thesis format panunuri. new
TRANSCRIPT
ISANG PAGSUSURI SA TULANG SPRING AND FALL: TO A YOUNG CHILD NI GERALD MANLEY HOPKINS NOONG PANAHONG VICTORIAN (1832-1900)
---------------------------------------------------------
Isang Ulat Para sa Panunuring Pampanitikan
Bulacan State University
---------------------------------------------------------
Bilang Bahagi ng Pangangailangan
Para sa Master ng Filipino
---------------------------------------------------------
ni
Victoria P. de Guzman
Agosto, 2011
I. ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO
1. Panimula
Ang mga dayuhan manunulat tulad na lamang ng mga Pilipinong manunulat ay may paraan ng
pagsulat ng akdang pampanitikan. Kung ating sinusuri ang akda ng mga manunulat sa ating bansa ay
nararapat ding pagtuan natin ng pansin ang literature ng mga dayuhan. Batid naman natin na
magkakaiba ang ating wika subalit hindi ito hadlang upang ating masuri ang kanilang mga sariling akda.
Umusbong ang iba’t ibang panahong o period sa British at Ireland na bahagi pa rin ng English
Language. Ang mga ito ay ang The Anglo-Saxon Period (449-1066), The Medieval Period (1066-1485),
The Renaissance (1485-1660), The Restoration and the Enhlightenment (1660-1798), Romantic Period
(1798-1832), The Victorian Period (1832-1900), The 20th Century New Directions (1900-1939), The 20th
Century:Modern Period(1939- ). Subalit ang pokus ng pagsusuring ito ay ang Victorian Period (1832-
1900). Maraming mahuhusay na manunulat sa panahong ito subalit nakatuon ang pagsusuri sa
manunulat na si Gerard Manley Hopkins atelemento ng ilan sa kanyang mga akda.
Noong Victorian Period (1832-1900) na nagmula sa pangalan ng Reyna ng England na si Queen
Victoria na 8 dekadang pinamunuan ang bansa ay sadyang yumaman sa literature at kinilala at
pinarangalan ang manunnulat sa bansa noong panahong ito. Isa na nga dito si Gerald Manley Hopkins.
Ang kanyang akda ay karaniwang tungkol sa buhay ng tao at sa kalikasan. Sakop ng pagsusuring ito ang
pag aaral sa tulang kanyang naisulat. Bibigyang pakuhulugan ang bawat linya ng kanyang tula, literal at
malalim na pagpapakahulugan sa tula, mga terminolohiya, diction, gramatika, accent, imagery and
sound.
Kung ihahambing ang kasaysayan ng panunuring pampanitikan ng Pilipinas sa ibang bansa,
higit na maikli angbuhay ng diskursong ito sa ating bansa. Bagama’t may mga akda ng pagsusuri na
naisulat na noong ikalabinsiyam na dantaon (karamihan dito ay bahagi ng mga aklat ng mga dayuhang
historyador o manlalakbay), higit ang pagbibigay-pansin sa kahalagahan ng mga ito bilang kathang
maaaring bigyan ng obhektibong mga pagsusuri sa unang mga dekada ng kasalukuyang dantaon. Sa
ganitong pananaw, inihihiwalay ng mga manunuri ang isang likhang isip sa iba pang mga kategorya ng
karanasan, binibigyan ng masusing pag-aaral bilang partikular na produkto ng imahinasyon; sa ilang
pagkakataon, nagbibigay ang manunuri ng pagtaya batay sa ilang pamantayan na kanyang piniling
gamitin.
Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod ng moralistikong pananaw na ang manunulat ay isang
nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang
instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pang-araw-araw na buhay at
pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa
mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon.
