stress - download-a.akamaihd.net

16
!"#2 MAYO 2014 STRESS MGA PARAAN PARA MAHARAP ITO

Upload: others

Post on 16-Oct-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

!"#2 MAYO 2014

STRESSMGA PARAAN PARA

MAHARAP ITO

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?Magpunta sa www.jw.org /tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org /tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2014 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

STRESSMGA PARAAN PARA MAHARAP ITO

PAHINA 4-7

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

8 TULONG PARA SA PAMILYATuruan ang Iyong mga Anak ng Internet Safety

10 INTERBYUAng Paniniwala ng Isang Consultant Surgeon

12 Paghahanap sa mga Mangkukulam sa Europa

14 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAPagbubulay-bulay

16 “Tumatawag ang Karunungan”—Naririnig Mo Ba?

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org/tl

T I N - E D Y E R

Alamin ang sagot ng Bibliya samaraming tanong ng mga kabataan.Kasama ang mga artikulong ito:˙ “Gaano Ako Karesponsable?”˙ “Handa Na ba Akong Makipag-date?”˙ “Paano Kung Maghihiwalay Na

ang mga Magulang Ko?”Panoorin din ang video naAng Sinasabi ng Ibang Kabataan—Body Image.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � TIN-EDYER)

M G A B ATA

Basahin ang isinalarawang mgakuwento sa Bibliya. Gamitin ang mgaactivity para tulungan ang iyong mgaanak na madagdagan ang kanilangkaalaman sa mga karakter atpamantayang moral ng Bibliya.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � MGA BATA)

Vol. 95, No. 5 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 44,748,000 sa 99 na Wika

r

r

PAGMAMA S I D S A DA I G D I G

TIMOG-SILANGANG ASIAAyon sa World Wildlife Fund, mula 1997 hang-gang 2011, maraming bagong uri ng halamanat hayop, kasama na ang ruby-eyed pit viper(Trimeresurus rubeus), ang natukoy sa GreaterMekong, isang rehiyong sumasaklaw sa Cam-bodia, Laos, Myanmar, Thailand, Vietnam, atsa probinsiya ng Yunnan, China. Sa mga uringnatuklasan noong 2011 lang, may 82 hala-man, 21 reptilya, 13 isda, 5 ampibyan, at5 mamalya.

EUROPAMalubhang problema naang human trafficking sa“buong European Union,”ang sabi ng isang reportng The Moscow Times.Ibinebenta ang mga taopara sa seksuwal na layu-nin, puwersahang pagta-trabaho, at kahit sa “ile-gal na bentahan ng mgaorgan ng tao.” Sinasa-mantala ng mga traffickerang kahirapan, kawalanng trabaho, at di-pagka-kapantay-pantay dahil sakasarian.

NEW ZEALANDNatuklasan ng mga mananaliksik naang sobrang panonood ng TV ng mga bataat tin-edyer ay “isa sa mga dahilan ng pagi-ging marahas sa murang edad.” Sinabi ngmga mananaliksik na sinusuportahan nitoang rekomendasyon na ang mga bata aydapat manood nang “di-hihigit sa 1 hang-gang 2 oras ng mga de-kalidad na progra-ma araw-araw.”

ALASKAHalos lahat ng nayon ng mga katutubosa Alaska ay nasa mga baybayin o ma-lapit sa mga ilog, at 86 na porsiyentosa mga ito ay apektado ng pagbaha atpagguho ng lupa. Sinasabi ng mga re-port na dahil sa pagtaas ng temperatu-ra, naaantala ang pamumuo ng yelona nagsisilbing proteksiyon sa baybayinkung kaya mas nahahantad ang mganayon sa mga bagyo tuwing taglagas.

DAIGDIGSa kabila ng malaking gastos sa mga tek-nolohiyang makapagpo-produce ng malinisna enerhiya, gaya ng enerhiyang galing sahangin at araw, “ang average unit ng ener-hiya na naipo-produce ngayon ay halos ka-sindumi pa rin ng enerhiya 20 taon naang nakalilipas,” ang sabi ni Maria van derHoeven, executive director ng InternationalEnergy Agency.

Village: � Paul Lawrence/age fotostock; windmills: � Fco Javier Sobrino/age fotostock; snake:Eduard Galoyan/Joint Russian-Vietnamese Tropical Research and Technological Centre 3

HINDI nag-iisa si Kari. Ayon sa isangmental-health charity sa United King-

dom, 1 sa 5 manggagawang taga-Britainang nagsabi na nagkakasakit sila dahil sastress sa trabaho, at 1 sa 4 ang napapaiyakdahil sa sobrang pressure. Nang bumagsakang ekonomiya noong 2009, biglang-taasang bilang ng reseta para sa antidepres-sant.

Ano ang nakaka-stress sa iyo?ˇ Pagiging di-panatag—sa pinansiyal o

iba paˇ Sobrang dami ng gawainˇ Di-pagkakasundoˇ Masaklap na karanasan

Ano ang epekto sa iyo ng stress?ˇ Pagkakasakitˇ Pagkasagad sa emosyonˇ Di-pagkakatulogˇ Depresyonˇ Nasirang ugnayan

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

STRESSMGA PARAAN PARAMAHARAP ITO

“Para akong dagang nasa treadwheel, tak-bo nang takbo pero walang nararating.Nagtatrabaho ako nang 16 na oras araw-araw, at halos wala akong day off kahitweekend. Naiinis ako kasi nakikita ko langang anak ko kapag tulog na siya. Nagkaka-sakit na ako dahil sa stress.”—Kari, Finland.

