alamat ng basey

30
Alamat ng Basey Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mgamisyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ngpanibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagaysila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamunong Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalananang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang siBungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ayhindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi,na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang nakalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang angmga tulisang- dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upangplanuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang paparatingna mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng SimbahangKatoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta.Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas nahangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sanapakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay aynagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang samalalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito aymatatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore aymatatanaw ang paparating na mga vinta at

Upload: shiean06

Post on 02-Feb-2016

2.612 views

Category:

Documents


81 download

DESCRIPTION

alamat

TRANSCRIPT

Alamat ng Basey

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mgamisyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ngpanibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagaysila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamunong Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig.

Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalananang lugar na Baysay na may kahulugang ‘maganda’ bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang siBungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ayhindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay.

Sa halip sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi,na may kahulugang ‘Ang Pinakamaganda’ bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang nakalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang angmga tulisang- dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upangplanuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang paparatingna mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng SimbahangKatoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta.Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas nahangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sanapakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay aynagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang samalalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito aymatatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore aymatatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ngpagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.

Alamat ng Bundok Kanlaon

Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon.

Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may pitong ulo. Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit. Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.

Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta. Makalipas ang isang buwan, bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting sila nang ibinugang apoy ng ulupong."

Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari. Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.

Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.

"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.

Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya ang isang langgam.

"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa ating kapayapaan."

Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring tumulong. Lahat sila ay nagtungo sa bundok.

Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa rami ng umatakeng mga langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.

Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa labanan.

Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot ng lawin ang mga mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.

Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.

"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.

Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni Laon.

Alamat ng mga Burol ng Tsokolate

Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga tanim na palay ng mga luntian dahon nito.

Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.

Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap ka ng sariling lupain mo"

Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto mo, ikaw ang umalis".

"Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa.

"Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at magagaspang na salita. Walang ibig sumuko.

Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila ay hindi makaagapay sa pagod at kapinsalaan. Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay.

Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay naging bulubundukin na kapag tag-araw ay animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate kapag pinagmamasdan mula sa himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking luntian na kaayaayang pagmasdan.

Bakit tinawag na bundok ng mga tsokolate? Kung tag-init ang mga damo ay natutuyo at ang lupa ay tigang. Unang patak ng ulan, bago tumubo ang mga damo, ang lupa ay nagiging putik na animo`y tsokolateng

\

Alamat ng Capiz

Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, ang mga Kastila ay kumakalat na nang kumakalat sa iba’t-ibang pulo sa Kabisayaan. Bagama’t napatay ni Lapu-lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang gayon ay hindi naging hadlang upang ang mga Kastila ay magpalipat-lipat sa iba’t-ibang bayan at lalawigan.

May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa malalaking pulo ng Panay. Ang mga kawal na yaon ay pinamumunuan ng isang mabait na Heneral na ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na Heneral at ang kanyang mga kawal ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat dito ay gumawa sila ng mga paglalakbay hanggang makarating sila sa isang pook na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook na iyon.

Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta ay natanaw sila ng isang babaing naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may kasamang dalawang anak na nang mga sandaling yao’y nagsisipaligo sa malinaw na batis.

Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang itanong kung ano ang pangalan ng baying kanilang kinaroroonan. Nguni’t malayu-layo pa ang mga kawal na Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dali-dali nitong tinungo ang dalawang anak na kambal na naliligo, kinilik ang isa at matapos akayin ang isa pa ay tinangkang sumibad ng takbo.

Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Kastila, kaya’t sa malaking takot ay sinikap nitong makatakas agad. Nguni’t nakaiilang hakbang pa lamang siya, au ubod galang na lumapit ang pinunong Kastila at mapitagang nagtanong;

“Como se llama esta provincial?” na ang ibig sabihin ay “Ano ba ang pangalan ng lalawigang ito?”

Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, nguni’t nang makitang ang nagtatanong na pinunong Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang dalawang anak, na noo’y nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot na ina na ang itinatanong sa kanya ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata. Dahil sa gayong akala ay nangangatal pa ang tinig na tumugon siya sa wikang Bisaya.