Nagpapahalaga rin ang moralistikong pananaw sa bunga ng akda sa buhay ng tao, ang ugnayan
ng teksto (ang nobela, kuwento, dula, o tula) sa aktuwal na karanasan ng mambabasa. Halimbawa: ang
pagsusuri sa pasyonay nakaugat sa epekto nito sa taong naglalakbay patungo sa langit o impiyerno. At
sa kultura, malinaw na ang dahilan ng popularidad ng mga pelikula, sang-ayon sa mga kritikong
naniniwala sa moralistikong oryentasyion, ay ang pagtingin dito ng mga tao bilang entablado kung saan
ang tunggalian ng kabutihan at kasamaan ay nagwawakas sa pagwawagi ng mabuting tauhan na
kinakatawan niFernando Poe, Jr. o Nora Aunor. Sang-ayon sa moralistikong pananaw, may sapat na
lakas ng akda upang makatulong sa tao o magbulid sa kanya sa kasamaan. Ito ang argument na
kasingtanda ng pilosopong si Plato at makikita pa rin sa kasalukuyan sa institusyong tulad ng Board of
Censors sa ating bansa.
2. Paglalahad ng Layunin
Ang pangunahing layuninng pag-aaral ay ang mabigyang-linaw ang iba’t ibang pagtingin o sa
isang akdang pampanitikan ayon sa katutubo at kanluraning perspektibo. Gayundin, upang isa-isahin
ang mga paniniwalang sinasaligan ng mga kanluraning kritiko ukol sa mga akdang pampanitikan at ng
epekto/bisa nito sa tao, kapaligiran at lipunan.
Nilayon din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
2.1 Ano-ano ang mga katutubong konteksto ng moralistikong pananaw sa panitikan?
2.2 Paano nagkakaiba-iba ang pananaw ng mga kritikong kanluranin na nakabatay
ang pag-aaral sa moralistikong pagdulog sa panitikan?
2.3 Ano-ano ang kahalagahan ng panitikan sa panlipunang mga karanasan ng mga tao?
3. Kahalagahan ng mga Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sapagkat makatutulong ito ng malaki sa iba’t ibang
grupo sa lipunan sa kanilang pag-aaral at pananaliksik.
Inaasahang makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral, sa kanilang pag-aaral at
pananaliksik. Gayundin, upang mas higit na matamo ang pagkatuto at pagpapahalaga sa isang akda at
maiangkop o magamit ang mga aral na kanilang mapupulot sa mga akdang binabasa sa isang tiyak na
sitwasyon.
Sa mga guro, sa kanilang pagtuturo at pagbabahagi ng kaalaman buhat sa mga akdang
tinatalakay na salig sa moralistikong pananaw. Upang higit na maikintal sa mga mag-aaral ang bisa ng
panitikan sa buhay.
Sa mga manunulat at mananaliksik, magagamit ang mga kaalaman na nagmula sa iba’t ibang
paniniwala at pananaw ng mga kritikong kanluranin at maihambing ito sa sariling pag-aaral nang sa
gayon ay makalikha ng produktong mas higit na mabisa at makatutulong sa mga likhang panitikan.
Sa mga kapwa ko mag-aaral, magiging mahalaga ang pag-aaral sa pagbibigay-linaw sa iba’t
ibang paniniwala ng mga kritikong kanluranin at kung paanong nagsilbing impluwensya sa paghubog
ng kaisipan ng mga manunulat .
Sa lipunan, upang mas mapalaganap ang mga pamantayan ng wastong gawi na huhubog sa
isang ideyal na komunidad na may ideyal na mga mamamayan. At upang mas mapahalagahan ang mga
akdang nagsisilbing salamin ng ating kultura at lahi.
4. Lawak at Hangganan ng Pag-aaral
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang mga katutubong konteksto ng moralistikong pananaw
sa mga akdang pampanitikan. Tinalakay rin dito ang iba’t ibang mga pagtingin, paniniwala at
pamantayan ng mga kritikong kanluranin ukol sa akda ayon sa moralistikong pananaw. Isinama rin sa
pag-aaral ang mga kahalagahan ng mga akdang pampanitikan sa buhay at sa lipunan.
5. Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
May mga katawagang ginamit sa pag-aaral na ito na binigyan ng katuturan ayon sa pagkakagamit.
1. Moralistiko - mga batayan ng wastong gawi at pag-uugali ng mga tao sa lipunan sa larangan ng
etika at moralidad
2. Mimesis (imitasyon) - nauukol sa ugnayan ng akda at realidad
3. Poiete (ang makata bilang manlilikha) - nauukol sa relasyon ng makata at ng kanyang likha.
4. kalikasang pantao - tumutukoy sa pangkalahatang prinsipyo at katangian ng sanlibutan
5. Sikolohikal - pag-aaral ukol sa personalidad ng may-akda at kung paano nilikha ng manunulat
ang akda
II. BATAYANG TEORETIKAL
1. Kaugnay na Literatura
Umusbong ang mga akdang kanluranin na nakabatay sa mga pananaw ng mga moralistikong
manunulat.
Isa sa mga impluwensyal na kritikong Griyego sa larangan ng kritisismo ang pangalang Plato.
Ayon sa kanya sa kanyang akdang Republic, “Dapat paalisin ang makata sa isang ideyal na
komunidad sapagkat inaantig ng makata ang pinakamababang antas ng damdamin ng tao,
ang mga irasyunal at mga di-kanais-nais na bahagi ng kanyang pagkatao.” Sa paningin ni Plato,
ang makata ay tatlong ulit na tiwalag sa katotohanan sapagkat ang kanyang akda ay isang
panggagaya o panggagagad sa samu’t saring karanasan sa buhay.
Sa kanyang Poetics, na isang dokumentong lubhang malaki ang papel sa teorya ng
panitikan, nilinaw ni Aristotle na ang lahat ng uri ng tula - epiko, komedya, trahedya, at iba pa
ay mga imitasyon at representasyon.
Ang tungkulin ng makata, halimbawa na ni Sophocles sa kanyang Oedipus Rex – ay ang
maglarawan hindi ng mga bagay na naganap o nangyari na sa kasaysayan kundi ng mga
pangyayaring maaring magaganap o kailangang maganap.
Isa sa mga mahalagang kritiko noong panahong iyon si Longinus. Sa kanyang On The
Sublime, para sa kanya, ang kahalagahan ng tula ay matatagpuan ng mambabasa o nakikinig
doon sa bisa ng katha sa kanya.
Para naman kay John Dryden sa kanyang Essay of Dramatic Poesie, ang tula ay isang
anyo ng kaalaman na ipinahahayag sa isang mahusay na paraan.
Ayon sa Horacio sa kanyang Ars Poetica, dalawang bagay ang naidudulot ng tula: ang dulce
(tamis, ligaya, lugod aliw) at utile (kaalaman, aral, kabatiran, anumang bagay na may praktikal na
aplikasyon.
Isa sa pinakamakabuluhang dokumento ng moralistikong pananaw ang In Defense of Poesie ni
Sir Philip Sidney, sa kaniyang akda, sinikap ni Sidney na ipagtanggol ang panitikan laban sa mga
Puritano ( binubuo nila ang isang lubhang konserbatibong sektang relihiyoso na naging
makapangyarijhan noong ikalabimpitong dantaon). Sinabi ng mga Puritano na ang panitikan ay imoral,
sinungaling, at nagbubuyo sa tao sa kasamaan. Isang argumentong palasak sa panahon ng
Renacimiento ang ginamit ni Sidney: ang tula ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari na
maaaring hindi naman naganap subalit inilalarawan sa isang masigla at kalugud-lugod na paraan.
