uhay (april 2016)

8
Ipinaalala sa atin ng Kidapawan Masaker at mga kaganapan matapos nito ang madugong pamanang iiwan ng Tuwid na Daan. Unang-una ay muling nabigyang-diin ang sukdulang kapabayaan at karahasan ng hacienderong rehimeng Aquino. Kadugtong nito ang pagkakalantad ng kabulukan ng Liberal Party dahil sa naging papel ng mga myembro nito sa mismong pagpapabaya at kapalpakan, at pandarahas at pamamaslang, hanggang sa pagpupumilit nitong ibahin ang kwento at ibaling ang sisi sa mismong mga magsasaka - para sa darating na eleksyon. Sa kabilang banda, ipinamalas ng mga magsasaka ng Kidapawan sa buong mundo ang katatagan ng paninindigan ng uring magsasaka pagdating sa paglaban para sa kanilang mga karapatan. Dagdag pa, nakabibigla man marahil sa iba, sa social media man o sa mga eskwelahan at komunidad, ipinakita ng kabataan ng ating panahon (o millenials) ang kanilang kahandaang makilahok sa pakikibakang ito. Hunger Games, Massacre Country Malaon nang problema ng mga magsasakang Pilipino ang irigasyon/ patubig (o kawalan nito). Katunayan, ayon mismo sa konserbatibong datos ng gobyerno, 16% lang ng kabuuang lupaing agrikultural sa bansa ang irigado. Napakalayo nito sa 50% saklaw ng irigasyon sa kalapit nating Vietnam. Ito ay sa kabila ng malaking pondong napupunta sa National Irrigation Authority (NIA) taon- taon (P32.7B ngayong 2016). Katunayan, nanininingil pa ang NIA ng irrigation fee sa mga magasaka na karaniwang aabot sa P1000 kada ektarya kada anihan. Ayon sa IBON, sa lahat ng agrikultural na bansa sa buong mundo ay tanging gobyerno ng Pilipinas lang ang nanininingil sa mga magsasaka para sa patubig. Sa usapin ng tuloy-tuloy at matinding kapabayaan at kapalpakan ay madali para sa ating gobyerno na manguna sa buong mundo. Katunayan, walang pinipiling panahon ang kapabayaang ito ng gobyerno. Sa harap ng isa sa pinakamalalalang El Nino sa kasaysayan, nanatiling malamya at malayo sa maliliit na magsasaka ang pagharap ng Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya. Hindi naramdaman ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura ang P19.2B pondong inilaan ng Department of Budget Management (DBM) at P940M itinabi ng DA para sa pagharap sa El Nino. Pinagmamalaki at pinagyayabang ni Proceso Alcala, kalihim ng DA, na mahusay nilang hinarap ang El Nino at hindi malala ang naging epekto nito sa kabuhayan ng mga magsasaka. Subalit mismong datos ng kanilang ahensya ang magpapasinungaling sa kanyang mga pahayag. At magpapakitang ang kasalukuyang El Nino na ating kinakaharap ay isa sa pinakamalala na sa kasaysayan. Ipinagmamalaki ni Alcala na umano’y pinatutunayan ng hindi paggalaw ng presyo ng pagkain ang aniya’y di malalang epekto ng El Nino. Ngunit pinasusubalian ito ng naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) na 1.5% na pagtaas sa presyo ng pagkain noong Pebrero 2016. Kaya’t napakatindi ng naging pinsala ng El Nino para sa mga magsasaka. Kahit Setyembre 2015 pa idineklara ng PAGASA ang El Nino. Katunayan, sing-aga ng Hunyo 2015 ay binabantayan na ng naturang ahensya ang pag-init ng Karagatang Pasipiko at nagbababala sa iba pang ahensya ng gobyerno na paghandaan ang banta nito. Nagpapaalala ito sa pagsasawalambahala rin ng rehimeng Aquino sa babala ng PAGASA tungkol sa Yolanda noong 2013 na nagresulta sa pagkamatay ng ilampung libong Pilipino. Kaya hindi na kataka-takang matulak ang mga magsasaka na humingi ng tulong sa gobyerno. Sa isang banda ay alam nilang may inilaang pondo at rekurso ang pamahalaan para sa pagtulong sa kanila, ngunit hindi naman nila ito naratramdaman. Sa Kidapawan lang ay aabot sa 25% ng populasyon ang apektado ng El Nino. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng dagdag na P35M calamity funds ng lokal na gobyerno dahil sa kanilang pagdedeklara ng state of calamity. (ipagpatuloy sa p.2) Uhay Nilalaman Abril 2016 Kabataan Manindigan para sa Magsasaka! Usigin ang Berdugo-Hacienderong Rehimeng Aquino! EDITORYAL Opisyal na Pahayagan ng National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA) - Youth “Isa tayong bayan ng mga magsasakang ginugutom at pinapatay ng mga haciendero.” p.3 Balita Kandila para sa Kidapawan p.4-5 Lathalain Anakpawis at Neri Colmenares p.6 Balita IRRI, Salot! p.7 Lathalain Pagpupugay kay Ka Nestor p.8 Literatura BHB (Bigas Hindi Bala)

Upload: nnara-youth

Post on 29-Jul-2016

247 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

April 2016 issue of Uhay. Features articles about the Kidapawan Massacre, the national elections, and others.

TRANSCRIPT

Page 1: Uhay (April 2016)

uhay

Ipinaalala sa atin ng Kidapawan Masaker at mga kaganapan matapos nito ang madugong pamanang iiwan ng Tuwid na Daan. Unang-una ay muling nabigyang-diin ang sukdulang kapabayaan at karahasan ng hacienderong rehimeng Aquino. Kadugtong nito ang pagkakalantad ng kabulukan ng Liberal Party dahil sa naging papel ng mga myembro nito sa mismong pagpapabaya at kapalpakan, at pandarahas at pamamaslang, hanggang sa pagpupumilit nitong ibahin ang kwento at ibaling ang sisi sa mismong mga magsasaka - para sa darating na eleksyon. Sa kabilang banda, ipinamalas ng mga magsasaka ng Kidapawan sa buong mundo ang katatagan ng paninindigan ng uring magsasaka pagdating sa paglaban para sa kanilang mga karapatan. Dagdag pa, nakabibigla man marahil sa iba, sa social media man o sa mga eskwelahan at komunidad, ipinakita ng kabataan ng ating panahon (o millenials) ang kanilang kahandaang makilahok sa pakikibakang ito.

Hunger Games, Massacre Country

Malaon nang problema ng mga magsasakang Pilipino ang irigasyon/patubig (o kawalan nito). Katunayan, ayon mismo sa konserbatibong datos ng gobyerno, 16% lang ng kabuuang lupaing agrikultural sa bansa ang irigado. Napakalayo nito sa 50% saklaw ng irigasyon sa kalapit nating Vietnam. Ito ay sa kabila ng malaking pondong napupunta sa National Irrigation Authority (NIA) taon-taon (P32.7B ngayong 2016). Katunayan, nanininingil pa ang NIA ng irrigation fee sa mga magasaka na karaniwang aabot sa

P1000 kada ektarya kada anihan. Ayon sa IBON, sa lahat ng agrikultural na bansa sa buong mundo ay tanging gobyerno ng Pilipinas lang ang nanininingil sa mga magsasaka para sa patubig. Sa usapin ng tuloy-tuloy at matinding kapabayaan at kapalpakan ay madali para sa ating gobyerno na manguna sa buong mundo.

