rizal

17
 dahilang sila ay mga kilala at maimpluwensiyang tao, ang dapat magtatag ng isang maliit na konsehong bayan-sa loob ng sona ng karaniwan nilang tirahan upang sa kanilang madalas na  pakikipag-ugnay sa taumbayan ay maparami ang bilang ng mga kaaway ng Espana sa  pangunahing lungsod ng Kapuluan. Kai langan ang pondo upa ng mapama lagi ang malawa k na samaha ng ito at par a sa layuning ito ang mga ingat-yaman ng bawat konseho ay may tungkuling lumikom ng butaw na isang piso sa bawat bagong kasapi at mula sa bawat miyembro, kalahati ng buwanang quota sa  bawat regular na miyembro. Ang lahat ng malilikom na pondo ay dapat ipadala pagkatapos sa ingat-yaman sentral ng konseho supremo. Nang dahil dito, nararapat konsiderahin ng Hukuman kung ang Liga Filipi na, sa ganit ong napakalawak na kabuuan ay naging mahalagang dahilan ng insureksiyon, at tingnan kung si r. !i"al, sa pagkatatag niya sa samahang ito at sa pagbalangkas ng mga alintuntunin niyon at pamumuno niyon, ang pasimuno o hindi sa kilusang ito. #ay ibang napakah alagang punto na tatal akayin kongayon, yamang sa kanila lumili taw ang mabibigat na paratang laban sa nasasakdal. Ang tinutukoy ko ay ang mga paliwanag ni !i"al sa pagtatanong sa kaniya bilang sagot sa mga katanungan ng huwes instruktor na tagasiyasat ang madalas na pakikipag-usap niya sa mga dumalaw sa kaniya sa apitan. $pinatapon sa nasabing lugar sa tulong ng gobernador heneral, dahil sa matibayna hinala ng kaniyang kahina-hinala at % aging patunggaling pagkilos laban sa Espanya, gaya ng aking naunang binanggit. inalaw siya ng mga pangunahing lider ng kilusang rebolusyonaryo upang kunwa&y makita siya at upang magpagamot. 'ubalit sa katotohanan ay upang konsultahin siya at alamin ang kaniyang mga tagubilin. 'a mga bis it ang ito , kar apat -da pat banggi tin ang pagbis ita ng ginawa ng kas amah an niyang si (io )alen"uela, na sang-ayon sa mismong pahayag ng nasasakdal, na dumalaw sa kaniya upang sabihin na pinaplano na ang isang pag-aalsa sa malapit na hinaharap, at dahil dito ay nag-aalala sila sa mangyayari sa kaniya. 'inagot niya ito na hindi pa napapanahon ang  pakikipagsapalaran, sapagkat wala pang pagkakaisa ang iba&t ibang elemento sa Filipinas, kulang sila sa mga armas at barko, na dapat magsilbing aral ang nangyari sa *uba, na ang mga ins ure kto , sa kabila ng kani lang pagigi ng sanay sa labanan at may protek siy on ng isa ng makapangyarihang bansa, ay hindi pa rin natupad ang kanilang mga layunin. Kaya sa palagay niya ay nararapat na maghintay sila. +alang alinlangan hindi naisip ni !i"al na sa pagbibigay ng mga deklarasyong ito, na nakatala sa interogasyon, ang malaking kasalanang taglay ng mga ito. 'a wari ay naniwala siya na nawawalan siya ng pananagutan sa pagsasabi na pinayuhan niya ang kaniyang mga kasapakat na hindi pa napapanahon ang armadong pag-aalsa.

Upload: clang-santiago

Post on 08-Oct-2015

132 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

Rizal's life

TRANSCRIPT

dahilang sila ay mga kilala at maimpluwensiyang tao, ang dapat magtatag ng isang maliit na konsehong bayan-sa loob ng sona ng karaniwan nilang tirahan upang sa kanilang madalas na pakikipag-ugnay sa taumbayan ay maparami ang bilang ng mga kaaway ng Espana sa pangunahing lungsod ng Kapuluan. Kailangan ang pondo upang mapamalagi ang malawak na samahang ito at para sa layuning ito ang mga ingat-yaman ng bawat konseho ay may tungkuling lumikom ng butaw na isang piso sa bawat bagong kasapi at mula sa bawat miyembro, kalahati ng buwanang quota sa bawat regular na miyembro. Ang lahat ng malilikom na pondo ay dapat ipadala pagkatapos sa ingat-yaman sentral ng konseho supremo. Nang dahil dito, nararapat konsiderahin ng Hukuman kung ang Liga Filipina, sa ganitong napakalawak na kabuuan ay naging mahalagang dahilan ng insureksiyon, at tingnan kung si Dr. Rizal, sa pagkatatag niya sa samahang ito at sa pagbalangkas ng mga alintuntunin niyon at pamumuno niyon, ang pasimuno o hindi sa kilusang ito. May ibang napakahalagang punto na tatalakayin kongayon, yamang sa kanila lumilitaw ang mabibigat na paratang laban sa nasasakdal. Ang tinutukoy ko ay ang mga paliwanag ni Rizal sa pagtatanong sa kaniya bilang sagot sa mga katanungan ng huwes instruktor na tagasiyasat ang madalas na pakikipag-usap niya sa mga dumalaw sa kaniya sa Dapitan. Ipinatapon sa nasabing lugar sa tulong ng gobernador heneral, dahil sa matibayna hinala ng kaniyang kahina-hinala at !aging patunggaling pagkilos laban sa Espanya, gaya ng aking naunang binanggit. Dinalaw siya ng mga pangunahing lider ng kilusang rebolusyonaryo upang kunwa'y makita siya at upang magpagamot. Subalit sa katotohanan ay upang konsultahin siya at alamin ang kaniyang mga tagubilin. Sa mga bisitang ito, karapat-dapat banggitin ang pagbisitang ginawa ng kasamahan niyang si Pio Valenzuela, na sang-ayon sa mismong pahayag ng nasasakdal, na dumalaw sa kaniya upang sabihin na pinaplano na ang isang pag-aalsa sa malapit na hinaharap, at dahil dito ay nag-aalala sila sa mangyayari sa kaniya. Sinagot niya ito na hindi pa napapanahon ang pakikipagsapalaran, sapagkat wala pang pagkakaisa ang iba't ibang elemento sa Filipinas, kulang sila sa mga armas at barko, na dapat magsilbing aral ang nangyari sa Cuba, na ang mga insurekto, sa kabila ng kanilang pagiging sanay sa labanan at may proteksiyon ng isang makapangyarihang bansa, ay hindi pa rin natupad ang kanilang mga layunin. Kaya sa palagay niya ay nararapat na maghintay sila. Walang alinlangan hindi naisip ni Rizal na sa pagbibigay ng mga deklarasyong ito, na nakatala sa interogasyon, ang malaking kasalanang taglay ng mga ito. Sa wari ay naniwala siya na nawawalan siya ng pananagutan sa pagsasabi na pinayuhan niya ang kaniyang mga kasapakat na hindi pa napapanahon ang armadong pag-aalsa. Hindi niya naunawaan na sa ganitong uri ng mga krimen, na pangunahing pinagbabasehan ay ang pagpukaw sa damdamin ng bayan laban sa may kapangyarihan. Ang may pinakamalaking pagkakasala ay ang taong pumukaw sa natutulog na pagkagal it at nagpapaasa sa hinaharap. Sapagkat sa uri ng ganitong paghihimagsik kung nalalaman lagi kung paano nagsimula ang mga ito, imposibleng mahulaan ang kahihinatnan ng mga ito, lalo pa ang tangkaing pigilin ang paglakad ng mga ito sa sandaling masimulan ang mga ito. Namumutiktik ang kasaysayan sa mga katulad na mga pangyayari. At kung ibabaling ang ating pansin sa di pa natatagalang himagsikan sa France, mapupuna natin na ang mga taong pasimuno niyon na nagbigay buhay dito ay nangasawing hatak-hatak nito noong tangkain nilang pahinain ang nakalulunod nitong simbolo. Dahil ba rito'y lumiit ang kanilang pananagutan? Walang alinlangan na hindi. Ang mga katuwiran at dahilang ibinigay ni Rizal upang makaiwas sa parusa ay hindi nababagay sa isang apostol at manunubos ng sambayanang Filipino. Ang taong may lakas ng boob ay hindi nababagay makipagsabuwatan laban sa inang bayan, bagkus dapat magkaroon din ng lakas at tibay ng kalooban upang panagutan ang kaniyang mga ginawa ang kaniyang mga iniharap na dahilan ay hindi makapagpapabawas kahit kaunti sa kaniyang mga inakong pananagutan. Ang kaniyang tungkulin bilang isang alagad ng Espanya at bilang isang kagalang-galang na tao ay maipagbigay-alam niya sa mga maykapangyarihan ang anumang binabalak, at tumulong upang sawatain ang mga ito dahil nakatataas at tinitingala siya ng kaniyang mga kababayan. Hindi niya ginawa ito kundi sa halip ay nagpatuloy siya sa kaniyang rebolusyonaryong propaganda, habang naghihintay ng tamang pagkakataon para matiyak ang tagumpay ng pag-aalsa, na sumiklab nang maaga sa inaasahan? Kung gayon, si Jose Rizal ay isang pangunahing tagabunsod ng krimeng rebelyon, at dapat niyang pagdusahan ang parusang itinatakda ng Kodigo para rito. Mga Kagalang-galang na Hukom, hindi maiiwasang makita natin na si Rizal ang naging kaluluwa ng paghihimagsik na ito; ang kaniyang mga kababayan na may pang-unawa ng bata sa kakanyahan nila, ay nag-ukol ng pagpipitagan sa taong ito at itinuring siya na isang nakahihigit na nilalang. Walang pasubaling sinusunod ang mga utos, at ang banidad ng tao, na isang grabeng depekto ng mga lahing may maunlad na kultura ay mas masahol sa mga taga-Silangan, ay nagbuyo sa taong upang makaahon sa aba niyang kalagayan at itinalaga siya ng Kalikasan upang pamunuan niya ang pag-aalsa ng bayan. Hindi siya nag-aatubiling pangunahan ang mga gawaing rebolusyonaryo, nangarap marahil ng puwesto, tagumpay at kapangyarihan na ang malungkot na katotohanan ng buhay ay ipinaunawa sa kaniya kung gaanong panandalian lamang, ngayong nakasalangsiya sa paglilitis ng hukumang militarya.

