tinig enero 2016 ikalawang edisyon

Upload: anakbayan-ph

Post on 25-Feb-2018

233 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    1/8

    KULTURA

    ENERO 2016IKALAWANG EDISYON

    Serye ng protesta laban sa pagbabago ng kurikulumsa UP, matagumpay

    #OverridePNoy: Lumalakas na paglaban sa pag-veto niAquino sa SSS pension hike

    Palayain ang mga kabataang bilanggong pulitikal!

    Dakilain ang alaala ng FQS, higit na pasiklabin ang mgapakikibakang masa

    EDCA: pagbabalik ng base militar sa Pilipinas

    Mga krimen ng mga tropang Amerikano sa ilalim ngMilitary Bases Agreement at Visiting Forces Agreement

    3

    3

    4

    5

    6

    7

    >>>Ituloy sa p2

    WALKOUT! Labanan ang pagtaas ngmatrikula at mga bayarin! Panagutin siAquino: pahirap, kurap at tuta!Tinatawagan ang lahat ng mga kabataan at mag-aaral na ilunsad angmga malalaking pambansang walk-out sa mga susunod na linggolaban sa pagtaas ng matrikula at mga bayarin. Ipanawagan natin angpagbabasura ng K-12 at mga makadayuhang patakaran sa edukasyon.Biguin natin ang mga pahirap, korap at makadayuhang patakarangitutulak ng rehimeng US-Aquino.

    Habang lumalapit ang pagtataposng termino ni Aquino, lalo nitongminamadali ang pagtutulak ng mgapatakarang kontra-mamamayanat makadayuhan. Inaakala nitongmakokopo ang suporta ng US at

    malalaking negosyo para sa kulelatna kandidato nitong si Mar Roxas naipipilit na ipanalo sa pamamagitan ngpanloloko, pandarahas at malawakangpandaraya sa halalan.

    Pinapaspas ni Aquino ang pagpapatupadng mga kurakot na kontrata ngpribatisasyon at mga kasunduang gayang Enhanced Defense CooperationAgreement (EDCA) na magbibigayng base militar sa mga sundalong

    Amerikano.

    Para sa mga kabataan at mag-aaral, nangangahulugan ito ng masmatitinding atake sa karapatan saedukasyon. Nakaamba na namanang muling pagtaas ng matrikula atmga bayarin sa mga pamantasan sabuong bansa kasabay ng mga bogusna konsultasyon sa kampus ngayongunang kwarto.

    Mula ng naluklok si Aquino, halosdumoble na ang matrikula sa mgapamantasan mula sa nasa P30,000-50,000 na aabot na sa nasa P60,000-100,000 kada taon para sa kolehiyoTaun-taon, tumataas ng aabot sa 10%ang matrikula sa kolehiyo. Mas mataaspa ito sa elementarya at high schoolLabas pa rito, umaabot sa nasa P20,000ang other school fees o mga bayaringhinuhuthot sa mga mag-aaral na taun-taon ding itinataas at nadadagdaganDahil sa patuloy na pagpapatupad ngpatakaran ng deregulasyon, walang tigiang pagtaas ng matrikula at mga bayarin

    Bilyun-bilyong piso ang kinakamal natubo ng malalaking kapitalista-edukadosa pakikipagsabwatan nila sa gubyernoAng sampung pinakamalalakingpamantasan sa University Belt saMaynila pa lamang ay nagkamal nang lalagpas na sa P3 bilyon noongnakaraang taon lamang. Sa kaso ngUnibersidad ng Santo Tomas na non-proft na paaralan, P1.4 bilyon angnakamal na kita nito noong nakaraangtaon lamang.

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    2/8

    2 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

    Sa mga pampublikong pamantasan,itinutulak din ang pagtataas ng matrikulaat paniningil ng patong-patong na mgabayarin para pagkakitaan ang mgamag-aaral habang kinakaltasan atkinukulimbat ang pondong nakaalaansana para sa mga paaralan.

    Ang pagpapatupad ng K-12 ay lalo ring

    nagtutulak sa pagtataas ng matrikula,mga bayarin at iba pang mga gastusinsa pag-aaral.

    Higit na kahirapan ang idudulot ng taas-matrikula sa mga kabataan at kanilangmga pamilya. Malaking dagdag sagastusin ng pamilya ang idudulot nitohabang wala namang pagtaas sa sahodng mga manggagawa. Ngayon palamang, umaabot na sa lagpas kalahating gastusin ng karaniwang pamilya angnapupunta sa matrikula. Lalabas na

    ang kinikita ng karaniwang pamilya nanasa P235,000 kada taon ayon sa datosng gubyerno, at lalo na ng mahirap napamilya na nasa P69,000 kada taon ayhindi magiging sapat para magpaaralng kahit isang anak lamang.

