"mga munting tinig"

24
PAPEL SA PAGSUSURI NG PELIKULANG “MGA MUNTING TINIG” Sinuri nina: Daniel Louis Camaquin Ram Adolf Del Mundo Carlo Miguel Hernandez Nigel Salazar Mariel Afurong Joanne Frances Bronola Andrea Pauline Dimaculangan Larissa Grace Kaibigan Angelica Moncada Antas 10 ng LS 302 (Taon: 2012-2013)

Upload: angelrainyday

Post on 01-Jan-2016

7.185 views

Category:

Documents


83 download

DESCRIPTION

panunuring pampelikula

TRANSCRIPT

Page 1: "Mga Munting Tinig"

PAPEL SA

PAGSUSURI NG PELIKULANG

“MGA MUNTING TINIG”

Sinuri nina:

Daniel Louis Camaquin

Ram Adolf Del Mundo

Carlo Miguel Hernandez

Nigel Salazar

Mariel Afurong

Joanne Frances Bronola

Andrea Pauline Dimaculangan

Larissa Grace Kaibigan

Angelica Moncada

Antas 10 ng LS 302

(Taon: 2012-2013)

Para kay:

Gng. Del Beltran

Guro sa Filipino 10

Page 2: "Mga Munting Tinig"

I. INTRODUKSYON

A. Pamagat at Tema ng Pelikula

Ang “Mga Munting Tinig o Small Voices” ay isang pelikulang Tagalog

na naghahatid ng napakagandang mensahe, aral, at paksa sa mga

mambabasa. Ito ay nagpapahiwatig na ang kahirapan ay hindi hadlang sa

pagtatagumpay sa buhay ng isang tao. Nagpapahiwatig ito na kahit mahirap,

may karapatan pa rin ang mga taong mangarap. Lahat tayo ay binigyan ng

kalayaan upang ating maisagawa ang lahat ng ating kagustuhan tulad ng

mangarap. Ang bawat isa, saan mang panig ng mundo, ay may karapatang

mangarap sapagkat tayo ay binayayaan ng kaniya-kaniyang talino at talento

na dapat gamitin. Ang “Mga Munting Tinig” ay napapanood ng ibat-ibang

kritiko at walang nagsabing di nila ito nagustuhan. Sa kasalukuyan, patuloy

itong lumalaban upang magbigay inspirasyon sa tao habang natatamo nito

ang tugatog ng tagumpay.

B. Pagpapakilala sa Direksyon, Manunulat ng Iskrip, Mga Artistang

Nagsiganap, Kumpanyang Gumawa ng Pelikula, Uri ng Pelikula

Ang pelikulang “Mga Muniting Tinig o Small Voices” ay idinirehe ni Gil

Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo Alix, Jr. at

Senedy Que. Ang pelikulang ito ay isang pelikulang produkto ng magagaling

na talento sa ating industriya ng sining at nalinang sa masusing

Page 3: "Mga Munting Tinig"

pagpapatnubay ng tanyag na direktor na si Gil Portes. Una sa lahat ay ang

bidang karakter na si Alessandra de Rossi bilang Melinda at Jo Kristi Payet

bilang batang Melinda. Masisilayan dito ang mga titser na sina Dexter Doria

bilang Mrs. Pantalan, Malou Crisologo bilang Solita, at Irma Adlawan bilang

Fe. Ang mga batang gumanap naman sa pelikula ay sina Bryan Homecillo

bilang Popoy, Pierro Rodriguez III bilang Obet, Keno Agaro bilang Adong,

Sining Blanco bilang Gela, Christian Galindo bilang Lino, Hazel Logan bilang

Ida, Rowell Reyes bilang Ato, at Aj Delos Santos bilang Carlos.