2. Kaugnay na Pag-aaral
Sa pagdaraan ng panahon, sa ikalabingsiyanm na dantaon, ang pag-unawa na ang wika
ay instrument lamang upang ibaling ang tingin ng mamababasa sa mga panlabas na realidad
na matatagpuan sa personal o pampublikong buhay ng isang nilalang ay higit pang lalalim. Sa
mga popolar na awit at korido, ginagamit ang mga akda hindi upang ipantawag-pansin sa mga
kakayahan ng wika o sa husay at kulay ng mga imahen, kundi sa pagtuturo sa tao upang
maging isang mabuting anak katulad ng matatagpuan sa Ibong Adarna o maging isang
matapat at marangal na mangingibig tulad ng aral ng Florante at Laura.
Sa mga akdang tulad ng Urbana at Feliza at Si Tandang Bacio Macunat, ang katutubo ay
inaakit upang gawing modelo ang mga tauhang isinangkap sa mga akda. Mahalagang ipakita
na sa mga akdang ito na siyang bukal ng malaki pang bilang ng mga akda, ang wika ay
ipinalalagay na reperensyal.
3. Paradigma ng Pananaliksik
Plato Dryden
Aristotle Longinus Horacio Sidney Johnson
Ipinapakita sa dayagram na nasa itaas ang mga simulain ng moralistikong pananaw. Ipinapakita
dito ang iba’t ibang pagtingin sa pananaw at higit na pagpapakilala sa kaisipang ito batay sa iba’t ibang mga
pag-aaral.
III. KONGKLUSYON
MORALISTIKONG
PANANAW
KATUTUBONG KONTEKSTO
UGAT NG PANANAW SA KANLURAN
MORALISTIKONG PANANAW SA KRITISISMO
Sa pagbabalik-tanaw sa mga kaisipang pinaikot a moralistikong pagtanaw at pagdulog,
mamamalas ang lakas at impluwensya ng ganitong paniniwala na hanggang sa kasalukuyan ay
sinasandigan pa rin ng maraming kritiko at guro. Mapangangatwiranan ang ganitong impluwensya
bilang isang sagot sa pangangailangang iugnay ang panitikan sa lipunan. At sa kasaysayan, nagawa ng
kritisismo na itampok ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas ng kagandahang asal at pagtalikod
sa bisyo sa pamamagitan ng pagtuturo ng panitikan.
Subalit katulad ng nabanggit na, lubhang makitid ang landasing tinatahak ng ganitong
pananaw na pinaniwalaan ng marami na bukod-tanging paraan ng pagsusuri sa akda. Isa lamang ang
moralistikong pananaw, bagama’t mahalaga ito sa sistema ng kritisismo, sa malaking bilang ng
teoretikal na perspektibo. Nararapat lamang na buksan ang buong kalipunan ng panitikan doon pa sa
iba pang mga paraan, lapit o pagdulog na maaaring makatulong din sa pagbibigay-daan sa matalinong
pagsusuri sa ating panitikan.
Batay sa pag-aaral, masasabing ang pinakamalaking impluwensya ng panitikan sa tao
at sa lipunan ay ang mga aral na hatid nito sa mga mambabasa. Magiging mabisa ang isang akdang
pampanitikan kung maaakay nito ang gawi at moral ng tao sa matuwid. Iwinawaksi ng moralistikong
pananaw ang mga bagay na makapagbibigay ng mga negatibong epekto sa pag- uugali ng isang tao.
Mga bagay na magtutulak sa kanya sa paggawa ng mali.
Hindi maiwawaksi na nag-ugat ang mga kaalaman ng mga kritikong Pilipino dahil sa
bisa ng mga akdang panunuri ng mga kritikong kanluranin. Kaya’t marami sa ating mga akda at
manunulat ng akda ang may moralistikong pananaw. Lubos na tinanggap ang ganitong kaisipan
dahil na rin sa impluwensya ng kulturang ating kinagisnan. Ang pagpapahalaga ang isa sa mga
naging sentro ng umiiral na kaisipan ukol dito.