    Kaya naman hindi kataka-taka nadumarami ang drop-outs at mgahindi nakakapag-aral. Ayon sa datosmismo ng gubyerno, nasa kalahating mga kabataang nasa edad anghindi na pumapasok ng paaralanhabang 2 lamang sa 10 na mga mag-aaral na pumapasok sa kolehiyo angmakapagtatapos.

    Tiyak na sasahol pa ang kalagayangito sa pagpapatupad ng K-12 ngayongtaon. Layon ng K-12 na pasahulin angedukasyong Pilipino para umayon sapangangailangan ng dayuhang kapitalpara sa mura at supil na lakas-paggawa.Itutulak din nito na huwag nangmagkolehiyo ang mas marami, higit naisasapribado ang edukasyon at lalongpalolobohin ang bilang ng drop-outs.

    Samantala, lalo rin nitong gagawingkomersyalisado at makadayuhan angedukasyong kolehiyo gaya ng ginagawangayong pagbabawas ng generaleducation units at pagbabago ngkurikulum sa Unibersidad ng Pilipinas.

    Dapat kumilos ang libu-libongkabataan at mag-aaral, kasamaang kanilang mga guro at magulangpara itulak ang gubyernong Aquinona itigil ang pagtaas ng matrikula atibasura ang iba pang mga bayarin sapamantasan.

    Dapat harapin ng mga walk-out angmga bogus na konsultasyon at mgaanunsyo ng pagtataas ng matrikula atmga bayarin. Dapat pigilan ng sama-samang pagkilos ang pagpapatupadng K-12 program. Dapat ding maginghandang salagin ang mga hakbangingpanunupil sa loob at labas ng mgapamantasan para pigilan ang mgaprotesta ng mga mag-aaral.

    Ang mga pagkilos sa mga kampusay dapat ikawing sa mga isyu atpakikibakang pambayan para higitna ilantad, labanan at panagutin angpahirap, kurap, tuta at pasistangrehimeng US-Aquino. Dapat pasiglahin

    ang pakikibaka para sa dagdag-sahod, laban sa kontraktwalisasyon,para sa tunay na repormang agraryoat paglaban sa mga neoliberal napatakaran ng rehimen. Dapat malakasna labanan ang pagbabalik ng base

    militar ng US sa bansa sa pamamagitanng EDCA. Dapat harapin ang pandarayaat pagmamaniobra ng rehimen sahalalan para ipanalo ang kandidatonito. Dapat matatag na labanan angkampanyang panunupil at pandarahassa mamamayang lumalaban.

    Sa paglakas ng mga protesta apaglaban ng kabataan at mag-aaral, tiyakin natin na makamit angmakabuluhang paglawak ng kasapianng Anakbayan at pagpapalaki ngating mga balangay. Gamitin din natinang panahon ng kampanya para saeleksyong 2016 para makapagpalawaksa pinakamarami ng mga kasapi aboluntir ng Kabataan Partylist namaaaring reklutahin sa Anakbayan.

    Kamtin natin ang makabuluhang pag-abante sa pangkalahatang gawainng pagpupukaw, pag-oorganisa atpagpapakilos ng kabataan at mag-ambag tayo ng malakas sa pag-abante

    ng pangkalahatang kilusang masa tungosa panibago at mas mataas na antasTanging sa sama-samang paglabanmakakaasa ang kabataan ng masmagandang bukas para sa bayan.

    WALKOUT: Pebrero 24 at Marso 11

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    3/8

    3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 BALITA

    Serye ng protesta laban sa pagbabago ngkurikulum sa UP, matagumpay

    Tinuligsa ng Anakbayan-UP Diliman angpanukalang bawasan ang kasalukuyang45-unit General Education (GE) programpababa sa 21 unit bilang isang kolonyalna hakbang na naglalayong iayon angedukasyon sa unibersidad sa demandang malalaking dayuhang negosyo parasa murang paggawa.

    Sa botohan ng University Council sapagpupulong nito noong Enero 25, lumabas

    na 256 ang tutol habang 187 lamang angpabor sa kagyat na pagpapatupad ngpagbabago sa GE program. Nagkaisahansa pagpupulong na dapat pag-aralanmuna ng mas malalim ang panukalangpagbabago sa kurikulum.Ang pagliit ng bilang ng mga kursong GEay maghahawan ng daan para sa masmaraming ispesyalisadong kurso sakurikulum na siyang tinutulak ngayon ng

    programang K-12 ni Aquino at ng Aseanintegration, pahayag ng grupo.Dagdag pa ng grupo, gagawin ding

    opsyonal ang pagkuha ng mga kursongPilipino at maglalagay ng mga babala samga kursong ituturo sa wikang Pilipinona parang pinipigilan ang mga estudyantena kunin ang mga nasabing kurso.