- Capid... Capid... an gang ibig sabihin, ang dalawa niyang anak ay

KAMBAL, kaya magkamukha ang mga iyon.

Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa babaing iyon. Sa pag-aakalang ang isinagot nitong “Capid”, ay siyang katugunan sa kanilang itinanong.

Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang “CAPID” at nagpapatuloy sila sa paglalakbay sa buong lalawigan. Subali’t nang sila’y nag-usap-usap na tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang narrating ay nahihirapan silang bigkasin ang salitang “Capid”, sapagka’t hindi angkop sa kanilang dila ang “d”. Kaya’t ang titik na ito ay binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na “s”.

Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa malaking pulo ng Panay sa Kabisayahan, sa halip na maging “Capid” ay kinilala ngayon at tinatawag na KAPIS. Ang pangalang ito ng lalawigan ng Kapis ay siyang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang pinunong Kastila.

Alamat ng Si Lalak at si BabayeVisayan Myth of the First Man and Woman

Nuong unang panahon, may 2 bathala na namamahay sa langit, si Kaptan at si Maguayan. Napa-ibig si Kaptan kay Maguayan at sila ay nag-asawa.

Isang araw, tulad sa nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng unang pagsasama, nag-away si Kaptan at si Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan, pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki ang paghihinagpis na umalis si Maguayan. Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan ay inabot ng lumbay. Nabagabag siya ng kamaliang ipinataw niya sa kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi siya ng patawad. Hinalughog niya ang buong kalangitan, subalit hindi niya natagpuan si Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang diyosa.

Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at nagtanim ng kawayan sa halaman na pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya ng palay, mais at tubo. Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan ang unang umusbong. Tumubo itong maganda puno na malambot ang mga sanga at mga dahon na parang balahibong kumakaway sa daloy ng hangin.Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha, napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan. “Ah,” buntong hininga niya, “kung narito lamang si Maguayan, malulugod siyang masdan itong magandang tanawin sa gitna ng simoy ng hangin at kiskisan ng mga dahon!” Patuloy ang pagtubo ng kawayan. Ang halamanan ay lalong gumaganda araw-araw. Isang dapit-hapon, habang si Kaptan ay nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa simoy ng hangin, isang sapantaha ang nabuo sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari, binulong na niya sa kanyang sarili, “Lilikha ako ng mga mag-aalaga nitong mga halaman.”

Pagkatapos, mula sa kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw ang pangalawang nilikha. Bininyagan siya ng diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay “katulong ng nilalang na malakas.” Mula nuon, ang kanyang mga katulad ay tinawag na sibabaye o babaye, sa palayaw.Magkasama, ang dalawang nilikha ay nagtanim sa halamanan at inalagaan ang mga pananim. Sa kabilang dako, si Kaptan ay nagpunta sa malayo upang hanapin si Maguayan.

Isang araw, pagka-alis ng diyos, niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa kanya. Subalit ang babae ay tumanggi. “Hindi ba magkapatid tayo?” pinagalitan niya ang lalaki. “Tutuo ang sinabi mo. Subalit walang ibang tao dito sa halamanan,” nangatwiran si Sikalak. “At kailangan natin ang mga anak na tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa para sa ating panginoon.” Hindi natinag ang babae. “Alam ko,” sagot niya, “subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisa-isang biyas ang nagkabit sa ating dalawa.” Pagtagal-tagal, matapos ng mahabang pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid. Ipinayo ng mga isda at ng mga ibon na magpakasal sila. Hindi pa rin nahimok, sumangguni si Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang pag-aasawa. “Kailangang mag-asawa kayo,” sabi ng lindol, “upang magka-tao sa daigdig.” Kaya nag-asawa sina Sikalak at Sikabay. Ang una nilang anak ay isang lalaki, na pinangalanan nilang Sibu. Pagkatapos, nagka-anak sila ng isang babae, na tinawag nilang Samar.