Katatampukan din dito sina Gina Alajar bilang Chayong, Lailani Navarro

bilang Pilar, Hamid Eton bilang Mr. Singh, Amy Austria bilang Luz, Nonie

Buencamino bilang Fidel, Nanding Josef bilang tatay ni Adong, Shamaine

Buencamino bilang ina ni Adong, Connie Chua bilang ina ni Gela, Aleth de la

Cruz bilang ina ni Ida, Jess Evardone bilang ama ni Melinda, Rey Mendoza at

Jasper Vinarao bilang mga kapatid ni Adong, Bong Rodriguez bilang Ka

Andres at Jun Galindo na mga NPA. Sa pinakuhuli ng pelikula

matutunghayan sina Tony Mabesa bilang Mr. Tibayan, Tessie Villarama ang

Emcee sa paligsahan, Ramon Pedro P. Paterno at Menchu Rodriguez Suntay

bilang mga superbisor ng Central School. At idagdag pa ang mga gumanap

naman na Malawig Choir Kids na sina Jelly Cruz, Jocelyn Escobal, Gema

Gonzales, Celina Suntay, at Myko Suntay. Ang kumpanyang gumawa at

nagpakalat ng pelikulang ito ay ang Teamwork Productions na ipinalabas rin

ng Warner Bros. Pictures sa ibang bansa. Ang pelikulang ito ay maihahanay

sa drama dahil sa mga mapapait na pangyayari.

Page 4: "Mga Munting Tinig"

II. Paglalarawan sa Buod ng Pelikula

Bagong guro si Melinda Santiago sa Mababang Paaralan ng Malawig.

Siya ang pumalit kay Pilar na nagtungo sa ibang bansa upang doon

magtrabaho at magkaroon ng mas malaking suweldo. Si Melinda ay may

talento sa pagtugtog ng “flute”. Katatapos lamang niya ng kolehiyo sa kursong

“education”. Inaasahan ng kaniyang pamilya, lalo na ng kaniyang ina, na

susunod siya sa Amerika at doon magtrabaho, ngunit ayaw niya sapagkat

nais muna niyang pag-isipang mabuti kung saan ba talaga siya nararapat

tumigil. Nais niyang alamin kung ano ba talaga ang para sa kaniya, ang

magtungo sa Amerika kasama ng kaniyang ina o ang magpunta sa Malawig

at doon magturo. Nagtungo muna siya sa Malawig. Tinanggap niya ang

malaking hamon sa kaniyang buhay – ang magturo sa paaralan ng Malawig

kung saan salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar

na ito, kaya't ang mga bata ay inoobliga ng kanilang mga magulang ng

responsibilidad sa bahay at sa paghahanapbuhay. Ang sitwasyon na ito ay

nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon,

katarungan, at kababaihan na ikinabahala naman ni Melinda.

Kasama sa pagsubok na kaniyang kinaharap ay ang pagiging korupt ni

Mrs. Pantalan, ang punong guro ng paaralan ng Malawig. Siya ay nagtitinda

ng “ice candy” sa mga bata at nagkaroon pa ng pagkakataon na sinabi niya

sa mga bata na kapag hindi sila bibili ay hindi nila makukuha ang kanilang

card. Ngunit nagagawa lamang ito ni Mrs. Pantalan dahil may pinag-aaral

itong mga anak na nasa kolehiyo na. Makikita sa pelikula na si Mr. Singh,

Page 5: "Mga Munting Tinig"

isang Bumbay, ay nagpapatong ng sampong pursyentong interes sa mga

tseke ng titser dahil siya ang nagpapasuweldo sa mga ito. Nagtitinda rin siya

ng iba’t-ibang bagay na may malaking halaga. Ngunit sa kabila nito, natutuwa

pa ang mga residente sa kaniya dahil kumpleto siya sa mga pangangailangan

ng mga tao at dahil siya naman ay ubod nang mabait. Nagkaroon din ng mga

bagyo at sunog na nagsilbing dahilan ng pagkasira ng mga libro, silid-aralan,

at iba pang mga kagamitan sa eskuwelahan.

Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon kay Melinda. Nasubok ang

kaniyang pakikihamon nang sumali ang paaralan ng Malawig sa isang choral

contest. Bagama’t nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral,

hindi naman naging madali sa kaniya ang paghimok sa mga magulang ng

mga ito na payagan silang sumali sa paligsahan. Tanging si Luz, ina nina

Popoy at Obet, ang pumayag sa kaniyang hinihiling. Si Luz ang tumulong kay

Melinda na himukin ang iba pang mga magulang na napagtagumpayan

naman nila. Nangako si Melinda na magbibigay siya ng bagong uniporme

kina Popoy at Obet upang hindi na sila maghiraman. Subalit isang araw,

nadamay at napatay ang batang si Popoy sa isang enkwentro ng NPA at

military nang minsan siyang sumama sa kanyang amang si Fidel na isa sa

mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang

paghahanda ng mga bata para sa paligsahan. Ngunit sa kabila nito,

napagdesisyunan pa rin nang mga batang ipagpatuloy ang kanilang pag-

eensayo maliban lang kay Obet, kapatid ni Popoy, dahil sila ay lilipat sa ibang

bayan kung nasaan ang iba nilang kamag-anak.

