211-230 2 mrkhn - 6 lin#637

25
BANGHAY – ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2 GRAMATIKA AT PAGBASA IKALAWANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO I. MGA PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Sistemang Pulitikal sa Asya Pamagat ng Texto : Dalawang Anyo ng Pamahalaan ng mga Asyano Uri ng Texto : Textong Deskriptiv (Teknikal) Kagamitan : Daloy ng kabihasnan ng Asya mapa ng Asya Gamit ng Wika : Paglalarawan sa sistemang pulitikal sa Asya Istraktura ng Wika : Mga salita/parirala/pahayag na binubuo ng larawang-diwa Kasanayang Pampag-iisip : Paglalarawan sa mabuting pamamahala Kahalagang Pangkatuhan : Paglalarawan sa kahalagahan ng mabuting pamamamahala II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nakapag-interpret ng kaalamang nakapaloob sa pamagat ng texto sa tulong ng dating kaalaman at karanasan. B. Nakabubuo ng mga salita mula sa larawang-diwa na nabuo sa impormasyong nakuha sa texto. BSE-Kagawaran ng Edukasyon 210

Upload: jan-angelo-allado

Post on 22-Nov-2014

249 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

BANGHAY – ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 2 GRAMATIKA AT PAGBASA

IKALAWANG MARKAHAN – IKAANIM NA LINGGO

I. MGA PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Sistemang Pulitikal sa Asya Pamagat ng Texto : Dalawang Anyo ng Pamahalaan

ng mga Asyano Uri ng Texto : Textong Deskriptiv (Teknikal) Kagamitan : Daloy ng kabihasnan ng Asya

mapa ng Asya Gamit ng Wika : Paglalarawan sa sistemang pulitikal

sa AsyaIstraktura ng Wika : Mga salita/parirala/pahayag na

binubuo ng larawang-diwa Kasanayang Pampag-iisip : Paglalarawan sa mabuting

pamamahala Kahalagang Pangkatuhan : Paglalarawan sa kahalagahan ng

mabuting pamamamahala

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapag-interpret ng kaalamang nakapaloob sa pamagat ng texto sa tulong ng dating kaalaman at karanasan.

B. Nakabubuo ng mga salita mula sa larawang-diwa na nabuo sa

impormasyong nakuha sa texto.

C.1. Nakapagbibigay-puna sa paraan ng pagkakabuo ng texto.

2. Nagagamit nang wasto ang kasanayan sa pag-unawa at pagtukoy sa kaalalaman sa isang textong descriptiv.

D. Nagagamit ng mahusay ng mga salita/parirala na naglalarawan. E. Naipapamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang textong

tinalakay.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 210

Page 2: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

III. PROSESO NG PAGKATUTO

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak

1. Pagpapakita ng ibat ibang larawan ng bandila at pagtatapat ito sa mapa kung saan magtatagpuan ang bansang ito.

2. Pagtapat-tapatin ang mga larawan at ng bansang pamumunuan sa tulong ng Clasify Organizer)

Mga nabuong katangian mula sa aralin

a. Ho Chin Mink 1. Pilipinas

b. Ferdinand Marcos 2. Vietnam

c. Sun Yat Sen 3. China

d. Mahatma Gandhi 4. India

3. Pahapyaw na paglalarawan sa pamumuno ng mga nabanggit na lider – ang nabuong katangian ay ipasusulat sa huling bahagi ng classify organizer.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon211

MGA NATATANGING LIDER NG ASYA

India

Ho Chin Mink

Ferdinad E. Marcos

Vietnam PilipinasChina

Sun Yat Sen

Mahatma Gandhi

Page 3: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

Paglalahad

1. Pagbuo ng mga kaisipang magbibigay-kahulugan sa pamagat sa tulong ng “Mind Map”. Ano sa palagay ninyo ang magiging paksa natin sa tulong ng mga simbolong nakaguhit.

b. Isang larawan ng mamamayan na nakahawak sa kanila. c. Isang kalapating lumilipad na nakatuka ng bulaklak.

d. Isang kadena na bakal.