Si Amomongo at si Iput-Iput(Ang Gorilya at ang Alitaptap)

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyangkaibigan.Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito.³Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?´Sumagot si Iput-Iput. ³Dahil natatakot ako sa mga lamok.Ah, duwag ka pala,´ ang pang-uuyam ni Amomongo.³Hindi ako duwag!´ , ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput. Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?, ang pang-aasar niAmomongo.³Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikitako sila kaagad

at nang sa gayo¶y maipagtanggol ko ang aking sarili.´, ang tugon ni Iput-Iput.Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabukasan, maaga utong gumising atipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahilduwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita. Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput,nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahayni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw samukha nito hanggang sa ito ay magising.³Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sa¶yonghindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod naLinggo ng hapon.´Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. ³Mayroon ka bang mga kasama?´³Wala!´, ang sigaw ni Iput-Iput. ³Pupunta akong mag-isa.´ Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili¶t isang maliit na insekto anghumahamon sa kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap. Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap naikaanim ng hapon!´

Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na masmalalaki pa sa akin.´ Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niyaay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-Iput: ³Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!Paalam!´Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mgadambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.³Maya- maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa mga gorilya ma magdasal muna sila. Pagkataposmagdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyangmga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ngmga ito.Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas ngkasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ayang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong ng pangalawanggorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya angnahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput angilong ng pangatlong gorilya. Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad.Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sailong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kayIputIput na patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunitsimula ng hapong iyon, nagkaroon na ng malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Pabula ng Kabayo ug ang Kabaw

(Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw)

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya naming makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Ang Agila ug ang Langgam

(Ang Agila at ang Maya)

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinukaang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubongniya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito."Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buongkayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ngleksyon."Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya."Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyangang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan."Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong magingmasaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ngbagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak."Tumawa ang Agila sa narinigna sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaanang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito."O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya."Aba oo, payag na payag ako."" Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas nabundok na iyon," wika pa ni Maya.Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na angpanalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.At sisimulan nga nila ang paligsahan.Habang nasakalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa angbulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal anglipad niya.Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulankaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Mayasa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Ang Banog ug ang Himungaan

(Ang Uwak at Manok)

Noong Araw, magkaibigang matalik ang manok at ang Uwak.madalas dumalaw ang uwak sa manok upang makipaglaro dito at sa mga sisiw nito.

Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon. “Uy! Pahiram naman ng singsing mo, ang ganda-ganda!” sabi ng manok.

“Sige, iiwan ko nalang muna sayo. Bukas ko nalang kukunin” sagot naman ng uwak.

Naglakad ang inahin at tuwang-tuwang ipinakita sa ibang hayop ang singsing nya. Nang lumapit ang isang tandang. “Bakit suot mo yang di sayo? Iyang uwak ay di manok na kagaya natin kaya wag kang makipagkaibigan sa kanya. Itapon mo iyang sinsing” sabi ng isa pang tandang.

Sa kapipilit ng tandang ay itinapon agad ng manok ang singsing.

Kinabukasan napansin agad ng uwak na hindi nya suot ito. “Nasaan ang singsing ko” tanong ng ibon.

“Ewan ko” takot na sagot ng manok. “Naglalakad lang ako ng biglang nawala sa akin. Maluwag kasi”.

Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok. “Alam ko itinapon mo, siguro dahil ayw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang sising, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililpad ko sa malayo”

Simula noon, wala ng tigil ang paghawan ng mga manok sa lupa upang matagpuan ang nawawalang singsing. Maging ang mga kapwa tandang ay nakitulong nadin sa kawawang manok upang maprotektahan ang mga sisiw.

Ang Lion ug ang Ilaga

(Ang Lion at ang Daga)

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.

Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Paalam sa Pagkabata

"Bawat yugto sa buhay ng tao ay nagdadala ng mga pagbabago"

Umiiyak lagi si Isidra at laging nakatingin sa lambat. Hindi maintindihan ni Celso kung bakit lagi iyon ginagawa ng kaniyang ina at kung anong mayroon sa lambat.

Narinig niya ang isang malungkot na awit mula sa malapait na bahay-pawid.