Page 6: "Mga Munting Tinig"

Sa huli, nakasali pa rin si Obet sa paligsahan dahil sa pagpayag ng

kaniyang ina na sundin ang kaniyang kagustuhan. Sa kaniyang pagkahuli,

nakita niya si Mr. Singh at inihatid naman siya nito sa Central School, ang

pagdarausan ng paligsahan. Nanalo ang kanilang grupo na lubos nilang

ikinagalak. Pagkalipas ng panahon, umalis si Melinda patungong Amerika at

doon naman niya sinubukang mamuhay. Iniwan ni Melinda ang baryo na

puno ng inspirasyon at pag-asa. Tinuruan niya ang bawat isa na ipaglaban

ang nais na pagbabago sapagkat nasa kamay lang natin ang lahat.

III. Panunuri sa Pelikula

Sa panahon natin ngayon, hindi na kakaiba ang makasalamuha ng

mga taong pabaya at naka-upo na lamang sa isang tabi dahil tinanggap na

nila ang kanilang masaklap na kalagayan. Sila ang mga taong hindi man

lamang nagsusumikap abutin ang kanilang mga pangarap dahil sa nawalan

na sila ng pag-asa sa kanilang buhay.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga katotohanang masisilayan sa tunay

na buhay at sa pelikulang “ Mga Munting Tinig”. Sa tingin niyo ba, kung tayo

ay ganito mag-isip, kumilos, at makipagkapwa–tao, ano pang matitira sa atin?

Ano pang lipunan at buhay ang ating kakaharapin? At higit sa lahat, sino pa

ang maiiwang kikilos upang matupad ang ating mga pangarap kung mismong

ikaw, na sarili mo, ay hindi kikilos? Sa pelikulang ito makakapulot ng aral at

magkakapagbigay inspirasyon sa mga tao upang ipagpatuloy ang kanilang

buhay na may lakas ng loob at puno ng pangarap at pag-asa.

Page 7: "Mga Munting Tinig"

A. Tema

Ang tema ay maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang

pelikula. Isinasaad nito ang pinakapaksa, layunin, o mensahe ng pelikula. Ang

Pelikulang “Mga Munting Tinig” ay nagtataglay ng maraming aral na higit na

makabubuti sa mga manunuod lalo na sa mga bata. Sa pelikulang ito,

makikita ang mga taong hirap sa kanilang buhay. Ang tema ng pelikulang ito

ay ang “Kahirapan ay hindi hadlang sa pangarap at pag-asa ng mga tao lalo

na nang mga kabataan”. Ang temang ito ay mahusay na pinakita’t

ginampanan ng mga tauhan lalong-lalo na ng pangunahing tauhan na si

Melinda na ginanapan ni Alessadra de Rossi. Masasalamin sa kaniya ang

katangian ng taong masigla at puno ng pag-asa.

Ang kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap na minimithi ng

bawat isa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng

Maykapal upang gamitin sa tama na siyang ikauunlad ng bawat isa at hindi

lamang para sa sariling kapakanan. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan

ay kakaiba kumpara sa mga matatanda. Dapat ay maging bukas ang isipan

ng bawat isa sa lahat ng aspeto ng buhay.

Bawat nilalang, bata man o matanda, babae man o lalaki, ay may

paninindigan na dapat marinig ng buong mundo. Walang sinuman ang may

karapatang hadlangan ang karapatan ng bawat nilalang na makapagpahayag

ng kaniya-kaniyang saloobin o damdamin. Ang mga mumunting tinig ng

bawat isa, kapag pinag-isa, ay makakapagpabago sa ating lipunan.