    Hindi kami dapat hulmahin upangmaglingkod sa interes ng dayuhan atubo. Ang kinakailangan namin ay isangtunay na progresibo, makabayan, apangmasang edukasyon, hindi isang maskolonyal na edukasyon, ani Orly Putongtagapagsalita ng Anakbayan-UP Diliman.Ayon naman sa Congress of Teachers foNational Democracy-UP (CONTEND-UP)ang pagbabawas ng mga kurso sa GEprogram ay maaaring magresulta sa masmaliliit na sahod at oportunidad para saempleyo ng mga instruktor at assistant napropesor na nagtuturo ng mga kursong GENagsagawa ng protesta ang mga grupong mag-aaral at guro sa pangunguna ngAnakbayan at Student Alliance for theAdvancement of Democratic Rights in UP(STAND-UP) sa unang araw ng klase saUP noong Enero 19.Nagmartsa rin ang mga estudyantemula sa UP Diliman patungong

    Commission on Higher EducationQuezon City noong tanghali ng Enero22. Kinalampag din nila ang ginanap napagpupulong ng University Council natumalakay sa nasabing pagbabago ngkurikulum nito lamang Enero 25.

    Matapos ang serye ng protesta, matagumpay na napaatras ng mgamag-aaral at guro ng University of the Philippines (UP) ang panukalangpagbabago ng kurikulum ng unibersidad na kinundena nila bilangkolonyal at kontra-Pilipino.

    #OverridePNoy: Lumalakas na paglaban sapag-veto ni Aquino sa SSS pension hikeBinagyo ng kaliwat kanang protestaat pagkundena ang ginawang pag-veto ni BS Aquino sa matagal nanginaasahang dagdag na P2,000 para samga pensyonado ng Social SecuritySystem o SSS.

    Ayon sa grupong Anakbayan, isangmakatarungang bagay lamang ang SSSpension hike sa harap nang pagiginginutil ng rehimeng Aquino sa pagpigilsa pagtataas ng mga presyo ng bilihin.

    Mariin ding pinabulaanan ng grupo angpahayag ni Aquino na malulugi ng P19hanggang P25 bilyon ang SSS kada taon

    sa oras na aprubahan ang nasabingpanukala. Hindi lang walang pusoang hacenderong pangulo kundi isangmalaking sinungaling, ayon sa grupo.

    Kinundena rin ng Anakbayan angpagtatangka ng gubyernong Aquinona hatiin ang publiko sa pagsasabongng 2.15 milyong pensyonadong seniorcitizen laban sa natitirang aktibongkasapi ng SSS na ayon sa Palasyo ay hindimakikinabang sa pagtataas ng pensyon.

    Pinaliwanag ng grupo na magigingpensyonado at direktang makikinabangsa panukala ang mga kasapi ng SSS saoras na sila ay magretiro sa pagtatrabaho.

    Pinagsususpetsahan din ng grupo angyellow politics na nasa likod ng desisyonni Aquino. Ang pangunahing nagpanukalang pagtataas ng pensyon ay si NerColmenares, isang kritiko ng korap napulitika ni Aquino. Malinaw na pinupulitikanya ang panukalang batas, ayon sa grupo

    Tinatawagan ng Anakbayan ang buongkasapi ng kongreso at senado na i-overrideang pag-veto ni Aquino. Tinatawagan dinng Anakbayan ang publiko na lumahok samga protesta kasama ang mga pensyonadoat itakwil ang manok ng Liberal Party nasi Mar Roxas na magpapatuloy lamang sapahirap na daang matuwid.

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    4/8

    4 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

    Noong Enero 17, hinarang ang mgalider-estudyante at manunulat mula saPolytechnic University of the Philippines(PUP) sa pagbisita nina Jared Morales,Hermogenes Reyes Jr., at Rex Villaor,mga bilanggong pulitikal na kasalukuyangnakadetine sa Special Intensive Care Area-1 sa Camp Bagong Diwa. Hindi pinalusot ngmga gwardya ang mga estudyante sa maingate ng kampo sa kabila ng bitbit nilangaprubadong request letter sa pagbisita.