B. Pagpapabasa sa unang texto.

SISTEMANG PULITIKAL SA BANSA

Maraming uri ng pamahalaan ang umiiral sa Asya at ang bawat bansa na bumubuo ng mahigit na 48 na bansa sa Asya ay may sariling sistemang pulitikal. Bagamat may pagkakahawig, ang mga sistemang ito ng pamahalaan, ang bawat bansa naman ay may kalayaang patakbuhin ito nang ayon sa kanilang istilo o pamamaraan tulad ng demokratikong pamahalaan ng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay may tatlong sangay na nagtutulung-tulong sa pagganap ng mahalaga at makabuluhang tungkulin para sa kapakanan ng mga mamamayan at ng bansa sa kasalukuyan. Napakahusay ng ideyang ito ng pagkakahati-hati ng kapangyarihan upang higit na maging maunlad ang sistema ng pamamahala. Ang mga sangay na ito ay ehekutibo (executive) tagapagbatas o lihislatibo (legislative) at tagahukom o hudikatura (Judiciary). Iba-iba ang tungkulin ng mga sangay na ito subalit pantay-pantay naman ang kapangyarihan ng mga ito, kaya malaya silang makakilos nang maayos at walang kinikilingan.

Pangulo o presidente ang tawag sa pinuno at siya ang may pinakamataas na tungkulin sa bansa. Taglay niya ang kapangyarihan ehekutibo o pinunong pangseremonya ng bansa. Naluklok siya sa pamamagitan ng isang itinakdang halalan at nagtamo ng pinakamataas na boto mula sa mga botante. Ang paghirang ng mga miyembro ng gabinete ay kabilang sa mga tungkulin ng presidente. Ang mga ito ang matapat na kaalyado na tutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng pamahalaan.

Isa pa ring uri ng pamahalaan sa Asya ay ang Monarkiya na dati’y namayani sa bansang Turkey, Tsina Arabs at India. Nasa kamay ng hari at reyna ang kapangyarihan. Lubos ang kapangyarihan ng hari at reyna kung makokontrol niya ang buhay ng kanyang nasasakupang mamamayan at siyay mamumuno nang ayon

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 212

Page 4: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

sa kanyang kagustuhan at sa takdang panahong nais niyang mamuno, na kadalasan ay tumatagal nang habambuhay.

Iyan marahil ang larawang nais iwasan ng pamahalaan ng Pilipinas nang umusbong ang pamunuan ng isang diktador o pangkat ng mga taong makapangyarihan at tinatawag na diktadura. Ang uri ng pamahalaan ay may simulain o ideolohiyang isinusulong at ipinatutupad. Walang kalayaan ang mga mamamayan sa ganitong uri ng pamahalaan. Nasisikil ang mga karapatang kumilos. Tikom ang bibig ng mga mamamahayag at mga taong kumakalaban sa pamahalaan. Bulag at bingi ang ilang pinuno sapagkat nasa kamay ng diktador na namumuno ng lahat ng pagpapasya at ng ilang grupong makapangyarihan.

Sa kapangyarihang taglay alin ang nanaisin ninyong umiral sa bansa: Ang kapayapaan sa kamay na bakal ng isang diktador o ang masalimuot na mundo ng kalayaan sa katiwasayan ng demokratikong pamahalaan?

C. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : (Compare/Contrast Organizer)

Anu-ano ang magkakatulad/magkakaibang katangian ng mga lider na ito?

BSE-Kagawaran ng Edukasyon213

1 2 3 4

Makabayan

Maingat na Pagplano

Tagumpay na Hangarin

Magkakaiba

Prinsipyo

Pamaraang Ginamit

Page 5: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

Pangkat 2 : Anu-ano ang pangunahing prinsipyo o paniniwala ng mga lider na ito sa kanilang pamumuno? Naging epektibo ba sila? (Embedded Concepts)

Pangkat 3 : Symbol Meaning Technique

Bumuo ng mga simbolo sa paglalarawan ng mga lider na tinutukoy sa panimulang gawain

Corner

Pangkat 4 : Pag-uusap tungkol sa kahalagahan ng mabuting pamunuan sa pag-unlad ng bansa.

