pangangalaga sa bahay para sa mga taong

52
MAGSUOT NG MASK UPANG IPAKITA NA IKAW AY NAGMAMALASAKIT HAWAII DEPARTMENT OF HEALTH (KAGAWARAN NG KALUSUGAN NG HAWAII) Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19 Home Care for Persons with COVID-19 - Tagalog

Upload: others

Post on 30-Oct-2021

13 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

MAGSUOT NG MASK UPANG IPAKITA NA IKAW AY NAGMAMALASAKIT

HAWAII DEPARTMENT OF HEALTH (KAGAWARAN NG KALUSUGAN NG HAWAII)

Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

May COVID-19

Home Care for Persons with COVID-19 - Tagalog

Page 2: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong
Page 3: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 3

Aloha,Ang pangangalaga para sa isang taong may COVID-19 ay maaaring maging mahirap. Hindi ka nag-iisa, higit sa 90% ng mga tao sa Hawaiin na nahawa ng COVID-19 ang tumatanggap ng pangangalaga sa kanilang bahay. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang ang lahat ng nasa hustong gulang ay may kaalaman kung paano magkaloob ng pangangalaga sa COVID-19 para sa mga sarili o isang minamahal sa kanilang bahay.

Ang Estado ng Hawaii ay maraming tulong na makukuha mo. Ang libritong ito ay nagkakaloob ng impormasyon upang bumuo ng plano para sa iyo at sa mga minamahal kapag ikaw o ang isang malapit na miyembro ng pamilya o kaibigan ay nahawa ng COVID-19. Ang pagdayal ng 2-1-1 sa iyong telepono ay magkokonekta sa iyo sa Aloha United Way upang lumikom ng impormasyon tungkol sa nakahandang mga tagatulong ng komunidad na maaaring makatulong sa iyo sa panahong ito.

Ang libritong ito ay hindi pumapalit sa payong medikal. Ang mga taong may COVID-19 ay dapat humingi ng payong medikal at pangangalaga mula sa isang lisensiyadong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan. Kung wala kang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan, ang libritong ito ay may impormasyon para sa paghahanap nito. Ang impormasyon tungkol sa COVID-19 ay isinasapanahon habang nadaragdagan ang kaalaman tungkol sa virus. Ang mga pagsasapanahon ay matatagpuan sa hawaiicovid19.com.

Hangad namin ang iyong maganda at matatag na kalusugan!

Aloha,

Hawaii State Department of Health

Page 4: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

4 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Talaan ng mga NilalamanBuuin ang iyong Plano sa COVID-19 ................................................................................................... 6

Listahan ng kontak na mahahalagang tao ...................................................................................... 7

Pangkalahatang-tanaw sa COVID-19 .................................................................................................. 8

Mga sintomas ....................................................................................................................................... 8

Mga taong nasa mas malaking panganib ng matinding COVID-19 .................. 9

Paano kumakalat ang COVID-19 virus? .............................................................................. 10

Patigilin ang pagkalat ng COVID-19 .................................................................................... 11

Bakit dapat mong sundin ang mga rekomendasyon upang PATIGILIN ANG COVID-19 sa pagkalat sa ibang mga tao? ..................................... 12

Alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng paghiwalay at quarantine ................................ 13

Ano ang Pagtunton sa Kontak? ........................................................................................................... 15

Pangangalaga sa isang taong may COVID-19 sa bahay ....................................................... 16

Mga Suplay para sa COVID-19 para sa iyong Sambahayan .................................. 16

Makipag-ugnayan sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ng taong may sakit .................................................................................... 17

Kung wala kang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ........ 17

Mga bagay na dapat talakayin sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ................................................................................................................................. 17

Paghiwalay sa bahay ..................................................................................................................... 18

Mga tagatulong kapag ang paghiwalay ay hindi makakamit sa bahay ........ 19

Pagpili ng Angkop na Tagabigay ng Pag-aalaga ..................................................................... 20

Kaligtasan ng Tagabigay ng Pag-aalaga habang nag-aalaga sa isang taong may COVID-19 ................................................................................................. 21

Kalinisan ng Kamay at Huwag Hawakan ang Mukha ............................................................. 22

Paghuhugas ng kamay ................................................................................................................ 22

Pagpapanatiling hindi hinahawakan ang iyong mukha ......................................... 23

Personal na Nagpoprotektang Kagamitan ................................................................................... 24

Mga Mask .......................................................................................................................................................... 24

Pagsusuot at Paglilinis ng Iyong mga Mask .................................................................... 24

Wastong paglagay at pagtanggal ng mask .................................................................... 25

Page 5: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 5

Face Shield o mga Goggle ..................................................................................................................... 26

Wastong paglagay at pagtanggal ng face shield o mga goggle ...................... 26

Mga Maitatapong Guwantes ................................................................................................................ 27

Upang wastong ilagay ang mga guwantes.................................................................... 27

Upang wastong tanggalin ang mga guwantes ........................................................... 27

Linisin at Idis-impekta ang Kapaligiran ng Bahay ..................................................................... 29

Mga payo para sa paglilinis at pagdis-impekta ............................................................ 30

Pangangalaga ng Katawan, Isipan, at Diwa ................................................................................. 32

Pagsubaybay sa Taong May Sakit sa Bahay ................................................................................. 32

Mga Palatandaan na ang Taong May COVID-19 ay Lumulubha ang Sakit. 33

Paano Kumuha ng Temperatura ........................................................................................... 34

Kaligtasan at Pagkontrol sa Impeksyon: .................................................................. 34

Oral na temperatura (sa pamamagitan ng bibig) ............................................. 34

Rectal na temperatura........................................................................................................ 35

Infrared na Walang Kontak .............................................................................................. 35

Paano Kumuha ng Pulso at Bumilang ng mga Paghinga ...................................... 36

Pagkuha ng pulso ................................................................................................................. 36

Pagbilang ng mga Paghinga ......................................................................................... 37

Oximeter ng Pulso .......................................................................................................................... 37

Paano gamitin ang isang oximeter ng pulso ...................................................... 38

Mga tagatulong ............................................................................................................................................. 38

Aloha United Way 211 .................................................................................................................. 38

Mga Serbisyong Suporta sa Krisis, Kalusugan ng Isip o Paggamot sa Paggamit ng Substance ........................................................................................................ 39

Mga Sentrong Pangkalusugan sa Komunidad.............................................................. 39

Mga Sistema ng Pangangalagang Pangkalusugan sa Katutubong Hawayano ....42

Mga Foodbank .................................................................................................................................. 45

Tulong sa Paghiwalay at Quarantine na kaugnay ng COVID-19 ........................ 46

Mga Pang-emerhensiyang Serbisyong Medikal .......................................................... 47

Talaan ng Temperatura, Paghinga, Pulso, at Oximetry ng Pulso ....................... 49

Page 6: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

6 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Buuin ang iyong Plano sa COVID-19

Mga pangunahing bagay na kailangan kang magplano:

• Edukahan ang sarili: Alamin ang kailangan mo upang alagaan ang isang taong may COVID-19.

• Isaalang-alang ang alam mo na at hindi mo pa alam tungkol sa pangangalaga sa bahay ng may COVID-19.

• Gumawa ng listahan ng mga suplay at kagamitan na kailangan para sa pangangalaga sa bahay ng may COVID-19.

• Unawain na kailangan mong sabihin sa iba na nahantad sa iyo.

• Maging isang lider sa iyong bahay. Turuan at sanayin ang iba sa iyong pamilya tungkol sa pangangalaga sa bahay ng may COVID-19.

• Ang unang hakbang upang simulan ang iyong plano sa COVID-19 ay repasuhin itong librito ng Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19.

LISTAHAN NG DAPAT TIYAKIN SA COVID-19

Page 7: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 7

Listahan ng kontak na mahahalagang taoKumpletuhin ang form na ito (bago magsimula) para sa iyo at ibang mga tao na maaaring magkaloob ka ng pangangalaga:

Tagapagkaloob ng Pangangalagang Pangkalusugan

Pangalan: ___________________________ Telepono: _____________________

Address: __________________________________________________________

Parmasya

Pangalan: ___________________________ Telepono: _____________________

Address: __________________________________________________________

Pang-emerhensiyang Kontak para sa Iyong Pamilya

Pangalan: ___________________________ Kaugnayan: ___________________

Telepono: ___________________________ Email: ________________________

Miyembro ng Pamilya na Makakagawa ng mga Desisyon para sa Iyo Kung Kailangan

Pangalan: ___________________________ Kaugnayan: ___________________

Telepono: ___________________________ Email: ________________________

(Mga) Paaralan na Pinapasukan ng Miyembro ng Pamilya

Pangalan: ___________________________ Telepono: _____________________

Pangalan: ___________________________ Telepono: _____________________

Pangalan: ___________________________ Telepono: _____________________

Suporta sa Pamilya (Mga pagkain, gamot, suplay, atbp.)

Pangalan: ___________________________ Kaugnayan: ___________________

Telepono: ___________________________ Email: ________________________

Page 8: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

8 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Pangkalahatang-tanaw sa COVID-19Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay dulot ng isang bagong strain ng coronavirus na tinatawag na Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS CoV-2). Halos bawat bansa sa mundo ay nagkaroon ng mga kaso ng COVID-19. Sa Hawaii mga 7-10% ng mga nagkaroon ng sakit ay nangangailangan ng pagpapaospital.