Katunayan, walang pinipiling panahon

ang kapabayaang ito ng gobyerno. Sa harap ng isa sa pinakamalalalang El Nino sa kasaysayan, nanatiling malamya at malayo sa maliliit na magsasaka ang pagharap ng Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya.

Hindi naramdaman ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura ang P19.2B pondong inilaan ng Department of Budget Management (DBM) at P940M itinabi ng DA para sa pagharap sa El Nino. Pinagmamalaki at pinagyayabang ni Proceso Alcala, kalihim ng DA, na mahusay nilang hinarap ang El Nino at hindi malala ang naging epekto nito sa kabuhayan ng mga magsasaka. Subalit mismong datos ng kanilang ahensya ang magpapasinungaling sa kanyang mga pahayag. At magpapakitang ang kasalukuyang El Nino na ating kinakaharap ay isa sa pinakamalala na sa kasaysayan.

Ipinagmamalaki ni Alcala na umano’y pinatutunayan ng hindi paggalaw ng presyo ng pagkain ang aniya’y di malalang epekto ng El Nino. Ngunit pinasusubalian ito ng naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) na 1.5% na pagtaas sa presyo ng pagkain noong Pebrero 2016. Kaya’t

napakatindi ng naging pinsala ng El Nino para sa mga magsasaka. Kahit Setyembre 2015 pa idineklara ng PAGASA ang El Nino. Katunayan, sing-aga ng Hunyo 2015 ay binabantayan na ng naturang ahensya ang pag-init ng Karagatang Pasipiko at nagbababala sa iba pang ahensya ng gobyerno na paghandaan ang banta nito. Nagpapaalala ito sa pagsasawalambahala rin ng rehimeng Aquino sa babala ng PAGASA tungkol sa Yolanda noong 2013 na nagresulta sa pagkamatay ng ilampung libong Pilipino.

Kaya hindi na kataka-takang matulak ang mga magsasaka na humingi ng tulong sa gobyerno. Sa isang banda ay alam nilang may inilaang pondo at rekurso ang pamahalaan para sa pagtulong sa kanila, ngunit hindi naman nila ito naratramdaman. Sa Kidapawan lang ay aabot sa 25% ng populasyon ang apektado ng El Nino. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng dagdag na P35M calamity funds ng lokal na gobyerno dahil sa kanilang pagdedeklara ng state of calamity. (ipagpatuloy sa p.2)

Uhay

Nilalaman

Abril2016

Kabataan Manindigan para sa Magsasaka!Usigin ang Berdugo-Hacienderong Rehimeng Aquino!

EDITORYAL

Opisyal na Pahayagan ng National Networkof Agrarian Reform Advocates (NNARA) - Youth

“““Isa tayong bayan ng mga magsasakang

ginugutom at pinapatay ng mga

haciendero.”

p.3 BalitaKandila para sa Kidapawan

p.4-5 LathalainAnakpawis at Neri Colmenares

p.6 BalitaIRRI, Salot!

p.7 LathalainPagpupugay kay Ka Nestor

p.8 LiteraturaBHB (Bigas Hindi Bala)

Page 2: Uhay (April 2016)

uhay

Marahil ay pamilyar na tayo sa kwento ng “Kidapawan Masaker:” Marso 30 nagbarikada ang mahigit 6,000 magsasaka at Lumad mula sa 7 bayan at lunsod ng Cotabato sa Davao-Cotabato Highway. Malapit ito sa isang warehouse ng NFA, na angkop para sa pangunahing panawagan ng mga magsasaka na pamamahagi ng 15,000 sako ng bigas bilang calamity assistance sa mga apektadong pamilya. Pagsapit ng Abril 1 ay marahas na binuwag ng Philippine National Police (PNP) ang mapayapang barikada ng mga magsasaka sa pamamagitan una ng panunulak, pamamalo, at pambobomba ng tubig ng bombero. At kalaunan, ng pamamaril. Dalawang magsasaka ang patay at hindi baba sa 10 ang sugatan dahil sa tama ng bala. Ngunit hindi natapos sa pamamaril ang karahasan ng estado. Sa mga sumunod na araw ay ilegal na inaresto ang aabot sa 7 na magsasaka at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso, kabilang dito ang tatlong buntis at tatlong senior citizen.

Malinaw ang pananagutan ni Gob.

Lala Talino-Mendoza sa mga naganap. Una ay ang kapalpakan sa pag-harap sa El Nino. Ikalawa ay pagtangging dinggin ang mga lehitmong panawagan ng mga magsasakang nasalanta. At ikatlo ay ang pagkasangkot sa nangyaring masaker. Mayabang pa niyang ipinahayag na pang-iinsulto umano ang akto ng pagbibigay ng bigas ng mga pribadong indibidwal sa mga magsasaka. Direkta rin ang pananagutan ni Police Senior Superintendent Alexander Tagum na siya mismong naroon at nag-atas sa marahas at madugong dispersal. Ikatlo na itong pangmamasaker sa mga magsasaka na kinasangkutan ng pamilyang Aquino matapos ang Mendiola Masaker noong 1987 sa ilalim ni Cory Aquino at ang Hacienda Luisita Masaker sa kanila mismong bakuran noong 2004. Isa tayong bayan ng mga magsasakang ginugutom at pinapatay ng mga haciendero.

Mainit na Election Season

Aakalaing dahil panahon ng pangangampanya para sa eleksyong 2016 ay magiging mas mapanuyo ang mga kandidato sa mamamayang Pilipino. Subalit nasiwalat ang tunay na kulay ng mga politiko mula sa kanilang naging mga pahayag at aksyon (o kawalan nito) hinggil sa Kidapawan Masaker. Hindi pinigilan ng kanyang panunuyo sa mga botante si Mendoza na magbingi-bingihan sa makatarungang hinaing ng mga magsasaka. Matapos ang naturang insidente, lalo pang naging agresibo si

Mendoza sa pag-atake sa mga magsasaka at kanilang taga-suporta, kasabay ng kaniyang pagdepensa sa sarili. Mula sa mga pinaka-unang interbyu sa kanya, kay Mendoza natin unang narinig ang pagbabaling ng sisi sa mga aniya’y “taga-labas” na umano’y nang-uto sa mga magsasaka. Pinilit din niyang bigyang-dahilan ang naging marahas na dispersal dahil umano sagabal na ang barikada na humarang sa isang mayor na highway. Dahil dito ay umani si Mendoza ng matinding pagbatikos mula sa mamamayan.