D. Pagbabahaginan ng mga kasapi sa pangkat. E. Pagbibigay ng feedback o reaksyon batay sa texto. F. Pagpapabasa sa texto.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 214

KONSEPTO

Gandhi – Ang Kapayapaan ang pinakamabisang sandata.

Marcos – Ang bansang ito ay muling babangon.

Sun – Nasyonalismo, demokrasya at maunlad na kabuhayan.

Ho – Kalayaan ang pinakamahalaga sa kanyang bayan.

Page 6: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

SISTEMANG PULITIKAL SA BANSA

Maraming uri ng pamahalaan ang umiiral sa Asya at ang bawat bansa na bumubuo ng mahigit na 48 na bansa sa Asya ay may sariling sistemang pulitikal. Bagamat may pagkakahawig, ang mga sistemang ito ng pamahalaan, ang bawat bansa naman ay may kalayaang patakbuhin ito nang ayon sa kanilang istilo o pamamaraan tulad ng demokratikong pamahalaan ng Pilipinas.

Ang Pilipinas ay may tatlong sangay na nagtutulung-tulong sa pagganap ng mahalaga at makabuluhang tungkulin para sa kapakanan ng mga mamamayan at ng bansa sa kasalukuyan. Napakahusay ng ideyang ito ng pagkakahati-hati ng kapangyarihan upang higit na maging maunlad ang sistema ng pamamahala. Ang mga sangay na ito ay ehekutibo (executive) tagapagbatas o lihislatibo (legislative) at tagahukom o hudikatura (Judiciary). Iba-iba ang tungkulin ng mga sangay na ito subalit pantay-pantay naman ang kapangyarihan ng mga ito, kaya malaya silang makakilos nang maayos at walang kinikilingan.

Pangulo o presidente ang tawag sa pinuno at siya ang may pinakamataas na tungkulin sa bansa. Taglay niya ang kapangyarihan ehekutibo o pinunong pangseremonya ng bansa. Naluklok siya sa pamamagitan ng isang itinakdang halalan at nagtamo ng pinakamataas na boto mula sa mga botante. Ang paghirang ng mga miyembro ng gabinete ay kabilang sa mga tungkulin ng presidente. Ang mga ito ang matapat na kaalyado na tutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng pamahalaan.

Isa pa ring uri ng pamahalaan sa Asya ay ang Monarkiya na dati’y namayani sa bansang Turkey, Tsina Arabs at India. Nasa kamay ng hari at reyna ang kapangyarihan. Lubos ang kapangyarihan ng hari at reyna kung makokontrol niya ang buhay ng kanyang nasasakupang mamamayan at siyay mamumuno nang ayon sa kanyang kagustuhan at sa takdang panahong nais niyang mamuno, na kadalasan ay tumatagal nang habambuhay.

Iyan marahil ang larawang nais iwasan ng pamahalaan ng Pilipinas nang umusbong ang pamunuan ng isang diktador o pangkat ng mga taong makapangyarihan at tinatawag na diktadura. Ang uri ng pamahalaan ay may simulain o ideolohiyang isinusulong at ipinatutupad. Walang kalayaan ang mga mamamayan sa ganitong uri ng pamahalaan. Nasisikil ang mga karapatang kumilos. Tikom ang bibig ng mga mamamahayag at mga taong kumakalaban sa pamahalaan. Bulag at bingi ang ilang pinuno sapagkat nasa kamay ng diktador na namumuno ng lahat ng pagpapasya at ng ilang grupong makapangyarihan.

Sa kapangyarihang taglay alin ang nanaisin ninyong umiral sa bansa: Ang kapayapaan sa kamay na bakal ng isang diktador o ang masalimuot na mundo ng kalayaan sa katiwasayan ng demokratikong pamahalaan?