Mga sintomas

• Mga sintomas ng COVID-19:

» Lagnat na 100.4°F o mas mataas

» Inuubo » Pangangapos ng hininga

» Mga pananakit ng kalamnan at mga kirot

» Pagsusuka o pagtatae

» Panginginig

» Bagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy

» Masakit na lalamunan

» Sakit ng Ulo

» Pagkapagod

Page 9: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 9

• Ang mga sintomas ay lumilitaw mga 2-14 araw pagkatapos mahantad sa virus mula sa ibang tao.

• Ang mga tao ay maaaring makahawa ng ibang mga tao mula sa dalawang araw bago lumitaw ang mga sintomas hanggang 10 araw pagkatapos magsimula ang mga sintomas.

• Maraming tao ang magkaroon ng COVID-19 nang walang mga sintomas at maaaring magkalat ng impeksyon sa ibang mga tao.

• Ang mga sintomas ay maaaring mula sa banayad hanggang sa matindi.

Ang mga taong nasa mas malaking panganib ng matinding COVID-19 ay kinabibilangan ng:

• Matatanda (65+)

• Mga taong may:

» Kanser

» Patuloy na sakit sa bato

» COPD (chronic bronchitis at emphysema)

» Demensya o iba pang neurolohikal na kondisyon

» Diabetes Mellitus (Type 1 o 2)

» Down Syndrome

» Mga kondisyon sa puso (panghihina ng puso, sakit sa arterya ng puso, o mga sakit sa kalamnan ng puso o cardiomyopathy)

» Impeksiyon ng HIV

» Kalagayan kung saan nakompromiso ang iyong kakayahang lumaban sa sakit (mahinang immune system)

» Sakit sa atay

» Sobrang timbang at labis na katabaan

» Pagbubuntis

» Sickle cell disease

» Paninigarilyo

» Stroke

» Mahinang immune system mula sa pag-transplant ng solidong organ o stem cell

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang manatiling malusog at kontrolado ang mga di-gumagaling na sakit sa panahong ito ng pandemya. Kung ikaw ay naninigarilyo o gumagamit ng vape, inirerekomenda namin ang pagtigil.

Page 10: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

10 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Paano kumakalat ang COVID-19 virus?

Direktang Kontak Tao-sa-Tao Ang COVID-19 virus ay kumakalat mula sa isang tao patungo sa ibasa pamamagitan ng:

• Maliliit na patak ng paghinga na nagkakaroon ng matinding paglaki kapag may ubo o pagbahin o malakas na pagsasalita o pagkanta (kaya…takipan ang iyong bibig kapag umuubo, bumabahin, higit pang lumayo mula sa mga taong nagsasalita nang malakas).

• Paglanghap ng hangin kung saan ang COVID-19 ay lumulutang sa masyadong maliliit na patak - panatilihing bukas ang mga bintana kung magagawa.

Hindi Diretsong Kontak Ang isang taong may COVID-19 ay humipo sa isang bagay at nag-iiwan doon ng virus. Ang ibang tao ay hihipo sa lugar na ito, at saka hahawak sa kanyang mukha, hahayaang pumasok ang mikrobyo sa katawan sa pamamagitan ng ilong, bibig o mga mata.

Ito ang dahilan kung bakit ang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng bahay ay napakahalaga! Bagaman ang COVID-19 virus ay maaaring mabuhay sa mga ibabaw sa ilang oras o mas matagal, ang pagkalat mula sa paghipo sa mga ibabaw ay hindi ipinapalagay na isang karaniwang paraan na kumakalat ang COVID-19.

Mahalagang tandaan: Ang mga taong nahawa at walang mga sintomas ay maaaring maikalat ito sa iba sa pamamagitan ng diretsong kontak o hindi diretsong kontak. Sila ay maaari pang maging mga super spreader (nagkakalat sa maraming tao)!

Page 11: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 11

Patigilin ang pagkalat ng COVID-19• MANATILI sa bahay kung ikaw ay may sakit

maliban kung kukuha ng pangangalagang medikal.

• Iwasan ang kontak sa mga taong may sakit.

• Madalas na hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay (kalinisan sa kamay).

• Ang tagabigay ng pag-aalaga ay dapat na laging maghugas ng kanilang mga kamay pagkatapos makontak ang isang miyembro ng pamilya na may COVID-19.

• Huwag hawakan ang iyong mukha!

• Gumamit ng face mask.

• Huwag lumapit sa ibang tao at iwasan ang mga umpukan. Manatiling hindi bababa sa 6 na talampakan ang layo mula sa mga taong hindi nakatira sa iyong bahay.

• Etiketa sa ubo- takipan ang iyong bibig at ilong kapag umuubo o bumabahin.

• Linisin / idis-impekta ang mga ibabaw sa iyong bahay gamit ang pambahay na pandis-impekta.

• Kumuha ng taunang iniksiyon sa trangkaso upang hindi ka magkaroon ng trangkaso at COVID-19 nang magkasabay.

• Kumuha ng bakuna sa COVID-19. Pinipigilan ng mga bakuna sa COVID-19 na magkaroon ka ng COVID-19. Kung magkakaroon ka ng COVID-19 pagkatapos mabakunahan, tinutulungan ka ng bakuna para hindi ka magkaroon ng malalang sakit. Itinuturing na ganap nang nabakunahan ang mga tao 14 na araw pagkatapos matanggap ang ika-2 dosis ng serye na may 2 dosis o isang dosis para sa bakunang may isang dosis.

Page 12: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

12 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Bakit dapat mong sundin ang mga rekomendasyon upang PATIGILIN ANG COVID-19 sa pagkalat sa ibang mga tao?Panatilihing ligtas ang iyong pamilya at isaalang-alang ang maaaring mangyari sa katawan, damdamin, at diwa kung may magkaroon ng COVID-19 sa iyong bahay.

• Tayong lahat ay dapat magkaroon ng diwa ng kīnā‘ole na nangangahulugang dapat nating gawin ang tama!  

• May kapangyarihan kang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa isang minamahal o kaibigan.

» Makakagawa tayo ng mga hakbang upang bawasan ang posibilidad ng paghawa sa ating mga kaibigan at pamilya.

• Wala sa atin na may gustong mahawa ng COVID-19 ang mga minamahal. Gawin ang iyong bahagi upang manatiling ligtas at maging sensitibo sa pasanin sa damdamin na nililikha ng COVID-19 sa ating komunidad.

• Mangangailangan ng pagtatrabaho nating magkakasama (hana pū ‘ana) upang protektahan ang ating komunidad, mga pamilya at ang ating mga sarili.

Kīnā‘oleGawin ang tamang bagay, sa tamang paraan, sa tamang lugar, para sa tamang dahilan, na may tamang pakiramdam...sa unang pagkakataon!

Page 13: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 13

Alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng paghiwalay at quarantineAng Paghiwalay ay para sa taong nasuring positibo o nasuring may COVID-19 anuman ang katayuan ng pagpapabakuna. Maliban sa pagkuha ng medikal na pangangalaga, dapat kang manatili sa bahay o sa isang pasilidad sa paghiwalay hanggang:

• Hindi bababa sa 10 araw na ang lumipas mula noong unang lumitaw ang mga sintomas o kung walang sintomas, mula noong isagawa ang pagsusuri sa COVID-19 AT

• Hindi bababa sa 24 na oras na ang lumipas na walang kang lagnat (nang hindi gumagamit ng mga gamot para sa pampababa ng lagnat) AT

• Bumubuti ang ipang sintomas (hal., ubo, pangangapos ng hininga).

Maaaring kailangan mong maghintay nang hanggang 20 araw kung nagkaroon ka ng malalang kaso ng COVID-19 o nakompromiso ang iyong kakayahang lumaban sa sakit. Dapat itong suriin ng iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan. Huwag magkaroon ng malapit na kontak sa sinumang hindi nakatira sa iyong bahay. Naka-quarantine ang mga miyembro ng sambahayan na hindi nababakunahan.

Ang Quarantine ay para sa isang kontak na hindi pa ganap na nabakunahan* at nahantad sa isang taong may COVID-19. Ang ibig sabihin nito, ang taong nagkaroon ka ng kontak ay may mga sintomas ng COVID-19 at/o nagkaroon ng positibong pagsusuri sa COVID-19 (nabakunahan o hindi nabakunahan). Kung hindi mo maiiwasan ang kontak sa taong positibo sa COVID-19, ang quarantine ay 10 araw†. Kung hindi mo maiiwasan ang kontak, dapat kang manatili sa bahay habang nakahiwalay ang taong may COVID-19 AT para sa 10 karagdagang araw. Isaalang-alang ang 14 na araw ng quarantine kung maaari mong mahantad ang isang nakatatanda, taong nakompromiso ang kakayahang lumaban sa sakit, o may iba pang salik ng panganib para sa mga malalang resulta kung mahawaan ng SARS CoV-2.

*Itinuturing na ganap na nabakunahan ang mga tao 2 linggo pagkatapos matanggap ang kanilang ika-2 dosis sa seryeng may 2 dosis o 2 linggo pagkatapos ng bakuna sa COVID-19 na may isang dosis. †Pinaiiral pa rin ang 14 na araw ng quarantine sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga tao (hal., mga pasilidad para sa pangmatagalang pangangalaga, mga bahay para sa pangangalaga sa grupo, mga pasilidad sa tinutulungang pamumuhay, mga pasilidad sa pagwawasto, mga tirahang kanlungan, mga lugar para sa rehabilitasyon at paggamot sa tahanan, pabahay sa militar, atbp.).