Pumunta siya doon at nagulat dahil kamukha niya ang lalaking umaawit. Niyakap siya at sinabihang lagi siyang bisitahin sa bahay-pawid.

Nakita si Celso ng kaniyang ama na galing doon. Pinagalitan siya ng kaniyang ama. Nakita niya ang kaniyang sarili sa salamin at naalala ang lalaki. Naliwanagan siya sa lahat ng mga nangyrai sa kaniyang buhay. Sinira niya ang lambat dahil sa galit.

Nagalit sa kaniya ang kaniyang ama at binugbog siya dahil sa ginawa niya. Lumipas ang sandal at siya ay nagkamalay na muli. Niyakap siya ni Tomas ng kaniyang ama.

Si Pinkaw

(Maikling kwentong Hiligaynon)Isabelo S. Sobrevega

Si pinkaw ay isang biyuda, ang asawa nito na dapat na katulong nito sa paghahanap buhay at pagtataguyod sa pamilya nila ay sa kasamaang palad ay nasawi. Tangap na ni pingkaw ang buhay na tinatamasa nilang pamilya, binubuhay niya ang kaniyang tatlong anak na sa balita ay iba-iba ang ama sa pamamagitan ng pangangalakal sa tambakan.

Isang marangal na tao si Pinkaw. Ayaw niyang umasa sa tulong ng iba. May paninindigan kasi siyang bakit niya kinakailangang humingi ng tulong kung kaya naman niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak at hindi niya pinapalo ang mga ito. Tuwing linggo ay nagsisimba siya at namimigay ng limos sa mga pulubi. Isang araw na pinakain niya ang kanyang mga anak ng napanis na sardinas ay sumakit ang mga tiyan nito, dali-dali niyang isinakay sa kariton ang mga ito at humingi ng tulong sa mga duktor na kilala niya ngunit hindi rin siya tinulungan. Huli na ng malaman niyang patay na ang anak niyang panganay at sumunod ang pangalawa, masuwerteng naligtas ang gwapong anak nito na bunso ngunit ng sumunod na mga araw ay namayapa rin ito. Sa labis na kasawiaan hindi natanggap ni pinkaw ang mga pangyayari na nagdulot na kanyang pagkawala sa sarili.

Ang Pahigmata

Marcel M. Navarra

Tapos na ang pasukan at panahon na ng tag-init. Sa bayan ng Tuyom, Carcar , Cebu napagkasunduan ng magkaibigang Diyak Elino ‘Lino’ at Diyak Arsenio na dalhin sa kamagayan ang kanilang mga kalabaw para pakainin. Si Lino labintatlong taon, kakatapos lang sa elementary samantalang si Arsenio,kasing-edad lang ng nauna ay hanggang Ikatlong Baitang lang ang natapos nang dahil sa kahirapan. Habang tinatahak ang daanan patungo sa kamagayan, napag-usapan ng dalawa ang kanilang inagahan. Ibinahagi ni Lino na kaya siya nahuli ay maatagal naluto ng kanyang ina ang ‘champorado’ na kanyang inagahan samantalang si Arsenio naman ay hindi kumain sapagkat walang maisaing ang kanyang ina.

Nabaling ang kanilang pinag-uusapan sa kanilang kalabaw…kung saan ito pakakainin. Marami ring lugar ang pinagpilian na puntahan ang magkaibigan ngunit hindi sila magkasundo. Si Diyak Arsenio ay hindi marunong matakot, kahit hindi kanilang lupain;wala naman talagang nagmamay-ari sapagkat ito’y walang titulo,panghihimasukan niya ito. May pagkasutil na bata si Arsenio samantalang si Diyak Lino naman ay may pag-aalinlangan sa lahat ng mga sinasambit ng nauana. Hanggang sa naisip ni Arsenio na puntahan ang kamagayan ng mag-asawang Simon at Amon, ayon sa kanila, pagmamay-ari daw ng mag-asawa ang kamagayan sapagkat sila ang naglilinis at namumutol ng mga damo sa lupain iyon kahit wala naman silang titulo. Pagkarating nila ay agad na inakyat ni Arsenio ang puno ng sineguelas at pinitas ang mga namumutakting hinog na bunga nito. Pinaalahan siya ni Lino na baka manghilab ang tiyan nito sapagkat ‘di pa ito nag-agahan. ‘Di naman ito pinansin ni Arsenio.