    Isang linggo ang lumipas, parehong

    pangyayari ang bumulaga sa mga lider-estudyante ng UP na hinarangan din angpagpasok sa Batangas Provincial Jail kungsaan nakabilanggo si Maricon Montajes nadating nag-aaral ng Film sa UP. Ayon sagwardya na naka-duty sa araw ng kanilangpagbisita noong Enero 24, utos daw ngbagong jail warden na si David QuimioJr. na hindi papasukin ang mga bisita ngmga bilanggong pulitikal dahil diumanoespesyal ang mga kaso nila.

    Si Montajes ay isa sa Taysan 3 na dinukotng mga pwersa ng militar noong Hunyo3, 2010 sa Mabayabas, Taysan, Batangas.Nananaliksik si Montajes sa kanyangtesis sa isang komunidad ng mgamagsasaka nang inaresto siya kasamaang magbubukid na si Romiel Canete atkasapi ng Anakbayan na si Ronilo Baes.

    Bakit arbitraryong pinipigilan ng gobyernoang mga bisita sa pagdalaw sa mga

    Palayain ang mga kabataangbilanggong pulitikal!

    Karamihan sa mga tampok nabilanggong pulitikal ay mga beteranosa rebolusyonaryong pakikibaka, tuladna lamang nina Alan Jazmines, WilmaAustria, Benito Tiamzon, atbp. Aabot sa50 ang matatanda habang 82 naman angmay sakit na mga bilanggong pulitikal.

    Ngunit lingid sa kaalaman ng marami,mayroong 136 kabataang bilanggongpulitikal na nasa edad 18 hanggang35 anyos. Aabot naman sa 75 ang mgainaresto at ibinilanggo noong sila ay

    mga kabataan pa.Kabilang sa mga kabataang bilanggongpulitikal sina Guiller Cadano at GeraldSalonga, mga mag-aaral ng University ofthe Philippines (UP) at mga organisador ngKabataan Partylist at Anakbayan-CentralLuzon, na kasalukuyang nakabilanggo saNueva Ecija Provincial Jail. Iligal silanginaresto ng mga elemento ng 3rd InfantryBattalion sa Carranglan, Nueva Ecijanoong Agosto 9, 2014.

    Ang tanging kasalanan nila ay angpagpukaw, pag-organisa, at pagpakilosng mga mamamayan ng Carranglanpara sa kanilang mga karapatan. Sapanahon ng kanilang pagkaaresto,aktibo ang dalawa sa kampanyalaban sa Dalton Pass East AlignmentRoad Project na magreresulta ngpagpapalikas ng mga magsasaka mulasa kanilang mga tahanan.

    Hindi bababa sa 561 ang mga bilanggong pulitikal na nakadetine sa mgakulungan sa ibat ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng rehimeng Aquino. Ganitokarami ang bilang ng mga aktibista at rebolusyonaryong ibinilanggo ng

    estado dahil lamang sa kanilang mga pulitikal na paniniwala.

    bilanggong pulitikal? Hindi lamang itolantarang panunupil sa karapatan ng mgabilanggo. Pinasisinungalingan din nito ang

    mga paulit-ulit na pagtanggi ni BS Aquinosa pagkakaroon ng mga bilanggongpulitikal sa ilalim ng kanyang rehimen.

    Sa katunayan, ang mga bilanggongpulitikal ay pinapatawan ng mga gawa-gawang kasong kriminal katulad ngmurderat illegal possession of firearmsupang itago ang pulitikal na rason sapagdakip at pagbilanggo sa kanilaMarami sa kanila ang tinorture, inalisanng due process, at nagdurusa sa mga di-makataong kondisyon sa mga masikipna selda na napatunayang naglalagaysa buhay ng mga matatanda at maysakit na bilanggo sa panganib.

    Ang mga kahabag-habag na kondisyong itoay isa sa mga nagtutulak sa mga bilanggongpulitikal sa ibat ibang dako ng bansa namaglunsad ng hunger strike mula Enero12 hanggang 17. Sa kabila ng mahirap nakalagayan sa loob ng selda, patuloy sila sapagtatanggol ng kanilang mga karapatanpaglaban sa panunupil, paggigiit para samas makataong kundisyon sa loob ngkulungan, at pagpapanawagan para sakanilang sariling kalayaan.

    Hindi maitangging ang mga bilanggongpulitikal ay mga indibidwal na inalay ang

    kanilang mga sarili sa paglilingkod sasambayanan at pagsusulong ng panlipunangpagbabago kahit na nangangahulugan ito ngkanilang pagkabilanggo.