Page 14: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

14 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

• Ang mga kontak sa sambahayan (mga malapit na kontak) ay ang mga taong nakatira sa parehong bahay at may patuloy na kontak sa taong may COVID-19.

» Ang mga tagapangalaga at kontak sa sambahayan na hindi nabakunahan ay dapata manatiling naka-qurantine habang may sakit ang miyembro ng pamilya at para sa 10 araw pagkatapos ihinto ang paghiwalay sa miyembro ng sambahayan na may COVID-19. Ito ay dahil maaaring nahawaan ka sa bandang katapusan ng sakit ng miyembro ng iyong pamilya.

» Ang mga tagapangalaga at kontak sa sambahayan na ganap nang nabakunahan ay hindi kailangang mag-quarantine, pigilang pumasok sa trabaho, o suriin dahil maliit ang panganib na magkaroon ng impeksyon.* Dapat silang magbantay para sa mga sintomas ng COVID-19 sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng pagkakahantad. Ang mga ganap nang nabakunahang kontak sa sambahayan na nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 ay dapat magpasuri para sa COVID-19 at humiwalay kung masuring positibo.

» Anuman ang katayuan sa pagpapabakuna, dapat gumamit ang mga tagapangalaga at kontak ng personal na nagpoprotektang kagamitan at dapat silang sumunod sa mga hakbang sa pag-iingat.

Kung hindi ka naninirahang kasama ng taong may COVID-19 AT walang mga sintomas:

• Manatili sa bahay sa loob ng 10 araw mula nang huli kang nagkaroon ng malapit na kontak sa taong may COVID-19 maliban kung ganap ka nang nabakunahan.

• Hindi kailangang manatili sa bahay ng iyong mga kontak sa sambahayan maliban kung nasuri silang positibo o may sakit sila.

Para sa parehong paghiwalay at quarantine, ihiwalay ang sarili sa ibang mga tao sa iyong bahay. Kung kailangan mong makasama ang ibang mga tao sa loob o labas ng bahay, magsuot ng face mask. Huwag gumamit ng anumang uri ng pampublikong transportasyon, ride sharing, o taksi.

*Inirerekomenda ang pagsusuri pero hindi ang quarantine para sa mga ganap nang nabakunahang kontak, tagapangalaga, empleyado ng mga pasilidad sa pagwawasto at detensyon, at kanlungan para sa mga walang tirahan. Kung kabilang ka sa isa sa mga grupong ito, dapat kang magbantay para sa mga sintomas ng COVID-19 sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng pagkakahantad.

Page 15: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 15

Ano ang Pagtunton sa Kontak?Ang pagtunton sa nakontak ay kapag ang isang tao mula sa Hawaii Department of Health o ibang opisyal na organisasyon ay tumawag sa iyo at humingi ng impormasyon tungkol sa mga tao at lugar na pinuntahan ng may sakit na tao. Ito ay upang malaman ang iba pang mga tao na maaaring nahantad sa taong may COVID-19.

Kapag nakatanggap ka ng tawag mula sa Hawaii Department of Health, mangyaring makipag-usap sa kanila sa telepono at sagutin ang kanilang mga tanong. Ang impormasyong ibibigay mo sa Hawaii Department of Health ay kailangan upang pigilan ang virus na nagdudulot ng COVID-19 sa pagkalat nito sa ibang mga tao.

Mahalagang tandaan na ang Pagtunton sa Kontak ay hindi pumapalit sa payong medikal para sa COVID-19 mula sa iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mong kontakin agad ang iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan kung naghihinala ka na ikaw ay may COVID-19 o nakakaranas ng ubo, lagnat, o pagkawala ng panlasa o pang-amoy na maaaring dahil sa COVID-19. Kung wala kang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan, o kung ikaw ay may mga tanong, tumawag sa 2-1-1 o bisitahin ang www.auw211.org. Maaari mo ring kontakin ang isang sentrong pangkalusugan ng komunidad (tingnan ang pahina 39).

Kung ikaw ay nasuring positibo para sa COVID-19, gumawa ng isang listahan ng lahat ng nagkaroon ka ng malapit na kontak habang ikaw ay may sakit (isama ang mula sa 2 araw bago ka nagkasakit o kung ikaw ay walang mga sintomas, mula sa dalawang araw bago ka sumailalim sa pagsusuri para sa COVID-19). Ipagbigay-alam sa kanila na sila ay nahantad sa COVID-19. Tandaang gumawa ng kı¯na¯‘ole, at tawagan ang iyong malalapit na kontak.

Alerto!Alerto!

Alerto!

Nahawa ng COVID-19

Alerto!

Page 16: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

16 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Pangangalaga sa isang taong may COVID-19 sa bahayMga Suplay para sa COVID-19 para sa iyong Sambahayan

Mahalagang magkaroon ng mga suplay na makukuha NGAYON upang MAGHANDA kung sakaling ang isang miyembro ng pamilya ay may sakit na COVID-19. Nasa ibaba ang isang listahan ng inirerekomendang mga suplay para sa COVID-19 para sa iyong bahay.

� Gumaganang thermometer

� Ang mga gamot (mga gamot na karaniwang ginagamit mo at mga gamot sa lagnat)

� Pagkain (mga inihandang pagkain at mga hindi nabubulok na pagkain). Gumawa ng mga plano kasama ang mga miyembro ng pamilya na makakatulong sa paghahatid ng mga meal at pagkain

� Paglilinis at pagdis-impekta ng mga suplay (sabon, tubig, nagdidis-impektang mga pamunas, bleach o pandis-impekta*)

» *Tandaan: Huwag linisin ang ibabaw gamit ang straight bleach. Ang matatapang na bleach fume ay makakapinsala sa mga baga ng iyong pamilya. Sumangguni sa pahina 30 para sa paghahalo ng tubig sa bleach.

� Sabon, batay sa alkohol na sanitizer ng kamay

� Mga mask, glove, face shield, goggle

� Lined trash can

� Mga suplay ng beybi, kung may beybi sa bahay

� Mga suplay ng pet

� Aliwan (mga card, laro, libro, magasin, puzzle, atbp. habang inihihiwalay o nasa quarantine)

� Pinagkukunan ng komunikasyon sa ibang mga tao (gumaganang cell phone at charger para sa telehealth at pagkontak sa pamilya at mga kaibigan)

Page 17: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 17

Makipag-ugnayan sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ng taong may sakit

� Tawagan ang kanilang opisina at ipagbigay-alam sa kanila na ang isang miyembro ng iyong pamilya ay nasuring positibo para sa COVID-19. Itanong sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan kung ano ang dapat mong gawin upang maalagaan ang isang taong may COVID-19.

� Tiyaking sabihin sa kanila ang tungkol sa mga pangmatagalan at hindi gumagaling na kondisyon sa kalusugan na maaaring mayroon ang tao, ang kanilang edad, at katayuan sa pagpapabakuna.

Kung wala kang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan

Kung wala kang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan, maaari kang: � Tumawag sa mga Community Health Center (CHC) sa buong estado. Ang

mga CHC ay tumitingin sa mga pasyente anuman ang kanilang kakayahang magbayad. Ang impormasyon tungkol sa CHC ay nasa likod ng libritong ito. O

� Tawagan ang Queens Health Systems COVID-19 Infoline sa (808) 691-2619 (ang iba pang impormasyon para sa Queens Health Systems COVID-19 Infoline ay matatagpuan sa likod ng librong ito). O

� Tumawag sa 2-1-1

Mga bagay na dapat talakayin sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan

� Pagsusuri para sa COVID-19 ang mga resulta ng pagsusuri para sa taong may sakit.

� Ang mga gamot na dapat gamitin para sa lagnat o ibang mga sintomas. � Pansunod na hakbang at payong medikal. � Ang mga tuntunin sa COVID-19 na ginagamit ng opisina ng tagapagkaloob

ng pangangalagang pangkalsugan sa pagtingin sa mga pasyente. » Kung ang telehealth ay ginagamit ng opisina ng tagapagkaloob ng

pangangalagang pangkalusugan, tiyakin na ikaw ay may koneksyon sa internet.

� Itanong ang mga sintomas na dapat kang humingi ng karagdagang pangangalaga o kailan tatawag sa 911 para sa taong may sakit.

� Itanong ang tungkol sa dami ng mga araw na dapat ihiwalay ang taong may sakit. � Itanong ang tungkol sa dami ng mga araw para sa quarantine para sa

tagapagkaloob ng diretsong pangangalaga at para sa ibang mga taong nakatira sa bahay.

Page 18: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

18 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Paghiwalay sa bahay

Ang taong nasuring positibo para sa COVID-19 ay dapat:

� Manatili sa bahay maliban kung kailangan mo ng pangangalagang medikal.

� HUWAG PUMUNTA SA TRABAHO, PAARALAN O ANUMANG PAMPUBLIKONG LUGAR (Tindahan ng groseri, istasyon ng gas, aklatan, dalampasigan, parke, atbp.) AT HUWAG GUMAMIT NG PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON (Bus, taksi, ride share tulad ng Uber o Lyft, atbp.).