Aliw na ninanamnam ng dalawa ang bawat bunga na kanilang kinakain nang mapansin ni Lino ang isang basag na boses na parang kinakapos sa hangin ‘pag nagsasalita. Sa ‘di kalayuan ay napansin niyang mayroong dalawang kalabaw ang paparating sa bakuran ng mag-asawang Simon at Amon. Paparating pala si Tekya, ang nagbabantay ng lupain nila Simon. Isang malaking babae, nakakatanda ng kaunti sa kanila at may kapansanan sa pagsasalita sapagkat siya ay may hiwa sa labi. Ipinanganak na siyang ganoon. Hindi mapakali si Lino at ‘di malaman ang kanyang gagawin dahil nahuli sila ni Tekya. Bumaba sa puno si Arsenio at hinarap ang babae. Hinubad niya ang kanyang damit pang-itaas at walang pag-aalinlangan sinuntok ang niya si Tekya. Dumampi sa pisngi ng babae ang kamao ni Arsenio ngunit ‘di man lang natinag si Tekya sa suntok ng batang lalake. Hinawakan ng batang babae ang leeg ng lalake na tila sinasakal. Ito ang pamamaraan niya para mapigilan sa pagsuntok si Arsenio. Hindi naging hadlang kay Tekya ang kanyang kapanasan para maipahayag ang nais niyang sabihin. Pinanood lamang ni Lino ang kanyang kaibigan na nakikipaglaban kay Tekya. Napansin niyang tagilid ang kanyang kaibigan at nahihirapan sa kalaban nito.

Para mabitawan ni Tekya si Arsenio,sinubok ni Lino na kunin ang atensyon ng babae. Hinamon niya ang nagngangalit na si Tekya para siya naman ang kaharapin nito.. Binitiwan ng babae si Arsenio at hinarap si Lino. Samantalang,tusong patalikod na sinuntok ni Arsenio si Tekya sa likuran sabay pagtakbo papalayo nito. Nais sana siyang habulin ni Tekya ngunit nabalin ang atensyon ng babae kay Lino. Hinawakan nito ang leeg ng lalake para ‘di makapumigwas subalit nadulas ito at nahulog sa lupa at nahatak si Lino. Hindi lumaban si Tekya ni gumanti sa kanya. Sa ‘di inaasahang pangyayari, nahipo ni Lino ang kaliwang dibdib ng babae. Biglang nanginig ang babae at inakala niyang ito’y dahil pilit nitong pumigwas ngunit ito’y taliwas pala. Nang tingnan ni Lino si Tekya,mayroon siyang kakaibang napansin sa mukha nito. Isang ngiti ang nakaguhit sa mukha ng babaeng si Tekya. Batid niyang ito’y ngiti sa kabila ng hiwa nito sa labi. Nagmadaling tumayo si Lino sa pagkakadapa niya sa katawan ni Tekya at tumakbong papalayo nito. Alam niyang iba ang kanyang naramdaman sa ipinakitang motibo ni Tekya sa makahulugang ngiti nito sa kanya. Hindi siya lumingon sa kabila ng pakakapos na boses na pagsigaw nitong hindi siya isusumbong kay Simon.

Nakita na lamang niyang wala na ang kanyang kalabaw sa bakuran ni Simon at wala na rin si Diyak Arsenio at ang kalabaw nito sa paligid.