Kapag nai-stress ka, may kahanga-hangang sistema sa iyong katawan naagad rumeresponde. Naglalabas ito ngmga hormon na nagpapabilis ng paghingaat tibok ng puso, at nagpapataas ng pres-yon ng dugo. Dumaragsa rin sa iyong dugoang mga reserbang selula ng dugo at glu-cose. Ang sunod-sunod na prosesong itoay naghahanda sa iyo na maharap ang san-hi ng stress. Kapag wala na ito, maaarinang bumalik sa normal ang katawan mo.Pero kung naroon pa rin ang pinagmumulanng stress, mananatili kang balisa o tensiyo-nado, gaya ng isang makinang walang tigilsa pagrerebolusyon. Kaya para sa malusogna pangangatawan at isip, mahalagang ma-laman kung paano haharapin ang stress.

Pagharap sa StressHindi naman masama ang stress. Ayon

sa American Psychological Association:“Ang stress na nararanasan ng tao ay pa-rang tensiyon sa kuwerdas ng isang biyolin:kapag kulang, ang tunog ay walang buhay atgaralgal; kapag sobra naman, ang tunog aymasyadong matinis o madaling mapatid

ang kuwerdas. Ang stress ay puwedeng ma-kamatay o kaya’y makapagpasaya sa buhay.Ang tanong ay kung paano ito haharapin.”

Iba-iba rin ang ugali at kalusugan ngbawat tao. Kaya ang nakaka-stress sa isangtao ay baka hindi naman nakaka-stress saiba. Pero kung masyado kang tensiyonadosa rutin mo anupat hindi ka na makare-laks o hindi mo na maharap ang paminsan-minsang emergency, malamang na sobrangstressed ka na.

Para “makayanan” ang chronic stress,ang ilan ay bumabaling sa alak, droga, osigarilyo. Ang iba naman ay kain nang kain onakatunganga na lang sa harap ng TV ocomputer—na hindi naman nakatutulongkundi baka makapagpalala pa nga ngstress. Kung gayon, paano natin epektibongmahaharap ang stress?

Nakayanan ng marami ang stress sapamamagitan ng pagkakapit ng praktikal namga payo ng Bibliya. Paano makatutulongsa iyo ang subok na karunungan nito? Suri-in natin ang tanong na iyan sa tulong ngapat na karaniwang sanhi ng stress.

Gumising! Mayo 2014 5

“Ang paggawa ng ilang pagbabago sa paraan ng pamumuhay angpinakamagandang simula” para mabawasan ang stress, ayon sa Na-tional Institutes of Health (NIH) sa Estados Unidos. “Una, kumain ngbalanse at masustansiyang pagkain, at magkaroon ng sapat na tu-log at ehersisyo. Bawasan din ang caffeine at alak at huwag gumamitng nikotina, cocaine, o iba pang bawal na gamot.” Iminumungkahi rinng NIH ang pagbabakasyon, paggugol ng panahon kasama ang pamil-ya o mga kaibigan, pagkatutong gumawa ng mga bagay gamit ang sa-riling kamay, o pag-aaral tumugtog ng isang instrumento.

Ang “Pinakamagandang Simula” Para Mabawasanang Stress

1PAGIGING DI-PANATAG

Walang sinuman sa atin ang talagang panatag.Sabi nga ng Bibliya, “ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa [ating]lahat.” (Eclesiastes 9:11) Ano ang puwedemong gawin kung hindi ka napapanatag? Subu-kan ang mga mungkahing ito.˙ Sabihin sa isang pinagkakatiwalaang kapamil-

ya o kaibigan ang iyong nadarama. Ipinakikitang mga pag-aaral na ang suporta ng mga ma-hal sa buhay ay laging nagbibigay ng proteksi-yon laban sa mga sakit na dulot ng stress. Oo,“ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ngpanahon, at isang kapatid na ipinanganganakkapag may kabagabagan.”—Kawikaan 17:17.

˙ Huwag isipin na laging may masamang mang-yayari. Uubusin lang nito ang lakas mo. Bakanga hindi mangyari ang kinatatakutan mo!Kaya naman makatuwiran ang sabi ng Bibli-ya: “Huwag kayong mabalisa tungkol sa susu-nod na araw, sapagkat ang susunod na araway magkakaroon ng sarili nitong mga kabalisa-han.”—Mateo 6:34.

˙ Manalangin. ‘Ihagis ninyo sa Diyos ang lahatng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nag-mamalasakit sa inyo,’ ang sabi ng 1 Pedro5:7. Ipinakikita ng Diyos ang malasakit niya sapamamagitan ng pagbibigay sa atin ng kapa-natagan at ng katiyakan na ‘hindi niya paba-bayaan’ ang mga taimtim na humihingi sa ka-niya ng kaaliwan at tulong sa panahon ngkagipitan.—Hebreo 13:5; Filipos 4:6, 7.

2 SOBRANG DAMING GAWAIN

Ang walang-katapusang rutin ng pagko-commute, pagtatrabaho, pag-aaral, o pag-aalaga sa mga anak o may-edad nang mgamagulang ay maaaring magdulot ng matindiat namamalaging stress. At hindi naman pu-wedeng ihinto ang ilan sa mga gawaing iyan.(1 Timoteo 5:8) Kaya ano ang puwede monggawin?˙ Magrelaks, at magkaroon ng sapat na pahi-

nga. Sabi ng Bibliya: “Mas mabuti ang san-dakot na kapahingahan kaysa sa dalawangdakot ng pagpapagal at paghahabol sa ha-ngin.”—Eclesiastes 4:6.

