verde island passage: ipagmalaki, ipagtanggol, ipamana

25

Upload: micamaldita

Post on 22-Oct-2014

55 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Written in Filipino, this 24-page booklet/comics contains key information on the importance of conserving the Verde Island Passage and of establishing marine protected areas. With Mary Ann Leones as lead writer and illustrations by Zeus Bascon. October 2009Published by Conservation International - Philippines

TRANSCRIPT

Page 1: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 2: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Pinakamayamang karagatan sa mundo. Nalalagay sa panganib.

Verde Island Passage

Kanlungan ng halos kalahating porsyento ng lahat ng uri ng isda sa daigdig. Kung mapangangalagaan ng husto, magiging masagana ang samu’t saring buhay ng karagatang ito at maging ang mga pamayanang nakikinabang dito.

Page 3: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 4: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 5: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Kanlungan ng Samu’t Saring BuhayMaraming magaganda at katangi-tanging hayop at halaman sa Verde Island Passage. Alagaan natin ang kanilang tirahan upang hindi tuluyang mawala at nang masilayan pa sa mga darating na panahon.

Taklobo (Giant Clam)

• Pinakamalaking kabibe sa buong mundo• Umaabot sa 140 cm ang sukat at tumitimbang ng 500 kg• Noon ay marami nito sa Pilipinas; ngayon ay nanganganib na at sa iilang lugar na lamang nakikita nang maramihan• Nanganganib maubos dahil sa pagkasira ng kanilang tirahan, pagdidinamita, polusyon at sobrang pag-aani nito

Butanding (Whale Shark)

• Pinakamalaking isda sa mundo• Umaabot ang haba sa 20 metro• Pinakamalimit mamataan sa Sorsogon, Negros at Leyte• Lumalangoy malayo sa pampang, minsa’y lumalapit sa mga bahura at lawa• Hindi nananakit pero malimit nasasalpok ng mga barko• Kumakain ng plankton o maliliit na isda at halaman• Nanganganib maubos dahil hinuhuli at ibinebenta sa ibang bansa

Pawikan (Green Sea Turtle)

• Tinawag ng “green turtle” dahil sa mala-berdeng kulay ng mga taba nito• Lumalaki sila ng 1.5 metro at tumitimbang ng mga 180- 210 kg• Nakakapaglakbay ng 32 kilometro sa isang oras• Nangingitlog sa buhanginan ng baybaying dagat kung saan ang kanyang mga anak ay sa mismong lugar ding iyon babalik kung sila ay mangingitlog na • Nanganganib maubos sa sobrang panghuhuli at pangungulekta ng itlog nito, bukod pa sa paggamit ng dinamita sa pangingisda

Ilan sa mga isdang naitalang nakikita sa Verde Island Passage:

Lapu-lapu Maya-maya Labian Paru-parong dagat Talakitok

Page 6: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 7: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 8: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 9: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 10: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 11: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 12: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 13: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 14: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Noong dekada 50 ay halos kalahating milyong ektarya ang mayabong na bakawanan dito. Ngayon ay humigit kumulang 112,000 ektarya na lamang ang natitira. Halos 80% ang nawala!

Habang mabilis na nasisira at nakakalbo ang mga bakawan, nawawalan din ng tirahan ang maraming uri ng lamang dagat. Sa kabilang banda, kinakailangan ng mas maraming huli ng isda upang matugunan ang pangangailangan ng lumalaking populasyon ng tao. Dulot nito, paliit nang paliit ang mga isdang nahuhuli at palayo ng palayo ang mga lugar na pinapangisdaan.

Sa Batangas City, halimbawa, ay kakaunti na ang malalaking bakawanan, maliban sa may San Agapito at San Agustin Kanluran. Meron ditong ginagawang reforestation, ngunit ang mga natitirang bakawan ay nanganganib ring maubos dahil patuloy na pinuputol upang gawing uling at panggatong.

Sa pagkasira ng mga bakawan, nababawasan ang pangitlugan at kanlungan ng mga isda at iba pang hayop at halamang dagat. Naapektuhan ang pamayanan dahil kumukonti din ang kanilang nahuhuling isda.

Page 15: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 16: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 17: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 18: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Tumulong pangasiwaan nang maayos ang Verde Island Passage.

Suportahan ang MPA at ang Network ng mga MPA.

