ang alamat ng salamin

7

Upload: kydd-kydd

Post on 11-Nov-2014

1.719 views

Category:

Documents


33 download

DESCRIPTION

Ang Alamat ng Salamin sa panulat ni Karyl Dinzy M. Manalapaz

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Alamat ng Salamin
Page 2: Ang Alamat ng Salamin

ANG ALAMAT NG SALAMINNi Karyl Dinzy M. Manlapaz

 

May isang dalagang naninirahan sa

isang bayan. Siya ay si mina, isang magandang

dalaga, ngunit sa kabilang banda ng kanyang

magandang anyo ay nagtatago ang ugaling hindi

kanais-nais. Siya ay pasaway, maldita, at higit sa

lahat ay mahilig siyang gumawa ng mga

kasalanan. Isang dalagang walang sinisinu-sino

mapa-bata man o mapa-matanda. Ngunit sa bawat

kasalanang kanyang ginagawa, nariyan palagi ang

kanyang kaibigan upang ipagtanggol at pagtakpan

siya. Siya si Jet. Kabaliktaran siya ni Mina

sapagkat siya ay mabait, masunurin, maunawaain,

at

Page 3: Ang Alamat ng Salamin

magalang na bata. Ang turingan nilang magkaibigan ay magkapatid dahil sila’y magkasama na simula pa noong mga bata pa sila. Isang umaga sa kanilang bahay ay tinawag si Mina ng kanyang ina na si Aling Gina. “Min, halika’t lumapit ka dito at may ipag-uutos ako sa iyo.” Kahit pa narinig ito ni Mina, hindi niya pinansin ang utos ng ina at sa halip ay tumakbo ito sa labas at kanya namang nakita ang kaibigang si Jet. “ Hoy! Jet laro tayo!”sigaw ni Mina. “Sige, pero naririnig ko na tinatawag ka ni Aling Gina”pagtataka ng binata. “Oo nga e, inuutusan na naman ako ni nanay, nakakainis lagi nalang!” galit na wika nito. “Wag kang ganyan Min, baka hindi na kayang lumabas at bumili pa ni Aling Gina kaya ikaw ang inutusan nya. Halika’t sasamahan na lang kitang bumili” mungkahi ni Jet. Bumili silang dalawa

Page 4: Ang Alamat ng Salamin

at pagtapos ay papasok na sila sa eskwelahan. Habang papunta sa eskwelahan, “Jet, wag na lang tayo pumasok,” pilyang mungkahi nito. “Min, baka pagalitan nanaman tayo ni Ma’am at papuntahin na naman ang magulang natin.” Hindi na lamang umimik si Mina at nagpatuloy sila papuntang eskwela. Iniisip nya pa rin ang pagliban sa klase kaya pagtapos ng unang klase ay lumabas ito sa kanilang silid-aralan upang tumakas. Nang tatakas na sya ay nakita sya ng kniyang guro at agad siyang nilapitan. Nakita ni Jet ang guro na papalapit ky Mina kaya dali-dali syang tumakbo. “Mina, tatakas ka nanaman sa klase ko?”wika ng guro. Agad namang sumabat si Jet at sinabing, “Ma’am wag nyo pong pagalitan si Mina, ako po kasi ang nagsabing wag kami pumasok dahil gusto ko pong maglaro kami sa batis,”

Page 5: Ang Alamat ng Salamin

pagdidipensa nito sa kaibigan. Napagalitan ang dalawa at pinabalik sa klase. Oras na ng uwian. Inaya ni Mina si Jet na huwag muna umuwi at maglaro muna sa batis ngunit ayaw nito dahil baka hanapin daw sila ng mga magulang nila. Nainis si mina at sinabihang kapag hindi ito pumayag ay hindi nya na papansinin ang binate kahit kalian. Dahil sa pagiging sobrang mabait ng binata, wala syang magawa at sinamahan na lamang si Mina. Naglaro at naligo sila sa batis. Habang naglalaro ay may napanisin si Mina na isang matanda na naglalaba sa gilid ng batis. Umiral na naman ang kapilyahan nito at unti-unti itong lumapit at nagtago sa likod ng malaking bato. Sumalok ito ng tubig na may kasama pang maliliit na bato at hinagis ito sa matanda at agad nagtago. Pipigilan sana siya ni Jet kaso huli na at nabasa na ang

Page 6: Ang Alamat ng Salamin

matanda. Nilapitan ni Jet ang matanda at humingi ng tawad. “Naku, lola pagpasensyahan nyo po ako, hindi ko po sinasadyang mabasa kayo ng tubig. Naglalaro po kasi kami ng kaibigan ko,” sambit ni Jet. Pero alam ng matanda na si Mina ang gumawa nito sa kanya. “Iho, nakita ko na ang babaeng kasama mo ang nagbuhos sakin ng tubig” sabi ng matanda. Kahit anong paliwanag ni Jet ay hindi ito pinaniwalaan ng matanda at sa halip ay nagalit ito. Isinumpa silang dalawa ng matanda. Si Jet ay nagging pantakip sa mata at sumuot ito sa mga mata ni Mina. Humingi ng tawad si Mina sa matanda ngunit huli na ang lahat. “Dahil sa kasamaan ng iyong ugali, ang panakip sa mata na iyan ay hinding-hindi na matatangal sa iyo upang maalala mo ang pagtatakip sayo ng kaibigan mo sa bawat kasalanang iyong

Page 7: Ang Alamat ng Salamin

nagawa sa ibang sa akin at sa iba pang tao,” ika ng matanda at naglaho nalang ito bigla. Ang bagay na ito ay tinawag na Panakip-sala dahil sa kasalanang pinagtakpan ng kaibigan. Sa paglipas ng panahon dahil nga ito’y bunga ng kasalanan ni Mina, ito’y tinawag na sala ni Mina at kinalaunan naging salamin.