Ang mga deklarasyon nina Martin Constantino at Aguedo del Rosario, na pinatotohanan sa usaping ito, na ibinubunton ang mga paratang laban sa nasasakdal, na sinasabi na siya ang itinuturing nilang lahat na isa sa kanilang pangunahing pinuno, lubos na nakapipinsala, subalit higit pang nakapipinsala ang mga pinanumpaang pahayag ng maimpluwensiyang mga tao sa kaguluhang ito tulad nina Jose Reyes, Moises Salvador, Jose Dizon, Pedro Serrano at Pio Valenzuela, na sa pagsasalaysay tungkol sa pagsulong at takbo ng insureksiyon, ipinakikita nila na ang pinakamataas na pagpapalakad ng pag-aalsa ay laging nakaugnay sa katauhan ng nasasakdal. Kinakailangan, kung gayon, na pagbayaran ni Jose Rizal ang mga hinihingi ng katarungan, tulad ng ginawa ng maraming nalilitis sa landas bunga ng kaniyang mga trabaho at panunulsol, at higit na maliit ang responsibilidad kaysa sa kaniya, ay nagkasala sa paghihimagsik na ito. Ipinagsasakdal ng pag-uusig si Senyor Rizal Mercado sa dalawang krimen, na malinaw ang katibayan sa usaping ito. Una, sa pagtatatag ng isang labag na samahan, ang Liga Filipina, na ang tanging layunin ay ilunsad ang krimeng rebelyon. Ang ikalawang maparurusahang kagagawan, na ayon sa Pag-uusig ay dapat panagutan ng nasasakdal, ay ang pagtataguyod at paglulunsadsa pamamagtian ng walang humpay na mga gawain naunang tinukoy sa paninindigang itong mismong rebelyon. Ang mga krimeng ito ay ipinaliliwanag at tinatakdaan ng kaukulang mga parusa sa Artikulo 189, talata 1, at Artikulo 230, kaugnay sa Artikulo 229, talata 1, ng Kodigo Penal na ipinaiiral sa Kapuluang ito. Dapat bigyang-pansin na ang unang krimen ay kinakailangan sa pagsasagawa ng ikalawa, sapagkat kung wala ang propaganda at ang mga sentrong itinatag ng mga lihim na samahan sa kumikilos sa teritoryong ito, tulad ng Liga Filipina, ang mga pangyayaring kinamumuhian natin ngayon ay tiyak na hindi mangyayari. Sa pagsasagawa ng mga krimeng ito, ang pananagutan ng nasasakdal ay ang pagiging pasimuno, na binago ng natatanging pagkakataong tinutukoy sa Artikulo 11 ng naturang Kodigo, dili iba't iba ang pagiging katutubo ng bilanggo. Ito, dahil sa uri, saklaw at kahalagahan ng ipinagsasakdal na mga kagagawan, ay kailangang ituring na isang pangyayaring nagpapabigat. Ang parusang itinakda ng batas sa mga tagapagtatag ng labag na samahan ay prision correcional sa pinakamababa at katamtamang antas niyon, at multang mula 325 hanggang 3,250 pesetas. Ang parusang itinatakda sa nag-uudyok o nagtataguyod ng nAisagawang krimeng rebelyon ay mula habang-buhay na pagkabilanggo hanggang kamatayan. Subalit sa kasong ito, kapag ang isang krimen ay kinakailangan para maisagawa ang kabila, kung gayon, alinsunod sa mga probisyon ng Artikulo 89, ang pagpapataw ng parusang itinakda sa higit na mabigat na krimen ay nagiging sapilitan, at iyon ay sa pinakamataas na antas niyon. Sa madaling salita, ang krimeng rebelyon ay kailangang parusahan ng kamatayan.