� HUWAG tumanggap ng mga bisita sa bahay. Maaaring bumisita ang mga ganap nang nabakunahang bisita na walang panganib para sa mga malalang komplikasyon na dulot ng COVID-19. Dapat magsuot ng face mask ang mga bisitang ganap nang nabakunahan.

� Dapat ihiwalay ng taong may COVID-19 ang mga sarili sa ibang mga tao sa bahay.

» Manatili sa isang nakahiwalay na silid at sarhan ang pinto.

» Kung posible, gumamit ng nakahiwalay na banyo.

» Huwag hipuin ang mga aytem na maraming gumagamit sa bahay (TV remote, mga countertop, microwave, atbp.).

» Kung ang taong may sakit ay kailangang makasama ng iba, ang bawat isa sa bahay ay dapat magsuot ng face mask.

» Ang taong may sakit ay dapat magsuot ng mask, kung kaya nilang tiisin ito.

� Lahat ng meal ay dapat kainin sa nakahiwalay na silid na malayo sa iba.

� Buksan ang isang bintana na may isang bentilador na humihihip ng hangin sa labas ng bahay para sa mabuting daloy ng hangin at upang bawasan ang COVID-19 virus sa hangin.

Kung ang taong may COVID-19 ay walang nakahiwalay na silid upang humiwalay, maaari kang gumawa ng isang pisikal na hadlang sa pamamagitan ng pagsabit ng isang shower curtain sheet, o kumot upang lumikha ng isang nakahiwalay na espasyo.

Page 19: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 19

Mga tagatulong kapag ang paghiwalay ay hindi makakamit sa bahay

Ang Hawaii Department of Health ay naghanda ng mga tagatulong kung ang taong positibo sa COVID-19 ay hindi kayang ihiwalay nang sapat ang sarili sa bahay.

� Tawagan ang Aloha United Way 2-1-1 at humingi ng isang interpreter kung kailangan mo nito. Ipagbigay-alam sa Aloha United Way 2-1-1 na ang isang miyembro ng pamilya ay may COVID-19 at walang paraan para maihiwalay sa bahay.

� Humiling para sa mga alternatibong akomodasyon. (tingnan ang Tulong sa Paghiwalay at Quarantine sa COVID-19 sa pahina 46).

� Maliban kung ganap na silang nabakunahan, kakailanganing lumayo ng mga miyembro ng pamilya sa nakahiwalay na tao at hindi sila dapat bumisita hanggang sa gumaling at matapos ang paghiwalay sa nahawaang tao. Tiyakin na kumuha ng mga inirerekomendang suplay para sa COVID-19 na nasa pahina 16 na kakailanganin mo bago pumunta sa paghiwalay mula sa iyong bahay.

� Ang isang miyembro ng pamilya ay maaaring pagsuutin ng mask at imaneho ang taong may sakit, na may mask din, patungo sa pasilidad ng paghiwalay na malayo sa bahay. Ang mga bintana ng sasakyan ay dapat buksan kung ipinahihintulot ng panahon.

Page 20: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

20 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Pagpili ng Angkop na Tagabigay ng Pag-aalagaMainam kung ganap na nabakunahan ang tagapangalaga pero kung hindi, limitahan ang tagapangalaga sa isang tao lang. Ang isang tagabigy ng pag-aalaga ay magbabawas ng bilang ng mga taong mahahantad sa nahawang tao. Ang tagabigay ng pag-aalaga ay dapat manatili sa bahay habang nag-aalaga sa sambahayan sa isang miyembro ng pamilya na positibo sa COVID-19. Ang tagabigay ng pag-aalaga ay dapat manatili sa quarantine para sa 10 o 14 na karagdagang araw gaya ng itinagubilin ng kinatawan ng pampublikong kalusugan pagkatapos matugunan ng taong may sakit ng COVID-19 ang mga pamantayan upang tapusin ang paghiwalay sa bahay. Hindi kailangang mag-quarantine ng mga ganap nang nabakunahang tagapangalaga at indibidwal, pero kailangan nilang patuloy na gamitin ang personal na nagpoprotektang kagamitan habang inaalagan ang taong may sakit. Ito ay dahil ang tagabigay ng pag-aalaga ay itinuturing na nahantad sa COVID-19.

Ikaw ay HINDI DAPAT maging isang tagabigay ng pag-aalaga sa isang taong positibo para sa COVID-19 kung ikaw ay:

• 65 taong gulang o mas matanda

• May isa o higit na napapaloob na malaki ang panganib na mga kondisyong medikal na hindi mahusay na nakokontrol, halimbawa:

» Patuloy na sakit sa bato

» COPD (chronic bronchitis o emphysema)

» Diabetes Mellitus type 2

» Cardiovascular (heart) disease

• Buntis

Kung ang alinman sa nasa itaas ay angkop sa iyo, ikaw ay nasa malaking panganib para sa matinding sakit mula sa COVID-19 o maaaring mangailangan ng mga ekstrang pag-iingat.

Page 21: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 21

Kaligtasan ng Tagabigay ng Pag-aalaga habang nag-aalaga sa isang taong may COVID-19

• Huwag hawakan ang iyong mukha. Maging alerto para HINDI mahawakan ang iyong mukha, ilong, o mga mata.

• Magsuot ng mask kapag nasa kwarto ng taong may sakit o kapag mas mababa sa 6 na talampakan ang layo ninyo sa isa’t isa.

• Hugasan o i-sanitize ang iyong mga kamay nang madalas.

• Magsuot ng mga glove kapag hinahawakan ang mga bagay na hinawakan ng taong may sakit.

• Isipin kaagad ang mga pangangailangan ng taong may sakit para hindi niya kailangang lumabas ng kwarto niya.

• Panatilihing mahusay ng bentilasyon ng silid ng taong may sakit (bukas ang bintana, palabas na hinihipan ng bentilador ang hangin).

• Subaybayan ang sarili para sa mga sintomas ng COVID-19.

» Kunin ang iyong temperatura dalawang beses sa isang araw (umaga at gabi o kung may bagong mga sintomas na tulad ng lagnat, pangangapos ng hininga, paninikip ng dibdib, o paghihirap sa paghinga).

» Subaybayan ang sarili para sa ubo o pangangapos ng hininga.

• Tawagan agad ang iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan kung ikaw ay magkaroon ng anumang mga sintomas.

Page 22: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

22 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Kalinisan ng Kamay at Huwag Hawakan ang MukhaPaghuhugas ng kamay

Ang kalinisan ng kamay ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa diretsong kontak sa mga bagay na may virus. Mahalagang tandaan na hugasan ang iyong mga kamay nang madalas at wasto.

• Hugasan ang mga kamay bago at pagkatapos magkaloob ng pag-aalaga sa isang taong may sakit.  

• Hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig para sa hindi bababa sa 20 segundo.

• Kung walang sabon at tubig, gumamit ng sanitizer ng kamay na nagtataglay ng hindi bababa sa 60% alkohol.

Page 23: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 23

Pagpapanatiling hindi hinahawakan ang iyong mukha

Alam mo ba na ang pangkaraniwang tao ay humihipo sa kanyang mukha o buhok nang mga 20 beses sa isang oras?

• Ang mga mikrobyo sa iyong mga kamay ay pumupunta sa iyong mukha at makakapasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng mga mata, ilong, o bibig.

• Huwag kalimutan ang tungkol sa paghipo sa mukha.

Ang ilang payo upang makatulong na huwag hawakan ang iyong mukha ay:

• Hilingin sa isang kaibigan na sabihin sa iyo kapag hinipo mo ang iyong mukha.

• Ipagunita sa iba kapag nakita mo silang hinihipo ang kanilang mukha.

• Panatilihing abala ang iyong mga kamay sa pamamagitan ng paglalagay sa mga ito sa iyong bulsa o paghawak ng isang bagay.

• Upuan ang iyong mga kamay.

• Magrelaks

Page 24: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

24 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Personal na Nagpoprotektang KagamitanMga Mask

Bakit dapat kang magsuot ng mask? Ang isang mask ay maaaring makaharang ng maliliit na patak mula sa taong may sakit at makaprotekta sa ating mga minamahal at kaibigan.

Ang pagsusuot ng tamang mask ay mahalaga. Ang mga mask ay dapat magtaglay ng dalawa o higit na suson ng mahihingahan at mahuhugasang tela. Ang mga mask ay dapat na lubos na matakipan ang iyong ilong at bibig. Ang mga mask ay dapat magkasya nang lapat sa mga panig ng iyong mukha at kailangang walang mga puwang.

Pagsusuot at Paglilinis ng Iyong mga Mask

• Laging magsuot ng mask kapag nasa silid na kinaroroonan din ng may sakit na miyembro ng pamilya.

• Sabihin sa taong may sakit na magsuot din ng mask kapag ikaw ay nasa silid.

• Palitan ang iyong mask kung ito ay narumihan, nasira, o nabasa.

• Itago ang iyong mask sa isang papel na bag o ibilad ito sa araw.

• Mahuhugasan mo ang mga telang mask sa laundry, subukang gamitin ang mainit na tubig at kung mayroon, ilagay sa dryer sa mataas na init.

• Tiyakin na wastong ilagay at tanggalin ang mask.

• LAGING hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos ilagay o tanggalin ang isang face mask. Ang labas ng mask ay maaaring may virus.

Page 25: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 25

Wastong paglagay at pagtanggal ng mask

Upang wastong ilagay ang mask:

• Hugasan muna ang iyong mga kamay.