˙ Magtakda ng tamang priyoridad, at ma-muhay nang simple. (Filipos 1:10) Pasimple-hin ang iyong buhay, marahil sa pamamagi-tan ng pagtitipid o pagbabawas ng panahonsa trabaho.—Lucas 21:34, 35.Sinuri ni Kari, na binanggit sa simula, ang

kaniyang buhay nang mag-aral siya ng Bibliya.“Nakita kong pansariling kapakanan lang anginuuna ko,” ang sabi niya. Ipinagbili niya angkaniyang negosyo at kumuha ng trabahongmagbibigay sa kaniya ng mas maraming pana-hon para sa kaniyang pamilya. “Hindi na ga-no’n kaalwan ang buhay namin,” ang pag-amin niya, “pero nabawasan naman angstress namin ng misis ko, at mas marami nakaming panahon sa aming pamilya at mga ka-ibigan. Hindi ko ipagpapalit sa anumang nego-syo ang kapanatagang nadarama ko ngayon.”

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

3 DI-PAGKAKASUNDO

Ang mga di-pagkakasundo, lalo na sa lugar ngtrabaho, ay talagang nakaka-stress. Kung na-raranasan mo ito, may ilang bagay na makatu-tulong sa iyo.˙ Kapag may nagawa ang iba na nakaiinis sa

iyo, manatiling kalmado. Huwag mo na itonggatungan. “Ang sagot, kapag mahinahon, aypumapawi ng pagngangalit, ngunit ang sali-tang nakasasakit ay pumupukaw ng galit,”ang sabi ng Kawikaan 15:1.

˙ Lutasin ang di-pagkakaunawaan nang priba-do at may paggalang, sa gayo’y binibigyang-dangal ang kabilang panig.—Mateo 5:23-25.

˙ Unawain ang kaniyang damdamin at pang-malas. Ang gayong kaunawaan ay “nagpapa-bagal ng [ating] galit” dahil inilalagay natinang ating sarili sa sitwasyon niya. (Kawikaan19:11) Tutulong din ito sa atin na makita angating sarili ayon sa pangmalas ng iba.

˙ Magpatawad. Magandang bagay ang pag-papatawad. Mabisang gamot din ito. Gaya nginiulat sa isang pag-aaral noong 2001, angpag-iisıp ng mga bagay na nakagagalit aynagpapataas ng presyon ng dugo at nagpa-pabilis ng pintig ng puso, pero ang pagigingmapagpatawad ay nakababawas ng stress.—Colosas 3:13.

4MASAKLAP NAKARANASAN

Sunod-sunod na trahedya ang dinanas niNieng, na taga-Cambodia. Noong 1974, nasu-gatan siya nang sumabog ang isang bomba saairport. Nang sumunod na taon, ang kaniyangdalawang anak, ina, at asawa ay namatay. No-ong 2000, ang kaniyang bahay at iba pang ari-arian ay nasunog, at pagkaraan ng tatlongtaon, namatay naman ang pangalawa niyangasawa. Sa puntong iyon, gusto na niyang mag-pakamatay.

Pero nakakita ng solusyon si Nieng. Tulad niKari, nag-aral din siya ng Bibliya at nakina-bang nang husto, kaya naman naglaan siya ngpanahon para tulungan din ang iba. Ipinaaala-ala ng kaniyang karanasan ang isang pag-aaral ng mga mananaliksik na taga-Britain no-ong 2008. Natuklasan nila na ang isangparaan para maging “matatag kapag napapa-harap sa stress” ay ang “magbigay . . . sa iba”—na matagal nang ipinapayo ng Bibliya.—Gawa20:35.

Bukod diyan, nagkaroon si Nieng ng tiyak napag-asa para sa isang magandang kinabuka-san, kung saan mawawala na ang lahat ng pro-blemang nagpapahirap sa mga tao. Sa halip,magkakaroon ng “kasaganaan ng kapayapa-an” sa buong mundo.—Awit 72:7, 8.

Ang tunay na pag-asa at ang karununganpara makayanan ang mga stress sa buhay ayparehong napakahalaga, at parehong mata-tagpuan sa Bibliya. Milyon-milyon na ang naki-nabang sa kamangha-mangha at natatangingaklat na ito. Puwede ka ring makinabang. ˛

“Mas mabuti ang sandakot na kapahingahankaysa sa dalawang dakot ng pagpapagal”

Gumising! Mayo 2014 7

ANG HAMONDahil sa mga balitang naririnigmo, iniisip mo tuloy na ang Inter-net ay pugad ng mga cyber-bully, mang-aabuso sa sekso, atmagnanakaw ng identity. Maydahilan kang mabahala: Mada-las mag-Internet ang anak mongtin-edyer at parang wala siyangkamuwang-muwang sa panga-nib nito.Puwede mong turuan ang anakmong tin-edyer ng Internet safe-ty. Pero narito ang ilang bagayna dapat mo munang malamantungkol sa Internet.