Page 8: "Mga Munting Tinig"

B. Mga Tauhan

Kung mapapanood ang pelikulang "Mga Munting Tinig", makikita dito

na hindi lamang umiikot ang storya sa iisang tauhan. Bagama't ang pelikulang

ito ay naka-pokus kung paano baguhin ng isang gurong si Melinda Santiago

ang buhay at pananaw ng mga mag-aaral ng Malawig. Ipinapakita rin dito

kung ano ang pinagdadaanan ng bawat mag-aaral na lubos na nakatulong

upang mas lalong maintindihan ng manonood ang pelikula. Ipinakita dito ang

buhay ni Obet at ni Popoy. Sila ay magkapatid na naghihiraman sa iisang

uniporme. Naipakita sa pelikula na ayaw ni Obet na maging katulad ng

kanyang amang si Fidel na lider ng NPA. Naipakita rin dito ang pagbebenta ni

Binibining Pantalan ng ice candy at sapilitang pinapabili ang mga mag-aaral

upang may dagdag na kita dahil siya ay may anak na pinapaaral sa maynila.

Makikita rin dito ang batang babaeng nagngangalang Gema na pinapatigil na

ng kanyang ina sa pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong tumulong na lamang

siya sa pag-aalaga ng kaniyang mga kapatid dahil ayon sa kanyang ina, ang

mga babae ay sa nararapat lamang na nasa bahay at siyang gumagawa ng

mga gawaing bahay at inaalagaan ang mga anak. Makikita rin ang gurong si

Solita na ipinapalinis ang kaniyang tahanan sa mga bata. Matatanaw din dito

ang pagbabago ng bawat tauhan dahil sa nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Isang halimbawa dito ang pagkamatay ni Popoy dahil siya ay sumama sa

kanyang ama. Dahil dito, nawalan ng pag-asa si Obet. Ang mga sitwasyon ng

mga bata ang nagtulak kay Melinda upang gumawa ng paraan para mabigyan

ng pag-asa ang mga mag-aaral sa Malawig. Si Melinda ang naging dahilan ng

pagbabago ng mga pananaw ng mga magulang, guro at mag-aaral ng

Page 9: "Mga Munting Tinig"

Malawig. Hinikayat ni Melinda ang mga bata na sumali sa isang singing

contest bagama't ayaw pumayag ng mga magulang dahil ayon sakanila

kailangan maghanapbuhay ng mga bata. Tanging si Luz, ina ni Popoy at

Obet, ang naniwala at tumulong sa kaniya. Nagkaroon man sila ng problema

dahil sa hindi pagpayag ng mga magulang, hindi ito naging hadlang sa

kagustuhan nilang manalo. Sa pagkapanalo ng mga mag-aaral, ito ay

nagdulot ng malaking pagbabago sa mga mamamayan ng malawig.

Nagkaroon sila ng bagong pag-asa. Natutunan nila na ang kahirapan ay hindi

hadlang para mangarap. Samakatuwid, makikita sa mga tauhan na

nawawalan na sila ng pag-asa dahil sa kahirapan. Ito ay sumasalamin sa

ibang buhay ng kapwa natin Pilipino. Maging inspirasyon sana sakanila ang

pelikulang ito dahil hindi hadlang ang kahirapan upang tayo ay umahon at

magkaroon ng bagong pag-asa.

C. Uri ng Pananaw o Paningin

Maraming uri ang pananaw o paningin na maaaring gamitin sa

panunuring pampelikula. Isa sa mga ito ay ang obhetibong pananaw. Ang

pananaw na ito ay lubos na nagamit at nakita sa pelikulang “Mga Munting

Tinig”. Ang pananaw na ito ay nagpapakita na sa iba’t-ibang eksena ay hindi

limitado sa kung ano ang nakikita ng tauhan sa isang tagpo. Makikita natin sa

pelikula ang iba’t ibang captions ng mga tauhan. Tulad na nga lang sa iba’t

ibang pagpakakahulugan ng mga buhay ng mga tauhan. Makikita sa pelikula

na ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang pananaw sa buhay tulad ni

Melinda. Ang kaniyang pananaw sa buhay ay lahat ng tao ay libre at may

Page 10: "Mga Munting Tinig"

karapatang mangarap, hindi tulad ng ina ni Gema na ang pananaw ay ang

kababaihan ay walang karapatang mangarap dahil pambahay lamang ang

mga ito – taga-alaga ng anak, kapatid, at sa gawaing-bahay. Ang relasyon ng

mga tauhan sa camera ay naging perspektibo sa mga manonood.