IV. REKOMENDASYON
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, nakita ang iba’t ibang pagtingin ng mga kritiko
sa isang akda batay sa moralistikong pananaw. Natuklasan din kung paanong nagsasalungatan ang
iba’t ibang paniniwalang ito kaya’t inihahanay ng mananaliksik ang mga sumusunod na mungkahi at
tagubilin.
a. Sa pagpili ng akdang babasahin, mas bigyang-pansin ang mga aral o leksiyon na hatid nito.
b. Magtuon din ng pagkakataon ang mga kabataang mag-aaral na makabasa ng mga akdang
tumatalakay sa pagpupunla ng kagandahang-asal.
c. Maghain ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makapagsuri ng isang akda o isyung
panlipunan na may paksang nauukol sa moralidad.
d. Makalikha ang mga manunulat ng mga akdang umaakma at papasa sa pamantayan ng
moralidad.
e. Maghanay ng mas maraming halimbawa ng mga akdang makapagbibigay ng
huwaran upang makatulong ang mga kaalaman tungkol sa mga wastong gawi at pagkilos sa mga tiyak
na pagkakataon.
f. Ituring ang mga akdang pampanitikan bilang ugat ng mga pagpapahalaga, tagapagturo ng
mga aral at karanasan sa buhay.
g. Tingnan natin ang pag-aaral bilang isang maliwanag na perspektibo sa paghubog sa ating
mga kabataan.
h. Bigyang ng pagkakataong maitampok ang mga may-akda bilang mahalagang bahagi ng
pagtuturo ng mga kagalingang pangmoral n gating mga kabataan.
ISANG PAGSUSURI SA HISTORIKAL/SOSYOLOHIKAL NA PANANAW
---------------------------------------------------------
Isang Ulat Para sa Panunuring PampanitikanBulacan State University
---------------------------------------------------------
Bilang Bahagi ng PangangailanganPara sa Master ng Filipino
---------------------------------------------------------
ni
Mary An L. Nepomuceno
Agosto, 2011
I. ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO
1. Panimula
Ang paggamit ng mga pangyayari at karanasan sa kapaligiran bilang inspirasyon at batayan sa
pagsulat ay karaniwang makikita sa mga likha ng mga manunulat. Ito marahil ay bunsod ng
pagsasalamin ng akda sa katotohanang nangyayari sa kanyang kapaligiran. Inaayon ng akda ang
kanyang sarili o ang mga bagay na kanyang alam, naranasan o nakikitang nagaganap bilang batayan ng
realidad o konteksto ng kanyang mga naisusulat. Naiimpluwensiyahan din ng kanyang mga personal na
pananaw at kaalaman ang pananaw ng kanyang likha. Batay dito, masasabing maaring suriin ang isang
likha batay sa mga historikal at sosyolohikal na pananaw, mga kaganapan at konteksto na pumapaligid
sa akda at ang personal na pagkatao at biograpiya nito.
Ang historikal-sosyolohikal na pananaw ay matatagpuan sa mga pagsusuri na
tumutukoy sa mga realidad sa lipunan at kasaysayan at kung paanong ang akda ay “salamin ng buhay”.
Iniimbestigahan ng ganitong oryentasyon ang obhetibong basehan ng panitikan-ang mga panlipunang
institusyon na siyang nagbibigay-daan sa paglikha ng tao sa gitna ng mga ispesipikong puwersa sa
kasaysayan. Higit na pinahahalagahan ng ganitong pananaw ang kalidad na pagiging salamin o
representasyon ng epiko o nobela sa mga aktuwal na pangyayari o indibidwal na tipo sa lipunan.
Halimbawa: Ang mga nobela ni Jose Rizal-ang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), at
maging ang tulang Florante at Laura (1838) ni Francisco Balagtas ay karaniwang itinuturo bilang mga
dokumento na kababasahan ng mga naganap sa pangyayari sa Pilipinas sa loob ng sistemang kolonyal.