MPA ang pangkalahatang tawag sa mga protektadong lugar sa dagat. Maaring ito ay may bahagi na no-take zone o “marine sanctuary”; at may bahagi din na “marine reserve”. Sa nasabing huling bahagi, pangangawil lamang ang pinapayagan na paraan ng pangingisda

Iba’t-ibang ekosistema ang makikita sa MPA katulad ng bakawanan, latian, bahura at damong dagat.

Ang pagpili at pagtatatag ng MPA ay nangangailangan ng masusing pagtatasa. Pinag-aaralang mabuti ang kondisyon ng habitat at ecosystem, maging ang uri at bilis ng paglaki at pagdami ng mga samu’t-saring buhay. Tinitimbang ang kalagayan ng ekosistema at ang gamit ng tao sa yaman ng karagatan.

Ang Marine Protected Area (MPA)Ang MPA ay isang pinangangalagaang pook sa karagatan. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga MPA sa Verde Island Passage upang magpatuloy ang buhay sa karagatang ito at mapayabong ang pangisdaan dito.

Ayon sa mga siyentipiko, mas dumadami ang bilang at uri ng mga yamang dagat sa mga MPA kumpara sa mga katubigang walang proteksiyon. Mas nahahayaan ding makapangitlog at makapagparami ang mga isda, lobster, taklobo at iba pang hayop sa mga MPA.

Napag-alaman na madaling maubos ang mga uri ng hayop at halamang dagat kung maliit ang kanilang populasyon at sobra-sobra ang paghuli o pagkuha sa mga ito. Madali silang lipulin ng mga sakuna at panganib sa dagat. Kalaunan ay maari silang mawala nang tuluyan sa karagatan. Kaya’t may mga lugar sa MPA na no-take zone o hindi talaga pwedeng pangisdaan dahil kritikal ang kondisyon ng mga habitat at ecosystem dito.

Mainam kung mas malaki ang populasyon ng iba’t-ibang uri ng yamang dagat. Mas may kakayahan silang mabuhay at maabot ang tamang sukat o edad upang makapagparami o makapangitlog.

Dahil dito, maaring umapaw ang populasyon ng yamang dagat sa MPA. May mga maliliit at malalaking isda na lumalangoy sa labas ng hangganan ng MPA. Ang mga itlog at semilya nila ay natatangay ng agos sa mga karatig at malalayong bahura. Ito ay nakatutulong sa pagpanumbalik at pag-unlad ng pangisdaan sa labas ng MPA. Ngunit mahabang panahon at tiyaga din ang kailangan upang matamasa ang benepisyong ito.

Page 19: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Dumami ang Kabayong Dagat (Seahorse) sa MPA sa Bohol

MPA naging karangalan ng Pilar, Cebu

Isang MPA ang naitatag nuong 1995 sa Jandayan Island, Northwestern Bohol sa pangunguna ng lokal na pamahalaan.

Pinalakas nila ang pagpapatrolya sa MPA upang mapahinto ang iligal na panghuhuli ng kabayong dagat. Nagkaroon ng pagsasanay ang mga tao sa pamayanan at mga mangingisda sa tulong ng mga samahang di-gobyerno, lokal na pamahalaan at mga residente.

Noon 2002, napag-alaman na dumami ang mga kabayong dagat sa loob ng MPA kaysa sa labas nito. Mas nakaakit ng iba pang hayop dagat ang mga nasa MPA dahil protektado sa panganib ang bahaging ito ng karagatan.

Ang Pilar Municipal Marine Park sa Cebu ay itinatag noong 2005 at isa sa mga pinakamalaking MPA sa Central Visayas. Ang MPA ay may kabuoang sukat na 179.2 ektarya, kung saan ang halos 30 ektarya ay no take zone (halos 18 ektaryang core zone at 12 ektaryang buffer zone). Ang pamamahala ay ginagampanan ng isang Management Board na galing sa iba’t-ibang sektor at binubuo ng iba’t-ibang lupon o komite, kagaya ng lupon para sa monitoring and evaluation at lupon para sa enforcement.

Ang pangangasiwa sa MPA ay natutus-tusan sa pamamagitan ng isang trust fund na itinatag sa ilalim ng management plan, sa mga multa sa paglabag at pati na rin sa mga tulong ng ibang mga grupo o sektor. Noong 2009, ang Pilar Municipal Marine Park ay nagkamit ng pinakamataas na parangal sa taunang timpalak ng Marine Protected Areas Support Network (MSN) para sa mga MPA sa Pilipinas.