D. Shot

Ang shot ay ang mga kilos o aksyong nakunan ng kamera sa pag-

andar hanggang sa paghinto nito. May tatlong uri ng shot na ipinakita sa

pelikulang “Mga Munting Tinig”. Una rito ay ang “Long Shot”. Ang istilo nang

pagkuhang ito ay nagpapakita ng pangunahing lugar o tauhan na may

malayong agwat sa kamera. Ipinapakita din ng “Long Shot” ang relasyon ng

mga bagay o mga tauhan sa kapaligiran. Ginamit ito upang Makita ang

kabuuan ng lugar kung saan isinagawa ang mga pangyayari. Halimbawa nito

ay ang tagpuan sa pelikulang noong nagtuturo ang gurong si Melinda sa

kaniyang mga estudyante sa isang patag na lupa sa labas ng kanilang

silidaralan sapagkat katatapos lamang nang bagyo na nagdulot ng pinsala sa

mga silid-aralan na pinag-aaralan nang mga bata.

Ang pangalawang shot naman ay ang “Medium Shot”. Sa kuhang ito

naman makikita ang pantay na taas mula baywang hanggang taas ng mga

tauhan o mga bagay. Makikita ito noong nag-uusap si Melinda at Chayong na

ina ni Pilar. At ang pinakahuli namang shot ay ang tinatawag na “Close-up

Shot”. Ang kuhang ito ay nagpapakita ng maliliit na distansya sa pagitan ng

tauhan at ng kamera. Ito ang paraan ng direktor para ipakita sa mga

Page 11: "Mga Munting Tinig"

manonood ang mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Makikita ito

sa pelikula noong umiiyak si Melinda sapagkat siya ay nalulungkot sa

pagkamatay ng isa sa kaniyang mga estudyanteng si Popoy. Dito labis na

naipakita ang pagkalungkot at pagdadalamhati ni Melinda.

E. Editing ng Pelikula

Ang editing ng pelikula ay masasabing maayos ang pagkaka-edit kung

angkop ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o kuha kapag pinagsama-

sama na ang mga ito. Sa panahong nagawa ang dekalibreng pelikula, Mga

Munting Tinig, na humakot ng mga parangal ay di natin maipagkakailang

maganda at malinaw ng pagkahati-hati at pagkasunud-sunod ng mga eksena.

Ang bawat anggulo ng mga tauhan ay naaangkop sa isang eksena patungo

sa ikalawang eksena. Sa pelikulang ito, kapag nag-iisip ang mga tauhan ay

siguradong may kalakip din itong eksena, kaya hindi malilito ang mga

manunuod kung ano talaga ang nangyari sa tagpong iyon. Ngunit minsan ay

may mga eksenang hindi masyadong naipapaliwanag ng klaro o kaya naman

ay mabitin-bitin ang daloy ng mga pangyayari. Makikita ito noong si Popoy at

ang kaniyang ama ay bigla nalang namatay. Hindi man lang ipinakita kung

papaano sila namatay pero sa kabila nito, halata naman ang dahilan.

Naiintindihan pa din naman ng mga manunuod ang daloy ng kuwento. Sa

kalahatan, malambot at matiwasay ang pag-usad ng bawat eksena sa

pelikula. Ang editor ng pelikulang ito ay si George Jarlego sa tulong ni Ely

Cruz, ang sinematograpiya ng pelikula.

Page 12: "Mga Munting Tinig"