Hinahanapan ng pagtatapat-tapat sa pagitan ng mga bahagi ng akda at sa mga pangyayaring naganap
sa lipunan. Kung kaya’t ang unang saknong sa Florante at Laura ay binabasa bilang isang alegory ng
kondisyon sa Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila.
Sa mga naunang pagsusuri sa panitikan sa Pilipinas, kadalasang nakikita ang pagpasok ng
historikal/sosyolohikal na pananaw sa pagtalakay. Hindi teksto bilang teksto ang lubusang
pinagtutuunan ng pansin kundi ang kontekstong ditto ay nagbigay-daan; hindi ang particular na
kakanyahan lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensyang ditto ay nagbigay-hugis – ang
talambuhay ng awtor, ang poitikal na sitwasyon sa panahong naisulat ang akda, ang mga tradisyon at
kombensyon na maaaring nakapagbigay sa akda ng mga katangian nito.
Sa pagpapahalaga sa kontekstong historical at sosyolohikal, ang mga indibidwal na pagsusuri
ng mga akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga
tauhan at ng mga pwersa ng lipunan
2. Paglalahad ng Layunin
Ang pangunahing layunin ng kasalukuyang pag-aaral ay ang mabisang maipaliwanag ang iba’t
Ibang perspektibo sa historikal/sosyolohikal na pananaw at maging ang talakayin ang iba’t ibang
pananaw ng mga kritiko ukol sa pananaw na nabanggit sa pagsusuri sa isang akdang pampanitikan.
Nilayon din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:
2.1 Ano-ano ang mga katuturan ng historikal/sosyolohikal na pananaw batay sa mga pag-aaral.
2.2 Paano nakaaapekto ang historikal/sosyolohikal na kalagayan ng akda sa pagkakalikha nito?
2.3 Ano-ano ang iba’t ibang pananaw ng mga kritiko (kanluranin at Pilipino) ukol sa pagsusuri ng akda
ayon sa historikal/sosyolohikal na pananaw?
2.4 Ano-ano ang mga kahalagahan at panganib ng historika na pananaw?
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa kadahilanang makapagbibigay ito ng linaw
tungkol sa iba’t ibang isyong sangkot sa panitikan at karagdagang kaalaman para sa mga pag-aaral na
may kaugnayan sa paksa.
Sa mga kapwa ko mag-aaral, mabibigyang-linaw ang pagkakaiba-iba ng mga teorya o pananaw
na ginagamit sa pagsusuri sa akdang pampanitikan.
Sa mga guro, mabuting batayan ng mga pagtalakay ang mga bagay na mas higit nilang
nauunawaan, upang nang sa gayon ay mas higit na epektibo ang pagpupunla ng kaalaman sa kanilang
mga mag-aaral. Maging ang magbigyang-diin sa kahalagan ng kasaysayan at mga kalagyang
panlipunan sa panitikan at sa kasalukuyan.
Sa mga manunulat/kritiko, maging batayan ang iba pang mga pag-aaral at paniniwala ng mga
kapwa kritiko upang matukoy ang pinakamainam na akdang lilikhain salig sa historikal/sosyolohikal na
pananaw.
Sa lipunan, upang mas higit na mapahalagahan ang mga pangyayaring nagbigay-daan
sa iba’t bang karanasan na naganap sa kasaysayan.
4. Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral
Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa iba’t ibang pagpapakahulugan sa
historikal/sosyolohikal na pananaw. At upang mas maging makabuluhan ang pag-aaral ay isinama rin
ang iba’t ibang pananaw ng mga kritiko (kanluranin at Pilipino) sa akda ayon sa pananaw na nabanggit.
Sinasaklaw rin ng pag-aaral na ito ang kahalagahan at panganib sa historikal na pananaw.
5. Katuturan ng mga katawagang Ginamit
May mga katawagang ginamit sa pag-aaral na ito na binigyan ng katuturan ayon sa pagkakagamit.