Larawan: www.oneocean.org

Page 20: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Sa pagdami ng mga pabrika, pagsasaayos ng daungan ng mga barko, at paghila sa mga pinong lambat hanggang sa may pangpang, unti-unting nasira ang mga bahura sa may Batangas Bay. Ang pagkawasak ng mga bahura ay lubhang nakaapekto sa kakayahan ng mga lamang dagat na lumaki at magparami.

Noong 1991, upang mapanumbalik ang mga yamang dagat, may pribadong sektor at samahang di gobyerno ang tumulong maglagay ng mga artificial reef sa dagat na nasasakop ng Bauan. Layon ng artificial reef program na muling maisaayos ang mga nasirang bahura at makahikayat ang pag- paparami ng mga yamang dagat. Ayon sa kamakailang pagtatasa ng mga mangingisda at mga Bantay Dagat sa Bauan, madaming lamang dagat na ang nanumbalik dito, gaya ng mga higanteng taklobo, at ngayo’y naninirahan sa mga artificial reef.

Nagsimulang pag-ibayuhin ng San Juan ang pangangalaga sa kanilang karagatan nang kanilang napansin na ang malawakang panghuhuli ng mga maliliit na isdang “dulong” ay lubhang nakaaapekto sa kanilang pangisdaan. Napag-alaman na ang dulong ay halo-halong semilya ng ibat-ibang uri ng isda lalo na ng dilis at sardinas kung kaya’t hindi na nila nakukuhang lumaki at makapangitlog.

Sinimulan noong 1998 ang pagtatatag ng mga MPA at paglalabas ng mga ordinansa laban sa pagdudulong upang mapangalagaan ang pangingitlog at paglaki ng mga isda. Bagaman may mga tumutol sa simula, sa kalaunan ay nakita rin ng mga mangingisda ang mga benepisyo katulad ng pagdami ng mga dilis at dumpilas, at ang paglitaw muli ng mga dating bihira nang nakikitang mga isda katulad ng alumahan. Sa kasalukuyan, ang mga MPA ng San Juan ay kabilang sa mga pinakamalalaking MPA sa buong Verde Island Passage.

Artificial reef pinapamahayan ng mga isda sa Bauan, Batangas

Nakatulong ang dulong sa San Juan, Batangas

Page 21: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Ang Marine Protected Area NetworkAng sukat ng MPA ay hindi sapat na basehan ng tagumpay sa pangangasiwa. Ngunit kung malawak ang MPA, inaasahang mas malaki ang benepisyo nito.

Bagama’t maliliit ang mga MPA sa Verde Island Passage, maaring magtagumpay ang layunin nitong mapangalagaan ang mga samu’t saring buhay. May magkakalapit at konektadong ecosystem dito kaya’t akmang pag-isahin ang pamamahala sa kanila at gawin silang Network ng mga MPA. Sa ganitong paraan, mas mapoproteksiyunan ang mga isdang lumalangoy sa Network ng MPA. Ligtas silang makapangitngitlog at makapagpaparami ng semilya.

Ang Network ay ang pagsama-sama ng mga MPA na mayroong ugnayang ekolohikal. Ito ay maari ding maging network ng mga tao na nangangalaga sa Verde Island Passage. Kung sama-sama ang pagpaplano, mas madali ang talastasan at ugnayan sa pagpapatupad ng mga programa sa MPA.

Higit na mapapangasiwaan ang samu’t saring buhay at ang pangisdaan sa pamamaraan ng MPA Netwoks kaysa sa magkakahiwalay na MPA.

Ang lahat ng mga MPA sa Verde Island Passage simula sa San Juan hangang sa Nasugbu ay may ugnayang ekolohikal, kung kaya mainam ang pagkakaroon ng network ng mga tagapangalaga o mga MPA managers at Bantay Dagat.

Ang mga mabababaw na bahagi ng dagat sa Hilagang-Silangang Mindoro (kasama ang lugar na sakop ng Puerto Galera), Verde Island, Tingloy, Mabini, Timog-Silangang Calatagan at mga isla ng Lubang at Looc ay mga natukoy na lugar na may mas mataas na potensiyal upang makinabang sa ugnayang pang-ekolohikal ng mga MPAs sa VIP at makapagdulot din ng pakinabang sa pangisdaan ng buong Verde Island Passage

Page 22: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Pagkakaroon ng mga sona ng pamamahala sa MPAMabini, Batangas

Kung Tulong-tulong ay SusulongIba’t-ibang programa ang nakapaloob sa mga plano ng pangangasiwa (management plan) ng MPA. Ang mga sumusunod ay hinalaw sa mga plano sa Verde Island sa ilang munisipyo ng Batangas.