BSE-Kagawaran ng Edukasyon215

Page 7: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

G. Pagbubuod sa texto sa pamamagitan ng cycle map

Paghahambing sa sistemang pulitikal sa bansa

PAGTALAKAY SA ARALIN

IKALAWANG ARAW

A. Panimulang Gawain (Visualization)

Pagganyak :

1. Magbibigay ang guro ng isang situwasyong gagamitin ng mag-aaral sa pagbuo ng isang senaryo sa pamamagitan ng kanilang imahinasyon.

2. Isang sitwasyon na mabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang tunog mula sa isang kaguluhan ng EDSA Revolution.

Tanong:

Anong anyo ng pamahalaan ang sanhi ng EDSA Revolution?

Anong anyo ng pamahalaan ang ipinalit?

B. Pagbababasang muli sa texto.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 216

Demokratiko

Monarkiya

Diktatoryal

Page 8: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

1. Paglinang ng mga salita parirala na naglalarawan mula sa textong binasa.

2. Pagbuo ng ilustrasyon na naglalarawan sa tatlong sangay ng pamahalaan.

C. Pangkatang Gawain

Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat

Pangkat 1 : Paglalarawan sa Pamahalaang Demokratiko ayon sa nakalahad na texto sa pamamagitan ng Sequence Organizer.

Pangkat 2 : Paglalarawan sa pamahalaang diktatoryal sa tulong ng isang Dayagram.

Pangkat 3 : Bumuo ng pagkakatulad at pagkakaiba

BSE-Kagawaran ng Edukasyon217

Sangay ng Pamahalaang Demokratiko

1 2 3

PAMAHALAANG DIKTATORYAL

Page 9: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

Pangkat 4 : Magbigay ng mga pahayag mula sa texto na bumubuo ng larawang-diwa sa katangian ng isang demokratiko/diktatoryal na pamahalaan.

D. Pagbabahagi ng klase ng pangkatang talakayan.

E. Pagkuha ng feedback ng nakikinig. F. Pagbubuod ng texto.

G. Pagbibigay ng sintesis sa napag-usapan

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 218

PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

Tugon ng mag-aaralUnang Talata ph. 1.

Ikalawang Talata

Ikatlong Talata Pangungusap 2

Ikaapat at huling pangungusap

Ikaanim na Talata

KONSEPTONG NABUO

NABUONG PAGPAPASYA

Larawan sa Diktatoryal na Pamahalaan

Larawan ng Demokratikong

Pamahalaan

Page 10: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

IKATLONG ARAW

A. Panimulang Gawain

BSE-Kagawaran ng Edukasyon219

Pirma Pirma

RECALL

REACT

UNDERSTAND

1 Ano ang naalala mo sa araling tinalakay kahapon?

3. Lubos mo bang naunawaan ang paglalarawan sa 2 anyo ng pamahalaan?

2. Anong naramdaman mo tungkol sa 2 anyo ng Pamahalaang Asyano?

Page 11: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

Sa pagtatanong, ang kasunod na mag-aaral ang sasagot. Pipirmahan ang sagot ng bawat mag-aaral bago ipasa ang ikalawang tanong na sasagutan uli ng susunod na mag-aaral. Paikot ang pagpasa ng papel.

Pagganyak : Pagsasadula sa eksena ng “People Power”.

Ano ang ipinaglaban ng mga Tao sa Edsa. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit?

Sa palagay ninyo kanino nakasalalay ang pag-unlad ng isang bansa?

C. Pagbabasa sa ikalawang texto.

ANG PAMAHALAAN NG HAPON

Sa pinuno nakasalalay ang paghubog ng pamahalaan at kapalaran ng bansa. Ang Hapon ay isa sa maituturing na pinakamayamang bansa sa kasalukuyan na sumusunod sa Estados Unidos. Ang pag-unlad ay makikita sa kasalukuyang kalagayan ng bansa kung ihahambing sa ibang bansa sa Asya: Napakahusay ang naging kasaysayan ng bansa upang maituwid ito sa istilong nagpaunlad sa tinatamasang karangyaan.