Dahil sa matinding reaksyong publiko,

napilitan ang lahat ng presidentiables na magsalita kaugnay sa Kidapawan Masaker. Lahat ay nanawagan para sa imbestigasyon, at ang ilan ay nagpahayag ng magkakaibang antas ng pagsuporta sa mga magsasaka at pagbatikos sa mga sangkot na opisyal ng gobyerno. Pinakamalisyoso ang naging pahayag ni Liberal Party (LP) prsidentiable Mar Roxas na nagtanong kung sino umano ang nagpondo sa mga magsasakang nagpo-protesta. Tinatangka niyang palabasing bale wala ang mga makatarungang hiling ng mga magsasaka at kung gayo’y tama lang na sila’y paputukan, dahil lang organisado nilang inasikaso ang paggiit sa kanilang mga karapatan. Samantala, ang LP chairman at pangulong Noynoy Aquino mismo, ay halos dalawang linggong nanatiling tahimik hinggil sa naganap na masaker. Sa buong panahong ito ay patuloy niyang ikinakampanya ang kanyang manok sa eleksyon na si Roxas. Nang sa wakas siya ay magsalita isang linggo makalipas, minaliit niya ang buong usapin nang sabihin niyang walang nag-ulat sa kaniya hinggil sa buong insidente, sa kabila ng pandaigdigang saklaw ng pagsuporta sa mga magsasaka ng Kidapawan. Sa huli, matapos ang isang trahedya ng kagutuman at kamatayan, ang tanging nasabi ni Noynoy ay mayroon s’yang sakit at nagpapahinga sa mga panahong iyon. Mabilis na binatikos si Noynoy ng maraming grupo na muling namalas ang “noynoying” (o kawalang-aksyon) at kawalang-puso ng kasalukuyang hacienderong pangulo. Lalo lamang pinatunayan ng mga pahayag at kawalang-aksyon ni Noynoy at Roxas ang kabulukan ng tuwid na daan ng LP. Lalong nakakagalit kung iisiping sa gitna ng kagutuman at pagpatay sa mga magsasaka, gumagastos sila ng milyon-milyon sa kanilang pangangampanya.

Martsa, Millennials!Tunay na kahanga-hanga ang mga

magsasaka ng Kidapawan sa ipinamalas nilang paninindigan at tapang sa pakikipaglaban para sa kanilang karapatan sa lupa at pagkain. At tunay ngang napukaw ng buhay-kamatayang pakikibaka ng magsasaka ang kabataang Pilipino ng ating henerasyon. Ipinamalas ng millennials ang kanilang kahandaang makilahok sa pakikibaka ng magsasaka. Sa kabila ng tangkang pagbabale-wala ng mainstream media sa isyu hinggil sa Kidapawan Masaker, itinambol ng kabataan ang isyu sa social media (Twitter, Facebook, atbp.). Sa harap ng walang-habas na pambabaluktot ng mismong mga opisyal ng gobyerno at pag-aanggulo sa balita, ipinagtanggol ng marami sa mga Facebook status, tweets, comments, atbp. ang mga magsasaka ng Kidapawan laban sa mga malisyoso at ilang kahina-hinalang accounts na inuulit-ulit ang pambabaluktot at pangangatwiran ng berdugong rehimen at mga galamay nito. Marami ring mga dati’y patawa o pang-katuwaan lang na mga account ang nagpahayag ng pagsuporta sa mga magsasaka ng Kidapawan, at pagkondena sa estado.

Labas sa internet ay marami ring

tradisyunal na organisasyong kabataan ang sumagot sa panawagan para sa pangangalap at pagbibigay ng tulong at suporta para sa mga magsasaka ng Kidapawan. Sa mga eskwelahan ay naging tampok rin ang pagpapahayag ng mga estudyante ng interes at suporta para sa mga panawagan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtitirik ng mga kandila, paglunsad ng mga pangkulturang programa, mga fansign, forum, at mobilisasyon.

Malaganap ang negatibong palagay

tungkol sa millennials dahil sa kanila umanong sukdulang kawalang-paki, pagkamakasarili, at pag-ayaw sa kolektibong aksyon. Subalit ipinaalala ng mga pahayag at aksyon ng kabataang Pilipino sa mamamayan ang kanilang nananatiling interes at kahandaang makibahagi, sa kani-kanilang pamamaraan, sa laban at pakikibaka ng magsasaka at mamamayan para sa isang makatarungan at maunlad ng bayan. Ipinaaalala nilang ipagpatuloy at paunlarin pa natin ang ating pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos!

02EDITORYAL

Lester Gueta | Mieka Otani Fernandez | Josh Bata | Steven Besana | Vince Villena

#56 K-9 st., Bgy. West Kamias, Quezon City | 426-9442 | [email protected]

PATNUGUTAN

Page 3: Uhay (April 2016)

uhay

Naglunsad ng isang Environmental Investigative Mission (EIM) ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan at Rodriquez, Rizal noong Marso 20-21. May layunin itong tuklasin ang epekto sa kabuhayan, kalikasan, at kalusugan ng mga mamamayang malapit sa dalawang proyektong pangkaunlaran, ang WACUMAN landfill at ATN solar power plant. Nilahukan ito ng ilang mga organisasyon kabilang ang NNARA-Youth.

Ang Waste Management Sanitary Landfill project ng WACUMAN Inc. ay nakabase sa Barangay Karahumi sa SJDM, Bulacan. Naitala na may 8,000 tonelada ng basura ang itinatambak sa nasabing sanitary landfill araw-araw. Ang mga nasabing basura ay inirereklamo ng mga residente rito. Madalas dahil sa napakasangsang nitong amoy. Nakalilikha na ito ng masamang epekto sa kanilang kalusugan, sa mga taniman dahil lubhang apektado ang lupa, at lalo na ang katubigan sa paligid ng nasabing landfill. Nagreresulta ito ng pagkakasakit ng mga mamamayan, at pagdami ng langaw at pamemeste nito sa mga tanim. Nawawalan din sila ng mapagkukunan ng malinis na tubig dahil sa panonoot ng katas ng basura sa lupa. Dagdag pa, may mga

kaso ng pagkamatay ng mga alagang hayop na isa ring sandigan ng kabuhayan ng mga taga-roon.

Walang maayos na segregasyon ng mga basura sa naturang landfil. Partikular na inaalala ng mga taga-roon ay ang mga medical waste na kasama sa itinatambak sa landfill. Delikado ito para sa mga naninirahan sa paligid nito, lalo na para sa mga residenteng ginagawang kabuhayan ang pamamasura - na dumarami ang bilang dahil hindi na nakapagtatanim bunga rin ng masasamang epekto ng landfill.

Hanggang ngayon ay nananawagan ang mga mamamayan sa pagpapasara ng WACUMAN landfill, ngunit lumilitaw na kahit saan sila magreklamo at maghain ng petisyon ay wala sa Munisipalidad ng Rizal o Bulacan ang umaako ng responsibilidad para rito. Pinagpapasahan lang ang daing ng mamamayan hanggang sa tuluyan itong mabalewala.

Ang ATN Solar naman ay naglulunsad ng proyektong solar power plant sa Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal. Unang pumasok ang nasabing kumpanya sa lugar noong 2012. Biglang ipinatawag umano nila ang mga magsasaka sa lugar at idineklarang kanila ang lupaing may lawak na mahigit 256 ektarya. Binibigyang-katwiran ng ATN Solar ang

kanilang pangangamkam ng lupa sa pamamagitan ng umano’y proyektong pangkaunlaran. Plano nilang magtatayo ng solar power plant na magbibigay umano ng kuryente sa lugar. Gayunpaman, ang lupang kanilang planong pagtayuan ay nasa gitna mismo ng malawak na palayang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-roon. Sa kabila ng pangakong hindi sila magpapalayas ng mga magsasaka, malaganap ang kanilang panunuhol sa mga taga-roon ng pera (P30,000 hanggang P1M) at scholarships kapalit ng pagtigil sa pagsasaka.

Subalit nananatiling mahigpit ang paninindigan ng mga magsasaka sa lugar upang panghawakan ang lupang kanilang sinasaka. Ito ay sa kabila ng pananakot sa kanila, gaya ng pagpatay sa mga alaga nilang hayop at pagbuwal sa kanilang mga bakod.