F. Musika o Sound Effect

Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay mayaman sa musika. Ang

editor nito sa musika ay si Joy Marfil at ang sa “sound effects” naman ay sina

Noel Cruz Bruan at Ari Trofeo. Ang paggamit nila ng musika sa pelikulang ito

ang siyang naging isang elementong nagpadala at nagpa-antig sa mga

damdamin ng manunuod. Ang pangunahing kanta o “theme song” ng

pelikulang ito ay hinggil na rin sa pamagat, Mga Munting Tinig. Ang awiting ito

ang siyang ginagamit kapag may mas kaiga-igayang pangyayari sa pelikula

tulad nalang noong ginamit nila ang kantang ito sa pagsali ng mga bata sa

paligsahan sa pag-awit. Naging angkop at epektibo naman ang pagdaragdag

ng musika at tunog sa pagbuo ng pelikula. Mayroong kaugnayan sa tunog

ang bawat eksenang ipinapakita at mas madarama ang emosyong taglay ng

mga artistang gumanap sa pelikula. Nakatulong ang mga ito sa

pagpapadama ng kalungkutang bumabalot sa pelikula. Makikita ito sa isa sa

mga eksena sa pelikula kung saan namatay sina Popoy at Fidel na kaniyang

ama matapos makipagsabakan sa mga sundalo. Sa pamamagitan ng

musikang ginamit dito, mas naipakita ang tunay na pagdadalamhati ng ina ni

Popoy na si Luz, ang kuya niyang si Obet, ang guro niyang si Melinda, ang

kaniyang mga kaklase, at iba pang guro at kapit- bahay. Nagkaroon din ng

katahimikan upang mas maintindihan ng mga manunuod ang sinasabi ng

bawat tauhan sa isa’t-isa. Sa pagdaragdag naman ng mga angkop na “sound

effects” at musika, mas naipakita sa pelikulang ito ang katotohanang bawat

nangyayari sa pelikula ay nangyayari rin sa tunay na buhay.

Page 13: "Mga Munting Tinig"

G. Direksyon

Si Gil portes, ang direktor ng pelikulang “Mga Munting Tinig”, ay isa sa

pinakamahusay at tanyag na director ng kaniyang henerasyon. Isang siglang

patunay dito ay ang mga gantimpalang kaniyang nakuha mula sa iba’t-ibang

“Film Festivals”. Isa sa mga parangal na kaniyang nakamit ay ang titulong

“Best Director” noong ginawa niya ang “Mga Munting Tinig”. Dahil sa kanyang

paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto ng

buhay at iba pang interesanteng paksa, kaya siya nakakuha ng ibat-ibang

parangal. Ilan pa sa kaniyang mga sikat na gawa ay ang “Saranggola” noong

1999, “Gatas sa dibdib ng kaaway” noong 2001, “ Bukas may pangarap”

noong 1994, at “Markova: Comfort Gay”. Siya rin ay isang mahusay na

manunulat. Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay pang dalawampu’t lima na

sa mga makabuluhang pelikulang kaniyang mga nagawa. Ito ay ang opisyal

na isinali ng Pilipinas sa Academy Awards at Golden Golbes noong 2003.

Siya rin ay sumikat sa ibang bansa. Ang patunay nito ay ang pagsabi pa ng

isang reporter sa Amerika, “His camera catches de Rossi in sparse,

beautifully lit images.” Sa kaniyang direksyon makikita natin ang iba’t ibang

anggulo ng totoong nangyayari sa buhay ng mga mahihirap at NPA. Makikita

rin natin dito ang kultura ng mga Pilipino.

H. Disenyo ng Set

Maituturing ba na tagpuan ang isang aktwal na probinsya kasalungat

sa estado ng mga naninirahan doon? Ang probinsya ay ang maituturing na

lugar na pinaka-epektibo para sa mga tagpuan na ginamit sa pelikulang “Mga

Page 14: "Mga Munting Tinig"

Munting Tinig”. Ang unang tagpuan ay makikita sa eskwelahan na kung saan

may mga matataas na administrator ang dumadalaw at umuobserba rito.

Maayos naman ang nakita ng mga obserbador ngunit nag-iwan sila ng

komento na ipaayos naman ang mga dingding at ibang parte ng silid aralan.

Sumunod ay noong bumaha na siyang nakasira sa silid-aralan ng Mababang

Paaralan ng Malawig. Walang nagawa ang mga guro kaya napilitan silang sa

labas na lamang magturo. Makikita rin sa pelikula ang pagpunta ni Melinda sa

bayan kung saan kinumpirma niya ang pagsali ng mga mag aaral niya sa

paligsahan. Ang pag-eensayo ng kaniyang mga mag-aaral ay isinasagawa

nila sa may loob at labas ng kanilang silid-aralan. Sa madaling salita, ang

ginamit na set sa pelikulang ito ay ang bayan ng Malawig kung saan may

paaralan, bayan, bukid, at kagubatan. Ang ginamit na disenyo ng set ay lubos

na pinaghandaan at angkop na angkop sa bawat imahe ng pelikula.