    Akala ng gobyernong Aquino na angpagbilanggo sa kanila ay paglilibing ngkanilang mga pakikibaka sa loob ngbilangguan. Sa halip na maging panakotsa mamamayan, mas lalo lamangnagbigay ng inspirasyon ang ehemplo ngmga bilanggong pulitikal sa mga bagonghenerasyon para mangahas na lumabanat isulong ang pambansa demokratikongpakikibaka hanggang sa tagumpay.

    Mga BilanggongPulitikal sa ilalim ngrehimeng Aquino

    Total na bilang ngBilanggong Pulitikal: 561Mga kabataangBilanggong Pulitikal: 136Mga inaresto at ibinilanggonoong sila ay mga kabataan pa: 75

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    5/8

    5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 LATHALAIN

    kabayanihan ng sambayanang Pilipinoat ang malaking papel ng kabataan sapagsulong ng paglaban sa pang-aapiat pagsasamantala.

    Sumigla rin ang kilusan ngpakikipamuhay ng mga kabataanat estudyante sa mga manggagawaat magbubukid sa mga piketlayn,pagawaan, maralitang komunidad,at sa kanayunan. Naglunsad din ngmaraming mga pagkilos ang mgakabataan sa mga kabisera at sentronglungsod ng ibat ibang probinsya.

    Ang mga kondisyong ito ay niluwalng ilang taon ng walang sawa atsolidong pagpupukaw, pag-oorganisaat pagpapakilos ng kabataan atmamamayan sa linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon na may

    sosyalistang perspektiba.

    Nagbunga ang FQS ng libu-libongkadret masang aktibista na nagingbag-as ng kilusang rebolusyonaryo. Angkilusang ito ang namuno sa paglaban atkalaunay pagpapatalsik sa pasistangdiktadurang US-Marcos.

    Sa kasalukuyan, dinaranas ngsambayanang Pilipino ang walangkatulad na kahirapan na dulot ng pang-aapi at pagsasamantala ng dayuhansa pakikipagsabwatan ng mga lokal

    Naging mitsa ng pagputok ng FQS angdemonstrasyon ng mga estudyante,kabataang maralita, manggagawaat magsasaka noong Enero 26, 1970sa harapan ng Kongreso kung saannagtatalumpati noon si Marcos.Dahas ang kagyat na naging tugon ngrehimeng US-Marcos sa pagkilos na itona pinangunahan ng KM.

    Sa kabila ng panunupil ng estado, higitna sumiklab ang galit ng mamamayan.Libu-libo pa ang dumagsa saMalakanyang noong Enero 30, 1970upang kondenahin ang mga pasistangpatakaran at kontra-mamamayangprograma ng rehimeng US-Marcos.

    Nasundan pa ito ng malalaki atsunud-sunod pang mga kilos-protestahanggang Marso 1970. Linggu-

    linggo, mahigit 50,000 hanggang100,000 ang umokupa sa mga plazang Kamaynilaan at nagmartsa sa mgalansangan patungong Malakanyang atUS Embassy.

    Umalingawngaw sa mga lansanganang mga islogang Makibaka! Huwagmatakot! at Sagot sa Martial law,Digmang Bayan! Buong giting nahinarap ng sambayanan ang dahas ngestado sa pangunguna ng armadongpwersa nito. Pinatunayan ng FQSsa kasaysayan ang nagpapatuloy na

    Apatnaput anim na taon na ang nakalilipas ng pinagpuyos ng kabataan,sa pangunguna ng Kabataang Makabayan, ang mga bugso ng paglaban natumagal ng tatlong buwan mula Enero hanggang Marso 1970, na tumataksa kasaysayan bilang Sigwa ng Unang Kwarto o First Quarter Storm(FQS).Binigwasan nito ang kabulukan ng naghaharing sistema na pinamumunuannoon ng rehimeng US-Marcos sa pamamagitan ng papalaking daluyong ngmga protesta sa ibat ibang panig ng bansa.

    na naghaharing uri sa pamumuno ngrehimeng US-Aquino.

    Marapat na higit na magpunyagi apaghusayin ng mga kabataan angpagpupukaw, pag-oorganisa, a

    pagpapakilos ng mas marami pangbilang ng mamamayang Pilipino parasa pambansang demokrasya.

    Wala nang ibang mas makabuluhangpagdakila sa alaala ng FQS kundi angmuling pagpapalakas ng daluyongng paglaban ng mamamayan at sagitna nito, ang pagdagsa ng kabataanupang magiting na makibaka sapiling ng masang anakpawis, sa mgasentrong bayan man o sa kanayunanupang pawiin ang lahat ng pang-aapi atpagsasamantala.