ANG DAPAT MONG MALAMANNakakapag-Internet ang mga kabataan sa mga gadyetnila. Tama pa rin namang ilagay ang computer sa isang lu-gar sa bahay kung saan nakikita ito ng lahat. Pero gamit angtablet o smartphone na nakakonek sa Internet, mas maka-kapag-online ang iyong anak—nang hindi mo nalalaman.May mga tin-edyer na nagbababad sa Internet. “Nagbubu-kas ako ng computer para i-check ang e-mail ko sa loob nglimang minuto pero nauuwi ito sa ilang oras na panonood ngmga video,” ang pag-amin ng isang 19-anyos na babae. “Ka-ilangan ko talagang pigilan ang sarili ko.”Baka mas maraming naibibigay na impormasyon onlineang mga tin-edyer kaysa sa nararapat. Kayang pagsama-samahin ng masasamang tao ang mga comment at litratong isang kabataan para makuha ang impormasyong gaya ngkung saan siya nakatira, kung saan siya pumapasok, atkung anong oras walang tao sa bahay nila.Hindi naiintindihan ng ilang tin-edyer ang magiging resul-ta ng ipinost nila. Ang nai-post na sa Internet ay nananati-ling nasa Internet. Kung minsan, ang mga nakakahiyangcomment at litrato ay nadidiskubre—halimbawa, ng isangpotensiyal na employer na gumagawa ng background checksa isang aplikante.Gayunman, tandaan ito: Hindi mo kaaway ang Internet. Angproblema ay ang di-matalinong paggamit ng Internet.

T U L O N G PA R A S A PAM I LYA � P A G P A P A L A K I N G M G A A N A K

Turuan angIyong mgaAnak ngInternet Safety

r

Hindi dahil may naaaksidente sa sasakyan ay mali nangmagmaneho ng sasakyan. Ganiyan din sa paggamit ng Internet.Kailangang maging maingat sa “pagmamaneho” ang iyong anak

Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

%

ANG PUWEDE MONG GAWINTuruan ang iyong tin-edyer ng tamang priyoridad at pag-gamit ng panahon. Para maging responsableng adulto, da-pat niyang matutuhang unahin kung ano ang pinakaimpor-tante. Ang pakikipagsamahan sa pamilya, paggawa nghomework at gawaing-bahay ay mas importante kaysa sapag-i-Internet. Kung nababahala ka na sa panahong inuubosdito ng anak mo, magtakda ng limitasyon—kung kinakaila-ngan, gumamit ng timer.—Simulain sa Bibliya: Filipos 1:10.Turuan ang iyong tin-edyer na mag-isip muna bago mag-post. Tulungan siyang pag-isipan ang mga tanong na gayang: May masasaktan ba sa ipo-post kong comment? Anokaya ang magiging epekto ng litratong ito sa reputasyon ko?Mahihiya ba ako kapag nakita ng mga magulang ko o ngibang adulto ang comment o litrato kong ito? Ano ang iisipinnila tungkol sa akin kapag nakita nila ito? Ano ang iisipinko sa taong nag-post ng gayong comment o litrato?—Simula-in sa Bibliya: Kawikaan 10:23.

Turuan ang iyong tin-edyer na mamuhay ayon sa mabutingasal—hindi lang sa mga utos. Hindi sa lahat ng oras ay ma-babantayan mo ang iyong anak. Bukod diyan, ang layuninmo ay hindi para kontrolin ang iyong mga anak kundi paratulungan silang “[masanay] ang kanilang mga kakayahansa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali.”(Hebreo 5:14) Kaya sa halip na idiin sa kanila na mga utosat parusa ang pinakaimportante, antigin ang kanilang mora-lidad. Ano ang gusto niyang maging tingin sa kaniya ng iba?Sa anong mga katangian gusto niyang makilala siya? Anglayunin mo ay para tulungan ang iyong anak na gumawa ngmatatalinong desisyon, naroon ka man o wala.—Simulain saBibliya: Kawikaan 3:21.Ang pagna-navigate sa Internet, gaya ng pagmamanehong sasakyan, ay nangangailangan ng tamang pagpapasiya—hindi lang ng teknikal na abilidad. Kaya naman napakaha-laga ng patnubay ng magulang. Tutal, sabi nga ng eksper-to sa Internet safety na si Parry Aftab: “Mas marunong angmga kabataan pagdating sa teknolohiya. Mas makaranasannaman sa buhay ang mga magulang.” ˛

MGA SUS ING TEKS TO“[Tiyakin] ninyo ang mga bagay na hi-git na mahalaga.”—Filipos 1:10.

“Para sa hangal ang pagsasagawa ngmahalay na paggawi ay parang katu-waan lamang, ngunit ang karunu-ngan ay para sa taong may kauna-waan.”—Kawikaan 10:23.

“Ingatan mo ang praktikal na karunu-ngan at ang kakayahang mag-isip.”—Kawikaan 3:21.

“Bago pasukin ng iyonganak ang mundo ng Inter-net, kailangang naipakikitana niya ang magagandangkatangian na gusto mongtaglayin niya—gaya ng ka-baitan, pagpipigil, pagpapa-raya, di-pagtatangi—dahilmasusubok ang mga ito.”—Letting Go With Love and Con-fidence, nina Kenneth Ginsburg atSusan FitzGerald.

“Mas marunong ang mga kabataan pag-dating sa teknolohiya. Mas makaranasannaman sa buhay ang mga magulang”

Gumising! Mayo 2014 9

Puwede mo bang sabihin saamin kung bakit ka naniniwalanoon sa ebolusyon?Kahit pinalaki akong Katoliko,may mga alinlangan pa rin akotungkol sa Diyos. Halimbawa, hin-di ko maatim na maniwala saisang Diyos na nanununog ngmga tao sa impiyerno. Kaya nangituro ng mga propesor ko sa uni-bersidad na ang mga bagay namay buhay ay nag-evolve at hindinilalang ng Diyos, pinaniwalaanko iyon, sa pag-aakalang sinusu-portahan iyon ng ebidensiya. Siya-nga pala, hindi tutol sa ebolusyonang relihiyon ko pero naniniwalaito na pinatnubayan iyon ng Diyos.