Bagaman magkaibang kaso ang pinag-uugatan, malinaw na ito’y parehong kaso ng pangangamkam ng lupa o pang-aagaw sa lupang binubungkal ng mga magsasaka.

Magkaroon man ng libo-libong pamamaraan ng pangangamkam ng lupa, nananatiling dahilan ito para sa pagpapatatag ng pagkakabuklod ng lahat ng magsasakang dinedepensahan ang kanilang lupang ikinabubuhay.

Isang kabalintunaan na ang mga taong nagpagal upang may makain ang karamihan ay sila ring mga taong walang mailaman sa sariling sikmura.

Sa panguguna ng NNARA-Youth, nagsagawa ng isang candle lighting protest ang mga estudyante ng UP Manila noong Abril 5, 2016. Layunin nitong ipakita ang pagsuporta ng kabataan sa mga biktima ng Kidapawan Masaker at ng kapabayaan at karahasan ng hacienderong rehimeng BS Aquino.

Berdugong haciendero!Kaugnay ng kalagayang dulot ng El Nino,

tatlong araw na nagprotesta at nagbarikada (Marso 30 hanggang Abril 1) ang mahigit 6,000 magsasaka at Lumad mula sa pitong bayan (Makilala, M’lang, Tulunan, Magpet, Roxas, Antipas, Arakan) sa Cotabato-Davao National Highway upang igiit ang kanilang karapatan para sa food aid na 15,000 sako ng bigas.

Ngunit umuulang bala ang isinagot sa kanila ng berdugong PNP at rehimeng BS Aquino noong Abril 1 bandang 11 n.u. Dalawang magsasaka ang patay, 116 ang sugatan, at 78 ang ilegal na hinuli ng mga pulis, kabilang ang mga buntis at senor citizen (nakalaya na sila ngayon dahil sa malakas na panawagan ng mamamayan at tulong-pinansyal ng mga pribadong indibidwal at grupo).

Pansamantalang naglagi ang mga magsasaka sa compound ng United Methodist Church. Pinagbantaan pa ni Cotabato Governor Talino-Mendoza ang nasabing simbahan dahil sa pagpapatuloy diumano sa mga “illegal protesters”. Dagdag pa dito, kinagabihan ay pinutulan ng kuryente ang simbahan. At ilang

araw ring pinaligiran ng mga armadong pulis at sundalo. Abril 11 tinigil ng mahiit 2,000 natitirang magsasaka ang barikada at nag-uwi ng mga donasyong bigas.

Pagkain at Hustisya!Matinding kahirapan at kagutuman dulot

ng El Nino ang nagbunsod sa mga magsasaka na magbarikada para manawagan ng tulong. Sa North Cotabato, tinatayang umabot na sa P989M ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa tagtuyot. Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA), sa Kidapawan pa lang ay may 11,000 pamilya na (o 25% ng populasyon ng syudad) ang apektado ng tagtuyot mula noong huling bahagi ng 2015. Kasama sa mga apektado ang mga tenante, magsasaka, manggagawang bukid, at iba pang manggagawang nakaasa sa agrikultura.

Katunayan, ang El Niño ngayong 2015-2016 ay isa sa pinakamatindi sa kasaysayan. Simula Pebrero 2015, P5.32B na ang pagkalugi sa sektor ng agrikultura, P1.9B dito ay ngayong 2016 lang. Bunga nito ay napakatindi at malaganap na kahirapan at kagutuman, kung saan pinakabulnerable ang mga magsasakang lalong mababaon sa pagkakautang.

Kaya pagpasok ng taong 2016 ay nasa ilalim na ng state of calamity ang 9 probinsya (Butuan, Zamboanga, General Santos, Bukidnon, North Cotabato, Davao del Sur, Davao Occidental, Maguindanao, at Guimaras. Mayroong P35M calamity funds ang North Cotabo) sa Mindanao. Gayunpaman, makalipas ang ilang buwan ng kagutuman, walang dumating na tulong sa mga magsasaka dahil umano sa kung ano-anong burukratikong proseso ng Commission on Audit (COA).

Sa halip na magpundar ng mga irigasyon, isa sa mga batayang pangangailangan ng agrikultura, puro panakip butas na mga proyekto lang ang inilunsad ng gobyerno. Ang DA halimbawa ay pinagtutuunan ng pansin ang magastos na cloud seeding (pagtanim ng asin sa mga ulap para umulan), kahit pa mismong ahensyang ito ay amindaong hindi ito epektibo. Dagdag pa, pinalalala pa ng gobyernong Aquino ang kawalan ng irigasyon sa pamamagitan ng pagsasapribado sa mga ito.

Dahil dito, nanawagan ang NNARA-Youth na panagutin ang berdugo at hacienderong rehimeng BS Aquino at mga sangkot na ahensya ng gobyerno (gaya ng DA, DILG-PNP, at DND-AFP) sa kriminal na kapabayaan sa pagtugon sa El Nino, panadarahas at pagpatay sa mga magsasaka, at patuloy na pagtatanggol sa mga sangkot na opisyal ng gobyerno. Katarungan para sa mga biktima ng Kidapawan Masaker!

03Kandila Para sa Kidapawan:Siklab ng Panawagan para sa Katarungan!

Landfill at Solar Power Plant: Dalawang Mukha ng Pangangamkam ng Lupa

BALITA

ni Marilou Celestino

ni Mieka Otani Fernandez

Page 4: Uhay (April 2016)

uhay 04

v

Marahil naging pamilyar lang sa atin ang “Anakpawis” dahil sa mangilang-

ulit na pagwagayway ng bandera nito tuwing may balita tungkol sa rali o

demolisyon. Subalit lingid sa kaalaman ng iba, ang Anakpawis ay isa rin sa

mga party-list sa Kongresong walang-tigil na nagbabandila ng interes ng

maralitang Pilipino.

Totoong mula sa demolisyon ng Silverio Compound sa Makati noong

2012 hanggang sa Kidapawan Massacre sa Cotabato ngayong 2016

ay naroon ang Anakpawis. Ito ay bunga ng pagiging tapat ng Anakpawis

Partylist sa pagiging “kakampi ng maralita.” Kaiba sa maraming party-list na

tuwing eleksyon lamang nabubuhay at nagpaparamdam, ang Anakpawis ay

aktibong nagtatrabaho sa mga partikular na komunidad ng mga maralita,

sa lunsod man o sa probinsya. Ang mga coordinator ng Anakpawis sa mga

komunidad ay nagsisilbing direktang ugnay ng Anakpawis sa mismong mga

anakpawis upang sila ay dinggin at samahan sa pakikipaglaban para sa

kanilang mga interes - gaya ng lupa, tirahan, trabaho, at sahod.

Ibinubunga ng mahigpit at direktang ugnayan nito sa maralita ang tunay

na maka-maralitang mga posisyon at aksyon ng Anakpawis sa loob ng

Kongreso. Sa pamamagitan ng masigasig na pakikipagtalakayan sa mga

myembro ng kongreso hinggil sa mga polisiya at batas, unti-unti nitong

isinusulong ang interes ng mga magsasaka, manggagawa, kababaihan,

maralitang tagalunsod, pambansang minorya, at iba pang sektor ng lipunan.

Pinakatampok sa mga panukalang-batas na ipinasa ng Anakpawis ang

Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Nilalayon nitong ipamahagi nang libre

sa mga magsasaka ang kanilang lupang binubungkal upang mapalaya ang

kanilang produktibong lakas para sa pag-unlad ng pambansang ekonomya.