1. Rasa ((race) – tumutukoy sa lahing pinagmulan g tao
2. panahon (moment) – tumutukoy sa isang tiyak na oras o sandali
3. milieu (kapaligiran) – kaugalian o katauhang pambansa, kasaysayan at pangkalahatang kapaligirang
Panlipunan.
4. dayakroniko – pag-aaral ng isang tiyak na kalagayan (wika) sa pagbabago nito sa pagdaan ng
panahon
5. kritisismo - isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay buhay at diwa sa isang likhang sining na
nakabatay sa mga parametro ng sining.
6. holistiko – pagtingin sa kalagayang pangkabuuan sa halip na partikular lamang
II. BATAYANG TEORETIKAL
1. Kaugnay na Literatura
Sa kasalukuyan, maraming aklat pa rin ang isinusulat na pinamamayanihan ng historikal na
pananaw sapagkat tulad ng moralistikong oryentasyon, malaon ng tinanggap ang paniniwalang
kailangang itapat ang panitikan sa konteksto nito – sa ga puwersa sa lipunan at kapaligiran – na
pinagmulan ng direktang impluwensya sa mga manunulat.
Dalawa sa pinakaimpluwensyal na mga palaisip tungkol sa pangangailangan ng isang historical
na pananaw sina Madame de Staël at Hippolyte Taine ng Pransiya. Kay Taine matatagpuan ang
pagtatangkang ipaliwanag ang kahalagahan ng tatlong kategorya sa pagtaya sa panitikan; ito ang rasa
(race), panahon (moment) at kapaligiran (milieu). Ang lahat ng ito ay mbibigyang-kantidad na element
na nararapat na taglay ng anumang akda.
Sa panahon ding ito ng lumalalim n pagpapahalaga sa kahalagahan at kalayaan ng indibidwal
lumabas ang mga akda ni Jean Jacques Rousseau. Sa kanyang mga akda, ipinagtanggol ni Rousseau
ang mga karapatan ng tao laban sa mga pagmamalabis ng isang maruming lipunan; hindi ang estado at
mga mapang-aping istruktura ang pinanigan ng pilosopo kundi ang isang nilikha na may karapatang
humanap ng sa kanya’y makapagbibigay ng kaligayahan maging ito man ay mangahulugang tumiwalag
siya sa mga institusyong ng lipunan.
Ang batayang teoritikal ng bagong agham-panlipunan ay matatagpuan sa mga akda ng Pranses
na si August Comte (1798-1857) na nagsikap na unawain ang ugnayan ng indibidwal at ng mga
institusyong bumubuo sa lipunan. Sa pananaw ng sosyolohiya, hindi maaaring ihiwalay ang tao sa
mga institusyong naging bahagi ng sistema; ang tao ay isang animal na may dimensyong
panlipunan.
Ang paggamit ng mga kategoryang mula sa sosyolohiya ay makatutulong sa kritiko sa higit na
malalim na pag-unawa sa konteksto ng akda. Halimbawa na, higit na kapani-paniwala ang pagtaya sa
mga kontribusyon ni Johann Wolfgang von Goethe sa panitikang Aleman kung maisasali sa talakayan
ang mga pakikipag-ugnayan ng awtor sa mga institusyon sa kanyang panahon.
2. Kaugnay na Pag-aaral
Sa isang pagbabalik-tanaw, makabuluhan ang mga naunang pagsusuri ng mga kritikong
kinabibilangan nina Santos, Cruz at Regalado. Hindi lamang sila nagsilbing mina ng mga datos at
impormasyon para sa susunod pang mga iskolar at kritiko; kasing-halaga ng ganitong mga
tungkulin ang pagtatatag nila ng mga modelo o huwaran para sa historical at sosyolohikal na
pananaw na magiging malaking impluwensya hanggang sa kasalukuyang panahon
Ang “Kun Sino ang Kumatha ng Florante” ni Hermenegildo Cruz ang siyang kauna-
unahang pag-aaral sa obra ni Balagtas. Nagbigay si Cruz ng mga impormasyon tungkol sa buhay ng
Sisne ng Panginay at sa kanyang propesyon bilang awtor. Bukod sa ganitong datos, tinangka ng kritiko na
ipaliwanag kung bakit mahalaga si Balagtas sa kanyang panahon at maging sa kasalukuyan.