Bakit ka naging interesadosa Bibliya?Ang asawa kong si Susana aynagsimulang makipag-aral ngBibliya sa mga Saksi ni Jehova.Sa tulong ng Bibliya, ipinakitanila sa kaniya na hindi pinahihi-rapan ng Diyos ang mga tao samaapoy na impiyerno.1 Ipinaki-ta rin nila sa kaniya ang pa-ngako ng Diyos na gawing para-iso ang ating planeta.2 Sawakas, natagpuan din naminang mga turo na talagang ma-katuwiran! Noong 1989, sini-mulan akong dalawin ni Nick,isang Saksi. Habang pinag-uusapan namin ang tungkol sakatawan ng tao at ang pinag-

mulan nito, humanga ako sa sim-pleng pangangatuwiran ng mgasalita sa Hebreo 3:4 na nagsa-sabing “bawat bahay ay may nag-tayo, ngunit siya na nagtayo ng la-hat ng bagay ay ang Diyos.”

Nakatulong ba ang pag-aaral motungkol sa katawan ng tao paramaniwala ka sa paglalang?Oo. Halimbawa, napakaingat ngpagkakadisenyo sa kakayahan ngkatawan natin na i-repair ang sa-rili nito. Ang paghihilom ng atingsugat ay dumaraan sa apat nanagpapang-abot na yugto. Ipina-aalaala nito sa akin na bilang sur-geon, nakikipagtulungan langako sa likas na kakayahan ng ka-tawan na i-repair ang sarili nito.

Ano ba ang nangyayari kapagnasusugatan tayo?Sa loob lang ng ilang segundo,nagsisimula na ang unang yugtong magkakasunod na prosesopara mapahinto ang pagdurugo.Napakasalimuot at napakasiste-

I N T E R B Y U � G U I L L E R M O P E R E Z

Ang Paniniwala ng Isang Consultant Surgeon

Si Dr. Guillermo Perez ay nagretiro kamakailan bilang headng surgery department ng isang ospital sa South Africa na may700 kama. Sa loob ng maraming taon, naniniwala siya saebolusyon. Pero sa kalaunan, nakumbinsi siya na ang katawanng tao ay dinisenyo ng Diyos. Ininterbyu siya ng Gumising!tungkol sa kaniyang paniniwala.

Gumising! Mayo 2014 11

matiko ng mga prosesong ito. Bu-kod diyan, ang ating circulatorysystem na may mga 100,000-ki-lometrong blood vessel ay tiyakna kinaiinggitan ng mga plumb-ing engineer dahil sa kakayahannitong mapigil ang mga tagas ati-repair ang sarili nito.

Ano naman ang nangyayarisa pangalawang yugto ngpagre-repair?Sa loob ng ilang oras, humihintoang pagdurugo at nagsisimulaang pamamaga. Kahanga-hangaang mga nangyayari sa panahongito. Una, ang mga blood vesselna dati’y kumikipot para mabawa-san ang pagdurugo ay lumuluwagpara madagdagan ang pagdaloyng dugo sa sugat. Pagkatapos,unti-unting namamaga ang sugatdahil sa fluid na mayaman sa pro-tina. Mahalaga ang fluid na ito da-hil nilalabanan nito ang impeksi-yon, pinalalabnaw ang lason, atinaalis ang mga napinsalang tis-sue. Sa bawat hakbang na ito, ka-ilangan ang produksiyon ng mil-yon-milyong molekula at selula samagkakasunod na pangyayari. Si-yanga pala, ang ilan sa mga pang-yayaring ito ay nagsisilbing stimu-lant para sa susunod na yugto, atpagkatapos, titigil na ang mga ito.

Paano nagpapatuloy angpaghihilom ng sugat?Sa loob ng ilang araw, ang atingkatawan ay nagsisimulang guma-wa ng materyales sa pagre-repair,isang proseso na pasimula ngikatlong yugto at umaabot sa suk-

dulan nito pagkaraan ng mgadalawang linggo. Ang mga selu-la na nagiging fiber sa ibabaw ngsugat ay naiipon doon at patu-loy na dumarami. Nagsusulpu-tan din ang maliliit na blood ves-sel patungo sa sugat. Ang mgaito ang nag-aalis ng dumi at nag-susuplay ng ekstrang sustansiyasa panahon ng demolisyon atpagre-repair. Sa iba pang magka-kasunod na pangyayari, nabu-buo naman ang mga espesyalna selula na nagiging dahilanpara magsara ang sugat.

Matrabaho pala ’yon! Gaanopa katagal bago matapos angpagre-repair?Ang huling yugto—ang remodel-ing—ay puwedeng tumagal nangilang buwan. Ang mga balıngbuto ay tumitibay ulit gaya ngdati, at ang mga fiber na naiponsa ibabaw ng sugat ay napapali-tan ng mas matitibay na mater-yales. Ang lahat ng prosesong itosa paghihilom ng sugat ay isangnapakahusay na halimbawa ngpagtutulungan.

May naaalaala ka bang kaso natalagang nagpahanga sa iyo?Mayroon. May ginamot akongisang 16-anyos na naaksidentesa kotse. Kritikal ang kondisyonng dalagitang iyon dahil sa nasu-gatang spleen at internal bleed-ing. Noon, inoopera namin angganitong kaso para i-repair otanggalin ang spleen. Pero nga-yon, mas umaasa ang mga dok-tor sa kakayahan ng katawan na

i-repair ang sarili nito. Kaya gina-mot ko lang ang kaniyang impek-siyon, pagkaubos ng fluid, anem-ya, at kirot. Pagkalipas ng ilanglinggo, nakita sa scan na naghi-lom na ang kaniyang spleen! Ka-pag nakikita ko kung paano nire-repair ng katawan ang sarili nito,napapahanga ako. At mas laloakong nakukumbinsing dinisen-yo tayo ng Diyos.