Pahabol

Marcel M. Navarra

Sa hindi malinaw na kadahilanan ay hindi matanggap ni Iyo Mino si Raul para kanyang anak na si Fe. Dahil dito, masakit man ay napilitang lumayo ang binata sa kanyang sinisinta. Makaraan ang dalawang taon ay nakatanggap ng lihan si Raul mula kay Fe na nagpapahiwatig ng pagnanais nito na muli silang nagkita, at dahil dito ay muling umuwi ang binata sa kanilang bayan at lihim nilang itinakda ang kanilang pag-uusap. Habang nag-iisa si Fe sa kanilang bahay ay napagpasyahan ng dalawa na doon mag-usap. Mula sa pag-uusap na ito, nabanggit ni Fe na marami ang 'nag-uudyok' sa kanya na piliin si Max dahil sa karangyaang maibibigay nito sa kanya. Habang nag-uusap sina Fe at Raul ay biglang sumulpot ang ama ni Fe sa kanilang harapan at sinaktan si Raul. Nakalimot ang binata at nasaksak niya ng lanseta ang matanda.

Nangilabot si Fe at sumigaw, ngunit hindi na ito narinig ni Raul. Iniwanan ni Raul ang mag-ama at nagmadali sa pagpanaog. Di na namalayan, ay tumakbo na si Raul ng mabilis. Kasabay ng kaniyang paghingal, nahulog ang iba’t ibang salita mula sa kaniyang mga labi at dinampot ng hangin.

Mabilis pa rin ang kaniyang pagtakbo. Ang kaniyang malalaking hakbang ang nagdala sa kaniya sa pintuan ng munisipyo.

Si Manang Mering at ang Turumpo

Ni Marcelo Navarra

Habang naglalaro ng turumpo ang magkaibigang sina Dong at Arsenio ay may taong (hindi pinangalanan) ang lumapit kay Dong at naghanap sa kanyang ate. Dinala niya ito sa kanyang ate at bumalik ang magkaibigan sa paglalaro. Maya-maya pa'y naisipan ni Arseniong maglamaw (kinayod na buko na hinaluan ng sariling katas, asukal, at kung minsan pa ay gatas). Nagpresenta si Dong na pumanhik sa bahay upang kumuha ng asukal na kakailanganin nila sa lamaw, nagtaka siya kung nasaan ang kanyang Manang Merin nang marinig niyang magsalita ito. Natukso siyang makinig sa usapan at sa kalauna'y sumilip sa butas ng dingding. Sa buong pag-uusap ng kanyang manang at ng taong naghahanap dito ay narinig niyang may isang bagay na hinihingi ang tao (na isang lalaki) sa kanyang manang ngunit ayaw ibigay nito. Pagbalik kay Arsenio ay naikwento ni Dong ang kanyang narinig at bumalik ang dalawa sa kwarto at sabay na sumilip sa butas ng dingding. Nang sabihin ni Arseniong umiiyak si Manang Merin, pinuntahan ito ng dalawa at tinanong ang dahilan ng pag-iyak nito ngunit sinabi ng manang na binalitaan lamang daw siya ng lalaki na namatay na ang kanilang kaibigan.

Chocolate Hills

Chocolate hills ay isang burol. Nagiging berde ito pag tag-ulan, at kulay chocolate kung tag-araw. Ito ay matatagpuan sa Bohol. Kilala ito dahil sa kulay tsokolate. Maramin turista ang nagpupunta sa Bohol para makita ang chocolate hills.

Ang Chocolate Hills ay isang malawak na lupain kng saan matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init/tag-tuyot at ito naman ay kulay berde tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng limestone. Umaabot ng 1,776 na burol ang matatagpuan na nakakalat.Ito ay makikita lamang sa pilipinas.

San Juanico Bridge

Ang San Juanico Bridge ay ang pinakamahabang tulay ng Pilipinas, na may habang 2km. Tinatawid nito ang San Juanico Strait, na tumutulay sa isla ng Samar at Leyte. Kilala din itong Marcos Bridge, sinasabi na ito raw ay regalo at "Testimonya ng Pag-ibig" ng Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos sa Unang Ginang, Imelda na taga Leyte.

Dinudugtong nito ang syudad ng Tacloban sa bahagi ng Leyte at bayan ng Sta. Rita sa bahagi naman ng Samar. Meron itong magagandang tanawin lalo na ang San Juanico Strait na may libo-libong whirl pools at maliliit na isla.