Nariyan din ang mga panukalang batas para sa P125 dagdag-sahod,

pagbabawal sa kontraktwalisasyon, pagbabasura sa Electric Power Industry

Reform Act (EPIRA) na nagpapataas sa singil sa kuryente, at iba pa.

Batayang katangian na ng Anakpawis na isulong ang interes ng

maralita dahil ito mismo ay binubuo ng mga maralita. Ang kasalukuyan

nitong representante sa Kongreso, si Fernando “Ka Pando” Hicap ay

isang maralitang mangingisda, at sa katunayan ay ang pinakamahirap na

Kongresista sa bansa. Ang mga kinatawan ng Anakpawis para sa eleksyong

2016 ay sina Ariel Casilao mula sa Mindanao, Rafael “Ka Paeng” Mariano na

isang magsasaka, at Randall Echanis.

Sa pagpapahintulot ng Korte Suprema noong 2013 na lumahok

sa eleksyong party-list ang mga organisasyon/partidong wala namang

kinakatawang maralitang (marginalized) sektor o grupo, nararapat na lalong

maging mapanuri ang sambayanang Pilipino kung sino ang ginagamit lang

ang sistemang party-list para madaling makapasok sa Kongreso at sino ang

tunay na nagsisilbi sa masang naghihirap.

Kaya naman mahigpit na panawagan ng NNARA-Youth sa mamamayang

Pilipino, lalo na sa kabataan, na suportahan at iboto sa darating na halalan

ang isang tunay at subok nang maka-maralitang partido, ang Anakpawis

party-list.

Ang hangarin nating kabataan para sa maunlad at makatarungang

kinabukasan para sa ating bayan ay mahigpit na naka-ugnay sa kasalukuyang

laban ng maralitang Pilipino para sa lupa, tirahan, trabaho, at sahod. Ang

mga kasalukuyang suliranin ng maralitang Pilipino ay mga probelamang

maari rin nating danasin nang mas malala sa mga susunod na panahon.

Kaya naman nararapat lamang na makipagkaisa tayo sa mga maralita ng

lunsod at kanayunan, sa kanilang pagsusulong ng kanilang interes, sa

lansangan man o Kongreso.

Sa Nayon man o Lunsod, Lansangan o Kongreso:

Sa darating na Mayo 9 at mga

susunod pang panahon, ipaglaban

natin ang lupa, sahod, trabaho,

tirahan, at ating karapatan! Iboto

ang Anakpawis partylist! Numero

52 sa balota!

Anakpawis, Kakampi ng Maralita

Page 5: Uhay (April 2016)

uhay05

v

Nakilala marahil ng marami sa atin si Congressman Neri Colmenares

ng Bayan Muna Partylist bilang ang kongresistang nakipaglaban para sa

pagpapataas ng SSS (Social Secutiry System) pension ng mga senior

citizens. Naging emosyonal din tayo marahil nang mapanood ang

pagpatay sa kaniyang mikropono ng mga kapwa kongresista habang

siya’y nagtatalumpati para sa pagsasabatas ng nabanggit na panukala.

Lalo na nang mismong mga lolo at lola sa loob ng plenaryo ang pumutok

sa marahil ay pinaghalong pagkadismaya at galit.

Subalit si Colmenares ay nasa unahan din ng napakaraming iba

pang mga kagayang labanang parlamentaryo. Numero uno halimbawa

sa kanyang plataporma ang tunay na reporma sa lupa sa pamamagitan

ng libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. Bunga na rin ng

mahigpit niyang pakikipag-ugnayan sa mga organisasyaong-magsasaka,

nauunawaan ni Colemenares ang buhay-kamatayang halaga ng lupa

para sa milyon-milyong maralitang magsasakang Pilipino - at ang susing

papel nito sa ekonomya ng bansa. Kaya naman siya ay co-author ng

Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) o House Bill 252 ng Anakpawis

Partylist. Bukod sa susing usapin ng lupa, gagap ni Colmenares ang

pangangailangan sa ubos-kayang suportang subsidyo para sa tuloy-

tuloy na pag-unlad ng agrikultura. Isinusulong din ni Colmenares ang

libreng irigasyon at pagtitiyak sa subsidyo mula sa gobyerno para sa mga

makinarya at iba pang kagamitang pang-agrikultura.

Kabilang din sa plataporma ni Colmenares ang pagsusulong sa

pambansang industriyalisasyon na magsisilbi sa mga pangangailan

ng ating bansa.

Kasama sa kaniyang

mga suportadong

panukalang batas

sa kongreso ang

pakikipaglaban para

sa mga karapatan ng

mga manggagawa,

kabilang na dito

ang P125 dagdag

sahod; ang pagtatanggal ng VAT sa kuryente, tubig, at langis; ang

pagbabawal sa pribatisasyon ng mga mga pampublikong ospital; ang

pagsusulong ng anti-dynasty bill; ang pagsusulong ng FOI bill; ang

pagtataas ng income tax exemption; at iba pa.

Kitang-kita sa track record ni Colmenares ang kaniyang mga nagawa

at nais pang gawin para sa taumbayan. Sa loob ng pitong taon bilang

isang mambabatas sa ilalim ng Bayan Muna, siya ay naging author at

co-author ng 472 na batas at resolusyon, kung saan 9 ang naging batas.

Bilang mga kabataang nagsusulong ng interes ng mga magsasaka

para sa tunay na reporma sa lupa, saksi ang NNARA-Youth sa kakayahan

at dedikasyon ni Colmenares sa pagsisilbi sa bayan. Kaya naman buo

ang tiwala at suporta ng NNARA-Youth kay Cong. Neri Colmenares sa

darating na eleksyon.

Malinaw na kailangan natin ng isang

fighter sa Senado na hindi natatakot

bumangga sa mga mapang-aping asendero

at mga mapagsamantalang dambuhalang

negosyante. Kaya sa darating na Mayo 9,

number 11 sa balota, iboto si Neri Colmenares

sa Senado!

Neri Colmenares:Sa Kongreso man o Senado,

Fighter ng Bayan!

#FighterNgBayan#11Colmenares#VoteColmenares

Page 6: Uhay (April 2016)

uhay 06BALITASIGAW NG MAGSASAKA: IRRI, SALOT!

HAMON NG MAGSASAKA SA ELEKSYONG 2016:TUNAY NA REPORMA SA LUPA!

ni Mieka Otani Fernandez

ni Lester Gueta

Naglunsad ng kilos protesta ang mga magsasaka ng Timog Katagalugan kasabay ng paggunita sa ika-56 taon ng International Rice and Research Institute (IRRI) sa Los Banos, Laguna noong Abril 4.

Nagtipon at sama-samang nagmartsa ang mahigit 200 magsasaka mula sa Junction ng Los Banos, patungong tarangkahan ng IRRI. Ito ay upang maipahayag ang kanilang mga hinaing laban sa mahigit kalahating siglo nang pagiging inutil at salot ng nasabing institusyon. Sa halip na maglingkod sa mga magsasaka, ang IRRI ay lalo lang nagpakasakit sa kanila.

Itinatag ng rehimeng Marcos ang IRRI noong 1960 para sa tinawag nitong “Green Revolution.” Ito ang paggamit umano ng mga pinakaabanteng teknolohiya sa agrikultura para wakasan ang kagutuman sa bansa. Gagawin ito sa pamamagitan ng mga bagong tipo ng binhi na mas marami ang ibinubunga (o high-yielding varities).