Ang pamahalaan ng Hapon sa ngayon ay nasa ilalim ng konstitusyon noon pang 1947 na pinagtibay para sa pagbuo at pamamahala ng isang bagong Hapon. Ang bansa ay pinamumunuan sa isang Punong Ministro. Ang pamahalaan ay binubuo ng limang pangunahing institusyon; Ang Emperador, ang Diet, ang Gabinete, ang Hudikatura at Pamahalaang Lokal. Ang bawat institusyon ay may kanya – kanyang tungkuling ginagampanan.

Ang Emperador ay nananatiling isang simbolo at walang kapangyarihan sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ang Diet o parliamento ang siyang pumipili ng pinuno ng estado at gumagawa ng batas. Binubuo ng parliamento ang Mataas na Kapulungan at ng mga konsehal at ng Mababang Kapulungan ng kinatawan. Ang miyembro ng Mataas na Kapulungan ay inihalal ng mga prepekstura o pangunahing dibisyon ng pamahalaang lokal samantalang ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ay inihahalal ng mga distrito ng elektoral na umaabot na 30. Ang Pinunong Ministro ang pinuno ng estado at ang pangunahing tungkulin ay pangasiwaan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan paghaharap ng panukalang batas at pag-uulat ng Diet sa kalagayan ng bansa at sa ugnayang panlabas nito ng Hudikatura. Maraming katangian ang sistemang hudisyal ng Hapon ay hango sa sistema ng Estados Unidos. Ang punong hukom ng Korte ay hinihirang ng Emperador.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 220

Page 12: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

Ang institusyon ng pamahalaang lokal ay nagtatamasa rin ng kapangyarihan. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi ng mga prepekatura,lungsod at bayan. May mga pinuno ang mga ito, gobernador para sa prepekatura, at alkalde para sa mga lungsod at bayan. Pinangangasiwaan ng mga pamahalaang lokal ang kanilang nasasakupan.

Sa sistemang pulitikal maraming partidong pampulitika ang umiiral. Humigit kumulang apat ang pangunahing partidong kalahok sa pulitika. Pero sa malaking bahagi ng kasaysayan ng pulitika ng bansa, isang partido ang naghari, ang Liberal Demokratik Party. Tulad natin ang publiko ay may karapatang pumili ng mga pinuno ng pamahalaan.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon221

PAMAHALAANG HAPON

kONSTITUSYON

Emperador Diet Punong Ministro at Gabinete

Hudikatura Pamahalaang Lokal

Parliamento BayanPrepekatura Lungsod

Mababang Kapulungan

Mataas na Kapulungan

Prosesong Pampulitika

Maraming Partido

LIBERAL DEMOKRATIC PARTY

Gobernador Alkalde

Page 13: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

C. Pagsusuri sa ikalawang texto.

1. Paano inilalarawan ng may akda ang pamahalaang Hapon?

2. Anu-anong kaalaman ang inilalahad ng textong binasa?

3. Ano ang ginamit ng may akda upang maihatid ang mensahe sa mambabasa?

4. Nakatulong ba ang ilustrasyon upang mailarawan ang kabuan ng texto?

D. Pagbibigay ng input ng guro

Deskriptiv teknikal ang texto kung ito ay nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon at dayagram.

Ipinahahayag din sa texto ang relasyon ng sumulat sa

mambabasa. Hinahanap dito ang bisang pandamdamin at bisang pangkaisipan ng texto sa bumabasa. Dito inaaplay ang reader response theory sa pagbasa.

E. Pagsusuri.

Anu-ano ang impormasyong nakuha sa texto?

Ano ang higit na binibigyan ng katangian? Paano ito inilahad?

F. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : Hanapin sa texto ang mga pahayag na naging kapaki-pakinabang sa inyo. Ipaliwanag.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 222

1.2.3.4.

Mga Impormasyong Kapaki-pakinabang

Impormasyon Paliwanag

Page 14: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

Pangkat 2 : Pagsasadula sa kapangyarihan ng Punong Ministro sa bansa? May kapakinabangan ba ang bahaging ito sa inyo.

Pangkat 3 : Pagpapatala ng mga salita, parirala, at mga pahayag na nagbibigay katangian ng mga sumusunod.

Tao Pamahalaan Bayan

Pangkat 4 : Igawa ng ilustrasyon ang ikaapat na talata sa texto

G. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.

H. Pagkuha ng feedback.

Deskriptiv ang uri ng textong nagpapakilala/ nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, bagay o lugar.

Deskriptiv Teknikal – kung nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na dato, mga ilustrasyon at dayagram.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon223

Page 15: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

I. Pagbuo ng sintesis.

Sa tulong ng mga salita bumuo ng mga kaisipan batay sa textong tinalakay natin.

DalawaPangunahin

ApyoPamahalaan

AsyanoDemokrasyaDiktatoryal

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

1. Pagpapakahulugan sa ipinahihiwatig ng nasa larawan.

2. Ipaliwanag ang kahulugan at katangian ng nasa larawan.

Saang bansa sa Asya mayroon ang ganitong pamahalaan

B. Muling pagpapabasa sa textong “ Sistemang Pulitikal sa Bansa”. C. Pagbibigay ng input ng guro sa tungkol sa relasyon ng sumulat sa

mambabasa sa ginagamit na mga salita parirala/pahayag sa paglalarawan.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 224

Lagot na tanikalaBuong tanikala

Page 16: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

D. Paggamit ng pagsusuri sa paglalarawan/ nabuong larawang diwa kaugnay ng ilustrasyon.

E. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : Pagpili ng mga tiyak na salitang naglalarawan at ilalagay sa isang pool.

Pangkat 2 : Pagpili ng pahayag na nagpapahiwatig ng katangiang nabuo sa larawang-diwa ng mga pahayag tungkol sa pamahalaang Demokratiko.

Pangkat 3 : Paghahambing sa Demokrasya at Diktatoryal sa tulong ng Venn Diagram.

Pangkat 4 : Paglalarawan sa anyo ng pamahalaan batay sa organisasyon (Gamitin ang ilustrasyon na ginamit) Konsepto ng Deskriptiv

Pagpapahalaga sa aralin.

1. Paano ninyo naipaliwanag ang aralin lalo na ang ikaapat na pangkat?

BSE-Kagawaran ng Edukasyon225

WORLD POOL

DEMOKRASYA

DIKTATORYAL

Page 17: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

2. Nakatutulong ba ang ilustrasyon sa paglalarawan?

3. Ano ang tawag natin dito?

F. Pagpapayaman ng aralin

Ipaliwanag sa tulong ng ilustrasyon.

G. Pagbabahagi sa klase ng natapos na gawain

H. Pagbuo ng sintesis.

Ibibigay ang mga mahahalagang tala/ kaisipan sa tinalakay na texto.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 226

DEMOKRATIKO

katangian

Pangulo

DIKTATORYAL

katangian

Mahusay na pamamahala

MAHAHALAGANG KAISIPAN

1

2

3

Page 18: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

IV. EVALWASYON

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain Pagganyak :

1. Muling pagpapakita sa Mapa ng Asya.

2. Pagguhit sa watawat ng bansang binanggit.

3. Pagsasama-sama ng mga bansang may pamahalaang Demokratiko.

B. Pagpapabasa sa isang textong deskriptiv.

Tungkol saan ang binasang texto?