Isla ng Boracay

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turista sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.

Ang Boracay ay unang tinirhan ng mga negrito o ati, kung saan sila ay nagsaka at nangisda ng ilandaang taon. Noong dekada '40 at '50, ang mga Boracaynon ay umasa sa yamang dagat at sa mga plantasyon ng niyog sa isla upang mabuhay. Ang kopra o pinatuyong laman ng niyog ay ikinalakal nila sa mga taga-Aklan kapalit ng bigas at iba pang mga produkto.

Pagsapit ng dekada '60, nagsimulang sumikat ang Boracay sa mga pamilya sa Panay. Nang nailathala ng isang manunulat na Aleman ang isang aklat tungkol sa ganda ng Boracay noong 1978, marami nang nagtungo sa Boracay mula sa iba't-ibang sulok ng daigdig. Simula noon, nabilang na ang Boracay sa mga dinadayo ng mga turista at isa na ito sa mga sentro ng turismo sa bansa. Ang pinakasikat na katangian ng Boracay ay ang pino at puting buhangin sa mga dalampasigan nito.

Maraming bersyon ng sanhi ng pagkakapangalan sa Boracay. May mga nagsasabi na galing daw ito sa isang lumang salita mula sa lokal na diyalekto: “borac”, na maaaring may kaugnayan sa “bulak”, dahil ang buhangin ay simputi nito. Isa pang bersyon ay nagsasabing galing daw ito sa “bora” o “bula” dahil naalintulad ng mga ati ang puting buhangin sa mga puting bula ng mga alon. Mayroon ding haka-haka na noong dumaong sa isla ang mga Kastila, namulot sila ng mga kabibe at sabi raw ng mga ati na “sigay” ang tawag sa mga iyon. Nang tinanong ng mga Kastila kung ano ang tinatanim ng mga ati, sagot nila ay “boray”, na buto ng gulay. Pinagsama di umano ng mga Kastila ang dalawang salita upang mabuo ang “Boracay”.

Magellan’s Cross

Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.

Bilang tagapagpagunita ng pangyayaring ito at upang ipagdiwang ang pagtanggap at pagpapalaganap ng Katolisismo ay nagtirik ng isang krus na kahoy si Magellan sa dako kung saan makikita ngayon ang isang krus na sinasabing kopya na lamang ng orihinal na krus ni Magellan. Ayon sa nakasulat sa lapida sa bandang ibaba ng krus, nakapaloob sa krus na ito na gawa sa tindalo ang tunay na krus.

Taoist Temple

Itinayo noong 1972, ang Cebu Taoist Temple ay matatagpuan sa Beverly Hills Subdivision sa Cebu City, Pilipinas. Ang templo ay itinayo sa pamamagitan ng matibay na Chinese community sa Cebu.

Hindi tulad ng mga kalapit na Phu Sian Temple, ang Taoist templo ay bukas para sa mga sumasamba at di-sumasamba. Ang mga deboto ay nananalangin sa mga Diyos na ibigay ang kanilang mga nais. Kabilang sa ritwal ay ang paghuhugas ng kamay, pagpasok sa templo nang walang suot sa paa at ang paghagis ng dalawang piraso ng kahoy. Kung parehong mukha ang lumabas sa hinagis na kahoy, maaari nang humiling nang ninanais ngunit kung magkaiba ang lumabas, ibig sabihin ay hindi pa ito ang tamang panahon upang humiling. Ang templo ay ang sentro ng pagsamba ng Taoism, ang relihiyon na sumusunod sa mga aral ng sinaunang Tsino pilosopo, Lao Zi.

Ang isa pang ritwal na ginagawa ng isang deboto ay ang pag-akyat ng 81 na hakbang (na kumakatawan sa 81 mga kabanata ng Taoism banal na kasulatan) tuwing Miyerkoles at Linggo upang magsindi ng insenso at ang kanilang kapalaran ay basahin ng mga monghe.

PROYEKTO SA FILIPINO 7

(Ikalawang Markahan)