    Mga tampok na pagkilos

    ng FQS ng 1970

    Enero 26: Pagkilos ng 50,000demonstrador sa okasyon ng Stateof the Nation Address ni PanguloFerdinand Marcos sa lumang Batasan.300 kabataan ang nasugatan dahil samarahas na dispersal.

    Enero 30:Nagprotesta ang libu-libongestudyante at kabataan sa harap mismong Malakanyang. Aabot 4 estudyante angpatay at 162 ang sugatan nang linusobng mga pulis ang mga demonstrador.

    Pebrero 12: Mahigit 100,000demonstrador ang nagtipon saPlaza Miranda upang kundenahinang pagpatay ng 4 estudyante noongEnero 30.

    Pebrero 18: Itinanghal ang isangPeoples Congress sa Plaza Mirandaat 10 iba pang probinsya sa labas ngMaynila. Sa gabi, nagmartsa ang mga

    kabataan patungo sa US Embassykung saan binugbog nanaman ngpulis ang iilan sa kanila.

    Pebrero 26: Nagmartsa ang mgagrupo ng kabataan papuntang USEmbassy at sa Mendiola. Aabot sa 120ordinaryong mamamayan ang inarestoat 80 naman ang nasugatan mataposnapagkamalian na mga aktibista

    Marso 3: Inorganisa ng Movement fora Democratic Philippines (MDP) angisang Peoples Marchmula sa WelcomeRotunda ng Quezon City patungongPlaza Lawton sa Maynila. Sinamahanang kilos-protesta ng strike ng mga

    tsuper ng jeepney.

    Marso 17 Inilunsad ang ikalawangmartsa na tinaguriang Poor PeoplesMarch. Nagtanghal ng isang mocktribunal sa Plaza Moriones kung saanhinatual ng mga demonstrador angmga kaaway ng mamamayan.

    Dakilain ang alaala ng FQS,higit na pasiklabin ang mgapakikibakang masa

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    6/8

    6 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANKULTURA PAHAYAG

    sa libreng pagsakop at paggamit nglupaing Pilipino at malayang paglabas-masok ng kagamitan at tauhan.

    Matatandaan ding sa ilalim ngibinasurang MBA at ng hanggang sangayoy epektibo pang Visiting ForcesAgreement (VFA) na kaakibat ngpresensiyang tropang kano sa bansa,ibat ibang porma ng pang-aabuso angdinaranas ng mamamayan.Noong Enero 19, inanunsyo nggobyernong Aquino na ibubukas nitoang walong lugar sa bansa para sa mgapwersang Amerikano. Isang araw bagonito, noong Enero 18, idineklara namanng Korte Suprema na konstitusyonalang EDCA sa kabila ng pagyurak nito sapambansang soberanya ng Pilipinas atng mga kaakibat na sari-saring pahirapna dala nito.

    Malinaw na ginamit ng gobyernongAquino ang lahat ng paraan, kabilangna ang paghawak nito sa leeg ng KorteSuprema, upang gawing lehitimo ang

    Nilusob ng mga kabataan angEmbahada ng Estados Unidos samadaling araw ng Enero 21. Binato ngpintura ng mga kabataan ang gate attatak ng Embahada upang ipakita angpagkamuhi nila sa panghihimasok ngimperyalismong US sa bansa.Nangalampag din ang mga estudyantesa malalaking eskuwelahan saKamaynilaan at buong bansa noongEnero 22 bilang tugon sa isangpambansang araw ng pagkilos paraipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas.Kinukundena ng Anakbayan angkatrayduran ni BS Aquino samamamayang Pilipino sa pagtulaknito ng EDCA. Iginiit ng grupo na masmasahol pa ang EDCA sa MilitaryBases Agreement (MBA) ng 1947 naibinasura noong 1991.Kung ang MBA ay nagbukas ng basemilitar sa dalawang pook lamang saClark at Subic, ibinubukas ng EDCA anghalos buong kalupaan ng Pilipinas para

    Sa pagbukas ng bagong taon, sunud-sunod na mga kilos-protestalaban sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) anginilunsad ng mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan

    at League of Filipino Students (LFS).

    pagbenta ng kasarinlan ng bansa samga amo nitong imperyalista.Isang kasinungalingan ang pinapalabas

    ng gobyernong Aquino na makakapag-ambag ang EDCA para sa pagtatanggong teritoryo ng bansa laban sa agresyonng imperyalistang Tsina.Sa katunayan, maaaring pasalubong nAquino sa US ang EDCA upang makuhaang pag-endorso nito sa kulelat nakandidato sa pagkapangulo ng LiberaParty na si Mar Roxas.Maaalalang ibinalita noong Setyembre20, 2015 sa dayuhang pahayagan na NewYork Times ang sikretong pakikipag-usap ni Aquino sa US para sa mulingpagbuhay ng mga base militar kapalitang $300 milyon o P13.9 bilyon.Walang pagkakaiba kung sa gayon kayEmilio Aguinaldo ang ginawa ni Aquinona pagbenta ng soberanya ng bansapara sa personal na pakinabang.Kung buhay si Heneral Luna, bakanapunyeta niya ang gubyernongAquino. Ang gobyernong Aquino aywalang pinag-iba sa mga traydor nakinamuhian ng ating mga bayani.