• KUNG ikaw ay muling gagamit ng isang mask, HUWAG hipuin ang telang mask, hipuin lamang ang mga silo o tali para sa tainga.

• Mask na may mga silo para sa tainga:

» Hawakan ang mask sa mga silo at ilagay sa mga tainga.

» Tiyakin na ang mask ay tumatakip sa ilong, bibig at kumakapit sa ilalim ng baba.

• Mask na may mga tali:

» Itali muna ang mga pang-ibabaw na mga tali.

» Ginagamit ang mga pang-ilalim na tali, hilahin ang mask sa ibabaw ng iyong ilong at bibig patungo sa ilalim ng baba.

» Itali ang mga pang-ilalim na tali.

Upang wastong tanggalin ang mask:

• KUNG muling gagamitin ang mask, maghanda ng isang papel na bag at buksan ito pang maihulog ang mask dito at agad na hugasan ang iyong mga kamay. Kung wala kang papel na bag, ang isang mahihingahang sisidlan ay magagamit.

• HUWAG hipuin ang tela ng mask, tanging ang mga silo o tali para sa tainga ang hipuin.

• Mga silo para sa tainga ng mask:

» Hawakan ng parehong kamay ang mga silo sa likod ng mga tainga.

» Hilahin ang mask at ihulog ito sa papel na bag.

• Mask na may mga tali:

» Kalagin ang pang-ilalim na tali.

» Kalagin ang pang-ibabaw na tali na pinananatili ang mga pang-itaas na tali sa iyong mga daliri.

» Ihulog ang mask sa bag.

» Hugasan ang iyong mga kamay.

Page 26: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

26 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Face Shield o mga Goggle

Kung ang taong inaalagan mo ay may ubo, maaari mo ring isaalang-alang ang pagsusuot ng face shield o mga goggle. Ang pagsusuot ng face shield o goggle ay makakatulong na pigilan ang maliliit na patak sa paghinga na bumagsak sa iyong mga mata. Tiyakin na isuot ang iyong mask kasama ng iyong face shield o mga goggle.

Wastong paglagay at pagtanggal ng face shield o mga goggle:

Upang ilagay ang face shield o mga goggle:

• Sundin muna ang mga hakbang upang ilagay ang mask.

• Ilagay ang face shield o mga goggle pagkatapos mong ilagay ang mask.

Upang tanggalin ang face shield o mga goggle:

• Tanggalin ang face shield o mga goggle.

• Tanggalin ang iyong mask.

• Hugasan ang iyong mga kamay.

Page 27: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 27

Mga Maitatapong Guwantes

Laging magsuot ng mga guwantes kapag hinihipo ang miyembro ng iyong pamilya na may COVID-19 o hinahawakan ang alinman sa kanilang mga bagay tulad ng dinnerware, mga kumot, at damit. Gumamit ng mga guwantes kapag naglilinis ng anumang lugar kung saan nanggaling ang may sakit na miyembro ng iyong pamilya. Tiyakin na may lined trash can o bag na malapit sa iyo kapag tinatanggal mo ang iyong mga guwantes. PARA SA LAHAT NG KALAGAYAN, KUNG WALA KANG MGA GUWANTES, HUGASAN AGAD ANG IYONG MGA KAMAY AT GAWIN ITO NANG MADALAS.

Upang wastong ilagay ang mga guwantes

• Tanggalin muna ang matatalas na singsing o bracelet.

• Hugasan at patuyuin ang iyong mga kamay.

• Isuot ang bawat guwantes.

• Siyasatin ang mga guwanes para sa mga butas o sira. Kung may mga butas o sira, palitan ang guwanes.

Upang wastong tanggalin ang mga guwantes

• Kumuha ng isang bag o lined trash can na may bukas na ibabaw upang pagtapunan ng mga guwantes.

• Sa kamay na unang-unang ginagamit, hawakan ang lugar ng palad ng kabilang guwantes sa kabilang kamay at hilahin ang guwantes at lamukusin sa iyong kamay habang hinihila ito.

• Panatilihing nakalamukos sa iyong kamay ang guwantes.

• Inatin ang iyong kamay na nakapatong pa rin ang guwantes.

• Sa iyong kamay na walang guwantes, padaanin ang dalawang daliri sa ilalim ng cuff ng guwantes sa ibabaw lamang ng palad.

Page 28: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

28 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

• Angatin ang cup at kurutin ito mula sa loob ng guwantes gamit ang iyong mga daliri at hinlalaki.

• Hubarin ang guwantes sa ibabaw ng nakarolyong guwantes sa iyong kamay.

• Ang guwantes na katatanggal mo pa lang ay babaliktad na may nilamukos na guwantes sa loob nito.

• Itapon ang mga guwantes sa isang bag o lined trash can.

• Hugasan ang iyong mga kamay. Madaling makakuha ng mga mikrobyo mula sa isang taong may sakit sa iyong mga kamay kapag nagtatanggal ng mga guwantes.

• Dapat kang magpraktis ng pagtanggal ng iyong mga guwantes nang maraming ulit sa pamamagitan ng mga guwantes na hindi pa nagagamit para sa isang taong may sakit.

• PARA SA LAHAT NG KALAGAYAN, KUNG WALA KANG MGA GUWANTES, HUGASAN AGAD ANG IYONG MGA KAMAY AT GAWIN ITO NANG MADALAS.

Page 29: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 29

Linisin at Idis-impekta ang Kapaligiran ng BahayAng paglilinis at pagdis-impekta ng bahay nang palagian ay tumutulong na bawasan ang coronavirus sa bahay at pigilan ang pagkalat ng virus. Mahalagang malaman na hindi lahat ng produktong panlinis ay ginagamit sa magkakaparehong paraan.

Ang mga ibabaw ay dapat linisin bago idis-impekta. Ang pagbabasa at pagsunod sa mga direksiyon ng produkto para sa paggamit ay nagtataas ng pagiging mabisa ng produkto at nagbabawas ng pinsala sa gumagamit. Kapag naglilinis at nagdidis-impekta, ang tagabigay ng pag-aalaga ay dapat magsuot ng mga inirerekomendang guwantes, proteksiyon sa mata, o anumang ibang mga proteksiyon na nakalista sa tatak. Ang paglilinis ay nagtatanggal ng mga mikrobyo at dumi mula sa mga ibabaw. Ang paglilinis ay hindi pumapatay sa mga mikrobyo. Ang paglilinis ay nag-aalis ng mga mikrobyo mula sa mga ibabaw kaya nagbababa ng bilang at pagkalat ng impeksyon.

Ang pagdis-impekta ay paggamit ng mga kemikal upang patayin ang mga mikrobyo sa mga ibabaw. Dapat mong linisin ang dumi at dungis mula sa mga ibabaw bago magdis-impekta. Ang pagdis-impekta ay tumutulong na bawasan ang panganib ng pagkalat ng impeksyon. Ang mga pandis-impekta na pumapatay sa virus na nagdudulot ng COVID-19 ay matatagpuan sa website ng US Environmental Protection Agency (https://www.epa.gov/pesticide-registration/list-n-disinfectants-coronavirus-covid-19.)

PANDIS-IMPEKTA

Page 30: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

30 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Mga payo para sa paglilinis at pagdis-impekta

• Isuot ang personal na nagpoprotektang kagamitan na inirerekomenda sa tatak ng produktong tulad ng mask, mga goggle, face shield, guwantes, atbp.

• Sundin ang mga tagubilin sa paggamit na nasa tatak ng produkto.

Kung gagamit ng bleach:

» Basahin ang tatak upang matiyak na ang bleach at nagtataglay ng 5% - 9% sodium hypochlorite. Ang pambahay na bleach na hindi nagtataglay ng 5% - 9% sodium hypochlorite o isang splashless bleach product ay hindi angkop para sa pagdis-impekta.

» Sundin ang mga tagubilin sa sisidlan para sa paghahalo ng tubig sa bleach. Kung ang sisidlan ay walang mga tagubilin para sa paghahalo ng tubig sa bleach, ang impormasyon ay matatagpuan sa https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/disinfecting-your-home.html

• Tanggalin ang personal na nagpoprotektang kagamitan ayon sa mga tagubilin sa hanbuk na ito at itapon ang mga ito sa isang lined trash can.

• Hugasan agad ang mga kamay pagkatapos tanggalin ang nagpoprotektang kagamitan.

Page 31: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 31

Laundry ng Taong May Sakit

• Isuot ang mga guwantes ayon sa mga tagubilin sa libritong ito.

• Ang maruming laundry mula sa isang taong may sakit ay maaaring labahang kasama ng laundry ng ibang mga miyembro ng pamilya.

• Huwag alugin ang maruming laundry ng taong may sakit, na maaaring magpadala ng virus sa hangin.

• Hugasan ang mga aytem ayon sa mga tagubilin ng manufacturer gamit ang pinakamainit na tubig.

• Gumamit ng isang dryer na nasa mataas na init kung mayroon at lubos na tuyuin ang mga aytem.

• Linisin at idis-impekta ng mga hamper ng damit. Kung posible, lagyan ng bag ang hamper o laundry basket na mitatapon o hugasan.

• Hubarin ang mga guwantes ayon sa mga tagubilin sa libritong ito.

Mga Dish at Utensil

• Hawakan ang mga plato, cup, baso, o gamit sa pagkain nang may suot na mga guwantes.