Sa aktwal ay naging instrumento lang ito ng mga dambuhalang dayuhang korporasyon (o agro-transnational corporations), at mga lokal na negosyante sa agrikultura at mga panginoong maylupa para pagkakitaan ang lugmok na kalagayan ng mga magsasaka. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagmomonopolyo sa mga bagong binhi at mga pamamaraan para palakihin ito. Dahil sa mataas na pangangailangan ng mga bagong binhing ito sa mga kemikal, lalong nababaon sa utang ang mga magsasaka. Lubha ding nakasasama sa kalusugan ng mga magsasaka at mismong manggagawa ng IRRI ang pagkakalantad nila sa kung ano-anong kemikal. Dagdag pa, unti-unting pinatay ng pagpapalaganap ng ganitong tipo ng mga binhi ang mga sustenable at tradisyunal na binhi ng mga magsasaka.

Sa harap ng pagkondena ng mga magsasaka sa IRRI, ipinasa ni Marcos ang Presidential Decree 1620 noong 1979 na nagbibigay sa IRRI

ng immunity; ni hindi ito maaring sampahan ng anumang kaso.

Makalipas ang mahigit kalahating siglong pag-iral ng IRRI, lumala lamang ang kalagayan ng agrikultura sa Pilpinas at lalong nalugmok sa kahirapan ang mga magsasaka, Subalit muli na naman itong naglulunsd ng umano’y Second Green Revolution. Ito naman umano ang magiging sagot sa krisis ng pagbabago ng klima (o climate change). Gaya sa naunang green revolution, naglalaman ito ng mga artipisyal at nakatuon-sa-pagkitang pamamaraan ng pagharap sa suliranin sa ating kalikasan. Halimbawa ay ang pagtaguyod nito sa cloud seeding bilang paraan ng pagharap sa tagtuyot - na muli’y napatunayang palpak ng kasalukuyang matinding pa ring pagkasira dulot ng El Nino.

Sa mga ganitong panahon tumatampok ang pangagnailangan para sa syensya at teknolohiyang tunay na naglilingkod sa mga batayang interes ng mamamayang Pilipino.

Noong Pebrero 3 ay hinamon ng mga magsasaka ang mga kandidato ng pambansang elskyong 2016 na magpatupad ng tunay na reporma sa lupa. Inilunsad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang “The Peasant Challenge 2016 and Beyond” upang ipaabot sa mga kandidato ang mga panawagan ng mga magsasaka para sa eleksyong 2016. Ginanap ito sa Balay Kalinaw, UP Diliman.

Bukod sa tunay na reporma sa lupa, bahagi

ng 10-puntong “Adyendang Magbubukid” ang pamamahagi ng Coco Levy Funds, libreng irigayon, suporta sa lokal na agrikultura, pagtigil sa militarisasyon, at pag-alis sa dayuhang kontrol sa ating ekonomya, at iba pa. (tignan ang p.4)

Tanging si Davao Mayor Rodrigo Duterte ang dumalo mula sa lahat ng presidentiables. Nagpahayag siya ng pagsuporta sa pagpapaunlad ng agrikultura ng Pilipinas. Gayunpama’y ilang oras lang matapos ang naturang aktibidad, nagpahayag si Duterte ng pagsang-ayon sa 70% dayuhang pagmamay-ari ng lupain na maaring pahabain ng 40 taon. “Dismayado ang mga magsasaka sa mabilis na pagpihit ni Duterte,” ani Rafael Mariano, tagapangulo ng KMP. “Ang pagpapaupa ng lupa sa mga dayuhan na maaring pahabain ng dagdag na 40 taon ay mas malala kaysa kasalukuyang batas na nagpapahintulot sa mga dayuhang umupa sa loob ng 50 taon at dagdag na 25 pang taon,” dagdag pa niya.

Dumalo rin ang mga senatoriable na sina Vicente “Tito” Sotto, Isko Moreno, at Neri Colmenares.

Ang hindi pagsipot ng iba pang presidentiable

at maraming pambansang kandidato ay “nagpapakita ng kanilang kawalang interes sa repormang agraryo,” ani Antonio Flores, pangkalahatang kalihim ng KMP.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng mahigit

200 magsasaka, propesyunal, taong-simbahan, guro, at mga estudyante.

Kinuhanan noong ika-4 ng Abril, taong 2016 sa pagkilos ng mga

magsasaka sa Timog Katagalugan hinggil sa

ika-56 pagkatatag ng IRRI

Page 7: Uhay (April 2016)

uhay

Ako’y gumigising tuwing alas singko ng umaga at humihigop ng isang tasa ng mainit na kape. Ito’y aking pampakalma sa aking katawan at pampagising sa aking diwa upang masimulan ang araw na paparating. Ito ang aking araw-araw na ritwal sa aking pakikipamuhay sa Binangonan at Cardona sa Rizal. Kasama ko sina Patricia Mungcal at Krizia Dela Cruz sa loob ng 31 na araw; kami ay namuhay kasama ang mga mangingisda ng Ticulio, Pipindan, Lunsad, at Limbon-limbon. Dito namin nalaman ang kanilang tunay na kalagayan at kung paano lumaban ang mga mangingisda ng Rizal.

Mayroon akong tatlong bagay na napagtantuan sa aking pakikipamuhay sa komunidad ng mga mangingisda. Una, ang paglubog sa masa ay isang mahalagang hakbang para sa isang tao upang tunay na maunawaan ang kalagayan ng isang sektor. Bago pa mag-umpisa ang aming practicum, malinaw na sa akin ang layunin nito: kami ay mamulat sa mga suliranin na hinaharap ng mga komunidad ng aming lulubugan at makita ng amin mismong mga mata ang problema sa sistemang umiiral sa ating bansa. Ngunit, hindi ko alam kung paano ko ito isasapuso at hindi ko din alam kung sa paanong paraan ako tunay na lulubog sa masa. Matapos ang isang buwan, nakita ko na ang sagot sa aking mga katanungan. Simple ang sagot: Huwag isipin at hayaan ang komunidad magturo sayo. Ang proseso ng paglubog ay hindi naging madali dahil sa mga nakasanayan sa Maynila. Ngunit matapos ang isang linggo, aking nadama ang pagiging bahgi ng komunidad na aking nilulubugan. Ang kanilang suliranin, kahit hindi ako direktang apektado ay mayroon nang personal na koneksyon. Ang practicum na ito ay mahalaga dahil ito ay isa sa mga pinakamagandang paraan upang mamulat, at magising ang isang mag-aaral ng kaunlaran sa isang sektor ng bansa. Aking nadama ang

pagkasakatuparan ng layunin ng pakikipamuhay nung ako’y nasa Brgy. Lunsad at nagbigay ako ng isang maikling talumpati tungkol sa aming mga karanasan sa barangay nila at ipakitang hindi iba ang dinaranas nila sa iba pang barangay. Sa aking pagsasalaysay, bigla akong napuno ng halo-halong emosyon. Saya, lungkot at galit. Sa isang bahagi ng aking pananalita, kinailangan ko nang magpigil ng luha. Matapos ng talumpating ito, ako’y napaisip sa aking mga naramdaman. Ito ang punto kung saan nagkaroon ako ng personal na ugnayan sa mga komunidad na aking nilubugan.