SA KABUUANUna: Ang nililitis na kagagawan ay kinapapalooban ng krimeng pagtatatag ng labag na samahan at pagtataguyod o pag-uudyok sa pagsasagawa ng rebelyon, na ang una ay kasangkapan upang maisagawa ang ikalawa. Pangalawa: Ang nasasakdal, si Don Jose Rizal ay nagkasala bilang pasimuno sa parehong krimen. Pangatlo: Sa pagsasagawa ng mga krimeng ito, ang pangyayaring isang katutubo ang kriminal ay kailangang ituring na nagpapabigat at walang nagpapagaan, na pangyayari. Batay sa binanggit, hinihingi ng Pag-uusigsa ngalan ng Kaniyang Kamaharlikaan, ang Hari (patnubayan nawa ng Diyos)ang parusang kamatayan para kay Don Jose Rizal y Mercado Alonso dahil sa kaniyang nagawang mga krimen. Sakaling bawiin ang parusang kamatayan, at matangi kung bawiin kasabay niyon ang iba pang parusa, dapat ilapat ang sumusunod na mga karagdagang parusa, dili iba't lubos at habambuhay na pagkakait ng mga karapatang sibil at pagsasailalim sa pagmamatyag ng pulisya habang-buhay, at pagbabayad ng bayad-pinsalang 20,000 piso; lahat ay ayon sa itinatakda sa mga Artikulo 11: 53; 63; 80; 89; 119; 188, talata 2: 189, talata 1: 229, talata 1: 230; at iba pa na panglakahatang mailalapat ng Kodigo Penal na pinaiiral sa Kapuluang ito. Mga ginoo, gagampanan ninyo ang inyong kapita-pitagang tungkulin bilang mga hukom, at pagpapasiyahan ninyo ang kapalaran ni Don Jose Rizal. Sa taimtim na sandaling ito, nananawagan ako sa inyo na isaisip na katarungan ang hinihingi sa inyong mga kamay ng maraming nasawi na dahil sa kasalukuyang kilusang rebolusyonaryo ay nagbuwis ng buhay sa lupaing ito ng kailangang angkinin ng Espanya sa habang panahon; na katarungan din ang hinihingi sa inyong mga kamay ng mga asawa at anak ng kagalang-galang na mga opisyal, mga kababaihan natin, na nilapastangan ng pag-aalsang walang kahihiyan at walang habag; na katarungan ang hinihingi sa inyong mga kamay ng libo-libong mga ina na taglay ang luha sr, kanilang mga mata at agam-agam sa kanilang mga puso ay sumusubaybay sa mga nagaganap sa kilusang ito, hindi nawawaglit sa isip ang kanilang mga anak na sa pamamagitan ng kagitingang ikinatatangi ng sundalong Kastila, patuloy na nakikipaglaban sa gitna ng hirap sa mainit na klima at mga patibong ng isang taksil na kaaway upang ipagtanggol ang karangalan at integridad ng amang bayan; at panghuli, na katarungan ang hinihingi sa inyong mga kamay ng Pag-uusig, ang Kinatawan ng Batas. Maynila, 21 Disyembre 1896. ENRIQUE DE ALCOCER y DE VAAMONDE.

Noong 22 Disyembre, ang teksto ng paninindigan ng pag-uusig ay ibinigay sa tagapagtanggol at natanggap nito nang sumunod na araw. Samantala, ipinadala ng Tanggapan ng Gobemador Heneral ang buod ng mga saligan sa pagkatao ng bilanggo na hiniling ng Hukuman. Iyon ay nilagdaan ng Kalihim, Don Enrique Abella at pinamagatan nang sumusunod: Tunay na sipi ng mga talang iniharap ng Tanggapang ito sa Kaniyang Kamahalan, ang Gobemador Heneral, hinggil kay Doktor Rizal. Pagkaraan ng karaniwang pambungad na talata, ganito ang nasasaad sa teksto: Si Jose Rizal y Mercado, isang mestisong Intsik at tubong Calamba sa lalawigan ng Laguna, pagkaraang makatapos nang may karangalan sa kursong Batsilyer sa Ateneo Muni sipal, na pinamamahalaan sa lungsod na ito ng mga paring Compaa de Jesus, nagsimula siyang mag-aral ng Medisina at Parmasya sa Unibersidad (ng Santo Tomas), na mga unang taon lamang ang natapos niya dahil lumipat siya sa Espana. Doon, nakatapos siya ng pag-aaral nang may mataas na karangalan at saka ginugol ang sumunod na ilang taon sa paglalakbay sa France, Germany at England, na kung napakinabangan niya para matutuhan niya nang ganap ang bawat wika ng mga bansang iyon, nakatulong din ang mga iyon para talikuran niya ang pagiging Katoliko at para gisingin sa kaniyang kagilagilahas na imahinasyon ang panaginip na palayain ang kaniyang bansa mula sa kapangyarihang Kastila, na una niyang pinatunayan sa nobelang de comtumbres na Noli Me Tangere, limbag sa Berlin. Sa masusing pagbasa nito, mahihiwatigan nang buong linaw ang kapuna-punang tendensiya ng may-akda na siraan sa pamamagitan ng pagkutya ang dalawang institusyon na noon at ngayon ay nagsisilbing haligi ng kapangyarihan ng Espaila sa kapuluang ito mga orden panrelihiyon at ang guwardiya sibilmga institusyong dating laging iginagalang ng nakararaming mamamayang katutubo. Kaagad napaalalahanan ang Gobemador Heneral ng kapuluan noong panahong iyon, ang Kaniyang Kamahalan Emilio Terrero y Perinat tungkol sa mapaminsalang ipinahihiwatig ng nobelang iyon, ipinagbawal ang pagkalat nito sa kapuluan alinsunod sa mungkahi ng Komision Permanente de Censura, at binigyan ng mahigpit na kautusan ang mga awtoridad na pigilan ang pagpasok sa teritoryong ito ng lubhang nakapipinsalang akda na pampropaganda at paninira sa dominasyong Kastila. Gayumpaman, hindi kailanman nakapigil ito na kumalat nang marami o kaunti ang bersiyong Tagalog at Kastila ng Noli Me Tangere sa Kapuluang ito. Dito nabantog ang may-akda nito, at noong 1886 at 1887, bigla siyang nagbalik sa kaniyang tinubuang lupa at nanirahan sa bayang sinilangan niya. Subalit hindi siya nakaligtas sa masusi ngunit maingat na pagbabantay ng tenyente ng guwardiya sibil na nakahimpil sa Calamba, na sadyang inatasan ni Heneral Terrero ng maselan at mahalagang misyong ito. Hindi pa natatagalang dumating si Dr. Jose Rizal sa Calamba. Isinama siya sa punong lungsod na ito ng nabanggit na tenyente ng guwardiya sibil. Sa utos ng Gobemador Heneral, si Rizal ay isinakay sa isang barko na magdadala sa kaniya palabas ng Kapuluan. Ang pangyayaring ito ay hindi nakatala sa alinmang kasulatang nasa pag-iingat ng Tanggapang ito, subalit ito ay natatandaan ni Senyor Martos, ang Pangalawang kalihim na -naglingkod sa Tanggapang ito noon hanggang ngayon. Dahi I sa ganitong kawalan ng opisyal na tala, hindi matiyak ngayon ang tunay na dahilan kung bakit ganito ang ipinasiya ni heneral Terrero hinggil kay Dr. Rizal, gayunman, maaari itong malaman sa mga kasulatan tungkol kay Rizal na iniingatan sa punong himpilan ng Twentieth Regiment ng guwardiya sibil. Sa ano't anuman, maipalalagay na ang mga pahayag ni Dr. Rizal sa kaniyang mga kababayan na kontra-Kastila at kontra-relihiyon, na pangunahing himihikayat sa mga ito na huwag magbayad ng renta sa lupa na karamihan sa kanila ay nakakontratang magbayad sa Dominican Order bilang nangungupahan sa mga lupaing pag-aari ng naturang Orden sa nasasakupan ng nasabing bayan, ang dahilan rig pagpapatapon kay Rizal mula sa Kapuluang ito, upang matigil siya sa paglason pa sa mga isipan ng mga karaniwang taong iyon na naniniwalang siya ay sugo ng Diyos. Magmula sa panahong ito, tunay na nagsimula ang importansiya ni Dr. Rizal bilang kalaban ng Espaa. Pagkabalik niya sa Espanya, at sa paninirahan niya sa Barcelona, at sa Madrid, sinimulan niya ang separatistang pahayagan na La solidaridad, at kasama ang magkapatid na Luna at Novicio, Marcelo Hi lario del Pilar, at Graciano Lopez Jaena (patay na ang huling dalawa), ginamit niya ang mga tudling nila sa pagpapalaganap ng mga opinyong kontra-Kastila at kontra-relihiyong ikinalat niya sa kaniyang bansa. Kaalinsabay nito'y sumapi siya sa samahang Masoniko at nakipag-ugnayan kay Morayta' upang maisagawaisinagawa naman niyaang pagtatayo rig rr.ga katutubong lodge sa Kapuluan. Ang hakbang na ito ay nagbunga ng pagkakahati ng mga Kastilang peninsulares na naninirahan sa kapuluang ito na kasapi sa lihim na samahang itopagkakahating humantong sa pagtitiwala ng maraming Kastila sa samahan at sa mabilis na pagdami ng mga kasapi sa mga katutubong Masonic lodge.