• Hugasan ang mga dish at utensil gamit ang mga maitatapong guwantes, sabon at mainit na tubig o sa isang dishwasher.

• Hugasan ang mga kamay pagkatapos hubarin ang iyong mga guwantes o hawakan ang mga nagamit nang aytem.

Basura

• Kung posible, gumamit ng isa lamang trash can para sa taong may sakit.

• Gumamit ng mga guwantes kapag magtatanggal ng mga bag ng basura.

• Hugasan ang mga kamay pagkatapos.

Page 32: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

32 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Pangangalaga ng Katawan, Isipan, at Diwa

Kung ikaw ay isang tagabigay ng pag-aalaga, dapat mong isipin ang katawan, isipan, at diwa ng taong may sakit at ng iyong sarili. Upang pangalagaan ang sarili ikaw ay dapat na:

• Magpahinga, kumain ng nagpapalusog na pagkain, uminom ng maraming likido, at mag-ehersisyo.

• Tiyakin na ikaw ay may mga suplay at bagay na kailangan mo.

• Manatiling nakikipag-ugnayan sa mga minamahal at kaibigan sa pamamagitan ng telepono o internet.

• Alamin na maraming tagatulong na nakahandang tumulong sa iyo.

• Tandaan na kung magtatrabaho tayong magkakasama, malalampasan natin ang lahat ng ito.

Pagsubaybay sa Taong May Sakit sa Bahay

Tiyakin na subaybayan ang tao araw-araw at buong araw para sa pagtaas ng tindi ng sakit. Ang pagkuha at pagrekord ng temperatura, pagtingin kung gaano kabilis humihinga ang taong may sakit, at pagkuha ng kanilang pulso ay nagkakaloob ng mahalagang impormasyon kapag nakikipag-usap sa tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan ng taong may sakit. Ang impormasyon tungkol sa pagkuha ng temperatura, pagbilang ng mga paghinga sa pagkuha ng pulso, at paggamit ng oximetry ng pulso ay kasama sa libritong ito (nagsisimula sa pahina 34).

• Kumuha ng temperatura nang hindi bababa sa 2 beses sa isang araw, sa umaga at sa gabi. Kung ang temperatura ay umakyat ng mas mataas sa 100.4°F, tawagan ang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan.

• Tingnan kung gaano kabilis na humihinga ang taong may sakit at kung sila ay may pangangapos ng hininga.

Page 33: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 33

• Kung ikaw ay may oximeter ng pulso, sukatin ang oxygen sa dugo ng taong may sakit.

• Tingnan kung ang taong may sakit ay nagkaroon ng bagong balisa o nalilitong asal.

• Ang isang talaan ay matatagpuan sa likod ng libritong ito upang irekord ang impormasyon.

Mga Palatandaan na ang Taong May COVID-19 ay Lumulubha ang Sakit

Magbantay para sa mga palatandaan na ang taong may sakit ay lumulubha ang sakit. Subaybayan ang taong may sakit at lahat ng naninirahan sa bahay para sa mga sintomas ng COVID-19. Ang mga sintomas ng COVID-19 ay nakalista sa pahina 8 ng libritong ito.

Ang mga sintomas na nagpapakitang ang isang tao ay lumulubha ang sakit at ang sakit ay mas matindi ay kinabibilangan ng:

• Nahihirapang huminga

• Patuloy na pananakit o puwersa sa dibdib

• Pagkalito

• Nahihirapang manatiling gising o nahihirapang gumising

• Asul na kulay sa mga labi o mukha

Kung ang alinman sa mga sintomas na ito ay magsimula, humingi agad ng payong medikal o tumawag sa 911.

Kapag tatawag sa 911:

• Ipagbigay-alam sa kanila na ang tao ay may COVID-19 at/o ang kanilang mga sintomas ay lumubha.

• Tiyakin na ang mga mask ay isinusuot ng taong may sakit at ng mga mangangailangang magkaroon ng malapit na kontak sa mga manggagawa ng ambulansiya o ng kagawaran ng bumbero.

• Kung posible, makipagtagpo sa kagawaran ng bumbero o ambulansiya sa labas.

• Maghanda ng isang listahan ng gamot na may pangalan ng mga gamot/dosis/oras/ruta (halimbawa, oral, naiiniksiyon, atbp.).

Page 34: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

34 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Tandaan na 4 sa 5 tao ay magkakaroon ng banayad o kainamang sintomas, pero 1 sa 5 ay magkakaroon ng matitinding sintomas.

Ang Mga Pang-emerhensiyang Serbisyong Medikal (ambulansiya) ay nagkaloob ng pangkalahatang impormasyon kapag kumontak sa 911 para sa ambulansiya. Ang impormasyon ay matatagpuan sa pahina 47.

Paano Kumuha ng Temperatura

Kaligtasan at Pagkontrol sa Impeksyon

• Laging linisin ng alkohol ang thermometer pagkatapos ng bawat paggamit.

• Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at tubig bago at pagkatapos mong kumuha ng temperatura.

• Hiuwag gamitin ang kaparehong thermometer para sa mga oral at rectal na temperatura.

• Malinaw na tatakan ang mga oral at rectal na temperatura.

Oral na temperatura (sa pamamagitan ng bibig)

• Maghintay ng 30 minuto bago kumuha ng temperatura kung mayroon kang kinain o ininom.

• Paandarin ang digital thermometer.

• Ilagay ang dulo ng thermometer sa ilalim ng dila patungo sa likod ng molar na mga ngipin at sarhan ang bibig.

• Para sa mga digital thermometer, maghintay ng beep bago tanggalin ang thermometer.

• Para sa mga mercury thermometer, maghintay ng 3-5 minuto bago tanggalin ang thermometer.

Page 35: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 35

Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng lugar ng bibig sa ilalim ng dila.

Rectal na temperatura

Ang isang rectal na temperatura ay makukuha sa isang sanggol, bata o nasa hustong gulang na hindi kayang gumawa ng seal sa kanilang bibig.

• Padulasin ang dulo ng rectal rectal thermometer sa pamamagitan ng tubig o Vaseline®.

• Sukat ng bata:

» Maliit na bata: humiga, itaas ang mga tuhod

» Mas matandang bata: humiga nang patagilid, itaas ang isang binti

• Ipasok ang dulo ng thermometer isang pulgada sa loob ng rectum.

• Para sa mga digital thermometer, maghintay ng beep bago tanggalin ang thermometer.

• Para sa mga mercury thermometer, maghintay ng 3-5 minuto bago tanggalin ang thermometer.

Infrared na Walang Kontak

• Sundin ang mga tagubilin ng manufacturer.

Wastong paglalagay ng oral thermometer

Frenulum ng dila Sublingual pocket

Page 36: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

36 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Paano Kumuha ng Pulso at Bumilang ng mga Paghinga

Ang iyong pulso ay ang bilang ng pagtibok ng iyong puso sa isang minuto. Ang iyong mga paghinga ay ang dami ng paghinga mo sa isang minuto.

Pagkuha ng pulso

• Hugasan ang iyong mga kamay.

• Magagamit mo ang pupulsuhan o ang crease ng braso upang kumuha ng pulso.

• Pupulsuhan

» Pagsamahin ang hintuturo at panggitnang daliri.

» Marahang ilagay sa panig ng hinlalaki kung saan nagtatagpo ang kamay at pupulsuhan.

» Idiin at bahagyang galawin hanggang maramdaman mo ang pulso.

• Crease ng braso:

» Pagsamahin ang hintuturo at panggitnang daliri.

» Marahang ilagay sa panloob na bahagi kung saan nagtatagpo ang pang-ibaba at pang-itaas na braso.

» Idiin at bahagyang galawin hanggang maramdaman mo ang pulso.

• Gumamit ng isang orasan na may ikalawang kamay o isang cell phone timer.

• Pakiramdaman ang pulso at saka bilangin ang mga tibok na nararamdaman mo para sa 60 segundo.

• Ang bilang ng pulso habang ang mga tao ay nagpapahinga ay pangkaraniwang nasa mga 60 – 100 tibok kada minuto at maaaring nasa mga 50 para sa isang taong atletiko. Kung ang iyong pulso pagkatapos magpahinga nang mga 5 minuto ay namamalaging nasa labas ng range na ito, kumonsulta sa iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan.

• Magpraktis sa mga miyembro ng iyong pamilya.

Page 37: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 37

Pagbilang ng mga Paghinga

Payo: Huwag sabihin sa tao na binibilang mo ang kanilang mga paghinga. Maaaring baguhin nito ang paraan ng kanilang paghinga.

• Magbantay para sa pagtaas at pagbaba ng dibdib.

• Ang paghinga nang papasok (pagtaas) at palabas (pagbaba) ay isang paghinga.

• Bilangin sa isang minuto ang dami ng mga paghinga. Para sa mga nasa hustong gulang, ang mga normal na paghinga kada minuto ay nasa pagitan ng 12 at 20. Bilangin sa isang minuto ang dami ng mga paghinga habang nagpapahinga at nakarelaks. Para sa mga nasa hustong gulang, ang mga normal na paghinga kada minuto ay nasa pagitan ng 12 at 20 habang nagpapahinga. Kung ang dami ng iyong paghinga ay patuloy na higit sa 20 paghinga kada minuto, kumonsulta sa iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan. Kung ikaw ay nahihirapang huminga, tumawag sa 911.

