alamat ng saging

9
Alamat ng Saging Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin. Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya. Ang mga maliliit na bata ay malapit sa matanda. Itinuring na nila itong kanilang lolo. Sa tuwing hapon ay nagpupunta ang mga bata sa bahay ng matanda upang makinig sa mga kuwento ni Apo. Pagkatapos ay may nakahanda pang pagkain ang mga ito na niluto ng matanda. Hindi lamang sa mga taong bayan matulungin ang matanda kundi pati na rin sa ibang tao maski hindi niya ito kakilala. Minsan habang nangangahoy siya sa gubat, may lumapit sa kanyang isang lalaki na nanghihina sa gutom. Agad niya itong inuwi sa kanyang bahay at inalagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ng lalaki.Noong minsan naman ay isang batang babae ang nanghingi ng limos sa kanya. Dinala niya ito sa bahay niya at ipinaghanda niya ng makakain. Bago umalis ang bata, tinuruan niya itong maghabi ng mga pinatuyong dahon upang gawing pamaypay upang maibenta. Sa ganoon hindi na manglilimos ang bata. Laking pasasalamat ng bata sa matanda. Balang araw ay makakabawi din daw siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng matanda. Napangiti lang si Apo Sagin. Isang araw, dinapuan ng sakit si Apo Sagin at dahil sa matanda na ito ay masama ang naging tama nito sa kanya. Lubos na nanghina ang matanda. Marami ang dumalaw kay Apo Sagin upang alagaan siya habang may sakit ito. Halinhinan ang kanyang mga kapitbahay sa pagbabantay sa kanya. Maging ang mga batang kanyang

Upload: jii-ar

Post on 05-Feb-2016

1.312 views

Category:

Documents


17 download

DESCRIPTION

Alamat Ng Saging

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat Ng Saging

Alamat ng Saging Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin.

Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya.

Ang mga maliliit na bata ay malapit sa matanda. Itinuring na nila itong kanilang lolo. Sa tuwing hapon ay nagpupunta ang mga bata sa bahay ng matanda upang makinig sa mga kuwento ni Apo. Pagkatapos ay may nakahanda pang pagkain ang mga ito na niluto ng matanda.

Hindi lamang sa mga taong bayan matulungin ang matanda kundi pati na rin sa ibang tao maski hindi niya ito kakilala. Minsan habang nangangahoy siya sa gubat, may lumapit sa kanyang isang lalaki na nanghihina sa gutom. Agad niya itong inuwi sa kanyang bahay at inalagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ng lalaki.Noong minsan naman ay isang batang babae ang nanghingi ng limos sa kanya. Dinala niya ito sa bahay niya at ipinaghanda niya ng makakain. Bago umalis ang bata, tinuruan niya itong maghabi ng mga pinatuyong dahon upang gawing pamaypay upang maibenta. Sa ganoon hindi na manglilimos ang bata. Laking pasasalamat ng bata sa matanda. Balang araw ay makakabawi din daw siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng matanda. Napangiti lang si Apo Sagin.

Isang araw, dinapuan ng sakit si Apo Sagin at dahil sa matanda na ito ay masama ang naging tama nito sa kanya. Lubos na nanghina ang matanda. Marami ang dumalaw kay Apo Sagin upang alagaan siya habang may sakit ito. Halinhinan ang kanyang mga kapitbahay sa pagbabantay sa kanya. Maging ang mga batang kanyang kinukwentuhan sa tuwing hapon ay nandoroon at kinukwentuhan ang kanilang mahal na lolo.

Dumating ang oras na naghihingalo na ang matanda. Ang lahat ng taong bayan ay andoon upang makita ang mabait na matanda kahit sa huling pagkakataon man lamang. Mahinang nagpaalam ang matanda at dahan-dahan itong binawian ng buhay.

Nag-iiyakan ang mga taong bayan nang may dumating na isang bata. Ito ang pulubing tinulungan ni Sagin. Siya pala ay isang diwata. Ibinilin niya sa mga tao na ilibing si Sagin sa may bakuran. Huwag na raw silang malungkot dahil si Sagin ay mananatili sa kanila at di sila kailan pa man iiwanan. Ginawa nila ang sinabi ng diwata.

Page 2: Alamat Ng Saging

Makalipas ang ilang lingo, may isang halamang umusbong sa libingan ni Sagin. Ilang linggo pa ang nakalipas may parang hugis puso ang nakita nila sa halaman. Naalala nila ang sinabi ng diwata. Ang malaking puso ay halintulad ng matabang puso ni Sagin na punung-puno ng kabaitan at pagmamahal sa kapwa. Ang naging bunga nito ay marami at matamis.

Nanatili nga si Sagin sa mga taong bayan at hanggang ngayon ito pa rin ay nagbibigay ng sobra-sobra. Ang puno ngayon ay tinawag ng taong bayan na Saging.

Ang Alamat ng Ahas-Dahong Palay

Noong unang panahon ang mga ahas ay walang kamandag. Sa ganito sila ay hindi kinakatakutan at pinakukundanganan tisurin o patayin. Sa gayon nilang katayuan ay minarapat nilang gumawa ng paraan upang sila’y pangilagan ng tao at huwag patayin.

Kaya’t ang kanilang puno’y dumalangin humingi ng kamandag kay Bathala. Ang kanilang kahilingan ay hindi naman pinagkaitan ng Panginoong Diyos.