19 Miguel Morayta Sagrario (1834-1917), Propesor ng Kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid, ay naging aktibo sa politika bilang isang Liberal Republican at naging Grand Master ng Grand Spanish Orient.

Sa panahon ding ito ipinalathalang muli ni Rizal sa Berlin at ipinalimbag niya na may kasamang mga pahina ng Historia de Filipinos ni Antonio de Morga. Sinisikap patunayan ng mapangaraping doktor na Filipino sa kaniyang naturang mga paliwanag na bago dumating ang mga Kasti la sa bansang ito, mayroon nang napakaunlad na sibilisasyong moral at materyal na siyang pinagpatungan ng mga base ng sa ngayon ay nananatili na unti-unting nawala sa paglipas ng panahon hanggang sa punto na nakalimutan na ng mga katutubo ngayon ang pagpantay at paggawa ng mga kanyon, bukod sa iba pang mga bagay na alam na alam ng kanilang mga ninuno. Mula sa ganitong bulaan at huwad na doktrina na ipinangaral ni Rizal nang napapanahon at di-napapanahon sa lahat ng kaniyang mga akda at isinulat (isang opinyong inilahad sa kaniyang Civilization Tagalog ni Pedro Molo Paterno, na ngayon ay malayang nakalilibot sa mga lansangan ng Maynila dahil sa kaniyang pagiging Direktor ng Museo-Biblioteca, ay lumabas ang mga bunga na mali at nakapipinsala sa kapangyarihan ng Espanya. Kabilang dito ang sinasabi na ang kapangyarihan ay nakasalig hindi sa karapatan ng pagsakop kundi sa tinatawag na mga kasunduan sa pagitan ng ating mga ninuno at ng mga hari ng Kapuluang ito, at ang mga repormang munisipal ni Senyor Maura ay pagpapanumbalik lamang ng sinaunang barangay ng Tagalog. CF. ang talumpati ng Kaniyang Kamahalan, Don Pedro Alejandro Molo Paterno sa inagurasyon sa Pagsanjan, Laguna, ng isang bantayog kay Don Antonio Maura. Sa panghuli, nilinang at ipinahayag ni Dr. Rizal ang kaniyang mga ideang separatista sa kaniyang huling akda, ang El Filibusterismo, na inialay niya sa mga martir sa Cavite---Padre Gomez, Burgos at Zamorana binitay bilaftg mga taksil sa Bayan noong 1872, na nagpasimula ng rebelyon. Sinisiraan ni Dr. Rizal ang Kolonyang ito sa pamamagitan ng mga gawaing masoniko, bilang base ng organisasyong separatista, sa isang banda, sa pamamagitan ng pro-paganda na napapaloob sa kaniyang mga akda na kumalat nang husto sa kapuluan. Araw-araw sumasapi sa organisasyon ang mga nagtataguyod ng mga kahawig na layunin, na hindi na dapat isa-isahin, na ang pinakapangunahin layunin nila ay ang natural na tendensiya ng mga kolonya na makapagsarili. Ito ang mga detalye, Inyong Kamahalan, ang mga datos hinggil sa kilos ni Dr. Rizal, na natatandaan ng nakalagda na ang ilan sa mga ito ay tiyak na madaling mapatutunayan, tulad ng ipinahiwatig niya sa itaas, sa tulong ng mga talang nakasulat sa mga punong himpilan ng ika-20 Rehimento at Betesanong Rehimento ng Guwardiya Sibil. Nagsisimula ang mga tala tungkol sa pagkatao ni Dr. Rizal na iniingatan sa Tanggapan ng Gobyerno Heneral na pinangunguluhan ng Inyong Kamahalan noong Hunyo 1892, nang ipag-utos ng noon ay nanunungkulang Gobernador Heneral ng Kapuluang ito ang paghahanda ng isang pagsisiyasat na administratibo gawa ng mga pahayag at propaganda na kontra sa relihiyon at hindi makabayan na isinagawa ni Dr. Rizal sa pagbabalik niya sa Kapuluang ito nang taong iyon. Batay sa imbestigasyon, lumilitaw na nang pahintulutan si Dr. Rizal ng Kataas-taasang Pamunuan ng Kapuluang ito para magbalik dito, bilang tugon sa isang opisyal na kahilingan na may ganitong diwa na ginawa sa Hong Kong, tinawag niya ang sarili na direktor ng isang kilusan o Partido Progresista Filipino, at hanggang buong kapangahasang ihandog ang kaniyang matapat na serbisyo para sa isang mas madaling pangangasiwa ng Kapuluan ito, dumaong siya sa punong lungsod na ito noong 26 ng Hunyo 1892, at natagpuan sa bagahe ng kaniyang kapatid na babae na kasama niya, ang maraming mga proklamasyon, na walang tatak ng imprenta, na may pamagat na Pobres Frailes(Kasama sa mga dokumento ang tatlo sa mga ito). Sa ilalim ng puspusang pagsubaybay kay Rizal, na maingat na isinagawa noon, nabatid ng maykapangyarihan na nang sumunod na araw pagdating niya, noong ika-27, sumakay siya ng tren mula sa Maynila papuntang Dagupan, at tumigil siya sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, na kung saan ang mga gobernador sibil ng mga lalawigan na napagsabihan sa oras para higpitan ang pagbabantay, ay nagpahayag: Mula sa gobernador sibil ng Bulacan: Si Rizal kasama si Pedro Serrano, maestro ng Eskuwela Sekundarya sa Binondo, ay tumigil sa Malolos (Bulacan), Pulilan, at San Fernando (Pampanga), at sa Tarlac, at nagbalik sa Pulilan para magpalipas ng magdamag sa bahay ni Kapitan Joaquin. Mula sa gobernador sibil ng Pampanga: Pinatotohanan ang impormasyong nabanggit sa itaas, idinagdag pa na hinihinala niya na ang pagpunta ni Rizal sa lalawigang iyon ay upang magtayo ng mga lohiya ng masoneriya katulad ng mga nasa Bulacan, na nagtatrabahong hindi lamang sang-ayon sa masoniko, kundi lumilikom din ng pondo upang tustusan ang isang Sentro ng Propaganda sa Hong Kong ginagamit ang bapor Don Juan, na pag-aari ni G. Francisco Roxas, para sa pakikipag-ugnayan sa Maynild. Salig sa impormasyong ito, ang Kaniyang Kamahalan, ang gobernador Heneral, Konde de Caspe, ay nag-utos ng paghahalughog sa mga tirahan ng mga prominenteng tao sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Laguna, Batangas at gayundin sa Maynila, bilang mga tagasunod sa mga doktrina ni Rizal; at bilang bunga ng mga ito, ipinag-utos noong 7 Hulyo ang pagpapatapon kay Rizal sa distrito ng Dapitan, at pagkaraan ay ang pagpapatapon sa iba't ibang Lugar ng Kapuluan sa mga kilalang tao ng mga lalawigang iyon.

