project

7
MUSEO NG REPUBLIKA NG MALOLOS Ang Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa syudad ng Malolos ay may dalawang magkaiba ngunit hindi mapaghihiwalay na mukha: ang simbahan na nagsilbing tahanan ng unang Republika ng Pilipinas at ang katabi nitong kumbento na saksi sa kasaysayang naganap sa simbahan. Isandaan at labimpitong taon matapos ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit Cavite, ang kumbento na ngayo’y naglalaman ng Museo ng Republika ng Malolos ay patuloy na nagbibigay aral ukol sa pakikibaka ng Pilipino tungo sa pagkamit ng minimithing kalayaan sa panahon ng Kastila at Amerikano. Ngunit bukod sa tradisyunal na uri ng paglalahad, ang museo ay nagtuturo ng kasaysayan sa pamamagitan ng interaktibo at digital na paraan. Ang museo ay may limang bulwagan na layong maipaalala sa mga bisita ang kahalagaan ng kasaysayan sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon. Ang unang bulwagan ay naglalaman ng mga paghihirap ng Pilipino sa ilalim ng mapang-aping pananakop ng bansang Espanya sa loob ng mahigit 300 taon. Ang pananakop na ito ang pumigil sa pag-unlad ng bansang Pilipinas. Ang mga naunang hakbang upang makamit ang kalayaan, kabilang na ang mga pagsasagawa ng pag-aaklas laban sa pamahalaan, ay ipinapakita sa unang bulwagan.

Upload: ya-lun

Post on 15-Feb-2016

239 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

project

TRANSCRIPT

Page 1: Project

MUSEO NG REPUBLIKA NG MALOLOS

Ang Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa syudad ng Malolos ay may dalawang magkaiba ngunit hindi mapaghihiwalay na mukha: ang simbahan na nagsilbing tahanan ng unang Republika ng Pilipinas at ang katabi nitong kumbento na saksi sa kasaysayang naganap sa simbahan.

Isandaan at labimpitong taon matapos ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit Cavite, ang kumbento na ngayo’y naglalaman ng Museo ng Republika ng Malolos ay patuloy na nagbibigay aral ukol sa pakikibaka ng Pilipino tungo sa pagkamit ng minimithing kalayaan sa panahon ng Kastila at Amerikano.

Ngunit bukod sa tradisyunal na uri ng paglalahad, ang museo ay nagtuturo ng kasaysayan sa pamamagitan ng interaktibo at digital na paraan.

Ang museo ay may limang bulwagan na layong maipaalala sa mga bisita ang kahalagaan ng kasaysayan sa kalayaang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon.

Ang unang bulwagan ay naglalaman ng mga paghihirap ng Pilipino sa ilalim ng mapang-aping pananakop ng bansang Espanya sa loob ng mahigit 300 taon. Ang pananakop na ito ang pumigil sa pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Ang mga naunang hakbang upang makamit ang kalayaan, kabilang na ang mga pagsasagawa ng pag-aaklas laban sa pamahalaan, ay ipinapakita sa unang bulwagan.

Page 2: Project

MALINTA TUNNEL

Ang Malinta Tunnel ay ang nagsilbing headquarters o ang huling himpilan ng pamahalaang Commonwealth bago pa umalis si Pangulong Manuel L. Quezon sa Amerika. Matatagpuan ito sa isla ng Corregidor. Isa itong mahabang lagusan na kung saan naroon ang ospital na may 1,000 kama, taguan ng sandata at mga opisina ng mga heneral at opisyal ng pamahalaan.Sa kasalukuyan, isa ito sa mga pangunahing atraksyon sa isla dahil maglalakad ka kasama ang mga tour guide sa loob ng madilim na tunnel. Dito ko rin naranasan ang tunay na ibig sabihin ng “nakakabinging katahimikan”dahil kung walang nagsasalita o walang tunog sa loob ng tunnel, maririnig mo ang alingawngaw ng katahimikan. Mararamdaman mo rin dito ang sobrang kadiliman kapag walang ilaw at nilakad din namin ang isang parte ng tunnel kung saan wala kaming ilaw at parang pasikip nang pasikip ang dadaanan kung wala itong ilaw. Nakita din namin ang ilan sa mga lumang kagamitan na ginamit noong dekada ’40 gayundin ang mga lateral na nagsilbing ospital para sa mga biktima ng digmaan.Ang Malinta Tunnel ay magsisilbing isa sa mga makasaysayang lugar sa Corregidor dahil nagsilbi itong lugar para sa pamahalaang Commonwealth noong panahon ng Hapones.