• Pansinin ang mga sumusunod para sa bawat paghinga:

o Lalim: normal, mababaw, o malalim.

o Rhythm: regular o di-regular.

o Pantay: ang inspiration (papasok na paghinga) at expiration (palabas na paghinga) ay dapat na magkapareho.

o Makinig para sa mga di-normal na tunog.

Oximeter ng Pulso

Ang ilang bahay ay maaaring may oximeter ng pulso na magagamit. Ang isang oximeter ng pulso ay sumusukat ng dami ng oxygen sa dugo.

Maaaring gustuhin ng iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan na subaybayan kung gaano kahusay na gumagana ang iyong mga baga upang magpasok ng oxygen sa iyong katawan sa pamamagitan ng pagsasabi sa iyo na tingnan ang mga antas ng oxygen gamit ang isang oximeter ng pulso. Kung ikaw ay pinagagamit ng isang oximeter ng pulso, sasabihin sa iyo ng iyong tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan kung ilang beses sa

Page 38: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

38 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

isang araw na susukatin mo ang antas ng oxygen ng taong may sakit. Ang iyong antas ng oxygen ay tinatawag ding oxygen saturation level (sPO2).

Normal sPO2 antas ay 95% o mas mataas. Kung ang sPO2 ng taong may sakit ay mas mababa kaysa 95%, dapat mong tawagan ang kanilang tagapagkaloob ng pangangalagang pangkalusugan.

Paano gamitin ang isang oximeter ng pulso

Ang mga hakbang upang sukatin ang oxygen saturation level ay:

1. Buksan ang pakete ng oximeter ng pulso at basahin ang mga tagubilin. Ipasok ang mga baterya.

2. Tiyakin na walang nail polish sa kuko.

3. Tiyakin na ang mga kamay ng taong may sakit ay hindi malamig.

4. Paandarin ang oximeter ng pulso.

5. Pisilin ang clip at ilagay ang oximeter ng pulso sa hinlalaki o sa ika-3 daliri o ika-2 daliri. Bitiwan ang clip.

6. Umupo nang hindi gumagalaw, maghintay ng 30 segundo, saka tingnan ang ipinakikita.

7. Tawagan ang tagapagkaloob ng pangangalagang pangklusugan kung ang oxygen saturation level ay mas mababa kaysa 95%.

8. Humingi ng atensiyong medikal kung ang oxygen saturation level ay mas mababa kaysa 90% o nahihirapan kang huminga.

Mga tagatulongAloha United Way 211

• Nakahanda 7 AM hanggang 10 PM, 7 araw sa isang linggo

• Tumawag sa: 211 o 1-877-275-6569 mula sa kahit saan sa Hawaii

• Text: 877-275-6569, i-type ang iyong zip code sa mensahe

• Email: [email protected]

• Website: www.auw211.org

Page 39: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 39

• Ang 211 ay makakapagkonekta sa iyo sa mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan

» Pagkain

» Tirahan

» Pinansiyal na tulong

» Mga serbisyo sa may kapansanan

Mga Serbisyong Suporta sa Krisis, Kalusugan ng Isip o Paggamot sa Paggamit ng Substance

• Tawagan ang Hawaii CARES sa 1-800-753-6879 (TTY 7-1-1)

• I-text ang ALOHA sa 741741

MGA SENTRONG PANGKALUSUGAN SA KOMUNIDAD

Hawaii Island

Bay Clinic, Inc1178 Kinoole Street, Building BHilo, HI 96720Telepono: (808) 333-3600Website: www.bayclinic.org

Hamakua Health Center45-549 Plumeria StreetHonokaa, HI 96727Telepono: (808) 775-7204Website: www.hamakua-health.org

West Hawaii Community Health Center75-5751 Kuakini Highway, Suite 104Kailua-Kona, HI 96740Telepono: (808) 326-5629Website: https://www.westhawaiichc.org

Page 40: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

40 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Kauai

Kauai Community Health Center4800D Kawaihau RoadKapaa, HI 96746Telepono: (808) 240-0170Website: www.hoolalahui.org

Lanai

Lanai Community Health Center333 Sixth StreetLanai City, HI 96763Telepono: (808) 565-6919Website: www.lanaihealth.org

Maui

Malama I Ke Ola Health Center1881 Nani streetWailuku, HI 96793Telepono: (808) 871-7772Website: www.ccmaui.org

Hana Health4590 Hana HighwayHaiku, HI 96713Telepono: (808) 248-8294Website: www.hanahealth.org

MolokaiMolokai Community Health Center30 Oki PlaceKaunakakai, HI 96748Telepono: (808) 553-5038Website: www.molokaichc.org

Page 41: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 41

Oahu

Kalihi-Palama Health Center915 North King StreetHonolulu, HI 96817Telepono: (808) 848-1438Website: www.kphc.org

Kokua Kalihi Valley Comprehensive Family Services2239 North School StreetHonolulu, HI 96819Telepono: (808) 791-9410Website: www.kkv.net

Koolauloa Health Center56-119 Pualalea StreetKahuku, HI 96731Telepono: (808) 293-9216Website: https://www.koolauloachc.org/

Wahiawa Center for Community Health302 California Ave., Suite. 106Wahiawa, HI 96786Telepono: (808) 622-1618Website: www.wahiawahealth.org

Waianae Coast Comprehensive Health Center86-260 Farrington HighwayWaianae, HI 96792Telepono: (808) 697-3300Website: www.wcchc.com

Waikiki Health45-277 Ohua AvenueHonolulu, HI 96815Telepono: (808) 922-4787Website: www.waikikihc.org

Page 42: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

42 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Waimanalo Health Center41-1347 Kalanianaole HighwayWaimanalo, HI 96795Telepono: (808) 259-7948Website: www.waimanalohc.org

NATIVE HAWAIIAN HEALTH CARE SYSTEMSMay limang naglilingkod sa ilang isla. Ang mga sistemang ito ng paghahatid ng pangangalagang pangkalusugan ay nagkakaloob ng pangunahin, dental, pang-asal na pangangalagang pangkalusugan gayon din ng mga programang nagtataguyod ng kalusugan at pag-iwas sa sakit, pakikipag-ugnayan, pagpapatala at pagiging karapat-dapat, at mga pagrekomenda sa mga naglulunas sa Hawaii. Ang limang Native Hawaiian Health Care Systems na ito, ang Native Hawaiian Health Scholarship Program at Papa Ola Lōkahi ay bumubuo sa pederal na Native Hawaiian Health Program.

Kauai

Mga lokasyon sa Hoola Lahui Hawaii: (Kauai at Niihau)

Kaua‘i Community Health Center4800-D Kawaihau RoadKapaa, Hawaii 96746 Medikal: (808) 240-0170 Dental: (808) 240-0180 Kalusugang Pang-asal: (808) 240-0194Website: hoolalahui.org

Waimea Medical, Dental & Behavioral Health Clinic4653-B Waimea Canyon RoadWaimea, Hawaii 96796 Medikal (808) 240-0140 Dental (808) 240-0150 Kalusugang Pang-asal (808) 240-0194Website: hoolalahui.org

Page 43: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 43

Hoola Fitness Center 3-3204 Kuhio Highway, #105-106 Lihue, Hawaii 96766 Telepono: (808) 245-8933 Website: hoolalahui.org

Parmasya at mga Opisinang Pampangasiwaan4491 Rice Street Lihue, Hawaii 96766Telepono: (808) 240-0200Website: hoolalahui.org

Oahu

Mga lokasyon sa Ke Ola Mamo:

Ke Ola Mamo Medical Clinic321 North Kuakini Street, Suite 308Honolulu, Hawaii 96817 Telepono: (808) 440-6852 Website: keolamamo.org

Urban HonoluluLomilomi, Hooikaika Fitness Center, Programang Dental, Pagtataguyod ng Kalusugan 680 Iwilei Road, Suite 500 Honolulu, Hawaii 96817 Telepono: (808) 848-8000 Website: keolamamo.org

Waianae 87-2070 Farrington Highway, Suite CWaianae, Hawaii 96792 Telepono: (808) 668-1110 Website: keolamamo.org

Page 44: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

44 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Hauula Koolauloa 54-10 Kukuna Road. Hauula, Hawaii 96717 Telepono: (808) 232-2222Website: keolamamo.org

Waimanalo Koolaupoko 41-253 Ilauhole Street Waimanalo, Hawaii 96795 Telepono: (808) 259-6666Website: keolamamo.org

Lanai

Na Puuwai Telepono Lamang: (808) 565-7204 Website: napuuwai.org

Maui

Mga lokasyon sa Hui No Ke Ola Pono:

Wailuku (Cameron Center) 95 Mahalani Street, #21Wailuku, Hawaii 96793Telepono: (808) 244-4647Website: hnkop.org

Hana Community Center5101 Uakea Road, #D18Hana, Hawaii 96713Telepono: (808) 442-6860Website: hnkop.org

Molokai

Na Puuwai 604 Maunaloa Highway, Bldg. C Kaunakakai, Hawaii 96748 Telepono: (808) 560-3653 Website: napuuwai.org

Page 45: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 45

Hawaii Island

Mga lokasyon sa Hui Malama Ola Na Oiwi:

1438 Kılauea Avenue Hilo, Hawaii 96720 Telepono: (808) 969-9220Website: hmono.org/

Family Medicine Clinic 82 Puuhonu Place, Suite 209 Hilo, Hawaii 96720 Telepono: (808) 796-3125Website: hmono.org/

