhiya mula sa ilalim ng lupa na matatagpuan sa Tiwi, Albay?

A. Hydroelectric Energy C. Magnetic Energy B. Geothermal Energy D. Hydraulic Energy

34. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang gawin upang makatipid sa paggamit ng

ating likas na yaman?

A. Itaguyod ang proyektong “Paggamit Muli” o “Recycling”.

B. Sumali sa mga organisasyong pangkalikasan. C. Magtanim ng halaman sa bakuran at bakanteng lote. D. Gumawa ng mga poster ukol sa pangangalaga sa kalikasan.

35. Bilang isang bata at mag-aaral, paano ka makatutulong sa matalinong paggamit ng

likas na yaman? A. Magtatanim ako ng puno sa bundok ng Sierra Madre.

B. Titipirin ko ang paggamit ng papel. C. Tutulong ako sa paglinis ng Ilog Marikina.

D. Ipahuhuli ko ang mga gumagamit ng dinamita.

Page 6: Araling Panlipunan Vi

36. Ang pagkakasira ng likas na yaman ay dulot ng maling paggamit dito ng mga tao.

Dahil dito, ipinatupad ng DENR ang Batas ng Pangulo Blg. 1058. Ano ang ipinagbabawal ng batas na ito?

A. Paggamit ng lambat sa pangingisda. B. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

C. Paggamit ng kuryente sa pangingisda. D. Paggamit ng bingwit sa pangingisda.

37. Alin a sumusunod ang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa.

A. Tatlo o higit pang partidong pulitikal ang maaaring lumahok sa halalan. B. Isang partidong pulitikal lamang ang lumalahok sa halalan.

C. Partido ng pangulo ang makapangyarihan sa halalan. D. Limitado ang maaring lumahok sa halalan.

38. Mahalaga katangian ng pamahalaang demokratiko ang pagkilala sa pasiya ng nakakarami. Ano ang ibig sabihin nito?

A. Ang popular na kandidato ang nananalo B. Ang kandidatong pinakamaraming boto ang panalo

C. Ang mayayaman ang nagpapasya sa pamahalaang ito. D. ang pamahalaang demoktratiko ang nagustuhan ng nakakarami.

39. Nagpatawag ng pulong ang kapitan ng barangay Almacen upang pakinggan ang

opinyon ng kaniyang nasasakupan tungkol sa pagpapaalis ng mga kabahayan sa

tabing dagat at tabing-ilog. Ano ang ipinapakita nito?

A. Mahalaga na mapaalis ang mga nakatira sa tabing-ilog. B. Mahalaga ang pasya ng nakakarami sa pamahalaang diktatoryal C. Mahalaga ang pagpapatawag ng kapitan ng barangay sa kaayusan

D. Mahalaga ang opinion ng mga mamamayan sa pagpapasya ng pinuno.

40. Karaniwang hinihingi ang opinyon o kuro-kuro sa isang pamahalaang demokratiko bago nila pagpasyahan ang mahahalagang isyu. Anong katangian ng pamahalaang demokratiko ang ipinapakita?

A. Maraming isyung pinag-uusapan sa pamahalaang demokratiko

B. Malayang makapagbigay ng opinyon ang mga mamamayan C. Mahalaga ang opinion ng mga pinuno ng pamahalaan. D. Maganda ang pagpupulong bago magpasya.

ALING PANLIPUNAN VI SUSI SA PAGWAWASTO

1. A 21. C

Page 7: Araling Panlipunan Vi

2. D 22. C

3. B 23. B

4. C 24. B 5. A 25. A

6. C 26. B

7. C 27. A

8. A 28. D

9. C 29. B 10. A 30. B

11. A 31. D

12. C 32. B

13. A 33. B

14. A 34. A 15. A 35. B

16. B 36. B

17. D 37. A

18. A 38. C

19. C 39. D 20. D 40. B