Page 3: Project

ST.JOHN THE BAPTIST CHURCH

Sumakay ako muli ng jeep patungo sa Liliw. Malapit lang ito sa Magdalena at mararating mo ito sa loob ng limang minuto. Sa kabisera ng bayan kung saan

makikita mo ang maraming tindahan ng tsinelas at mga matatamis na pagkain, matatagpuan ang St. John the Baptist Church na ipinatayo noong 1605 na

dating sakop pa ng Nagcarlan ang bayan na ito. Maganda ang pagkakagawa ng simbahan dahil gawa sa bricks ang pader nito.

Page 4: Project

Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang lungsod ng lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may

impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito mula pa noong ika-16 na siglo. Ang Intramuros (Walled City) sa Maynila ang padron ng disenyo nito. Ang Vigan lamang ang pinaka-iingatang halimbawa ng Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas at maging sa buong Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kaya’t noong Disyembre 2, 1999 ay napili

itong mapasama sa UNESCO World Heritage List at naging component city noong Enero 21, 2001.

Paoay Church (also known as the St. Augustine Church in Paoay) is a historical church located in Paoay, Ilocos Norte. During the Philippine Revolution in 1898, its coral stone bell tower was used by the Katipuneros as an

observation post. Paoay Church is part of the UNESCO World Heritage List. It currently is a property of the Diocese of Laoag, Ilocos Norte.

Page 5: Project

Ang Manila Film Center, Lungsod Pasay - ay ipinatayo ng dating unang ginang, Imelda Marcos noong dekada '80 para sa Manila International Film Festival. Noong Nobyembre 17, 1981, kasalukuyang ginagawa ang gusali at habang ibinubuhos ang semento, gumuho ang unang palapag ng nasabing gusali at natabunan ang ilang mga trabahador sa sariwang semento at ang iba naman ay natuhog sa mga upright steel bars. Sa kakulangan ng oras upang makaabot sa pagbubukas ng Film Festival, ang iba ay hindi na hinukay at tinabunan na lamang ng semento at nailibing ng buhay. Mula noon, marami nang mga saksi ang nakakramdam ng mga kahindik-hindik na pagpaparamdam ng mga kaluluwang ayon sa kanila, ay hindi matahimik at humuhingi ng hustisya.

Ang Camp John Hay ay isang 690 ektaryang kampo na itinayo ng mga Amerikano upang maging pook libangan ng mga sundalo ng Department of Defense of America. Ipinangalan ito sa kalihin pandigma ni Pang.

Theodore Roosevelt, at naging Club John Hay nang ibigay ng mga Amerikano ang pasilidad na ito sa pamahalaan ng Pilipinas.

Page 6: Project

Ang Corregidor ay isang pulong nakalagak sa bukana ng Look ng Maynila. Dahil sa kinalalagyan nito, nagsilbi ito bilang pangunahing tanggulan para sa sa look at lungsod ng Manila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naganap ang maraming labanan, maging ang pagbagsak nito at ng mga kapuluan ng Pilipinas na napasa sa mga Hapon. Sa kasalukuyang panahon, ito ay isang mahalagang makasaysayang pook at puntahan ng mga dayuhan. Ito ay pinangangasiwaang ngayon ng Lungsod ng Cavite na sakop rin ito.

Ang Bangko Nasyonal ng Pilipinas ay isang bangkong panlahatan (universal bank) na nakabase sa Pilipinas. Itinayo ito noong 1916. Ito ay na nagbibigay ng saklaw ng pagbabangko at serbisyong pananalapi sa mga korporasyon (corporate), sentrong pamilihan, mga maliliit na negosyo (small-

Page 7: Project

medium enterprises) at mamimiling pantingi, kabilang ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat (overseas Filipino workers), na kasing antas din sa pambansang pamahalaan, mga ahensiya

ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan (local government units) at mga korporasyong may-ari ng pamahalaan sa Pilipinas.

Ang Philippine Postal Savings Bank ay isang bangko ng pagtitipid na itinatag ng gobyerno noong 1906. Ito and pinakamaliit sa tatlong bangkong itinatag ng gobyerno.