Kapwa historikal ang batayang pananaw ng mga akdang “Ang Tatlong Panahon ng
Tulang Tagalog” ni Julian Cruz Balmaseda at “Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog” ni Iñigpo Ed.
Regalado. Sa unang pagsusuri, mababsa ang isang detalyadong paglikha ng konteksto sa pag-unlad ng tulang
Tagalog mula sa panahon ng Kastila hanggang sa unang mga dekada ng siglo dalawampu.
3. Paradigma ng Pananaliksik
Ipinakikita sa dayagram na nasa itaas ang serye ng pag-aaral ng historikal/sosyolohikal
na pananaw. Tatalakayin ditto ang pinag-ugatan ng ganitong uri ng pananaw, ang iba’t ibang pananaw ng mga
kritiko sa kritisismo sa Pilipinas at mga kahalagahan at mga panganib sa historikal/sosyolohikal na pananaw.
PANANAW
NG MGA KRITIKO
MGA
KAHALAGAHAN AT
PANGANIB
PINAG-UGATAN
HISTORIKAL/
SOSYOLOHIKAL
NA PANANAW
PAPA
PAP
III. KONGKLUSYON
Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mga sumusunod na kongklusyon ay inilahad:
1. Makatutulong nang malaki ang pagsusuri sa historikal at sosyolohikal na kalagayan ng isang akda sa
pagtukoy ng importansya nito sa kasalukuyang panahon.
2. Maaaring pagbatayan ang mga akdang may historikal/sosyolohikal na pananaw sa pag-aaral ng
kasaysayan.
3. Malulutas ang maraming mga katanungan hinggil sa maraming bagayat isyu na kasangkot sa pag-
aaral ng wika at kasaysayan sa paraang tinalakay.
4. Bagamat iba-iba ang ang pananaw ng maraming kritiko sa bisa ng historikal/sosyolohikal sa
pagsusuri, kapwa sila nagkakasundo sa malaking impluwensya ng kasaysayan at lipunan sa maraming akdang
pampanitikan noon hanggang sa kasalukuyan.
5. Malaking bahagi ang ginampanan ng panitikan upang makamit natin ang ating kasarinlan.
6. Natuklasang malaki ang impluwensya ng mga kanluranin lalo na ang mga Kastila sa mabagal na pag-
unlad ng ating panitikan noong unang panahon.
7. Makatutulong ang pag-aaral ng mga kalagayang panlipunan, sosyal, politikal, atbp, sa pagsusuri ng
isang akda upang higit na maunawaan ang mga elementong nagtulak sa may-akda upang makalikha.
IV. REKOMENDASYON
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, nakita ang kahalagahan ng pananaw na
historikal/sosyolohikal sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan kaya’t inihahanay ng mananaliksik ang mga
sumusunod na mungkahi at tagubilin.
1. Magsagawa ng mga pagsusuri sa mga akda sa kasalukuyan at sa pagiging matapat nitong
tagapaghatid ng mga kaalaman buhat sa kasaysayan sa kasalukuyang kalagayan.
2. Gawing batayan ng mga pag-aaral ang maraming pagtatangka ng ating mga kritikong nagsuri ng
maraming akdang pampanitikan.
3. Magtuon ng panahon upang alamin ang mga elementong nagbigay-hugis sa mga akdang
pampanitikan tulad ng isyung panlipunang umiral sa panahon ng may-akda, atbp.
4. Magbigay ng pansin sa kahalagahan ng panitikan sa ating buhay at kasaysayan.