Bakit mo naman nagustuhanang mga Saksi ni Jehova?Palakaibigan kasi sila, at lagi ni-lang ginagamit ang Bibliya sapagsagot sa mga tanong ko. Ha-nga rin ako sa lakas ng loob ni-lang ibahagi ang kanilang pani-niwala at tulungan ang iba namatuto tungkol sa Diyos.

Nakatulong ba sa trabaho moang pagiging Saksi ni Jehova?Oo naman. Una sa lahat, tinu-lungan ako nito na makayananang compassion fatigue, isanguri ng pagkasagad sa emosyonna karaniwang nararamdamanng mga doktor at nars dahil samadalas na pakikitungo sa mgataong may sakit o sugatan. At ka-pag gustong makipag-usap ngmga pasyente, naipapaliwanagko sa kanila ang pangako ngating Maylalang na wawakasanniya ang sakit at pagdurusa 3 atpaiiralin ang isang mundo kungsaan wala nang magsasabi, “Akoay may sakit.”4 ˛

1. Eclesiastes 9:5.2. Isaias 11:6-9.3. Apocalipsis 21:3, 4.4. Isaias 33:24.

Kapag nakikita ko kung paanonire-repair ng katawan ang sarilinito, napapahanga ako

SA Europa, mga ilang siglo na ang nakara-raan, ang takot sa pangkukulam ay hu-

mantong sa paghahanap at pagpatay samga mangkukulam. Nangyari ito sa Pransi-ya, Alemanya, hilagang Italya, Switzerland, atsa tinatawag na Low Countries—Belgium,Luxembourg, at Netherlands. “Libo-libo angnamatay sa Europa at sa mga kolonya ngEuropa,” at “milyon-milyong iba pa ang pi-nahirapan, inaresto, pinagtatanong, kinapo-otan, hiniya, o tinakot,” ang sabi ng aklat naWitch Hunts in the Western World.� Paanonagsimula ang ganitong pagkatakot at ba-kit?

Ang Inkisisyon at angThe Hammer of Witches

May malaking kinalaman sa kuwentongito ang Inkisisyon. Binuo ito ng SimbahangRomano Katoliko noong ika-13 siglo “parakumbertehin ang mga apostata at hadla-ngan ang paghiwalay ng iba,” ang paliwanagng aklat na Der Hexenwahn (The Witch Ma-nia). Ang Inkisisyon ang nagsilbing pulis ngsimbahan.

Noong Disyembre 5, 1484, inilabas niPope Innocent VIII ang isang utos na nagba-bawal sa pangkukulam. Inatasan din niyaang dalawang inkisidor—sina Jakob Spren-ger at Heinrich Kramer (kilala rin sa kani-yang pangalang Latin na Henricus Instito-ris)—para ayusin ang problema. Sumulat silang isang aklat na pinamagatang MalleusMaleficarum, o The Hammer of Witches. Ti-nanggap ito ng mga Katoliko at Protestantebilang awtoridad may kinalaman sa pang-kukulam. Ang aklat na ito ay naglalaman nglikhang-isip na mga kuwento tungkol sa mgamangkukulam batay sa mga sabi-sabi. Ma-babasa rito ang mga argumento ng batas atng simbahan laban sa pangkukulam, pati naang mga tagubilin kung paano makikilalaat lilipulin ang mga mangkukulam. Sinasa-bing ang The Hammer of Witches “ang pina-

� Kasama sa mga kolonya ng Europa ang mga lupain saAmerika.

Paghahanap sa mgaMangkukulam sa Europa

Sinasabing ang The Hammer of Witches “angpinakamabalasik at . . . pinakamapaminsalang

aklat sa daigdig ng panitikan”

Tinitimbang ang mga pinagsususpetsahandahil ang mga mangkukulam daw ay

magaan o walang timbang

Gumising! Mayo 2014 13

kamabalasik at . . . pinakamapaminsalangaklat sa daigdig ng panitikan.”

Hindi kailangan ang katibayan kapagnapagbintangang mangkukulam ang isa. Si-nasabi ng aklat na Hexen und Hexenprozes-se (Witches and Witch Trials) na ang layuninng mga paglilitis ay “para lang paaminin angnapagbintangan sa pamamagitan ng panghi-hikayat, panggigipit, o pamimilit.” Karaniwanna lang ang pagpapahirap.

Dahil sa The Hammer of Witches at sautos na inilabas ni Pope Innocent VIII, isina-gawa ang malawakang paghahanap sa mgamangkukulam sa Europa. Nakatulong dinang bagong teknolohiya—ang paglilimbag—para ikalat ang kabaliwang ito hanggang saibayong dagat ng Atlantiko at Amerika.

Sino ang mga Napagbintangan?Mahigit 70 porsiyento ng napagbintangan

ay mga babae, lalo na ang mga balo, na ka-dalasa’y walang tagapagtanggol. Kasama samga biktima ang mahihirap, matatanda, atmga babaeng nagbibigay ng mga halamang-gamot, lalo na kapag hindi ito tumalab. Wa-lang ligtas dito—mayaman o mahirap, lalakio babae, hamak o prominente.