Bilang isang lugar kung saan mayaman ang turismo pati na ang pangisdaan, mahalaga sa Mabini ang pagbabalanse ng pangangalaga at paggamit ng kanilang yamang-dagat.

Dalawa ang pangunahing sona sa mga MPA dito: ang no take zone at ang reserve zone. Ipinagbabawal sa no take zone ang lahat ng uri ng pangingisda, bagama’t pinapayagan ang ilang gawaing pang-turismo kagaya ng diving at snorkeling. Mahigpit ding ipinagbabawal ang mga gawaing maaring makasira ng mga yamang-dagat katulad ng paggamit ng jetski at pagtatayo ng anumang istruktura sa ilalim ng dagat. Lubhang mahalaga ang no take zone sa konserbasyon kaya’t kailangan ang mahigpit na pagpapatrolya ng Bantay Dagat. Alam ng mga Bantay Dagat kung may mga papasok na iligal na mangingisda dito batay sa mga buya o palatandaan ng hangganan ng no take zone.

Ang reserve zone naman ay ang bahagi ng MPA kung saan pinapayagan din ang turismo at ang pinapayagan lamang na uri ng pangingisda ay ang pangangawil.

Kaakibat ng likas na kagandahan ng mga korales ng Mabini ay ang pag-unlad ng turismo dito na siyang umudyok sa mga responsableng mamayan na pagyamanin ang pangangalaga sa kanilang mga MPA. Sa kasalukuyan, isa ang Mabini sa mga lugar kung saan malaki na ang kinikita ng lokal na pamahalaan mula sa mga conservation fees na ibinabayad ng mga turista.

Page 23: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana

Istraktura at mekanismo sa pagpapatupad ng planoLobo, Batangas City

Ang sama-samang pangangasiwa ng MPA ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapalakas sa mga MPA Management Board at konseho. Binubuo ito ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, ahensiya ng gobyerno, at Bantay Dagat. Sila ang susubaybay at gagabay sa pagpapatupad ng mga plano ng pamamahala sa mga MPA sa Lobo.

Ang pagtukoy sa mga nanganganib na habitat at mga gawaing pagpapanumbalik ng bahura ay tungkulin ng konseho. Sila ang tutukoy sa hangganan ng MPA upang mapadali ang pagpapatrolya at maiwasan ang panakanakang pangingisda sa sanktuwaryo. Tungkulin nila ang makipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya para sa karagdagang kabuhayan ng mga tao sa pamayanan, maging ang pagsusog sa lehislatura upang makagawa ng mga batas pangkonserbasyon.

Karagdagang kita ng mga mamamayan Balayan, Batangas

Layunin ng plano ng pamamahala sa MPA ang mapaunlad ang kamalayan, kakayanan at kabuhayan ng mga tao sa MPA.

Sa mga kikitain sa karagdagang hanapbuhay, ibibigay ng lokal na pamahalaan ang 30 porsiyento sa mga Bantay Dagat na makakahuli sa mga mangingisdang lumalabag sa batas. Ito ay insentibo sa mga Bantay Dagat na kusang loob ang pagtulong sa pangangalaga sa MPA.

Ilan sa mga maaring karagdagang hanapbuhay ay pagtitinapa o pagdadaing, paggawa ng bagoong, pagbobotelya ng sardinas, pagpapataba ng mga baka at pag-aalaga ng mga baboy.

Bukod sa tulong pangkabuhayan, palalawakin ang kaalaman ng mga tao dito tungkol sa kahalagahan ng bahura sa pagpapadami at pagpapalaki ng mga isda, maging sa labas ng sangtuwaryo. Iaangat din ang kakayahan nila na makipag-ugnayan sa mga namamahala sa mga pabrika at industriya na nagdudulot ng polusyon sa karagatan, at kakayahan sa pangangasiwa ng mga basura.

Page 24: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana
Page 25: Verde Island Passage: Ipagmalaki, Ipagtanggol, Ipamana