taunang patimpalak sa maunawang pagbasa sa filipino.docx

2
TAUNANG PATIMPALAK SA MAUNAWANG PAGBASA SA FILIPINO G. Frederick S. Nieto Ang Kagawaran ng Filipino sa lungsod ng Valenzuela ay muling ipinamalas ang dedikasyon sa tungkulin para sa taunang patimapalak sa maunawang pagbasa sa Filipino. 57 mahuhusay at matatalinong mag-aaral mula sa labinsiyam na paaralan sa lungsod ng Valenzuela ang naglaban-laban sa nakaraang Taunang Patimpalak sa Maunawang Pagbasa sa Filipino na ginanap noong ika-11 ng Pebrero 2015 sa Library Hub, Dalandanan, Valenzuela. Ang patimpalak na ito ay pinangunahan ng Tagamasid Pansangay sa Filipino, Gng. Rosarie R. Carlos at pinangasiwaan ng mga puno ng kagawaran mula sa iba’t ibang paaralan sa Valenzuela. Layunin ng patipalak na ito na hubugin ang kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng kabataang Valenzuelano. Mapalad ang Caruhatan National High School bagamat hindi naiuwi ang unang puwesto ay naipamalas naman ng mga kinatawan ng paaralan ang kanilang husay. Buong tapang na hinarap nina Ryan Jared B. Galiza, baitang 7-Makatao, Lovely Briguera, baitang 8- Abraham, Daphne Nicole C. Aberde, baitang 9-St. Peter at Marjorie Nardo, mula sa ikaapat na taon pangkat Reverence ang hamon upang tangkaing makasungkit ng puwesto. Mula sa labing-siyam (19) na paaralan, ang CNHS ay nakuha ang ikawalong puwesto. Isang magandang senyales na ang ating paaralan ay lumalaban at hindi nagpahuli. Para sa kategoya sa Baitang pito, nasungkit ng Valenzuela City School of Mathematics and Science ang unang puwesto, Canumay West National High School ang ikalawang puwesto at ng Gen. T. de Leon National High School ang ikatlong puwesto. Para naman sa Baitang Walo, hindi nagpahuli ang Canumay West National High School para sa unang puwesto na sinundan ng Maysan National High School at sa ikatlong puwesto ay ang Polo National High School. Nagpasiklab ang Dalandanan National High School para sa kategorya ng Ikatlong Taon na

Upload: frederick-santos-nieto

Post on 23-Dec-2015

92 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: TAUNANG PATIMPALAK SA MAUNAWANG PAGBASA SA FILIPINO.docx

TAUNANG PATIMPALAK SA MAUNAWANG PAGBASA SA FILIPINOG. Frederick S. Nieto

Ang Kagawaran ng Filipino sa lungsod ng Valenzuela ay muling ipinamalas ang dedikasyon sa tungkulin para sa taunang patimapalak sa maunawang pagbasa sa Filipino.

57 mahuhusay at matatalinong mag-aaral mula sa labinsiyam na paaralan sa lungsod ng Valenzuela ang naglaban-laban sa nakaraang Taunang Patimpalak sa Maunawang Pagbasa sa Filipino na ginanap noong ika-11 ng Pebrero 2015 sa Library Hub, Dalandanan, Valenzuela.

Ang patimpalak na ito ay pinangunahan ng Tagamasid Pansangay sa Filipino, Gng. Rosarie R. Carlos at pinangasiwaan ng mga puno ng kagawaran mula sa iba’t ibang paaralan sa Valenzuela. Layunin ng patipalak na ito na hubugin ang kakayahan sa pag-unawa sa binasa ng kabataang Valenzuelano.

Mapalad ang Caruhatan National High School bagamat hindi naiuwi ang unang puwesto ay naipamalas naman ng mga kinatawan ng paaralan ang kanilang husay. Buong tapang na hinarap nina Ryan Jared B. Galiza, baitang 7-Makatao, Lovely Briguera, baitang 8-Abraham, Daphne Nicole C. Aberde, baitang 9-St. Peter at Marjorie Nardo, mula sa ikaapat na taon pangkat Reverence ang hamon upang tangkaing makasungkit ng puwesto.

Mula sa labing-siyam (19) na paaralan, ang CNHS ay nakuha ang ikawalong puwesto. Isang magandang senyales na ang ating paaralan ay lumalaban at hindi nagpahuli. Para sa kategoya sa Baitang pito, nasungkit ng Valenzuela City School of Mathematics and Science ang unang puwesto, Canumay West National High School ang ikalawang puwesto at ng Gen. T. de Leon National High School ang ikatlong puwesto. Para naman sa Baitang Walo, hindi nagpahuli ang Canumay West National High School para sa unang puwesto na sinundan ng Maysan National High School at sa ikatlong puwesto ay ang Polo National High School. Nagpasiklab ang Dalandanan National High School para sa kategorya ng Ikatlong Taon na nagkamit ng unang puwesto, Wawang Pulo National High School para sa ikalawang puwesto at ng Canumay West National High School para sa ikatlong puwesto. Para sa ikaapat na taon ay sinuguro na ng Canumay West National High School ang unang puwesto, ang ikalawang puwesto naman ay nakuha ng Gen. T. De Leon National High School at para sa huling puwesto na nasungkit ng Bignay National High School.

Ang mga mag-aaral na nakakuha ng unang puwesto ang magiging kinatawan ng ating lungsod sa Antas Rehiyunal na gaganapin Quezon City Science High School.

Nagpapasalamat ang buong kagawaran ng Filipino kay Dr. Virginia O. Alacon, punongguro ng paaralan dahil sa hindi matatawarang pagsuporta sa kagawaran.

Inaasahan na sa susunod na taon ay maiuuwi na ng CNHS ang kampeonado.