    Ilan sa mgagagawing basemilitar ng US: Fort Magsaysay sa Nueva Ecija Crow Valley sa Tarlac Basa Air Base sa Pampanga

    Naval Station San Miguelsa Zambales Antonio Bautista Air Base

    sa Palawan Naval Station Carlito

    Cunanan sa Palawan Benito Ebuen Air Base sa Cebu Naval Base Rafael Ramos

    sa Cebu

    EDCA: pagbabalik ngbase militar sa Pilipinas

    PUNONG PATNUGOTKarlo Mikhail Mongaya

    MGA KAWANI

    Alexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Issa Baguisi, Gem Aramil,

    Eden Mae Galas, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles,

    John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid,

    Uno Knobles, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,

    makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    www.anakbayan.org

    facebook | Anakbayan Phils

    twitter |@anakbayan_ph

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    7/8

    7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 KULTURALATHALAIN

    1983 Nahawaan ng mga sundalongAmerikano ng sakit na AIDS ang 18 minor deedad na babaeng biktima ng prostitusyon.

    Lumala ang prostitusyon sa paligid ng mga

    base militar sa Olongapo at Angeles. Sapanahong ito, aabot sa 3,274 na kaso ngkarahasan laban sa kababaihan ang naitalana mga sundalong Amerikano ang salarin.Wala ni isa sa mga kaso ang umusad.

    1987 Isang dose anyos na batang babaena si Rosario Baluyot ang namatay saisang impeksyon matapos pasukanng sirang vibrator ang kanyang ari ngAmerikanong si Heinrich Stefan Ritter.Napawalang-sala ang akusado.

    1990 Isang 18-buwan na sanggol angnahawa sa gonorrhoea matapos siyang

    1964 Isang 14-anyos na batang lalaki nasi Rogelio Balagtas ay pinaslang habangnangongolekta ng mga punglo sa ClarkAirfeld target range. Binaril siya sa likodng sundalong Amerikano na si Larry Cole.

    Binaril ng mga sundalong Amerikanona sina James Edwards at JamesThomas si Gonzalo Villedo habang siyaay nangingisda kasama ang kanyangkapatid na lalaki sa Subic Bay.

    1968 Pinaslang ng US Marine na siKenneth Smith ang isang batang naglilinisng sapatos na si Rogelio Gonzales.

    1970 Pinaslang ng sundalongAmerikano na si Michael Moomey siGlicer Amor, isang empleyado sa basemilitar, matapos mapagkamalan niya

    diumano itong isang baboy ramo.Binugbog ng dalawang US marinesang 5 manggagawa sa Clark. Tinali ngisang sundalong Amerikano sa kabayoat kinaladkad ang isang sibilyan nanakatira malapit sa base militar.

    Binugbog ng makalawang beses angisang sibilyang nagpuputol ng dahon saloob ng Clark ng aabot sa dalawampungsundalong Amerikano.

    Dinukot at ginahasa ang isang babaeng Gestapo Unit ng Clark Airfeld sa

    Pampanga sa ilalim ni Col. Holman.

    abusuhin kasama ng kanyang nanay ngtatlong sundalong Amerikano sa loobng isang apartment sa Subic.

    1992 Sikretong umalis ng bansa ang

    sundalong Amerikano na si LarryVenaska matapos siyang kasuhan ngisang Pilipina ng panggagahasa.

    2000 Namatay ang isang 6-anyos nabata na si Crizel Jane Valencia sa sakitna leukemia dahil sa kontaminasyon ngmercury sa tubig na kanyang ininom saClark Airbase Command.

    Daan-daang katao na ang namatay dahisa pagkalason mula sa mga toxic nakemikal na itinapon ng mga pwersangAmerikano sa Subic at Clark.

    Mga krimen ng mga tropang Amerikano sailalim ng Military Bases Agreement

    Mga krimen ng mga tropang Amerikano sailalim ng Visiting Forces Agreement

    isang helikopter sakay ang dalawangAmerikanong sundalo sa kanyangsakahan bilang bahagi ng isangclearing operation.