Mula sa buod ng ulat na ito, nagkaroon ng mahigpit na paniniwala na: Una: Si Dr. Rizal, sa paglalathala ng kaniyang mga akdang Noli Me Tangere, Annotations to the History of the Philippines by Morga at El Filibusterismo, at sa pamamagitan ng napakaraming mga propaganda, manipesto at lahat ng uri ng lathalain na tumutuligsa sa relihiyon, sa mga prayle, at sa pamahalaang Kastila, ay unti-unting nagkikintal sa isipan ng mga mamamayan ng Filipinas ang balak na pagpapatalsik sa mga orden relihiyoso mula sa Kapuluan upang matamo, bagama't di hayagan, ang kasarinlan ng bansang ito. Ikalawa: Halos natitiyak din na ang layunin ng di-inaasahang pagbabalik ni Rizal sa Maynila, pagkalipas ng maraming taon ng boluntaryong pagpapatapon, ay walang iba kundi upang muling pasiglahin ang panghihina ng loobng kaniyang mga tagasunod. Nais niyang matiyak na alinsunod sa kaniyang dati nang balak ay ipagpatuloy nila nang buong sigla ang mga sentro ng propaganda at paglikom ng pondo. Mg tila layunin ng mga sentrong ito ay mangalap ng salapi at mga bagong kasapi para sa pagtatayo sa Borneo ng isang kakaibang huwarang panahanan ng mga Tagalog. Kung naisagawa ang balak na ito, malamang simula na iyon ng maramihang paglikas sa islang iyon mula sa Filipinas, na lubhang makapipinsala sa kapakanan ng bansang ito. Ikatlo: Tatlong pangunahing sentro ukol sa pagpapalaganap ng mga teorya ni Rizal at sa pamamahala sa mga gawaing salig sa mga iyon ang itinatag at binuo sa Madrid, Hongkong, at Maynila. Sa isa pang lihim na tala ng Tanggapang ito hinggil sa mga gawaing kontra-Kastila ng mason iko na isinagawa noong 1895 sa lalawigan ng Batangas, lumilitaw rin na si Rizal ang itinuturing lider ng isang kilusan nang panahong iyon, at sa lalawigang iyon ay may katangiang sadyang separatista; na ang kaniyang larawan ay ipinamamahagi at itinatanghal bilang tagapagpalaya ng lahing Pilipino at isang biktima ng paniniil ng Kastila; at humihiling na mapadalhan siya ng pondo upang siya ay makatakas mula sa Dapitan sa gayon ay higit na madali niyang mapangasiwaan mula sa ibang bansa ang armadong pag-aalsa na noon ay pinaplano na. Dapat bigyang-pansin na ang katibayan sa mga pangyayaring ito ay hindi ibinatay sa mga lihim na ulat ng mga opisyal o ahente ng pamahalaan, tulad sa mga tala na naunang binanggit, kundi mula sa mga ulat na kusang ibinigay ng tapat at mapagkakatiwalaang mga Filipino. Inyong Kamahalan, ito humigit-kumulang ang tanging ulat na nakukuha sa mga lihim na kasulatan ng Tanggapang ito. Hindi makaaasa nang higit pa rito dahil sa pamigil lamang ang mga hakbang ng pamahalaan na ang mga ito ang nakatala. Kaya malaki ang pagkakaiba ng mga ito sa pamamaraan ng karaniwan at tanging mga hukuman, subalit hindi dapat ipagwalang-bahala nang dahil doon. Sa ano't anuman, ito ang nagbibigay ng katiyakan sa mabigat na pagkakasala ni Rizal. Sa larawan niya na lumitaw sa mga kasulatang ito, ang Tanggapang ito ay walang pag-aatubiling naniniwala na siya ang dakilang manunulsol ng Filipinas, na hindi lamang nananalig ang marami na siya ay tinawag upang maging daan sa pagliligtas ng lahing ito, kundi itinuturing pa rin ng nakararaming katutubong mamamayan na siya ay isang pambihirang nilalang, isang nilalang na hindi mapipigil ng anupaman sa pagsasaktuparan ng misyong itinadhana sa kaniya. Batay sa mga dahilang ito, karangalan ng Tanggapang imungkahi sa Inyong Kamahalan na bigyan ng isang opisyal na sipi nitong ulat ang Hukumang Militar, lalo pa 't hindi lamang, sila ang nagbuod at nangalap hindi lamang ng mga datos na pinggalingan nitong mga ulat kundi pati iyong ibang mga di-mapag-aalingang balita na tiyak na maaaring patunayan, kung kinakailangan, ng mga datos na dapat mayroon sa opisina ng ika-20 Tersiyo ng Guwardiya Sibil. Gayunman, ang Inyong Kamahalan ang nagpapasiya. Maynila, 22 Disyembre 1896. ENRIQUE ABELLA. Umayon si Polavieja at ipinadala ang ulat sa Hukuman. Noong 24 Disyembre, ang Gobernador Militar ng Maynila, si Heneral Zappino, ay humirang ng isang pangkat ng mga hukom para sa paglilitis. Ang listahan ng mga hukom ay ipinakita sa nasasakdal nang Araw ng Pasko, 25 Disyembre. Inihayag ng nasasakdal na "hindi niya tinututulan ang sinuman sa mga nahirang." Ang pahayag na ito ay nilagdaan ni Rizal at ni Taviel de Andrade. Ganito ang isinasaad sa opisyal na katitikan ng Konseho de Giyera?" Maynila, 26 Disyembre 1896. Bilang Huwes instruktor ng usaping ito inihahanda ko ang ulat na ito para maging bahagi ng kasulatan. Na sa araw ding ito at sa Bulwagan ng mga Watawat ng Cuartel de Espana, nagtipon ang Karaniwang Konseho de Giyera na hinirang ng Kumandante ng Himpilan upang hatulan ang krimeng rebelyon at mga ilegal na samahan, na dumalo sa Konseho bilang Presidente si Ten. Kor. Jose Togores Arjona; bilang mga Miyembro, ang mga kapitan ng Artilyeriya na si Ricardo Mutioz Arias, ng Kabalyeria No. 31, si Manuel Reguera Reguera; mula sa Kasadores Numero 8 si Santiago Izquierdo Osorio, mula sa Kasadores No. 7, si Braulio Rodriguez Nutiez; mula sa Batalyon ng mga Inhenyero, si Manuel Diaz Escribano, at mula sa Subsinspeksiyon ng mga Pangkalahatang Armas si Fermin Perez Rodriguez; at bilang Piskal ang tenyente awditor na segunda klase na si Enrique de Alcocer y R. de Vaamonde.