Mga FoodbankHawaii Island

Pamamahagi ng PagkainWebsite: https://coronavirus-response-county-of-hawaii-hawaiicountygis.hub.arcgis.com/pages/food-distribution

Kauai

Kauai Hawaii Food BankTelepono: (808) 482-2224Website: www.hawaiifoodbank.org/kauai

Kauai Independent FoodbankTelepono: (808) 246-3809Website: www.kauaifoodbank.org/Programs/Get-Help

Maui

Maui Food BankTelepono: (808) 243-9500\Website: www.mauifoodbank.org

Page 46: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

46 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Oahu

Hawaii Food BankTelepono: (808) 836-3600Mga Website: www.hawaiifoodbank.org

Mga Tagatulong sa PagkainWebsite: https://www.oneoahu.org/food-resources

Tulong sa Paghiwalay at Quarantine sa COVID-19 Kung hindi mo kayang humiwalay o mag-quarantine sa bahay:County ng Honolulu:Tawagan ang Hawaii CARES 1-800-753-6879 (TTY 7-1-1)Tawagan angl We Are Oceania helpline sa 808-913-1364

County ng Hawaii:Hilo: Tumawag sa 808-974-6006Kona: Tumawag sa 808-322-4880

County ng Maui:Tumawag sa 808-984-8213 Lunes - Biyernes 7:45 a.m. hanggang 4:30 p.m.Tumawag sa 1-800-360-2575 Pagkaraan ng mga karaniwang oras

County ng Kauai:Tumawag sa 808-241-3563 Lunes – Biyernes 7:45 a.m. hanggang 4:30 p.m.Tumawag sa 808-241-3496 Pagkaraan ng mga karaniwang oras

The Queen’s Health Systems COVID-19 Infoline – Makipag-usap sa isang Rehistradong nars tungkol sa COVID-19Tumawag sa: (808) 691-2619Bukas: Lunes – Biyernes 8:00 a.m. – 8:00 p.m.Sabado – Linggo8:00 a.m. – 4:30 p.m.Website: https://www.queens.org/covid19/home

Page 47: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 47

Mga Pang-emerhensiyang Serbisyong MedikalAng impormasyon ay angkop para sa lahat ng county sa Estado ng Hawaii.

Kailan ka dapat tumawag sa 911 para sa mga Pang-emerhensiyang Serbisyong Medikal?

Habang ang pagpapakahulugan ng lahat sa isang emerhensiya ay magkakaiba, ang mga ito ay mga halimbawa ng kung kailan tatawag agad sa 911.

1. Ang pasyente ay nakakaranas ng pananakit ng dibdib, paghihirap huminga o pangangapos ng hininga

2. Hindi makontrol ang pagdurugo ng pasyente

3. Namiminto ang panganganak

4. Ang pasyente ay nakakaranas ng panghihina o paralisis sa isang bahagi ng katawan

Kapag tatawag ka sa 911, asahan na tatanungin ka ng isang serye ng mga tanong ng EMS dispatcher.

1. Ang unang tanong ay laging, ano ang lokasyon ng iyong emerhensiya?

2. Ang isang serye ng mga tanong ay magkakaloob sa tumutugong tauhan ng EMS ng may kaugnayang impormasyon tungkol sa kung ano ang masamang nangyayari sa pasyente.

3. Ikaw ay tatanungin ng:

a. Naghihintay ka ba ng mga resulta ng pagsusuri para sa COVID-19 o nagkaroon ng malapit na kontak sa sinuman na naghihintay?

b. Ikaw ba ay positibo para sa COVID-19 o mayroon bang positibo sa iyong sambahayan o mga malapit na kontak mo?

c. Ikaw ba ay may lagnat, ubo, bagong pagkawala ng panlasa o pang-amoy, pagsusuka o pagtatae? Ikaw ba ay nagkaroon ng kontak sa sinumang may mga ganitong sintomas?

Page 48: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

48 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

d. Naglakbay ka ba? Nagkaroon ka ba ng kontak sa sinumang naglakbay?

4. Mangyaring manatiling kalmado sa tawag at sagutin ang lahat ng tanong nang makatotohanan at tumpak hanggang magagawa.

5. Ang dispatcher ay magpapadala ng tauhan/ambulansiya sa sandaling makuha nila ang iyong address na matatagpuan sa mapa.

6. Kung kaya mo, lumabas upang salubungin ang mga manggagawa ng Mga Pang-emerhensiyang Serbisyong Medikal.

Kapag dumating ang EMS sa iyong bahay, mangyaring maging handa

1. Sa panahon ng pandemyang COVID-19, mangyaring magsuot ng mask habang ang mga paramediko at EMT ay nasa iyong bahay, lugar ng trabaho, o lokasyon ng emerhensiya.

2. Magpanatili ng isang ligtas na distansiyang sosyal mula sa mga tauhan. Maghintay na lapitan ka ng mga tauhan.

3. Ipagbigay-alam sa mga tauhan ng EMS pagdating nila kung ikaw o ang isang miyembro ng sambahayan ay positibo o maaaring positibo para sa COVID-19.

4. Ilayo ang anumang mga pet.

5. Wastong tatakan ang lahat ng iyong gamot at maging handa sa pag-alis.

6. Kung ang miyembro ng iyong pamilya ay may Physician Orders for Life-Sustaining Treatment o POLST form, mangyaring ihanda ito.

Page 49: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

Magsuot ng Mask Upang Ipakita na Ikaw ay Nagmamalasakit 49

Talaan ng Temperatura, Paghinga, at Oximetry ng Pulso

Araw 1 Araw 2 Araw 3 Araw 4 Araw 5 Mga Tala

Temperatura AM

Temperatura PM

Paghinga AM

Paghinga PM

Pulso AM

Pulso PM

Pulso Ox

Pulso Ox

Pulso Ox

Pulso Ox

Araw 6 Araw 7 Araw 8 Araw 9 Araw 10 Mga Tala

Temperatura AM

Temperatura PM

Paghinga AM

Paghinga PM

Pulso AM

Pulso PM

Pulso Ox

Pulso Ox

Pulso Ox

Pulso Ox

Page 50: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

50 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

Mga PagkilalaAng mga sumusunod ay kinikilala para sa kanilang paglahok sa proyektong ito.

Mga Pang-emerhensiyang Serbisyong Medikal

Lungsod at County ng Honolulu Dibisyon ng Mga Pang-emerhensiyang

Serbisyong MedikalKorey Chock, MICT

Kawanihan ng EMS, Kagawaran ng Bumbero ng Hawaii

Chris Honda, Hepe ng Batalyon

County ng MauiCurt Morimoto, Tagapagmahala ng

mga Pagpapatakbo ng MauiDavid Mendonsa, PA-C, MICT

County ng KauaiTito Villanueva, Tagapamahala ng mga

Pagpapatakbo ng Kauai

Hawaii Department of Health

Dibisyon ng Pagpigil sa Di-gumagaling na Sakit at Pagtataguyod ng Kalusugan

Lola IrvinChris “CJ” Johnson

Gail Ogawa

Dibisyon ng Nakakahawang Sakit at Pag-aalaga ng Pampublikong Kausugan

Glenn Wasserman, M.D., M.P.H.

Sangay ng Pag-aalaga ng Pampublikong Kalusugan

Gloria Fernandez, DNP, RN, PHNA-BC

Holly Ann Kataoka, BSN, RNJodie Sanada, MSN, APRNChristina Takara, BSN, RN

Dibisyon ng Pagkontrol sa Biglang Pagkalat ng Sakit

Sangay ng Imbestigasyon sa SakitChantelle Matagi

Nichole Pulver

Sangay ng Imyunisasyon Marcia Nagao, M.D., M.P.H.Douglas Hatch, M.D., M.P.H.

Katherine E. Center, PhD

Hawaii National Guard

Task Force Medical Col. Mark Young

LTC Jason Iyomasa

Hawaii Primary Care AssociationRobert Hirokawa, Dr.PH

Papa Ola LokahiKim Ku’ulei Birnie

Sheri-Ann Daniels, Ed.D.

University of Hawaii School of Nursing and Dental Hygiene

Kristine Qureshi, PhD, RN, FAAN, CEN, PHNA-BC

Page 51: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong
Page 52: Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong

52 Pangangalaga sa Bahay para sa mga Taong May COVID-19

David Ige, Gobernador ng HawaiiElizabeth A. Char, MD, Direktor ng Kalusugan

Para sa karagdagang impormasyon mangyaring kontakin ang:

Hawaii State Department of HealthDibisyon ng Nakakahawang Sakit at Pag-aalaga ng Pampublikong

KausuganSangay ng Pag-aalaga ng Pampublikong Kalusugan

1700 Lanakila Avenue, Room 201Honolulu, Hawaii 96817

Telepono: (808) 832-3773

WALANG DISKRIMINASYON SA MGA SERBISYOKami ay nagkakaloob ng akses sa aming mga programa at aktibidad nang hindi isinasaalang-alang ang lahi, kulay, bansang pinagmulan, wika, edad, kasarian, relihiyon, o kapansanan. Sulatan o tawagan ang Public Health Nursing Branch o ang aming Affirmative Action Officer sa P.O. Box 3378, Honolulu Hawaii 96801-3378 o (808) 586-4110 (boses/TTY) sa loob ng 180 araw ng problema.

Hulyo 2021