Ikalawa, mas tumaas ang tingin ko sa mga community organizer. Dito ko lang nakita ang oras na ibinibigay ng bawat community organizer para sa komunidad na kanyang ino-organisa. Kabalikat din nito ang pamumuhay ng simple at sapat. Dito ko rin nakita ang kanilang dedikasyon sa paglingkod sa masang Pilipino. Sila ang mga taong hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala sa kanilang mga gawa at sakripisyo.

Ikatlo, mas masasabi ko na ito’y isang katanungan pa lamang para sa aking sarili at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot: kaya ko bang ibigay ang aking buhay para sa laban ng masa? Matapos ang lahat ng pananaliksik, pakikipag-usap, at pakikisama sa mga nilubugang komunidad, alam ko na dapat may ipaglaban at dapat lumaban. Ang mga mangingisda ay isang espesyal na sektor ng masa, tulad ng mga magsasaka. Hindi sila pwedeng mawala at dapat silang bigyan ng suporta ng pamahalaan. Lahat ng ito ay namulat sa akin sa loob ng isang buwan,ngunit hanggang ngayon, isang tanong pa rin ang humihingi ng sagot mula sa akin: handa ka bang ibigay ang iyong buhay para sa laban ng masang Pilipino?

Alas-tres ng madaling araw noong Pebrero 27, sa edad na 59, pumanaw ang masigasig na lider-magsasakang si Ka Nestor Villanueva dahil sa kanyang mga karamdaman.

Walang-kapagurang inialay ni Ka Nestor ang kanyang buhay para sa lahatang-panig na pagsusulong ng pakikibaka ng mga kapwa magsasaka at Pilipino para sa tunay na reporma sa lupa - tungo sa isang maunlad, makatarungan, at mapayapang kinabukasan.

Mula sa kanyang kabataan ay aktibo na si Ka Nevtor sa pakikibaka para sa interes ng magsasaka at mamamayang Pilipino. Una siyang na-organisa sa Kabataan Para sa Demokrasya at Nasyonalismo (KADENA) noong 1970s. Malaki ang kanyang naging papel sa pagkakatayo ng mga samahang magsasaka sa bayan ng San Antonio at Kalayaan sa Laguna. Pagsapit ng 1990s, siya ay naging tagapangulo ng Kapisanan ng Magbubukid sa Sierra Madre (KMSM). Matapos mapabilang sa hayok na pagtugis ng berdugong si Jovito Palparan sa mamamayang lumalaban noong 2000s, lumipat si Ka Nestor at kanyang pamilya sa Sta. Cruz, Laguna. Makalipas ang ilang taon ay naging tagapangulo naman siya rito ng Pagkakaisa at Ugnayan ng Magbubukid sa Laguna (PUMALAG). Naging tagapagsalita rin siya at tagapangulo ng Katipunan ng mga Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), rehiyunal na tsapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Siya rin ang tumayong pambansang tagapagsalita ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM).

Maging sa hanay ng kabataan at mga estudyante ay maningning ang naging papel ni Ka Nestor. Regular s’yang umaalalay sa NNARA-Youth sa iba’t ibang aktibidad at kampanya hinggil sa reporma sa lupa at iba pang usaping magsasaka, upang direktang pukawin ang kabataan. Napakalaki

ng kanyang naging ambag sa pagmumulat, pagpupukaw, at pagpapaliwanag sa mga kabataan at estudyante sa mga room-to-room discussion, forum, mobilisasyon, kampuhan, at focus-group discussion dito sa Kamaynilaan, at lalo sa pagtulong niya sa pakikipamuhay ng mga estudyante sa mga magsasaka sa mga bukid at sakahan ng Timog Katagalugan.

Noong Marso 1 ay binigyang-parangal si Ka Nestor ng iba’t ibang organisasyong kanyang nakasalamuha, kasama na ang mga indibidwal na kanyang napukaw at nakakilala. Tinanggap na kanyang naiwang pamilya ang mga mensahe, tulong, at ilang plake ng pagkilala sa kaniyang masikhay na buhay ng pakikibaka.

Napakalaking kawalan para sa uring magsasaka at mamamayang Pilipino ang pagpanaw ng isang masigasig at masikhay

na lider-magsasaka sa katauhan ni Ka Nestor. Gayunpaman, makakaasa si Tatay Nestor na walang-kapaguran ding ipagpapatuloy at ipagtatagumpay ng kabataang kanyang malugod na pinukaw at binigyang-aral ang makasaysayang pakikibaka ng magsasakang Pilipino.

07 LATHALAINPAGPUPUGAY SA BUHAY AT PAKIKIBAKA

ni KA NESTOR VILLANUEVA

Pagpupugay at paalam Ka Nestor! Tuloy ang laban!

Pakikipamuhay: Buwan ng aral at pagkamulatni Christian Billiones

Page 8: Uhay (April 2016)

uhay

PAGPUPUGAY para sa mga magsisipagtapos na kasapi ng NNARA- Youth! Tunay ngang kahanga-hanga ang piliing maglingkod sa malawak na mamamayan at manindigan kaisa nila - kasabay ng tuloy-tuloy na pag-aaral. Higit lalo ang magawang lumubog at makipamuhay sa masang magsasaka na pangunahin nating piniling paglingkuran at makipagkaisa sa pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa. Ngunit ano pa bang mas hihigit, kung ang ating pinag-aralan ay magagawang paglingkurin sa malawak na ahany ng magsasakang inaapi at pinagsasamantalahan sa kanayunan?

Tunay na mahirap isantabi ang ginhawang ating kinagisnan dala ng bulok na lipunang sa ati’y bumubulag, bumibingi, at nagpapamanhid. Hindi basta-basta ang pagpiling alamin at danasin ang hirap ng buhay at pakikibaka ng magsasaka kaysa makuntento at magpakasaya na lang. Sa kabila nito’y pare-pareho tayong naging bukas sa pagbabago sa ating mga sarili. Bagaman hindi

pantay-pantay ang pag-unlad ng kamulatan, patuloy tayong kapitbisig na nagtutulungan at nag-agapayan sa pamamagitan ng mahigpit na kolektibong pamumuhay.

Ngayo’y tunay na naabot n’yo na ang rurok ng pagkamit ng isa sa mga tipikal na pangarap ng bawat kabataang nakatuntong sa kolehiyo. Ilang araw na lang ang nalalabi bago n’yo tuluyang kamtin ang tagumpay sa entablado at sa wakas ay mahawakan ang mga pinakaaasam na diploma.

Ngunit nananatiling baon sa kahirapan at kagutuman, binubusabos at dinarahas ang malawak na mamamayan, lalo na ang mga magsasaka sa kanayunan. Higit sa ating pagsuporta sa kanila, alam nating walang tunay na pag-unlad ang ating bayan nang wala ang kanila ring paglaya.

Kaya bagaman natapos na ang pag-aaral sa pamantasan, hindi rito natatapos ang pag-aaral ng o pakikisangkot natin sa lipunan. Dahil kasabay ng patuloy na pag-inog ng kasaysayan ay s’ya

ring patuloy na pag-unlad ng mga sistematikong suliranin sa ating bayan at ang kaakibat nitong pag-igting ng pakikibaka ng malawak na mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan. Maaring mula sa pagiging mga kabataan at estudyanteng nakibaka para sa sa edukasyon ay maging kaisa na tayo sa bilang ng mga manggagawang biktima ng direktang pagsasamantala at pang-aapi ng mga dambuhalang korporasyon - at nakikibaka para sa sapat na sahod, maayos na trabaho, atbp.