" Basehan ang paglalarawan sa paglilitis ng mamamahayag ng Heraldo de Madrid, Santiago Matals, sa Archivo. 238-247.

Na matapos maiulat ang sakdal sa hayagang paglilitis at sa harap ng nasasakdal, binasa ang akusasyon ng rag-uusig at ang pagtatanggol, nang walang di-pangkaraniwang bagay na nangyari. Nang tanungin ng Konseho ang akusado, binasa ni to ang isang karagdagan sa kaniyang depensa, at nagtapos siya sa pagsasabing hindi niya hiningi ang kalayaan para sa paghihirriagsik, at totoo nga ang mga kalayaang politikal. Iniutos ng Presidente ng Konseho na ang dokumento ay isama sa mga katibayan ng depensa. Pagkatapos na pagkatapos ipinalabas ang mga tao sa boob ng sala, at nagpulong nang lihim ang Hukuman upang mag-usap at magbigay ng hatol. Pinatutunayan ko ang lahat ng ito: RAFAEL DOMINGUEZ. Pinagtibay: TOGORES, Presidente. Ang alegato ng pag-uusig ay inilahad sa itaas. Mg sumusunod ay paninindigan ng pagtatanggol. Sa Konseho de Giyera. Ako si Luis Taviel de Andrade, primer tenyente ng Artilyeriya ay naghahain sa pamamagitan ng kasalukuyang dokumento ng pagtatanggol kay Jose Rizal y Mercado, pinaratangan ng rebelyon at tagapagtatag ng mga bawal na samahan. Kailanman ay hindi nagkaroon ang tagapagtanggol ng dahilan kundi sa pagkakataong ito, bago lubusang gampanan ang kaniyang tungkulin, para sa higit na ipagtatagumpay nito, na ihabilin sa kawalang-pinapanigan at kahinahunan ng Tribunal na kaniyang dinudulugan, at dapat na laging nagniningning sa buong Tribunal; at ito, walang katiyakan, kaya dali-dali kong idinudulog ito para nang sa gayon ang Konseho de Giyera na dumidi nig sa akin, isa-isa o sama-samang miyembro nito ay hindi magkaroon ng dahilan para pag-alinlangan ang di matututulang katapatan ng kanilang mga hangarin at ang matatag na paninindigan ng mga mabubunying ginoo na bumubuo nito upang humatol nang naaalinsunod sa batas sa katarungan at sa iaatas sa kanila ng malinis nilang budhi. Hindi, kundi dahil sa dumating para sa paghatol ng kaniyang mga huwes ang usapin ni Rizal na palibot na palibot ng gayong prehuwisyo at naimpluwensiyahan ng gayon na lamang ng umuugong na daluyong ng isang opinyon, kung hindi man lubos na naliligaw, nalilihis kahit na munti man sa tunay na tunguhin niyon, kaya lubhang mahihirapan iyong mga hukom, kahit na ibuhos nila rito ang buo nilang kalooban, ang lubos na pag-iwas sa impluwensiyang iyon at ang pagpapapasiyang hindi isama sa kanilang kriteryo ang mga prehuwisyong iyon. Sa boob ng nakalipas na maraming taon, ang pangalan ni Rizal ay may alingaw-ngaw ng sigaw ng paghihimagsik at ang kaniyang katauhan ay simbolo ng saloobing rebolusyonaryo ng mga Filipino. At ano ang dahilan nito? Nakagawa ba si Rizal ng anumang hayagang pagkilos o pormal na pagpapahayag ng paniniwalang separatista? Natanggal ba kahit kailan ang maskara niya at buong lakas ba niyang isinigaw sa harap ng ating mahal na Inang Bayang Espana na nasusuklam siya sa paghahari nito sa mga teritoryong ito, at hangarin niyang labanan ito hanggang sa magwakas ang paghahari nito? Hindi. Subalit nakasulat si Rizal ng dalawang aklat, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, na hindi ang pristihiyo ng pangalang Kastila at ng mga orden panrelihiyon, makatwirang itinuturing na siyang buhol ng hindi mapapatid na buklod ng Inang Bayan at ng Kapuluang Filipinas, ang siyang nasapinakatampok na Lugar. Ito, kasama ng iba pa niyang mga isinulat na bumabatikos sa rehimeng kolonyal na umiiral sa Kapuluang ito, ng kaniyang mga hakbang para matamo para sa kaniyang bansa ang mga karapatan na magsisilbing iba pang mga tuntungang bato para marating ang Awtonomiya at sa pagkatapos nito ay pagsasarili. Bilang panghuli, ang walang pasubaling taas na naabot niya kompara sa pangkalahatang nibel ng kaniyang mga kababayan, gawa niyong mga pagpaparangya at kalakasan ng boob na hindi tinangka noon ng kahit sinuman sa kanila at maging ang di-maitatatwa at namumukod niyang katalinuhan, ang nagpatimo sa isipan ng mabubuting Kastila, gayundin ng mga nakabasa ng kaniyang mga akda; gayundin niyong mga nakabalita lamang tungkol sa mga ito, ng makatwiran at nararapat na pagkamuhi kay Rizal, at ng agam-agam kung ano ang maaari niyang balakin laban sa Espaila. Magmula noon, lahat ay nagpalagay na siya ay isang kaaway ng lahing Kastila at ng paghahari nito sa Filipinas, at walang dahilan nilang inakala, lalo na kung isasaalang-alang ang likas na kawalang-interes at kawalan ng pagkukusa ng mga katutubo, na hindi maaaring hindi alam ni Rizal ang anumang kilusang may diwang separatista o filibuster na maaaring ilunsad sa Kapuluan. Ang mga palagay na ito ay parang pinatotohanan ng mga pag-iingat na isinagawa ng pamahalaang sentral nang ipatapon nito si Rizal sa Dapitan noong 1892. Narito ang mga prehuwisyo na binanggit ko na mga punto na hindi magagawang iwaksi sa anumang bagay na may kinalaman kay Rizal. Hinggil sa opinyon na binanggit ko rin, na si Rizal ang pinakapuno, kaluluwa, at buhay ng kasalukuyang pag-aalsa, ang opinyong iyon ay binigyang-linaw hindi lamang ng di matuwid na mga opinyong ito kundi ng partikular na pangyayari na umabot sa kaalaman ng madla sa Maynila na nang matuklasan ang pag-aalsang iyon, si Rizal ay wala na sa Dapitan, sa habip ay narito na at nakasakay sa barkong Castilla. Ang pangyayaring ito ay lubos na nagkataon lamang at di-sinasadya. Walang anumang hibla ng katibayan na sumasalungat dito. Gayumpaman, ito ang naging daan upang ang palagay laban kay Rizal ay maging isang matibay at di mababagong paniniwalaisang paniniwalang nakaukit sa isipan ng madla tulad ng perlas sa kabibe nito, na si Rizal ay tuwirang may kinalaman sa sabwatan. Bagama' t nang lumaon ay napag-alaman na kaya siya narito ay dahil sa kaniyang kahilingan na siya ay payagang makapunta sa Cuba upang maglingkod na manggamot ng mil itar, iilan lamang ang hindi nag-akala na ang kahilingang iyon ay dahilan lamang ni Rizal upang siya ay payagang magpunta sa Maynila upang narito siya sa sandaling sumiklab ang pag-aalsa at iyon ay mapamunuan niya nang walang pagkabalam.