    2005 Ginahasa ni Lance Corporal DanielSmith at ng kanyang mga kasamahanang isang Pilipina sa loob ng isang van.Hinatulan si Smith ng guilty sa salangpanggagahasa ng Makati Regional TrialCourt ngunit ipinuslit siya pabalik saUS ng mga opisyal ng Embahada atgobyernong Arroyo.

    2008Sa isang operasyong militar laban saAbu Sayyaf, pitong sibilyan ang namataykabilang na ang bana ni Rawina Wahid. SiWahid ay idinala nang nakapiring ng mgasundalong Amerikano papunta sa isangkampong militar.

    2002 Tatlong sundalo, kabilang naang Amerikanong si Sgt. Reggie Lane,ang pwersahang pumasok sa bahay niBuyong-buyong Isnijal, isang katutubongYakal, sa Basilan. Binaril sa nasabing

    insidente si Buyong-buyong sa binti.Misterosyo namang namatay si Dr.Julius Caesar Aguila na siyang kumilalasa identidad ni Sgt. Lane bilang isa samga sundalong nagdala kay Buyong-buyong sa ospital.

    2004 Nasugatan si Arsid Baharunhabang nagkokondukta ng targetpractice ang mga sundalong Amerikanosa Zamboanga City.

    Namatay sa atake sa puso si SardiyaAbu Calderon matapos bumaba ang

    2010 Si Gregan Cardeno, na kinuha ngmga sundalong Amerikano na interpretersa Marawi City, ay nakitang patay noongPebrero 2 matapos pa lamang magsimula

    ang kanyang trabaho noong Enero 30.Si Captain Javier Ignacio, isang kaibiganni Cardeno, ay pinatay din mataposniyang tulungan ang pamilya ni Cardenona maisapubliko ang misteryoso nitongpagkamatay.

    2014 Oktubre 11, 2014 nang nakitangpatay sa isang motel ang transgenderna si Jennifer Laude. Napatunayangmay sala si Joseph Scott Pemberton sapagpatay kay Laude sa korte ng Pilipinas

  • 7/25/2019 Tinig Enero 2016 Ikalawang Edisyon

    8/8

    8 ENERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANKULTURA

    Ang Masa Linyang Masa Makibaka, Huwag MatakotMga Awit mula sa FQS

    Ano ang K-12?Dagdag na gastos at pasakit sa mgamagulang ang dalawang taong dagdagna dulot ng K-12. Sa implementasyonniya sa taong ito, sisirit ang bayarinsa eskwelahan. Mag-aagawan pa angmilyong kabataan para makapasok saiilang may Senior High School na siyang

    napakataas din ng matrikula.Para saan?

    Murang lakas paggawa, pagbabansotng sahod at labor export program nggobyerno ang tunguhin ng K-12. Masmaliit na sahod ang matatanggap ngmga semi-skilled gradweyt ng K-12 atilalako sila sa ibayong dagat. Dayuhanat mga malalaking negosyante ang

    makikinabang.

    Stop K-12! Sumama sa Walkoutsa Pebrero 24 at Marso 11!

    III. MAKIBAKA, HUWAGMATAKOT

    Em GMakibaka, huwag matakot

    Am DHarapin ang kahirapan

    Em GMagkaisa at lumaban

    Em D GNang makamtan ang

    tagumpay.

    Em GMagpakatatag, huwagmatakot

    Em Am DNang mapalaya ang bayan

    Em GHanay natin ay tibayan

    II. LINYANG MASAG

    Sundin ng buong tatagD

    Ang linyang pangmasaAm D

    Mula sa masa, tungo sa masaG-D7

    Ito ang ating patnubay.

    GSundin nang buong tatag

    G7 CAng linyang pangmasaAm D7 G E

    Mula sa masa, tungo sa masaD G

    Ito ang ating patnubay.

    I. ANG MASAG

    Ang masa, ang masalamang

    DAng siyang tunay na bayani

    Am DAng masa, ang masa

    lamangG-D7

    Ang siyang tagapaglikha.G

    Ang masa, ang masalamangE

    Ang siyang tagapaglikhaAm D7 G E

    Ang masa o, ang masaAm D7 G-D7

    Tagapaglikha ngkasaysayan.

    Em D GAt durugin ang kalaban.

    Em GMagpakatatag, huwag

    matakotEm Am D

    Sa mga pagpapakasakitEm G

    Kahirapay pangibabawanEm D G

    Nang makamtan angtagumpay

    Makibaka, Huwag matakot!