Sinisisi ng mga tao ang mga “mangkuku-lam” sa lahat ng uri ng kasamaan. Diumano,sila ang “nagdudulot ng pagyeyelo at mgasalot ng suso at higad para sirain ang mgabinhi at bunga ng lupa,” ang sabi ng maga-sing Aleman na Damals. Kapag tinamaan nggraniso ang ani, kapag hindi nakapagbigayng gatas ang baka, kapag baog ang isang la-laki o babae, mga mangkukulam ang sisisi-hin!

Paano nakikilala ang mga mangkukulam?Ang ilang pinagsususpetsahan ay ginagaposat inilalagay sa “banal” na tubig na malamig.Kapag lumubog, sila ay inosente at saka iaa-hon. Kapag lumutang, ituturing silang mang-kukulam at agad papatayin o ibibigay samga tagapaglitis. Ang iba naman ay tinitim-bang sa pag-aakalang ang mga mangkuku-lam ay magaan o walang timbang.

Ang isa pang paraan ay ang paghahanapsa “marka ng Diyablo,” na “isang nakikitangtanda na iniwan ng Diyablo matapos maki-pagkasundo sa mangkukulam,” ang sabi ngWitch Hunts in the Western World. Para ma-laman kung may marka ang isa, ‘inaahit ngmga opisyal ang lahat ng buhok sa ulo atkatawan ng napagbintangan at sinusuriang kaliit-liitang bahagi ng katawan nito’—saharap ng publiko! Pagkatapos, tutusukin nilang karayom ang anumang makita nila, gayang balat, kulugo, at pilat. Kung hindi iyonmasakit o hindi dumugo, ituturing itong mar-ka ni Satanas.

Kapuwa sinuportahan ng mga pamahala-ang Katoliko at Protestante ang paghahanapsa mga mangkukulam. At sa ilang rehiyon,mas pursigido pa ang mga tagapamahalangProtestante kaysa sa Katoliko. Pero sa kalau-nan, nakapag-isip-isip din sila. Halimbawa,noong 1631, si Friedrich Spee, isang paringJesuita na naghatid ng maraming “taong na-hatulang mangkukulam” sa tulos para su-nugin nang buhay, ay sumulat na, para sakaniya, walang kasalanan ang mga ito. Nag-babala siya na kung magpapatuloy ang pag-tugis na ito, mauubos ang tao sa lupain!Samantala, naintindihan ng mga manggaga-mot na ang mga bagay na gaya ng pangingi-say ay maaaring dahil sa sakit at hindi dahilsa pagsanib ng demonyo. Noong ika-17 sig-lo, biglang bumaba ang bilang ng mga pagli-litis, at sa pagtatapos ng siglong iyon, lubu-san na itong inihinto.

Ano ang itinuturo sa atin ng malagim napanahong iyon? Ang isang mahalagang aralay ito: Nang palitan ng mga nag-aangkingKristiyano ang dalisay na mga turo ni Jesu-Kristo ng relihiyosong mga kasinungalinganat pamahiin, nagbunga ito ng katakot-takotna kasamaan. Bilang paghula sa upasalangidudulot ng di-tapat na mga taong iyon sa tu-nay na Kristiyanismo, nagbabala ang Bibliya:“Pagsasalitaan nang may pang-aabuso angdaan ng katotohanan.”—2 Pedro 2:1, 2. ˛

ANG SINASABI NG MGA TAO Maraming klase ng meditation, o pagbubulay-bulay; ang ilan ay nanggaling sa sinaunang mga relihiyon sa Silangan. “Paramakakita nang malinaw, kailangang blangko ang isip,” ang sabi ng isangmanunulat tungkol sa paksang ito. Ipinakikita ng sinabi niya na kung blang-ko ang isip ng isa habang nagpopokus sa ilang salita o larawan, magdudu-lot ito ng kapanatagan, malinaw na pag-iisip, at espirituwal na kaliwanagan.ANG SABI NG BIBLIYA Ipinakikita ng Bibliya na napakahalaga ng pag-bubulay-bulay. (1 Timoteo 4:15) Pero ang pagbubulay-bulay na tinutukoynito ay walang kinalaman sa pagbablangko ng isip o sa pag-uulit ng ilangsalita o parirala, na kung minsa’y tinatawag na mantra. Sa halip, ang pagbu-bulay-bulay na binabanggit sa Bibliya ay ang makabuluhang pag-iisıp tungkolsa kapaki-pakinabang na mga paksa, gaya ng mga katangian, pamantayan,at mga nilalang ng Diyos. “Binubulay-bulay ko ang lahat ng iyong mga gawa;kusang-loob kong itinutuon ang aking pansin sa gawa ng iyong mga kamay,”ang dalangin ng isang tapat na lingkod ng Diyos. (Awit 143:5) Sinabi rinniya: “Kapag naaalaala kita sa aking higaan, sa mga pagbabantay sa gabi aybinubulay-bulay kita.”—Awit 63:6.

A N G PA N GMA L A S N G B I B L I YA � P A G B U B U L AY - B U L AY

P A G B U B U L A Y - B U L A Y

Ano ba ang pagbubulay-bulay?