Ganyan ang ugat ng kasalukuyang matinding pagkagalit sa nasasakdal. Natitiyak ko, mga Kagalang-galang na Hukom, na bago kayo italaga sa Hukumang ito, ganito rin ang inyong saloobin at opinyon, tulad ng lahat sa atin; at kayo ay naimpluwensiyahan ng lumalaganap na opinyong ginagalawan nating lahat. Nabura ba ang lahat ng iyon, tulad ng pagbura ng sulat ng yeso sa pisara. Nang matalaga kayo bilang mga hukom, nabigyan ba ng puwang ang kawalang pagkiling, ang kahinahunan ng isip at pagpapasiya na kung wala iyon ay hindi ninyo magagampanai ang banal na tungkuling ipinagkatiwala sa inyo? Matibay ang aking pananalig at pag-asa na ganoon nga. Marami pa akong sasabihin; kailangan iyon upang maiangat natin ang ating diwa sa matiwasay na luklukan ng Katarungan; sapagkat ang Katarungan ay isang kapangyarihang kaloob na rin ng Diyos, ang Panginoon ng lahat ng nilalang, at sa gayon ay isang kapangyarihan na gagamitin nang walang halong mga kahinaan ng mundo ito. Sursum corda; isabuhay natin ang banal na salitang ito. Buksan ang inyong mga puso, sapagkat buhay ng isang tao ang nakataya sa paglilitis na ito. Pagkaraang maisagawa ito, ilagay natin sa timbangan ng Katarungan ang mga paratang laban kay Jose Rizal at ang kaniyang mga sagot sa mga paratang na iyon, na hindi idaragdag sa dating timbangan, tulad ng ginawa ni Brennus sa kaniyang espada2', ang mga walang batayang opinyon at palagay na kapwa di husto at maaaring magkamali. Siguruhin nating nasa tama ang panuro ng timbangan; sa gayon ay mahihinuha natin na sa lubos na katarungan, ang tanging dapat gawin ng Kagalang-galang na Hukumang ito ay tanggihan ang maraming nasasaad sa salaysay ng kapita-pitagang Manananggol para sa Pag-uusig. Sinikap ng aking matalinong panyero na ipakita sa kaniyang napakahusay na salaysay na ang nasasakdal ay nagkasala sa dalawang krimen; ang pagtatatag ng ilegal na samahan at ang pagbubunsod ng kasalukuyang rebelyon, ang una ay kinakailangan upang maisagawa ang hull. Sa mga batayang ito at dahil sa nagpapabigat na sanhi ng lahi at sa kawalan ng nagpapagaan na pangyayari, hinihiling niya ang sukdulang kaparusahan na ipinapataw ng batas sa mga krimeng iyon, ang parusang kamatayan.

21 Si Brennus ang pinunong Gaul noong 390 B.C. ay kinubkob ang Roma at sinalakay ang siyudad na pinagkanlungan ng mga patrisyo ng lungsod. Pagkaraan ng pitong [sic] ay pumayag ang mga Gaul na itigil ang pagkubkob nila kapalit ang malaking halagang 1,000 librang ginto. Habang tinitimbang ang ginto, nagreklamo ang mga Romano na mali ang timbangan, sa gayon, ipinukol ni Brennus ang espada niyang sa isang timbangan, sabay hiyaw niya na: "Kaabahan ang nalupig."

Ano ang saligan ng kaniyang pangangatwiran? Lyon, sa buod, ay ang pagtatatag ni Rizal ng Liga Filipina na pinatunayan ng kaniyang pag-amin na siya ang bumalangkas ng mga alituntunin ng samahang ito noong 1891; na ang layunin ng samahang ito ay ang paglulunsad ng rebelyon, na pinatotohanan ng iba't ibang tao na, tulad ni Rizal, ay nahaharap sa paglilitis; na si Rizal ang namumuno sa kilusang rebolusyonaryo, ayon sa testimonya ng kaniyang kapwa nasasakdal; at sa pamamagitan ng mga diwang ipinalaganap niya sa mga aklat, mga artikulo, mga talumpati, at iba pa, siya ang naghasik ng mga binhi ng rebolusyon. Subalit ang mga saysaying ito ay hindi sapat upang bigyang-katwiran ang pagpapataw ng napakabigat na parusa, parusang wala nang pasubali, hindi mababago, na tulad ng hinihingi para sa nasasakdal. Tinatawag ko ang inyong pansin sa katotohanan na ang mga krimeng ibinibintang kay Rizal ay itinatakda batay sa karaniwang Kodigo Penal. Kaya ang mga tadhanain ng Kodigong ito ang dapat ilapat sa pagtiyak ng pagkakasala at pananagutan. Tinatawag ko rin ang inyong pansin sa katotohanang ang mga paratang laban sa nasasakdal sa paglilitis na ito ay mapagbaba sa mga akusasyon ng mga taong pinararatangan ng katulad nito, sa kaniyang sariling mga pahayag, at sa iba't ibang ulat hinggil sa kaniya na iniharap ng ilang sangay ng pamahalaan. Sa gayon, sa dakong hull ng tinutukoy na Kodigo ay may isang pansamantalang batas na itinakda upang sumaklaw sa paglalapat ng mga artikulo ng Kodigong iyon sa Filipinas. Alinsunod sa isa sa mga alintuntuning itinakda sa Batas na ito, ang ika-52, kailangang ilapat ng mga hukom at hukuman ang mga parusa sa Kodigo sa mga usaping ang pagkakasala ay napatunayan sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na kaparaanan: Malinaw na katibayanPag-amin ng nasasakdalMapaniniwalaang mga saksiPahayag ng mga dalubhasaMga opisyal na kasulatan Tiyak at di-mapasusubaliang mga palatandaan.