Kaya’t hindi matatapos ang pakikibaka. Hamon sa atin na pilliing mulat, ubos-kaya, at buong-panahon itong tanganan. Maaaring sa loob tayo ng pamantasan namulat at nagsimula, pinagtibay ng pakikipamuhay ang paninindigan; sa paglubog sa kanayunan at sa malawak na mamamamayan. Dito tayo natutong magmulat, mag-organisa, at magpakilos nang magkakasama. Ngunit hindi sa ating pagtatapos natatapos ang ating pagkilos - hindi sa paglabas ng pamantasan, hindi kailanman.

08Para sa mga Magsisipagtapos:

Ipagpatuloy ang Pagsisilbi sa Bayan!

LITERATURA

KABATAAN TUMUNGO SA KANAYUNAN, PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!

BHB (Bigas Hindi Bala)ni Mieka Otani Fernandez Manipis ang dalisdis ng hangin,Sumasama ang alikabok ng tuyong pinong buhangin.Pitong buwan nang tigang ang lupang pangako; taniman ng pagkain.Pitong buwan nang naghihikahos, kumakalam ang sikmura ng mga magsasakang walang makain. Magsasakang walang makain? Magsasakang walang makain?!Teka, teka- OO! Magsasakang walang makain. Pitong buwan na pala... Oh teka, alam ko’ng nakita mo,Wag ka munang maingay,Mamaya mag-usap tayo. Ganito, ipihit ang plaka pabalik ng panahon,Gusto kong makita mo kung anong meron noon. Tatlo, dalawa, isa. Patak. Patak. Patak.Naririnig mo bang tumatagaktak?Sahurin mo ng palad moAng bawat butil ng bigas, isilid mo sa sako. O teka, alam ko’ng nakita mo,Wag ka munang maingay,Mamaya mag-usap tayo. Ganito, Ipihit ang plaka pabalik ng panahon,Gusto kong makita mo kung anong meron noon. Tatlo, dalawa, isa. Naririnig mo ba?Tumatagaktak ang ulan sa mga bubong nila.Hudyat ito ng lubhang sagana para sa mga magsasaka!Mga pananim sa wakas ay mabubuhay na!Pero, teka... bakit wala pa?Hindi ba’t nangako sila ng suporta? O teka, alam ko’ng nakita mo,Wag ka munang maingay,Mamaya mag-usap tayo. Ganito, ipihit ang plaka pabalik ng panahon,Gusto kong makita mo kung anong meron... mula noon hanggang ngayon.

Ang tagal! Bakit napakatagal?!Tatlo, dalawa, isa-Tatlo, dalawa, isa-Tatlo, dalawa, isa!Tangina! Pitong butwan na! Tigang na ang lupa ng mga mag-uumaWalang makain ang kahit sino sa kanila.Umaasa, nananawagan, nagmamartsa at naninindigan.

Umaasa, nananawagan, nagmamartsa, at naninindigan! Anim na libong boses na pagkain ang kahilingan.PAGKAIN ANG KAHILINGAN! O teka, teka, alam ko’ng nakita mo. . .Nakita mo ang mali sa unang bahagi ng tulang ito. Hindi lang ikaw ang nakakita nito. Maging ang mga mata ng kartel na sumasahod ng bigas mula sa ikalimang saknong nitong tulang naririnig mo. Sila na nakatanaw sa El NinoDalawang taon bago pa mangyari ito.Sila na piniling magkibit-balikatAt pagnakawan ang sambayanang Pilipino! Sila rin ang mga mata na tumatanawNang malayo at harap-harapanSa teleskopyo, upang magpakawala ngBala at makatama ngInusente—asintado! Katulad ng init na tumigang sa lupa upang matigang ito.Ang init din ng mga tansong pumapasok sa pagitan ng mga lama’t buto.Katulad ng gutom na bumubutas sa sikmura ng bawat gutom na magsasakang Pilipino,Ang kawalan nila ng awa at lantarang pagsasawalang-bahala sa karapatang pantao! Tatlo, dalawa, isa- Tatlo, dalawa, isa- Tatlo, dalawa, isa!Dinggin mo ang ratrat ng M16 na naging tugon nila,Sa lehitimong panawagan ng mga gutom na magsasaka!Kasabay ng paghiyaw nila mula sa mala-impyernong sakit ng tama ng bala. Tatlo, dalawa, isa. Patak. Patak. Patak.Diniligan nila ng dugo ang kalsada.Para sa TUWID NA DAANG IHINAHANDA NILA... Tatlo, dalawa, isa-Tuyo na ang luha, ngunit basa ng dugoAng mga kamaong nananatiling mahigpit na nakakuyomAt kailanma’y walang balak sumuko. Ngayon, ano na?... nakita mo na ba?Ang mali sa WALANG MAKAIN ANG MGA MAGSASAKA?! Muli, ipihit ang plaka.Ngayon naman, upang magpatuloy ito.Dahil gusto kong makita mo... Tatlo, dalawa, isa-Naririnig mo na ba?Muli, nagmamartsa sila.Hustisya ang panawagan,BIGAS HINDI BALA!

Tatlo, dalawa, isa - na’san ka?Kasama sa hanay, kaisang nakikibaka.

Ang Huling Pahayag ni Bonifacio sa mga Anak ng Bayan Hinggil sa Lupani Jethro Pugal

Lupa. Lupa ang pakay ng dayuhang taga-dagatPinangalan sa haring umalila ng lahatEspada, Conquistador, encomienderoKrus, prayle, haciendero

Lupa. Lupa ang pinaghatian ng mga sakim at ganidLupa ang naglibing sa umaalam ang tinigSinunog para tamnanTinamnan para sunugin

Lupa. Lupa ang nagbuklod sa masang pinagsasamantalahanLupang nagliliyab ang bumuhay sa diwang mapanlabanLupa ang panawagan ng ating Katipunan

Lupa. Lupang tinubuan ang buong pusong inibigLupang ipinaglaban ng mga magbubukidLupang binuhusan ng dugo ng kapatid

Lupa. Lupang pinag-agawan ang bumuo sa TejerosLupa ang humati sa hacienderos at bodeguerosLupa ang sumalubong sa aking mga mataNang kapangyarihan ay muling naagaw na nila

Lupa. Lupa ang dumampi sa aking mga labiNang tinatapak-tapakan ang kamay na nakataliMay tama ang balikat, may sugat ang leegKahit aking katawan ay sa lupa bumabalik

Lupa. Daangtaon ang lumipas at hanggang ngayonLupa’y nawawalaHeneral Trias? Heneral Alvarez? Heneral Aguinaldo?Pinaghahatian pa ng mga kunwaring rebolusyonaryo

Lupa! Mabuti pa ang taksil sa bayan may lupaMga mismong nagbubungkal wala!

Lupa. Salinlahi ni EmilioSumakay pa ng kabayoPalibutan mo pa ang sarili moNg mga bayaran mong sundaloTandaan mo ang nakatarak sa lupang ito

Lupa. May oras ding ika’y babagsakAt sa lupang inaangkin ika’y mabubulokAt ika’y babalik sa walang kwentang alikabokAt sa muling pagdigma ng bayanAy uusbong ang bagong lipunanIsang lipunang wala nang luhaIsang lipunang lahatMay lupa