Isang araw ang Panginoong Diyos ay nanaog at dala ang isang kamandag upang batiin ang mga ahas. Ang unang nakakuha ay ang ulupong kung kaya ang kanya ang pinakamabagsik. Ang lahat ay nakakuha ng kamandag maliban lamang sa dahongpalay na hindi kaagad nabatid ang pagbibigayan ng kamandag.

Nang madatnan niya ang pook na bigayan ng kamandag ay ang banga na lamang ang kanyang nakita. Sa hangad niyang magkaroon ng kamandag

Page 3: Alamat Ng Saging

ay nagpaikot-ikot siya sa loob ng banga na ang kamandag ay napunta sa kanyang balat.

Ngayon ang dahongpalay ay may kamandag sa balat at hindi sa loob ng katawan.

Alamat ng Aso

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.

Page 4: Alamat Ng Saging

Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

Alamat ng Unang Butiki

Noong unang panahon, may isang batang ubod ng pilyo at pakialamero sa lahat ng bagay. Marami tuloy ang nagagalit, kaya madalas mapalo at mapagalitan si Kiko ng ama't ina. Gayunpaman, wala ring kadala-dala ang batang ito na lalong tumigas ang ulo at wala pang galang sa mattanda. Dahil dito, walang may gustong makipagkaibigan sa kanya. Palibhasa'y walang kalaro, ang mga hayop na lang ang ginawang libangan nito. Ang maaamong hayop ay nagiging mailap dahil sa pananakit ni Kiko. Kalaunan, pati ang tanim ng may tanim ay lihim nitong sinisira.

Page 5: Alamat Ng Saging

Isang araw, habang nagwawalis ng bakuran ang ina ay lumapit si Kiko sa punso at walang sabi-sabing winasak ito. Galit na galit ang ina sa anak.. Pagkatapos ay abut-abot ang kanyang paghingi ng paumanhin sa mga duwende. "Mga nuno, patawarin po ninyo ang aking anak. Hinding-hindi napo siya uulit. Mag-babait na po siya. Pangako po."

Pinangaralang mabuti ng ina si Kiko na huwag uulitin ang ginawang paglapastangan nito sa punso dahil masamang magalit ang mga lamang-lupa.

Subalit kinabukasan, matapos isuga ang kalabaw ay bayawak naman ang napagtuunan ng pansin ng batang sutil. Sinundan ito ngunit nawala nang sumuot sa nakausling ugat ng puno. Hawak ang tirador ay sinaliksik ni Kiko ang buong paligid.

Laking galak nito nang matagpuan ang maraming itlog ng bayawak, at tuwang-tuwa na tinirador ang mga itlog. Biglang nagulat ang bata nang lumitaw sa harp niya ang isang duwende.

"HOY! BATANG SALBAHE, BAKIT MO BINASAG ANG MGA ITLOG? HINDI MO BA ALAM NA MAY BUHAY SALOOB NITO? SA GINAWA MONG IYAN, KITA'Y PARURUSAHAN. MAGIGING KALAHI KA NG BAYAWAK...!"

"Huwag po, maawa po kayo sa akin. Magpapakabait napo ako, peks man."

"SINUNGALING! ILANG BESES KA NANG NANGANGAKO TUWING PINAPALO KA NG TATAY MO. AT KAHAPON LANG, NANGAKO ANG NANAY MO, PERO NAGBAGO KABA? NGAYON, BILANG PARUSA, IKAW AY HAHALIK SA LUPA BAGO MAGTAKIP SILIM AT DAHIL IKAW AY TAO NA NILALANG NG MAYKAPAL KAYA SA TAHANAN KA RIN MANANAHAN. BUTIKI ANG ITATAWAG SA IYO!" Pagkawika'y dagling naglaho ang duwende.

Dali-daling kumaripas ng takbo ang nahintakutang bata at nagsisigaw nang...

"AYOKONG MAGING BUTIKI NANAY, TULUNGAN MO AKO... AYAW KONG MAGING BUTIKI...!" Napadungaw ang ina at kitang-kita niya ang pagkasubasob ng anak bago paman ito nakaakyat ng hagdan. Nagtaka ito sa pagbabagong-anyo ni Kiko hanggang maging maliit na hayop na animo'y bayawak. Palibhasa'y "BUTIKI" ang huling katagang narinig sa anak, kaya butiki na rin ang itinawag niya rito. Bagama't mabait ay mailap ang hayop na ito dahil sa hiya.

Patuloy pa rin ang paghalik ng butiki sa lupa tuwing dapithapon. Panahon na lang ang hahatol kung nararapat na ngang ibalik sa dating anyo si Kiko. Para sa mga duwende, mabuti nang manatili itong butiki sa habang panahon. (HOY! BATA, GUSTO MO MAGING BUTIKI?)

Page 6: Alamat Ng Saging

Bugtong Sagot

1. Alalay ng mga ikakasal sa simbahanKasu-kasunod sa bawat paghakbang

2. Sa madre at pari ito ang kasuotanPormal na unipormeng kagalang-galang.

3. Sa init ay sumasayaSa lamig ay nalalanta.

4. Tubig ito na takbo nang takbosa dagat-dagatan, sa ilog-ilugan,pati na sa batuhan.

5. Baston ng Kapitan,Hindi mahawakan.

Page 7: Alamat Ng Saging

Bugtong Sagot

Gabay sila ng lola at loloKung gabi ay nagsisipagmano.

Apat na magkakasama,Pumasok sa kweba,Lumabas na mapula.

Kabayo kong pulaNanalo sa kareraUmuusok pa.

Ginto sa kalangitanDi matitigtitigan.

Mataas kung nakaupo,Mababa kung nakatayo.