Bukod door, isinasaad ng alintuntunin na "mga hukom at hukuman" na walang tinitiyak na anumang pagkakaiba sa mga karaniwang hukom at hukuman, hukom at hukumang militar, o iba pang uri ng tanging hukom o hukuman. Kaya bago ipataw kay Rizal ang al iiirnang parusa na itinatakda ng Kodigo, kailangang tiyakin ang kaniyang pagkakasala sa pamamagitan ng isa sa mga paraang nakatala sa itaas, ang tanging kinikilala ng batas na may kabuluhang makapagpatunay. Sa gayon, napatunayan ha ang pagkakasala sa abot ng sinasabi ng Nag-uusig? Hindi.Suriin muna natin ang mga paratang laban sa kaniya ng kapwa niya nasasakdal. Pansinin na sadya kong tinawag silang "kapwa niya nasasakdal," sapagkat sila ay iniharap sa paglilitis kasama ni Rizal sa usaping rebelyon na bahagi ng kasalukuyang usapin at doon kinuha ang katibayang iniharap sa paglilitis na ito. Anong kabuluhang makapagpapatunay mayroon ang mga akusasyong iyon, gayong ang mga iyon ay gawa ng mga taong pinararatangan ng krimeng katulad ng ipinararatang kay Rizal? Wala kahit ano. Lyon ay walang puwang sa mga paraan ng pagpapatunay na itinatakda ang Alintuntunin 52. Sa gayon, ang mga paratang ay dapat iwaksi ng hukuman. Ang pagkakasala ni Rizal ay dapat patunayan, kung kailangang patunayan, sa pamamagitan ng isa sa mga paraang tinutukoy sa alituntuning iyon, at sapagkat ang mga paratang ay hindi kinapapalooban ng alinman sa mga paraang binanggit, nangangahulugang walang anumang bisa ang mga iyon sa usapin ng nasasakdal. Ang mga ito ay hindi pag-iwas, pagtaliwas o pagdadahilan. Ang nangungusap ay hindi ang Pagtatanggol kundi ang Batas. Maaaring ikatwiran na ang mga kapwa nasasakdal na ito ay maituturing na mga saksi at sa ilalim ng kaayusang iyon ay may bisang makapagpapatunay ng kanilang mga pahayag, sapagkat batay sa Alituntunin 52 ay matatanggap ang pagpapatunay ng mapaniniwalaang mga saksi. Mga ginoo, ito ay isang malaking pagkakamali, at isang pagkakamaling hindi mapatatawad. Una, ang katangiang maging saksi ay angkin lamang ng taong nakasaksi sa isang tiyak na ginawa na wala siyang anumang bahagi sa pagsasagawa niyon, kundi 'y hindi na siya saksi at siya'y isa nang masigasig o sunud-sunurang kasangkot. Samakatwid, walang sinumang nililitis sa isang krimen ang matatanggap na saksi, tulad din ng biktima ng krimen na hindi matatanggap na saksi sapagkat siya'y nahaharap sa paglilitis ay maipalalagay na nagkaroon siya ng bahagi sa sinisiyasat na kagagawan. Ang katangian ng pagiging isang saksi at ang katangian ng pagiging isang kasangkot ay magkaibang-magkaiba. Ikalawa, upang maging balido ang deklarasyon ng isang testigo, siya, ayon sa Alintuntunin 52, ay kailangang mapaniniwalaan; na nangangahulugang kailangang taglay niya ang mga kalagayang kinakailangan para sa lubos na kawalang pagkiling, at ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng pagpapakita na wala siya anumang mapapakinabang kahit tanggaping totoo o hindi ang kaniyang mga pahayag. Sapagkat kung sa pagtanggap sa kaniyang mga pahayag ay makikinabang siya, sa gayon ay nagiging isa siyang may kinikilangang saksi, sapagkat ang pagkiling ay walang iba kundi tungo sa pansariling pakinabang. Sa gayon, hindi na siya isang mapaniniwalaang saksi at hindi mapananaligan ang kaniyang mga pahayag.

At sapagkat ang sinumang taong nahaharap sa paglilitis ay tiyak na gagawin ang lahat upang ang kaniyang mga pahayag ay ituring na makatotohanan, walang al inlangan na kahit tanungin lamang siya bilang isang saksi hindi dapat payagang ibaling niya sa kaniyang kapwa nasasakdal ang mga paratang na iniharap laban sa kanilang lahat. Ang Artikulo 230 ng karaniwang Kodigo Penal ay nagpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo hanggang parusang kamatayan sa mga nagtataguyod o sumusuporta sa isang rebelyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo, o nagpapatibay sa pagpupunyagi ng mga rebelde. Ang Artikuo 232, nagpapataw ng parusang reclusion temporal sa pinakamataas na saklaw niyon, o prision mayor sa katamtamang saklaw niyon hanggang reclusion temporal sa pinakamababang saklaw niyon, na isinasaalang-alang ang uri at mga ginanap na pagkakasala, sa mga taong nagsagawa ng rebelyon. Ang mga kasama ni Rizal sa sakdal ay pinararatangan ng krimeng tulad ng ibinibintang sa kaniya, dili iba't ang itinatakda sa Artikulo 230, ang pagiging tagasulsol, at tagapagtaguyod ng rebelyon; iyon, sa madaling salita, ang pinapatawan ng mga parusang habambuhay na pagkabilanggo hanggang parusang kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit silang lahat, walang itinatangi, ay gumagawa ng lahat ng kanilang makakaya upang palabasin na si Rizal ang tunay at tanging tagasulsol, tagapagtaguyod, at buhay ng rebelyon; sapagkat sa pamamagitan niyon, sila ay nagiging mga kasangkapan lamang sa pagsasakatuparan ng mga utos na tinatanggap ni la kay Rizal, at sa gayon ay makaliligtas sila sa pamamagitan ng pagtanggap ng higit na magaang parusa kaysa ipapataw sa kanila kung wala silang mapagbubuntunan ng bigay ng kanilang sariling pagkakasala. Nananalig ako na alam ng Kagalang-galang na hukuman na, sa puntong panghukuman, sadyang imposibleng di sasalungat sa batas at katarungan na tanggapin ang anumang kabuluhang makapagpapatunay sa alinmang usapin, lalo pa sa usaping ito, sa mga akusasyon at pagsasangkot ng isang nasasakdal laban sa ibang nasasakdal sa iisang usapin; at sa gayon, isa man sa mga paratang ng isang nasasakdal laban sa kasalukuyang nakasakdal ay hindi matatanggap na katibayan. Paksain natin ang isa pang argumento, batay sa sariling mga pahayag ng nasasakdal. Palagiang itinatanggi ni Rizal na siya ang nagtatag ng Liga Filipina at namuno sa mga gawain nito; itinatanggi rin niya ang anumang kinalaman niya sa kasalukuyang rebelyon. Samakatwid ay walang masasabing tiyak, malinaw at tahasang pag-amin sa mga puntong ito, kaya't sadyang wala ang ikalawang paraan ng pagpapatunay na itinatakda ng Alintuntunin 52 (pag-amin ng nasasakdal).