INDIA SA ISANG REPUBLIKANG FEDERAL

Malaya na ang India sa kamay ng mga dayuhang sumakop dito at naitatag ang isang Republikang Federal. Ito’y ngangahulugang ang kapangyarihan ay hinati sa pamahalaang sentral na matatagpuan sa New Delhi at ang pamahalaang estado sa mga lalawigan na may sariling punong ministro at lehislatura. Ibinatay nila ang kanilang pamahalaan sa ilang sistemang pampamahalaan ng mga bansang Estados Unidos, Britanya at ilang demokratikong bansa sa Europa. Magalang at makatao ang sistemang sinusunod ng pamahalaan ng bansang nabanggit.

Pinakapuno ng pamahalaang sentral ang pangulo at gumaganap lamang siya ng mga gawaing pangseremonya. Pinakamapangyarihan ang konseho ng mga ministro. Malaking - malaki ang pagkakahawig ng sistemang pampamahalaan ng India at Gram Britanya sa loob ng mahigit na 100 taon.

Binubuo ng dalawang kapulungan ang batasan ng India. Pambansang hukuman ang nagpapatupad ng batas ng India at sinasang-ayunan ng nakararaming mamamayan sapagkat mataas ang paggalang ng lahat ng mamamayan sa kanilang hukuman. Malayang magpatupad ng mga batas ang mga hukom. Bukod sa Korte Suprema na may 26 na matataas at makapangyarihang hukom, bawat estado ay may sariling hukuman upang makabuti pa ang sangay ng katarungan sa bansa.

Sa kabilang dako, isang gobernador naman ang namumuno sa bawat estado ng India. Nahahati naman sa bawat destrito ang estado.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon227

Page 19: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

May dalawang malalaki at malalakas na partido pulitikal ang bansa. Ang mga ito ay ang India National Congress at National Congress Organization ang mga kinikilalang malakas at makapangyarihang partido ng oposisyon. Marami pang partido pulitikal sa India tulad ng Britanya, Jama, Sengh, Bhratiya, Lok Dal at Jammata Party. May malakas na tanggulang pambansa ang India na binubuo ng lakas-panlupa, lakas pandagat, at lakas-panghimpapawid na siyang nagbibigay-proteksyon sa bansa at sa mga mamamayan. Tiyak na may kakayahan ang bansang India na ipagtanggol ang kanilang teritoryo laban sa gustong sumupil.

Ang tanggulang pambansa ng India ay binubuo ng mga volunteers, na dumaan sa matinding pagsubok at mahigpit na pagsasanay ang mga ito sapagkat tunay na mapanganib ang mga papel na ginagampanan ng mga ito sa pagtatangol ng bansa. Ang lakas panlupa ay may bilang na 1,26500 na volunteers. May 55,000 na kasapi ng Navy. Ang pwersang panghimpapawid ng may bilang na umaabot ng 111, 000 at ang combat aircraft ay may bilang na 700 diktatoryal at bansang demokratiko.

C. Pagpapasuri sa binasang texto. Papangkatin muli ang klase sa apat na pangkat.

D. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 : Mga impormasyong inilahad sa texto?

Isulat ang nabuong larawan ayon sa mga impormasyon.

Pangkat 2 : Mga tiyak na katangian

Pangkat 3: Mga salitang naglalarawan, mga larawang diwang nabuo.

paksa ng texto

layunin ng sumulat

kaisipang inilalarawan

E. Pagbabahagi sa klase ng isinagawang pagsusuri.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 228

Page 20: 211-230 2 MRKHN - 6 LIN#637

F. Pagpapasulat ng textong deskriptiv sa tulong ng picture organizer.

Iba’t ibang pangyayari sa kasalukuyan mula sa

Pagbibigay ng mungkahing paksa

Pagtatala ng mga salita/parirala at mga pahayag na naglalarawan

G. Pagpapabasa ng mga natapos na sulatin.

H. Pagbibigay ng final input ng guro tungkol sa araling tinalakay.

Input:

Deskriptiv teknikal ang texto - kung gumagamit ng ilustrasyon/ grap o anumang bagay na nakatutulong sa paglalarawan.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon229

Iba’t ibang babasahinIpaguhit sa mga

mag-aaral