“Bubulay-bulayin koang lahat ng iyonggawa, at ang iyongmga gawain aypagtutuunan ko ngpansin.”—Awit 77:12.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

ANG SABI NG BIBLIYA Ang pagbubulay-bulay sa mabubuting bagayay nagpapasulong ng ating personalidad, pagpipigil sa sarili, at katatagansa moral—mga bagay na tutulong sa ating makapagsalita at kumilos nangmay kaunawaan. (Kawikaan 16:23) Kaya naman ang gayong pagbubulay-bulay ay nakatutulong din para magkaroon tayo ng maligaya at makabu-luhang buhay. Sinasabi ng Awit 1:3 tungkol sa tao na palaging nagbubulay-bulay sa Diyos: “Siya ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy nanakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig, na nagbibigay ng sariling bunganito sa kaniyang kapanahunan at ang mga dahon nito ay hindi nalalanta,at ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay.”Tumutulong din ang pagbubulay-bulay para mapasulong ang ating pagkau-nawa at memorya. Halimbawa, kapag pinag-aaralan natin ang isang paksatungkol sa paglalang o sa Bibliya, marami tayong natututuhang impormas-yon. Pero kung bubulay-bulayin natin ang mga impormasyong iyon, makiki-ta natin kung paano nauugnay ang mga iyon sa isa’t isa at sa mga dati nanating alam. Kaya, kung paanong binubuo ng karpintero ang mga materya-les para makagawa ng magandang bahay, ang pagbubulay-bulay ay tutu-long sa atin na pag-ugnay-ugnayin ang mga impormasyon para maunawa-an ang paksang pinag-aaralan.

ANG SABI NG BIBLIYA “Mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, ay mganakapipinsalang pangangatuwiran ang lumalabas: mga pakikiapid, mgapagnanakaw, mga pagpaslang, mga pangangalunya, mga pag-iimbot, mgagawa ng kabalakyutan, panlilinlang, mahalay na paggawi, matang mainggi-tin, [at] kawalang-katuwiran.” (Marcos 7:21, 22) Oo, tulad ng apoy, kaila-ngang kontrolin ang pagbubulay-bulay! Kung hindi, ang di-wastong mga ka-isipan ay maaaring mauwi sa maling mga pagnanasa, na kapag hindinakontrol ay hahantong sa paggawa ng masama.—Santiago 1:14, 15.Kaya naman hinihimok tayo ng Bibliya na bulay-bulayin ang ‘mga bagay natotoo, matuwid, malinis, kaibig-ibig, may mabuting ulat, may kagalingan, atkapuri-puri.’ (Filipos 4:8, 9) Kung ganitong mga bagay ang itatanim natin saating isip, mag-aani tayo ng magagandang katangian, kaaya-ayang panana-lita, at malapıt na kaugnayan sa iba.—Colosas 4:6. ˛

Ano ang maitutulong sa iyo ng pagbubulay-bulay?

“Ang puso ng matuwiday nagbubulay-bulayupang makasagot.”—Kawikaan 15:28.

Dapat ba nating kontrolin ang ating pagbubulay-bulay?

“Ang puso ay higitna mapandaya kaysaanupamang bagay atmapanganib. Sino angmakakakilala nito?”—Jeremias 17:9.

Gumising! Mayo 2014 15

g1

4 0

5-T

G1

40

20

6sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p

NAPAKAHALAGA ng karunungan. Kungwala ito, paulit-ulit tayong magkakamali.

Pero saan matatagpuan ang tunay na karu-nungan? Para sa manunulat ng aklat ng MgaKawikaan, ito ang di-mapapantayang karunu-ngan ng ating Maylalang. Bukod diyan, angkarunungan ng Diyos ay makukuha ng haloslahat ng tao sa isang napakaespesyal na ak-lat, ang Bibliya. Isaalang-alang ang sumusu-nod:

ˇ “Sa buong kasaysayan, ang Bibliyaang pinakamalawak na naipamahaging ak-lat,” ang sabi ng The World Book Encyclope-dia. “Naisalin na rin ito nang mas maramingulit, at sa mas maraming wika, kaysa sa alin-mang ibang aklat.” Ang buong Bibliya, o ilangbahagi nito, ay makukuha ngayon sa halos2,600 wika, kaya naman mababasa ito ngmahigit 90 porsiyento ng tao sa mundo.

ˇ Ang karunungan ay “patuloy [ring] sumi-sigaw nang malakas” sa mas literal nadiwa. Mababasa natin sa Mateo 24:14: “Ang

mabuting balitang ito ng kaharian ay ipanga-ngaral sa buong tinatahanang lupa bilangpatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung mag-kagayon ay darating ang wakas” ng kasalu-kuyang daigdig na ito.

Ang “mabuting balitang” iyan ay isang tu-nay na karunungan dahil itinatampok nitoang napakahusay na solusyon ng Diyos samga problema ng tao—ang Kaniyang Kahari-an. Ang Kahariang iyan ay gobyerno ngDiyos na mamamahala sa buong lupa—isanggobyerno para sa buong daigdig. (Daniel2:44; 7:13, 14) Kaya naman ang panalanginni Jesu-Kristo: “Dumating nawa ang iyong ka-harian. Mangyari nawa ang iyong kalooban,kung paano sa langit, gayundin sa lupa.”—Mateo 6:9, 10.

Para sa mga Saksi ni Jehova, isang pribile-hiyo na ihayag ang Kaharian ng Diyos sa 239na lupain! Oo, ang karunungan—karununganmula sa Diyos—ay “sumisigaw,” kahit “sa en-trada ng mga pasukan.” Naririnig mo ba? ˛

“TUMATAWAG ANGKARUNUNGAN”

NARIRINIG MO BA?

“Hindi ba patuloy na tumatawag angkarunungan, at ang kaunawaan ay patuloyna naglalakas ng kaniyang tinig? Sataluktok ng matataas na dako, sa tabi ngdaan, sa may salubungan ng mga landasay nakatayo ito. . . . Sa entrada ng mgapasukan ay patuloy itong sumisigaw nangmalakas.”—KAWIKAAN 8:1-3.