IV. PANGWAKAS

A. Kahalagahang Pangkawilihan (entertainment value)

Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay nakabihag ng interes o

kawilihan ng mga manunuod. Ang pagpapakita ng katotohanan sa ating

lipunan at ng mga eksena na tumatalakay sa kalidad ng edukasyon sa mga

paaralan sa baryo lalo na ang sa mga liblib na pook ang nakadagdag interes

sa mga manunuod. Dahil sa labis na kuryosidad kung ano ba talaga ang

buhay ng mga mahihirap at mga NPA, natutunan na rin ng mga tao na

panuorin ang pelikula. Ang pelikulang ito ang nagpatawa sa mga manunuod

sapagkat makikita rito ang pagbibiruan at tuksuan ng mga estudyante sa isa’t-

Page 15: "Mga Munting Tinig"

isa at ang pamali-maling grammar ni Fe, isa sa mga titser. Ngunit ito rin ang

lubos na nagpa-antig at nagpaiyak sa maraming manunuod dahil sa

malulungkot na pangyayari sa mga tauhan lalo nang pumanaw ang isa sa

mga bata. Lahat ng tagpo sa pelikulang ito ay kapana-panabik panuorin.

B. Kahalagahang Pangkaalaman (educational value)

Sa pelikulang “Mga Munting Tinig” makikita ang tapat at positibo na

aspeto ng sarili. Sa katunayan, ito ay magandang batayan ng pag-aaral para

sa mga estudyante, guro, at iba pang tao. Nagpapakita ito ng balanseng

pananaw sa buhay at nagsisiwalat ng pantay na pagkilatis sa lahat. Hindi rin

ito nagpapakita ng kawalan ng katarungan at kahit na simpleng presentasyon

lamang ito, naipakita naman nito ang isang magandang ideya. Ang pelikulang

ito ay nakapagbigay mensahe sa lahat ng tao sa pamamagitan ng

pagsasama sa pelikula ng mga pangyayaring tunay na nagaganap sa totoong

buhay. Ang mga mabubuting aksyon ng mga tao sa mga pangyayari sa

pelikula ay maaaring gayahin at isagawa ng mga tao. Ang mga salita at

aksyon ni Melinda ang nagtuturo sa mga manunuod na lahat ng tao ay

maaaring mangarap at ang kahirapan ay hindi hadlang sa mga pangarap na

ating nais makamit.

C. Kahalagahang Pansining (artistic value)

Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay masasabing napakahusay. Ito

ay nagtataglay ng magagandang aral. Ang pagkakagawa nito ay

pinaghandaang mabuti. Ang pag-aayos ng mabuti sa iskrip, musika, artista o

tauhan, tagpuan, aksyon, at ang direksyon ay pawing napakahusay dahil ito’y

Page 16: "Mga Munting Tinig"

nabuo ng may masining na kakahayan. Ang mga tunog na ginamit, lalo na

ang “musical score” at ang kanilang tamang punto, ay tama lang dahil

nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Ang mga pagsasagawa at

pagsasama ng mga ito sa pelikula ang nagsilbing dahilan upang makatawag-

pansin at makaantig ng damdamin sa mga manunuod.

D. Kahalagahang Pangmoral (moral value)

Ang mga pangyayari, karakter at aksyon ng tauhan, at ang lugar sa

pelikulang “Mga Munting Tinig” ay pawang katotohanan. Ang mga ito ay isang

realidad. Ito ay makikita at masasaksihan sa tunay na buhay ng mga tao. Ang

pelikulang ito ay punong-puno ng sentimentalidad at aral na siyang

magbubukas ng isipan ng mga manunuod. Ang mga aral na mapupulot dito

tulad nang hindi pagkawalan ng pag-asa ay tamang-tama sa mga manunuod

lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, masasabi na ang pelikulang ito ay

karapat-dapat panuorin ng hindi lamang ng mga kabataan, kundi na rin ng

mga matatanda upang mas malinawagan pa sila sa realidad ng buhay.